El FilibusterismoDeciphered -kab07

23
UNCORRECTED PROOF Kabanata 7 SI SIMOUN Ang mga bagay na ito ang iniisip ni Basilio nang dumalaw sa libingan ng kanyang ina. Pabalik na siya sa bayan nang, nakabanaag siya ng liwanag sa mga puno at nakadinig ng lagitk ng mga sanga, mga yabag ng paa at lagaslas ng dahon… Ang ilaw ay liwanag ay nawala, nguni’t MGA PALIWANAG Sa mga katha ni Rizal, ang pinakamalapit sa kabanatang ito ay isang eksena ng Junto Al Pasig. Sa isang bahagi ng Junto Al Pasig ay pinagtagpo ni Rizal si Satanas at ang estudyante ng Ateneo na si Leonido. Binanggit ng una ang maluwalhating kalagayan ng Pilipinas sa panahong pre-kolonyal, kaharap ang kanilang panahon na “unti-unting namamatay sa kamay ng walang habag na Espanya.” Isang bahagi ng panunukso ni Satanas kay Leonido ay ang akitin niya ang mag-aaral ng Ateneo na iwanan nito ang relihiyong dinala ng Espanya. Hindi naakusahan si Rizal ng sedisyon at erehiya sa kaniyang pahayag, dahilan sa kaniyang pinagsalita ay si Satanas, at pinagtagumpay niya ang pananamplataya ng mag-aaral na si Leonido sa Birhen ng Antipolo, subalit sa pamamagitan rin ni Satanas ay sinumpa ni Rizal ang bayan na dadaanan ng mga salot dahilan sa kanilang pagiging masunurin sa culto impuro. Kung sa Junto Al Pasig ay ginamit ni Rizal si Satanas sa pagpapaliwanag sa maluwalhating pre-kolonyal na Pilipinas, sa kabanatang ng Fili ito ay ginamit ni Rizal si Simoun upang akitin ang dating mag-aaral ng Ateneo na si Basilio upang kumilos para sa kapakinabangan ng bayan. Upang maunawaan naman ang mga kahulugan ng pananalitang ginamit ni Rizal sa kabanatang ito ay kinakailangan na sangguniin at ipaghambing ito sa kaniyang sinulat na artikulo sa La Solidaridad na Filipinas Dentro De Cien Años na nalimbag sa nabanggit na pahayagan mula Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1, 1890. Sa nabanggit na artikulo ay pinasimulan niya ang artikulo sa pangungusap na “Upang malaman ang patutunguhan ng isang bayan, kinakailangan na mabuklat ang mga aklat ng kaniyang nakaraan.” Simoun – Ang pangalan na ito mula sa Hebreo na Simon na ang kahulugan ay “siya ay pinakingan ng Diyos.”

description

Isang pagpapakilala kay Simoun - ang pangunahing tauhan ng El Filibusterismo.

Transcript of El FilibusterismoDeciphered -kab07

Page 1: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

Kabanata 7SI SIMOUN

 

            Ang mga bagay na ito ang iniisip ni Basilio nang dumalaw sa libingan ng kanyang ina.  Pabalik na siya sa bayan nang, nakabanaag siya ng liwanag sa mga puno at nakadinig ng lagitk ng mga sanga, mga yabag ng paa at lagaslas ng dahon… Ang ilaw ay liwanag ay nawala, nguni’t ang yabag ay unti-unting lumalapit at nakita niya ang isang anino sa gitna ng moog at ang papunta sa kaniyang kinaroroonan.

            Si Basilio ay hindi mapamahiin at lalo na nang makabiyak na siya ng maraming bangkay ng tao at nakapag-alaga sa maraming

MGA PALIWANAG

Sa mga katha ni Rizal, ang pinakamalapit sa kabanatang ito ay isang eksena ng Junto Al Pasig. Sa isang bahagi ng Junto Al Pasig ay pinagtagpo ni Rizal si Satanas at ang estudyante ng Ateneo na si Leonido. Binanggit ng una ang maluwalhating kalagayan ng Pilipinas sa panahong pre-kolonyal, kaharap ang kanilang panahon na “unti-unting namamatay sa kamay ng walang habag na Espanya.” Isang bahagi ng panunukso ni Satanas kay Leonido ay ang akitin niya ang mag-aaral ng Ateneo na iwanan nito ang relihiyong dinala ng Espanya. Hindi naakusahan si Rizal ng sedisyon at erehiya sa kaniyang pahayag, dahilan sa kaniyang pinagsalita ay si Satanas, at pinagtagumpay niya ang pananamplataya ng mag-aaral na si Leonido sa Birhen ng Antipolo, subalit sa pamamagitan rin ni Satanas ay sinumpa ni Rizal ang bayan na dadaanan ng mga salot dahilan sa kanilang pagiging masunurin sa culto impuro.

Kung sa Junto Al Pasig ay ginamit ni Rizal si Satanas sa pagpapaliwanag sa maluwalhating pre-kolonyal na Pilipinas, sa kabanatang ng Fili ito ay ginamit ni Rizal si Simoun upang akitin ang dating mag-aaral ng Ateneo na si Basilio upang kumilos para sa kapakinabangan ng bayan.

Upang maunawaan naman ang mga kahulugan ng pananalitang ginamit ni Rizal sa kabanatang ito ay kinakailangan na sangguniin at ipaghambing ito sa kaniyang sinulat na artikulo sa La Solidaridad na Filipinas Dentro De Cien Años na nalimbag sa nabanggit na pahayagan mula Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1, 1890. Sa nabanggit na artikulo ay pinasimulan niya ang artikulo sa pangungusap na “Upang malaman ang patutunguhan ng isang bayan, kinakailangan na mabuklat ang mga aklat ng kaniyang nakaraan.”

Simoun – Ang pangalan na ito mula sa Hebreo na Simon na ang kahulugan ay “siya ay pinakingan ng Diyos.”

Isa sa maaring pinaghanguan ni Rizal ay ang pangalan ni Simoun/Simon Bolivar na naging tagapagpalaya ng Katimugang America mula sa pananakop ng Espanya.

Page 2: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

naghihingalo:  subalit ang lumang alamat tungkol sa pook libingan na iyon1, ang oras, ang kadiliman, ang malungkot na simoy, at ang ilang kuwentong naririning nang siya’y musmos, ay nakasindak din sa kanyang kalooban at naramdaman niyang ang kanyang puso’y tumitibok nang malakas.

            Huminto ang anino sa kabilang ibayo ng baliti, na nakikita ng binata sa puwang ng dalawang ugat na sa katandaan ay naging tila dalawang sanga na.  Kinuha sa ilalim ng damit ang isang ilawang may malakas na lente, inilagay sa lupa at nakaliwanag sa mga bota ; ang ibang bahagi ng katawan ay nakatago rin sa kadiliman.2  Waring may kinakapa ang anino sa mga bulsa at pagkatapos ay inayos ang talim ng isang asarol sa isang malaking tungkod:  nagulat si Basilio nang makita ang anyo yaon ng mag-aalahas na si Simoun.  At siya ngang talaga.           

Hinuhukay ng mag-aalahas ang lupa at maminsan-minsa’y ang ilawan ay lumiliwanag sa kaniyang mukha:   nakahubad ang salaming nagtatago ng anyo.  Si Basilio ay nangilabot.  Iyon din ang istranghero na labintatlong taon na ang nakalipas ay humukay ng paglilibingan ng kaniyang ina,3 tumanda nga lamang; pumuti ang buhok at mayroong

1 Ipinapapansin ng nagsasaliksik ang/ piniling lugar ni Rizal na pagsasagawaan ng diskurso nina Simoun at Basilio ay isang pook libingan. Mahilig si Rizal sa libingan bilang tagpuan:Tandaan na ang NMT ay nagsimula sa bisperas ng Todos Los Santos at ang unang tagpuan sa bayan ng San Diego na mayroong pag-uusap ang mga tauhan ay naganap sa libingan. Sa libingan ng San Diego ay sinimulan ni Rizal ang dahilan ng tunggalina nina Ibarra at Padre Salvi, at sa lugar din na iyon naganap ang pagrekluta ni Lucas ng mga taong gagamitin niya sa gawa-gawang kaguluhan sa NMT. Pinatatanda rin na sa pagmumuni-muni ni Pilosopo Tasyo pagkatapos na makipag-usap kay Ibarra ay nasabi ng matanda na “Tingnan kung saan magtatapos ang isang drama na nagsimula sa libingan (ng San Diego). Maging ang pag-uusap ni Ibarra at ng maestro ng San Diego ay naganap sa lugar kung saan itinuro ng huli ang lugar na pinagtapunan ng bangkay ni Don Rafael.

Ang Fili ay sinimulan sa bisperas ng kapaskuhan, subalit ipinapapansin sa kabanatang ito na ang isinasagawa ni Basilio ay waring isang anyo ng personal na Todos Los Santos na nakatapat sa noche buena ng kapaskuhan .

2 Pansinin na si Simoun na sa kabanatang ito na magpapaliwanag ng kaniyang pampulitikang saloobin ay nilagyan ni Rizal ng ilawan. Si Basilio ay nagtungo sa libingan na nasa kagubatan na walang dalang pananglaw.3

Magkatulad ang ginagawa nina Ibarra sa magkahiwalay na panahon. Sa NMT ay naghukay ng paglilibingan ng isang ina at sa Fili ay naghuhukay ng ibinaon na yaman na gagamitin niya para sa kaniyang plano na pagpapalaya

Page 3: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

bigote at balbas, nguni’t hindi nagbabago ang anyo, iyon ang dating maasim na ekspresyon, ang ulap ng noo, ang malakas na bisig ay iyon din, na natuyo lamang nang kaunti, iyon din ang masulak na kalooban.  Ang mga alaala sa nakaraan ay muling bumalik sa kanya:   wari’t naramdaman ang init ng siga, ang gutom, ang kanyang panlulupaypay noon, ang amoy ng lupang nabungkal…4 Ang natuklasan niya ay nakapangilabot sa kanya.   Kung gayon, ang mag- aalahas na si Simoun, na inakalang Indiyo-Ingles, Portuges, Americano, mulato, Cardenal Moreno, Eminencia Negra, ang masamang budhi ng Kapitan Heneral, gaya ng tawag ng ilan, ay walang iba kundi ang misteryosong istranghero5 na ang pagsipot at pagkawala ay nataon sa pagkamatay ng tagapagmana sa mga lupaing iyon.  Nguni’t sino sa dalawang istranghero kanyang nakaharap, ang Ibarra, ang buhay o ang patay?           

Ang katanungang ito, na itinatanong niya sa sarili, kailanma’t napag-uusapan ang pagkamatay ni Ibarra, ay muling pumasok sa kanyang pag-iisip sa harap ng mahiwagang taong iyon.           

Ang namatay ay may dalawang sugat na gawa ng punglo, ayon sa kanyang napag-aralan pagkatapos, at marahil iyon ay gawa ng paghahabulan sa lawa.  Kung gayon ay si Ibarra ang namatay, na naparoon upang mamatay sa libingan ng mga magulang, at ang nasang sunugin ang kanyang bangkay ay marahil nakuha sa ugali sa

ng bayan.

4 Tandaan na tinapos ni Rizal ang nakaraang kabanata ukol kay Basilio na ito ay nasa mataas na espiritu ng pangangarap sa isang magandang bukas para sa kaniyang sarili. Subalit sa kabanatang ito ay hinila niya ang tauhang si Basilio sa kaniyang dukhang kalagayan noong nakalipas.

5 Palaging mayroong maskara ang mga tauhan ni Rizal na ginagamit niyang tagapagbandila ng mga progresong kaisipan sa kaniyang katha. Ang Satanas sa Junto Al Pasig; Si Pilosopo Tasyo na may maskara ng kabaliwan, sa kaniyang maanghang na puna sa dogma ng simbahan; Si Donya Victorina na maskarado ng karikatura, sa mga trivial ngunit maanghang na parunggit sa mga prayle. Sa pagkakataong ito ay isang Simoun na sa harapan ay kumakampi sa pamahalaan at sa likod ng kaniyang pagkatao ay ganap na iba ang balangkasan ng kaisipan para sa bayan.

Makikita ng sinumang mga masugid na mambabasa ng Rizal na ang pinakamalapit na artikulo ni Rizal sa kabanatang ito ay ang Filipinas Dentro De Cien Años, subalit ang mga pananalita ni Rizal sa sanaysay na iyon ay puno ng mga pasubali at magalang na pagpapaala-ala sa Espanya.

Sa kabanatang ito ng Fili ay halos kapareho ang pilosopiyang dinadala ni Rizal sa Filipinas Dentro De Cien Años, subalit sa kabanatang ito ang pagpapahayag ng mga kaisipang pulitikal ay walang pagpapakundangan sa Espanya.

Page 4: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

Europa na doo’y sinusunog ang patay.  Kung gayon ay sino ang isa pa, ang buhay, ang Simoung ito na manghihiyas, na noon ay anyong dukhang-dukha at ngayo’y mayamang-mayaman at kaibigan ng mga maykapangyarihan?   Doo’y may lihim na sa kalamigang-loob ng ating mag-aaral ay inasahang tahuin at ipaghintay ng kailangang pagkakataon.

            Samantalang hukay nang hukay si Simoun, minamasdan naman ni Basilio na nanghina na ang dating lakas; si Simoun ay humihingal, hirap sa paghinga at sa bawa’t sandali ay tumitigil.

            Si Basilio ay nanganib na baka siya makita, kaya’t sa biglang udyok ng kalooban ay tumindig sa kinauupan at nagsabing walang pagbabago ang boses:           

“Matutulungan ko po ba kayo, ginoo…?” ang tanong, nang makaalis sa kinatataguan.           

Si Simoun ay umunat, lumundag na wari’y tigreng nabigla, idinukot ang kamay sa bulsa ng amerikana at tiningnang namumutla at kunot ang noo ang mag-aaral.           

“May labintatlong taon na ngayong ako ay pinautangan ninyo ng loob, ginoo,” ang patuloy na walang tigatig ni Basilio, “sa pook ding ito, sa paglilibing sa aking ina, kaya’t ikaliligaya ko ang matulungan naman kayo.”           

Dinukot ni Simoun sa kanyang bulsa ang isang rebolber, na hindi inilalayo sa binata ang paningin.  Nadinig ang lagitik ng isang baril na ikinasa.           

“Sino po ba ako, sa akala iyo?” ang sabing humakbang ng dalawang hakbang na paurong.           

“Isa pong taong aking iginagalang,” ang sagot ni Basilio na may pagkagulumihanan, sapagka’t inaakalang iyon na ang huli niyang sandali, “isang taong tangi sa akin, inaakala ng lahat na patay na, at taong ang kanyang mga kasawian ay dinadamdam kong palagi.”           

Isang lubos na katahimikan ang sumunod sa mga salitang ito, katahimikang inari na ng binata na walang hanggan.  Gayon man, makaraan ang isang mahabang pag-aalinlangan ay nilapitan siya ni Simoun at pinigilan sa balikat at sinabi sa kanyang ang boses ay nanginginig:           

Page 5: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

“Basilio, nakatuklas ka ng isang lihim na maaring aking ikasawi ko at ngayon ay nakatuklas ka pa ng isa pa, na kung malalantad ay makasisira sa aking layunin,6 kaya’t ang buo kong buhay ay nasa kamay mo.  Upang ako ay matiwasay at alang-alang sa ikatutupad ng inaakala kong gawin ay dapat kong isara ang iyong mga labi, magpakailanman, ano ang kabuluhan ng buhay ng isang tao sa kalakihan ng bagay na aking hinahangad?  Mahusay na pagkakataon, walang nakakaalam ng aking pagparito, ako’y may sandata, kayo’y wala; sa mga tulisan ibibintang ang iyong kamatayan kung hindi man sa bagay ng supernatural … gayuman ay babayaan kong ikaw ay mabuhay at inaakala kong hindi ko ipagsisi sa huli ang gayon.7  Ikaw ay nagsumakit, nakipagtunggali nang lubhang tiyaga… at gaya ko rin ikaw ay kailangang makipagtuos sa sosyedad; ang kapatid mong munti ay pinatay, ang iyong ina’y nabaliw, at hindi pinag-usig ng sosyedad, ang pumatay ,maging ang nagpahirap.8  Tayong dalawa’y nabibilang sa mga uhaw sa katwiran, at hindi dapat tayong magtunggali kundi magtulungan.           

Si Simoun ay humintong pinigil ang buntung-hininga at pagkatapos ay banayad na nagpatuloy na palingos-lingos.

           “Oo, ako iyong labintatlong taon na ngayon nang naparito, na may sakit na karumal-dumal ang anyo, upang dulutan ng huling handog sa isang dakilang kaluluwang, isang marangal na tao na inilaan ang buhay nang dahil sa akin.  Biktima ng isang masamang pamahalaan, ay naglagalag ako sa mundo at gabi at araw na pinunyagi ko ang makapag-ipon ng kayamanan upang masunod ang aking balakin.  Ngayo’y nagbalik ako upang wasakin ang sistema, padaliin ang kanyang pagkabulok, itaboy sa bangin na hangal na nilang tinutungo, kahi’t na kailanganin kong gamitin ang pagbaha ng luha at dugo… Hinatulan ang kanyang sarili, yari na, at ayokong mamatay nang hindi ko muna siya makitang durug-durog sa kailaliman ng bangin.” 9

6 Ngayon na aking kapwa mambabasa ng Fii, natuklasan mo na ba ang lihim at tunay na layunin ni Jose Rizal. Kung hindi naiintindihan ang paraan ng pagsasalita rito ni Rizal – pasensiyahan na lang.

7 Kayo ang hahatol sa hulihan ng nobelang ito, kung hindi pagsisihan ni Simoun ang kaniyang ginawang pagbuhay kay Basilio.

8 Mapansin sana na kasabay pa ni Basilio si Padre Salvi sa Bapor Tabo. Si Basilio pa ang umiiwas at waring nagtatago sa pari.

9 Sa Filipinas Dentro de Cien Anos ay ipinapahiwatig ni Rizal ang pagbagsak ng pamahalaan, subalit nagbigay pa rin siya ng mga repormang opsiyon upang ito ay maiwasan. Subalit sa kabanatang ito ay wala siyang pinakitang opsiyon sa Espanya kundi ang lagim at hindi na maipagpapalibang

Page 6: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

At iniunat ni Simoun ang kanyang mga bisig patungo sa lupa, na waring sa kilos na iyon ay ibig palagiin doon ang mga lasog-lasog nang nasira.  Ang kanyang tinig ay nagkaroon ng kasindak-sindak at kalagim-lagim na tunog, na nakapangilabot sa mag-aaral.

          “Sa tawag ng masasamang bisyo ng mga namamahala ay bumalik ako sa kapuluang ito,10 at sa ilalim ng kapa ng isang mangangalakal ay nabisita ko ang mga bayan.  Sa aking ginto ay nabuksan ko ang lahat ng daan at saan man at nabisto ko ang kasakiman sa pinaka kasuklam-suklam na anyo, minsan ay may pagkukunwari, minsan ay napakalupit, minsan tulad ng ganid na nagpapakasawa sa isang patay na organismo,11 katulad ng ginagawa ng buwitre sa isang bangkay, at tinanong ko ang aking sarili kung bakit hindi tumitindi sa loob ang lason, Ang p tomaina ,12 ang kamandag ng mga libingan, upang patayin ang nakakarimarim na ibon?  Pinababayaan ng bangkay na siya’y gutayin,13 ang buwitre’y nabubundat sa laman, at sa dahilang hindi ko siya kayang bigyan ng buhay upang labanan ang berdugong nagpapahirap sa kanya, at dahil sa mabagal ang katiwalian, pinasigla ko ang kasakiman, sumang-ayon ako sa kawalang katarungan at nag-ibayo ang pang-aabuso;

pagpapabagsak ng kolonyal na pamahalaan ng Espanya.

10 Alam ni Simoun na kinakailangan ng napakalaking pera upang ang isang Espanyol ay maitalaga na punong ehekutibo sa kolonyal na pamahalaan ng Pilipinas. Dahil si Simoun ang nag-pinansiya sa pagkakatalaga ng Kapitan Heneral ay naging mainpluwensiya siya rito. Sa kasalukuyang panahon, ang mga supporter at pinansiyer ng nanalong pinunong bayan ay may malaking inpluwensiya sa nanunungkulang pinuno.

Maging gobernador heneral ng Espanya sa Pilipinas na kapanahon ng pagkakasulat ng Fili na si Valeriano Weyler (GH 1888-1892) ay dumating sa Pilipinas na isang mahirap at umuwi ng Espanya na isang milyonaryo.

11 Ito ang kalagayan ng Pilipinas, isang patay na organismo na walang pagsulong at ang mga nasa pamahalaan ay nagpapakasawa sa maari nilang mapakinabangan mula sa nalalabing kayamanan na nakokolekta ng pamahalaan sa mga mamamayan ng Pilipinas.12

ptomaine - Any of various toxic nitrogenous organic compounds produced by bacterial decomposition of protein, especially in dead animal tissue. Ptomaines are bases and are formed by removing the carboxyl group (COOH) from amino acids. They do not cause food poisoning, as was previously thought, but the term ptomaine poisoning is still used to describe food poisoning caused by bacteria. (wikipedia)

13 Masakit na pasaring ni Rizal sa isang walang paki-alam na bayan. Ang bayan ay tagapanood lamang at walang paki-alam sa mga katiwalian sa pamahalaan at pagsasamantala ng mga ganid na negosyante.

Page 7: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

hinihikayat ang krimen, ang kalupitan upang ang tao ay magsanay sa ideya ng kamatayan, pinalagi ko ang pangamba upang sa pag-iwas dito ay humanap ng kahi’t anong kaparaanan;14 Sinagkaan ko ang kalakalan upang maghirap ang bayan at kung pulubi na, ay wala nang siyang katakutan; aking hinimok ang mga ambisyon upang masaid ang kayamanang-bayan, at kung hindi pa sapat ang mga bagay na ito aking gigisingin sa paghihimagsik ang bayan, sinugatan ko ang bayan sa kaniyang sensitidong hilatsa, ginawa ko na ang buwitre na ang iminsulto sa bangkay na bumubuhay sa kanya at akin siyang ginawang tiwali… Nang magawa ko na ang pinakalubos na kabulukan, nalubos ang pagiging basura nito, naghahalo-halo ang mga bagay na nakaririmarim, ay tumindi ang lason, ang labis na pagkagahaman na sa kanyang kalituhan ay nagdudumali na sa pagsunggab sa lahat ng bagay na abot ng kaniyang kamay na katulad ng isang matanda na nabigla ng sunog,15 at kayo ay biglang sisipot na nangangalandakan ng pagka-Kastila,16 umaawit ng pag-asa sa pamahalaan, bagay na hindi darating;17 narito’t isang lamang kumikilos dahil sa init at buhay na dala, malinis, bata, malusog, kumikinig sa dugo, sa kasiglahan, ay biglang sa susulpot upang humandog na muli na wari’y bagong laman…18 Ah!  Ang kabataang

14

Ang bayan kapag wala ng matutunang gawin sa desperasyon ay lumalabas ang isang nakakatakot na ugali na kumakapit sa patalim. Isang kabalintunaan na mismong naramdaman at itinala ni Rizal ang desperasyon ng mga Pilipino sa kaniyang talaarawan noong Septyembre ?, 1896 “Sasalakayin ang Imus, kaawa-aawa kong mga kababayan ay magpapatiwakal” (Reminder sa sa akin: Kunin ang eksatong salita sa talaarawan ni Rizal). 15

Ang isang pamahalaan na ramdam ang malapit na pagbagsak ay waring hilo/tuliro sa pandarambong. Kaniya-kaniyang kurakot ang mga pinuno sa dapithapon ng kanilang kapangyarihan.

16 Ang tinutukoy dito ni Rizal ay ang paghahangad ng mga kabataan sa Maynila na makapagtayo ng isang akademiya na magtuturo ng wikang Espanyol na nauna ngunit bahagya pa lamang na natutukoy sa bahagi ng nobelang ito.

17 Sa bahaging ito ay ipina-aalam ni Rizal na hindi darating reporma sa Pilipinas sa ilalim ng Espanya. Mapapansin na sa bahaging ito ay ipinapakita ni Rizal na ang kilusang pang-reporma (katulad ng planong Akademiya o maaring maging aktwal na kilusang propaganda) ay humahabol lamang sa mailap na anino. Mahahawakan ba ang anino o ang surface na pansamantala lamang na tinitigilan ng anino?

18 Ang patuloy na pag-asa ng mga Pilipino ng pagbabagong panlipunan ay umuuwi lamang upang tila maging bagong bangkay na kakainin ng mga bagong buwitre na mamamahala sa kanilang gobyerno. Walang pinag-iwan

Page 8: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

palaging walang karanasan at mapangarapin, laging humahabol ng mga paruparo at mga bulaklak! Pinag-isa ang inyong lakas ay upang pagtaliin ng bulaklak na rosas ang bayan at ang Espanya, gayong ang tunay iyong pinapanday ay ang tanikalang matigas pa kaysa diyamante.19   Humihingi kayo ng kapantayan sa mga karapatan, Hispanisasyon sa inyong mga kagawian, at hindi nakikitang ang inyong hinihingi ay kamatayan, ang pagkawasak ng inyong nasyonalidad, ang pagkapawi ng inyong inang-bayan, ang pagtatalaga ng paniniil!20  Ano kayo sa kinabukasan?  Bayang walang budhi, bansang walang kalayaan; ang lahat ng nasa iyo ay pawang hiram, pati na ng inyong mga depekto.21  Hinihiling iyo na maging parang Kastila at hindi man lamang kayo namumutla sa kahihiyan kung ipagkait sa inyo!  Anong mapapala ninyo kung ipagkaloob sa inyo? Bayan ng mga panukala, bayan ng mga digmaang sibil, republika ng mga mandaragit at kawalang kasiyahang-loob na katulad ng ilang republika sa timog ng Amerika!22  Ano ang gusto iyo sa pagtuturo ng wikang Kastila; hangad na nakakahiya kung hindi man ay magiging napakasama ang ibubunga?  Nais pa iyong dagdagan ng isa pang wika ang apatnapu’t kung ilan na ginagamit sa kapuluan upang lalo kayong huwag magkaunawaan…!”           

“Sa kabilang dako” ang sagot ni Basilio, “dahil sa pagkaalam ng Kastila ay makikiisa tayo sa pamahalaan, at magiging sanhi ng pag-iisa ng mga pulo.”

“Napakalaking kamalian!” ang sabad ni Simoun, pinayagan iyo ang inyong mga sarili na madaya ng maiinam na pananalita at hindi

sa mga pagbabago ng administrasyon, nakatalaga na ang mga uod na sumisira sa nauna nitong mga pangako at bisyon, sa mga unang araw ng kanilang pagkakatalaga sa puwesto.

19 Ang pangarap ng mga kabataan na walang tamang ideolohiyang pambayan ay walang patutunguhan, kundi ang higit na pagka-alipin.

20 Malinaw na naipahayag dito ni Rizal ang kaniyang tunay na pananaw ukol sa Hispanisasyon na inaakala ng mga repormista na magiging pag-asa ng pagbabago. Ang Hispanisasyon ay magsisilbi lamang na pagsasalehitimo ng kanilang paniniil.

21 Naipakita rito ni Rizal ang kahibangan ng mga bayan na ipinapaalipin sa ibang bansa ang kanilang sariling wika. Ang paggamit ng wikang banyaga ay isang anyo nang panghihiram ng maraming bagay sa hiniraman ng wika, kasama na rito ang mga depekto.

22 Isang propetikal na bahagi ng Fili ni Rizal sa kaniyang pagninilay sa posibilidad na anyo ng republika na maaring maitatag ng mga kabataan

Page 9: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

iyo pinag-aralan ang epekto at huli niyang ibubunga.  Ang Espanyol ay hindi magiging pangkalahatang wika ng bansa, hindi siya sasalitain ng bayan sapagka’t ang mga bukal ng utak at sinimiento ng puso ay walang katapat na pangungusap sa wikang iyan;23 bawa’t bayan ay may kanyang sarili, katulad rin naman ng may sariling pandama.  Ano ang gagawin iyo sa wikang Kastila, kayong iilang nakakagamit?  Patayin ang inyong orihinalidad, ipasailalim ng ibang utak ang inyong mga pag-iisip at imbes na kayo ay maging malaya ay magiging tunay alipin pa nga.  Ang siyam sa bawa’t sampu sa inyo na nag-aakalang kayo’y mga bihasa ay pawang tumakwil sa inyong tinubuan. Ang bawa’t isa sa inyo na nagsasalita ng wikang iyan ay napapabayaan nang lubos ang kanyang sarili na hindi man maisulat ni mawatasan, at ilan na ang nakita ko na nagpapakunwaring hindi nakakaalam ni isang bigkas man lamang ng salitang iyan! Masuwerte kayo sa pagkakaroon ng isang ungas na pamahalaan.  Samantalang ang Rusya upang maalipin ang Poland ay pinilit gamitin ang kaniyang wika sa mga taga-roon, samantalang ipinagbabawal ng Alemanya ang wikang Pranses sa mga lalawigang kanyang nasakop, ang inyong pamahalaan naman ay nagpupunyagi na ipreserba ang inyong sariling wika; subalit kayo, bayang kahanga-hanga, na hawak ng isang pamahalaang hindi mapaniwalaan/incredible, kayo na mismo ang gumagawa ng paraan upang manakaw ang inyong kabansaan! 24 Ang isa’t isa sa inyo ay nakalilimot, na, habang ang isang bayan ay may sariling wika, ay taglay niya ang damit ng kalayaan, gaya rin naman ng pagtataglay ng tao ng pagsasarili, samantalang tinataglay ang kanyang sariling pagkukuro.  Ang wika ay siyang kaisipan/pensamiento ng bayan.25  Mabuti na lamang at ang inyong pagsasarili’y sadyang darating; bantayan ang mga silakbo ng damdamin ng mga tao! …”26

23 Balikan ang pananaw ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra ukol sa wikang Tagalog, sa usapan ng dalawang tauhan sa bahay ng Pilosopo.

24 Naipakita ni Rizal sa nakakatawang paraan ang kaayusan ng patakarang pangwika. Incredible ang mga Pinoy dahilan sa sila ang naghahanap ng Hispanisasyon, samantalang imbecile ang kolonyal na pamahalaan dahilan sa walang agresibongg pagsisikap na maituro ang wikang Espanyol na sana ay higit nilang naging instrumento sa kolonisasyon.

25 Pensamiento - Thought is the creative activity of mind, said of everything that is brought into existence through the activity of the intellect. The term is commonly used as a generic way to define all the products that the mind can generate, including the activities of the intellect or rational abstractions of the imagination, all that is mental in nature is considered thought, whether these abstract, rational, creative , art, etc. (wikipedia)

26 (Felizmente vuestra independencia está asegurada). Sa bahaging ito ay ipinakikita ni Rizal ang katiyakan ng pagsapit ng kalayaan ng Pilipinas.

Page 10: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

            Si Simoun ay tumigil at kinuskos ng kamay ang noo.27  Ang

buwan ay sumikat at ipinadala ang kanyang malarosas na liwanag, na nakalulusot sa pagitan ng mga sanga.28  Ang maputing buhok at matigas na anyo na naliliwanagang papaitaas ng lampara,ang mag-aalahas ay waring isang ispiritu ng kagubatan na nagmumuni-muni ng katasropiya.  Si Basilio ay tahimik na nasa harapan nito, nakikinig na nakayuko ang ulo. Nagpatuloy si Simoun:

    “Nakita ko ang pagsisimula ng kilusang iyan at dumanas ako ng magdamagang pagkainis, sapagka’t alam kong sa mga kabataang iyan ay mayroong mga nagtataglay ng katalinuhan at mga pusong katangi-tanging na naisasakripisyon sa isang causa na inaakala nilang mabuti, nguni’t ang katotohanan ay gumagawa nang laban sa kanilang bayan… 29

Makailan kong ginusto na lumapit sa inyo, hubarin ang aking balatkayo at pawiin ang inyong pagkakamali, ngunit dahilan na rin sa katanyagan na aking tinatamasa ay mamasamain marahil ang aking mga sasabihin at kung mabibisto ay maging magbunga nang laban sa aking balakin…!30  Makailang tinangka ko ang lumapit sa inyong Makaraig, sa inyong Isagani!  Maminsan-minsan ay naiisip kong sila’y patayin, lipulin…”           

Si Simoun ay tumigil.            “Iyan ang dahilan kung kaya pinabayaan ko kayong mabuhay, at humahanda ako, na dahil sa isang kabiglaanan, na balang araw ay ihayag iyo ang aking kalagayan… Batid ninyo kung sino ako,

(¡las pasiones humanas velan por ella!... Sa bahaging ipinaliliwanag ni Rizal na dapat na ang dahilan nito ay ang silakbo ng damdamin ng tao na maghanap ng kalayaan.

27 Simbolismo na nagpapahiwatig ng lalim ng kaisipan at hirap sa pagpapabatid nito.28

Pansinin ang simbolismo ng hirap na makarating ng bahagyang ang malarosas na liwanag, para makita ang mukha (at katotohanan) ng nagsasalita sa pananaw ng kaniyang nakikinig.29

Sa bahaging ito ay waring tinutuya ni Rizal ang layunin at direksiyon kilusang propaganda kung saan siya ay kabilang. 30

Nakita ni Austin Coates na (balikan din si Palma) na sa panahon na si Rizal ay nasa London ay lihis na ang balangkas pangkaisipan ni Rizal sa kaniyang mga kasamahan. Kinakailangan lamang na sakyan na lamang niya ang hilig ng mga ito.

Page 11: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

alam ninyo ang aking mga pinagdusahan, maniwala kayo sa akin; hindi kayo kabilang sa karamihan na ang akala sa mag-aalahas na si Simoun ay isang manlalako na nag-uudyok sa mga maykapangyarihan sa gawang pamamaslang upang ang mga naapi ay bumili sa akin ng hiyas… Ako ay isang hukom na may nasang magparusa sa isang sistema, na ang gagawing kasangkapan ay ang sarili niyang kasamaan:  labanan siya sa paraang siya ay sang-ayunan siya…

Kailangan kong tulungan mo ako; gamitin iyo ang inyong kayang makaakit sa kabataan upang labanan ang baliw na nasang maki-Kastila, pakikiugali, kapantayan sa karapatan… Ang landasing iyan ay ang maging isang masamang huwad lamang ang matatamo, at ang bayan ay dapat na humanap nang lalong matayog.  Isang kabaliwan ang akitin ang pag-iisip ng mga namumuno; mayroon na silang kinagawiang plano, may piring ang mga mata, at bukod sa iyon ay isang pag-aaksaya ng panahon, ay dinadaya pa iyo ang bayan sa mga pag-asang hindi mangyayari at nakapag-ambag pa kayo upang yumuko ang kanilang leeg sa harap ng paniniil.  Ang dapat iyong gawin ay samantalahin ang kanyang kalagayan sa kapakinabangan ninyo.  Ayaw nila kayong ihawig sa Kastila?  Mabuti! Binabati ko kayo! Sa gayon ay magpakatangi kayo sa pagpapakilala ng inyong sariling karakter, itayo ninyo ang pundasyon ng bayang Pilipino…31 Aayaw kayong bigyan ng pag-asa?  Mabuti nga!  Huwag kayong maghintay sa kanya, asahan ninyo ang sarili at kumilos kayo.  Pinagkaitan kayo ng kinatawan sa Corte?  Mas mabuti!  Kahi’t na kayo makapagdala roon ng kinatawan na nahalal naayon sa inyong kagustuhan, ano ang magagawa ninyo roon kundi malunod sa karamihan ng tinig at sang-ayunan, sa pamamagitan ng inyong pagkakaharap doon, ang mga kapaslangan at kamaliang gawin?  Samantalang lalong kaunti ang mga karapatang ipagkaloob sa inyo ay lalo namang malaki ang inyong karapatan na alisin ang inyong pasanin at gantihan sila ng masama sa kanilang kasamaan.  Kung hindi nila gusto na magturo sa kanilang wika, linangin ang into, panatilihin ang mga tao ng sariling mga saloobin, at sa halip ng pagkakaroon ng adhikain ng na maging lalawigan ay sikapin ninyo na magkaroon kayo ng sariling bansa,32sa paghahakang sumasalilong ay paghahakang malaya; ni sa hilig, ni sa salita ay huwag mangyaring maipalagay ng Kastila na siya’y parang nasa bahay niya rito, ni ipalagay ng tagarito na sila’y kababayan kundi manlulupig

31 “tratad de fundar los cimientos de la patria filipina”... Isang lihim na pagsusulsol ni Rizal sa pamamagitan ni Simoun ng isang anyo ng pamahalaan na malaya sa Espanya – ang pagtatayo ng pundasyon ng bayang Pilipino.32

Sa pamamagitan ng pananalita ni Rizal ay kaniyang inilalatag ang pag-aaring matwid (justification) ng himagsikan na gagawin ng mga Pilipino laban sa Espanya.

Page 12: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

magpakailan man, dayuhan, at sa malao’t madali’y tatamuhin ninyo ang inyong kasarinlan.  Ito ang sanhi kung kaya hangad kong kayo’y mabuhay.”

            Nakahinga si Basilio na wari’y naibsan ng isang mabigat na dalahin sa kanyang ulo, at pagkatapos ng isang saglit na di pag-imik ay tumugon:           

“Ginoo, napakalaking karangalan ang ipinagkaloob ninyo sa akin sa pagsasabi sa akin ng inyong mga balakin upang huwag akong magtapat at sabihin na ang hinihiling ninyo sa akin ay higit sa aking makakaya.  Ako’y hindi nakikilahok sa pulitika, at kung sakaling nilagdaan ko ang kahilingan sa pagtuturo ng wikang Kastila ay dahil lamang sa nakikita kong ninyo’y makabubuti sa pag-aaral, at wala nang iba.  Ang aking tungo ay iba, ang hangad ko’y mapagaling lamang ang mga sakit na dinaramdam ng aking mga kababayan.”33

            Ang mag-aalahas ay napangiti.

            “Ano na lamang ang mga sakit ng katawan kung itutulad sa

karamdamang moral?” ang tanong, “ano ang kamatayan ng isang tao sa harap ng kamatayan ng isang lipunan?  Balang araw marahil ay magiging isa kayong mahusay na manggagamot kung pababayaang makapanggamot na mapayapa; nguni’t lalo pang dakila ninyong makapagbigay-buhay sa anemikong bayang ito.  Kayo, ano ang ginagawa ninyo ukol sa bayang ito na kinakitaan ng unang liwanag, nagbibigay-buhay sa inyo at nagdudulot sa inyo ng ikatututo?  Hindi ba ninyo alam na walang kabuluhan ang buhay na hindi iniuukol sa isang dakilang layunin?   Iyan ay isang munting batong natapon sa kaparangan na hindi nakasama sa pagkabuo ng isang gusali.”

            “Hindi, hindi po, ginoo,” ang pakumbabang sagot ni Basilio, “hindi po ako humahalukipkip, ako’y gumagawa, na gaya ng paggawa ng iba, upang maibangon sa labi ng nakaraan ang isang bayan na, ang kanyang mga tao’y nagtutulungan at ang bawa’t isa sa kanila’y dumaramdam sa sarili ng budhi’t kabuhayan ng kalahatan.  Nguni’t kahit anong sigabo ang taglayin ng mga tao sa ngayon ay nakikilala namin na sa malaking gawaing-bayan ay dapat magkaroon ng paghahati-hati ng gagawin; pinili ko ang aking gagawin at tinungo ko ang karunungan.”34

33 Naging pasibo o makasarili si Basilio. Isang tao na umaasa na dahilan sa nakatuntong na siya sa mataas na baitang ng social mobilization ay ayaw na niyang galawin pa ang istraktura na kaniyang kapapalooban sa hinaharap.34

Page 13: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

“Ang siyensiya ay hindi siyang hantungan ng tao,” ang wika ni Simoun.

            “Subalit ito ang tinutungo ng mga bansang lalong bihasa.”           

“Oo, nguni’t parang isang kaparanan lamang sa paghanap ng kaligayahan.”           

“Ang karunungan ay walang paglipas, lalong kagalingan ng katauhan, lalong ukol sa sansinukob!” ang sagot ng binata sa isang sigabo ng kalooban.  “Sa loob ng ilang daang taon, pag ang katauhan ay matalino na’t nahango sa kinalalagyan sa ngayon, pag wala na ang mga lipi, pag ang lahat ng bayan ay pawang malalaya na, pag wala nang alipin at umaalipin, sakop na bayan at mananakop, pag ang naghari ay isang kapangyarihan lamang at ang tao’y naging mamamayan ng sanlupalop, ay walang malalabi kundi ang pananalig sa karunungan, ang salitang pag-ibig sa bayan ay magkakaroon ng kahulugang baliw na pananalig, at sa panahong iyan ay magbunyag ng kanyang taglay na pag-ibig sa bayan, marahil ay kukulungin na waring isang mapanganib na maysakit, isang manggugulo sa pagkakasundo ng lahat.”35

     Si Simoun ay napangiti nang malungkot.

            “Oo, oo,” ang wikang iniiling ang ulo,36 “datapwa’t upang

dumating sa gayong kalagayan ay kailangang huwag magkaroon ng mga bayang mang-aalipin, ni mga bayang napaaalipin; kailangang ang tao’y maging malaya saan man pumaroon, matutuhang gumalang sa karapatan ng iba, sa kanyang sariling pagkatao, at upang mangyari ito ay kailangan munang magsabog ng maraming dugo, ang pagtutunggali’y kailangan… Upang daigin ang matandang panatisismo, na sumisiil sa mga budhi, ay kinailangang ang marami ay matupok sa apoy, at nang sa pangingilabot ng budhi ng bayan ay maihayag na malaya ang konsensiya ng lipunan.37  Kailangan

Isang pangangatwiran ng duwag, ang kumilos sa bayan na nakatago sa kaniyang propesyon.35 Pansinin sa diskurso na pinagamit ni Rizal kay Basilio ay ang pananalig na napakalayo. Isang anyo ng pandaigdigang pamahalaan na maging siya ay hindi na magiging kabahagi. 36

Grabe si Rizal sa paglalarawan na ito. Magkakontra ang bibig at isip. Kung hindi ka naniniwala, subukan mong gawin.37

Page 14: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

din naman na ang lahat ay sumagot sa katanungang ng bayan araw-araw, na inilalahad ng kanilang mga kamay na nakakadena.  Ang patriotismo ay krimen lamang sa mga bayan na nanlulupig, pagkatapos ang krimen ay lalagyan ng isang mainam na pangalan;38 nguni’t kahit maging perpekto na ang katauhan ay magiging isang kabanalan ang patriotismo sa mga bayang sakop, sapagka’t sa lahat ng sandali’y ang kahulugan nito ay pag-ibig sa katwiran, pag-ibig sa kalayaan, pag-ibig sa karangalan.39  Iwaksi, ang mga pangarap na di mangyayari, ang mga binabaeng guni-guni.  Ang kadakilaan ng isang tao’y hindi ang magpauna sa kanyang kapanahunan, bagay na hindi naman mangyayari, kundi ang hulaan ang kanyang mga adhika , tugunan ang kanyang mga pangangailangan at turuan siyang magpatuloy sa lakad.  Ang mga henyo na inaakala ng karamihan na nagpauna sa kanilang kapanahuhan ay namamalas lamang sa gayon sapagka’t tinatanaw silang mula sa malayo ng mga sumusuri, o inaakalang daan-daang taon ang buntot na nilalakaran ng mga nahuhuli.”           

Si Simoun ay tumigil.  Nang makitang hindi mahikayat ang malamig na kaluluwang iyon ay gumamit ng ibang pangangatwiran, at nagtanong na iniba ang pagsasalita.

          “At sa alaala ng inyong ina at kapatid, ano ang ginawa iyo?  Sapat na ba ang sa taun-taon ay pumarito at tumaghoy na parang babae sa ibabaw ng libingan?”

            At tumawa nang pakutya. 40

            Tumama ang tudla; si Basilio ay nagbagong-anyo at humakbang

ng isang hakbang.

Ipinapakita ni Rizal na ang isa sa elemento na dapat pawiin ng mga Pilipino ay ang panatisismo na umaalipin sa kaniyang isipan.38

Treason is a matter of date – ang mga nagmamahal sa bayan sa panahon ng ng kanilang pakikipaglaban ay tinawag na na mga rebelde ng pamahalaan na kanilang kinakalaban, subalit kapag nagtagumpay ang kanilang adhikain ay tatawagin silang mga bayani.39 Para kay Rizal, kahit na magkaroon ng isang pamahalaang pandaigdig ang patriotismo ay hindi magiging isang panatikong kaisipan, kundi isang banal na kaisipan, dahil taglay nito ang pagmamahal sa katwiran.

40 Isang paala-ala na masakit dahilan sa mismong ibabaw ng libingan ng kaniyang ina siya sinusumbatan ni Simoun. Ginawa ni Rizal na valid ang kaniyang pangangatwiran. (Halimaw si Rizal sa paglalagay ng paggaganapan ng kaniyang eksena.)

Page 15: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

“Ano ang ibig iyong gawin ko?” ang galit na tanong.  “Walang pagkunan ng kailangan, walang katangian, matatamo ko baga ang katwiran laban sa mga pumatay sa kanila?  Isa pa akong masasawi at madudurog akong kagaya ng kaputol na salaming ipinukol sa isang batong buhay.  Ah, masama ang ginawa ninyong ipaalala pa sa akin, sapagka’t iya’y isang walang kabuluhang pagdagil sa sugat!”

            “At kung ihandog ko sa inyo ang aking tulong?”41

            Iginalaw ni Basilio ang ulo at nag-isip.           

“Lahat ng pagtatagumpay ng katarungan, lahat ng paghihiganti sa lupa ay hindi makabubuhay pang muli kahit sa isang buhok ng aking ina, hindi makapagpapasariwa kahit ng isang ngiti sa mga labi ng aking kapatid!  Matulog na sila sa kapayapaan … ano ang mahihita ko kahi’t maghiganti?”42

            “Upan huwag nang tiisin pa ng iba ang inyong dinanas, upang

hindi na magkaroon pa ng mga anak na pinatay at mga inang itinaboy sa pagkabaliw sa pagdating ng panahon.  Ang pagpapaumanhin ay hindi kabaitan, iyan ay krimen na nag-uudyok sa paniniil; walang mang-aalipin doon sa walang napaaalipin.  Ay!   Ang tao’y sadyang may kasamaan, na nang-aabuso kapag nakatagpo ng tagasunod.  Gaya mo ang kaisipan noon, at alam mo kung ano ang aking naging kapalaran.  Araw at gabi kang binabantayan ang mga may pakana ng inyong kasawian; naghihinalang ikaw ay naghihintay ng isang tamang pagkakataon; pinagsususpetshan na ang iyong pagsisikap na matuto, ang iyong hilig sa pag-aaral, maging ng iyong pananahimik ay isang lagablab na naghihintay ng paghihiganti… Sa araw na magagawa nilang kang pawiin ay papawiin ka, na gaya ng ginawa sa akin, at hindi ka papayagang lumaki, sapagkat ikaw ay kinatatakutan at kinamumuhian.”

“Kamuhian ako?  Kamuhian pa ako sa kabila ng masamang ginawa sa akin?” ang tanong na pamangha ng binata.

            Si Simoun ay nagpakawala ng isang halakhak.           

“Katutubo sa tao ang mamuhi roon sa kaniyang sinaktan, ang sabi ni Tacito, na pinatibayan ang quos laeserunt et oderunt ni

41

Kung mababalikan lamang ng mga mambabasa ang Junto al Pasig ay makikita rito ang panunukso ni Satanas sa estudyante ng Ateneo na si Leonido.42 Pansinin ang labis na pagiging pasibo ni Basilio

Page 16: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

Seneca.  Kung ibig iyong masukat ang mga ginagawang pang-aapi o kabutihan ng isang bayan sa kapwa ay wala kayong ibang dapat gawin kundi tingnan na lamang kung kinamumuhian o minamahal.  At sa ganyan ay mauunawaan mo kung bakit ang ilang yumaman dito, mula sa mga nagkaroon ng matataas na katungkulang, ay pawang pag-alimura at pag-alipusta ang ipinatutungkol sa kanilang pinahirapan pagbalik sa Espanya.43  Proprium humani ingenuii est odisse quem laeseris (ugali na ng tao ay mamuhi sa kanyang inupasalaan).           

“Datapwa’t kung ang mundo ay malaki, kung binabayaang matahimik sa kanila ang kapangyarihan… Kung wala akong ibang hinihingi kundi ang gumawa, bayaan akong mabuhay…”           

“At magkaroon ng mga anak na mapayapa, na pagkatapos ay ilalaan sa pahirap!” ang patuloy ni Simoun na pakutyang ginagaya ang pagbigkas ni Basilio ng mga salita.44  “kay inam na kinabukasan ang inihahanda mo sa kanila, at pasasalamatan sa iyo ang isang buhay ng pagpapakumbaba at paghihirap!  Mabuti, binata!  Kapag ang isang katawan ay hindi na kumikilos ay wala ng kailangang itoy ay pagalawin pa.  Ang dalawampung taong ganap na pagkaalipin, at walang likat, na pagkakayuko at sistematikong panghihiya ay nakalilikha sa kaluluwa ng isang pagkahukot na hindi maitutuwid sa isang araw.  Ang mabubuti o masasamang kalooban ay minamana at nagkakasalin-salin sa mga magulang at mga anak.45  Mabuhay nawa ang inyong magandang kaisipan , mabuhay ang pangarap ng alipin na ang tanging hinihingi ay isang basahan upang maibalot sa kaniyang tanikala upang mapahina ang kalansing at nang huwag masugatan ang kanyang balat!46  Ang hangad lamang iyo ay isang maliit na

43

Ang sinabing ito ni Rizal ay kaniya mismong nasaksihan at narinig noong siya ay unang umalis sa Pilipinas noong 1882, sakay ng Barkong Salvadora. (Nota: Kailangang sipiin ng direkta ang sinabing ito ni Rizal, mula sa kaniyang talaarawan”

44 Isa sa pinakamataas na antas ng pangungutya ay gayahin ang paraan ng iyong pagsasalita, upang ipakita ang kahinaan o kahangalan ng taglay na pangangatwiran ng isang kausap.

45 Napakahalaga ng isang henerasyon sa pagkakabuo ng isang kaisipang alipin. Maging sa kasaysayan ng Katolisismo sa Pilipinas, ang orihinal na henerasyon ng mga Pilipino na kanilang natagpuan ay hindi nila ganap na naakit sa Katolisismo, subalit ang sumunod na mga henerasyon ang kanilang napasunod sa dogma ng simbahan.

46 Isang anyo ng pang-iinsulto ni Rizal sa kaayusan ng kolonyal na lipunan, mamahalin nila ang sistema kapag may kapiraso silang mapapakinabangan.

Page 17: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

tahanan na may ilang kaluwagan:  isang asawa at kaunting bigas:  iyan ang ideyal na lalaki ng Pilipinas!47  Kung ipagkaloob sa inyo ang bagay na iyan ay akalain na iyong kayo’y mapalad.”           

Si Basilio na nahirati sa pagsunod at sa pagtitiis sa kainitan ng ulo ni Kapitan Tiyago ay nabighani kay Simoun na namamalas niyang kasindak-sindak at kakila-kilabot sa gitna ng isang kalagayang tigmak sa luha at dugo, ay nais sanang mangatwiran, sa pagsasabing wala siyang kakayahang manghimasok sa pulitika, na wala siyang masasabi sapagka’t hindi niya napag-aaralan ang bagay, ngunit kailanman ay handa siyang maglingkod, sa araw na hilingin sa kanya, na sa mga sandaling iyon ay wala siyang nakikitang kailangan liban sa ang bayan ay matuto, atbp.48  Pinigil ni Simoun ang kanyang salita sa isang galaw, at sa dahilang malapit nang mag-umaga ay nagsabing:           

“Binata, hindi ko inirerekomenda sa iyo na itago ang aking lihim sapagka’t batid ko na ang pagkamalihim ay isa sa inyong ugaling taglay,49 at kahi’t na ako ay iyong isuplong, ang unang paniniwalaan ay ang mag-aalahas na si Simoun, ang kaibigan ng mga maykapangyarihan at ng mga korporasyon ng mga pari kaysa mag-aaral na si Basilio na pinaghihinalaan nang pilibustero, sa dahilang siya ay tagaritong natatangi at nababantog, at sa iyong ninanasang matutuhan ay makakatagpo ng malalakas na kaagaw.  Gayunman, kahit hindi mo tinugon ang aking pag-asa, sa araw na magbago kayo ng paghahaka ay hanapin iyo ako sa aking bahay sa Eskolta at paglilingkuran ko kayo ng buong lugod.”           

Napasalamat si Basilio at lumayo.           

“Nagkamali kaya ako ng aking pagsasabi?” ang bulong ni Simoun nang siya’y nag-iisa, “nag-aalinlangan kaya sa akin o lubhang lihim na binabalak ang kanyang paghihiganti kung kaya nangangambang ipagkatiwala na katulad sa katahimikan ng gabi?  O dahilan sa mahabang panahong ng pamamanginoon ay pinawi na sa kanyang puso ang damdaming pagkatao at walang itinira

47

Isang mataas na insulto, na ang ideyal na lalaki ng Pilipinas ay iyong makapagbibigay ng kaluwagan sa pamumuhay (makasarili) at hindi tunay na lalaki na tumatayo para sa kapakinabangan ng lahat.48

Sinuman na nagsasabi na ang pagbabagong nais ni Rizal ay limitado lamang sa edukasyon ay waring matatanto na ang kanilang nabasa lamang ay ang Basilio. Subalit, sinuman na makakabasa ng mga pananalita ni Simoun ay makikita ang isang ideolohikal na justification sa paglulunsad ng himagsikan.

49 Napatunayan na niya iyon sa 13 taon.

Page 18: El FilibusterismoDeciphered -kab07

UNCORRECTED PROOF

kundi ang hilig-hayop na mabuhay na lamang at magparami ng lipi?  Kung gayon ay sira ang buuan/mold at nararapat na tunawing muli…50 Ang pagkakamatay nga ay kailangan na:  mamatay ang mga walang kaya at malabi ang mga lalong malakas.”           

At mapanglaw na nagpatuloy, na waring may kinakausap:           

“Magtiis-tiis muna kayo, kayong nagpamana sa akin ng isang pangalan at isang tahanan, magtiis-tiis muna kayo.  Lahat ay nawala sa akin, ang bayan, ang kinabukasan, pati ng inyong mga libingan…51 nguni’t magtiis-tiis muna kayo!  At ikaw, na budhing marangal, dakilang kaluluwa , pusong mapaglingap, na nabubuhay sa iisang hangad lamang at ibinigay mo ang iyong buhay na hindi   man nag-antay ng pasasalamat at paghanga ng kahi’t sino, magtiis ka muna, magtiis-tiis ka!52  Ang mga kaparaanang ginagamit ko ay hindi marahil ang ginamit mo, nguni’t ito ang lalong madali… Nalalapit na ang araw, at pagliliwanag, ako na rin ang magbabalita sa inyo.  Magtiis-tiis kayo!”53

           

50

Bantayan sa mga susunod na kabanata kung papaano tutunawin ni Simoun si Basilio.51 Tinutukoy ni simou ang kaniyang mga ninuno na nakalibing sa kagubatan na dati nilang pag-aari na inilit ng pamahalaan dahilan sa naganap na kaguluhan sa San Diego.52

Isang dedikasyon ni simoun para kay Elias.53

Sa panahon na sinusulat ni Rizal ang El Filibusterismo ay ramdam na niya ang nalalapit na paglaya ng Pilipinas. O inaasahan niya mismo na ang kaniyang El Filibusterismo ang magpapadali ng pagsapit ng araw ng paglaya.