Competencies for Five Year Old FINAL May 7, 2009
-
Upload
deped-naga -
Category
Documents
-
view
87 -
download
4
Transcript of Competencies for Five Year Old FINAL May 7, 2009
1
STANDARDS AND COMPETENCIES
FOR
FIVE-YEAR OLD FILIPINO CHILDREN
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION DEPARTMENT OF EDUCATION
May 2009
2
Goal: Five-year old Filipino children will be prepared for life
Expectation: After completing preschool education the five-year old Filipino children are ready for Grade 1 work
TALAAN NG MGA PAMANTAYAN
(LIST of STANDARDS)
I. Kagandahang Asal
Ang bata ay:
1. nakapagpapakita ng paggalang sa sarili sa lahat ng pagkakataon. 2. nakapagpapakita ng katapatan sa kanyang ginagawa. 3. nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga kasapi ng mag-anak. 4. nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa kapwa. 5. nakatatanggap at naisasagawa ang mga itinakdang tungkulin. 6. nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. 7. nakapagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon. 8. nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa. 9. nakikisali nang may sigla sa mga pangkatang gawain. 10. nakapagpapakita ng pagmamahal at pagmamalaki sa sariling bansa/bayan.
3
II. Kalusugang Pisikal at Pagpapaunlad sa Kakayahang Motor
Ang bata ay:
1. nakapagpapakita ng sapat na lakas na magagamit sa pagsali mga pang-araw-araw na gawain. 2. nakapagpapakita nang maayos na koordinasyon ng mga galaw ng katawan. 3. nakagagamit ng mga kamay at daliri nang maayos. 4. nakapagsasagawa ng mga pangunahing kasanayan sa pansariling kalinisan. 5. nakapagsasagawa ng pangangalaga sa sarili upang maiwasan ang kapahamakan.
III. Pagpapaunlad sa Kakayahang Sosyo-Emosyonal
Ang bata ay:
1. nakapagpapahayag ng iba’t ibang damdamin. 2. nakapagpapahayag ng kakayahang mapigil ang mga damdamin at emosyon at nakasusunod sa mga pang-
araw-araw na gawain/tuntunin. 3. nakauunawa at nakapagpapakita ng sariling emosyon. 4. nakapagpapakita ng pagtanggap at pag-unawa ng emosyon ng ibang tao at nakapagpapahiwatig ng
pagdamay sa damdamin ng iba (empathy). 5. nakapagpapahiwatig ng kaalaman tungkol sa sarili at mga gawain ng mga tao sa kanyang kapaligiran. 6. nakapag-uugnay ng magandang relasyon sa kanyang tagapag-alaga, mga nakatatanda at kapwa bata. 7. natututo ng positibong pakikipag-ugnay at pakikisalamuha sa mga nakatatanda. 8. nakikipaglaro at positibong nakikisalamuha sa ibang bata. 9. nakakikilala at naigagalang ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng tao, wika at kultura. 10. nakakakuha ng sosyal na palatandaan sa kanyang kapaligiran upang maiangkop ang kanyang mga kilos.
4
IV. Cognitive Development
A child is able to:
1. develop basic concepts pertaining to object constancy, space, time, quantity, and uses these as the basis of
categorizing materials in his/her environment. 2. understand numbers and demonstrate knowledge in identifying numbers up to 20 including money. 3. develop basic concepts pertaining to living things. 4. understand cause and effect relationships. 5. follow the logic of events to make logical conclusions. 6. plan and organize a complex activity. 6. understand and perform addition and subtraction. 7. know the concepts of size, length, height, weight, volume and time.
V. Malikhaing Sining
Ang bata ay:
1. nakapagpapahayag ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng pagsisimbulo at malikhaing gawain. 2. nakapagpapahayag ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng musika at sayaw.
5
VI. Wika at Kahandaan sa Pagbasa at Pagsulat
Ang bata ay:
1. nakatutugon sa pasalita at di-pasalitang pakikipagtalastasan. 2. nakapagpapahayag ng kanyang iniisip at damdamin sa salita at kilos. 3. nakapagpapamalas nang wastong ayos at paraan sa kahandaan sa pagbasa. 4. nakagagamit ng mga salita sa pagsasalarawan ng nakita/namasid. 5. nakauunawa sa pagbasa ng payak na babasahin at nasasabi sa iba ang kaisipan at ideya mula sa binasa. 6. nakakokopya at nakasusulat ng mga payak na salita.
VII. Language, Literacy and Communication
A child is able to:
1. distinguish different types of sounds and respond accordingly. 2. express one’s feelings, thoughts and ideas. 3. increase his/her vocabulary for describing observations.
4. demonstrate reading readiness skills.
5. comprehend simple text and relate one’s thoughts and ideas from books read, picture,
and experiences to others.
6. copy and write simple words.
6
MATRIX OF KAGANDAHANG-ASAL
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub-domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicator)
Kagandahang Asal 1. Pansariling Pagpapahalaga
Ang bata ay nakapagpapakita ng paggalang sa sarili sa lahat ng pagkakataon.
Ang bata ay nakapagpapakita ng katapatan sa kanyang ginagawa.
2. Pakikipagkapwa
Ang bata ay nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga kasapi ng mag-anak.
Paggalang sa Sarili Pagkamatapat at Pagka- Makatotohanan Pagmamahal at Paggalang sa Mag-anak
1. Naipakikita ang tiwala sa sariling kakayahan nang may
pagpapakumbaba 2. Naiiwasan ang paggawa ng di-kaaya-ayang gawain sa
harap ng publiko 3. Naipahahayag ang nararamdaman kung tinutukso 1. Nasasabi ang totoo sa lahat ng pagkakataon 2. Naipakikita ang pagiging matapat
2.1.Naibabalik/naisasauli kaagad ang mga bagay na napulot/natagpuan/hiniram sa may-ari 2.2.Naitatago lamang ang sariling gamit/bagay 2.3.Naiiwasang mandaya sa kapwa
1. Naipakikita ang pagmamahal sa mga kasapi ng mag-
anak, sa nakatatanda sa pamamagitan ng:
pagsunod nang maayos sa mga utos/kahilingan
pagmamano
paggamit ng magagalang na pagbati/pananalita
pagsasabi ng mga salitang may pagmamahal (I love you Papa/Mama)
pagsasabi ng mga salitang tulad ng “I’m sorry” o “Hindi ko po sinasadya “,“Thank you” o “Salamat po” at “You’re welcome” o “Walang anuman”, kung kinakailangan
2. Nakahihingi ng pahintulot kung kinakailangan ( paggamit ng bagay ng ibang tao, pagtungo sa ibang
pook, atbp.) 3. Nakikinig sa mungkahi ng mga magulang at iba pang
kaanak
7
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub-domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicator)
3. Disiplina
Ang bata ay nakatatanggap at nakagagawa ng mga itinakdang tungkulin.
Pagmamahal sa Iba Pananagutan/Tungkulin
1. Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa bata
pagbibigay ng pagkain, gamit at laruan
hindi namimili ng kalaro o kaibigan
pagtanggap sa kalaro o kaibigan anuman ang anyo nito at kulay ng balat
2. Naipakikita ang paggalang sa kapwa
pagtawag sa tamang pangalan
paghihintay ng kanyang pagkakataon 3. Naipakikita ang pagpapahalaga sa maayos na
pakikipaglaro
pagiging mahinahon sa panahon ng laro
pagsang-ayon sa pasya ng nakararami/reperi
pagtanggap ng pagkatalo nang maluwag sa kalooban
pagtanggap ng pagkapanalo nang may kababaang loob
1. Nakasusunod sa mga utos/gawain nang maayos at maluwag sa kalooban sa mga tuntuning pantahanan, pampaaralan at pampamayanan
pagliligpit ng mga gamit sa tamang lalagyan pagkatapos gamitin
pag-iingat sa sariling kagamitan at kasangkapan at ng sa iba
2. Naisasagawa ang pang-araw-araw na gawain ng may kasiyahan
3. Nakagagawa ng may kusa 4. Nakagagawa nang nag-iisa 5. Nakahihingi ng pahintulot sa paggamit ng laruan/gamit ng
iba
Ang bata ay nakapagpapakita
ng pagmamahal at paggalang sa
kapwa.
8
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub-domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicator)
Ang bata ay nakapagpapakita ng pagmamalasakit sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.
Pangangalaga sa Sariling Kapaligiran
1. Napananatiling malinis ang sariling kapaligiran
pagtulong sa mga simpleng gawain gaya ng - pagwawalis ng sahig/bakuran, - pagpupunas ng upuan/mesa/ kasangkapan
pagtapon ang basura sa tamang lalagyan 2. Nakatutulong sa pagpapanatiling malinis at malusog sa
mga alagang hayop
paglilinis sa tirahan
pagpapaligo
pagpapakain
pag-iwas sa pananakit 3. Naipakikita ang pagtulong at pangangalaga sa kapaligiran
pagdidilig
pag-alis ng mga damo at kalat
pag-iwas sa pagsira ng halaman gaya ng pagpitas, paghampas, pagtapak, pagbunot
4. Pagpapahalaga sa Panginoon (Pang-Ispiritwal)
Ang bata ay nakapagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon.
Pagmamahal sa Panginoon
1. Naipakikita ang pagmamahal sa Panginoon
pagsama sa nakatatanda sa wastong oras ng pagsamba
paggalang sa mga pook-dalanginan hal. - pagiging tahimik - pagpapanatiling malinis - pagsusuot ng angkop na kasuotan
maayos na pagkilos sa pook-sambahan - pagluhod / pagtayo/pagyuko - pag-awit / pagsunod sa gawain sa seremonya
2. Naipakikita ang pagmamahal sa mga likha ng Panginoon
9
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub-domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicator)
alagang hayop at ibon
halaman sa paligid
5. Pananagutang Panlipunan Ang bata ay nakapagpapakita ng
malasakit sa kapwa.
Pagmamalasakit sa
Kapwa
1. Naibabahagi ang sariling gamit kung kinakailangan tulad ng pagkain, laruan, gamit sa paaralan at iba pa
2. Naibabahagi ang aral mula sa kuwentong narinig 3. Tumutulong nang kusa sa panahon ng pangangailangan 4. Isinasaalang-alang ang damdamin ng iba at
nakapagbibigay saya sa kapwa
Ang bata ay nakikisali ng may sigla
sa mga pangkatang gawain.
Pagkamatulungin
1. Nakatutulong sa mga gawaing-tahanan na kayang gawin 2. Nakikisali nang masigla at may kusa sa pangkatang
gawain 3. Nakatutulong sa iba sa pagtupad ng kani-kaniyang gawain 4. Nagagampanan nang masaya at may kawilihan ang
ibinahaging gawain ng guro/kamag-aral 5. Nakagagawa nang mahusay kasama ang iba 6. Nakikiisa / Nakatutulong palagi sa mga gawain ayon sa
kahilingan ng nakatatanda
6 Pagkamakabansa/ Pagkamakabayan
Ang bata ay nakapagpapakita
ng pagmamahal at pagmamalaki sa sariling bansa/bayan.
Pagmamahal sa Bayan 1. Nakikilala ang pangunahing pambansang sagisag
pagkilala sa watawat bilang sagisag ng bansa
pagkilala na ang Lupang Hinirang ay ang Pambansang Awit ng Pilipinas
2. Naipakikita ang paggalang sa pambansang watawat at sa Pambansang Awit
pagtayo nang tuwid na nakalagay ang kanang kamay sa dibdib
pagsabay sa maayos na pag-awit ng Lupang Hinirang 3. Naipagmamalaki ang gawang-Pilipino
10
MATRIX OF KALUSUGANG PISIKAL AT PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHANG MOTOR
Batayan/Kaugnay na Batayan (Domain/Sub-Domain)
Lawak (Component)
Mga Kasanayan/Palatandaan (Competencies/Indicators)
Kalusugang Pisikal at Pagpapaunlad sa
Kakayahang Motor
Kalusugang Pisikal
Kaangkupang Pisikal
(Physical Fitness)
1. Nakasasali sa mga laro at iba pang paraan ng
ehersisyo 2. Naisasagawa ang mga payak na kalisteniks 3. Nakapagmamartsa ng naaayon sa ritmo 4. Nakaaakyat ng sampung hakbang nang tuluy-tuloy
Kaunlarang Motor
Kasanayang “Gross
Motor”
1. Naigagalaw ang katawan sa pagtugon sa himig at indayog ng musika o tugtugin
2. Naisasagawa ang kilos sa saliw ng mga awitin nang may kasiyahan
3. Naisasagawa ang mga kilos di-lokomotor sa pagtugon sa ritmong mabagal at mabilis
pagbaluktot ng katawan
pag-unat ng katawan
paggalaw ng ulo, kamay at paa
4. Naisasagawa ang mga kilos lokomotor sa pagtugon sa ritmong mabagal at mabilis
paglakad
pagtakbo
pagkandirit
paglundag/pagtalon
paglukso
1. Ang bata ay
nakapagpapakita ng sapat na
lakas na magagamit sa
pagsali sa mga pang-araw-
araw na gawain.
2. Ang bata ay nakapagpapakita
nang maayos na
koordinasyon ng mga galaw
ng katawan.
11
Batayan/Kaugnay na Batayan (Domain/Sub-Domain)
Lawak (Component)
Mga Kasanayan/Palatandaan (Competencies/Indicators)
5. Nagagamit ang mga kilos lokomotor at di-lokomotor sa
paglalaro
pag-eehersisyo
pagsasayaw
6. Naipakikita ang panimbang sa pagsasagawa ng iba’t ibang kilos ng katawan :
paglukso-luksong paghahalinhinan ng mga paa (skipping)
pagtulay nang di natutumba sa tuwid na guhit
pag-akyat at pagbaba sa isang bagay o lugar
Kaunlarang Motor
Kasanayang “Fine
Motor”
1. Naisasagawa nang maayos ang sumusunod na kasanayan sa “fine motor”
pagguhit sa hangin
pagguhit ng sariling mukha at iba’t ibang hugis o patterns
pagsulat ng bilang at titik sa “manuscript form” (upper and lower case)
pagsulat ng palimbag sa sariling pangalan
paggupit/pagdikit ng iba’t ibang hugis na may iba’t ibang tekstura
pagpulot ng ipa, palay at iba pang maliliit na bagay sa nililinis na bigas
paghugas ng mga kagamitan sa bahay/paaralan tulad ng baso, plato at plorera
paglaba ng maliliit na damit
pag-alis/pagpalit ng takip ng lalagyan
pag-alis ng balot ng pagkain
pagbukas ng pahina ng libro
pagkopya ng mga bahagi ng larawan, hugis at titik
pagbutones o pag-“zipper” ng damit at pagtali ng sapatos
pagbuhos ng inumin sa lalagyan na walang natatapon
3. Ang bata ay nakagagamit ng mga
kamay at daliri nang maayos.
12
Batayan/Kaugnay na Batayan (Domain/Sub-Domain)
Lawak (Component)
Mga Kasanayan/Palatandaan (Competencies/Indicators)
Kalusugan at Pangangalaga sa Sarili
(Health and Personal Care)
Kakayahan sa Araw-araw
na Pamumuhay
(Daily Living Skills)
1. Naisasagawa ang mga gawain sa paghahanda sa sarili
paglilinis ng katawan/paliligo nang nag-iisa
paghugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain
pagsisipilyo matapos kumain
pagsusuklay
pagpuputol/paglilinis ng kuko
pagpapalit ng damit
pagkain nang nag-iisa
pag-ayos ng sarili nang walang katulong
pagtugon sa personal na pangangailangan nang nag-iisa
Hal. pag-ihi pagdumi
paghugas ng mga kamay pagkatapos gumamit ng palikuran
2. Naaalagaan ang mga pansariling kagamitan sa paglinis at pag-aayos ng katawan
Kaligtasan (Safety)
Kagawiang
Pangkaligtasan
1. Naisasagawa ang pag-iingat upang maiwasang masaktan
pag-iwas sa paglalagay ng maliit na bagay sa bibig, ilong at tainga
pag-iwas sa paglalaro ng matutulis/matatalim na bagay tulad ng kutsilyo, tinidor at gunting
pag-iwas sa paglalaro ng posporo
maingat na pag-akyat at pagbaba sa hagdanan
pagtingin sa kaliwa’t kanan bago tumawid sa daan
pananatiling kasama ng nakatatanda sa matataong lugar
2. Naipakikita ang pagmamahal sa sariling kaligtasan 2.1 Naipakikita ang di pagsang-ayon sa paghipo ng ibang tao sa alinmang bahagi ng katawan
4. Ang bata ay nakapagsasagawa ng
mga pangunahing kasanayan sa
pansariling kalinisan.
5. Ang bata ay nakapagsasagawa ng pangangalaga sa sarili upang maiwasan ang kapahamakan.
13
MATRIX OF PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHANG SOSYO-EMOSYUNAL
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHANG SOSYO-EMOSYUNAL Emosyonal
Ang bata ay nakapagpapahayag ng iba’t ibang damdamin. Ang bata ay nakapagpapahayag ng kakayahang mapigil ang mga damdamin at emosyon at nakasusunod sa mga pang-araw-araw na gawain/tuntunin. Ang bata ay nakauunawa at nakapagpapakita ng sariling emosyon.
Pagpapahayag ng Emosyon
1. Nakikilala ang mga pangunahing emosyon
tuwa, takot, galit
hiya, inis, inggit at selos 2. Naipakikita ang mga positibong damdamin
katuwaan – tumatawa, lumulundag, humahalakhak, humahagikhik, pumapalakpak
3. Naipakikita ang mga negatibong damdamin
kalungkutan – umiiyak, di-pagkibo, malungkot na mukha, nakasimangot
pagkatakot – umiiyak, nanginginig, sumisigaw 1. Nakasusunod sa regular na talatakdaan/iskedyul 2. Nakahihintay ng kanyang pagkakataon 3. Naihihinto ang sumpong (tantrums) sa pamamagitan ng
tulong ng mga nakatatanda 4. Naipakikita ang kakayanan na pigilan ang kanyang galit at
pagkadismaya
kapag pinapakiusapan ng mga nakatatanda sa harap ng iba
kapag naipaliwanag ang dahilan 5. Naipakikita ang kahandaan sa pagsubok ng isang
gawaing di tiyak ang kalalabasan upang matuto 6. Naipakikita ang kahandaan na humarap sa isang gawain
na may matatag na loob 1. Naipakikita ang tiwala sa sarili sa pakikilahok sa mga
pangkatang gawain 2. Naipakikita ang kasiyahan/katuwaan sa kanyang mga
ginawa
14
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
Emosyunal
Pag-unawa sa Emosyon ng Iba
1. Naipahihiwatig ang akma at katanggap-tanggap na
reaksiyon sa damdamin ng iba (hal. hindi pagtawa sa batang nadapa)
2. Naipakikita ang paggalang sa karapatan at pag-aari ng iba (hal. pagpapaalam, paghihintay, hindi pagsira sa gamit ng iba)
3. Naisasaalang-alang ang damdamin ng iba
nagbibigay ng mungkahi
hinahawakan ang kamay
inaaliw ang kalaro 4. Nararamdaman at nakikisali sa kasiyahan/nakikiramay sa
kalungkutan ng iba
Sosyal
Pagkilala sa Sarili (Emerging Sense of Self)
1. Nakikilala ang sarili
pangalan at apelyido
kasarian
gulang
gusto/di-gusto 2. Nailalarawan ang sarili sa iba 3. Nasasabi ang mga kayang gawin at katangian
pag-awit
pagsayaw
pagkamatulungin
4. Nailalarawan ang nagagawa ng mga tagapag-alaga at kung ano ang kanilang gusto/di-gusto
Nanay
Tatay
Lola 5. Nakapagbibigay ng dahilan at naipagtatanggol kung bakit
niya ginawa ang isang bagay 6. Nasasabi ang kanyang mga pangangailangan nang walang
pag-aalinlangan 7. Nakahihingi ng paliwanag sa mga hindi naiintindihan 8. Naipahihiwatig ang mga di-gusto (hal. ayaw) sa magandang
pamamaraan
Ang bata ay nakapagpapahiwatig ng kaalaman tungkol sa sarili at mga gawain ng mga tao sa kanyang kapaligiran.
Ang bata ay nakapagpapakita ng pagtanggap at pag-unawa ng emosyon ng ibang tao at nakapagpapahiwatig ng pagdamay sa damdamin ng iba (empathy).
15
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
Sosyal
Pagbuo ng Relasyon o Kaugnayan (Relationship with Others)
1. Naipadadama at naipakikita ang pagmamahal sa mga nakatatanda at mga bata
Pinakikinggan ang mga mungkahi ng mga katangi-tanging nakatatanda at mga bata
Pinakikita ang interes sa iniisip at ginagawa ng mga nakatatanda at mga bata
Pagbibigay ng pagkain, aklat at laruan sa mga nakatatanda at mga bata
Pakikipaglaro nang madalas sa mga nakatatanda at mga bata
Pagpapahihiwatig ng kalungkutan, takot at galit kung naihihiwalay sa mga nakatatanda at mga bata ng matagal na panahon
Pakikipag-ugnayan sa mga Nakatatanda
1. Napapahalagahan ang mga kaisipan at karanasan ng mga
nakatatanda sa pamamagitan ng
pakikinig
pagtatanong 2. Naipakikita ang pakikisalamuha sa mga nakatatanda sa
pamamagitan ng pakikipag-usap at pakikipaglaro 3. Nakahihingi ng tulong sa mga nakatatanda kung
kinakailangan 4. Naipahahayag nang maganda ang mga damdamin na may
kinalaman sa mga pangyayari sa paaralan at kapaligiran 5. Nililinaw muna ang mga tuntunin at mga gawain bago
sundin/gawin
Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bata
1. Nakapagsisimula ng laro 2. Nakikipaglaro sa dalawa o tatlong bata na gamit ang isang
laruan 3. Nakikiisa sa kapwa bata sa paglalaro 4. Naipakikita ang maayos na pakikitungo sa kapwa bata sa
pamamagitan ng paghawak ng kamay, pagyakap at paghalik 5. Nakikipag-usap sa ibang mga bata 6. Nakahihingi ng pahintulot na gamitin ang laruan na
ginagamit ng isang bata 7. Nakikipaglaro ng patas sa mga kalaro sa mga pangkatang
laro (hal. hindi nandadaya para manalo)
Ang bata ay nakapag-uugnay ng magandang relasyon sa kanyang tagapag-alaga, mga nakatatanda at kapwa bata.
Ang bata ay natututo ng positibong pakikipag-ugnay at pakikisalamuha sa mga nakatatanda.
Ang bata ay nakikipaglaro at positibong nakikisalamuha sa ibang bata.
16
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
Pagbibigay ng Halaga sa Pagkakaiba
1. Nasasabi ang pagkakaiba ng edad/gulang ng tao (hal.
matanda, bata) 2. Nakikita ang pagkakaiba ng kalagayan sa buhay ng mga tao
(hal. “Bakit may namamalimos na bata sa kalsada?) 3. Naipahihiwatig ang kanyang interes sa pagkakaiba ng tao sa
pamamagitan ng pagtatanong 4. Nakapagtatanong tungkol sa pagkakaiba ng wika at
kaugalian sa pamayanan (hal. baryo, probinsya, lungsod) 5. Nasasabi ang pagkakaiba ng mga tao sa pamilya, paaralan,
pamayanan at simbahan
relihiyon
wika
kasuotan
kaugalian 6. Naigagalang ang mga kasambahay at taong mahihirap (hal.
pakikipag-usap sa kanila sa magandang paraan)
Pakikiramdam (Sensitivity)
1. Nagagamit ang mga palatandaan tulad ng
kung kailan dapat tumahimik/magsalita/makipag-usap
mga bagay na dapat at di dapat sabihin lalo na sa mga taong hindi kasali sa pamilya
biglang pagbabago ng kondisyon (mood) ng tagapag-alaga at ibang tao na nakapalibot sa kanya
kung siya ang dahilan sa pag-init ng ulo ng mga nakatatanda (hal. makulit) at alam niya kung kailan siya dapat tumigil
kung kailan siya dapat kumilos bilang lider o bilang tagasunod
kung kailan siya dapat magbigay/tumanggap
Nakakikilala at naigagalang ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng tao, wika at kultura.
Nakakukuha ng sosyal na palatandaan (social cues) sa kanyang kapaligiran upang maiangkop ang kanyang mga kilos.
17
MATRIX OF SENSORY PERCEPTION
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
COGNITIVE DEVELOPMENT
Higher-Order Mental Abilities
.
Concept Formation
1. Ask questions about objects and materials in the surroundings
( what, why, how questions, etc.) 2. Use one or more senses to observe objects and
materials 3. Identify objects and materials observed using one
or more senses 4. Sort objects and materials according to physical
characteristics 5. Ask questions about earth, moon, sun and stars 6. Use one or more senses to observe the earth,
moon, sun and stars 7. Identify objects in the sky during day and night
1. Identify the human body parts 2. Tell the uses of each body part 3. Identify ways to care for the body 4. Talk about animals that can be pets 5. Talk about the basic needs of pets 6. Identify other common animals 7. Talk about common plants 8. Discuss what plants need in order to grow 9. Ask questions about plants and animals 10. Use one or more senses to observe plants and
animals 11. Tell that plants and animals need air, food and
water 12. Ask questions about growth and changes in plants
and animals 13. Identify ways to care for plants and animals
The child is able to develop basic
concepts pertaining to object
constancy, space, time, quantity,
and uses these as the basis for
categorizing materials in his/her
environment.
The child is able to develop basic concepts pertaining to living things.
18
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
Cause-effect relationships
1. Manipulate things to see what happens (e.g. dismantling and assembling of toys, rolling a ball, etc.)
2. Record information from an experience (e.g. drawing, storytelling, writing)
3. Ask questions and find answers through active exploration
4. Make guesses about what might happen 5. Make reasonable explanations independently 6. Tell why things happen
Identify the cause given events through pictures
Identify the effect given events through pictures
Planning and organizing 1. Relate experiences in a logical sequence 2. Tell what is missing in a picture, event, story 3. Figure out how to complete a pattern
Tell what will happen next
Logical Reasoning 1. State opposite relationship (e.g. A dog is big. A mouse is small.)
2. Prepare everything he/she needs before starting an activity (e.g. cleaning, dressing up, setting the table)
3. Plan how he/she will carry out an activity with teacher guidance (e.g. organizing books and toys, watering plants without spilling or getting wet)
4. Plan how he/she will carry out an activity without teacher guidance
The child is able to understand
cause and effect relationships.
The child is able to follow the logic
of events to make logical
conclusion.
The child is able to plan and
organize a complex activity.
19
MATRIX ON NUMERACY
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
COGNITIVE DEVELOPMENT Higher Order Mental Activities
The child is able to develop basic concepts pertaining to object constancy, quantity and uses these as the basis for categorizing materials in his/her environment.
Concept Formation
1. Identify objects according to
color
shape
size
length
height
weight
position
2. Label objects according to
color
shape
size
length
height
weight
position
3. Compare/differentiate objects according to
color
shape
size
length
height
weight
position
4. Compare/differentiate quantity of two or more sets of objects
empty/not empty
many/few
more/less
most/least
as many as
20
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
5. Classify objects according to a particular criterion 6. Arrange objects in sequence according to a particular
criterion 7. Identify sets of objects with the same pattern of
arrangement/design 8. Identify the missing object/symbol in a given pattern 9. Create own patterns with a variety of materials 10. Identify position of a particular object in a sequence
ordinal numbers (i.e. first, second, etc.)
first and last object/letter
Number Concept
The child is able to understand numbers and demonstrate knowledge in identifying numbers up to 20 including money.
Numbers and Operations
1. Match objects in one to one correspondence 2. Identify the number of objects in a set 3. Associate numbers with sets having objects 0 to 20 4. Identify greatest/least of 3 sets with three or more objects 5. Count objects by 1’s up to 20 6. Read numbers 0-20 7. Write numbers 0-20 8. Compare two numbers using the expression “more than”
and “less than” 9. Identify the greatest/least of three or more
numbers/numerals 10. Arrange three or more numbers in one-more order/one-
less order 11. Arrange three or more numbers from least to
greatest/greatest to least 12. Identify the missing number in sequence 13. Apply number and counting concepts in daily life 14. Identify 5-, 10-, 25- centavo and 1-, 5-, 10- peso coins 15. Identify which coin has more/lesser value 16. Identify which of the three or more coins has the
most/least value 17. Apply the use of money in daily life
21
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
Computation
The child is able to understand and perform addition and subtraction.
1. Join two sets of objects to show addition 2. Add one- to two- digit numbers with sums not more than
20 3. Remove a subset from a given set to show subtraction 4. Subtract one- to two- digit numbers with minuends not
more than 20
Measurement
The child is able to know the concepts of size, length, height and volume, and time.
Measurement (Non-Standard)
Time
1. Use non-standard measuring tools in play activities (e.g. cup, palm, drinking straw)
2. Use approximate measures of familiar objects (e.g. length of hair, weight of rock)
3. Estimate size, length, weight, height and volume (e.g. I’m tall as that shelf)
1. Tell the time of day when activities are being done 2. Tell which activities take longer or shorter time (e.g.
walking, riding in going to school)
22
MATRIX MALIKHAING SINING
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
PAGPAPAUNLAD NG KAKAYAHANG PAG-IISIP Malikhaing Sining (Biswal)
Ang bata ay nakapagpapahayag ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng pagsisimbolo at malikhaing gawain (biswal).
Malikhaing Pagpapahayag
A. Napauunlad ang pagkamalikhain at naipahahayag ang mahalagang ideya o bagay sa pamamagitan ng mga karanasan ng malayang paggamit ng ibat-ibang:
* elemento ng sining (kulay, value, linya, hugis, porma, tekstura, espasyo)
* midya, estilo at disenyo 1. Naipahahayag ang kaisipan at imahinasyon sa
pamamagitan ng sarili at malayang pamamaraan sa:
pagbakat sa papel ng mga bahagi ng katawan tulad ng kamay at paa
paglikha ng balangkas ng sariling katawan sa pamamagitan ng pagbakat, pagguhit at pagpinta
paglikha ng dekorasyon sa “name tag”
pagguhit at pagpinta ng sariling mukha mukha ng kaibigan
2. Naipakikita ang pagkamalikhain sa iba’t ibang paraan sa pamamagitan ng:
paggamit ng iba’t ibang kulay sa pagguhit/pagpinta ng mga linya
paggupit/pagdikit ng iba’t ibang hugis na may iba’t ibang tekstura
pagbubuo ng mga nakikitang nakabukas na simbolo katulad ng na maaaring maging o , gamit ang lapis o krayon
23
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
3. Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggamit ng iba’t ibang materyales at pamamaraan sa sining
pagtitiklop ng papel
pagpipilas/pagdidikit ng papel
pagkuskos ng krayon sa papel na nakapatong sa iba’t ibang teksturang makikita sa paligid Halimbawa: semento, banig, basket, pera, dahon, atbp.
pagpipinta sa pamamagitan ng daliri, kamay, paa at siko
paghuhugis/pagmomolde ng luwad (clay) sa nais na anyo
paglimbag ng mga pangkaraniwang bagay sa paligid (hal. dahon, bato, patpat, atbp)
4. Naipakikita ang pagkamaparaan sa paggamit ng mga patapong bagay sa paggawa ng mga tatlong dimensyong proyekto
pagmomolde sa luwad
pagdidikit ng 3d-collage
pagpapatung-patong, pagdudugtong at pagdidikit (assemblage) ng mga patapong bagay tulad ng maliliit na kahon ng gamot
5. Naisasagawa ang gawain nang may kasiyahan, buong ingat at linis
B. Nakalilikha ayon sa nalalaman/pinag-uusapan sa sariling pananaw
1. Nabibigyang-pansin ang magagandang bagay na makikita sa
likas na kapaligiran
kapaligirang gawa ng tao 2. Napahahalagahan ang magagandang bagay sa
kapaligiran sa pamamagitan ng iba’t ibang pandama; pandinig, paningin, pang-amoy, panlasa at pandama
3. Nakapagpaplano at naisasagawa ang gawain ng may pag-iingat
24
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
MALIKHAING SINING
(MUSIKA AT GALAW)
Ang bata ay nakapagpapahayag ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng musika at sayaw.
Malikhaing Pagpapahayag
A. Napapaunlad ang pagkamalikhain at naipapahayag ang
mahalagang ideya o bagay sa pamamagitan ng mga karanasan sa malayang paggamit ng iba’t ibang:
* elemento ng musika (ritmo,melodiya, harmonya, timbre, porma, tekstura at dynamics )
* instrumentong pang-musika 1. Naipahahayag ang kaisipan at imahinasyon sa
pamamagitan ng:
pagkanta
pagsayaw 2. Nakapagsasagawa ng karaniwang kilos habang
umaawit o nakikinig sa musika, tulad ng pagmamartsa, pagpalakpak o pagtapik ng pulso ng awit/tugtugin
3. Nagagamit ang simpleng instrumentong pangritmo tulad ng bao o patpat sa saliw ng awitin/tugtugin
Napaghahambing ang tono ng dalawang tunog: tunog sa kapaligiran (sasakyan, hangin, tubig atbp)
tunog ng mga hayop (ibon, kalabaw atbp.)
4. Naipahahayag ang damdaming isinasaad ng himig/tugtuging narinig sa pamamagitan ng sariling interpretasyon sa pagsayaw o pag-galaw
5. Nakaaawit ng mga awiting pambata
awiting may kilos (action songs)
nursery rhymes
mga awitin tungkol sa:
sarili/kapwa
pagbati/paggalang
mag-anak/tahanan
pakikisalamuha (socialization) 6. Nakasasayaw ng mga payak na sayaw pambata 7. Nakalilikha ng simpleng himig patungkol sa kanyang
kasalukuyang ginagawa
25
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
Hal.: naglalaro ng manika at inaayusan ang buhok nito, nagtutuhog ng beads habang inaawit ang sariling likhang awit tungkol sa gawain
8. Naipahahayag ang damdaming isinasaad ng kuwento o salita sa pamamagitan ng pag-arte o pagkilos, hal. may baha, may sunog, atbp.
MATRIX OF WIKA, KAHANDAAN SA PAGBASA AT PAGSULAT
Batayan/Kaugnay na Batayan (Domain/Sub-Domain)
Lawak (Component)
Mga Kasanayan/Palatandaan (Competencies/Indicators)
Wika, Literasi at Komunikasyon
(Language, Literacy and
Communication)
Sub-Domain 1: Wika
1. Pakikinig (Receptive
Language)
1. Naisasagawa ang wastong pakikinig at nakatutugon
nang tama 2. Nakikilala ang mga likas na tunog/ugong/huni sa
kapaligiran 3. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng tunog (malakas,
mahina, mataas, mababa) 4. Natutukoy ang magkakatulad na tunog 5. Nakikilala ang mga tunay na bagay, larawan na
pinanggalingan ng tunog/ugong/huni 6. Nauuri ang mga ugong/tunog/huni sa kapaligiran 7. Nakikilala ang mga tunog ng bawat titik na narinig
/p/,/b//m/
/t/,/d//n/
/l/ /r/ /s/
/c//k/
/w/ /y/
1. Ang bata ay nakatutugon sa pasalita at di-pasalitang pakikipagtalastasan.
26
Batayan/Kaugnay na Batayan (Domain/Sub-Domain)
Lawak (Component)
Mga Kasanayan/Palatandaan (Competencies/Indicators)
8. Natutukoy ang mga larawan ng bagay 9. Nakasusunod sa payak na panuto na di
nangangailangan ng hudyat Hal. dalhin ang aklat sa kabilang silid
10. Nauulit ang mga pangungusap na napakinggan
2. Pagsasalita (Expressive Language)
1. Nabibigkas ang mga tunog/huni na napakinggan
huni ng hayop
tunog ng bagay
tunog ng titik
2. Nabibigkas nang wasto ang tunog ng bawat titik ng alpabeto
3. Natutukoy ang bagay nang naaayon sa kinalalagyan
loob/labas - harap/likod
ilalim /Ibabaw - gilid-pagitan 4. Nakapagkukuwento tungkol sa sarili
Nasasabi ang sariling pangalan, gulang, tirahan
5. Nakapagkukuwento tungkol sa pamilya
Nasasabi ang pangalan ng tatay,nanay at mga
kapatid
6. Nagagamit ang magagalang na pananalita at
pagbati sa iba’t ibang situasyon
po/opo
Magandang umaga/hapon po!
Salamat po!
Sori 7. Nabibigkas ang tugma at tula
8. Nasasabi ang mga araw sa isang linggo
9. Nasasabi ang mga pangalan ng mga buwan sa
isang taon
10. Naisasalaysay nang malinaw ang pangyayari
11. Nakakalahok nang masigla sa pangkatang usapan
2. Ang bata ay
nakapagpapahayag ng
kanyang iniisip at
damdamin sa salita at kilos.
27
Batayan/Kaugnay na Batayan (Domain/Sub-Domain)
Lawak (Component)
Mga Kasanayan/Palatandaan (Competencies/Indicators)
12. Nagtatanong kung di nauunawaan ang isang salita 13. Nagagamit nang wasto ang mga di nauunawaang
salita 14. Naipahahayag ang damdamin, iniisip at ideya 15. Napaghahambing ang karanasan at pangyayari o
kalagayan
Sub-Domain 2: Pagbasa
Kahandaan sa Pagbasa
1. Nasasabi ang kaliwa at kanan ng sarili 2. Nasasabi ang kaliwa at kanan ng taong kaharap 3. Naisasagawa ang wastong galaw at hagod ng mata sa
pagbasa kaliwa – pakanan itaas – pababa
4. Napagsusunud-sunod ang mga bagay, larawan, sagisag at titik
5. Nakikilala ang mga pamilyar na logo na nakikita sa mga anunsiyo
6. Nakikilala ang iba’t ibang palatandaan (signage) Hal. Hinto-Takbo
7. Natutukoy ang bahaging kulang o nawawala sa isang tunay na bagay/larawan
8. Napag-uugnay-ugnay ang mga bagay-bagay Hal. plato at kutsara
9. Nakikilala ang magkakatulad na bagay/larawan/titik
10. Natutukoy ang naiibang bagay/ larawan/titik
11. Naiuugnay ang larawan sa salita 12. Naiuugnay ang simulang tunog ng ngalan ng bagay o
titik 13. Nakikilala ang malaki at maliit na titik 14. Napagtatambal-tambal ang mga salitang
magkakatulad na binubuo ng 2-4 na titik
1. Ang bata ay
nakapagpapamalas nang
wastong ayos at paraan sa
kahandaan sa pagbasa.
28
Batayan/Kaugnay na Batayan (Domain/Sub-Domain)
Lawak (Component)
Mga Kasanayan/Palatandaan (Competencies/Indicators)
15. Nabubuksan at naiisa-isa ang mga pahina ng aklat mula simula hanggang katapusan 16. Nababasa ang mga kuwentong larawan mula sa kaliwa-kanan; itaas-pababa 17. Nakikilala ang mga salitang gamitin sa pamamagitan ng sight word technique 18. Nababasa ang mga payak na salitang binubuo ng katinig-patinig-katinig sa pamamagitan ng larawan at configuration clues 19. Nababasa ang mga payak na salitang binubuo ng katinig-patinig-katinig sa pamamagitan ng larawan at configuration clues 20. Nakikilala ang magkakatulad na salitang binubuo ng 3- 4 na titik
Pagpapaunlad ng Talasalitaan
1. Natutukoy ang magkakatugmang salita 2. Nakikilala ang mga salitang magkasingkahulugan 3. Nakikilala ang mga salitang magkasalungat ang
kahulugan 4. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga salitang
magkatugma/magkasintunog
Pag- unawa
1. Nakasusunod sa simpleng panuto 2. Naibibigay ang pangunahing diwa ng
larawan/kuwento 3. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mga larawan/
kuwento 4. Naibibigay ang mga detalye ng kwento 5. Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
sa tulong ng mga larawan 6. Nasasabi kung ano ang maaaring mangyari sa
kuwento
2. Ang bata ay nakagagamit ng
mga salita sa paglalarawan ng
nakita/namasid.
3. Ang bata ay nakauunawa sa
pagbasa ng payak na
babasahin at nasasabi sa iba
ang kaisipan at ideya mula sa
binasa.
29
Batayan/Kaugnay na Batayan (Domain/Sub-Domain)
Lawak (Component)
Mga Kasanayan/Palatandaan (Competencies/Indicators)
Sub-Domain 3: Pagsulat
Kahandaan sa Pagsulat
1. Nakahahawak nang wasto ang lapis
2. Nakaguguhit ng mga linya nang:
patayo
pahalang
pahilis
pakurba
3. Nakababakat ng mga titik na may tuwid na guhit I, E,
F, L, H, T
4. Nakababakat ng mga titik na may makahalong tuwid
at pahilis na guhit V, N, A, X, K, M, W, Y, Z
5. Nakababakat ng mga pabilog na titik gaya ng C, G,
O, S
6. Nakasusulat nang palimbag ng malalaking titik sa
alpabetong Filipino
7. Nakasusulat nang palimbag ang maliliit na titik ng
alpabetong Filipino
8. Nakasusulat ng wastong pagkakasunod-sunod ang
mga titik ng alpabeto
9. Nakababakat ng mga titik ng sariling pangalan
10. Nakasusulat nang wasto ang sariling pangalan nang
may tularan
11. Nakakakopya ng mga salita
Ang bata ay nakakokpya at
nakasusulat ng mga payak na salita.
30
MATRIX OF LANGUAGE, LITERACY, AND COMMUNICATION
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
LANGUAGE, LITERACY, AND COMMUNICATION
COMMUNICATION
Listening (Receptive Language)
1. Demonstrate proper listening and respond appropriately
2. Identify sounds produced by different animals and objects in the environment
3. Identify objects and pictures of objects that produce a specific sound
4. Identify similar sounds 5. Differentiate sounds – loud, soft, high, low
a. Examples: meow, meow, zzz-sss 6. Differentiate the sounds heard in the environment 7. Identify the sounds of letters listened to
/p/, /b/, /m/ /t/, /d/, /n/ /l/, /r/ /f/, /v/ /s/,/z/ /sh/, /zh/ /c/, /k/, /q/ /g/, /j/ /w/, /y/ short vowels long vowels
8. Identify the blending of letter sounds in words 9. Identify words that rhyme in songs and poems 10. Tell what the story listened to is all about 11. Note details from a story listened to 12. Follow simple one-step directions
The child is able to distinguish
different types of sounds and
respond accordingly.
31
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
COMMUNICATION Speaking
(Expressive Language)
1. Produce the sound listened to: animal sounds objects in the environment letter sounds (consonant and vowel sounds)
2. Ask and answer questions about oneself
Whats your name?
Where do you live?
How old your are you? 3. Talk about oneself/others/thing using
a and an
this and that
in and on
under and above
front and back
up and down
before and after 4. Use simple greetings and courteous expressions in
appropriate situations
Good Morning!/Afternoon!
Thank You!/You’re Welcome!/
Excuse Me!/I’m Sorry!
Please…./May I….. 5. Recite rhymes and jingles 6. Name the days of the week 7. Name the months of the year 8. Express feelings, thoughts and ideas 9. Compare experiences and events
The child is able to express
one’s feelings, thoughts and
ideas.
32
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
COMMUNICATION Vocabulary Development
1. Associate words with pictures 2. Recognize common words through sight word
technique 3. Read simple words with consonant-vowel-
consonant (CVC) pattern through pictures and configuration clues
4. Give examples of synonyms, antonyms and homonyms
5. Give words that rhyme
READING
Reading Readiness
1. Tell which is left or right of oneself 2. Tell which is left or right of other people 3. Demonstrate proper eye movement in reading
from left to right from top to bottom from left to right, top to bottom
4. Sequence objects, pictures, symbols and letters from left to right
5. Read picture stories from left to right; top to bottom 6. Identify similarities in objects/pictures/letter forms 7. Identify difference in objects/pictures/letter forms
similarities/difference in letter forms
upper and lower-case letters
identify the letters that are the same in a group of letters
identify the letter that is different in a group of letters
identify critical letter forms (p,b,d,q), (g and q)
8. Identify missing parts in real objects/pictures 9. Associate objects
Example: spoon and fork, table and chairs, pencil and paper, boy and girl, father and mother, etc.
The child is able to increase
his/her vocabulary for
describing observations.
1) The child is able to
demonstrate reading
readiness skills.
33
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
Reading Comprehension
10. Identify words that are same/different Examples: was, saw, was
hut, hot, hut 11. Recognize common words through sight word
technique 12. Read simple words with consonant-vowel-
consonant (CVC) pattern through picture and configuration clues
13. Recognize that written words are separated by spaces
14. Recognize that sentences in print are made up of separate words
15. Read simple phrases and sentences Examples: a book
This is a book. (3-4 words in a sentence)
16. Recognize that printed materials provide information or entertaining stories
17. Handle a book and turn its pages 18. Identify the parts of a book (cover, title page and
body)
1. Give the main idea of the picture/story 2. Note details in pictures
a. solo picture b. composite picture
3. Note details in story read
Identify story grammar (setting, character, time,
Recall main facts from a story 4. Follow simple directions 5. Arrange the events in the story read thru picture 6. Tell what will happen 7. Repeat 2-step directions and request
2) The child is able to
comprehend simple texts and
relate one’s thoughts and ideas
from books read, pictures,
experiences to others.
34
BATAYAN/KAUGNAY NA BATAYAN (Domain/Sub Domain)
LAWAK (Component)
MGA KASANAYAN/PALATANDAAN (Competencies/Indicators)
Writing Readiness
1. Develop fine motor skills
Hold pencil properly
Scribble spontaneously
Make vertical, horizontal and curve lines
2. Write letters of the alphabet in manuscript using models
Trace and write letters of the alphabet written in straight lines I, F, E, L, H, T
Trace and write letters of the alphabet with a combination of straight and slanting lines V, N, A, X, Z, K, M, W, Y
Trace and write letters with combination of straight and curved lines D, B, P, R, U, J
Trace and write letters with rounded strokes C, G, O, Q, S
3. Write the letters of the alphabet in upper and lower case
4. Trace one’s name 5. Write one’s name 6. Copy words
The child is able to copy and
write simple words.
WRITING