Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw...

7
Del Rosario Christian Institute

Transcript of Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw...

Page 1: Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year. 7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang

Del Rosario Christian Institute

Page 2: Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year. 7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang

Del Rosario Christian Institute

Aralin 1 ANG BANTAY NA ANGHEL NI BIANCA

Naniniwala ba kayo na tayo ay may Guardian Angel? Basahin natin ang liham ni

Bianca sa kanyang anghel.

Dear Guardian Angel,

Maraming salamat sa mga naitulong mo sa akin. Pinasasalamatan din kita sa

pagsusubaybay mo sa akin sa buong maghapon at maging sa aking pagtulog.

Tuwang-tuwa ako nang balaan mo ako na huwag sumama sa aking mga kaklase

sa Antipolo pagkatapos ng klase. Hindi naman kasi kami nakapagpaalam sa aming mga

magulang. Masama iyon, di ba? Alam mo ba ang nangyari sa kanila? Naaksidente ang

kanilang sasakyan at sila ay nasaktan. Ilang araw din silang hindi nakapasok sa paaralan.

Agad akong nagpunta sa aming altar at nagpasalamat sa pagkaligtas ko.

Noong minsan naman, inakay mo ako sa lugar kung saan nahulog ang aking

pitaka.Iyak ako nang iyak dahil naroon ang pambayad ko sa proyekto naming sa

Scouting.Mabuti na lamang at narinig mo ako noong tinatawagan kita.

Siyanga pala, salamat sa pagbabantay mo sa akin habang ako ay nagbabalik-aral sa

aming pagsusulit.Hindi ako inantok agad. Marami akong napag-aralan kaya mataas ang

mga marka ko.Samahan mo uli ako sa susunod na pagsusulit ha?

Hindi ko malilimutan nang tulungan mo akong maging matatag habang nasa

pagamutan ang aking ama. Siya ay inatake sa puso at namalagi roon nang ilang araw.

Alam mo, habang nasa ospital si tatay, si nanay ang nagbabantay sa kanya roon. Ako ang

nag alaga at nag-asikaso sa aking dalawang nakababatang kapatid. Mabuti na lamang at

dumating ang isa kong tiyahin kaya may nakasama na kami sa bahay. Nagagalak siya

dahil maaasahan daw pala ako.

Lagi kaming nagdarasal sa Diyos. Hinihiling namin sa kanya na pagalingin Niya

ang aming ama. Ano ang nangyari? Nalagpasan ni Tatay ang krisis. Magaling na siya at

masayang-masaya na kami ngayon.

Salamat sa pamamalagi mo sa tabi ko sa iba't ibang pagkakataon at sa pagtuturo

mong na manalig akong lagi sa Poong Maykapal. Hindi ko iyon kalilimutan.

Matapat na sumasainyo,

Bianca

Page 3: Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year. 7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang

Del Rosario Christian Institute

Linangin ko

A. Basahin ang mga salita.

B. Sagutan ang mga tanong.

1. Sino ang sinulatan ni Bianca?

_________________________________________________________________

__________________________________________________________________

2. Bakit niya ito sinulatan?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

3. Paano siya nailigtas sa aksidente?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

4. Bakit siya nakakuha ng mataas na marka sa pagsusulit?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

5. Bakit siya umiyak nang nawala ang pitaka niya?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

6. Bakit na ospital ang kanyang ama?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

7. Anu-ano ang ginawa niya noong nasa ospital ang kanyang ama at ina?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

8. Bakit sila masaya ngayon?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

9. Ano ang nakatulong upang gumaling ang kanilang ama?

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

10. Naniniwala ka ban a mayroon kang bantay na anghel? Bakit? _____________

Balaan nagagalak pagamutan

krisis nananalig pagsubaybay

matatag namalagi

Page 4: Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year. 7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang

Del Rosario Christian Institute

Pag-aralan

Ang Panghalip at mga Uri nito

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa binasa mong liham ?

Anu-ano ang mga iyon?

Alam mo ba ang tawag sa mga salitang binanggit mo?

Panghalip na Panao

Ang panghalip na panao ay mga panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng tao. (MO,

KITA, AKIN, IKAW, AKO, at NAMIN). Sa Ingles, ito ay ang personal pronoun

Page 5: Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year. 7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang

Del Rosario Christian Institute

TANDAAN Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa ngalan ng tao. Ito ay may tatlong

panauhan. Ang unang panauhan ay ipinapalit sa taong nagsasalita. Ang Ikalawang

panauhan ay ipinapalit sa ngalan ng taong kinakausap. Ang Ikatlong panauhan ay

ipinapalit sa ngalan ng mga taong pinag-uusapan.

Bukod sa tatlong panauhan, may tatlong kailanan din ang panghalip ito ay ang

isahan, dalawahan, at maramihan.

Pagsasanay 1

A. Bilugan ang panghalip panao sa mga pangungusap.

1. Ang kanyang liham ang ipinadala sa Canada.

2. Tayo raw ang magiging patrol lider sa kamping,

3. Ako ay laging kumakain ng mga gulay at prutas.

4. Sila ba ang mga kasapi ng Kabataang Barangay?

5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit.

6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year.

7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang pasyente sa kanilang bahay.

8. Ang mga kasama namin sa pangkat ay mga taga Pasig City.

9. Si Presidente Joseph Estrada ang iimbitahin natin sa ating Palatuntunan.

10. Dumalaw sa aking lola ang mga kamag-anak sa lalawigan.

Pagsasanay 2

B. Palitan ng nararapat na panghalip panao ang mga salitang nasa loob ng

panaklong.

Isulat ang sagot sa patlang sa unahan ng bilang.

1. Nakita mo ba (si Alyanna) sa Robinson's Galleria?

2. Kukumbidahin mo ba (si Rachelle) sa iyong kaarawan?

3. (lkaw at ang iyong kapatid) ay laging nagrorosaryo bago matulog.

4. Sina Robert, Raymond at Ronald) ay naglalaro ng computer games.

5. Ang proyekto ang kausap) ang nakakuha ng pinakamataas na marka.

Page 6: Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year. 7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang

Del Rosario Christian Institute

Panghalip na Pananong

Ang Panghalip na pananong ay mga salitang ipinapalit sa pangngalan na ginagamit sa

pagtatanong. Ito ay maaaring isahan o maramihan. panghalip na siyang ginagamit panghalili sa ngalan

ng tao, bagay, pangyayari, pook, at iba pang pangngalan.

1. Sino at Kanino – Ito ay ginagamit para sa tao.

Sino ang kukuha ng ulam na binili sa palengke?

Kanino mo ibibigay ang bulaklak na iyan?

2. Ano – Ito ay ginagamit para sa hayop, bagay, katangian, pangyayari, at ideya.

Ano ang ibinigay ni Roman sa’yo bilang regalo?

Ano ang pagdiriwang bukas?

3. Kailan – Ito ay ginagamit pangtanong tungkol sa petsa at panahon.

Kailan uuwi si Oscar?

Kailan magbibigay ng pera pambayad ng ilaw si Danilo?

4. Saan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar.

Saan pupunta ang mag-amang Mang Terio at Felimon.

Saan mo ipapadala ang pasalubong?

5. Bakit – Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan.

Bakit mo pinayagang umalis si Cardo?

Bakit hindi agad nakarating ang bayad ni Pilar?

6. Paano -Ito ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pamamaraan.

Paano niya tinanggap ang pagkawala ng asawa niya?

Paano lulutuin ang adobo?

7. Ilan – Ito ay ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang.

Ilang bote ng suka ang ipinapabili ng nanay?

Ilang bata ang sasama sa lakbay aral?

8. Alin – Ito ay ginagamit sa pagpapapili.

Alin ang gusto mo, ang relo o ang sapatos?

Alin sa kambing at baboy ang nais mo ihain sa mga bisita?

Kayang- kaya ko

A. Punan ng wastong panghalip pananong ang mga patlang.

1._________ang binuburdahan mong panyo?

2._________kilo ang bibilhin mong bigas?

3.__________ka nakatira?

4. _________ ang pangalan mo?

5._________ ang kasama mong maligo sa dagat?

Page 7: Del Rosario Christian Institute...5. Ibabalita ng guro sa inyo ang resulta ng pagsusulit. 6. Ikaw pala ang napiling Outstanding Student of the Year. 7. Inihatid ni Dra. Romualdez ang

Del Rosario Christian Institute

6. ____________ibibigay ang tropeo sa Timpalak sa Pagbaybay

7.____________ipinagdiriwang ang Araw ng kalayaan?

8.____________mga bansa naglakbay ang mga pangulo at unang ginang ng bansa?

9. ___________ang kalihim ng Edukasyon at Sports?

10.__________ang mga dadalhin sa fieldtrip?

Panghalip na Pamatlig

Basahin ang mga pangungusap

1.” Heto, may napitas akong mga bulaklak” ang sabi ng batang lalaki.

2. Dito sila pinuntahan ng dalawang matandang babae.

Ang panghalip na pumapalit sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo ay tinatawag na panghalip na pamatlig. 1. Unang Panauhan - Kung ang bagay na itinuturo ay malapit sa nagsasalita ginagamit natin ang mga salitang ito, ire, nito, nire, ganito, ganire, dito, dine, at heto. 2. Ikalawang Panauhan- Kung ang itinituro ay malapit sa nagsasalita at taong kinakausap, ginagamit natin ang iyan, niyan, ganyan, diyan, o hayan. 3. Ikatlong Panauhan- Kung ang itinuturo ay malayo sa mga nag-uusap o sa nagsasalita at kinakausap ginagamit natin ang iyon, hayun, doon, ganoon, o niyon. Pagsasanay

Tukuyin kung ang panghalip pamatlig ay una, ikalawa, o ikatlong panauhan.

1. Dito natin ilalagay ang mesa. ____________________ 2. Nakita bo ba iyong ulap na mukhang barko? _________________ 3. Ganire tinutupi ang mga medyas._______________________ 4. Diyan ko nakita ang hikaw ni Amelia._________________ 5. Ganyan katamis ang pinya sa Bukidnon.___________________ 6. Gumawa na nito si Josefina para sa kanyang proyekto.______________ 7. Heto yung bangka na ginawa nina Nilo at Edward. ________________ 8. Hayun ang saranggola ni Minerva. ___________________ 9. Doon sa palasyo nakatira hari at reyna. ___________________ 10. Iyan ang susuotin ko sa Linggo.______________________