Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Doktrina at...

192

Transcript of Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Doktrina at...

Doctrinal MasteryMaterial para sa Titser ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayanng Simbahan

Inilathala ngAng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling ArawSalt Lake City, Utah

Ang mga puna at pagwawasto ay pinasasalamatan. Mangyaring ipadala ang mga ito sa:

Seminaries and Institutes of Religion Curriculum Services50 E North Temple Street

Salt Lake City, UT 84150-0008USA

Email: [email protected] lamang ang iyong buong pangalan, address, ward, at stake.

Tiyaking ibigay ang pamagat ng manwal kapag nagbigay ka ng iyong mga puna.

Maaaring i-print ng mga indibiduwal ang materyal na ito para sa sarili nilang personal, hindi pangkomersyal napaggamit (kabilang sa ganitong paggamit ang may kaugnayan sa kanilang tungkulin o pagkakahirang sa AngSimbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw). Humingi lamang ng pahintulot para sa iba pang

paggamit sa permissions.lds.org.

© 2018 ng Intellectual Reserve, Inc.Lahat ng karapatan ay nakalaan.

Inilimbag sa PilipinasVersion 3, 9/18

Pagsang-ayon sa Ingles: 1/16Pagsang-ayon sa pagsasalin: 1/16

Pagsasalin ng Doctrinal Mastery Doctrine and Covenants and Church History Teacher MaterialTagalog

13233 893

Mga NilalamanMga Tagubilin para sa mga Titser . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . vPagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . 18Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 4 . . . . . . . . . . . . . . . . . . 19Ang Panguluhang Diyos, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 26Ang Panguluhang Diyos, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 34Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 37Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 42Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 45Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 47Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 53Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 61Ang Panunumbalik, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 66Ang Panunumbalik, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 73Ang Panunumbalik, Bahagi 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 79Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 84Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 89Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 93Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . 97Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . 103Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 3 . . . . . . . . . . . . . . . 107Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 4 . . . . . . . . . . . . . . . 112Mga Ordenansa at Tipan, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 122Mga Ordenansa at Tipan, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 129Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 134Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 140Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 147Mga Kautusan, Bahagi 1 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 149Mga Kautusan, Bahagi 2 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 153Mga Kautusan, Bahagi 3 . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 162Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery . . . . . . . . . . . . . . . 164

Apendiks: Mungkahing Doctrinal Mastery Pacing Guide para sa Doktrina atmga Tipan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 168

Mga Tagubilin para samga TitserIsinasaad sa Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion: “Itinuturo natin samga estudyante ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan samga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta” (Pagtuturo at Pag-aaral ngEbanghelyo: Hanbuk para sa mga Titser at Lider sa Seminaries and Institutes of Religion[2012], x). Nagagawa ito sa seminary sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banalna kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito, na ayon sa natural napagkakasunod-sunod ng mga aklat at mga talata sa isang aklat ng mga banal nakasulatan mula sa simula hanggang katapusan. Binigyang-diin ni Elder David A.Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol na “ito ang una at angpinakapangunahing paraan ng pagtatamo ng tubig na buhay” (“A Reservoir ofLiving Water” [Church Educational System fireside para sa mga young adult, Peb.4, 2007], 3, lds.org/media-library).

Ang isa pang paraan na natutulungan natin ang mga estudyante na maunawaan,paniwalaan, at isabuhay ang doktrina ni Jesucristo ay sa pamamagitan ng DoctrinalMastery. Pinupunan ng Doctrinal Mastery ang pag-aaral ng mga banal nakasulatan ayon sa pagkakasunud-sunod nito sa pamamagitan ng pagbibigay ngmga pagkakataon sa mga estudyante na pag-aralan ang mga doktrina ngebanghelyo ni Jesucristo ayon sa paksa.

Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan nang sequential o ayon sapagkakasunud-sunod at ng Doctrinal Mastery ay magkahiwalay subalitnagtutulungang mga aktibidad. Ang dalawang ito ay parehong mahahalagangbahagi ng karanasan ng estudyante sa seminary. Sa pamamagitan ng sequential napagtuturo ng mga banal na kasulatan, napag-aaralan ng mga estudyante at titserang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo kapag lumitaw ang mga ito mula atinilalarawan sa teksto ng banal na kasulatan. Sa pamamagitan ng DoctrinalMastery, nasusuri ng mga titser at estudyante ang doktrina ng ebanghelyo ayon sapaksa, gumagamit ng iba’t ibang scripture passage upang ituro ang mgakatotohanang ito.

Itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng LabindalawangApostol kung bakit kapaki-pakinabang din ang paraang ito ng pag-aaral ngdoktrina: “Bawat doktrina ng ebanghelyo ay hindi lubusang ipinaliliwanag sa iisanglugar sa mga banal na kasulatan, ni inilalahad nang sunud-sunod. Dapat itongbuuin mula sa mga piraso rito at piraso roon. Kung minsan ay matatagpuan angmga ito sa malalaking bahagi, ngunit kadalasang nakakalat sa maliliit na bahagi sabuong kabanata at talata” (“The Great Plan of Happiness,” sa Teaching Seminary:Preservice Readings [Church Educational System manual, 2004], 68–69).

Ang Doctrinal Mastery ay ibinatay at ipinapalit sa mga ginagawa noon ngSeminaries and Institutes of Religion, tulad ng Scripture Mastery at ang pag-aaralng Mga Pangunahing Doktrina. Layunin ng Doctrinal Mastery na tulungan angmga estudyante na magawa ang mga sumusunod:

v

1. Matutuhan at maisabuhay ang mga banal na alituntunin para magtamo ngespirituwal na kaalaman.

2. Maging mahusay sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa mga scripturepassage kung saan itinuro ang doktrina. Ang bunga ng Doctrinal Mastery aynaaabot kapag ginawa ng mga estudyante ang sumusunod:

a. Magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa bawat isa sa mgasumusunod na siyam na paksa:

• Ang Panguluhang Diyos

• Ang plano ng kaligtasan

• Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo

• Ang Panunumbalik

• Mga propeta at paghahayag

• Ang priesthood at mga susi ng priesthood

• Mga ordenansa at mga tipan

• Pag-aasawa at pamilya

• Mga kautusan

b. Unawain ang mahahalagang pahayag ng doktrina na tinukoy sa bahaging“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery CoreDocument at sa bawat isa sa siyam na paksa ng doktrina.

c. Alamin kung paano itinuturo ang mahahalagang pahayag ng doktrina samga doctrinal mastery scripture passage at naaalaala at nahahanap ang mgapassage na ito.

d. Malinaw na naipaliliwanag ang bawat mahalagang pahayag ng doktrina,gamit ang kaugnay na mga doctrinal mastery passage.

e. Naisasabuhay ang doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo sa kanilangaraw-araw na mga pagpili at sa mga tugon nila sa mga isyu at tanong ukolsa doktrina, lipunan, at kasaysayan.

Gumawa ang Seminaries and Institutes of Religion ng mga materyal sa pagtuturopara tulungan ang mga titser at estudyante na maisakatuparan ang mga layuningito. Kabilang sa mga materyal na ito ang Doctrinal Mastery Core Document atDoctrinal Mastery material para sa titser. (Paalala: Ang Doctrinal Mastery materialpara sa titser ay magiging available para sa apat na kurso sa seminary.)

Doctrinal Mastery Core DocumentAng Doctrinal Mastery Core Document ay para sa mga estudyante. Binubuo ito ng(1) pambungad na nagpapaliwanag kung ano ang Doctrinal Mastery at paano itomakatutulong sa kanila, (2) tagubilin na nagtuturo sa kanila ng mga alituntunin sapagtatamo ng espirituwal na kaalaman, at (3) isang bahagi tungkol sa siyam napaksa ng doktrina na nakalista sa itaas. Kabilang sa bawat paksa ng doktrina angmga pahayag ng doktrina na nauugnay sa buhay ng mga estudyante at mahalagangmaunawaan, paniwalaan, at isabuhay nila.

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

vi

Ang ilan sa doktrina at mga alituntunin sa “Pagtatamo ng Espirituwal naKaalaman” at “Mga Paksa ng Doktrina” ng Doctrinal Mastery Core Document aytinatawag na mahahalagang pahayag ng doktrina. Ang mahahalagang pahayag ngdoktrinang ito ay may mga doctrinal mastery scripture passage na kaugnay ng mgaito na tumutulong na maituro ang ilang aspeto ng pahayag. May 25 doctrinalmastery passage para sa bawat kurso ng pag-aaral (Lumang Tipan, Bagong Tipan,Aklat ni Mormon, at Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan), na sakabuuan ay 100 scripture passage. Nakalista ang mga scripture passage na ito salikuran ng Doctrinal Mastery Core Document. Ang pagtulong sa mga estudyante namaalala at mahanap ang mga scripture passage na ito at maunawaan kung paanoitinuturo ng mga scripture passage ang doktrina ng Tagapagligtas ay mahalagangbahagi ng iyong tungkulin bilang titser.

Bawat isa sa 100 doctrinal mastery passage ay ginagamit upang tumulong namaituro ang isang pahayag lamang ng doktrina sa Doctrinal Mastery Core Document.Halimbawa, binanggit ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20 sa paksa ngdoktrina 4, “Ang Panunumbalik,” upang tumulong na maituro ang katotohanan naang Diyos Ama at ang Kanyang anak na si Jesucristo ay nagpakita kay JosephSmith bilang tugon sa panalangin ni Joseph, at tinawag Nila siya na magingpropeta ng Panunumbalik. Gayunman, ang doctrinal mastery passage na ito aymaaari ding gamitin para tumulong na maituro ang katotohanan sa paksa ngdoktrina 1, “Ang Panguluhang Diyos,” na may tatlong magkakahiwalay nakatauhan sa Panguluhang Diyos: ang Diyos, ang Amang Walang Hanggan;ang Kanyang anak na si Jesucristo; at ang Espiritu Santo. Samakatwid, nakatalaang doctrinal mastery passage na ito bilang kaugnay na reperensya ngpaksang iyon.

Kapag alam mo kung saan binanggit ang bawat doctrinal mastery passage,matutulungan ka nito na malaman kung saang learning experience tatalakayin angpartikular na scripture passage na iyan sa Doctrinal Mastery material para sa titserpara sa kasalukuyang kurso ng pag-aaral. Sa naunang ibinigay na halimbawa, angJoseph Smith—Kasaysayan 1:15–20 ay tatalakayin sa learning experience para sa“Ang Panunumbalik” sa Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Doktrina at mgaTipan at Kasaysayan ng Simbahan.

Bagama’t may learning experience na itinuro para sa pagtatamo ng espirituwal nakaalaman at para sa lahat ng paksa ng doktrina sa bawat kurso ng pag-aaral, angmahahalagang pahayag ng doktrina lamang na kaugnay ng mga doctrinal masterypassage para sa kursong iyon ng pag-aaral ang binigyang-diin sa mga DoctrinalMastery learning experience para sa school year na iyon. Ang mahahalagangpahayag ng doktrina ay naka-bold at naka-embed sa teksto ng lesson.

Doctrinal Mastery Material para sa TitserAng kurikulum ng doctrinal mastery ay binubuo ng 10 learning experience natatalakayin sa kurso ng pag-aaral para sa taong iyon. (Ang mga learning experienceang materyal sa pagtuturo ng “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” at sa siyamna paksa ng doktrina.) Sa maraming pagkakataon, ang mga materyal para sa bawatlearning experience na ito ay kailangang ituro nang higit sa isang sesyon ng klase.

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

vii

Nakatuon ang unang learning experience sa pagtulong sa mga estudyante namatutuhan at maisabuhay ang mga alituntuning nauugnay sa pagtatamo ngespirituwal na kaalaman. Ito ay kailangang maituro sa unang dalawang linggo ngschool year. Makatutulong ito para maunawaan ng mga estudyante ang layunin ngdoctrinal mastery. Bukod dito, ang mga alituntuning ituturo sa learning experiencena ito ay maglalaan ng pundasyon na pagbabatayan at pag-aaralang muli sasusunod na siyam na learning experience na ituturo sa nalalabing bahagi ng taon.

Ang bawat learning experience ay nakabatay sa isa sa siyam na paksa tungkol sadoktrina na nakalista sa unahan. Layunin nito na tulungan ang mga estudyante namaunawaan nang mas malalim ang doktrina ng Tagapagligtas at maging mashandang isabuhay ang mga ito. Ang bawat learning experience ay binubuo ngtatlong pangunahing bahagi: “Pag-unawa sa Doktrina,” “Mga Pagsasanay,” at“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”

Pag-unawa sa DoktrinaAng bahaging “Pag-unawa sa Doktrina” ng bawat learning experience aykinapapalooban ng magkakasunod na aktibidad para sa pag-aaral o mga bahagi namaaaring ituro sa isang sesyon ng klase o higit pa. Tutulungan ng mga aktibidad naito ang mga estudyante na magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa bawatpaksa ng doktrina at sa partikular na mahahalagang pahayag ng doktrina nanauugnay sa bawat paksa.

Nagsisimula ang mga bahagi ng “Pag-unawa sa Doktrina” sa pag-aaral ng mgapaksa ng doktrina sa Doctrinal Mastery Core Document. Bukod dito, nakatuon angmga bahagi sa partikular na mahahalagang pahayag ng doktrina na nauugnay samga doctrinal mastery passage na partikular sa mga banal na kasulatan para sakurso ng pag-aaral sa taong ito. Halimbawa, sa learning experience para sa “AngPanguluhang Diyos” sa Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Doktrina at mgaTipan at Kasaysayan ng Simbahan, tinagubilinan ang mga titser na tulungan angmga estudyante na matutuhang mabuti ang Doktrina at mga Tipan 29:10–11 at130:22–23. Sa pag-aaral ng mga estudyante ng Bagong Tipan at Aklat ni Mormonsa iba pang mga taon ng kanilang pag-aaral sa seminary, pagtutuunan nila ngpansin ang mga karagdagang doctrinal mastery passage na tumutulong sapagtuturo sa iba pang mahahalagang pahayag ng doktrina na may kaugnayan sapaksang “Ang Panguluhang Diyos” sa Doctrinal Mastery Core Document.

Sa mga bahagi ng “Pag-unawa sa Doktrina,” hinihikayat ang mga estudyante nahanapin, markahan, at pag-aralan ang mga doctrinal mastery passage upangmagamit nila ito sa pagtuturo at pagpapaliwanag ng mahahalagang pahayag ngdoktrina na tinutulungang maituro ng mga talata. Maaari ka ring magdagdag ngmga aktibidad sa pag-aaral kung kinakailangan upang matulungan ang mgaestudyante na lubusang maunawaan ang mahahalagang pahayag ng doktrina atang mga doctrinal mastery passage na tumutulong na maituro ang mga ito.

Mga PagsasanayNaglalaan ang karamihan sa learning experience ng isa o higit pang mgapagsasanay para sa mga estudyante. Ang mga pagsasanay na ito ay karaniwangkinapapalooban ng mga case study, pagsasadula, sitwasyon, o tanong na maaaringpag-usapan ng mga estudyante o talakayin sa maliliit na grupo o bilang isang klase.

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

viii

Mahalaga ang mga pagsasanay na ito sa pagtulong sa mga estudyante namaunawaan kung paano ang mga pahayag ng doktrina na natututuhan aynauugnay sa mga makabagong sitwasyon. Maaari mong iakma ang mgapagsasanay ayon sa mga pangangailangan at interes ng mga estudyante mo.Binibigyang-diin din ng mga pagsasanay kung paano mapagpapala atmatutulungan ang mga estudyante ng mga doktrina na natutuhan nila paramaipamuhay ang ebanghelyo at maipaliwanag ang kanilang mga paniniwala saparaang hindi namimilit, at di-nakasasakit sa iba.

Bago ang bawat pagsasanay ay mahalagang rebyuhin mo ang mga alituntunin ngpagtatamo ng espirituwal na kaalaman kasama ang iyong mga estudyante. Dahilmahalaga ang mga pagsasanay sa pagtulong sa mga estudyante na maalala atpagkatapos ay maisabuhay kung ano ang natutuhan nila sa kanilangpang-araw-araw na sitwasyon, mangyaring tiyakin na nagbibigay ka ng sapat naoras sa klase para makumpleto ng mga estudyante ang mga pagsasanay na ito.

Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryLayunin ng mga aktibidad sa pagrerebyu ng Doctrinal Mastery na tulungan angmga estudyante na magawa ang mga sumusunod na resulta ng Doctrinal Mastery:Malaman kung paano itinuturo ang mahahalagang pahayag ng doktrina sadoctrinal mastery passage at maalala at mahanap ang mga talatang iyon;maipaliwanag nang malinaw ang bawat mahalagang pahayag na ito ng doktrina,gamit ang mga nauugnay na mga doctrinal mastery passage; at isabuhay angnatutuhan nila sa kanilang mga pagpapasiya sa araw-araw at sa kanilang mgatugon sa mga isyu at tanong tungkol sa doktrina, lipunan, at kasaysayan (tingnansa “Pambungad sa Doctrinal Mastery” sa Doctrinal Mastery Core Document).

Makatutulong ang madalas na pagrerebyu ng mahahalagang pahayag ng doktrinaat mga doctrinal mastery passage na ginagamit para maituro ang mga ito sapagsisikap ng mga estudyante na maging mahusay. (Gayunman, maging maingatna huwag mahigitan ng mga aktibidad sa pagrerebyu ng doctrinal mastery angsequential na pagtuturo ng mga banal na kasulatan o ang mga inaasahangmagagawa ng Doctrinal Mastery.) Dalawang uri ng aktibidad sa pagrerebyu angkabilang sa bawat learning experience ng Doctrinal Mastery: maiikling aktibidad sapagrerebyu at mga pinagsama-samang pagrerebyu.

Ang maiikling aktibidad sa pagrerebyu ng doctrinal mastery ay isinama upangtulungan ang mga estudyante na mahanap, maalala, at maunawaang mabuti angmga doctrinal mastery passage at ang mahahalagang pahayag ng doktrina natinutulungan ng mga passage na iyon na maituro. Nilayong maituro ang maiiklingpagrerebyu na ito matapos makibahagi ang mga estudyante sa mga bahaging“Pag-unawa sa Doktrina” ng iba’t ibang mga learning experience. Ang mga ito ayhindi nilayong tumagal nang higit pa sa limang minuto bawat isa at dapat gamitinsa simula o katapusan ng klase kung saan itinuturo ang regular na sequential nascripture lesson mula sa Doktrina at mga Tipan.

Ang pinagsama-samang pagrerebyu ng doctrinal mastery ay makikita sa katapusanng bawat learning experience. Nilikha ang mga ito upang tulungan ang mgaestudyante na marebyu ang lahat ng doctrinal mastery passage na napag-aralannila sa puntong iyon ng school year. Ang mahahabang rebyung ito ay nilayong

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

ix

ituro sa mga araw na naka-iskedyul para sa Doctrinal Mastery, subalit maituturoang mga ito sa ibang mga araw kung pipiliin ng mga titser na paikliin ang mgaregular na sequential scripture lesson.

Pagpapatupad sa Doctrinal MasteryMagkakaiba ang pagpapatupad ng Doctrinal Mastery na ibinabatay sa uri ngseminary program kung saan naka-enroll ang mga estudyante: daily seminary(early-morning program at released-time program), online seminary, o home-studyseminary.

Doctrinal Mastery sa Daily SeminaryHindi pinapalitan ng Doctrinal Mastery ang pagtuturo ng mga banal na kasulatansa seminary ayon sa pagkakasunud-sunod nito. Inaasahan na gugugol ka ng mga40 minuto sa klase bawat linggo sa buong school year para sa Doctrinal Mastery.Kakailanganin sa pagpapatupad sa Doctrinal Mastery habang itinuturo angDoktrina at mga Tipan nang sequential na simulan ang iyong klase sa takdang orasat mahusay na gamitin ang iyong oras sa klase. Mangyaring tandaan na angmaiikling pagrerebyu ng doctrinal mastery ay nilayong ikalat sa buong linggo atang oras para sa mga aktibidad na ito ay hindi kasama sa 40 minutong ito.

Mag-iiba-iba ang bilang ng linggo na gugugulin sa bawat isa sa 10 DoctrinalMastery learning experience depende sa bilang ng mahahalagang pahayag ngdoktrina at mga doctrinal mastery passage na bibigyang-diin at pag-aaralan para sapaksang iyon ng doktrina. Sapat na ang isang linggo para talakayin ang ilangpaksa, habang ang iba naman ay mangangailangan ng karagdagang bilang nglinggo para matapos (tingnan ang “Doctrinal Mastery Pacing Guide para saDoktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan” na malapit sa katapusan ngbahaging ito).

Nilikha ang Doctrinal Mastery para sa isang naibabagay na paraan ng paggamit ngoras sa klase. Bawat Doctrinal Mastery learning experience ay hinati sa maramingbahagi na maituturo sa isang sesyon ng klase, na tatagal nang 40 minuto, ohinahati ang mga bahagi ng Doctrinal Mastery at ituturo ang mga ito sa buonglinggo. Nahahati ang bawat learning experience sa mga bahagi na karaniwangnatatapos ang bawat isa sa loob ng 5 hanggang 20 minuto. Maganda na mataposang bawat 40-minutong learning experience sa loob ng isang linggo, dagdag pa sapagtuturo sa maiikling pagrerebyu habang itinuturo ang mga scripture lesson nangsequential sa loob ng linggo.

Kung pipiliin mong ituro ang Doctrinal Mastery kasabay ng pagtuturo mo ngsequential na lesson sa isang scripture block, ingatang huwag lumampas ang orasna ginugugol sa pagtuturo ng Doctrinal Mastery sa oras na kailangan upang ituroang mga banal na kasulatan nang sequential o ayon sa pagkakasunud-sunod nito.(Halimbawa, hindi dapat tumagal palagi ang 5-minutong bahagi ng “Pag-unawa saDoktrina” nang 20 minuto, na nag-iiwan ng kaunting oras para ituro ang Doktrinaat mga Tipan nang sequential o ayon sa pagkakasunud-sunod nito.) Bukod pa rito,makatutulong na ipaliwanag sa mga estudyante na mag-aaral sila ng DoctrinalMastery sa loob lamang ng ilang minuto (mga 5 o 10 minuto sa simula ng klase) at

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

x

pag-aaralan pagkatapos ang isang partikular na scripture block (tulad ng Doktrinaat mga Tipan 9) sa nalalabing oras ng sesyon ng klase.

Kahit may mga pagkakataong mapapansin mo o ng iyong mga estudyante angkaugnayan ng Doctrinal Mastery material na pinag-aaralan ninyo at ng isangscripture block, iwasang tumalakay ng mga alituntunin at mahahalagang pahayagng doktrina mula sa Doctrinal Mastery Core Document sa isang scripture block.Makahahadlang ito para maunawaan ng mga estudyante ang layunin ng may-akdang scripture block.

Bukod sa pagtalakay ng mahahalagang doctrinal mastery scripture passage ayon sapaksa na bahagi ng Doctrinal Mastery, dapat mong bigyang-diin ang mga scripturepassage na iyon kapag nakita mo ang mga ito sa iyong pag-aaral ng mga banal nakasulatan ayon sa pagkakasunud-sunod nito kasama ng iyong mga estudyante.Makatutulong sa mga estudyante ang paggawa nito upang magkaroon sila ng masmalalim na pang-unawa sa kahulugan at nilalaman ng bawat scripture passage,gayundin upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng mga katotohanan naitinuturo sa bawat scripture passage.

Sa daily seminary, nakabatay at pinapalitan ng Doctrinal Mastery ang scripturemastery program. Para sa mga doctrinal mastery passage na tinatawag na mgascripture mastery passage noon, naglalaman ang Manwal ng Doktrina at mga Tipanat Kasaysayan ng Simbahan para sa Seminary Teacher ng mga mungkahi at aktibidadsa pag-aaral na makatutulong sa iyo na magkaroon ng tamang pagbibigay-diin sascripture passage sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ayon sapagkakasunud-sunod nito kasama ang mga estudyante. Para sa mga doctrinalmastery passage na bago, hindi sasabihin sa manwal ng titser na doctrinal masterypassage ito; mahalaga na mabigyang-diin mo nang epektibo at angkop ang mgatalata bilang bahagi ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan ayon sapagkakasunod-sunod nito.

Ang ilang scripture passage ay tinukoy sa Manwal ng Doktrina at mga Tipan atKasaysayan ng Simbahan para sa Seminary Teacher bilang mga scripture masterypassage ngunit hindi mga doctrinal mastery passage. Ang mga talatang ito ay hindina dapat bigyang-diin ayon sa mga tagubilin sa scripture mastery sa manwal,ngunit tatalakayin bilang karaniwang bahagi ng pag-aaral ng mga banal nakasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

Dahil sa limitadong oras mo sa klase na nakalaan para sa Doctrinal Mastery nanakapokus sa pag-aaral ng mga doktrina at doctrinal mastery passage at pagtapossa mga pagsasanay at aktibidad sa pagrerebyu, malamang na wala ka nang oraspara tulungan ang mga estudyante na magsaulo ng buong mga doctrinal masterypassage sa klase. Gayunman, dahil makatutulong ang pagsasaulo ng mga scripturepassage sa mga estudyante, maaari mong hikayatin ang mga estudyante namagsaulo ng mga doctrinal mastery passage sa labas ng klase.

Doctrinal Mastery Pacing Guide para sa Doktrina at mga Tipan atKasaysayan ng SimbahanAng bilang ng mga linggo na ginugugol sa bawat isa sa 10 learning experience aymagkakaiba para sa Doctrinal Mastery Material para sa Titser ng Doktrina at mgaTipan at Kasaysayan ng Simbahan, depende sa bilang ng mahahalagang pahayag ng

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

xi

doktrina at scripture passage na pag-aaralan para sa paksa tungkol sa doktrina.Tinatayang 40 minuto kada linggo ang dapat iukol sa Doctrinal Mastery gamit angsumusunod na mga aktibidad sa pag-aaral:

• Pag-unawa sa mga bahagi ng Doktrina

• Mga Pagsasanay

• Mga pinagsama-samang aktibidad sa pagrerebyu ng Doctrinal Mastery

Halimbawa, sa kalakip na pacing guide, dalawang linggo ang ibinigay para sa mgaaktibidad ng Doctrinal Mastery na may kaugnayan sa Panguluhang Diyos. Saunang linggo, maaari mong ituro ang bahagi 1 (mga bahagi 1–5), kabilang angdalawang maiikling pagrerebyu na gagawin sa ibang mga sesyon ng klase. Para sapangalawang linggo, maaari mong ituro ang bahagi 2 (Pagsasanay at mga aktibidadsa pagrerebyu).

Ang pagrerebyu ng kurikulum sa Manwal ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ngSimbahan para sa Seminary Teacher para sa susunod na linggo kasama ang mgaaktibidad ng pag-aaral ng Doctrinal Mastery na napapaloob sa Doctrinal MasteryMaterial para sa Titser ng Doktrina at mga Tipan at Kasaysayan ng Simbahan na ito aymakatutulong sa iyo na magplano at maglaan ng oras sa klase para sa DoctrinalMastery. Mahalaga para sa iyo na matukoy ang mga bahagi ng regular nasequential na scripture lesson na maibubuod upang magkaroon ng oras para samga Doctrinal Mastery learning activity, kabilang ang mga pagsasanay atpagrerebyu.

Ang sumusunod ay isang iminumungkahing pacing guide para sa mga DoctrinalMastery learning experience na ituturo sa school year para sa Doktrina at mgaTipan at Kasaysayan ng Simbahan:

Linggo Ituturong Doctrinal Mastery Material

1 Walang nakatakdang Doctrinal Mastery

2 Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Mga Bahagi 1–2

3 Walang nakatakdang Doctrinal Mastery

4 Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 3

5 Ang Panguluhang Diyos, Bahagi 1

6 Ang Panguluhang Diyos, Bahagi 2

7 Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 1

8 Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 2

9 Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 3

10 Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 1

11 Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 2

12 Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 3

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

xii

Linggo Ituturong Doctrinal Mastery Material

13 Ang Panunumbalik, Bahagi 1

14 Ang Panunumbalik, Bahagi 2

15 Ang Panunumbalik, Bahagi 3

16 Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 1

17 Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 2

18 Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 3

19 Walang nakatakdang Doctrinal Mastery

20 Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 4

21 Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 1

22 Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 2

23 Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 3

24 Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 4

25 Mga Ordenansa at Tipan, Bahagi 1

26 Mga Ordenansa at Tipan, Bahagi 2

27 Walang nakatakdang Doctrinal Mastery

28 Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 1

29 Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 2

30 Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 3

31 Mga Kautusan, Bahagi 1

32 Mga Kautusan, Bahagi 2

33 Mga Kautusan, Bahagi 3

34 Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery

35 Walang nakatakdang Doctrinal Mastery

36 Walang nakatakdang Doctrinal Mastery

Doctrinal Mastery sa Online SeminaryAng mga aktibidad ng Doctrinal Mastery ay isasama sa mga online seminarylesson. Kung nagtuturo ka ng online seminary class, makatutulong kungrerebyuhin mo ang naunang bahagi ng “Doctrinal Mastery sa Daily Seminary” natutulong sa iyo na maunawaan ang mahahalagang alituntunin at gawain namaaaring iangkop at gamitin sa online seminary.

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

xiii

Doctrinal Mastery sa Home-Study SeminaryHindi pa naisasama ang Doctrinal Mastery sa mga materyal na ginagamit ng mgatitser at estudyante ng home-study seminary. Kung gayon, dapat ipagpatuloy ngmga titser at estudyante ang paggamit ng kasalukuyang mga materyal para sahome-study at ang kasamang mga aktibidad para sa scripture mastery. Hangga’thindi pa naa-update ang mga materyal para sa home-study, hinihikayat ang mgatitser na magbigay sa mga estudyante ng mga kopya ng Doctrinal Mastery CoreDocument at hikayatin sila na personal na pag-aralan ito at ang mga doctrinalmastery scripture passage.

MGA TAGUBIL IN PARA SA MGA TITSER

xiv

Pagtatamo ng Espirituwalna Kaalaman, Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” ay nahahati sa apat na bahagi. Sa bahagi 1, pag-aaralanng mga estudyante ang mga talata 1 at 2 ng bahaging ito sa Doctrinal Mastery CoreDocument, pag-aaralan nila ang Doktrina at mga Tipan 88:118 at kung paanomatuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya, at pag-aaralan nila angDoktrina at mga Tipan 8:2–3 at matututuhan ang tungkol sa pagtanggap ngpaghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Paalala: Maaaring ituro ang mga bahagi 1 at 2 ng learning experience na ito sadalawang magkahiwalay na 40-minutong sesyon ng klase, o maaaring pagsamahinat ituro sa isang 80-minutong sesyon. Ang bahagi 3 ay naglalaman ng isangpinagsama-samang aktibidad sa pagrerebyu ng doctrinal mastery na maituturo saloob ng mga 15 minuto. Ang bahagi 4 ay isang rebyu tungkol sa mga alituntuninng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaari mong piliing ituro ang rebyungito nang isa o maraming beses kung kinakailangan sa school year, tulad ng sasimula ng ikalawang hati ng kursong ito sa seminary.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMatuto sa pamamagitan ng Pag-aaral at Gayon Din sa pamamagitan ngPananampalatayaIsulat sa pisara ang sumusunod na tanong: Ano ang naging karanasan ninyo kungkailan natanto ninyo na kailangan ninyong maghangad ng kaalaman mula sa inyongAma sa Langit?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti ang kanilang sagot sa tanong naito. Upang matulungan silang mag-isip ng mga karanasan, maaari mong sabihin sakanila na isipin ang mga pagkakataon kung kailan naghangad sila ng patotootungkol sa katotohanan ng Aklat ni Mormon, ng pagtawag kay Joseph Smithbilang propeta ng Diyos, o ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mgaHuling Araw.

Ipaliwanag na sa kanilang pagdalo sa seminary, ang mga estudyante aymagkakaroon ng maraming pagkakataong palawakin ang kanilang pag-unawatungkol sa kung paano magtatamo ng espirituwal na kaalaman mula sa Ama saLangit. Ang Doctrinal Mastery ay isa sa mga pagkakataong ito at nagbibigay ngmga pagkakataon upang maisabuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ngespirituwal na kaalaman at mas mapalalim ang pag-unawa sa mahahalagangpunto ng doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Bigyan ang mga estudyante ng mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document, atsabihin sa kanila na buksan ang bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal naKaalaman”. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 1. Sabihin sa

1

klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang itinuturo ngtalatang ito tungkol sa pinagmumulan ng lahat ng katotohanan.

• Sino ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan?

• Ano ang doktrinang itinuturo ng talatang ito tungkol sa kung ano ang nais ngAma sa Langit para sa bawat isa sa atin? (Matapos sumagot ng mga estudyante,sabihin sa kanila na maaari nilang markahan ang sumusunod na mahalagangpahayag ng doktrina: Dahil mahal tayo ng ating Ama sa Langit at nais Niyatayong umunlad upang maging katulad Niya, hinikayat Niya tayo na“maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayondin sa pamamagitan ng pananampalataya.”)

• Anong talata sa banal na kasulatan ang tumutulong na ituro ang mahalagangpahayag ng doktrinang ito? (Matapos mahanap ng mga estudyante ang D at T88:118 sa Doctrinal Mastery Core Document, ipaliwanag na ang mga banal nakasulatan sa panaklong ay mga doctrinal mastery passage na tumutulong naituro ang mahahalagang pahayag ng doktrina. Sabihin sa mga estudyante namaaari nilang markahan ang D at T 88:118 sa kakaibang paraan upang madalinila itong mahahanap.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 88:118, ipaliwanag na inihayag ng Panginoon ang mgatagubilin para sa pagkatuto na nakatala sa talatang ito habang iniuutos sa mganaunang miyembro ng Simbahan na magtatag ng isang paaralan para sa pag-aaralng relihiyon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:118.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano angitinuro ng Panginoon tungkol sa kung paano tayo dapat maghahangad na matuto.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Sa inyong palagay, bakit mahalaga na tayo ay “maghangad na matuto … sapamamagitan ng pag-aaral”?

• Ano ang ilan sa “mga pinakamabubuting aklat” na mapag-aaralan natin upangmakahanap ng “mga salita ng karunungan” at magkamit ng espirituwal nakaalaman? (Kabilang sa ganitong mga aklat ang mga banal na kasulatan[maaari mong ipakita ang iyong kopya ng mga banal na kasulatan]; mga turong mga propeta [maaari mong ipakita ang isang kopya ng edisyon ngkumperensya ng magasin na Ensign o Liahona at ang buklet na Para sa Lakas ngmga Kabataan]; at iba pang resources na ginawa ng Simbahan upangmatulungan tayong maunawaan at maisabuhay ang mga turo ng Panginoon[maaari mong ipakita ang isang kopya ng buklet na Tapat sa Pananampalataya:Isang Sanggunian sa Ebanghelyo].)

• Sa inyong karanasan, bakit ang mga ito ang ilan sa pinakamahuhusay na aklatna mapipili nating pag-aralan?

Ipaliwanag na dapat tayong maghangad na matuto hindi lamang sa pamamagitanng pag-aaral subalit “gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya.”

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng maghangad na matuto sapamamagitan ng pananampalataya?

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 1

2

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderDavid A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase napakinggan kung ano ang itinuro ni Elder Bednar tungkol sa ibig sabihin ngmaghangad na matuto sa pamamagitan ng pananampalataya.

“Ang isang nag-aaral na ginagamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pagkilosnang naaayon sa mga tamang alituntunin ay binubuksan ang kanyang puso parasa Espiritu Santo at inaanyayahan ang Kanyang kapangyarihan na magturo atmagpatotoo, at nagpapatunay na pagsaksi. Ang matuto sa pamamagitan ngpananampalataya ay nangangailangan ng pagsisikap sa espiritu, kaisipan, atkatawan at hindi maluwag na pagtanggap lamang. …

“… Ang matuto sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi puwedeng mailipat mula sanagtuturo tungo sa tinuturuan sa pamamagitan ng lecture, pagsasalarawan, o pagsasanay; sahalip, ang tinuturuan ay dapat magkaroon ng pananampalataya at kumilos para makamtan angkaalaman para sa kanyang sarili” (David A. Bednar, “Maghangad na Matuto sa Pamamagitan ngPananampalataya,” Liahona, Set. 2007, 17).

• Ano ang pinakanapansin ninyo sa paglalarawan ni Elder Bednar sa pagkatutosa pamamagitan ng pananampalataya?

• Ano ang ilang bagay na magagawa ninyo upang maghangad na matuto sapamamagitan ng pananampalataya?

Pagtanggap ng Paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu SantoIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang pinakahuling pangungusap satalata 1 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal MasteryCore Document. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalamkung ano ang ipinangakong gagawin ng Ama sa Langit kapag nagsusumikaptayong matuto sa pamamagitan ng pananampalataya at masigasig natin Siyanghahanapin.

• Ano ang ipinangakong gagawin ng Ama sa Langit kapag masigasig natinSiyang hahanapin? (Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan angsumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Ipinangako Niya na ihahayagang katotohanan sa ating mga isipan at puso sa pamamagitan ng Espiritu Santokung masigasig natin Siyang hahanapin.)

• Anong doctrinal mastery passage ang tumutulong na ituro ang doktrinang ito?(Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang Doktrina at mgaTipan 8:2–3 sa kakaibang paraan upang madali nila itong mahahanap.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngDoktrina at mga Tipan 8:2–3, ipaliwanag na kinakausap ng Panginoon si OliverCowdery sa talatang ito. Noong tinutulungan ni Oliver si Propetang Joseph Smithsa proseso ng pagsasalin ng Aklat ni Mormon, hinangad niya para sa kanyang sariliang kaloob na magsalin. Bilang tugon, inihayag ng Panginoon kung paanomakatanggap at makakilala ng paghahayag mula sa Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 8:2–3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na hinahanap ang mga salita o

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 1

3

parirala na tumutulong na ituro ang mahalagang pahayag ng doktrina na natukoynila kani-kanina lamang.

• Sa paanong mga paraan kaya maaaring makapangusap ang Diyos sa atingisipan at puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo? (Makatatanggap tayo ngespirituwal na pakikipag-ugnayan sa ating isipan at puso sa pamamagitan ngmga saloobin, damdamin, at pahiwatig.)

Ipaliwanag na kung minsan ay maaari tayong magtaka kung ang isang partikularna saloobin, damdamin, o pahiwatig ay mula sa Espiritu Santo o mula lamang saating sarili. Sabihin sa mga estudyante na itaas ang kanilang kamay kungnagkaroon na sila ng tanong tungkol dito. Ipaliwanag na sa halip na magbigay samga estudyante ng sagot sa tanong na ganito, magbibigay ka sa kanila ngoportunidad na “maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral atgayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (D at T 88:118) upangmakahanap ng mga sagot sa tanong na ito sa kanilang sarili.

Bigyan ang lahat ng estudyante ng kopya ng kalakip na handout. Bigyanang mga estudyante ng ilang minuto na makipagtulungan kasama ang

isang partner upang makumpleto ang mga tagubilin na nasa ilalim ng “Partner saTalakayan 1” sa handout. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante namakipagtulungan sa ibang partner upang makumpleto ang mga tagubilin na nasailalim ng “Partner sa Talakayan 2” sa handout. (Paalala: Kung odd ang kabuuangbilang ng mga estudyante mo sa iyong klase, maaari mong hilingin sa mgaestudyante na mag-tatluhan sa isang grupo, o maaari kang maging partner ngisang estudyante.)

Paano Ko Malalaman Kung Mula sa Espiritu Santoang Isang Kaisipan, Damdamin, o Pahiwatig?Partner sa Talakayan 1Basahin ang Moroni 7:12–13 at ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley(1910–2008), na inaalam ang payo na makatutulong sa inyo na malaman kung mula sa EspirituSanto ang isang kaisipan, damdamin, o pahiwatig. Maaari ninyong markahan ang mga salita oparirala na naging kapansin-pansin sa inyo:

“Paano natin malalaman ang mga bagay ng Espiritu? Paano natin malalaman kung nagmula ito saDiyos? Sa mga bunga nito. Kung ito ay magbubunga ng paglakas at pag-unlad, ng pananampalatayaat patotoo, ng mas mahusay na paggawa ng mga bagay, ng kabanalan, kung gayon ito ay mula saDiyos. Kung ito ang magwawasak sa atin, magdadala sa atin sa kadiliman, magpapalito atmagpapabalisa sa atin, magbubunga ng kawalang-pananampalataya, kung gayon ito ay mula sadiyablo” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Gordon B. Hinckley [2016], 137).

Talakayin ang inyong mga sagot sa sumusunod na tanong:

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa Moroni 7:12–13 at sa pahayag ni Pangulong Hinckley namakatutulong sa inyo na malaman kung mula sa Espiritu Santo ang isang kaisipan, damdamin, opahiwatig?

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 1

4

Partner sa Talakayan 2Basahin ang Doktrina at mga Tipan 11:12–14 at ang sumusunod na pahayag ni Elder Ronald A.Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol, na inaalam ang payo na makatutulong sa inyo namalaman kung mula sa Espiritu Santo ang isang kaisipan, damdamin, o pahiwatig. Maaari ninyongmarkahan ang mga salita o parirala na naging kapansin-pansin sa inyo.

“’Batay sa karanasan ko, pinakamadalas na nakikipag-usap sa atin ang Espiritu sa pamamagitan ngpagpapadama sa atin. Madarama ninyo ito sa mga salitang pamilyar sa inyo, na may kahulugan sainyo, na naghihikayat sa inyo. …

“… Dapat tayong magtiwala sa unang pahiwatig sa atin. Minsan ay nangangatwiran tayo; iniisipkung nakadarama ba tayo ng isang espirituwal na impresyon o kung sariling kaisipan lang natin iyon.Kapag nagsimula na tayong magdalawang-isip, maging magtatlong-isip ukol sa ating nadarama—atlahat tayo ay ginawa iyan—binabale-wala natin ang Espiritu; pinag-aalinlanganan natin ang banalna payo. …

Ang mga unang pahiwatig ay dalisay na inspirasyon mula sa langit. Kapag nagpapatibay onagpapatotoo ang mga ito sa atin, kailangan nating alamin kung para sa ano ang mga ito at huwagbalewalain ang mga ito” (Ronald A. Rasband, “Hayaang Patnubayan ng Espiritu Santo,” Ensign oLiahona, Mayo 2017, 94–96).

Talakayin ang inyong mga sagot sa sumusunod na tanong:

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa Doktrina at mga Tipan 11:12–14 at sa pahayag ni ElderRasband na makatutulong sa inyo na malaman kung mula sa Espiritu Santo ang isang kaisipan,damdamin, o pahiwatig?

Ipabuod sa ilang estudyante sa klase kung ano ang natutuhan nila tungkol sapagkilala sa mga kaisipan, damdamin, at pahiwatig na nagmumula saEspiritu Santo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 2 ng bahaging “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang magagawa natin upangmaanyayahan ang Espiritu Santo na ihayag sa atin ang katotohanan. Sabihin samga estudyante na maaari nilang markahan ang mga salita o parirala na nagingkapansin-pansin sa kanila.

• Ayon sa talatang ito, ano ang magagawa natin upang maanyayahan angEspiritu na ihayag sa atin ang katotohanan?

Balikan ang tanong na nakasulat sa pisara na hiniling mo sa mga estudyante napag-isipang mabuti noong simula ng klase: “Ano ang naging karanasan ninyo kungkailan natanto ninyo na kailangan ninyong maghangad ng kaalaman mula sainyong Ama sa Langit?” Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mgakaranasan kung kailan sila ay humingi at tumanggap ng kaalaman mula sa Ama saLangit sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa mga alituntuning tinalakay sa lessonna ito. Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong karanasan.

Magpatotoo na maaari tayong umunlad at maging katulad ng ating Ama sa Langitkapag tayo ay naghahangad na matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon dinsa pamamagitan ng pananampalataya at na ihahayag Niya ang katotohanan saating mga isipan at puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo habang masigasig

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 1

5

natin Siyang hinahanap. Hikayatin ang mga estudyante na patuloy na isabuhay angmga alituntuning ito sa kanilang mga buhay.

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryAng mga sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong ituro sakaparehong sesyon ng klaseng ito—“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,Bahagi 1.” Nilayong gamitin ang mga ito sa sesyon ng klase sa seminary mataposmong maituro ang lesson na ito subalit bago mo ituro ang “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman, Bahagi 2.” Ang maiikling rebyu na ito ay maaaring iturosa simula o katapusan ng mga klase kung saan mo regular na itinuturo angsunud-sunod na lesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagalnang higit pa sa limang minuto ang mga rebyung ito, upang hindi mabawasan angoras ng pag-aaral ng mga estudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 88:118 (5 minuto)Isulat sa pisara ang mga sumusunod na pahayag mula sa mga banal na kasulatan:

• “Sapagkat ang katalinuhan ay kumukunyapit sa katalinuhan.”

• “Maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon dinsa pamamagitan ng pananampalataya.”

• “Yaong sa Diyos ay liwanag.”

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 88:118 attukuyin kung aling pahayag sa pisara ang nagmumula sa talatang iyon. Sabihin sakanila na hanapin ang mahalagang pahayag ng doktrina sa unang talata ngDoctrinal Mastery Core Document na nauugnay sa doctrinal mastery passage na ito(Dahil mahal tayo ng ating Ama sa Langit at nais Niya tayong umunlad upangmaging katulad Niya, hinikayat Niya tayo na “maghangad na matuto, magingsa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ngpananampalataya.”) Sabihin sa mga estudyante na ulitin nang malakas nangmaraming beses ang mahalagang pahayag ng doktrinang ito.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 8:2–3 (5 minuto)Idrowing sa pisara o idispley ang kalakip na mga larawan ng isipan at puso.

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 1

6

Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang talata 1 ng bahaging “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document at hanapin angmahalagang pahayag ng doktrina at ang doctrinal mastery passage napinaka-inilalarawan ng mga larawan. (Dapat matukoy ng mga estudyante angsumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina at scripture mastery passage:Ipinangako [ng Diyos] na ihahayag ang katotohanan sa ating mga puso atisipan sa pamamagitan ng Espiritu Santo kung masigasig natin Siyanghahanapin [D at T 8:2–3]).

Sabihin sa mga estudyante na sabay-sabay na basahin nang malakas ang Doktrinaat mga Tipan 8:2–3 habang inilalagay ang apat na daliri ng isang kamay sa kanilangnoo at apat na daliri ng kabilang kamay sa ibabaw ng kanilang puso. Ipaliwanag nakapag pinagsama-sama ang apat na daliri ng bawat kamay ay magiging 8 ang mgaito, na katulad ng bahagi 8 ng Doktrina at mga Tipan.

Mga Karagdagang Ideya sa PagtuturoMatuto “sa pamamagitan ng Pag-aaral at Gayon Din sa pamamagitan ngPananampalataya”

Maaari mong ipanood ang video na “Ask of God (2017 MutualTheme)” (3:21), na makukuha sa LDS.org. Ang video na ito ay nagbibigay

ng halimbawa ng mga tanong na itinatanong ng mga kabataan sa Ama sa Langit atang mga sagot na natanggap nila.

Paano Ko Malalaman Kung Mula sa Espiritu Santo ang Isang Kaisipan,Damdamin, o Pahiwatig?

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paanomatukoy kung ang isang partikular na kaisipan o damdamin ay mula sa

Espiritu o sa kanila lang, maaari mong ipanood ang video na “Patterns of Light:Discerning Light” (2:12), na makukuha sa LDS.org. Ipinaliwanag ni Elder David A.Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol sa video na ito kung paano natinmakikilala ang banal na liwanag at paano malalaman kung tayo lang ang nakaisipsa mga ito.

Pagkatapos ng video, maaaring talakayin kung ano ang natutuhan ng mgaestudyante habang nakikinig sila kay Elder Bednar.

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 1

7

Pagtatamo ng Espirituwalna Kaalaman, Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” ay nahahati sa apat na bahagi. Tinutulungan ng bahagi 2ang mga estudyante na maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan ng,at maisabuhay ang mga sumusunod na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal nakaalaman:

• Kumilos nang may pananampalataya.

• Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

• Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng tulong o sources na ibinigayng Diyos.

Sa bahaging ito ng learning experience, pag-aaralan ng mga estudyante ang mgatalata 3 hanggang 12 ng bahaging ito sa Doctrinal Mastery Core Document, pati narin ang doctrinal mastery passage na Doktrina at mga Tipan 6:36. Maaaringkailanganin mo ng higit pa sa isang 40-minutong sesyon ng klase upangmatulungan ang mga estudyante na maunawaan at madama ang katotohanan atkahalagahan ng mga alituntuning ito. Bukod dito, mahalagang marebyu mo angmga alituntuning ito sa iyong mga estudyante sa buong kurso ng seminary upangmaalala at maisabuhay nila ang mga ito habang tumutugon sila sa mga tanong,alalahanin, at isyu sa mga pagsasanay sa doctrinal mastery at sa labas ng klase.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMga Alituntuning Makatutulong sa Atin sa Paghahanap Natin ng mga Sagotsa mga TanongSabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung nagkaroon na ba sila ng alalahanino tanong tungkol sa Simbahan at sa mga turo at kasaysayan nito na hindi nila alamkung paano sasagutin o natanong na ba sila ng ibang tao ng ganoong tanong.

Bilang halimbawa, idispley o isulat sa pisara ang sumusunod: Bakit nagkaroon siJoseph Smith at ang iba pang kalalakihang Banal sa Huling Araw noon ngmaraming asawa?

• Bakit maaaring mahirap malaman kung paano sasagutin ang tanong na ito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 3 ng bahaging “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang payo na makatutulong sa atinkapag naharap tayo sa mga alalahanin o tanong na maaaring mahirap para sa atinna maunawaan o masagot.

• Anong payo sa talatang ito ang makatutulong sa atin kapag naharap tayo samga alalahanin o tanong na maaaring mahirap para sa atin na maunawaan omasagot?

9

Ipaliwanag na ang bahaging ito ng learning experience ang tutulong sa kanila namatutuhan ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman:kumilos nang may pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nangmay walang-hanggang pananaw, hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga tulong o sources na ibinigay ng Diyos. Magagabayan sila ng mga alituntuningito kapag sila ay may mga tanong o naharap sa mga tanong ng iba.

Kumilos nang may PananampalatayaSabihin sa tatlong estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng mgatalata 5–7 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa DoctrinalMastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, athanapin ang mga pahayag na nagpapaliwanag kung paano tayo kikilos nang maypananampalataya kapag nagkaroon tayo ng mga tanong o problema. Sabihin samga estudyante na maaari nilang markahan ang mga pahayag na makabuluhanlalo na para sa kanila.

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang magagawa natin para makakilos tayo nangmay pananampalataya kapag mayroon tayong mga tanong at alalahanin? (Sapagsagot ng mga estudyante, maaari mong sabihin sa kanila na ipaliwanagkung paano makatutulong ang payo na natukoy nila kapag mayroon silang mgatanong o alalahanin.)

Bigyang-diin ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: AngPanginoon mismo ay nag-anyaya sa atin na “isaalang-alang [Siya] sa bawatpag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot.”

• Anong doctrinal mastery passage ang tumutulong na maituro ang mahalagangpahayag na ito ng doktrina? (Sabihin sa mga estudyante na maaari nilangmarkahan ang D at T 6:36 sa kakaibang paraan sa kanilang mga banal nakasulatan upang madali nila itong mahanap.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng scripturepassage na ito, ipaliwanag na inihayag ng Panginoon ang paghahayag na nakatalasa Doktrina at mga Tipan 6 kina Propetang Joseph Smith at Oliver Cowderyhabang isinasalin nila ang Aklat ni Mormon. Noong panahong iyon, hindi panakikita ni Oliver Cowdery ang mga laminang ginto na pinagkunan ng salin ngAklat ni Mormon. Naghangad siya ng “karagdagang katibayan” (D at T 6:22) naang ginagawa ni Joseph Smith ay tunay na sa Diyos.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 6:36. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang ipinayo ngPanginoon na gawin ni Oliver.

• Paano kaya makatutulong sa atin ang payo ng Panginoon kapag tayo ay maymga tanong o nakararanas ng pag-aalinlangan?

• Paano makatutulong sa atin ang pagsasaalang-alang sa Panginoon sa bawatpag-iisip para malagpasan ang pagdududa at takot?

Banggitin ang tanong sa pisara.

• Batay sa mga tinalakay natin, paano ninyo mapipiling kumilos nang maypananampalataya kapag mayroon kayong ganitong problema?

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 2

10

• Ano na ang nalalaman ninyo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at kayPropetang Joseph Smith na makatutulong sa inyo kapag mayroon kayong mgatanong tungkol sa kasaysayan o mga turo ng Simbahan?

Suriin ang mga Konsepto at Tanong nang May Walang-hanggang PananawSabihin sa tatlong estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng mgatalata 8–10 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa DoctrinalMastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin kung paano natin masusuri ang mga konsepto at tanong nang maywalang-hanggang pananaw.

• Ayon sa mga talatang ito, paano natin masusuri ang mga konsepto at tanongnang may walang-hanggang pananaw?

Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang mga sumusunod nakatotohanan: Para masuri ang mga konsepto, tanong, at isyung panlipunantungkol sa doktrina nang may walang-hanggang pananaw, isinasaalang-alangnatin ang mga ito sa konteksto ng plano ng kaligtasan at sa mga turo ngTagapagligtas. Hinahangad natin ang tulong ng Espiritu Santo para makitaang mga bagay tulad sa kung paano nakikita ng Panginoon ang mga ito.

Ipaliwanag na dahil sa ating kaalaman tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyangplano ng kaligtasan, maaaring makita natin ang ilang partikular na mga konsepto otanong nang naiiba sa mga taong hindi natin kaisa sa mga paniniwala.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan sa mga titser ng seminary atinstitute of religion. Sabihin sa mga estudyante na pakinggan kung ano ang sinabiniya na dapat gawin ng mga estudyante kapag naharap sila sa mahirap nakonsepto o tanong, o pananaw na iba mula sa kanilang sariling pananaw.

“Iminumungkahi ko na mas makabubuti para sa ating mga kabataan na iwasangmakipagtalo sa kanilang mga kasamahan. … Mas makabubuting tumugon silasa pamamagitan ng pagtukoy sa mga paniniwala o palagay ng mundo atpagkatapos sa pagtukoy sa iba-ibang palagay o paniniwala na gumagabay samga iniisip ng mga Banal sa mga Huling Araw” (Dallin H. Oaks, “As He Thinkethin His Heart,” [evening with a General Authority, Peb. 8, 2013],

broadcasts.lds.org).

• Batay sa mungkahi ni Pangulong Oaks, ano ang magagawa natin kapagnaharap tayo sa isang mahirap na konsepto o tanong, o pananaw na iba mulasa ating sariling pananaw? (Maaaring kailangan mong tulungan ang mgaestudyante na maunawaan na ang paniniwala ay isang ideya na sumusuporta saisang konklusyon at ang paghahayag ng paniniwala ay isang deklarasyon ngpinaninindigan, pananaw, o opinyon ng isang tao.)

Ipaliwanag na kapag isinasaalang-alang natin ang paniniwala o palagay ng ibangtao, dapat nating gawin ito nang may kabaitan at paggalang, at dapat ay magingsensitibo tayo sa damdamin ng tao at sa patnubay ng Espiritu Santo.

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 2

11

Upang mailarawan kung paano naiimpluwensyahan ng mga paniniwala, palagay, opatotoo ng isang tao ang kanyang konklusyon, idrowing sa pisara ang sumusunodna diagram:

Banggitin ang tanong sa pisara. Tukuyin ang ilang paniniwala o palagay namaaaring magkaroon ang isang tao tungkol sa bagay na ito, tulad ng sumusunod:Ang Diyos ay tumatawag ng mga propeta sa lahat ng panahon. Iniutos ng Diyos sa mganaunang propeta na magkaroon ng higit pa sa isang asawa (halimbawa, sina Abraham atJacob). Isulat sa pisara ang mga pahayag na ito sa ibaba ng pariralang “Mgapaniniwala, palagay, patotoo.” Ipaliwanag din na malalaman natin sa pamamagitanng kapangyarihan ng Espiritu Santo na tinawag ng Diyos si Joseph Smith namaging propeta (tingnan sa Moroni 10:5). Isulat sa pisara ang sumusunod napahayag sa ilalim ng pariralang “Mga paniniwala, palagay, patotoo”: Si Joseph Smithay tinawag ng Diyos na maging propeta.

• Gamit ang mga paniniwala at palagay na ito, at gamit ang patotoo na tinawagng Diyos si Joseph Smith na maging propeta, ano ang magiging konklusyonnatin tungkol sa pag-aasawa nang marami ni Joseph Smith at ng iba pang mgaBanal sa Huling Araw noon? (Matapos sumagot ng mga estudyante, isulat sapisara ang sumusunod na pahayag sa ilalim ng “Konklusyon”: Iniutos ng Diyoskay Propetang Joseph Smith at sa iba pang mga Banal sa Huling Araw noon namag-asawa nang higit sa isa. [Tingnan sa D at T 132:34–35.])

Paalala: Sa puntong ito, maaari mong tiyaking nauunawaan ng mga estudyante naang patakaran ng Panginoon tungkol sa kasal ay monogamiya—isang lalaki na mayasawang isang babae.

Basahin nang malakas ang sumusunod na impormasyon upang matulungan angmga estudyante na maunawaan nang may walang-hanggang pananaw angpag-aasawa nang higit sa isa ng mga Banal sa Huling Araw noon:

Inorden ng Panginoon na ang isang lalaki ay dapat isa lang ang asawa, malibankung iuutos Niya na mag-asawa nang higit sa isa sa pamamagitan ng paghahayagsa Pangulo ng Simbahan (tingnan sa Jacob 2:27–30). “Sa pamamagitan ngpaghahayag, ang maramihang pagpapakasal ay ginawa sa panahon ng LumangTipan at sa mga unang araw ng pinanumbalik na Simbahan sa tagubilin ng propetana nagtataglay ng mga susi ng pagkasaserdote [priesthood] (D at T 132:34–40, 45).Hindi na ito ginagawa sa Simbahan (OP 1); ngayon, ang pagkakaroon ng higit saisang asawa ay salungat sa pagsapi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal samga Huling Araw” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kasal, Pagpapakasal,”scriptures.lds.org).

Bagama’t hindi natin nauunawan ang lahat ng mga layunin ng Diyos para sapagpapasimula ng maramihang pagpapakasal o pag-aasawa nang higit sa isa,bahagi ito ng “pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay” (Mga Gawa 3:21). Ang ibapang mga dahilang ibinigay ng Panginoon para sa gawaing iyon ay para tulungan

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 2

12

ang mga Banal na masunod ang kautusang ibinigay kina Adan at Eva na“magpakarami at kalatan ang lupa” (D at T 132:63; tingnan din sa Genesis 1:28) at“magbangon ng mga binhi [para sa Panginoon]” (Jacob 2:30). Bukod pa sa mgalayuning ibinigay ng Panginoon sa mga banal na kasulatan, ang pag-aasawa nanghigit sa isa ay nakaapekto sa mga Banal noon sa iba pang mga paraan. Nakasal angilang kababaihan na maaaring hindi nagkaroon ng pagkakataon kung hindi dahildoon, at nagdagdag ito sa katatagang pinansiyal ng maraming kababaihan. Dagdagpa rito, ang pagsunod sa kautusan ng Panginoon tungkol sa maramihangpagpapakasal o pag-aasawa nang higit sa isa sa kabila ng oposisyon ay nagpalalimsa pang-unawa ng maraming miyembro ng Simbahan noon na sila ay “bayangpag-aaring sarili ng Dios” o katangi-tanging mga tao ng Panginoon (I Ni Pedro2:9). (Tingnan din sa “Plural Marriage in the Church of Jesus Christ of Latter-daySaints,” Gospel Topics Essays, topics.lds.org).

• Anong mga kaalaman mula sa pahayag na ito ang makatutulong sa atin namaunawaan nang may walang-hanggang pananaw ang pag-aasawa nang higitsa isa ng mga Banal sa Huling Araw noon?

Ipaliwanag na maaaring piliin ng ilang tao na suriin ang mga tanong tungkol sapag-aasawa nang higit sa isa ng mga Banal sa Huling Araw noon gamit angpalagay na hindi propeta ng Diyos si Joseph Smith.

• Ano sa palagay ninyo ang maaaring maging konklusyon ng isang tao kungganito ang palagay niya?

Hangarin na Mas Makaunawa sa pamamagitan ng mga Tulong o Sources naIbinigay ng DiyosBanggitin ang tanong sa pisara.

• Batay sa mga alituntuning tinalakay natin, bakit mahalagang magkaroon ngpatotoo na si Joseph Smith ay isang propeta ng Diyos kapag sinusuri natin ito atang iba pang mga tanong tungkol sa kasaysayan at mga turo ng Simbahan?

Ipaliwanag na noong unang magpakita ang anghel na si Moroni kay Joseph Smithupang turuan siya tungkol sa Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo at ngAklat ni Mormon sa mga huling araw, sinabi niya na ang pangalan ni Joseph ay“magiging mabuti at masama sa usap-usapan ng lahat ng tao” (JosephSmith—Kasaysayan 1:33). Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng LabindalawangApostol:

“Ang negatibong komentaryo tungkol kay Propetang Joseph Smith aymadaragdagan pa habang papalapit ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.Ang mga katotohanang may halong kasinungalingan at panlilinlang ay hindimababawasan. May mga kapamilya at kaibigan na mangangailangan ng tulongninyo” (Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 30).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 11 sa bahaging “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase na

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 2

13

tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang ibinigay sa atin ngPanginoon upang matulungan tayo na matuklasan at maunawaan angkatotohanan.

• Ano ang ibinigay sa atin ng Panginoon upang matulungan tayo na matuklasanat maunawaan ang katotohanan? (Sabihin sa mga estudyante na maaari nilangmarkahan ang sumusunod na pahayag: Bilang bahagi ng paraang itinakdang Panginoon sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, naglaan Siya ngmga tulong o sources kung saan naghahayag Siya ng katotohanan atpatnubay sa Kanyang mga anak.)

• Anong mga pagpapala ang maaari nating matanggap kapag bumaling tayo samga ibinigay na tulong o sources ng Panginoon?

Magpakita ng isang kopya ng Aklat ni Mormon.

• Bakit napakahalagang source ang Aklat ni Mormon para sa mga taongnagnanais na malaman na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Thomas S. Monson (1927–2018):

“Kung babasahin ninyo [ang Aklat ni Mormon] nang may panalangin at nangmay tapat na hangaring malaman ang katotohanan, ipapakita ng Espiritu Santoang katotohanan nito sa inyo. Kung ito ay totoo—at taos-puso kongpinatototohanan na totoo ito—ibig sabihin si Joseph Smith ay isang propeta nanakita ang Diyos Ama at Kanyang Anak na si Jesucristo.

“Dahil ang Aklat ni Mormon ay totoo, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banalsa mga Huling Araw ay Simbahan ng Panginoon dito sa lupa, at ang banal na priesthood ngDiyos ay naipanumbalik para sa kapakinabangan at pagpapala ng Kanyang mga anak.

“Kung wala pa kayong matibay na patotoo sa mga bagay na ito, gawin ninyo ang kailanganpara matamo ito. Mahalagang magkaroon kayo ng sariling patotoo sa mahihirap na panahongito, dahil hindi kayo lubos na matutulungan ng patotoo ng ibang tao” (Thomas S. Monson, “AngKapangyarihan ng Aklat ni Mormon,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 86–87).

Banggitin ang tanong sa pisara.

• Ano ang ilan sa iba pang tulong o sources na ibinigay ng Diyos ang magagamitninyo kung may ganito kayong alalahanin o problema? (Ipaliwanag na maramipa silang matututuhan kalaunan tungkol sa utos ng Panginoon sa mga Banal saHuling Araw noon na mag-asawa nang higit sa isa sa kurso ng seminary na ito,kapag pinag-aralan na nila ang Doktrina at mga Tipan 132. Malalaman nila angtungkol sa utos ng Panginoon na ihinto ang pag-aasawa nang higit sa isa kapagpinag-aralan na nila ang Opisyal na Pahayag 1.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 12 ng bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang itinuturo ng talatangito tungkol sa mga mapagkukunan ng impormasyon na hindi gawa ng Simbahan.

• Bakit mahalagang mag-ingat sa mga hindi mapagkakatiwalaangmapagkukunan ng impormasyon?

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 2

14

• Paano natin makikilala ang katotohanan mula sa mga mapagkukunan ngimpormasyon na hindi gawa ng Simbahan? (Tulungan ang mga estudyante namaunawaan na matutulungan tayo ng Espiritu Santo na makilala angkatotohanan o kamalian sa anumang pinagkukunan [source] na matatagpuansaan man [tingnan sa Moroni 10:5].)

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paanonila maisabubuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na

kaalaman upang makahanap ng mga sagot sa kanilang mga tanong at makatulongsa iba, ipalabas ang video na “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman: Kuwento niMadison” (8:36), na makukuha sa LDS.org. Sabihin sa mga estudyante na alaminkung paano ang dalagitang nagngangalang Madison ay kumilos nang maypananampalataya, sinuri nang may walang-hanggang pananaw ang kanyangtanong tungkol kay Joseph Smith at sa pag-aasawa nang higit sa isa (o polygamy),at naghangad na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga tulong o sources naibinigay ng Diyos.

• Sa paanong mga paraan kumilos si Madison nang may pananampalataya?

• Paano sinuri ni Madison ang kanyang tanong nang may walang-hanggangpananaw?

• Ano pang mga paraan ang ginawa ni Madison para mas makaunawa sapamamagitan ng mga tulong o sources na ibinigay ng Diyos?

• Paano pinagpala si Madison dahil sinunod niya ang mga alituntunin ngpagtatamo ng espirituwal na kaalaman?

• Paano inihanda si Madison ng kanyang karanasan sa pagsunod sa mgaalituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para matulunganang iba?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano sila pinagpala nang sundin nilaang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Ipaliwanag na sa school year na ito, bukod pa sa pag-aaral ng JosephSmith—Kasaysayan at Doktrina at mga Tipan nang ayon sa pagkakasunud-sunodnito, pag-aaralan din ng mga estudyante ang siyam na paksa ng doktrina mula saDoctrinal Mastery Core Document. Pag-aaralan din nila ang 25 doctrinal masterypassages mula sa Joseph Smith—Kasaysayan at Doktrina at mga Tipan nanauugnay sa mga paksang ito ng doktrina. Habang pinag-aaralan ng mgaestudyante ang bawat paksa, magkakaroon sila ng mga pagkakataong sundin atipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at angdoktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mgaalituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Hikayatin ang mgaestudyante na magtamo ng kaalaman mula sa kanilang Ama sa Langit sapamamagitan ng pagkilos nang may pananampalataya, pagsuri sa mga konsepto attanong nang may walang-hanggang pananaw, at paghangad na mas makaunawasa pamamagitan ng mga tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 2

15

Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryAng sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong ituro sa kaparehongclass session ng lesson na ito—“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 2.”Ito ay nilayong gamitin sa sesyon ng klase sa seminary matapos mong maituro anglesson na ito subalit bago mo ituro ang “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,Bahagi 3.” Ang maikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o katapusan ngklase kung saan mo regular na itinuturo ang sunud-sunod na scripture lesson mulasa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit pa sa limang minutoang rebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyanteng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 6:36 (5 minuto)Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 6:36 sa kanilangmga banal na kasulatan. Isulat sa pisara ang unang titik ng bawat salita sa talatangito: I A S B P ; H M, H M.

Sabihin sa mga estudyante na makipagtulungan sa isang kapartner o nang mag-isaupang maisaulo ang talata, gamit ang mga titik sa pisara bilang tulong sapagsasaulo. Pagkaraan ng ilang minuto, sabihin sa klase na ulitin nang malakas angtalata habang itinuturo mo ang mga titik sa pisara. Pagkatapos ay burahin o takpanang mga titik sa pisara at sabihin sa klase na bigkasing muli ang talata.

Mga Karagdagang Ideya sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 6:36. “Huwag Mag-alinlangan”Sa pagtalakay mo sa Doktrina at mga Tipan 6:36, maaari mong ituro na hindiiniutos sa atin ng Panginoon na huwag magtanong. Sa halip, iniutos Niya sa atinna “huwag mag-alinlangan” (D at T 6:36).

• Ano sa palagay ninyo ang pagkakaiba ng pagtatanong at pag-aalinlangan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga sumusunod na pahayag niPangulong Dieter F. Uchtdorf, na miyembro noon ng Unang Panguluhan. Sabihinsa klase na pakinggan kung ano ang itinuro ni Pangulong Uchtdorf tungkol sapagtatanong at sa pag-aalinlangan.

“Mahal kong mga kaibigan, tayo ay mga taong mahilig magtanong. [Ganyantalaga tayo,] dahil alam natin na ang pagtatanong ay humahantong sakatotohanan. …

“… Sa pagtatanong nagsisimula ang patotoo. Maaaring nahihiya ang ilan onadarama nilang hindi sila karapat-dapat dahil nagdududa sila tungkol saebanghelyo.

“Ngunit hindi nila dapat madama iyon. Ang pagtatanong ay hindi tanda ng kahinaan. Simulaiyon ng pag-unlad. Inutusan tayo ng Diyos na maghanap ng mga sagot sa ating mga tanong[tingnan sa Santiago 1:5–6] at pinaghahanap tayo nang may matapat na puso, na may tunay nalayunin, na may pananampalataya kay Cristo [Moroni 10:4]. Kapag ginawa natin ito, angkatotohanan ng lahat ng bagay ay ipapakita sa atin sa pamamagitan ng kapangyarihan ngEspiritu Santo [Moroni 10:5]. Huwag matakot. Magtanong. Mag-usisa, pero huwag magduda.Huwag mag-alinlangan. Laging higpitan ang kapit sa pananampalataya at liwanag na natanggap

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 2

16

na ninyo” (“The Reflection in the Water” [Church Educational System fireside para sa mga youngadult, Nob. 1, 2009], LDS.org).

“Hindi natin dapat hayaang pigilan tayo ng pagdududa at ilayo tayo sa dakilang pagmamahal,kapayapaan at mga natatanging kaloob na dulot ng pananampalataya sa Panginoong Jesucristo(Dieter F. Uchtdorf, “Halina, Sumama sa Amin,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 23).

• Ano ang tumimo sa inyo sa mga pahayag na ito ni Pangulong Uchtdorf?

Paghahanap ng mga Tulong o Sources na Ibinigay ng DiyosUpang matulungan ang mga estudyante na makahanap ng mga tulong o sourcesna ibinigay ng Diyos, maaari mong sabihin sa kanila ang tungkol (at kung posible,ipakita sa kanila o anyayahan silang hanapin ang mga ito sa kanilang mgaelectronic device) sa opisyal na website ng Simbahan na mormonnewsroom.org.Ipaliwanag na sa website na ito nililinaw ng Simbahan ang impormasyon tungkolsa iba’t ibang isyu na gustong malaman ng publiko na may kaugnayan saSimbahan at itinatama ang di-patas o maling impormasyong naiuulat sa media.Maaari mo ring ipakita sa mga estudyante ang Gospel Topics page ng Simbahan(topics.lds.org). Ang mga Gospel Topics Essay ay naglalaman ng mahahalaga atdiretsahang mga impormasyon tungkol sa maraming mahirap na isyu tungkol sakasaysayan at doktrina.

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 2

17

Pagtatamo ng Espirituwalna Kaalaman, Bahagi 3PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” ay nahahati sa apat na bahagi. Ang bahagi 3 aynaglalaman ng isang pinagsama-samang aktibidad sa pagrerebyu ng doctrinalmastery. Dapat tumagal ang aktibidad na ito nang mga 15 minuto. Kung hindi kanagkaroon ng pagkakataong matalakay ang lahat ng materyal mula sa bahagi 1 at 2ng learning experience na “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman”, maaari mongituro ang materyal na iyon sa sesyon ng klaseng ito. Kung natapos mo na ang mgamateryal mula sa bahagi 1 at bahagi 2, maaari mong gamitin ang nalalabi mongoras sa sesyon ng klaseng ito sa pagrerebyu ng materyal mula sa regular nasequential scripture lesson sa Doktrina at mga Tipan.

Mga Mungkahi sa PagtuturoPinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery (15 Minuto)Hatiin sa tatlong grupo ang klase. Mag-assign sa bawat grupo ang isa sa mgasumusunod na mahahalagang pahayag ng doktrina, kabilang ang doctrinal masterypassage nito:

1. Dahil mahal tayo ng ating Ama sa Langit at nais Niya tayong umunladupang maging katulad Niya, hinikayat Niya tayo na “maghangad namatuto, maging sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sapamamagitan ng pananampalataya” (D at T 88:118).

2. Ipinangako [ng Diyos] na ihahayag ang katotohanan sa ating mga puso atisipan sa pamamagitan ng Espiritu Santo kung masigasig natin Siyanghahanapin (D at T 8:2–3).

3. Ang Panginoon mismo ay nag-anyaya sa atin na “isaalang-alang [Siya] sabawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot” (D at T 6:36).

Sabihin sa mga estudyante na magtulungan sa kanilang grupo at magdrowing nglarawan sa kanilang study journal o sa isang pirasong papel na makatutulong sakanilang maalala ang naka-assign sa kanilang doktrina at doctrinal masteryscripture reference. Sabihin sa kanila na isama ang pahayag ng doktrina at doctrinalmastery reference sa kanilang larawan. Pagkatapos nila, sabihin sa ilang estudyantesa bawat grupo na ipaliwanag ang kanilang larawan sa klase. Maaari kang pumiling isang larawan para sa bawat doctrinal mastery passage upang maidispley sasilid-aralan bilang paalala sa mga estudyante.

18

Pagtatamo ng Espirituwalna Kaalaman, Bahagi 4PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” ay nahahati sa apat na bahagi. Ang bahagi 4 ay dapatituro sa kalagitnaan ng school year bilang rebyu para sa mga estudyante. Sabahaging ito ng learning experience, rerebyuhin ng mga estudyante ang bahaging“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document.Sasanayin din nila ang pag-reframe sa mga tanong at alalahanin upang masuri angmga ito gamit ang walang hanggang pananaw.

Mga Mungkahi sa PagtuturoBahagi 1 (20 minuto)Idispley ang larawang Naglalakad siCristo sa Tubig (Aklat ng Sining ngEbanghelyo [2009], blg. 43) o ChristWalking on the Water (LDS MediaLibrary, LDS.org). Ipabuod sa isangestudyante ang nalalaman niya tungkolsa kuwentong ito sa Bagong Tipan.Pagkatapos niyang magbahagi, itanong:

• Kailan nagsimulang lumubog siPedro? (Kung kailangan ng tulongng mga estudyante sa pagsagot satanong na ito, ipabasa sa kanila nang tahimik ang Mateo 14:29–30, na inaalamang sagot.)

Bigyang-diin na noong nawaglit ang atensyon ni Pedro mula sa Panginoon atnapunta sa hangin at mga alon, nagsimula siyang matakot at pagkatapos aylumubog siya sa tubig. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti anganumang mga impluwensya sa kanilang buhay na naghahangad na mawaglit angatensyon nila mula kay Jesucristo.

Ipaliwanag na sa paghahangad nating magtamo ng espirituwal na kaalaman sabuong buhay natin, magkakaroon ng mga impluwensyang magtatangkang iwaglitang ating atensyon mula kay Jesucristo.

• Paano maaaring mabawasan ang ating kakayahang magtamo ng espirituwal nakaalaman kung aalisin natin ang ating atensyon mula sa Tagapagligtas?

Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang huling pangungusap sa talata 6 saalituntunin 1, “Kumilos nang may Pananampalataya,” sa bahaging “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document, na naglalaman ngsumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Ang Panginoon mismo aynag-anyaya sa atin na “isaalang-alang [Siya] sa bawat pag-iisip; huwagmag-alinlangan, huwag matakot.” Kung hindi pa nila nagawa, sabihin sa mga

19

estudyante na maaari nilang markahan ang pahayag na ito sa kanilang kopya ngDoctrinal Mastery Core Document.

• Paano tayo nahihikayat ng pahayag na ito na patuloy na maghangad ngespirituwal na kaalaman mula sa Diyos?

• Paano natin maisasaalang-alang ang Panginoon kapag mayroon tayong mgatanong at alalahanin?

• Sa paanong mga paraan nadaragdagan ng pagsasaalang-alang sa Diyos atkawalan ng pag-aalinlangan ang ating kakayahang magtamo ng espirituwal nakaalaman?

Isulat sa pisara ang sumusunod na tanong: Ano ang makatutulong sa akin habangnaghahangad akong magtamo ng espituwal na kaalaman?

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa isang magpartner na basahinang mga talata 3 at 6 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” saDoctrinal Mastery Core Document. Sabihin naman sa isa pang magkapartner nabasahin ang mga talata 8 at 11 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal naKaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa mga magka-partner nabasahin nila nang malakas sa isa‘t isa ang kanilang mga talata, na inaalam ang mgasagot sa tanong na nasa pisara. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilangmarkahan ang mga katotohanang mahahanap nila na sumasagot sa tanong.Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase kungano ang nalaman nila. Maaari mong ilista sa pisara ang mga sagot ng mgaestudyante.

Itanong ang ilan o lahat ng sumusunod:

• Paano naaapektuhan ng inyong pag-uugali o asal at intensyon ang inyongkakayahang matuto sa pamamagitan ng Espiritu?

• Sa paanong mga paraan nadaragdagan ng pagtitiwala sa mga bagay na alam naninyo ang inyong kakayahang makatanggap ng karagdagang espirituwal napag-unawa?

• Paano makatutulong sa inyo na magtamo ng espirituwal na kaalaman angpagsuri sa mga tanong at alalahanin na mayroon kayo tungkol sa plano ngkaligtasan?

• Bakit mahalagang malaman na inihahayag ng Diyos ang katotohanan sapamamagitan ng ligtas at maaasahang sources?

• Paano ninyo naisabuhay ang mga katotohanang makikita sa bahaging“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document atnakatanggap ng espirituwal na kaalaman mula sa Panginoon?

Hikayatin ang mga estudyante na patuloy na isaalang-alang ang Panginoon athuwag mag-alinlangan (tingnan sa D at T 6:36) habang aktibo nilangipinamumuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Bahagi 2 (20 minuto)Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal naKaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document at ang tatlong alituntuning

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 4

20

tinalakay roon para sa pagpatnubay sa atin habang naghahangad tayongmatutuhan at maunawaan ang walang-hanggang katotohanan: kumilos nang maypananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos. Ipaliwanag na angsumusunod na pagsasanay ay magtutuon sa pagsuri sa mga konsepto at tanongnang may walang-hanggang pananaw.

Bigyan ang lahat ng estudyante ng isang pirasong papel na magkakasya sabawat frame sa kalakip na handout. Sabihin sa mga estudyante na

mag-isip ng mga tanong na nauugnay sa ebanghelyo na maaaring itinanong nila ohinahangad na masagot sa kasalukuyan o mga tanong na maaaring itinanong ngkanilang mga kaibigan o kapamilya. Maaaring kabilang sa mga tanong na ito angtungkol sa mga isyung panlipunan, mga tanong tungkol sa pagdaig sa mgapagsubok, o iba pang problema.

Pag-reframe sa mga Tanong

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 4

21

Kapag nakagawa na ng tanong ang mga estudyante, sabihin sa kanila na isulat angkanilang tanong sa piraso ng papel. Ipaalala sa kanila na bahagi ng pagsusuri ngmga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw ang pagre-reframeng tanong, o pagtingin sa tanong sa ibang perspektibo.

Maaari mong ipanood ang video na “Examining Questions with an EternalPerspective” (2:56), na makukuha sa LDS.org. Kung ipapanood mo ang

video, sabihin sa klase na alamain kung paano sinuri ng dalagita ang tanong ngkanyang kaibigan tungkol sa Diyos nang may walang-hanggang pananaw. Kungpipiliin mong hindi ipanood ang video, makatutulong ang pagbibigay nghalimbawa kung paano mag-reframe ng isang tanong bago magsimula ang mgaestudyante sa aktibidad.

Pagkatapos ng video, bigyan ang lahat ng estudyante ng kopya ng handout na“Pag-reframe sa mga Tanong”. Sabihin sa mga estudyante na ilagay ang piraso ngpapel kung saan nakasulat ang kanilang tanong sa frame na “LimitadongPananaw” sa ibabang bahagi ng handout.

Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na kunwari ay isang taong walangwalang-hanggang pananaw ang nagtatanong niyon.

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 4

22

• Para sa inyo, ano ang mga paniniwala o palagay ang maaaring maisip ng isangtaong may limitadong pananaw?

Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang mga paniniwala o palagay sa o malapitsa frame na “Limitadong Pananaw.”

• Paano maiimpluwensiyahan ng mga paniniwala o palagay ng taong ito angkanyang konklusyon?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 8 ng bahaging “Pagtatamo ngEspirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa, na nag-iisip ng mga maitatanong natin namakatutulong sa ating mag-reframe ng isang tanong o alalahanin nang maywalang-hanggang pananaw. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilangmarkahan ang dalawang tanong sa dulo ng talatang iyon: Ano na ba ang alam kotungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang plano, at kung paano Siya nakikitungo saKanyang mga anak? Anong mga turo ng ebanghelyo ang nauugnay o naglilinaw sakonsepto o problemang ito?

Sabihin sa mga estudyante na ilipat ang piraso ng papel sa frame na“Walang-hanggang Pananaw.”

Bigyang-diin na hindi nagbago ang mismong tanong, subalit habang tinitingnannatin ito nang may walang-hanggang pananaw ay nagbabago ang atingpang-unawa. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga sagot sa kanilangtanong sa pamamagitan ng pagsuri rito gamit ang dalawang tanong na nasatalata 8. Hikayatin sila na isulat ang kanilang mga sagot sa o malapit sa frame na“Walang-hanggang Pananaw.”

• Paano naiimpluwensyahan ng mga paniniwala o palagay na ito ang atingkonklusyon?

Sa iyong pag-obserba sa pagkilos ng mga estudyante, maaari mong sabihin nangpribado sa isa o dalawang estudyante na maghandang magbahagi ng ilangsaloobin tungkol sa naranasan nila habang sinusuri nila ang kanilang tanong nangmay walang-hanggang pananaw. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mgaestudyanteng iyon na ibahagi ang kanilang karanasan. Maaari mo ring naisingitanong sa klase kung may tanong o isyu pa na pinili nilang suriin na nais nilangtalakayin bilang klase.

Sa pagtatapos, hikayatin ang mga estudyante na patuloy na isabuhay ang mgaalituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa kanilang paghahangad ngmga sagot sa mga tanong na maaaring mayroon sila. Magpatotoo tungkol sapangako ng Panginoon na sasagutin tayo kapag masigasig tayong naghahangad ngkatotohanan mula sa Kanya.

Karagdagang Ideya sa PagtuturoPagsuri ng mga Konsepto at Tanong nang may Walang-hanggang PananawPaalala: Ang sumusunod na aktibidad ay magagamit bilang bahagi ng bahagi 2.

Ipaliwanag na minsan ay malalaman natin ang mga katotohanang tutulong sa atinna ma-reframe ang isang tanong, subalit kung minsan ay maaaring kailanganin

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 4

23

nating hanapin ang mga katotohanang iyan. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder L. Whitney Clayton ngPanguluhan ng Pitumpu. Sabihin sa klase na pakinggan kung ano ang ipinayo niElder Clayton na gawin natin habang naghahangad tayo ng espirituwal nakaalaman.

“Hindi … ipinapakita [ng Diyos] sa atin ang buong pangyayari sa simula. Diyanpumapasok ang pananampalataya, pag-asa, at pagtitiwala sa Panginoon.

“Hinihiling sa atin ng Diyos na magtiis kasama Niya—na magtiwala at sumunodsa Kanya. … Sinabi Niya sa atin na hindi tayo dapat umasa na masasagot agadtayo o malulutas agad ang mga problema natin. Magiging mabuti ang lahatkapag naging matatag tayo sa panahon ng ‘pagsubok [sa ating]

pananampalataya,’ mahirap mang tiisin ang pagsubok na iyon o mabagal man ang pagdating ngsagot” (L. Whitney Clayton, “Gawin Ninyo ang Anomang sa Inyo’y Kaniyang Sabihin,” Ensign oLiahona, Mayo 2017, 99).

• Ano ang ipinayo ni Elder Clayton na gawin natin habang nagsisikap tayongmagtamo ng espirituwal na kaalaman?

PAGTATAMO NG ESPIRITUWAL NA KAALAMAN, BAHAGI 4

24

Ang Panguluhang Diyos,Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang PanguluhangDiyos” ay nahahati sa dalawang bahagi. Sa bahagi 1, pag-aaralan ng mgaestudyante ang mga talata 1.1 hanggang 1.7 ng paksa ng doktrinang ito gamit angimpormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Matututuhan nila na ang Ama,ang Anak, at ang Espiritu Santo ay tatlong magkakaibang nilalang at na paparitongmuli si Jesucristo sa kapangyarihan at kaluwalhatian at maghahari sa daigdig saMilenyo. Pag-aaralan din ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 130:22–23at 29:10–11.

Paalala: Maituturo mo ang apat na bahagi ng lesson na ito sa loob ng isang sesyonng klase o sa loob ng ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mgabahagi sa loob ng ilang sesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mgaestudyante kung ano ang natutuhan nila sa nakaraang mga bahagi bago kamagturo ng isang bagong bahagi.

Pag-unawa sa DoktrinaBahagi 1 (10 minuto)Hatiin ang mga estudyante sa mga grupong may tigtatatlo hanggang tig-aapat nakatao. Bigyan ng isang pirasong papel ang bawat grupo, o sabihin sa kanila nagamitin ang kanilang mga class notebook o study journal. Ipasulat sa lahat nggrupo ang lahat ng katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos na maiisip nila saloob ng 90 segundo.

Pagkatapos ng aktibidad na ito, sabihin sa mga estudyante na tingnan ang paksa ngdoktrina 1, “Ang Panguluhang Diyos,” sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihinsa kanila na magsalitan sa pagbasa nang malakas sa mga talata 1.1–1.7 sa kanilangmaliliit na grupo, na inaalam ang mga katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos.

Matapos magbigay ng sapat na oras, sabihin sa mga grupo na ibahagi kung anoang nalaman nila.

• Sinusuportahan o pinagtitibay ba ng alinmang katotohanan tungkol saPanguluhang Diyos na nalaman ninyo sa mga talatang ito ang alinmangkatotohanan na isinulat ninyo sa papel? Kung oo, alin sa mga ito?

• Anong mga karagdagang katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos mula samga talatang ito ang pinakakapansin-pansin sa inyo?

• Ano sa palagay ninyo ang mga katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos angpinakamahalaga para sa mga tao na maunawaan?

Bahagi 2 (5 minuto)Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang dalawang pangungusap ngtalata 1.1 sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa.

26

Ipaliwanag na nilalaman ng dalawang pangungusap na ito ang dalawangmahahalagang pahayag ng doktrina: May tatlong magkakahiwalay na katauhansa Panguluhang Diyos: ang Diyos, ang Amang Walang Hanggan; angKanyang Anak na si Jesucristo; at ang Espiritu Santo. Ang Ama at ang Anakay may mga niluwalhating katawang may laman at buto, at ang Espiritu Santoay isang personaheng espiritu. Sabihin sa mga estudyante na markahan angmahahalagang pahayag ng doktrinang ito sa kanilang mga kopya ng DoctrinalMastery Core Document.

• Sa palagay ninyo, bakit mahalagang maunawaan ng mga tao ang mgakatotohanang ito?

Idispley ang ilan o lahat ng sumusunod na mga larawan, at sabihin sa mgaestudyante na ipaliwanag nang maikli ang pangyayaring ipinakikita ng bawat isa.(Makukuha ang mga larawang ito sa lds.org/media-library. Nasa ibaba ang mgascripture reference at paglalarawan.)

Binibinyagan ni Juan Bautista si Jesus(Mateo 3:13–17). Sa binyag ngTagapagligtas, ang Espiritu Santo aybumaba sa Tagapagligtas tulad ng isangkalapati at nagsalita ang Ama mulasa langit.

ANG PANGULUHANG DIYOS, BAHAGI 1

27

Nananalangin si Jesus sa Getsemani(Mateo 26:39, 42). Nanalangin si Jesussa Ama sa Langit noong nagdurusaSiya sa Getsemani.

Ipinapakita ni Jesus ang Kanyang mgaSugat (Lucas 24:36–40). Nagpakita siJesus sa Kanyang mga Apostol nangmay nabuhay na mag-uling katawangmay laman at mga buto.

Ang Unang Pangitain (JosephSmith—Kasaysayan 1:15–20). AngDiyos Ama at ang Kanyang Anak na siJesucristo ay nagpakita kayJoseph Smith.

ANG PANGULUHANG DIYOS, BAHAGI 1

28

Nagpakita si Jesucristo sa mga Nephita(3 Nephi 11:3–11). Nagpatotoo angAma sa Langit tungkol sa KanyangBugtong na Anak noong nagpakita siJesucristo sa mga Nephita sa lupain ngMasagana.

• Paano inilalarawan ng mga ulat mula sa mga banal na kasulatan na makikita samga larawang ito ang dalawang mahahalagang pahayag ng doktrina? (Dapatmaipaliwanag ng mga estudyante kung ano ang inilalarawan ng mga ulat na itotungkol sa katauhan ng mga miyembro ng Panguluhang Diyos. Halimbawa, sabinyag ni Jesucristo, bumaba ang Espiritu Santo sa Tagapagligtas tulad ng isangkalapati at nagsalita ang Ama mula sa Langit—tinutukoy na ang Ama, angAnak, at ang Espiritu Santo ay tatlong magkakahiwalay na Katauhan.)

Bahagi 3 (10 minuto)Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang talata 1.1 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa kanila na hanapin ang doctrinal mastery passage natumutulong na maituro ang mahahalagang pahayag ng doktrina na minarkahannila sa talatang ito. Sabihin sa kanila na buklatin ang kanilang mga banal nakasulatan sa Doktrina at mga Tipan 130:22–23, at sabihin sa kanila na maaarinilang markahan ang talatang ito sa kakaibang paraan upang madali nila itongmahahanap.

Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng talatangito, ipaliwanag na dumalo si Propetang Joseph Smith sa isang stake conferencekung saan nagsalita si Elder Orson Hyde ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sakanyang mensahe ay isinama ni Elder Hyde ang ilang ideya tungkol saPanguluhang Diyos na karaniwang itinuro subalit mali. Pagkatapos ng miting ayinalok ni Joseph Smith na itama kung ano ang itinuro ni Elder Hyde. Masayangtinanggap ni Elder Hyde ang pagwawastong ito mula sa Propeta, at nakatala nangayon ang mga pagwawastong ito sa Doktrina at mga Tipan 130.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 130:22–23.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung paanotumutulong ang doctrinal mastery passage na ito na maituro ang mahahalagangpahayag ng doktrina. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Pagkatapos ng mga komento ng mga estudyante, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag mula kay Elder Dallin H. Oaks ng Korumng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan kung bakit mahalagangmalaman ang katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos.

“Dahil nasa atin ang katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos at sakaugnayan natin sa Kanila, sa layunin ng buhay, at sa katangian ng ating walanghanggang tadhana, nasa atin ang pinakamaaasahang gabay at tiyak nakaligtasan sa ating paglalakbay sa mortalidad. Alam natin kung sino angsinasamba natin at kung bakit tayo sumasamba. Alam natin kung sino tayo atano ang kahihinatnan natin (tingnan sa D at T 93:19). Alam natin kung sino ang

ANG PANGULUHANG DIYOS, BAHAGI 1

29

kumilos upang maging posible ang lahat ng ito, at alam natin kung ano ang dapat nating gawinupang matamasa ang mga pinakadakilang pagpapalang darating sa pamamagitan ng plano ngkaligtasan ng Diyos. …

“… Pinatototohanan ko na tayo ay may Ama sa Langit na nagmamahal sa atin. Pinatototohananko na tayo ay may Espiritu Santo, na gumagabay sa atin. At pinatototohanan ko si Jesucristo, angating Tagapagligtas, na ginawang posible ang lahat, sa pangalan ni Jesucristo, amen” (Dallin H.Oaks, “Ang Panguluhang Diyos at ang Plano ng Kaligtasan,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 103).

• Sa palagay ninyo, paano nakaaapekto ang ating kaalaman sa katotohanantungkol sa Panguluhang Diyos sa ating ugnayan sa Ama, sa Anak, at saEspiritu Santo?

• Anong mga sources ang magagamit natin upang matutuhan ang katotohanantungkol sa mga miyembro ng Panguluhang Diyos?

Bahagi 4 (15 minuto)Idispley ang mga larawang AngPagsilang ni Jesus at Ang IkalawangPagparito. (Makukuha ang mgalarawang ito sa lds.org/media-library.)

• Ano ang magkapareho sa mgalarawang ito? (Ang mga ito ayparehong pagpapakita ng pagparitoni Jesucristo sa lupa.)

Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang talata 1.4 sa DoctrinalMastery Core Document. Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa, nahinahanap ang isang mahalagangpahayag ng doktrina na nauugnay sapangalawang larawan, Ang IkalawangPagparito. (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang sumusunod na pahayagtungkol kay Jesucristo: Siya aydarating muli sa kapangyarihan at kaluwalhatian at maghahari sa mundo saMilenyo. Sabihin sa mga estudyante na markahan ang mahalagang pahayag ngdoktrina sa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.)

Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersenng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan kung ano angsinabi niya tungkol sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

ANG PANGULUHANG DIYOS, BAHAGI 1

30

“Ang ideya na darating Siya ay nagpapasaya sa aking kaluluwa. Magigingkagila-gilalas iyon! Ang saklaw at karingalan, ang lawak at kadakilaan, ay hihigitsa anumang nakita o naranasan na ng tao.

“Sa araw na iyon hindi Siya darating na ‘nababalot ng lampin, at nakahiga saisang pasabsaban’ [Lucas 2:12], sa halip ay magpapakita Siya ‘sa mga alapaapng langit, nadaramitan ng kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian; kasama ang

lahat ng banal na anghel’ [D at T 45:44]” (Neil L. Andersen, “Dumating Nawa ang KaharianMo,” Ensign o Liahona, Mayo 2015, 122).

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung ano ang pinakatumatak sa kanilatungkol sa pagkakaiba ng kapanganakan ng Tagapagligtaas at ng KanyangIkalawang Pagparito. Maaari mo ring sabihin sa mga estudyante na tingnan anghimnong “Jesus, Hamak nang Isilang” (Mga Himno, blg. 118). Maaari ninyongkantahin ang himno bilang isang klase o sabihin sa ilang estudyante na magsalitansa pagbasa nang malakas sa mga talata. Sabihin sa klase na alamin kung paanokaya ang pagparito ni Jesucristo at kung paano ito naiiba sa pagparito Niya bilangsanggol na ipinanganak sa Bethlehem.

Sabihin sa mga estudyante na basahin saglit ang talata 1.4 sa Doctrinal Mastery CoreDocument, na hinahanap ang doctrinal mastery passage na tumutulong na maituroang mahalagang pahayag ng doktrina na minarkahan sa talatang ito. (Sabihin samga estudyante na maaari nilang markahan ang D at T 29:10–11 sa kakaibangparaan upang madali nila itong mahahanap.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng mgatalatang ito, ipaliwanag na bago ang kumperensya noong 1830, natanggap niPropetang Joseph Smith ang paghahayag sa presensya ng anim na elder. Itinuro ngpaghahayag sa grupo ang tungkol sa pagtitipon ng mga hinirang ng Tagapagligtasbago ang Kanyang Ikalawang Pagparito.

ANG PANGULUHANG DIYOS, BAHAGI 1

31

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:10–11.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung paanotumutulong ang mga talatang ito na maituro ang mahalagang pahayag ng doktrinana minarkahan nila sa talata 1.4. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Ano ang itinuturo sa atin ng talata 11 tungkol sa pagpapalang matatamasa ngmabubuti sa Milenyo?

Patotohanan na si Jesucristo ay paparitong muli at mamumuhay Siya sa daigdigkasama ang mabubuti sa loob ng isang libong taon ng kapayapaan.

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na mga aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong ituro sakaparehong sesyon ng klaseng ito—“Ang Panguluhang Diyos, Bahagi 1.”Mangyaring gamitin ang mga aktibidad na ito sa mga sesyon ng klase sa seminarymatapos mong maituro ang lesson na ito subalit bago mo ituro ang “AngPanguluhang Diyos, Bahagi 2.” Ang maiikling rebyu na ito ay maaaring ituro sasimula o katapusan ng mga klase kung saan mo regular na itinuturo angsunud-sunod na lesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagalnang higit pa sa limang minuto ang mga rebyung ito, upang hindi mabawasan angoras ng pag-aaral ng mga estudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 130:22–23(5 minuto)Hatiin ang mga estudyante sa mga grupong may tigtatatlo hanggang tig-aapat nakatao. Bigyan ang bawat grupo ng isang kopya ng sumusunod na pahayag ngdoktrina na nakasulat sa isang pirasong papel at ginupit nang baha-bahagi atpinaghalu-halo: May tatlong / magkakahiwalay na katauhan sa / Panguluhang Diyos:ang Diyos, / ang Amang Walang Hanggan; / ang Kanyang Anak na si Jesucristo; /at angEspiritu Santo. / Ang Ama at ang Anak / ay may mga niluwalhating / katawang maylaman at buto, / at ang Espiritu Santo ay / isang personaheng espiritu. Sabihin sa lahatng grupo na ayusin ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga bahagi ngpahayag ng doktrina.

Matapos maiayos ng lahat ng grupo ang pahayag, sabihin sa mga estudyante nahanapin ang doctrinal mastery passage sa Doktrina at mga Tipan na nagtuturo ngdoktrinang ito. Kapag nahanap na ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan130:22–23, ipabasa nang malakas sa klase ang mga talatang ito nang sabay-sabay.Sabihin sa klase na ipaliwanag kung bakit mahalagang maunawaan ang talata atang pahayag ng doktrinang ito.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 29:10–11(5 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na di-kumpletong pahayag tungkol kay Jesucristo:Siya ay darating muli sa ______ at ________ at maghahari sa _______ sa __________.

Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang doctrinal mastery passage sa Doktrinaat mga Tipan na tumutulong na makumpleto ang mahalagang pahayag ngdoktrinang ito tungkol kay Jesucristo.

ANG PANGULUHANG DIYOS, BAHAGI 1

32

Kapag nahanap na ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:10–11,ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa, na inaalam ang mga salita o konsepto na makakukumpleto sapahayag sa pisara. Sabihin sa isang estudyante na punan ang mga patlang sa pisaraupang maging katulad ng sumusunod ang pahayag ng doktrina: Siya ay daratingmuli sa kapangyarihan at kaluwalhatian at maghahari sa mundo sa Milenyo.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Ang Panguluhang Diyos (5 minuto)Isulat sa dalawang magkaibang piraso ng papel ang mga sumusunod na doctrinalmastery passage, at ilagay ang mga ito sa magkabilang dulo ng silid-aralan.

Doktrina at mga Tipan 29:10–11

Doktrina at mga Tipan 130:22–23

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang kanilang mga banal na kasulatan atbasahin nang tahimik at rebyuhin ang bawat talata. Matapos ang sapat na oras,sabihin sa mga estudyante na isara ang kanilang mga banal na kasulatan. Basahinnang malakas ang mga sumusunod na katotohanan, at sabihin sa mga estudyantena ituro ang doctrinal mastery passage na nasa pader na naglalaman ng mgakatotohanang nabanggit.

• Si Jesucristo ay may katawang may laman at mga buto.

• Maghahari si Jesucristo sa daigdig sa Milenyo.

• Ang Ama at ang Anak ay may mga niluwalhating katawang may laman at buto.

• May tatlong magkakahiwalay na katauhan sa Panguluhang Diyos.

• Si Jesucristo ay paparitong muli sa kapangyarihan at kaluwalhatian.

• Ang Espiritu Santo ay isang personaheng espiritu.

ANG PANGULUHANG DIYOS, BAHAGI 1

33

Ang Panguluhang Diyos,Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang PanguluhangDiyos” ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang bahagi 2 ay naglalaman ng isangpagsasanay na tutulong sa mga estudyante na maisabuhay ang doktrinangnatutuhan nila mula sa Doctrinal Mastery Core Document at sa mga doctrinalmastery passage na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 130:22–23 at 29:10–11.Kasama rin sa lesson na ito ang isang pinagsama-samang rebyu ng lahat ngdoctrinal mastery passage na pinag-aralan ng mga estudyante hanggang sapuntong ito ng school year.

Paalala: Ang pagsasanay at ang pagrerebyu ng doctrinal mastery sa lesson na ito aymaaaring ituro sa isang sesyon ng klase o sa dalawang magkahiwalay na sesyon ngklase. Kung ituturo ang mga ito sa loob ng dalawang sesyon ng klase, maglaan ngsapat na oras para sa iyong regular na sequential scripture lesson mula sa Doktrinaat mga Tipan.

Pagsasanay (25 minuto)Pagpartner-partnerin ang mga estudyante na tila mga missionarycompanionship sila. Bigyan ang bawat magkapartner ng kalakip na

handout, at bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para makumpleto angipinagagawa.

Pagtulong sa Iba na Makilala ang Diyos1. Basahin ninyong magkompanyon nang malakas ang sumusunod na sitwasyon.

Kayo ng kompanyon mo ay mga missionary. Nakilala ninyo ang isang mabait na matandanglalaki na nagngangalang Ben. Kinausap ninyo si Ben at nagtakda kayo ng appointment sakanya. Nang magtanong ang kompanyon mo sa kanya kung ano ang kanyang mgapinaniniwalaan tungkol sa Diyos, sinabi ni Ben, “Noon pa man ay ipinalagay ko na isangnilalang ang Diyos na nasa lahat ng lugar sa iisang pagkakataon.” Pareho ninyongnadamang magkompanyon na makatutulong kay Ben na maunawaan ang tunay na pagkataong Panguluhang Diyos.

2. Maghanda ng isang maikling lesson tungkol sa Panguluhang Diyos, at isama angsumusunod:• Isang pagwawasto sa maling pang-unawa na mayroon ang investigator ninyo tungkol

sa Diyos• Mga talata mula sa mga banal na kasulatan na nagpapaliwanag sa tunay ng doktrina

tungkol sa Panguluhang Diyos• Isang paliwanag sa kung paano makatutulong kay Ben ang pagkakaroon ng wastong

pang-unawa tungkol sa Diyos3. Maging handa na ituro ang lesson ninyo sa klase.

34

Paalala: Maaari mong naising iangkop ang sitwasyon ayon sa mga karanasan atpangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring naisin na ibahin angmga pangalan sa mga pangalang mas karaniwan sa tinitirhan mo.

Sabihin sa mga magkompanyon na ituro sa klase ang kanilang natapos na lesson.(Sa malalaking klase, maaari mong ipares ang bawat magkompanyon sa iba pangmagkompanyon at sabihin sa kanila na ituro sa isa’t isa o ang ilang magkompanyonlang ang pagturuin.)

Tapusin ang lesson na nagpapatotoo tungkol sa mga katotohanang tinalakay saklase. Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng mga pagkakataong tulunganang iba na magkaroon ng wastong pang-unawa tungkol sa Panguluhang Diyos.

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery(15 minuto)Isulat sa pisara ang mga sumusunod na doctrinal mastery passage:

Doktrina at mga Tipan 88:118

Doktrina at mga Tipan 8:2–3

Doktrina at mga Tipan 6:36

Doktrina at mga Tipan 130:22–23

Doktrina at mga Tipan 29:10–11

Upang matulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pang-unawatungkol sa mga doctrinal mastery passage na ito, sabihin sa kanila na pumili ngisang passage para sa sumusunod na aktibidad.

Una, sabihin sa mga estudyante na isulat ang isang tamang pahayag o isang malingpahayag na naglalarawan sa doctrinal mastery passage na pinili nila. Pagkatapos aykolektahin ang mga pahayag at ipabasa ang mga ito nang malakas sa klase. Para sabawat pahayag, sabihin sa mga estudyante na itango ang kanilang mga ulo omag-thumbs up kung sumasang-ayon sila na tama ang pahayag. (Maaaringkailanganin mong iakma ang pagtugon ng mga estudyante ayon sa kultura ninyo.)Kung alam ng mga estudyante na mali ang pahayag, sabihin sa kanila na itaas angkanilang kamay at sabihing, “Hindi iyan totoo!” Ipahanap sa mga estudyante angdoctrinal mastery passage na magwawasto sa pahayag. Hayaan ang mgaestudyante na ipaliwanag kung ano ang mali sa pahayag at ano ang magwawastorito. (Isang halimbawa ng maling pahayag ay: ang Espiritu Santo ay may katawangmay laman at mga buto. Ang banal na kasulatan na dapat balingan ng mgaestudyante ay Doktrina at mga Tipan 130:22–23. Dapat iwasto ang pahayag upangganito ang sabihin: ang Espiritu Santo ay isang personaheng espiritu.)

ANG PANGULUHANG DIYOS, BAHAGI 2

35

Ang Plano ng Kaligtasan,Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang Plano ngKaligtasan” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 1, pag-aaralan ng mgaestudyante ang mga talata 2.1 hanggang 2.19 ng paksa ng doktrinang ito gamit angimpormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Matututuhan din nila angtungkol sa pagiging sentro o kahalagahan ng tungkulin ng Tagapagligtas sa planong kaligtasan. Pag-aaralan din nila ang doctrinal mastery passage na Doktrina atmga Tipan 76:22–24.

Paalala: Maituturo mo ang mga bahagi ng lesson na ito sa loob ng isang sesyon ngklase o sa loob ng ilang sesyon ng klase. Kung pipillin mong ituro ang mgabahaging “Pag-unawa sa Doktrina” sa loob ng ilang sesyon ng klase, maaari mongrebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano ang natutuhan nila sa nakaraangmga bahagi bago ka magturo ng isang bagong bahagi.

Pag-unawa sa DoktrinaBahagi 1 (5 minuto)Iguhit sa pisara ang linya at tatsulok ng kalakip na diagram (nang hindi kasama anganuman sa mga salita). Ipaliwanag na ang diretsong linya ay sumasagisag sa isangboard at ang tatsulok ay sumasagisag sa point of balance.

Magdrowing ng iba’t ibang hugis sa iba’t ibang bahagi ng linya upang sumagisag samga bagay na inilalagay sa board. Ipaliwanag na anuman ang nasa board, angtuktok ng tatsulok ay kailangang nasa bahaging ibinabalanse ang bigat ng boardpati na rin ang bigat ng bagay na inilagay sa board upang mabalanse ang bigat.

Pagkatapos, burahin ang mga hugis at isulat ang Plano ng Kaligtasan sa linyangsumasagisag sa board.

37

Sa pag-aaral ng mga estudyante sa paksa ng doktrina na “Ang Plano ngKaligtasan,” sabihin sa kanila na alamin kung paano nauugnay ang diagram na itosa plano ng kaligtasan.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas sa mga talata2.1 hanggang 2.3 sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimikna sumabay sa pagbasa, na inaalam ang pinakamahalaga o sentro ng plano ngAma sa Langit. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.Pagkatapos ay isulat ang Jesucristo sa loob o ibaba ng tatsulok sa diagram.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “Si Jesucristo ang sentro sa plano ngAma sa Langit”? (Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan angpariralang ito sa kanilang kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.)

Bahagi 2 (15 minuto)Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang limang subheading sa paksa ngdoktrina 2, “Ang Plano ng Kaligtasan,” sa Doctrinal Mastery Core Document.Ipaliwanag na isinasagisag ng mga subheading na ito ang mahahalagang elementong plano ng kaligtasan. Isulat ang Buhay Bago ang Buhay sa Mundo, ang Paglikha,ang Pagkahulog, Buhay sa Mundo, at Kabilang-buhay sa ibabaw ng pariralang “Planong Kaligtasan” sa diagram sa pisara.

Ipaliwanag na dahil ang Tagapagligtas ang sentro ng plano ng kaligtasan, makikitanatin ang papel Niya sa bawat isa sa mga elementong ito ng plano.Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa isang estudyante sa bawatmagka-partner na basahin nang tahimik ang mga talata sa ilalim ng heading na“Buhay Bago ang Buhay sa Mundo” at sa isa pang estudyante na basahin nangtahimik ang mga talata sa ilalim ng heading na “Ang Paglikha.” Sabihin sa kanilana alamin ang mahalagang tungkulin ni Jesucristo sa bahaging iyon ng plano ngkaligtasan. Matapos silang magbasa, sabihin sa kanila na talakayin sa bawat isakung ano ang nalaman nila.

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na tingnan ang bahaging“Ang Paglikha.”

• Paano nagkaroon ng mahalagang tungkulin si Jesucristo sa Paglikha? (Mataposang mga sagot ng mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod namahalagang pahayag ng doktrina at sabihin sa mga estudyante na markahan itosa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document: Nilikha niJesucristo ang langit at ang lupa sa ilalim ng pamamahala ng Ama.)

Ipabasa nang malakas ang sumusunod na pahayag mula kay Elder Dallin H. Oaksng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan kung paanosinusuportahan ng kanyang pahayag ang pahayag na ito ng doktrina.

“Ang Anak, ang pinakadakila sa lahat, ay pinili ng Ama upang isagawa angplano ng Ama—na gamitin ang kapangyarihan ng Ama para lumikha ng daigdigna di mabilang (tingnan sa Moises 1:33) at iligtas ang mga anak ng Diyos mulasa kamatayan sa pamamagitan ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli at mula sakasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala. Ang dakilang

ANG PLANO NG KALIGTASAN, BAHAGI 1

38

sakripisyong ito ay tunay na matatawag na ‘sentro ng buong kasaysayan ng tao’” (Dallin H.Oaks, “Ang Panguluhang Diyos at ang Plano ng Kaligtasan,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 102).

• Paano sinusuportahan ng pahayag na ito ang pahayag ng doktrina nanasa pisara?

• Ano pa ang nililinaw ng pahayag ni Elder Oaks tungkol sa tungkulin ngTagapagligtas sa plano ng kaligtasan?

Bahagi 3 (5 minuto)Maaari kang magdispley ng isanglarawan ng daigdig (tingnan anglarawang The Earth, makukuha salds.org/media-library).

Sabihin sa mga estudyante na tingnanang talata 2.6 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Itanong sa kanila kung alingdoctrinal mastery passage angnauugnay sa mahalagang pahayag ngdoktrina na nasa pisara: Nilikha niJesucristo ang langit at ang lupa sailalim ng pamamahala ng Ama.(Sabihin sa kanila na maaari nilangmarkahan ang D at T 76:22–24 sakakaibang paraan upang madali nilaitong mahahanap.)

Upang matulungan ang mgaestudyante na maunawaan ang konteksto ng talatang ito, ipaliwanag na angDoktrina at mga Tipan 76 ay tala ng isang pangitaing ibinigay kina PropetangJoseph Smith at Sidney Rigdon sa Hiram, Ohio, noong Pebrero 16, 1832. Angpangitaing ito ay naghayag ng maraming kagila-gilalas na katotohanan tungkol saplano ng kaligtasan ng Ama sa Langit na hindi alam ng mundo noong panahongiyon. Ang Doktrina at mga Tipan 76:22–24 ay naglalaman ng patotoo ninaPropetang Joseph Smith at Sidney Rigdon tungkol kay Jesucristo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:22–24 .Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano angpartikular na pinatotohanan nina Propetang Joseph Smith at Sidney Rigdontungkol kay Jesucristo. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Paano tumutulong ang mga talatang ito na maituro ang mahalagang pahayagng doktrina na nasa pisara?

Bahagi 4 (10 minuto)Maaari mong ipanood ang video na “We Lived with God” (4:00) (makukuhasa LDS.org) upang matulungan ang mga estudyante na madama ang

ANG PLANO NG KALIGTASAN, BAHAGI 1

39

katotohanan at kahalagahan ng mahalagang pahayag ng doktrinang nasa pisara:Nilikha ni Jesucristo ang langit at ang lupa sa ilalim ng pamamahala ng Ama.

Pagkatapos ng video na ito, itanong:

• Paano nakatulong ang mga nilikha ng Diyos na madama ninyo ang Kanyangpagmamahal sa inyo?

• Sa palagay ninyo, paano dapat makaapekto ang pag-unawa sa mahalagangpahayag ng doktrinang nasa pisara sa inyong pang-araw-araw na saloobinat asal?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti kung ano ang magagawa nilaupang maalala ang tungkuling ginampanan ni Jesucristo sa paglikha sa langit at salupa. Kung may sapat na oras pa, maaari mong ipasulat sa mga estudyante angkanilang mga saloobin sa kanilang mga study journal.

Bahagi 5 (5 minuto)Ipaalala sa mga estudyante ang diagram na idinrowing sa pisara noong simula nglesson na ito at na “Si Jesucristo ang sentro sa plano ng Ama sa Langit” (DoctrinalMastery Core Document [2018], 2.3). Sabihin sa mga estudyante na basahin nangtahimik ang mga talata 2.8 hanggang 2.18 sa Doctrinal Mastery Core Document, nahinahanap ang mga salita o parirala na naglalarawan kung paano angTagapagligtas ang sentro sa Pagkahulog, buhay sa mundo, at kabilang-buhay.Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi angnalaman nila.

Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong ituro sakaparehong sesyon ng klaseng ito—“Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 1.”Mangyaring gamitin ang aktibidad na ito sa isang sesyon ng klase sa seminarymatapos mong maituro ang lesson na ito subalit bago mo ituro ang “Ang Plano ngKaligtasan, Bahagi 2.” Ang maikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula okatapusan ng klase kung saan mo regular na itinuturo ang sequential scripturelesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit pa salimang minuto ang rebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ngmga estudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 76:22–24(5 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag ng doktrina: Nilikha ni Jesucristo anglangit at ang lupa sa ilalim ng pamamahala ng Ama.

Ipahanap sa mga estudyante ang doctrinal mastery passage sa Doktrina at mgaTipan na nagtuturo ng doktrinang ito. Kung kailangan ng mga estudyante ngtulong, sabihin sa kanila na basahin saglit and paksa ng doktrina 2, “Ang Plano ngKaligtasan,” sa Doctrinal Mastery Core Document para sa scripture reference. Kapagnahanap na ng lahat ng estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:22–24, sila aypagpartner-partnerin o hatiin sa maliliit na grupo. Sabihin sa kanila na basahinnang sama-sama ang talata at talakayin sa bawat isa kung paano ito tumutulong na

ANG PLANO NG KALIGTASAN, BAHAGI 1

40

maituro ang pahayag ng doktrina sa pisara. Matapos ang sapat na oras, sabihin samga estudyante na ibahagi ang mga paraan na maaalala nila ang reperensyang ito.

ANG PLANO NG KALIGTASAN, BAHAGI 1

41

Ang Plano ng Kaligtasan,Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang Plano ngKaligtasan” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 2, rerebyuhin ng mgaestudyante ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.Makikibahagi rin sila sa isang pagsasanay na tutulong sa kanila na maisabuhay angdoktrinang natutuhan nila mula sa Doctrinal Mastery Core Document at mula saDoktrina at mga Tipan 76:22–24.

Pag-unawa sa DoktrinaRebyu sa Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman (15 minutes)Sabihin sa mga estudyante na itaas ang kanilang kamay kung nakapaghanap nasila ng isang sagot gamit ang isang search engine sa internet.

• Karaniwan, gaano katagal bago makapagbigay ng mga sagot ang searchengine? (Karaniwang mas mababa pa sa isang segundo para makapagbigay nglibu-libong internet site na may impormasyon.)

• Paano naiiba ang paghahanap ng sagot sa internet sa pag-aaral ngwalang-hanggang katotohanan?

• Ano ang madarama ninyo kapag kailangan ninyong maghintay sa mga sagot samahahalagang tanong?

Ipaliwanag na habang tumutulong sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon, nagkaroon siOliver Cowdery ng matinding pagnanais na magsalin. Matapos payagan ngPanginoon, sinubukan ni Oliver na magsalin subalit hindi siya nagtagumpay.Naging dismayado siya.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 9:7–8.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano angsinabing dahilan ng Panginoon kay Oliver Cowdery kung bakit hindi siyanakapagsalin.

• Ano ang dahilan kung bakit hindi nakapagsalin si Oliver? (Inasahan niya namakapagsasalin siya dahil lamang hiniling niya ito. Gayunman, hindi siyanagsumikap na pag-aralan ang mga bagay sa kanyang isipan at pagkatapos ayitanong kung tama ito.)

• Bakit mahalagang malaman na inaasahan ng Panginoon na tayo ay mag-aaralat magsusumikap upang matuto para sa ating mga sarili?

Hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-tatatlo o tig-aapat na miyembro.Mag-assign sa bawat grupo ng isa sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ngespirituwal na kaalaman na tinalakay sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal naKaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nang maypananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng

42

mga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos. Ipabasa nang malakas sabawat grupo ang mga talata na nasa ilalim ng kanilang nakatakdang alituntunin,hinahanap ang mga salita at parirala na nagtuturo kung paano tayo makahahanapng mga sagot sa mahahalagang tanong at masolusyunan ang ating mga problema.Matapos ang sapat na oras, sabihin sa lahat ng grupo na sandaling ibahagi sa klasekung ano ang nahanap nila.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paanosusuriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang

pananaw, maaari mong ipanood ang video na “Examining Questions with anEternal Perspective” (2:56), na makukuha sa LDS.org. Sabihin sa klase na panoorinkung paano gumugol ng panahon ang isang dalagita na nagngangalang Lauren napag-isipan ang mga paniniwala o palagay na maaaring nakaimpluwensiya satanong ng kanyang kaibigan tungkol sa Diyos.

• Paano sinuri ni Lauren ang tanong ng kanyang kaibigan nang maywalang-hanggang pananaw?

Pagsasanay (25 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang sumusunod na alituntunin mula sa bahaging“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document:kumilos nang may pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nangmay walang-hanggang pananaw, hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Paalala: Maaari mong naising iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring naisin naibahin ang mga pangalan sa mga pangalang mas karaniwan sa tinitirhan mo.

Basahin nang malakas ang sumusunod na sitwasyon, at sabihin sa mga estudyantena kunwari ay sila mismo ang dumaranas sa karanasang ito:

Nakaupo ka sa isang science class kung saan tinatalakay ng titser at ng mgaestudyante ang mga teorya tungkol sa kung paano nagsimula ang ating galaxy atsolar system. Ilang beses na sinubukan ng titser na pabulaanan ang ideya nanagkaroon ng papel ang isang Manlilikha mula sa langit sa paglikha sa mundo.Binigyang-diin ng titser ang maraming katotohanan na tila sumusuporta sakonklusyong iyon, at maraming estudyante ang nagpabatid ng suporta sa opinyonng titser. Sa pagtatapos ng klase ay tila nalilito ka habang sinusubukan mongitugma kung ano ang natutuhan mo sa tahanan at sa simbahan sa kung ano angnatututuhan mo sa klaseng ito. Nang makauwi ka na sa bahay, patuloy napumapasok sa isipan mo ang sumusunod na mga tanong: Talaga bang nabuo angating galaxy sa pamamagitan ng random na mga pangyayari? Suwerte lang ba nanandito tayo?

Sabihin sa mga klase na irekord sa kanilang mga class notebook o study journalkung ano ang magagawa nila sa sitwasyong ito upang maipakita sa Ama sa Langitna handa silang kumilos nang may pananampalataya. Matapos ang sapat na oras,pagpartner-partnerin ang mga estudyante at sabihin sa kanila na ibahagi sa isa’t isakung ano ang naisulat nila.

ANG PLANO NG KALIGTASAN, BAHAGI 2

43

Pagkatapos magbahagi ng mga estudyante sa isa’t isa, isulat sa pisara ang mgatanong mula sa sitwasyon: Talaga bang nabuo ang ating galaxy sa pamamagitan ngrandom na mga pangyayari? Suwerte lang ba na nandito tayo?

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano nila susuriin ang mga tanong naito nang may walang-hanggang pananaw. Kung kailangan ng mga estudyante ngtulong, maaari mong itanong ang sumusunod o magbigay ng handout para sa lahatng estudyante na naglalaman ng mga ito o ibang pang mga tanong na matatalakaynila bilang magkakapartner:

• Ano ang alam ko tungkol sa Diyos, at paano ko nalaman ito?

• Ano ang sinasabi ng mga banal na kasulatan o ng mga makabagong propetatungkol sa Paglikha?

• Kailan o paano ko nadama na sumaksi ang Espiritu na may Manlilikha?

• Pinabubulaanan ba ng anumang siyentipikong ebidensya ang posibilidad namay Diyos at na nilikha Niya ang langit at ang lupa?

• Paano mapatototohanan ng impormasyon na natutuklasan ng siyensiya tungkolsa ating galaxy at daigdig na may Manlilikha sa langit?

Pagkatapos ng talakayan ng mga estudyante, itanong sa kanila kung paanotumulong sa kanila ang mga katotohanang alam nila tungkol sa Diyos at saKanyang plano na makita ang mga tanong sa pisara sa ibang pananaw.

Pagkatapos ng talakayang ito, itanong sa mga estudyante kung anong mgainspiradong sources ang mapag-aaralan nila upang makahanap ng karagdagangtulong sa mga tanong sa pisara. Kung posible, maaari mong sabihin sa kanila nagamitin ang kanilang mga mobile device upang maghanap sa LDS.org ng mgaartikulo at iba pang mga materyal na makatutulong sa kanila na masuri ang mgatanong na ito nang may walang-hanggang pananaw. Kabilang sa halimbawangmaaaring mahanap nila ang sumusunod:

• Pangulong Dieter F. Uchtdorf, “Mahalaga Kayo sa Kanya,” Ensign o Liahona,Nob. 2011, 19–22.

• Pangulong Russell M. Nelson, “The Creation,” Ensign, Mayo 2000, 84–86.

• Whitney Wilcox, “He Knows Who I Am,” artikulo para sa LDS Youth,youth.lds.org.

ANG PLANO NG KALIGTASAN, BAHAGI 2

44

Ang Plano ng Kaligtasan,Bahagi 3PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang Plano ngKaligtasan” ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang bahagi 3 ay naglalaman ng isangpinagsama-samang aktibidad sa pagrerebyu ng doctrinal mastery. Ang aktibidad sapagrerebyu na ito ay hindi dapat tumagal nang lagpas sa 20 minuto. Kung hindi kanagkaroon ng pagkakataong matalakay ang lahat ng materyal mula sa bahagi 1 at 2ng learning experience na ito, maaari mong ituro ang materyal na iyon sa sesyon ngklaseng ito. Kung naituro mo na ang mga materyal mula sa bahagi 1 at bahagi 2,maaari mong gamitin ang nalalabi mong oras sa sesyon ng klaseng ito sapagrerebyu ng materyal mula sa regular na sequential scripture lesson sa Doktrinaat mga Tipan.

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery(20 Minuto)Isulat sa pisara ang lahat ng doctrinal mastery passage na napag-aralan na ng mgaestudyante, kabilang ang mga kaugnay nitong mahahalagang parirala. (Maaarimong sabihin sa mga estudyante na tingnan ang bahaging “Mga Doctrinal MasteryPassage at Mahahalagang Parirala” sa Doctrinal Mastery Core Document.)

Mag-ukol ng ilang minuto upang rebyuhin ang mga doctrinal masterypassage at ang mahahalagang parirala nito, at pagkatapos ay ibigay ang

kalakip na handout sa lahat ng estudyante. Basahin nang malakas ang mgatagubilin.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery1. Sa unang column sa chart sa ibaba, isulat ang bawat reperensya para sa mga doctrinal

mastery passage. Sa pangalawang column sa chart, isulat ang mahalagang parirala nakaugnay ng talata.

2. Rebyuhin ang lahat ng reperensya at mahahalagang pariralang ito. Pagkatapos ay takpan ngisang pirasong papel ang unang column ng mga reperensya. Basahin ang mahahalagangparirala sa pangalawang column. Sa pangatlong column, subukang isulat ang mahahalagangparirala sa mga reperensyang ito nang walang kopya.

3. Takpan ng isang pirasong papel ang pangalawang column. Basahin ang mga reperensyangisinulat mo sa pangatlong column. Sa pang-apat na column, subukang isulat angmahahalagang parirala sa mga reperensyang ito nang walang kopya.

4. Gawin ito hanggang mapunan mo ang buong chart.

Reperensya MahalagangParirala

Reperensya MahalagangParirala

Reperensya MahalagangParirala

45

Ang Pagbabayad-sala niJesucristo, Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “AngPagbabayad-sala ni Jesucristo” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 1,pag-aaralan ng mga estudyante ang mga talata 3.1 hanggang 3.5 ng paksa ngdoktrinang ito gamit ang impormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document.Tutukuyin nila ang katotohanan na ipinakikita ng sakripisyo ng Tagapagligtas anghalaga ng lahat ng anak ng Ama sa Langit, at matututuhan nila kung paanotumutulong ang Doktrina at mga Tipan 18:10–11 na maituro ang katotohanang ito.Makikibahagi rin sila sa isang pagsasanay na tutulong sa kanila na maisabuhay angdoktrinang natutuhan nila mula sa Doctrinal Mastery Core Document at Doktrina atmga Tipan 18:10–11.

Paalala: Maituturo mo ang mga bahagi ng lesson na ito sa loob ng isang sesyon ngklase o sa loob ng ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga bahagisa loob ng ilang sesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyantekung ano ang natutuhan nila sa nakaraang mga bahagi bago ka magturo ng isangbagong bahagi.

Pag-unawa sa DoktrinaBahagi 1 (10 minuto)Magsimula sa pagtatanong sa mga estudyante kung may naitanong na ba sa kanilatungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na hindi nila masagot. Maaari monganyayahan ang mga estudyante na pumapayag na magbahagi na sabihin angkanilang karanasan. (Maging sensitibo sa anumang kahihiyan na maaaringmadama ng estudyante tungkol sa kanyang karanasan.)

Ipaliwanag na ang pag-unawa sa doktrinang matatagpuan sa Doctrinal MasteryCore Document at sa mga doctrinal mastery passage ay tutulong sa atin na masmaging handang sagutin ang mga tanong tungkol sa kung ano angpinaniniwalaan natin.

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang kanilang mga aklat sa paksa ngdoktrina 3, “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga talata 3.1 hanggang 3.5nang may kapartner, na inaalam ang mga katotohanan tungkol sa Pagbabayad-salang Tagapagligtas. Sabihin sa kanila na mag-isip ng isang tanong na maaaringitanong ng isang tao tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na masasagot mulasa natutuhan nila sa mga talatang iyon. Bigyan ng isang pirasong papel ang bawatmagkapartner na pagsusulatan nila ng kanilang tanong.

Kapag nagkaroon na ng sapat na oras ang mga estudyante, tipunin ang kanilangmga tanong at pagkatapos ay basahin sa klase ang ilan sa mga ito. Sabihin sa mgaestudyante na humanap ng mga sagot sa kanilang mga tanong sa mga talatangiyon sa Doctrinal Mastery Core Document.

47

• Sa palagay ninyo, bakit mahalagang pag-aralan at unawain angPagbabayad-sala ni Jesucristo?

Bahagi 2 (5 minuto)Sabihin sa mga estudyante na basahin nang mabuti ang talata 3.1 sa DoctrinalMastery Core Document, na inaalam kung ano ang ipinakita ng sakripisyo niJesucristo tungkol sa halaga ng bawat tao. Dapat matukoy ng mga estudyante angsumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina tungkol sa Tagapagligtas: AngKanyang sakripisyo ay pakikinabangan ng bawat isa sa atin at nagpapakita ngwalang-hanggang kahalagahan ng bawat isa sa mga anak ng Ama sa Langit.Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang pahayag na ito sakanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document. Isulat sa pisara angpahayag habang minamarkahan ito ng mga estudyante.

• Paano ipinakikita ng sakripisyo ng Tagapagligtas ang halaga ng bawat isa samga anak ng Ama sa Langit?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderM. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase napakinggan ang koneksyong ginawa ni Elder Ballard sa pagitan ng Pagbabayad-salani Jesucristo at ng halaga ng lahat ng kaluluwa.

“Kahit ang Kanyang buhay ay dalisay at walang kasalanan, binayaran Niya angkahuli-hulihang kaparusahan para sa mga kasalanan—ang sa inyo, sa akin, at salahat ng nabuhay at mabubuhay dito sa mundo. Ang pagdurusa ng Kanyangisipan, damdamin, at kaluluwa ay napakabigat kung kaya’t lumabas sa maliliitna butas ng Kanyang balat ang dugo (tingnan sa Lucas 22:44; D at T 19:18).Gayunman si Jesus ay kusang nagdusa nang sa gayon lahat tayo’y magkaroon ng

oportunidad na mahugasan at maging malinis—dahil sa ating pananampalataya sa Kanya,pagsisisi sa ating mga kasalanan, pagkabinyag sa wastong awtoridad ng priesthood, sapagtanggap sa nakadadalisay na kaloob na Espiritu Santo sa pamamagitan ng kumpirmasyon, atpagtanggap sa lahat ng iba pang mahahalagang ordenansa. Kung walang Pagbabayad-sala ngPanginoon, hindi natin matatanggap ang kahit isa sa mga biyayang ito, at hindi tayo magigingkarapat-dapat at handang bumalik upang makapiling ang Diyos. …

“… Naniniwala ako na kung tunay na mauunawaan natin ang Pagbabayad-sala ng PanginoongJesucristo, matatanto natin kung gaano kahalaga ang bawat isang anak ng Diyos. …

“… Ang Pagbabayad-sala ay walang katapusan at walang hanggan, gayunman ito’y angkop sabawat indibiduwal, nang isa-isa. …

“… Huwag na huwag maliitin ang kahalagahan ng isang tao” (M. Russell Ballard, “AngPagbabayad-sala at ang Kahalagahan ng Isang Kaluluwa,” Ensign o Liahona, Mayo2004, 84–87).

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti kung paano sila tinutulungan ngpagninilay tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na mas maunawaan angkahalagahan ng isang mahalagang anak na lalaki o babae ng Diyos.

Bahagi 3 (7 minuto)Sabihin sa mga estudyante na basahin nang mabuti ang talata 3.1 sa kanilang mgakopya ng Doctrinal Mastery Core Document at hanapin kung aling doctrinal mastery

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 1

48

passage mula sa Doktrina at mga Tipan ang tumutulong na maituro angmahalagang pahayag ng doktrina sa pisara: Ang Kanyang sakripisyo aypakikinabangan ng bawat isa sa atin at nagpapakita ng walang-hanggangkahalagahan ng bawat isa sa mga anak ng Ama sa Langit. Matapos tumugon ngmga estudyante, sabihin sa kanila na buklatin ang kanilang mga banal na kasulatansa Doktrina at mga Tipan 18:10–11. Sabihin sa mga kanila na maaari nilangmarkahan ang scripture passage na ito sa kakaibang paraan upang madali nilaitong mahahanap.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng mgatalatang ito, ipaliwanag na ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 18 ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pag-oorganisa saipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo, kabilang ang mga tagubilin kina OliverCowdery at David Whitmer tungkol sa pangangaral ng ebanghelyo at paghahanapsa mga magiging miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol sa hinaharap.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 18:10–11.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam ang mga salita oparirala na makatutulong sa pagtuturo sa mahalagang pahayag ng doktrina nanakasulat sa pisara.

• Ano ang mga salita o pariralang nahanap ninyo sa Doktrina at mga Tipan18:10–11 na tumutulong na ituro ang mahalagang pahayag ng doktrina?

• Ayon sa talata 11, bakit nagdusa at namatay para sa buong sangkatauhan angTagapagligtas?

• Paano nakatulong sa inyo ang malamang nagdusa at namatay si Jesucristo parasa inyo na matanto ang halaga ninyo sa paningin ng Diyos? (Maaari ka ringmagbahagi ng sarili mong mga damdamin tungkol dito.)

Patotohanan na lahat tayo ay napakahalaga sa paningin ng Diyos at na katibayanng katotohanang ito ang sakripisyo ng Tagapagligtas para sa atin.

Pagsasanay (18 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang tatlong alituntunin mula sa bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nangmay pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Paalala: Maaari mong naising iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Hatiin ang mga estudyante sa mga grupo na may tigtatatlo o tig-aapat namiyembro. Bigyan ang bawat grupo ng kopya ng kalakip na handout.

Sabihin sa lahat ng grupo na talakayin ang sitwasyon at ang kalakip namga tanong.

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 1

49

Mahal Ba Talaga Ako ng Diyos?Basahin ang sumusunod na sitwasyon, at pagkatapos ay talakayin ang mga tanong sa inyong mgagrupo. Matapos ninyong talakayin ang mga tanong, magkakaroon kayo ng pagkakataong isadulaang sitwasyon.

May kaibigan kayo na kamakailan lang ay nakadarama ng pagkadismaya. Nang tanungin ninyo kungano ang problema, nagdadalawang-isip siya na sabihin ito sa inyo, subalit kalaunan ay inamin niya nanagsimula siyang magduda kung mahal siya ng Diyos.

1. Sa paanong mga paraan ninyo mahihikayat ang inyong kaibigan na kumilos nang maypananampalataya upang malutas ang pag-aalala niya?

2. Paano ninyo matutulungan ang inyong kaibigan na masuri ang kanyang pag-aalala nang maywalang-hanggang pananaw?

3. Paano ninyo magagamit ang Doktrina at mga Tipan 18:10–11 upang matulungan anginyong kaibigan?

4. Ano ang iba pang mga talata mula sa mga banal na kasulatan o mga pahayag ng mgapropeta at apostol ang makahihikayat sa kaibigan ninyo na magbasa upang maghangad ngkaragdagang pang-unawa tungkol sa kanyang halaga sa Diyos? (Maglaan ng ilang minutongayon upang maghanap ng ilang talata sa mga banal na kasulatan o mga pahayag namaaari ninyong gamitin.)

Matapos magkaroon ng oras ang mga estudyante na talakayin ang mga tanong sahandout, sabihin sa bawat grupo na isadula ang sitwasyon. Sabihin sa bawat grupona pumili ng isang miyembro para gumanap na kaibigan na nagsimula nangmagduda tungkol sa pagmamahal ng Diyos. Sabihin sa isa o higit pang mgaestudyante mula sa bawat grupo na gamitin ang tinalakay ng kanilang grupohabang isinasadula nila kung ano ang maaari nilang sabihin sa kanilang kaibigan.Hikayatin silang gamitin ang Doktrina at mga Tipan 18:10–11 bilang bahagi ngaktibidad. Kung may oras pa, hikayatin ang mga estudyante na magpalitan ngtauhan sa dula at magsanay muli. Matapos ang sapat na oras, maaari mong sabihinsa kanila na talakayin ang tungkol sa anumang bagay na nadama nilang nagingmaayos o anumang nagpahirap sa kanilang pag-uusap.

Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong ituro sakaparehong sesyon ng klaseng ito—“Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Part 1.”Mangyaring gamitin ang aktibidad na ito sa isang sesyon ng klase sa seminarymatapos mong maituro ang lesson na ito subalit bago mo ituro ang “AngPagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 2.” Ang maikling rebyu na ito ay maaaringituro sa simula o katapusan ng klase kung saan mo regular na itinuturo angsequential scripture lesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagalnang higit pa sa limang minuto ang rebyung ito, upang hindi mabawasan ang orasng pag-aaral ng mga estudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 18:10–11(5 minuto)Bago magsimula ang klase, isulat sa pisara ang sumusunod na mahalagangpahayag ng doktrina tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo: Ang Kanyang

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 1

50

sakripisyo ay pakikinabangan ng bawat isa sa atin at nagpapakita ng walang-hanggangkahalagahan ng bawat isa sa mga anak ng Ama sa Langit.

Ipahanap sa mga estudyante ang doctrinal mastery passage sa Doktrina at mgaTipan na nagtuturo ng doktrinang ito. Kapag nahanap na ng mga estudyante angDoktina at mga Tipan 18:10–11, ipabasa nang malakas ang mga talatang ito saklase nang sabay-sabay. Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung paanotumutulong ang mga talatang ito na maituro ang mahalagang pahayag ng doktrinana nasa pisara.

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 1

51

Ang Pagbabayad-sala niJesucristo, Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “AngPagbabayad-sala ni Jesucristo” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 2,pag-aaralan ng mga estudyante ang paksa ng doktrinang ito gamit angimpormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Tutukuyin nila ang isangkatotohanan tungkol sa Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, at matututuhan nilakung ano ang hinihingi sa atin para makapagsisi. Pag-aaralan din ng mgaestudyante ang doctrinal mastery passage na matatagpuan sa Doktrina at mgaTipan 19:16–19 at 58:42–43.

Paalala: Maituturo mo ang mga bahagi ng lesson na ito sa loob ng isang sesyon ngklase o sa loob ng ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga bahagisa loob ng ilang sesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyantekung ano ang natutuhan nila sa nakaraang mga bahagi bago ka magturo ng isangbagong bahagi.

Pag-unawa sa DoktrinaBahagi 1 (5 minuto)Upang simulan ang bahaging ito, idrowing sa pisara ang isang shirt na maymantsa; pangalanan ang mantsa na Mantsa. Maaari ka ring magdala ng anumangdamit na may kapansin-pansing mantsa. Magsimula sa pamamagitan ngpagpapaliwanag kung ano ang nakamantsa sa damit, pagkatapos ay tanungin angmga estudyante kung ano ang maaari nilang gawin upang matanggal ang mantsa.

Kasunod ng mga tugon ng mga estudyante, ipaliwanag na matututuhan ng klasengayong araw ang tungkol sa tanging paraan na matatanggal natin ang mantsa ngkasalanan sa ating buhay.

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang mabuti ang talata 3.3 sa kanilang mgakopya ng Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa kanila na alamin kung anoang isang bagay na tanging ang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo lamangang makagagawa para sa atin. (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunodna mahalagang pahayag ng doktrina: Ang nagbabayad-salang sakripisyo niJesucristo ay naglaan ng tanging paraan para sa atin na malinis at mapatawadsa ating mga kasalanan para makapiling natin ang Diyos nang walanghanggan. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang pahayag naito sa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.)

Bigyang-diin na bagama’t maaaring maraming pamamaraan para matanggal angisang mantsa mula sa anumang damit, ang Tagapagligtas lang, sa pamamagitan ngbisa ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, ang makatatanggal sa mantsa ngkasalanan mula sa ating buhay.

• Ano ang dapat nating gawin para matulutan ang Tagapagligtas na malinis atmapatawad tayo?

53

Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder D. ToddChristofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol.

“Sa pamamagitan lamang ng pagsisisi natin nakakamtan ang biyaya ngpagbabayad-sala ni Jesucristo at ang kaligtasan. Ang pagsisisi ay isang banal nakaloob. …

“Posible lamang ang pagsisisi dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo” (D. ToddChristofferson, “Ang Banal na Kaloob na Pagsisisi,” Ensign o Liahona, Nob.2011, 38).

• Ano ang ilan sa mga paraan na maaaring subukan ng isang tao para harapingmag-isa ang kanyang mga nagawang kasalanan sa halip na magsisi?

• Bakit mahalagang maunawaan na ang nagbabayad-salang sakripisyo ngTagapagligtas at ang ating pagsisisi ang nagbibigay ng tanging paraan paramapatawad ang ating mga kasalanan?

Bahagi 2 (10 minuto)• Aling doctrinal mastery passage mula sa Doktrina at mga Tipan ang nauugnay

sa mahalagang pahayag ng doktrina na minarkahan ninyo sa talata 3.3 saDoctrinal Mastery Core Document?

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang kanilang mga banal na kasulatan saDoktrina at mga Tipan 19:16–19, at sabihin sa kanila na maaari nilang markahanito sa kakaibang paraan upang madali nila itong mahahanap sa hinaharap. Upangmatulungan silang maunawaan ang konteksto ng talatang ito, ipaliwanag na angpaghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 19 ay natanggap ni PropetangJoseph Smith para kay Martin Harris, na pinagsabihan dahil sa kanyangpagdadalawang-isip na maglaan ng pinansiyal na tulong para sa pagpapalimbag ngAklat ni Mormon. Bilang bahagi ng paghahayag na ito, ipinaliwanag ngTagapagligtas kung bakit mahalaga ang pagsisisi.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 19:16–19.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung bakitmahalagang piliin nating magsisi.

• Mula saang masamang bunga ng kasalanan tayo maliligtas dahil sa mgapagdurusa ng Tagapagligtas? (Ang uri ng pagdurusang naranasan ngTagapagligtas noong binayaran Niya ang halaga ng ating mga kasalanan.)

• Ayon sa talata 16, ano ang dapat nating gawin upang hindi natin maranasanang uri ng pagdurusang naranasan ng Tagapagligtas?

Patotohanan na si Jesucristo ang tanging Nilalang na makababata ng lahat ngmasamang ibubunga ng ating mga kasalanan upang hindi na natin pagdusahanang mga ito kung pipiliin nating magsisi.

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 2

54

Bahagi 3 (15 minuto)Ipaalala sa mga estudyante na upang matanggap ang sakripisyo ng Tagapagligtas,dapat manampalataya tayo sa Kanya at magsisi (tingnan sa talata 3.5 sa DoctrinalMastery Core Document).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga talata 3.6 at 3.7 sa DoctrinalMastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, nahinahanap ang mga katotohanan tungkol sa pagkakaroon ng pananampalataya kayJesucristo na nadarama nilang mahalagang maunawaan.

• Ano ang mga katotohanan tungkol sa pagkakaroon ng pananampalataya kayJesucristo na sa palagay ninyo ay mahalagang maunawaan? Bakit?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas sa mga talata3.8 hanggang 3.10 sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimikna sumabay sa pagbasa, na inaalam kung ano ang dapat nating gawin upangmakapagsisi.

• Ano ang dapat nating gawin para makapagsisi? (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Kasama sapagsisisi ang pagkilala sa ating mga kasalanan; pagdama ng kalungkutan,o kalumbayang mula sa Diyos, dahil sa nagawang kasalanan; pagtatapatsa ating mga kasalanan sa Ama sa Langit, at sa iba, kung kinakailangan;pagtalikod sa mga kasalanan; pagsisikap na maibalik, kung maaari, anglahat ng napinsala dahil sa nagawa nating kasalanan; at pamumuhay nangsumusunod sa mga kautusan ng Diyos. Sabihin sa mga estudyante na maaarinilang markahan ang katotohanang ito sa kanilang mga kopya ng DoctrinalMastery Core Document.)

Hatiin ang klase sa anim na grupo, at magtakda sa bawat grupo ng isa sa mgahinihingi ng pagsisisi (pagkilala sa kasalanan, pagdama ng kalungkutan,pagtatapat, pagtalikod, pagsisikap na maibalik ang lahat ng napinsala, atpamumuhay nang sumusunod sa mga kautusan). Para sa maliliit na klase, maaarikang magtakda ng maraming hinihingi [ng pagsisisi] sa isang estudyante o grupo.

Isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong (maaaring gawin mo ito bagomagklase):

• Paanong tapat na matutupad ng isang tao ang hinihingi ng pagsisisi naitinakda sa inyong grupo?

• Sa palagay ninyo, bakit mahalaga ang bahaging ito ng pagsisisi?

Sabihin sa lahat ng grupo na talakayin ang kanilang mga sagot sa mga tanong sapisara at maghandang ibahagi ang kanilang mga sagot sa klase. Maaari mongbigyan ang bawat grupo ng kopya ng Tapat sa Pananampalataya, mga pahina155–157, na makatutulong sa kanila na magkaroon ng dagdag na kaalamantungkol sa paksang nakatakda sa kanila.

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 2

55

Pagkatapos magkaroon ng oras ang mga grupo na matalakay ang kanilang mgasagot sa mga tanong na ito, sabihin sa isang tao sa bawat grupo na ibahagi angkanilang mga sagot.

Bahagi 4 (7 minuto)Itanong sa mga estudyante kung aling doctrinal mastery passage ang nauugnay samahalagang pahayag ng doktrina na minarkahan nila sa talata 3.9 sa DoctrinalMastery Core Document. Matapos ireport ang kanilang mga sagot, sabihin sa kanilana buklatin ang kanilang mga banal na kasulatan sa Doktrina at mga Tipan58:42–43 at sabihin sa kanila na maaari nilang markahan ito sa kakaibang paraansa kanilang banal na kasulatan upang madali nila itong mahanap sa hinaharap.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 58:42–43.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, na inaalam kung aling mgabahagi ng pagsisisi ang hinihikayat sa mga talatang ito. Sabihin sa mga estudyantena ibahagi ang nalaman nila.

Ipaliwanag na upang makapagsisi, dapat nating ipagtapat ang ating mga kasalanansa Panginoon. Hinihingi din ng Panginoon na ipagtapat ang ilang kasalanan sabishop o branch president. Ang mga kalalakihang ito ang kumakatawan saPanginoon sa pagpapaabot ng pagpapatawad sa Simbahan.

Paalala: Kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa kung ano ang mgakasalanang dapat ipagtapat sa kanilang bishop, sabihan sila na makipag-usap sakanilang bishop.

• Ano ang pangako ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 58:42–43 para samga taong ipagtatapat at tatalikuran ang kanilang mga kasalanan?

Ipaliwanag na may ilang tao na mali ang interpretasyon sa mga talatang ito nanagsasabing hindi na natin maaalala ang mga kasalanan natin kapag nagsisi tayo.Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderNeil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase napakinggan kung paano nauugnay ang kanyang paliwanag sa Doktrina at mgaTipan 58:42.

“Hindi sinasabi sa mga banal na kasulatan na malilimutan natin ang tinalikurannating mga kasalanan sa mortalidad. Sa halip, ipinahayag nila na hindi itomaaalala ng Panginoon [tingnan sa D at T 58:42–43].

“Ang pagtalikod sa mga kasalanan ay nagpapahiwatig na huwag na itongbalikan pa. Nangangailangan ng panahon ang pagtalikod. Para matulungan tayo,paminsan-minsan ay itinitira ng Panginoon ang ilang pagkakamali natin sa ating

alaala. Mahalagang bahagi ito ng ating pagkatuto sa buhay na ito.

“Kapag [taos-puso] nating ipinagtapat ang ating mga kasalanan, ibinalik ang kaya nating ibaliksa taong nasaktan, at tinalikuran ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagsunod samga utos, nasa proseso tayo ng pagtanggap ng kapatawaran. Sa paglipas ng panahon,madarama natin na humuhupa ang dalamhati ng ating paghihirap, ‘[inaalis] ang pagkakasala saating mga puso’ [Alma 24:10] at nagdadala ng ‘katahimikan ng budhi’ [Mosias 4:3] (Neil L.Andersen, “Magsisi … Upang Mapagaling Ko Kayo,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 42).

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 2

56

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang maunawaan na maaaring hindi natinlubos na malimutan ang ating mga kasalanan?

Sabihin sa klase na pag-isipang mabuti kung ano ang nadama nila noong humupaat nawala ang dalamhati at sakit ng kasalanan nang lubusan silang nagsisi. (Huwagipabahagi sa mga estudyante.)

Patotohanan na kapag pinagsisihan natin ang ating mga kasalanan, ang mga ito ayhindi na maaalala ng Panginoon. Patotohanan na kapag tayo ay nagsumikap sapagsunod sa mga utos ng Panginoon at tinanggap ang Kanyang pagpapatawad,mapapalitan ang dalamhati na nadama natin para sa mga kasalanang ating nagawang kapayapaan ng konsensya.

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na mga aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong ituro sakaparehong sesyon ng klaseng ito—“Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 2.”Mangyaring gamitin ang mga aktibidad na ito sa mga sesyon ng klase sa seminarymatapos mong maituro ang lesson na ito subalit bago mo ituro ang “AngPagbabayad-sala ni Jesucristo, Bahagi 3.” Ang maiikling rebyu na ito ay maaaringituro sa simula o katapusan ng mga klase kung saan mo regular na itinuturo angsunud-sunod na lesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagalnang higit pa sa limang minuto ang bawat rebyung ito, upang hindi mabawasanang oras ng pag-aaral ng mga estudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 19:16–19(5 minuto)Sabihin sa unang estudyante na darating sa klase na isulat sa pisara angsumusunod na pahayag ng doktrina bago magsimula ang klase: Angnagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo ay naglaan ng tanging paraan para sa atin namalinis at mapatawad sa ating mga kasalanan para makapiling natin ang Diyos nangwalang hanggan.

Ipahanap sa mga estudyante ang doctrinal mastery passage sa Doktrina at mgaTipan na tumutulong na maituro ang doktrinang ito. Matapos mahanap ng mgaestudyante ang Doktrina at mga Tipan 19:16–19, ipabasa nang malakas ang mgatalatang ito sa klase nang sabay-sabay.

• Ano sa palagay ninyo ang ilan sa pinakamahahalagang turo sa mgatalatang ito?

• Ano ang ilan sa mga ideya na makatutulong sa atin na maalala ang itinuturo saatin ng Doktrina at mga Tipan 19:16–19 tungkol sa Pagbabayad-sala niJesucristo?

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 58:42–43(5 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag ng doktrina bago magsimula ang klase:Kasama sa pagsisisi ang pagkilala sa ating mga kasalanan; pagdama ng kalungkutan, okalumbayang mula sa Diyos, dahil sa nagawang kasalanan; pagtatapat sa ating mgakasalanan sa Ama sa Langit, at sa iba, kung kinakailangan; pagtalikod sa mga

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 2

57

kasalanan; pagsisikap na maibalik, kung maaari, ang lahat ng napinsala dahil sa nagawanating kasalanan; at pamumuhay nang sumusunod sa mga kautusan ng Diyos.

Ipahanap sa mga estudyante ang doctrinal mastery passage sa Doktrina at mgaTipan na nagtuturo ng doktrinang ito. Matapos mahanap ng mga estudyante angDoktrina at mga Tipan 58:42–43, sabihin sa kanila na magpartner-partner atbasahin nang malakas ang mga talata. Itanong sa kanila kung anong mga bahaging mahalagang pahayag ng doktrina ang partikular na itinuro sa mga talatang ito.

Sabihin sa mga estudyante na magmungkahi ng mga paraan na maaalala nila angmga nilalaman ng doctrinal mastery passage na ito.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo(5 minuto)Isulat o idispley sa pisara ang sumusunod na mga scripture reference (o maaaringgamitin ng mga estudyante ang kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery ReferenceGuide):

D at T 18:10–11. Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila.

D at T 19:16–19. Ang Tagapagligtas ay nagdusa para sa ating mga kasalananupang tayo ay makapagsisi.

D at T 58:42–43. Kailangan nating ipagtapat at iwaksi ang kasalanan upangmakapagsisi.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Makikita dapat ng isang estudyante sabawat pares ang mga reperensya at mahahalagang parirala sa pisara (o sa referenceguide) samantalang hindi ito makikita ng isa pang estudyante. Sabihin saestudyante na nakikita ang pisara na basahin ang lahat ng mahahalagang pariralahabang pinapangalanan ng isa pang estudyante ang kaakibat na doctrinal masterypassage na reperensya. Sabihin sa estudyanteng binabasa ang mahahalagangparirala na sabihin kung ano ang reperensya kung hindi ito maalala ng kapartnerniya. Sabihin sa mga estudyante na ulitin nang ilang beses ang mahahalagangparirala, isinasalit-salit ang pagkakasunud-sunod sa bawat pagkakataong ibinigayang mga ito. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na magpalitanng papel na gagampanan at ulitin ang aktibidad.

Mga Karagdagang Ideya sa PagtuturoGinawang Posible ng Nagbabayad-salang Sakripisyo ni Jesucristo angPagkatubosUpang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano tumutulongang Doktrina at mga Tipan 19:16–19 na maituro ang katotohanang “Angnagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo ay naglaan ng tanging paraan para saatin na malinis at mapatawad sa ating mga kasalanan,” ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ngKorum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan kung ano ang

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 2

58

sinabi niya tungkol sa kung kailan magdurusa ang di-nagsising mga makasalananpara sa kanilang mga kasalanan at kung kailan matatapos ng kanilang pagdurusa.

“Dahil sa ating sariling mga kasalanan kaya binabanggit ng mga banal nakasulatan ang ilang hindi matutubos. … Kung tatanggihan ng tao angPagbabayad-sala ng Tagapagligtas, dapat niyang pagbayaran ang kanyangkasalanan upang bigyang-katarungan ang sarili. … Ang pagdurusa ng isang taona hindi natubos dahil sa kasalanan ay itinuturing na impiyerno. Ibig sabihin nitoay pagpapasakop sa diyablo at inihahalintulad ng banal na kasulatan na

pagkagapos sa tanikala o sa dagat-dagatang apoy at asupre. … Dahil sa Pagbabayad-sala niJesucristo, may katapusan ang impiyerno, at yaong pinadanas nito ay ‘matutubos mula sadiyablo … sa huling pagkabuhay na mag-uli’ (Doktrina at mga Tipan 76:85)” (D. ToddChristofferson, “Pagtubos,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 112, tala 4).

• Kailan magdurusa ang di-nagsising mga makasalanan para sa kanilang sarilingmga kasalanan? (Pagkatapos ng buhay na ito, sa bilangguan ng mga espiritu.)

• Kailan matutubos ang mga nagdurusa para sa kanilang sariling mga kasalanan?(Sa huling pagkabuhay na mag-uli.)

Ipaliwanag na ang mga taong natubos sa huling pagkabuhay na mag-uli at nahindi nakagawa ng walang kapatawarang kasalanan ay magmamana ng telestiyalna kaluwalhatian (tingnan sa D at T 76:81–85). Gayunman, ang mgamananampalataya tungo sa pagsisisi ay magiging “ganap sa pamamagitan ni Jesus… na nagsakatuparan ng ganap na pagbabayad-salang ito sa pamamagitan ngpagbubuhos ng kanyang sariling dugo” (D at T 76:69).

Ibalik ang atensyon ng mga estudyante sa mahalagang pahayag ng doktrina na“Ang nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo ay naglaan ng tanging paraanpara sa atin na malinis at mapatawad sa ating mga kasalanan para makapilingnatin ang Diyos nang walang hanggan.”

• Paano makatutulong ang natutuhan natin sa Doktrina at mga Tipan 19:16–19na maunawaan ang katotohanang ito?

Kabilang sa Pagsisisi ang Ating PagsisikapIpaalala sa mga estudyante ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina:“Kasama sa pagsisisi ang pagkilala sa ating mga kasalanan; pagdama ngkalungkutan, o kalumbayang mula sa Diyos, dahil sa nagawang kasalanan;pagtatapat sa ating mga kasalanan sa Ama sa Langit, at sa iba, kung kinakailangan;pagtalikod sa mga kasalanan; pagsisikap na maibalik, kung maaari, ang lahat ngnapinsala dahil sa nagawa nating kasalanan; at pamumuhay nang sumusunod samga kautusan ng Diyos.”

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung ano ang ibigsabihin ng ipagtapat at talikuran ang mga kasalanan, ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ngKorum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan kung ano angitinuro ni Elder Christofferson tungkol sa pagtatapat at pagtalikod sa mgakasalanan.

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 2

59

“Ang pagtatapat at pagtalikod sa kasalanan ay malalalim na konsepto. Higit paito sa simpleng pagsasabi ng ‘Inaamin ko; Patawad.’ Ang pagtatapat ay isangtaos-puso, kung minsan ay mahirap na pag-amin ng kamalian at pagkakasala saDiyos at sa tao. Ang kalungkutan at pighati at mga luha ng kapaitan ay madalasmadama sa nagtatapat, lalo na kung ang ginawa niya ay nakasakit sa iba o, angmas malala pa, nagtulak ito sa iba na magkasala. …

“Dahil sa pananampalataya sa mahabaging Manunubos, at sa Kanyang kapangyarihan, angkawalang-pag-asa ay nauuwi sa pag-asam. Nagbabago ang puso at hangarin ng tao, at angkasalanang minsang naging kaakit-akit ay naging kasuklam-suklam. Ang determinasyong iwaksiat talikdan ang kasalanan at iwasto ang nagawang pinsala, nang lubos sa abot ng makakaya, aynaroon na sa pusong iyon na nagbago na” (D. Todd Christofferson, “Ang Banal na Kaloob naPagsisisi,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 40).

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa pahayag ni Elder Christofferson tungkol sapagtatapat at pagtalikod sa mga kasalanan?

• Ano ang pangako ng Panginoon sa Doktrina at mga Tipan 58:42–43 para samga taong ipinagtatapat at tinatalikuran ang kanilang mga kasalanan?

• Ano ang ibig sabihin para sa inyo ng pangakong ito?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti kung may mga kasalanan silangkailangang ipagtapat o talikuran. Hikayatin sila na gawin kung ano angkinakailangan upang lubos na makapagsisi para mapatawad sila. Patotohanan nakapag pinagsisihan natin ang ating mga kasalanan, ang mga ito ay hindi namaaalala ng Panginoon.

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 2

60

Ang Pagbabayad-sala niJesucristo, Bahagi 3PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “AngPagbabayad-sala ni Jesucristo” ay nahahati sa tatlong bahagi. Ang bahagi 3 aynaglalaman ng isang pagsasanay na tutulong sa mga estudyante na maisabuhayang doktrinang natutuhan nila mula sa Doctrinal Mastery Core Document at sa mgadoctrinal mastery passage na kaugnay ng kanilang pag-aaralan tungkol saPagbabayad-sala ni Jesucristo. Kasama rin sa lesson na ito ang isangpinagsama-samang rebyu ng lahat ng doctrinal mastery passage na napag-aralanna ng mga estudyante.

Paalala: Maituturo mo ang pagsasanay at ang rebyu ng doctrinal mastery sa lessonna ito sa isang sesyon ng klase o sa dalawang magkahiwalay na sesyon ng klase.Mangyaring tiyaking hatiin ang oras sa klase para sa iyong regular na sequentialscripture lesson mula sa Doktrina at mga Tipan.

Pagsasanay (20 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang tatlong alituntunin mula sa bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nangmay pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Paalala: Maaari mong naising iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring naisin naibahin ang mga pangalan sa mga pangalang mas karaniwan sa tinitirhan mo.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon sa klase:

Nagpasiya si Sofia na gusto niyang maglingkod ng full-time mission. Nakagawasiya ng ilang matitinding kasalanan, at alam niya na kailangan niyang ipagtapatang mga ito sa kanyang bishop. Gayunman, nagpasiya siya na hindi ipagtapat angmga kasalanan niya dahil natatakot siya sa kung ano ang isipin ng kanyang bishoptungkol sa kanya. Sinabi niya sa kanyang sarili na kung magmimisyon siya atdaragdagan ang kasipagan, patatawarin siya ng Panginoon kahit na hindi niyaipagtapat ang kanyang mga kasalanan.

• Sa palagay ba ninyo ay kumikilos si Sofia nang may pananampalataya? Bakit ooo bakit hindi?

• Gaano kaya kaiba ang gagawin niya kung kumilos siya nang maypananampalataya?

• Paano ipinakita ng kanyang pagpili at ginawa na hindi niya sinuri ang kanyangsitwasyon nang may walang-hanggang pananaw?

61

• Paano makatutulong sa kanya ang pagsaalang-alang sa mga pagpili niya sakonteksto ng plano ng kaligtasan o mga turo ng Tagapagligtas na makita angkanyang sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw?

Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang isa sa mga doctrinal mastery passage saDoktrina at mga Tipan na tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo na maaaringmakatulong kay Sofia na maunawaan kung bakit siya dapat kumilos nang maypananampalataya o suriin ang kanyang mga pagpili nang may walang-hanggangpananaw (Doktrina at mga Tipan 18:10–11; 19:16–19; 58:42–43). Bigyan ng orasang mga estudyante na marebyu ang mga talatang ito.

• Ano ang nahanap ninyo sa doctrinal mastery passage na pinili ninyo namakatutulong kay Sofia?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni SisterLinda S. Reeves, na naglingkod bilang tagapayo sa Relief Society GeneralPresidency. Sabihin sa klase na pakinggan ang pagkakaiba ng dalawang missionaryna inilarawan ni Sister Reeves.

“Nang maglingkod ako kasama ng aking asawa nang pamunuan niya ang isangmission, nagpunta kami sa airport isang umaga para sunduin ang isang malakinggrupo ng mga missionary. Natuon ang pansin namin sa isang binata. Mukhasiyang malungkot, nabibigatan, halos balisa. Minasdan namin siyang mabutinang hapong iyon. Pagsapit ng gabi, nagtapat ang binatang ito, at nagpasiyaang kanyang mga lider na kailangan siyang umuwi. Bagama’t lungkot na lungkot

kami na nagsinungaling siya at hindi nagsisi bago nagpunta sa misyon, habang nasa daanpapunta sa airport taos-puso at buong pagmamahal namin siyang pinuri sa paglalakas-loob namagsabi, at nangako kaming makikipag-ugnayan kami sa kanya.

“Ang magiting na binatang ito ay mapalad na magkaroon ng kahanga-hangang mga magulang,magigiting na lider ng priesthood, at matulungin at mapagmahal na ward. Makalipas ang isangtaon ng pagsisikap na lubusang makapagsisi at makibahagi sa Pagbabayad-sala ngTagapagligtas, nakabalik siya sa aming mission. Hindi ko mailarawan ang kagalakang nadamanamin nang sunduin namin ang binatang ito sa airport. Siya ay puno ng Espiritu, masaya, maytiwala sa harapan ng Panginoon, at sabik na makatapos ng matapat na misyon. Siya ay nagingpambihirang missionary, at kalaunan kami ng asawa ko ay nagkaroon ng pribilehiyong makadalosa kanyang temple sealing.

“Kabaligtaran nito, may alam akong isa pang missionary na, batid na ang di-pinagsisihangkasalanan bago magmisyon ay tiyak na magiging dahilan ng pag-uwi niya nang maaga, aygumawa ng sarili niyang plano na magpakasipag sa kanyang misyon at umamin sa missionpresident mga ilang araw na lang bago niya matapos ang kanyang misyon. Nagkulang siya ngkalumbayang mula sa Diyos at tinangkang hindi sundin ang proseso ng pagsisisi na inialok ngmapagmahal nating Tagapagligtas sa bawat isa sa atin” (Linda S. Reeves, “Ang Dakilang Planong Pagtubos,” Ensign o Liahona, Nob. 2016, 89).

• Ano ang mga pagkakaibang nakita ninyo sa pagitan ng dalawang missionary nakailangang magsisi?

• Gaano kaya kabuti kung ipinagtapat muna nila ang kanilang mga kasalananbago sila tinawag na maglingkod bilang mga missionary?

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 3

62

• Sa inyong palagay, bakit mahalaga para sa atin na ipagtapat at talikuran angating mga kasalanan?

Itanong sa mga estudyante kung may maiisip ba silang anumang karagdagang mgatalata mula sa mga banal na kasulatan o mensahe sa pangkalahatang kumperensyana maaaring makatulong kay Sofia.

Patotohanan na kapag tiningnan natin ang ating mga kasalanan at pagkakamalinang may walang-hanggang pananaw at pagsisisihan natin ang mga ito sa paraangitinuro sa atin ng Panginoon, tayo ay mapapatawad at makadarama ng kapayapaanat kagalakan na nagmumula sa kaalamang nasisiyahan ang Panginoon sa atin.Hikayatin ang mga estudyante na isipin ang kanilang sariling mga buhay, at kungmay nagawa silang mga kasalanan na hindi pa nila napagsisisihan, hikayatin sila nagawin kung ano ang kinakailangan upang lubos na makapagsisi.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery (20 minuto)Bigyan ang lahat ng estudyante ng kopya ng kalakip na handout. Sabihinsa kanila na gamitin ang handout upang itugma ang mga scripture

reference ng mga doctrinal mastery passage sa kaakibat nilang mahahalagangparirala. Huwag hayaan ang mga estudyante na gamitin ang kanilang mga banal nakasulatan o ang Doctrinal Mastery Reference Guide habang kinukumpleto nila anghandout.

Aktibidad na Pagtutugma ng Doctrinal Mastery

1. ____ D atT 6:36

2. ____ D atT 8:2–3

3. ____ D atT 88:118

4. ____ D at T29:10–11

5. ____ D at T130:22–23

6. ____ D at T76:22–24

7. ____ D at T18:10–11

8. ____ D at T19:16–19.

9. ____ D at T58:42–43

a. Isaalang-alang si Cristo sa bawat pag-iisip.

b. Ang Ama at Anak ay may mga katawang may laman atmga buto.

c. Ang Espiritu Santo ay nagsasalita sa ating mga puso at isipan.

d. Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila.

e. Ang Tagapagligtas ay nagdusa para sa ating mga kasalananupang tayo ay makapagsisi.

f. Muling paparito si Cristo sa kapangyarihan at kaluwalhatian.

g. Kailangan nating ipagtapat at iwaksi ang kasalanan upangmakapagsisi.

h. Maghangad na matuto sa pamamagitan ng pag-aaral atpananampalataya.

i. Si Jesucristo ay buhay at ang Tagapaglikha ng mga sandaigdigan.

Matapos nilang magkaroon ng sapat na oras upang kumpletuhin ang handout,rebyuhin ang wastong mga sagot bilang isang klase. Pagkatapos ay bigyan ng orasang mga estudyante para rebyuhin ang anumang mga doctrinal mastery passage nahindi nila nasagot sa handout. Maaari mong sabihin sa mga estudyante namagtulungan bilang magkakapartner, tinutulungan ang isa’t isa na marebyu angmga passage na kailangan nilang mas matutuhan pa. Kung may oras pa, maaari

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 3

63

mong naising bigyan ang mga estudyante ng isa pang kopya ng handout at hayaansilang sagutan itong muli, o ulitin sa klase ang quiz nang verbal.

Wastong mga sagot: 1. a; 2. c; 3. h; 4. f; 5. b; 6. i; 7. d; 8. e; 9. g

ANG PAGBABAYAD-SALA NI JESUCRISTO, BAHAGI 3

64

Ang Panunumbalik,Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “AngPanunumbalik” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 1, pag-aaralan ng mgaestudyante ang talata 4.1 hanggang 4.11 ng paksa ng doktrinang ito gamit angimpormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Pag-aaralan nila ang tungkol saUnang Pangitain ni Joseph Smith, ang kanyang tungkulin bilang Propeta ngPanunumbalik, at ang kanyang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa pamamagitan ngkaloob at kapangyarihan ng Diyos. Pag-aaralan din nila ang mga doctrinal masterypassage sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20 at Doktrina at mga Tipan 135:3.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment ng lesson na ito sa isang sesyon ng klase osa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga segment sa ilangsesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano angnatutuhan nila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagongsegment.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (10 minuto)Bago magklase, isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong:

• Ano ang ipinanumbalik?

• Paano ito naipanumbalik?

• Bakit kailangan ang panunumbalik?

• Ano ang dispensasyon, at paano ito nauugnay sa panunumbalik?

Magsimula sa pagpapakita sa mga estudyante ng isang bagay na dating bago atmalinis pero ngayon ay sira na at walang pakinabang.

66

• Ano ang kailangang gawin upang maibalik ang bagay na ito sa orihinal nakondisyon nito?

Patingnan sa mga estudyante ang paksa ng doktrina 4 , “Ang Panunumbalik,” saDoctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mgatalata 4.1 hanggang 4.4 nang may kapartner, at alamin kung alin sa mga tanong sapisara ang masasagot mula sa impormasyon na nasa mga talatang ito. Pagkataposng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi kung anong mga tanongang masasagot nito. Sabihin sa kanila na sagutin ang mga tanong gamit ang sarilinilang mga salita. Ulitin ang prosesong ito sa mga talata 4.5 hanggang 4.7, atpagkatapos ay gawin ito sa mga talata 4.8 hanggang 4.11. Maaari mong sabihin samga estudyante na mag-iba ng kapartner sa tuwing magbabasa at maghahanapsila ng mga sagot sa mga tanong na nasa pisara.

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 1

67

Segment 2 (8 minuto)Ipakita ang larawan na Ang UnangPangitain (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo[2009], blg. 90; makikita rin sa lds.org/media-library). Sabihin sa mgaestudyante na basahin ang talata 4.2 saDoctrinal Mastery Core Document para samahalagang pahayag ng doktrina nanaglalarawan sa larawang ito.(Tulungan ang mga estudyante nahanapin ang sumusunod na pahayag:Ang Diyos Ama at ang KanyangAnak na si Jesucristo ay nagpakitakay Joseph Smith bilang tugon sapanalangin ni Joseph, at tinawag Nilasiya na maging Propeta ngPanunumbalik. Sabihin sa mgaestudyante na maaari nilang markahanang pahayag na ito sa kanilang kopyang Doctrinal Mastery Core Document).

• Anong doctrinal mastery passage ang tumutulong na maituro ang mahalagangpahayag na ito ng doktrina? (Sabihin sa mga estudyante na maaari nilangmarkahan ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20 sa paraang madali nila itongmahahanap.)

Ipaliwanag na ang Joseph Smith—Kasaysayan ay hango sa mas malaking tala ngkasaysayang isinulat ni Propetang Joseph Smith noong 1838. Saklaw ng JosephSmith—Kasaysayan ang ilan sa mga unang pangyayari sa buhay ni Josephhanggang Mayo 1829.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng JosephSmith—Kasaysayan 1:15–20. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin ang mga detalye ng karanasan ni Joseph Smith na humantong sakanyang Unang Pangitain. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahanang nalaman nila at ibahagi ito sa klase.

Segment 3 (10 minuto)Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan atkahalagahan ng mahalagang pahayag ng doktrina na minarkahan nila sa talata 4.2sa Doctrinal Mastery Core Document, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na pahayag ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng LabindalawangApostol. Ipaliwanag na noong siya ay bata pa, dumalo si Elder Uchtdorf sa mgapulong ng Simbahan sa Zwickau, Germany. Kung minsan kasama sa mgaresponsibilidad niya ang pagbomba ng hangin sa bulusan ng organo para matugtogng organista ang mga himno ng kongregasyon. Ipinaliwanag ni Elder Uchtdorf namula sa upuan ng operator ng bulusan ay kitang-kita niya ang pinintahangbintanang salamin na naglalarawan ng Unang Pangitain. Sabihin sa mgaestudyante na pakinggan kung paano naimpluwensyahan ng karanasang ito angpatotoo ni Elder Uchtdorf kay Propetang Joseph Smith.

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 1

68

“Kakaiba ang nadarama ko habang tinitingnan ang magandang pangyayaringnakalarawan sa bintanang iyon, isang batang nanampalataya at lakas-loob nanagpasiyang manalangin nang taimtim sa sagradong kakahuyan sa ating Ama saLangit, na nakinig naman at magiliw na tumugon sa kanya.

“Heto ako, isang bata na namuhay matapos ang Ikalawang DigmaangPandaigdig sa Germany, sa nawasak na lungsod, libu-libong milya ang layo sa

Palmyra sa North America at mahigit isandaang taon na matapos maganap ang aktuwal napangyayari. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo sa buong mundo, nadama kosa puso’t isipan ko na totoo ito, na tunay na nakita ni Joseph Smith ang Diyos at si Jesucristo atnarinig ang Kanilang mga tinig. Inaliw ng Espiritu ng Diyos ang aking kaluluwa sa mura kongedad at tiniyak sa akin na totoo ang banal na sandaling ito. … Naniniwala ako sa patotoo niJoseph Smith tungkol sa maluwalhating karanasang iyon sa Sagradong Kakahuyan noon, at alamko ito ngayon” (Dieter F. Uchtdorf, “Ang mga Bunga ng Unang Pangitain,” Ensign o Liahona,Mayo 2005, 37).

• Paano nakaimpluwensya ang karanasang ito sa patotoo ni Elder Uchtdorf kayJoseph Smith?

• Bukod sa pagninilay ng mga pangyayari sa simula ng Panunumbalik, ano paang magagawa natin para maanyayahan ang Espiritu Santo na patotohanan natotoong propeta si Joseph Smith?

Upang makatulong sa pagsagot sa tanong na ito, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ngLabindalawang Apostol.

“Ang patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith ay maaaring dumating sa atinsa magkakaibang paraan. Maaari itong dumating habang nakaluhod kayo sapanalangin, na hinihiling sa Diyos na patunayan na siya ay totoong propeta.Maaari itong dumating habang binabasa ninyo ang salaysay ng Propeta tungkolsa Unang Pangitain. Ang patotoo ay maaaring magpadalisay sa inyong kaluluwahabang paulit-ulit ninyong binabasa ang Aklat ni Mormon. Maaari itong

dumating sa pagpapatotoo ninyo tungkol sa Propeta o habang nasa templo kayo at natatanto nasa pamamagitan ni Joseph Smith ang banal na kapangyarihang magbuklod ay ipinanumbalik salupa. Taglay ang pananampalataya at tunay na layunin, ang inyong patotoo kay PropetangJoseph Smith ay lalakas” (Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 30).

• Paano ninyo nalaman na si Joseph Smith ay tinawag ng Diyos na magingPropeta ng Panunumbalik?

• Paano naiba ang inyong buhay dahil sa nangyari sa Sagradong Kakahuyan?

Segment 4 (12 minuto)Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang alam nila tungkol sa buhay niPropetang Joseph Smith.

• Sa kanyang 38 taon sa mundo, ano ang ilang bagay na nagawa ni Joseph Smithbilang propeta ng Diyos? (Ilista ang mga sagot ng mga estudyante sa pisara.)

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 1

69

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 4.3 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang isangbagay na naisagawa ni Joseph Smith bilang Propeta ng Panunumbalik.

• Ano ang isang bagay na naisagawa ni Joseph Smith bilang Propeta ngPanunumbalik? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod namahalagang pahayag ng doktrina: Bilang Propeta ng Panunumbalik, isinalinni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng kaloob atkapangyarihan ng Diyos. Sabihin sa mga estudyante na markahan angpahayag na ito sa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.)

• Bakit mahalagang malaman na isinalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormonsa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos? (Kung may mgaestudyanteng gustong makaalam pa tungkol sa kung paano isinalin ni JosephSmith ang Aklat ni Mormon, sabihin sa kanila na basahin ang Gospel Topicsessay “Book of Mormon Translation,” na makikita sa lds.org/topics.)

• Anong doctrinal mastery passage ang kaugnay ng mahalagang pahayag na itong doktrina? (Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan angD at T 135:3 sa paraang madali nila itong mahahanap.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng scripturepassage na ito, ipaliwanag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 135 ang pahayagna pinaslang sina Joseph at Hyrum Smith. Si Pangulong John Taylor, na kasamanina Joseph at Hyrum sa bilangguan sa Carthage, Illinois, nang sila ay pinatay, aynagpahayag ng kanyang patotoo tungkol sa ginampanan ni Joseph Smith saPanunumbalik bilang hinirang na tagapaglingkod ng Panginoon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 135:3.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung paanonakatutulong ang scripture passage na ito na maituro ang mahalagang pahayag ngdoktrina sa talata 4.3. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang iba pang mga nagawa ni Propetang Joseph Smith ang binanggit satalatang ito? (Idagdag ang mga sagot ng mga estudyante sa listahan na nasapisara.)

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti ang kanilang damdamin tungkolkay Joseph Smith at ang mga nagawa niya bilang propeta ng Diyos sa kanyangmaikling buhay. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang nadaramanila. Maaari ka ring magbahagi ng sarili mong patotoo tungkol kay PropetangJoseph Smith.

Karagdagang Ideya sa PagtuturoBilang Propeta ng Panunumbalik, Isinalin ni Joseph Smith ang Aklat niMormon sa pamamagitan ng Kaloob at Kapangyarihan ng DiyosUpang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano magkaroonng personal na patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith, ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersenng Korum ng Labindalawang Apostol:

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 1

70

“Sa mga kabataan … may hamon ako sa inyo: Magkaroon ng sariling patotootungkol kay Propetang Joseph Smith … Narito ang dalawang ideya: Una,maghanap ng mga talata sa Aklat ni Mormon na nadarama at alam ninyongtalagang totoo. At ibahagi ang mga ito sa pamilya at mga kaibigan sa familyhome evening, seminary, at sa inyong mga klase sa Young Men at Young Women,na kinikilala na si Joseph ay kasangkapan sa mga kamay ng Diyos. Susunod,

basahin ang patotoo ni Propetang Joseph Smith sa Mahalagang Perlas. … Ito ang sarilingpatotoo ni Joseph tungkol sa tunay na nangyari. Basahin ito nang madalas. Isiping irekord angpatotoo ni Joseph Smith sa sarili ninyong tinig, pakinggan ito palagi, at ibahagi ito sa mgakaibigan. Ang pakikinig sa patotoo ng Propeta sa sarili ninyong tinig ay makatutulong sapagkakaroon ninyo ng patotoong hangad ninyo” (Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign oLiahona, Nob 2014, 30).

Hikayatin ang mga estudyante na pumili ng isa sa mga ideya ni Elder Andersen omag-isip ng sarili nilang hamon na tulad nito.

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na mga aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Ang Panunumbalik, Bahagi 1.” Mangyaring gawin angmga aktibidad na ito sa mga klase sa seminary na nagaganap pagkatapos mongmaituro ang lesson na ito, at bago mo ituro ang “Ang Panunumbalik, Bahagi 2.”Ang maiikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o katapusan ng mga klasekung saan regular kang nagtuturo ng sequential scripture lesson mula sa Doktrinaat mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit pa sa limang minuto ang bawatrebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyante ngscripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20(5 minuto)Ipakita ang isang larawan ng Unang Pangitain, at isulat sa pisara ang mgasumusunod na tanong:

• Sino ang nagpakita?

• Kanino sila nagpakita?

• Bakit sila nagpakita?

• Ano ang ginawa nila pagkatapos nilang magpakita?

• Saan ito matatagpuan sa mga banal na kasulatan?

Sabihin sa mga estudyante na sumulat ng isang pangungusap na sumasagot salahat ng limang tanong. (Ipaliwanag na maaaring isulat ng mga estudyante angpangungusap sa sarili nilang mga salita, pero dapat nilang sagutin nang tama anglahat ng limang tanong.)

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 1

71

Sabihin sa ilang estudyante na basahin nang malakas ang kanilang pangungusapsa klase. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na tingnan ang talata 4.2 saDoctrinal Mastery Core Document at hanapin ang mahalagang pahayag ng doktrinana nauugnay sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20 (Ang Diyos Ama at angKanyang Anak na si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith bilang tugon sapanalangin ni Joseph, at tinawag Nila siya na maging Propeta ngPanunumbalik).

Sabihin sa mga estudyante na ulitin ang mahalagang pahayag na ito ng doktrina sakanilang mga isipan nang ilang beses hanggang sa komportable na sila na ulitingbanggitin ito sa ibang tao.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 135:3 (5 minuto)Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Ibigay ang sumusunod na listahan ngmga salita at parirala sa isa lamang sa mga magkakapartner na estudyante: Propeta,Panunumbalik, Joseph Smith, Isinalin, Aklat ni Mormon, Kaloob, Kapangyarihanng Diyos

Sabihin sa estudyante na may listahan ng mga salita at parirala na magbigay ngmga clue para matulungan ang kanyang kapartner na mahulaan ang bawat isa samga salita at parirala sa listahan. Kapag nakumpleto na ng mga estudyante anglistahan, sabihin sa kanila na hanapin ang mahalagang pahayag ng doktrina satalata 4.3 sa Doctrinal Mastery Core Document, kung saan ganito ang nakasaad:Bilang propeta ng Panunumbalik, isinalin ni Joseph Smith ang Aklat niMormon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. Kapag nakitana ng lahat ng grupo ang pahayag, sabihin sa mga estudyante na hanapin angdoctrinal mastery passage sa Doktrina at mga Tipan na makatutulong na maituroang doktrinang ito. Matapos makita ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan135:3, sabihin sa isang estudyante na basahin ito nang malakas sa klase. Sabihin saklase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang mga salita at mga pariralamula sa listahan na ibinigay sa kanila (ang salitang Panunumbalik ay dapat nag-iisana lang na hindi nakikita sa Doktrina at mga Tipan 135:3).

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 1

72

Ang Panunumbalik,Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “AngPanunumbalik” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa Bahagi 2, pag-aaralan ng mgaestudyante ang talata 4.4 sa Doctrinal Mastery Core Document. Pag-aaralan din nilaang Doktrina at mga Tipan 1:30. Kasama sa lesson na ito ang pagsasanay [practiceexercise] na tutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang doktrinangnatutuhan nila.

Paalala: Maituturo mo ang segment na “Pag-unawa sa Doktrina” at angpagsasanay [practice exercise] sa lesson na ito sa isang sesyon ng klase o sadalawang magkahiwalay na sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mgasegment sa dalawang sesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mgaestudyante kung ano ang natutuhan nila sa nakaraang mga segment bago kamagturo ng isang bagong segment.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (10 minuto)Isulat sa pisara ang mga salitang Tunay at Buhay.

Sabihin sa mga estudyante na umisip ng mga kasingkahulugan para sa bawat isa samga salitang ito. Sabihin sa isang estudyante na isulat niya sa pisara ang mga sagotng kanyang mga kaklase. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na bumuo ngisang pangungusap na parehong gumagamit ng dalawang salitang ito.

Ipaliwanag na sa lesson na ito pag-aaralan nila kung paano inilarawan ng mgasalitang tunay at buhay Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw. Ipaliwanag na may mga taong nasasaktan ang damdamin kapag sinasabinatin na naniniwala tayo na ang Simbahan natin ang tanging tunay na Simbahanni Jesucristo. Sa pag-aaral nila ng tungkol sa Panunumbalik ngayon, sabihin sa mgaestudyante na alamin kung bakit naniniwala tayo na Ang Simbahan ni Jesucristong mga Banal sa mga Huling Araw ang tanging tunay at buhay na Simbahan sabuong mundo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 4.4 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin angmahalagang pahayag ng doktrina na nagpapaliwanag kung bakit naniniwala tayona ang ating Simbahan ang tunay at buhay na Simbahan ni Jesucristo. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nahanap nila.

Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod na mahalagang pahayag:Dahil ang Diyos mismo ang nagtatag nito, Ang Simbahan ni Jesucristo ngmga Banal sa mga Huling Araw “ang tanging tunay at buhay na simbahan saibabaw ng buong mundo.” Sabihin sa mga estudyante na maaari nilangmarkahan ang pahayag na ito sa kanilang kopya ng Doctrinal Mastery CoreDocument.

73

• Anong doctrinal mastery passage ang makatutulong para maituro angmahalagang pahayag na ito ng Doktrina? (Sabihin sa mga estudyante na maaarinilang markahan ang D at T 1:30 sa paraang madali nila itong mahahanap.)

Ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan 1 ay paunang salita ng Panginoon saDoktrina at mga Tipan na inihayag kay Propetang Joseph Smith sa dispensasyongito. Sa paghahayag na ito, nangusap ang Panginoon sa lahat ng anak ng Ama saLangit sa buong mundo bilang “tinig ng babala” (tingnan sa D at T 1:4).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:30. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang bahagi ng mahalagangpahayag ng doktrina sa talata 4.4 na itinuro sa doctrinal mastery passage na ito.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano natin dapatisipin ang pariralang “tunay at buhay na simbahan,” ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng UnangPanguluhan. Sabihin sa klase na pakinggan kung ano ang sinabi ni PangulongOaks tungkol sa kahulugan ng pariralang “tunay at buhay na Simbahan.”

“Dahil sa pahayag na ito ng Panginoon, tinutukoy natin ito, na KanyangSimbahan—ating Simbahan—bilang ‘tanging tunay na Simbahan.’ Kung minsanginagawa natin ito sa paraan na nakasasakit nang labis sa kalooban ng mgataong kabilang sa ibang mga simbahan o naniniwala sa ibang pilosopiya. Ngunitwalang itinuro sa atin ang Diyos na dapat magpadama sa atin na nakahihigittayo kaysa sa ibang tao. Tunay na lahat ng simbahan at pilosopiya ay may mga

elemento ng katotohanan sa mga ito, ang ilan ay mas nakahihigit kaysa sa iba. Tunay na mahalng Diyos ang lahat ng Kanyang mga anak. At tiyak na ang Kanyang plano ng ebanghelyo ay parasa lahat ng Kanyang mga anak, lahat batay sa Kanyang takdang panahon.

“Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw ang tanging tunay na Simbahan?

“Tatlong katangian—(1) kabuuan ng doktrina, (2) kapangyarihan ng priesthood, at (3) patotookay Jesucristo—ang nagpapaliwanag kung bakit ito sinabi o ipinahayag ng Diyos at bakitsinasabi natin, na Kanyang mga lingkod, na ito ang tanging tunay at buhay na Simbahan sabalat ng lupa. …

“… Ang Simbahang ito ay ‘buhay’ dahil may mga propeta tayo na patuloy na nagbibigay sa atinng salita ng Panginoon na kailangan para sa ating panahon” (Dallin H. Oaks, “Ang TangingTunay at Buhay na Simbahan,” Liahona, Ago. 2011, 49, 51).

• Ano ang itinuturo sa atin ng mahalagang pahayag ng doktrina sa talata 4.4tungkol sa kung paano naging tanging tunay at buhay na Simbahan sa buongmundo Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para pag-isipang mabuti kung paanosila pinagpala ng pagiging miyembro ng “tanging tunay at buhay na simbahan.”(Kung may oras pa, maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat ang naisipnila sa kanilang notebook o study journal.) Maaari mong anyayahan ang ilangestudyante na ibahagi sa klase ang kanilang mga nadama.

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 2

74

Pagsasanay (25 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang talata 13 hanggang 17, “Pagtulong sa Iba naMagtamo ng Espirituwal na Kaalaman,” sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal naKaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document.

Paalala: Maaari mong iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring ibahinang mga pangalan at ihalili rito ang mga pangalang mas karaniwan sa lugar natinitirhan ninyo.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante, at bigyan ang bawat estudyanteng isang kopya ng kalakip na handout. Sabihin sa mga estudyante na

magtulungan bilang magkakapartner at sundin ang mga instruksyon sa handout.

Ang Tanging Tunay na Simbahan1. Basahin ang sumusunod na sitwasyon:

Sina Diana at Clark ay naglalakad sa eskwelahan isang umaga nang sabihin ni Clark kayDiana na, “Matagal na tayong mabuting magkaibigan, kaya huwag mo sanang masamainito, pero bakit ba sinasabi ninyong mga Mormon na kabilang kayo sa tunay na Simbahan?Hindi ba ninyo naiisip na kayabangan na sabihing totoo ang relihiyon ninyo at huwad na angibang relihiyon?” Ikinagulat ni Diana ang tanong na ito at hindi naisip na ang pagsasabi natunay ang Simbahan ay nagpapahiwatig na lahat ng iba pang simbahan ay huwad.

2. Pag-usapan ninyong magkapartner kung ano sa palagay ninyo ang intensyon ng sinabi niClark kay Diana. Paano ninyo ibubuod ang nadarama at paniniwala ni Clark?

3. Bilang paghahanda sa pagsasadula ng itutugon ninyo kay Clark, gawin ang sumusunod:a. Rebyuhin ang mga talata 4.1 hanggang 4.11 sa Doctrinal Mastery Core Document.

Pagtuunan ang mahalagang pahayag ng doktrina at ang doctrinal mastery passage satalata 4.4.

b. Basahin ang mga sumusunod na pahayag ng mga makabagong propeta at mga apostol:“Ang mga dakilang lider ng relihiyon sa mundo tulad nina Mohammed, Confucius, atmga Repormador, gayundin ang mga pilosopo na kinabibilangan nina Socrates, Plato, atiba pa, ay nakatanggap ng bahagi ng liwanag ng Diyos. Ang mga moral na katotohananay ibinibigay sa kanila ng Diyos upang mabigyan ng kaliwanagan ang mga bansa at masmaitaas ang antas ng pang-unawa ng mga tao.“Inihanda ng mga propetang Hebreo ang daan para sa pagparito ni Jesucristo, angipinangakong Mesiyas, na Siyang magbibigay ng kaligtasan sa buong sangkatauhan nananiniwala sa ebanghelyo.“Ayon sa mga katotohanang ito, naniniwala tayo na nagbigay at magbibigay ang Diyossa lahat ng tao ng sapat na kaalaman para matulungan sila sa pagtahak tungo sawalang hanggang kaligtasan, sa buhay mang ito o sa buhay na darating.“Ipinahahayag din natin na ang ebanghelyo ni Jesucristo, na ipinanumbalik sa KanyangSimbahan sa ating panahon, ay nagbibigay ng tanging daan tungo sa kaligayahan sabuhay na ito at ganap na kagalakan magpakailanman. Para sa mga taong hindi panatanggap ang ebanghelyong ito, ang oportunidad ay darating sa kanila sa kabilangbuhay kung hindi man sa buhay na ito.“Ang mensahe natin samakatuwid ay kinapapalooban ng pagmamahal atpagmamalasakit para sa walang hanggang kapakanan ng lahat ng lalaki at babae,anuman ang paniniwala sa relihiyon, lahi, o nasyonalidad, batid na tayo ay tunay namagkakapatid dahil tayo ay mga anak ng iisang Amang Walang Hanggan” (First

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 2

75

Presidency statement, Peb. 15, 1978, sinipi sa Robert L. Millet, “The Eternal Gospel,”Ensign, Hulyo 1996, 56).“Kailangan tayong maging mababait na tao. Kailangan nating kilalanin ang kabutihan salahat ng tao. Hindi natin sinisiraan ang ibang mga simbahan. Nangangaral tayo atnagtuturo sa maganda at tamang paraan. Sinasabi natin sa mga tao na may ibangrelihiyon, ‘dalhin ninyo ang lahat ng kabutihang nasa inyo at saka natin tingnan kungmadaragdagan pa namin ito.’” (“Messages of Inspiration from President Hinckley,”Church News, Nob. 7, 1998, 2).

c. Kung may oras pa, maaari mong talakayin ang iba pang itinalagang tulong o sources naibinigay ng Diyos na makatutulong sa bagay na ito.

4. Mag-ukol ng ilang minuto para isadula ninyo ng kapartner ninyo kung ano ang itutugonninyo sa tanong ni Clark kung kayo si Diana.

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang nagingmaayos o kaya ay naging mahirap, kung mayroon man, tungkol sa pagtugon satanong na ito. Magtapos sa pagpapatotoo na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mgaBanal sa mga Huling Araw ang tanging tunay at buhay na simbahan ng Diyos sabuong mundo ngayon.

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryAng mga sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong ituro kasabayng lesson na ito—“Ang Panunumbalik, Bahagi 2.” Mangyaring gawin ang mgaaktibidad na ito sa mga klase sa seminary na nagaganap pagkatapos mong maituroang lesson na ito, at bago mo ituro ang “Ang Panunumbalik, Bahagi 3.” Angmaiikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o katapusan ng mga klase kungsaan regular kang nagtuturo ng sequential scripture lesson mula sa Doktrina atmga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal ang mga rebyung ito nang higit pa saitinakdang oras, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyanteng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 1:30 (5 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Dahil angDiyos mismo ang nagtatag nito, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw “ang tanging tunay at buhay na simbahan sa ibabaw ng buong mundo.”

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mahalagang pahayag ng doktrina.

Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang doctrinal mastery passage sa Doktrinaat mga Tipan na makatutulong na maituro ang katotohanang ito. Sa sandalingmakita ng lahat ng estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:30, sabihin sa mgaestudyante na basahin nang malakas sa klase ang scripture passage at pag-isipankung paano makatutulong ang scripture passage na ito para maituro angmahalagang pahayag ng doktrina sa pisara. Sabihin sa mga estudyante na ibahagiang nalaman nila.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Ang Panunumbalik (7 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na doctrinal mastery passage.

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 2

76

1. Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20

2. Doktrina at mga Tipan 1:30

3. Doktrina at mga Tipan 135:3

Bigyan ang bawat estudyante ng numero—1, 2, o 3. Bigyan ang mga estudyante ngdalawang minuto na rebyuhin ang scripture passage na kaugnay ng kanilangnumero at pag-aralan ang kaugnay na mahalagang pahayag ng doktrina mula saDoctrinal Mastery Core Document.

Basahin ang bawat isa sa mga sumusunod na tanong, at sabihin sa mga estudyantena tumayo kung sa palagay nila ay may maibibigay na sagot ang naka-assign sakanila na banal na kasulatan o mahalagang pahayag ng doktrina. Para sa bawattanong, pumili ng isang estudyante na magpapaliwanag kung paano nagbibigay ngsagot ang kanyang banal na kasulatan o mahalagang pahayag ng doktrina. (Paalala:May mga tanong na hindi lamang iisa ang sagot.)

• Bakit nagpakita ang Diyos Ama at ang Kanyang Anak na si Jesucristo kayJoseph Smith?

• Ano ang isinalin ni Joseph Smith?

• Anong mahalagang pahayag ng doktrina ang nagpapaunawa sa atin kung bakitAng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw “ang tangingtunay at buhay na Simbahan sa ibabaw ng buong mundo”?

• Paano isinalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon?

• Aling talata ang naglalarawan kay Joseph Smith bilang propeta?

• Anong katibayan ang maipapakita na si Joseph Smith ay propeta ng Diyos?

• Aling talata ang nagsasabi tungkol sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon?

• Aling talata ang nagtuturo tungkol sa isang bahagi ng Panunumbalik?

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 2

77

Ang Panunumbalik,Bahagi 3PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “AngPanunumbalik” ay nahahati sa tatlong bahagi. Kabilang sa bahagi 3 ang isangpagsasanay na makatutulong sa mga estudyante na ipamuhay ang natutuhan nilamula sa Doctrinal Mastery Core Document, pati na ang doctrinal mastery passage namatatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 135:3. Kabilang din sa lesson na ito angpinagsama-samang pagrerebyu ng lahat ng doctrinal mastery passage nanapag-aralan na ng mga estudyante.

Paalala: Maituturo mo ang pagsasanay [practice exercise] at angpinagsama-samang pagrerebyu ng doctrinal mastery sa lesson na ito sa isangsesyon ng klase o sa dalawang magkahiwalay na sesyon ng klase. Kung pipiliinmong ituro ang mga segment sa ilang sesyon ng klase, maaaring kailanganin mongmaikling ilahad sa mga estudyante ang natutuhan nila sa mga nakaraang segmentbago ka magturo ng isang bagong segment.

Pagsasanay (20 minuto)Paalala: Maaari mong iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Kunwari ay kinausap ka ng isang kapamilya mo at sinabing, “Narinig ko nagumamit si Joseph Smith ng bato na nakalagay sa sombrero nang isalin niya angAklat ni Mormon. Para sa akin, parang kakatwa naman iyon. Talaga bang salita ngDiyos ang Aklat ni Mormon, o gawa-gawa lang ito ni Joseph Smith?”

Hatiin ang mga estudyante sa mga grupo na may tig-tatatlong miyembro, ati-assign sa bawat estudyante sa grupo ang isa sa tatlong alituntunin mula sabahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery CoreDocument: kumilos nang may pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mgatanong nang may walang-hanggang pananaw, at hangarin na mas makaunawa sapamamagitan ng mga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos. Ipabasa sabawat estudyante ang mga talata para sa naka-assign na alituntunin sa kanila, atmaghanap ng impormasyon o mga konsepto na makatutulong sa pagsagot satanong na ito ng kapamilya. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyantena magsalitan sa pagbabasa ng nalaman nila.

Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Doktrina at mga Tipan 135:3 at angmahalagang pahayag ng doktrina na tinutulungan nitong maituro sa talata 4.3 saDoctrinal Mastery Core Document.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng ilangkasaysayan na makatutulong sa pagsagot sa tanong na ito, ipabasa nang malakassa isang estudyante ang sumusunod na pahayag mula sa Gospel Topics essay na“Book of Mormon Translation.”

79

“Maraming kuwento sa Biblia na nagpapakita na nagpapadala ang Diyos ng paghahayag saKanyang mga propeta sa iba’t ibang paraan. Nalaman ni Elijah na hindi nangungusap sa kanyaang Diyos sa pamamagitan ng hangin o apoy o lindol kundi sa pamamagitan ng isang ‘marahanat banayad na tinig’ [tingnan sa I Mga Hari 19:11–12]. May mga pagkakataon nanakipag-ugnayan si Pablo at ang iba pang mga apostol noon sa mga anghel at, kung minsan, saPanginoong Jesucristo [tingnan sa Mga Gawa 9:1–8; 12:7–9]. Sa ibang mga pagkakataon,dumating ang paghahayag sa pamamagitan ng mga panaginip o mga pangitain, tulad ngpaghahayag kay Pedro na mangaral ng ebanghelyo sa mga Gentil, o sa pamamagitan ng mgasagradong bagay na tulad ng Urim at Tummim [tingnan sa Mga Gawa 11:4–17; 16:9–10; Exodo28:30; Levitico 8:8; Mga Bilang 21:9]. …

“Nagsulat si Joseph Smith at ang kanyang mga tagasulat ng tungkol sa dalawang instrumentona ginamit sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon. Ayon sa mga nakasaksi ng pagsasalin, nangtingnan ni Joseph ang mga instrumento, ang mga salita ng mga banal na kasulatan ay lumilitawsa wikang Ingles. Isang instrumento, na tinawag sa Aklat ni Mormon na ‘mga pansalin,’ ang maskilala ngayon ng mga Banal sa mga Huling Araw bilang ‘Urim at Tummim.’ Natagpuan ni Josephang mga pansalin na nakabaon sa burol kasama ng mga lamina. …

“Ang isa pang instrumento, na natuklasan ni Joseph Smith ilang taon bago niya nakuha ang mgalaminang ginto, ay isang hugis-itlog na bato, o ‘bato ng tagakita.’ Noong siya ay binatilyo panoong 1820s, si Joseph Smith, tulad ng ibang tao noong kanyang panahon, ay gumamit ng batong tagakita sa paghanap ng mga nawawalang bagay at nakabaong kayamanan. Nang masnaunawaan na ni Joseph ang kanyang tungkulin bilang propeta, nalaman niya na maaari niyangmagamit ang batong ito sa mas mataas na layunin na pagsasalin ng mga banal na kasulatan.

“Dahil mas madali at maginhawa sa kanya, nagsalin si Joseph na gamit lamang ang isang batong tagakita sa halip na dalawang bato na pinagsama para gawing mga pansalin. Ang dalawanginstrumentong ito—ang mga pansalin at bato ng tagakita—ay maaaring pagpalit-palitin atpareho lang ang epekto, kung kaya’t sa paglipas ng panahon, ginamit ni Joseph Smith at ngkanyang mga kasama ang mga katagang ‘Urim at Tummim’ bilang pagtukoy sa isang bato atgayon din sa mga pansalin” (“Book of Mormon Translation,” Gospel Topics Essays,topics.lds.org).

Kung may tanong pa ang mga estudyante tungkol sa paggamit ni Propetang JosephSmith ng Urim at Tummim o mga bato ng tagakita, maaari mo silang hikayatin nabasahin ang buong sanaysay sa Gospel Topics.

• Paano makatutulong ang doktrina at impormasyong itinuro sa sources na ito sapagsagot sa tanong ng iyong kapamilya?

Upang mabigyan ang mga estudyante ng halimbawa kung paanomaaaring tumugon ang isang tao sa ganyang tanong sa sitwasyong ito,

bigyan ang bawat grupo ng mga estudyante ng kalakip na handout.

Sa pamamagitan ng Kaloob at Kapangyarihanng Diyos

1. Ang sumusunod ay kinuha mula sa isang Facebook post ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, nanoon ay miyembro ng Unang Panguluhan. Tinanong siya, “Naniniwala ka ba talaga nanagsalin si Joseph Smith gamit ang mga bato ng tagakita? Paano nangyari iyon?”

2. Basahing mabuti ang tugon ni Pangulong Uchtdorf.

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 3

80

“Ang isinagot ko, ‘Oo! Iyan mismo ang pinaniniwalaan ko.’ Ito ay naganap nang sinabi niJoseph: sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.“Sa katunayan, gumagamit ang karamihan sa atin ng isang uri ng ‘bato ng tagakita’araw-araw. Ang aking mobile phone ay parang ‘bato ng tagakita.’ Makakakuha ako ngnatipong kaalaman tungkol sa mundo sa pakunti-konting impormasyon. Makakakuha ako nglitrato o video gamit ang aking mobile phone at naibabahagi ito sa aking pamilya sa kabilangpanig ng ating planeta. Maisasalin ko pa ang kahit ano sa iba’t ibang wika o mula sa iba’tibang wika!“Kung magagawa ko ito sa aking mobile phone, kung magagawa ito ng mga tao sa kanilangmga mobile phone o iba pang devices, sino tayo para magsabing hindi matutulungan ngDiyos si Joseph Smith, ang Propeta ng Panunumbalik, sa kanyang pagsasalin? Kung posiblesa aking mag-access ng kaalaman ng mundo sa pamamagitan ng aking mobile phone, sinoang makapagsasabi na imposible para sa Diyos ang mga bato ng tagakita?“Maraming mga relihiyon ang may mga bagay, lugar, at pangyayari na sagrado sa kanila.Iginagalang natin ang mga sagradong paniniwala ng ibang relihiyon at umaasang igagalangdin ng iba ang ating paniniwala at ang mga bagay na sagrado sa atin. Hindi tayo dapatmaging mayabang, ngunit sa halip ay maging magalang at mapagpakumbaba. Dapat ay likasna sa atin ang pagtitiwala, dahil ito ang Simbahan ni Jesucristo” (Dieter F. Uchtdorf’sFacebook page, ipinost noong Hunyo 21, 2016, facebook.com/lds.dieter.f.uchtdorf).

3. Talakayin ang sumusunod na tanong bilang isang grupo: Ano ang mga alituntunin ngpagtatamo ng espirituwal na kaalaman na ipinakita ni Pangulong Uchtdorf? Paano niyaipinakita ang mga alituntuning ito?

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang tinalakaynila sa kanilang grupo.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante at bigyan ang bawat isa ng pagkakataongmagpraktis sa pagsagot sa tanong ng kapamilya sa sitwasyon sa itaas.

Maaari mong tapusin ang lesson sa pagpapatotoo na si Joseph Smith ay tinawag namaging propeta ng Panunumbalik at isinalin niya ang Aklat ni Mormon sapamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos. Hikayatin ang mga estudyantena gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapagnakikihalubilo sila sa mga tao na may mga tanong, at palakasin din nila angkanilang sariling mga patotoo.

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery(20 minuto)Bago magsimula ang klase, isulat sa pisara ang mga sumusunod na doctrinalmastery scripture reference, o gawin itong handout para sa iyong mga estudyante:

1. Doktrina at mga Tipan 6:36

2. Doktrina at mga Tipan 8:2–3

3. Doktrina at mga Tipan 88:118

4. Doktrina at mga Tipan 29:10–11

5. Doktrina at mga Tipan 130:22–23

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 3

81

6. Doktrina at mga Tipan 76:22–24

7. Doktrina at mga Tipan 18:10–11

8. Doktrina at mga Tipan 19:16–19

9. Doktrina at mga Tipan 58:42–43

10. Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20

11. Doktrina at mga Tipan 1:30

12. Doktrina at mga Tipan 135:3

Atasan ang mga estudyante na hanapin ang reperensya na tumutugma sanumerong tumutugma sa buwan kung kailan sila ipinanganak. (Hahanapin ng mgaestudyanteng ipinanganak noong Enero ang scripture reference bilang 1,hahanapin ng mga estudyanteng ipinanganak noong Pebrero ang scripturereference bilang 2, at gayon din sa iba pa. Maaari mong piliing i-assign ang mgabanal na kasulatang ito sa iba pang mga paraan na maaaring mas angkop sa iyongklase. Maaari ka ring mag-assign sa bawat estudyante ng hindi lamang iisang banalna kasulatan kung kailangan.)

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang kanilang banal na kasulatan at pumiling dalawang mahahalagang salita na magsisilbing clue. Pagkatapos ng sapat naoras, sabihin sa mga estudyante na tumayo at lumibot sa silid, para hingan ang ibapang mga estudyante ng kanilang mahahalagang salita. Gamit ang kanilangDoctrinal Mastery Reference Guide, dapat sikapin ng mga estudyante na matukoyang lahat ng 12 scripture reference sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iba’tibang mga estudyante sa klase. Maaari mo ring tulutan ang mga estudyante naisulat ang inisyal ng kanilang pangalan sa tabi ng bawat reference na natukoy nilanang tama hanggang mahanap nila ang lahat ng 12 reference.

ANG PANUNUMBALIK, BAHAGI 3

82

Mga Propeta atPaghahayag, Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Mga Propeta atPaghahayag” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa Bahagi 1, pag-aaralan ng mgaestudyante ang talata 5.1 hanggang sa 5.2 ng paksa ng doktrinang ito gamit angimpormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Malalaman nila ang tungkol samga propeta na inatasan ng Diyos na mangusap para sa Kanya, at pag-aaralan dinnila ang doctrinal mastery passage sa Doktrina at mga Tipan 1:37–38.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment ng lesson na ito sa isang sesyon ng klase osa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga segment sa ilangsesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano angnatutuhan nila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagongsegment.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (15 minuto)Simulan sa pagtatanong ng mga sumusunod:

• Ano ang ilang mga tao o grupo sa buong mundo na may tagapagsalita?(Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang pulitiko, malalaking korporasyon, atmga kilalang tao.)

• Anong mga dahilan ang naiisip ninyo kung bakit may tagapagsalita ang mgatao o mga grupong ito?

• Ano ang ilang dahilan kung bakit may tagapagsalita ang Diyos?

• Ano ang tawag natin sa mga taong nangungusap para sa Diyos?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 5.1 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angginagawa ng mga propeta.

Sabihin sa isa pang estudyante na pumunta sa harapan ng klase at gumanap natagasulat. Ipasulat sa estudyante ang mga salitang Mga Propeta sa pisara. Sabihin saklase na mag-ulat tungkol sa iba’t ibang bagay na ginagawa ng mga propeta nanakalista sa talata 5.1. Sabihin sa tagasulat na isulat ang mga bagay na ito sa pisarasa ilalim ng mga salitang Mga Propeta.

• Alin sa mga pahayag sa talata 5.1 ang naglalarawan ng katangian ng propetabilang tagapagsalita? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod namahalagang pahayag ng doktrina: Ang propeta ay isang tao na tinawag ngDiyos na mangusap para sa Kanya. Sabihin sa tagasulat na isulat sa pisaraang katotohanang ito. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahanang mahalagang pahayag na ito sa kanilang mga kopya ng Doctrinal MasteryCore Document.)

84

Segment 2 (10 minuto)Magsimula sa pagtatanong sa mga estudyante ng mga sumusunod:

• Anong doctrinal mastery passage mula sa Doktrina at mga Tipan ang kaugnayng mahalagang pahayag ng doktrina na “ang propeta ay isang tao na tinawagng Diyos na mangusap para sa Kanya”? (Sabihin sa mga estudyante na maaarinilang markahan ang D at T 1:37–38 sa paraang madali nila itong mahahanap.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng banal nakasulatang ito, ipaliwanag na ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 1 ay inihayag kay Propetang Joseph Smith habang inihahanda niya at ng ibapang mga lider ng Simbahan na mailathala bilang banal na kasulatan ang mgapaghahayag na natanggap niya, na kalaunan ay naging Doktrina at mga Tipan.Tinukoy ng Panginoon ang Doktrina at mga Tipan 1 bilang paunang salita sa aklatng mga paghahayag na natanggap ni Propetang Joseph Smith, at itinuro Niya naito ay “tinig ng babala” sa mundo (D at T 1:4), na nananawagan sa mga tao ngdaigdig na magsisi at nagpapatibay na kailangan ang mga propeta.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 1:37–38.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ngPanginoon tungkol sa mga sinalita Niya sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin na ang mga salita ng Panginoon ay“hindi lilipas, kundi matutupad na lahat”?

• Sa inyong palagay, bakit mahalaga na maunawaan na kapag nagsasalita angisang propeta para sa Panginoon, ay parang ang Panginoon na rin angnagsasalita?

• Ano sa palagay ninyo ang kailangan para sa isang propeta na matanggap angsalita ng Panginoon upang ipahayag ang mga ito sa mga tao?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Russell M. Nelson. Sabihin sa klase na pakinggan ang mga detalye nanaglalarawan kung paano hinahangad ng propeta na matamo ang salita ngPanginoon. (Maaari kang gumawa ng handout ng pahayag na ito na ibibigay samga estudyante.)

“Bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, ipinagdasal koaraw-araw na makatanggap ng paghahayag at nagpasalamat sa Panginoon satuwing mangungusap Siya sa aking puso at isipan. …

“Kamakailan, nitong kailangan kong pumili ng dalawang tagapayo nanapakahirap para sa akin na gawin, inisip ko kung paano ko magagawang pumiling dalawa lamang mula sa labindalawang kalalakihan na aking minamahal at

iginagalang.

“Dahil alam ko na nakabatay ang mabuting inspirasyon sa mahusay na impormasyon,mapanalangin kong kinausap nang sarilinan ang bawat Apostol. Pagkatapos ay pumasok ako saisang pribadong silid sa templo at hiningi ang kalooban ng Panginoon. Pinatototohanan ko nainiutos ng Panginoon na piliin ko sina Pangulong Dallin H. Oaks at Pangulong Henry B. Eyring namaglingkod bilang aking mga tagapayo sa Unang Panguluhan. …

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 1

85

“Nang magtipon kami bilang Kapulungan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawa,ang mga silid na aming pinagpupulungan ay naging mga silid ng paghahayag. Damang-dama nanaroon ang Espiritu. Kapag nahihirapan kaming lutasin ang mga kumplikadong bagay, isangkasiya-siyang proseso ang nagaganap habang malayang ipinapahayag ng bawat Apostol angkanyang nasasaisip at mga pananaw. Bagama’t sa una ay magkakaiba ang aming mga pananaw,ang pagmamahal namin sa isa’t isa ay nananatili. Ang aming pagkakaisa ay tumutulong sa aminna mahiwatigan ang kalooban ng Panginoon para sa Kanyang Simbahan.

“Sa aming mga pulong, hindi batayan sa pagpapasiya ang pananaw ng nakakarami!Pinakikingan namin ang isa’t isa nang may panalangin hanggang sa magkaisa kami. At kapagganap nang sumang-ayon ang lahat, nadarama naming pinag-iisa kami ng Espiritu Santo nalubos na nagpapasaya sa amin! Nararanasan namin ang nalaman ni Propetang Joseph Smithnang ituro niya, ‘Sa pagkakaisa ng damdamin nagtatamo tayo ng kapangyarihan sa Diyos.’Walang miyembro ng Unang Panguluhan o Korum ng Labindalawang Apostol angmagdedesisyon para sa Simbahan ng Panginoon nang ayon sa sarili niyang palagay!” (Russell M.Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Ensign o Liahona,Mayo 2018, 94–95).

• Ano ang itinuro ni Pangulong Nelson tungkol sa prosesong dinaraanan ng mgapropeta at mga apostol para tumanggap ng paghahayag na gagabay saSimbahan?

• Paano tayo matutulungan ng kaalamang ito tungkol sa kung paanonaghahanda ang mga propeta na tumanggap ng paghahayag kapag may mgatanong tayo tungkol sa mga turo o gawain ng Simbahan? (Malalaman natin namasigasig na inaalam at tinatanggap ng mga propeta ang kalooban ngPanginoon, at matutularan natin ang kanilang halimbawa upang maihanda angating puso na tumanggap ng nagpapatibay na paghahayag.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga karanasan na nakatulong sa kanila namalaman na ang mga propeta ay tinawag ng Diyos upang ipahayag ang Kanyangmga salita at pamahalaan ang Kanyang Simbahan. Anyayahan ang mga estudyantena ibahagi sa klase ang kanilang mga karanasan. Maaari ka ring magbahagi ngiyong karanasan at patotoo.

Segment 3 (15 minuto)Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mahalagangpahayag ng doktrina na “ang propeta ay isang tao na tinawag ng Diyos namangusap para sa kanya,” idrowing ang kalakip na diagram sa pisara:

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 1

86

• Ano ang karaniwang tawag sapakikipag-ugnayan ng Ama saLangit sa Kanyang mga propeta?(Isulat ang salitang Paghahayag satabi ng arrow sa diagram.)

Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang talata 5.2 sa DoctrinalMastery Core Document. Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang iba’t ibang paraan nainihahayag ng Ama sa Langit angKanyang kalooban sa Kanyang mgapropeta. Sabihin sa mga estudyante naibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang ilang bagay na inihayag o patuloy na inihahayag ng mgapropeta ngayon?

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan na patuloy na inihahayagng Panginoon ang Kanyang kalooban sa Kanyang mga propeta, ipabasa sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ngLabindalawang Apostol tungkol sa paraan ng pagtatalaga ng lugar napaglilingkuran sa misyon. Sabihin sa klase na pakinggan ang isang partikular naparaan na inihahayag ng Panginoon ang Kanyang kalooban sa mgapropeta ngayon.

“Ang bawat tawag at pagkakatalaga o isa pang pagkakatalaga kalaunan samisyon, ay dahil sa paghahayag na ibinigay sa pamamagitan ng mgatagapaglingkod ng Panginoon. Ang tawag na maglingkod ay nagmumula saDiyos sa pamamagitan ng Pangulo ng Simbahan. Ang pagkakatalaga sa isa samahigit 400 misyon na mayroon ngayon sa buong mundo ay nagmumula saDiyos sa pamamagitan ng isang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol,

na kumikilos nang may awtorisasyon ng buhay na propeta ng Panginoon. Lahat ng mga tawag atpagkakatalaga sa misyon ay dulot ng mga espirituwal na kaloob na propesiya at paghahayag. …

“… Para sa Labindalawa, wala nang mas makapagpapatunay ng katotohanan ng patuloy napaghahayag sa mga huling araw kaysa sa paghahangad na malaman ang kalooban ngPanginoon habang tinutupad namin ang tungkulin na magtalaga ng lugar kung saanmaglilingkod ang mga missionary. Pinatototohanan ko na nakikilala at inaalala tayo ngTagapagligtas at alam Niya ang ating pangalan. …

“… Ipinapangako ko ang impluwensiya ng espirituwal na kaloob ng paghahayag aymapapasainyo sa pangangaral ninyo ng ebanghelyo at sa lugar na itinalaga kayong maglingkod”(David A. Bednar, “Tinawag sa Gawain,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 68–70).

• Bukod sa mga tawag sa misyon, paano pinagpapala ang mga miyembro ngSimbahan ngayon sa pamamagitan ng paghahayag na ibinibigay ng Diyos saKanyang mga propeta at apostol? (Ang mga stake president at bishop aytinatawag din sa pamamagitan ng paghahayag sa pamamagitan ng isang taongmaytaglay ng awtoridad.)

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 1

87

• Ano ang epekto sa inyo ng paghahayag mula sa propeta?

Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kung paano patuloy napinagpapala hindi lamang ang Simbahan kundi ang bawat miyembro rin ngpatuloy na paghahayag sa mga propeta.

Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 1.” Mangyaringgamitin ang aktibidad na ito sa isang sesyon ng klase sa seminary matapos mongmaituro ang lesson na ito at bago mo ituro ang “Mga Propeta at Paghahayag,Bahagi 2.” Ang maikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o katapusan ngklase kung saan mo regular na itinuturo ang sequential scripture lesson mula saDoktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit sa limang minuto angrebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyante ngscripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 1:37–38 (5 minuto)Bago magklase, isulat ang sumusunod na mahalagang parirala sa isang papel: Angtinig ng Panginoon at ng Kanyang mga tagapaglingkod ay iisa—Doktrina at mga Tipan1:37–38. Gupitin ang pahayag sa papel sa magkahiwalay na salita o maiiklingparirala, at ibigay ang mga piraso ng papel sa mga estudyante. Ipaliwanag namayroon lang isang minuto ang mga estudyante para ayusin ang mga salita opariralang ito sa tamang pagkakasunud-sunod nang maraming beses hangga’tkaya nila. Sa tuwing maaayos ng mga estudyante ang mga salita o parirala satamang pagkakasunud-sunod nito, sabihin sa kanila na paghalu-haluin kaagad angmga piraso at ayusin itong muli. Para sa malalaking klase, gumawa ng maramingkopya at igrupu-grupo ang mga estudyante.

Pagkalipas ng isang minuto, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angDoktrina at mga Tipan 1:37–38. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa, at alamin kung paano nakatutulong ang banal na kasulatang ito namaituro ang katotohanan na ang mga propeta ay tinawag ng Diyos upangmangusap para sa Kanya. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 1

88

Mga Propeta atPaghahayag, Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Mga Propeta atPaghahayag” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 2, pag-aaralan ng mgaestudyante ang mga talata 5.3 hanggang 5.5 ng paksa ng doktrina gamit angimpormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Pag-aaralan nila kung paanotayo pinagpapala kapag sinusunod natin ang propeta, at pag-aaralan din nila angdoctrinal mastery passage na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 21:4–6. Angmga ideya sa pagtuturo sa lesson na ito ay nakaiskedyul na tumagal lamang ng 20minuto. Sa nalalabing oras, maaari mong ituro ang materyal ng lesson na sapalagay mo ay hindi sapat na natalakay. Magagamit mo rin ang oras sa pagrebyumula sa mga Doctrinal Mastery lesson o magpatuloy sa iyong mga sequentialscripture lesson.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (20 minuto)Ipakita ang larawan ng Sustaining in Conference, makukuha sa lds.org/media-library. Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag ang nangyayari sa larawan.

• Sa palagay ninyo ano ang ibig sabihin ng sang-ayunan ang propeta?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Russell M. Nelson. Sabihin sa klase na pakinggan ang itinuro niPangulong Nelson tungkol sa pagsang-ayon sa mga propeta.

89

“Ang pagsang-ayon natin sa mga propeta ay isang personal na pangako nagagawin natin ang lahat upang sundin ang kanilang ipinag-uutos. Angpagsang-ayon natin ay isang parang pagsumpa na kinikilala natin na angkanilang tungkulin bilang propeta ay lehitimo at tinatanggap natin” (Russell M.Nelson, “Pagsang-ayon sa mga Propeta,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 75).

• Ano ang itinuro ni Pangulong Nelson tungkol sa pagsang-ayon sa mgapropeta?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 5.3 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung anoang itinuturo ng talatang ito tungkol sa pagsang-ayon sa mga propeta. Sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang sinasang-ayunan natin na mga tungkulin ng Pangulo ng Simbahan?

• Aling pangungusap sa talatang ito ang nagpapaliwanag sa mga pagpapalangnatatanggap natin sa pagsang-ayon sa propeta?

Sabihin sa mga estudyante na markahan ang sumusunod na mahalagang pahayagsa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document: Kung tapat natingtinatanggap at sinusunod ang mga turo ng Pangulo ng Simbahan, tutulungantayo ng Diyos na madaig ang panlilinlang at kasamaan.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “tinatanggap at sinusunod ang mgaturo ng Pangulo ng Simbahan”?

• Anong doctrinal mastery passage ang tumutulong na maituro angkatotohanang ito? (Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan angD at T 21:4–6 sa paraang madali nila itong mahahanap.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng banal nakasulatang ito, ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan 21 ay inihayag kayPropetang Joseph Smith noong Abril 6, 1830—ang araw na opisyal na inorganisaang Simbahan. Ang mga naroon nang itatag ang Simbahan ay nagkaisa natanggapin, o sang-ayunan, sina Joseph Smith at Oliver Cowdery bilang mganamumunong pinuno ng Simbahan.

Sabihin sa ilang estudyante na maghalinhinan sa pagbasa nang malakas ngDoktrina at mga Tipan 21:4–6. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at alamin kung paano nakatutulong ang doctrinal mastery passage na ito namaituro ang mahalagang pahayag ng doktrina na minarkahan nila sa talata 5.3.Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Paano natin dapat tanggapin ang mga salita ng propeta? (Tanggapin ito naparang nagmula mismo ito sa bibig ng Diyos.)

• Paano ito makatutulong sa atin na madaig ang panlilinlang at kasamaan?

• Sa palagay ninyo, bakit kailangan ang tiyaga at pananampalataya upangmatanggap ang mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon sa mgasumusunod sa propeta?

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 2

90

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “itataboy [ng Panginoon] ang mgakapangyarihan ng kadiliman mula sa [atin]” (D at T 21:6) kapag sinusunodnatin ang Kanyang propeta?

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung ano ang kahuluganng “itaboy ang mga kapangyarihan ng kadiliman,” ipakita sa kanila ang isangmaliit na flashlight, o idrowing ito sa pisara.

• Kung kayo ay nasa lugar na masyadong madilim, tulad ng loob ng isangkuweba, ano ang kaibhang magagawa ng kahit maliit na flashlight lamang nadala ninyo?

• Paano makatutulong ang pagsunod sa propeta sa pag-alis natin ng espirituwalna kadiliman sa ating buhay?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isulat sa kanilang study journal angilang mga pagpapalang natanggap nila dahil sa pagsang-ayon nila sa propeta.Maaari mo ring sabihin sa kanila na isulat nila sa kanilang study journal angkasalukuyan nilang ginagawa para masang-ayunan at masunod ang propeta atkung paano nila ito pagbubutihin pa. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagiang isinulat nila sa klase, kung komportable silang gawin ito.

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 2.” Mangyaringgamitin ang mga aktibidad na ito sa isang sesyon ng klase sa seminary mataposmong maituro ang lesson na ito at bago mo ituro ang “Mga Propeta at Paghahayag,Bahagi 3.” Ang maiikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o katapusan ngmga klase kung saan regular kang nagtuturo ng sequential scripture lesson mula saDoktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit pa sa limang minuto angbawat rebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mgaestudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 21:4–6 (5 minuto)Isulat sa pisara ang mahalagang pahayag ng doktrina: Kung tapat nating tinatanggapat sinusunod ang mga turo ng Pangulo ng Simbahan, tutulungan tayo ng Diyos namadaig ang panlilinlang at kasamaan.

• Anong doctrinal mastery passage ang makatutulong na maituro ang pahayagna ito? (Pagkatapos mahanap ng mga estudyante ang D at T 21:4–6, isulat angreference na ito sa pisara.)

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 21:4–6, atipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga talatang ito. Hingan ang mgaestudyante ng mga ideya tungkol sa kung paano nila maaalala ang nilalaman atmga sanggunian para sa doctrinal mastery passage na ito.

Sabihin sa klase na bigkasin ang mahalagang pahayag na ito ng doktrina at angscripture reference na isinulat mo sa pisara. Kapag nadama mo na pamilyar angmga estudyante sa mahalagang pahayag ng doktrina at scripture reference, burahinang ilang salita at muling ipabigkas ang mga ito sa kanila. Patuloy na burahin ang

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 2

91

mga salita at ipabigkas sa mga estudyante ang pahayag ng doktrina at scripturereference hanggang burado na ang karamihan ng mga salita.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Mga Propeta at Paghahayag (5 minuto)Isulat ang Doktrina at mga Tipan 1:37–38 at Doktrina at mga Tipan 21:4–6 sa pisara.Hatiin ang klase sa dalawang grupo, at mag-assign sa bawat grupo ng isa sa mgasumusunod na doctrinal mastery passage. Sabihin sa dalawang grupong ito nahanapin sa paksa ng doktrina 5, “Mga Propeta at Paghahayag,” sa kanilangDoctrinal Mastery Core Document ang mahalagang pahayag ng doktrina na naiturosa tulong ng naka-assign na talata sa kanila. Kapag nahanap na ng lahat ngmiyembro ng grupo ang mahalagang pahayag ng doktrina, sabihin sa isa sa kanilana isulat ito sa pisara sa ilalim ng tamang doctrinal mastery passage scripturereference.

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 1:37–38 sakanilang mga banal na kasulatan, at sabihin sa kanila na alamin ang mga salita oparirala na makatutulong sa kanila na alalahanin ang sinasabi ng banal nakasulatan. Anyayahan ang isang estudyante na pumunta sa harapan ng klaseupang magsilbing tagasulat, at sabihin sa klase na ibahagi kung ano ang mga salitao pariralang nakita nila na maaaring makatulong sa kanila na maalala ang Doktrinaat mga Tipan 1:37–38. Sabihin sa tagasulat na isulat sa pisara ang mga sagot ngmga estudyante. Gawin din ang aktibidad na ito sa Doktrina at mga Tipan 21:4–6.

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 2

92

Mga Propeta atPaghahayag, Bahagi 3PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Mga Propeta atPaghahayag” ay nahahati sa tatlong bahagi. Kabilang sa bahagi 3 ang isangpagsasanay [practice exercise] na makatutulong sa mga estudyante na ipamuhayang mga doktrina na natutuhan nila mula sa Doctrinal Mastery Core Document, patina sa doctrinal mastery passage na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 1:37–38.Kasama rin sa lesson na ito ang isang pinagsama-samang pagrerebyu ng lahat ngdoctrinal mastery passage na napag-aralan na ng mga estudyante.

Paalala: Maituturo mo ang pagsasanay [practice exercise] at angpinagsama-samang pagrerebyu ng doctrinal mastery sa lesson na ito sa isangsesyon ng klase o sa dalawang magkahiwalay na sesyon ng klase.

Pagsasanay (25 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang tatlong alituntunin mula sa bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nangmay pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Paalala: Maaari mong iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring ibahinang mga pangalan at ihalili rito ang mga pangalang mas karaniwan sa lugar nainyong tinitirhan.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon sa klase:

Si John ay naghahanap ng impormasyon sa internet tungkol sa Simbahan paramakapaghanda sa lesson sa Aaronic Priesthood quorum. Nakita niya ang isangwebsite na naglalaman ng mga pahayag mula sa mga nagdaang lider ng Simbahanna tila salungat sa sinasabi ng kasalukuyang mga lider ng Simbahan. Pagkataposng karanasang ito, kinausap kayo ni John at nagtanong, “Parang magkakasalungatang ilan sa mga sinasabi ng mga lider ng Simbahan. Kung nangungusap ang mgapropeta para sa Diyos, bakit hindi sila laging nagkakasundo?”

Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin na pagtatamo ngespirituwal na kaalaman sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:

Kumilos nang may pananampalataya

• Paano mo matutulungan si John na kumilos nang may pananampalataya sapaghahanap ng sagot sa kanyang mga tanong?

• Paano makatutulong ang patotoo ni John tungkol sa mga propeta para masagotang tanong na ito?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

93

• Paano ninyo matutulungan si John na suriin ang kanyang tanong nang maywalang-hanggang pananaw?

Upang matulungan ang mga estudyante na makahanap ng karagdagangpang-unawa sa pamamagitan ng itinalagang tulong o sources, bigyan ang

bawat estudyante ng kopya ng kalakip na handout.

Mga Propeta at PaghahayagElder D. Todd Christofferson“Dapat ding alalahanin na hindi bawat pahayag na ginawa ng isang lider ng Simbahan, noon ongayon, ay doktrina na kaagad. Nauunawaan ng lahat sa Simbahan na ang pahayag na ginawa ngisang lider sa isang pagkakataon ay kadalasang kumakatawan sa personal na opinyon, bagama’tpinag-isipang mabuti, at hindi nilayong maging opisyal o maybisa sa buong Simbahan. Itinuro niPropetang Joseph Smith na ‘ang propeta [ay] isang propeta lamang kapag kumikilos siya bilanggayon’ [sa History of the Church, 5:265]” (“Ang Doktrina ni Cristo,” Ensign o Liahona, Mayo2012, 88).

Elder Neil L. Andersen“Pinagdududahan ng ilan ang kanilang pananampalataya kapag nakakakita sila ng pahayag ng isangpinuno ng Simbahan noong araw na tila hindi tugma sa ating doktrina. May mahalagang alituntuningsumasaklaw sa doktrina ng Simbahan. Ang doktrina ay itinuturo ng lahat ng 15 miyembro ng UnangPanguluhan at ng Korum ng Labindalawa. Hindi ito nakatago sa malabong talata ng isang mensahe.Ang tunay na mga alituntunin ay itinuturo nang madalas at ng maraming tao. Ang ating doktrina ayhindi mahirap hanapin” (“Pagsubok sa Inyong Pananampalataya,” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 41).

Hatiin ang klase sa maliliit na grupo, at ipabasa nang malakas sa bawat isa ang mgapahayag. Matapos silang bigyan nang sapat na panahon, itanong ang mgasumusunod:

• Paano makatutulong ang mga pahayag na ito sa itinatanong ni John?

• May naiisip ba kayong iba pang itinalagang mapagkukunan o sources namakatutulong na masagot ang tanong ni John? (Maaari mong bigyan ang mgaestudyante ng ilang minuto para maghanap sa LDS.org ng mga karagdagangsources na makatutulong sa pagsagot sa tanong ni John.)

Matapos kumpletuhin ang pagsasanay na ito, tulungan ang mga estudyante namapatibay ang mga natutuhan nila sa pamamagitan ng pagpapapunta sa harapanng klase ng isang lalaking estudyante at pagkunwariin na siya si John. Sabihin saestudyanteng ito na ulitin ang tanong ni John sa pagsasabing, “Parangmagkakasalungat ang ilan sa mga sinasabi ng mga lider ng Simbahan. Kungnangungusap ang mga propeta para sa Diyos, bakit hindi sila lagingnagkakasundo?” Sabihin sa mga miyembro ng klase na sagutin ang estudyantengito (na parang siya si John) ng maaari nilang sabihin para matulungan siyangmasagot ang tanong nito.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magpatotoo tungkol sa mgapagpapala ng pagkakaroon ng propeta na tumatanggap ng paghahayag samakabagong panahon. Maaari mong ibahagi ang sarili mong patotoo.

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 3

94

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery(15 minuto)Bago mo ilahad ang aktibidad na ito, isulat ang scripture reference sa bawatdoctrinal mastery passage na napag-aralan na ninyo sa school year na ito sanakahiwalay na maliit na card. Kapag oras na para sa aktibidad, ipamahagi angmga card sa mga estudyante. (Sa maliliit na klase, maaaring mas maraming cardang ilang estudyante. Sa mas malalaking klase, hatiin ang mga estudyante samaliliit na grupo o gumawa ng maraming kopya ng mga card.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na sasabihin mo nang malakas ang mahalagangparirala o ang mahalagang pahayag ng doktrina na nauugnay sa banal na kasulatanna iyan. Ang estudyante na may scripture reference na tumutugma sa mahalagangparirala o mahalagang pahayag na iyon ng katotohanan ay may limang segundo naitaas ang kanyang kamay. Kung tama ang estudyante, gayon din ang gawin sa isapang mahalagang parirala o mahalagang pahayag ng katotohanan. Ang layunin ayupang malaman kung ilang mahahalagang parirala at mahahalagang pahayag ngkatotohanan ang sunud-sunod na makukuha ng klase nang tama. Kung may orasna natitira matapos ninyong talakayin sa klase ang lahat ng scripture reference,sabihin sa mga estudyante na magpalitan sila ng mga card para magkaroon sila ngbagong scripture reference.

MGA PROPETA AT PAGHAHAYAG, BAHAGI 3

95

Ang Priesthood at mga Susing Priesthood, Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang Priesthood atmga Susi ng Priesthood” ay nahahati sa apat na bahagi. Sa bahagi 1, pag-aaralanng mga estudyante ang talata 6.1 hanggang 6.4 ng paksa ng doktrinang ito gamitang impormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Malalaman nila na ang lahatng naglilingkod sa Simbahan ay tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng mgamayhawak ng mga susi ng priesthood, at pag-aaralan nila ang doctrinal masterypassage na Doktrina at mga Tipan 42:11.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment ng lesson na ito sa isang sesyon ng klase osa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga segment sa ilangsesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano angnatutuhan nila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagongsegment.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (15 minuto)

Bigyan ang mga estudyante ng kopya ng kalakip na pagsusulit o quiz, oisulat ito sa pisara. Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa

kanila na basahin nang malakas ang talata 6.1 hanggang 6.3 sa Doctrinal MasteryCore Document at pagkatapos ay gawin ang pagsusulit. Sabihin sa kanila na isulatkung sa palagay nila ang pahayag na ito ay tama (T) o mali (M), o isulat ang T o Msa kanilang journal kung naisulat mo ang pagsusulit sa pisara.

Pagsusulit tungkol sa Ang Priesthood at mga Susi ngPriesthood____ 1. Nilikha at pinamahalaan ng Diyos ang langit at lupa sa pamamagitan ng priesthood.

____ 2. Ang mga pagpapala ng priesthood ay makakamit ng lahat ng anak ng Diyos, lalaki at babae,sa pamamagitan ng mga ordenansa at mga tipan ng ebanghelyo.

____ 3. Ang mga susi ng priesthood ay ang karapatang mangulo, o ang kapangyarihang ibinibigayng Diyos sa tao upang pamahalaan at pangasiwaan ang kaharian ng Diyos sa lupa.

____ 4. Bawat isa sa mga Apostol ay may awtoridad na gamitin ang lahat ng susi na nauukol sakaharian ng Diyos sa lupa.

____ 5. Bawat maytaglay ng priesthood ay mayhawak ng mga susi ng priesthood na mamuno atmangasiwa sa gawain ng Panginoon.

Matapos magkaroon ng sapat na oras na pag-aralan ng mga estudyante ang mgatalata 6.1 hanggang 6.3 at makumpleto ang pagsusulit na ito, pag-aralang mulinang magkakasama ang pagsusulit bilang klase (ang mga pahayag 1, 2, at 3 aytama; ang mga pahayag 4 at 5 ay mali). Para sa tanong 4, maaaring kailanganin

97

mong ipaliwanag na bagama’t ang lahat ng susi ng priesthood na nauukol sakaharian ng Diyos sa lupa ay iginawad sa bawat isa sa mga Apostol, tanging angPangulo ng Simbahan ang may awtoridad na gamitin ang mga susing ito ngpriesthood (tingnan sa talata 6.3). Para sa tanong 5, maaaring kailanganin mongipaliwanag na ang mga susi ng priesthood ay hindi ipinagkakaloob sa bawat tao nanaordenan sa isang katungkulan sa priesthood (tingnan sa talata 6.3).

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kaibahan ngawtoridad ng priesthood at ng mga susi ng priesthood, ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Gary E. Stevenson ng Korumng Labindalawang Apostol:

“Ang priesthood o awtoridad ng priesthood ay ‘ang kapangyarihan at awtoridadng Diyos’ at ‘ang pinakamataas na kapangyarihan dito sa lupa.’ Ang mga susi ngpriesthood ay inilarawan para maunawaan din natin: ‘Ang mga susi ngpriesthood ay ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa mga lider ng priesthoodpara pamahalaan, pangasiwaan, at pamunuan ang paggamit ng Kanyangpriesthood sa lupa’ [Handbook 2: Administering the Church (2010), 2.1.1]. Ang

mga susi ng priesthood ang kumokontrol sa paggamit ng awtoridad ng priesthood. Ang mgaordenansa na itinatala sa Simbahan ay nangangailangan ng mga susi at hindi maisasagawanang walang pahintulot. Itinuro ni Elder Dallin H Oaks na ‘sa huli, ang lahat ng susi ngpriesthood ay hawak ng Panginoong Jesucristo, na Siyang may-ari ng priesthood. Siya angnagpapasiya kung anong mga susi ang itatalaga sa mga tao sa mundo at kung paano gagamitinang mga susing iyon’ [“The Keys and Authority of the Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo2014, 50]” (Gary E. Stevenson, “Nasaan ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood?” Ensign oLiahona, Mayo 2016, 30).

• Paano ninyo ibubuod sa sarili ninyong salita ang pagkakaiba ng awtoridad ngpriesthood at ng mga susi ng priesthood? (Tiyaking nauunawaan ng mgaestudyante na ang mga kapatid na inordena sa priesthood ay makagagamit ngpriesthood na iyon sa ilang paraan sa kanilang tahanan at sa kanilang buhay,tulad ng pagbabasbas sa mga miyembro ng pamilya. Gayunman, angkarapatang gamitin ang priesthood para pamahalaan ang gawain ng Panginoonsa kanyang Simbahan ay nangangailangan ng mga susi ng priesthood.)

• Ayon sa talata 6.3 sa Doctrinal Mastery Core Document, sino ang mayhawak ngmga susi ng priesthood sa isang ward? (Mga bishop at quorum presidents:elders quorum president, deacons quorum president, teachers quorumpresident, at ang bishop, na siya ring priests quorum president. Ang stakepresident ay mayhawak din ng mga susi at siyang pangulo ng high priestsquorum sa kanilang mga stake. Ang branch president ang mayhawak ng mgasusi ng priesthood para sa kanyang branch.)

Segment 2 (10 minuto)Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 6.4 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin angmahalagang pahayag ng doktrina na nagpapaliwanag kung paanong lahat ngnaglilingkod sa Simbahan ay tinawag upang gawin ito. (Dapat matukoy ng mgaestudyante na lahat ng naglilingkod sa Simbahan—lalaki at babae—ay

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 1

98

tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng isang taong mayhawak ng mga susi ngpriesthood. Sabihin sa mga estudyante na markahan ang pahayag na ito ngdoktrina sa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mahalagang pahayagna ito ng doktrina, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod napahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan. Sabihin sa klase napakinggan kung paano nilinaw ng pahayag na ito ang ating pagkaunawa saawtoridad ng priesthood:

“Ang gawain sa Simbahan na ginagawa ng kalalakihan at kababaihan, sa temploman o sa mga ward o branch, ay ginagawa sa ilalim ng pamamahala ng mgamayhawak ng mga susi ng priesthood. …

“Hindi karaniwan sa atin ang sabihing may awtoridad ng priesthood angkababaihan sa kanilang mga tungkulin sa Simbahan, ngunit ano pa bangawtoridad ang maitatawag dito? Kapag ang isang babae—bata man o

matanda—ay itinalaga na mangaral ng ebanghelyo bilang full-time missionary, siya aybinibigyan ng awtoridad ng priesthood para isagawa ang tungkulin ng priesthood. Angkop diniyan kapag ang isang babae ay itinalaga na mamuno o magturo sa isang organisasyon ngSimbahan sa pamamahala ng mayhawak ng mga susi ng priesthood. Sinumang gumaganap sakatungkulan o tungkulin na natanggap mula sa taong mayhawak ng mga susi ng priesthood ayginagamit ang awtoridad ng priesthood sa pagtupad sa mga gawaing itinalaga sa kanya”(Dallin H. Oaks, “Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 51).

• Ano ang nilinaw ni Pangulong Oaks tungkol sa awtoridad ng priesthood atpaglilingkod sa Simbahan? (Bawat tao na “gumaganap sa katungkulan otungkulin na natanggap mula sa taong mayhawak ng mga susi ng priesthood ayginagamit ang awtoridad ng priesthood sa pagtupad sa mga gawaing itinalagasa kanya.”)

Magpatotoo na lahat ng nakatatanggap ng tawag na maglingkod sa Simbahan aybinibigyan ng awtoridad na gampanan ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ngisang taong mayhawak ng mga susi ng priesthood.

Segment 3 (15 minuto)Itanong sa mga estudyante kung sila ay may tungkulin sa kanilang branch, ward, ostake. Anyayahan ang ilang estudyante na may tungkulin na sabihin sa klase kungano ang ipinagagawa sa kanila. Itanong sa kanila ang ilan sa mga sumusunod:

• Sino ang nagbigay sa inyo ng tungkuling iyan?

• Paano ka tinawag na maglingkod sa ilalim ng pamamahala ng isang mayhawakng mga susi ng priesthood? (Ipaliwanag na ang bishop, branch president, atstake president ay mayhawak ng mga susi ng priesthood. Kung ang isa sakanilang mga tagapayo ang siyang tumatawag sa mga miyembro namaglingkod, ginagawa nila ito sa ilalim ng pamamahala ng bishop, branchpresident, o stake president, na siyang mayhawak ng mga susi atmakapagtatalaga ng awtoridad na iyan.)

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 1

99

• Ayon sa pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks sa talata 6.4 sa Doctrinal MasteryCore Document, anong awtoridad ang ginagamit ninyo kapag ginagampananninyo ang mga tungkulin kung saan kayo tinawag? (Awtoridad ng priesthood.)

• Anong doctrinal mastery passage ang nagtututuro ng mahalagang pahayag ngdoktrina na lahat ng naglilingkod sa Simbahan—lalaki at babae—aytinatawag sa ilalim ng pamamahala ng isang taong mayhawak ng mga susing priesthood?

Matapos sumagot ang mga estudyante, sabihin sa kanila na basahin ang Doktrinaat mga Tipan 42:11 at markahan ang talatang ito sa kanilang banal na kasulatan saparaan na madali nila itong mahahanap.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng talatangito, ipaliwanag na nakapaloob sa Doktrina at mga Tipan 42 ang isang paghahayagna tinatawag na “batas ng Simbahan” (D at T 42, section heading). Ang batas naito ay nagbigay sa mga Banal ng tagubilin sa pag-oorganisa ng Simbahan atpangangaral ng ebanghelyo, pati na rin ng mga batas ng ordenasyon, moralidad,lubos na paglalaan, at disiplina. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angDoktrina at mga Tipan 42:11. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa,at hanapin ang mga salita at parirala na tumutulong para maituro ang mahalagangpahayag ng doktrina na minarkahan nila sa talata 6.4 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong James E. Faust (1920–2007) ng Unang Panguluhan. Sabihin sa klase napakinggan ang itinuro ni Pangulong Faust tungkol sa priesthood at mga susi ngpriesthood.

“Walang sinumang makapag-aangkin ng awtoridad ng priesthood maliban kungito ay hayagang ipagkaloob ng mga taong maytaglay ng awtoridad, ‘at alam saSimbahan na siya ay may karapatan at maayos na inordenan ng mga pinuno ngSimbahan’ (D at T 42:11). Ang paggamit ng awtoridad ng priesthood aypinamamahalaan ng mga susi ng priesthood. Ang mga susing ito ay nasa mganamumunong lokal na lider at nasa mga General Authority” (James E. Faust,

“Keeping Covenants and Honoring the Priesthood,” Ensign, Nob. 1993, 37).

• Ano ang itinuro ni Pangulong Faust tungkol sa priesthood at mga susi ngpriesthood?

• Sa inyong palagay, bakit mahalaga na yaong mga tinawag upang itayo angSimbahan ng Panginoon ay tinawag sa pamamagitan ng mga taong mayhawakng mga susi ng priesthood?

Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood Bahagi 1.”Mangyaring gawin ang aktibidad na ito sa sesyon ng klase ng seminary pagkataposmong maituro ang lesson na ito, at bago mo ituro ang “Ang Priesthood at mga Susing Priesthood, Bahagi 2.” Ang maikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 1

100

katapusan ng klase kung saan mo regular na itinuturo ang sequential scripturelesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit sa limangminuto ang rebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mgaestudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 42:11 (5 minuto)Bago magsimula ang klase, ipasulat sa isang estudyante ang sumusunod namahalagang pahayag ng doktrina na: Lahat ng naglilingkod sa Simbahan—lalaki atbabae—ay tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng isang taong mayhawak ng mga susing priesthood.

Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang doctrinal mastery passage sa Doktrinaat mga Tipan na nagtuturo ng mahalagang pahayag na ito ng doktrina. Kapagnahanap na ng mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 42:11, ipabasa nangmalakas sa klase ang scripture passage na ito. Sabihin sa klase na ipaliwanag kungpaano sinusuportahan ng scripture passage na ito ang pahayag ng doktrina nanakasulat sa pisara. Kung may oras pa, sabihin sa mga estudyante na magbanggitng mga tao sa isang ward o branch na mayhawak ng mga susi ng priesthood(bishop o branch president, elders quorum president, teachers quorum president,at deacons quorum president).

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 1

101

Ang Priesthood at mga Susing Priesthood, Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang Priesthood atmga Susi ng Priesthood” ay nahahati sa apat na bahagi. Sa bahagi 2, pag-aaralanng mga estudyante ang paksang ito ng doktrina na gamit ang impormasyon saDoctrinal Mastery Core Document. Malalaman nila ang tungkol sa kaugnayan ngawtoridad ng priesthood at ng personal na kabutihan, at pag-aaralan nila angdoctrinal mastery passage sa Doktrina at mga Tipan 121:36, 41–42. Ang lesson naito ay naglalaman din ng isang pinagsama-samang aktibidad sa pagrerebyu natutulong sa mga estudyante na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage nanapag-aralan na nila ngayon sa taong ito.

Paalala: Maituturo mo ang segment na “Pag-unawa sa Doktrina” at angpinagsama-samang aktibidad sa pagrerebyu sa isang sesyon ng klase o sadalawang magkahiwalay na sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga itosa dalawang sesyon ng klase, maglaan ng oras ng klase para sa Doctrinal Masteryat sa regular na sequential scripture lesson.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (20 minuto)Magpakita ng isang bagay o larawan ng isang bagay na maaaring makontrol ngiyong mga kamay (halimbawa, remote control ng telebisyon, isang eroplano odrone na radio-controlled, o kaya ay mobile device).

• Ano ang kailangan ng isang tao para makontrol o mahawakan ang bagay na itonang tama at mabisa? (Ipaliwanag na hindi sa atin nagmumula ang power oenerhiya, pero maaari natin itong paandarin o kontrolin.)

Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat sa pisara ang Kapangyarihan ngpriesthood.

• Ano sa palagay ninyo ang kailangan para makontrol o mahawakan ng isang taoang kapangyarihan ng priesthood nang tama at mabisa?

Sabihin sa mga estudyante na markahan ang sumusunod na mahalagang pahayagng doktrina sa talata 6.4 sa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery CoreDocument: Ang awtoridad ng priesthood ay maaari lamang gamitin sakabutihan.

Sabihin sa mga estudyante kung aling doctrinal mastery passage ang kaugnay ngmahalagang pahayag ng doktrina na ito. Matapos sumagot ang mga estudyante,ipabuklat sa kanila ang Doktrina at mga Tipan 121:36, 41–42, at sabihin sa kanilana maaari nilang markahan ang scripture passage na ito sa paraang madali nilaitong mahahanap.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng scripturepassage na ito, ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan 121 ay naglalaman ng

103

mga bahagi ng mga liham na isinulat ni Propetang Joseph Smith sa mga miyembrong Simbahan habang siya at ang iba pang mga lider ng Simbahan ay nakakulongsa Liberty Jail. Sila ay maraming buwan nang nakapiit doon sa kalunus-lunos nakalagayan habang naghihintay ng paglilitis sa korte, at ang kanilang paulit-ulit napaghingi ng tulong sa mga awtoridad ay hindi pa rin sinasagot. Sabihin sa ilangestudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan121:36, 41–42. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin angmga parirala na nakatulong para maituro ang mahalagang pahayag ng doktrina naminarkahan nila sa talata 6.4 sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa mgaestudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang kinakailangan upang makontrol o mahawakan ang kapangyarihangmay kinalaman sa priesthood? (“Mga alituntunin ng kabutihan.”)

• Anong mga alituntunin ng kabutihan ang makikita ninyong nakalahad saDoktrina at mga Tipan 121:41–42? (Isulat sa pisara ang mga sagot ng mgaestudyante. Dapat isama sa listahan ang: paghihikayat, mahabang pagtitiis,kahinahunan, kaamuan, hindi pakunwaring pag-ibig, kabaitan, dalisay nakaalaman.)

Sabihin sa mga estudyante kung alin sa mga alituntuning ito ang gusto pa nilangalamin at pag-aralan. Maaaring kailanganin mong ipaliwanag na ang mahabangpagtitiis ay matiyagang pagtitiis ng pagsubok, pinsala, o kagalit-galit na bagay atpagiging mabagal magalit, magparusa, o maghiganti. Ang kaamuan aypagpapakumbaba at pagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Ang hindi pakunwaringpag-ibig ay tumutukoy sa pagmamahal na tapat o tunay at hindi huwad saanupamang paraan.

• Paano naaangkop sa lahat ng natawag na maglingkod sa Simbahan ang payong Panginoon na “walang kapangyarihan o impluwensiya na maaari onararapat na panatilihin sa pamamagitan ng kabanalan ng pagkasaserdote”(D at T 121:41)? (Ang mga may tungkulin sa Simbahan ay hindi maaari at hindidapat subukang gamitin ang kapangyarihan o impluwensya sa iba dahil sakanyang katungkulang may awtoridad).

• Paano higit na mas epektibong makaiimpluwensya sa iba ang pagpapakita ngmga katangian na nakalista sa pisara kaysa paggamit ng katungkulan atawtoridad nang hindi matwid?

• Paano makatutulong ang mga alituntunin ng kabutihan sa mga may tungkulinsa Simbahan para magabayan at maimpluwensyahan nila ang mga taongnasasakupan ng kanilang responsibilidad?

Sabihin sa mga estudyante na umisip ng isang lider ng Simbahan na kilala nila naisang magandang halimbawa ng isa o mahigit pang mga katangian na nakalista sapisara. Sabihin sa ilang estudyante na pag-usapan ang taong ito at kung paano niyaipinapakita ang mga katangiang ito. Maaari mong itanong ang ilan sa mgasumusunod matapos magbahagi ang mga estudyante:

• Sa anong mga paraan nakaimpluwensya sa inyo ang taong ito?

• Sa inyong palagay, bakit nakaimpluwenya sa inyo nang mabuti ang mgakatangian ng taong ito?

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 2

104

• Sa inyong palagay, bakit hinihikayat ng Panginoon na impluwensyahan natinang iba sa ganitong paraan?

Magpatotoo na ang mga katangiang ito ay ang paraan ng paghikayat sa atin ngAma sa Langit na mamuhay nang matwid at ang mga ito rin ang dapat na paraanng pag-impluwensya natin sa iba na gawin din ang gayon. Sabihin sa mgaestudyante na isipin ang mga taong maaari nilang maimpluwensyahan. Sabihin sakanila na pag-isipan kung alin sa mga katangian na nakasulat sa pisara ang sapakiramdam nila ay kailangan nilang pagbutihin. Sabihin sa kanila na magsulat ngmithiin sa kanilang journal kung ano ang plano nila para mapagbuti ang isa sa mgaalituntuning ito ng kabutihan.

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery(20 minuto)Paalala: Ang pinagsama-samang pagrerebyung ito ng doctrinal mastery ayopsyonal, at ito ay maaaring idagdag sa lesson kung may oras pa. Maaari monghalinhinang piliing gugulin ang oras ng klase sa pagkumpleto ng mga DoctrinalMastery lesson o mga sequential scripture lesson na hindi mo nakumpleto datidahil kulang sa oras.

Bigyan ang bawat estudyante ng maliit na piraso ng papel. Sabihin sa mgaestudyante na pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage na napag-aralan nanila ngayong taon. Sabihin sa kanila na isulat ang maaaring iniisip, nadarama, otanong ng isang tao na maaaring matulungan o masagot ng doctrinal masterypassage na pinili nila. Halimbawa, kung pipiliin ng isang estudyante ang Doktrinaat mga Tipan 18:10–11, maaaring sumulat siya ng katulad ng sumusunod:“Pakiramdam ng kaibigan ko ay wala siyang halaga, na parang walang sinumangnagpapahalaga sa kanya. Doktrina at mga Tipan 18:10–11.” Maaaring kailangan ngmga estudyante ng ilang minuto para magawa ito. Habang nag-iisip at nagsusulatang mga estudyante, maaari kang lumibot para makita kung may sinumangnangangailangan ng tulong. Matapos ang sapat na oras na makatapos ang mgaestudyante, tipunin ang mga papel.

Basahin nang malakas ang nakasulat sa mga papel nang isa-isa, nang hindisinasabi sa mga estudyante kung aling doctrinal mastery passage ang maaari nilangmagamit para malutas ang problema o masagot ang tanong. Habang binabasa moang nakasulat sa bawat piraso ng papel, sabihin sa mga estudyante na pumili ngisang doctrinal mastery passage na sa pakiramdam nila ay makatutulong. Tumawagng isang estudyante na magbabahagi ng scripture passage na napili niya, at sabihinkung bakit makatutulong ang scripture passage na iyon sa sitwasyong ito.Maaaring may iba pang naisip na mga scripture passage ang mga estudyantemaliban pa sa mga nakasulat sa papel na angkop din sa sitwasyon. Ipagpatuloy angaktibidad hangga’t may oras pa.

Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood Bahagi 2.”Mangyaring gawin ang aktibidad na ito sa sesyon ng klase ng seminary pagkataposmong maituro ang lesson na ito, at bago mo ituro “Ang Priesthood at mga Susi ng

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 2

105

Priesthood, Bahagi 3.” Ang maikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula okatapusan ng klase kung saan mo regular na itinuturo ang sequential scripturelesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit sa limangminuto ang rebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mgaestudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 121:36, 41–42(5 minuto)Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang talata 6.4 sa Doctrinal Mastery CoreDocument para sa mahalagang pahayag ng doktrina na suportado ng Doktrina atmga Tipan 121:36, 41–42. (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod:Ang awtoridad ng Priesthood ay maaari lamang gamitin sa kabutihan.)

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 121:36, 41–42 atbasahin nang malakas ang mga talatang ito.

• Paano nakatutulong ang scripture passage na ito na matukoy ang mahalagangpahayag ng doktrina?

Sabihin sa mga estudyante na bumuo ng maliliit na grupo at talakayin ang kanilangmga ideya tungkol sa kung paano nila maaalala ang itinuturo sa Doktrina at mgaTipan 121:36, 41–42. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante naibahagi sa klase ang kanilang mga ideya.

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 2

106

Ang Priesthood at mga Susing Priesthood, Bahagi 3PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang Priesthood atmga Susi ng Priesthood” ay nahahati sa apat na bahagi. Sa bahagi 3, pag-aaralanng mga estudyante ang talata 6.5 hanggang 6.7 ng paksa ng doktrinang ito gamitang impormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Pag-aaralan nila ang mgasusi at mga kapangyarihan ng Aaronic at Melchizedek Priesthood, at pag-aaralannila ang mga doctrinal mastery passage na Doktrina at mga Tipan 13:1 at Doktrinaat mga Tipan 107:8.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment ng lesson na ito sa isang sesyon ng klase osa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga segment sa ilangsesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano angnatutuhan nila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagongsegment.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (10 minuto)Isulat ang Aaronic Priesthood at Melchizedek Priesthood sa pisara. Bigyan ng oras angmga estudyante na pag-isipan kung paano nila ipaliliwanag sa isang tao ang mgapagkakaiba ng dalawang priesthood na ito. Matapos ang sapat na oras, sabihin sailang estudyante na ibahagi ang paliwanag nila sa klase.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 6.5 hanggang 6.7 sa DoctrinalMastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, atalamin ang impormasyon na maaaring makatulong sa kanila na lalo pangmaipaliwanag ang Aaronic at Melchizedek Priesthood at paano naiiba sa isa’t isaang mga ito.

• Anong mga pahayag mula sa mga talatang ito ang makatutulong sa inyo naipaliwanag ang mga pagkakaiba ng Aaronic Priesthood at ng MelchizedekPriesthood?

Segment 2 (15 minuto)Sabihin sa mga estudyante na markahan ang sumusunod na mahalagang pahayagng doktrina mula sa talata 6.6 sa Doctrinal Mastery Core Document: Ang AaronicPriesthood ang “may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, atng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag.” Ipaliwanag na ang pahayag naito ay mula sa Doktrina at mga Tipan 13. Sabihin sa mga estudyante na buklatinang Doktrina at mga Tipan 13:1, at sabihin sa kanila na maaari nilang markahanang doctrinal mastery passage sa kanilang mga banal na kasulatan sa paraangmadali nila itong mahahanap.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng scripturepassage na ito, ipaliwanag na ang Doktrina at mga Tipan 13 ay naglalaman ng mga

107

salita ni Juan Bautista kina Joseph Smith at Oliver Cowdery nang igawad niya angAaronic Priesthood sa kanila. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angDoktrina at mga Tipan 13:1.

Ipaliwanag na ang mga pagpapalang binubuksan ng mga susi ng AaronicPriesthood ay makukuha ng lahat ng miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ngmga ordenansa ng Aaronic Priesthood. Ang mga ordenansang ito ay awtorisado ngmga mayhawak ng mga susi ng Aaronic Priesthood.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan. (Kung maaari, magpakita omagbigay ng kopya ng pahayag na ito at ibigay sa bawat estudyante.) Sabihin saklase na pakinggan kung paano nakatulong sa mga miyembro ng Simbahan angmga ordenansa ng Aaronic Priesthood para matangap nila ang mga pagpapalangbinanggit sa Doktrina at mga Tipan 13:1.

“Ano ang ibig sabihin na hawak ng Aaronic Priesthood ‘ang susi ng paglilingkodng mga anghel’ at ang ‘ebanghelyo ng pagsisisi at pagbibinyag, at angkapatawaran ng mga kasalanan’ [D at T 84:26–27]? Ang ibig sabihin nito aymatatagpuan sa ordenansa ng binyag at ng sakramento. Ang binyag ay para sakapatawaran ng kasalanan, at ang sakramento ay pagpapanibago ng mga tipanat mga pagpapala ng binyag. Dapat na pareho itong gawin matapos ang

pagsisisi. Kapag tinutupad natin ang mga tipang ginawa sa ordenansang ito, pinangakuan tayona palaging mapapasaatin ang Kanyang Espiritu upang makasama natin. Ang paglilingkod ngmga anghel ay isa sa mga pagpapahayag ng Espiritu na iyon. …

“Hindi tayo maglalabis sa pagbanggit ng kahalagahan ng Aaronic Priesthood na ito. Lahat ngmahahalagang hakbang na nauukol sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ay isinasagawa sapamamagitan ng nakapagliligtas na ordenansa ng binyag at nagpapanibagong ordenansa ngsakramento. Ang mga ordenansang ito ay parehong pinangangasiwaan ng mga maytaglay ngAaronic Priesthood sa ilalim ng pamamahala ng bishopric, na gumagamit ng mga susi ngebanghelyo ng pagsisisi at ng pagbibinyag at ng kapatawaran ng mga kasalanan.

“Sa magkakaugnay na paraan, ang mga ordenansa ng Aaronic Priesthood ay mahalaga rin sapaglilingkod ng mga anghel. …

“… Tulad ng ipinaliwanag kanina, sa pamamagitan ng mga ordenansa ng Aaronic Priesthood nabinyag at sakramento, tayo ay nalinis sa ating mga kasalanan at pinangakuan na kung tutuparinnatin ang ating mga tipan, mapapasaatin palagi ang Kanyang Espiritu. Naniniwala ako na angpangakong iyan ay hindi lamang tumutukoy sa Espiritu Santo kundi pati na rin sa paglilingkod ngmga anghel, sapagkat ‘ang mga anghel ay nagsasalita sa pamamagitan ng kapangyarihan ngEspiritu Santo; anupa’t, nangungusap sila ng mga salita ni Cristo’ (2 Ne. 32:3). Kaya nga angmga maytaglay ng Aaronic Priesthood ang nagbubukas ng pinto para sa lahat ng miyembro ngSimbahan na karapat-dapat na tumanggap ng sakramento para mapatnubayan ng Espiritu ngPanginoon at matanggap ang paglilingkod ng mga anghel” (Dallin H. Oaks, “The AaronicPriesthood and the Sacrament,” Ensign, Nob. 1998, 37–39).

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa pahayag ni Pangulong Oaks tungkol sa mgasusi ng Aaronic Priesthood?

• Paano kayo napagpala dahil sa Aaronic Priesthood?

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 3

108

Segment 3 (15 minuto)Sabihin sa mga estudyante na markahan ang unang pangungusap ng talata 6.7 sakanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document: Ang MelchizedekPriesthood ay ang mas mataas, o mas dakila, na priesthood at “may hawak ngkarapatan ng panguluhan, at may kapangyarihan at karapatan sa lahat ngkatungkulan sa simbahan sa lahat ng kapanahunan ng daigdig, upangmangasiwa sa mga espirituwal na bagay.”

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 107:8 atmarkahan ang doctrinal mastery passage na ito sa kanilang mga banal na kasulatansa paraang madali nila itong mahahanap.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng scripturepassage na ito, sabihin sa kanila na rebyuhin nang tahimik ang talata 6.2 saDoctrinal Mastery Core Document, na naghahanap ng kahulugan ng parirala. (Dapatnilang malaman na ang mga karapatan ng panguluhan ay “ang kapangyarihangibinibigay ng Diyos sa tao upang pamahalaan at pangasiwaan ang kaharian ngDiyos sa lupa.”) Ipaliwanag na sa Doktrina at mga Tipan 107:8 ang partikular natinutukoy ng Panginoon ay ang mga kapangyarihang ibinigay sa MelchizedekPriesthood para pamahalaan at pangasiwaan ang kaharian ng Diyos sa lupa.

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na rebyuhin ang talata 6.7 sa DoctrinalMastery Core Document, at alamin ang sinasabi nito tungkol sa MelchizedekPriesthood. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Ano ang ilan sa mga ordenansa o pagbabasbas na isinasagawa sa pamamagitanng awtoridad ng Melchizedek Priesthood? (Kumpirmasyon, mga ordenansa satemplo, mga pagbabasbas ng priesthood.)

Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng Aaronicat Melchizedek Priesthood, ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod napahayag ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng LabindalawangApostol:

“Naiisip mo ba kung gaano kadilim at kahungkag ang mortalidad kung walangpriesthood? Kung wala ang kapangyarihan ng priesthood sa mundo, malayasanang nakakagala at patuloy na naghahari ang kaaway. Wala ang kaloob ngEspiritu Santo na papatnubay at magbibigay-liwanag sa atin; walang mgapropetang mangungusap sa ngalan ng Panginoon; walang mga templo kungsaan natin magagawa ang mga sagrado at walang-hanggang tipan; walang

awtoridad na magbabasbas o magbibinyag, magpapagaling o magpapanatag. … Hindimagkakaroon ng liwanag, ng pag-asa—kundi pawang kadiliman” (Robert D. Hales, ”Blessingsof the Priesthood,“ Ensign, Nob. 1995, 32).

• Kailan ninyo nadama na talagang pinasalamatan ninyo ang mga pagpapalangdulot ng Melchizedek Priesthood?

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na mga aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood, Bahagi 3.”

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 3

109

Mangyaring gamitin ang mga aktibidad na ito sa sesyon ng klase ng seminarypagkatapos mong maituro ang lesson na ito, at bago mo ituro ang “Ang Priesthoodat mga Susi ng Priesthood, Bahagi 4.” Ang maiikling rebyu na ito ay maaaring iturosa simula o katapusan ng mga klase kung saan regular kang nagtuturo ngsequential scripture lesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagalnang higit pa sa limang minuto ang bawat rebyung ito, upang hindi mabawasanang oras ng pag-aaral ng mga estudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 13:1 (5 minuto)Bago magsimula ang klase, sabihin sa isang estudyante na isulat sa pisara angsumusunod na pahayag ng doktrina: Ang Aaronic Priesthood ang “may hawak ng mgasusi ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag”(D at T 13:1).

Ipaalala sa mga estudyante na ang mga susi ng priesthood na ito ay iginawad kinaPropetang Joseph Smith at Oliver Cowdery ni Juan Bautista nang kanyang iordensila sa Aaronic Priesthood. Itanong sa mga estudyante kung ano pa ang mgaparaan na maiisip nila para maalala na ang mga talang ito ay nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 13. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga ideya.Hikayatin ang mga estudyante na tanungin ang isa’t isa ng tulad ng sumusunod sapakikihalubilo nila mula ngayon hanggang sa susunod na oras ng klase saseminary:

• Sa aling bahagi ng Doktrina at mga Tipan natin mababasa ang tungkol sa mgasusi ng Aaronic Priesthood?

Hikayatin ang mga estudyante na ipaalala sa kanilang mga kaklase (kungnalimutan na nila) na ang mga susi ng Aaronic Priesthood ay nakatala sa Doktrinaat mga Tipan 13. Sa pagtatapos ng klase, maaari mong itanong ito sa ilangestudyante habang papalabas sila ng silid.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 107:8 (5 minuto)Bago magsimula ang klase, isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag ng doktrinana hindi magkakasunod-sunod ang pagkakaayos ng mga salita:

1. at “may hawak ng karapatan ng panguluhan,

2. upang mangasiwa sa mga espirituwal na bagay” (D at T 107:8).

3. ang mas mataas, o mas dakila, na priesthood

4. sa simbahan sa lahat ng kapanahunan ng daigdig,

5. Ang Melchizedek Priesthood ay

6. at may kapangyarihan at karapatan sa lahat ng katungkulan

Sabihin sa mga estudyante na isulat muli ang mga pahayag na ito sa tamangpagkakasunud-sunod (na matatagpuan sa talata 6.7 sa Doctrinal Mastery Core

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 3

110

Document) sa kanilang mga notebook o study journal. (Ang tamangpagkakasunud-sunod ay 5, 3, 1, 6, 4, 2.)

Matapos sumulat ang mga estudyante, anyayahan ang ilan sa kanila namagmungkahi ng ilang paraan na maaalala nila na ang Doktrina at mga Tipan107:8 ay tungkol sa Melchizedek Priesthood.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood(5 minuto)Sa bawat isa sa apat na iba’t ibang piraso ng papel, sumulat ng isa sa mgasumusunod na doctrinal mastery passage reference sa isang panig at angkaukulang mahalagang pahayag ng doktrina sa kabilang panig:

Doktrina at mga Tipan 42:11Lahat ng naglilingkod sa Simbahan—lalaki at babae—ay tinatawag sa ilalim ngpamamahala ng isang taong mayhawak ng mga susi ng priesthood.

Doktrina at mga Tipan 121:36, 41–42Ang awtoridad ng priesthood ay maaari lamang gamitin sa kabutihan.

Doktrina at mga Tipan 13:1Ang Aaronic Priesthood ang “may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, atng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag.”

Doktrina at mga Tipan 107:8Ang Melchizedek Priesthood ay ang mas mataas, o mas dakila, na priesthood at “ang mayhawak ng karapatan ng panguluhan, at may kapangyarihan at karapatan sa lahat ngkatungkulan sa simbahan sa lahat ng kapanahunan ng daigdig, upang mangasiwa samga espirituwal na bagay.”

Gamitin ang mga “flash card” na ito para marebyu ang mga doctrinal masteryreference kasama ang mahahalagang pahayag ng doktrina. Maaari mong piliingipakita sa mga estudyante ang isang panig ng flash card at itanong sa kanila kungano ang nasa kabilang panig nito. (Kung magpapakita ka sa mga estudyante ngdoctrinal mastery scripture reference, huwag mong atasan ang mga estudyante nasabihin sa iyo nang buo ang kaukulang mahalagang pahayag ng doktrina.Halimbawa, kung ipapakita mo sa mga estudyante ang reference na “Doktrina atmga Tipan na 107:8,” sapat nang isagot lang nila ang “Melchizedek Priesthood.”)Maaari mong ulitin ang mga flash card na nahihirapan ang mga estudyante nasabihin kung ano ang tungkol dito hanggang sa mas malaman na nila. Pagkataposay maaari mong ulitin ang aktibidad gamit ang kabilang panig ng mga flash card.Huwag mag-ukol nang mahigit limang minuto sa aktibidad na ito.

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 3

111

Ang Priesthood at mga Susing Priesthood, Bahagi 4PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Ang Priesthood atmga Susi ng Priesthood” ay nahahati sa apat na bahagi. Kasama sa bahagi 4 angisang pagsasanay [practice exercise] na makatutulong sa mga estudyante naipamuhay ang mga doktrinang natutuhan nila mula sa Doctrinal Mastery CoreDocument kasama ang doctrinal mastery scripture passage sa Doktrina at mga Tipan42:11. Ang lesson na ito ay naglalaman din ng pinagsama-samang pagrerebyu nglahat ng doctrinal mastery passage na napag-aralan na ng mga estudyante saschool year na ito.

Paalala: Maituturo mo ang lesson na ito sa isang sesyon ng klase o sa ilang sesyonng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga segment sa ilang sesyon ng klase,maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano ang natutuhan nila sanakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagong segment.

Pagsasanay (20 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang tatlong alituntunin mula sa bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nangmay pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, at hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Paalala: Maaari mong iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring ibahinang mga pangalan at ihalili rito ang mga pangalang mas karaniwan sa lugar natinitirhan ninyo.

Hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo. Bigyan ang bawat grupong kopya ng kalakip na handout, at sabihin sa kanila na magsalitan sa

pagbasa sa mga sitwasyon (halaw mula sa Chad H Webb, “Doctrinal Mastery”[Seminaries and Institutes of Religion annual training broadcast, Hunyo 14, 2016],broadcasts.lds.org):

Tanong ni MonikaHabang binabasa mo nang malakas ang sumusunod na sitwasyon bilang isang grupo, humintosandali para talakayin ang kaakibat na mga tanong:

Isang dalagita na nagngangalang Monika ang nagmula sa matapat na pamilya at marami nangnatutuhan tungkol sa ebanghelyo sa buong buhay niya. Gustung-gusto niyang dumadalo sa YoungWomen at seminary. Isang araw sinabi sa kanya ng isang kaeskwelang babae na hindipinahahalagahan ng Simbahan ang kababaihan dahil wala silang hawak na priesthood o ilangpartikular na katungkulan sa pamumuno. Sinabi ng babae na kinikilala na ng mundo angkontribusyon ng kababaihan at tinatrato sila nang pantay, at pagkatapos ay tinanong niya kayMonika, “Kailan makikiisa ang Simbahan sa mundo sa isyung ito ng lipunan?”

112

Kahit kailan ay hindi nadama ni Monika na hindi siya minahal o hindi pinahalagahan sa Simbahan.Itinuro sa kanya na siya ay may banal na katangian at kahalagahan. Namasdan niya ang mahuhusayna lider ng Young Women at ang isang mabuting ina na masayang naglilingkod sa Simbahan at sakanilang komunidad. Ngunit hindi tiyak ni Monika kung paano sasagutin ang tanong. Katunayan,nag-aalala na siya tungkol dito, at iniisip na niya kung bakit hindi binibigyan ng ilang katungkulan saSimbahan ang kababaihan. Ang mga argumentong narinig niya tungkol sa pagkakapantay-pantay atkatarungan para sa mga kalalakihan at kababaihan ay nagsisimula nang magkaroon ng kabuluhansa kanya.

Isang araw habang nasa seminary sumulat si Monika sa kanyang seminary teacher, si Sister Bell, atitinanong, “Kailan tutularan ng Simbahan ang iba at sisimulang tratuhin nang pantay-pantay angkalalakihan at kababaihan?” Kinabukasan, ipinasiya ni Sister Bell na talakayin ang tanong sa klase.Itinanong niya kung paano maaaring kumilos nang may pananampalataya ang isang tao na mayganitong tanong. Tinalakay ng mga estudyante ang mga bagay na tulad ng kahalagahan ngpagdarasal sa Ama sa Langit upang humingi ng tulong at pag-unawa. Isang estudyante ang nagsabina mahalagang patuloy na paniwalaan ang bagay na dati na nilang naunawaan tungkol sakaugnayan nila sa Ama sa Langit at nagbahagi ng halimbawa kung paano niya nalaman na siya ayminamahal at pinahahalagahan ng Ama sa Langit.

• Paano makatutulong ang mga sinabi ng mga kaklase ni Monika para kumilos siya nang maypananampalataya?

• Ano ang iba pang maimumungkahi ninyo tungkol sa kung paano kikilos nang maypananampalataya ang isang tao na may ganitong tanong?

Upang matulungan ang klase na pag-isipan kung paano nila susuriin ang tanong nang maywalang-hanggang pananaw, hinikayat sila ni Sister Bell na isipin ang mga haka-haka o opinyon ngmundo na pinagbatayan ng tanong. Itinanong niya, “Paano kaya inilalarawan ng mundo angpagkakapantay-pantay at pagiging makatarungan?” Ilang estudyante ang nagsabi na iniisip ng ilangtao na ang ibig sabihin ng pagkakapantay-pantay at pagiging makatarungan ay dapat na pareho anglahat ng bagay sa mga lalaki at mga babae. Ipinaliwanag ng isang binatilyo na ayon sa mundo, angkatayuan ng isang tao ang nagsasabi kung gaano siya kahalaga, at hahantong iyan sa pananaw naang ilang katungkulan sa Simbahan ay mas mahalaga kaysa iba pa, kaya parang hindi makatarungankung hindi matatawag ang lahat sa mga katungkulang iyon.

• May naiisip ba kayo na iba pang haka-haka o opinyon ng mundo na makaiimpluwensya sapananaw ng mga tao sa mga katungkulan o posisyon sa Simbahan?

Pagkatapos ay itinanong ni Sister Bell kung paano maipahahayag ng klase ang tanong na ito mula sapananaw ng Panginoon. Dahil mahirap gawin ito iminungkahi ni Sister Bell na ito ang itanong nila,“Paano inilalarawan ng Panginoon ang pagkakapantay-pantay at pagiging makatarungan?” O“Paano isinasaalang-alang ng Panginoon ang ginagampanan ng kalalakihan at kababaihan sa planong kaligtasan?” Sinabi ng isang estudyante na maraming propeta ang nagturo na sa Panginoon, angpagkakapantay-pantay ay hindi nangangahulugan na dapat parehong-pareho ang mga lalaki at mgababae. Binanggit ng isa pang estudyante ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” atsinabi na sa plano ng kaligtasan, at sa Simbahan, ang kalalakihan at kababaihan ay may mgatungkulin na magkaiba ngunit parehong mahahalaga. Sinabi ng isang dalagita, “Medyo iba angpananaw ko tungkol dito. Dapat ba na gusto lang natin ang isipin natin, o dapat na mas isipin natinang gusto ng Panginoon?”

Nagpasalamat si Sister Bell sa mga estudyante dahil sa kanilang mga ideya at ipinaalala sa kanila naang pananaw ng Tagapagligtas sa mga katungkulan at pamumuno ay iba sa pananaw ng mundo.Ipinaliwanag niya na itinuturo ng mga banal na kasulatan na “hindi makapagsasabi ang mata sakamay, hindi kita kinakailangan” (I Mga Taga Corinto 12:21) bagkus ang lahat ng miyembro aykabahagi ng katawan ding iyon at lahat ay kailangan at may pagkakataong makapaglingkod.

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 4

113

Pagkatapos ay itinanong ni Sister Bell, “Noong Kanyang mortal na ministeryo, paano ipinakita ngTagapagligtas na minamahal at pinahahalagahan Niya ang kababaihan?” Sa tulong ng kanilangtitser, nag-isip ang mga estudyante ng mga halimbawa, tulad ng paraan ng pakikitungo Niya saKanyang ina, sa babaeng Samaritano sa balon, at kay Maria Magdalena. Naalala rin nila ang mgahimalang ginawa Niya na nagpala at nagpagaling sa kababaihan.

Upang matulungan ang kanyang mga estudyante na maragdagan ang kanilang kaalaman atmakaunawa pa sa pamamagitan ng mga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos, hinikayatni Sister Bell ang kanyang mga estudyante na alalahanin ang makatutulong na scripture reference atmga mensahe mula sa mga lider na may kaugnay sa tanong na ito. Binanggit nila ang mga resourcesna tulad ng “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” at ang Gospel Topics Essays. Isangpartikular na mensahe ang iminungkahi na nakatawag ng pansin ni Monika. Ito ang mensahe niSister Linda K. Burton na pinamagatang “Magkasama Tayong Aangat” mula sa pangkalahatangkumperensya ng Abril 2015. Iminungkahi rin ni Sister Bell ang mensaheng ibinigay ni PangulongRussell M. Nelson na may pamagat na “Isang Pakiusap sa Aking mga Kapatid na Babae” mula sapangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2015. Isinulat ni Monika sa kanyang journal ang tungkolsa mga ito at ipinasiyang pag-aralan ito kalaunan.

• May naiisip ba kayong anumang karagdagang itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyosna makatutulong sa isang tao na may tanong na katulad ng kay Monika?

Natapos ang talakayan sa pagbabahagi ni Sister Bell ng kanyang patotoo na lahat ng naglilingkod saSimbahan—lalaki at babae—ay tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng isang taong mayhawak ngmga susi ng priesthood, at ipinaalala niya na ang katotohanang ito ay matatagpuan sa Doktrina atmga Tipan 42:11. Ipinaalala rin niya sa kanyang mga estudyante na “sinumang gumaganap sakatungkulan o tungkulin na natanggap mula sa taong mayhawak ng mga susi ng priesthood ayginagamit ang awtoridad ng priesthood sa pagtupad sa mga gawaing itinalaga sa kanya” (Dallin H.Oaks, “Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 51). Ipinaalala rinniya sa kanyang mga estudyante ang doctrinal mastery scripture passage na nagsasabi na “Ginagawa[ng Panginoon] ang yaong makabubuti sa mga anak ng tao; … at inaanyayahan niya silang lahat nalumapit sa kanya at makibahagi sa kanyang kabutihan; at wala siyang tinatanggihan sa mgalumalapit sa kanya; maitim at maputi, alipin at malaya, lalaki at babae; … pantay-pantay ang lahatsa Diyos” (2 Nephi 26:33; idinagdag ang italics). Hinikayat ni Sister Bell ang kanyang mga estudyantena patuloy na pag-aralan nang may panalangin ang tanong na ito at inanyayahan silang ibahagi saklase ang natutuhan nila.

• Ano ang natutuhan ninyo sa sitwasyong ito tungkol sa tanong ni Monika?

Kapag natapos nang basahin ng mga estudyante ang handout at talakayin ang mgatanong sa mga grupo nila, anyayahan sila na magbahagi ng anumang naisip, mgatanong, o naramdaman nila dahil sa pagsasanay na ito—tungkol man ito sa tanongni Monika o sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa pangkalahatan.Magpatotoo na mahal ng Ama sa Langit ang lahat ng Kanyang mga anak at lahatng naglilingkod sa Simbahan ay “tinatawag sa ilalim ng pamamahala ng isangtaong mayhawak ng mga susi ng priesthood,” “ginagamit ang awtoridad ngpriesthood sa paggawa ng kanyang mga tungkulin,” at mahalagang bahagi ngkaharian ng Diyos.

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery(20 minuto)

Ang kalakip na pagsusulit ay makatutulong sa iyo na masuri kung gaanokapamilyar ang mga estudyante sa mahahalagang pahayag ng doktrina at

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 4

114

mga doctrinal mastery scripture passage na inilahad ngayong school year. Bago kamagbigay ng pagsusulit, maaari mong bigyan ng oras na mapag-aralan ng mgaestudyante ang mga doctrinal mastery passage at mga pahayag ng doktrina.Bawasan ang bilang ng mga tanong kung walang sapat na oras sa klase paramaibigay ang kumpletong pagsusulit.

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPiliin ang scripture passage mula sa Doktrina at mga Tipan na makatutulong nang pinakamabuti sapagtuturo ng bawat mahalagang pahayag ng doktrina.

1. Nangako ang Diyos na ihahayag Niya ang katotohanan sa ating puso’t isipan sapamamagitan ng Espiritu Santo kung masigasig natin Siyang hahanapin.a. D at T 8:2–3b. Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20c. D at T 135:3

2. Ang Ama at ang Anak ay may mga niluwalhating katawang may laman at buto, at angEspiritu Santo ay isang personaheng espiritu.a. D at T 130:22–23b. D at T 29:10–11c. D at T 1:37–38

3. Inilaan ng nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo ang tanging paraan para tayo malinisat mapatawad sa ating mga kasalanan upang makapiling natin ang Diyos nangwalang-hanggan.a. D at T 1:30b. D at T 19:16–19c. D at T 42:11

4. Lahat ng naglilingkod sa Simbahan—lalaki at babae—ay tinatawag sa ilalim ngpamamahala ng isang taong mayhawak ng mga susi ng priesthood.a. D at T 21:4–6b. D at T 19:16–19c. D at T 42:11

5. Dahil ang Diyos mismo ang nagtatag nito, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mgaHuling Araw “ang tanging tunay at buhay na simbahan sa ibabaw ng buong mundo.”a. D at T 19:16–19b. D at T 8:2–3c. D at T 1:30

6. Ang Diyos Ama at ang Kanyang Anak na si Jesucristo ay nagpakita kay Joseph Smith bilangtugon sa panalangin ni Joseph, at tinawag Nila siya na maging Propeta ng Panunumbalik.a. Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20b. D at T 6:36c. D at T 58:42–43

7. Ang Panginoon mismo ay nag-anyaya sa atin na “isaalang-alang [Siya] sa bawat pag-iisip;huwag mag-alinlangan, huwag matakot.”a. D at T 76:22–24b. D at T 6:36c. D at T 21:4–6

8. Ang Melchizedek Priesthood ay ang mas mataas, o mas dakila, na priesthood at “may hawakng karapatan ng panguluhan, at may kapangyarihan at karapatan sa lahat ng katungkulan sasimbahan sa lahat ng kapanahunan ng daigdig, upang mangasiwa sa mga espirituwalna bagay.”

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 4

115

a. D at T 107:8b. D at T 88:118c. D at T 1:30

9. Bilang Propeta ng Panunumbalik, isinalin ni Joseph Smith ang Aklat ni Mormon sapamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos.a. D at T 107:8b. D at T 135:3c. D at T 76:22–24

10. Kasama sa pagsisisi ang pagkilala sa ating mga kasalanan; matinding kalungkutan, okalumbayang mula sa Diyos, dahil sa nagawang kasalanan; pagtatapat ng ating mgakasalanan sa Ama sa Langit at, kung kailangan, sa iba; pagtalikod sa kasalanan; pagsisikapna ibalik, hangga’t maaari, ang lahat ng nasira dahil sa nagawa nating kasalanan; atpamumuhay na sumusunod sa mga utos ng Diyos.a. D at T 76:22–24b. D at T 58:42–43c. D at T 130:22–23

11. Nilikha ni Jesucristo ang langit at ang lupa sa ilalim ng pamamahala ng Ama.a. D at T 13:1b. D at T 76:22–24c. D at T 1:30

12. Ang propeta ay isang tao na tinawag ng Diyos na mangusap para sa Kanya.a. D at T 18:10–11b. D at T 13:1c. D at T 1:37–38

13. Dahil mahal tayo ng ating Ama sa Langit at nais Niya tayong umunlad hanggang sa magingkatulad Niya, hinikayat Niya tayong “maghangad na matuto, maging sa pamamagitan ngpag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya.”a. D at T 42:11b. D at T 1:30c. D at T 88:118

14. Kung tapat nating tinatanggap at sinusunod ang mga turo ng Pangulo ng Simbahan,pagpapalain tayo ng Diyos na madaig ang panlilinlang at kasamaan.a. D at T 21:4–6b. D at T 121:36, 41–42c. D at T 130:22–23

15. Ang Aaronic Priesthood ang “may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, at ngebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag.”a. Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20b. D at T 13:1c. D at T 6:36

16. Ang sakripisyo ni Jesuscristo ay nagbibigay ng pagpapala sa bawat isa sa atin at nagpapakitang walang-hanggang kahalagahan ng bawat isa sa mga anak ng Ama sa Langit.a. D at T 121:36, 41–42b. D at T 88:118c. D at T 18:10–11

17. Si Jesucristo ay darating muli sa kapangyarihan at kaluwalhatian at maghahari sa mundo saMilenyo.a. D at T 58:42–43b. D at T 13:1c. D at T 29:10–11

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 4

116

18. Ang awtoridad ng priesthood ay maaari lamang gamitin sa kabutihan.a. D at T 135:3b. D at T 121:36, 41–42c. D at T 58:42–43

Mga sagot sa pagsusulit: 1. a; 2. a; 3. b; 4. c; 5. c; 6. a; 7. b; 8. a; 9. b; 10. b; 11. b; 12. c;13. c; 14. a; 15. b; 16. c; 17. c; 18. b.

ANG PRIESTHOOD AT MGA SUSI NG PRIESTHOOD, BAHAGI 4

117

Mga Ordenansa at Tipan,Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Mga Ordenansa atTipan” ay nahahati sa dalawang bahagi. Sa bahagi 1, pag-aaralan ng mgaestudyante ang talata 7.1 hanggang 7.9 ng paksa ng doktrinang ito gamit angimpormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document. Malalaman nila ang tungkol sapagtanggap ng nakapagliligtas na mga ordenansa at pakikipagtipan sa Diyos, atpag-aaralan nila ang mga doctrinal mastery scripture passage na matatagpuan saDoktrina at mga Tipan 84:20–22 at Doktrina at mga Tipan 82:10.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment ng lesson na ito sa isang sesyon ng klase osa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga segment sa ilangsesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano angnatutuhan nila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagongsegment.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (8 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na tanong, at simulan ang klase sa pagsasabi samga estudyante na isipin nang tahimik kung paano nila sasagutin ito: Ano angibinigay sa atin ng Ama sa Langit upang tulungan tayong maging higit na katulad Niyaat makabalik sa Kanyang piling?

Matapos ang sapat na oras, ipasagot sa mga estudyante ang tanong. Isulat sa pisaraang kanilang mga sagot.

Ipabuklat sa mga estudyante ang paksa tungkol sa doktrina 7, “Mga Ordenansa atTipan,” sa Doctrinal Mastery Core Document. Ipaliwanag na ang mga ordenansa attipan ay mahalagang bahagi ng sagot sa tanong sa pisara. Ipabasa nang malakas saisang estudyante ang mga talata 7.1 at 7.2. Sabihin sa klase na tahimik na sumabaysa pagbasa, at alamin ang kahulugan at mga layunin ng mga ordenansa.

• Ano ang ordenansa?

• Ano ang ilang dahilan kung bakit binigyan tayo ng Diyos ng mga ordenansa?

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga layunin ng mgaordenansa, ipakita ang larawan na Binatang Binibinyagan o Batang BabaengBinibinyagan (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 103 o 104; makukuha rin salds.org/media-library). Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano angsumisimbolo sa binyag.

• Anong mga espirituwal na katotohanan ang simbolikong itinuturo ngordenansa ng binyag? (Maaaring isama ng mga estudyante sa kanilang mgasagot ang simbolismo ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, angpagkamatay ng makasalanang buhay at muling pagsilang ng isang tao sa isang

122

espirituwal na buhay, o na ang isang tao ay maaaring espirituwal na isilang namuli. Tingnan sa “Baptism,” Gospel Topics, topics.lds.org.)

• Bakit tinatawag ang ilang ordenansa na “nakapagliligtas na mga ordenansa”?(Tingnan sa talata 7.2 sa Doctrinal Mastery Core Document.)

• Anong mahalagang pahayag ng doktrina sa talata 7.2 ang nagtuturo ngmagagawa ng nakapagliligtas na mga ordenansa para sa atin? (Tiyakingnauunawaan ng mga estudyante ang sumusunod na pahayag: Kung wala angnakapagliligtas na mga ordenansa, hindi tayo magiging katulad ng atingAma sa Langit o makababalik upang mamuhay sa piling Niyamagpakailanman. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan angpahayag na ito sa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.)

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang malakas ang mga talata 7.3hanggang 7.6 nang may kapartner, at humanap ng mga halimbawa ngnakapagliligtas na mga ordenansa at iba pang mga ordenansa ng priesthood.Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang bawat nakapagliligtasna ordenansa para madali nilang mahanap ang mga ito.

Segment 2 (12 minuto)Hilingin sa isang estudyante na siya ang maging tagasulat. Sabihin sa mgaestudyante na banggitin ang tatlong nakapagliligtas na ordenansa na matatagpuansa mga talata 7.3 hanggang 7.5 ng Doctrinal Mastery Core Document, at sabihin satagasulat na isulat ang mga sagot sa pisara. (Dapat kasama sa listahan ang binyag,pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, ordenasyon sa Melchizedek Priesthood(para sa kalalakihan), endowment sa templo, at pagbubuklod sa templo.)

Sabihin sa klase na basahin nang malakas ang mahalagang pahayag ng doktrina naminarkahan nila sa talata 7.2 ng Doctrinal Mastery Core Document: Kung wala angnakapagliligtas na mga ordenansang ito hindi tayo magiging katulad ng ating Amasa Langit o makababalik sa Kanyang piling nang walang hanggan.

• Anong doctrinal mastery passage ang tumutulong na maituro angkatotohanang ito? (Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan angDoktrina at mga Tipan 84:20–22 sa kanilang banal na kasulatan sa paraangmadali nila itong mahahanap.)

Ipaliwanag na ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 84 ay ibinigaysa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith sa Kirtland, Ohio. Sa paghahayag naito itinuro ng Panginoon ang mga responsibilidad ng mga maytaglay ng priesthoodat kung paano pagpapalain ng kapangyarihan ng priesthood ang buhay ng lahat nganak ng Diyos, lalo na sa pamamagitan ng mga ordenansa ng MelchizedekPriesthood na makukuha lamang sa mga templo.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:20–22.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano angipinahayag o ipinakita sa pamamagitan ng mga ordenansa ng MelchizedekPriesthood.

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang ipinapakita sa mga ordenansa ngMelchizedek Priesthood? (“Ang kapangyarihan ng kabanalan.”)

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 1

123

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pariralang “ang kapangyarihan ngkabanalan”?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderD. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase napakinggan kung ano ang kapangyarihan ng kabanalan at kung paano natin itomatatanggap.

“Ang tapat na pakikipagtipan natin sa Kanya ang nagtutulot sa ating Ama saLangit na padaluyin sa ating buhay ang Kanyang banal na impluwensya, ‘angkapangyarihan ng kabanalan’ (D at T 84:20). Magagawa Niya ito dahil sapakikibahagi natin sa mga ordenansa ng priesthood nagagamit natin ang atingkalayaan at pinili nating tanggapin ito. Namamalas din sa ating pakikibahagi samga ordenansang iyon na handa tayong tanggapin ang mga karagdagang

responsibilidad na kalakip ng dagdag na kaliwanagan at espirituwal na lakas.

“Sa lahat ng ordenansa, lalo na sa templo, pinagkakalooban tayo ng kapangyarihan mula saitaas. Ang ‘kapangyarihan ng kabanalan’ na ito ay dumarating sa tao at sa pamamagitan ngimpluwensya ng Espiritu Santo. Ang kaloob na Espiritu Santo ay bahagi ng bago at walanghanggang tipan. Mahalagang bahagi ito ng ating binyag, ang pagbibinyag sa Espiritu. Ito angnaghahatid ng biyaya kung kaya’t sa pamamagitan ng dugo ni Cristo ay napapatawad ang atingmga kasalanan at napapabanal tayo (tingnan sa 2 Nephi 31:17) “(D. Todd Christofferson, “AngKapangyarihan ng mga Tipan,“ Ensign o Liahona, Mayo 2009, 21–22).

• Ayon kay Elder Christofferson, ano ang kapangyarihan ng kabanalan? (Angbanal na impluwensya ng Diyos.)

• Sa mga salita ni Elder Christofferson, ano ang makatutulong sa atin paramaanyayahan ang banal na impluwensya ng Diyos sa ating buhay? (Sapamamagitan ng pagpiling lumahok sa mga ordenansa ng priesthood, lalo nasa mga ordenansa sa templo.)

Magpatotoo na dahil sa nakapagliligtas na mga ordenansa ng priesthood, tayo aymay kakayahang maging katulad ng ating Ama sa Langit at makabalik sa Kanyangpiling. Hikayatin ang mga estudyante na paghandang mabuti ang nakapagliligtasna mga ordenansa na hindi pa nila natatanggap.

Segment 3 (7 minuto)Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng mga talata7.7 hanggang 7.9 sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimikna sumabay sa pagbasa, at alamin kung paano, kailan, at saan ginagawa ang mgatipan. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

• Anong mahalagang pahayag ng doktrina sa talata 7.7 ang naglalarawan kungpaano ginagawa ang mga tipan? (Sa pagsagot ng mga estudyante, dapat nilangmatukoy ang sumusunod na pahayag: Ang Diyos ang nagbibigay ng mgakondisyon para sa tipan, at sumasang-ayon tayo na gagawin ang iniuutosNiya sa atin; at nangangako ang Diyos sa atin ng mga pagpapala dahil saating pagsunod. Sabihin sa mga estudyante na markahan ang pahayag na itosa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.)

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 1

124

• Ayon sa talata 7.8, ano ang kaugnayan ng nakapagliligtas na mga ordenansa atng mga tipan?

• Ano ang ipinapangako nating gawin kapag tinanggap natin ang ordenansa ngbinyag? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang mga sumusunod: taglayin saating sarili ang pangalan ni Jesucristo at tumayo bilang Kanyang saksi,sumunod sa Kanyang mga kautusan, at maglingkod sa kanya. Tingnan sa“Baptism,” Gospel Topics, topics.lds.org.)

• Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Diyos na ibibigay sa atin kungtutuparin natin ang ating tipan sa binyag? (Maaaring kasama sa mga sagot angpalagiang pagsama ng Espiritu Santo, kapatawaran ng mga kasalanan,pribilehiyo ng pagiging espirituwal na isinilang na muli, at ang kaloob na buhayna walang hanggan. Tingnan sa “Baptism,” Gospel Topics, topics.lds.org.)

• Paano makatutulong sa pagnanais nating tuparin ang ating mga tipan angkaalaman natin sa mga tiyak na pagpapala ng Panginoon na ipinangakosa atin?

Segment 4 (6 na minuto)Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang talata 7.7 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Pagkatapos ay ipabuklat sa kanila ang Doktrina at mga Tipan 82:10.Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang doctrinal masterypassage na ito sa kanilang mga banal na kasulatan sa paraang madali nila itongmahahanap.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng scripturepassage na ito, ipaliwanag na ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mgaTipan 82 ay ibinigay sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith sa Independence,Missouri, sa isang kumperensya ng mga maytaglay ng priesthood. Nang mahirapansa pagtatatag ng Sion ang mga Banal noong araw, nagbigay ng tagubilin angPanginoon sa siyam na lalaki at inihanda sila upang maunawaan kung bakitkailangan nilang mamuhay na tumutupad sa tipan na gagawin nila upangmagkaisa habang pinangangasiwaan ang mga pisikal na pangangailangan ngSimbahan. Binigyan ng Panginoon ang mga kapatid na ito ng nakapapanatag napangako.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 82:10.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang ipinangako ngPanginoon.

• Ano ang ipinangako ng Panginoon sa scripture passage na ito?

• Paano nakatutulong ang doctrinal mastery passage na ito na maituro angmahalagang pahayag ng doktrina tungkol sa mga tipan sa talata 7.7?

• Ano ang itinuturo ng pariralang “Ako, ang Panginoon, ay nakatali kapag ginawaninyo ang aking sinabi” (D at T 82:10) tungkol sa pagturing ng Diyos samga tipan?

• Paano naaapektuhan ng pagsuway sa ating mga tipan ang mga pangakong Diyos?

• Paano kayo pinagpala ng Panginoon dahil tinupad ninyo ang inyong mga tipan?

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 1

125

Segment 5 (7 minuto)Bigyang-diin sa mga estudyante na dahil nais ng Panginoon na pagpalain tayo, naisNiyang alalahanin at tuparin natin ang mga tipang ginawa natin sa Kanya. Sabihinsa mga estudyante na rebyuhin ang talata 7.8 sa Doctrinal Mastery Core Document.Sabihin sa klase na basahin nang malakas ang huling pangungusap sa talata:Pinapanibago natin ang mga tipang ginawa natin sa pamamagitan ngpagtanggap ng sakramento. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilangmarkahan ang pahayag na ito sa kanilang kopya ng Doctrinal Mastery CoreDocument.

• Sa inyong palagay, bakit kailangan natin ang pagkakataong mapanibago angating mga tipan?

Sabihin sa mga estudyante na isulat sa kanilang notebook o study journal angkanilang mga sagot sa isa sa mga sumusunod na tanong. (Maaari mong isulat sapisara ang mga tanong na ito o gawin itong handout at ibigay sa bawatestudyante.)

• Ano ang gagawin ko para maalaala ang aking mga tipan sa oras ngsakramento sa linggong ito?

• Ano ang magagawa ko upang mapanatilihing sagrado ang oras ngsakramento?

• Ano ang magagawa ko sa linggong ito para maalaala at matupad ang akingmga tipan?

Maaari kang magbahagi ng iyong personal na karanasan o maaari monganyayahan ang isa o dalawang estudyante na ibahagi ang kanilang iniisip.Patotohanan ang ipinangakong lakas at katatagan na dumating sa iyo sapamamagitan ng pakikibahagi sa mga ordenansa ng priesthood at tapat napagtupad sa mga kaugnay na Tipan. Hikayatin ang mga estudyante na sundin angmga pahiwatig at inspirasyon na natanggap at naitala nila.

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Mga Ordenansa at Tipan, Bahagi 1.” Mangyaringgamitin ang mga aktibidad na ito sa mga sesyon ng klase sa seminary mataposmong maituro ang lesson na ito, at bago mo ituro ang “Mga Ordenansa at Tipan,Bahagi 2.” Ang maiikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o katapusan ngklase kung saan mo regular na itinuturo ang sequential scripture lesson mula saDoktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit pa sa itinakdang orasang rebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyanteng scripture block sa klase.

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 1

126

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 84:20–22(5 minuto)Isulat sa pisara ang mahalagang pahayag ng doktrina: Kung wala ang nakapagliligtasna mga ordenansang ito hindi tayo magiging katulad ng ating Ama sa Langit omakababalik upang mamuhay sa Kanyang piling magpakailanman.

Sabihin sa mga estudyante na alamin ang doctrinal mastery passage na kaugnay ngpahayag na ito sa kanilang mga banal na kasulatan. Kapag natagpuan na ng mgaestudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:20–22, sabihin sa klase na basahin nangmalakas ang scripture passage na ito.

Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag kung paano nila parehong magagamitang mahalagang pahayag na ito ng doktrina at ang doctrinal mastery scripturepassage sa pagtuturo sa isang kaibigan tungkol sa kahalagahan ng mga ordenansang priesthood.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 82:10 (5 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Ang Diyos angnagbibigay ng mga kondisyon para sa tipan, at sumasang-ayon tayo na gagawin anginiuutos Niya sa atin; at nangangako ang Diyos sa atin ng mga pagpapala dahil sa atingpagsunod.(D at T 82:10).

Sabihin sa klase na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 82:10 at ipabasa ito nangmalakas.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante, at sabihin sa kanila na bibigyan sila ngdalawang 60-second challenge. Sa unang hamon o challenge, isulat ang mgakatagang Kung–Sa gayon sa pisara. Bigyan ng 60 segundo ang magkakapartner paramag-isip ng mga paraan na mailalahad ang mahalagang pahayag ng doktrina nanasa pisara o ang katotohanan sa Doktrina at mga Tipan 82:10 bilang alituntuningnagpapakita ng “Kung–Sa gayon” o ng sanhi at epekto. Kapag oras na, sabihin sailang magkakapartner na tumayo at ulitin nang malakas ang kanilang mgapahayag.

Para sa ikalawang hamon o challenge, sabihin sa magkakapartner na magsalitan sapagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 82:10 sa isa’t isa hanggang sailang beses na makakaya nila sa loob ng 60 segundo. Kapag oras na, sabihin sa mgaestudyante na isara ang kanilang mga banal na kasulatan at ulitin ang doctrinalmastery reference at ang kaukulang scripture verse bilang klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Mga Ordenansa at mga Tipan (5 minuto)Isulat sa pisara ang mga sumusunod na doctrinal mastery scripture reference:

Doktrina at mga Tipan 84:20–22

Doktrina at mga Tipan 82:10

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang mga scripture passage na ito at basahinnang mabuti para maalala ang mga turo na nilalaman nito.

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 1

127

Isulat o ipakita sa pisara ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ngKorum ng Labindalawang Apostol. (Maaari mo ring gawing handout ang pahayagna ito para sa mga estudyante.) Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angpahayag. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang mgapartikular na parirala na maaaring nauugnay sa mga doctrinal mastery passage nanasa pisara.

Kapag nakikipagtipan tayo sa Diyos, “nangangako tayong gagawin ang ilangbagay, batay sa ordenansa, at nangangako Siya ng mga espesyal na kaloob bilangkapalit—napakagagandang kaloob, hindi mabigkas na mga kaloob, halos hindimaunawaang mga kaloob. Kaya’t sinasabi ko sa inyo gaya ng pagsasabi ko sasarili ko—kung talagang gusto nating magtagumpay sa ating mga tungkulin,kung gusto nating makamtan ang bawat tulong at bawat benepisyo at bawatpagpapala mula sa Ama, kung gusto nating mabuksan ang pintuan ng langit saatin upang matanggap ang mga kapangyarihan ng kabanalan, kailangan natingtupdin ang ating mga tipan!” (Jeffrey R. Holland, “Pagtupad ng mga Tipan: IsangMensahe para sa mga Magmimisyon,” Liahona, Enero. 2012, 50).

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga pariralang natagpuan nila sapahayag ni Elder Holland na nauugnay sa mga doctrinal mastery passage na nasapisara. Kapag nagbabahagi ang mga estudyante, sabihin sa kanila na ipaliwanagkung paano makatutulong ang mga scripture passage sa pagtuturo ng mgapahayag na napili nila.

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 1

128

Mga Ordenansa at Tipan,Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Mga Ordenansa atTipan” ay nahahati sa dalawang bahagi. Kabilang sa bahagi 2 ang isang pagsasanay[practice exercise] na makatutulong sa mga estudyante na ipamuhay ang doktrinana natutuhan nila mula sa Doctrinal Mastery Core Document, pati na sa doctrinalmastery passage na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 84:20–22. Kasama rinsa lesson na ito ang isang pinagsama-samang pagrerebyu ng lahat ng doctrinalmastery passage na napag-aralan na ng mga estudyante.

Paalala: Maituturo mo ang pagsasanay [practice exercise] at pagrererebyu ngdoctrinal mastery sa lesson na ito sa isang sesyon ng klase o sa dalawangmagkahiwalay na sesyon ng klase, na nagbibigay din ng oras para sa iyong regularna sequential scripture lesson mula sa Doktrina at mga Tipan.

Pagsasanay (25 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang tatlong alituntunin mula sa bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nangmay pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, at hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Paalala: Maaari mong iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring ibahinang mga pangalan at ihalili rito ang mga pangalang mas karaniwan sa lugar natinitirhan ninyo.

Basahin ang sumusunod na sitwasyon sa klase:

May kaibigan kayo na ang pangalan ay Lauren na ilang buwan nang hindinagsisimba. Ipinasiya ninyo at ng iba pang miyembro ng inyong klase sa SundaySchool na bisitahin siya sa bahay para hikayatin siyang magsimba sa susunod naLinggo. Nang sinabi ninyo sa kanya na nami-miss ninyo siya sa simbahan,sumagot siya, “Nagha-hiking kasi ako kapag Linggo sa halip na magsimba.Pakiramdam ko mas napapalapit ako sa Diyos kapag malapit ako sa kalikasan.”Nang subukan ninyong sabihin sa kanya kung paano siya mapagpapala at ang ibakung magsisimba siya, sinabi niya, “Hindi ko kailangan ang Simbahan paramaging mas mabuting tao. At palagay ko hindi tatanggi ang Diyos na makasamaSiya ng mga tao dahil lang sa hindi sila nagsisimba at hindi ginagawa ang lahat ngipinapagawa sa kanila ng Simbahan.”

Hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Bigyan ang bawat grupo ng kalakipna handout, at bigyan ang bawat grupo ng oras na matalakay at masagot

ito nang magkakasama.

129

Pagtulong sa Iba na Magtamo ng Espirituwal naKaalamanIsiping muli ang sinabi ni Lauren: “Hindi ko kailangan ang Simbahan para maging mas mabuting tao.At palagay ko hindi tatanggi ang Diyos na makasama Siya ng mga tao dahil lang sa hindi silanagsisimba at hindi ginagawa ang lahat ng ipinapagawa sa kanila ng Simbahan.”

• Sa inyong palagay, ano ang mga problema o maling pagkaunawa ni Lauren tungkol sapagsisimba at pagsunod sa mga turo ng Simbahan?

• Anong mga bagay ang itatanong ninyo kay Lauren upang higit na maunawaan ang kanyangpananaw?

• Paano makatutulong kay Lauren ang wastong pagkaunawa tungkol sa mga ordenansa atmga tipan?

• Anong mga pagpapala ang mawawala sa kanya kung hindi niya tutuparin ang kanyang mgatipan at huminto sa pagtanggap ng sakramento?

Basahin ang mga sumusunod na pahayag mula kina Elder D. Todd Christofferson at Elder David A.Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol. Maghanap ng anuman sa mga pahayag na ito namakapagbibigay ng karagdagang kaalaman para mapag-isipan ni Lauren kung bakit ipinapagawa ngDiyos sa Kanyang mga anak ang ilang bagay.

“Kung naniniwala ang isang tao na lahat ng landas ay patungo sa langit o na walang partikular nakinakailangan para maligtas, iisipin niya na hindi na kailangan pang mangaral ng ebanghelyo ogumawa ng mga ordenansa at tipan sa pagliligtas sa mga buhay o mga patay. Ngunit hindi lamangkawalang-kamatayan ang pinag-uusapan natin kundi buhay na walang hanggan, at para makamitiyan ang landas ng ebanghelyo at mga tipan ng ebanghelyo ay lubhang kinakailangan. At kailanganng Tagapagligtas ng Simbahan upang ipakita ito sa lahat ng anak ng Diyos—kapwa buhay at patay”(D. Todd Christofferson, “Bakit Kailangan ang Simbahan,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 110).

“Ang mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan na pinangangasiwaan sa ipinanumbalik naSimbahan ng Panginoon ay higit pa sa mga ritwal o simbolikong gawain. Binubuo ng mga ito angmga awtorisadong pamamaraan para dumaloy ang mga pagpapala at kapangyarihan ng langit saating sariling buhay. …

“Ang mga ordenansang tinanggap at iginalang nang may dangal ay mahalaga sa pagtatamo ngkapangyarihan ng kabanalan at lahat ng pagpapalang ibinibigay sa pamamagitan ngPagbabayad-sala ng Tagapagligtas” (David A. Bednar, “Panatilihin sa Tuwina ang Kapatawaran ngInyong mga Kasalanan,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 60).

• Paano makatutulong kay Lauren ang mga turo ng dalawang Apostol na ito para maunawaan angkahalagahan ng pagtupad sa kanyang mga tipan at pagsisimba?

• Paano ninyo magagamit ang mga doctrinal mastery passage sa Doktrina at mga Tipan 84:20–22at Doktrina at mga Tipan 82:10 upang matulungan si Lauren na maunawaan kung bakit dapatna patuloy siyang makibahagi sa mga ordenansa at tumupad sa kanyang mga tipan?

• Anong paanyaya ang sasabihin ninyo kay Lauren para mahikayat siyang kumilos nang maypananampalataya?

Matapos ang sapat na oras na matalakay ng mga estudyante ang mga tanong sahandout, sabihin sa bawat grupo na ibahagi sa klase ang isang ideya na mayroonsila na makatutulong kay Lauren na magtamo ng espirituwal na kaalaman.Hikayatin ang mga estudyante na isulat sa kanilang notebook o study journal angnaisip nila tungkol sa pangyayari at ang mga sagot na nahanap ng kanilang grupo.

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 2

130

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery(15 minuto)Bago magsimula ang klase, isulat sa mga piraso ng papel ang scripture referencepara sa bawat doctrinal mastery passage na napag-aralan na ninyo sa school yearna ito, para may nakasulat na isang scripture reference sa bawat papel. (Kunglampas sa 20 estudyante ang iyong klase, maaari mong ulitin ang ilang scripturereference o pagpartner-partnerin ang mga estudyante para magtulungan sapagsagot. Kung mas kaunti sa 20 estudyante ang iyong klase, maaaring pumili kana lang ng ilang scripture passage para sa aktibidad na ito at tandaan ang mgascripture passage na hindi mo nagamit para magamit ang mga ito sa susunod naaktibidad.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Howard W. Hunter (1907–1995). Sabihin sa mga miyembro ng klase napakinggan ang mga katotohanan na nadama nila sa kanilang personal nanaranasan sa Doctrinal Mastery.

“Nais naming magkaroon ng tiwala ang mga estudyante sa lakas at katotohananng mga banal na kasulatan, tiwala na ang kanilang Ama sa Langit ay talagangnangungusap sa kanila sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan, at tiwala namaaari silang bumaling sa mga banal na kasulatan at mahanap ang mga sagotsa kanilang mga problema at mga panalangin” (Howard W. Hunter, Mga Turo ngmga Pangulo ng Simbahan: Howard W. Hunter, [2015], 307).

• Paano nakatulong sa inyo ang Doctrinal Mastery na maranasan angkatotohanan ng mga salita ni Pangulong Hunter?

• Sa paanong paraan nadagdagan ang tiwala at pang-unawa ninyo sa mga paksang doktrina?

Ipaliwanag na sa pamamagitan ng palagian at masigasig na pagsasanay atpaggamit ng mahahalagang pahayag ng doktrina at ng mga doctrinal masteryscripture passage, patuloy na madaragdagan ang ating pag-unawa at tiwala sa mgakatotohanang ito.

Sabihin sa bawat estudyante na pumili ng kahit anong kapirasong papel na maynakasulat na doctrinal mastery scripture reference. Pagkatapos ay hahanapin ngmga estudyante ang mahalagang pahayag ng doktrina sa kanilang kopya ngDoctrinal Mastery Core Document na nauugnay sa mga doctrinal mastery scripturepassage na nakasulat sa kapirasong papel.

Matapos mahanap ng mga estudyante ang kanilang mahalagang pahayag ngdoktrina, sabihin sa kanila na maghanda ng 2 hanggang 3 minutong seminarydevotional na nagtuturo ng mga katotohanan ng mga doktrinang ito. Dapatgamitin ng mga estudyante ang doctrinal mastery passage na pinili nila at angkalakip nito na mahalagang pahayag ng doktrina bilang kanilang pangunahingsources. (Kung maaari, imungkahi mo sa mga estudyante na gamitin ang kanilangmga mobile device sa paghahanap sa LDS.org o sa Gospel Library app ng mgaartikulo at iba pang mga materyal na maaaring makatulong sa kanila na maituro

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 2

131

ang mahahalagang pahayag na ito ng doktrina at mga scripture passage.) Hikayatinang mga estudyante na isama sa pagtuturo nila ang paanyaya o hamon namagagamit ng mga kaklase nila sa kanilang buhay bilang bahagi ng bawatdebosyonal.

Bigyan ng oras ang mga estudyante na makapag-aral at makapaghanda, athikayatin silang itala sa kanilang scripture journal o study notebook ang kanilangmga naiisip. Kapag may oras pa, maaari mong anyayahan ang isang estudyante naibahagi ang kanyang devotional bilang halimbawa sa klase. Maaari ka ringmagpasa ng kalendaryo sa buong klase para malagdaan ng mge estudyante angpetsa na gusto nilang magbahagi ng kanilang devotional sa isang sesyon ng klase.

MGA ORDENANSA AT T IPAN, BAHAGI 2

132

Pag-aasawa at Pamilya,Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Pag-aasawa atPamilya” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 1, pag-aaralan ng mgaestudyante ang talata 8.1 hanggang sa 8.4 ng paksa ng doktrinang ito sa DoctrinalMastery Core Document. Malalaman nila ang kahalagahan ng kasal at pamilya saplano ng kaligtasan, at pag-aaralan nila ang doctrinal mastery scripture passage namakikita sa Doktrina at mga Tipan 49:15–17. Ang Bahagi 1 ay kinabibilangan dinng pagsasanay [practice exercise] na tutulong sa mga estudyante na maipamuhayang natutuhan nila.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment at ang pagsasanay [practice exercise] nglesson na ito sa isang sesyon ng klase o sa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliinmong ituro ang mga segment at pagsasanay [practice exercise] sa ilang sesyon ngklase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano ang natutuhannila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagong segment.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (10 minuto)Isipin na kunwari ay may kaibigan kayo na ayaw magpakasal dahil iniisip niya namas marami siyang makakamtan sa buhay kapag wala siyang asawa o pamilya.Ano ang sasabihin ninyo sa kanya?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder David A Bednar ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Isa sa mga dakilang gawain sa ating panahon … ay tulungan ang mga tao namaunawaan ang tunay na kahulugan at layunin ng kasal” (David A. Bednar,“The Divinely Designed Pattern of Marriage” [mensahe sa Humanum Symposium,Mar. 9, 2017], mormonnewsroom.org).

• Sa inyong palagay, bakit isa sa mga dakilang gawain sa ating panahon angpagtulong sa mga tao na maunawaan ang tunay na kahulugan at layuninng kasal?

Ipabuklat sa mga estudyante ang paksa tungkol sa doktrina 8, “Pag-aasawa atPamilya,” sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa ilang estudyante namagsalitan sa pagbasa nang malakas ng mga talata 8.1 hanggang 8.4. Sabihin saklase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at maghanap ng mga pahayag nanaglalarawan ng tunay na kahulugan at layunin ng kasal.

• Ano ang ilang pahayag mula sa mga talatang ito na naglalarawan sa tunay nakahulugan at layunin ng kasal?

134

Patingnan sa mga estudyante ang unang pangungusap sa talata 8.1: Ang kasal sapagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos, at angmag-anak ang sentro sa Kanyang plano ng kaligtasan at sa ating kaligayahan.Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan ang pahayag na ito sakanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.

• Sa inyong palagay, bakit mahalagang malaman na ang kasal sa pagitan ng isanglalaki at isang babae ay inorden ng Diyos? (Ang kasal ay sinang-ayunanng Diyos.)

• Sa paanong paraan nagiging sentro ang pamilya sa plano ng Diyos at sa atingkaligayahan?

Segment 2 (10 minuto)Sabihin sa mga estudyante na tingnan ang Doktrina at mga Tipan 49:15–17.Ipaliwanag na ang doctrinal mastery passage na ito ay tumutulong na maituro angmahalagang pahayag ng doktrina na minarkahan nila sa talata 8.1 sa DoctrinalMastery Core Document. Sabihin sa klase na maaari nilang markahan ang scripturepassage na ito sa kakaibang paraan na madali nila itong mahahanap.

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng talatangito, ipaliwanag na ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 49 ayibinigay kay Propetang Joseph Smith para makatulong na mabigyang-linaw angilang maling paniniwala ng isang miyembro ng Simbahan na nagngangalangLeman Copley. Bago sumapi sa Simbahan, si Copley ay kasapi sa isang relihiyon natinatawag na mga Shakers, na naniniwalang hindi dapat magpakasal ang isang taoat makipagtalik kailanman.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 49:15–17.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang mgakatotohanan tungkol sa kasal.

• Ano ang ilang katotohanang matututuhan natin tungkol sa kasal mula sa mgatalatang ito?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin sa talata 16 na ang kasal sa pagitan ngisang lalaki at isang babae ay tumutulong sa mundo upang “matupad [nito] anglayunin ng kanyang pagkakalikha”?

• Ano ang ilang pananaw ng mundo ukol sa kasal at pamilya na naiiba sa mgapamantayan ng Diyos? (Maaaring ilan sa mga sagot ng mga estudyante angsumusunod: hindi kailangan ang kasal, malaking pasanin ang pagkakaroon ngmga anak, ang kasal ay hindi kailangang sa pagitan ng isang lalaki at isangbabae lamang, ang kasal ay para sa pansariling kasiyahan o kaginhawahan, atkung magsawa ka na sa iyong asawa, dapat ka nang makipagdiborsyo.)

Matapos sumagot ang mga estudyante, itanong sa kanila kung paano naiiba angmga pananaw na ito mula sa mga katotohanan na ang kasal sa pagitan ng isanglalaki at isang babae ay inorden ng Diyos at ang mag-anak ang sentro sa plano ngkaligtasan ng Diyos at sa ating kaligayahan.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang pahayag. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 1

135

sa pagbasa, at alamin kung paano mapagpapala ng kasal at pamilya ang kanilangkinabukasan.

“Lahat ng tao, lalo na ang bagong henerasyon, ay kailangang makinita angyamang dulot ng buhay may pamilya at ang potensyal nito na paunlarin angpinakamaganda at pinakamabuting katangian ng bawat isa sa atin. Sa panahonng matinding kasakiman, dapat bigyang-diin natin ang kakayahan ng kasal naiangat ang kalalakihan at kababaihan mula sa kanilang makitid na pananaw nanakatuon sa sariling kapakanan tungo sa kagalakang nagmumula sa paglaaan

ng buhay sa mas mataas at banal na layunin (David A. Bednar, “The Divinely Designed Pattern ofMarriage” [mensahe sa Humanum Symposium, Mar. 9, 2017], mormonnewsroom.org).

• Sa inyong palagay, paano mapapaunlad ng kasal at pamilya ang“pinakamaganda at pinakamabuting katangian ng bawat isa sa atin”?

• Sa paanong mga paraan ninyo nakita ang ugnayan ng pamilya na nagdulot nggalak o nagpaunlad ng sarili sa buhay ninyo mismo o sa buhay ng isang taongkilala ninyo?

Pagsasanay (20 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang tatlong alituntunin mula sa bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nangmay pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, at hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo. Bigyan ang bawat grupong kopya ng kalakip na handout. Bigyan ng oras ang mga grupo na

pag-usapan ang mga tanong sa handout, at sabihin sa mga estudyante namaghanda ng isang tao sa grupo nila na magbabahagi sa klase ng ilan sa mganatuklasan ng kanilang grupo.

Kailangan ba Talaga ng Kasal?Basahin ang sumusunod na sitwasyon sa inyong grupo:

Sa iyong sociology class, nagpakita ang titser mo ng chart na naglalarawan ng kasalukuyangkalakaran sa lipunan tungkol sa kasal. Mula sa chart, mapapansin ninyo na malaki ang itinaas ngbilang ng mga kasintahan na nagsasama nang hindi kasal.

Pagkatapos ng klase kinusap mo ang kaibigan mong si Luke, na nasa klase rin, tungkol sa kalakarangito. Itinanong ni Luke, “Kailangan ba talaga ng kasal? Bakit hindi puwedeng ipahayag ng dalawangtaong nagmamahalan ang pag-ibig nila sa pamamagitan ng pagtatalik nang hindi kasal?”

Talakayin ang mga sumusunod na tanong bilang grupo:

Kumilos nang may Pananampalataya• Paano maipapakita ni Luke ang kanyang pananampalataya habang hinahanap niya ang mga

sagot sa kanyang tanong?

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 1

136

Suriin ang mga Konsepto at mga Tanong nang MayWalang-hanggang Pananaw• Ano ang kailangang maunawaan ni Luke tungkol sa layunin ng kasal sa plano ng Ama sa Langit?

• Sa inyong palagay, bakit iniuutos ng Diyos na ang banal na kapangyarihang lumikha ng bata aynararapat na gamitin lamang ng mag-asawa? (Maaari mong patingnan ang pang-apat na talatang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” na makikita mo sa loob ng pabalat sa likodng iyong study journal.)

• Paano makatutulong kay Luke ang Doktrina at mga Tipan 49:15–17 na ituring ang konsepto ngkasal nang may walang-hanggang pananaw?

Hangarin na Mas Makaunawa sa Pamamagitan ng mga ItinalagangTulong o Sources na Ibinigay ng Diyos• Ano ang iba pang mga sources na makatutulong sa isang tao na maaaring nagugulumihanan

tungkol sa layunin ng kasal? Mag-ukol ng ilang minuto at saliksikin ang mga banal na kasulatan,mensahe sa pangkalahatang kumperensya o ang buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan sapaghanap ng mga pahayag na maaaring makatulong sa pagsagot sa tanong ni Luke.

Paalala: Maaari mong iangkop ang sitwasyon ayon sa mga karanasan atpangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring ibahin ang mgapangalan at ihalili rito ang mga pangalang mas karaniwan sa lugar natinitirhan ninyo.

Matapos magkaroon ng oras ang mga estudyante na rebyuhin at talakayin ang mgatanong sa handout, sabihin sa bawat grupo na ibahagi ang nalaman ng kanilanggrupo. Tumawag ng isa o higit pang mga boluntaryo na magbabahagi ng isinagotng kanilang grupo para sa mga tanong sa “Suriin ang mga Konsepto at mgaTanong nang May Walang-hanggang Pananaw.”

Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 1.” Mangyaring gamitinang aktibidad na ito sa isang sesyon ng klase sa seminary matapos mong maituroang lesson na ito at bago mo ituro ang “Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 2.” Angmaikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o katapusan ng klase kung saanmo regular na itinuturo ang sequential scripture lesson mula sa Doktrina at mgaTipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit sa limang minuto ang rebyung ito, upanghindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyante ng scripture blocksa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 49:15–17(5 minuto)Bago magklase, ipabasa sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 49:15–17.Sabihin sa estudyante na pumili ng lima sa pinakamahahalagang salita sa scripturepassage. Papuntahin sa harapan ng klase ang estudyante at isulat sa pisara anglimang salita na pinili niya.

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 1

137

Sabihin sa mga estudyante na hulaan kung aling doctrinal mastery passage saDoktrina at mga Tipan ang pinagkuhanan ng mga salitang ito. Kapag natukoy nang klase ang scripture passage, sabihin sa estudyante na nagsulat sa pisara naipaliwanag kung bakit naisip niya na ang limang salitang ito ang ilan sapinakamahahalaga sa scripture passage. Sabihin sa mga miyembro ng klase namaghanap pa ng ibang salita sa scripture passage na sa palagay nila ay mahalaga sakanila at ipaliwanag kung bakit.

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 1

138

Pag-aasawa at Pamilya,Bahagi 2PambungadAng materyal sa pagtuturo para sa learning experience na ito sa “Pag-aasawa atPamilya” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 2, pag-aaralan ng mgaestudyante ang talata 8.1 at 8.4 ng paksa ng doktrina sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Malalaman nila ang tungkol sa tipan ng selestiyal na kasal, atpag-aaralan nila ang doctrinal mastery scripture passage na matatagpuan saDoktrina at mga Tipan 131:1–4. Ang Bahagi 2 ay kinabibilangan din ng pagsasanay[practice exercise] na tutulong sa mga estudyante na maipamuhay angnatutuhan nila.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment at ang pagsasanay [practice exercise] nglesson na ito sa isang sesyon ng klase o sa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliinmong ituro ang mga segment at pagsasanay [practice exercise] sa ilang sesyon ngklase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano ang natutuhannila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagong segment.

Pag-unawa sa DoktrinaSegment 1 (10 minuto)Paalala: Ang segment na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng walang hanggangkasal sa plano ng Diyos. Dahil ang ilang estudyante ay mula sa mga pamilya nahindi pa naranasan ito, ibahagi sa klase ang sumusunod na pahayag ni PangulongHoward W. Hunter (1907–1995) bago ituro ang segment na ito: “Walangpagpapala, pati na ang walang hanggang kasal at isang walang hanggang pamilya,ang ipagkakait sa sinumang karapat-dapat na tao. Bagama’t maaaring magtagalnang kaunti—marahil maging sa kabilang buhay—bago makamit ng ilang tao angpagpapalang ito, hindi ito ipagkakait” (“The Church Is for All People,” Ensign,Hunyo 1989, 76).

Magdala sa klase ng isang binhi, o magpakita ng larawan ng isang binhi paramatingnan ng mga estudyante. Sabihin sa mga estudyante kung anong uri ngbinhi ito.

140

• Ano ang maaaring kahinatnan ng binhing ito?

• Ano ang dapat mangyari para makamtan ng binhi ang ganap na potensyal nito?(Dapat itong itanim at diligan at paarawan.)

Patingnan sa mga estudyante ang pangalawang pangungusap ng talata 8.1 saDoctrinal Mastery Core Document. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante angpangungusap na ito. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alaminkung ano ang kailangang mangyari para makamtan natin ang ating walanghanggang potensyal.

• Ano ang dapat mangyari upang makamtan natin ang ating walang hanggangpotensiyal? (Sabihin sa mga estudyante na markahan ang mahalagang pahayagng doktrina sa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document:Makakamtan lamang ng isang lalaki at isang babae ang kanilang banal nawalang-hanggang potensyal sa pamamagitan ng pagpasok at tapat napagtupad sa tipan ng selestiyal na kasal.)

• Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin sa atin ng pagpasok at tapat napagtupad ng tipan ng selestiyal na kasal? (Mabuklod sa inyong asawa sa templosa kawalang-hanggan, at tuparin ang mga tipang ginawa sa inyong asawa at saAma sa Langit.)

Segment 2 (10 minuto)Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 131:1–4.Ipaliwanag na ang doctrinal mastery passage na ito ay nakatutulong na maituroang mahalagang pahayag ng doktrina na ang kalalakihan at kababaihan ay dapatpumasok at tuparin ang tipan ng selestiyal na kasal upang makamit ang kanilangbanal at walang-hanggang potensyal. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilangmarkahan ang scripture passage na ito sa kakaibang paraan upang madali nilaitong mahahanap.

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 2

141

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng scripturepassage na ito, ipaliwanag na kasama sa Doktrina at mga Tipan 131 ang mga turona ibinigay ni Propetang Joseph Smith noong Mayo 16, 1843, sa isang mag-asawana nabuklod para sa kawalang-hanggan. Ipabasa nang malakas sa isang estudyanteang Doktrina at mga Tipan 131:1–4. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa, at alamin ang itinuro ni Propetang Joseph Smith tungkol sa kasal nawalang hanggan at selestiyal na kaharian.

Maaaring kailanganin mong ipaliwanag na ang pariralang “ang bago at walanghanggang tipan ng kasal” (D at T 131:2) ay tumutukoy sa tipan ng walanghanggang kasal, na ngayon ay isinasagawa lamang sa mga templo. Ang tipan na itoay inilarawan bilang “bago” dahil ito ay inihayag na muli sa pamamagitan niPropetang Joseph Smith sa dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon. Ito aytinatawag na “walang hanggan” dahil ito ay tatagal hanggang sakawalang-hanggan para sa mga pumasok dito at tapat sa mga tuntunin atkundisyon nito.

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng matamo ang pinakamataas na antasng selestiyal na kaluwalhatian? (Ipaliwanag na ito ay tumutukoy sa kadakilaan,o ang maging katulad ng ating Ama sa Langit.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng ang mga taong hindi nagtamo ngkadakilaan ay hindi magkakaroon ng pag-unlad? (Ipaliwanag na ang ibigsabihin nito ay yaon lamang nagsipagmana ng pinakamataas na antas ngselestiyal na kaluwalhatian ang magkakaroon ng walang hanggang angkan.)

• Ano ang ilang bagay na maaaring makahadlang sa pagpili ng mga tao namaikasal sa templo?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Howard W. Hunter (1907–1995):

“Sa templo tumatanggap tayo ng pinakamataas na ordenansa para sakalalakihan at kababaihan, ang pagbubuklod ng mag-asawa para sakawalang-hanggan. Umaasa kami na ang ating mga kabataan ay mimithiing satemplo lang maikasal.

“Tulad ng binyag na isang utos ng Panginoon, gayundin ang kasal sa templo. …Bahagi iyan ng ating tadhana. Hindi natin maisasakatuparan ang ating

pinakadakilang mithiin kung wala ito. Huwag hayaang hindi ito ang matamo” (Mga Turo ng mgaPangulo ng Simbahan: Howard W. Hunter [2015], 210).

• Ano ang ilan sa mga pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi natin dapathayaang hindi tayo maikasal sa templo?

• Ano ang ilang bagay na magagawa ninyo ngayon upang matiyak na hindi ninyodapat hayaang hindi kayo maikasal sa templo sa hinaharap?

Patotohanan ang kahalagahan ng kasal sa templo. Hikayatin ang mga estudyantena magpasiya ngayon na maging karapat-dapat na mabuklod sa kanilang asawasa templo.

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 2

142

Pagsasanay (20 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang tatlong alituntunin mula sa bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nangmay pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, at hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Bigyan ang bawat miyembro ng klase ng kalakip na handout. Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante ang sitwasyon sa unang dalawang talata ng handout.

Matapos basahin ng isang estudyante ang sitwasyon, hatiin ang klase satatlong grupo. Sabihin sa bawat grupo na basahin ang pahayag ni

Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan, na may kaugnayan sa sitwasyonsa kalakip na handout. Sabihin sa mga grupo na alamin kung paano inilalarawanng pahayag ni Pangulong Eyring ang partikular na alituntunin ng pagtatamo ngespirituwal na kaalaman na naka-assign sa kanila sa ibaba:

Group 1: Alamin ang mga paraan ng pag-anyaya ni Pangulong Eyring na kumilostayo nang may pananampalataya.

Group 2: Alamin ang mga paraan kung paano sinuri ni Pangulong Eyring angbagay na ito nang may walang-hanggang pananaw.

Group 3: Alamin ang itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos na ginamitni Pangulong Eyring sa kanyang pagtalakay sa konseptong ito.

Sabihin sa mga estudyante na maging handa na ibahagi ang nalaman nila at isipinkung paano maaaring makapanatag ang mga nalaman nilang ito sa binatilyo sasitwasyon.

Paalala: Maaari mong iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring ibahinang mga pangalan at ihalili rito ang mga pangalang mas karaniwan sa lugar natinitirhan ninyo.

Kanino Ako Mabubuklod sa Kawalang-hanggan?May problema si Robert. Ikinasal ang kanyang mga magulang sa templo, ngunit ngayon ay nagpasiyasilang magdiborsyo. Noon pa man ay may patotoo na si Robert tungkol sa mga walang-hanggangpamilya, pero itinatanong niya, “Kanino ako mabubuklod sa kawalang-hanggan?”

Habang inaalam ni Robert ang mga sagot sa kanyang tanong, nakita niya ang isang pahayag saisang artikulo ni Pangulong Henry B. Eyring na nakatulong para mapanatag siya:

“Isinugo ng Tagapagligtas si Propeta Elijah kay Joseph Smith upang ipanumbalik ang mga susi ngpriesthood (tingnan sa D at T 110). Kasama ng mga susing iyon ang kapangyarihang magbuklod, nanag-aalok ng pinakadakilang kaloob ng Diyos sa Kanyang mga anak—buhay na walang hanggan samga pamilyang ibinigkis magpakailanman. …

“Para sa ilan, tila malabo o naglalaho pa nga ang pag-asang matamo ang walang-hanggangkagalakang iyan. Ang mga magulang, anak, at kapatid ay maaaring nakagawa na ng mga pagpili nahindi magpapagindapat sa kanila sa buhay na walang hanggan. Baka nga iniisip ninyo kungnapagindapat na kayo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 2

143

“Minsa’y pinayuhan ako ng isang propeta ng Diyos na nagbigay sa akin ng kapayapaan. Nag-alalaako na baka maging imposible para sa aming pamilya na magkasama-sama magpakailanman dahilsa mga pagpili ng iba. Sabi niya, ‘Maling problema ang ipinag-aalala mo. Mamuhay ka lang nangmarapat para sa kahariang selestiyal, at ang mga sitwasyon ng pamilya ay magiging mas magandakaysa inaakala mo.’

“Sa lahat na ang personal na karanasan o pagsasama nilang mag-asawa at mga anak—o walangasawa at anak—ay pinalalabo ang kanilang pag-asa, narito ang aking patotoo: kilala kayo ng Amasa Langit at mahal Niya kayo bilang Kanyang espiritung anak. Noong kapiling ninyo Siya at angKanyang Pinakamamahal na Anak bago ang buhay na ito, itinanim Niya sa inyong puso angpag-asang magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sa kapangyarihan ng Pagbabayad-sala niJesucristo at sa paggabay ng Banal na Espiritu, nadarama ninyo ngayon at madarama ninyo sadaigdig na darating ang pagmamahal sa pamilya na nais ng inyong Ama at ng KanyangPinakamamahal na Anak na maranasan ninyo.

“Pinatototohanan ko na kapag namuhay kayo nang karapat-dapat para sa kahariang selestiyal, angpangako ng propeta na “ang mga sitwasyon ng pamilya ay magiging mas maganda kaysa inaakalamo” ay mapapasainyo (Henry B. Eyring, “Ang Pag-asa ng Walang-Hanggang Pagmamahal saPamilya,” Ensign o Liahona, Ago. 2016, 4–5).

Pagkatapos mag-aral ng mga estudyante, sabihin sa mga boluntaryo sa bawatgrupo na ibahagi ang tinalakay nila sa grupo tungkol sa naka-assign na alituntuninsa kanila para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Pagkatapos ng aktibidadmaaari mo ring ipatalakay sa mga estudyante ang iba pang mga paraan paramaanyayahan si Robert na gamitin ang anuman sa mga tatlong hakbang para sapagtatamo ng espirituwal na kaalaman habang hinahangad niyang makita ang mgasagot sa kanyang tanong.

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na mga aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Pag-aasawa at Pamilya Bahagi 2.” Mangyaring gamitinang mga aktibidad na ito sa isang sesyon ng klase sa seminary matapos mongmaituro ang lesson na ito at bago mo ituro ang “Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 3.”Ang maiikling rebyu na ito ay maaaring ituro sa simula o katapusan ng mga klasekung saan regular kang nagtuturo ng sequential scripture lesson mula sa Doktrinaat mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit pa sa limang minuto ang bawatrebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyante ngscripture block sa klase.

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 2

144

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 131:1–4 (5 minuto)Magpakita ng larawan ng isang lalaki atisang babae sa harapan ng isangtemplo, at itanong:

• Ano ang ilang bagay na natutuhannatin sa seminary tungkol sa kasal?

Sabihin sa mga estudyante naalalahanin kung anong doctrinalmastery scripture passage sa Doktrinaat mga Tipan ang tumutulong sapagtuturo ng sumusunod namahalagang pahayag ng doktrina:Makakamtan lamang ng isang lalakiat isang babae ang kanilang banal nawalang-hanggang potensyal sapamamagitan ng pagpasok at tapatna pagtupad sa tipan ng selestiyal nakasal. (D at T 131:1–4). Ipabasa nangmalakas sa isang estudyante angscripture passage na ito. Pagkatapos aysabihin sa mga estudyante namagmungkahi ng mga paraan na maaari nilang maalala ang doctrinal masterypassage na ito at kung ano ang itinuturo nito.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Pag-aasawa at Pamilya (5 minuto)Isulat ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina tungkol sa kasal atpamilya sa pisara:

Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos, atang mag-anak ang sentro sa Kanyang plano ng kaligtasan at sa atingkaligayahan.

Makakamtan lamang ng isang lalaki at isang babae ang kanilang banal nawalang-hanggang potensyal sa pamamagitan ng pagpasok at tapat na pagtupadsa tipan ng selestiyal na kasal.

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang mga pahayag sa pisara at hanapin angdoctrinal mastery passage sa Doktrina at mga Tipan na tumutugma sa bawatpahayag (D at T 49:15–17 at D at T 131:1–4).

Kapag nakita ng mga estudyante ang dalawang scripture passage, sabihin sa klasena basahin nang malakas ang mga ito. Pagkatapos ay ibigay sa mga estudyante angmga nalalabing oras ng rebyung ito para makapagbasa sila nang tahimik at magingmas pamilyar sa mga scripture passage na ito.

PAG-AASAWA AT PAMILYA, BAHAGI 2

145

Pag-aasawa at Pamilya,Bahagi 3PambungadAng materyal sa pagtuturo para sa learning experience na ito sa “Pag-aasawa atPamilya” ay nahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 3, lalahok ang mga estudyante sapinagsama-samang aktibidad sa pagrerebyu na tutulong sa kanila na marebyu anglahat ng doctrinal mastery scripture passage na napag-aralan na nila ngayong taonna ito. Ang aktibidad na ito sa pagrerebyu ay dapat tumagal nang kabuuang20 minuto. Kung hindi ka nagkaroon ng pagkakataong matalakay ang lahat ngmateryal mula sa bahagi 1 at bahagi 2 ng learning experience na “Pag-aasawa atPamilya,” maaari mong ituro ang materyal na iyon sa sesyon ng klaseng ito. Kungnatapos mo na ang mga materyal na ito, magagamit mo ang nalalabing oras saklase ng sesyon na ito sa pagrebyu ng anumang materyal mula sa regular nasequential scripture lesson sa Doktrina at mga Tipan na hindi mo sapat nanatalakay sa oras ng klase dahil kulang sa oras.

Pinagsama-samang Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery(20 minuto)Basahin nang malakas ang mga sumusunod na sitwasyon sa klase, o maaari mongigrupu-grupo ang mga estudyante para talakayin ang mga sitwasyong ito mataposmong basahin ang mga ito. Bawat sitwasyon ay may kaugnayan sa isa o mahigitpang doctrinal mastery passage sa Doktrina at mga Tipan. Matapos mong basahinang bawat sitwasyon, sabihin sa klase na maghanap ng isang kaugnay na doctrinalmastery passage. (Magagamit nila ang kopya nila ng Doctrinal Mastery ReferenceGuide kung gusto nila.) Sabihin sa iba’t ibang estudyante na ibahagi kung alingdoctrinal mastery passage ang nahanap nila, at sabihin sa kanila na ipaliwanagkung paano nauugnay ang scripture passage sa sitwasyon.

Ang mga doctrinal mastery passage na nakalista kasunod ng bawat sitwasyon aymga posibleng sagot, pero maaari ding mag-isip ang mga estudyante ngkaragdagang doctrinal mastery passage na may kaugnayan sa mga sitwasyong ito.

• Habang tinuturuan si Jacob ng mga missionary, itinanong niya, “May mgabanal na kasulatan ba na nagtuturo na may pisikal na katawan ang Ama saLangit at si Jesucristo?” (D at T 130:22–23)

• Mababa ang tingin ni Madison sa kanyang sarili, at iniisip niya kung paanomagagawa ng Diyos na mahalin siya. (D at T 18:10–11)

• Nakagawa si Robbie ng isang kasalanan at nais niyang mapatawad. Hindi siyasigurado kung paano tunay na magsisisi. (D at T 58:42–43)

• Habang pinag-iisipan ni Owen kung saan siya dapat magkolehiyo, may isangpartikular na unibersidad ang palaging pumapasok sa isip niya. Matapos angkaragdagang pagsasaliksik, nadama niya na dito siya dapat magkolehiyo.(D at T 8:2–3)

147

• Hindi sigurado si Tanner kung tutuparin ng Diyos ang Kanyang salita atpagpapalain siya kapag tinupad niya (ni Tanner) ang kanyang mga tipan.(D at T 82:10)

• Itinanong ni Claire kung may nakakita na bang propeta sa mga huling araw sanabuhay na mag-uling Tagapagligtas. (D at T 76:22–24)

• Noong huling pangkalahatang kumperensya, inanyayahan ng Pangulo ngSimbahan ang lahat ng miyembro ng Simbahan na basahin ang Aklat niMormon araw-araw. Sinabi ni Allison na gagawin lamang niya ang ganoongbagay kung sasabihin sa kanya ng Diyos. (D at T 1:37–38; D at 21:4–6)

• Gustong malaman ni Spencer kung bakit sinabi ng Diyos na mahalaga para saatin na gawin ang ilang bagay tulad ng pagpapabinyag, pagtanggap ngsakramento, at pagpapakasal sa templo. (D at T 84:20–22; D at T 131:1–4; D at T82:10)

• Kapag iniisip ni Paige ang kasalukuyang kalagayan ng mundo at iniisip anghinaharap, kadalasan ay natatakot siya. Ngunit kapag naaalala niya na mayplano ang Tagapagligtas at namamahala sa lahat, nakadarama siya ngkapayapaan at muling katiyakan. (D at T 6:36)

• Nang malaman ni Daniel ang tindi ng pagdurusa ni Jesucristo nangmagbayad-sala para sa ating mga kasalanan, namangha siya kung bakitgumawa ang Tagapagligtas ng gayong kalaking sakripisyo. (D at 19:16–19;D at T 18:10–11)

• Gustong malaman ni Caleb kung paano ba maging isang karapat-dapat napriesthood holder. (D at T 121:36, 41–42)

PAG-AASAWA AT PAMILYA. BAHAGI 3

148

Mga Kautusan, Bahagi 1PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Mga Kautusan” aynahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 1, pag-aaralan ng mga estudyante ang mgatalata 9.1 hanggang 9.5 ng paksa ng doktrinang ito gamit ang impormasyon saDoctrinal Mastery Core Document. Pag-aaralan nila ang tungkol sa kautusan napatawarin ang kanilang kapwa, at pag-aaralan nila ang doctrinal mastery passagena matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 64:9–11.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment ng lesson na ito sa isang sesyon ng klase osa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga segment sa ilangsesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano angnatutuhan nila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagongsegment.

Pag-unawa sa DoktrinaBahagi 1 (10 minuto)Hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo, at bigyan ang bawat grupo ngisang pirasong papel at isang lapis. Sabihin sa mga estudyante na ilista ang mgakautusan ng Panginoon na maiisip nila sa loob ng isang minuto. Pagkatapos ngisang minuto, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang ilan sa mga kautusan naisinulat nila. Maaari mong itanong sa kanila kung alin sa lahat ng kautusang itoang sa palagay nila ang pinakadakila, o pinakamahalaga sa lahat.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang talata 9.1 sa Doctrinal Mastery CoreDocument. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kungbakit tayo binibigyan ng Ama sa Langit ng mga kautusan.

• Bakit tayo binibigyan ng Ama sa Langit ng mga kautusan?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng mga talata9.2 hanggang 9.5 sa Doctrinal Mastery Core Document. Sabihin sa klase na tahimikna sumabay sa pagbasa, at alamin ang mga kautusan na maaari nilang idagdag salistahan mula pa sa simula ng lesson na ito.

• Alin sa mga kautusang ito ang nagdulot ng mga pagpapala sa inyong buhay?

Bahagi 2 (25 minuto)Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin nang mag-isa ang talata 9.5 sa DoctrinalMastery Core Document at alamin kung alin sa mga kautusan ng Ama sa Langit satalatang ito ang iniuugnay sa mga doctrinal mastery passage sa Doktrina at Tipan.(Mayroong tatlong kautusan sa talatang ito na may kaugnayan sa mga doctrinalmastery scripture passage sa Doktrina at mga Tipan. Ang mga ito ay ibinigay sasumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Kabilang sa mga utos ng Diyos… ang pagpapatawad sa iba, pagsunod sa Word of Wisdom, at pagtuturo ngebanghelyo sa iba. Sabihin sa mga estudyante na maaari nilang markahan angtatlong kautusang ito sa kanilang mga kopya ng Doctrinal Mastery Core Document.)

149

Ipaliwanag na pag-aaralan ng mga estudyante ang tatlong kautusang ito habangpatuloy nilang pinag-aaralan ang tungkol sa paksang ito ng doktrina.

• Sa inyong palagay, bakit iniuutos ng Panginoon na patawarin natin angibang tao?

• Sa paanong mga paraan nagpapakita ng pagmamahal ng Ama sa Langit saKanyang mga anak ang kautusan na patawarin ang iba?

• Sa inyong palagay, paano nakatutulong sa atin ang pagpapatawad sa iba namaging higit na katulad ng Ama sa Langit?

Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang pagkakataon na nahirapan sila, oang isang taong kilala nila, na patawarin ang isang tao.

Sabihin sa mga estudyante na buksan ang kanilang mga banal na kasulatan saDoktrina at mga Tipan 64:9–11. Sabihin sa kanila na maaari nilang markahan angpassage na ito sa kakaibang paraan upang madali nila itong mahahanap.

Ipaliwanag na ang paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 64 ay ibinigaysa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith matapos siya at ilang iba pang mgakapatid ay nakabalik na sa Ohio mula sa paglalakbay sa Missouri. Habangnaglalakbay papunta at pabalik mula sa Missouri, nagkaroon ng pagtatalo ang ilansa mga kapatid, at nagkaroon ng di-magandang saloobin.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 64:9–11.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit iniuutossa atin ng Diyos na patawarin ang iba.

• Bakit iniutos ng Diyos na patawarin natin ang isa’t isa?

• Ano ang mga kahihinatnan ng hindi natin pagpapatawad sa isang taongnagkasala sa atin?

• Sa inyong palagay, bakit tayo susumpain, o ituturing na may sala, kung hindinatin patatawarin ang iba?

Kung maaari, ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Dieter F. Uchtdorf ngKorum ng Labindalawang Apostol. Ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung bakit mahalagasa ating espirituwal na pag-unlad ang magpatawad.

“Ang pagpapatawad ay kailangan munang gawin para makatanggap ngkapatawaran.

“Para sa ating sariling ikabubuti, kailangan natin ang lakas ng loob namagpatawad at humingi ng kapatawaran. Hindi kailanman nagiging higit namagiting at matapang ang kaluluwa kaysa kapag nagpapatawad tayo. Kasamana rito ang pagpapatawad sa ating sarili.

“Bawat isa sa atin ay may obligasyon na patawarin at kaawaan ang isa’t isa. …

“Matatanggap natin ang kagalakan ng pagpapatawad sa ating sariling buhay kapag handatayong ipadama ang kagalakang iyon sa iba. Hindi sapat ang salita. Kailangan nating alisin saating mga puso at isipan ang mapapait na damdamin at kaisipan at hayaang pumasok angliwanag at pag-ibig ni Cristo. Bunga nito, pupuspusin ng Espiritu ng Panginoon ang ating mga

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 1

150

kaluluwa ng kagalakan na may kasamang katahimikan ng budhi (tingnan sa Mosias4:2–3)”(Dieter F. Uchtdorf, “Hangganan ng Ligtas na Pagbalik,” Ensign o Liahona, Mayo2007, 101).

• Bakit mahalaga sa ating espirituwal na pag-unlad ang magpatawad?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na isulat ang Mateo 6:14–15 bilangcross-reference sa tabi ng Doktrina at mga Tipan 64:9–11 sa kanilang mga banal nakasulatan. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mateo 6:14–15. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin ang sinabi ng Tagapagligtassa Kanyang Sermon sa Bundok tungkol sa kung bakit tayo maparurusahan kapagpinili nating huwag patawarin ang iba. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnalaman nila.

• Mula sa natutuhan natin ngayon, ano ang sasabihin ninyo sa isang kaibigangnagalit at nasaktan dahil sa ginawa sa kanya ng isang tao? (Depende sa oras,ang sitwasyon na ito ay magagamit na dula-dulaan. Tulungan ang mgaestudyante na maunawaan na dapat nating patawarin ang lahat ng taongnakasakit sa ating kalooban, ngunit ang pagpapatawad ay hindinangangahulugang tayo ay mananatili sa isang sitwasyon kung saan naganapang anupamang uri ng pang-aabuso. Ang mga taong nakararamdam na sila ayinaabuso o pinagmamalupitan ay dapat humingi kaagad ng tulong sa kanilangbishop o branch president o mga nakatatanda na mapagkakatiwalaan.)

Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong ituro sakaparehong sesyon ng klase kung saan ituturo ang lesson na ito—“Mga Kautusan,Bahagi 1.” Mangyaring gamitin ang aktibidad na ito sa isang sesyon ng klase saseminary matapos mong maituro ang lesson na ito at bago mo ituro ang “MgaKautusan, Bahagi 2.” Ang maikling rebyu na ito ay maaaring gawin sa simula okatapusan ng klase kung saan mo regular na itinuturo ang sequential scripturelesson mula sa Doktrina at mga Tipan. Tiyakin na hindi tatagal nang higit sa limangminuto ang rebyung ito, upang hindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mgaestudyante ng scripture block sa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 64:9–11 (5 minuto)Sabihin sa mga estudyante na sagutan ang sumusunod na quiz na tama o mali.Maaari kang gumawa ng handout gamit ang mga tanong na ito o maaari mongbasahin ang mga tanong sa klase. Sabihin sa kanila na isulat kung tama (T) omali (M) ang pahayag na ito.

____ 1. Ito ay isang kautusan na patawarin ang iba, kahit sila ay hindi nagsisi saginawa nila.

____ 2. Kung hindi natin patatawarin ang iba, hindi tayo mapapatawad, atisusumpa tayo sa harapan ng Panginoon.

____ 3. Katanggap-tanggap na huwag munang magpatawad hangga’t hindinatututong magbago ng pag-uugali ang nagkasala.

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 1

151

____ 4. Ang Doktrina at mga Tipan 64:9–11 ay tumutulong na maituro angsumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Kasama sa mga kautusan ngDiyos ang pagpapatawad.

____ 5. Sa tulong ng Panginoon, maipapaubaya na lang natin sa mga kamay ngDiyos ang pagpaparusa sa taong nakasakit sa atin, at makapagpapatuloy tayo saating buhay nang walang masamang iniisip at kinikimkim na hinanakit.

Mga sagot sa quiz: 1. Tama; 2. Tama; 3. Mali; 4. Tama; 5. Tama.

Rebyuhin nang magkakasama ang quiz sa klase, at talakayin ang alinman sa mgatanong at mga sagot kung kinakailangan.

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang Doktrina at mga Tipan 64:9–11 atbasahin ito nang malakas. Hikayatin silang isaulo ang mga talatang ito sa bahay.

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 1

152

Mga Kautusan, Bahagi 2PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Mga Kautusan” aynahahati sa tatlong bahagi. Sa bahagi 2, pag-aaralan ng mga estudyante ang paksang doktrinang ito gamit ang impormasyon sa Doctrinal Mastery Core Document.Malalaman nila ang tungkol sa Word of Wisdom at ang utos ng Panginoon na ituroang ebanghelyo sa iba. Pag-aaralan din nila ang mga doctrinal mastery passage namatatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 89:18–21 at Doktrina at mga Tipan18:15–16.

Paalala: Maituturo mo ang mga segment ng lesson na ito sa isang sesyon ng klase osa ilang sesyon ng klase. Kung pipiliin mong ituro ang mga segment sa ilangsesyon ng klase, maaari mong rebyuhin sandali sa mga estudyante kung ano angnatutuhan nila sa nakaraang mga segment bago ka magturo ng isang bagongsegment.

Pag-unawa sa DoktrinaBahagi 1 (30 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Kabilang samga kautusan ng Diyos ang pagsunod sa Word of Wisdom at pagtuturo ngebanghelyo sa iba.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Bigyan ng kopya ng handoutna “Ang Word of Wisdom” ang kalahati ng magkakapartner sa klase, at

bigyan ng kopya ng handout na “Pagtuturo ng Ebanghelyo sa Iba” ang natitirapang kalahati ng magkakapartner sa klase. Sabihin sa mga estudyante namakipagtulungan sa kanilang kapartner para masagutan ang kanilang worksheet atmaging handa na ituro ang kautusan na naka-assign sa kanila. Ipaliwanag namagkakaroon sila ng 10 hanggang 15 minuto para maghanda.

Ang Word of WisdomAng paghahayag na nakatala sa Doktrina at mga Tipan 89, na kilala bilang Salita ng Karunungan[Word of Wisdom], ay ibinigay kay Propetang Joseph Smith matapos siyang magtanong sa Panginoontungkol sa pananabako ng mga kapatid sa mga pulong noon sa Simbahan. Ang Word of Wisdom ayisang kautusan mula sa Diyos para sa Kanyang mga anak para sa kanilang kabutihan. Nakalista sakautusang ito ang ilang sangkap na nakasasama sa ating katawan at ang ilang mga pagkain namakabubuti sa ating katawan.

1. Kasama ang inyong kapartner, pag-aralang muli ang Doktrina at mga Tipan 89:5–17 atsagutin ang mga sumusunod na tanong:Anong mga sangkap ang iniutos sa atin na huwag ipasok sa ating katawan?

Anong mga pagkain na nasa Word of Wisdom ang mabuti para sa ating katawan?

153

Maaaring makatulong na tandaan na hindi orihinal na ibinigay ng Panginoon ang Word ofWisdom bilang isang kautusan. Maraming mga miyembro ng Simbahan noon ang nagsikapna huminto sa paggamit ng mga sangkap na ito na ipinagbabawal na ngayon. Kalaunan ayinihayag ng Diyos sa Kanyang mga propeta na ang Word of Wisdom ay isang kautusan salahat ng miyembro ng Simbahan, at ang pagsunod sa Word of Wisdom ay kinailangan nakalaunan para makatanggap ng temple recommend.

2. Basahin ang Doktrina at mga Tipan 89:18–21 nang malakas at magkakasabay, at alaminang mga pagpapalang ipinangako ng Panginoon sa mga sumusunod sa Word of Wisdom.Maaari ninyong markahan ang doctrinal mastery passage na ito sa kakaibang paraan paramadali ninyo itong mahanap.

3. Talakayin nang magkasama ang mga sumusunod na tanong:• Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa mga taong sumusunod sa Word

of Wisdom?• Kailan ninyo nakitang natupad ang mga pangakong iyon sa buhay ng mga tao?

4. Batay sa natutuhan ninyo, maghanda ng isang simpleng lesson na maituturo ninyo tungkolsa pagsunod sa Word of Wisdom. Habang naghahanda kayo, maaari ninyong gamitin angilan sa mga aktibidad at tanong mula sa worksheet na ito. Tiyaking maanyayahan ninyo anginyong mga tinuturuan na basahin at markahan ang Doktrina at mga Tipan 89:18–21.Maging handa na turuan ang iba makaraan ang ilang minuto.

Pagtuturo ng Ebanghelyo sa IbaIpinahayag ng Panginoon, “At binibigyan ko kayo ng kautusan na turuan ninyo ang isa’t isa ngdoktrina ng kaharian” (tingnan sa D at T 88:77).

1. Kasama ang inyong kapartner, ilista ang ilang sitwasyon kung saan nakita ninyo ang mga taona itinuturo ang ebanghelyo sa iba.

Ang utos ng Panginoon na ituro ang ebanghelyo ay para sa ating lahat, kahit na sakasalukuyan ay hindi tayo natawag bilang titser o may tungkulin na titser. May mgapagkakataon tayo na magturo sa ating pamilya, sa ating mga kaibigan, sa ating mga klase saSimbahan, at sa pakikihalubilo natin sa mga katrabaho at kapitbahay. Kung minsan aynagtuturo tayo gamit ang mga salita, at kung minsan ay nagtuturo tayo sa pamamagitan nghalimbawa.

2. Ikuwento sa inyong kapartner ang tungkol sa huling pagkakataon na nagturo kayo ngebanghelyo sa isang tao o grupo.Hindi nagtagal matapos matanggap nina Propetang Joseph Smith at Oliver Cowdery angAaronic at Melchizedek Priesthood, tumanggap ang Propeta ng paghahayag tungkol sakanilang responsibilidad na ibahagi ang ebanghelyo at magpahayag ng pagsisisi sabuong mundo.

3. Basahin nang malakas at magkakasama, ang Doktrina at mga Tipan 18:15–16, at hanapinang mga pagpapala na dumarating dahil sa pagtulong sa isang tao na magsisi at masmapalapit kay Jesucristo. Ang banal na kasulatang ito ay isang doctrinal mastery passage.Maaari ninyong markahan ito sa kakaibang paraan para madali ninyo itong mahanap.

4. Talakayin nang magkasama ang mga sumusunod na tanong:• Ano ang pagpapalang dulot ng pagtuturo ng ebanghelyo na inilarawan sa Doktrina at

mga Tipan 18:15–16?

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 2

154

• Naranasan na ba ninyong magalak dahil sa pagbabahagi ng mga turo ng ebanghelyo saiba? Bakit kaya ganoon ang naramdaman ninyo?

• Sa inyong palagay, anong mga pagkakataon ang darating sa inyo ngayon o bukas paramaituro ninyo ang ebanghelyo sa iba?

5. Pinagpalang araw ito para sa inyo! May pagkakataon kayong ituro ang ebanghelyo sa lalongmadaling panahon. Maghanda kayo ng kapartner ninyo ng isang simpleng lesson paramaituro ang natutuhan ninyo tungkol sa kautusang ito na ituro ang ebanghelyo sa iba.Habang naghahanda kayo, maaari ninyong gamitin ang ilan sa mga aktibidad at tanongmula sa worksheet na ito. Tiyaking aanyayahan ninyo ang inyong mga tinuturuan na basahinat markahan ang Doktrina at mga Tipan 18:15–16.

Matapos makapag-aral nang magkakasama ang mga estudyante at handa nangmagturo, sabihin sa magkakapartner na naka-assign na pag-aralan ang handout na“Ang Word of Wisdom” na turuan ang magkakapartner na naka-assign napag-aralan ang handout na “Pagtuturo ng Ebanghelyo sa Iba” at vice versa. Kungmaliit ang klase mo, maaari mong sabihin sa mga magkakapartner na magturosa klase.

Magbahagi ng sarili mong mga karanasan at patotoo na may kinalaman sadalawang kautusang ito.

Bahagi 2 (10 minuto)Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mgapangako at pagpapala ng pagsunod sa Word of Wisdom na nakatala sa

Doktrina at mga Tipan 89:18–21, bigyan ang mga estudyante ng kalakip nahandout ng mga pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ngLabindalawang Apostol. Ipabasa nang malakas sa ilang estudyante ang mga talata.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at markahan ang mgapangako na binanggit ni Pangulong Packer.

Mga Pahayag ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korumng Labindalawang Apostol“Nalaman ko … na ang pangunahing layunin ng Word of Wisdom ay may kinalaman sapaghahayag. …

“Kung halos ayaw makinig ng isang taong ‘nasa impluwensya’ [ng nakapipinsalang mga sangkap] sasimpleng salita, paano sila makatutugon sa espirituwal na mga paramdam na aantig sapinakasensitibo nilang damdamin?

“Singhalaga man ng Word of Wisdom ang batas ng kalusugan, mas mahalaga ito sa inyongespirituwalidad kaysa sa inyong katawan” (Boyd K. Packer, “Prayers and Answers,” Ensign, Nob.1979, 20).

“May isang huling pangako sa paghahayag. Nagsasalitang muli tungkol sa mga taong sumusunod attinutupad ang mga kautusang ito, sinabi ng Panginoon, ‘Ako … ay nagbibigay sa kanila ng pangako,na ang mapangwasak na anghel ay lalampasan sila, gaya ng mga anak ni Israel, at hindi silapapatayin’ (D at T 89:21). Isa iyang pambihirang pangako.

“Upang maunawaan ito, dapat nating isipin ang panahon ni Moises. Ang mga Israelita ay nagingalipin sa loob ng 400 taon. Dumating si Moises bilang kanilang tagapagligtas. Nagpadala siya ng

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 2

155

mga salot sa Egipto. Matapos maganap ang bawat salot, pumapayag ang Faraon na palayain angmga Israelita, ngunit sa bandang huli ay kanyang binawi [hindi tinupad] ang kanyang pangako. Sawakas, ‘sinabi ng Panginoon kay Moises, May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto;pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo’y umalis dito. … Lahat ng mga panganay sa lupainng Egipto ay mamamatay’ (Ex. 11:1, 5).

“Sinabi ni Moises sa mga Israelita na ‘magsisikuha sila … ng isang kordero …walang kapintasan,isang lalake, na iisahing taon. … Ni sisira kayo ng kahit isang buto niyaon’ (Ex. 12:3, 5, 46; tingnandin sa Juan 19:33).

“Kailangan nilang maghanda ng kordero bilang isang piging at ‘kukuha sila ng dugo niyan, atilalagay sa … haligi ng pinto … sa mga bahay … Sapagka’t ako’y dadaan sa lupain ng Egipto sagabing yaon, at aking lilipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain … : at pagka aking nakita angdugo, ay lalampasan ko kayo, at walang salot na sasainyo, na papatay sa inyo. … At ang araw naito’y … inyong ipagdidiwang … bilang tuntunin magpakailan man’ (Ex. 12:7, 12–14). ‘[Kapagsinabi] sa inyo ng inyong mga anak: Anong ibig ninyong sabihin … [dito] … ? … inyong sasabihin:Siyang paghahain sa paskua ng Panginoon’ (Ex. 12:26–27).

“Walang alinlangan, mga kabataan, na nakikita ninyo ang mga simbolismo sa Paskua na binanggitng propeta. Si Cristo ‘ang Cordero ng Dios’ (Juan 1:29, 36), ang panganay, lalake, at walangkapintasan. Siya ay pinatay nang hindi binabali ang kanyang mga buto, kahit iniutos sa mga kawal nagawin ito.

“Ngunit hindi sa mortal na kamatayan tayo maliligtas sa paskuang katulad niyon kung susundin natinang mga kautusang ito, sapagkat ang bawat isa sa atin ay mamamatay sa takdang panahon. Atnariyan ang espirituwal na kamatayan na hindi ninyo kailangang danasin. Kung kayo ay masunurin,ang espirituwal na kamatayang iyon ay lalampasan kayo, sapagka’t ‘ang kordero ng ating paskua aynaihain na, sa makatuwid baga’y si Cristo,’ ayon sa itinuturo ng paghahayag (1 Cor. 5:7).

“Bagama’t ang Word of Wisdom ay nangangailangan ng mahigpit na pagsunod, ang kapalit napangako nito ay kalusugan, malaking kayamanan ng kaalaman, at ang kaligtasan na yaon naibinigay sa atin ng Cordero ng Diyos, na pinaslang upang tayo ay matubos” (Boyd K. Packer, “TheWord of Wisdom: The Principle and the Promises,” Ensign, Mayo 1996, 19).

• Ano ang ipinaunawa sa atin ng mga pahayag ni Pangulong Packer tungkol samga ipinangakong pagpapala ng Word of Wisdom?

Maaari mong ipaliwanag sa klase na, sa pangkalahatan, ang pagsunod sa Word ofWisdom ay makatutulong sa atin na magkaroon ng mas mabuting uri ngpamumuhay kaysa kung pipiliin nating hindi sundin ito. Gayunman, ang Word ofWisdom ay hindi garantisadong proteksyon laban sa mga pagsubok ng mortalidad,kabilang na ang karamdaman, kapansanan, at kamatayan. Ang mga pangako ngPanginoon ay para sa kawalang-hanggan, at ang sumusunod sa Kanyang mgakautusan ngunit hindi natanggap ang lahat ng ipinangakong mga pagpapala sabuhay na ito ay tatanggapin ang mga ito sa kabilang buhay. (Tingnan sa Doctrineand Covenants and Church History: Gospel Doctrine Teacher’s Manual [1999], 125.)

Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal MasteryPaalala: Ang sumusunod na aktibidad sa pagrerebyu ay hindi nilayong iturokasabay ng lesson na ito—“Mga Kautusan, Bahagi 2.” Mangyaring gamitin angaktibidad na ito sa isang sesyon ng klase sa seminary matapos mong maituro anglesson na ito at bago mo ituro ang “Mga Kautusan, Bahagi 3.” Ang maiikling rebyuna ito ay maaaring gawin sa simula o katapusan ng mga klase kung saan regular

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 2

156

kang nagtuturo ng sequential scripture lesson mula sa Doktrina at mga Tipan.Tiyakin na hindi tatagal nang higit pa sa itinakdang oras ang rebyung ito, upanghindi mabawasan ang oras ng pag-aaral ng mga estudyante ng scripture blocksa klase.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktina at mga Tipan 89:18–21 (5 minuto)Bigyan ng papel ang mga estudyante. Ipasulat sa kanila ang numerong 89 sa gitnang papel. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na magdrowing ng larawan o mgalarawan gamit ang numero 89 upang ipakita ang kahulugan ng Doktrina at mgaTipan 89:18–21. Halimbawa, maaaring isulat ng mga estudyante ang 8 o ang 9 (opareho) sa larawan ng isang taong tumatakbo nang walang kapaguran o sa isangtao na nagbubukas ng baul ng kayamanan. O maaaring magdrowing ang mgaestudyante ng mga larawan sa papel na nakapalibot sa numerong 89. Maaaringmaipakita ng mga larawang ito ang mga pangakong inilahad sa doctrinal masterypassage. (Maaari mong ipaliwanag na ang layunin ng aktibidad na ito ay humanapng kawili-wili at malikhaing paraan na matatandaan ang doctrinal mastery passagena ito, at hindi upang alamin ang kahusayan nila sa pagdodrowing.) Pagkatapos ngmga limang minutong pagdodrowing, sabihin sa mga estudyante namagboluntaryo na ipakita at ipaliwanag ang kanilang mga larawan. Maaari mongilagay ang ilan, o lahat, ng larawan sa silid-aralan upang maipaalala sa mgaestudyante kung saan matatagpuan ang mga pangako sa pagsunod sa Wordof Wisdom.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Doktrina at mga Tipan 18:15–16(5 minuto)Isulat sa pisara ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina: Kabilang samga kautusan ng Diyos ang pagtuturo ng ebanghelyo sa iba.

• Anong banal na kasulatan o mga banal na kasulatan ang alam ninyo namakatutulong na maituro ang doktrinang ito? (Kung hindi maalala ng mgaestudyante ang scripture reference, sabihin sa kanila na hanapin ito sa talata 9.5sa Doctrinal Mastery Core Document. Ang talatang ito ay tumutukoy sa Doktrinaat mga Tipan 18:15–16.)

Sabihin sa mga estudyante na buklatin at basahin nang tahimik ang Doktrina atmga Tipan 18:15–16. Sabihin sa kanila na ipaliwanag ang kahulugan ng talata atkung paano nito sinusuportahan ang pahayag sa pisara. Maaaring gawin ito ngmga estudyante nang may kapartner o nang kasama ang buong klase.

Imungkahi sa mga estudyante na matatandaan nila ang scripture reference na itosa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa edad na maaari nang maglingkod safull-time mission ang mga kabataang lalaki (18). Itanong sa kanila kung paano nilamaaalala ang mga numero ng scripture verse. Magagamit mo ang ilan sa kanilangmga mungkahi sa pagrebyu ng banal na kasulatang ito sa hinaharap.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Mga Kautusan (7 minuto)Idispley o isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong:

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 2

157

• Paano ninyo matatandaan ang scripture reference na ito?

• Paano ninyo matatandaan ang tinatalakay nito?

• Ano ang ipinapaliwanag nito tungkol sa isa sa mga kautusan ng Panginoon?

Sabihin sa mga estudyante na makipagtulungan sa isang kapartner at sagutin angmga tanong na ito sa bawat sumusunod na doctrinal mastery scripture passage.Ibigay ang mga scripture passage na ito nang paisa-isa sa klase sa pamamagitan ngpagsulat ng mga ito sa pisara.

Doktrina at mga Tipan 18:15–16

Doktrina at mga Tipan 64:9–11

Doktrina at mga Tipan 89:18–21

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 2

158

Mga Kautusan, Bahagi 3PambungadAng mga materyal sa pagtuturo para sa learning experience sa “Mga Kautusan” aynahahati sa tatlong bahagi. Kabilang sa Bahagi 3 ang isang pagsasanay [practiceexercise] na makatutulong sa mga estudyante na ipamuhay ang mga doktrina nanatutuhan nila mula sa Doctrinal Mastery Core Document kasama ang doctrinalmastery passage na matatagpuan sa Doktrina at mga Tipan 18:15–16. Kasama rindito ang opsyonal na aktibidad sa pagrerebyu.

Pagsasanay (20 minuto)Rebyuhin sa mga estudyante ang tatlong alituntunin mula sa bahaging “Pagtatamong Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document: kumilos nangmay pananampalataya, suriin ang mga konsepto at mga tanong nang maywalang-hanggang pananaw, hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ngmga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos.

Paalala: Maaari mong naising iangkop ang sumusunod na sitwasyon ayon sa mgakaranasan at pangangailangan ng iyong mga estudyante. Maaari mo ring ibahinang mga pangalan at ihalili rito ang mga pangalang mas karaniwan sa lugar natinitirhan ninyo.

Sabihin sa mga estudyante na kunwari ay may kaibigan sila na nagngangalang Rikana may inang namatay sa kanser kamakailan lamang. Ang ina ni Rika ay matapatna miyembro ng Simbahan at sumusunod sa mga kautusan, kabilang na ang Wordof Wisdom, sa buong buhay niya. Kaibigan ninyo si Rika, at nang kinausap ninyosiya, sinikap ninyong mapanatag siya, pero nakita ninyo na nahihirapan siyangunawain kung bakit nangyari ito sa kanyang ina. Noong huling makausap ninyosiya, nabanggit niya ang Word of Wisdom at ang pangako nito na kalusugan ngkatawan sa mga sumusunod dito. Ipinakita niya ang kanyang hinanakit kung bakithinayaan ng Diyos na mangyari ito sa kanyang ina samantalang matapat namannitong sinunod ang kautusang ito.

Talakayin ang mga sumusunod na tanong sa klase:

• Sa inyong palagay, ano ang maaaring gawin ni Rika para maipakita angkanyang pananampalataya sa sitwasyong ito?

• Anong mga katotohanan ang natutuhan natin tungkol sa Ama sa Langit at saKanyang plano ng kaligtasan na maaaring magamit sa sitwasyong ito?

• Paano tayo matutulungan ng Doktrina at mga Tipan 89:18–21 na maunawaanang mga hamong ito nang may walang-hanggang pananaw?

• Anong mga itinalagang tulong o sources na ibinigay ng Diyos ang maaarinating basahing muli para matulungan tayo na mas maunawaan ang bagay naito? (Kung kinakailangan, ipaalala sa mga estudyante ang pahayag niPangulong Boyd K. Packer na nabasa nila sa segment 2 ng bahagi 1 ng learningexperience na ito. Kung may oras pa, maaari mong sabihin sa mga estudyantena magsaliksik ng ilang karagdagang mapagkukunang materyal para sapagtuturo na makatutulong kay Rika.)

162

Magpatotoo tungkol sa mga alituntunin ng pagkakaroon ng espirituwal nakaalaman, at sabihin sa mga estudyante na patuloy na gamitin ang mgaalituntuning ito kapag may mga tanong o problema sila sa mahihirap na bagay.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery (20 minuto)Paalala: Ito ay isang opsyonal na aktibidad sa pagrerebyu na maaari mong gamitinsa klase kung saan mo rin itinuturo ang pagsasanay [practice exercise] kung maynalalabi ka pang oras at walang hinahabol na iba pang materyal nakailangang ituro.

Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Doctrinal Mastery Core Document atpiliin ang isa sa mahahalagang pahayag ng doktrina na minarkahan nila natalagang makabuluhan sa kanila. Sabihin din sa kanila na isipin ang doctrinalmastery passage na may kaugnayan sa mahalagang pahayag na ito ng doktrina.Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto para basahin at rebyuhin ang kanilangpiniling pahayag at scripture passage.

Matapos ang sapat na oras, ipakita ang mga sumusunod na tanong, o gawin itonghandout at ibigay sa mga estudyante. Bigyan ang mga estudyante ng sapat na orasna maisulat ang kanilang mga sagot sa kanilang notebook o scripture study journal.

1. Bakit makabuluhan sa inyo ang mahalagang pahayag na ito ng doktrina atdoctrinal mastery passage?

2. Sa inyong palagay, paano nakatulong sa inyo ang pag-unawa sa mahalagangpahayag na ito ng doktrina at sa kaugnay nito na doctrinal mastery passage?

3. Paano naimpluwensyahan ng pag-unawa sa doktrinang ito angpag-uugali ninyo?

4. Sino ang kilala ninyo na maaaring makinabang sa pag-aaral tungkol sadoktrinang ito? Paano ninyo matutulungan ang taong iyon na matutuhan angtungkol dito?

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante, at anyayahan ang mga estudyante naibahagi ang isinulat nila, kung hindi ito masyadong personal.

Matapos magkaroon ng oportunidad ang mga estudyante na magturo nangmagkakapartner, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase kung ano angnatutuhan nila o kung ano ang nadama nila tungkol sa karanasang ito at kungpaano nila magagamit ang natutuhan nila sa mga sitwasyon sa hinaharap.

MGA KAUTUSAN, BAHAGI 3

163

Pinagsama-samangPagrerebyu ngDoctrinal MasterySa aktibidad ng pagrerebyu na ito, pag-aaralan ng mga estudyante ang lahat ng 25doctrinal mastery scripture passage sa Doktrina at mga Tipan at kukuha sila nghuling pagsusulit.

Segment 1 (20 minuto)Ipaliwanag sa mga estudyante na makatutulong sa kanila na alam nila ang mgascripture reference ng mga doctrinal mastery passage sa pagtuturo nila ngebanghelyo sa iba at paghahanap ng mga sagot sa mga tanong.

Ihanda ang mga estudyante para sa huling pagsusulit tungkol sa 25 doctrinalmastery passage na napag-aralan nila sa buong kurso. Maaari mong gawin ito sapamamagitan ng pagpapartner-partner sa mga estudyante. Sabihin sa mgamagkakapartner na gamitin ang kanilang kopya ng Doctrinal Mastery ReferenceGuide upang pag-aralan at rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage nanapag-aralan na nila sa school year na ito, kasama ang kalakip na mahahalagangparirala. Matapos ang sapat na oras, maaaring bigyan ng mga estudyante ngpagsusulit ang isa’t isa. Sasabihin muna ng isa sa magkapartner ang mahahalagangparirala upang malaman kung matutukoy ng kanilang kapartner ang tamangdoctrinal mastery reference. Kapag pareho nang nabigyan ng pagsusulit sa mgascripture reference ang magkapartner, sabihin sa kanila na subukan ang nalalamanng bawat isa sa pamamagitan ng pagsasabi ng isa sa kanila ng scripture reference atang isa naman ang magsasabi ng mahahalagang parirala o magpapaliwanag ngbanal na kasulatan nang saulado.

Bilang alternatibo sa aktibidad na ito, kung may mga electronic device ang mgaestudyante, bigyan sila ng oras na i-download ang LDS Doctrinal Mastery app. AngLDS Doctrinal Mastery App ay libre at magagamit para sa lahat ng mobile Apple atAndroid device. Hanapin lamang ang LDS Doctrinal Mastery sa App Store (Appledevices) at Google Play (Android devices). Matapos mai-download ng mgaestudyante ang app, maaari mo silang bigyan ng ilang minuto para magamit nilaang mga flashcard at mga quiz activity sa app.

Segment 2 (20 minuto)Magbigay ng pagsusulit sa 25 doctrinal mastery passage at mga kaukulangmahahalagang parirala nito. Maaari mong ibigay ang pagsusulit na ito nang oral, okaya ay written sa pamamagitan ng paglilista ng mahahalagang parirala atpagtutulot sa mga estudyante na isulat ang mga kaugnay na scripture reference.

Maaari mong gamitin ang kalakip na handout.

164

Pagsusulit para sa Doctrinal Mastery ScripturePassage (lahat ng 25 scripture passage ng D at T)______________ 1. Ang Espiritu Santo ay nagsasalita sa ating puso’t isipan.

______________ 2. Ang tanging tunay at buhay na Simbahan

______________ 3 Ang awtoridad ng Melchizedek Priesthood

______________ 4 Isaalang-alang si Cristo sa bawat pag-iisip.

______________ 5 Si Jesucristo ay buhay at ang Lumikha ng mga daigdig.

______________ 6 Muling paparito si Cristo nang may kapangyarihan at kaluwalhatian.

______________ 7. Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos.

______________ 8. Ang Ama at ang Anak ay may mga katawang may laman at buto.

______________ 9. Ang Tagapagligtas ay nagdusa para sa ating mga kasalanan upang tayo aymakapagsisi.

______________ 10. Kapag tinanggap natin ang salita ng propeta nang may pagtitiis atpananampalataya, itataboy ng Diyos ang mga kapangyarihan ng kadiliman.

______________ 11. Ang kapangyarihan ng kabanalan ay nakikita sa mga ordenansa ngpriesthood.

______________ 12. Kagalakan sa pagdadala ng mga kaluluwa kay Jesucristo

______________ 13. Sa Unang Pangitain, tinawag ng Diyos si Joseph Smith upang magingpropeta.

______________ 14. Kailangan nating ipagtapat at iwaksi ang kasalanan upang makapagsisi.

______________ 15. Mga Susi ng Aaronic Priesthood

______________ 16. Ang mga kinatawan ng Panginoon ay kailangang tawagin ng isang taongmay awtoridad.

______________ 17. Ang Panginoon ay nakatali [o nakapangako] kapag ginawa natin angKanyang sinasabi.

______________ 18. Ang kahalagahan ng mga kaluluwa ay dakila.

______________ 19. Naghirap si Joseph Smith para sa ating kaligtasan.

______________ 20. Mga pagpapala ng Salita ng Karunungan o Word of Wisdom

______________ 21. Ang tinig ng Panginoon at ng Kanyang mga lingkod ay iisa.

______________ 22. Ang kapangyarihan ng priesthood ay nakabatay sa pagiging matwid ngisang tao.

______________ 23. Iniuutos sa atin na patawarin ang lahat ng tao.

______________ 24. Ang bago at walang-hanggang tipan ng kasal

______________ 25. Hangaring matuto sa pamamagitan ng pag-aaral at pananampalataya.

Mga sagot sa pagsusulit 1. D at T 8:2–3; 2. D at T 1:30; 3. D at T 107:8; 4. D at T 6:36;5. D at T 76:22–24; 6. D at T 29:10–11; 7. D at T 49:15–17; 8. D at T 130:22–23;9. D at T 19:16–19; 10. D at T 21:4–6; 11. D at T 84:20–22; 12. D at T 18:15–16;13. Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–20; 14. D at T 58:42–43; 15. D at T 13:1;16. D at T 42:11; 17. D at T 82:10; 18. D at T 18:10–11; 19. D at T 135:3; 20. D at T

PINAGSAMA-SAMANG PAGREREBYU NG DOCTRINAL MASTERY

165

89:18–21; 21. D at T 1:37–38; 22. D at T 121:36, 41–42; 23. D at T 64:9–11; 24. D at T131:1–4; 25. D at T 88:118.

Rebyuhin ang pagsusulit sa klase. Matapos ninyong rebyuhin ang pagsusulit,maaari mong bigyang muli ng pagsusulit ang mga estudyante kung gusto nilangmapataas pa ang kanilang mga marka.

PINAGSAMA-SAMANG PAGREREBYU NG DOCTRINAL MASTERY

166

Apendiks: MungkahingDoctrinal Mastery PacingGuide para sa Doktrina atmga TipanAng pacing guide na nasa bahaging “Mga Tagubilin para sa mga Titser” ng manwalna ito ay para sa mga titser na nais magturo ng Doctrinal Mastery sa mas maliliit nasegment sa maraming araw ng pagkaklase sa bawat linggo.

Ang sumusunod na pacing guide ay para sa mga titser na nais gamitin ang buongsesyon ng klase upang ituro ang bawat lesson sa Doctrinal Mastery. Upangmakamit ito, iminumungkahi ng pacing guide na may mga araw na dapatpagsamahin ang dalawang sunud-sunod na lesson ng banal na kasulatan sa isangsesyon ng klase. Tinutulutan nito ang mga titser na maisama ang mga DoctrinalMastery lesson habang nananatili pa ring 160 ang mga araw ng pagtuturo. Kungpipiliin mong gamitin ang paraang ito, kailangang magpasiya ka kung aling mgabahagi ng mga pinagsamang sunud-sunod na lesson ang ituturo at kung aling mgabahagi ang ibubuod.

Paalala: Para sa mga araw na itinuturing na “mga flexible day” o may mga flexiblena oras na walang iminungkahing mga aktibidad, tingnan sa “Mga Mungkahi parasa mga Flexible Day” sa apendiks ng Manwal ng Doktrina at mga Tipan atKasaysayan ng Simbahan para sa Titser.

Week Mga Lesson Scripture Block

1 Day 1: Lesson 1 Ang Plano ng Kaligtasan

Day 2: Lesson 2 Pambungad sa Doktrina at mgaTipan

Day 3: Lesson 3 Ang Malawakang Apostasiya

Day 4: Lesson 4 Doktrina at mga Tipan 1

Day 5: Lesson 5 Pag-aaral ng mga Banal naKasulatan

Pambungad sa Doktrina at mgaTipan; D at T 1

2 Day 1: Lesson 6 Joseph Smith—Kasaysayan1:1–20

Day 2: Flexible day

Day 3: Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,Bahagi 1

Day 4: Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,Bahagi 2

Day 5: Mga Lesson 7–8 Ang Responsibilidad ngEstudyante; Joseph Smith—Kasaysayan 1:21–26

Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26

168

Week Mga Lesson Scripture Block

3 Day 1: Lesson 9 Joseph Smith—Kasaysayan1:27–54; Doktrina at mga Tipan 2

Day 2: Lesson 10 Joseph Smith—Kasaysayan1:55–65

Day 3: Lesson 11 Doktrina at mga Tipan 3

Day 4: Lesson 12 Doktrina at mga Tipan 10

Day 5: Lesson 13 Doktrina at mga Tipan 4

D at T 2–4; 10; JosephSmith—Kasaysayan 1:27–65

4 Day 1: Lesson 14 Doktrina at mga Tipan 5

Day 2: Lesson 15 Joseph Smith—Kasaysayan1:66–67; Doktrina at mga Tipan 6–7

Day 3: Mga Lesson 16–17 Doktrina at mgaTipan 8; Doktrina at mga Tipan 9

Day 4: Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,Bahagi 3 (20 minuto ng flexible na oras)

Day 5: Lesson 18 Doktrina at mga Tipan 11–12

Joseph Smith—Kasaysayan1:66–67; D at T 5–9; 11–12

5 Day 1: Lesson 19 Joseph Smith—Kasaysayan1:68–75; Doktrina at mga Tipan 13

Day 2: Flexible day

Day 3: Ang Panguluhang Diyos, Bahagi 1

Day 4: Mga Lesson 20–21 Doktrina at mgaTipan 14–16; Doktrina at mga Tipan 17

Day 5: Lesson 22 Doktrina at mga Tipan 18:1–16

Joseph Smith—Kasaysayan1:68–75; D at T 13–17; 18:1–16

6 Day 1: Lesson 23 Doktrina at mga Tipan18:17–47

Day 2: Ang Panguluhang Diyos, Bahagi 2

Day 3: Flexible day

Day 4: Lesson 24 Doktrina at mga Tipan 19:1–22

Day 5: Lesson 25 Doktrina at mga Tipan19:23–41

D at T 18:17–47; 19

7 Day 1: Mga Lesson 26–27 Doktrina at mgaTipan 20:1–36; Doktrina at mga Tipan 20:38–67

Day 2: Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 1

Day 3: Flexible day

Day 4: Lesson 28 Doktrina at mga Tipan 20:37,68–84

Day 5: Lesson 29 Doktrina at mga Tipan 21

D at T 20–21

8 Day 1: Mga Lesson 30–31 Doktrina at mgaTipan 22–23; Doktrina at mga Tipan 24 at 26

Day 2: Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 2

Day 3: Lesson 32 Doktrina at mga Tipan 25

Day 4: Lesson 33 Doktrina at mga Tipan 27

Day 5: Lesson 34 Doktrina at mga Tipan 28

D at T 22–28

APENDIKS

169

Week Mga Lesson Scripture Block

9 Day 1: Lesson 35 Doktrina at mga Tipan 29:1–29

Day 2: Ang Plano ng Kaligtasan, Bahagi 3

Day 3: Lesson 36 Doktrina at mga Tipan29:30–50

Day 4: Mga Lesson 37–38 Doktrina at mgaTipan 30; Doktrina at mga Tipan 31–32

Day 5: Flexible day

D at T 29–32

10 Day 1: Lesson 39 Doktrina at mga Tipan 33–34

Day 2: Mga Lesson 40–41 Doktrina at mgaTipan 35; Doktrina at mga Tipan 36–37

Day 3: Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,Bahagi 1

Day 4: Mga Lesson 42–43 Doktrina at mgaTipan 38:1–16; Doktrina at mga Tipan 38:17–42

Day 5: Flexible day

D at T 33–38

11 Day 1: Lesson 44 Doktrina at mga Tipan 39–40

Day 2: Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,Bahagi 2

Day 3: Mga Lesson 45–46 Sa Ohio; Doktrina atmga Tipan 41

Day 4: Lesson 47 Doktrina at mga Tipan 42:1–29

Day 5: Lesson 48 Doktrina at mga Tipan42:30–42

D at T 39–41; 42:1–42

12 Day 1: Mga Lesson 49–50 Doktrina at mgaTipan 42:43–93; Doktrina at mga Tipan 43–44

Day 2: Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,Bahagi 3

Day 3: Mga Lesson 51–52 Doktrina & at mgaTipan 45:1–15; Doktrina at mga Tipan 45:16–59

Day 4: Lesson 53 Doktrina at mga Tipan45:60–75

Day 5: Lesson 54 Doktrina at mga Tipan 46

D at T 42:43–93, 43–46

13 Day 1: Flexible day

Day 2: Ang Panunumbalik, Bahagi 1

Day 3: Mga Lesson 55–56 Doktrina at mgaTipan 47–48; Doktrina at mga Tipan 49

Day 4: Lesson 57 Doktrina at mga Tipan 50

Day 5: Lesson 58 Doktrina at mga Tipan 51–52

D at T 47–52

APENDIKS

170

Week Mga Lesson Scripture Block

14 Day 1: Ang Panunumbalik, Bahagi 2

Day 2: Mga Lesson 59–60 Doktrina at mgaTipan 53–55; Doktrina at mga Tipan 56

Day 3: Mga Lesson 61–62 Ang Tampok na Lugarng Sion; Doktrina at mga Tipan 57

Day 4: Lesson 63 Doktrina at mga Tipan 58:1–33

Day 5: Lesson 64 Doktrina at mga Tipan58:34–65

D at T 53–58

15 Day 1: Panunumbalik, Bahagi 3

Day 2: Lesson 65 Doktrina at mga Tipan 59

Day 3: Lesson 66 Doktrina at mga Tipan 60–62

Day 4: Lesson 67 Doktrina at mga Tipan 63:1–21

Day 5: Lesson 68 Doktrina at mga Tipan63:22–66

D at T 59–63

16 Day 1: Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 1

Day 2: Lesson 69 Doktrina at mga Tipan 64:1–19

Day 3: Lesson 70 Doktrina at mga Tipan64:20–43

Day 4: Mga Lesson 71–72 Doktrina at mgaTipan 65; Doktrina at mga Tipan 66

Day 5: Lesson 73 Doktrina at mga Tipan 67

D at T 64–67

17 Day 1: Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 2

Day 2: Lesson 74 Doktrina at mga Tipan 68

Day 3: Mga Lesson 75–76 Doktrina at mgaTipan 69–71; Doktrina at mga Tipan 72–74

Day 4: Lesson 77 Doktrina at mga Tipan 75

Day 5: Mga Lesson 78–79 Doktrina at mgaTipan 76:1–19; Doktrina at mga Tipan 76:20–49

D at T 68–75; 76:1–49

18 Day 1: Flexible day (iminungkahing oras ng klasepara sa pagbibigay ng learning assessment para saDoktrina at mga Tipan 1–75 at JosephSmith—Kasaysayan)

Day 2: Flexible day (iminungkahing oras ng klasepara sa pagrerebyu ng learning assessment para saDoktrina at mga Tipan 1–75 at JosephSmith–Kasaysayan)

Day 3: Mga Propeta at Paghahayag, Bahagi 3

Day 4: Lesson 80 Doktrina at mga Tipan76:50–80

Day 5: Flexible day

D at T 76:50–80

APENDIKS

171

Week Mga Lesson Scripture Block

19 Day 1: Lesson 81 Doktrina at mga Tipan76:81–119

Day 2: Mga Lesson 82–83 Doktrina at mgaTipan 77; Doktrina at mga Tipan 78–80

Day 3: Lesson 84 Doktrina at mga Tipan 81

Day 4: Lesson 85 Doktrina at mga Tipan 82–83

Day 5: Lesson 86 Doktrina at mga Tipan84:1–44

D at T 76:81–119; 77–83; 84:1–44

20 Day 1: Flexible day

Day 2: Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,Bahagi 4

Day 3: Lesson 87 Doktrina at mga Tipan84:43–61

Day 4: Lesson 88 Doktrina at mga Tipan84:62–120

Day 5: Mga Lesson 89–90 Doktrina at mgaTipan 85–86; Doktrina at mga Tipan 87

D at T 84:43–120; 85–87

21 Day 1: Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood,Bahagi 1

Day 2: Lesson 91 Doktrina at mga Tipan88:1–40

Day 3: Lesson 92 Doktrina at mga Tipan88:41–69

Day 4: Lesson 93 Doktrina at mga Tipan88:70–117

Day 5: Lesson 94 Doktrina at mga Tipan88:118–141

D at T 88

22 Day 1: Flexible day

Day 2: Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood,Bahagi 2

Day 3: Lesson 95 Doktrina at mga Tipan 89

Day 4: Lesson 96 Doktrina at mga Tipan 90–92

Day 5: Lesson 97 Doktrina at mga Tipan 93:1–20

D at T 89–92; 93:1–20

23 Day 1: Lesson 98 Doktrina at mga Tipan93:21–53

Day 2: Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood,Bahagi 3

Day 3: Lesson 99 Doktrina at mga Tipan 94–96

Day 4: Lesson 100 Doktrina at mga Tipan 97

Day 5: Mga Lesson 101–102 Doktrina at mgaTipan 98:1–22; Doktrina at mga Tipan 98:23–48

D at T 93:21–53; 94–98

APENDIKS

172

Week Mga Lesson Scripture Block

24 Day 1: Flexible day

Day 2: Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood,Bahagi 4

Day 3: Mga Lesson 103–104 Doktrina at mgaTipan 99–100; Doktrina at mga Tipan 101:1–16

Day 4: Lesson 105 Doktrina at mga Tipan101:17–42

Day 5: Lesson 106 Doktrina at mga Tipan101:43–101

D at T 99–101

25 Day 1: Mga Lesson 107, 109 Doktrina at mgaTipan 102; Doktrina at mga Tipan 104

Day 2: Mga Ordenansa at Tipan, Bahagi 1

Day 3: Lesson 108 Doktrina at mga Tipan 103

Day 4: Lesson 110 Doktrina at mga Tipan 105

Day 5: Mga Lesson 111–112 Doktrina at mgaTipan 106:1–107:20; Doktrina at mga Tipan107:21–38

D at T 102–6; 107:1–38

26 Day 1: Mga Ordenansa at Tipan, Bahagi 2

Day 2: Lesson 113 Doktrina at mga Tipan107:39–100

Day 3: Mga Lesson 114–115 Doktrina at mgaTipan 108; Doktrina at mga Tipan 137

Day 4: Lesson 116 Doktrina at mga Tipan109:1–46

Day 5: Lesson 117 Doktrina at mga Tipan109:47–80

D at T 107:39–100; 108–9; 137

27 Day 1: Lesson 118 Doktrina at mga Tipan 110

Day 2: Mga Lesson 119–120 Doktrina at mgaTipan 111; Doktrina at mga Tipan 112

Day 3: Mga Lesson 121–122 Ang Simbahan ayLumipat sa Hilagang Missouri; Doktrina at mgaTipan 113–114

Day 4: Lesson 123 Doktrina at mga Tipan115–116

Day 5: Flexible day

D at T 110–16

28 Day 1: Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 1

Day 2: Mga Lesson 124–125 Doktrina at mgaTipan 117–118; Doktrina at mga Tipan 119–120

Day 3: Lesson 126 Doktrina at mga Tipan121:1–10; 122

Day 4: Lesson 127 Doktrina at mga Tipan121:11–33

Day 5: Lesson 128 Doktrina at mga Tipan121:34–46

D at T 117–22

APENDIKS

173

Week Mga Lesson Scripture Block

29 Day 1: Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 2

Day 2: Lesson 129 Doktrina at mga Tipan 123

Day 3: Flexible day

Day 4: Lesson 130 Ang Pagtatatag ng Nauvoo

Day 5: Mga Lesson 131–132 Doktrina at mgaTipan 124:1–21; Doktrina at mga Tipan 124:22–83

D at T 123; 124:1–83

30 Day 1: Pag-aasawa at Pamilya, Bahagi 3(20 minuto ng flexible na oras)

Day 2: Lesson 133 Doktrina at mga Tipan124:84–145; 125–26

Day 3: Mga Lesson 134–135 Doktrina at mgaTipan 127; 128:1–11; Doktrina at mga Tipan128:12–25

Day 4: Lesson 136 Doktrina at mga Tipan 129;130:1–11, 22–23

Day 5: Lesson 137 Doktrina at mga Tipan130:12–21

D at T 124:84–145; 125–30

31 Day 1: Flexible day

Day 2: Mga Kautusan, Bahagi 1

Day 3: Lesson 138 Doktrina at mga Tipan 131

Day 4: Lesson 139 Doktrina at mga Tipan132:3–33

Day 5: Lesson 140 Doktrina at mga Tipan132:1–2, 34–66

D at T 131–32

32 Day 1: Mga Kautusan, Bahagi 2

Day 2: Lesson 141 Doktrina at mga Tipan133:1–35

Day 3: Lesson 142 Doktrina at mga Tipan133:36–74

Day 4: Lesson 143 Doktrina at mga Tipan 134

Day 5: Flexible day

D at T 133–34

33 Day 1: Mga Kautusan, Bahagi 3

Day 2: Lesson 144 Doktrina at mga Tipan 135,Bahagi 1

Day 3: Lesson 145 Doktrina at mga Tipan 135,Bahagi 2

Day 4: Mga Lesson 146–147 Paghalili saPanguluhan; Pag-alis sa Nauvoo

Day 5: Lesson 148 Ang Paglalakbay Patawid ngIowa; Doktrina at mga Tipan 136:1–18

D at T 135; 136:1–18

APENDIKS

174

Week Mga Lesson Scripture Block

34 Day 1: Pinagsama-samang Pagrerebyu ngDoctrinal Mastery

Day 2: Mga Lesson 149–150 Doktrina at mgaTipan 136:19–42; Mga Handcart Pioneer,1856–1860

Day 3: Lesson 151 Ang Digmaan sa Utah at angMasaker sa Mountain Meadows

Day 4: Lesson 152 Ang Paglabas ng MahalagangPerlas

Day 5: Lesson 153 Opisyal na Pahayag 1 at angPatuloy na Pagsulong ng Gawain sa Templo

D at T 136:19–42; Pambungad saMahalagang Perlas; Mga Saliganng Pananampalataya; Opisyal naPahayag 1

35 Day 1: Lesson 154 Doktrina at mga Tipan138:1–24, 38–50

Day 2: Lesson 155 Doktrina at mga Tipan138:7–60

Day 3: Lesson 156 Mga Organisasyon at mgaPrograma ng Simbahan

Day 4: Lesson 157 Opisyal na Pahayag 2

Day 5: Lesson 158 Pagpapabilis sa Gawain ngKaligtasan

D at T 138; Opisyal na Pahayag 2

36 Day 1: Lesson 159 Ang Mag-anak: IsangPagpapahayag sa Mundo

Day 2: Flexible day (iminungkahing oras ng klasepara sa pagbibigay ng learning assessment para saDoktrina at mga Tipan 76–Opisyal na Pahayag 2)

Day 3: Flexible day (iminungkahing oras ng klasepara sa pagrerebyu ng learning assessment para saDoktrina at mga Tipan 76–Opisyal na Pahayag 2)

Day 4: Lesson 160 Ang Buhay na Propeta

Day 5: Flexible day

“Ang Mag-anak: IsangPagpapahayag sa Mundo”

APENDIKS

175