Fil2_aralin 1.4

34

Transcript of Fil2_aralin 1.4

Page 1: Fil2_aralin 1.4
Page 2: Fil2_aralin 1.4

Huling taon ko na sa hayskul, waring

napunding anghang sa aking

pag-aaral

Page 3: Fil2_aralin 1.4

Nakayuko ang bulaklak sa bintana,

nakadungaw sa bubuyog na may

gitara

Page 4: Fil2_aralin 1.4

Ngayon niya naaalala, walang kasama, walang

katabi, napaglipasan ng panahon

Page 5: Fil2_aralin 1.4

Magbigay ng inyong nalalamang

talinhaga at gamitin ito sa isang

makabuluhang pangungusap.

Page 6: Fil2_aralin 1.4

Panuto: Magbahagi ng inyong nalalaman tungkol sa elemento ng tula sa tulong ng TSART.

MGA ELEMENT

O NG TULA

Kariktan

Talinhaga

Aliw-iw / Indayog

Tugma

Sukat

Page 7: Fil2_aralin 1.4

*Pagmumungkahi ng Mahahalagang Tanong para sa aralin sa paraang PATULA

Pagkatapos, bigkasin ito sa klase.

Page 8: Fil2_aralin 1.4

Nakapagmumungkahi ang mga mag-aaral ng

INAASAHANG PRODUKTO /

PAGGANAP sa pagtatapos ng aralin

Page 9: Fil2_aralin 1.4
Page 10: Fil2_aralin 1.4

Nakapagbibigay ng mga mungkahing KRAYTIRYA kung paano tatayain ang

Inaasahang Produkto / Pagganap. (Isusulat sa

manila paper at ipapaskil sa dingding ang nabuong

kraytirya)

Page 11: Fil2_aralin 1.4

*Kraytirya sa pagtataya ng isinulat na tula: (2 puntos bawat isa)

A.Napapanahon

B.May kaugnayan sa paksa

C.Taglay ang mga elemento ng tula

D.Hindi bababa sa limang saknong

E.Wasto ang pagkakagamit ng pang-uring pamilang

Page 12: Fil2_aralin 1.4

*Pagbuo ng hinuha sa mahahalagang tanong:

EQ # 1. Paano naiiba ang tula sa ibang sangay ng

panitikan?

Page 13: Fil2_aralin 1.4

EQ # 2. Bakit mahalagang

magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa mga elemento sa

pagsulat ng tula? Patunayan.

Page 14: Fil2_aralin 1.4

EQ # 3. Paano makatutulong ang mga pang-uring

pamilang sa pagsulat o

pagbigkas ng tula?

Page 15: Fil2_aralin 1.4

*Mag-ugnay ng mga salitang malapit sa salitang GURYON

GURYON

Page 16: Fil2_aralin 1.4

*PAGBASA sa tulang ANG GURYON ni Ildefonso Santos.

Page 17: Fil2_aralin 1.4

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon

na yari sa patpat at papel de Hapon;

magandang laruang pula, puti, asul,

na may pangalan mong sa gitna naroon.

Page 18: Fil2_aralin 1.4

Ang hiling ko lamang, bago paliparin

ang guryon mong ito ay pakatimbangin;

ang solo't paulo'y sukating magaling

nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.

Page 19: Fil2_aralin 1.4

Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas

at sa papawiri'y bayaang lumipad;

datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,

at baka lagutin ng hanging malakas.

Page 20: Fil2_aralin 1.4

Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw

ay mapapabuyong makipagdagitan;

makipaglaban ka, subali't tandaan

na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.

Page 21: Fil2_aralin 1.4

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,

matangay ng iba o kaya'y mapatid;

kung saka-sakaling di na mapabalik,

maawaing kamay nawa ang magkamit!

Page 22: Fil2_aralin 1.4

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

dagiti't dumagit, saanman sumuot...

O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,

bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!

Page 23: Fil2_aralin 1.4

Pagbibigay-kahulugan sa

ilang malalalim na salita sa bawat saknong ng tula.

Page 24: Fil2_aralin 1.4

*guryon

Page 25: Fil2_aralin 1.4

*Mag-ikit

Page 26: Fil2_aralin 1.4

*mapapabuyong

Page 27: Fil2_aralin 1.4

* marupok

Page 28: Fil2_aralin 1.4

*Sino ang nagsasalita sa tula? Pangatwiranan ang sagot.

Page 29: Fil2_aralin 1.4

*Sa iyong palagay, kanino kumakatawan ang guryon? Bakit? Ipaliwanag.

Page 30: Fil2_aralin 1.4

*Ano ang mensaheng hatid ng tula?

Page 31: Fil2_aralin 1.4

*Pansinin ang sukat ng tula, mayroon ba itong sukat at tugma? Ilahad.

Page 32: Fil2_aralin 1.4

*Matalinhaga ba ang tula? Ipaliwanag ang sagot.

Page 33: Fil2_aralin 1.4

*Ilahad ang iyong naramdaman matapos mabasa ang tula?

Page 34: Fil2_aralin 1.4

*PAGLALAGOM: Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag.

*SA TULA:

Ang sukat ay _________

Ang tugma ay _________

Ang aliw-iw o indayog ay _

Ang talinhaga ay _______

At ang kariktan ay ______