Grp3 silangang asya
-
Upload
marvile-ferrer -
Category
Documents
-
view
11.534 -
download
1
Transcript of Grp3 silangang asya
TSINA. Kronolohiya: Shang hanggang kay Sun Yat Sen Shang (1766 BCE - 1027 BCE)
Nagtatag ng basehan ng sibilisasyon sa Tsina
Tinatag ni Tang
Kabisera: nasa Anyang, malapit sa hangganan ng Henan
Umaasa sa agrikultura at paghahayupan
Bumaliktad ang hukbo ng Shang dahil sa hirap na dinanas nito sa pamumuno ni Haring
Zhou ng dinastiyang Shang; nagpakamatay si Zhou at bumagsak ang Shang
Gobyerno
ang kapangyarihan ng mandirigmang hari (Wang) ay nakasalalay sa pwersa,
alyansa ng mga dinastiya at aura ng kaalaman mula sa kabanalan
monarkiya ang pinaiiral at pinamumunuan sila ng isang hari
Pari: tigapamagitan sa hari at sa kanyang nasasakupan; nagtatago ng mga talaan
at kasulatan ng gobyerno at namamahala sa relihiyon at divination (paghula)
Slavery system: ang mga miyembro ng aristokrasya ay nagmamay-ari ng mga
aliping namumuhay na parang mga aso
Kasaysayang pampulitikal
Tang: nasasakupan niya ng maayos at nagtalaga ng mga maalam at magagaling
na mga ministro
Haring Pangen: nilipat ang kabisera ng Shang ng 5 beses (ang pinakahuli ay sa Yin,
sa lunsod ng Anyang, probinsya ng Henan; nakabuti ito; Ang Shang ay kilala ring
“the Yin” o “Yin-Shang” dynasty
Wuding: sa ilalim ng pamamalakad nya, naging matatag ang ekonomiya ng Shang
Teknolohiya
Paggawa ng bakal (Bronze at Iron)
mga kasangkapan, sandata, at sasakyang
pandagat
ge, o halberd
yüeh o isang palakol na ginagamit sa
mga pagsasakripisyo ng tao
kagamitang panluto
Simuwu quadripod: pinakamalaking bronze ware na natagpuan buong mundo;
nilikha bilang tribute sa namayapang ina ng hari
Komunikasyon
Oracle Script: ang pinakamatandang nasusulat na uri ng komunikasyon sa Tsina
Chinese calendars at pagtatala ng mga tungkol sa kasaysayan
Zhou (1122 BCE - 256 BCE)
Tinatag ni Haring Wu (Jifa): anak ni Haring Wen ng Zhou; pinamunuan nya ang pag-
atake sa Shang kasama sina JiangShang at Zhoudan
Kabisera: Haojing
tinatawag na Western Zhou dynasty
Ekonomiya at Lipunan
handcrafts” ay umusbong, pati na rin ang industriya ng bronze
Umusbong ang “trading” sa mga “bazaars” sa mga maliliit na nayon kung saan
mga telang silk, sandata, hayop at mga alipin ang mga pinagpapalitan
Sa agrikultura, ang mga kagamitang bakal at mga pang-araro ay unang ginamit
Ang pagsulat ay lalong lumaganap. Isinusulat nila ang mga kaganapan sa lipunan
sa mga oracle bones at mga kagamitang bronze.
Pagbagsak ng Western Zhou Dynasty
Pinagpalit ng mga Vassal Lords ang kanilang mga minanang mga lupain mula sa
mga hari ng dinastiyang Zhou. Lumawak ang pagmamay-ari ng mga Vassal lords at
lumakas na rin ang kapangyarihan nila, na siyang nagpahina sa kapangyarihan ng
hari dahil hindi na ang hari ang nag-iisang may-ari ng mga lupaing iyon.
Dahil na rin sa kagustuhang mapalawak ang nasasakupan nila, maraming
digmaang nilunsad ang Zhou. Isa sa mga banta sa kanila ang Quanrong (isang
tribo sa hilagang kanluran)
Binigyan ni Haring You ng kapangyarihang mamuno si Baosi. Naging dahilan ito ng
pag-aagawan sa kapangyarihan sa loob ng dinastiya.
Nag-alsa ang mga Vassals at pati na rin ang Quanrong ay sumalakay. Bumagsak
ang Western Zhou dynasty.
Si Haring Ping na syang namuno sa Zhou pagkatapos ng pagbagsak ay nilipat ang
kabisera sa Louyi. Ito na ang simula ng Eastern Zhou Dynasty.
Simula ng Eastern Zhou dynasty
Ang komunikasyon ay umunlad dahil ang pumalit sa mga chariots ay mga kabayo.
Umunlad ang mga irigasyon sa mga pananim na syang nagpa-unlad sa agrikultura
at
nagparami sa popuplasyon
Simula nung ilipat ni Haring Ping ang kabisera sa Louyi ay umunlad ang mga vassal
states. Kasabay nun ang pag-unlad ng ekonomiya at hukbo nila. Dahil dun mas
ninais nilang mapalawak ang nasasakupan nila kaya naglunsad sila ng maraming
digmaan.
Tinatawag itong Spring and Autumn Period
the Five Overlords of the Spring and Autumn Period - nag-away away para sa
pamumuno
1. HuangHong ng estadong Qi
2. Xianggong ng Song
3. Wengong ng Jin
4. Mugong ng Qin
5. Zhuangwang ng Chu
Nagkaroon ng pagbagal sa pag-unlad sa ekonomiya dahil sa maraming awayan.
Pumasok ang Tsina sa “Warring States Period”.
Umusbong ang Seven Kingdoms- Qi, Chu, Yan, Han, Zhao, Wei at Qin. Sila ang mga
pinakamakapangyarihan sa mga estado.
Sa pagtatapos ng Warring States Period, ang Qin na isa ng maunlad na estado ay
sinalakay ang Eastern Zhou dynasty. Pinag-isa ni Haring Yingzheng ang China.
Qin / Ch’in (221 BCE- 206 BCE)
tinatag ni Shi Huang Ti (o unang emperor)
kabisera: Xianyang
pinag-isa ni Shi Huang Ti ang emperyo gamit ang totalitarian philosophy of Legalism
tinanggal ang sistemang feudal sa pamamahala ng mga probinsya
Ang sukat, timbang, currency at wika ay dumaan sa “standardization” para isulong
ang kalakalan sa loob ng mga bagong nasasakupan. Pati mga librong taliwas sa
Legalism ang nilalaman ay sinunog maliban na lang sa mga librong nasa emperyo ng
Qin.
Itinantag ang Great Wall of China para protektahan ang China mula sa mga
nomadikong Huns.
Terracotta army: life-sized army sculptures sa puntod ni Shi Huang Di na nilagay dun
para bantayan ang emperor hanggang kabilang buhay
Emperor Shi Huang Di
Natakot si Shi Huang Di na harapin ang kamatayan kaya’t inutusan nya ang mga
doctor na ng gamut na tutulong sa kanyang maging diyos. Nakatuklas ang mag
doctor ng isang solusyon na may mercury, na sya namang inikanamatay ng Emperor
Chu Han War: labanan sa pagitan nila Xiangyu at Liu Bang para makamit ang
pamumuno sa dating teritoryo ng Qin. Si LiuBang ang naging pinuno at nakapagtatag
ng bagong dinastiyang tinatawag na Han.
Han (206 BC - 220 AD)
tinatag ni LiuBang (Early Han dynasty)
kabisera: Chang'an
ipinatupad na ang ideolohiya ng estado ay maging Confucianism
isang Imperial University ang tinatag para mapag-isa ang kurikulum ng Confucianismo
isang pagususulit (Civil Service Exam)ang dinadaanan para malaman kung karapat-
dapat ang isang tao sa posisyon. Hindi na ito namamana tulad ng dati.
Wendi o Emperor Wudi: anak ni LiuBang; nagpalawak ng nasasakupan
binuksan ang Silk Route para sa pagpapalawak ng nasasakupan sa hilaga. Daanan
na nag-uugnay ng Tsina at Imperial Rome
Naipasa rin sa pamamagitan ng
Silk Route ang Nestorian
Christianity mula sa Europa at
Budismo mula sa India
Nagkaroon ng Civil war dahil nung
magkulang ng mga papalit sa trono,
mga bata ang ginawang emperor
Later Han Dynasty
Nalipat sa Luoyang ang kabisera
humina ang emperyo dahil
binigyan ng kapangyarihang
mamuno ang mga ina ng mga
batang emperor. Sa tulong ng mga court eunuchs ay naayos ang problema. Pero
kinailangang bigyan ng parehas na kapangyarihan ang mga eunuchs at ang mga
ina ng
mga emperor. Dito nahating muli gobyerno.
Nung 168 AD-170 AD nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga eunuchs at mga
Bureaucrats dahil sa posisyon at kapangyarihan.
Mga naiambag:
Naimbento ang papel mula sa fibersng mga halaman
Pagtatayo ng isang state library na naglalaman ng mga libro, kasama na ang First
Chronicle ng Tsina ni Sima Qian
Isinulong niya ang pagbabasa ng 5 Confucian Classics: The Shijing (Book of Poetry),
The Shujing (Book of History), The Liji (Book of Rites), The Yijing (Book of Changes) at
The Chunqiu (the Spring and Autumn Annals)
Zhangheng: naimbento ang Seismography at Armillary sphere para malaman kung
may darating na lindol at obserbahan ang kalawakan
Huatuo: unang gumamit ng Anesthesia sa panggamot at pag-oopera
Naging sining ang calligraphy at pag-pipinta, pati na rin ang pottery
Silk Route
Bumagsak dahil sa mga di pagkakasundo sa loob
ng emperyo na sinundan ng mga pag-aalsa
mula sa mga peasants.
Sui (589 AD-619 AD)
tinatag ni Emperor Wen o Yang Jian
Kabisera: Chang’an
Tinatag nila ang Three Departments and Six Ministries kung saan ang lahat ng
pamamahala ay sumasailalim
Tinanggalan ng pribilehiyo ng mga ‘noble families”
Sinimulan ang Civil Service Exam. Pumili ng mga opisyal ayon sa galing at hindi ayon sa;
nagsasagawa ng palagiang pagsusulit para malaman kung sino ang mga opisyal
nagugurakot sa emperyo
Pinagpatuloy ang paggawa ng Great Wall of China
Ginawa ang Grand Canal na nag-uugnay sa ilog Huang Ho at ilog Yangtze.
Nagkaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng dalawang lugar.
Itinatag ang “Land Equalization System”. Upang lumiit ang pagitan ng mga mahihirap
sa mga mayayaman, binase nya ang paghahati ng lupa sa bilang ng mga taong
nakatira sa isang bahay o household. Maaari nilang sakahin ang mga lupa nila ngunit
di nila ito maaaring ipagbili.
Marami mang nagawang pagbabago, di pa rin nasiyahan ang mga tao dahil itinaas
ang buwis dahil sa maraming gastos sa pagtatayo ng Grand Canal, Great Wall at sa
pakikidigma.
bumagsak ang dinastiyang Sui dahil sa pagkatalo nito laban sa mga tiga Hilagang
Korea at Timog Manchuria. Si Emperor Yang na anak ni Emperor Wen ang huling
emperor. Naging abusado sya sa kapangyarihan at lagi naglulunsad ng digmaan sa
mga karatig lugar nito. Magagastos rin ang mga proyekyong isinusulong nya. Pati na rin
ang mga magagastos na paglalakbay ay nakapagpasira sa kanya.
Pinatay sya ng isa sa kanyang mga katiwala at si Liyuan ang naging bagong pinuno.
Nagtatag sya ng sarili nyan emperyo.
Tang (618 AD- 907 AD)
kinakitaan ng katatagan at kadakilaan
malawak ang sakop (umabot hanggang Korea, timog Manchuria, Hilagang Vietnam)
kabisera: Chiang’an
Gobyerno
Emperor Taizong: ang nagtatag ng Tang
Empress Wu Zetian: nag-iisang babaeng monarko sa Tsina
may sentralisadong gobyerno
binawasan ng kapangyarihan ang mga prime ministers at mga pinuno ng mga
maiimpluwensyang pamilya para lumakas ang impluwensya ng hari at maging
sentralisado ang gobyerno
matatag na militarya; ginawang pamantayan ang mga Fubing ng dinastiyang Sui
(magagaling na hukbo ng mga mandirigma)
Imperial Examination System- nagbigay pagkakataon para sa mga karaniwang
mamamayan para makapaglingkod sa gobyerno; Pinipili ang mga
pinakamagagaling para sa mga posisyon sa palasyo sa pamamagitan ng isang
pagsusulit.
Tang code: ang pinakaunang kumpletong kodigo sa Tsina na hanggang nagyon
ay preserbado pa rin
Patakaran sa lupa at buwis:
nagsasagawa ng isang triennial census para malaman ang lahat ng mga nakatira
sa nasasakupan nila, upang mas maging maays ang kuleksyon ng buwis.
Grand Canal Buddha
Importanteng reporma:
Sistemang Zuyong Diao: ang basehan ng buwis ay ang bilang ng pamilya sa
lupa. Ang bawat isa ay magbabayad ng 3 uri ng buwis
a. Zu-buwis sa ani
b. Diao- buwis sa tela
c. Yong-buwis sa serbisyo at military
Double Tax System: 2 beses mangungulekta ng buwis (Summer at Autumn)
depende sa laki ng lupa at sa dami ng ani.
Dahilan ng pagbagsak:
Tianbao Crisis (political na kurapsyon dahil sa maling pagtatalaga ng mga opisyal)
Sung / Song (960 AD- 1279 AD)
tinatag ni Zhao Kuangyin (Chao K’uang-yin)/ Emperor Taizu
Northern Song
pinairal ang sentralisadong pamahalaan; limitahan ang militar na hukbo sa
probinsya; isinailalim ang military sa isang gobyrnong sibil.
pinag-ibayo ang pangungulekta ng buwis ni Wang Anshi, ang chief counselor ni
Emperor Shenzong
Southern Song
dahil sa mahinang militar at problemang piskal, nakipagkasundo ang Song nung
1120s sa Jin Dynasty ng Dongbei laban sa pwersa ng Liao. Nagapi nila ang Liao at
naibalik sa kapangyarihan ang Song.
nalagpasan pa nito ang pag-usbong ng ekonomiya ng Northern Song dahil sa
matagumpay na sistema ng pangangalakal. Tumatag ang pamahalaan nila.
naimbento ang “printing”
Pagbagsak:
Bumagsak rin dahil sa mali-maling pamamalakad ni Emperor Gaozong. Nagatalaga
sya ng mga opisyal na hindi marurunong gumawa ng reporma
Yuan (1234-1368)
Tinatag ni Genghis Khan o Timujin
gumawa ng kodigo ng mga batas para sa mga mongol o Yassa
Kublai Khan o Shih Tsu: apo ni Genghis Khan; nilipat ang kabisera ng mga Mongol mula
Karakorum papuntang Khambalic (Beijing)
tinangka ring palawakin ang nasasakupan hanggang Russia (pwera Novgorod),
Hungary at Poland
Namunong parang mga intsik kaya kinuha nila ang Yuan para sa dinastiya
Umayos ang rutang nag-uugnay sa Tsina at Europa kaya nagkaroon ng mas
matagumpay na
kalakalan sa pagitan ng dalawa; binisita ni Marco Polo
tinaguyod ang mga turo ni Confucius
umunlad ang sistema ng komunikasyon
pinakilala ang Postal System sa Tsina, isang bagay ng matagal ng ginagawa ng
mga Mongol
umunlad ang ekonomiya ngunit nagkaroon rin ng pag-abuso rito
nagpairal ng matinding diskriminasyon sa mga Tsino; hindi binigyan ng posisyon ang
mga Tsino sa pamamahala
Nagtatag ng ibang uri ng social structure; ang mga nasa itaas ay mga Mongol;
sumunod ay mga dayuhan; sumunod ang mga taga hilagang Tsina na ang mga
teritoryo ay nasakop mula sa Qin; huli ang mga taga timog Tsina na dating
napasailalim sa Sung/Song.
naghirap dahil sa lubhang magastos na digmaang nilunsad nila;
bumagsak dahil sa mga pag-aalsa ng mga magsasaka; rebelyon; pinamunuan iyon ni
Zhu Yuanzhang
Ming (1368-1644)
tinatag ni Zhu Yuanzhang o Emperor Taizu
umunlad ang ekonomiya; dumami ang mga produktong export
may matatag na hukbong militar at hukbong pandagat
Ang dinastiya ay hinati sa 15 probinsya at 3 commissioners ang naatasan sa isang
probinsya—para sa pananalapi, militar at sa paghuhukom.
Pinalawak ang ugnayan sa labas ng emperyo
Zheng He: namuno sa maraming ekspedisyon na pinondohan ng emperyo para
palawakin ang ugnayan sa labas. Nakarating sya ng Timog Silangang Asya, India,
Persian Gulf, Dagat Pula, Mecca, Indochina, Java, Sumatra, Ceylon (Sri Lanka),
Kozhikode (Calicut) at sa silangang baybayin ng Africa.
Sa pamumuno ni Emperador Yung Lo, nagpadala ng ekspedisyon sa Cambodia,
Cochinchina, Siam, Sumatra, Java, Sumatra at Ceylon.
Mga nakapalitang kalakal: Mga Portuguese sa Macao (1514), Ang mga Dutch sa
(Formosa)Taiwan (1619) at ang Pescadres islands
Maraming mga dumayo sa Tsina galing sa Europa, kasama na ang mga Roman
Catholic na misyonaryong kagaya ni Matteo Ricci. Dumating rin ang mga
Heswita para
magpalaganap ng Kristiyanismo ngunit di sila masyadong nagtagumpay
tinapos ang Great Wall; pinalakihan ang bricks at granite na ginamit; ginawan ng
bagong disensyo ang mga watch towers at nilagyan ng kanyon sa kahabaan nito
Mga itinayo: Forbidden City, Ming Tombs at ang Temple of heaven
pinakakilalang nobelang intsik nung panahong iyon
Sanguozhi yanyi (The Romance of the Three Kingdoms)
Shuihuzhuan (The Water Margin)
Unti- unting bumagsak dahil sa pag-aalsa ng mga magsasaka, di pagkakasundo ng
military sa mga Mongols at iba pang tribong nomadiko sa hilaga, pamimirata ng
mga hapon at magastos na ekspedisyon. Tumaas rin ang buwis dahil sa
problemang piskal. Nagkakorapsyon nang italaga ng emperor ang mga court
eunuchs sa kanyang pamahalaan.
Hindi rin sila nakapaglaan ng sapat na pagkain nung magkaroon ng taggutom
Qing (1644 AD - 1912 AD)
itinatag ng mga Manchu o Jurchen
Emperors Kangxi (1622-1723), Yongzheng (1723-1736) at Qianlong (1736-1796): sa
pamumuno nila, naabot ng Qing ang tugatog ng tagumpay para maiwasan ang di
pagkakasundo sa lipunan, nagpagantimpala sila sa mga magsasaka ng lupa.
umunlad ang ekonomiya at bumaba ang buwis; naging sentralisado ang
kapangyarihan at tumatag ang militar, may maayos na lipunan at lumaki ang
populasyon.
Emperor Kangxi: sa panahon nya, ang Taiwan ay naging parte ng Tsina at pinagtibay
ang Sino-Russian na Kasunduang Nerchinsk (nagsasaad ng hangganan ng 2 bansa)
Emperor Qianlong: naresolba niya ang mga di pagkakasundo ng Qing sa mga tribo at
mga nomadiko. Nag-aral ng Calligraphy, sining at literature, at naging patron ng sining.
:isinulong rin ang "eight-part essay" o "stereotyped essay" bilang format para sa
imperial civil service exams.
Nagtayo ng mga Qing tombs
19th c.- ang British East India Company ay nag-smuggle ng napakaraming Opyo sa
Tsina. Nakalusot sila dahil sa mga korap na opisyal ng Tsina. Sinubukan silang supilin ng
Tsina ngunit lumala lang ito at naging mitsa ng Unang Opium war nung 1841-1842.
Natalo ang Tsina at natapos ito sa pamamagitan ng Kasunduan sa Nanking.
Treaty of Nanking : Sa ilalim nito, ang Tsina ay dapat magbayad ng malaking
halaga, magbukas ng 5 daungan sa mga kalakal at paninirahan ng mga Briton at
ibigay ang Hong Kong sa Britanya. Nagbigay rin ito ng karapatan sa mga Briton sa
Tsina na litisin sa mga korteng Briton. Iba pang mga kapangyarihan at pribelehiyo
ang hiningi nila mula sa Tsina.
Second Opium War: ang Britain at France ay nagsanib pwersa upang kalabanin
ang Tsina. At nung hindi pumayag ang Tsina na lagdaan ang Kasunduan sa Tienstin
ay sinugod ng Britanya at Pransya ang Beijing at sinunog ang Summer Palace.
Napilitang pagtibayin ng Tsina ang kasunduan.
Treaty of Tienstin: Nagbukas ng dagdag na daungang pangkalakal, pinayagang
tumira ang mga British emissaries sa Tsina, pinapasok ang mga kristiyanong
misyonaryo, at nung maglaon ay ginawang legal ang opyo.
Rebelyong Taiping (1850 and 1864)
pinamunuan ng Cantonese schoolmaster na si Hong Xiuquan at tinawag ang sarili
nyang “Heavenly King of the Taiping” o “Heavenly Kingdom”
pinagsama ni Hong Xiuquan ang ibang mala-kristiyanong ideya sa traditional na
ideolohiya ng mga intsik. Ang religious propaganda nya ay pagkakaligtas sa
demonyong Manchus.
Pinahahalagahan ang pagkakapantay ng mga lalake at babae. Pinangako rin ng
rebelyon na aalisin ang opyo, pagsusugal, pang-aalipin ng mga kababaihan,
prostitusyon at foot-binding.
Rebelyong Boxer
pag-aalsa ng mga Tsino laban sa mga dayuhan
ang pangunahing hangarin ay paalisin ang mga dayuhan sa Tsina
Yihe Quan (Righteous and Harmonious Fists): sikretong grupo ng mga intsik na kilala
ng mga kanluranin bilang mga Boxers dahil sa martial arts; pasikretong sinuportahan
ng palasyo, lalo na ni Empress Cixi
Self-strengthening Movement at ang Hundred-Day Reform: inilunsad para maisalba
ang Tsina
Sa katapusan ng rebolusyon nung 1911 na pinamunuan ni Dr. Sun Yat Sen, ay
natuldukan ang emperyong Qing.
bumagsak dahil na rin sa dami ng mga pag-aalsa mula sa loob at labas ng Tsina,
maraming kasunduang napasukan na nakadulot ng pagkaubos ng kanilang mga
pinagkukunang-yaman
Sun Yat Sen
sa kasaysayan ng Tsina ay kilala bilang "The Father of the
Revolution" o "The Father of the Republic"
binuo ang Shing Chung Hui: organisasyon ng mga imigranteng
Tsino
Sa tulong ng samahang ito, siya ay nakaipon ng pondo para sa
Chinese revolution
Bumuo siya ng isang revolutionary army para atakihin ang
Canton ngunit nabunyag ang lihim niyang ito kugn kaya’t siya
ay pinaalis ng Tsina
hanggang 1899, siya ay nanatili sa Japan ngunit nagiging
tanyag sa Tsina
Noong mga huling taon ng 1910, lubos na na nahati ang Tsina dahil sa iba’t ibang mga
military na lider. Nakita ni Sun Yat Sen ang panganib na ito at bumalik sa Tsina noong
1917 para itaguyog ang pagkakaisa. Nagsimula siya ng isang militar na gobyerno sa
Guangzhou.
ang kanyang ideya ng rebolusyon ay batay sa tatlong prinsipyo: nasyonalismo (minzu),
demokrasya (minquan), at kabuhayan (minsheng)). Ang tatlong prinsipyo na ito ay
ngayong itinuturing basic principles: “the Three People’s Principles” (Sanmin Zhuyi, 1923)
maraming pulitiko at warlords ang humamon sa pagiging lehitimo ng militaristang
pamahalaan ni Sun
CONFUCIANISMO
I. BUHAY NI CONFUCIUS
A. TUNGKOL KAY CONFUCIUS
- 479 BCE
shandong province)
-tzu” na naging -->
confucius (latinized by e uropeans)
ay sa pangarap na maging adviser ng
iba’t-ibang mga mamumuno
B. PAMUMUHAY
- 221 BCE)
-laban ang mga estado para mapalaki ang impluwensya nila sa China
ang nagkaroon ng pangmatagalang epekto
C. PAGKAMATAY NI CONFUCIUS
)
II. MGA PANINIWALA NI CONFUCIUS
A. FILIAL PIETY
sa pagkakatugma o “harmony” sa pamilya
sa:
oherarkiya
orespeto
oedukasyon
B. EDUKASYON
tamang edukasyon uusbong ang mga patas na mga lider
magagaling na guro upang maging angkop sa pagiging pinuno C. FIVE KEY
RELATIONSHIPS
(superiors)
Five Key Relationships Appropriate Virtues
Father - son Filial piety
Ruler - Subject Loyalty
Older Brother – Younger Brother Brotherliness
Husband – Wife Love and Obedience
Friend – Friend Faithfulness
III. MAHAHALAGANG KASULATAN
niya ito isinulat, tanging mga ideya niya lamang ito
A. DOKTRINA SA LUNYU
1. Ren – pinakamahalaga sa lahat ng virtues na nangangahulugan ng pagmamahal at
kabutihan
2. Li – tamang pagkilos sa lahat ng oras
3. Yi – pagiging patas
4. Xiao – o filial piety
5. Zhong - katapatan
B. MANDATO NG LANGIT (MANDATE OF HEAVEN)
-bagay
limang key relationships, na pagiging isang makatarungang pinuno
C. TUNTUNIN SA MORALIDAD
1. Li – tamang pagkilos; ideyal na pamantayan ng tamang asal
2. Jen – kabutihan; pagpapahalaga sa iba kahit ano pa man ang kanilang estado sa
buhay
3. Chun Tzu – ideya ng pagiging isang “true gentleman”; nangangailangang magpakita
ng 5 katangian:
a. respeto sa sarili
b. mapagbigay sa kapwa
c. katapatan
d. tiyaga
e. kabaitan
. ILANG BAHAGI NG LUNYU
– Subject
2.3 The master said: “Lead the people with administrative injunctions and keep them
orderly with penal law, and they will avoid punishments but will be without a senseof
shame. Lead them with excellence and keep them orderly through observing ritual
propriety and they will develop a sense of shame, and moreover, will order themselves.”
- Younger Brother
1.6 The Master said, “As a younger brother and son, be filial at home and deferential in
the community; be cautious in what you say and then make good on your word; love
the multitude broadly and be intimate with those who are authoritative in their conduct.
If in so behaving you still have energy left, use it to improve yourself through study.”
- Friend
7.22 The Master said, “In strolling in the company of just two other persons, I am bound to
find a teacher. Identifying their strengths, I follow them, and identifying their weaknesses, I
reform myself accordingly.
IV. ANG CONFUCIANISM SA PANAHON NGAYON
dapat na sumusunod sa mga magulang at nakatatanda sa kanila
Heaven)
TAOISM Ang Taoism ay isa sa mga relihiyon sa Tsina.
Ito ay ang relihiyon ng kalikasan, ang relihiyon ng mga cosmos.
Naniniwala ang mga Taoist na nag kaligtasan o salvation ay hindi makukuha sa pamamagitan ng ritual
kundi sa kaalaman (knowledge)ng mundo tungkol sa mga pagiging (being) at ng di-pagiging (non-
being), sa buhay at kamatayan.
Ang salitang “tao” ay maraming ibig sabihin. Ito raw ang pinaka-
simpleng simbolo sa Chinese Language na maaring
mangahulugan ng daan, prinsipyo, paraan o doktrina.
Sa Chinese, maari itong maging “system of order” o ang anyo ng
realidad ng mundo.
Lahat ng agham o sining ay tinatawag din na tao o ang daan.
Pero ang pinanggalingan ng lahat ng bagay, ang pundasyon ng
agham at sining ay tinatawag na Tao o Ang Daan.
Upang makamit ang kaligtasan, ang mga Taoist ay pineperpekto
ang karunungan ng sangkatauhan (perfecting the mastery of
human nature) at ang buhay sa tatlong lugar: ang sarili,
pakikihalubilo sa tao, at ang ebolusyon ng kamalayan (individual
well-being, social harmony, accelerated evolution of the
consciousness). Ang tatlong ito daw ang pundasyon sa pag-unlad
ng sarili at gabay sa lahat ng agham at sining.
Ang Taoism ay hindi naniniwala sasa diyos pero sa isang walang pangalan na pinanggalingan ng lahat
ng bagay. Walang gumawa sa mundo. Ang Tao o Dao ang gumawa ng lahat ng bagay mula sa
kawalan. Ito ang konsepto nila ng kawakaan at hindi-kawakaan (nothing at everything). From Nothing
there came Everything. They produce one another, they cannot truly opposite. Ang Taoism ay tungkol
sa karanasan ng konseptong ito, na ang realidad ay mula sa kawalan.
Nothing is the substance of the dao, and the being is its function. In order to achieve the realm of the
dao, we must first reconcile ourselves with non-action, non-engaging in affairs of the world, non-
intellectualization, no knowledge, no desires, egolessness, and selflessness.
May dalawang teksto ang Taoism: ang Tao-te-Ching at ang Chuang-Tzu. Isinulat ni Lao-Tzu ang Tao-te-
Ching, na naglalaman ng kasabihan at mga tula. Si Chuang-Chou naman ang nagsulat ng Chuang-
Tzu na naglalaman ng mga storya at monolog na naglalarawan at nagpapaliwanag pa ng mga itinuro
ng Tao-te-Ching.
Naniniwala ang Taoism sa non-action, sa pagiging kontento, sa pagpapahintulot sa mundo na gawin
ang dapat niyang gawin (the natural order of things).
Doing too much and taking on too much can lead to mistakes and failure, it is better to preserve
tranquility, non-action and silence.
NEOCONFUCIANISM I. PAANO NABUO ANG NEOCONFUCIANISMO
Yun at Li Ao
mga Daoist at Buddhist
it, nagging isang sistema ito kung saan may pagkakapareho
ito sa Buddhismo at Daoismo, na parang pinagsama ang tatlong
paniniwala
oAng painting na “The Vinegar Tasters” kung saan naroon sina
Confucius, Buddha, at Lao Tzu ay isa sa mga pinakapopular na
Neo-Confucian motif
II. ZHU XI -Confucianism
-
Confucianism
III. CLASSICS OF CONFUCIANISM basehan itong mga kasulatang ito ng mga Neo-Confucianist
-aaral ng Confucianism
at kanyang kinompile ang mga ito
A. APAT NA LIBRO NG CONFUCIANISMO (FOUR BOOKS O SISHU)
g (Daxue) – unang dapat aralin ng mga bata bago pumasok sa
paaralan
– pilosopiya ng Confucianism
– mga kasabihan ni Confucius
- mga turo ni Mencius at mga pakikipag-usap sa mga pinuno
noong kanyang panahon
B. LIMANG KASULATAN (FIVE SCRIPTURES/CLASSICS)
– naglalaman ng mahigit sa 300 tula
- kasaysayan ng China
– pangyayari sa hinaharap
- tamang paraan ng mga seremonyas
– isang journal na naglalaman
sa mga pangyayari sa Lu, kung saan pinanganak si Confucius I
IV. SCHOOLS OF THOUGHT A. PRINSIPYO (THE SCHOOL OF PRINCIPLE)
oli – imateryal at unibersal na prinsipyo o batas
oqi (ch’i) – ang bumubo sa lahat ng material na bagay
buhay na mananatili
-pareho lang sa bawat tao
nagpapagalaw sa “qi” na ang nagiging resulta ay ang dalawang enerhiya sa mundo; :
oyin – female, passive, moon, negative, shaded, south
oyang – male, active, sun, positive, north
at ang limang elemento:
ofire
owater
owood
ometal
oearth
B. ISIP (XIN “OR MIND” SCHOOL OF NEOCONFUCIANISM)
ili
-bagay, at sa pagkakaroon nito
pagkakakita ng tao sa mundo
mga makasarili at maling pag-iisip ay kailangang gumawa ng isang
ritwal na tinatawag na Jìngzuò o ang pagupo ng tahimik.
Institusyong Pulitikal: “Dynastic cycle”
Ang Dynastic Cycle ay isang mahalagang teoryang pampulitikal sa kasaysayan ng Tsina.
Ayon sa teoryang ito, ang bawat dinastiya ay dumadaan sa isang paulit-ulit na kultura:
1. Ipagsasama-sama ng isang bagong pinuno ang Tsina, magtataguyod ng isang
bagong dinastya, at makakakuha ng Mandate of Heaven o utos ng langit o diyos.
2. Sa ilalim ng bagong dinastya, nakakamit ng kasaganaan ang Tsina.
3. Madaragdagan ang populasyon.
4. Magiging laganap sa imperyal na hukuman ang korupsyon, at magsisimulang
manghina ang imperyo.
5. Lilipunin ng isang kalamidad ang sakahan. Nagiging sanhi ito ng gutom kasama ang
katiwalian at pagdagdag ng populasyon.
6. Nagiging sanhi ng rebelde at ng digmaan ang matinding gutom.
7. Mawawala ang Mandate of Heaven ng pinuno.
8. Bumababa ang populasyon dahil sa karahasan.
9. Dadaan ang Tsina sa isang warring states period.
10. Lilitaw na wagi ang isang estado.
11. Ang estado ito ay magsisimula ng bagong imperyo.
12. Makakakuha ng Mandate of Heaven ang imperyo.
(Muling uulit.)
Ang Mandate of Heaven ang ideya na ang Emperor ay napili ng langit na mamuno sa Tsina.
Ang Mandate of Heaven ay nilikha ng Chinese philosopher na si Mencius, noong period of
warring states.
Tatlong Pangunahing Panahon:
1. Ang una ay ang simula ng dinastya.
2. Ang pangalawa ay sa gitna ng buhay ang dinastya at ang tugatog ng dinastya.
3. Ang huling panahon ay ang paghina ng dinastya, pamulitka at ekonomiko, hanggang
sa pag bagsak nito.
Sources: Cotterell, A. (2002). East Asia. Oxford University Press, Great Britain: Pimlico. All about religious tolerance: the ReligiousTolerance.org web site. (n.d.). Religious Tolerance. Retrieved January 2013, from http://www.religioustolerance.org/ http://en.wikipedia.org/wiki/Dynastic_cycle
HAPON
KRONOLOHIYA: KASAYSAYAN ng JAPAN mula YAMATO
hanggang PAGKATAPOS ng MEIJI
PANAHON ng TOMB (LIBINGAN): Kofun (300-550 CE) | Asuka (550-710 CE)
KOFUN (YAMATO) (300 - 550)
Ang nagkakaisang estado ay nagsimula sa paglabas ng mga makapangyarihang lider
ng mga angkan o clan rulers; nagkaroon ng malapit na kaugnayan ang Japan sa
kalakhang Asya.
Ang mga clan rulers ay inililibing sa mga kofun (malaking punso o tomb mounds) na
pinaliligiran ng haniwa (mga iskulturang yari sa putik o clay).
Ang mga lider ng Yamato, na nagsasabing sila ay nagmula sa angkan ni Amaterasu
(dyosa ng araw), ay nagpasimula sa dinastiyang imperyal na nagpatuloy hanggang sa
kasalukuyan.
391 Dinala ang sistema ng pagsulat ng Tsina sa Japan.
ASUKA (550 -710)
552/538 Opisyal na ipinakilala ang Buddhismo sa Japan
574-662 Sinimulang ihubog ni Shotoku Taishi ang sosyedad at gobyerno ng Japan
base sa sistema ng Tsina.
Inilabas ni Shôtoku Taishi ang Konstitusyong ng Labinpitong Artikulo o
Constitution of Seventeen Articles. Layon nito na gawing sentralisado and gobyerno at
baguhin ang byurukridad mula sa paraanng pagmamana at gawing base sa pagiging
karapatdapat (merit). Nanawagan dis siya para sa ng paggalang sa mga paniniwala ng
Buddhismo at Confucianismo.
645 Ipinatupad ang mga reporma na tinawag na Taika no Kaishin (Taika Reforms) ay
naglalayong palakasin ang kapangyarihan ng emeperador ang inilabas. Ang mga
Repormang Taika ay inanunsyo na nagsasaayos ng mga kautusang pulitikal at
administratibo na halos nakabase sa mga kaalaman mula Tsina. Isa sa mga reporma
ang pagtatag ng permanenteng kabisera ng imperyo at pagdideklara na lahat ng
kalupaan ay kabilang sa Sovereign at ang bawat pamilya ay may nakalaan na parte ng
lupa na naayon sa dami ng miyembro ng pamilya. Plinano rin ang pagbuo ng
pambansang military kung saan ang lahat ng kalalakihan mula edad 20-60 ay
kinakailangang magsilbi kapag kapag sinabi ng estado ngunit maaaring hindi magsilbi
kung magbabayad. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagumpay ang planong ito.
May mga bagong aristokratang pamilya ang nabuo. Isa na rito ang makapangyarihang
pamilya ni Fujiwara no Kamatari na tumulong para isulong ang mga reporma. Nagsimula
ang Fujiwara Era.
NARA (710 – 794)
Ang korte ng imperyo ay nagtatag ng kauna-unahang permanente at bagong kabisera
(na base sa istilo o sistema ng Chang-an sa Tsina) sa Nara (Heijōkyō). Bagaman ang mga
emperador ay tagapamuno o chief ng mga Shinto, hindi nila ipinagbawal ang
Buddhismo sa paniniwalang ang mga turo nito ay magdudulot ng mapayapang
komunidad at magpuprotekta sa kanilang estado.
Ang mga alamat ukol sa pagkakatatag ng Japan ay naipon bilang kasaysayan sa Kojiki
(Record of Ancient Matters) at sa Nihon shoki (Chronicle of Japan). Sa pag-usbong ng
Buddhismo bilang state religion, nagkaroon ng pulitikal na kapangyarihan ang mga
monasteryo nito. Nagsimula ang panahong klasikal sa Japan.
784 Inilipat ang kabisera sa Nagaoka.
HEIAN; Late Heian (Fujiwara) (794-1185)
Ang korte ng imperyo ay lumipat sa Heian-kyo (na ngayon ay kilala bilang Kyoto) para
makaiwas sa dominasyon ng Buddhismo sa Nara.
Patuloy na umusbong ang Buddhismo kasalo ng mga naunang paniniwala ng mga
Shinto. Namukadkad ang kulturang klasikal ng mga Hapon kasabay ng pag-imbento
sakana (pantigan sa pagsulat ng lenggwaeng Hapon) sa bagong kabisera.
Ang mga aristokrata, lalo na ang mga babae, ay gumawa ng pinakamamagandang uri
ng panitikan tulad ng mga tula at nobela.
838 Natigil ang opisyal na pakikipag-ugnay sa Tsina.
ca. 1002 Isinulat ni Murasaki Shikibu ang pinakaunang nobela sa mundo, ang Tales of Genji.
Humina ang kapangyarihan ng korte sa pag-angat ng mga pamprobinsyang bushi
opangkat ng mga mandirigma (warrior class).
1016 Naging rehente si Fujiwara Michinaga.
1159 Ang angkan ng Taira sa ilalim ni Taira Kiyomori ang humawak sa kapangyarihan matapos
ang Digmaang Heiji.
1180-85 Tinapos ng angkan ng Minamoto ang paghahari ng Taira sa Digmaang Gempei.
KAMAKURA (185-1333)
Itinatag ni Minamoto no Yoritomo ang militanteng pamahalaan sa Kamakura. Ang
emperor ay nanatili sa Kyoto kasama ang mga aristokrat ng korte.
Pagsisimula ng paghahari ng militar, pagpalit ng mga samurai o mandirigma sa mga
nobles bilang totoong tagapamahala ng Japan.
Nanatili ang korte ng imperyo sa Kyoto ngunit ang pamahalaang organisasyon ng mga
shogun ay nakabase sa Kamakura, timog ng modernong Tokyo.
1191 Ipinakilala ang Zen sect.
1192 Ibinigay ng korte ng imperyo ang titulong seii taishogun ("barbarian-subduing
generalissimo") kay Yoritomo. Naging bagong ruling class ang mga Bushi.
1274 at 1281 Ang panghihimasok ng mga Mongol ni Kublai Khan ay napigilan sa tulong ng mga
kamikaze (“divine winds”) o masamang panahon. Ang pagdepensa laban sa mga
panghihimasok na ito ay nagpahina sa istruktura ng militaryong pamahalaan sa
Kamamura.
1333 Pagbagsak ng Kamakura bakufu
MUROMACHI (Ashikaga) (1333 -1573)
(Nambokuchō Period: 1331-1392)
Ang distrito ng Muromachi sa Kyoto ay naging base para sa bagong militaryong
pamahalaan ni Shogun Ashikaga Takauji. Si Takauji at ang mga pumalit sa kanya sa
puwesto ay naging tagapangunang Zen, spontaneity in ink painting, pagdidisenyo ng
mga hardin at chanoyu o tea ceremony.
1334 Nabawi ng emperador ang kapangyarihan sa pamumuno sa Japan
1333-1336 Panunumbalik ng Kemmu
Ang bagong mandirigmang pamahalaan ay mayroon pa ring mahinang kontrol o
kapangyarihan sa bansa ngunit mula sa base nito sa distrito ng Muromachi sa Kyoto ay
naging tagapangunang namukadkad pa lamang na artistikong tradisyon na
naimpluwensyahan ng kultura ng Buddhismong Zen pati na rin ng samurai at court
society.
Ang buong bansa ay nasa ilalim ng digmaan, mahaba at mapanirang digmaang sibil.
1336 Nasakop ni Ashikaga Takauji ang Kyoto.
1337 Itinatag ng emperador ang Hukumang Timog sa Yoshino.
1338 Itinatag ni Takauji ang pamahalaang Muromachi at pangalawang emperador sa Kyoto
(Hilagang Hukuman)
1392 Nagkaisaang dalawang korte.
1467-1477 Digmaang Onin.
1467-1568 Ang sampung-taong digmaang Onin (Onin no Ran) ay nagdulot ng pagkabuwag ng
pamahalaang sentral kasunod ang Sengoku Jidai (Era of the Country at War). Ipinakilala
ng mga sundalong Portuges na nasiraan ng barko ang mga baril noong 1543.
1549 Ipinakilala naman ni francis Xavier ang Kristiyanismo.
1568 Pumasok sa Japan si Nobunaga.
1573 Bumagsak ang Muromachi Bakufu.
AZUCHI-MOMOYA MA (1568 -1600)
Sinimulan ni Oda Nobunaga ang proseso ng muling pagkakaisa ng Japan isandaang
taon matapos ang Digmaang Sibil. Sinundan naman siya ni Toyotomi Hideyoshi (1536-
1598). Inilatag ang pagtatayo o pagsisimula ng makabagong Japan.
Ang ambisyon ni Hideyoshi na sakupin ang Korea at Tsina ay nahadlangan dahil
mahigpit na lokal na pagtutol.
Patuloy na namukadkad ang mga sining tulad ng pagpinta, monumental decorative
designs at tea ceremony.
1575 Natalo ang angkan ng takeda sa labanan sa Nagashino.
1582 Pinatay si Nobunaga at pinalitan sa pwesto ni Toyotomi Hideyoshi.
1588 Kinuha ni Hideyoshi ang mga sandata ng mga magsasaka at makarelihiyong institusyon
sa "Sword Hunt".
1590 Nagkaisa ang Japan matapos ang pagbagsak ng Odawara (Hojo).
1592-98 Mga hindi matagumapy na pagsakop sa Korea.
1598 Namatay si Hideyoshi.
1600 Tinalo ni Tokugawa Ieyasu ang kanyang mga kalaban sa Digmaan ng Sekigahara.
EDO (TOKUGAWA) (1600 -1868)
Pumasok ang Japan sa panahon ng kapayapaan at pagsasaro ng kanyang pinto sa
lahat o pambansang pag-iisa (national isolation).
1603 Itinalaga si Ieyasu bilang shogun at itinatag ang pamahalaang Tokugawa sa Edo
(ngayon ay Tokyo).
1614 Pinatindi ni Ieyasu ang persikusyon ng Kristiyanismo.
1615 Nabuwag ang angkan ng Toyotomi matapos masakop ni Ieyasu ang kaharian ng Osaka
1635 Nilimitahan ang pagpasok ng mga mangangalakal na Tsino at Dutch sa Nagasaki sa
ilalim ng polisiyang national isolation. Pinigilan din ang Kristiyanismo. Ang pagpapatupad
ng matibay na hayrarkiyang sosyal ay naninigurado ng kapayapaan at katatagan sa
buong Japan. (Ang mga samurai ay nasa pinakaitaas, sunod ang mga magsasaka, mga
bihasa o artisans at mangagalakal.)
1688-1703 Genroku era: pamumukadkad ng kulturang popular.
Mga unang taon ng 1700 Namukadkad ang mga lungsod at komersyo. Ang lumalaking grupo ng
mga merchants ay natuwa at naaliw sa theatrong Kabuki at Bunraku. Tumaas din ang
pag-iimprinta at paglalathala ng mga libro; nagkaroon ng edukasyon sa mga
urbanisadong populasyon.
1853 Dumating sa Japan si Commodore Matthew C. Perry kasama ang kanyang steam
frigates; ninais gamiting ng Estados Unidos ang mga daungan ng Japan bilang base
para sa mga suplay ng kanilang commercial fleet. Tinanggap ito ng Japan at binuksan
ang kanyang pinto sa unang pagkakataon matapos ang dalawang siglo.
Naging magkaisa ang buong bansa sa ilalim ng militaryong pamahalaan at napanatili
ang 250 taon ng kapayapaan na naging dahilan ng pag-unlad ng mga urbanidad,
kultura ng gitnang-uri o middle-class kasabay ng mga pagbabago sa pang-
ekonomiyang organisasyon, literatura at sining.
MEIJI (Mutsuhito); MEIJI RESTORATION (1868 -1912)
Ang emperor ay namumbalik; naging bansang-estado ang Hapon.
Ang ilang mga bushi ay naging mga sundalo, pulis at guro sa pagbagsak ng sistemang
pyudal at repormang pulitikal. Isang bagong pambansang patakaran na gawing
mayaman at makapangyarihang bansa ang bansang Hapon at pigilin ang anumang
panghihimasok ng pwersa ng mga taga-Kanluran. Binigyang-diin ang pagbuo ng
malakas na pwersang militar at pagpapalakas sa kanyang mga industriya.
1889 Ipinatupad ang Konstitusyong Meiji
1894-95 Digmaang Sino-Japanese
1904-05 Digmaang Russo-Japanese.
Naging makapangyarihan sa buong mundo dahil sa pagkapanalo nito sa digmaang
Sino-Japanase noong 1985 at sa digmaang Russo-Japanese (Battle of Tsushima) noong
1905.
July 1905 Pumirma ang Japan at US ng isang lihim na kasunduan (ang Kasunduang Taft-Katsura)
kung saan pumayag ang Japan na ibigay ang kontrol nito sa Pilipinas bilang kapalit ng
pagbibigay ng US sa Japan ng kontrol nito sa Korea.
1910 Ginawang annex ang Korea at nagpatupad ng batas militar dito.
1912 Namatay si Emperor Meiji.
Pagsibol ng Japan sa makabago o moderno at pandaigdigang komersyo na ipimalas ng malakihan at
malawakang pagbabago sa mga institusyon, tradisyonal na organisasyong sosyal at kultura nito.
RELIHIYON: SHINTOISMO AT BUDISMONG ZEN
SHINTOISMO
- Nagsimula sa Tsinong salita na shen at tao – “Way of the Gods”
- Isang katutubong relihiyon ng Hapon.
- Wala itong kilalang tagapagtaguyod, sa halip ito ay nakasentro sa pamumuhay ng mapayapa
kasama ang kalikasan at mayroong kakaibang kwenton ng paglikha at mga elemento ng
Shamanism.
- Ito ay nakasentro sakami – ang itinuturing na nangangalaga sa kapalaran ng pook at ng mga tao
rito kasama na ang mga nagdaraan lamang.
- Ang kami ay kinabibilangan ng espiritu ng mga puno, ilog, karagatan at iba pang pangkalikasan.
Ito rin ay kinabibilangan ng mga diyos at diyosa, mga hayop at mga ninuno na naging kami.
- Ang mga kami ay sinasabing nagtatrabaho ng sama-sama na nagkakaisa upang ang mundo ay
maging isa.
- Dahil kami ay matatagpuan sa halos lahat ng bagay at ito ay may kapangyarihan na
makaimpluwensya ng buhay ng tao, ito ay itinatrato na may paggalang.
- Bawat pook sa Hapon ay may kahit isang dambanang Shinto ng isang kami.
- Ito ay ipinapakita sa pagdalaw sa kanilang mga dambana at sa pananatili na mapayapa ang tao
at ang kalikasan.
- Hinahayaan nila ang isang indibidwal na magdesisyon para sa sarili nila.
- Ang sentro ay sa mga biyaya ng buhay, katulad ng bagong buhay, masaganang ani, mabuting
kalusugan at yaman.
- Ginamit para magtaguyod ng digmaan dahil ito ay naniniwala sa pagkakaisa at kapayapaan.
- Ito ay napilitang isama sa Buddhismo at Tsinong Confucianismo.
- Ang buddhismo ay iginagalang o pinaniniwalaan sa kanyang pilosopiya, tulong sa mga malalalang
sakit, pagkamatay, at kabilang buhay. Ang shintoismo naman ay sa agrikultura, fertility
Mga Uri ng Kami
- Ang mga kami ay hindi itinuturing na may katawang tao.
- Kapag nasa loob ng isang dambana, pinaniniwalaang nananahan ang kami sa isang banal na
bagay roon na tinawag na shintai.
- Inari-sama/ bathala ng palay – kami sa tahanan at kami sa balon. Ito ay nakalarawan bilang isang
lobo - - itinuturing na mapalad na hayop sa Hapon. Ito ay dinadasalan para kamtin ng nadarasal
ang kasaganahan sa negosyo at kalakal.
- Ang kami sa tahanan ay sumasagisag sa pagkalinga ng kami para sa sambayanan
- Ang kami sa balon ay nangangalaga ng kalinisan ng tubig
Mga Anyo ng Shinto
- Koshinto – literally “Old Shinto”
- Koshitsu – State/Imperial Shinto
- Jinja – Shrine Shinto
- Kyoha – Sect Shinto
- Minzoku – Folk Shinto
- Minkan – Popular Shinto
Templong Shinto
- May panggitnang ehe (central axis)
- Pagpasok ay makikita ang isang napapalumutiang tarangkahan na tinatawag na tori at sa
loob ng bakuran ay makikita ang gusaling itinuturing na pinakabanal na lugar at kinalalagyan
ng shintai
- Ang Shintai ay karaniwang gusali yari sa kahoy at may malalaking kahoy at may malalaking
magkakrus na barakilan sa bubong (isang palamuting katangian ng mga tamplong Shinto mula
pa noong unang panahon)
- Hindi pumapasok ang mga Shintoista sa loob ng gusali. Sila ay nagdadala lamang sila ng mga
alay sa labas at nakikinig sa mga dasal ng katiwala ng templo.
- Ang katiwala ay nakasuot ng putting bata na tulad ng damit sa korte noong unang panahon.
- Sa malaking templo, may isang entambladong kahoy sa harap ng dambana at dito inilalagay
ang mga alay at kung minsan, kung may mahalagang pista ay may mga palabas na sayaw.
- Ise – lugar sa silangang bahagi ng Honshu, dito matatagpuan ay pinakamalaking dambana para
kay Amaterasu
Pilosopiya / Paniniwala / Kasanayan
- Ang isang tao ay kailangan irespeto are mga espiritu, mga tao at ang kalikasan.
- Ang isang tao ay kailangan gumawa ng ritwal ng pagdalisay, paglilinis, at paggalang.
- Ito ay nagbigay ng pambansang katauhan sa Hapon gamit ang mga lumang kinaugalian at
ang mahigpit na interaksyon sa bansa.
- Dahil sa kanilang alamat ng pinagmulan sila ay may mga paniniwala na ang mga Hapones ay
iisang pamilya.
- Impurity (kegare) is wrong.
- Pagbisita sa mga dambana.
- Pagkikiisa sa mga festivals and seasonal holidays lalong lalo na tuwing bagong taon, water
purification, pagaalay at pagdarasal sa mga dambana sa bahay.
- Bago dumating ang bagong taon ang bahay ay kailangan linisan ng maiigi.
- Ang mga nagdarasal sa mga dambana ay kadalasang nagdarasal ng magkadikit ang mga
palad.
- Ang mga tao ay bumibisita sa mga dambana ng Shinto upang makatanggap ng biyaya sa mga
importanteng oras ng kanilang buhay.
- Ang pagiging dalisay ay pinakaimportanteng etika ng Shinto
- Kailangan gawin ang mga obligasyon ng taos-puso at huwag maging makasarili.
- Ang mga kasalan ay maaring itama sa paghingi ng tawad at pagbabayad ng utang.
- Ikinokonsidera ang tao at ang mundo bilang mabuti.
- Ang sentro ay sa mga biyaya ng buhay, katulad ng bagong buhay, masaganang ani, mabuting
kalusugan at yaman.
Mga Terminolohiya
- Bushido – isang military na debosyon sa isang pinuno, nagbibigay ng katapatan, katungkulan at
pagsasakripisyo ng sarili – kadalasang nagiging State Shinto
- Gagaku – ceremonial music
- Gohan –rice offerings
- Harae – pagbibigay ng alay
- Jinja – Shinto shrine; gawa sa kahoy
- Kannushi – Shinto priest
- Kagura – peace offering of food
- Kamidana – altar sa tahanan para sa pagsamba sa kami
- Misogi – ritwal ng pagdadalisay na kailangan tumayo sa ilalim ng isang talon(waterfall)
- Mochi – rice paste offerings
- Nii Name Sai – festival of new food
- Noh – isang drama(religious dances) na itinatanghal na may mga mascara ito ay maiiuugnay sa
Shinto; itinatanghal sa harap ng jinja tuwing may festivals
- Omairi – ginagawa kapag pumupunta sa mga temple/shrine ng Shinto
- Ryobu – “two faced” Shinto
- Sake –rice wine offering
- Shinsei – Food offerings
- Shio – Salt offerings
- Tamagushi – Tree Branches offerings
- Torii – maihahalintulad sa isang “gate” na nagmamarka ng sagradong lugar para sa mga Shinto
- Yomi – kung pumupunta ang mga namayapa na, isang underground na mundo na
napagigitnaan ng isang ilog
Mga Diyos/Espiritu
- Amaterasu Omikami(shining in heaven) – diyosa ng araw
- Tsukiyomi Nomikoto– diyos ng buwan
- Susano Onomikoto (Impetuous Male) – diyos ng bagyo
- Izanagi (male who invites) – lalaking diyos ama; ginawa niya sina Amaterasu, Tsukiyomi, at
Susanu noong namatay ang kanyang kapatid-asawa na si Izanami
- Ho Mimi – anak ni Amaterasu
- Ninigi no Mikoto (God of the Ripened Rice Plant) – founded Imperial Dynasty
- Izanami (female who invites) –babaing diyosang ina
- Kamikaze (Spirit wind) – suicide fighter pilots of WWII
BUDISMONG ZEN
Zen Buddhism
- Ito ay pinaghalong Indian/Mahayana Buddhismo at Taoismo.
- Nagsimula sa Tsina lumaganap sa Korea hanggang nakarating sa Hapon
- Ang centro ng Zen ay ang pagsubok na maintindihan ang kahalagahan ng buhay na hindi na
gagambala ng lohikal na pagiisip
- Ang pamamaraan ng Zen ay “compatible” sa ibang relihiyon at kadalsang ginagamit.
- Ito ay nangangailangan ng matinding disiplina sa sarili na kung mahahasa ay magrersulta sa
walang hanggang kapayapaan.
- Sabi dito ang lahat ng tao ay isang Buddha at kailangan lamang nila madiskubre ang totoo
para sa sarili nila.
- Ang unang dapat gawin ang kontrolin ang pagiisip sa pagmemeditate at iba pang paraan na
kinabibilangan ng utak at katawan.
- Ito ay dinala ng Tsina sa pamamagitan ng isang mongheng taga-India, ito ay si Bodhidharma
nonng 6th century CE.
- Ang pinaka madalas na ginagamit para ituro ang kalinawagan ay ang direktang
pakikipaguusap ng isang “master” sa estudyante.
Zen
- Ito ay paraan ng pagbibigkas ng mga Hapon sa salitang Tsino na Ch’an
- Sa Sanskrit – Dhyana -- meditation
- Ito ay isang bagay na ginagawa ng tao. Ito ay hindi isang konsepto na maaring ilarawan ng
mga salita. Ito ay kailangan maranasan para ito ay ganap na maintindihan.
- Ito ay pagkamit ng kalinawagan sa pamamagitan ng pagtingin sa original na katauhan na
walang humahadlang na kaisipang intelektual.
- Ang susi sa an gang sariling karunungan.
- Sitiing meditation - - zazen
Mga nagdala ng Zen sa Hapon
Nanpo Shomyo - - nagtaguyod ng Otokon lineage (only surviving lineage in Japan)
Dogen - - nagtatatag ng Soto school
Tatlong traditional na eskwelahan ng Zen
1. Soto - pinakamalaki
2. Rinzai - katamtaman
3. Obaku – pinakamaliit
Paraan para maintindihan at matutunan ang Zen
1. Rinzai – ang sentro ay “one’s true nature” / kensho
2. Soto – shikantaza
3. Sanbo Kyodan – pinagsama ang dalawa
- joriki – development of concentration, kensho-godo – awakening, mujodo no taigen –realisation
of Zen in daily life
Yasutani discerns five kind of Zen
1. Bompu Zen, bodily and mental health
2. Gedo Zen, practices like dhyana, Yoga and Christian contemplation which are akin to Zen, but
not Buddhist
3. Shojo Zen, the hinayana, aimed at one's own liberation
4. Daijo Zen, the mahayana aimed at attaining kensho and the realisation of Zen in daily life
5. Saijojo Zen, in which practice is enlightenment
INSTITUSYONG PULITIKAL: SHOGUNATO
Fujiwara o Panahong Heian
□ Ito ang panahon bago magsimula ang mga pamumuno ng mga Shogunato (sa wikang
Nihongo, ito’y Bakufu) o pamahalaang militar.
□ Nabuo ang mga Samurai (mga mandirigma)
- Sa simula ng pyudalismo ng ika-12 siglo, ang mga samurai ay naging mga tagasunod ng
daimyo (panginoong pyudal), na nagsisilbi naman sa shogun. Kabilang sa mataas na antas
ng lipunan ang mga samurai.
- Ang sagisag ng mga Samurai ay cherry blossom. Ang mga cherry blossom ay may maikling
buhay, katulad ng mga Samurai na handing ialay ang kanilang buhay sa kanilang amo.
- Ang espada ng Samurai ay sagisag rin nila. Sinisimbolo nito ang katapatang pyudal.
- Nilinang ng mga Samurai ang kanilang kasanayan sa pamamana, espada, at
pangangabayo.
□ Sa huling bahagi ng Panahong Heian, lumakas ang puwersa ng mga Samurai at dahil dito’y
nabago nila ang sistemang pamahalaan ng Hapon.
Samurai
Katana
Bushido – Alituntunin ng karangalan na nangangahulugang “pamamaraan ng mandirigma”. Ayon sa
Bushido, ang pinakamahalaga sa mga Samurai ay dangal.
□ Kabilang dito ang ritwal ng seppuku (“disembowelment”) o hara-kiri (“stomach-cut”),
nangangahulugang marangal na pagpapatiwakal
□ Ang Bushi ay nangangahulugang mandirigma.
□ Bu (military), Shi (kabalyero), Do (pamamaraan)
□ Nang buwagin ang pyudalismo noong kalagitnaan ng ika-19 siglo, tinalikuran na ang mga
alituntunin nito, ngunit ang impluwensiya nito sa militar ay nanatili.
Tatlong Shogunato sa Japan
1. Minamoto o Panahong Kamakura (1185-1333)
□ Unang shogunato ng Japan ang Minamoto
o Tinalo nila ang kalabang pamilya na Taira (pinamunuan ni Taira no Kiyomori), ang
nagmamay-ari ng lupa
□ Sinimulan niMinamoto Yoritomo (namatay noong 1199) ang Bakufu (“tent government”) o
Shogunato. Ibinigay kay Yoritomo ang titulong Seii-tai-shogun (Barbarian Subduing
General)
Ito’y nangangahulugang ipinasa ng Emperador ang kapangyarihan sa pamahalaang
Shogun
Ang lupang nakuha ni Yoritomo mula sa Taira ay ipinamigay niya sa kanyang mga
tagasunod bilang pabuya at upang makuha ang kanilang katapatan.
□ Nang mamatay si Yoritomo, pinalitan siya ng kanyang biyuda, si Hojo no Masako.
Lumusob ang mga Mongol (1274), sa pamumuno ni Kublai Khan ngunit di nagtagumpay;
naitaboy ng Kamikaze (Kami ay ang espiritu ng mga Hapon) o banal na hangin.
□ Lungsod ng Kamakura ang sentro ng pamahalaan
□ Nangibabaw ang mga Bushi at Samurai sa panahong ito
□ Namayani ang sistemang pyudal kung saan ang Daimyo ay kailangan sumunod sa
Shogun
Antas ng Lipunan
Kemmu Restoration (1333–1336): Naantala ang pamumuno ng Shogun dahil sa Kemmu Restoration na
pinamunuan ni Emperador Go-Daigo, at pansamantalang naibalik sa imperyo ang pamumuno sa
Japan.
2. Ashikaga o Panahong Muromachi (1336-1573)
□ Inilipat ang sentro sa Muromachi. Dito rin ang tirahan ng mga Shogun
□ Nagpatuloy ang labanan ng mga daimyo
□ Itinuturing pinakamahinang Shogunato
o Humina ang Ashikaga simula ng pagkamatay ni Yoshinori hanggang sa Digmaang
Onin (1496)
□ Bunga saDigmaang Onin at Kahinaan ng Shogunato, nahati sa maliliit na munisipyo ang
Japan sa pamumuno ng mga Daimyo, ang mga panginoong pyudal.
Sa pangyayaring ito, lumakas ang kapangyarihan ng mga Daimyo
□ Nakipagkalakalan sa Tsina at Korea
□ Warring States Period, o Sengoku Jidai, mula 1467 to 1568
o Bagamat ang shogun ang namumuno sa bansa, lumalakas ang kapangyarihan ng
mga daimyo. Nagkaroon ng mga labanan sa pagitan ng mga daimyo dahil sa
pananakop ng lupa.
3. Panahong Tokugawa (1603–1867)
o Tinatawag rin itong Panahong Edo, ang pangalan ng kabisera ng Tokugawa.
o Nagsimula ang Panahong Tokugawa nang talunin ni Tokugawa Ieyasu ang kanyang
mga katunggali sa kapangyarihan noong Digmaang Sekigahara (1600)
o Sa panahong ito, nakaranas ang Japan ng mahigit na 250 taon ng kapayapaan,
kasaganaan at pag-unlad. Sarado rin ang Japan sa mga dayuhan, maliban sa mga
Dutch.
Patakarang Sakoku:
- Itinatag noong 1638
- Ipinag-utos ang pagsasara ng Japan sa mga banyaga maliban sa Dutch
Shogun (pinuno)
Daimyo
(panginoong pyudal)
Samurai (mandirigma)
Magsasaka, Artisano, Mangangalakal
Mga Epekto ng Patakarang Sakoku:
-Ang mga mangangalakal ang naging dominanteng grupo
-Dumami ang mga Geisha at mga Kabuki
o Sa larangan ng kultura, naging sikat ang Zen Buddhism, kabuki (isang uri ng teatro) at
haiku (tula). Lumaganap ang paggamit ng sariling sistema ng pagsulat na tinatawag
na katakana o hiragana.
Kabuki
Katakana
o Natapos ang Panahong Tokugawa nang magbitiw ang huling shogun (1867). Dahil
dito, naganap ang Meiji Restoration kung saan naibalik ang kapangyarihan sa
emperador.
Nawala ang mga pribilehiyo ng samurai noong 1871, noong buwagin ang
pyudalismo. Pinagbawalan ang mga samurai na gumamit ng espada.
Ibinalik din ng mga daimyo ang lupa sa emperador.
Noong 1878, ang katawagan sa daimyo ay ginawang kazoku at ang mga
samurai ay shizoku.
Ang tatlong dakilang mandirigmang naibalik ang pagkakaisa ng Japan:
1. Oda Nobunaga -pinigilan niya ang mga monghe na bumuo ng lakas militar; malupit sa mga
Budhista ngunit bukas sa mga Heswitang misyonero. Sa panahon niya, bukas ang Japan sa
Kristiyanismo.
2. Toyotomi Hideyoshi- iniutos ang direktang pagbubuwis sa mga magsasaka at ipinagbawal ang
Kristiyanismo sa Japan (1587). Ipinag-utos niya ang pagsalakay sa Korea ngunit nabigo. Siya’y
nagtangka at nagtagumpay na agawin ang shogunato mula kay Nobunaga.
3. Tokugawa Ieyasu -unang shogunato ng Tokugawa (1603), inilipat niya sa Edo (sa kasalukuyan
ay Tokyo) ang administrasyon ng Japan, pinamunuan niya ang lahat ng aspeto ng
pamumuhay ng mga Hapones. Ginawa niyang iligal ang Kristiyanismo (1606). Sa panahon niya,
pinamunuan ng mga Ronin, o “masterless samurai” ang pag-aalsa laban sa mga Kristiyano.
Zaibatsu
Dahil mahina ang pangangalakal at negosyo sa Japan sa simula ng kapanahunang Meiji,
kinailangan paunlarin ng pamahalaan ang industriyalisasyon. Nagtaguyod ng mga negosyo sa bakal,
kagamitang-pandigma, at paggawa ng barko ang pamahalaan. Sa pamamaraang ito, ang
mabibigat na gastusin ay sa pamahalaan din. Kinalaunan ay ipinagbili rin ito sa mga negosyante at sila
na ang namahala. Ang mga nabanggit na negosyo ay pribado na. Ito ang pinagmulan ng zaibatsu
(kalipunang pinansyal o financial conglomerate), ang malalaking korporasyon na pagmamay-ari ng
mayayamang pamilya. Sa pagtatapos ng ika-19 siglo, zaibatsu na ang bumubuhay sa ekonomiya.
Kabilang sa zaibatsu ang mga pamilyang Mitsui, Iwasaki (Mitsubishi sa kasalukuyan) at Sumitomo.
Nagbunga ang zaibatsu ng mabilis na pag-unlad ng Japan. Alinsunod rin ito sa mga layunin ng mga
namumuno na payamanin ang bansa at palakasin ang hukbong sandatahan.
Bago ang Digmaang Pandaigdig, apat ang nangunguna:
1. Sumitomo
2. Mitsui (Toyota, Toshiba, Fuji Film HD)
3. Mitsubishi (Nikon, Mitsubishi Motors, Mitsubishi Chemical Corporation)
4. Yasuda
Ang mga sumusunod ay ang kabuuan ng zaibatsu: kompanyang may hawak ng kontrol,
sangay ng bangko na pinagkukunan ng pananalapi, at iba pang sangay ng industriya sa merkado.
Ang mga sangay o subsidiary ay tinatawag rin nakeiretsu.
Habang dominante ang zaibatsu sa negosyo, nadawit rin ito sa pagpupunyagi ng digmaang
Hapon. Ang Estados Unidos, isa sa mga kalaban ng Japan noong digmaan, ang sumakop at
namahala sa pamamalakad ng ekonomiya mula 1945 hanggang 1952. Sa paniniwalang sanhi ng
militarismo ang zaibatsu, binuwag ng mga Amerikano ang zaibatsu na nagmamay-ari ng 40% ng
komersyo at stocks.Sa pangyayaring ito, 16 zaibatsu ang binuwag at 26 ang nireporma. Kabilang sa
mga zaibatsu na binuwag noong 1947 ang Asano, Furukawa, Nakajima, Nissan, Nomura, at Okura. Ang
pag-aari ng mga pamilyang kabilang sa zaibatsu ay kinuha. Ngunit, matapos ang ilang taon
nagkaroon ng pagrereporma sa zaibatsu at ang ganap o kumpletong pagbuwag sa zaibatsu ay hindi
naganap.