Effective Alternative Secondary Education
-
Upload
jane-lopez -
Category
Documents
-
view
308 -
download
3
description
Transcript of Effective Alternative Secondary Education
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 7
ANG PAGLAGANAP NG KOLONYALISMO
AT SIMULA NG IMPERYALISMO SA ASYA
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City 2
MODYUL 7
ANG PAGLAGANAP NG KOLONYALISMO AT SIMULA NG
IMPERYALISMO SA ASYA
Sa dahilang marami ang mga magagandang naging ulat ng mga Europeong
nakapaglakbay sa rehiyon ng Asya at tuwiran nilang naobserbahan ang mahusay na
produksyon ng seda, pagtatanim ng palay, at paggawa ng mga aklat, armas, at
sasakyang pandagat, maging ang mga modelong estado gaya ng mga Imperyo ng
Tsino at Hapon ay naging motibasyon para sa kanila na ipagpatuloy ang pagpapalaki
ng kanilang mga sakop sa rehiyon ng Asya.
Ang unang bahagi ng kanilang panggagalugad kung ating susuriin sa ating
makabagong pananaw ay panahon din ng pagtuklas ng mga Kanluranin sa kanilang
sarili sa aspetong pangkulturang pamumuhay, pagbabalanse ng kanilang mga
paniniwala, at pagsusuri ukol sa kanilang mga katutubong kaalaman ukol sa mundo, sa
tao, at sa hinaharap.
Ipinagpatuloy nila ang pagtuklas sa mga yamang-mineral ng Asya at pagpapairal
ng sistemang merkantilismo upang patuloy nilang pagkunan ng mga hilaw na
materyales ang mga bansa sa Asya at ikonberto ang mga ito bilang malaking pamilihan
ng kanilang mga sobrang produkto gawa.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang Iba’t Ibang Mukha at Teorya ng Imperyalismo
Aralin 2: Ang Paghahati ng Asya
Aralin 3: Resulta at Epekto ng Imperyalismo sa Asya
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Mailalarawan ang iba’t ibang mukha at teorya ng imperyalismo sa
Asya;
2. Maipaliliwanag ang dahilan ng paglaganap ng imperyalismo sa Asya; 3
3. Maituturo sa mapa ang mga bansang Asyano na naapektuhan nang
lubusan ng imperyalismo;
4. Mailalarawan ang mga pagbabagong dulot ng imperyalismo sa
aspetong kultural, pulitikal, at ekonomikong pamumuhay ng mga
Asyano; at
5. Masusuri ang resulta at epekto ng imperyalismo sa pamumuhay at
pangkabuhayan ng mga Asyano.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT:
I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang teritoryo na direktong pinangangasiwaan ng isang imperyalistikong
bansa
A. Protectorate
B. Colony
C. Sphere of influence
D. Civilizing mission
2. Isang uri ng pananakop na kung saan ang kolonya ay mayroong sariling
pamahalaan nguni’t tinutulungan at indirektong pinangangasiwaan ng pamunuan
ng bansang mananakop
A. Sphere of influence
B. Protectorate
C. Civilizing Mission
D. Colony 4
3. Isang uri ng pananakop na kung saan ang isang rehiyon o bahagi ng bansang
sinakop ay mayroong ekslusibong investment o karapatan sa kalakalan ang
bansang mananakop
A. Civilizing Mission
B. Protectorate
C. Colony
D. Sphere of Influence
4. Ang mga estado ng Tsina ay itinuturing ng mga Europeo na modelong estado
dahil sa
A. May mga epektibong lokal na pinuno
B. Pagkakaroon ng serbisyong kagalingan
C. Disiplinadong mamamayan
D. Pagpapahalaga sa kalinisan at kapayapaan
5. Isang simpleng proseso ng pagpupunyagi ng mga malalakas at malalaking
nasyon-estado na dominahan, sakupin at gamitan ng lakas ang mga mahihina at
maliliit na nasyon-estado
A. Nasyonalismo
B. Imperyalismo
C. Kolonyalismo
D. Komunismo
6. Teoryang ipinalaganap ng mga Ingles na nangangahulugan ng pagpapataas ng
antas ng sibilisasyon ng mga katutubong sinakop
A. Culture system
B. Ethical Policy
C. Civilizing Mission
D. Imperyalismo 5
7. Mga sundalong Hindu na nag-alsa noong 1857-59 laban sa mga awtoridad na
Ingles
A. Sepoy
B. Shiite
C. Hindu patriot
D. Sikh
8. Isang sikretong organisasyon ng mga Tsino na may malaking galit sa mga
Kristiyanong Tsino at mga dayuhang mananakop ay kilala sa tawag na
A. Kung Fu masters
B. Samurais
C. Boxers
D. Sumo wrestlers
9. Ang kasunduan na nagbigay daan sa tuwirang pananakop ng Amerika sa
Pilipinas
A. Kasunduan sa Vienna
B. Kasunduan sa Venice
C. Kasunduan sa Ghent
D. Kasunduan sa Paris
10. Mga nakapag-aral at makapangyarihang pangkat sa lipunang Asyano na naging
daan sa lubusang pagpasok ng mga ideya at kulturang dayuhan
A. Ilustrado
B. Burgis
C. Pensionado
D. Iskolar
11. Napakalaki ng naging epekto ng kolonisasyon sa Asya maliban sa
A. Pagpapatayo ng mga paaralan
B. Naging pamilihan ng mga hilaw na materyal 6
C. Pagsasarili
D. Pagtatatag ng mga organisasyon ukol sa paglaban sa mga mananakop
12. Kinilala siya bilang Empress Dowager sa Tsina at naging pangunahin siya sa
pagsuporta sa pagpapaalis sa mga dayuhan at pagkakaroon ng modernisasyon sa
Tsina
A. Ci Xi
B. Confucius
C. Lao Tse
D. Tu Fu
13. Gobernador o kinatawan ng mga maharlika na nangangasiwa sa East India
Company
A. Heneral
B. Pangulo
C. Viceroy
D. Ministro
14. Amerikanong Commodore na nakipagkasundo sa Shogun ng Hapon upang
magbukas ng kalakalan sa pagitan ng Hapon at Amerika
A. George Dewey
B. Matthew Perry
C. Douglas MacArthur
D. Henry Wainright
15. Kilala siya bilang “Enlightened Emperor” sa Hapon
A. Mustsuhito
B. Hirohito
C. Matsukuhito
D. Naruhito 7
ARALIN 1
ANG IBA’T IBANG MUKHA AT TEORYA NG IMPERYALISMO
Ang salitang imperyalismo ay isang salitang Latin na nagpasimulang gamitin sa
panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang imperyalismo ay nangangahulugan
ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong politika,
pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado.
Sa loob ng dalawang libong taon, ang Imperyong Roma ay nakontrol ang halos
kabuuan ng Mediterranean. Bago matapos ang ika-18 siglo, ang ilan sa mga bansang
Europeo at ang Estados Unidos ay nagpasimulang mag-kontrol ng ibang mga bansa sa
lupalop ng Asya, Aprika at Latin Amerika. Ang panahon mula 1800 hanggang 1914 ay
naging kilala bilang Panahon ng Imperyalismo.
Ang imperyalismo noong ika-18 siglo ay naging resulta ng tatlong
pangunahing salik. Una, dahil sa udyok ng nasyonalismo, nais ng mga nasyon sa
Europa na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga
karibal na mga bansa. Ikalawa, dulot ng Rebolusyong Industriyal, nangangailangan ng
mga hilaw na materyal na pagkukunan at pamilihan na laglagan ng mga produktong
yari na gawa mula sa kanila kaya sila ay nagpalawak ng kanilang mga teritoryo. Ikatlo
ang paghahangad na ipakilala ang kanilang superyor na kultura, relihiyon at paniniwala
sa iba pang mga bansa sa mundo.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang katuturan ng imperyalismo;
2. Masusuri ang mga salik na nag-udyok ng paglaganap ng imperyalismo;
3. Maipapakilala ang iba’t ibang teorya na ginamit at binuo ng mga mananakop
upang bigyan ng patotoo ang kanilang ginawang pananakop;
4. Mapaghahambing ang iba’t ibang anyo ng imperyalismo; at
5. Makapaglilista ng halimbawa ng mga hilaw na materyal na pinakinabangan ng
mga bansang mananakop sa kanilang industriyalisasyon. 8
Gawain 1: Pag-isipan Mo
Suriin at bigyan ng sariling interpretasyon ang ipinakikita ng cartoon na iyong
nakikita. Maaring isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
Ang Pampulitikang Kompetisyon
Noong gitnang bahagi ng ika – 18 dantaon, karamihan sa mga bansa sa lupalop
ng Europa ay naghangad na magkaroon ng sariling mga kolonya sa mga lupalop ng
Asya at Aprika. Naging bahagi ito ng kanilang paghahangad sa kapangyarihan at
pagtatatag ng mga pamahalaang pinatatakbo ng mga dayuhang mananakop. Nagtago
sila sa pagpapaniwala sa mga bansa sa Asya at Aprika na ang kanilang pamumuno ay
magtuturo sa mga ito ng mga makabagong pamamaraan ng pagpapatakbo ng kanilang
mga pamahalaan, ng pagsasarili at malaking tulong na magkaroon ng nagsasariling
pamahalaan. Ito ang naging dahilan ng patuloy na pagpapalawak ng kanilang mga
teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng Asya at Aprika at tuluyang paghahangad na ito’y
maging bahagi ng kanilang lupain. 9
Paghahangad sa Pagkakaroon ng Bagong Pamilihan
Ang Rebolusyong Industriyal noong ika-18 dantaon ay naging salik sa
paghahanap ng mga bansa sa Europa at Hilagang Amerika na maghanap ng mga
pamilihan na magiging laglagan ng kanilang mga produktong ginawa. Sa maraming
produkto na kanilang ginawa ay kinakailangan nila ng pagtatayuan ng mga bagong
pabrika na kailangan ang mga hilaw na materyales na sa mga bansang kanilang sakop
lamang libreng makukuha.
Ang mga produktong gaya ng rubber, copper at ginto ay nanggaling sa Aprika,
bulak at jute sa India, at tin sa Timog Silangang Asya. Ang mga hilaw na materyales na
ito ay nakatulong sa pagpapalaki at pagpapalago ng mga industriya sa Amerika at sa
Europa. Ang ilan pa sa mga karagdagang produkto na nakilala sa pamilihang panginternasyonal
ay ang saging, dalandan, melon at mga prutas na karaniwang sa Asya
lamang matatagpuan. Ang mga mamamayan sa Paris, London at Berlin ay natutong
uminom ng tsaa, tsokolate, at kape kasabay ng kanilang mga pagkain at gumamit ng
mga sabon na nanggaling sa palm oil ng Aprika at langis ng niyog sa Asya.
Nagsilbi ring bagong pamilihan at laglagan ng mga produkto ng Kanluranin ang
kanilang mga bansang nasakop. Naging tagapagluwas ng mga hilaw na materyal ang
mga bansang sakop samantalang ang pagbubuo ng mga ito ay ginagawa sa mga
pabrika ng mga Kanluranin na bansa. Ganito ang naging kalakaran sa napakahabang
panahon kaya nanatili ang pagdepende sa mga produkto ng magkabila lalo na sa
pagpaparami at pagpapalaki ng produksiyon.
Ang kolonisasyon ay nagsilbing paraan upang pakinabangan ng mga tagaKanluran
ang mga hilaw na materyalna matatagpuan sa Asya. 10
Paghahangad ng Panibagong Oportunidad
Dahil sa paghahangad ng mga taga-Kanluran ng mas malaki pang oportunidad sa
kanilang mga kolonya kaya hinimok nila ang kanilang mga mamamayan na maglakbay
tungo sa mga bansa sa Asya at Pasipiko. Binigyan nila ng pagkakataon na mag-ari ng
mga lupain ang mga ito sa kanilang mga kolonya, patakbuhin ang pamahalaang itinatag
at pamunuan ito at kontrolin ang mga paaralan at ekonomiya ng mga kolonya. Dahil dito
ay nagpatuloy ang mga patakarang kolonyal at naitatatag ang mga institusyong
kolonyal na mag-iiwan ng tatak sa pamumuno ng mga bansang Kanluranin gaya ng
Gran Britanya at Amerika. Tignan ang karikatura sa ibaba ito ay isang pagpapatunay ng
oportunidad na paghahangad ng Gran Britanya na ang simbolo ay ang leon at ang
Amerika na sinisimbolo naman ng agila.
Civilizing Mission
Ang patuloy na paglalakbay ng mga Europeo tungo sa lupalop ng Asya ay hindi
dahil sa pang-ekonomiyang kadahilanan lamang kundi para magturo ng bagong
paniniwala sa mga katutubo at ikonberto sila sa bagong paniniwala. Pinaniniwalaan ng
mga Europeong misyonero na sila’y mayroon misyong dapat gawin sa mga katutubong
Asyano sa aspekto ng sosyo-kultural. Naniniwala sila na mataas ang kanilang
kalinangan sa kanilang mga kolonya kaya dapat lamang na ituro sa mga mamamayan
nito ang mga pagbabago para sila ay ituring na mga sibilisado. 11
Sa pamamagitan ng relihiyon, edukasyon at lenguahe ay unti-unting itinuro ng
mga mananakop ang bagong kultura na nang lumaon ay naging dominante sa mga
lipunan sa dahilang maraming mga nakapag-aral na katutubo ang naging kasangkapan
sa pagpapalaganap nito. Ito’y itinuro sa kanilang mga anak at salin-lahi kaya ang
nakaraang pamumuhay ay nalimutan na nila at sila’y nagbihis ng bagong anyo sa
aspektong sosyo-kultural. Mas nagkaroon ng pagpapahalaga ang mga asimiladong
katutubo sa mga naiambag ng mga dayuhan at mga itinuturo ng mga ito kaysa ang
pagpapanatili at pahalagahan ang dati nilang kaalaman.Ito’y kanilang pinaniwalaan na
bahagi ng madilim nilang nakaraan.
I
ba’t ibang Anyo ng Imperyalismo
Ang mga imperyalistang bansa ay gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang
makakuha ng bagong lupain. Minsan sila ay gumagamit ng mga kasunduan, binibili ang
mga lupain mula sa dating mga mananakop o kaya simpleng sinasakop ang isang
lupain sa pamamagitan ng puwersang militar.
Ang mga imperyalistang bansa ay may iba’t ibang anyo sa pamamaraan ng
pagkontrol sa kanilang mga teritoryo. Ang una ay tinatawag na colony, kung saan ay
direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop
na bansa gaya ng ginawa ng Espanya sa Pilipinas, Britanya sa India at Pransiya sa
dating Indo-Tsina. Ang protectorate ay mayroong sariling pamahalaan nguni’t ang mga
patakaran at kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang bansa lalo na sa patakarang
panlabas gaya ng ginawa ng Amerika sa Pilipinas, Britanya sa Hongkong at Portugal sa 12
Macau. Ang sphere of influence naman ay may kaugnayan sa mga investment at
trading rights ng isang imperyalistang bansa sa isang rehiyon ng bansa gaya ng ginawa
sa Tsina ng Britanya, Hapon, at Pransiya.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Sa iyong palagay, ang imperyalismo ba ay totoong nagbigay ng
magandang kinabukasan at pag-asa sa mga bansang sinakop? Pangatwiranan.
Tandaan Mo!
Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang
makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampulitika,
pangkabuhayan, at pangkultura na pamumuhay na isang mahina at
maliit na nasyon-estado.
Ang imperyalismo ay dulot ng tatlong pangunahing salik: nasyonalismo,
Rebolusyong Industriyal at paniniwalang ang kultura ng mananakop ay mas
superyor kaysa mga bansang sinakop.
Ang tatlong pangunahing anyo ng imperyalismo ay ang: colony, direktang
pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kolonya; protectorate, ang
imperyalistang bansa ay nagbibigay direksiyon sa patakarang panlabas at
pamahalaan ng kolonya at ang sphere of influence, ang isang rehiyon ng bansa ay
eksklusibong may pamumuhunan o trading rights ang imperyalistang bansa.
13
Gawain 3: Paglalapat
Gumawa ng isang maikling saknong ng tula ukol sa iyong sariling
pananaw o pakahulugan ng salitang Imperyalismo.
ARALIN 2
ANG PAGHAHATI NG ASYA
Ang pakikipagkalakalan, pagpapalaganap ng panibagong paniniwala at
pilosopiya ay ilan lamang sa naging mga pangunahing dahilan ng pananakop ng mga
bansang Kanluranin sa Asya. Upang lalong mapatatag ang kanilang kapangyarihan sa
pangkabuhayan at pulitikal na pamumuhay ng mga bansang Asyano ay tuluyan ng
sinakop at hinati ng mga Imperyalistang mananakop ang Asya.
Ang mga British ay pangunahing kinontrol ang kalakalan sa India nguni’t ang
kanilang pananakop ay naging daan sa pag-usbong ng nasyonalismong
magpapabagsak sa kanilang rehimen sa India sa tulong ng Rebelyong Sepoy at
pagtatatag ng sariling republika. Hindi lamang ang India ang sinakop ng Gran Britanya
sa Asya kundi maging ang Tsina. Pumasok sa mga di makatotohanang kasunduan ang
Tsina hanggang sa ito’y naging spheres of influence ukol sa kalakalan ng mga bansang
Gran Britanya,Pransiya, Alemanya, Rusya at Hapon. Inilunsad ang Boxer Rebelyon
upang patalsikin ang mga dayuhan at Kristiyanong nais na magpalaganap ng bagong
kaisipan at pamamaraan ng pangkabuhayan sa Tsina. Noong taong 1911 ay nagwakas
ang pamumuno ng rehimen dinastiyang Tsino at ang bagong republika ay isinilang sa
tulong ng pamumuno ni Sun Yat Sen.
Ang Hapon ay nagkaroon ng panahon ng seklusyon o di pakikipagkalakalan sa
mga dayuhan sa pamamagitan ng pagbubukas lamang ng apat na daungan na
magsisilbing laglagan ng mga produkto ng mga dayuhan. Pumasok sila sa panahon ng
pagsasarili tungo sa industrialisasyon sa panahon ng pamumuno ng mga Meiji leaders.
Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay patuloy na sinakop ng mga
bansang Kanluranin gaya ng Britanya, Espanya at ng Olandiya sa aspektong
pangkabuhayan, pulitika at pamumuhay ng mga tao. 14
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang mga salik na nagbigay daan sa paghahati ng Asya sa
ilalim ng pamumuno ng mga dayuhang mananakop;
2. Makikilala ang mga naging pangunahing Asyanong pinuno na naglunsad
ng mga pagtutol sa pananakop;
3. Maituturo sa mapa ang mga bansang Asyano na sinakop ng mga
bansang Kanluranin;
4. Masusuri ang mga pangunahing epekto ng pananakop sa lipunang
Asyano; at
5. Makapagbibigay ng sariling kuru-kuro ukol sa naging epekto ng
pananakop sa karanasan ng mga Asyano.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Lagyan ng tanda ang mga bansang Asyanong naging bahagi ng pananakop
sa mapa ng Asya sa ibaba.
Tsina Hapon Pilipinas Indonesia India Burma (Myanmar) 15
Ang mga British sa India
Ang pagsisimula ng panggagalugad ng mga bansang Europeo ang nagtulak
upang magkaroon ng pagkakataon ang Britanya na kontrolin ang kalakalan sa India. Sa
pamamagitan ng pagtatatag ng East India Company ay nakontrol ng mga British ang
kalakalan ng ruta tungo sa India. Ito ang naging dahilan sa pagiging mayaman ng
nabanggit na kumpanya at nagdala ng malaking kita sa imperyo at sa mga
mangangalakal na naging bahagi ng kalakalan. Dahil sa malaking kita na tinatanggap
ng kompanyang British sa kalakalan ay nagkaroon ito ng ka-kumpetensiyang bansa ang
Pransiya. Itinatag ng Pransiya ang French East India Company nguni’t ito’y hinadlangan
ng mga British sa pamamagitan ng Battle of Plassey noong 1757 na kung saan ay
natalo ang mga Pranses. Hindi lamang ang kalakalan ang kinontrol ng mga British
kundi nagpasimula na rin silang magpasok at magturo ng mga kultural na pagbabago
sa India. Isang grupo ng mga kawal sa India o kilala sa tawag na Sepoy ang nag-alsa
upang tutulan ang pagsisimula ng pag-impluwensiya ng mga British sa kanilang
pamumuhay. Nguni’t may mga ilang datos din ang nagpapatunay na ang pinakadahilan
ng pag-aalsa ay ang paniniwala ng mga Sepoy na binubuo ng mga Hindu at Muslim na
sundalo na ang grasa sa kanilang mga baril ay hinaluan ng langis na mula sa baka at
baboy. Nang panahon na iyon ang pagkakasa ng baril ay di sa kamay lamang kundi
kinakagat pa ito bago maikasa. Samakatwid sa kanilang pagkagat ay mapupunta ito sa
kanilang mga bibig at ang baka para sa mga Hindu ay sagrado samantalang ang baboy
ay pinagbabawal na kainin sa mga Muslim kaya ito’y taliwas sa kanilang mga
pananampalatayang Hinduismo at Islam. Kaya ang nasabing usapin sa pag-aalsa ay
ukol sa pananampalataya at panlipunang pamumuhay ng mga taga-India.
Ang nasabing pag-aalsa ay umabot ng dalawang
taon bago tuluyang nasugpo at naging daan sa lalong
paghihigpit ng pamahalaang Britanya sa India. Taong 1858
ay tinanggal ang East India Company at naglagay ng
viceroy o isang gobernador na itinalaga ng hari ng Britanya
upang maging kinatawan sa pamumuno ng teritoryo. Kaya noong 1877 ay ibinigay na 16
titulo ng Punong Ministro ng Britanya na si Disraeli kay Reyna Victoria ng Britanya ang
Empress of India.
Kaya nagpatuloy pa rin ang pagkontrol ng Britanya sa India hanggang sa
magpatayo ito ng mga daanan, riles ng tren, sistema ng komunikasyon, irigasyon,
paaralan at unibersidad dito. Ito’y nagbigay ng mabuti at di mabuting epekto sa India
dahil una ito’y nakatulong sa pagbabago ng kanilang pangkabuhayan nguni’t ang mga
imprastrakturang nabanggit ay mas nakatulong ng lubusan sa pagpapabilis ng
kalakalan at pagbibigay ng malaking kita sa bansang mananakop. Maraming mga
nasyonalistikong pinuno sa India ang naghangad ng mga reporma at
tunay na paglaya sa Britanya sa pamamagitan ng kanilang
pagtatatag ng Indian National Congress noong 1885. Nguni’t anuman
ang kanilang mga pagsisikap dahil nga sa malaking kapakinabangan
sa ekonomiya ay patuloy pa rin itong kinontrol ng Britanya hanggang
ika-19 na siglo.
Pagharap ng Tsina sa mga Kanluranin
Habang ang Britanya ay patuloy na pinatatatag ang Imperyo sa India ang ilang
mga bansang Kanluranin ay nagpapatuloy naman ng paghahangad na mapasok ang
kalakalan sa Tsina. Sa mahabang panahon ang Tsina ay pinamumunuan ng mga
Emperador na nakatulong ng malaki upang mapatatag ang kabuhayan, lipunan at
pulitika ng Tsina. Mayroon lamang limitadong kalakalan sa pagitan ng mga bansang
Europeo at ng Tsina sa loob ng tatlong daan taon.
Noong ika-18 siglo ay nakakita ng
pagkakataon ang mga British na mapasok ang
kalakalan sa Tsina at malaking kita ang ibinigay
nito sa kanila. Sa pakikipagpalitan ng tsaa, silk at
porselana mula sa Tsina ay sinadya ng mga
mangangalakal na British na huwag gumamit ng
salapi sa palitan kundi nagpasimula silang magluwas ng opyo na nanggagaling sa India
at Turkey. Nang ito’y malaman ng mga Tsino ay tinutulan nila ang patuloy na pagpasok 17
ng opyo sa Tsina nguni’t naging daan ito sa pagtutol at pagsisimula ng isang digmaan
noong 1839. Kinilala ang digmaang ito bilang Opium War. Nanalo ang mga British sa
nasabing digmaan ng kanilang binomba ang Canton (Guangzho) at sa pamamagitan ng
isang kasunduan na nilagdaan ng mga representante ng Britanya at pinunong Qing ng
Tsina ay nagresulta ito ng pagbibigay sa kanila ng Hong Kong na maging bahagi ng
kanilang imperyo. Ang pangyayaring ito’y naging daan para maghangad din ang iba
pang mga bansa na magkaroon ng bahagi sa kalakalan sa Tsina. Sa pamamagitan ng
mga di makatwirang kasunduan na ginawa ng iba’t ibang bansa at pilitang pinalagdaan
sa mga pinunong Tsino ay napagtibay na ang malaking bahagi ng Tsina ay mapailalim
sa spheres of influence. Ang spheres of influence ay nangangahulugan ng mga lugar na
kung saan ang isang dayuhang bansa ay mayroong eksklusibong karapatan na
mangalakal o gamitin sa pangangalakal. Ang mga bansang nakinabang dito ay ang
Britanya, Pransiya, Alemanya, Rusya at Hapon.
Ang mga
daungan ng kalakalan sa Tsina na naging bahagi ng mga di makatwirang
kasunduan sa pagitan ng mga dayuhan at ng Tsina.
Sa usaping ito ay naapektuhan ng malaki ang ina ng batang Emperador ng Tsina
na si Tsu Hsi (Ci Xi) kaya minabuti niya na bumuo ng isang sekretong kilusan na
maaring magpatalsik at magpabagsak sa mga dayuhang nanatiling nakikinabang sa
yamang likas at nagsusulong ng ibang kabihasnan sa Tsina. Maraming mga
nasyonalistikong Tsino ang sumama sa kilusan at naghangad ng paglaya sa mga
dayuhang mananakop. Ginamit nila ang pamamaraan ng martial arts sa nabuoong
kilusan sa pamamagitan ng boksing kaya nakilala sila bilang mga boxers. Tinugis at 18
pinatay nila ang mga dayuhan at maging ang mga
Tsinong nakonberto sa pagiging Kristiyano.
Mahabang panahon din ang nangyaring labanan at
natalo lamang ang nasyonalistikong Tsino ng
magsanib ng puwersa ang mga dayuhan upang
sugpuin at lipulin sila noong ika-14 ng Agosto, 1900.
Napilitang lumisan ang mga natira pang mga
Tsinong boxers nguni’t pinagbunyi naman sila ni Tsu Hsi (Ci Xi) sa kanilang ginawang
katapangan. Nagpatuloy pa rin ang pamumuno ng Dinastiyang Qing nguni’t ito’y sa
suporta na ng mga dayuhan. Nakita at naramdaman ito ng malaking bahagi ng
populasyon ng mga Tsino kaya inisip nila na di na makatwiran ang pamumuno ng
Emperador Tsino. Naging sunud-sunuran na lamang ito sa mga dayuhan o nagsilbing
papet ng mga dayuhan.
Pinaniniwalaan ng mga Tsino na kailangan na ang pagtatatag ng isang bagong
republika. Ito ang isinulong ng Tsinong doktor na si Sun Yat Sen na pinaniniwalaang
makakamit lang ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng isang
Republika at tapusin na ang rehimen ng mga dinastiya.
Ang mga rebolusyonaryong Tsino na nagsusulong ng pagbabago
ay bumuo ng isang kilusan na tinawag na Guomindang (Kuomintang) o
isang nasyonalistikong partido. Sila’y nagpasimulang makipaglaban sa mga pangkat na
naniniwala pa rin sa pagpapatuloy ng dinastiya at sila’y natalo ng mga ito. Taong 1908
ng mamatay ang Empress Tsu Hsi (Ci Xi) kaya naiwan ang trono sa dalawang taon na
Prinsipe Pu Yi, (Xuantong) pamangkin ng Empress Tsu Hsi. Humingi ng tulong
pinansiyal si Sun Yat Sen sa Amerika upang
maipagpatuloy ng Partido Guomindang ang layunin na
tapusin ang rehimen ng Dinastiyang Qing ng kanyang
nabalitaan na ang mga sundalo ng imperyo ay sumanib na
sa mga rebolusyonaryo kaya dali-dali siyang umuwi. Si Dr.
Sun Yat Sen ang kauna-unahang naging pangulo ng
Republika ng Tsina noong 1911. 19
Modernisasyon ng Hapon
Ang pakikipag-ugnayan ng Hapon sa mga dayuhang Europeo ay halos
nagpasimula kaalinsabay ng sa Tsina. Pareho sa kaisipan ang Hapon at Tsina na di
nila kailangan ang mga produktong galing sa mga bansang Europeo kaya mula sa ika-
15 hanggang sa unang bahagi ng ika-18 siglo ay walang kalakalang naitatag sa pagitan
ng mga bansa. Nguni’t noong 1853, ang Amerikanong Commodore Matthew Perry ay
dumaong sa Look ng Edo ( Tokyo) at hiniling na magkaroon ng kalakalan sa pagitan ng
Amerika at Hapon. Ang Hapon ay pinamumunuan noon ng
Shogun. Sa dahilang napag-alaman ng Shogun ang
nangyaring digmaan sa pagitan ng Tsina at Britanya ay
minabuti nito na pumayag na lamang sa mga kasunduan sa
mga bansang Kanluranin. Kaya ang unang kasunduan na
nilagdaan ng Shogun ay noong 1854 sa pagitan ng Hapon
at Amerika. Nagsunuran na rin ang ibang mga bansa gaya
ng Britanya, Pransiya, Olandiya, at Rusya sa pagtatalaga ng
mga kasunduan sa kalakalan nguni’t ang nilalaman ng mga
ito ay karaniwang pabor sa mga nabanggit na bansa. Isang pangkat ng mga samurai
(warrior class) sa Hapon ang nagtalaga sa bagong Emperador na si, Mutsuhito. Kinilala
siya bilang Emperador Meiji ( Enlightened) kaya ang mga naging pinuno ng panahon na
iyon ay tinawag ding Meiji leaders.
Sa pamumuno ni Emperador Meiji ay nagpasimula ang pagsisikap ng mga
Hapones na bigyang sigla ang kanilang ekonomiya, magtatatag
ng mga imprastraktura at industrialisasyon. Nagpasimula rin
silang magpatayo ng mga paaralan na ang kurikulum ay ukol sa
pang-mundong pakikipag-ugnayan nguni’t nagbibigay diin sa
mga mag-aaral na mananatiling tapat sa kanilang pinagmulan at
bayan. Lumaki ang populasyon ng Hapon noong 1880 at naging positibo ito sapagka’t
ang populasyon ay ginamit na lakas paggawa upang magpatakbo ng mga industriyang
itinatag. Taong 1914 ay itinuturing na itong isa industrialisadong bansa sa buong
mundo. 20
Kinilala ang lakas at kapangyarihan ng Hapon ng sinakop nito ang Korea at
naging kolonya ito. Natalo niya ang bansang Tsina sa Sino-Japanese War noong 1895
at sa pamamagitan ng Kasunduan sa Shimonoseki ay ipinagkaloob sa Hapon bilang
bahagi ng kanyang imperyo ang Korea, Taiwan at mga isla ng Pescadores. Ang
pagkatalo ng Tsina sa Hapon ay pagpapakilala ng paghina ng lakas ng Dinastiyang
Qing. Nangangamba rin ang Hapon na magpatuloy ang pagpapalawak ng teritoryo ng
Rusya kaya noong 1904 ay sopresang nilusob ng hukbong mandaragat ng Hapon ang
Port Arthur, base naval ng Rusya sa Manchuria. Laking gulat ng marami ng manalo ang
mga Hapon sa labanan kaya naipakita ng Hapon na kayang talunin ng isang Asyanong
imperyo ang isang Kanluraning imperyo. Naging inspirasyon ito sa mga Asyanong
nasyonalisitko na naghahangad ng kalayaan sa kamay ng mga dayuhang Europeo. Sa
tuluyang pagiging bahagi ng teritoryo ng Hapon sa Korea noong 1910 ay lalo pa itong
naghangad ng pagpapalawak ng kanyang teritoryo sa mga dumating pang 35 taon.
Ang Timog-Silangang Asya
Ang Timog Silangang Asya ay binubuo ng dalawang bahagi ang
tinatawag na Mainland na binubuo ng mga bansang Thailand, Laos,
Vietnam, Cambodia at Burma(Myanmar) at ang mga isla gaya ng
Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Ang
mga Olandes ang unang nagtatatag
ng kalakalan sa East Indies o ang
Indonesia sa kasalukuyan. Sa
panahong iyon ay napakinabangan
ang mga hilaw na materyales na
matatagpuan sa arkipelago gaya ng kape, paminta, cinnamon, asukal, idigo, tsaa, mga
yamang mineral gaya ng copper at tin at ang mga matitigas na kahoy sa mga
kagubatan. Upang lalong pakinabangan ang mga produktong ito ay itinatag ng Olandiya
ang Dutch East Indies Company sa bahagi ng Timog Silangang Asya. Pinamunuan ng 21
mga Olandes ang East Indies sa mahabang panahon sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng puwersahang pagtratrabaho sa
mga mamamayan sa mga plantasyon nila at karaniwang
binabayaran sa mababang pasahod lamang.
Isang katutubong prinsipe ng isla ng Java na
nagngangalang Diponegoro, ang nagpasimula ng isang pagaalsa
laban sa mga Olandes. Tumagal ng sampung taon ang
labanan ngunit di ito nagtagumpay na pigilan ang pananakop
ng Olandiya sa East Indies, ang isla ng Java sa kasalukuyan.
Ang Pilipinas ay sinakop naman ng mga Kastila na
naglalayon ng pagpapalaganap ng Katolisismo at pangangalap ng mga yamang likas sa
mga isla. Ang sistemang sapilitang paggawa ay pinatupad din at ang mga malalaking
lupain ay inari ng mga Kastilang mayayaman na nanunungkulan sa Simbahan at
pamahalaang Kolonyal. Hindi lamang ang pangkabuhayan ang pinakinabangan ng mga
Kastila kundi ipinakilala rin nito ang kabihasnang Europeo na nagpabago sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Ang kanilang pananakop ay hinadlangan ng mga
Propagandista na naglalayon ng mga reporma at kapantayan sa mga karapatan ng
mga Pilipino sa mga Kastila. Nguni’t ang mga Katipunero o rebolusyonaryong Pilipino
ang nagpatuloy ng paghahangad na lumaya sa mga Kastila kaya isang malawakang
rebolusyon ang inilunsad noong 1896.
Sina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ang mga bayaning Pilipino na
nagpasimula ng pag-iisip sa kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga Kastilang
mananakop. 22
Ang namagitang labanan sa Espanya at Amerika ay naging dahilan sa
pagwawakas ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas sa loob ng 333 taon. Ang
Amerika na nangakong tutulong sa Pilipinas upang maging malayang bansa ang naging
panibagong mananakop naman nito. Nagtatatag ng mga pabrika, industriya at
pamilihan ang Amerika sa Pilipinas upang makasiguro sa matatag na kalakalan sa
dalawang bansa. Maging ang mga batas at ang pamahalaan ay inimpluwensiyahan din
upang sa kapakinabangan ng mananakop.
Ang Mainland Asia ay sinakop naman ng Pransiya at Britanya na gaya rin ng
kapwa mga bansang Europeo ay pinakinabangan ang yaman likas ng mga bansa dito
at nagsilbing tagapagluwas ng mga hilaw na materyal na kailangan sa kanilang mga
bansa. Ang pangkabuhayan, pulitika at lipunang pamumuhay ng mga tao ay
inimpluwensiyahan nila na kapwa may positibo at negatibong idinulot.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Kilalanin ang mga sumusunod na pangunahing Asyano na
nagkaroon ng kaugnayan sa panahon ng pananakop ng mga dayuhang Europeo. Ilagay
sa blangko sa kanan ang iyong sagot.
1. _______________________
2. _______________________
3. _______________________ 23
Tandaan Mo!
Ang Rebelyong Sepoy sa India ay naging upang magbago ng
sistema ng pamamahala ang mga British sa India.
Ang Boxer Rebellion sa Tsina ay inilunsad upang patalsikin ang mga
dayuhang mananakop.
Ang Panahong Meiji ang nagrestraktura ng pagbabago sa aspektong
pangkabuhayan tungo sa industrialisasyon sa Hapon
Ang mga yamang likas at mineral sa Timog Silangang Asya ang pangunahing salik
sa pananakop ng mga bansang Europeo.
Gawain 3: Paglalapat
Pagbibigay ng sariling opinyon: Sa iyong palagay naging pakinabang ba
o hindi ang nangyaring pananakop sa Asya? Bakit?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ 24
ARALIN 3
RESULTA AT EPEKTO NG IMPERYALISMO SA ASYA
Nag-iwan ng mabuti at di mabuting resulta at epekto ang imperyalismo sa
pamumuhay at pangkabuhayan ng Asya. Ilan sa mga ito ay ang pagiging pamilihan ng
mga hilaw na materyal ng mga dayuhan at laglagan ng kanilang mga produkto;
pagbubuo ng panggitnang pangkat ng tao sa lipunan; paglaganap ng sibilisasyong
kolonyal; at modernisasyon ng mga lipunang Asyano.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Makapagbibigay ng mga pangunahing resulta at epekto ng imperyalismo
sa Asya;
2. Masusuri ang mga pangunahing resulta at epekto ng imperyalismo sa
Asya;
3. Makapagbibigay ng sariling opinyon ukol sa resulta at epekto ng
imperyalismo sa Asya; at
4. Makaguguhit ng larawan ukol sa resulta at epekto ng imperyalismo sa
Asya.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Halo Letra: Iayos ang mga salita na nasa loob ng sobre. Isulat ang iyong
sagot sa ilalim.
________________________________________
OMSILAYNOLOK
GN
OTKEPE
TA
ATLUSER 25
Ang mahabang panahon ng pananakop ng mga Imperyong Europeo sa Asya
ay naging daan sa pagkakaroon ng mga pamilihan paglalaglagan ng mga produktong
galing sa mga bansang mananakop at pagkukunan ng mga hilaw na materyal na
kailangan ng mga bansa sa pagbuo ng kanilang mga produkto. Nasanay ang mga
Asyano sa paggamit ng mga produktong dayuhan kaya minabuti ng mga bansang
mananakop na maglagay na rin ng mga pabrikang bubuo sa mga hilaw na materyal na
galing sa mga kolonya. Ang natural na kapaligiran ng mga bansang Asyano ay untiunting
naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan. Malaking kita at pakinabang ang
naibigay ng mga pamilihan sa antas ng ekonomiya ng mga Europeong bansa nguni’t
nanatiling nakatali ang ekonomiya ng mga kolonya dito. Nagpatayo ng mga
imprastraktura ang mga mananakop upang maging mabilis ang pagdadala at
pagluluwas ng mga produkto.
Dahil dito ay isinilang ang mga Asyanong naging mangangalakal o middleman
ng mga produkto kaya sila ay umunlad din sa kanilang mga pamumuhay at nanatiling
mga tagapagtaguyod ng mga batas na magpapatibay sa kolonisasyon. Sila ay mga
nabigyan ng puwesto sa pamahalaan at ekonomiya kaya naging mahirap ang mga
ginawang pag-aalsa ng ilang mga patriotikong Asyano sa dahilang sila’y hindi
sumusuporta sa mga nasabing kilusan. Nais nilang manatili ang sistemang
pinatatakbong direkto o di direkto sa pamamagitan nila ng mga dayuhan. Ang
edukasyon ay naging instrumento rin para payapain ang mga Asyanong naghahangad
ng pagbabago sa dahilang ang mga nakapag-aral na ito ang nagdala ng bagong mga
ideolohiya tungo sa pagbabago sa kanilang mga bansa. Reporma ang kanilang sigaw
samantalang ang mas nakakarami ay separasyon naman ang nais. Ang paghahati na
ito ng antas ng uri ng mga mamamayan ay nagresulta sa dalawang sanga: ang
pagtatatag ng nasyon-estado sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga batas at Saligang
Batas o ang paglago ng dating bayan na pinanatili ang dating kalinangan bago
dumating ang mga dayuhang mananakop.
Maging ang mga paniniwala, pilosopiya at pananampalataya ng mga Asyano ay
pinalitan ng mga dayuhan kaya naging mabuti itong behikulo sa kanilang matagal na
panahon ng pananakop. 26
Kapansin-pansin din ang agwat ng antas ng ekonomiya ng mga bansang dating
kolonya at ang mga bansang mananakop. Mauunlad ang Britanya, Pransiya, Italya,
Olandiya, Amerika at iba pang mga bansa sa Europa dahil sa malaking pakinabang na
kanilang nakuha sa panahon ng kanilang mga pananakop. Ang salungatan sa mga
prinsipyo at pagkakaroon ng iba’t ibang antas ng tao sa lipunan ay di lubusang naging
daan para paunlarin ang kabuhayan ng mga bansang Asyano.
Nguni’t ang liberal na mga kaisipan ay nakatulong sa pagpukaw ng damdaming
makabayan o nasyonalismo sa mga bansang Asyano. Ito ang naging simula ng
pagbubuo pa ng mga kilusang nasyonalismo na naglalayong magpalaya ng mga
bansang Asyano sa kamay ng mga dayuhan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay naging pangmatagalang
epekto at resulta ng pananakop ng mga dayuhang Europeo sa
mga bansang Asyano. Ilagay ito sa malaking bilog sa ibaba. 27
Tandaan Mo!
Nag-iwan ng epekto at resultang positibo at negatibo ang
pananakop ng mga dayuhang Europeo sa mga bansang Asyano.
Ang pagkakaroon ng pamilihang laglagan ng mga produktong
dayuhan, pagpapatatag ng ekonomiya ng mga bansang mananakop,
pagkakaroon ng panggitnang uri ng mga mamamayan sa lipunan at pagbabago ng
mga lipunang Asyano ang ilan sa mga epekto ng imperyalismo.
Nag-iwan ng liberal na ideya sa mga Asyano ang panahon ng Imperyalismo na
naging instrumento sa pagbubuo ng mga Kilusang Nasyonalismo.
Gawain 3: Paglalapat
Gumawa ng isang maikling sanaysay ukol sa epekto at resulta ng
kolonyalismo sa lipunang Asyano. Maaari itong isulat sa inyong mga kuwaderno.28
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
� Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
� Ang imperyalismo ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang
makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong politika, pangkabuhayan at
kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado.
� Ang tatlong pangunahing anyo ng imperyalismo ay ang: colony, direktang
pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kolonya; protectorate, ang
imperyalistang bansa ay nagbibigay direksiyon sa patakarang panlabas at
pamahalaan ng kolonya at ang sphere of influence, ang isang rehiyon ng bansa
ay eksklusibong may pamumuhunan o trading rights ang imperyalistang bansa.
� Ang Rebelyong Sepoy sa India ay naging upang magbago ng sistema ng
pamamahala ang mga British sa India.
� Ang Boxer Rebellion sa Tsina ay inilunsad upang patalsikin ang mga dayuhang
mananakop.
� Ang Panahong Meiji ang nagrestraktura ng pagbabago sa aspektong
pangkabuhayan tungo sa industrialisasyon sa Hapon.
� Ang mga yamang likas at mineral sa Timog Silangang Asya ang pangunahing
salik sa pananakop ng mga bansang Europeo.
� Ang pagkakaroon ng pamilihang laglagan ng mga produktong dayuhan,
pagpapatatag ng ekonomiya ng mga bansang mananakop, pagkakaroon ng
panggitnang uri ng mga mamamayan sa lipunan at pagbabago ng mga lipunang
Asyano ang ilan sa mga epekto ng imperyalismo
� Nag-iwan ng liberal na ideya sa mga Asyano ang panahon ng Imperyalismo na
naging instrumento sa pagbubuo ng mga Kilusang Nasyonalismo. 29
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Isang katutubong prinsipe mula sa isla ng Java na nanguna sa pag-aalsa laban
sa mga Olandes
A. Diponegoro
B. Kukulkan
C. Ibarro
D. Nakamura
2. Gobernador o kinatawan ng mga maharlika na nangangasiwa sa East India
Company
A. Ministro
B. Hari
C. Viceroy
D. Pangulo
3. Amerikanong commodore na nakipagkasundo sa Shogun na Hapon upang
buksan ang kalakalan sa pagitan ng Hapon at Amerika
A. Henry Wainright
B. Matthew Perry
C. George Dewey
D. Douglas MacArthur
4. Ang mga sumusunod na bansa ay naging pangunahing mananakop sa mga
bansang Asyano maliban sa
A. Portugal
B. Espanya
C. Britanya
D. Sweden 30
5. Siya ay kinilalang Enlightened Emperor sa Hapon
A. Naruhito
B. Hirohito
C. Matsukuhito
D. Mustsuhito
6. Ang huling hari ng Dinastiyang Qing
A. Meng Fei
B. Pu Yi
C. Ba Ma
D. Chu Qing
7. Empress Dowager ng Tsina na sumuporta sa kilusan laban sa mga dayuhang
mananakop
A. Li Yi
B. Chi chi
C. Ci Xi
D. Li Po
8. Mga sundalo sa India sa panahon ng pananakop ng mga British na nag-alsa
dahil sa pagsisimulang pagbabago ng kultural na aspeto ng lipunan
A. Sepoy
B. Sikh
C. Hindus
D. Hathor
9. Kasunduan na naging daan sa pagiging kolonya ng Pilipinas sa mga Amerikano
A. Kasunduan sa Shimoneseki
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduan sa Vienna
D. Kasunduan sa Ghent 31
10. Unang naging kolonya ng pananakop ng Hapon
A. Macau
B. Mongolia
C. Hong Kong
D. Korea
11. Digmaan naging daan ng pagbubukas ng mga daungan sa kalakalan ng Tsina
para sa Britanya
A. Morphine War
B. Shabu War
C. Opium War
D. Flower War
12. Kilalang tawag sa bumubuo sa sikretong organisasyon ng mga Tsino na ang
layunin ay patalsikin ang mga dayuhan sa Tsina
A. Taekwendo masters
B. Boxers
C. Kung Fu
D. Tai Chi
13. Isang simpleng proseso ng pagpupunyagi ng mga malalakas at malalaking
nasyon-estado na dominahan, sakupin at gamitan ng lakas ang mga mahihina at
maliliit na nasyon-estado
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Nasyonalismo
D. Komunismo 32
14. Unang president eng Republika ng Tsina
A. Mao Xe Dong
B. Sun Yat Sen
C. Chiang Kai Shek
D. Deng Xiao Ping
15. Teoryang pinalaganap ng mga Ingles sa paniniwalang patataasin nila ang antas
ng sibilisasyon ng mga kolonya
A. Ethical Policy
B. Civilizing Mission
C. Culture System
D. Propaganda
16. Teritoryo na direktong pinangangasiwaan ng isang imperyalistikong bansa
A. Protectorate
B. Colony
C. Sphere of Influence
D. Civilizing mission
17. Empress ng India
A. Victoria
B. Elizabeth
C. Margaret
D. Diana
18. Ang mga sumusunod na bansa ay naging bahagi ng sphere of influence sa
Tsina maliban sa
A. Rusya
B. Britanya
C. Norway
D. Hapon 33
19. Sa pagwawagi ng Hapon sa labanang Russo-Japanese War ang mga
sumsunod na teritoryo ay naging bahagi ng kanyang imperyo maliban sa
A. Burma
B. Korea
C. Pescadores
D. Manchuria
20. Kolonya na may sariling pamahalaan nguni’t tinutulungan at indirektong
pinangangasiwaan ng bansang mananakop
A. Sphere of Influence
B. Protectorate
C. Colony
D. Civilizing Mission 34
GABAY SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. B
2. B
3. D
4. A
5. B
6. C
7. A
8. C
9. D
10. A
11. C
12. A
13. C
14. B
15. C
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. A
2. C
3. B
4. D
5. C
6. B
7. C
8. A
9. B
10. D
11. C
12. B
13. A
14. B
15. B
16. B
17. A
18. C
19. A
20. B
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 8
ANG PAGSIBOL AT PAGSILANG NG
NASYONALISMO SA ASYA
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City 2
MODYUL 8
ANG PAGSIBOL AT PAGSILANG NG
NASYONALISMO SA ASYA
Ang mga patakarang di makatwiran na pinasunod, ang mga karapatang
ipinagkait ng mga mananakop sa mga bansang Asyano at mga patakarang di nagdulot
ng kaunlaran ay ilan sa mga pangunahing naging dahilan sa pagsibol at pagsiiang ng
nasyonalismo sa Asya. Naging tugon ang mga kilusan sa mga pang-aabuso at
pagsasamantala ng mga Kanluranin lalo na sa pag-aangkin at malabis na paggamit ng
mga likas na yaman ng mga bansang Asyano. Itinuring ang mga bansang Asyano
bilang ekstensiyon ng produktong Kanluranin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga
pamilihan at mga industriyang dayuhan na bubuo ng kanilang mga iniluluwas na mga
produkto. Ang mga patakarang pangkabuhayan ay pinanatlll ang pagiging depende ng
mga bansang Asyano sa mga Kanluranln.
Ngunit sa pagpasok ng mga kaislpang liberal at ideya ng demokrasya ay
naghangad ang mga Asyano ng kalayaan sa pananakop ng mga bansang Kanluranin.
Ang pangunahing layunin ng mga inilunsad na kilusan ay wakasan ang panghihimasok
ng mga Kanluranin sa kanilang kabuhayan at pamumuhay. Ang unang bahagi ay
karaniwang reporma lamang sa pamamalakad at mga patakaran ang hinihingi ng mga
Asyano ngunit nauwl rin ito sa mga himagsikan lalo na ng kanilang hilingin ang
separasyon sa mga mananakop.
May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Nasyonalismo sa Silangang Asya
Aralin 2: Nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
Aralin 3: Nasyonalismo sa Timog Asya
Aralin 4: Nasyonalismo sa Timog-Kanlurang Asya 3
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng Nasyonalismo bilang pamamaraan sa
paghahangad ng kalayaan at pagsasarili;
2. Maipaghahambing ang mga pamamaraang ginamit ng Asyano sa pagkakamit
ng kalayaan mula sa mga Kanluraning mananakop;
3. Makikiiala ang mga Asyanong lider na naging kasangkapan sa pagkakamit ng
kalayaan ng mga bansang Asyano;
4. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa Asya;
5. Maituturo sa mapa ang mga bansang Asyano na naghangad ng kalayaan mula
sa mga Kanturaning mananakop; at
6. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga
kilusang pangkalakalan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Asyano.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo. 4
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila'y magbuklod at
labanan ang mga dayuhang mananakop.
A. Imperyalismo
B. Nasyonalismo
C. Komunismo
D. Kolonyalismo
2. Dalawang pamamaraan sa pagkakamit ng kalayaan ay:
A. Imperyalismo at Kolonyalismo
B. Civilizing Mission at Ethical Policy
C. Aktibo at Pasibo
D. Reporma at Propaganda
3. Kilusang inilunsad ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sa
pamamalakad ng mga Kastlla at pantay na pagtrato sa mga Pilipino at Kastila.
A. Budi Utomo
B. Katlpunan
C. Kuomintang
D. Propaganda
4. Puwersa o lakas ng kaluluwa upang labanan ang pwersa ng armas.
A. Ahimsa
B. Samsara
C. Karma
D. Sudra
5. Naging pangunahing tagapagtaguyod ng pagbubuo ng isang nagsasariling
Pakistan.
A. Mahatma Gandhi
B. Mohammed Ali Jinnah
C. Jawaharlal Nehru
D. Mustafa Kemal
6. Pampulitikang sistema ng pamumuno ng mga mag-kakamag-anak sa Tsina.
A. Shogunato
B. Monarklya
C. Teokrasya
D. Dinastiya 5
7. Ama ng Komunismo saTsina.
A. Chou En Lai
B. Mao Zedong
C. Sun Yat Sen
D. Henry Pu Yi
8. Panahon na ang bansang Hapon ay dl nakipag-ugnayan sa mga dayuhang
mangangalakal at misyonero maliban sa pagbubukas ng ilang daungan para sa
paklkipagkalakalan sa mga Olandes.
A. Isolasyon
B. Negosasyon
C. Pagsasarili
D. Programang Haponisasyon
9. Ang mga sumusunod ay mga digmaang kinasangkutan ng bansang Hapon
maliban sa:
A. Russo-Japanese
B. Sino-Japanese
C. Filipino-Japanese
D. Dutch-Japanese
10. Ang mga sumusunod ay kinilalang bahagi ng teritoryong French Indo-Tsina o
mga teritoryong sinakop ng bansang Pransiya sa Timog Sllangang Asya maliban
sa:
A. Thailand
B. Annam
C. Cambodia
D. Laos
11. Nasyonalistikong pinuno ng Vietnam na nasalamin ang pagkakamit ng kalayaan
sa pamamagitan ng pamamaraang Komunlsmo.
A. Ho Chi Minh
B. Sun Yat Sen
C. Mao Zedong
D. Deng Xiao Ping
12. Pamamaraan ng pang -aagaw ng militar ng pangkasalukuyang kapangyarihan
ng pamahalaan upang magtatag ng panibago.
A. Rebolusyon
B. Coup d' etat
C. Reporma
D. Kolonisasyon 6
13. Ama ng mga Turko at naging kasangkapan sa paghihiwalay ng pamahalaan at
ng relihiyong Islam sa kanilang llpunan.
A. Sultan Abdul Hamid
B. Mehmed V
C. Mustafa Kemal
D. Mohammed Reza Pahlavi
14. PInuno ng sektang Shiite sa Iran at naging kasangkapan sa pagbabalik ng
tradisyunal na pamumuhay sa bansa.
A. Muatafa Kemal
B. Mohammed Reza Pahlavi
C. Ayatollah Ruhollah Khoemeini
D. Sultan Abdul Hamid
15. Naghangad ng pagbubuklod ng mga maliliit na kaharian sa peninsulang Arabe
ngunit tinutulan ng pwersang Europeo.
A. Haring Husein Ibn Ali
B. Sultan Abdul Hamid
C. Haring Faisal
D. Haring Husein Ibn Saud 7
ARALIN 1
NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA
Ang lawak ng kalupaan at likas na yaman ng bansang Tsina ang naging panghikayat
sa mga bansang Kanluranin na naisin na ito'y sakupin at maging bahagi ng
kanilang ekspansiyon sa Silangan. Ang Britanya, Pransiya, Alemanya, Rusya, at Hapon
ay ilan sa mga bansa na nagkaroon ng kapaklnabangan sa ilang bahagi ng Tslna bilang
spheres of influence. Ilang mga kasunduan na maituturing na panig sa mga dayuhan
ang ipinalabas at naging daan sa pag-aangkin sa ilang bahagi ng Tsina gaya ng Hong
Kong sa Britanya, Taiwan sa Hapon at ang Manchuria bIlang daungang pangkatubigan
ng Rusya. Ang Kilusang itinatag ni Empress Dowager Ci Xi (Tsu Shi) na binubuo ng
mga mandirigmang may kaalaman sa martial arts ay nakatulong upang
pansamantalang pigilan ang pananakop ng mga dayunan ngunit ang mga Emperador
ng Tsino na humina ang kapangyarihang pulitikal ay napilitang makipag-kompromlso
sa pamamagltan ng pagpayag sa mga di makatwirang mga kasunduan. Ang pagtatatag
ng Republika ng Tsina ay nagwakas lamang sa dinastiyang pamumuno ngunit di ang
pananatili ng mga dayuhang mananakop. Ang pagyakap sa sistemang Komunismo na
pinamunuan ni Mao Zedong ay naging mabisang instrumento upang tuluyang patalsikin
ang mga dayuhan at maitatag ang People's Republic of China.
Ang bahagi ng isolasyon o pansamantalang pagsasara ng mga daungan para sa
kalakalan at misyonerong Kristiyano sa bansang Hapon ay nagdulot ng mahabang
panahon ng pagsasarili ng bansa. Ngunit ang mga Amerikanong namumuhunan ay
nagkaroon ng malaking inleres na buksan ang kalakalan sa pagitan ng Hapon at
Amerika. Sa tulong ni Commodore Matthew Perry ay sapilitang nabuksan ang kalakalan
noong 1853 sa pagitan ng Hapon at Amerika. Upang maiwasan ang mahabang
panahon ng pakikipaglaban sa mga dayuhang Kanluranin ay nilagdaan ng Shogun ng
Hapon ang Kasunduan sa Kanagawa noong Marso 1854. Ang kasunduan na ito'y
nagbigay ng limitadong karapatan sa kalakalan sa mga dayuhan. Nagpatuloy pa rin sa
bukas na kalakalan sa mga dayuhan ang bansang Hapon ngunit nagkaroon ng
dalawang uri ng paghahangad ang mga Hapones na mabawasan ang ugnayan na ito. 8
Gaya ng ginawa ng mga Choshu at Satsuma samurai ay nilabanan nila ang mga
dayuhang mangangalakal na nagnanais na magpasok ng mga kalakal sa kanliang mga
daungan. Ang isa namang pangkat na pinamunuan ni Emperador Mutsuhito ay nag-isip
ng paraan kung paanong ang mga kaalaman at produktong dala-dala ng mga dayuhan
ay makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang sariling mga produkto. TInawag ang
panahong ito bilang Meiji Era o Enlightened na pamahalaan.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Makikilala ang mga lider na Tsino at Hapones na naging kasangkapan sa
pagkakamit ng kalayaan ng Tslna at Hapon;
2. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa Tsina at
Hapon;
3. Maituturo sa mapa ng Asya ang mga bansang Tsina at Hapon; at
4. Mabibigyang pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga
Kilusang Pangkalayaan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Tsino at
Hapones.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ipaliwanag ang iyong pakahulugan sa larawan sa ibaba. Ano sa iyong palagay
ang kaugnayan nito sa pagtatatag ng nasyonallsmo sa bansang Hapon? Kilala mo ba
ang mga lider na Hapones na nagkaroon ng kaugnayan sa modernisasyon ng Hapon?
Kiialanin mo sila sa pamamagitan ng paghahanap ng kanilang mga pangalan sa ilalim.
9
¾ Ito Hirobumi – kinilalang arkitekto ng Modernisasyon sa bansang Hapon
¾ Saigo Takamori – nagbalik sa Emperador Meiji noong 1868
¾ Hara Takashi - unang Punong Ministro ng Hapon na nagsulong ng
konserbatibong pamahalaan laban sa mga Kanluraning ideyang pulitikal
Dahil ang pagtuturing ng Tslna sa kanyang kaharian noong panahon ng
Dinastiyang Manchu ay mas superyor kaysa sa mga dayuhang nasyon, ginawa niyang
patakaran na ang mga bansa na nagnanais na magkaroon ng pakikipagkalakalan sa
haharian ay dapat maging kabahagi ng sistemang tributo. Ang mga representante ng
kaharian ng mga dayuhan ay kailangang sumunod sa mga naisin ng emperador upang
maging maayos ang sistema ng kalakalan at may kinakailangang ritwal na dapat sundin
lalo na sa pagbibigay-halaga sa emperador na Tsino. Ang popularidad ng produktong
seda at tsaa ng Tsina sa Europa ay naging daan upang naisin ng Britanya na
magkaroon ng matatag na pakikipagkalakalan sa Tsina. Nang dumating si Lord
McCartney bilang representante ng Hari ng Britanya sa Tsina ay nagkaroon ng di
pagkakaunawaan sa pamamaraan ng pagpupugay na kailangang ibigay sa Emperador
Tslno. Ang kowtow ay ang pagluhod sa dalawang tuhod ng isang dayuhan sa harapan
ng Emperador Tsino ngunit isang tuhod lang ang kanyang ginawang pagluhod sapagkat
para sa mga Ingles ganito ang kanilang pamamaraan ng pagpupugay sa kanilang Hari.
Ikalawa ang kanyang mga dalang regalo na karaniwang mga imbensiyon nila ay
pinakahulugan ng Emperador na tributo at di regalo. Ipinakikita sa pangyayaring ito ang
magkaibang perspektibo ng dalawang kaharian.
Nagpadala ng sulat ang Emperador Tsino sa Hari ng Inglatera at binigyang- diin
na di niya kailangan ang tributo sa dahilang ang Tslna ay biniyayaan na ng maraming
yaman kaya ang ginagawa niya ay hatiin ito sa mga nagnanais na makipagkalakalan sa
kanila. Ang kasikatan ng produktong Tsino sa Europa ay patuloy na naglunsad ng
pangangailangan sa mga Europeong makabili ng mga ito. 10
Kinakailangan nilang magkaroon ng maraming bilang ng silver upang
maipambayad sa produktong Tslno. Kaya ang ginawa ng Britanya upang magkaroon
siya ng maraming bllang ng silver ay nag-angkat ng opyo sa India at pinagbili sa Tsina.
Ang kalakalang ito'y nalaman ng mga opisyales na Tsino kaya ito'y dagliang pinagbawal
at tinutulan. Pinagsimulan ito ng labanan sa pagitan ng dalawang kaharian at ang
pagkatalo ng mga pinunong Manchu sa nasabing DIgmaan sa Opyo ay naging
pasimula ng kanilang paghina sa kapangyarihan.
Ito rin ang naging daan sa pagpasok sa mga di makatwirang kasunduan ng
Tsina na naging daan ng pagkakaroon ng spheres of influence ng mga bansang
Europeo sa kanyang teritoryo.
Kaalinsabay nito ay may mga pangkat din ng mga Tsino na naghahangad na ng
pagpapalit ng pamamalakad ng mga dinastiya tungo sa isang Republika. Ang paghahati
at pagbubukas ng mga daungan sa Tsina ay naging daan din sa pagpasok ng mga
ideyang liberal. Mga sikretong kilusan ang itinatag upang bigyan ng solusyon ang
problemang pulitikal ng Dinastiyang Manchu. Nabuo muna ang Kilusan ng mga Boxers 11
na patuloy na naniniwala na ang Tslna ay di kailangang yumakap sa mga ideyang
makabago at liberal. Nagtagumpay sila na palayasin ang mga dayuhan sa Tsina at ang
mga Kristiyanong Tsino.
Matapos ang pagtatagumpay ng kilusang ito laban sa mga dayuhan ay minabuti
ng mga bansang Europeo na sama-samang labanan ang pwersa ng pinunong Tsino at
kanilang pinagtagumpayan ito. Ang paghina ng kapangyarihan ng Emperador Tsino ay
naging daan sa pagsilang naman ng Republika ng Tsina sa pangunguna ni Dr. Sun Yat
Sen sa ilalim ng Partido Kuomintang. Tatlong prinslpyo ang kanyang isinulong:
Nasyonalismo, demokrasya at pagbabago sa pangkabuhayan ng mga tao. Ang
nasyonalismo ay nangangahulugan ng pag-usbong ng pambansang pagkakalsa at
tuluyang pagpapaalis sa mga dayuhang kapangyarihan sa Tsina. Ang demokrasya ay
nagbibigay-diin sa pagbubuo ng isang pamahalaang konstltusyonal na pinagsama ang
Kanluranin at tradisyunal na Tsino upang palitan ang absolutong monarkiya. Ang
pagbabago naman sa pangkabuhayan ng mga tao ay kumakatawan sa tamang
pamamahagi ng lupa at ang pagtulong ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga industriya
na magbabawas sa pagiging depende ng mga Tsino sa dayuhang kalakal.
Ang Panahon ng Tokugawa sa pamumuno ni Shogun leyashu ng bansang
Hapon ay nagbigay-daan sa pagpapatupad ng patakarang isolasyon nito sa mga
bansang Kanluranin. Ang mga Shogun ng Tokugawa ay naghigpit sa pagpasok ng iba't
ibang kaisipan at pananampalataya sa Hapon. Ang mga Europeo ay nagkaroon lamang
ng pagkakataon na makipagkalakalan sa bahagi ng isla ng Dejma sa may daungan ng
Nagasaki. Taong 1720 nang nagkaroon ng pagsususog ang nasabing patakaran ng
pinayagan ni Shogun Yosnimune ang pagpasok ng mga Europeong aklat sa bansa. Ito
ang nagbukas ng kaisipan sa mga dayuhang bansa lalo na sa Estados Unidos na
maghangad ng pagtatatag ng permanente at matatag na kalakalan sa pagitan ng
Estados Unidos at Hapon. Sa pamamagitan ng Amerikanong Commodore na si
Matthew Perry ay nagkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa noong Marso 31,1854
upang pasimulan ang kanilang kalakalan. Ngunit ang mga sumunod pang kasunduan
na pinasukan ng mga Shogun na Hapon ay nagbukas lamang ng mas malaking
pribelehiyong pang-kalakalan sa mga Kanluranin at pagpapakilala ng paghina ng
pamumuno ng mga Shogun. 12
Ang bansang Hapon sa panahong Tokugawa
Isang pangkat ng mga kabataang Samurai mula sa Satsuma, Choshu ang
nagbigay diin sa paghahangad ng pagbabalik ng Emperador na Hapon at motibasyon
sa pag-atake sa mga militar at mga dayuhang barko.
Upang wakasan ang paglaganap ng kaguluhan sa Hapon ay naitalaga si
Emperador Meiji o si dating Prinsipe Mutsuhito bilang puno ng pamahalaan.
Pinasimulan niya ang modernisasyon ng bansang Hapon sa pamamagitan ng
modipikasyon ng mga sistemang Kanluranin sa aspetong pangkabuhayan, pulitikal at
sosyo-kultural ng bansa. Ito ang naging pasimula ng ekspansiyon ng Hapon sa kanyang
teritoryo at pagpasok sa iba't ibang digmaan gaya ng Sino-Japanese War at RussoJapanese
War. Ang pagpapalakas ng kanyang hukbong - militar ay naging daan sa
pagbubuo ng agresibong nasyonalismo sa kanyang bansa.
Sa Panahong Showa, sa pamumuno ni Emperador Hirohito ay ipinagpatuloy ang
mabilis na modernisasyon ng Hapon at nakasangkot din sa mga pangdaigdigang
digmaan. Ngunit daan ito sa pagbubuo ng marubdob na pagmamahal ng mga Hapon sa
kanilang bansa gaya ng ipinakitang kabayanihan ng mga piloto sa mga eroplanong
Kamikaze noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 13
Ang batang Emperador Hirohito sa Panahong Showa ng Hapon
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Kung ikaw ang papipiliin, alin sa ginamit na pamamaraan ng mga Tsino at
Hapones ang naging mabisang pamamaraan sa pagbangon ng damdaming
Nasyonalismo sa kanilang mga bansa? Bakit?
Tandaan Mo!
Ang Dinastiyang Manchu ng Tsina ay itinuturing na superior ang
kahariang Tsino lalo na sa aspetong kalakalan sa mga dayuhang
bansa.
Ang popularidad ng tsaa at seda ay naging daan sa paghahangad ng
matatag na kalakalan ng Britanya sa Tsina.
Ang kowtow ay isang pamamaraan ng pagluhod na ibinibigay ng isang dayuhang
mangangalakal sa Haring Tsino bilang bahagi ng kanyang pag-respeto sa pinuno.
Ang spheres of influence ay bahagi ng teritoryong Tsina ngunit pinangangasiwaan
sa aspetong pang-ekonomiya ng isang bansang dayuhan.
Ang Panahon ng Isolasyon ay naging daan upang masugpo ng Hapon ang mabilis
na paglaganap ng Kanluraning kaisipan at pananampalataya.
Ang Panahong Meiji ay naging daan sa modernisasyon ng lipunang Hapon sa
aspetong pangkabuhayan, pulitika, at sosyo-kultural.14
Gawain 3: Paglalapat
PAGBIBIGAY NG SARILING OPINYON
Sa iyong palagay, ang isolasyon o pagpigil ng pagpasok ng ibang
kaisipan, pilosopiya at pananampalataya sa ibang bansa ay
makatutulong ba upang lalong maging matatag ang isang lipunan sa kanyang
pangkabuhayan at kalinangan? Bakit?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
ARALIN 2
NASYONALISMO SA TIMOG-SILANGANG ASYA
Iba't iba ang pamamaraang ginamit ng mga naging pinunong Iider sa mga
kilusang naghangad ng paglaya sa mga Europeong mananakop sa rehiyon ng TimogSilangang
Asya. Naghain ang mga Asyano ng mga reporma, nagbuo ng mga
makabayang organisasyon, at nang lumaon ay gumamit din ng mga madugong
pakikihamok laban sa kanilang mananakop upang mapagtagumpayan nila ang kanilang
paghahangad sa pagsasarili. Nakilala sa Indonesia bilang tagapagtaguyod ng kalayaan
sina Prinsipe DIponegoro at Tungka Umar na buong giting na nakipaglaban sa mga
Olandes. Ang Budi Utomo, isang makabayang organisasyon na itinatag ni Waidin
Sudara Usada ay naging daan sa pagbubukas ng mga paaralan na nagtaguycd ng mga
reporma sa kanilang bansa.
Sa Pillplnas, ang Kilusang Propaganda na itinaguyod ng mga ilustradong Pllipino
ang naglatag ng kaisipang paglaya sa pamamagitan ng mga pahayagan, nobela at
makabayang aklat. Ang Katipunan na noong una ay isang sikretong organisasyon laban 15
sa mga Kastila ang naging kasangkapan sa pagsasakatuparan ng paglaya sa mga
dayuhang mananakop.
Ang pagwawakas ng pananakop ng mga Pranses sa Vietnam ay naging
katotohanan sa pamamagitan ng Partidong Viet Minh o kilusan ukol sa pagsasarili ng
bansang Vietnam. Si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh, ang nasyonalistikong pinuno ng
partido, ang naging pangunahing kasangkapan sa paglaya ng kanilang bansa.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Makikilala ang mga lider na nanguna upang makamit ang kalayaan ng mga
bansa sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya;
2. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa mga
bansa sa Timog-Silangang Asya;
3. Maituturo sa mapa ng Asya ang mga bansa saTimog-Sllangang Asya na
naghangad ng paglaya sa mga dayuhang mananakop; at
4. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng
mga kilusang pangkalayaan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga
mamamayan sa Timog-Silangang Asya.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Kilalanin mo ang nasa larawan. Ano ang naging kaugnayan niya sa
paghahangad ng kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga Kastila? Bakit siya itinuring na
pambansang bayani ng mga Pilipino? Ipaliwanag. 16
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Ang mga Olandes ay matagal na naging mananakop sa Dutch East Indies o
Indonesia sa kasalukuyan. Matagal nilang kinontrol ang ekonomiya ng bansa at
nagtatag ng kompanyang Dutch East India Company upang patuloy na pakinabangan
ang mga Iikas na yaman, hilaw na materyales at mga panlasa (spices) na marami sa
nasabing lugar. Ang pulitikal na pamamamalakad ay patuloy pa ring ibinigay sa mga
lokal na pinuno ngunit ang mga Olandes ay nagsilbing mga tagapayo lalong lalo na sa
paggawa at pagpapatupad ng mga batas. Ang sistema ukol sa sapilitang pagbibigay ng
ikalimang bahagi o mas malaki pa dito ng taniman ng mga magsasaka sa mga
produktong nais ipatanim ng mga Olandes sa dahilang ito ang kanilang iniluluwas
upang pagkakitaan ay naging daan sa kakulangan ng makakaing bigas ng mga Indones
at nagresulta sa malawakang taggutom sa lugar. Dahil dito, si Prinsipe Diponegoro ng
Java, isa sa malaking isla ng Indonesia, ay nanguna sa isang pag-aalsa na
nagpasimula noong 1825-1830. Tinagurian siyang "Prince Liberator". Siya ay
sinuportahan ng mga magsasaka at ng mga mayayaman na nawalan ng pagkakataon
na mag-ari ng mga lupa dahil sa batas kolonyal na pinatupad ng mga Olandes. Ang
batas kolonyal na ito ukol sa pag-aari ng lupa ay pinaboran lamang ang mga Tsino at
mga Europeo na mag-ari ng lupa.
Ang kanyang pakikihamok ay naging daan sa paghina ng sandatahang panlakas
ng mga dayuhan ngunit ito'y nasugpo ng mga Olandes noong 1830 hanggang sa siya'y
mapilitang sumuko sa mga ito. Siya ay ipinatapon sa isla ng Makassar sa Celebes at
doon na namatay nang taong 1855. Hanggang sa kasalukuyan ay pinararangalan pa rin
ng mga Indones ang kagitingan ni Prinsipe Diponegoro sa pamamagitan ng isang
pamantasan na ipinangalan sa kanya sa Semarang.17
Ang isa sa kinikilalang Templo ng Hinduismo sa Java, Indonesia na naitayo
noong panahon ng Dinastiyang Sailendra
Ang mga Acehnese ng Hilagang Sumatra ay naglunsad din ng pakikidigma laban
sa mga Olandes sa pangunguna ni Tungka Umar noong 1873-1908. Malaki ang naging
gastos ng mga Olandes upang pigilan ang nasabing digmaan ngunit natalo man ang
mga Indones hindi naman nito napigilan ang pagkalat pa ng iba't ibang kilusan sa
paghahangad ng kalayaan dito. Ang mga paaralang itinayo rin ng mga Olandes ay
naging kasangkapan upang ang malaking bahagi ng populasyon ng Indonesia ay
makapag-aral at marami sa kanila ang nakakamit ng mataas na posisyon sa
pamahalaan. Sa mga nakapag-aral na ito ay mayroong naging kasangkapan sa
pagnanais na panatilihin ang kanilang mga tradisyon at paniniwala laban sa kulturang
dinala ng mga dayuhang mananakop. Ang pagtatatag ng Sarekat lslam ni Umar Said
Tjokroaminoto sa Java ay naging daan upang pahinain ang monopolyo ng mga Tsino
sa kalakalan sa Indonesia. Noong 1919 ay maraming bilang pa ng mga mangangalakal
na Indones ang sumapi sa samahan na labis na ikinabahala ng mga Olandes kaya ito
ay kanilang nilansag. Ang layunin ng samahan ay ang pagpapatanyag ng mga
pangkomersyong ginawa ng mga Indones; pangkabuhayang suporta at pagtulong sa
mga kasapi; pagpapataas ng pangkaisipan at materyal na pangangailangan ng mga
Indones; at proteksiyon sa relihiyong Islam. 18
Ang Kilusang Propaganda at Himagsikang Pilipino
Kaalinsabay ng pagpasok ng mga kaisipang liberal sa Pilipinas ay ang
pagsisimula ng pag-usbong ng dalawang nasyonalismo. Unti - unting nagising ang
kaisipan ng mga Pilipino ukol sa diskriminasyong pinairal sa bansa ng mga mananakop
na nagresulta sa mga di makatarungan at makataong mga patakarang pinatupad.
Pinasimulan at nabuo ang Kilusang Propaganda ng mga ilustrado at edukadong mga
Pilipino na ang naging layunin ay ang paghiling sa pagkakapantay-pantay ng mga
Pilipino sa mga Kastila; maging lalawigan ang Pilipinas ng bansang Espanya; at ang
pagbabago sa pamamaraan ng pamamahala ng mga Kaslita. Pangunahin nilang
ginamit ang papel at pluma, mga talumpati, at pamamahayag upang maiparating sa
Espanya ang tunay na sitwasyon sa Pilipinas at humiling ng mga reporma. Naging kilala
at tanyag sa kanilang mga sulatin at pamamahayag sina Jose Rizal, Marcelo H. Del
Pilar, at Graciano Lopez Jaena. Ipinahayag nila sa kanilang mga sulatin ang kabulukan
at kanser ng pamahalaang kolonyal at ang malabis na pang-aabuso ng mga prayle sa
mga Pilipino. Isinulong din ng mga Pilipinong pari sa pangunguna ng tatlong paring
martir ang Pilipinisasyon o Sekularisasyon ng mga parokya. Ang sinasapantaha nilang
paghawak ng mga parokya ay di tuluyang naisakatuparan sa dahilang tumutol ang
Simbahang Katoliko na ang maaaring paghawak ng mga Pilipino sa mga parokya ay
maaaring magpasimula ng kanilang pagbubuklod at pagkukuwestiyon sa
kapangyarihan ng Simbahan. Ang mapangahas na mga nobelang Noli Me Tangere at
El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal ay naging mabisang instrumento upang
pukawin ang damdaming makabansa ng mga Pilipino. 19
Ang kanilang kahilingan na reporma para sa Pilipinas ay naisantabi lamang. Kaya ang
tunay na kahulugan ng kalayaan ay isinakatuparan ng Katipunan. Ang Katipunan noong
una ay nagsilbing sikretong organisasyon laban sa pamumuno ng mga Kastila. Sa
pamumuno ng Supremo na si Andres Bonifacio ay minithi ng mga Katipunero ang
tuluyang separasyon at paglaya sa pamahalaang kolonyal. Gumamit sila ng
pakikihamok at himagsikan upang makamtan ang minimithing kalayaan. Ang
Rebolusyong 1896 ay lumaganap sa buong kapuluan at nagsilbing repleksiyon sa mga
Kastila sa nais na paglaya ng mga Pilipino. Taong 1898 ay lumaya ang mga Pilipino sa
mga Kastila at naging daan sa pagbubuo ng nasyon-estado.
Ang mga kilusang nasyonalismo ay nagpatuloy pa rin maging sa ilalim ng
pananakop ng mga Amerikano. Ito'y karaniwang makikita sa aspeto ng panitikan at
literatura gaya ng mga dula at kuwentong makabayan. Bagamat nakipagtulungan ang
ibang lider na Pilipino, ninais pa rin ng nakararaming lumaya at makitang tuwirang
pinatatakbo ang pamahalaan ng mga Pilipino. Ang Pilipinas ang pinakaunang bansa sa
Asya na lumaya sa kamay ng mga mananakop pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. 20
Ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng paglaya ng Pilipinas sa kamay ng
mga mananakop
Ang ipinakitang pagtutol at paglaban ng mga Pilipino sa mga mananakop ay
lubhang napakahalaga sa kasaysayan ng nasyonalismo sa Asya. Naging modelo sa
mga bansang sakop na kumilos at labanan ang mga mananakop.
Ang Nasyonalismo sa Vietnam at si Ho Chih Minh
Naging kabilang sa teritoryong French Indo-Tslna ang mga kasalukuyang bansa
ng Cambodia, Laos, at Vietnam. Sa Vietnam o sa kahariang Annam umusbong ang
marubdob na paghahangad ng kalayaan laban sa mga dayuhang Pranses. Nagsilbing
inspirasyon sa mga Vietnamese ang Rebelyong Boxer sa Tsina na ang naging
pangunahing layunin ay ang paalisin ang mga dayuhan at hadlangan ang pagpasok ng
Kristiyanismo. Nagnais silang lumaya sa pamamahala ng mga Pranses na sa
mahabang panahon ay pinakinabangan ang kanilang natural na kapaligiran.
Ang pagtatatag ng Partido Kuomintang sa Tsina at pagbabago ng sistema ng
pamumuhay nila tungo sa Komunismo ay nagbigay muli ng lakas ng loob sa mga
Vietnamese upang tahakin ang landas sa paglaban sa mga dayuhang mananakop.
Ang pagtatatag ng Partido ng mga Nasyonalistikong Annamite noong 1927 ay
naging pasimula sa kanilang paghahangad ng kalayaan. Isa sa naging kilala at
rebolusyonaryong lider ng kilusan ay si Nguyen-Ai-Quoc o Ho Chi Minh.
21
Si Ho Chih Minh ay isang nasyonalistikong pinuno ng Vietnam na sinalamin ang
kalayaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa pamamaraang Komunismo. Nilayon nito
ang pagbabawas ng pagbubuwisan, redistribusyon ng mga lupa, at pag-alis ng
pwersahang pakikilahok sa lakas-militar ng mga Vietnamese sa pwersa ng Pransiya.
Pinalakas ni Ho Chih Minh ang kilusan dahil nais nitong muling kunin ang Hanoi at
Saigon sa mga dayuhang mananakop at isunod ang deklarasyon ukol sa Repubilka ng
Vietnam. Naging isang malaking pagkabigla sa panig ng pwersang Pranses ang
ipinakitang pakikihamok ng mga Vietnamese sa ilalim ng pamumuno ni Ho Chih Minh.
Dahil dito ay dagliang nagpatawag ng isang pagpupulong ang Pransiya sa Potsdam,
Alemanya kasama ang kanyang mga kaalyansang bansa. Ang ginawang ito ng
Pransiya ay di nagdulot ng mabuti para sa paningin ng mga Vietnamese. Bumangon
ang digmaang sibil sa Timog at Hilagang Vietnam. Noong 1954 sa Geneva, Switzerland
ay pinagtibay ang paghahati ng Vietnam sa ilalim ng sukat ng 38 parallel. Ang Hilagang
Vietnam ay di tinanggap ang sistemang Komunista ngunit ang Timog Vietnam naman
ang tumanggap sa sistemang Komunismo.
Iba-iba man ang pamamaraang ginamit ng mga bayani at punong
tagapagpasunod ay masasalamin natin ang marubdob na paghahangad ng kalayaan. 22
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Kung ikaw ang papipiliin, alin sa sistemang mapayapa o pakikihamok
ang sa iyong palagay ang dapat na sundin at gawing modelo para sa
pagkakamit ng kalayaan? Bakit?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Naghain ng iba’t ibang pamamaraan ukol sa paglaya ang mga tagaTimog-Silangang
Asya gaya ng reporma, pagbubuo ng mga
makabayang organisasyon, at pakikihamok.
Matagal na kinontrol ng Gran Britanya ang ekonomiya ng mga bansang
sinakop at nagtatag ito ng kompanyang Dutch East India Company upang patuloy
na pakinabangan ang mga likas na yaman, hilaw na materyales, at mga panlasa
(spices) na marami sa mga bnsang nasakop.
Ang Budi Utomo ay isang makabayang organisasyon na itinatag upang magkaroon
ng mga paaralan na magtataguyod ng reporma sa Indonesia.
Ang Kilusang Propaganda at Katipunan ay mga samahang itinaguyod ng mga
Pilipino upang makamit ang kalayaan sa mga mananakop na Kastila.
Si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh ay isang nasyonalistikong Vietnamese na
naging pangunahing kasangkapan sa paglaya ng kanyang bansa sa mga
mananakop na Pranses. 23
Gawain 3: Paglalapat
Sino sa mga naging pinuno o nasyonalistikong Asyano sa TimogSilangang
Asya ang nais mong tularan? Bakit?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
ARALIN 3
NASYONALISMO SA TIMOG ASYA
Iba't ibang pamamaraan ng pakikihamok ang ginamit ng mga nasyonalistikong
namuno at naging kasangkapan ng pagkakamit ng kalayaan sa rehiyon ng Timog Asya.
Ang Pag-aalsa ng mga Sepoy sa India noong 1857-1859 ay nangyari dahil sa
kawalan ng pampulitikang kalayaan ng mga mamamayan, sapilitang pang-aagaw ng
mga lupa sa mga Hindu ng mga awtoridad na Ingles at di pag-respeto sa kanilang mga
paniniwala at mga tradisyon. Naging kilala ang mga babasahing gaya ng Hindoo
Patriot, Amritza Bazar Patrika at Bengalee noong 1870 na naglalahad ng mga
repormang nais ng mga Hindu na makamit sa ilalim ng pamamahala ng mga Ingles.
Ngunit ang mapayapang pamamaraan na pasibo ang ginamit na paglaban at
isinakatuparan ni Mahatma Gandhi. Ang pag-aayuno at pagboykot na tangkilikin ang
mga produktong Ingles ay binigyang-diin din sa kanilang paglaban at paghahangad ng
kalayaan. Ito ang naging mabisang paraan upang ibigay ng Britanya sa mga tagaTimog
Asya ang kanilang kalayaan. 24
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Makikilala ang mga lider na nanguna upang makamit ang kalayaan ng mga
bansa sa rehiyon ng Timog Asya;
2. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa mga
bansa sa Timog Asya;
3. Maituturo sa mapa ng Asya ang mga bansa sa Timog Asya na naghangad ng
paglaya sa mga dayuhang mananakop; at
4. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga
Kilusang Pangkalayaan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga mamamayan
sa Timog Asya.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Suriin ang mga watawat ng mga bansa na matatagpuan sa Timog Asya. Isulat
ang mga pangalan ng mga bansang ito sa patlang sa ilalim.
_______________ _______________ _______________
25
Ang Kontinente ng India kabilang ang mga bansang Pakistan, Nepal, Bhutan,
Bangladesh, at Sri Lanka
Ang bansang India sa kanyang kasaysayan ay dumaan sa mahabang panahon
ng pakikihamok na nagpasimula sa mga pag-aalsa, rebolusyon at reporma nang
lumaon. Naging kilala sa kanilang kasaysayan ang Pag-aalsa ng mga Sepoy noong
1857-1859. Ang mga "sipahi" o mga Sepoy ay mga sundalong Hindu at Muslim na
naging kabilang sa mga sundalong Ingles sa panahon ng pananakop ng mga huli sa
India.
Ang mga pangunahing dahilan ng kanilang pag-aalsa ay dahil sa kawalan ng
pampulitikang kalayaan ng mga mamamayan, sapilitang pang-aagaw ng mga lupain ng
mga Hindu ng mga awtoridad na Ingles at ang di pag-respeto sa kanilang mga
kinagisnang kaugalian at tradisyon.
Ang pagsasanib ng lakas at tapang ng mga Hindu at Muslim na Sepoy na
pinangunahan nina Nana Saheb, Tantia Tapi at Rani Lakshmi ng Jhansi na naging
kilala bilang “Mandirigmang Prinsesa". Ang nasabing rebelyon ay di nagtagumpay sa
dahilang ang mga sundalong Ingles ay tinulungan ng mga Hindu collaborator, Sikh,
Gurkha at katutubong prinsipe.
Maliban sa mga pag-aalsa ay gumamit din ang mga nasyonalistikong Hindu ng
mga reporma upang makamit ang kalayaan. Gumamit sila ng mga peryodiko at
pahayagan upang pagsulatan ng kanilang mga opinyon, hinaing at perspektiba ukol sa 26
pananakop ng mga Ingles. llan sa mga babasahing ito ay ang Hindoo Patriot, Amritza
Bazar Patrika at Bengalee na nalathala noong 1870. Isinulong ng mga repormistang
mamamahayag ang kanilang adhikain na magkaroon ng sariling pamahalaan laban sa
pamamahala ng mga Ingles. Batay sa isang repormistang Hindu na si Gopal Krishna
Gokhale, nakikita nila ang India bilang isang bansang industriyalisado, malaya sa
panlipunang aspeto at may sariling pamahalaan. Samakatwid ang kalayaan ng India ay
lubusang nakasalalay sa pagkakaroon ng sariling pamahalaan at tuluyang paghiwalay
sa pamamalakad ng mga Ingles.
Ang marubdob na paghahangad ng kalayaan ay naisakatuparan noong 1907 sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mga repormang pampulitika. Noong 1909 sa
pamamagitan ng Indian Council Act ay nagkaroon ng mga indirektong paghawak ng
posisyon ang mga Hindu sa Kongreso. Ang pangyayaring ito ang naging daan sa
hidwaan sa pagitan ng mga Hindu at Muslim sa dahilang natakot ang mga Muslim na
maapektuhan ang kanilang mga katutubo at panrelihiyong kalinangan.
Ang Ahimsa at Satyagraha sa India
Nakilala bilang Mahatma o dakilang kaluluwa si Mohandas Karamchand Gandhi
ng India. Siya ang isa sa naging pangunahing tagapagsulong ng pagtutol sa
pamamahala ng mga Ingles sa India. Tinuligsa niya ang kawalan ng pagkakapantaypantay
ayon sa turo ng Hinduismo gaya ng pag-aalis sa iba't ibang porma ng 27
diskriminasyon sa mga untouchables at sa sistema ng pagpapatiwakal ng mga babaing
biyuda.
Naniniwala si Mahatma sa puwersa o lakas ng kaluluwa (ahimsa) upang labanan
ang puwersa ng armas. Ang pamamaraang ito ay naging kilala bilang passive sesistance
na kailangang sabayan ng paghawak sa katotohanan (satyagraha). Ang
satyagraha ay paniniwala ng mga Hindu na kung sila'y saktan ng mga mananakop, ang
mga ito ay di patutulugin ng kanilang mga konsensiya hanggang mapagtanto nila na
mali at di mabuti ang kanilang mga ginawa.
Gumamit din si Gandhi ng pagpepenetensiya at pag-aayuno upang matawag
ang pansin ng mga dayuhan. Hinikayat din niya ang mga taga-lndia na huwag
tangkilikin ang mga produktong Ingles lalo na ang tela. Pinangunahan niya ang
panawagan ukol sa civil disobedience upang maparalisa ang mga negosyo ng mga
Ingles. Ang mga pamamaraang ito ay naging daan sa pagpayag ng Britanya sa
kanilang mga kahilingan gaya ng karapatan at kalayaan sa pamamahayag at higit na
partisipasyon sa pamahalaan.
Ngunit nagtagumpay man si!a sa kanilang pagnanais na paglaya sa mga
mananakop na Ingles ay di pa rin napag-isa ang mga Hindu at Muslim. Ninais ng mga
Muslim na magkaroon ng isang estadong hiwalay sa India. Si Muhammad Ali Jinnah,
ang itinuturing na tagapagtatag ng bansang Pakistan ang naging unang GobernadorHeneral
ng bansa matapos ang pagkakamit ng kalayaan sa mga Ingles at si Jawaharlal
Nehru naman ang naging unang Punong Ministro ng India. 28
Mohammed Ali Jinnah Jawaharlal Nehru
Ang pagnanais ni Gandhi na pagkasunduin ang nahating India ay naging daan
ng kanyang kamatayan sa dahilang isang panatikong tagasunod na Hindu Mahasabla
ang bumaril sa kanya dahil tutol ito sa kanyang adhikain. Ang kanyang pilosopiya at
mga aral ay nagsilbi pa ring inspirasyon sa mga Indian kahit siya'y matagal nang
namayapa.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Paano sa iyong palagay naging gabay sa pamumuhay at pamahalaan
ng India sa kasalukuyan ang mga pilosopiya at aral ni Mahatma Gandhi? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ 29
Tandaan Mo!
Ang Pag-aalsa ng mga Sepoy sa India noong 1857-1859 ay
nangyari dahil sa kawalan ng pampulitikang kalayaan ng mga
mamamayan, sapilitang pang-aagaw ng mga lupa sa mga Hindu ng
mga awtoridad na Ingles at di pag-respeto sa kanilang paniniwala at mga
tradisyon.
Ang mga babasahing Hindoo Patriot, Amritza Bazar Patrika, at Bengalee na
nailathala noong 1870 ay nagsulong ng mga repormang gaya ng pagsasarili ng
pamahalaan para sa India.
Ang passive resistance at civil disobedience ay ang mga pamamaraang ginamit ni
Mahatma Gandhi upang isulong ang kalayaan ng India laban sa mga Ingles.
Si Muhammad Ali Jinnah ang naging unang Gobernador-Heneral ng Pakistan at si
Jawaharlal Nehru ang naging unang Punong Ministro ng India.
Gawain 3: Paglalapat
Ano ang naging tulong ng pamamaraang passive resistance at civil
disobedience ni Mahatma Gandhi sa pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas
sa isang diktaduryang pamamahala noong 1986?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________30
ARALIN 4
NASYONALISMO SA TIMOG-KANLURANG ASYA
Ang pagiging imperyo ng Ottoman mura taong 1350-1683 ay naging daan sa
paglawak ng kanilang kapangyarihan sa bahagi ng tinatawag na Timog-Kanlurang Asya
sa kasalukuyan. Sa pamumuno ni Osman ay kinatakutan ang kanilang mga mandirigma
na ang bahagi ng nasakop ay mula sa dating Asya Minor hanggang sa bahagi ng
Balkan Peninsula sa Europa. Ang Imperyong Byzantine o ang silangang bahagi ng
Imperyong Roma na sa kasalukuyan ay bansang Turkey ay naging bahagi rin ng
kanilang sakop. Ngunit binigyan ng mga Seljuk na Turko ang ilan sa mga pinunong tribo
sa Turkey ng karapatang mag-angkin ng mga lupain dito hanggang nang sa huli ay
nakonberto ang malaking bahagi ng kanilang populasyon sa relihiyong Islam.
Noong 1914-1918 ay nagkaroon ng malaking interes ang mga Aleman sa
aspetong pangkabuhayan ng Turkey. Naging magka-alyansa sila noong Unang
Digmaang Pandaigdig ngunit sa dahilang natalo ang Alemanya sa pakikidigma nito sa
Europa ay nawala rin ang dating mga bahaging sakop ng Imperyong Ottoman. Ang
paghina ng kapangyarihan nito ang nagbigay-daan sa paghingi ng kalayaan ng Turkey
na naipagkaloob noong 1923. Si Mustafa Kemal ang kinilalang Ama ng mga Turko at
naging kasangkapan siya para makamit ang kanilang kalayaan bilang isang bansa.
Ang iba namang mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya ay pinamunuan ng mga
pundamentalistang pinunong Muslim gaya ni Ayatollah Ruhollah Khoemeini sa bansang
Iran. Sa panahon ng kanyang pamumuno ay ibinalik niya ang mga paniniwala at
tradisyong Islam na naisantabi kapalit ng modernisasyon sa panahon ng pamumuno ni
Mohammed Reza Pahlavi. Samantalang ang peninsulang Arabe naman ay naghangad
ng isang kaharian na magbubuklod sa mga maliliit na kaharian tungo sa isang panglslamikong
pakikipagkaibigan at kapatiran ng bawat isa. 31
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Makikilala ang mga lider na nanguna upang makamit ang kalayaan ng mga
bansa sa rehiyon ng Timog-Kanlurang Asya;
2. Masusuri ang proseso ng pagbangon ng damdaming nasyonalismo sa mga
bansa sa Timog-Kanlurang Asya;
3. Maituturo sa mapa ng Asya ang mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya na
naghangad ng paglaya sa mga dayuhang mananakop; at
4. Mabibigyan ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng paglulunsad ng mga
Kilusang Pangkalayaan sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga mamamayan
sa Timog-Kanlurang Asya.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Suriin mo ang mapa sa ibaba. Lagyan ng kulay ang mga bansang bumubuo sa
rehiyon ng Timog-Kanlurang Asya. Gumamit ng iba’t ibang kulay bilang pananda
dito. Isulat ang mga pangalan ng mga bansa sa blangkong nasa ilalim ng mapa.
1. _______________
2. _______________
3. _______________
4. _______________
5. _______________
6. _______________
7. _______________
8. _______________
9. _______________
10. _______________
11. _______________
12. _______________
13. _______________
14. _______________
15. _______________ 32
Ang Imperyong Ottoman
Isa sa itinuturing na tagapagtatag ng isang malawak na imperyo noong 1350-
1683 ay ang mga Turkong Ottoman. Halos tatlong kontinente ang kanilang nasakop,
ang dating Asya Minor, Aprika at Silangang Europa. Nang dumating ang ikalabingtatlong
siglo ay binigyan ng mga Seljuks ng pagkakataon na mag-angkin ng mga lupain
ang mga pinuno ng mga tribo sa Asya Minor. Ang mga Seljuks ay pangkat ng mga
taong nagmula sa Sentral Asya na nakapasok sa mga lupaing pag-aari ng mga Muslim
at nakonberto sa pananampalatayang Islam.
Nasakop ng Imperyong Ottoman ang karamihan sa mga bansa malapit sa Dagat
Mediterranean
Nasakop nila noon ang Iran (Persia), Syria, Palestina at inagaw ang
pamamahala sa Asya Minor mula sa Imperyong Byzantine sa Turkey. Ang
kapangyarihan ng mga Seljuks ay inabot noong ikalabing-isang siglo lamang at ang
mga dating nasakop ay naging mga maliliit na estado na lamang.
Osman 33
Sinundan sila ng mga Ottoman na ang naging pinunong mandirigma ay si
Osman. Sa pamamagitan ng kanyang pamumuno ay halos ang kabuuan ng Asya Minor
at Balkan Peninsula ay naging kabahagi ng kanilang imperyo. Noong 1453 ay sinakop
nila ang Konstantinople at ito ang naging dahilan ng pagwawakas ng Imperyong
Byzantine. Narating nila ang rurok ng kanilang tagumpay sa panahon ng pamumuno ni
Sultan Suleiman noong 1520-1566. Nakabilang sa kanilang teritoryo ang bahagi ng
pangkasalukuyang mga bansa ng Austria, Hungary, Poland, at Russia. Nabuo nila ang
isang epektibong sistema ng pamamahala kaya nanatili ito hanggang noong ikadalawampung
siglo.
Si Sultan Abdul Hamid Il, na naging pinuno noong 1876-1909 ay naging daan sa
pagbubuo at pagsusulong ng bagong Saligang-Batas sa Turkey. Sa kanyang
pamumuno ay nagkaroon ng isang parliamento na binubuo ng Senado at Mababang
Kapulungan. Ang Senado ay mga taong pinili ng Sultan samantalang ang Mababang
Kapulungan ay inihalal ng mga taong-bayan. Ang Saligang-Batas na ito ay
sinuportahan nang higit ng mga Kabataang Turko. Sa dahilang sila'y nagkaroon ng
takot na ang di tunay na pagpapatupad nito ay maaaring maging daan upang muling
magkaroon ng mga panlabas na puwersang makikialam sa kanilang pagkakaisa na
magresulta sa pananakop. Napagtagumpayan ng mga kabataan ang kanilang nais
ngunit naragdagan ang kanilang samahan ng elementong militar at panrelihiyon kaya
nang lumaon ay kinatakutan ang kanilang lakas. Si Sultan Abdul Hamid II naman ay
napatalsik sa puwesto at siya'y napalitan ng kanyang kapatid na si Mehmed V. 34
Ang Mga Europeong Mananakop at si Kemal Ataturk
Ang bansang Alemanya noon pa mang una ay may malaki ng interes sa
aspetong pangkabuhayan ng Turkey. Ito ang tumulong sa pagtatayo ng mahusay na
sistema ng daang riles para magamit sa mabllis na pagpapalitan ng mga kalakal at
ugnayang-panloob. Maging ang mga sundalong Turko ay sinanay ng isang heneral na
Aleman na si Otto Liman von Sanders. Ang pagsasanay na ginawang ito ng mga
Aleman sa mga Turko ay naging daan sa kanilang pag-aalyansa noong panahon ng
Unang Digmaang Pandaigdig. Ngunit natalo ng mga alyansang Europeo ang Imperyong
Ottoman noong 1918 at ito ang pagsisimula ng kanilang paghina sa mga dating
kolonya. Ang kanilang mga dating kolonya sa Balkan Peninsula ay naging mga
malayang bansa samantalang ang iba ay naging mga protektadong lupain ng Britanya,
Pransiya at Gresya. Ang mga nasyonalistikong Turko sa pamumuno ni Mustafa Kemal
ay nagsulong ng pagkakaroon ng isang republika. Sa pamamagitan ng paglagda at
pagpapatibay sa Kasunduang Lausanne noong 1923 ay isinilang ang Republika ng
Turkey. Naging unang pangulo si Mustafa Kemal. Ginamit niya ang pangalang Ataturk
na nangangahulugang Ama ng mga Turko.
Mustafa Kemal Atatürk
Isinulong niya ang mga pagbabago at reporma sa Turkey gaya ng paghihiwalay
ng pamahalaan at ng relihiyong Islam; pagbuwag sa opisyal na posisyong hinahawakan
ng isang caliph bilang pangunahing lider na Muslim sa mundo; pagbabago sa sistema
ng edukasyon at pagpapababa ng antas ng mga di nakapag-aral; pagpapalit ng 35
inskriptong Arabe sa alpabetong Romano; pagbibigay ng karapatang bumoto at
humawak ng posisyon sa pulitika ang mga kababaihan; pagtanggal ng praktis ukol sa
maraming pag-aasawa ng mga Muslim na lalaki, paggamit at pagsusuot ng mga
Kanluraning kasuotan at unti-unting pag-aalis sa pagkontrol ng mga dayuhan sa
kanilang industriya at kalakalan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga bangko,
kooperatiba at mga sanayang pag-aari ng Estado.
Ang Pagpapatatag ng Pamumuno at Pamahalaan sa Iran
Ang bansang Iran ay dating kontrolado at pinamahalaan ng Gran Britanya at
Russia. Ang mga balon ng langis ay pinanatiling kontrolin ng Gran Britanya. Taong
1921 nang isang nasyonalistikong taga-Iran ang naghangad na palayain ang Iran sa
kamay ng mga Europeong mananakop sa pamamagitan ng kanyang adhikain na
mapalakas at patatagin ang estado at patalsikin ang mga dayuhan. Siya ay si Reza
Shah Pahlavi, ang naging unang Premier at nang lumaon ay naging monarko ng Iran.
llan sa kanyang mga pagbabagong isinulong ay gaya ng: pagpapatayo ng mga daanan
at tulay; pag-aayos ng sistemang postal; pagbubuo ng mga programang magpapabuti
sa industriya at kalakalan ng bansa; pagpapabuti sa sektor ng medisina at kalusugan;
pagbubukas ng pampublikong paaralan at paggamit ng kasuotang Kanluranin. Noong
taong 1935 ay ibinalik ang pangalang Iran na nangangahulugang Lupain ng mga Aryan
at hanggang sa kasalukuyan ay ito pa rin ang pangalang ginagamit.
Reza Shah Pahlavi 36
Nang di nakipag-alyansa ang Iran sa mga puwersa ng Gran Britanya at Russia
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pinuwersa siya ng tropa na umalis sa
kanyang posisyon at ibigay ang pamamahala sa kanyang anak na si Muhammad Shah
Reza Pahlavi. Ang mga pagbabagong pangkabuhayan at panlipunang kanyang ginawa
ay di lubusang tinangkilik ng mga tao sa dahilang siya’y naging awtokratiko sa kanyang
pamamahala.
Mohammad Reza Shah Pahlavi Ayatollah Ruhollah Khomeini
Sa pamamagitan ng isang Rebolusyong Islamiko at paglalagay kay Ayatollah
Ruhollah Khoemeini, isang pinuno ng sektang Shiite Muslim ay napaalis siya bilang
monarko sa Iran. Hinangad pa ng mga Muslim na ibalik ang kanilang mga tradisyon at
paniniwala at patakbuhin ang pamahalaan. Ang pangyayaring ito'y patuloy na nagbigay
ng mga kaguluhan at mga pagtutol sa iba't ibang sektor ng tao na magpahanggang
ngayon ay ipinakikita na di lubusang maganda ang ibinunga ng pananakop ng mga
Kanluranin sa mga Muslim. Nais ng mga Muslim na patuloy na pahalagahan ang
kanilang mga paniniwala, kalinangan at mga pagpapahalaga. Masasalamin na ang mga
pundamentalistang Muslim na ito ay nasa ganito pa ring mga perspektiba kaya ang
kanilang pagtutol sa mga ideyang Kanluranin ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng
terorismo. 37
Nasyonalismo sa Peninsulang Arabe
Sa matagal na panahon ay kinontrol ng mga Europeong mananakop ang
peninsulang Arabe dahil sa mga mineral na yaman nito gaya ng langis. Ninais ng mga
Arabe na magtatag ng isang buong kaharian na pamumunuan ni Haring Husein Ibn Ali,
Hari ng Hejaz. Ang adhikaing ito ay tinutulan ng mga Ingles sa pamamagitan ng
Deklarasyon ng Balfour. Ginamit niya ang titulong caliph upang mapatunayan na siya
ang pinakamakapangyarihang Sultan sa buong kaharian ng mga Muslim. Siya ay
pinatalsik ni Abdul Aziz Ibn Saud, Sultan ng Nadj, ng Sentral Arabia. Si Abdul Aziz Ibn
Saud ay pinuno ng mga Wahhabis, isang pundamentalistang sekta ng mga Muslim.
Taong 1900 nang pasimulan niyang kontrolin ang Nadj hanggang siya ang naging hari
ng Saudi Arabia noong 1932-1953 ayon sa proklamasyon ng pang-lslamikong
pakikipagkaibigan at kapatiran ng mga Arabe. Siya ay napatalsik sa puwesto ng
kanyang kapatid na si Faisal. Nagtatag siya ng isang absolutong pamumuno sa
panahon ng kanyang pamamahala ngunit di rin niya napagtagumpayan na buuin ang
mga kahariang Arabe dahil sa pagtutol ng mga Kurds, mga grupong di-Arabe at ang
paghahati ng mga Muslim sa dalawang sekta: Sunni at Shiite. Siya ay nabaril at
napatay ng kanyang pamangkin noong 1975 at pinalitan siya ng kanyang kapatid sa
ama na si Prinsipe Khalid Ibn Abdul. Ngunit si Prinsipe Khalid ay palagiang maysakit
kaya ang lubusang namahala ng kaharian ay si Prinsipe Fahd na nang lumaon ay
naging hari. Ang Kaharian ng Saudi Arabia ay patuloy na tumutol sa pagkakaroon ng
bansang Israel ngunit dahil na rin sa pagdidiin ng Gran Britanya, Estados Unidos at ng
U.N. ay napilitan itong sumang-ayon na rin. Kahit sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang 38
iringan sa pagitan ng mga Arabe at ng mga Israelite dahil sa mga pampulitikang
ugnayan.
King Abdul Aziz ibn Saud King Fahd
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Sa iyong palagay, ang pagnanais ba ng mga pinuno sa Timog-Kanlurang
Asya na pagsamahin ang pananampalatayang Islam at kanilang paraan ng
pamamahala ay isang mabuting taktika upang tuluyan nilang mabuo ang kanilang
adhikain sa paglaya at di pakikialam ng mga dating mananakop na mga Europeong
bansa? Ipaliwanag.
Tandaan Mo!
Ang Imperyong Ottoman ay naging isang malawak na imperyo sa
mga kontinente ng Asya, Aprika at Europa noong 1350-1683.
Ang mga Seljuks ay pangkat ng mga taong nanggaling sa Sentral
Asya na nakapasok sa lupaing pag-aari ng mga Muslim at nang huli ay nakonberto
sa pananampalatayang Islam. 39
Si Mustafa Kemal ay nakilala bilang Ataturk o Ama ng mga Turko na naging
kasangkapan sa pagkakamit ng kalayaan ng Turkey sa mga Europeong
mananakop.
Si Muhammad Shah Reza Pahlavi ay nagsulong ng mga pagbabagong pulitikal,
panlipunan at pangkabuhayan sa Iran na naging dahilan ng malaking pagtutol ng
mga taong nagsusulong ng pagbabalik sa tradisyunal na lipunang Islam sa
pangunguna ni Ayatollah Khoemeini.
Ang adhikain na pagbubuklod-buklod ng mga kaharian sa Peninsulang Arabe upang
ito’y maging matatag at malaya sa pagkontrol ng mga bansang Europeo ay
pinasimulan ni Haring Husein Ibn Ali.
Gawain 3: Paglalapat
Paano kaya maaaring bigyan ng ibang perspektiba ang TERORISMO
bilang pamamaraang ginamit ng mga bansang Muslim upang balansehin
ang kapangyarihang pulitikal, pangkabuhayan at panlipunan ng mga
bansang maunlad sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
� Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
� Ang Dinastiyang Manchu ng Tsina ay itinuturing na superyor na kahariang Tsino
lalo na sa aspetong kalakalan sa mga dayuhang bansa. 40
� Ang popularidad ng tsaa at seda ay naging daan sa paghahangad ng matatag na
kalakalan ng Britanya sa Tsina.
� Ang spheres of influence ay bahagi ng teritoryong Tsina ngunit
pinangangasiwaan sa aspetong pang-ekonomiya ng isang bansang dayuhan.
� Ang Panahon ng Isolasyon ay naging daan upang masugpo ng Hapon ang
mabilis na paglaganap ng Kanluraning kaisipan at pananampalataya.
� Ang Panahong Meiji ay naging daan sa modernisasyon ng lipunang Hapon sa
aspetong pangkabuhayan, pulitikal at sosyo-kultural.
� Ang Budi Utomo ay isang makabayang organisasyon na itinatag upang
magkaroon ng mga paaralan na magtataguyod ng reporma sa Indonesia.
� Ang Kilusang Propaganda at Katipunan ay mga samahang itinaguyod ng mga
Pilipino upang makamit ang kalayaan sa mga mananakop na Kastila.
� Si Ho Chih Minh ay naging kasangkapan sa paglaya ng bansang Vietnam sa
mga mananakop na Pranses.
� Ang pag-aalsa ng mga Sepoy sa India noong 1857-1859 ay nangyari dahil sa
kawalan ng pampulitikang kalayaan ng mga mamamayan; sapilitang pangaagaw
ng mga lupa sa mga Hindu ng mga awtoridad na Ingles at di pagrespeto
sa kanilang paniniwala at tradisyon.
� Ang passive resistance at civil disobedience ay ang mga paraang ginamit ni
Mahatma Gandhi upang isulong ang kalayaan ng India laban sa mga Ingles.
� Ang Imperyong Ottoman ay naging malawak na imperyo sa mga kontinente ng
Asya, Aprika at Europa noong 1350-1683.
� Si Mustafa Kemal ay nakilala bilang Ataturk o Ama ng mga Turko na naging
kasangkapan sa pagkakamit ng kalayaan ng Turkey sa mga Europeong
mananakop.
� Si Muhammad Shah Reza Pahlavi ay nagsulong ng mga pagbabagong pulitikal,
panlipunan at pangkabuhayan sa Iran na naging dahilan ng malaking pagtutol ng
mga taong nagsusulong ng pagbabalik sa tradisyunal na lipunang Islam sa
pangunguna ni Ayatollah Khoemeini.
� Ang adhikain na pagbubuklod-buklod ng mga kaharian sa Peninsulang Arabe
upang ito’y maging matatag at malaya sa pagkontrol ng mga bansang Europeo
ay pinasimulan ni Haring Husein Ibn Ali. 41
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ama ng Komunismo sa Tsina.
A. Mao Zedong
B. Chou En Lai
C. Deng Xiao Ping
D. Sun Yat Sen
2. Kilusang inilunsad ng mga Pilipino na naglalayon ng pagbabago sa
pamamalakad ng mga Kastila at pantay na pagtrato sa mga Pilipino.
A. Katipunan
B. La Liga Filipina
C. Propaganda
D. Masonista
3. lto ay tumutukoy sa pagkamulat ng mga mamamayan upang sila’y magbuklod at
labanan ang mga dayuhang mananakop.
A. Kolonyalismo
B. Imperyalismo
C. Nasyonalismo
D. Komunismo
4. Puwersa o lakas ng kaluluwa upang labanan ang puwersa ng armas.
A. Sudra
B. Samsara
C. Karma
D. Ahimsa
5. Dalawang pamamaraan sa pagkakamit ng kalayaan ay:
A. Reporma at Propaganda
B. Aktibo at Pasibo
C. Civilizing Mission at Ethical Policy
D. Imperyalismo at Kolonyalismo
6. Pampulitikang sistema ng pamumuno ng mga magkakamag-anak sa Tsina.
A. Dinastiya
B. Monarkiya
C. Shogunato
D. Teokrasya
7. Naging pangunahing tagapagtaguyod ng pagbubuo ng isang nagsasariling
Pakistan. 42
A. Mustafa Kemal
B. Jawaharlal Nehru
C. Mohammed Ali Jinnah
D. Mahatma Gandhi
8. Pinuno ng sektang Shiite sa Iran at naging kasangkapan sa pagbabalik ng
tradisyunal na pamumuhay sa bansa.
A. Sultan Abdul Hamid
B. Haring Fahd
C. Ayatollah Ruhollah Khoemeini
D. Mustafa Kemal
9. Naghangad na pagbuklurin ang mga maliliit na kaharian sa peninsulang Arabe
ngunit tinutulan ng puwersang Europeo.
A. Haring Husein Ibn Ali
B. Abdul Aziz Ibn Saud
C. Haring Faisal
D. Prinsipe Khalid
10. Nasyonalistikong pinuno ng Vietnam na nasalamin ang pagkakamit ng kalayaan
sa pamamagitan ng pamamaraang Komunismo.
A. Sun Yat Sen
B. Mao Ze Dong
C. Ho Chih Minh
D. Deng Xiao Ping
11. Panahon ng di pakikipag-ugnayan ng bansang Hapon sa mga dayuhang
mangangalakal at misyonero.
A. Negosasyon
B. Pagsasarili
C. Haponisasyon
D. Isolasyon
12. Ang mga sumusunod ay matatagpuan sa dating French Indo-Tsina maliban sa:
A. Malaysia
B. Burma
C. Cambodia
D. Laos
13. Ang mga sumusunod ay matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya maliban sa:
A. India
B. Saudi Arabia
C. Jordan
D. Iran
14. Pamamaraan ng pang-aagaw ng militar ng pamamahala sa kasalukuyang
pamahalaan. 43
A. Reporma
B. Coup 'd etat
C. Rebolusyon
D. Kolonisasyon
15. Ang mga sumusunod ay mga digmaang kinasangkutan ng bansang Hapon
maliban sa:
A. Sino - Japanese
B. Russo-Japanese
C. Dutch – Japanese
D. Filipino –Japanese
16. Kinilalang Ama ng Turko dahil sa kanyang pagsusulong ng kalayaan ng Turkey.
A. Mustafa Kemal
B. Mehmed V
C. Sultan Abdul Hamid
D. Mohammed Shah Reza Pahlavi
17. Kinilalang Enlightened na pamahalaan ng mga Hapones.
A. Tokugawa
B. Han
C. Meiji
D. Shikoku
18. Ang pagluhod ng dalawang tuhod ng isang dayuhan sa Emperador naTsino.
A. Beso Beso
B. Kow Tow
C. Sawadeeka
D. Ohayo
19. Supremo ng Katipunan.
A. Emilio Aguinaldo
B. Antonio Luna
C. Paciano Rizal
D. Andres Bonifacio
20. Mga sundalong Hindu at Muslim na nag-alsa laban sa pamamalakad ng mga
Ingles.
A. Shogun
B. Samurai
C. Sepoy
D. Knight 44
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. B
2. C
3. D
4. A
5. B
6. D
7. B
8. A
9. D
10. A
11. A
12. B
13. C
14. C
15. A
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. A
2. C
3. C
4. D
5. B
6. A
7. C
8. C
9. A
10. C
11. D
12. A
13. A
14. B
15. C
16. A
17. C
18. B
19. D
20. C
MODYUL 8
ANG PAGSIBOL AT PAGSILANG NG
NASYONALISMO SA ASYA
Ang mga patakarang di makatwiran na pinasunod, ang mga karapatang
ipinagkait ng mga mananakop sa mga bansang Asyano at mga patakarang di nagdulot
ng kaunlaran ay ilan sa mga pangunahing naging dahilan sa pagsibol at pagsiiang ng
nasyonalismo sa Asya. Naging tugon ang mga kilusan sa mga pang-aabuso at
pagsasamantala ng mga Kanluranin lalo na sa pag-aangkin at malabis na paggamit ng
mga likas na yaman ng mga bansang Asyano. Itinuring ang mga bansang Asyano
bilang ekstensiyon ng produktong Kanluranin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga
pamilihan at mga industriyang dayuhan na bubuo ng kanilang mga iniluluwas na mga
produkto. Ang mga patakarang pangkabuhayan ay pinanatlll ang pagiging depende ng
mga bansang Asyano sa mga Kanluranln.
Ngunit sa pagpasok ng mga kaislpang liberal at ideya ng demokrasya ay
naghangad ang mga Asyano ng kalayaan sa pananakop ng mga bansang Kanluranin.
Ang pangunahing layunin ng mga inilunsad na kilusan ay wakasan ang panghihimasok
ng mga Kanluranin sa kanilang kabuhayan at pamumuhay. Ang unang bahagi ay
karaniwang reporma lamang sa pamamalakad at mga patakaran ang hinihingi ng mga
Asyano ngunit nauwl rin ito sa mga himagsikan lalo na ng kanilang hilingin ang