Filipos 4

3
Filipos 4 Mga Bilin Ang mga nakasulat dito ay ayon sa aking pagkaintindi sa Filipos 4 ang lahat ng verses na kinopya ko ay binigyan ko ng kahulugan, upang magkaroon ng kaliwanagan ang mga ito at hindi makapanlinlang ng kung sino man. Ang mga bilin ni Pablo Si Pablo ay kinulong sa Roma, kaya di niya magawang tulungan ang mga tagasunod niya. (Filipos 4:10) “alam kong lagi kayong nagmamalasakit sa akin, KAYA LANG WALA KAYONG PAGKAKATAON MAIPAKITA ITO. Dito sa verse na ito ay pinatunayan na si Pablo ay nakakulong. Kaya gumawa siya ng bilin sa pamamagitan ng pagsulat. (Filipos 4:3) kasama nina Clement at ng iba ko pang kamanggagawa na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay.He acknowledge clement and other para sa kanilang mga gawa at naitulong. Ano nga ba ang bilin ni Pablo sa kanyang mga taga-sunod? - Minamahal kong mga kapatid magpakatatag kayo sa Panginoon (Filipos 4:1) Sa verse na ito inutusan nya ang kanyang mga taga-sunod na magpakatatag. Dahil si Pablo ay nakakulong wala siyang magagawa sa kanyang mga taga-sunod. Sa panahon ng paghihirap ng kanyang mga taga-sunod ay wala siya para bigyan ng lakas ng loob ang mga ito para harapin ang hagupit ng problema. Hindi nya mabahagian ng magandang balita na nagagaling sa Panginoon. Kaya sinabi niya magpakatatag kayo. - At nakikiusap ako sa iyo, tapat kong kasama sa pangangaral, natulungan mo ang babaing ito. Sapagkat katulong ko sila sa paglalaganap ng magandang

Transcript of Filipos 4

Page 1: Filipos 4

Filipos 4

Mga Bilin

Ang mga nakasulat dito ay ayon sa aking pagkaintindi sa Filipos 4 ang

lahat ng verses na kinopya ko ay binigyan ko ng kahulugan, upang magkaroon ng

kaliwanagan ang mga ito at hindi makapanlinlang ng kung sino man.

Ang mga bilin ni Pablo

Si Pablo ay kinulong sa Roma, kaya di niya magawang tulungan ang mga

tagasunod niya. (Filipos 4:10) “alam kong lagi kayong nagmamalasakit sa akin,

KAYA LANG WALA KAYONG PAGKAKATAON MAIPAKITA ITO. Dito sa verse na ito ay

pinatunayan na si Pablo ay nakakulong. Kaya gumawa siya ng bilin sa pamamagitan

ng pagsulat. (Filipos 4:3) kasama nina Clement at ng iba ko pang kamanggagawa

na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay.He acknowledge clement and

other para sa kanilang mga gawa at naitulong.

Ano nga ba ang bilin ni Pablo sa kanyang mga taga-sunod?

- Minamahal kong mga kapatid magpakatatag kayo sa Panginoon (Filipos 4:1)

Sa verse na ito inutusan nya ang kanyang mga taga-sunod na

magpakatatag. Dahil si Pablo ay nakakulong wala siyang magagawa sa

kanyang mga taga-sunod. Sa panahon ng paghihirap ng kanyang mga

taga-sunod ay wala siya para bigyan ng lakas ng loob ang mga ito

para harapin ang hagupit ng problema. Hindi nya mabahagian ng

magandang balita na nagagaling sa Panginoon. Kaya sinabi niya

magpakatatag kayo.

- At nakikiusap ako sa iyo, tapat kong kasama sa pangangaral, natulungan mo

ang babaing ito. Sapagkat katulong ko sila sa paglalaganap ng magandang

Page 2: Filipos 4

salita, kasama nila clement at ng iba ko pang kamanggagawa na ang mga

pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay. (Filipos 4:3)

Inuulit ko si Pablo ay nakakulong kaya nakikiusap siya sa kanyang

mga taga-sunod na alagaan ang kanyang kasama sapag miministeryo.

Ang tanong kung hindi nakakulong si Pablo ihahabilin nya ba ito sa

kanila? Syempre hindi! Ang problema sa atin ngayon, halos lahat ng

pastor ay humihingi ng tulung sa mga miyembro. Hindi ba dapat kayo

mga pastor ang hinihingan ng tulong ng mga miyembro para mapalakas

ang buhay ispiritual ng bawat isa? Kasi sa panahon ngayon ang pastor

ang humigingi ng tulong sa kanyang mga miyembro para sa kanilang

basic needs. Hindi miyembro an ang nagbibigay nuon kundi ang Diyos.

Gumagamit o nagpapakilos ang Diyos ng mga anak Nya natutulong sa

mga pastor. Take note lahat ng disipulo ni Jesus ay taong mahihirap,

ngunit kaylanman ay hindi nila hiningan ang miyembro nila sa sarili

nilang pangangailangan. Nagtrabaho sila para sa kanilang sarili. At

tulad sa Filipos 4 na ito si Pablo ay tinulungan ng kanyang mga

taga-sunod. Ngunit ang sabi ni Pablo. “hindi ko sinabi ito dahil

nanghihingi ako ng tulong sa inyo. (Filipos 4:11) hindi siya humingi

kundi ibinilin niya na ituloy ang ginagawa nilang pagmiministeryo.

- Magalak kayo lagi sa Panginoon! Inuulit ko magalak kayo!

Sinabi ni Palblo ito dahil alam niya na malulungkot ang kanyang mga

taga-sunod. “ipakita nyo sa lahat abg kagandahang-loob nyo. Malapit

nang duamating ang Panginoon!”(Filipos 5:5) iminotivate nya ang

kanyang mga taga-sunod para maging handa sa lahat ng pagkakataon.

- Bukod diyan mga kapatid, lagi ninyong iisipin ang mga bagay na mabuti at

kapuripuri mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis maganda at

kanais-nais…

Dito ay iniutos niya na isabuhay ang mga salita ng Diyos na itinuro

ni Pablo. Kung uunawain natin yung mga iniutos ni Pablo ito ay ang

para matuto ang mga tao makisalamuha ng tama. Tinuruan nya

magmahalan ang mga Kristyano gawing maganda at kanais-nais ang

Page 3: Filipos 4

pagtrato sa kapwa. At kapag ginawa natin itoang gantimpala na ating

tatamuin ay kapayapaan na nagmumula sa Diyos “ Ipamuhay nyo ang

lahat ng natutunan ninyo at tinanggap mula sa akin, sa salita at sa

gawa, at sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.” (Filipos

4:9). Kung mamahalin moa ng iyong kapwa hindi nya ikaw sasaktan,

mamahalin ka din nyasa ganitong paraan mananaig ang kapayapaan sa

ating buhay. Walang problema o lungkot, puro kasiyahan at

pagmamahalan an ating matatamo.