Gamit ng Malaking Titik
-
Upload
jov-pomada -
Category
Education
-
view
4.833 -
download
25
Transcript of Gamit ng Malaking Titik
Gamit ng Malaking Titik
Basahin natin ang isang usapan sa susunod na
slide.
Carlo mahilig ka bang magbasa?
Oo naman! Marami nga akong paboritong basahin eh. Nakakatuwa kaya ang pagbabasa.
Ano ang paborito mong
kwentong babasahin?
Naku mukhang maganda nga
iyan. Pahiramin mo naman ako
sa Linggo.
Paborito ko ang kwentong “Ang Mahabang-Mahabang Pangalan” nabili ko ito sa Maynila noong isang araw.
Sige ba!
Mahilig ka rin bang magbasa?
Ano ang pamagat ng aklat o kwento na iyong
gustong- gustong basahin?
Tandaan!
Ang pagbabasa ay isang mahalagang gawain na kapupulutan natin ng
mga bagong kaalaman.
Basahin ang mga sumusunod na salita
• Carlo•Marami •Ang Mahabang – Mahabang Pangalan•Maynila•Linggo
Ang mga sumusunod na salita ay mga salitang nagpapakita
ng tamang gamit ng MALAKING TITIK
• Carlo•Marami •Ang Mahabang – Mahabang Pangalan•Maynila•Linggo
Gamit ng Malaking Titik
Ang mga malalaking titik ay ginagamit natin sa
magkakaibang dahilan. Ito ay hindi basta-basta
ginagamit kung kailan lang natin gusto.
Gamit ng Malaking Titik1. Sa simula ng pangungusap
- Ang unang titik sa isang pangungusap ay nagsisimula sa malaking titik.
HALIMBAWAAng magkaibigan ay nag-
uusap. Marami akong paboritong basahin.
2. Sa TIYAK na PANGNGALAN (nouns)
- Ang lahat na tiyak na ngalan ng TAO, BAGAY, LUGAR, PANGYAYARI at HAYOP ay nakasulat sa malaking titik.HALIMBAWA
Anna - TAO Mongol – BAGAY (lapis)
Bohol- LUGARPasko – PANGYAYARI
Bantay – HAYOP (aso)
3. Sa pamagat ng aklat o palabas
- Ang mga aklat, ang kwento ganoon din ang mga palabas ay ginagamitan ng malaking titik. Ang bawat salita ay nagsisimula sa malaking titik. HALIMBAWA
Ang Pagbabago sa Buhay ng Batang si Jose – (pamagat ng kwento)
Pluma 1 –(pamagat ng aklat)Going Bulilit- (palabas)TV Patrol – (palabas)
4. Sa mga buwan (months) at araw (days)
HALIMBAWA Buwan Araw Enero Lunes Hunyo Martes SetyembreHuwebes Disyembre Linggo
Tandaan!!
Ang mga malalaking titik ay ginagamit natin sa simula ng pangungusap, tiyak na
ngalan ng pangngalan, pamagat ng kwento o
palabas at sa mga buwan at araw..
Pagsasanay
Sagutan ang Madali Lang Iyan at Subukin Pa Natin sa pahina
187-188 ng Pluma 1