Diskors powerpointnov21

41
What’s on Your mind? Pakitaas ng kung naranasan o nararanasan mo ang sumusunod na sitwasyon

description

ang gampanin ng mabuting diskors sa efektibong pagtuturo-pagkatuto

Transcript of Diskors powerpointnov21

Page 1: Diskors powerpointnov21

What’s on Your mind?

Pakitaas ng kung naranasan o nararanasan mo ang sumusunod na sitwasyon

Page 2: Diskors powerpointnov21

Bilang estudyante

Kinakabahan ka, baka ikaw na ang susunod na tatawagin ni titser upang sumagot sa ibinigay na tanong.

Natatakot ka baka magkamali ka sa pagsagot at pagtatawanan ka ng mga kaklase.

Wala sa konsentrasyon nang bigla kang tinawag ng titser para sumagot, natulala ka.

Page 3: Diskors powerpointnov21

Madaling magalit ang titser kaya natatakot kang magsalita o sumagot

Naiinis ka sa titser mo dahil paulit-ulit ang mga binabanggit na halimbawa sa paksang tinatalakay.

Tahimik ka na lang sa tabi o sa iyong upuan dahil matagal mo nang alam ang sagot sa mga itinatanong ni titser

Page 4: Diskors powerpointnov21

Naiinis ka na dahil kanina ka pa gustong sumagot subalit hindi natatawag ni titser ang pangalan mo.

Makulit at madaldal ang klasmeyt mo kaya wala kang ganang sumali sa diskusyon sa klase.

Nakakairita ang klasmeyt mo dahil siya lamang ang taas nang taas ng kamay at siyalamang din ang pinapansin ng titser

Page 5: Diskors powerpointnov21

Ayaw sumagot ang estudyanteng tinatawag

Nakakainis ang ugali ng estudyanteng nakatingin lamang sa iyo at hindi umiimik tuwing tatawagin

Malayo ang sagot ng estudyante sa tanong mo

No ang sagot sa halip na Yes ang inaasahan mo

Estudyanteng parang parrot sabad nang sabad Tuwing magsasalita ka

Bilang Titser

Page 6: Diskors powerpointnov21

Estudyanteng salita nang salita sa upuan niya subalit kung tawagin na’y hindi naman sasagot.

Estudyanteng patango-tango sa mga sinasabi mo ngunithindi naman nakasasagot sa follow up na tanong mo.

Napapaos ka na sa kadi-discuss ay hindi pa rin makaintindi.

Page 7: Diskors powerpointnov21

Ano ang gagawin mo? Paano mo gagawin?

Classroom Talk/Classroom Discourse

at Discourse Analysis

Page 8: Diskors powerpointnov21

By learning you will teach By teaching you will understand

Halina’t Pumasok sa Klasrum ng Ligaya, Usapan ay Kwela Estudyante ang Bida:

Ang Diskors Analisis Tungo sa Epektibong Pagtuturo-Pagkatuto

Marina G. QuilabDepartamento ng Filipino at Ibang mga WikaKolehiyo ng mga Sining at Agham PanlipunanMSU-Iligan Institute of TechnologyIligan City

Page 9: Diskors powerpointnov21

Classroom/Klasrum

Isang silid o lugar partikular sa isang paaralan kung saan ginaganap ang klase. Sa klasrum matatagpuan ang mga estudyante at titser na nagkakaroon ng talakayan sa paksang pinag-aaralan. Ang tinutukoy sa papel na ito ay ang klasrum kung saan nagaganap ang pagpapalitan ng usapan ng titser at mga estudyante.

Page 10: Diskors powerpointnov21

Talk/Pagsasalita. Pagsasalita. Ang kakayahang magbitiw

ng mga salita. Pag-uusap o pagpapalitan ng mensahe. Pagtransmit ng mga mensahe gamit ang wika o pakikipagkomunikasyon. Ang tinutukoy kong talk ay ang kakayahang magbitiw ng mga salita sa oral na paraan ng pagpapahayag. Pagsasalita, ibig sabihin, pakikinig at pagsasalita.

Page 11: Diskors powerpointnov21

Ano ang pinakainstrumento ng pagsasalita?

WIKA

Ito ay kung paano tayo nag-iisip, paano natin pinoproseso o isinasagawa ang mga impormasyon at paano natin ito tinatandaan (Fisher at mga kasama, 2008).

“speech-talk is the representation of thinking” (Vygotsky)

Page 12: Diskors powerpointnov21

Classroom Talk/Pagsasalita sa Klasrum. Ito ang pagpapalitan ng salitaan o usapan sa loob ng klasrum na nagaganap sa pagitan ng titser at mga estudyante. Ipinapalagay ni Cazden (1988), na nagiging komplikado ang isang klasrum sa iba’t ibang sistema sa iba-iba ring dahilan o layunin ng talk o pagsasalita. Ang pakikinig at pagsasalita ay likas o pangangailangang bahagi ng isang klasrum.

Mahabang oras ang naigugugol sa pagkikinig at pagsasalita kaysa sa pagbabasa at pagsusulat na pundamental na bahagi ng pagkakatuto ng mga estudyante.

Page 13: Diskors powerpointnov21

Discourse/Diskors/Diskurso. Ito ay ang paggamit ng wika o paano ginamit o

ginagamit ang wika sa loob ng palitan ng usapan. Dahil dito magkakaroon ng iba-ibang interpretasyon ang mga salita depende sa kung paano ito ginamit. Sa paliwanag ng teoryang pragmatiks, ‘hindi lahat ng kahulugan ng sinasabi mo ay nasa salitang iyong binibitiwan kundi nasa kung paano mo ito sinasabi.’ Maaaring magkaroon ng marami o iba-ibang kahulugan ang binitiwan mong salita dahil sa paraan din ng iyong pagkasabi o pagpapahayag.

Page 14: Diskors powerpointnov21

field, layunin•mode paraan ng pag-uusap•tenor relasyon ng nag-uusap

tatlong mahahalagang dimensyon sa paggamit ng wika

Page 15: Diskors powerpointnov21

Speech Act. Ito ay isa pang komponent ng diskors o paggamit ng wika. Ang speech act sa paliwanag ni Searle (1971) ay sinasabing may iba’t ibang kasama o kaugnay na kahulugan ang mga salita o pahayag na binibitiwan ng tagapagsalita depende sa kanyang layunin. Ibig sabihin, ang akto ng utterance ay kung paano at ano ang layunin ng pagkasabi.

(Speech Acts: locutionary, illocutionary at perlocutionary)

Page 16: Diskors powerpointnov21

Classroom Discourse. Sinabi ni Nuthall, na ang terminong Classroom Discourse ay tumutukoy sa wika na ginagamit nga mga titser at estudyante sa pakikipagkomyunikeyt sa isa’t isa sa loob ng klasrum. Aniya, ang pagsasalita o kombersasyon ay ang midyum na madalas nangyayari sa loob ng klasrum. Kaya ang face-to-face na proseso ng pagtuturo ay isang klasrum diskors. Sa madaling salita, ang tinutukoy na klasrum diskors ay ang komunikasyong nagaganap sa loob ng klasrum sa pagitan ng titser at estudyante.

Page 17: Diskors powerpointnov21

Speaking and listening are the vital elements of

communication.

Therefore in any communication situation, we are both speakers and listeners.

As we exchange ideas with the persons we are talking to, we also want to listen to their reactions, comments, opinions, suggestions and questions. The better we are in performing both roles, the more effective our communication becomes (Villamarzo 2000, p.2).

Page 18: Diskors powerpointnov21

Ang Papel ng Usapang Pangklasrum/Klasrum Diskors sa Pagtuturo-Pagkatuto

Sa pamamagitan ng magandang usapang pangklasrum ang mga estudyante ay magkakaroon ng aktibong ugnayan at partisipasyon samantalang ang mga titser ay magiging tagapamagitan sa isang maliwanag at maayos na talakayan sa klase.

Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng magandang ugnayan sa isa’t isa dahil dito naipapakita at nararamdaman nila ang kahalagahan ng kanilang mga gawain sa loob ng klasrum at ipinipresenta nila ito sa harap ng kanilang titser nang walang pag-aalinlangan at buong pagkukusa.

Page 19: Diskors powerpointnov21

Sa dalawang kasanayan, ang pagkikinig at pagsasalita ay nahahasa ang isip ng bata/estudyante na mag-isip nang kritikal at umunawa nang malaliman.

Nagbibigay ng oportunidad at fleksibilidad sa mga estudyante upang magsakonteksto o magbibigay-kahulugan at mag-asimila ng mga bagong impormasyon

nagpapalawak pa ng kultura o kalinangan

Page 20: Diskors powerpointnov21

Itinataguyod ng usapang pangklasrum ang pundasyon ng literasi (Fisher, 2008). Bago pa man makasulat at makabasa ang bata ay nakapagsasalita at nakikinig na siya. Natututong manipulahin ng bata ang kanyang palibot sa pamamagitan ng kanyang mga binibigkas na salita bago pa siya natutong gumamit ng pasulat na salita. Ibig sabihin, mahalagang salik ang pagsasalita at pakikinig sa pagkatuto.

Page 21: Diskors powerpointnov21

Para kay Barnes (2008), ang pagkatuto ay hindi simpleng pagdaragdag lamang ng ilang bahagi ng impormasyon sa mga nauna nang kaalaman bagkus ang pinakamabuting pagkatuto ay sa pamamagitan ng tinatawag na working understanding at nagagawa ito sa magandang usapang klasrum

Page 22: Diskors powerpointnov21

Ipinaliwang nina Fisher at mga kasama (2008), na kapag ang mga estudyante ay hindi gumagamit ng mga salita (ibig sabihin tahimik lamang at walang pagkakataong makapagsalita dahil titser lamang ang laging nagsasalita) hindi nila nadedevelop ang kanilang akademikong diskors o mga ideya o pahayag na may kaugnayan sa itinuturo ng titser. Kaya’t sikaping ang mga estudyante ay makapagpahayag ng kanilang mga nasasaloob at nasasaisip nang sa gayon mabigyan sila ng pagkakataong masubok ang kanilang kakayahang umunawa at magpaliwanag o maging kritikal.

Page 23: Diskors powerpointnov21

Ang pagbabahaginan ng salita o palitan ng usapan ay nagpapadali o nagpapabilis sa pagkakatuto. Sa isang kaganapan sa klasrum, ang isang estudyante o ang mga estudyante ay nakakapag-reflect sa kung ano ang kanilang natutunan sa pamamagitan ng pagsusulat nang sarilinan at pagsasalita o pakikipag-usap sa kanyang kapartner sa loob ng klase.

Page 24: Diskors powerpointnov21

Kaganapan sa Loob ng Klasrum

Titser: Batay sa ating tinalakay kahapon ano nga wika? Ano ang kanyang gampanin sa sining ng komunikasyon? Anybody?Leah: (Nagpataas ng kamay) ang wika po ay instrumento ng komunikasyon?Titser: Ok, pwede bang i-elaboreyt mo pa Leah? Kung ano ang kahulugan ng wika at paano siya nagagamit upang magkaroon ng sining ng komunikasyon?Leah: uhmnn, ginagamit po ang wika sa pag-express ng mga damdamin, kaisipan, at saloobin.Titser: Ok, ano pang maidaragdag mo, Ness? Tungkol sa gamit ng wika upang magkaroon ng sining ng komunikasyon?Ness: Sa pagpapahayag ng damdamin nagagamit ang wika… uhmmnnn… dahil dito may iba-iba kang paraan ng pagpapahayag upang maipaabot ang iyong mensahe.Titser: Ok, sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon tayo ng iba-ibang ideya paano natin ipapahayag ang ating mga nasasaloob, nararamdaman at maging ang ating mga paniniwala o kaisipan sa ating kapwa. ………………

Page 25: Diskors powerpointnov21

Pagtalakay sa kwentong, Uhaw ang Tigang na Lupa:

Faith: Nauuhaw ang ina sa pagmamahal ng kanyang asawa,Joenifer: Nauuhaw din ang anak, dahil hindi na sila nagsasamang magpamilya gaya nung maliit pa siya.Jeano: Nauuhaw din naman ang ama… eh… kasiCarla: Paanong nauuhaw eh siya nga ang may ibang babae…Titser: Sige, ipagpatuloy Jin, paanong nauuhaw din ang ama sa kwento?Jeano: uuhhmmnnn pareho silang nauuhaw actually, sa pagmamahal. Dapat sa pamilya kasi may komunikasyon… eh wala silang komunikasyon, tahimik lang.. walang usapan… hindi naman pinapansin ng ina ang asawa nya, hindi rin inilabas ng dalaga ang kanyang sama ng loob… bigla na lamang silang walang kibuan…Fredie: kulang sila sa pansin… (tawanan ang grupo) eh di naman mapipilit kung ano ang gusto eh…. (ipinukol ang tingin kay Carla)Titser: kaya dapat sa magpamilya nag-uusap… nagbabahaginan ng mga nasasaloob…upang maging maayos ang samahan ng mga myembro ng pamilya… Melet: eh nainlove man ang kanyang ama be sa iba kaya un….naghanap ng iba…. Fredie: mas maganda …(tawanan)

Page 26: Diskors powerpointnov21
Page 27: Diskors powerpointnov21

Presentational talk.

Ipinapakita nito ang fangksyon ng pagsasalita sa traditional na paraan na tinatawag na IRE (teacher Initiation, student Response and teacher Evaluation or teacher Follow-Up) na pagkakasunod-sunod. Nakafokus ito sa pangangailangan ng titser kaysa sa sariling ideya ng mga estudyante. Layunin ng uri ng pagsasalitang ito ang makakuha ng sagot mula sa mga estudyante upang subukin kung gaano ang kanilang naiintindihan sa paksang itinuro.

Klasipikasyon ng Classroom Talk (Barnes,2008)

Page 28: Diskors powerpointnov21

Exploratory talk.

Ang uring ito ay nagbibigay-daan sa mga estudyante ng pagkakataon na sumubok ng mga ideya, subukin ang sariling kakayahan, matuto sa paraan ng iba at mag-ayos ng mga impormasyon at mga ideya sa ibang paraan.

Page 29: Diskors powerpointnov21

Mga Mungkahi para sa mga Titser Upang Magkaroonng Magandang Usapang Pangklasrum (Zhang, 2008)

Bilang mga titser kailangan nating magiging “more attach” sa kahalagahan ng spoken discourse o pasalitang diskors sa panahon ng interaksyon sa klasrum.

Hindi lamang tayo gaganap bilang tagapagpadala o tagapasa ng impormasyon kundi kailangan din nating maging tagagabay/konsultant.

Page 30: Diskors powerpointnov21

Matuto tayong kumilala ng iba-ibang group-based discussions bilang real o awtentikong gawain o sa madaling sabi pahalagahan natin ang mga gawaing panggrupo

Himukin natin ang ating mga estudyante na bumuo ng kanilang sariling mga tanong at magsaliksik o gumalugad ng alternatibong mga sagot.

Ang oral na mga gawain ang bibigyan ng mas malawak na pagkilala kaysa sa tradisyonal na proporsyon ng pasalita at pasulat na diskors

Page 31: Diskors powerpointnov21

Awtentikong mga tanong ang dapat nating buuin upang humikayat ng isang makabuluhang sagot at mga tanong na binuo mula sa naunang mga tugon hanggang sa malinang ito at magsusupling ng bagong kaisipan

Kung mapahuhusay natin ang kalidad ng klasrum diskors tiyak na maitataas din natin ang kalidad ng pagkatuto ng ating mga estudyante.

Page 32: Diskors powerpointnov21

Analysis/Analisis. Pag-aaral, pagsisiyasat, pagtingin nang malaliman o pagsusuri. Ayon kay Rymes (2009), ang diskors analisis ay pagsusuri kung paano ginamit o ginagamit ang wika sa usapan o pagpapahayag. Ito ay pag-aaral sa relasyon ng wika at konteksto kung saan at paano ginagamit ang wika, (McCarthy, 1991).

Ang pag-aaral ng diskors ay isang detalyadong pag-unawa sa mga pangunahing istruktura ng isang kombersasyonal na interaksyon. Ibig sabihin, ito ay masusing paglalarawan ng kombersayon

Page 33: Diskors powerpointnov21

Mga Dahilan Kung Bakit Mahalagang Magkaroon ng Classroom Discourse Analysis (Rymes, 2009)

1. Napapalalim ang pang-unawa at napahuhusay ang mutual o parehong pakikipag-intindihan ng titser at mga estudyante.

. a. hulwaran kung paano at kailan nagaganap ang turns/mga palitan sa pagitan ng titser at estudyante

b. paano ipapakilala ang paksang tatalakayin o i-introduce ang paksa

Page 34: Diskors powerpointnov21

c. paano gagamitin ang multiple/maraming wika at mga varayti ng wika

d. paano mareresolba ang hindi pagkakaunawaan lalo na sa pagkakataon ng mga pagsasalaysay ng mga kwento na naging daan ng magulong pagpapalitang-kuro.

Page 35: Diskors powerpointnov21

2. Nagbibigay daan upang maunawaang mabuti at mapagtanto ng mga titser ang pagkakaiba-iba ng usapang pangklasrum o mabago ang isteryutipo o karaniwang ayos o set-up na maging mas aktibo at masiglang klasrum . Mas nauunawaan din nang higit ang kultural na pagkakaiba at pagkakakilanlan ng mga estudyante.

Binigyang-diin ni Rymes, na importanteng magsagawa ng personal na analisis ng klasrum diskors at hindi hanggang sa pagbabasa lamang ng analisis na gawa ng iba.

Page 36: Diskors powerpointnov21

3. Nalilinang ang kakayahang akademiko/ academic achievement ng estudyante

4. Napahuhusay ang pangkalahatang karanasan at gawain ng pagtuturo at napapanatili ang pagmamahal sa propesyon bilang titser.

Page 37: Diskors powerpointnov21

Communication like culture is human necessity (Prosser, 1978)

Sa mabuting pakikipagkomunikasyon, pinapahusay ang pagbubuo ng magagandang ideya at ang mga ideyang ito ang siyang magpapalawak sa abot-tanaw na mga kabatiran, kaalaman, kamalayan at pag-unawa. Bilang isang titser hindi lamang tayo nagtuturo. Isang katotohanan din na sa parehong paraan tayo ay natututo mula sa ating mga estudyante dahil sa ating pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kanila.

Page 38: Diskors powerpointnov21

Sa pamamagitan ng pagmamahal sa ating klase/estudyante ay nauunawaan natin na ang kanilang kakulangan ay bahagi ng pagkakaiba-iba o kaibahan ng bawat indibidwal o ng bawat kultura o etnikong pangkat

ang reaktibong pagtuturo ay maaaring makamtan subalit nangangailangan lamang ito ng kagustuhan ng guro na talikuran ang isteryotipong paghahanda sa kanilang gawaing-pagtuturo, at maging tagamagitansa isang masaya, masigla, at makabuluhang talakayan.

Page 39: Diskors powerpointnov21

Bilang mga titser na puno ng pagmamahal at dedikasyon sa kanyang pagtuturo, isang mapanghamong gawain ang gumawa ng diskors analisis upang higit nating maunawaan ang mga kaharap natin sa araw-araw sa loob ng klasrum lalo na ang klasrum na ito ay nagbabago at nasa pabago-bagong kalagayan din tayo ng ating mundo, ng ating kurikulum

Page 40: Diskors powerpointnov21

Halina’t pumasok sa mundo ng diskors analisis at sisirin ang mahahalagang komponent ng ating klasrum at tuklasin ang makulay na pag-uugali ng ating mga estudyante upang magabayan silang mag-explore sa sarili nilang paningkamut

Page 41: Diskors powerpointnov21

Daghang salamatDaghang salamat