DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

22
1 DAKILANG KAPISTAHAN NG Taunang paggunita sa pagtatalaga ng SIMBAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA

description

Taunang Paggunita sa pagtatalaga ng altar at bahay dalanginan para sa Diyos

Transcript of DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

Page 1: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

1

PASIMULA

DAKILANG KAPISTAHAN

NG Taunang

paggunita sa

pagtatalaga ng

SIMBAHAN NG MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA

Page 2: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

2

Tagapagsalita:

Sa gabing ito ating ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ng Pagtatalaga ng Dambana at Bahay-Dalanginan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Fatima para sa Diyos.

Ika-anim ng Nobyembre, taong isanglibo siyamnaraan at siyamnaput siyam, dalawampung-taon na ang nakararaan ng italaga sa Diyos ang simbahan na ito sa pamumuno ng Lubhang Kgg: Obispo Cirilo R. Almario. Jr. DD. Obispo Emerito ng Malolos kasama ang namayapang Kura Paroko Rev. Msgr. Jose R. Agilan Jr. na siyang kura paroko noong taon na iyon.

Ang pagtatalaga ng simbahan ay ang pagpapahayag ng pamamalagi ng Diyos sa gitna ng kanyang bayan. Ito ay paalala sa ating lahat na Siya’y buhay at nananahan kasama natin.

Bilang simbahan na buhay at naglalakbay patungo sa tahanan ng ating Ama, Magsitayo po ang lahat, makiisa sa pag-sagot at pag-awit para sa panimula ng ating pagdiriwang.

AWITING PAMBUNGAD

PAGBABASBASR. Javellana, SJ - J. Arboleda - M. Francisco, SJ

1. Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa,Ang sansinukuban ay ‘di sukat sa ‘Yong kadakilaan.

Ano pa kaya itong abang tahanan?

2. Ngunit Ikaw ang Ama na sa ami’y nagkalinga sa harap ng ‘yong dambana,

Kaya sasamo ng madla magdalang habag Ka.

Koro:Pumanaog Ka, Poon, sa tahanang Iaan sa ‘Yong kal’walhatian

Puspusin Mo ng biyaya ang dumudulog sa ‘yong dambana.

PARI (P): Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Page 3: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

3

BAYAN (B): Amen.

P: Sumainyo ang Panginoon.B: At sumaiyo rin!

PAMBUNGAD NA PANANALITA

P: Mga kapatid, tuwing sasapit ang ika-anim ng Nobyembre isa sa pinaka mahalagang araw para sa atin bilang isang sambayanan at parokya ay ang taunang paggunita sa pagtatalaga sa dambana at bahay- dalanginan na ito para sa Diyos, para sa ikababanal ng kanyang sambayanan.

Bakit mahalaga ito? Sapagkat ito'y pagpapakita na tayong lahat bilang isang simbahan ay itinatalaga sa Panginoon. Ang simbahang gusali ay simbolo lamang ng tunay na simbahan ang mga tao. Katulad ng paalala ng Panginoon, huwag lamang ang panlabas ang bigyang pansin, linisin din ang puso at kalooban, kaya mga kapatid upang tayo ay maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang pagsisihan natin ang ang mga kasalanan.

PAGSISISI SA KASALANAN

P & B: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita,

sa gawa at sa aking pagkuku-lang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

P: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang

hanggan.

B: Amen.

LITANYA NG PAPURI

P: Panginoon, kaawaan mo kami.

Page 4: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

4

B: Panginoon, kaawaan mo kami. P: Kristo, kaawaan mo kami. B: Kristo, kaawaan mo kami. P: Panginoon, kaawaan mo kami.

Aawitin ang papuri sa Diyos.

PAPURI SA DIYOS SA KAITASAN

P & B: Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa’y ka-payapaan sa mga taong

kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,

pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan.

Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng

Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng san- libutan, maawa ka sa amin.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming

kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka

sa amin. Sapagka’t ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos

Ama. Amen.

PANALANGIN PAMBUNGAD

Page 5: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

5

P: Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, taun-taon ay sinasariwa mo ang araw araw na pagtatalaga ng bahay-dalanginang ito.Dinggin mo ang mga panalangin ng iyong sambayananat ipagkaloob mong ikaw ay laging mapaglingkuran dito

nang dalisayat sumaamin nawa ang lubos na kaligtasansa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B: Amen.

C: Magsiupo tayo para sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Page 6: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

6

Unang Pagbasa (Umupo)

Sa Unang pagbasa inilalarawan ni Juan na naninirahan ang Diyos sa piling ng mga tao at ibinubuhos niya sa mga ito ang kanyang kaligayahan. Ang mga pagtitiis na kaakibat ng buhay, ang pagpapahirap sa mga martir, ang panloob na hapdi ng mga makasalanang nagsisisi ang lahat na ito’y may katapusan din at ito’y matatagpuan sa kalooban ng puso ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ng Pahayag (21:1-5a)

AKONG SI JUAN ay nakakita ng isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa; wala na rin ang dagat. At nakita ko ang Banal na Lunsod, ang bagong Jerusalem, bumababang galing sa langit buhat sa Diyos, gaya ng babaing ikakasal, gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan siyang kasama nila, at sila’y magiging bayan niya. Makakapiling nila nang palagian ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila. At papahirin niya ang kanilang mga luha. Wala nang kamatayan, dalamhati, pag-iyak, at sakit sapagkat lumipas na ang dating mga bagay." Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, “Ngayon, binabago ko ang lahat ng bagay!"

Ang Salitâ ng Diyós!

B: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN (Pahayag 21:3b)

Ang Diyos ay nananahanSa piling ng kanyang bayan.

1. Nasasabik ang lingkod mong sa patyo mo ay pumasok,/ Ang buo kong pagkatao’y umaawit na may lugod,/Sa masayang pag-awit ko pinupuri’y buhay na Diyos,/

2. Panginoon, sa templo mo, mga maya’y nagpupugad,/

Page 7: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

7

maging ibong layang-layang sa templo mo’y nagagalak./may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar;O Poon, hari namin at Diyos na walang kupas.

3. Mapalad na masasabi, silang doo’y tumatahan/ At palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan./Basbasan mo, Panginoon, yaong hari naming mahal,/pagpalain mo po siya yamang ikaw ang humirang./

4. Kahit isang araw lamang, gusto ko pa sa templo mo,/kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko./Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo,/kaysa ako’y mapasama sa masasamang mga tao./

Ikalawang Pagbasa

Sa ikalawang pagbasa ipinahayag ni Pablo na tayo ay sambahayan ng Diyos. Inilalarawan niya na tayo ang tahanan, ibig sabihi’y ang tunay na templo ng Diyos. Ang komunidad ng mga mananam-palataya ang bumubuo sa templo, o mas tama, ang binagong-anyo upang maging templo ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso (2:19-22)

"MGA KAPATID, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus. Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay at nagiging isang banal na templo ng Panginoon. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo man ay kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu."

Ang Salita ng Diyos.

B: Salamat sa Diyos.

Aleluya (Tumayo)[Lc 1:28]

B: Aleluya! Aleluya!

Page 8: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

8

Ang trono ko’y kalangitandaigdig aking tuntungan,templo ko ang sanlibutan.

Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Juan 4:19-24)

P: Sumainyo ang Panginoon.B: At sumaiyo rin.P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.B: Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG panahong iyon, Sinabi ng Samaritana kay Jesus, “Ginoo, sa wari ko’y propeta kayo. Dito sa bundok na ito sumamba sa Diyos ang aming mga magulang, ngunit sinasabi ninyong mga Judio, na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos.” Tinugon siya ni Hesus, “Maniwala ka sa akin, Ginang, dumarating na ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama, hindi lamang sa bundok na ito o sa Jerusalem. Hindi ninyo nakikilala ang inyong sinasamba, ngunit nakikilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay galing sa mga Judio. Ngunit dumarating na ang panahon—ngayon na nga—na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ito ang hinahanap ng Ama sa mga sumasamba sa kanya. Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B: Pinupuri kanamin, Panginoong JesuKristo.

Homiliya (Umupo)

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA (Dahil sa dakilang kapistahan ipapahayag ang sumasampalataya)

Sa Ebanghelyo, hindi ang ating mga panalangin ang kailangan ng Diyos, kundi ang kagandahan at kadakilaan ng ating espiritu. Hindi matatanggap ang Espiritu ng Diyos maliban sa mga taong naghahanap ng katotohanan, na isasagawa ang katotohanan sa mundong nakabalot sa kasinungalingan.

Page 9: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

9

B: Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay JesuKristo, iisang Anak ng Diyos, Pangi noon nating lahat. Nagkatawangtao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na maguli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

P - Sa pamamagitan ni Hesus na nag-aanyaya sa atin na lumapit saAma sa espiritu at katotohanan, ilapit natin sa Diyos ang ating mgapanalangin. Buong pagtitiwala nating idalanagin:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L – Para sa Simbahan, walang pagod nawa niyang ipakilala si Hesukristo sa sambayanan upang pawiin ang kanilang pagkauhaw sa pananampalataya at katotohanan.

Manalangin tayo: T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L – Para sa mga Namumuno sa gobyerno ibalik nawa nila ang tiwala sa pamahalaan sa pamamagitan ng mahusay at tapat na paglilingkod. Manalangin tayo:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L – Para sa pamilya sa buong mundo, ingatan nawa ng mga magulang ang kapakanan ng kanilang mga anak. Nawa

ang kanilang pagkauhaw sa modernong kaalaman ay hindi

Page 10: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

10

humantong sa kanilang pagkaligaw ng landas. Manalangin tayo:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L – Para sa lahat ng kristiyano nawa tumulong at ipadama ang pagdamay at pagkalinga sa mga matatanda, mga may

kapansanan, mga nangungulila at mga walang pag-asa. Manalangin tayo:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L– Para sa mga yumao nating kapatid, kamag-anak, kaibigan at mga tagapagtangkilik sa pangangailangan ay gantimpalaan sa langit dahil sa kanilang kabutihan. Manalangin tayo:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

L– Para sa ating lahat na natitipon ngayon iwaksi natin ang kasinungalingan ng mundong ito upang matagpuan natin

ang katotohanan ng Panginoon sa gayon ang ating espiritu ay maging banal tulad niya. Manalangin tayo:

T - PANGINOON, DINGGIN ANG IYONG SAMBAYANAN.

(Sandaling Katahimikan)

mang Mapagmahal, pakinggan mo ang panalangin ng iyong sambayanan manatili nawa kaming sumasamba sa espiritu at katotohanan bilang mga

tunay na simbahan na naglalakbay patungo sa tahanan naman sa piling mo sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Epiritu Santo magpasawalang hanggan.

A

Page 11: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

11

B. AMEN

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNANPaghahanda ng Mga Alay

Awiting Pag-aalay (Prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak)

P: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sasanlibu-tan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay, mula sa lupa at bunga ng aming pag-gawa ang tinapay na ito para maging pagkaing-nagbibigay buhay.

B: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at magpakailanman.

P: Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sasanlibutan. Sa iyong kagandahang loob, narito ang aming ma-iaalay, mula sa katas ng ubas at bungang aming paggawa ang alak na ito para maginginuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

B: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at magpakailanman.

P: Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa Iyo ng buong puso.

B: O Diyos kong mahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin Mong lubusan ang nagawa kong pag-suway.

K: Magsi-tayo po ang lahat.

P: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang pa-ghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Page 12: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

12

B: Tanggapin nawa ng Panginoon itong pa-ghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAYP: Ama naming Lumikha, ngayong ginugunita namin ang araw noong iyong marapating ang tahanan mong ito ay mapuspos sa kabanalan mong angkin, gawin mong kami’y maging alay na lagi mong kinalulugdan sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B: Amen.

PREPASYO

(Ang Misteryo ng Pananahan ng Diyos sa kanyang sambayanan)

P: Sumainyo ang Panginoon.B: At sumaiyo rin.

P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B: Itinaas na namin sa Pangi noon.

P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B: Marapat na siya ay pasala matan.

P: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan.

Niloob mong dito sa gusaling itinayo naminang iyong sambayana’y lagi mong makapiling sa aming pagdulong upang sa iyo’y

makarating.Dito mo inilalahad at laging ginaganap

Page 13: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

13

ang ipinahihiwatig mong pakikiisa sa lahat.Dito mo ipinakikilalang sa amin ka

nananahan sapagka’t kami’y iyong tinitipong

sambayanangmay mga kapanalig sa buong daigdig at sa katawan ni Kristo ay pawang kaanibna makakapisang ganap saJesrusalem sa

langit.

Kaya kaisa ng mga anghel na nag sisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitankami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

P & B: Santo, santo, santo, Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan!

C: Magsi-luhod po ang lahat.

PANALANGING EUKARISTIKO

P: Ama naming banal, Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan. Kaya’t sa pamamagitan ng lyong Espiritu gawin Mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging Katawan + at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo.

Bago Niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog, hinawakan Niya ang tinapay, pinasalamatan Ka Niya, pinaghati-hati Niya iyon, iniabot sa Kanyang mga alagad at sinabi:

Page 14: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

14

Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: Ito ang aking Katawan na ihahandog para sa inyo.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan Niya ang kalis, muli Ka Niyang pinasalamatan, iniabot Niya ang Kalis sa Kanyang mga alagad, at sinabi:

Tanggapin ninyong lahat ito at inumin: ito ang kalis ng aking dugo, ng bago at walang hanggang tipan, ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.

lpagbunyi natin ang misterlo ng pananampalataya.

PAGBUBUNYI SA MISTERYO NG PANANAMPALATAYA

B: Si Kristo ay gunitaing sarili ay inihain bilang pagkai’t inuming pinagsasaluhan natin hanggang sa siya’y dumating.

P: Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-aalaala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng

Inyong Anak, kaya’t iniaalay namin sa lyo ang Tinapay na nagbibigay-buhay at ang Kalis na nagka-kaloob ng kaligtasan. Kami’y nagpapasabamat dahil kami’y lyong minarapat na tumayo sa

harap Mo para maglingkod sa lyo.

Page 15: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

15

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama, lingapin Mo ang lyong Simbahang laganap sa buong-daigdig. Puspusin Mo kami sa pag-ibig kaisa ni Fransisco,. na aming Papa at ni Jose, na aming Obispo, at ng tanang kaparian.

Alalahanin Mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-asang sila’y muling

mabubuhay gayun din ang Iahat ng mga pumanaw. Kaawaan Mo sila at patuluyin sa lyong

kaliwanagan. Kaawan Mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa lyong buhay na walang

wakas.

Kaisa ng Mahal na Birheng ng Fatima na Ina ng Diyos

na aming Patrona, kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga

banal na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-

lugod sa Iyo. Maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal Mo

Page 16: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

16

sa pamamagitan ng Iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.

Doxology

P: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B: Amen.

PAKIKINABANG

P: Bilang kanyang sambayanan na sumasamba sa Espiritu at katotohanan, awitin natin ang itinuro sa atin ng Panginoon.

P & B: Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo, dito sa

lupa para nang sa langit Bigyan mo kami ngayon, ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin, sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama.

P: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,

pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng

kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Lahat: Sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan, magpakalanman! Amen

Page 17: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

17

PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN

P: Panginoong Hesukristo, sinabi Mo sa lyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo. Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.” Tunghayan Mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkaooban Mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo magpasawalaang hanggan.

Lahat: AMEN.

P: Ang kapayapaan ng Panginoon ay aging sumainyo.

Lahat: At sumainyo rin.

P: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Paghahati-hati sa Tinapay at Pagsasalo

P & B: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasa-lanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-

aalis ng mga kasa-lanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasa-

lanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan. P: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inanyayahan sa kanyang piging.

B: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

P: Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,taglayin nawa ng iyong banal na sambayananang bunga at kasiyahang dulot ng pagpapala mong bigay

Page 18: DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGTATALAGA NG BAHAY DALANGINAN SA DIYOS-II.docx

18

upang ang paglilingkod na aming ginaganap sa pagdiriwang na itoay matutuhan naming gampanan sa Espiritu at katotohanan sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B: Amen. --------------------- AAWITIN ANG SALVE REGINA --------------------

Paghayo sa Pagwawakas

P: Sumainyo ang Panginoon. B: At sumaiyo rin!

P: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos +, Ama, at Anak, at Espiritu Santo.

B: Amen!

P: Tapos na ang Misa. Humayo kayong taglay ang Espiritu at Katotohanan ng Panginoon at ibahagi sa inyong kapwa.

B: Salamat sa Diyos!