Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2...

8
AMC-025-HI-CHIP-TAG WINTER 2013 Health TALK ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO SA ISYUNG ITO Obesity sa pagkabata ................................................ Pahina 2 Pag-iwas sa emergency room ................................ Pahina 3 Paghahanda para sa mga pagpapatingin sa doktor........................................................................... Pahina 4 Pagkalulong sa alak ................................................... Pahina 5 Diabetes at sakit sa puso ......................................... Pahina 6 CHF at COPD ................................................................. Pahina 7 Asthma sa pagkabata ................................................ Pahina 8 Lumaki nang malusog Nangangailangan ang mga sanggol ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak. Tinitiyak ng mga well-baby na pagpapatingin na malusog ang iyong sanggol. Isang mainam na panahon din ang mga ito upang magtanong. Kasama sa mga well-baby na pagpapatingin ang: MGA PAGSUSURI SA PAGLAKI: Titimbangin at susukatin ang iyong anak. MGA PAGSUSURI: Sasailalim ang iyong anak sa mga kinakailangang pagsusuri. Kinabibilangan din ito ng mga lead test sa mga edad 1 at 2. MGA BAKUNA: Kapag 2 taong gulang na, babakunahan ang iyong anak para sa 14 na sakit. Kailangan ng tulong? Nahihirapan ka ba sa pagtatakda ng appointment sa doktor ng iyong anak? Kailangan mo ba ng masasakyan patungo sa mga medikal na pagpapatingin? Makakatulong kami. Tumawag sa toll-free ng Member Services (Mga Serbisyo sa Miyembro). Para sa QExA, ang numero ay 1-888-980-8728 (TTY 711). Para sa QUEST, ang numero ay 1-877-512-9357 (TTY 711). UnitedHealthcare Community Plan P.O. Box 2960 Honolulu, HI 96802

Transcript of Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2...

Page 1: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak.

AMC-025-HI-CHIP-TAG

Winter 2013

Health TALKANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO

SA iSyung itoobesity sa pagkabata ................................................ Pahina 2Pag-iwas sa emergency room ................................ Pahina 3Paghahanda para sa mga pagpapatingin sa doktor ........................................................................... Pahina 4Pagkalulong sa alak ................................................... Pahina 5Diabetes at sakit sa puso ......................................... Pahina 6CHF at CoPD ................................................................. Pahina 7Asthma sa pagkabata ................................................ Pahina 8

Lumaki nang malusogNangangailangan ang mga sanggol ng madalas na pagpapa-checkup.Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak. Tinitiyak ng mga well-baby na pagpapatingin na malusog ang iyong sanggol. Isang mainam na panahon din ang mga ito upang magtanong. Kasama sa mga well-baby na pagpapatingin ang:�� MgA PAgSuSuri SA PAgLAKi: Titimbangin at susukatin ang iyong anak.�� MgA PAgSuSuri: Sasailalim ang iyong anak sa mga kinakailangang pagsusuri. Kinabibilangan din ito ng mga lead test sa mga edad 1 at 2.�� MgA BAKunA: Kapag 2 taong gulang na, babakunahan ang iyong anak para sa 14 na sakit.

Kailangan ng tulong? Nahihirapan ka ba sa pagtatakda ng appointment sa doktor ng iyong anak? Kailangan mo ba ng masasakyan patungo sa mga medikal

na pagpapatingin? Makakatulong kami. Tumawag sa toll-free ng Member Services (Mga Serbisyo sa Miyembro). Para sa QExA, ang numero ay 1-888-980-8728 (tty 711). Para sa QUEST, ang numero ay 1-877-512-9357 (tty 711).UnitedHealthcare Community Plan

P.O. Box 2960Honolulu, HI 96802

Page 2: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak.

2 HEALTH TALK

iyong privacyPaano protektahan ang iyong impormasyonSineseryoso namin ang iyong privacy. Lubos naming pinag-iingatan ang iyong protected health information (PHI). Binabantayan din namin ang iyong financial information (FI). Gumagamit kami ng PHI at FI upang patakbuhin ang aming negosyo. Tinutulungan kami nitong magbigay sa iyo ng mga produkto, serbisyo at impormasyon.

Pinoprotekatahan namin ang pasalita, pasulat at electronic na PHI at FI sa kabuuan ng aming negosyo. Mayroon kaming mga panuntunan na nagsasabi sa amin kung paano namin mapapanatiling ligtas ang iyong PHI at FI. Hindi namin nais na mawala o masira ang iyong PHI o FI. Nais naming matiyak na walang gagamit nito sa maling paraan. Nagsusuri kami upang matiyak na maingat naming nagagamit ang iyong PHI at FI. Mayroon kaming mga patakaran na nagpapaliwanag:�� kung paano namin maaaring gamitin ang PHI at FI.�� kung kailan namin maaaring ibahagi ang PHI at FI sa iba.�� kung anu-anong karapatan ang mayroon ka sa iyong PHI at FI.

Hindi ito lihim. Maaari mong basahin ang aming patakaran sa privacy sa iyong Handbook ng Miyembro. Online ito sa uHCCommunityPlan.com. Maaari ka ring tumawag sa Member Services (Mga Serbisyo sa Miyembro) upang hilingin sa amin na padalhan ka ng kopya. Para sa

QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (tty 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (tty 711). Kung gumawa kami ng mga pagbabago sa patakaran, papadalhan ka namin ng notice sa pamamagitan ng koreo.

tanungin si Dr. Healthy e. HoundQ. Paano ko malalaman kung nasa malusog na timbang

ang aking anak?

A. Hilingin sa doktor na suriin ang body mass index (BMI) ng iyong anak bawat taon. Kinakalkula ang BMI gamit ang taas at timbang ng iyong anak. Masasabi rin sa iyo ng doktor ang porsyento ng BMI-for-age ng iyong anak. Ipapakita ng numerong ito kung ano ang katayuan ng iyong anak kung ihahambing sa ibang batang kapareho ng kanyang edad at kasarian. Sasabihin sa iyo ng mga numerong ito kung mainam ang timbang ng iyong anak.

Sa pamamagitan ng pagtingin sa BMI bawat taon, malalaman mo kung may posibilidad na magkaroon ng obesity ang iyong anak. Dahil mabilis lumaki ang iyong anak, hindi maibibigay ng isang beses na pagsusuri ang kabuuang sitwasyon. Ang isang mainam na BMI sa paglipas ng panahon ay maaaring humantong sa pangmatagalang kalusugan at mainam na timbang bilang isang adulto.

Hanapin si Dr. right. Kailangang makahanap ng bagong doktor para sa iyong anak? Gamitin ang aming direktoryo ng provider sa uHCCommunityPlan.com. O, tumawag sa Member Services

(Mga Serbisyo sa Miyembro). Para sa QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (tty 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (tty 711).

Page 3: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak.

WINTER 2013 3

Ano Ang PALAgAy Mo?Maaari kang makakuha ng survey mula sa amin sa mail. Tinatanong nito kung gaano ka kasaya sa UnitedHealthcare Community Plan. Kung makakuha ka ng survey, mangyaring punan ito at ibalik ito sa pamamagitan ng mail. Magiging pribado ang iyong mga sagot. Gusto naming malaman kung ano ang iyong palagay sa serbisyong ibinibigay namin. Tumutulong sa amin ang iyong opinyon na mapahusay ang iyong planong pangkalusugan.

Alamin ang iyong mga pagpipilianPaano maiiwasan ang emergency roomKapag mayroon kang karamdaman o kung nasugatan ka, maaaring hindi mo nais na maghintay na makakuha ng pangangalagang medikal. Ang pagpili sa tamang lugar na pupuntahan ay makakatulong na maasikaso ka nang mas mabilis.KAiLAn KA MAgAgAMot ng iyong PriMAry CAre ProViDer (PCP)?Para sa karamihan ng mga karamdaman o pinsala, ang opisina ng iyong PCP ang unang lugar na dapat mong tawagan kapag kailangan mo ng pangangalaga. Maaari kang makakuha ng appointment para sa huling bahagi ng araw na iyon. Maaari kang bigyan ng payo para sa sariling pangangalaga. Maaaring tumawag para sa gamot sa iyong botika ang iyong doktor. Makakatawag ka rin sa gabi o kapag weekend.KAiLAn KA DAPAt PuMuntA SA AgArAng PAngAngALAgA?Kung hindi ka makapagpatingin sa iyong doktor, mayroon kang pagpipilian na pumunta sa center ng agarang pangangalaga. Tumatanggap ng mga walk-in na pasyente ang mga center ng agarang pangangalaga. Gumagamot ang mga ito ng maraming uri ng karamdaman o pinsala. Nakakapagsagawa sila ng ilang uri ng diagnostic test. Maraming center ng agarang pangangalaga ang bukas sa gabi at tuwing Linggo at Sabado.KAiLAn KA DAPAt PuMuntA SA eMergenCy rooM ng iSAng oSPitAL? Ang mga emergency room ay para lamang sa malulubhang medikal na emergency. Pumunta lamang doon kapag sa palagay mo ay maaaring magresulta sa kamatayan o kapansanan ang iyong karamdaman o pinsala kung hindi magagamot agad. Kung pumunta ka doon para sa isang hindi malubhang problema, maaaring maghintay ka nang matagal.

Kamusta, nurse! Ang unitedHealthcare ay mayroong 24/7 na nurseLine. Maaari kang makipag-usap sa isang nurse, araw o gabi. Makakakuha ka ng payo para sa iyong mga problemang medikal.

Matutulungan ka ng nurse na pagpasyahan ang pinakamainam na lugar upang makakuha ng pangangalaga para sa iyong karamdaman o pinsala. Tumawag sa toll-free ng NurseLine 24/7. Para sa QExA, ang numero ay 1-888-980-8728 (tty 711). Para sa QUEST, ang numero ay 1-877-512-9357 (tty 711).

Sa bawat 100 tao, isinasagawa ang 45 pagpapatingin sa mga emergency room ng ospital bawat taon.

Page 4: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak.

4 HEALTH TALK

Kontrolin ang sitwasyonAng paghahanda para sa pagbisita ng iyong doktor ay makakatulong sa iyo na masulit ito. Kung kaya, matitiyak mo na alam ng iyong doktor ang tungkol sa lahat ng pangangalagang mayroon ka. Narito kung paano mo makokontrol ang iyong pangangalagang pangkalusugan:1. iSiPin Kung Ano Ang guSto Mong MAKuHA MuLA SA

PAgPAPAtingin bago mo ito puntahan. Subukang tumuon sa pangunahing tatlong bagay kung saan mo kailangan ng tulong.

2. SABiHin SA iyong DoKtor Ang tungKoL SA AnuMAng MgA gAMot o BitAMinA na regular mong iniinom. Magdala ng nakasulat na listahan. O dalhin ang mismong gamot.

3. SABiHin SA iyong DoKtor Ang tungKoL SA iBA PAng MgA DoKtor kung saan maaari kang nagpapatingin. Banggitin ang anumang mga gamot o panggagamot na inireseta nila para sa iyo. Hingin sa iba pang doktor kung kanino ka nagpapatingin ang mga ulat ng kanilang mga nakita. Kumuha ng kopya ng mga resulta ng anumang pagsusuri. Dalhin ang mga ito sa iyong regular doktor sa susunod na pagpunta mo sa kanila.

4. iSuLAt Ang iyong MgA SintoMAS. Sabihin sa iyong doktor ang nararamdaman mo. Banggitin ang anumang mga bagong sintomas at kung kailan nagsimula ang mga ito.

5. MAgSAMA ng iSAng tAo PArA SA SuPortA. Matutulungan ka niyang alalahanin at isulat ang impormasyon.

isaalang-alang ang mga pag-checkup. Hindi lang para sa mga bata ang mga pagpapa-checkup. Matutulungan din nitong manatiling malusog ang mga adulto. Magpatingin sa

iyong doktor isang beses sa isang taon para sa isang well visit. Makukuha mo ang anumang mga pagsusuri o bakunang kailangan mo. Maaaring maghanap ang iyong doktor ng mga problema na kadalasang walang sintomas.

Sipon o trangkaso?Nakikita mo ba ang pagkakaiba?Napakakaraniwan ng mga sipon at trangkaso. Pareho itong sanhi ng mga virus.

Kadalasang nagsisimula ang mga sipon dalawa hanggang tatlong araw pagkatapos kang mahawahan. Maaaring magsimula sa pamamaga ng lalamunan ang mga ito. Pagkatapos, magsisimula ka nang bumahing at magkaroon ng runny nose. Bihira ang mga lagnat, lalo na sa mga adulto.

Mabilis magkaroon ng trangkaso, kadalasan sa loob ng ilang oras. Mas malala ang mararamdaman mo kaysa sa kung may sipon ka. Kasama sa mga sintomas ng trangkaso ang sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, dry cough at pangangatog. Ang lagnat ay karaniwan. Sa loob ng humigit-kumulang dalawa hanggang tatlong araw, hihinto ang mga sintomas na ito. Pagkatapos, magkakaroon ka ng baradong ilong at pamamaga ng lalamunan.

Maraming available na gamot na mabibili nang walang reseta upang makatulong na bumuti ang iyong pakiramdam. Sa pangkalahatan, pinakamainam na piliin ang mga gamot na ang mga sintomas na mayroon ka lang ang ginagamot. Panahon at ang immune system lang ng iyong katawan ang makakatalo sa sipon o trangkaso.

Hindi pa huli ang lahat. Hindi pa huli upang magpabakuna laban sa trangkaso. Inirerekomenda ang mga bakuna laban sa trangkaso para sa karamihan ng mga taong may edad na lampas

sa 6 na buwan. Humingi ng bakuna laban sa trangkaso sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga.

Page 5: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak.

Nagtulungan ang UnitedHealthcare at Sesame Workshop, ang nonprofit na samahan sa likod ng Sesame Street, upang likhain ang A is for Asthma. Tumutulong ang programang ito sa mga pamilya na mapangasiwaan ang hika ng kanilang mga anak.

Ikaw at ang iyong anak ay hindi nag-iisa sa pangangasiwa sa kanyang hika. Narito ang iyong pangkat sa hika upang tumu-long! Tingnan ang mga simpleng tip na ito upang manatiling nakikipag-ugnayan sa iyong doktor.�� Dalhin ang iyong anak sa mga regular na pagpapa-checkup.�� Isulat ang anumang mga tanong mo at ng iyong anak at dalhin ito sa bawat pagpapatingin sa doktor.�� Makipag-usap sa iyong doktor upang matiyak na nauu-nawaan mo ang anumang mga gamot na kailangan ng iyong anak. Maaaring naisin ng iyong doktor na gumamit siya ng mga controller medication araw-araw upang makontrol ang mga sintomas.�� Maaaring kailangan din ng iyong anak ng mga rescue medication upang mabilis na makatulong kung atakihin siya ng hika. Tiyaking dala ito ng iyong anak kapag umaalis sa bahay.�� Ipaalam kaagad sa iyong doktor kung magbago ang kundisyon ng iyong anak.

TM/© 2013 Sesame Workshop

Kumuha ng resources. I-download at i-print

ang “My Asthma Profile” sa sesamestreet.org/asthma. Punan ang sheet at magbigay ng kopya sa sinumang nangangalaga sa iyong anak.

Lugar ng resourceMember Services (Mga Serbisyo sa Miyembro) Humanap ng doktor, magtanong tungkol sa benepisyo o magpahayag ng reklamo, nang walang bayad. QexA: 1-888-980-8728 (tty 711) QueSt: 1-877-512-9357 (tty 711)

nurseLine Kumuha ng 24/7 na payong pangkalusugan mula sa isang nurse, nang walang bayad. QexA: 1-888-980-8728 (tty 711) QueSt: 1-877-512-9357 (tty 711)

State Smoking Quitline Kumuha ng suporta upang tumigil sa paninigarilyo, nang libre. 1-800-QuitnoW (1-800-784-8669)

national Domestic Violence Hotline Kumuha ng tulong para sa mga pang-aabuso sa loob ng bahay, nang walang bayad. Pambansa: 1-800-799-7233 (tty 1-800-787-3224) Lokal Hilo: 959-8864 Kauai: 245-6362 Kona: 322-SAFe (7233) Maui/Lanai: 579-9581 Molokai: 567-6888 Oahu: 841-0822 (Town/Leeward) 526-2200 o 528-0606 (Windward)

Aming website Gamitin ang aming direktoryo ng provider o basahin ang iyong Handbook ng Miyembro para sa impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan at responsibilidad bilang isang miyembro. uHCCommunityPlan.com

WINTER 2013 5

Mga tip para sa pag-unawa sa hika ng iyong anak

Page 6: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak.

6 HEALTH TALK

Huwag mahiyaAng depresyon ay isang medikal na problema, tulad ng pagkakaroon ng diabetes o pangangailangan ng salamin sa mata. Hindi ito dapat ikahiya. Milyung-milyong Amerikano ang mayroon nito. Ang ilang senyales ay kinabibilangan ng:�� isang malungkot na disposisyong hindi mawala-wala�� kawalan ng pagnanais na gawin ang mga bagay na dating mong kinawiwilihan�� pagkain nang mas marami o mas kaunti kaysa sa dati�� problema sa pagtulog o labis na pagtulog�� kakulangan ng enerhiya�� kahirapan sa pag-iisip�� pag-iisip ng kamatayan o pagpapakamatay

Maaaring magamot ang depresyon. Makakatulong ang mga gamot. Gayundin ang therapy. Maaari mo ring subukan ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay. Ang pag-eehersisyo, pagkakaroon ng sapat na tulog at pagkain ng masustansyang pagkain ay maaaring magpabuti sa iyong disposisyon.

Masasayang araw. Kung mayroon kang mga sintomas ng depresyon kadalasan sa loob ng mahigit sa ilang

linggo, kausapin ang iyong doktor. Matutulungan ka ng iyong doktor na magkaroon ng panggagamot na makakatulong.

Pusong mamonMga ABC sa sakit sa puso na may kasamang diabetesAng mga taong may diabetes ay dalawa hanggang apat na beses na mas malamang na makakuha ng sakit sa puso kaysa sa mga taong walang diabetes. Kung kaya mahalagang pangalagaan ang iyong sarili kung mayroon kang diabetes. Panatilihing kontrolado ang iyong blood sugar. Kumuha ng taunang lipid profile, pagsusuri sa mata at screening sa paggana ng kidney. At tandaan ang mga ABC sa sakit sa puso at diabetes.

Ang A Ay PArA SA A1C. Nagbibigay ang pagsusuring ito ng average ng iyong blood sugar sa loob ng ilang buwan. Para sa mga taong may diabetes, ang isang magandang resulta ay sa mas mababa sa 7 porsyento. Kung hindi nakokontrol nang maayos ang iyong diabetes, sumailalim sa pagsusuri bawat tatlong buwan. Kung mayroon kang maayos na pagkontrol, sumailalim sa dalawang pagsusuri dalawang beses sa isang taon.

Ang B Ay PArA SA PreSyon ng Dugo. Tatlong kapat ng mga adultong may diabetes ay may mataas na presyon ng dugo. Ipasuri ang iyong presyon ng dugo sa bawat pagpapatingin sa doktor. Mas mababa dapat sa 130/80 mmHg ang iyong presyon ng dugo.

Ang C Ay PArA SA CHoLeSteroL. Mas mababa dapat sa 100 mg/dL ang iyong LDL (“masama”) cholesterol. Mas mataas dapat sa 60 mg/dL dapat ang iyong LDL (“mabuti”) cholesterol. Ipasuri ang iyong cholesterol bawat taon. Kung mataas ito, dapat itong ipasuri nang mas madalas habang nagsusumikap kang kon-trolin ito.

narito ang tulong. May mga programa ang UnitedHealth-care upang matulungan ang mga taong may diabetes. Tumawag sa Member Services (Mga Serbisyo sa Miyembro) upang

dagdagan pa ang nalalaman. Para sa mga miyembro ng QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (tty 711). Para sa mga miyembro ng QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (tty 711).

Page 7: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak.

WINTER 2013 7

Sumailalim sa pagsusuri. Dapat sumailalim ang malulu-sog na adultong lampas sa 20 taong gulang sa pagsusuri isang beses sa limang taon. Dapat sumailalim ang mga taong may diabetes o iba pang salik ng peligro sa pagsusuri bawat taon.

Maalaga sa pusoAlamin ang antas ng iyong cholesterol.Ang cholesterol ay isang substance na maraming taba sa iyong dugo. Tinatawag na “mabuting” cholesterol ang HDL. Ang LDL ang masamang uri. Pinapalaki ng mataas na antas ng cholesterol ang posibilidad na magkaroon ka ng sakit sa puso.

Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga wastong antas para sa iyo. Ang mga ideyal na numero at batay sa iyong kasarian at mga salik sa peligrong magkaroon ng sakit sa puso. Kailangang pagtuunan ng mga taong may diabetes ang kanilang mga antas ng LDL.

Makokontrol mo ang iyong cholesterol. Mapapanatili itong mababa ng masustansyang diyeta at ehersisyo. Makakatulong ang gamut na mapababa ito kung masyado itong mataas.

CHF at CoPDPag-unawa sa sakit sa puso at baga

MAyroong ProBLeMA?Nagsusumikap kaming bigyan ka ng de-kalidad na pangangalaga sa kalusugan at serbisyong dapat mong makuha. Kung mayroon kang problema, tumawag sa Member Services (Mga Serbisyo sa Miyembro). Para sa mga miyembro ng QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (tty 711). Para sa mga miyembro ng QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (tty 711). Matutulungan ka rin ng Member Services (Mga Serbisyo sa Miyembro) na maghain ng karaingan. Masasabi mo rin sa amin ang tungkol doon sa pamamagitan ng pagsusumite ng apela o karaingan, nang pasulat, sa aming lokal na mailing address:UnitedHealthcare Community PlanAppeals DepartmentP.O. Box 2960Honolulu, HI 96802

CHF CoPD

Kundisyon Ang congestive heart failure (CHF) ay nangangahulugang hindi nagbobomba nang maaayos ang puso at mas kaunting dugo ang napupunta sa iyong mga kalamnan at iba pang organ.

Ang chronic obstructive pulmonary disease (COPD) ay isang grupo ng mga problema sa baga. Ginagawang mahirap ng COPD para sa mga baga na mag-absorb ng oxygen.

Mga Sintomas Nagdudulot ng kahirapan sa paghinga ang CHF (lalo na habang nag-eehersiyo o nakahiga nang patihaya sa kama), pagkapagod, panghihina at pamamaga ng mga bukung-bukong.

Kadalasang nagsisimula ang COPD sa ubo tuwing umaga. Maaari kang magkaroon ng maraming impeksyon sa baga, pagkakapos ng hininga o mapagod o maging iritable.

Panggagamot Maaaring kailangan mong magpahinga nang mas madalas o baguhin ang iyong mga pang-araw-araw na aktibidad, kumain ng diyetang mababa sa alat at uminom ng gamot.

Ginagamit ang mga gamot, gaya ng mga inhaler o pill upang gamutin ang COPD. Kung mayroon kang malalang COPD, maaaring kailangan mo ng oxygen.

Pababain ang Posibilidad na Magkasakit

Kontrolin ang iyong presyon ng dugo. Magbawas ng timbang kung sinabi ng iyong doktor na dapat mo itong gawin. Mag-ehersisyo. Bawasan ang maaalat na pagkain.

Huwag manigarilyo. Iwasan ang secondhand na usok at polusyon sa hingin.

Makakatulong kami. May mga programa ang UnitedHealthcare upang makatulong sa mga taong may CHF at COPD. Tumawag sa Member Services

(Mga Serbisyo sa Miyembro) upang dagdagan pa ang nalalaman. Para sa mga miyembro ng QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (tty 711). Para sa mga miyembro ng QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (tty 711).

Page 8: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · ng madalas na pagpapa-checkup. Kapag 2 taong gulang na, sumailalim na dapat sa 10 well-baby na pagbisita ang iyong anak.

customer customer services services

Walang kontrolAlamin ang mga sintomas ng pagkalulong sa alak.Ang pagkalulong sa alok ay isang malubhang karamdaman. Masisira nito ang iyong mga relasyon. Maaari kang mawalan ng trabaho dahil dito. Maaari kang magkaroon ng paglabag sa batas dahil dito. At maaari itong makamatay kung hindi magagamot.

Ang pagkalulong sa alak ay hindi lang pag-inom nang masyadong marami o masyadong madalas. Isa itong pagkalulong. Nangangailangan ang mga taong lulong sa alak ng panggagamot at suporta upang makatigil. May apat na sintomas:�� PAnAnABiK: Nakakaramdam ka ng matinding pangangailangang uminom.�� KAWALAn ng KontroL: Hindi mo malimitahan ang iyong pag-inom�� PiSiKAL nA PAgDePenDe: Pakiramdam mo ay masakit ka kapag hindi ka nakakainom ng alak.�� toLerAnCe: Kailangan mong uminom nang mas marami upang malasing.

Huwag magpakalasing. Kung sa tingin mo ay maaaring mayroon kang pagkalulong sa alak, magpagamot. Tumawag sa aming lokal na pangkat sa kalusugan hinggil

sa pag-uugali. Para sa mga miyembro ng QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (tty 711). Para sa mga miyembro ng QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (tty 711). Ire-refer ka nila sa isang kalahok na espesyalista sa pagkalulong.

8 HEALTH TALK