Holy spirit DEMO
-
Upload
mark-anthony-bartolome -
Category
Documents
-
view
114 -
download
1
Transcript of Holy spirit DEMO
![Page 1: Holy spirit DEMO](https://reader036.fdocuments.net/reader036/viewer/2022082310/55ae01251a28ab8a7e8b466f/html5/thumbnails/1.jpg)
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN
I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nailalarawan ang salitang Estado;
B. Natutukoy ang mga elemento ng estado;
C. Nasasabi ang tungkulin bilang mamamayan ng Pilipinas;
II. NILALAMAN
Paksa: Elemento ng estado at Pilipinas bilang isang estado.
Kagamitan: graphic organizers at visual aids
Sanggunian:
Cruz, et.al, Pilipinas isang sulyap at paggyakap: batayang aklat sa API, Edcrisch Int’l Inc.,
Makati city, 2006, pahina 270-272.
Forneste, Kalinangan sa Kasaysayan ng Pilipinas, Mind Builders Publishing House Inc.,
Quezon City, 2012, pahina 324-329.
III. PAMAMARAAN NG PAGTUTUTRO
A. Panimulang Gawain
Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagdarasal
Pagbati sa guro
Pagsasanay
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang may salungguhit.
1. Maraming mamamayan ang Pilipinas
2. Malawak ang teritoryo ng Pilipinas.
3. Pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga tao.
4. Ang Pilipinas ay malaya na sa pangongontrol ng Espanya
B. Panlinang na Gawain
Pagganyak
Paglalahad ng guro ng awitin:
PILIPINAS ISANG ESTADO
(Jingle Bells)
Ang Pilipinas ay isang estadong
May mamamayang naninirahan
May teritoryo ding, saklaw at hangganan
May pinuno ring namamahala
Itoy Malaya rin sa pangogontrol, ng ibang estado
Hey! Pilipinas2x tunay na estado
Pilipinas2x may mamamayan
Hey! Pilipinas2x may teritoryo
Pilipinas2x may pamahalaan
Hey! Pilipinas2x may Kalayaan
Pilipinas2x tunay na estado
![Page 2: Holy spirit DEMO](https://reader036.fdocuments.net/reader036/viewer/2022082310/55ae01251a28ab8a7e8b466f/html5/thumbnails/2.jpg)
Paglalahad
Tanong: mula sa awitin, Maaari ba ninyong ilarawan ang salitang estado?
Talakayan
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
Paglalapat at Pagpapahalaga
Tanong: Bilang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas, ano ang gampanin mo sa
ating bansa?
Paglalahat
Tanong: Ang Pilipinas ba ay isang estado? Paano mo ito nasabi?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot bago ang bilang.
A. Teritoryo B. Mamamayan C. Pamahalaan D. Soberanya
1. Nahuli si Sam Mer na isang tsino na nangingisda sa teritroyo ng Pilipinas ng walang pahintulot
kung kayat siya hinuli.
2. Tagapaghalal ng mga tagapamahala.
3. Noong sakop pa ng Esapanya ang Pilipinas, Espanya ang nagpapatupad ng batas sa loob at
labas ng Pilipinas kayat ang Pilipinas noon ay walang: _______________.
4. Nagpapatupad ng batas sa loob at labas ng estado.
5. Saklaw at hangganan ng isang lugar.
6. Naipapatupad ang mga batas sa loob at labas ng teritoryo.
7. Sa elementong ito n/magmumula ang mga Pulitiko at iba pang pinuno ng estado.
V. KASUNDUAN
Gumawa ng sanaysay.
Bakit mahalaga na ang isang estado ay may Pamahalaan? Ipaliwanag
MAMAMAYAN TERITORYO
ELEMENTO
NG
ESTADO
PAMAHALAAN SOBERANYA