Crisostommo Ibarra (1) 4

download Crisostommo Ibarra (1) 4

of 29

description

sdsafdgfdhdfhdhdhdhdffdffffffhfhfhfhfhfhfhfhfhfhfh

Transcript of Crisostommo Ibarra (1) 4

  • ANG BUHAY AT PAG-IBIG NI RIZAL AT IBARRA

  • Talambuhay ni Dr. Jose RizalAng kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag aaral sa Binan, Laguna. Nakapagtapos siya ng Batsilyor sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23 1876 na may mataas na karangalan .

  • Talambuhay ni Dr. Jose RizalNoong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ang sabay ang medisina at pilosopiya noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat-ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At ang nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

  • Talambuhay ni Dr. Jose RizalAng kanyang dalawang nobela "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo". Naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

  • Talambuhay ni Dr. Jose RizalNoong Hunyo 18,1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na "La Liga Filipina".Ang layunin ng samahan ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maituguyod ang pag-unlad ng komersiyo,industriya at agicultura.

  • Talambuhay ni Dr. Jose RizalNoong Hunyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14,1892.Apat na taon siya na namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligiran.

  • Talambuhay ni Dr. Jose RizalNoong Setyembre 3,1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya.Noong Nobyembre 3,1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

  • *Kabanata 1 Ang Pagtitipon

    - Nakatakdang ganapin sa gabing iyon ang marangyang handaan sa tahanan ni Don Santiago Delos Santos o mas kilala bilang si Kapitan Tiyago. - Ang nasabing handaan ay upang magsilbing pasalubong sa isang binatang kagagaling lamang sa Europa, na hindi iba sa Kapitan sapagkat ito ay anak ng kanyang matalik na kaibigan.

  • *Kabanata 2Si Crisostomo Ibarra

    -Dumating si Kapitan Tyago kasabay ang isang binata na halatang nagluluksa ayon sa kasuotan. - Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang kagalang galang na binata bilang anak ng kanyang nasirang kaibigan na si Don Rafael Ibarra. -Kadarating lamang ng binata mula pitong taon na pag-aaral nito sa Europa.

  • - Kusang nagpakilala si Ibarra bilang Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin kasabay ng pakikipag-kamay nito, isang kaugaliang natutunan niya sa bansang Alemanya. -Lumapit ang Tinyente kay Ibarra at pinuri nito ang kabaitan ng kanyang ama, na siyang nagpanatag sa kalooban ng binata. - Nang malapit na ang hapunan, inanyayahan ni Kapitan Tinong, sa pananghalian kinabukasan si Ibarra ngunit magalang na tumanggi ang binata sapagkat patungo siya sa San Diego sa araw na iyon.

  • *Kabanata 3Ang Hapunan

    -Ang hapunang iyon ay pagsalubong sa pagdating ni Ibarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera. - Nagbahagi ang binata ng kanyang buhay, tulad ng pag-aaral sa Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang hindi pagkaka-alam sa tunay na dahilan sa nangyari sa kanyang ama.

  • -Binanggit ni Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan, pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. -Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. - Isinulat naman ni Ibarra sa pahayagan ng Estudios Coloniales ang kanyang mga obserbasyon sa gabing iyon.

  • *Kabanata 4 Erehe at Pilibustero

    -Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang pinagbago ang kanyang bayan. -Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. -Kabilang sa mga paratang sa kanyang Ama ay ang pagiging erehe at pilibustero.

  • *Kabanata 5Isang Tala sa Gabing Madilim

    - Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda deLala. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng ama. - Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan-bahay ni Kapitan Tiyago. - Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara. - Lihim din ang kanyang paghanga sa kagandahan ni Maria Clara. Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon.

  • *Kabanata 6 Si Kapitan Tyago

    - Ang kanyang silid ay punong-puno ng mga dinadasalang katulad nina Sta, Lucia, San Pascual Bailon, San Antonio De Padua, San Francisco De Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang larawan ng Banal na Mag-anak (Hesus, Maria at Hosep). Sa pagnenegosyo ni Kapitan Tyago ay nakabili siya ng maraming ari-arian, kabilang na dito ang pagbili ng lupain sa San Diego. -Ito ang naging daan upang makilala nila ang kura doon na si Padre Damaso at ang pinakamayaman sa bayang iyon na si Don Rafael Ibarra. - hindi pa sila nagkaka-anak sa kabila ng walang humpay nilang pamamanata. - Pinayuhan sila ni Padre Damaso na mamanata sila sa Obando at magsayaw si Pia Alba sa kapistahan ng San Pascual Bailon at Sta. Clara sa Nuestra Senora De Salambao.

  • -Nagdalantao nga si Pia Alba, (sa panghahalay na rin ni Padre Damaso bagamat ang katotohanang ito ay nailantad sa kalaunan). Ngunit ang babae ay naging masasakitin at tuluyang namatay pagkatapos ito ay manganak. -Pinangalanang Maria Clara ang bata at kinalinga ni Tiya Isabel. - Lumaking magkababata sina Ibarra at Maria Clara, pati na rin ng kanilang mga kaibigan. -Ipinasok ng kanyang ama mula sa udyok ng mga pari si Maria Clara sa kumbento ng Sta Catalina ng ito ay maging katorse anyos. -Pumunta naman si Ibarra sa Europa upang mag-aral ng pagka-medisina. -Si Kapitan Tyago at Don Rafael ay nagkasundong ipakasal ang dalawa sa takdang panahon, bagay na indi naman tinutulan ng dalawa sapagkat sila ay nag-iibigan.

  • *Kabanata 7Suyuan sa Asotea

    -Ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta. -Dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga at nagkita ang dalawa sa bulwagan. -Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-sarili -Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusa -Natigilan si Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas at marami siyang kailangang gawain. -Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa kanyang katiwala na sila ay magbabakasyon doon. -Hindi naman mapigilan ni Maria na maluha dahil sa pangungulila kay Ibarra, kaya't sinabihan siya ng kanyang ama na ipagtulos si Ibarra ng dalawang kandila at ialay sa santo ng manlalakbay.

  • *Kabanata 9Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

    -Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon. -Sinalubong ang Kapitan ni Padre Damaso at sinabi kaagad nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. -sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. -Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway. -Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego.

  • *Kabanata 10Ang San Diego

    -Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas -Katulad ng ibang bayan sa Pilipinas, pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito. Si Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra. -Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na iyon at pinambayad ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete.

  • -Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni Ibarra. -Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. -Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan.

  • *Kabanata 11 Ang mga Makapangyarihan

    -Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. - Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. -Ang makapangyarihan sa San Diego ay walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. -Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. -Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

  • *Kabanata 12Araw ng mga Patay

    -Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. -Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay. -Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. -Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito sa lawa.

  • Kabanata 19Mga Suliranin ng Isang Guro

    -Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing. -Pinanghimasukan ni Padre Damaso ang edukasyon ng mga bata sa San Diego at hindi naging maayos ang paraan ng pagtuturo. -laking pasasalamat niya ng hindi na si Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga mag-aaral. -Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang pagtuturo tungkol sa relihiyon. -Sa mga binanggit na ito ng guro, nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni Tinyente Mayor.

  • *Kabanata 20 Ang Pulong sa Tribunal

    -Ang tribunal ang tanging bulwagan na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro. -Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang pagtatayo ng paaralan para sa bayan. -Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang komedya.

  • *Kabanata 23 Ang Piknik

    Magkakasama ang matatalik na magkaibigan na sina Maria Clara, Iday, Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang bangkang sinasakyan ng mga kalalakihan kung kaya't sila ay napalipat sa bangka ng mga dalaga. Si Elias naman ay patuloy lamang sa pagsagwan sa bangka. Malapit ng maluto ang agahan, kung kaya't gumayak na ang mga kalalakihan upang mangisda. Sa kasamaang palad, ni isang isda ay wala silang nahuli sapagkat may buwayang naroroon. Nabahala ang mga kababaihan sa paglitaw ng buwaya at lalo na ng nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog, ngunit higit na malakas ang buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias. Napatigagal naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at tila ba tumigil na rin ang kanyang paghinga. Natalo naman ng dalawa ang buwaya at nagpatuloy sila sa pangigisda hanggang sa sila ay makahuli ng sariwang isda. Masayang nag-pananghalian ang mga magkakaibigan sa ilalim ng mga puno malapit sa batisan.

  • *Kabanata 24 Sa Kagubatan

    -Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at kaagad na nag-almusal, ngunit hindi na nito tinapos ang pagkain at nagpunta na ito sa lugar ng piknik sakay ng karwahe. -Pagkapananghalian ay nag-usap-usap ang mga nagpiknik. Nabanggit ni Padre Salvi na may tumampalasan kay Padre Damaso kaya't nagkasakit ito. -Nabanggit din ang pagkawala ng mga anak ni Sisa, kung saan nagkaroon ng matinding pagtatalo sina Don Filipo at Padre Salvi. -Itinanong ni Ibarra sa Gulong kung may mga katuparan ang kanyang binabalak. Natapat naman ang dais sa sagot na pangarap lamang. Hindi ito sinang-ayunan ni Ibarra sapagkat mayroon na siyang katibayan at pahintulot sa pagpapatayo ng bahay-paaralan.

  • -Hinati ni Ibarra ang kasulatan at ibinigay kay Maria Clara at Sinang. Dumating naman si Padre Salvi at walang hudyat na pinunit nito ang aklat. -dumating naman ang mga gwardya sibil at sarhento. Hinahanap nila si Elias kay Ibarra sapagkat ito ang nanakit kay Padre Damaso. -Kinuwestyon din nila si Ibarra sa pagkupkop niya kay Elias, bagay na sinalungat ni Ibarra at sinabing walang karapatang kwestyunin ninuman ang kanyang desisyon kung sino ang nais niyang imbitahin sa kanyang tahanan. -Hinalughog ng gwardya sibil ang kagubatan ngunit wala silang nakitang Elias.

  • *Kabanata 26Ang Bisperas ng Pista

    -Bisperas ng Pista ng San Diego tuwing ika-10 ng Nobyembre. At sa bisperas pa lamang ng Pista ay nakahanda na ang lahat. -Ang plasa naman ng San Diego at mga matataong lugar ay pinalamutian ng arkong kawayan, pati na rin ang harapan ng simbahan na nilagyan ng tolda para sa prusisyon. May tanghalan din na nakalaan para sa pagtatanghal ng komedya at iba pang palatuntunan. -May partisipasyon sa kasayahan ang mga mayayaman sa Sa Diego, tulad ni Kapitan Tiago at Kapitan Joaquin, ang intsik na si Carlos, at iba pa. Si Padre Damaso naman ang nakalaang magmisa sa umaga. -Ang mga magsasaka at mahihirap ay iginayak ang kanilang mga pinaka-mainam na ani upang ihandog sa mga may-ari ng kanilang bukirin.

  • -Kasalukuyan namang tinatapos ang bahay-paaralan na pinapagawa ni Ibarra malapit sa kanyang tahanan sa pamamatnubay ni Nol Juan. -Sagot niyang lahat ang gastos dito, at magalang na tinanggihan ang alok na tulong ng mga mayayaman at ng pari. - Ang bahay-paaralan na kanilang itinatayo ay katumbas ng mga paaralan sa Europa, hiwalay ang mga babae sa lalaki, may lugar para sa pagtatanim ng puno at gulay, may bodega at mayroon ding silid pang-disiplina sa mga batang mag-aaral. -Marami ang humanga sa kanyang ginawa ngunit marami din naman ang palihim niyang naging kaaway.