Del Rosario Christian Institute · 2020. 9. 1. · Yunit 1 ( Lahing Pilipino, Ipagmamalaki ko)...
Transcript of Del Rosario Christian Institute · 2020. 9. 1. · Yunit 1 ( Lahing Pilipino, Ipagmamalaki ko)...
Del Rosario Christian Institute
Teacher Lyanne Ortua
Del Rosario Christian Institute
Yunit 1 ( Lahing Pilipino, Ipagmamalaki ko)
Aralin 1 (Diptonggo)
Del Rosario Christian Institute
Sa kwentong babasahin hanapin ang mga salitang may diptonggo
May isang Leong mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno nang may lumapit
ditong isang Daga. Inakala ng Daga na tuyong damo ang buhok ng leyon kaya kinutkut-kutkot
niya ito. Nagising ang Hari ng kagubatan at mabilis na umiktad at dumamba-damba na
ikinahulog ng pobreng Daga. Dali-daling sinakmal ng matutulis na kuko ng Leon ang
gumambala sa kaniyang pagtulog.
“Pa… patawarin ninyo ako, mahal na Hari. Hindi ko sinasadya ang paggambala sa inyong
pagtulog. Marami po ang mga anak ko na dapat pakainin. Kung mapapalaya ninyo ako ay
tatanawin ko itong malaking pagkakautang. Makakabayad din po ako sa inyo sa hinaharap.”
“Hindi man lang ako mabubusog kung kakainin kita. Sige, makalalaya ka na!”
Isang araw ay makikitang paikut-ikot sa gubat ang Leon. Naghahanap siya ng pagkain sa
pananghalian. Nang matanawan ang nakabiting inihaw na tapa ng Usa sa isang puno ng akasya
ay dali-dali itong nagtatakbo. Sa kasamaang palad, bitag pala iyon ng mga mangangaso.
Nakulong sa makakapal na lubid ang Hari ng kagubatan. Hindi siya makawala sa bitag. Pinilit
niyang magdadamba pero napatali pati mga paa niya. Walang nagawa ang lakas ng Hari.
Del Rosario Christian Institute
Nagkataong nagdaraan ng tanghaling iyon ang Daga kasama ang kaniyang mga anak. Naisip ng
Inang Daga ito ang oras na kailangang bayaran niya ang pinagkakautangan ng buhay.
Dali-daling lumapit ang Daga at pinagngangatngat ang makapal na lubid sa paa ng Leyon.
Inutusan niya ang mga anak na ngatngatin naman ng mga ito ang makakapal na lubid sa ulunan
ng Hari. Sa tulung-tulong na pagkagat sa mga lubid ay napalaya ng mga Daga ang Leon.
“Dati-rati ay minaliit ko ang katauhan mo,” pagpapakumbaba ng Leon.
“Totoo nga pala na kung may malalaking nakakatulong sa maliliit ay makatutulong din ang maliliit sa isang higanteng katulad ko.”
Naging matalik na magkaibigan ang Daga at ang Leon magmula noon.
Aralin 2 (Diing Malumay at Mabilis)
Naiba ang kahulugan ng salita ayon sa bigkas nito. Dapat na maging malinaw at may
wastong diinang ang salita upang higit itong maintindihan.
Ang diin ay maaaring malumay o mabilis.
MALUMAY ang bigkas ng mga salita kung ang mga salita ay nilalagyan ng diin sa ikalawang
pantig mula sa hulihan, banayad at walang antala sa huling pantig, walang kudlit, at maaaring
magtapos sa katinig o patinig.
Mga Halimbawa:
kasama
bunga
malaya
talino
katapatan
tunay
kaibigan
karangalan
paggalang
mayumi
Del Rosario Christian Institute
MABILIS ang bigkas ng mga salita kapag ang mga ito ay binibigkas ng tuloy tuloy, may diin
sa huling pantig, at walang impit o pasarang tunog sa hulihan, karaniwang nagtatapos sa patinig
at ginagamitan ng tuldik na pahilis ( / ) sa ibabaw ng huling pantig.
Mga Halimbawa:
bagsik
damo
ganda
malakas
saksak
ubo
isa
lagnat lakas
Basahin ang isang sanaysay at piliin ang mga salitang malumay at salitang
mabilis
Del Rosario Christian Institute
Paano mo malalaman na siya nga ay tunay na kaibigan?
Ang tunay na kaibigan ay karamay mo kahit saan.
Hindi sapat ang palaging pagsasama para sabihing kaibigan moang isang tao.
Muli ay isa sa mga likas na katangian na nagbibigay ng una sa isang tao at mabuting
kaibigan sa ibang pagkakataon. Ang isang tao na walang hanggan ay sumusuporta at
naghihikayat ng mga tao ay gagawa para sa isang mabuting kaibigan lamang sa mga positibong
vibes na dala nila. Pinahahalagahan kahit na ang pinakadulo ng pag-unlad sa iyong karera, na
naghihikayat sa iyo ng higit sa sapat sa pagtaguyod ng iyong pagnanasa o isang bagay na kasing
simple ng pagreklamo sa iyo sa iyong hitsura ay maaaring pumunta sa isang mahabang paraan
sa pag-iilaw at pagliliwanag sa araw. Gagawin nila ang iyong kalooban at dadalhin ka sa isang
mas maligaya, mas nakakatuwang puwang na kung ano mismo ang nais mo mula sa
pinakamahalagang relasyon sa iyong buhay. Sa pamamagitan lamang ng kanilang pagiging
positibo, ang pagiging isang tagasuporta ay maaaring isalin din sa pagiging isang mabuting
kaibigan din.
Pahalagahan ang tunay na pagkakaibigan at magpasalamat sa isang mabuting kaibigan.