Final Future Rmt

33
KABANATA 1 Ang Suliranin At Ang Kaligiran Ng Pag-aaral Panimula Ngayon na tayo’y nasa ika-21 siglo na ng panahon, ang teknolohiya at modernisasyon ay nagkaroon na talaga ng mahigpit na hawak sa pamumuhay, pag-iisip, at sa paraan ng ating pagtanaw sa hinaharap. Sa bawat larangan o propesyon; mapa-medikal, arkitekto, pagtuturo o konstraktura man ay hindi maikakaila ang matinding pagbabago na nagaganap sa lipunan. Kahit ang pag-aaral ng Medical Technology ay naapektuhan na rin ng makabagong teknolohiya. Ngunit ang pagbabago bang ito na sobra-sobrang kinababaliwan ng lahat ng tao ay tungo sa kaunlaran ng bayan o magiging sanhi ng paglugmok ng lipunan? Malayu-layo na rin ang narating ng Medical Technology, gaya na lamang ng paggamit ng pipette sa pagkuha ng kemikal na noo’y ginagamitan lamang ng bibig o ang pagkuha ng dugo gamit ang lancet na dati’y tinik, ngipin at sungay lang ng mga hayop ang gamit dito. Nang

Transcript of Final Future Rmt

Page 1: Final Future Rmt

KABANATA 1

Ang Suliranin At Ang Kaligiran Ng Pag-aaral

Panimula

Ngayon na tayo’y nasa ika-21 siglo na ng panahon, ang teknolohiya at

modernisasyon ay nagkaroon na talaga ng mahigpit na hawak sa pamumuhay,

pag-iisip, at sa paraan ng ating pagtanaw sa hinaharap. Sa bawat larangan o

propesyon; mapa-medikal, arkitekto, pagtuturo o konstraktura man ay hindi

maikakaila ang matinding pagbabago na nagaganap sa lipunan. Kahit ang pag-

aaral ng Medical Technology ay naapektuhan na rin ng makabagong teknolohiya.

Ngunit ang pagbabago bang ito na sobra-sobrang kinababaliwan ng lahat ng tao

ay tungo sa kaunlaran ng bayan o magiging sanhi ng paglugmok ng lipunan?

Malayu-layo na rin ang narating ng Medical Technology, gaya na lamang

ng paggamit ng pipette sa pagkuha ng kemikal na noo’y ginagamitan lamang ng

bibig o ang pagkuha ng dugo gamit ang lancet na dati’y tinik, ngipin at sungay

lang ng mga hayop ang gamit dito. Nang lumaganap ang teknolohiya marami

itong magandang naitulong sa Medical Technology: mabilis at madali na lang ang

paraan ng pagkuha ng resulta mula sa mga doktor, naitatabi na ng maayos ang

mga impormasyon mula sa mga pasyente gamit ang kompyuter at mas mabilis na

rin ang pagsusuri sa mga pasyente upang matiyak ang kanilang karamdaman.

Ngunit lahat ng bagay ay hindi puro maganda ang dulot sa mga tao lalo na ang

teknolohiya. Isa na dito ang masamang epekto nito sa kalusugan ng tao; maaaring

lumabo ang paningin ng mga taong walang ginawa kundi magbabad sa harap ng

kompyuter. Kung sa larangan naman ng Medical Technology hindi din maganda

Page 2: Final Future Rmt

ang sobrang paggamit ng teknolohiya dahil baka dumating sa puntong umaasa na

lamang ang mga Medical Technologist sa trabaho ng teknolohiya at malimutan

nila na mas mahalaga pa din ang pagsusuring gawa nila.

Ang lahat ng ito ay dahail sa katalinuhang binigay sa atin ng Diyos. Kung

kaya’t kailangan nating gamitin ito sa tama at huwag abusuhin.

Kahalagahan Ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang alamin ang

mga mabubuti at masasamang dulot ng makabagong teknolohiya sa larangan ng

Medical Technology. Makakatulong ito sa mga mag-aaral ng Centro Escolar

University, sa Kolehiyo ng Medical Technology na palawakin pa ang kaalaman

ukol sa nasabing paksa. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring

makahanap ng mga mabisang paraan ang mga mag-aaral kung paano nila

maiiwasan ang negatibong epekto ng teknolohiya na maaaring magsilbing balakid

sa kanila upang magawa ang kanilang mga gawain na puno ng kalidad. Kabilang

sa sumusunod ang maaaring makinabang sa pag-aaral na ito:

Sa mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay makakapagbigay ng

impormasyon at dagdag kaisipan ukol sa kahalagahan ng teknolohiya sa larangan

ng Medisina partikular na sa Medical Technology. Mabibigyang gabay din sila sa

tamang pagtugon sa madaliang pagbabago ng maraming bagay sa aspeto ng

agham.

Sa mga mag-aaral ng kursong Medical Technology. Sa pamamagitan nito,

mabibigyang linaw at dagdag kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa mga

makabagong kagamitang maaari nilang gamitin. Maipababatid din sa kanila ang

Page 3: Final Future Rmt

mga iba’t-ibang epekto ng teknolohiya sa larangan ng kanilang kurso upang

magbunga ng mabuting resulta sa kanilang pag-aaral.

Sa mga mag-aaral ng Sekondarya. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay gabay

at linaw ukol sa kursong ito na maaari nilang tahakin. Sa pamamagitan nito,

magkakaroon sila ng ideya tungkol sa pag-aaral ng Medical Technology at sa mga

nalinang na kagamitan sa kursong ito.

Sa mga propesor. Ang pag-aaral na ito ay makapagbabawas oras ng hindi

pagkakaintindihan sa pagitan ng propesor at kanyang mga mag-aaral. Kasabay ng

kanyang mag-aaral, makakakuha din siya ng mga nalinang na ideya na mas

makakapagbuti ng kanyang pagtuturo at sa sariling kasanayan.

Sa mga dalubhasa sa propesyong ito. Sa pag-aaral na ito, mas mabibigyan pa sila

ng kaalaman at pagkakataon na isabuhay ang kanila pang natutunan upang mas

mapabuti pa ang kanilang serbisyo sa ibang tao at mas maging dalubhasa pa sa

propesyong ito.

Sa mga kukuha ng Medisina. Mas mauunawaan nila ang importansya at

kaugnayan ng teknolohiya sa pag-aaral ng kanilang tatahakin. Mas mabibigyang

pansin ang mga makabagong kagamitan na maaari nilang gamitin sa paghahasa sa

kanilang tinahak na propesyon.

Sa komunidad at pasyente. Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay kaalaman

sa mga tao ukol sa seguridad ng kanilang kalusugan sa pagtanggap nila ng

serbisyong panggamutan kasabay ng pagkakaroon ng maraming epekto ng

teknolohiya sa larangan ng medisina.

Page 4: Final Future Rmt

Ang pag-aaral o pananaliksik ukol sa paksang ito ay nagtataglay ng

malaking kahalagahan at impormasyon sa larangan ng panggagamot. Bagamat

limitado ang mga datos na nakalap sa mga mag-aaral at mga dalubhasa sa

Medical Technology, ito’y naaangkop pa rin sa paksang tinatalakay ng mga

mananaliksik at may kinalaman pa rin sa larangan ng Medical Technology.

Paglalahad Ng Suliranin

Maraming nagagawa ang teknolohiya, isa na rito ang mas pinabilis na

pagtatapos ng gawain ng mga tao sa pang-araw-araw. Kung noon ay isa lamang

itong luho, ngayon, malaki na ang tungkulin nito sa mga tao. Sa modernong

panahon ngayon, makikita na ang laganap na paggamit ng teknolohiya sa buong

mundo. Isa na ang Pilipinas sa mga gumagamit ng teknolohiya na kung saan unti-

unti ng nababago nito ang mga ugali ng Pilipino. Marami na kasing umaasa na

lamang sa nabibigay na tulong o impormasyon ng teknolohiya sa kanila.

Sasagutin sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tiyak na suliranin:

1. Anu-ano ang mga katangian ng mga respondante batay sa:

1.1 edad

1.2 kasarian

1.3 antas ng pag-aaral

1.4 kalagayang sibil

2. Anu-ano ang mga makabagong teknolohiyang kasali sa pag-aaral na ito?

2.1 Kompyuter

2.2 Compound Microscope

2.3 Centrifuge

Page 5: Final Future Rmt

2.4 Weighing Scale

2.5 Syringe

2.6 Tongue Depressors

2.7 Tourniquet

2.8 Medical Thermometer

2.9 Blood Sugar Meter

3. Anu-ano ang mga mabubuti at masasamang epekto ng makabagong

teknolohiya sa larangan ng Medical Technology?

Saklaw At Delimitasyon

Ang sakop ng pag-aaral na ito ay ang pagbibigay kahulugan ng

makabagong teknolohiya, ang ebolusyon nito simula pa noong unang panahon

hanggang sa kasalukuyan, at ang kapakinabangan nito sa kursong Medical

Technology. Napapaloob din sa pag-aaral na ito ay ang depinisyon ng Medical

Technology, mga kagamitan o instrumentong ginagamit sa mga ospital o

laboratoryo. At higit sa lahat ang pag-aaral na ito ay may layuning bigyan ng diin

ang mga mabubuti at masasamang dulot ng makabagong teknolohiya sa

kalusugan ng tao at sa larangan ng Medical Technology. Hindi sakop ng pag-aaral

na ito ang mga posibleng solusyon sa mga masasamang epekto ng makabagong

teknolohiya.

Sa pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng talatanungan ay

kinakailangan ng mga mananaliksik ang partisipasyon ng mga mag-aaral ng

kursong Medical Technology mula una hanggang ikatlong taon. Ang mga

mananaliksik ay kakausap din ng ilang mga dalubhasa na sa propesyong Medical

Page 6: Final Future Rmt

Technology na nagtatrabaho sa mga ospital o laboratoryong matatagpuan sa

Alabang Town Center, Makati Medical Center at St. Luke’s Hospital. Ang saklaw

ng edad para sa mga estudyante ay mula 16 na taong gulang hanggang 21 taong

gulang. Sa mga dalubhasa naman ay mula sa edad 21 taong gulang hanggang 50

taong gulang. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay 25 (mag-aaral at

dalubhasa).

Hindi bibigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral ng ibang

kurso tulad ng Nursing, Pharmacy at Psychology. Hindi din kasama sa pag-aaral

na ito ang mga dalubhasang may edad mahigit sa 50 taong gulang.

Ang lugar ng pagsasaliksikan ay ang Unibersidad ng Centro Escolar sa

Makati, Gil Puyat. Kasama rin ang ilang klinika at ospital na matatagpuan sa

iba’t-ibang lugar ng Laguna, Makati at Maynila. Hindi isasama ng mga

mananaliksik ang Unibersidad ng Centro Escolar sa Makati, Legazpi Village

sapagkat hindi nito sakop ang mga kursong patungkol sa siyensya.

Konseptwal/Teoretikal Na Balangkas

Ang pag-aaral ng dulot ng teknolohiya sa buhay ng tao ay isang

napakalawak na usapin. Lalo na sa usapang pangkalusugan o medisina. Ang

kursong Medical Technology ay sakop halos ang paggamit ng makabagong

teknolohiya. Napakarami ng mabubuti at magagandang tulong ang naibibigay ng

teknolohiya; pagkuha ng mga impormasyon at mas mabilis na resulta ng mga

ginawang eksaminasyon. Ilan lamang yan sa mga tulong na naibibigay ng

teknolohiya sa tao. Wala na ngang imposible sa mundong ito lahat ay nagagawan

na ng paraan upang maisakatuparan ito.

Page 7: Final Future Rmt

Ang pag-aaral na ito ay upang makatulong sa mga estudyanteng

kumukuha ng Medical Technology. Ang mga mananaliksik ay may layuning

paghambingin ang masasama at mabubuting dulot ng makabagong teknolohiya.

Teknolohiya

Mabubuti Mas sigurado at eksakto ang resulta ng

gagawing eksaminsyon

Mas mabilis at di kinakailangan ng maraming oras at lakas para gawin ang eksaminasyon

Mas nagiging produktibo ang isang propesyonal/estudyante dahil dito.

Masasama Umaasa na lang sa teknolohiya ang

isang propesyonal/estudyante.

Nagiging tamad at kung minsan di na pinapansin ang resulta ng isang eksaminasyon, na nagiging sanhi ng pagkakamali.

Medical Technology

Page 8: Final Future Rmt

Kahulugan Ng Mga Katawagan

Dalubhasa. Mga taong eksperto sa isang larangan.

Kurso. Kinukuha ng mga estudyanteng nasa Sekondarya bilang paghahanda sa

magiging trabaho nila.

Laboratoryo. Lugar kung saan pinag-aaralan ng mga Medical Technologist ang

mga kemikal sa katawan ng tao.

Lancet. Kagamitang ginagamit upang kumuha ng dugo para pag-aralan.

Makabago. Paraan ng pagpapaunlad o pagpapaganda ng mga bagay-bagay.

Medical Technology. Isang kurso kung saan pinag-aaralan ang mga kemikal at

mga komposisyon na makikita sa katawan ng tao.

Microscope. Isang instrumentong ginagamit upang pag-aralan at makita ang mga

bagay na hindi nakikita ng ating mga mata.

Syringe. Instrumentong ginagamit upang kumuha at magturok ng iba’t-ibang

klase ng likidong kailangan ng katawan.

Teknolohiya. Paggamit ng mga napag-aralang agham sa pagpapabuti ng

pamumuhay ng tao.

Page 9: Final Future Rmt

KABANATA II

Mga Kaugnay Na Literatura At Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay napapalooban ng ilang patunay na mga salitang

direktang sinabi ng isang tao o parte ng isang artikulo na nagmula sa mga

literatura at pag-aaral upang mas lalo pang pagtibayin ang nilalaman ng

pananaliksik. Ang mga ito ay kapwa banyaga at lokal na literatura at pag-aaral na

maaari pang magpaliwanag ng posibleng mabubuti at masasamang epekto ng

teknolohiya sa iba’t-ibang aspeto ng buhay partikular sa larangan ng Medical

Technology.

Mga Kaugnay Na Lokal Na Literatura

Ang mga pagbabago sa teknolohiya sa larangan ng Medical Technology

ay maraming mabubuting epekto sa pamumuhay ng tao at maging sa pag-unlad ng

mismong kursong ito. Ito ay naipapakita sa mga makabagong paraan at

instrumentong ginagamit sa pagtukoy ng mga karamdaman ng pasyente. Ito ay

pinatutunayan ng artikulong “The Impact of Advances in Medical Technology on

Patient (2009)” na:

Ang mga positibong epekto ng makabagong teknolohiya sa Medical Technology ay ang pagpapalawak ng paggamot sa mga karamdamang noon ay hindi kayang gamutin, pagkakaroon ng mga bagong paraan upang mabigyan ng mas matagal at mas maayos na serbisyo ang mga pasyente, pagtulong sa pagpapadami ng bilang ng mga gamot na dapat gamitin at ang bilang at klase ng mga makineryang ginagamit sa larangan ng medisina at higit sa lahat ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na magkaroon ng trabaho sa loob ng ospital. Ito ang nagpapatunay na ang makabagong teknolohiya sa ngayon ay tunay na nakakatulong sa Medical Technology dahil ito ay nagbibigay ng mas epektibong paraan ng panggagamot sa mga pasyente.1

Page 10: Final Future Rmt

Sa paglipas ng panahon, ang teknolohiya ay nakikisabay na nga sa

pagbabago ng ating mundo. Maraming teknolohiya ang nagsisulputan na may

dalang iba’t-ibang tulong sa ating pamumuhay. Isa na dito ang pagpapadali ng

ating mga gawain na dati’y ginagawa sa mabagal at mahirap na paraan.

Pinatutunayan ito ng nabanggit ni Dr. Priscilla Panlasigui na:

Malaking bagay ang pagkakaroon ng teknolohiya sa larangan ng Medical Technology. Dahil kung walang teknolohiya sa ngayon mahirap pa rin makakuha ng “specimen” mula sa mga pasyente. Delikado din para sa mga “Medical Technologist” ang pagsasagawa ng mga eksaminasyon lalo na kapag nagkaroon ng interaksyon sa mga may malubhang sakit gaya ng HIV, AIDS, at iba pa. Malaking tulong ang teknolohiya sa paraang napapabilis nito ang mga trabaho at nagiging mas kaunti ang oras at panahong gugugulin ng mga “Medical Technologist” sa mga eksaminasyong kanilang ginagawa.2

Ang Medical Technology ay sumasakop sa malawak na hanay ng medikal

na proseso na gumagamit ng mga instrumento upang sumuri, manggamot o

mamahala sa pangkalahatang kalusugan ng tao. Kinabibilangan nito ang mga

gamit na makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter. Marami sa mga ito ay

pinabuti ang kalidad ng buhay at nakatulong sa pagpapahaba ng buhay.

Gayunpaman, hindi lahat ng mga makabagong teknolohiya ay puro kabutihan ang

dala, ito’y mayroon ding dalang panganib sa atin. Pinatutunayan ito ni Dr.

Magallanes (2010) na:

Ang utak ay maihahalintulad na sa kompyuter na nagtatala ng mga impormasyon at datos. Ngunit ang utak ay nakapagpapasya at nakakagawa ng madaliang solusyon sa bawat suliranin samantalang sa kompyuter ay maaaring mawala ang “sinave” na mga datos. Isa pa ang kompyuter ay may mga bagay na hindi kayang gawin na siya namang kayang gawin ng isang Medical Technologist lalo na sa pagkuha eksaktong resulta sa mga eksaminasyon.3

Page 11: Final Future Rmt

Tunay ngang nakapagpapabilis ng trabaho ang paggamit ng teknolohiya

lalo na sa larangan ng medisina, ngunit mabilis din nitong napapalitan ang mga

propesyonal na tao sa kani-kanilang larangan. Ito naman ay pinatutunayan nila

Alburo at Abella (2002) na:

Sa mabilis na pagbabago ng panahon, teknolohiya na ang humahalili at gumagawa ng trabaho ng mga propesyonal na tao gaya ng mga nars, doktor at Medical Technologist. Nawawalan sila ng trabaho na nagiging sanhi upang iwan nila ang kanilang propesyon para sa mas mababa ng posisyon upang kumita. Mas kinailangan ng ibang bansa ang may kasanayan sa trabahong teknolohiya upang magpatakbo ng mga makinarya kaysa sa mga may mataas na tinapos.4

Mga Kaugnay Na Banyagang Literatura

Sa larangan ng Agham at Medisina, ang Medical Technology ay

nagbabago rin sa paglipas ng panahon. Pinapalawak din nito ang kaalaman ng

mga doktor at ang paraan nila ng panggagamot ng mga karamdaman.

Naaapektuhan ng modernisasyon ang buhay ng tao kung saan mas bumibilis at

nagiging mas produktibo sila. Pinatutunayan ito ng nabanggit ni Smith (2009) na:

Maraming pasyente ang dapat intindihin at bigyang pansin. Upang mas mapadali ng mga doktor ang kanilang trabaho kinakailangang gumamit ng makabagong teknolohiya sa pangmedisina. Ang makabagong teknolohiya ay tumutulong sa pagbibigay ng mabilis na lunas sa mga sakit. Dahil dito iba’t-ibang kompanya ang handang gumastos ng malaki sa mga pagsusuri ng mga gamot at paggawa ng bagong instrumentong pangmedisina.5

Samantala, maraming pwedeng kurso ang puwedeng pagpilian pagdating

sa medisina at isa sa pinakamaganda dito ay ang Medical Technology.

Pinatutunayan ito ni Bustamante (2009) na:

Ang pinakamagagandang paaralan na nagtuturo ng Medical Technology ay matatagpuan sa US at Canada na inaaprubahan ng mga itinalagang ahensya. At ang mga paaralan lang na inaprubahan ng mga itinalagang ahensya ang

Page 12: Final Future Rmt

may buong karapatan na magturo sa mga kabataan kung paano maging isang “certified medical technologist”.6

Mahalaga ang papel ng teknolohiya sa ating pang araw-araw na buhay. Sa

medisina, halos lahat ay ginagamitan na ng teknolohiya. Mas pinapadali nito ang

mga eksaminasyon at mga gawain ng mga doktor at “medical practitioners.” Ito

ay pinatutunayan ng nabanggit nila Yang TP, Montgomery SB, et al (2010) na:

Genevar (GENe Expression VARiation) is a database and java tool designed to integrate multiple data sets, and provides analysis and visualization of associations of between sequence variation and expression. Genevar allows researchers to investigate expression quantitative trait loci (eQTL) associations within a gene locus of interest in real time. The data base and application can be installed on a standard computer in a database mode and, in addition, on a server to share discoveries among affiliations or the broader community over the internet via web services protocols. AVAILABILITY.7

Lahat naman ng magagandang epekto ay may katapat na di maganda sa

ating pamumuhay. Gaya ng kompyuter, ito’y nakakakalap ng datos o

impormasyon mula sa mga maysakit na pasyente. Katulad natin, ang kompyuter

din ay maaaring magkaroon ng “virus” o “ma-hacked” na sanhi ng pagkawala ng

datos. Pinatutunayan ito nina Brownlee at Lenzer (2010) na:

Ang mga masasamang dulot ng ilang instrumentong pang-medikal na alam ng mga gumagawa nito ay hindi ipinapaalam sa publiko upang makaiwas sa gulo. Kaya sa huli, isinagawa ang pang malawakang pagpaparehistro ng mga instrumentong medikal sa US upang masubaybayan ang mga ito at maiwasan ang “hacking” ng mga impormasyon ng iba’t-ibang ospital.8

Malaking tulong nga sa mga doktor ang paggamit ng mga makabago at

“hi-tech” na mga kagamitan sa pagsusuri ng mga pasyente sapagkat napapabilis

nito ang mga gawain. Ngunit dahil din dito, masyado nang umaasa ang mga

doktor sa teknolohiya na minsa’y ikinasasama pa ng mga pasyente. Pinatutunayan

ng nabanggit sa phayagang “New York Times (2009)” na:

Page 13: Final Future Rmt

Nawawala na sa panahong ito ang magandang relasyon ng doktor at pasyente dahil napapalitan na ito ng pagsusuri gamit ang teknolohiya. Habang ginagamit ang makabagong teknolohiya ngayon hindi pa rin dapat kalimutan ang makaluma at sinaunang paraan ng pakikipag-usap sa pasyente pati na rin ang makalumang pagsasagawa ng eksaminasyon dahil maaari pa ring magkamali sa pagsusuri ang paggamit ng teknolohiya.9

Mga Kaugnay Na Lokal Na Pag-aaral

Ang pagbabago ng teknolohiya sa Pilipinas ay may malaking epekto sa

pag-unlad sa larangan ng medikal na propesyon sa nasabing bansa. Ito ay

naipapakita sa mga pagbabagong nagaganap sa mga instrumentong ginagamit sa

pagpapabuti ng kalusugan at maging sa mga prosesong kakabit nito. Ito’y

pinatutunayan sa nabanggit ni Secretary Ona na:

Napagtanto niya ang pagbaba ng kalidad ng pagpapabuti ng kalusugan o health care sa Pilipinas noong 1991 ang nagbigay daan upang mapagtibay nila ang sistema ng kanilang serbisyo. Sa kanilang pag-aaral na isinagawa, ang Pilipinas ay mayroong maternal mortality 95 to 163 kada 100,000 kapanganakan at internal mortality 25 kada 1,000 kapanganakan. Upang mas mapababa ang death rates, nais ni Ona na mula sa 30-40% Filipinos ay mapalago ng 100% Filipinos ang makatanggap ng benepisyong sakop ng Philhealth. Ilan sa mga makukuhang benepisyo ay pre-natal check-ups, vaccines at hospital care. Upang mas mapaigi ang serbisyo, naisaad ni Ona ang kanyang planong modernisasyon ng sistema ng health care sa bansa sa tulong ng makabagong teknolohiya na “Telehealth”. Ibinahagi din niya na ang kagandahang dulot ng teks o SMS na nagpapabilis ng komunikasyon sa mga doktor, nars at iba pang mga propesyonal na sakop ng medisina.10

Maging sa iba’t-ibang departamento ng bansa, ang teknolohiya ay

kaagapay na sa mga prosesong ginagawa- sa obserbasyon, sarbey, atbp. Sa

paggamit nito, malaking tagumpay din ang kasama nito. Pinatutunayan ito ng

Bureau of Research Laboratories (1997) na:

Page 14: Final Future Rmt

Nagpapatupad ng lisensya sa mga klinika at mga laboratoryong pang-diagnosis. Sa tulong ng teknolohiya, naging matagumpay ang taong 1997, ayon sa kanilang pangtaunang report. Naisagawa nila ang sumusunod: (1) Sa lahat ng 2, 170 na pasilidad, 97% ang nabigyan ng lisensya, (2) ang administrasyong teknikal ay nakapagpatupad ng makabagong sistema at nagbigay ng postibang epekto sa kumpara sa naunang sistema, (3) nagpatupad ng standard settings upang mas sakto ang resulta ng mga dugong obserbahan, (4) mas naiayos ang operasyon sa mga testing facilities upang mas maganda ang kalidad ng pagsasagawa ng blood banking, (5) modernisayon ng pag-aanalisa ng mga laboratoryong nag-sasagawa ng lisensya.11

Ang Propesyong Medical Technonlogy ngayon sa bansa ay tuluyang

tinatahak ang lubusang pag-unlad, subalit di pa rin nito kayang tugunan ang lahat

ng uri ng sakit na patuloy na lumalabas. Ayon sa nabanggit sa pahayagang “News

Medical (2010)” na:

Sa ginawang pag-aaral ng mga doktor at medical-technologist ng bansa, patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong merong HIV at AIDS. Ngunit di pa rin kayang tugunan ito ng mga doktor at mga medical-technology. Dahil sa maling pag-eeksamen at maling paggamit ng masasabing teknolohiya madalas pumalya ang mga resulta. Kung kaya’t mas lumalala ang kanilang masasabing karamdaman.12

Sa iba pang ginawang pag-aaral, mas binibigyang diin na kahit maraming

makabagong teknolohiya ang nagawa hindi pa rin nito kayang bigyang lunas ang

maraming karamdaman. Pinatutunyan pa rin ng pahayagang “News Medical

(2010)” na:

Sa ginawang pag-aaral ng isang grupo ng medical technologist, kahit sobrang pag-unlad ang tinatamasa ng mundong pangkalusugan, may mga sakit pa rin na hindi kayang lutasin bagkus kayang bigyan lang ng paunang lunas. Ang maling paggamit ng teknolohiya at walang kaalaman sa paggamit nito ang unang dahilan ng malaking pagkakamali.13

Mga Kaugnay Na Banyagang Pag-aaral

Page 15: Final Future Rmt

Ang mga pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga dayuhan na nakaukol

lamang sa propesyong Medical Technology. Marami na ring nasuring

makabagong sakit ang teknolohiya na nagpakita ng tunay na gamit nito.

Pinatutunayan ito ng nabanggit ni Gottlieb (2011) na:

Ang paggamit ng mga gamot at makabagong teknolohiya para sa maraming uri ng sakit ay masyadong nagiging mabilis ang progreso ng pag-unlad. Ngunit kinakailangan pa din ng direktang solusyon para sa mga sakit na di pa tukoy at wala pang tiyak na gamot para dito. Sa mga nagdaang taon kinakailangan ng maraming pagsusuri para sa makabagong sakit kung kaya’t maraming mga doktor ang nagnanais gumawa ng isang “ultimate drug” na kinakailangan ng mas makabagong teknolohiya. Iniiwasan nilang makasira pa ng “organs at cells” bago pa matukoy ang nasabing sakit.14

Ngayong 21st na taon, ang mga tao ay nabubuhay na sa makabagong

mundo ng teknolohiya. Malaki na ang naging impluwensya nito lalo na sa

pagkuha ng trabaho. Kaya pagdating sa pag-aaral naging parte na ang paggamit

ng teknolohiya sa pagpapabuti ng mga mag-aaral at paghahanda sa kanila sa

makabagong mundo. Pinatutunayan ito ni Lynch (2008) na:

For more than a decade, there is studied generation Y (individuals born between 1982 and 2001, also referred to as “millenials”) and the American culture shaping it. When considering overall job-readiness, she says that “Today’s millenials are open to collaboration, have an enormous facility for multi-tasking, and are at ease with new technologies. But they seem to have more limited experience in independent decision-making than past generations.” To help impart that experience, universities may need to ensure that collaborative student projects have not only an online instructional component but defined areas of individual responsibilities as well. Merrill Lynch now offers a mixed menu of targeted sessions that feature senior speakers, multimedia and interactive components. “It’s a genuinely collaborative environment,” concludes Ms. Middleton.15

Laganap na nga ang mabuti ang dulot ng teknolohiya sa atin lalo na sa

pangkalusugang estado. Ngunit kailangan din nating isaalang-ala ang pinansyal na

Page 16: Final Future Rmt

katapat nito. Hindi lahat ay mabubuti at kapaki-pakinabang ang epekto ng

teknolohiya gaya ng nasasabi dito. Pinatutunayan ito ng nabanggit ni Schwartz at

Goldsmith (1994) na:

Technology adds to cost because it increases the “intensity” of care – i.e., it expands the opportunities for providing services to patients. Even where a new technology can reduce unit costs for particular patients, it often increases net health expenditures by increasing overall volume – i.e, diffusing patients with mildly symptomatic disease, or those who are previously ill for treatment.16

Hindi lang sa kalusugan ng tao nagkakaroon ng masamang epekto ang

makabagong teknolohiya. Maging sa ibang bagay man – hayop o halaman ay

naaapektuhan din dahil sa ito’y laganap ng gamitin. Ito ay pinatutunayan ni Dr.

Warnke (2011) na:

He described the biological effects of certain microwave frequencies and on plants. Depending on the frequencies, their intensity and modulation and the length of exposure, scientific studies demonstrated stress reactions and disruptions of gene expression. Recent studies by the cellular biology laboratory of Clement Ferrand University (2007), for example, clearly show the effects of mobile telephony microwaves on plant genes, in particular tomato plants.17

END NOTES:

1“The Impact of Advances in Medical Technology on Patient.”

http://ivythesis.typepad.com/term_paper_topics/2009/08/the-impact-of-advances-

in-medical-technology-on-patient.html, (2009).

2Panlasigui, Priscilla PhD, ”Introduction to Medical Technology Profession.”

(Manila: CEU Publishing Incorporation, 2010).

Page 17: Final Future Rmt

3Magallanes, Josefa S., ”Komunikasyon sa Akademikong Filipino.” (Manila:

CEU Publishing Incorporation, 2010).

4”Skilled Labor Migration from Developing Countries: Study on the Philippines.”

http://www.ilo.org/public/english/protection/migrant/download/imp/imp51e.pdf,

(2002).

5Smith, May, “Aspects that alter the advancements of Medical Technology.” (The

Pulse Blog–Technology, Gadgets, and Cool Stuffs)

http://www.thepulseblog.com/article/medical-technology-training, (2009).

6Bustamante, Michael, “Medical Technology Training” (The Pulse Blog –

Technology, Gadgets, and Cool Stuffs)

http://www.thepulseblog.com/article/medical-technology-training, (2009).

7Yang TP, Beazley C. Montgomery SB, et al, (Standford University Publication)

http://med.stanford.edu/profiles/pathology/frdActionServlet?

choiceId=showPublication&pubid=11230241&fid=23650, (2010).

8Buckland, Dan PHD, Reader’s Digest article about Medical Technology with

thoughts from industry,

http://medgadget.com/2010/08/readers_digest_article_about_med_tech_with_tho

ughts_from_us.html, (2010).

9New York Times, (Kansas City Medical Malpractice Injury Attorneys –

Dempsey & Kingsland, P.C., 2009).

10Department Of Health Website, http://www.doh.gov.ph/content/ona-calls-

national-and-local-government-linkage-towards-universal-health-care.

Page 18: Final Future Rmt

11Bureau of Research Laboratory, http://www.doh.gov.ph/content/1997-future-

impact-modern-technology-health-status-filipino-family, (1997).

12News Medical, www.news-medical.net /news/20101021/406/Filipino.aspx,

(2010).

13News Medical, www.news-medical.net /news/20101021/406/Filipino.aspx,

(2010).

14Gottlieb, Scott, “Medicaid Is Worse Than No Coverage at All.”

http://online.wsj.com/article/SB1000142405274870475890457618828085830361

2.html, (2011).

15Lynch, Amy, “Case study: Generation Y perspectives at Merrill Lynch.”

http://www.nmc.org/pdf/Future-of-Higher-Ed-(NMC).pdf, (2008).

16February 28, 2001 “The Impact of Medical Technology on Future Health Care

Costs” http://www.ahipresearch.org/PDFs/26_FinalRptApp1&3.pdf

17 Warnke, “The potential dangers of electromagnetic fields and their effect

on the environment.“

http://assembly.coe.int/documents/workingdocs/doc11/edoc12608.pdf, (2011).

KABANATA III

Mga Pamamaraan

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral

at paglalarawan ng mga hakbang na isinakatuparan sa pagsusuri ng mga mabubuti

at masasamang epekto ng teknolohiya sa larangan ng Medical Technology. Dito

nakapaloob ang dahilan kung bakit iyon ang napili ng mga mananaliksik at kung

Page 19: Final Future Rmt

bakit ito ang nararapat na gamitin. Nakalagay din dito ang mga kagamitan at

teknik na ginamit ng mga mananaliksik upang mangalap ng impormasyon sa mga

respondente.

Mga Pamamaraang Gagamitin

Upang maisakatuparan ng mga mananaliksik ang pangangalap ng

impormasyon, ginamit sa pag-aaral na ito ang mga pamamaraan ng: deskriptibo,

analitikal at komparatibo. Sa mga pamamaraang ito nailarawan, naihambing,

nasuri at naipaliwanag ng mga mananaliksik ang mga mabubuti at masasamang

epekto ng makabagong teknolohiya sa panahon ngayon sa larangan ng Medical

Technology. Deskriptibo sa paraan kung saan inilarawan isa-isa ang mga detalye

at inintindi itong mabuti upang pagkonektahin ang mga impormasyon at

makakuha ng maayos na resulta sa pagsasaliksik. Analitikal sa paraan kung saan

pinag-isipang mabuti ang mga detalye at impormasyon upang mabigyan ng

kahulugan ang mga kasagutan na nakapaloob sa ating pananaliksik at

magbalangkas ng isang magandang resulta tungkol sa suliranin ng pag-aaral base

sa kanilang nalalaman. At Komparatibo sa paraan kung saan inihambing ng mga

mananaliksik ang mga kabutihan at kasamaang dulot ng makabagong teknolohiya

sa larangan ng Medical Technology para malaman kung ito ba ay mas itinuturing

na tulong o dagdag problema lamang..

Mga Teknik Na Gagamitin

Upang malaman ang mga mabubuti at masasamang epekto ng teknolohiya

sa larangan ng Medical Technology, ginamit sa pag-aaral na ito ang “purposive

Page 20: Final Future Rmt

sampling”. Ito ang ginamit sapagkat ang layunin ng mga mananaliksik ay kumuha

ng sagot mula sa mga estudyante ng Centro Escolar University Makati at

Mendiola at mula sa mga dalubhasang nagtatrabaho sa mga laboratory at ospital

partikular na ang Makati Medical Center na may kinalaman sa Medical

Technology.

Nagbigay ng sarbey na talatanungan ang mga mananaliksik sa mga

napiling respondente na nakapokus sa magiging epekto ng teknolohiya sa

kanilang larangan. Kumalap din ng impormasyon ang mga mananaliksik sa

aklatan at sa internet.

Mga Kagamitang Gagamitin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey kung

saan gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey na talatanungan (survey type

questionnaire). Naghanda ang mga mananaliksik ng mga talatanungan upang

mangalap ng mga ideya at opinyon ukol sa paksa ng pag-aaral. Sa itaas na bahagi

ng talatanungan ay ang sulat ng paghingi ng permiso sa mga respondent. Ang

sarbey na talatanungan ay binubuo ng dalawang kategorya: Una, ang tanong sa

mga karaniwang laboratoryong instrumentong kanilang ginagamit sa kanilang

larangan. Napapaloob dito ang mga iba’t-ibang gamit kung saan maaaring

pagpilian doon ang karaniwan nilang ginagamit. Sinukat din ng talatanungan

kung gaano sila kasanay at kadalas gamitin ang mga makabagong teknolohiya sa

kanilang mga gawain. Ikalawa, ang tanong ukol sa epekto ng makabagong

teknolohiya sa kanilang pag-aaral at gawain. Maaari itong magbigay ng mabuti o

Page 21: Final Future Rmt

masamang epekto batay sa kanilang mga kasagutan. Tinanong din kung ano ang

kanilang masasabi ukol sa sarbey at mga suhestiyon at komento.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng impormasyon sa pamamagitan ng

paggamit ng kompyuter para sa internet, mga aklat, cellphone para sa pagtatala ng

impormasyon at tesis.

Paraan Ng Pananaliksik

Ginamit sa pananaliksik ang mga sumusunod na paraan: Una, pipili ang

mga mananaliksik ng mga respondente gamit ang paraang random sampling.

Pangalawa, gagawa ang mga mananaliksik ng sarbey na talatanungan na

ipamamahagi sa napili nilang mga respondente. Pangatlo, gagawa ng sulat na

humihingi ng permiso ang mga mananaliksik sa mga respondente kung maaari ba

silang tanungin o hindi. Pang-apat, makikipanayam ang mga mananaliksik sa mga

respondente gamit ang sarbey na talatanungan. Ito’y babalikan na lang matapos

ang isang oras. Panglima, iinterbyuhin din ang ilang respondente gaya ng mga

dalubhasa para sa kanilang karanasan sa paggamit ng nasabing mga teknolohiya.

Itatala ito sa isang papel o irerecord gamit ang cellphone habang sila ay

nagsasalota. Pang-anim, lilikumin ang mga datos mula sa kanilang kasagutan at

ito’y masusing pag-aaralan at aanalisahin. Ang mga talatanungan ay titipunin para

sa pagpapatibay ng pag-aaral. Pampito, matapos suriin, ikukumpara ang mga

resulta sa nakalap na mga impormasyon. At pangwalo, kukuhanin ang pinal na

natuklasan mula sa mga nakalap na datos.

Kumuha pa ang mga mananaliksik ng dagdag na impormasyon gamit ang

kompyuter para buksan ang mga website na nagbibigay ng iba pang datos ukol sa

Page 22: Final Future Rmt

pinag-aaralang paksa. Nagbatay din ang mga mananaliksik sa ibang tesis ngunit

karamihan ay galing sa sagot ng mga respondente.

Paglalapat Ng Pamamaraang Istatistika