Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang...

23
Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office Revised 2010 Anyaya ni Jesus: “Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo” “Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6) (Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.) PANGKALAHATANG LAYUNIN Ninanais ng syllabina ito ang i p a h a y a g a n g M i s t e r y o n g Pagkakatawang Tao ni Jesukristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, “hindi lamang ang ipakilala kundi iugnay sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya” (NCDP 2007,#121), “na Siya lamang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo” (KIK 426). DAGLAT [ ABBREVIATIONS ] NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko PCP II - Second Plenary Council of the Philippines Vatican Council II [ The Conciliar and Post Conciliar Documents ] GS - Gaudium et spes ( Pastoral Constitution on the Church in the Modern World ) SC - Sacrosanctum concilium ( The Constitution on the Sacred Liturgy ) LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church ) DV - Dei verbum ( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

Transcript of Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang...

Page 1: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan

Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office

Revised 2010

Anyaya ni Jesus: “Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo”

“Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6) (Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.) PANGKALAHATANG LAYUNIN Ninanais ng syllabina ito ang i p a h a y a g a n g M i s t e r y o n g Pagkakatawang Tao ni Jesukristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, “hindi lamang ang ipakilala kundi iugnay sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya” (NCDP 2007,#121), “na Siya lamang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo” (KIK 426). DAGLAT [ ABBREVIATIONS ] NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko PCP II - Second Plenary Council of the Philippines Vatican Council II [ The Conciliar and Post Conciliar Documents ] GS - Gaudium et spes ( Pastoral Constitution on the Church in the Modern World ) SC - Sacrosanctum concilium ( The Constitution on the Sacred Liturgy ) LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church ) DV - Dei verbum ( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

Page 2: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

IKA-APAT NA BAYTANG

PAKSA 1: MAY KAAYUSAN ANG BUHAY NA HANDOG NG DIYOS AMA

PAKSA 2: SINIRA NG KASALANAN ANG SANGNILIKHA

(Ang Kasalanang Original)

PAKSA 3: JESUS, NAGBIGAY NG DALAWANG DAKILANG UTOS NG

PAG-IBIG

PAKSA 4: ESPIRITU SANTO: GABAY SA PAGTUPAD SA KAUTUSAN

PAKSA 5: SA BANAL NA KASULATAN

NAGSASALITA SA ATIN ANG DIYOS

PAKSA 6: SIMBAHAN, NAGTUTURO AT

TUMUTUPAD SA MGA UTOS NG DIYOS

PAKSA 7: UNANG UTOS NG DIYOS:IBIGIN MO ANG

DIYOS NG HIGIT SA LAHAT

PAKSA 8: IKALAWANG UTOS NG DIYOS:

IGALANG ANG PANGALAN NG DIYOS

PAKSA 9: IKATLONG UTOS NG DIYOS:

IPANGILIN ANG ARAW NG LINGGO

AT MGA PISTANG PANGILIN

PAKSA 10: IKAAPAT NA UTOS NG DIYOS:

IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA

PAKSA 11: IKALIMANG UTOS NG DIYOS:

PAHALAGAHAN AT IGALANG ANG BUHAY

PAKSA 12: IKAANIM AT IKASIYAM NA UTOS:

PAG-GALANG SA ATING

KASARIAN BILANG “LALAKI AT BABAE

PAKSA 13: IKAPITONG AT IKASAMPUNG UTOS NG DIYOS:

Page 3: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

IGALANG AT IBAHAGI ANG PAG-AARI NATIN SA IBA

PAKSA 14: IKAWALONG UTOS NG DIYOS:

PANINDIGAN ANG KATOTOHANAN

PAKSA 15: MGA SAKRAMENTO NAGKAKALOOB

NG BIYAYA UPANG MATUPAD

ANG MGA KAUTUSAN

PAKSA 16: BUHAY NA WALANG-HANGGAN:

PARA SA MGA TAPAT NA SUMUSUNOD SA

KAUTUSAN NG PAG-IBIG

Page 4: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

PAKSA 1: MAY KAAYUSAN ANG BUHAY NA HANDOG NG DIYOS AMA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na nilikha ng Diyos Ama ang lahat ng bagay na mabuti at may kaayusan. • Makakapagbigay ng konkretong gagawin kung paano mapapanatili ang kaayusan sa sarili, tahanan, paaralan at kapaligiran. • Makakapag-alay ng papuri sa Diyos na siyang patuloy na lumilikha at nagpapanatili sa lahat ng bagay na may kaayusan. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng mga bata tungkol sa kaayusan Saan dapat may kaayusan? Bakit kailangang may kaayusan? Paanong mapapanatili ang kaayusan? Anong mangyayari sa atin kung walang kaayusan? Ano ang mas pipiliin ninyo ang may kaayusan o walang kaayusan KAHALAGAHAN:Kaayusan / pagiging maayos SALITA NG DIYOS: Genesis 1:1-31 “…Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan…” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA: Katotohanan : Nilikha ng Diyos Ama ang lahat ng bagay na mabuti at may kaayusan. ( 1 Corinto 14:33, KIK 341, KPK 321) Pagsasabuhay : Ang panatilihin ang kaayusan ay pananagutan ng tao . (KPK 341) Pagsamba : Kapuri-puri ang Poong Maykapal na patuloy na lumilikha at pinananatili ang lahat ng bagay na may kaayusan. ( Pahayag 4:11) TUGON NG PANANAMPALATAYA: Paninindigan :Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa.

Page 5: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagtatalaga :Magbigay ng mga konkretong gagawin kung paano mapapanatili ang kaayusan • Sa sarili • Silid Aralan • Bag • Gamit sa bahay Pagdiriwang :Panalangin: Pag-aalay sa Umaga (Prayer booklet pahina 17) PAKSA 2: SINIRA NG KASALANAN ANG SANGNILIKHA (Ang Kasalanang Original) LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang kasalanan ang sumisira sa kaayusang nilikha ng Diyos. • Makakapagtala ng mga gagawin upang maiwasang magkasala. • Makakapagsuri ng budhi at makakahingi ng kapatawaran sa Diyos. SITWASYON NG BUHAY: Mga napapanahong isyu tulad ng kahirapan, krimen at pagkasira ng kapaligiran. Tukuyin ang ugat nito at hanapan ng solusyon.(KPK 67) KAHALAGAHAN: Pagtakwil sa kasamaan / Pagtalikod sa kasalanan SALITA NG DIYOS: Gen. 3:1-13 (Nagkasala ang Tao) “…Pagdadapit hapon, narinig nilang naglalakad sa halamanan si Yahweh, kaya’t nagtago sila sa kahuyan, tinawag ni Yahweh ang lalaki… natakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin, nagtago po ako…” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA: Katotohanan : Sinira ng kasalanan ang kaayusang nilikha ng Diyos. (KPK 373, 400-403, KIK 401) Pagsasabuhay : Ang pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan ang unang hakbang patungo sa kaharian ng Diyos at mayos na pamumuhay. (Markos 1:15; KIK 1427-1432; KPK 739-740) Pagsamba : Sa Sakramento ng Binyag at Pagbabalik-loob ay tinatanggap natin ang pagpapatawad ng Diyos para sa ating kasalanan at binibigyan tayo ng lakas upang makapanumbalik sa Kanya. (KPK 1819, 1601, KIK 1432,405, 1426)

Page 6: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

TUGON NG PANANAMPALATAYA: Paninindigan : Kaya mo rin bang panindigan ang sinabi ni San Juan Bosco, “Death rather than sin”(mas nanaisin ko pang mamatay kaysa ang magkasala.) Pagtatalaga: Paano mo maiiwasan ang kasalanan? Itala. Gaano kadalas kamangungumpisal? Pagdiriwang :Pagsusuri ng Budhi Salmo 51: 1-13 Pagsisisi ( Prayer booklet pahina 14 ) PAKSA 3: JESUS, NAGBIGAY NG DALAWANG DAKILANG UTOS NG PAG-IBIG LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Mauunawaan na si Jesus ay nagbigay ng dalawang dakilang utos ng Pag-ibig. • Makakapagtala ng mga gawaing nagpapakita ng pag-ibig sa Diyos at kapwa. • Makakapag-alay sa Diyos ng panalangin ng pag-ibig. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng pagsunod at di pagsunod sa mga iba’t-ibang batas (sa bahay, paaralan at bayan). KAHALAGAHAN:Pagsunod sa mga alituntunin SALITA NG DIYOS: Mateo 22: 36-40 (Ang pinakamahalagang Utos) “ … Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA: Pagsasabuhay : Nais ni Jesus na sundin natin ang kanyang dalawang dakilang utos: Ibigin ang Diyos ng buong puso,ng buong kaluluwa at buong pag-iisip at ibigin ang ating kapwa gaya ng pag-ibig sa ating sarili. (KIK 2052, KPK 935-957) Katotohanan : Ang mga batas ay tuntunin na bigay ng Diyos upang magdulot ng bagong buhay sa tao. (Salmo 19:8-10, KPK 806)

Page 7: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagsamba :Sa ating palagiang pagdalo sa Banal na Eukaristiya, naipapahayag natin ang pagsunod sa utos ng Diyos. (KPK 1704; KIK 2074) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na kapag nasunod ko ang dalawang dakilang utos ng Diyos dulot nito sa akin ay bagong buhay at kaligayahan. Pagtatalaga: Paano mo maipapakita ang pagma-mahal mo sa Diyos at sa kapwa? Activity: Punuan ang tsart. Pagdiriwang:Panalangin ng Pag-ibig ( Prayer booklet pahina 10 ) Pag-ibig sa Diyos Pag-ibig sa Kapwa PAKSA 4: ESPIRITU SANTO: GABAY SA PAGTUPAD SA KAUTU SAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Mauunawaan na ang Espiritu Santo ay “ Tagapagbigay ng Buhay” . • Makakapagtalaga ng mabubuting gawain na nagpapakita ng pagtupad sa kautusan. • Makakapag-alay ng panalangin sa Espiritu Santo. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng mga bata sa kahirapan sa pagtupad ng mga kautusan ng Diyos. Mga pangkaraniwang tukso o hadlang na kanilang naranasan. Sino ang mga tumutulong sa atin upang matupad natin ang mga kautusan ng Diyos? KAHALAGAHAN :Pagsunod SALITA NG DIYOS: Juan 14: 16, 17a, 25-26 “Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan Niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan :Ang Espiritu Santo ay ang Espiritu ng Ama at ng Anak, Ang ikatlong persona sa Banal na Santatlo, Siya ang “Tagapagbigay ng Buhay”. (Juan 14:26; KPK 1334, KIK747) Pagsasabuhay : Ang sinumang sumunod sa tuntuning bigay ng Diyos ay liligaya ng lubos. (Salmo 19:8)

Page 8: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagsamba : Sa panalangin, hinihingi natin ang tulong at lakas ng Espiritu Santo upang masunod natin ang utos ng Diyos. ( KPK 1315 huling talata ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako na ang Espiritu Santo ay Tagapagbigay ng Buhay upang makasunod ako sa utos ng Diyos. Pagtatalaga: Magtala ng mga mabubuting gagawin na nagpapakita ng pagtupad sa kautusan ng Diyos. Pagdiriwang: Panalangin sa Espiritu Santo Awit: Halina, Espiritu Santo Kinakailangan kita Sigla at lakas ng mahina Gabay ka naming lahat. PAKSA 5: SA BANAL NA KASULATAN NAGSASALITA SA ATIN ANG DIYO LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Maniniwala na ang Diyos ay nagsasalita sa Banal na Kasulatan. • Makakapaglaan ng oras at panahon sa pakikinig ng Salita ng Diyos. • Makikiisa sa pagpaparangal sa Banal na Kasulatan. SITWASYON NG BUHAY : Karanasan ng pakikinig at pagtanggap ng payo o pangaral mula samagulang ,guro, kaibigan at ibang tao. (Hal. Mag-aral ng mabuti, huwag makikipag-away, Huwag mandaraya...etc.) Bakit mahalaga ang pangaral ng mga magulang? Ano ang idudulot nito sa ating buhay. Sa Banal na Kasulatan mababasa natin ang mga pangaral ng Diyos. KAHALAGAHAN : Pakikinig sa mga pangaral SALITA NG DIYOS : Hebreo 4:12 “Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, higit na matalas kaysa alinmang tabak na magkabila’y talim.” 2 Timoteo 3:15-17 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa Banal na Kasulatan.

Page 9: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

(KPK 112,KIK 135) Pagsasabuhay : Ang paglalaan ng panahon sa pakikinig at pagbabasa ng Salita ng Diyos ay makakatulong upang mahubog tayo sa kristiyanong pamumuhay. (KPK 99) Pagsamba : Sa bawat pagdiriwang natin ng mga Sakramento, lalo na sa Banal na Eukaristiya, ang Diyos ay patuloy na nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng Salita ng Diyos na pinapahayag. (KPK 100, 1678, KIK 103) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa Banal na Kasulatan. Pagtatalaga: Paano ka makapaglalaan ng panahon sa pakikinig at pagbabasa ng Salita ng Diyos? Pagdiriwang: Bible Enthronement Awit: Aleluia ... wikain Pagbasa: Salmo 119:105 Awit: Aleluia -… wikain PAKSA 6: SIMBAHAN, NAGTUTURO AT TUMUTUPAD SA MGA UT OS NG DIYOS LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na ang Simbahan ay itinatag ni Jesus upang ipagpatuloy ang misyon ng pagliligtas sa daigdig. • Makakagawa ng panalangin para sa mga taong nagtuturo ng Mabuting Balita at makakapag-isip ng mga gagawin kung paano masusunod ang utos ni Jesus. • Makakapag-alay ng panalangin sa mga taong nagtuturo ng Mabuting Balita/ SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng mga bata na nasa ika-apat na baitang kung ano ang SIMBAHAN Ano ba ang Simbahan ? Sino ang bumubuo ng Simbahan ? Bakit may Simbahan ?

Page 10: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Ano ang misyon ng Simbahan ? Paano nagtuturo ang Simbahan ? Paano tumutupad ang Simbahan sa mga utos ng Diyos ? KAHALAGAHAN: Pagsunod at pagpapahayag ngMabuting Balita SALITA NG DIYOS: Mateo 28:16-20 O Markos 16:15-16 “Kaya humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumu-nod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Itinatag ni Jesus ang Kanyang Simbahan upang ipagpatuloy ang misyon ng pagliligtas sa daigdig. (KPK 1412) Pagsasabuhay : Tayo bilang Simbahan ay may misyong ituro ang Mabuting Balita at sundin ang utos ng Diyos. (KIK 888, KPK 1407) Pagsamba : Ang ating taimtim na pagdarasal at pagsasakripisyo para sa pagka-kaisa ng buong Simbahan ay pakikiisa natin sa misyon ng pagkapari ni Kristo.(KIK 901) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na itinatag ni Jesus ang Kanyang Simbahan upang ipagpatuloy ang misyon ng pagliligtas sa daigdig. Pagtatalaga : Gumawa ng panalangin para sa mga taong nagtuturo ng Mabuting Balita (Santo Papa, Pari, Katekista) Mag-isip ng mga maaaring gawin, sa munting paraan, kung paano mo masusunod ang utos ni Jesus “Humayo kayo ituro ninyo ang Mabuting Balita at sundin ang mga ipinag-uutos ko sa inyo”. Magbigay ng 5 gagawin. Pagdiriwang: Dadasalin ng tahimik ang ginawa nilang panalangin. PAKSA 7: UNANG UTOS NG DIYOS:IBIGIN MO ANG DIYOS NG HIGIT SA LAHAT

Page 11: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman at maisasaulo ang unang utos ng Diyos. • Makakapagsulat ng konkretong gagawin sa araw-araw tanda ng pagsunod sa unang utos ng Diyos. • Makakapag-alay ng panalangin at pagsamba tanda ng pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos. SITWASYON NG BUHAY: Mga pinahahalagahan ng mga bata sa kanilang buhay mula pag-gising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang dami nating pinahahalagahan sa ating buhay, minsan sa labis na pagpapahalaga sa mga bagay nagiging munting ”diyos” na natin sila ( Halimbawa : masyadong pagpapahalaga sa pera, sa kapangyarihan , sa tao... iba pa, nakakalimutan na nating may isang tunay na Diyos.) KAHALAGAHAN :Pagkilala at pag-ibig sa iisa at tunay na Diyos SALITA NG DIYOS : Deuteronomio 6:4-5 "Dinggin ninyo mga Israelita: Si Yahweh lamang ang Diyos. Ibigin ninyo Siya nang buong puso, kaluluwa at lakas.” Exodo 20:2-3 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay : Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat ng bagay. Ito ang unang utos ng Diyos. (Deuteronomio 6:4-5, KIK 2083-2132, KPK 878-892) Katotohanan : May isa lamang tayong Panginoon, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, gumagawa sa lahat at sumasalahat. (Deuteronomio. 6:4, Efeso 4:4-6, KIK 2083; KPK 878, 881). Pagsamba : Sa pamamagitan ng ating pagsamba, panalangin at pagsasakripisyo ay naipapakita natin ang pag-ibig sa Diyos. (KIK 2095-2109,KPK 884, KPK 923) TUGON NG PANANAMPALATAYA: Paninindigan: Naniniwala ako na may isa lamang tayong Panginoon kaya iibigin ko Siya nang higit sa lahat ng bagay. Pagtatalaga:Bilang pagsunod sa unang utos ng Diyos, isulat ang mga konkretong gagawin mo sa araw-araw. At gumawa ng pangako na isasaulo ang unang utos ng Diyos. Pagdiriwang :Panalangin ng Pag-ibig ( Prayer Booklet pahina 10 )

Page 12: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

PAKSA 8: IKALAWANG UTOS NG DIYOS: IGALANG ANG PANGA LAN NG DIYOS LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalalaman at maisasaulo ang ikalawang utos ng Diyos. • Makakapaglista ng mga paraan kung paano igagalang ang pangalan ng Diyos. • Makakapag-antanda ng krus ng buong paggalang at madadasal ang Ama Namin. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan sa paggalang at hindi paggalang sa pangalan ng ibang tao at Diyos. Mga ekspresyon na binabanggit ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan. KAHALAGAHAN : Paggalang sa pangalan ng Diyos SALITA NG DIYOS : Exodo 20:7, Deuteronomio 5:11 "Huwag ninyong babanggitin sa walang kabuluhan ang pangalang Yahweh sapagkat parurusahan ko ang sinumang bumanggit nito nang walang kabuluhan" PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay : Dahil may takot tayo sa Diyos at mahal natin Siya,huwag nating babanggitin sa walang kabuluhan ang pangalan ng Diyos. Ito ang pangalawang utos ng Diyos. (KIK 2142-2159, KPK 893-902,) Katotohanan : Ang pangalan ng Diyos ay banal. (KIK 2143, 203, KPK 893-902) Pagsamba : Sa mga panalangin, pinapahayag natin ang paggalang at pagpupuri sa ngalan ng Diyos [ Halimbawa : Sa pag-aantanda ng Krus, pagdarasal ng Ama Namin at Luwalhati.] (Salmo 113:1-3, KIK 2166, KPK 900,) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako na ang pangalan ng Diyos ay banal, kaya igagalang ko ang pangalan Niya. Pagtatalaga: Magbigay ng mga paraan kung paano maipapakita ang pag-galang sa pangalan ng Diyos. At isaulo ang ikalawang utos ng Diyos.

Page 13: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagdiriwang: Gawin ng may pag-galang ang pag-aantanda ng Krus at dasalin ang ”Ama Namin” PAKSA 9: IKATLONG UTOS NG DIYOS: IPANGILIN ANG ARAW NG LINGGO AT MGA PISTANG PANGILIN LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman at maisasaulo ang ikatlong utos ng Diyos. • Makakagawa ng pangakong magsisimba tuwing araw ng Linggo at mga pistang pangilin at makapa-ghanda ng mga aktibong pamamaraan ng pakikiba-hagi sa Banal na Eukaristiya. • Makakapagpuri sa Diyos sa pamamagitan ng pag-awit. SITWASYON NG BUHAY: Mga ginagawa ng pamilya tuwing araw ng Linggo. Karanasan sa pagsisimba tuwing araw ng Linggo. SALITA NG DIYOS:Exodo 20:8, Deuteronomio 5:12 “Italaga ninyo sa akin ang Araw ng Pamamahinga.” KAHALAGAHAN:Pag-galang sa araw ng Linggo PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay :Dahil may takot tayo sa Diyos at mahal natin Siya,ipangilin natin ang araw ng Linggo at pistang pangilin. Ito ang ikatlong utos ng Diyos. (KIK 2168-2188, KPK 903-922,) Katotohanan :Ang araw ng Linggo ay araw ng Panginoon at pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Jesus. (KIK 2168, 2174, KPK 910-911) Pagsamba:Tuwing Linggo, sumasamba tayo sa Panginoon bilang isang sambayanan sa Banal na Eukaristiya. (KIK 2177, KPK 914) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan:Ipangingilin ko ang araw ng Linggo at pistang pangilin sapagkat ito ay araw ng Panginoon.

Page 14: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagtatalaga: Gumawa ng pangako na magsisisimba tuwing araw ng Linggo at sa mga pistang pangilin. Magbigay ng mga konkretong gagawin na nagpapakita ng aktibong pakikibahagi sa Banal na Eukaristiya. Pagdiriwang:Awit: Halina’t Magsilapit PAKSA 10: IKAAPAT NA UTOS NG DIYOS: IGALANG MO ANG IYONG AMA AT INA LAYUNIN :Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman at maisasaulo ang ika-apat na utos ng Diyos. • Makakagawa ng liham pasasalamat sa mga magulang at makakapagtala ng mgagagawing nagpapakita ng paggalang at pagmamahal. • Makakapag-alay ng panalangin para sa kabanalan ng mga magulang. SITWASYON NG BUHAY:Karanasan ng paggalang at ng hindi paggalang sa mga magulang at sa mga nakakatanda SALITA NG DIYOS:Deuteronomio 5:16 “Igalang ninyo ang inyong ama’t ina. Sa gayo’y mabu-buhay kayo nang matagal sa lupaing ibinigay ko sa inyo.” Efeso 6:1-3, Kawikaan 6:20 KAHALAGAHAN: Pag-galang sa magulang at mga nakakatanda PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay : Dahil may takot tayo sa Diyos at mahal natin Siya, igalang natin ang ating ama at ina. Ito ang Ika-apat na utos ng Diyos: (KPK 1002 - 1027; KIK 2196-2246) Katotohanan : Ang magulang ang kumakatawan sa Diyos sa pangangalaga sa atin. (KIK 2221, 2223, KPK 1011,1024) Pagsamba :Bilang pasasalamat sa Diyos, palagi nating ipanalangin ang ating mga magulang para sa kanilang ikapagiging banal. (KIK 2227) TUGON NG PANANAMPALATAYA

Page 15: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Paninindigan:Igagalang ko ang aking ama’t ina sapagkat naniniwala ako na sila ang kinatawan ng Diyos sa pangangalaga sa akin. Pagtatalaga:Gumawa ng liham ng pasasalamat sa inyong mga magulang. Gumawa ng tsart para sa buong isang Linggo na nagpapakita ng paggalang at pagmamahal mo sa iyong mga magulang Pagdiriwang :Katahimikan (isipin ang mga magulang) Ano ang nais ninyong ipanalangin sa inyong mga magulang? Mag-alay tayo ng isang Ama Namin para sa kabanalan ng ating mga magulang. PAKSA 11: IKALIMANG UTOS NG DIYOS: PAHALAGAHAN AT IGALANG ANG BUHAY LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman at maisasaulo ang ika-limang utos ng Diyos. • Makakapagbigay ng mga gagawin na nagpapakita ng paggalang sa buhay. • Makakapagpuri sa Diyos sa kaloob na buhay. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng paghanga sa lahat ng may buhay .(Hal. Puno, hayop, mga halaman, at higit sa lahat tao) “Ang buhay ay handog na may pinagmulan, kaya’t tanging ang may akda lamang ang maaring bumawi nito.” KAHALAGAHAN: Paggalang at pag-iingat sa buhay SALITA NG DIYOS: Ikuwento: Lukas 10:25-35 [Ang Mabuting Samaritano - Nagpahalaga sa buhay ] Exodo. 20:13, Deuteronomio 5:17 “Huwag kayong papatay” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay:Dahil may takot tayo sa Diyos at mahal natin Siya, pahalagahan natin ang buhay at igalang ito. Ito ang Ikalimang utos ng Diyos. (KIK 2258-2317, KPK 1028-1044) Katotohanan :Ang buhay ng tao ay banal sapagkat ang Diyos ang may akda nito. (KIK 2258, KPK 1028)

Page 16: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagsamba: Sa panalangin, lalo na sa Banal na Eukaristiya, pinupuri at pinasasalamatan natin ang Diyos sa handog Niyang buhay. (Salmo 8, KPK 1047) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako na ang buhay ay banal pagkat ang Diyos ang may akda nito, pahahalagahan at igagalang ko ito. Pagtatalaga: Magsulat ng mga gagawin na nagpapakita ng paggalang sa sariling buhay at sa buhay ng kapwa Pagdiriwang:Awit: Kahanga-hanga, Verse 2 PAKSA 12: IKAANIM AT IKASIYAM NA UTOS: PAG-GALANG S A ATING KASARIAN BILANG “LALAKI AT BABAE LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Mauunawaan at maisasaulo ang ang ika-anim at ika - siyam na utos ng Diyos. • Makakapagbigay ng mga gagawin at iiwasang gawin upang mapangalagaan ang kalinisan ng isip, puso at katawan • Mabibigkas ng buong puso ang panalanging Salmo 51. SITWASYON NG BUHAY: Pag usapan at pagnilayan ang kanilang kasarian bilang lalaki at babae. Paano igagalang ang bawat isa? Kwento ng buhay ni Sta. Maria Goretti. (Bigyang diin ang kalinisan ng puso at kalooban ni Sta. Maria Goretti)Ang pagiging lalaki o pagiging babae ay biyaya ng Diyos. KAHALAGAHAN: Pagkilala, pagtanggap at pag-galang sa kasarian SALITA NG DIYOS:1 Corinto 6:19-20 “Ang inyong katawan ay hindi talagang inyo kundi sa Diyos, binili niya kayo sa malaking halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.” Mateo 5:8 "Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.” PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Page 17: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagsasabuhay : Dahil may takot tayo sa Diyos at mahal natin Siya,huwag tayong gumawa at mag-isip ng mahalay sa ating kapwa. Ito ang ika-anim at ika - siyam na utos ng Diyos. ( KPK 1066-1088, KIK 2331- 2391) ika-6 na utos ng Diyos ; (KIK 2514-2527, KPK 1066-1088, 1089-1116)) Ika-9 na utos ng Diyos Katotohanan: Nilikha ng Diyos ang tao na kalarawan Niya, nilikha silang lalaki at babae. (Genesis 1 :27, KIK 2331, KPK 1117) Pagsamba :Ang personal na pananalangin at pagtanggap ng mga Sakramento ang maging inspirasyon at batayan natin upang maisabuhay ang kalinisan at kadalisayan ng puso. ( KPK 1117) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Igagalang ko ang aking kasarian sapagkat ako’y nilikhang kalarawan ng Diyos. Pagtatalaga: Magbigay ng mga gagawin at iiwasang-gawin upang mapangalagaan ang kalinisan ng isip, puso at katawan. Pagdiriwang: Dasalin ang Salmo 51 PAKSA 13: IKAPITONG AT IKASAMPUNG UTOS NG DIYOS: IG ALANG AT IBAHAGI ANG PAG-AARI NATIN SA IBA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman at maisasaulo ang ika-pito at ika-sampung utos ng Diyos. • Makakapagtala ng gagawin bilang paggalang sa pag-aari ng iba at kung paano ibabahagi ang anu-mang mayroon sila. • Makakapagsuri ng budhi at makahihingi ng tawad sa mga pagsasamantala at di paggalang sa pag-aari ng iba. SITWASYON NG BUHAY: Mga kuwento tungkol sa mga Pilipino na nagsauli ng pera o pag-aari na hindi kanila. Halimbawa : Kwento ni Cristina ‘Tinay’ Bugayong Karanasan ng pagsasauli ng pera at pagbabahagi ng mga bagay na hindi na ginagamit ngunit mapapaki-nabangan pa ng iba.

Page 18: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

SALITA NG DIYOS: Deuteronomio 5:19,21 “Huwag kayong magnanakaw… “Huwag ninyong pag-iimbutan ang kanyang bahay, bukid, alila, baka, asno o anumang ari-arian niya” Lukas 19:1-10 “Panginoon ibibigay ko po sa mga duk-ha ang kalahati ng aking ari-arian. At kung ako’y may nadayang sinuman, apat na ibayo ang isasauli ko sa kanya.” KAHALAGAHAN: Pagiging matapat at mapagtiwala sa kapwa ( trust and honesty ) PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay : Dahil may takot tayo sa Diyos at mahal natin Siya, huwag tayong magnanakaw at magnanasa sa hindi natin pag-aari. Ito ang ika - 7 at ika - 10 utos ng Diyos. (KIK 2401-2449; KPK 1141-1146) ika - 7 utos ng Diyos (KIK 2534-2550, KPK 1147-1154) – ika – 10 utos ng Diyos Katotohanan :Ang mga kayamanan ng sangnilikha ay nakalaan para sa lahat ng tao. (Genesis 1:26-29, KIK 2402, KPK 1174) Pagsamba : Sa ating pagbabalik-loob sa Diyos, lalo na sa Sakramento ng Pangungumpisal, tinatanggap natin ang biyaya ng Diyos upang mapatawad tayo sa ating mga nagawang kasalanan sa pagnana-kaw at kasakiman at tumatanggap din tayo ng lakas na makapag-bagong buhay. ( KPK 1171 ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan :Igagalang at ibabahagi ko sa iba ang aking mga pag-aari sapagkat ang mga kayamanan ng sang-nilikha ay nakalaan para sa lahat ng tao . Pagtatalaga :Maglista ng mga gagawin mong bagay na nagpapakita ng pag-galang sa pag-aari ng kapwa mo. Magtala ng mga pangakong gagawin bilang pagbabahagi ng anumang mayroon ka para sa iyong kapwa. Pagdiriwang :Pag-uusisa ng budhi • Nangongopya ba ako kapag may pagsusulit ?

Page 19: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

• Nakapanloko ba ako sa aking kapwa lalo na sa aking mga magulang, guro at kaibigan ? • Nakatulong ba ako sa pangangalaga ng aking kapaligiran o nakiisa ako sa pagsira nito ? • Marunong ba akong gumalang sa gamit ng iba o kumukuha na lang basta ng walang paalam ? Panalangin Mapagmahal naming Ama, Kayo po ang tumawag sa amin para kami ay maging kalarawan Ninyo dito sa lupa. Hindi namin halos mabilang, ni mabigyan ng wastong pangalan and dami ng bunga at bendisyon ng Inyong ibinigay sa kalikasan. Ipahintulot Ninyong lagi naming igalang ang kaya-manang ito ng santinakpan. Huwag sanang manaig ang pagkamakasarili sa paggamit namin ng mga biyaya ng kalikasan. Ituro ninyo po sa amin na ang mga biyaya sa sandaigdigan ay para sa lahat sa ngayon at sa daratingpang araw. Ang paggalang na ito para sa mga biyaya ng sandaigdigan ay hinihiling namin sa inyo, sa pangalan ni Jesu-Kristong Aming panginoon.Amen. PAKSA 14: IKAWALONG UTOS NG DIYOS: PANINDIGAN ANG KATOTOHANAN LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman at maisasaulo ang ikawalong utos. • Makakapagtala ng mga gagawing paninindigan para sa katotohanan. • Makakapagdasal sa Espiritu Santo upang mapatnubayan at makapamuhay sa katotohanan. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan sa pagsisinungaling at pagsasabi ng katotohanan. Kailan ka nakapagsinungaling? Naging bahagi ka na ba ng pag-tsismis ng iyong kapwa ? Ano ang epekto nito sa ating samahan? Bakit kailangang magsabi ng totoo? Ito ang mga kasalanan laban sa katotohanan: pagsisinungaling, paghahatid ng maling balita, tsismis, pagbibintang, paghuhusga, di-matuwid na paratang, pamimintas, paninirang-puri, pagsira sa pangako, KAHALAGAHAN :Pagsasabi ng katotohanan

Page 20: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

SALITA NG DIYOS:Mateo 5:33-37 Exodo 20:16 “Huwag kayong sasaksi sa di-katotohanan laban sa inyong kapwa.” Efeso 4:23-25 “ itakwil na ng bawat isa ang kasinunga-lingan,at lahat ay magsalita ng katotohanansa kan-yang kapatid, sapagkat tayo’y bahagi ng iisang kata-wan.” Efeso 4:15 “Sa pamamagitan ng pagsasalita ng ka-totohanan sa diwa ng pag-ibig, magiging ganap tayo kay Kristo na Siyang ulo.” ; Kawikaan : 6: 16-19 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay: Dahil may takot tayo sa Diyos at mahal natin Siya, huwag tayong sasaksi sa di katotohanan laban sa ating kapwa. Ito ang Ikawalong utos ng Diyos. (KPK 1221 – 1249, KIK 2464-2503) Katotohanan: Si Jesus ang Katotohanan at ang naniniwala sa Kanya ay nabubuhay sa katotohanan. (Juan 14:6, KIK 2465-2466; KPK 1225, 1226) Pagsamba: Sa tulong ng Espiritu Santo, ang Espiritu ng Katotohanan, tayo ay tunay na nakakasamba sa Diyos Ama .(Juan 15: 26-27, KPK 1249, 1251) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Ipasaulo sa mga bata at ipahayag ng may paninindigan : Kawikaan 6:16-19 “Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay : mga bagay na ang Kanyang kinasusuklaman, (1) kapalaluan, (2) kasinungalingan, (3)at ang mga pumapatay sa walang kasalanan, (4) pusong sa kapwa’y walang mabuting isipan, (5) mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, (6) saksing sinungaling mapaglubid ng buhangin, (7) pag-awayin ang kapwa laging gusto niyang gawin.” Pagtatalaga : Magtala ng mga gagawin mo kung paano ka naninindigan sa katotohanan.? Pagdiriwang:Panalangin sa Espiritu Santo, ang Espiritu ng Katotohanan, upang patnubayan tayo na manindigan sa katotohanan at ilayo sa lahat ng uri ng kasinungalingan. ( c/o Catechist )

Page 21: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

PAKSA 15: MGA SAKRAMENTO NAGKAKALOOB NG BIYAYA UPAN G MATUPAD ANG MGA KAUTUSAN. LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Malalaman na itinatag ni Kristo ang isang nakiki-tang tanda , ito ang mga Sakramento. • Makakagawa ng pangakong mangungumpisal at magsisimba ng malimit. • Makakapagdasal ng Pagsisisi. SITWASYON NG BUHAY: Kuwento ng mga banal o kilalang tao na nagbago at naging matapat sa pagsunod sa sampung utos ng Diyos dahil sa malimit na pagtanggap ng mga Sakramento. Karanasan sa malimit na pagtanggap ng mga Sakramento. SALITA NG DIYOS: Juan 15:5-7 “…Wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.” KAHALAGAHAN:Katapatan ( faithfulness ) PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsasabuhay : Dahil sa biyaya ng Diyos sa mga Sakramento, ang mga ipinag-uutos Niya ay natutupad . ( KIK 2082) Katotohanan : Itinatag ni Kristo ang isang nakiki-tang tanda , ito ang mga Sakra-mento na nagbibigay ng biyaya sa atin upang matupad natin ang mga kautusan. ( KIK 1114, 1127, KPK 1519, 1527-1528 ) Pagsamba : Ang mga Sakramento kapag ipinagdiwang ng may pananam-palataya ay hinuhubog tayong maging katulad ni Kristo na sumunod sa mga batas. (KPK 1529) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako na ang mga Sakramento ay nagbibigay ng bi-yaya sa atin upang matupad natin ang mga kautusan. Pagtatalaga:1. Gawin ang tseklist.2. Gumawa ng pangako na malimit tatanggapin ang mga Sakramento ng Kumpisal at Banal na Eukaristiya ng may pananam-palataya.

Page 22: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagdiriwang:Awitin ang Panginoon Maawa Ka Magbigay ng tatlong utos na Diyos na nahihirapang tupdin sa araw-araw Itala ang Sakramentong tatanggapin at ang biyayang matatanggap Panalanging idudulog sa Diyos Halimbawa:Ika pitong utos: Huwag magnanakaw (pangungupit sa nanay) Sakramento ng Kumpisal Pagpapatawad ng Diyos Patawad po sa mga pagkakataong nangupit ako. PAKSA 16: BUHAY NA WALANG-HANGGAN: PARA SA MGA TAPA T NA SUMUSUNOD SA KAUTUSAN NG PAG-IBIG LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang • Maniniwala na ang buhay na walang hanggan ang handog ng Diyos sa mga taong tapat na sumunod sa kautusan. • Makakapagbigay ng paraan kung paano inaasam ang buhay na walang hanggan. • Makakapag-alay ng panalangin kay Inang Maria. SITWASYON NG BUHAY: Kuwento ng buhay ni Birheng Maria kung paano siya sumunod sa kautusan ng pag-ibig. Bakit buong katapatan siyang sumunod sa Diyos? Nasaan na siya ngayon? Ikaw hinahangad mo rin ba ang buhay na walang hanggan? Bakit? SALITA NG DIYOS:Markos 12:28-34 “…Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” Lukas 18:18-23 “…Ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang-hanggan?” KAHALAGAHAN :Pag – asa O pag-asam sa buhay na walang hanggan PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan: Buhay na walang hanggan ang handog ng Diyos sa mga taong tapat na sumunod sa kautusan ng pag-ibig tulad ni Birheng Maria. (KIK 1020, KPK 524,2107, 2060, 2068,2080)

Page 23: Gabay sa pagbubuo ng Katekesis Catechetical … · ika-apat na baytang paksa 1: may kaayusan ang buhay na handog ng diyos ama paksa 2: sinira ng kasalanan ang sangnilikha (ang kasalanang

Pagsasabuhay: Sa pamamagitan ng pag-asa, hina-hangad natin at inaasahan sa Diyos ng may matatag na pananalig ang buhay na walang hanggan at ang mga biyaya upang makamtan ito ( KIK 1843 , KPK 2076-2078) Pagsamba : Sa tulong ng panalangin natin kay Inang Maria, ginagabayan Niya tayo patungo sa buhay na walang hanggan ( KIK 2677 ; KPK 1545 ; Santa Maria, ina ng Diyos ipanalangin mo kaming maka-salanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan:Sumasampalataya ako sa buhay na walang-hanggan na hatid ni Jesus. Pagtatalaga : Paano mo pinakikita ang pag-asam sa buhay na walang hanggan? Magbigay ng 3 paraan. Pagdiriwang :Dasalin ang Aba Ginoong Maria Awit: Ang Mabuhay sa Pag-ibig