Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI...

8
AMC-024-HI-CAID FALL 2012 Health TALK ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA PLANO Magagawa mong mag-quit Sumali sa Great American Smokeout. Halos 47 milyong tao sa Estados Unidos ang naninigarilyo. Ngunit mahigit 48 milyong tao ang nagtagumpay na tigilan ito. Maraming dahilan upang itigil ang paninigarilyo. Kabilang sa ilan sa mga bentahe ng pamumuhay nang hindi naninigarilyo ang: mas mabangong hininga, buhok at damit. mas mapuputing ngipin. mas maliit na posibilidad na magkaroon ng ilang partikular na uri ng cancer. mas maliit na posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso at baga. katipiran sa pera. pagpapabuti ng pangkalahatang kalusugan. Ang Great American Smokeout ay maaaring isang mainam na araw para itigil mo na ang paninigarilyo. Hinihiling ng taunang kaganapang ito sa mga naninigarilyo na pagplanu- hang itigil ito. Ang petsa ngayong taon ay sa Nob. 15. Magagawa mo ito. Hindi madaling itigil ang paninigarilyo. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga gamot na makakatulong. Mapapataas mo rin ang iyong pagkakataong maging matagumpay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng suporta. Tawagan ang iyong lokal na Quitline sa 1-800-QUITNOW (1-800-784-8669). UnitedHealthcare Community Plan P.O. Box 2960 Honolulu, HI 96802 SA ISYUNG ITO Pag-iwas sa breast cancer ....................................... Pahina 2 Bakuna laban sa trangkaso .................................... Pahina 3 Pagsusuri sa diabetes ............................................... Pahina 4 Sakit sa puso ................................................................. Pahina 5 Pagkabalisa .................................................................... Pahina 6 Mga Unang Hakbang sa Kalusugan .................... Pahina 7 Food for thought .......................................................... Pahina 8

Transcript of Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI...

Page 1: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plTALK ANO Magagawa mong mag-quit Sumali

AMC-024-HI-CAID

FAll 2012

Health TALKANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plANO

Magagawa mong mag-quitSumali sa Great American Smokeout.Halos 47 milyong tao sa Estados Unidos ang naninigarilyo. Ngunit mahigit 48 milyong tao ang nagtagumpay na tigilan ito. Maraming dahilan upang itigil ang paninigarilyo. Kabilang sa ilan sa mga bentahe ng pamumuhay nang hindi naninigarilyo ang:■ mas mabangong hininga, buhok at damit.■ mas mapuputing ngipin.■ mas maliit na posibilidad na magkaroon

ng ilang partikular na uri ng cancer.■ mas maliit na posibilidad na magkaroon

ng sakit sa puso at baga.■ katipiran sa pera.■ pagpapabuti ng pangkalahatang kalusugan.

Ang Great American Smokeout ay maaaring isang mainam na araw para itigil mo na ang paninigarilyo. Hinihiling ng taunang kaganapang ito sa mga naninigarilyo na pagplanu-hang itigil ito. Ang petsa ngayong taon ay sa Nob. 15.

Magagawa mo ito. Hindi madaling itigil ang paninigarilyo. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga gamot na makakatulong. Mapapataas mo rin ang iyong pagkakataong maging matagumpay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng suporta. Tawagan ang iyong lokal na Quitline sa 1-800-QUITNOW (1-800-784-8669).UnitedHealthcare Community Plan

P.O. Box 2960Honolulu, HI 96802

SA ISyUNg ITOPag-iwas sa breast cancer ....................................... Pahina 2Bakuna laban sa trangkaso .................................... Pahina 3Pagsusuri sa diabetes ............................................... Pahina 4Sakit sa puso ................................................................. Pahina 5Pagkabalisa .................................................................... Pahina 6Mga Unang Hakbang sa Kalusugan .................... Pahina 7Food for thought .......................................................... Pahina 8

Page 2: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plTALK ANO Magagawa mong mag-quit Sumali

2 HEALTH TALK

Pinahahalagahan namin ang kalidadBawat taon, iniuulat ng UnitedHealthcare Com-munity Plans kung gaano nila kahusay naibibigay ang mga serbisyo sa healthcare. Marami sa mga bagay na aming iniuulat ay tungkol sa mga pangunahing usapin sa kalusugan.

Noong 2011, dumami ang bilang ng mga adul-tong miyembro na nagpasuri ng kanilang body mass index (BMI) para sa obesity. Mas maraming miyembro rin ang nagsagawa ng mga follow-up na pagbisita pagkatapos ng pagpapaospital para sa sakit sa pag-iisip at diabetic HBA1c at LDL na pagsusuri. Para sa 2012, nais naming paghu-sayin ang bilang ng mga well visit na nakukuha ng mga bata at ang bilang ng napapanahong pre-natal at postpartum visit na nakukuha ng aming mga buntis na miyembro. Nais din namin na mas marami pang mga miyembrong may hika ang gumamit ng tamang medikasyon.

Nagsasagawa rin kami ng mga survey upang malaman namin kung gaano namin kahusay na natutugunan ang mga pangangailangan ng aming miyembro. Ayon sa aming mga survey noong 2011, naging mas mahusay ang pag-rate ng aming mga miyembro sa kanilang mga personal na doktor, mga espesyalistang pinakamadalas nilang puntahan at sa kanilang pangkalahatang healthcare. Sinabi sa amin ng aming mga miyem-bro na nais nilang mapadali ang pagkuha ng mga pag-apruba para sa mga pagsusuri at panggaga-mot. Sa 2012, paghuhusayin namin ang mga proseso sa aming naunang authorization center.

Alamin ang mga peligropaliitin ang posibilidad na magkaroon ng breast cancer sa pamamagitan ng pagkakaroon ng nakakabuti sa kalusugang paraan ng pamumuhay.Ang breast cancer ang pangalawang pinakakaraniwang uri ng cancer sa kababaihan sa U.S. Maraming salik ng peligro ang nauugnay sa breast cancer. Karamihan sa mga salik na ito ay hindi mo nakokontrol. Ngunit ang ilan ay nauugnay sa iyong paraan ng pamumuhay. Mapapaliit mo ang posibilidad na magkaroon ng breast cancer sa pamamagitan ng pagpa- panatili ng naaangkop na timbang at pag-eehersisyo. Maaari ring makatulong ang paglimita sa dami ng alkohol na iyong iniinom.

Mahalaga para sa kababaihang lagpas 40 taong gulang na magpasailalim sa mammogram bawat taon. Maagang nakikita ng specialized na breast X-ray na ito ang breast cancer. Kadalasang nagagamot ang breast cancer kung malaman ito kaagad. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa iyong panganib na magka-roon ng breast cancer. Planuhin ang screening sa breast cancer.

Janet’s law. Ayon sa batas na ito, ang mga planong pangkalusu-gan ang dapat na magbayad ng reconstruction para sa kababaihang sumailalim sa surgery para sa breast cancer. Mayroon ka bang mga

tanong tungkol sa iyong mga benepsiyo para sa pagtuklas at panggagamot sa breast cancer? Tawagan ang aming lokal na Mga Serbisyo sa Miyembro. Para sa QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (TTy 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTy 711).

Makamit itong lahat. Kung gusto mong makaalam nang higit pa tungkol sa aming programa ng Pagpapahusay sa Kalidad at sa aming pag-usad tungo sa

pagkamit ng mga layunin, tumawag sa aming lokal na mga serbisyo sa miyembro sa 1-888-980-8728 (TTy 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTy 711).

Oras ng kabataanNakakatulong ang mga checkup na mapanatiling malusog ang mga bata sa anumang edad. Maging ang mga pre-teen at teenager ay dapat magpatingin sa doktor para sa isang well visit bawat taon. Tinitiyak ng mga pagbisitang ito na lumalaki nang tama ang iyong anak. Maaaring talakayin ng doktor at ng iyong anak ang mga delikadong pag-uugali. At makukuha

ng iyong anak ang anumang mga bakuna o pagsusuri na kanyang kailangan.

Kapag nagsimula na ang mga pre-teen na taon, panahon na para sa isa pang hanay ng mga bakuna. Tatlong bakuna ang inirerekomenda sa karamihan sa mga batang 11 hanggang 12 taong gulang:�� tetanus, diphtheria at pertussis (Tdap)�� human papillomavirus (HPV)�� meningococcal (MCV4)Bukod pa rito, nangangailangan ang

kabataan ng booster na MCV4 sa edad na 16.

Kumuha ng gabay. Available ang mga alituntunin sa pag-iwas sa sakit para sa iyong buong pamilya. Isinasaad ng dokumentong ito kung anu-anong pagsusuri at bakuna ang kailangan sa bawat edad, para sa mga batang lalaki at babae, at adultong lalaki at babae. Tingnan ang UHCCommunityPlan.com o

tumawag sa aming lokal na mga serbisyo sa miyembro upang makakuha ng kopya. Para sa QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (TTy 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTy 711).

Page 3: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plTALK ANO Magagawa mong mag-quit Sumali

FALL 2012 3

Iwasan ang trangkaso. Ang UnitedHealthcare Community Plan ang nagbabayad ng mga bakuna para sa trangkaso. Wala kang babayaran. Ang pinakamainam na lugar sa pagpapabakuna ay sa opisina ng iyong primary care provider (PCP). Makakapagbakuna ka rin sa anumang klinikang tumatanggap ng UnitedHealthcare Community Plan.

Panloloko at pang-aabusoKung may makita kang anuman, sabihin ito.Ang karamihan sa mga miyembro ng Medicaid ay tapat. Ngunit ang ilang hindi tapat na tao ay maaaring magdulot ng malalaking problema. Kung sa tingin mo ay may nagaganap na panloloko o pang-aabuso, dapat mo itong sabihin. Hindi mo kailangang ibigay ang iyong pangalan.KABIlANG SA pANlOlOKO AT pANG-AABUSO NG MGA MIYEMBRO ANG:■ pagpayag sa iba na gamitin ang iyong plano o pang-estadong Medicaid card o number.■ pagbebenta o pagbibigay ng iyong inireresetang gamot sa ibang tao.■ hindi pagiging tapat sa iyong kalusugan, saan ka nakatira o iyong sweldo.KABIlANG SA pANlOlOKO AT pANG-AABUSO NG MGA pROVIDER ANG:■ pagsingil sa mga serbisyong hindi kailanman ibinigay.■ dobleng pagsingil para sa iisang serbisyo.■ pag-order ng mga pagsusuri o serbisyong hindi mo kailangan.DAlAWANG pARAAN UpANG MAG-UlAT NG pANlOlOKO O pANG-AABUSO:■ O tawagan ang aming lokal na Mga Serbisyo sa Miyembro. Para sa QExA, ang

toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (TTY 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTY 711).

■ O mag-ulat ng panloloko sa Medicaid Fraud Control Unit (MFCU) ng Hawaii sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-808-586-1058.

Tanungin si Dr. Health E. HoundQ. Paano ko mapoprotektahan ang aking pamilya laban

sa trangkaso?

A. Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang trangkaso ay ang magpabakuna. Dapat magpabakuna ang lahat ng taong 6 na buwang gulang at mas matanda bawat taglagas. Maaaring makakuha ng nasal spray sa halip na bakuna ang malulusog na tao sa pagitan ng edad 2 at 49 na hindi buntis.

Makakagawa rin ang bawat miyembro ng iyong pamilya ng mga bagay na makakapagpaiwas sa iyo sa flu virus:�� Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. O, gumamit ng alcohol-based na hand sanitizer.�� Huwag hawakan ang iyong mga mata, ilong o bibig maliban kung kakahugas mo lang ng iyong kamay.�� Kumain nang tama, mag-ehersisyo, uminom ng maraming tubig at matulog nang sapat.

Kailangan ng tulong? Kung nagkakaroon ka ng problema sa pagtatakda ng appointment sa iyong provider, ipaalam sa amin.

Maaari kaming makatulong. Tawagan ang aming lokal na Mga Serbisyo sa Miyembro. Para sa QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (TTy 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTy 711).

NASA TIyEMPOKapag tumawag ka upang magtakda ng appointment sa isang medikal na provider, sabihin sa opisina kung kailangan kang matingnan. Makakatulong ito na malaman nila kung gaano kaaga nila kailangang itakda ang iyong appointment. Makakakuha ka dapat ng mga medikal na appointment sa mga sumusunod na yugto ng panahon.�� Emergency: kaagad�� Agarang pangangalaga: sa loob ng 24 na oras�� Pediatric na pagbisita ng may sakit: sa loob ng 24 na oras�� Pang-adultong pagbisita ng may sakit: sa loob ng 72 oras�� Regular na pagbista para sa pangunah-ing pangangalaga: Sa loob ng 21 araw sa kalendaryo�� Regular na pagbisita ng espesyalista: sa loob ng 4 na linggo�� Hindi pang-emergency na pananatili sa ospital: sa loob ng 4 na linggo

Page 4: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plTALK ANO Magagawa mong mag-quit Sumali

4 HEALTH TALK

KontroladoKung may diabetes ka, alam mo kung gaano kahalaga ang palagiang pagsusuri sa iyong blood sugar. Ang pagkuha ng dugo sa iyong hinliliit ang nagbibigay sa iyo ng mainam na ideya tungkol sa kung gaano kahusay mo nakokonrol ang iyong diabetes. Ngunit sinasabi nito sa iyo ang iyong blood sugar sa sandaling iyon lamang.

May pagsusuring ginagawa ang iyong doktor na nakakapagbigay ng mas kumpletong ideya. Tinatawag itong A1c at ibinibigay nito ang iyong average na glucose sa loob ng anim hanggang 12 linggo. Mahalagang panatilihing kontro-lado ang iyong blood sugar sa loob ng matagal-tagal na panahon upang mai-wasan ang matitinding kumplikasyon.

Para sa mga taong walang diabetes, ang normal na resulta ng A1c ay nasa pagitan ng 4 na porsyento at 6 na prosy-ento. Para sa mga taong may diabetes, ang isang mainam na resulta ng A1c ay mas mababa sa 7 porsyento. Kung hindi nakokontrol nang maayos ang iyong diabetes, dapat kang magsagawa ng pagsusuri ng A1c bawat tatlong buwan. Kung nakokontrol mo ito nang maayos, dalawang pagsusuri sa isang taon ang inirerekomenda.

May diabetes ka ba? Ang UnitedHealthcare Commu-nity Plan ay may mga programa upang tulungan ang mga taong

may diabetes at iba pang malalalang kundisyon. Tawagan ang aming lokal na serbsiyo ng miyembro upang dagdagan ang nalalaman. Para sa QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (TTy 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTy 711).

UPDATE Ng QExA SA HANDBOOK Ng MIyEMBrONabasa mo na ba ang iyong handbook ng miyembro? Isa itong mahusay na mapag-kukunan ng impormasyon. Nai-update ang mga seksyong ito upang tulungan kang mas maunawaan kung paano gamitin ang iyong plano:�� pagpapatingin sa iyong primary care provider (PCP) bago pumunta sa aking espesyalista�� sino ang maaaring maging primary care provider mo�� espesyal na panganga-laga para sa mga miy-embrong may espesyal na pangangailangan�� pagkuha ng ikalawang opinyon�� ano ang paunang pagpapahintulot

�� anu-anong serbisyo ang nangangailan-gan ng paunang pagpapahintulot�� ano ang referral�� ano ang self-referral

�� kailan mo kailangan ng referral mula sa iyong PCP�� iyong mga karapatan at responsibilidad sa pangangalaga sa kalusugan bilang isang miyembro

Babae munaDirektang access sa kalusugan ng kababaihanMaaari mong gamitin ang iyong PCP para sa pangangalaga sa kalusugan ng kababaihan. Maaari ka ring magpatingin sa sinumang iba pang espesyalista sa kalusugan ng kababaihan mula sa aming network ng mga provider. May direkta kang access nang walang referral para sa pangangalaga sa kalusugan ng kababai-han sa pangkalahatan.

Kung ang pag-checkup sa iyo ng espesyalista ay nagpapakita ng problemang medikal na nangangailangan ng higit pang panggagamot, maisasaayos ng iyong espesyalista ang mga serbisyong ito. Hindi mo kailangang bumalik sa iyong PCP para sa higit pang panggagamot.

Mga Tanong? Nangangilangan ng health provider ng kababaihan? Tawagan ang aming lokal na Mga Serbisyo sa Miyembro. Para sa QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (TTy 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTy 711).

Maging matalino. Mababasa mo ang handbook ng miyembro ng QExA online sa UHCCommunity Plan.com. Ipapadala sa mail ang mga updated na kopya sa mga miyembro ng QExA ngayong taon.

Page 5: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plTALK ANO Magagawa mong mag-quit Sumali

FALL 2012 5

4 na katotohan tungkol sa CHF1.  Ang congestive heart failure (CHF) ay nangangahulugang

hindi gumagana nang maayos ang puso at mas kaunting dugo ang napupunta sa iyong mga kalamnan at iba pang mga organ.

2.  Nagdudulot ang CHF ng kahirapan sa paghinga (lalo na habang nag-e-ehersisyo o nakahiga nang lapat sa kama), pagkahapo, panghihina at pamamaga sa mga bukung-bukong.

3.  Ang panggagamot para sa CHF ay kinabibilangan ng mas madalas na pagpapahinga o pagbabago ng iyong mga pang-araw-araw na aktibidad, pagkain ng diyetang may kaunting asin at pag-inom ng gamot.

4.  Mapapaliit mo ang posibilidad na magkaroon ka nito sa pamamagitan ng pagkontrol sa iyong blood pressure. Magbawas ng timbang kung sinabi ito ng iyong doktor. Mag-ehersisyo. Bawasan ang pagkain ng maaalat.

Page 6: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plTALK ANO Magagawa mong mag-quit Sumali

6 HEALTH TALK

Magpatingin sa iyong doktor. Kailangan din ng mga adulto ng taunang checkup. Makukuha mo ang anumang mga bakuna o screening na iyong kailangan. Masusuri ka para sa mga kundisyong maaaring walang mga sintomas, tulad ng

mataas na blood pressure o diabetes. Kailangan mo bang makahanap ng doktor? Bisitahin ang UHCCommunityPlan.com o tawagan ang aming mga lokal na serbisyo sa miyembro. Para sa QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (TTy 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTy 711).

Iyong pinakamainam na bakunaAng streptococcus pneumoniae ay isang karaniwang bacterium. Kumakalat ito sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo. Nagdudulot ito ng ilang uri ng malalalang pneumonia at meningitis. Sa Estados Unidos, mas maraming tao ang namamatay dahil dito kung ikukumpara sa lahat ng pinagsama-samang sakit na naiiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Napakahalagang mabakunahan ang mga nanganganib na adulto. Inirerekomenda ito para sa:�� sinumang lagpas 65 taong gulang.�� mga naninigarilyo.�� mga taong may hika, diabetes o iba pang pangmatagalang kundisyon.�� mga taong may mahinang immune system.Maaaring tumagal nang habambuhay ang mga bakunang pneumococcal,

ngunit nangangailangan ng booster ang ilang tao pagkatapos ng limang taon. Tanungin sa iyong doktor kung panahon nang kumuha ka nito.

Fear factorKapag nangibabaw ang pagkabalisaAng pagkabalisa at pagkatakot ay mga normal na pakiramdam. Natutulu-ngan ka ng mga ito na maiwasan ang panganib at maisagawa nang maayos ang mga gawain. Kadalasang nawawala kaagad ang mga pakiramdam na ito. Ngunit kung minsan, lumalala ang mga pakiramdam na ito sa paglipas ng panahon. Tumitindi ang mga ito at naaapektuhan nito ang iyong pang-araw-araw na buhay.

Tinatawag itong anxiety disorder. Milyun-milyong tao ang naaapektu-han nito. May iba’t ibang uri ng anxiety disorder. Nakakatukong ang gamot at therapy na makontrol ang matinding pagkabalisa.

Kung nagkakaroon ka ng ilan sa mga sintomas na ito, maaaring oras na upang magpagamot:�� mga pakiramdam ng panga-ngamba o pagkatakot tungkol sa isang bagay na nagbabanta ng bahagyang panganib�� mga pisikal na sintomas gaya ng pagbilis ng tibok ng puso, kahirapan sa paghinga o pananakit ng dibdib�� paulit-ulit at nakakalungkot na

mga naiisip�� patuloy na pag-ulit sa mga pagkilos na nagpapaalis ng mga nakakalungkot na naiisip�� kahirapan sa pagtuon ng pansin�� problema sa pagtulog at pagkaka-roon ng mga bangungot�� mga bugso ng galit

Nababalisa? Tawagan ang aming lokal na pangkat sa kalusugan sa pag-uugali. Para sa QExA, ang toll-free na numero ay 1-888-980-8728 (TTy 711). Para sa QUEST, ang toll-free na numero ay 1-877-512-9357 (TTy 711). Ire-refer ka nila sa isang nakikilahok na

propesyunal sa kalusugan ng pag-iisip. Kung makakuha ka ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-iisip, sabihin sa iyong doktor ang tungkol dito. Hilinging lumagda sa isang release upang makapagbahagi ang iyong mga provider ng impormasyong tungkol sa iyong pangangalaga.

Page 7: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plTALK ANO Magagawa mong mag-quit Sumali

FALL 2012 7

Mga Unang Hakbang sa KalusuganKumuha ng suporta para sa isang ligtas na pagbubuntis at pagkatapos nito.Magkakaroon ka man ng una o ikatlong anak, makakatulong ang Mga Unang Hakbang sa Kalusugan. Kumuha ng personal na suporta upang manatiling malusog bago, habang at pagkatapos ng pagbubuntis. Habang buntis ka, matutulungan ka ng iyong personal na nurse na:�� makahanap ng mga paraan upang mabawasan ang paggamit ng tabako, alkohol at gamot.�� kumain nang maayos.�� mag-ehersisyo nang ligtas.�� maghanda para sa labor.Hindi natatapos ang iyong suporta

pagkatapos mong manganak. Matutulungan ka ng iyong nurse sa loob ng hanggang anim na linggo pagkatapos ng panganganak na:�� kumuha ng postpartum care (at itakda ang iyong appointment).�� pumili ng doktor para sa iyong sanggol.�� humanap ng mga lokal na sang-gunian gaya ng Women, Infants and Children (WIC).

Buntis? Para sa isang masaya at ligtas na pagbubuntis, magpatala ngayon sa Mga Unang Hakbang sa Kalusugan. (Available lang ang pro-gramang ito sa mga miyembro ng QUEST.) Tumawag sa aming lokal na Mga Serbisyo sa Miyembro ng QUEST sa 1-877-512-9357 (TTy 711). Wala kang karagdagang babayaran.

MAgKAKArOON Ng BABy?Tawagan ang opisina ng iyong provider sa araw na umuwi ka mula sa ospital. Magtakda ng appointment para sa isang postpartum visit. Hilinging mat-ingnan sa loob ng 4–6 na linggo. Kung sumailalim ka sa C-section, kakailan-ganin mo ng dalawang pagbisita — isa sa 1–2 linggo at isa sa 4–6 na linggo.

Matulog nang ligtasNoong nakaraang taon, nagsagawa ang pamahalaan ng mga bagong panuntunan tung-kol sa mga crib. Ginagawang mas ligtas ng mga panuntunang ito ang mga sanggol. Hindi naibababa ang magkabilang gilid ng mga bagong crib. May mas matitibay na slat at mat-tress support ang mga ito. May mas mahusay na hardware ang mga ito. Nasubok nang mas mabuti ang mga ito.

Kung may crib kang binili bago ang Hunyo 28, 2011, maaaring hindi ito ligtas. Tingnan kung binawi ba ang mga ito sa www.cpsc.gov. Tiyaking walang maluwag, nawawala o sirang mga bahagi.

Kung makakita ka ng crib na naibababa ang magkabilang gilid, maaari mo itong gawing mas ligtas. May mga kit na pumipigil sa pag-galaw ng mga gilid. Tawagan ang kumpanyang gumawa ng iyong crib upang malaman ang tungkol sa mga ito.

Huwag ibigay, ibenta o i-donate ang iyong lumang crib sa ibang tao. Kung bumibili o humihiram ka ng bago o gamit nang crib, tiyak-ing tinutugan nito ang mga bagong paman-tayan sa kaligtasan.

good night. Makakatulong kang mapigilan ang biglaang infant death syndrome (SIDS). Patulugin nang nakahiga ang iyong sanggol. Huwag

maglagay ng anumang malambot sa crib, tulad ng mga kumot at unan. Gumamit ng firm at tight-fitting na kutson.

Page 8: Health ANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY … · AMC-024-HI-CAID FAll 2012 HealthANG SUSI SA MAGANDANG BUHAY AY ISANG MAHUSAY NA plTALK ANO Magagawa mong mag-quit Sumali

8 HEALTH TALK

Pakikipag-ugnayanMga Serbisyo sa Miyembro Humanap ng doktor, magtanong tungkol sa benepisyo o maghain ng reklamo, toll-free.QExA: 1-888-980-8728 (TTy 711)QUEST: 1-877-512-9357 (TTy 711)

Nurseline Kumuha ng 24/7 na payong pangkalusugan mula sa isang nars, toll-free.QExA: 1-888-980-8728 (TTy 711)QUEST: 1-877-512-9357 (TTy 711)

State Smoking Quitline Kumuha ng suporta upang tumigil sa paninigarilyo, toll-free.1-800-QUITNOW (1-800-784-8669)

National Domestic Violence Hotline Makakuha ng tulong para sa pang-aabuso sa loob ng tahanan, toll-free.1-800-799-7233 (TTy 1-800-787-3224)

Aming website Gamitin ang aming direktoryo ng provider o basahin ang iyong handbook ng miyembro.UHCCommunityPlan.com

TM/© 2012 Sesame Workshop

PAgKAIN NANg WASTO NA PASOK SA BUDgET

Ang UnitedHealthcare at Sesame Workshop, ang nonprofit na samahan sa likod ng Sesame Street ay nakipagtulungan upang buuin ang Food for Thought: Pagkain Nang Wasto na Pasok sa Budget upang matulungan ang mga pamilya na pumili ng mga pagkaing abot-kaya, masustansya at nagtatakda ng pundasyon para sa panghabambuhay na gawaing makakabuti sa kalusugan.

Maaaring maging mahirap makipag-usap sa iyong mga anak tungkol sa pagkain. Ngunit maaaring mangamba o mabalisa ang mga bata kapag kung minsan ay limitado ang pagkain sa bahay. Ang pakikinig at pakikipag-usap nang maayos sa iyong mga anak ay makakapagbigay ng kumpyansa sa kanila at makakatulong sa iyong pamilya na sama-samang makahanap ng mga solusyon.

Maaaring marami ang tanong ng mga bata, kung saan ang ilan sa mga ito ay maaaring mahirap sagutin. Ayos lang ito. Habang sinusubukan mong makipag-usap sa iyong mga anak, narito ang ilang tip na dapat tandaan:■ PAg-USAPAN ANg IyONg MgA NArArAMDAMAN.

Hikayatin ang mga bata na gumamit ng mga salita upang sabihin ang kanilang nararamdaman. Pagaanin ang kanilang pakiramdam sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga partikular na bagay na iyong ginagawa upang matulungan ang iyong pamilya.

■ AyOS lANg HUMINDI. Tandaang ayos lang kung hindi makuha ng mga bata ang lahat ng kanilang gusto. Nagsusumikap kang maibigay ang mga bagay na kanilang kailangan. Sa katunayan, mahalagang magtakda ng mga limitasyon para sa mga anak.

■ PAPANATAgIN ANg MgA MAS NAKATATANDANg KAPATID. Maaari mong mapansing nagsasakripisyo ang mga kuya at ate kahit hindi tinatanong. Magbigay ng mga ideya para sa mga positibong paraan kung saan makakatulong na lamang sila sa pamilya.

Magsaya. Bisitahin ang sesamestreet.org/food para sa higit pang impormasyon sa Food for

Thought kabilang ang mga video, isang storybook para sa mga bata, isang gabay sa caregiver at masu-sustansyang recipe.