DAKILANG MIGRANTE · pataka (labour card); walang food allowance, hindi maayos ang pabahay at...

2
OPISYAL NA BULETIN NG MIGRANTE INTERNATIONAL | UNITED ARAB EMIRATES DAKILANG MIGRANTE MIGRANTE INTERNATIONAL UNITED ARAB EMIRATES Ang MIGRANTE-UAE ay may layuning isulong ang kagalingan at karapatan ng Migranteng Pilipino (OFW’s) sa United Arab Emirates. Itinatag nuong Hulyo 2003, ang Migrante ay kabilang sa malawak na network ng MIGRANTE INTERNATIONAL na may sangay sa iba’t-ibang bansa. Dubai, UAE – Wala man nakuhang libreng tiket mula sa Konsulado ng Pilipinas at POLO-OWWA nakauwi na rin kamakailan ang 11 manggagawang inonse ng kanilang ahensiya at kumpanyang pinagtrabahuan. Nangutang na lang sa mga kaibigan at mga kamag-anak sa Pilipinas ang mga manggagawang nagsampa ng demanda sa Dubai Labour Ministry laban sa Batimat Building Materials LLC, isa sa mga sub-contractor na gumagawa sa matayog na Infinity Tower sa Dubai Marina. Halos tatlong buwan silang hindi sinahuran; namalimos sa mga kababayan at nanghingi ng mga itatapon sanang ulo ng isda para may makain; hindi ibinigay ang kanilang pataka (labour card); walang food allowance, hindi maayos ang pabahay at walang medical assistance; pinalitan ang kanilang kontrata - ibinaba ang kanilang sahod mula 1,500 dirhams kada buwan, ginawa na lang itong 1,200 dirhams; at sinabihan na huwag nang pumasok kung hindi pipirma sa “bagong” kontrata. Hinarap naman ng manedsment ng Batibat sa opisina ng Labour ang mga manggagawang sina George L. Canas, 48; Eddie Simbario, 48; Moises Estibar, 25; Gilbert Tangco, 42; Romeo Parane, 41; Francisco Teñoso; Felix T. Buaya; Percival Cardel; Elmer Imperador, 35; Rolando Soriano, 39; Rodrigo Atiensa, 44. Naibalik ang kontrata sa 1,500 dirhams subalit wala pa ring sahod at nagsimulang maghigpit ang kumpanya at sa huli nakatanggap sila ng memo na tanggal na sila sa trabaho. Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, dismayado 11 OFW inonse, nakauwi na isyu bilang 5 - Mayo 15 2010 ang 11 manggagawa na mabagal ang pagtulong sa kanila ng Konsulado at POLO-OWWA. Humingi na sila ng tulong sa Migrante-UAE at Human Rights Department ng Dubai na agad namang umaksiyon. Ilang beses na lumiham ang Migrante-UAE sa POLO-OWWA upang magkaroon ng diyalogo subalit hindi naman ito tinugunan ng naturang ahensiya. Ilang beses pang nagpapabalik-balik sa POLO- OWWA ang 11 manggagawa at hindi rin tinantanan ng Migrante ang pag-asikaso sa kanilang kaso. Sa huli, napilitan na lang mangutang ang mga manggagawa sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan para makauwi lang dahil kanselado na ang kanilang visa. Pinayuhan naman ng Migrante ang mga manggagawa na sampahan ng kaso ang Saveway International Manpower na nagrekluta sa kanila sa Pilipinas para mabawi ang ibinayad nilang P37,000 placement fee dahil bagamat nakauwi na sas Pilipinas ang mga inonseng manggagawa, utang sa 5-6 naman ang kanilang kakaharapin. # 04 07 10 Partisipasyon ng mga OFW sa UAE sa 2010 eleksyon? Source: Committee on Overseas Absentee Voting, Commission on Elections | OAV = Overseas Absentee Voters Alam mo ba? Nagparehistrong OAVs sa UAE Bumotong OAVs sa UAE 11,717 Nagparehistrong OAVs sa UAE 35,304 Bumotong OAVs sa UAE Bumotong OAVs sa UAE 3,604 7,919 (10.2%) (16.6%) Nagparehistrong OAVs sa UAE 47,665 2010 2007 2004 (55.2%) 21,236 Makibahagi at matuto. Dumalo sa Migrants Forum June 18,2010 Al Nasr Leisureland

Transcript of DAKILANG MIGRANTE · pataka (labour card); walang food allowance, hindi maayos ang pabahay at...

Page 1: DAKILANG MIGRANTE · pataka (labour card); walang food allowance, hindi maayos ang pabahay at walang medical assistance; pinalitan ang kanilang kontrata - ibinaba ang kanilang sahod

OPISYAL NA BULETIN NG MIGRANTE INTERNATIONAL | UNITED ARAB EMIRATES

DAKILANGMIGRANTE

MIGRANTEINTERNATIONALUNITED ARAB EMIRATES

Ang MIGRANTE-UAE ay may layuning isulong ang kagalingan at karapatan ng Migranteng Pilipino (OFW’s) sa United Arab Emirates. Itinatag nuong Hulyo 2003, ang Migrante ay kabilang sa malawak na network ng MIGRANTE INTERNATIONAL na may sangay sa iba’t-ibang bansa.

Dubai, UAE – Wala man nakuhang libreng tiket mula sa Konsulado ng Pilipinas at POLO-OWWA nakauwi na rin kamakailan ang 11 manggagawang inonse ng kanilang ahensiya at kumpanyang pinagtrabahuan.Nangutang na lang sa mga kaibigan at mga kamag-anak sa Pilipinas ang mga manggagawang nagsampa ng demanda sa Dubai Labour Ministry laban sa Batimat Building Materials LLC, isa sa mga sub-contractor na gumagawa sa matayog na Infi nity Tower sa Dubai Marina.Halos tatlong buwan silang hindi sinahuran; namalimos sa mga kababayan at nanghingi ng mga itatapon sanang ulo ng isda para may makain; hindi ibinigay ang kanilang pataka (labour card); walang food allowance, hindi maayos ang pabahay at walang medical assistance; pinalitan ang kanilang kontrata - ibinaba ang kanilang sahod mula 1,500 dirhams kada buwan, ginawa na lang itong 1,200 dirhams; at sinabihan na huwag nang pumasok kung hindi pipirma sa “bagong” kontrata.Hinarap naman ng manedsment ng Batibat sa opisina ng Labour ang mga

manggagawang sina George L. Canas, 48; Eddie Simbario, 48; Moises Estibar, 25; Gilbert Tangco, 42; Romeo Parane, 41; Francisco Teñoso; Felix T. Buaya; Percival Cardel; Elmer Imperador, 35; Rolando Soriano, 39; Rodrigo Atiensa, 44.Naibalik ang kontrata sa 1,500 dirhams subalit wala pa ring sahod at nagsimulang maghigpit ang kumpanya at sa huli nakatanggap sila ng memo na tanggal na sila sa trabaho.Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan, dismayado

11 OFW inonse, nakauwi na

isyu bilang 5 - Mayo 15 2010

ang 11 manggagawa na mabagal ang pagtulong sa kanila ng Konsulado at POLO-OWWA.Humingi na sila ng tulong sa Migrante-UAE at Human Rights Department ng Dubai na agad namang umaksiyon. Ilang beses na lumiham ang Migrante-UAE sa POLO-OWWA upang magkaroon ng diyalogo subalit hindi naman ito tinugunan ng naturang ahensiya.Ilang beses pang nagpapabalik-balik sa POLO-OWWA ang 11 manggagawa at hindi rin tinantanan

ng Migrante ang pag-asikaso sa kanilang kaso.Sa huli, napilitan na lang mangutang ang mga manggagawa sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan para makauwi lang dahil kanselado na ang kanilang visa.Pinayuhan naman ng Migrante ang mga manggagawa na sampahan ng kaso ang Saveway International Manpower na nagrekluta sa kanila sa Pilipinas para mabawi ang ibinayad nilang P37,000 placement fee dahil bagamat nakauwi na sas Pilipinas ang mga inonseng manggagawa, utang sa 5-6 naman ang kanilang kakaharapin. #

04 07 10

Partisipasyon ng mga OFW sa UAE sa 2010 eleksyon?Source: Committee on Overseas Absentee Voting, Commission on Elections | OAV = Overseas Absentee Voters

Alam mo ba?

NagparehistrongOAVs sa UAE

BumotongOAVs sa UAE

11,717

NagparehistrongOAVs sa UAE

35,304

BumotongOAVs sa UAE

BumotongOAVs sa UAE

3,604 7,919(10.2%) (16.6%)

NagparehistrongOAVs sa UAE

47,665

201020072004

(55.2%)

21,236

Makibahagi at matuto. Dumalo saMigrantsForumJune 18,2010

Al Nasr Leisureland

Page 2: DAKILANG MIGRANTE · pataka (labour card); walang food allowance, hindi maayos ang pabahay at walang medical assistance; pinalitan ang kanilang kontrata - ibinaba ang kanilang sahod

E D I T O R Y A L

OPISYAL NA BULETIN NG MIGRANTE INTERNATIONAL | UNITED ARAB EMIRATES isyu bilang 4 - Abril 30 2010DAKILANGMIGRANTE

Matatapos na rin sa wakas ang panunungkulan ng pinaka-hindi-popular na presidente sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa pagpasok ng administrasyon ni Sen. Noynoy Aquino, na naluklok dahil sa sentimentong kontra-Arroyo, may aasahan kayang magandang kinabukasan ang mga migranteng Pilipino?Hindi pa man nakakaupo sa puwesto si Aquino kailangang ipaalala na agad natin sa kanya ang kanyang malaking responsibilidad sa mamamayang Pilipino lalo pa’t makailang ulit niyang ipinagyabang sa kanyang mga patalastas na dadalhin niya ang ating bansa sa daang matuwid.Partikular para sa ating mga migranteng Pilipino, kailangang ilatag agad ni Aquino sa unang 100 araw ng kanyang anim na taong termino ang kumprehensibong programa sa paglikha ng trabaho sa Pilipinas para hindi na kailangan mangibang-bansa ang milyun-milyong Pinoy.Kailangan niyang ibasura ang lahat ng polisiyang kontra-OFW tulad ng Labor Export Program na nagbubugaw sa mga manggagawang Pilipino tulad ng isang pangkaraniwang kalakal sa ibang bansa. Kailangan din niyang bigyang atensiyon ang kalunos-

lunos na kondisyon ng mga minaltratong OFW at bigyang proteksiyon ang mga tinaguriang “bagong bayani.”Kailangan niyang baguhin ang mga polisiyang lalong nagpapalubog sa ekonomiya ng Pilipinas tulad ng liberalisasayon, pribatisasyon at deregulasyon ng mga industriyang dapat sana’y pag-aari ng estado at mga mamamayan, hindi ng mga dambuhalang korporasyon na pagkamal lamang ng malaking tubo ang tanging nais.Kailangang patunayan ni Aquino na tutuparin niya ang kanyang pangakong paparusahan ang mga taong nandambong sa ekonomiya ng ating bansa at mga nagpatupad ng pampulitikang panunupil at extra-judicial killings.Kailangan niyang tugunan ang matagal nang panawagan ng iba’t ibang sektor ng lipunang tulad sapat na trabaho at nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa at tunay na repormang agraryo para sa mga magsasaka. Maari niya itong simulan sa kanya mismong bakuran – ang Hacienda Luisita.Sa dami ng problema ng ating bansa at sa dami ng kanyang mga pangako noong nakaraang kampanya, hindi na kailangan magkaroon pa ng tinatawag na “honeymoon stage” sa bagong uupong Presidente.Kung tinawag na pekeng presidente si Arroyo, huwag naman sana siyang maging pekeng pag-asa. #

Hinamon ng grupo ng mga kabataan si president-elect Noynoy Aquino na magsalita laban sa pagtaas ng matrikula bilang katuparan sa kanyang mga pangako sa mga kabataan noong nakaraang halalan.“Binaha tayo ng mga pangako ng mga kandidato habang sila’y nangangampanya, ngayon kailangang patunayan ng mga nanalong kandidato – partikular na ni Noynoy - na tutuparin nila ang kanilang mga pangako,” ani Einstein Recedes, presidente ng NUSP (National Union of Students of the Philippines).Binatikos naman ng grupo ni Recedes ang “kahinaan ng CHED (Commission on Higher Education) na pigilan ang mga kolehiyong magtaas ng matrikula dahil karamihan sa mga ito’y hindi nagsagawa ng malayang konsultasyon sa mga estudyante at magulang.”Ayon kay Recedes, pinaalala na umano nila sa CHED noon pang Marso na kailangang kastiguhin ang mga eskuwelahang lumabag sa proseso ng pakikipag-konsultasyon.Hindi rin umano inilabas ng CHED kung anu-anong paaralan ang pinayagan nilang magtaas ng matrikula.Iniulat kamakailan ng CHED na pinayagang nitong magtaas ng matrikula ang 339 kolehiyo – 337 sa mga ito ay pribado; dalawa naman ang pampubliko.Ipinaliwanag ni Recedes na tiyak marami na namang kabataan ang hindi makakapag-aral.Aniya, batay sa imbestigasyon ng UNESCO, 73% ng mga kabataan sa Pilipinas ang nagsabing napilitan silang huminto sa pag-aaral dahil sa mataas na presyo ng edukasyon.”“Dahil sa istatistikang ito, patunay lamang na walang ginagawa ang pamahalaan para ayusin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa,” dagdag ni Recedes.#

Hamon kay Noynoy Noynoy hinamong tutulan ang pagtaas ng matrikula

B a l i t a n g P i l i p i n a sB a l i t a n g P i l i p i n a sB a l i t a n g P i l i p i n a s

MIGRANTEINTERNATIONALUNITED ARAB EMIRATES

Para sa karagdagang impormasyon, suhestiyon o kontribution sumangguni sa:+971 50 423 8851 Nhel Morona | [email protected] | http://migranteuae.multiply.com/Facebook group search: Migrante UAE

MAAARI LAMANG PO NA PAKIPASA SA IBANG KABAYAN ANG BULETIN NA ITO PAGKATAPOS BASAHIN

Tulad ng maraming botante sa Pilipinas, maraming botante rin sa Dubai ang nagalit at nainis dahil wala ang kanilang mga pangalan sa listahan ng Comelec (Commision on Elections).Isa sa mga hindi nakaboto dahil wala ang kanyang pangalan sa talaan si Noel Tolentino, tagapangulo ng Migrante-UAE.Bumiyahe pa ng mahigit 90 kilometro mula Ras Al Khaimah patungo ng Konsulado ng Pilipinas sa Al Ghusais, Dubai si Tolentino ngunit nauwi lang sa wala ang kanyang pagod na makalahok sa OAV (overseas absentee voting).Inireklamo ni Tolentino sa Konsulado bakit nawala

Migranteng botante nagalit, nainis

Aktibong lumahok ang Migrante-UAE sa taunang blood-letting campaign ng kapatirang APO (Alpha Phi Omega) noong ika-7 ng Mayo sa Al Wasl Hospital, Oud Metha Rd, Al Jadaf, Dubai.Lubhang natuwa si Choy Reyes, presidente ng APO-UAE Alumni Association, sa mainit na pagtugon ng Migrante at ng iba pang mga samahan tulad ng SRB-UAE (Scout Royal Brotherhood) Alumni Association sa kanilang panawagan.Sentrong imbakan ng dugo ang Blood Donation Center sa Al Wasl Hospital para sa mga ospital ng Dubai Department of Health, Thalassemia Centre, Trauma Centre at iba pang pribadong opital sa UAE.

Samantala, nakipagtalakayan naman ang Migrante-UAE sa mga kasapi ng KKB (Kabayan Kabit Bisig)sa kanilang pangkalahatang pagpupulong sa Al Safa Park kamakailan.Tinalakay nina Yuri Cipriano, pangalawang pangulo, at Nhel Morona, pangkalahatang kalihim ng Migrante-UAE, ang mga batayang karapatan ng migranteng Pilipino at ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos para igiit at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.Ayon kay Morona, “isinasagawa ng Migrante-UAE ang iba’t ibang porma ng pakikipag-alyansa sa iba’t ibang organisasyon para isulong ang karapatan at kagalingan ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa.” #

SAGIP MIGRANTE - Migrante-UAE nakibahagi sa serbisyo publiko

ang kanyang pangalan sa listahan gayong nandoon naman ang mga pangalan ng kanyang mga kasambahay na kasabay niyang nagparehistro noong nakaraang taon.Sa kabuuan, 16.6% o 7,919 mula sa 47,665 rehistradong botante sa buong UAE ang lumahok sa OAV. Samantala, nagreklamo naman ang ilang mga mamamahayag na pinagbawalan ng Konsulado na kumuha ng litrato at video footage sa loob ng mga presinto noong huling araw ng botohan.Dismayado ang mga mamamahayag dahil sa Dubai lang umano ito nangyari at hindi naman pinagbawalan sa Embahada sa Abu Dhabi at iba pang mga Konsulado sa Gitnang Silangan ang media na malayang nakapag-monitor sa halalan. #