Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Transcript of Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
KABANATA 1
•Nagsimula na sumulat ng Ibong Adarna sa
pamamagitan ng pagbati at pagpuri kay Birheng
Maria.
• Sabi ng manunulat si Birheng Maria ay nagbubukas ng kanyag
pag-iisip para hindi siya magkaroon ng pagkakamali sa kanyang sinusulat dahil siya ay
mortal lamang at ang katawan at isip niya ay mahina.
• Ikinumpara niya ang kanyang sarili sa isang bangkang
naglalayag at nakarating sa isang bahagi ng dagat kung saan hindi
na niya kaya maglayag pa.
•Humingi siya ng gabay sa Inang Birheng para
magkaroon ng patutunguhan ang kanyang buhay. Ninais din niya na sana ay pakinggan ng Birheng Maria ang kanyang
nilikhang korido.
KABANATA 2
• Si Don Fernanado, ang hari ng Berbanya, ay mabait at
iginagalang ng lahat, mahirap man o mayaman. Mataas ang
pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang kaharian. Ang kanyang
asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay sobrang ganda at walang
katulad sa bait.
•Mayroon silang tatlong anak: Si Don Pedro ang panganay, si Don Diego
ang pangalawa at si Don Juan naman ang bunso. Si Don Pedro ay
may magandang tindig. Si Don Diego naman ay may pagkamahiyain at
mahinahon magsalita.
• Si Don Juan naman ay napakabait at sobrang
mapagmahal. Silang talo ay mahal na mahal ng kanilang mga
magulang.
• Isang araw, itinanong ni Haring Fernando kung ano ang gusto nilang
maging pagdating ng panahon. Pinapili sila kung gusto nilang
maging hari o maging pari. Lahat sila ay nagnais na maging hari kung
kaya’t sila ay pinagaral sa paggamit ng armas.
• Naging maganda ang Berbanya dahil sa mabuting pamumuno ni haring
Fernando. Ngunit isang gabi ay nagkaroon ng masamng panaginip
ang hari. Si Don Juan daw ay napahamak at pinatay ng dalawang
tao. Matapos na mapatay si Don Juan, ang katawan nito ay inihagis sa
isang balon.
• Nagising ang hari dahil sa labis na kalungkutan. Nagkasakit siya ng maulbha at naging mahina ang
pangangatawan. Walang makaalam kung ano ang naging sakit ng hari
maliban sa isang manggagamot. Ang sakit daw ng hari ay dahil sa
kanyang masamang panaginip.
• Ang tanging magiging kagamutan ay ang awit ng Ibong Adarna na
nakatira sa Bundok Tabor.Ito ay tumitigil sa Piedras Platas at
tumitigil lamang doon kung gabi.• Agad na inutusan ng hari si Don Pedro na magpunta sa bundok at
kunin ang ibon.
KABANATA 3
• Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng ama. Sakay siya ng isang kabayo
at naglakbay sa loob ng tatlong buwan para marating ang Bundok
Tabor. Nakita niya ang isang punongkahoy, ang Piedras Platas, na
kumikislap na parang diyamate.
•Mayabong at bukod tangi ang mga dahon ng puno. Nagpahinga
siya sa ilalim ng puno kahit walang mga ibon na dumadapo sa puno. Noong nakatulog siya
dumating na ang Ibong Adarna.
•Umawit ang Ibon Adarna ng pitong beses at nagbago ang
balahibo ng pitong beses. Dumumi ang ibon at
napatakan si Don Pedro at naging bato ito.