Fil Thesis Yssa

31
Valdeavilla, Cherlin Faye O. (Group Rep.) Mayo 3, 2016 Francisco, Kirsten Tobee C. FIL-102.1/TTh (9:00 AM-10:30 AM)/Seksyon 6 Mariano, Allyssa Danielle M. Gng. Lilibeth Oblena-Quiore Nazario, Marinelle A. Tan, Tyra Francine C. Torres, Janessa Arren M. AKIRA ang Tuition Fee: SANYO naman Ginagamit? Paglalagay ng Aircon sa mga Silid-Aralan ng MMJ Building ng Miriam College para sa mas Komportableng Pag-aaral ng mga Estudyante at Maiwasan ang Anumang Sakit dulot ng Kainitan Ikalawang Semestre ng 2015-2016

description

Filipino Literature.

Transcript of Fil Thesis Yssa

Page 1: Fil Thesis Yssa

Valdeavilla, Cherlin Faye O. (Group Rep.) Mayo 3, 2016

Francisco, Kirsten Tobee C. FIL-102.1/TTh (9:00 AM-10:30 AM)/Seksyon 6

Mariano, Allyssa Danielle M. Gng. Lilibeth Oblena-Quiore

Nazario, Marinelle A.

Tan, Tyra Francine C.

Torres, Janessa Arren M.

AKIRA ang Tuition Fee: SANYO naman Ginagamit?

Paglalagay ng Aircon sa mga Silid-Aralan ng MMJ Building ng Miriam College para sa mas

Komportableng Pag-aaral ng mga Estudyante at Maiwasan ang Anumang Sakit dulot ng

Kainitan

Ikalawang Semestre ng 2015-2016

Page 2: Fil Thesis Yssa

Talaan ng Nilalaman

ABSTRACT (Valdeavilla) .......................................................................................................... 1

KABANATA I

THESIS STATEMENT (Lahat) ..................................................................................... 2

PANGUNAHING SULIRANIN (Lahat) ....................................................................... 2

KALIGIRAN NG PAKSA (Valdeavilla, Nazario, & Torres) ........................................ 2

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL (Francisco) ...................................................... 3

LAYUNIN (Lahat) .......................................................................................................... 4

METODOLOHIYA (Valdeavilla, Mariano, & Tan) ...................................................... 4

KABANTA II

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA (Lahat) ................................................ 5

KABANATA III

RESULTA (Valdeavilla) ................................................................................................ 10

DISKUSYON (Valdeavilla) .......................................................................................... 19

KABANATA IV

KONGKLUSYON (Francisco, & Torres) .................................................................... 22

REKOMENDASYON (Francisco) .............................................................................. 22

SANGGUNIAN (Lahat) ............................................................................................... 24

APENDIKS (Francisco, Mariano, Torres, & Tan) ....................................................... 27

Page 3: Fil Thesis Yssa

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa paglalagay ng mga air conditioner sa lahat ng

silid-aralan ng MMJ building para maging mas epektibo at komportable ang pag-aaral ng mga

estudyante at pagtuturo ng mga propesor. Tatalakaying din nito ang epekto ng matinding

kainitan sa pagiging produktibo ng mga estudyante at propesor. Layunin ng pananaliksik na ito

na matulungan ang mga estudyante at propesor na maging maayos at maginhawa ang kanilang

pag-aaral at pagtuturo. Nais din nito na mabigyang-halaga at importansya ang kalusugan ng

mga estudyante at guro. Dahil dito, nagsagawa ng sarbey at interbyu ang mga mananaliksik sa

40 na estudyante at tatlong propesor upang malaman ang mga hinaing nila ukol sa paglalagay

ng mga air conditioner sa lahat ng silid ng MMJ Building. Ayon sa resulta ng sarbey, halos lahat

ay sumang-ayon na kailangan nang lagyan ng air conditioner ang bawat silid dahil

naaapektuhan ang pag-aaral at kalusugan ng mga estudyante. Ang mga propesor din ay sang-

ayon na dapat nang lagyan ng air conditioner ang mga silid sa MMJ Building ngunit mas tataas

ang matrikula ng mga estudyante. Ito ay dahil sa maintenance fee ng air conditioners.

Ikinumpara din ng mga mananaliksik ang Miriam College sa ibang dark green school upang

magkaroon ng kaalaman na maaari rin magkaroon ng air conditioner ang Miriam College kahit

na isinasabuhay ang integrity of creation. Sa huli, dapat nang lagyan ng air conditioners ang

lahat ng silid ng MMJ Building para maging komportable ang pag-aaral at pagtuturo ng mga

estudyante at propesor ng Miriam College at para maiwasan ang anumang sakit na maaaring

makaapekto sa edukasyon at kalusugan ng mga estudyante at propesor. 1

Page 4: Fil Thesis Yssa

Kabanata I

I. Thesis Statement

Paglalagay ng aircon sa mga silid-aralan ng MMJ building ng Miriam College para sa

mas komportableng pag-aaral ng mga estudyante at pagtuturo ng mga propesor at maiwasan

ang anumang sakit dulot ng kainitan.

II. Pangkalahatang Suliranin

Paano nakakaapekto ang mainit na silid-aralan sa pag-aaral ng mga estudyante at sa

pagtuturo ng mga propesor sa Miriam College?

III.Kaligiran ng Paksa

Ang Miriam College ay kilala bilang isang Dark Green School. Ito ay dahil

pinapahalagahan nito ang pagpapanatili ng malinis na kalikasan. Isa sa mga core values ng

Miriam College na mas binibigyang-halaga ang kalikasan ay ang integrity of creation. Layunin

nila na maging tagapangasiwa ang lahat ng estudyante at administrasyon na maging malinis ang

kapaligiran upang maiwasan ang anumang polusyon. Isinasakatuparan ng Miriam College na

maging eco-friendly lahat ng mga patakaran katulad na lamang ng campus planning,

pedestrianization, no smoking policies, water and power conservation, and solid waste

management.

2

Page 5: Fil Thesis Yssa

Sa panahon ng tag-init, nagkakaroon ng maraming problema ukol sa matinding init sa

lahat ng mga silid-aralan ng Mary Mother Joseph (MMJ) building. Ito ay dahil walang mga air

conditioners na nakalagay dito. Dahil sa mas pinapahalagahan ng Miriam College ang

kalikasan, hindi nila nilalagyan ng air conditioners ang mga silid-aralan ng MMJ. Dahil dito,

maraming estudyante ang nagkakasakit dahil sa matinding init at nagtataka kung bakit ang taas

ng matrikula ng kolehiyo subalit iilan lamang sa mga silid at lahat ng mga opisina ang may

nakalagay na air conditioners. Ito na rin ang nagiging sanhi ng maraming nagpapareserba sa

mga viewing at lecture rooms sa Sr. Miriam Thomas (SMT) hall. Ito ay dahil gusto ng mga

estudyante at propesor na maging komportable ang kanilang diskusyon at pag-aaral.

Sa aming pananaliksik, nais namin na tuldokan na ang mga problema ng mga estudyante

at bigyang-solusyon kung paano magiging komportable ang pag-aaral nila sa mga silid sa MMJ

building.

IV. Kahalagahan

Nagkokonsentra ang aming pag- aaral sa pagpapalagay ng mga air conditioner sa bawat

silid ng Miriam College, sapagkat maraming mga sakit ang maaaring makuha dulot ng

matinding kainitan, at dahil ito rin ay nakaaapekto sa pakiramdam at pag- iisip ng isang tao, lalo

na sa mga estudyante habang nag- aaral at sa mga propesor habang nag tuturo. Kailangang

maging alerto ang mga estudyante, mga propesor, at iba pang mga bumubuo sa Miriam College

ukol sa mga maaaring mangyari sa kanila dahil lamang sa taas ng temperatura, upang maging

handa sa mga ito. 3

Page 6: Fil Thesis Yssa

V. Layunin

• Makatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at pasilidad ng Miriam College

• Malaman ang opinyon o panig ng mga estudyante ukol sa pagpapalagay ng air conditioners

sa MMJ building

• Malaman ang opinyon o panig ng mga taong nasa administrasyon ukol sa pagpapalagay ng

air conditioners sa MMJ building

• Maikumpara ang ibang makalikasan na paaralan na air conditioned ang kanilang mga silid-

aralan sa Miriam College

• Mabigyang-halaga ang kalusugan ng mga estudyante at propesor ng Miriam College

VI. Metodolohiya

Ang paraan ng pagkalap ng mga datos ay sa pamamagitan ng sarbey, interbyu, at sa

pagkukumpara ng mga datos. Una, para sa sarbey, magtatanong kami sa 40 na estudyante ng

Miriam College: 20 estudyante mula sa 1st year at 20 estudyante mula sa 2nd year. Pangalawa,

para sa interbyu, tatanungin namin ang dalawang propesor at isang koordinator ng 1st year ng

Miriam College ukol sa paglalagay ng air conditioners. Pangatlo, ikukumpara namin ang mga

makalikasan na paaralan sa Miriam College na mayroong mga nakalagay na air conditioners sa

kanilang mga silid-aralan. Ang halimbawa ng ikukumpara sa Miriam College ay ang De La

Salle University - Science & Technology Complex (STC) sa Biñan, Laguna.

4

Page 7: Fil Thesis Yssa

Kabanata II

Rebyu ng Kaugnay na Literatura

A. Rebyu tungkol sa Climate Change

Ayon kina Bostrom at Loshof (2007), mayroong mga taong naniniwala na ang

pagbabago sa klima ay natural lamang at hindi kailangang ganoong bigyan ng pansin. Ang mga

tao ring ito ay ang mga taong naniniwalang walang magagwa ang sinuman sa nasabing

suliranin. Ang mga tagapanaliksik ay mayroong nakalap at napagtanto na dalawang

impliksayon sa nasabing sitwasyon. Una, dahilan sa pagiging natural ng mga naturang

pangyayari sa kapaligiran, wala nang magagawa pa ang mga tao rito. Pangalawa, ang mga

natural ng proseso ay cyclical kung kaya’t ang klima ng mundo ay babalik rin sa pagiging

malamig nang wala tayong ginagawang hakbang o kahit na ano ukol dito. Ang nasabing

kaisipan ay dapat pagtuunan ng pansin sapagkat alam ng mga tao na sila ang may kagagawan

ng pagsira sa kapaligiran at sila rin ang makakahanap at makatutupad ng solusyon sa mga ito.

Ang problema sa trapiko ay isa rin sa pinakaproblema na ukol sa pagbabago ng klima

lalo na sa pag-init ng mundo. Ang suliraning ito ay nagdadala ng nakalulungkot na mensahe na

ang tao ay talagang mas naiisip ang sariling kapakanan sa panahon ngayon kaysa sa magiging

kalagayan ng mas nakararami sa panahon na darating. Ang pagkakaiba sa dalawang salitang

knowing at doing sa lugar na ito ay kitang-kita at nakalulungkot. Ang lugar na mas mayroong

mabigat na trapiko ay ang lugar na mas nakakaramdam ng init dahil sa buga ng makina at

5

Page 8: Fil Thesis Yssa

aircon ng mga kotse. Ang mga kagagawan ng tao katulad ng paggamit ng kotse sa araw-araw na

pamumuhay ay nag dadala ng heat-trapping gases sa atmospera at ito ay dumadagdag sa

pagtaas ng temperatura sa mundo at sa pagbabago ng tamang proseso ng klima. (Tribbia, 2007).

B. Rebyu sa Air Quality Management

Nakasaad dito ang polusyon sa Pilipinas. Ito ay kung saan nanggagaling ang air

pollution at ang pagiging epekto nito, di lamang sa atin, kundi sa kalikasan din. Ang mga

impormasyon na nakalagay dito ay makakatulong upang malaman nating ang epekto ng

polusyon sa ating lahat.

Ayon kay Schwela et al. (2006), kadalasan nanggagaling ang polusyon sa hangin sa mga

sasakyan at makina. Sa paggamit ng mga diesel na gas, kemikal, at iba’t iba ay naaapektuhan

ang ating kapaligiran. Lalong numinipis ang ozone layer dahil sa mga ginagawa ng mga

mamamayan, lalong-lalo na ang mga pabrika. Alam ng lahat na kinakailangan natin ng progreso

sa mundo ngunit ang kapalit naman nito ay ang patuloy na pagwasak sa kalikasan. Naamoy mo

na ba ang ating hangin ngayon? Hindi na siya masasabing sariwang hangin tulad ng dati

sapagkat masyado na itong marumi. Ang Pilipinas ay mayroong siyam na istasyon na

namamahala o nagmamatyag ng ating air quality, ngunit hindi ito sapat dahil katulad ng mga

lugar na Ho Chi Minh City, Jakarta, Kolkata, at Mumbai ay limitado lamang ang kapasidad sa

Pilipinas na mamahala o magmatyag ng polusyon. Kaya, huwag hayaang masira ang kalikasan

sahil nagsisimula na itong mawasak.

6

Page 9: Fil Thesis Yssa

C. Rebyu ukol sa Indoor Air Pollution

Sa pagdaan ng maraming taon, lalong lumalala ang polusyon sa hangin sa buong

mundo. Isa sa mga bansang may malalang polusyon sa hangin ay ang Pilipinas, partikular na

ang iba’t ibang lungsod ng Manila. Ngunit, masaydong binibigyang-pansin ang panlabas na

polusyon. Kaunti lamang ang may nakakaalam na pati ang panloob ng mga opisina, pabrika,

gusali, paaralan, at iba pa ay nakakaapekto rin sa kalikasan. Ito ay tinawag na indoor air

pollution.

Isa sa mga nagiging sanhi ng indoor air pollution ay ang air conditioning systems. Ayon

kay Botkin (1998), ang disenyo ng mga air conditioning systems ay nagdudulot ng mabuti o

masamang epekto depende sa temperatura, halumigmig, aktibidad ng mga tao sa loob ng gusali,

at air quality. Ang pag-uugnay nito ay malalaman ang pagiging komportable ng isang tao sa

loob ng isang gusali. Kung maayos ang disenyo at tungkulin ng air conditioning systems,

magiging komportable ang isang tao sa loob ng gusali. Ngunit, naiiba ang temperatura at air

quality ng isang gusali dahil sa lokasyon nito. Dahil dito, maaaring maapektuhan ang pagiging

komportable ng isang tao sa loob ng isang gusaling kinalalagyan nito. At saka, ang paglala ng

polusyon ay kadalasang nangyayari sa mga urban areas.

Ayon kay Keller (1998),

“If we accept the premise that sustainability begins at home, then air quality in our

homes and in our workspaces is an important part of building a sustainable future. Our

health and those of future generations depend upon breathing pollution-free air where

we spend most of our time, mainly indoors. There may be conflicts, however, because we 7

Page 10: Fil Thesis Yssa

also wish as part of sustainability to conserve energy-efficient homes that may lead to

restricted circulation of air and resulting indoor air pollution problems. This conflict

may be solved through technological advances that minimize air pollution while

maximizing energy efficiency.”

Ang ibig sabihin nito ay dapat talagang bigyan-pansin ang polusyon, pareho sa loob at

labas. Ito ay dahil nakakaapekto ito sa kalusugan ng bawat mamamayan. Nakasalalay ang

buhay at kaligtasan ng mga tao sa pagdisenyo ng air conditioning systems. Dahil masyado

tayong nananatili sa loob ng mga air-conditioned na silid, nararapat na maging malinis at

maayos ang ating kapaligiran. Napakahalaga ang malinis na kapaligiran para maging maayos

ang pamumuhay ng mga tao sa loob ng kanilang mga tahanan o mga gusaling pinanggagalingan

nila. Sa pagdedebelop ng mga mas high-tech na teknolohiya, may posibilidad na mas

mapapalawak pa ang kaalaman kung paano malabanan ang polusyon sa hangin.

Kahit na anong klaseng air conditioning systems ang gamitin sa iba’t ibang gusali, mas

mahalaga pa rin na mabisa ang pagdisenyo sa mga ito dahil dito nakasalalay ang kaayusan na

pamumuhay at masaganang kalusugan ng mga taong gagamit nito para sa kanilang mga

tahanan, paaralan o at iba pang gusali. Kung gusto ng mga mamamayan na malinis ang panloob

na polusyon, dapat linisin din ang panlabas na polusyon. Kung hindi ito naisaayos kaagad,

malamang malulunod tayo sa iba’t ibang sakit dulot ng polusyon.

8

Page 11: Fil Thesis Yssa

Rebyu ukol sa mga Posibleng Sakit dulot ng Kainitan

Dahil sa umiinit na ang panahon, hindi maiiwasan ang pagdating ng mga sakit dulot ng

sobrang kainitan. Maaaring makaapekto ito sa mga bata at matatanda. Makakasama ang matagal

na nakababad sa init ng araw dahil pwede maging sanhi ito sa pagkakaroon ng mga sakit

kagayan ng heat exhaustion, heat cramps, at heatstroke.

Ayon sa “The Basics of Heat-Related Illness” (2011), maaaring maranasan ng isang tao

ang heat exhuastion dahil sa sobrang pagpapawis. Ito rin ay maaaring maging heat stroke kung

hindi ito maaagapan. Ang mga sintomas nito ay pagkahilo, pagsusuka, at pagkakaroon ng

muscle cramps. Ang heat cramps ay isang sintomas din ng heat exhaustion. Nararanasan ng

isang tao ang sakit na ito dahil din sa matinding pagpapawis ng katawan dulot sa sobrang init.

Heat stroke ang pinakakilala at pinakadelikadong sakit na maaaring maranasan ng isang tao. Ito

ay dahil naaapektuhan ang utak na kumokontrol sa temperatura ng katawan kung nakakabad

ang isang tao nang matagal sa araw. Pinakadelikado ang sakit na ito dahil maaari mamatay ang

isang tao na mayroong ganitong sakit.

9

Page 12: Fil Thesis Yssa

Kabanata III

Resulta

Nakalahad sa kabanatang ito ang mga datos na nakalap mula sa mga sarbey na

isinagawa ng mga mananaliksik upang magkaroon ng kasagutan ang pangkalahatang suliranin

ukol sa paglalagay ng air conditioners sa lahat ng silid ng MMJ. Ang mga sagot ay nagmula sa

mga 1st year at 2nd year na mga estudyante ng Miriam College.

Ayon sa Pigura 1, mas komportable ang pakiramdam ng mga estudyante kapag sila ay nasa

silid-aralan ng SMT Hall kaysa sa mga silid-aralan ng MMJ Building. Nakakuha ng 100% ang

100% Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 1. Mas komportable ba ang iyong pakiramdam kapag ikaw ay nasa silid-

aralan sa SMT Hall kaysa sa mga silid-aralan sa MMJ Building?

10

Page 13: Fil Thesis Yssa

sumasang-ayon na mga estudyante sa katanungan, habang walang sumagot ng hindi sila sang-

ayon.

Ayon sa Pigura 2, nakakuha ng 90% ang mga sumagot na sila ay sang-ayon na mas

nakakapagpokus sila sa pakikinig at pag-aaral sa SMT Hall kaysa sa MMJ Building. Mayroon

ding mga estudyanteng sumagot ng hindi kaya nakakuha ito ng 10%. Mas maraming estudyante

ang sang-ayon na sila ay nakakapagpokus kung isinasagawa ang pag-aaral at pagtuturo ng mga

propesor sa mga silid-aralan ng SMT Hall.

10%

90%

Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 2. Mas nakakapagpokus ka ba sa pakikinig sa iyong propesor at sa pag-aaral

kung ang klase ninyo ay ginagawa sa mga silid-aralan sa SMT Hall kaysa sa MMJ

building?

11

Page 14: Fil Thesis Yssa

Ayon sa Pigura 3, nakakuha ng 85% ang mga estudyanteng sumagot ng oo at 15% ang

mga sumagot ng hindi. Mas maraming estudyante ang nagkasakit dulot ng kainitan at paglilipat-

lipat ng mga silid.

Pigura 3. Nagkasakit ka na ba dahil sa sobrang init sa mga silid-aralan sa MMJ

building o sa paglipat-lipat ng silid-aralan mula sa MMJ building papunta sa SMT

Hall at vice versa?

15%

85%

Oo/MayroonHindi/Wala

12

Page 15: Fil Thesis Yssa

Ayon sa Pigura 4, nakakuha ng 80% ang mga sumagot ng oo/mayroon at 20% ang hindi/

wala. Mas maraming estudyante ang sumagot na hindi sila ginaganahang pumasok kung mainit

ang kanilang silid-aralan.

20%

80%

Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 4. May mga pagkakataon ba na hindi ka ginaganahang pumasok sa iyong

klase dahil alam mong lubos kang maiinitan sa gagamitin niyong silid-aralan sa

MMJ Building?

13

Page 16: Fil Thesis Yssa

Ayon sa Pigura 5, nakakuha ng 100% ang mga sumagot ng oo/mayroon, habang walang

sumagot ng hindi/wala. Mas maraming estudyante na sang-ayon na mayroong epekto sa

kanilang pag-araal kapag may aircon ang kanilang silid-aralan.

100%

Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 5. Sa iyong palagay, mayroon bang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante

ng Miriam College kapag ginagawa ang mga klase sa mga silid-aralan na may

aircon? Mas nakakapag-aral ka ba ng maayos?

14

Page 17: Fil Thesis Yssa

Ayon sa Pigura 6, nakakuha ng 85% ang sumagot ng hindi/wala, habang 15% ang oo/

mayroon. Mas maraming estudyanteng sumagot na hindi patas ang paggawa ng mga silid-aralan

para sa mga estudyante kaysa sa paggawa ng mga opisina para sa mga administrators at

propesor ng Miriam College dahil mayroong aircon ang lahat ng opisina habang kulang-kulang

ang mga silig-aralan na may mga air conditioners.

85%

15%

Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 6. Sa iyong palagay, naging patas ba ang paggawa ng mga silid-aralan para

sa mga estudyante kaysa sa paggawa ng mga opisina para sa mga administrators at

mga propesor?

15

Page 18: Fil Thesis Yssa

Ayon sa Pigura 7, nakakuha ng 50% ang mga sumagot ng oo at 50% din ang mga

sumagot ng hindi. Pantay lang ang pananaw ng mga estudyante kung naging tapat o sumunod

ang Miriam College sa pagiging eco-friendly o green school nito.

50% 50%

Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 7. Sa iyong pananaw, nagiging tapat ba ang Miriam College sa pagiging eco-

friendly o green school sa kabila ng pagkakaroon pa rin ng aircon sa piling mga

pasilidad?

16

Page 19: Fil Thesis Yssa

Ayon sa Pigura 8, nakakuha ng 75% ang mga sumagot ng hindi at 25% naman ang oo.

Mas maraming estudyante ang naniniwala na hindi akma ang mga paraan ng Miriam College

upang masabing eco-friendly ito lalo na sa panahon ng matinding tag-init.

75%

25%

Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 8. Sa iyong palagay, akma pa rin ba ang mga paraan ng Miriam College

upang maasabing eco-friendly ang paaralan lalo na sa panahon ng matinding tag-

init?

17

Page 20: Fil Thesis Yssa

Ayon sa Pigura 9, nakakuha ng 85% ang mga sumagot ng hindi habang 15% naman ang

mga sumagot ng oo. Mas maraming estudyante ang sumagot na hindi sila sang-ayon na taasan

pa ang matrikula kung hindi naman nila nagagamit ang pera para isaayos ang mga pasilidad

kagaya na lamang ng paglagay ng mga aircon sa mga silid ng MMJ.

85%

15%

Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 9. Ayos lamang ba para sa’yo na sa kabila ng parating pagtaas ng matrikula

ng Miriam College ay parang hindi naman nagagamit ito para sa pagsasaayos ng

pasilidad?

18

Page 21: Fil Thesis Yssa

Ayon sa Pigura 10, nakakuha ng 95% ang mga sumagot ng oo habang 5% ang mga

sumagot ng hindi. Mas maraming estudyante ang pabor or sang-ayon dapat lagyan ng air

conditioners ang mga silid-aralan ng MMJ Building.

Diskusyon

Maraming mag-aaral ng Miriam College na gusto nang lagyan ng air conditioners ang

lahat ng mga silid ng aralan dahil nakakaapekto ang kainitan sa kanilang pag-aaral at kalusugan.

Hindi lamang ang mga estudyante ang pabor sa paglalagay ng air conditioners sa mga silid-

aralan ng MMJ, kundi pati rin ang mga propesor o guro.

5%

95%

Oo/MayroonHindi/Wala

Pigura 10. Sa iyong palagay, panahon na ba upang maglagay ng mga air

conditioners sa mga silid-aralan sa MMJ?

19

Page 22: Fil Thesis Yssa

Ayon sa panayam kay Sir Jess Dacillo na sampung taon nang nagtuturo sa Miriam

College, sang-ayon siya na lagyan na ng air conditioners ang mga silid-aralan upang hindi na

mag-unahan sa pagrereserba ng mga silid sa SMT Hall. Dagdag pa niya na nagsisikap ang

Miriam College na maisabuhay ang prinsipiyong integrity of creation pero may mga

pagkukulang pa rin ito. Ngunit, kung nakakasira ang paggamit ng aircon sa kapaligiran, dapat

tanggalin na lamang ang lahat ng aircon, kasama na ang lahat ng opisina.

Ayon naman sa panayam kay Atty. Christine Veloso Lao na dalawang taong nagtuturo sa

International Studies na mga mag-aaral, sang-ayon din siya na hindi nakakatulong ang walang

aircon ang mga silid-aralan ng MMJ building sapagkat hindi lamang nahihirapan ang mga

estudyante, kundi pati na rin ang mga propesor o guro ng Miriam College. Aniya pa niya,

mahirap magturo ang mga propesor at hirap sa pakikinig ang mga estudyante.

Ayon sa panayam kay Dra. Gail Galang, ang first year coordinator, kapag gumagamit

ng aircon ay nagkakaroon ito ng masamang epekto dahil dumadag ito sa greenhouse effect.

Dahil dito, mas lalo itong nagpapainit sa kapaligiran. Noong prinsipal pa siya, hindi sang-ayon

ang mga magulang sa paglalagay ng aircon sa mga silid-aralan dahil mahal ang maintenance fee

at labas-pasok lamang ang mga mag-aaral sa mga silid-aralan. Dahil sa labas-pasok ang mga

mag-aaral sa mga silid, nagkakasakit ang mga ito dulot ng panunuyo ng pawis at maaaring

makahawa pa sa ibang mga kamag-aral. Sa kabilang dako, naiintindihan niya kung bakit gusto

ng mga estudyante na magkaroon na ng mga aircon ang lahat ng mga silid-aralan sa MMJ

Building dahil sa sobrang init. Alam din niya na maraming mag-aaral ng Miriam College ang

20

Page 23: Fil Thesis Yssa

nagsasabing hindi patas ang paaralan dahil may mga aircon ang lahat ng opisina habang ang

mga silid-aralan na ginagamit at binabayaran nila sa kanilang matrikula ay walang aircon. Ang

katwiran ng paaralan ay hindi naman sila labas-pasok kagaya ng mga estudyante. Ngunit, may

mga patakaran ang eskuwelahan na dapat sundin ang iskedyul kung kailan lamang maaaring

gamitin ang aircon. Kung payag ang paaralan na lagyan na ng aircon ang lahat ng silid ng MMJ

Building, ito ay dadagdag sa matrikula na babayaran ng mga estudyante.

Hindi lamang ang Miriam College ang makalikasan na paaralan, pati rin ang De La

Salle University Science and Technology Complex (DLSU-STC). Maihahantulad ang dalawang

paaralan sapagkat pareho silang napapaligiran ng mga puno at kilala sila bilang dark green

school. Ang pinagkaiba lamang nito sa Miriam College ay lahat ng silid-aralan ng DLSU-STC

mayroong air conditioners kahit makalikasan ito.

21

Page 24: Fil Thesis Yssa

Kabanata IV

Kongklusyon

Ang di-pagkakaroon ng mga air conditioner sa bawat silid ng MMJ Building ay

nakakaapekto sa pag-iisip, pag-aaral, at pakiramdam ng mga estudyante at propesor.

Nakakaapekto rin ang sobrang kainitan sa pagtuturo ng mga propesor. Maaaring magkasakit

ang mga estudyante buhat ng paglilipat-lipat mula sa isang malamig na silid patungo sa mainit

na silid o vice versa. Hindi nakakapag-aral nang maayos ang mga estudyante at hindi

nakakapagpaturo nang masinsinan ang mga propesor dulot ng kainitan sa loob ng silid. Higit pa

dito, hindi masyadong napapakinabangan ang mga silid sa MMJ Building dahil parating

nagrereserba ng mga silid sa SMT Hall dahil mas komportable ang mga estudyante at propesor

doon. Ang paglalagay ng air condioners sa lahat ng silid-aralan ng MMJ building ay

magbibigay ng isang komportableng pag-aaral para sa mga estudyante at pagtuturo ng mga

propesor ng Miriam College. Dagdag pa dito, maiiwasan ang anumang malubhang sakit na

maaaring makaapekto sa pag-aaral at kalusugan ng mga estudyante at propersor ng Miriam

College.

Rekomendasyon

Nais na ipahayag ng mga estudyante (mananaliksik) ang mga naipong mga

impormasyon mula sa iba’t ibang boses at kagustuhan ng mga estudyante’t mga propesor ng

22

Page 25: Fil Thesis Yssa

Miriam College tungkol sa hindi paglalagay ng Miriam College ng mga air conditioner sa lahat

ng silid. Ang pananaliksik na ito ay nirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga taong

kinasasangkutan nito partikular na ang mga estudyante ng Miriam College at ang mga propesor

na naaapektuhan din ang pagtuturo dahil sa matinding init. Ang mga mananaliksik ay nais ring

ipahayag sa mga administrators, awtoridad, at iba pang mga bumubuo ng Miriam College ang

epekto sa pag-aaral ng mga estudyante kung mayroon at walang aircon. Maaari ring mapalawak

pa nang maayos ng mga susunod na sasaliksik ukol sa ganitong mga isyu sa Miriam College.

23

Page 26: Fil Thesis Yssa

Sanggunian

Libro

Ajero, M. et al. (2006). Urban air pollution in asian cities (pah. 133-134, 213-214). UK:

Earthscan

Arkkelin, D., & Veitch, R. (1995). Environmental psychology (pah. 152, 159). Englewood

Cliffs, NJ: Prentice-Hall, Inc.

Botkin, K., & Keller, E. (1998). Environmental science (2nd ed.) (pah. 499-500, 507-509).

Canada: John Wiley & Sons, Inc.

Dilling, L., & Moser, S.C. (Eds.). (2007). Creating a climate for change (pah. 1-3,

236-237). New York, NY: Cambridge University Press

Estacio, E.V., Evans, B., Marks, D.F., & Murray, M. (2015). Health psychology (4th ed.)

(pah. 125-242). Thousand Oaks, CA: SAGE Publications

Miriam college student handbook. (2015). Quezon, Philippines: Miriam College

Dyaryo

Cinco, M. (2016). Female SAF trainee dies of heat stroke. Inquirer News, p. 1.

Internet

Cena, E. (2011). Aircon that brings wellness, energy savings into your homes. Philippine

Daily Inquirer. Pinagkuhanan Marso 15, 2016, mula sa business.inquirer.net/216/aircon-

that-brings-wellness-energy-savings-into-your-homes

Distor, T. (2015). UST releases memo, students to wear summer uniform. Manila Bulletin.

24

Page 27: Fil Thesis Yssa

Pinagkuhanan Marso 16, 2016, mula sa http://www.mb.com.ph/ust-releases-memo-

students-to-wear-summer-uniform/#0zspTiHqwkxoGxQP.99

Fisk, W.J., Lei, Q.H., & Seppanen, O. (2006). Effect of temperature on task performance in

office environment. Pinagkuhanan Abril 10, 2016, mula sa https://indoor.lbl.gov/sites/all/

files/lbnl-60946.pdf

Hamblin, J. (2015). The benefits of being cold. The Atlantic. Pinagkuhanan Abril 10, 2016,

mula http://www.theatlantic.com/magazine/archive/2015/01/does-global-warming-

make-me-look-fat/383509/

Harmon, K. (2010). How does a heat wave affect the human body? Pinagkuhanan Marso 16,

2016, mula sa http://www.scientificamerican.com/article/heat-wave-health/

Khemani, H. (2008). Why we need air-conditioners? part 1. Pinagkuhanan Marso 16, 2016,

mula sa www.brighthubengineering.com/hvac/16507-why-we-need-air-conditioners-

part-one/

Khemani, H. (2008). Why we need air-conditioners? part 2. Pinagkuhanan Marso 16, 2016,

mula sa www.brighthubengineering.com/hvac/16526-why-we-need-air-conditioners-

part-two/

Khemani, H. (2008). Why we need air-conditioners? part 3: advantages of ACs.

Pinagkuhanan Marso 16, 2016, mula sa www.brighthubengineering.com/hvac/16542-

why-we-need-air-conditioners-part-three-advantages-of-acs/

Kraft, A. (2015). The pros and cons of air conditioners. CBS News. Pinagkuhanan Marso

25

Page 28: Fil Thesis Yssa

15, 2016, mula sa http://www.cbsnews.com/news/the-pros-and-cons-of-air-conditioners/

McKay, T. (2015). Can air conditioning make you sick? here’s what science has to say.

Pinagkuhanan Marso 16, 2016, mula sa http://www.mic.com/articles/121283/can-air-

conditioning-make-you-sick-here-s-what-science-has-to-say#.8GuGlOvwq

ASHRAE study shows benefits of increased school ventilation. (2006). TradePress.

Pinagkuhanan Marso 16, 2016, mula sa http://www.facilitiesnet.com/

educationalfacilities/article/ASHRAE-Study-Shows-Benefits-of-Increased-School-

Ventilation--5350

Top 4 health benefits of air conditioning. (2015). Pinagkuhanan Marso 15, 2016, mula sa

www.nothsideservices.com/top-4-health-benefits-of-air-conditioning/

Understanding heat-related illness — the basics. (2011). Pinagkuhanan Marso 17, 2016,

mula sa http://www.webmd.com/first-aid/understanding-heat-related-illness-basics

Panayam

Sir Jess Dacillo

Atty. Christine Veloso Lao

Dra. Gail Galang

26

Page 29: Fil Thesis Yssa

Apendiks

A. Mga Tanong para sa Sarbey

1. Mas komportable ang iyong pakiramdam kapag ikaw ay nasa silid sa SMT Hall

kaysa sa MMJ building?

2. Mas nakakapagpokus ka ba sa pakikinig sa iyong propesor at sa pag-aaral kung ang

klase ninyo ay ginagawa sa mga silid-aralan sa SMT Hall kaysa sa MMJ building?

3. Nagkasakit ka na ba dahil sa sobrang init sa mga silid-aralan sa MMJ building o sa

paglipat-lipat ng silid-aralan mula sa MMJ building papunta sa SMT Hall at vice

versa?

4. May mga pagkakataon ba na hindi ka ginaganahang pumasok sa iyong klase dahil

alam mong lubos kang maiinitan sa gagamitin niyong silid-aralan sa MMJ

Building?

5. Sa iyong palagay, mayroon bang epekto sa pag-aaral ng mga estudyante ng Miriam

College kapag ginagawa ang mga klase sa mga silid-aralan na may aircon? (Mas

nakakapag-aral ka ba ng maayos?

6. Sa iyong palagay, naging patas ba ang paggawa ng mga silid-aralan para sa mga

estudyante kaysa sa paggawa ng mga opisina para sa mga administrators at mga

propesor?

7. Sa iyong pananaw, nagiging tapat ba ang Miriam College sa pagiging eco-friendly o

green school sa kabila ng pagkakaroon pa rin ng aircon sa piling mga pasilidad?

27

Page 30: Fil Thesis Yssa

8. Sa iyong palagay, akma pa rin ba ang mga paraan ng Miriam College upang

maasabing eco-friendly ang paaralan lalo na sa panahon ng matinding tag-init?

9. Ayos lamang ba para sa’yo na sa kabila ng parating pagtaas ng matrikula ng Miriam

College ay parang hindi naman nagagamit ito para sa pagsasaayos ng pasilidad?

10. Sa iyong palagay, panahon na ba upang maglagay ng mga air conditioners sa mga

silid-aralan sa MMJ?

B. Mga Tanong para sa Interbyu

1. Gaano na kayo katagal sa panunugkulan sa Miriam College?

2. Sa inyong karanasan, paano kayo naging saksi sa pagpapatibay ng Miriam College

sa prinsipyo ng “integrity of creation” at sa titulo nito bilang isang dark green

school mula ng kayo ay nanungkulan sa paaralan?

3. Sa inyong pananaw, malaking tulong ba ang hindi pagkakaroon ng aircon sa mga

silid ng MMJ sa pagpapalawig ng pagpapahalaga ng paaralan sa kalikasan

samantalang karamihan sa mga silid ay gumagamit ng aircon? Ipaliwanag.

4. Kung kayo ay papipiliin, mas gugustuhin ba ninyo na magkaroon ng aircon ang

lahat ng mahahalagang silid sa paaralan o mas ideyal ang hindi pagkakaroon nito sa

lahat ng silid kabilang na ang mga opisina at mga faculty rooms upang lubusang

maisakatuparan ang pagiging eco-friendly ng paaralan? Ipaliwanag.

5. Sa darating na pagtaas ng matrikula sa susunod na semestre, kasama ba sa

isinasaalang-alang ng administrasyon ang posibilidad ng pagkakabit ng

28

Page 31: Fil Thesis Yssa

airconditioner lalo na sa mga silid ng MMJ para sa ikabubuti ng serbisyo ng

paaralan?

29