Flyer 4.2 Karapatan Kapag Naaresto - gojusthrp.com

1
Kung mayroon kang nais idulog na suliranin tungkol sa iyong karapatang pantao, tumawag o sumulat sa Commission on Human Rights Globe: 0936-068-0982 Smart: 0920-506-1194 Email: [email protected] MGA DAPAT GAWIN KUNG IKAW AY NAARESTO IPAALAM AT IPAINTINDI IPABASA ANG WARRANT OF ARREST MAGKAROON NG ABOGADO IPAGBIGAY ALAM ANG KALAGAYAN BAWAL ISALILIM SA TORTYUR ATENSYONG MEDIKAL KARAPATANG MAKAPAGPYANSA Habang iniimbestigahan, maaari kang magsawalang-kibo o tumahimik, magkaroon ng abogado na may sapat na kakayanan at mas maigi kung ikaw mismo ang pumili sa kanya; Ang paglaya sa pamamagitan ng pyansa ay hindi hadlang upang kwestyunin ang ligalidad ng pag-aresto sa iyo at ang ligalidad mismo ng arrest warrant. Subalit dapat gawin mo ito sa harap ng hukuman bago ang arraignment, o ang pagbasa sa mga reklamo laban sa iyo. Dapat ipaalam at ipaintindi sa iyo ng opisyal na umaaresto ang dahilan ng akusasyon laban sa iyo; Dapat ipabasa sa iyo upang mapag-aralang maiigi ang kopya ng warrant of arrest; Makipag-ugnayan sa iyong abogado at ipagbigay-alam sa iyong kamag-anak ang iyong lugar at kalagayan; Nakasaad sa batas ang karapatang magpyansa. Pero ang karapatang ito ay hindi matatamasa sa lahat ng pagkakataon at maaari itong hadlangan sa pamamagitan ng utos ng hukuman (1) sa mga taong nahahabla sa mga paglabag na pinarurusahan ng reclusion perpetua, at (2) kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala laban sa taong nahahabla ayon sa pagsusuri at paguutos ng hukom. Dagdag dito, ayon sa Artikulo III, Seksyon 13 ng Saligang Batas, hindi dapat pigilin ang karapatan sa pyansa kahit na suspindido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus at ipinagbabawal ang malabis na pyansa. Sumailalim sa independiyenteng pagsusuri o atensyong medikal ng isang doktor o kung wala ay isang doktor mula sa pampublikong ospital na malapit sa lugar, bago ka palayain o ilipat ng kulungan. Karapatan mong hindi isailalim sa tortyur, gamitan ng dahas, pananakot, pagbabanta, o ano pa mang paraan na hadlang sa iyong malayang pagpapasya. Ang mga lihim na kulungan, solitary confinement, pagiging inkomunikado o iba pang katulad na mga anyo ng detensyon ay ipinagbabawal ng batas. Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa iyo ang ano mang pagtatapat o pagamin na pwersahan at labag sa iyong kalooban. KARAPATANG PANTAO SA PANAHON NG COVID-19 Ito ay hatid sa inyo ng Human Rights Education and Promotion Office ng CHR. Ang nilalaman ng flyer na ito ay hango sa nilalaman ng "Dignidad at Karapatang Pantao, Itaguyod at Ipaglaban" na inilathala ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA). Ang mga opinyon na nakapaloob dito ay maaaring hindi pareho sa opinyon ng USAID at ng The Asia Foundation na siyang nagbigay ng financial support sa gawa ng PAHRA, at sa opinyon ng European Union (EU) at ng Spanish Agency for International Development Cooperation (AECID) na nagbigay ng financial support sa gawa ng CHR.

Transcript of Flyer 4.2 Karapatan Kapag Naaresto - gojusthrp.com

Kung mayroon kang nais idulog na suliranin tungkol sa iyong karapatang pantao, tumawag o sumulat sa

Commission on Human RightsGlobe: 0936-068-0982 Smart: 0920-506-1194

Email: [email protected]

MGA DAPAT GAWIN KUNG IKAW AY NAARESTO

IPAALAM AT IPAINTINDI

IPABASA ANG WARRANT OF ARREST

MAGKAROON NG ABOGADO

IPAGBIGAY ALAM ANG KALAGAYAN

BAWAL ISALILIM SA TORTYUR

ATENSYONG MEDIKAL

KARAPATANG MAKAPAGPYANSA

Habang iniimbestigahan, maaari kang magsawalang-kibo otumahimik, magkaroon ng abogado na may sapat na kakayanan atmas maigi kung ikaw mismo ang pumili sa kanya;

Ang paglaya sa pamamagitan ng pyansa ay hindi hadlang upang kwestyunin ang ligalidad ng pag-arestosa iyo at ang ligalidad mismo ng arrest warrant. Subalit dapat gawin mo ito sa harap ng hukuman bago

ang arraignment, o ang pagbasa sa mga reklamo laban sa iyo.

Dapat ipaalam at ipaintindi sa iyo ng opisyal na umaaresto angdahilan ng akusasyon laban sa iyo;

Dapat ipabasa sa iyo upang mapag-aralang maiigi ang kopyang warrant of arrest;

Makipag-ugnayan sa iyong abogado at ipagbigay-alam sa iyongkamag-anak ang iyong lugar at kalagayan;

Nakasaad sa batas ang karapatang magpyansa. Pero ang karapatang ito ay hindimatatamasa sa lahat ng pagkakataon at maaari itong hadlangan sa pamamagitan ngutos ng hukuman (1) sa mga taong nahahabla sa mga paglabag na pinarurusahanng  reclusion perpetua, at (2) kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala laban sataong nahahabla ayon sa pagsusuri at paguutos ng hukom. Dagdag dito, ayon sa ArtikuloIII, Seksyon 13 ng Saligang Batas, hindi dapat pigilin ang karapatan sa pyansa kahit nasuspindido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus at ipinagbabawal ang malabis napyansa.

Sumailalim sa independiyenteng pagsusuri o atensyong medikal ngisang doktor o kung wala ay isang doktor mula sa pampublikongospital na malapit sa lugar, bago ka palayain o ilipat ng kulungan.

Karapatan mong hindi isailalim sa tortyur, gamitan ng dahas, pananakot, pagbabanta, oano pa mang paraan na hadlang sa iyong malayang pagpapasya. Ang mga lihim nakulungan, solitary confinement, pagiging inkomunikado o iba pang katulad na mga anyo ngdetensyon ay ipinagbabawal ng batas. Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa iyo angano mang pagtatapat o pagamin na pwersahan at labag sa iyong kalooban.

KARAPATANG PANTAOSA PANAHON NG COVID-19

Ito ay hatid sa inyo ng Human Rights Education and Promotion Office ng CHR. Ang nilalaman ng flyer na ito ay hango sa nilalaman ng"Dignidad at Karapatang Pantao, Itaguyod at Ipaglaban" na inilathala ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA). Angmga opinyon na nakapaloob dito ay maaaring hindi pareho sa opinyon ng USAID at ng The Asia Foundation na siyang nagbigay ng

financial support sa gawa ng PAHRA, at sa opinyon ng European Union (EU) at ng Spanish Agency for International DevelopmentCooperation (AECID) na nagbigay ng financial support sa gawa ng CHR.