CLSU Collegian Newsletter Issue (November 2012 - January 2013)

20
Nobyembre 2012 - Enero 2013 Tomo XLIX Blg. 8 Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University Ospital ng CLSU naubusan ng gamot Miyembro ng College Editors Guild of the Philippines P8-M gusali ng CEd binuksan na Pormal ng binuksan ni 2 nd District Rep. Joseph Gilbert Violago ang walong milyong halagang gusali noong Disyembre 13, 2012 sa naganap na turn-over, blessing at ribbon cutting ceremony sa harap ng Col- lege of Education. Ang nasabing gusali na may dalawang palapag at may Nagkulang ang suplay ng gamot tulad ng amoxicillin at ascorbic acid na siyang inerer- eklamo ng mga nagpapatingin na estudyante. Reklamo “Walang stock ng amoxicil- lin, iyan ang sabi sa akin ng phar- macist ng ospital noong nagpa check-up ako at resetahan ng “Nagkakaroon yung mga bata ng drive to excel and it proves that CLSU is one of the top universities pagdating sa sciences and yung mga es- tudyante natin nae-expose. Na- prove again once and for all na no. 1 ang CLSU”, ani Amelia Z. Daquioag, PSC Coordinator ng CLSU. sundan sa pahina 5 gamot na naka-assign na nars noong Disyembre 17, 2013,” kwento ni Rheymond G. Som- era, En3. Inangking muli ng Team CLSU ang over-all champion sa pangatlong pagkakataon sa katatapos na Philippine Sci- ence Consortium (PSC) and Math and Science Quiz Bowl and Research Congress noong Disyembre 11-13, 2012. sundan sa pahina 9 Sa ikatlong pagkakataon, CLSU kampeon muli sa PSC ni Edwin Respicio ni Van Alen Lumandas Disyembre nitong nakaraang taon nang magsimulang maubusan ng mga ilang pangunah- ing gamot ang ospital ng CLSU. Umabot ito hanggang sa Enero taong kasalukuyan. sundan sa pahina 4 Nabawasan ng 9.54% ang mga nag-enrol sa CLSU ngayong ikalawang semes- ter, taong panuruan 2012- 2013. Ayon sa datos na nagmula sa Office of Admission, ang bi- lang ng mga estudyante noong unang semester ay umabot ng 10,437 kumpara sa 9,441 na naitala ngayong semester. Karaniwan na ang pagbaba ng populasyon na mga mag- aaral tuwing ikalawang semester dahil na rin sa bilang ng mga nag-drop at ng mga nagsipagta- pos nitong nakaraang Nobyem- bre 2012. Ang College of Arts and Sciences pa rin ang may pinaka- maraming estudyante na um- abot sa 23.60%. Populasyon ng CLSU natapyasan ng 9.54% ni Jessa Rarama sundan sa pahina 6 BAGO. Kasalukuyan nang nagagamit sa pagtuturo ang dalawang palapag na gusaling ito na ipinagkaloob ni 2 nd District Rep. Joseph Gilbert Violago sa College of Education. (Kuha ni Kenneth Antolin) ni Edwin Respicio Ginanap ang nasabing pat- impalak sa Isabela State Uni- versity, Cabagan, Isabela na nilahukan ng 24 na mga pam- publikong unibersidad at mga kolehiyo sa buong Pilipinas. Nagsilbi bilang mga hurado at consultants ang mga prope- sor mula sa University of the Matapos mabigong makapasok sa top 3 last year CLSU pumangalawa sa PAES Quiz Pumangalawa ang koponan ng CLSU matapos ungusan ang labing apat pang mga unibersidad at kolehiyo sa pilipinas sa katatapos na PAEStigan III: The State Colleges and Univer- isties National PAES Quiz Contest ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas – Los Baños, Laguna nitong Enero 25-26. Binubuo nina Daniel Alexis Belonio, na kasalukuyang nasa ikaapat na taon, Dharell B. Siano, at Vanesa C. Largado na parehongng nasa ikalimang taon at pawang mga estudyante ng agricultural engineering ang grupong inilahok ng CLSU sa nasabing patimpalak. ni Kenneth Antolin “Mas masaya kami sa kina- lagyan ng CLSU sa contest na ito ngayong taon, kasi dati nasa mga ikalimang pwesto kami last year,” saad ni Largado. “ Sana mag-champion na sa susunod,” dagdag niya. sundan sa pahina 7

description

This is the Newsletter Issue of the CLSU Collegian released for the months of November 2012 - January 2013)

Transcript of CLSU Collegian Newsletter Issue (November 2012 - January 2013)

Nobyembre 2012 - Enero 2013Tomo XLIX Blg. 8

Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University

Ospital ng CLSU naubusan ng gamot

Miyembro ng College Editors Guild of the Philippines

P8-M gusali ng CEd binuksan na

Pormal ng binuksan ni 2nd District Rep. Joseph Gilbert Violago ang walong milyong halagang gusali noong Disyembre 13, 2012 sa naganap na turn-over, blessing at ribbon cutting ceremony sa harap ng Col-lege of Education.

Ang nasabing gusali na may dalawang palapag at may

Nagkulang ang suplay ng gamot tulad ng amoxicillin at ascorbic acid na siyang inerer-eklamo ng mga nagpapatingin na estudyante.

Reklamo“Walang stock ng amoxicil-

lin, iyan ang sabi sa akin ng phar-macist ng ospital noong nagpa check-up ako at resetahan ng

CollegianCLSU

“Nagkakaroon yung mga bata ng drive to excel and it proves that CLSU is one of the top universities pagdating sa sciences and yung mga es-tudyante natin nae-expose. Na-prove again once and for all na no. 1 ang CLSU”, ani Amelia Z. Daquioag, PSC Coordinator ng CLSU. sundan sa pahina 5

gamot na naka-assign na nars noong Disyembre 17, 2013,” kwento ni Rheymond G. Som-era, En3.

Inangking muli ng Team CLSU ang over-all champion sa pangatlong pagkakataon sa katatapos na Philippine Sci-ence Consortium (PSC) and Math and Science Quiz Bowl and Research Congress noong Disyembre 11-13, 2012.

sundan sa pahina 9

Sa ikatlong pagkakataon, CLSU kampeon muli sa PSC

ni Edwin Respicio

ni Van Alen Lumandas

Disyembre nitong nakaraang taon nang magsimulang maubusan ng mga ilang pangunah-ing gamot ang ospital ng CLSU. Umabot ito hanggang sa Enero taong kasalukuyan.

sundan sa pahina 4

Nabawasan ng 9.54% ang mga nag-enrol sa CLSU ngayong ikalawang semes-ter, taong panuruan 2012-2013.

Ayon sa datos na nagmula sa Office of Admission, ang bi-lang ng mga estudyante noong unang semester ay umabot ng 10,437 kumpara sa 9,441 na naitala ngayong semester.

Karaniwan na ang pagbaba ng populasyon na mga mag-aaral tuwing ikalawang semester dahil na rin sa bilang ng mga nag-drop at ng mga nagsipagta-pos nitong nakaraang Nobyem-bre 2012.

Ang College of Arts and Sciences pa rin ang may pinaka-maraming estudyante na um-abot sa 23.60%.

Populasyon ng CLSU natapyasan ng 9.54%

ni Jessa Rarama

sundan sa pahina 6

BAGO. Kasalukuyan nang nagagamit sa pagtuturo ang dalawang palapag na gusaling ito na ipinagkaloob ni 2nd District Rep. Joseph Gilbert Violago sa College of Education. (Kuha ni Kenneth Antolin)

ni Edwin Respicio

Ginanap ang nasabing pat-impalak sa Isabela State Uni-versity, Cabagan, Isabela na nilahukan ng 24 na mga pam-publikong unibersidad at mga kolehiyo sa buong Pilipinas.

Nagsilbi bilang mga hurado at consultants ang mga prope-sor mula sa University of the

Matapos mabigong makapasok sa top 3 last year

CLSU pumangalawa sa PAES Quiz

Pumangalawa ang koponan ng CLSU matapos ungusan ang labing apat pang mga unibersidad at kolehiyo sa pilipinas sa katatapos na PAEStigan III: The State Colleges and Univer-isties National PAES Quiz Contest ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas – Los Baños, Laguna nitong Enero 25-26.

Binubuo nina Daniel Alexis Belonio, na kasalukuyang nasa ikaapat na taon, Dharell B. Siano, at Vanesa C. Largado na parehongng nasa ikalimang taon at pawang mga estudyante ng agricultural engineering ang grupong inilahok ng CLSU sa nasabing patimpalak.

ni Kenneth Antolin

“Mas masaya kami sa kina-lagyan ng CLSU sa contest na ito ngayong taon, kasi dati nasa mga ikalimang pwesto kami last year,” saad ni Largado. “ Sana mag-champion na sa susunod,” dagdag niya.

sundan sa pahina 7

Kenneth F. Antolin: Editor-in-chief/ Layout artist | Edwin C. Respicio: Associate editor/Layout and graphics artist | Ellaine M. Aquino: Opin-ion editor | Paul John Villamor : Sports editor | Prince Jerson M. Senorin: Literary editor | Van Alen Lumandas: Circulation managers | Jessa Rarama,Jasmin Pangilinan, Karina Yvonne D. Pascua: Staff writers | Aldrin P. de Leon: Head cartoonist | Christopher E. Narne: Cartoonist

2 OPINYONwww.clsu-collegian.netNobyembre 2012 - Enero 2013

CLSUCOLLEGIAN

CLSU Collegian

Ano nga ba ang mga kwalipikasyon para matawag ang pinapasukan mong unibersidad na mahusay at mas magaling pa sa iba? Nasusukat ba ito sa dami ng mga kurso at programa na kayang ialok sa mga estudyate? Sa dami ng mga estudyanteng pumapasok dito? Tatawagin bang magaling ang CLSU dahil sa mga estudyanteng nag-uuwe ng mga parangal mula sa iba’t ibang paligsahan sa pang-akademiko, sining at isports? Gaano ba tayo kagaling?

Naglabas ang pahayagang Philippine Star ng kanilang listah-an noong Hunyo 2012 ng artikulo tungkol sa siyam na pinaka-magagaling na unibersidad sa ating bansa noong 2012. Napasama ang CLSU at pumang-anim sa listahan dahil sa pagkakaroon ng limang Centers of Excellence (COE) sa Agriculture, Agricul-tural Engineering, Fisheries, Veterinary Medicine, and Teacher Education. Naging basehan ng Philippine Star ang dami ng COE ng isang unibersidad sa taong 2010 para makasali sa listahan na kanilang ginawa.

Maraming listahan rin ang mahahanap sa internet tungkol sa mga pinakamagagaling na unibersidad sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo. Ayon sa www.4icu.org, pang 43 ang CLSU sa listahan ng mga pinakamagagaling na unibersidad sa Pilipinas at pang 7,211 naman ito sa buong mundo sa taong 2012. Naging basehan ng organisasyong ito ang popularidad ng website ng bawat unibersidad para gawin ang listahan na ito. Pang 6,116 naman ang CLSU sa pinakamagagaling na unibersidad sa buong mundo ayon sa www.academyrank.com.

Inuwi naman ng CLSU ang unang pwesto sa over-all rank-ing sa naganap na Philippine Science Consortium 2012. Nanguna ang koponan ng CLSU sa Biology, pumangatlo sa Mathematics at Physics at pumangwalo sa Chemistry.

Naging pangalawang pwestong muli naman ang CLSU sa SCUAA III dahil sa 46 na medalyang ginto na nalikom ng mga atleta sa iba’t ibang palakasan.

Nakamit naman ng CLSU ang COE in Biological Scienc-es noong nakaraang taon, dahilan ito para maging anim na ang COE programs sa CLSU.

Ito nga ba ang mga bagay o dahilan para tawaging magal-ing ang CLSU? Hindi. Dahil hindi lahat ng bagay sa tuwing ika’y huhusga o nagbibigay ng hatol ay natutumbasan ng numero. May mga mga bagay na mahirap maipaliwanag pero kung paiiralin ang puso ay maluwag mo itong gugustuhin at sasang-ayunan.

Kaya tiyak na mas tatawaging magaling talaga ang CLSU kapag naibigay ng unibersidad na ito ang mga pangunahing pan-gangailangan ng mga estudyanteng pumapasok rito. Ang mga karagdagang pasilidad, mga kagamitan sa laboratoryo, magagal-ing na mga guro, murang tuition fee, at higit sa lahat ay ang pag-bibigay ng institusyong ito ng magandang kinabukasan sa bawat mag-aaral na naging parte nito.

Gaano tayo kagaling?

Editoryal

Patnugutan ng ikalawang semestre, A.Y. 2012-2013

Nagtatanong lamang poni Kenneth Antolin

Isang estudyante na kumukuha ng kursong Agriculture major in animal science ang nagtanong samin para alamin kung talaga nga bang sapilitan o obligado ang pagsali sa isang organisasyon na kabit ng kanyang kinuhuhang kurso. Sa mga nasa awtoridad, kailangan po ba talagang sumali dito kahit ayaw sumali ng mga estudyante? Hindi naman po siguro masamang tumanggi lalo’t ang organisasyong sa-salihan ay mayroong rekord ng pagkakasuspindi dahil sa “hazing”. Hindi rin naman po siguro masama kung kapakanan ng kaligtasan ng mga estudyante ang iisipin habang nag-aaral sila. Wala rin naman po sigurong batas na nagsasabing obligadong sumali ang mga estudyante sa isang organisasyon. Kung mayroon man, pakilatag naman po.

***Totoong mahirap mabuhay sa mga dormitoryo, bukod sa mad-

ami kayo sa iisang room, ay lalo pang pahirap ang serbisyo ng tubig. Mayroon po kasing mga oras na mahina at kung minsa’y walang tu-mutulong tubig sa mga gripo. Kailan po kaya masosolusyunan ang problemang ito na ilang dekada na ding tinitiis ng mga taga-dorm? Mahirap din po kasi iyon dahil paano na lamang kung tumawag ang inang kalikasan?

***Kapag nasa Unibersidad ng Pilipinas ka, kapansin-pansin na kapag

nagtanong ka sa isang building o lugar ay kadalasang ang mga kalye nito ang isasagot ng pinagtanungan mo. Dito po kaya sa CLSU, alam kaya ng mga estudyante kung saan ang Milbuen Street? Kailan po kaya papalitan ang mga street signage nang sa gayo’y magkaroon ng pakinabang ang mga kinakalawang na mga posteng nakatirik sa gilid-gilid ng kalye?

www.clsu-collegian.net

CLSUCOLLEGIAN

CLSUCOLLEGIAN OPINYON

Nobyembre 2012 - Enero 2013 3Dalawa sa mga nangingiba-

baw na problema o sakit ng ating unibersidad ay ang seguridad at ugali. Mga problema na kung sisilipin ay hindi naman talaga ganoon kahirap solusyunan. Sa katunayan, sisiw lamang ito kung pagtutuunan ng pansin.

Una, bagama’t matagal nang naisusulat sa publikasyong ito ay ang seguridad ng buong komu-nidad ng unibersidad partikular na ang sa kapakanan ng mga es-tudyante at mga pasilidad nito.

Marami na ang naitalang

mga krimen sa loob ng uniber-sidad. Kabilang na dito ang isang estudyante na ninakawan at binugbog malapit sa Old mar-ket. Isang estudyante na bibili la-mang ng hapunan ay biglang hi-natak sa isang organization park at pagkatapos ay pinaghihipuan na marahil ay ginawa nang hapu-nan ng mga hindi nakilalang mga kalalakihan.

Mayroon ding mga nakawa-ng nangyayari sa loob ng mga dormitoryo. At nito lamang, ginimbal ang tahimik na umaga ng unibersidad makaraang isakay ng isang dating opisyal ng ating unibersidad ang dalawang es-tudyante sa kaniyang sasakyan na sa pagkakalarawan ng mga nakakita ay isa umanong hostage taking. Ilan lamang ito sa nag-paingay sa komunidad ng CLSU at nagbuhat ng ilang katanungan sa akin, “Gaano nga ba kaligtas ang ating unibersidad? Ligtas pa

ba kaming mga CLSUans?”Kung susumahin, hindi

maaring mangyari ito sa uniber-sidad dahil mayroon naman tay-ong matitipunong mga miyem-bro ng University Security Force (USF) na talaga namang masa-sabi nating abalang-abala sa pag-babantay sa ating unibersidad. Ngunit gaya ng mga binanggit kong mga krimen, kitang-kita at malinaw na hindi talaga kaya ng

USF ang mapanatiling ligtas ang CLSU. Kaya naman, ano kaya ang makabubuting gawin ng ad-ministrasyon?

Marahil, kung dodoblihin ang bilang ng USF, baka sakaling mabawasan ang bilang ng mga krimeng nangyayari sa loob ng CLSU. Baka sakaling nabantay-an nila ang accreditation office na tinangkang pasukin ng mga kawatan kamakailan lamang. Maganda rin na taasan o di kaya’y lagyan ng barbwires ang kasing laki ni Dagul na mga bakod na pumapalibot sa 658 ektaryang lupain ng CLSU. Maganda ring ideya ang pagpapakabit ng mga CCTV camera at paglalagay ng ilaw lalong lalo na sa mga pangu-nahing lansangan at pasukan ng unibersidad.

Ikalawang problema ay ang pag-uugali ng ilang empleyado ng unibersidad. Nabasa ko sa mga Facebook group ng CLSU ang ilang hinaing ng mga estudyante hinggil sa mahihirap at tila wala sa wisyong kausap na mga emp-leyado. Mayroon ‘yung mga em-pleyado na napakasusungit kahit umagang-umaga ay tila bulkang nag-aalburuto. Mga USF na inir-ereklamo dahil sa pangunguha ng mga numero ng mga estudyante. Mayroon din namang mga em-pleyado na nagtatakda ng sarili nilang lunchbreak na kung sisili-

Seguridad at ugali

Kenneth F. [email protected]

ROAD RUNNER

“Nakalimutan kaya nila na pina-sasahod sila para magtrabaho, hindi para mag-Facebook? Pina-susweldo sila para maglingkod, hindi para magpasarap sa de-aircon na kinauupuan nila.”

pin ang kanilang mga ginagawa sa computer ay mga naka-open na facebook accounts. Siguro, ganoon na ka-high-tech ang mga transakyon ng ilang opisina na kung sa’ay kailangan online para konektado sa halos isang dangkal na layo na kaopisina. Mayroon namang mga empleyado na kung umasta’y sila ang pinagsisilbihan. ‘Yun ikaw ang papupuntahin nila sa taong dapat sana’y sila ang pu-munta para sila ang gumawa ng atas nila.

Oo, ilan lamang iyan sa mga bagay na hindi magandang pag-uugali ng ilang empleyado. “Na-kalimutan kaya nila na pinasasa-hod sila para magtrabaho, hindi para mag-Facebook.? Pinasus-weldo sila para maglingkod, hindi para magpasarap sa de-aircon na kinauupuan nila.” Sana din, isip-

Sabi NilaTinanong namin ang pananaw ng ilang CLSUan ukol sa matunog na usap-usapang Doomsday na matutuloy umano ngayong

2013 na naudlot noong 12-21-12, sabi nila…

Hindi ako naniniwala kasi wala naman talagang makakapagsabi kung kailan ang katapusan ng mundo. Tanging Diyoslang talaga ang nakakaalam kung kalian ang kata-pusan.--- Albert Asuncion

Ako kasi hindi naniniwala kasi si God lang ang nakakaalam noon eh. Pero kung science and reality ang pagbabasehan pwedeng mangyari kasi halos lahat ng bansa may nuclear power na. Isang maling galaw lang katulad sa Korea pwede din mangyari ang kinakatakutan na doomsday. --- Charles De Guzman

Matunog nausap-usapan [iyan]ngmgaestudyante ditto sa CLSU noong nakaraang taon. Para sa’kin, oo may hangganan nga ang lahat ng bagay at may katapusan ang mun-do, pero walang sinumang makapagsasabi kung kalian, paano, at saan ito matatapos dahil tanging Diyos lang ang nakakaalam ng lahat. --- Jeff Gundran

Hindi ako naniniwala kasi noon pa hinuhulaan na magugunaw na ang mundo pero ‘di naman nagkakatotoo. Isa pa tao lang naman ang nagsasabi hindi namanDiyos kaya walangkatotohanan. --- Jennifer Dellosa

Kung mananalig tayo saDiyos at sabaysabay na ipagdadasal ang kaligtasan ng la-hat e ‘di mangyayari ‘yun. ‘Yung balitang magugunaw na ang mundo e pagsubok lang ‘yun sa pananampalataya natin. ‘Di man natin alam kung kalian talaga ang katapusan ng mundo e iparamdamnatin ang pagmamahal natin sa mga mahahalagang tao sa’tin na para bang katapusan nang mundo mamaya. --- ZielyBugayong

Sa kabila ng mainit at kontrobersiyang usaping ito, siguradong hindi ito matutuloy at lalong hindi gugunawin ang mundo, dahil isipin mo nalang, hindi katalinuhang gigibain ang boarding house kung ang mga naninira dito ay ang mga boarders nito. --- Anonymous

sundan sa pahina 4

4 OPINYONwww.clsu-collegian.netNobyembre 2012 - Enero 2013

CLSUCOLLEGIAN

Edwin C. [email protected]

WORDPLAY

Ito ang birong pinakatu-matak sa akin nang sabihin ito ng aking kaibigan sa text na animo’y ako ang susunod na bayani tulad ni Sto. Pedro Calungsod. Nabasa pala niya ang aking naisulat na artikulo sa aming inilabas na pahayagan noong nakaraang Disyembre. Tungkol ito sa mga abusado at mababait na guro.

Napakatapang ko raw para magsulat ng ganoong bagay. Ako raw ang susunod na bayani ng kabataan tulad ni Sto. Pe-dro Calungsod na susunod ring kikitilin ang buhay. Napatawa na lamang ako sa nabasa kong text, bagamat medyo napaisip rin ako na kung isa sa mga araw na ito ay bigla na lamang akong bawian ng buhay sa daan (Lord, huwag naman sana).

Isang uri na naman ito ng “death threat” pero sa nakatutu-wang paraan. Normal na lamang ito sa amin bilang mga estudy-anteng mamahayag na tungkul-

“Hinding-hindi naman kami mag-susulat ng pawang kathang-isip lamang at mga imbento kapag kapakanan ng estudyante na ang usapin. Wala ring kasing lalabas na usok kung walang gagawa ng

init o apoy.”

Susunod ka kay Pedro!

ing ilabas ang katotohanan para sa kapakanan ng kapwa naming estudyante.

Naalala ko tuloy nang una akong(kaming) makatanggap ng death threat sa aming pub-likasyon, bubugbugin raw kami ng isang fraternity sa CLSU na may mga taga labas ng CLSU ang myembro. Sabi sa amin ng aming punong patnugot, “hu-wag kayong matakot dahil hindi papayag ang mga myembro nila sa loob na gawin ‘yun at ang mga nasa loob na myembro ang ma-dadamay at masasangkot kapag nangyari iyon”

Hanggang sa nawala sa am-ing loob ang pagkatakot na iyon at ituloy ang buhay mamamahay-ag para sa estudyante. Nawala na rin halos ang aming takot kapag minsan may mga natatanggap kaming mga bagay katulad ng ganoon, hindi man direkta sa amin pero nakararating pa rin sa amin.

Mas mabuting marinig na-min iyon kaysa hindi niyo marin-ig ang mga maling gawain ng mga ilang kawani at personalidad sa CLSU sa pamamagitan ng am-ing pagsusulat.

Tila mas mahirap nga kung may pagkakataon kang ilabas at isiwalat ang mga maling ga-wain kaysa makarinig o maka-tanggap ng ganoong bagay. Mas papatayin ka ng konsen-sya mo at hindi papatulugin sapagkat mas maraming mag-durusang estudyante. Patuloy lang nilang gagawin ang mga hindi kanasi-nais na bagay at hindi maka-estudyanteng de-sisyon.

Hinding-hindi naman kami magsusulat ng pawang kathang-isip lamang at mga imbento kapag kapakanan ng estudyante na ang usapin. Wala ring kasing lalabas na usok kung walang gagawa ng init o apoy.

in na lang nila na mga anak nila ang pinaglilingkuran nila nang sa gayo’y kahit papaano’y maging mabait at kalmado sila. Gaya sa PhilRice, i-block ang mga social networking sites sa lahat ng opi-sina ng unibersidad kapag oras ng trabaho. Kung angkop, bakit kaya hindi magkaroon ng saril-ing bersyon ng CTEC evaluation para sa mga empleyado. Tapos ang mga mag-re-rate ay kam-ing pinaglillingkuran nila? Aba,

kung ayaw po ninyo ang trabaho ninyo, mas mainam na ibigay ninyo ito sa mga taong nararapat sa pwesto ninyo. Tandaan, hindi po ang trabaho ang mag-a-adjust para sa inyo, kundi kayo mismo.

Tunay na madami pang bagay ang dapat pagtuunan ng unibersidad para sa ikahuhusay ng serbisyo nito. Ngunit tanging ang seguridad at pag-uugali ang dapat sana’y unang pagtuunan din ng pansin ng administrasyon.

Kung hihimayin, kung mataas ang seguridad ng unibersidad, mas ligtas ang lahat ng taong nag-aaral at nagtatrabaho dito. Kung natuto ng Good Moral and Right Conduct na noong elementarya pa lamang ay itinu-turo na sa bawat isa, siguradong wala na rin ang mga inirereklam-ong empleyado ng unibersidad. Gayunpaman, dahil nariyan na iyan, gaya ng musikang sintuna-do maari pa naman itong itono.

Seguridad at ugali ...mula sa pahina 3

P-8M gusali ng CEd ...mula sa pahina 1

ISPEAR paiigtingin ...mula sa pahina 17 na sa softball lang tayo nag-champion”, ani Santos. “Kai-langang makakuha din tayo ng magagaling na players sa soccer at baseball dahil sa soc-cer pa lamang ay 11 golds na at siyam naman sa baseball”, dagdag niya.

Ayon pa kay Santos ang agwat ng BulSU na 75 golds ay halos 38 golds na kalamangan na lamang dahil kung masisik-wat ng CLSU ang 38 na gin-tong ito, nangangahulugan na may posibilidad nang makamit ng unibersidad ang kampe-onato.

“Kung kukunin natin ang 38 golds sa 75 gold na kala-mangan sakanila (BulSU) at idadagdag sa atin (CLSU) ma-giging love na tayo”, pagtata-pos ni Santos.

sukat na 388 square meters at tatlong kwarto sa bawat palapag ay dinesenyo ng Physical Plant and Site De-velopment Office.

Ibinigay gusali ni Cong. Violago ang gusali sa pama-magitan ng kanyang Prior-ity Development Assistance Fund (PDAF)

Ito ay para na rin pataa-sin pa ang kalidad ng edu-kasyon sa CLSU lalo na sa College of Education na na-kamit na ang Commision on Higher Education Center of Excellence kamakailan.

Matutulungan ng gusal-ing ito ang 1,947 estudyan-teng naka-enrol sa nasabing kolehiyo noong unang se-mestre S.Y. 2012-2013 kasa-ma ang iba pang estudyante ng BS Extension Education.

sundan sa pahina 16

www.clsu-collegian.net

CLSUCOLLEGIAN

CLSUCOLLEGIAN BALITA

Nobyembre 2012 - Enero 2013 533 estudyante ng CEn-CLSU pumasa sa CE Board

Ginanap ang pagsusulit noong Nobyembre 24 at 25, 2012 sa lugar ng Manila, Baguio City, Cagayan de Oro City, Cebu City, Davao City, Iloilo City, at Legazpi City.

Pinangunahan ng dekana ng OSA na si Elizabeth Suba at ng dalawang opisyal ng USSC na sina Allan Jay Esteban at Kassandra Bituel ang nasabing forum na naglalayong magbig-ay kaalaman ukol sa konteksto ng seguridad na dapat makuha ng mga estudyante. Ito ay bi-

Campus security, Crime prevention and Discipline forum idinaos

sundan sa pahina 6

BSChem4 at Erick Allain Flores, BSChem3, ikalawang pwesto ka-tabla ang Batangas State Univer-sity sa Physics.

Wagi din sa Research Con-gress ang mga dating estudyante ng CLSU na sina Eden B. Jagoli-na, BSChem, unang pwesto para sa Chemistry at Neah Rossandra Sevilla, BSBio, ikalawang pwesto para naman sa Biology at unang karangalan din para sa Research Poster.

“Bilib ako sa mga bata, bilib ako sa kanila, disiplinado ‘yung mga estudyante natin”, dagdag pa ni Prof. Daquioag.

Bilang paghahanda ay nag-karoon ang mga kalahok ng CLSU ng in-house review kasa-ma ang kanilang mga coaches sa RSTC Hostel kasama ang libreng pagkain at accommodation.

Sa 5,747 Bachelor of Science in Civil Engineering na nagtapos at kumuha ng pagsusulit para sa Civil Engineering Board Exam, 2,380 lamang ang pumasa, kabilang na ang 33 nagta-pos ng College of Engineering (Cen) CLSU na nakapagtala ng 55% passing rate habang ang national passing rate ay 41.41% lamang.

Isinagawa ng Office of the Student Affairs (OSA), kasama ang University Supreme Student Council (USSC) ang Campus security, Crime prevention and Discipline forum sa University Auditorium nitong Enero 30.

sundan sa pahina 6

ni Paul John VillamorIsinagawa ng Central Lu-

zon Agriculture and Resourc-es, Research and Development Consortium(CLARRDEC) ang ika-23 Regional sympo-sium on Research and Devel-opment (R & D) highlights at 1st Regional FIESTA on goat industry in Central Luzon na ginanap sa RET amphitheater noong Disyembre 5-6 2012.

Patungkol sa naturang kauna-unahang regional fiesta, ang mga paksa na tinalakay ukol sa sitwasyon ng goat industry sa Gitnang Luzon ay ang Nutrition and health benefits of goat’ milk and meat at Farmers and Indus-try encounter on goat supply and demand.

Mayroon ding lecture-demo tungkol sa goat artificial insemi-nation at goat quiz contest na pinamagatang “SaGOATan chal-lenge” na ibinigay para sa mga estudyanteng kalahok at iba pa.

CLARRDEC isinagawa ang regional symposium sa R&D , 1st FIESTA

TAGUMPAY. Ngumiti sa harap ng lente ang mga nag-organisa ng Symposium on campus security, crime prevention and discipline kasama si Atty. Julius A. Babista (ikapito mula kaliwa) na siyang naging panauhing tagapagsalita nitong Enero 30 na ginanap sa Auditorium.

ni Edwin Respicio

ni Jasmin Pangilinan

CLSU kampeon ...mula sa pahina 1

Philippines- Baguio at St. Louis University.

Nag-uwi din ng karangalan ang Bulacan State University, ikalawang pwesto; Don Mariano Marcos Memorial State Univer-sity, ikatlong pwesto; Batangas State University, ika-apat na pwesto at Cavite State Univer-sity, ika-limang pwesto.

Nanalo naman sa quiz bowl sina April A. Burgos, BSBio4 at Marah Fatima T. Bautista, BSEd4, unang pwesto sa Biol-ogy; Paula Bianca R. Alfonso, BSChem3 at Mark Aldren M. Feliciano, BSChem3 ika-walong pwesto sa Chemistry; Jan Martin S. Gonzales, BSMath2 at Mark D. Tomenes, BSMath2, ikalawa-ng pwesto katabla ang Bulacan State University sa Mathemet-ics at Jhon Abba A. Marinas,

Bukod sa karangalan ay nag-uwi rin ang mga kalahok ng cash prizes: 1st place - P10,000, 2nd place - P7,000 at 3rd place - P5,000.

lang bahagi na din ng pagdiri-wang ng OSA Students’ Week.

“To handle such an activ-ity provides a feeling of pride and responsibility taken into account because despite of con-straints like the financial and time for preparation the event became successful”, Ani Este-ban.

Napiling panauhing tag-apagsalita si Atty. Julius Babi-sta mula sa Adamson Univer-

Inilabas naman ng Profes-sional Regulation Commission (PRC) ang resulta sa loob ng tat-long araw pagkatapos ng huling araw ng pagsusulit.

Kasama sa listahan ng mga

pumasa sina Jowell C. Barayuga, Benhur l. Basilio, Harold C. Be-dania, Chrisceldo V. Calderon, Dyna G. Catabona, Aljom Victor M. Clauren, Reggie C. Coo, Lyn-

sundan sa pahina 7

P-8M gusali ng CEd ...mula sa pahina 1

ISPEAR paiigtingin ...mula sa pahina 17

6 BALITAwww.clsu-collegian.netNobyembre 2012 - Enero 2013

CLSUCOLLEGIAN

Ito ang naging pahayag ni University Supreme Stu-dent Council (USSC) chairper-son Paul A. Cardenio ukol sa kanilang pangunahing hangarin sa naganap na Students’ Week 2013 na ipinagdiwang nitong ika-28 hanggang ika-31 ng Enero.

Nagsagawa ang USSC ng iba’t ibang mga aktibidad na may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa estudyante sa usaping politikal at sosyal tulad ng Kapihan sa OSA (Office of Student Affairs), Student Sym-posium, Collegiate Student Body Organization (CSBO) Confer-ence, at Student Agenda.

Nilayon ng mga aktibidad na ito na tulungan ang mga es-tudyante na ihayagang kanilang

mga hinaing at mga problema na nararanasan sa loob ng unibersidad.

“Hindi sa amin mismo manggagaling ‘yung concern kundi sa mismong estudyante and then iko-consolidate lang namen tapos kami yung mag-tataas noon sa university presi-dent,” dagdag pa ni Cardenio.

Nilinaw naman sa stu-dent symposium ang karapa-tan ng estudyante sa seguridad at proteksyon na magmumula sa unibersidad na pinapasukan nito.

Kaakibat din dito ang karapatan ng unibersidad na pangalagaan at depensahan ang

Cardenio: Ang students’ week ay para sa mga concerns ng estudyante

sundan sa pahina 8

Pinangunahan ni CLSU president Ruben C. Sevilleja at PCIEERD executive director Rowena Cristina L. Guevara ang research colloquium kasama ang mga inimbitahang tagapagsalita mula sa Ateneo de Manila Uni-versity, UP Diliman, Manila at Los Banos.

Dinaluhan ito ng mga col-lege students, research assistants and administrators, faculty mem-bers, negosyante at iba pang mga kawani na may kinalaman sa Bio-technology.

Ang dalawang araw na col-

loquium ay may paksa tungkol sa Capability Building in Genomics; Database of Plant-Arthropod In-teractions Observed in the Four Subcathments of Mt. Isarog Nat-ural Park; Assessing the Phytore-mediation Potential of Some In-digenous Species of Plants in the Philippines; Bio-ozonation Treat-ment for Colored Wastewater in View of Recycling Potential; Mi-crobial Rennet Production, Using BIOTECH Microbial Strains to Improve Bioethanol Production, Microbial-based Fertilizers and

DOST-PCCIERD at CLSU nagdaos ng Biotech Research Colloquium

Sa ika-8 National Biotechnology week

“Basically para ma-highlight yung concerns ng mga stu-dents.”

MISTERYO. Nagsilbing palamuti at tirahan na lamang ng mga ibon ang gusaling ito na Chinese Study Learning Center na humigit sa kala-hating dekada nang naitayo sa loob ng CLSU. (Kuha ni Kenneth Antolin)

Sa pagdiriwang ng 8th National Biotechnology Week, nagdaos ng isang research colloquium ang Department of Science and Technology – Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research- and Develop-ment (DOST-PCIEERD) kasama ang CLSU noong Noby-embre 21 sa CLSU-RET Amphitheatre.

ni Prince Jerson Senorin

ni Edwin Respicio

Campus security ...mula sa pahina 5

sity upang tumalakay sa lahat ng nilalaman ng seguridad na dapat matamo ng mga estudy-ante, kasama na ang mga pan-disiplinang aksyon na dapat isagawa ng unibersidad sa mga lalabag nito.

Iba pa sa mga nagsalita sa nasabing forum ay sina Police Superintendent Zuniga, kina-tawan ng Philippine National

Police-Munoz; Rogelio Duldu-lao, mula sa University Securi-ty Force; Paul Cardenio, USSC chairman; Kenneth Antolin, pu-nong patnugot ng CLSU Colle-gian; at Prof. Ben Domingo Jr.

Dinaluhan ito ng mga es-tudyante sa unang taon mula sa iba,t-ibang kolehiyo sa uniber-sidad.

Samantala, ang iba pang mga paksa na isinaad sa dala-wang araw na symposium ay ang vegetable production technol-ogy, linking farmer-producers S & T products to corporate and institutional buyers at ang KA-LASAG producers coop journey on corporate marketing.

Dagdag pa, nagkaroon din

ng chevon culinary challenge at food festival sa ikalawang araw na sinundan ng paggawad ng mga parangal at pagtatapos ng naturang aktibidad.

Dalawampu’tsiyam na R&D member-agencies at mga kolehi-yong mag-aaral mula sa Region-III ang nagsidalo sa taunang pag-diriwang ng CLARRDEC.

CLARRDEC isinagawa ...mula sa pahina 5

Sumunod ang College of Education na binubuo ng 19.04% at pangatlo naman ang College of Business Administration and Ac-countancy na may 15.44%.

Ang iba pang mga kolehiyo ay nagtala ng mga sumusunod na bilang ng mga mag-aaral para sa ikalawang semestre: College of Engineering, 13.11%; College of

Agriculture, 11.90%; College of Home Science and Industries, 9.29%; College of Veterinary Science and Medicine, 3.42%; at College of Fisheries, 2.02%.

Samantala, ang kursong Bachelor of Science in Business Administration ang may pinaka-malaking bilang ng mga nag-enrol na umabot sa 14.11%.

Populasyon ng CLSU ...mula sa pahina 1

sundan sa pahina7

www.clsu-collegian.net

CLSUCOLLEGIAN

CLSUCOLLEGIAN BALITA

Nobyembre 2012 - Enero 2013 7

Pinangunahan ito ng Chair-man ng USSC na si Paul Cardenio sa kanyang State of the Student Address.

Inorganisa ito ng pinagsamang pwersa ng Office of the Student Affairs (OSA) at ng mga piling opi-syal ng USSC na sina Rodelyn Cas-tillo at Gian Carlo Gietos.

Ang kalahating araw na pro-grama ay binuo ng pagtatalakay sa nilalaman ng konstitusyon ng CSBO sa tulong ng panauhing

pandangal na si Atty. Gian Carlo Bumanlag.

Lahat ng tungkulin at respon-sibilidad ng mga kasapi ng CSBO ay naipahayag at naipaalam sa mga nagsidalo estudyante mula sa ikalawang antas sa buong uniber-sidad bilang parte ng pagdiriwang ng OSA Students’ Week.

Programa ng USSC inilatag sa pangalawang CLSU-CSBO conference

Ginanap ang 2nd Collegiate Student Body Organization (CSBO) Conference sa University Gymnatorium nitong Enero 30 para mailahad ang mga nakaraang programa sa unibersidad at ang mga susunod na mga aktibidad ng University Supreme Student Council (USSC).

ni Jasmin Pangilinan

Ginunita ang ika-68 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Vivencio Saulong noong ika-7 ng Pebrero sa Saulong Park, CLSU.

Dinaluhan ang naturang komemorasyon ng iba’t ibang mga mag-aaral, opisyal, fakulti, at student organizations sa bu-ong pamantasan.

Si Vivencio Saulong na tubong Calapan, Mindoro ay itinuturing na isang student hero na lumaban at namatay noong kasagsagan ng World War II. Kasalukuyan siya noong presi-dent ng Student Government at miyembro ng USAFFELuzon Guerilla Armed Forces.

Samantala, itinanghal naman bilang 2013 Vivencio Saulong Awardee si Mark Gill Mercado, kinatawan ng College of Educa-tion- Student Council sa ginanap na 5th Vivencio Saulong Awards: The Search for the Most Out-standing CLSU Volunteer noong ika-14 ng Pebrero.

Bukod sa naturang parangal, natanggap din ni Mercado ang mga minor awards kabilang ang Aspirant’s Choice Award, Most Outstanding Challenger Award, Community Service Award, Youth Volunteerism Award, at Best Personal Advocacy.

Pinarangalan din sina Jayvee Masilang ng Christian Brother-

hood International bilang Most Outstanding Volunteer, Marcos Gardoce Jr. ng College of Arts and Sciences - Student Council bilang Outstanding Volunteer, at Celina Jane Igo ng BS Food Technology, Charity Award.

Naging basehan sa pa-ghuhusga at pagpili ng mga na-turang naparangalan ang mga pangboluntaryong gawaing kanilang sinamahan kabilang ang Youth Volunteerism Seminar, Gawad Kalinga Community Ex-posure sa San Jose City, Personal Advocacy, at Final Challenge sa Brgy. Labi, Bongabon, Nueva Ecija.

Ang iba pang mga kalahok ay sina Christine Faith Igo ng BS Biology at Percelito Olaya ng College of Education.

Mas maganda sana kung ang lahat ng estudyante ng CLSU ay mayroong pakialam tulad na lamang ng paglahok sa mga li-breng seminars na kung saan ay marami silang matutunan at iba pang simple ngunit kapaki-pak-inabang na gawaing pambolun-taryo,” saad ni Carizze Anne Al-amon, activity head 5th Vivencio Saulong Awards.

Ika-68 anibersaryo ng pagpanaw ni Saulong, ginunitani Van Alen Lumandas

don P. Corpuz, Erwin G. Domin-go, Melvin kett S. Ercilla, Mark Paul DS. Esguerra, Gefbrylle M Flores, Wilbert C. Geron, John Oliver D. Guiang, Abel Mark E. Hernandez, Emerald M. Ibarra, Jessi I. Luna, Mandy P. Manuzon, Rudy C. Mariano Jr., Marife M. Matamis, Delmar R. Nimes, Ro-menick O. Orogo, Carren Hazel M. Ortiz, Mikhail N. Ortiz, Edu-ardo V. Pangilinan Jr., Billy Jane H. Papalis, Mary Jaycell Orlene L. Parcasio, Ryan DR. Pascual, Paolo Carlo M. Salvador, Randel

R. Soniega, Quirino M. Urbano Jr., at Allan Merck A. Yabut.

“Marami naman talagang mga pumapasa sa atin diyan sa CE Board Exam kaya hindi na ako masyado nagulat” saad ni Dr. Ireneo C. Agulto, dekano ng CEn.

“Dapat nga next time mag-ing katulad tayo ng ibang uni-versity na 100% talaga ang mga pumapasa sa kanila,” dagdag pa ng dekano.

Pinangunahan ni Engr. Apollo S. Enriquez ang Board

of Civil Engineering kasama si Engr. Praxedes R. Bernardo bi-lang miyembro nito.

33 estudyante ...mula sa pahina 5

Samantala, nagkampeon naman si Belonio matapos ipa-hiya ang labing lima pang kala-hok sa Engine Parts identifica-tion contest.

Nagsilbing tagasanay na-man si Engr. Elmar M. Villota para sa koponan ng CLSU.

CLSU pumangalawa ...mula sa pahina 1

ERRATUMAng buong patnugutan ng CLSU Collegian ay sin-serong humihingi ng pau-manhin sa kamalian na aming nailathala sa Com-Dev Section pahina 11 ng July 2012-October 2012 Tabloid Issue ng pahaya-gang ito. Ang pangalan ng direktor ng Freshwater Aquaculture Center-CLSU ay Tereso A. Abella, hindi Teresito L. Abella.

Plant Growth Promoters, DNA Amplification System (DASTM) Kits for bacterial Food Pathogens.

“Very organized ‘yung re-search colloquium kasi lahat na-sunod sa oras ‘yung mga topics based on the sprogram schedule,” saad ni Rommel Karlo Dela Cruz, (ICCEM-CLSU) Science Research Assistant.

‘”Okay din mga speakers kasi mga magagaling talaga sila at na-kapagshare sila ng bright ideas nila about sa mga topics nila na very relevant sa aking ginagawa,” dagdag pa niya.

SULONG. Kasalukuyang nag-bibigay ng kanyang mensahe si CLSU president Ruben Sevilleja sa paggunita ng ika-68 taong an-ibersaryo ng pagkamatay ni Vi-vencio Saulong sa Saulong park.

DOST-PCCIERD ...mula sa pahina 6

8 BALITAwww.clsu-collegian.netNobyembre 2012 - Enero 2013

CLSUCOLLEGIAN

Pinangunahan ni Kenneth Antolin, Editor-in-chief ng pa-hayagan ang pagtanggap ng medalya at certificate sa pag-kamit ng ikalawang pwesto sa sports writing (Filipino) at pang-pito sa photojournalism (Filipino); Edwin Respicio ,as-sociate editor, ika-pito sa edito-rial writing (Filipino) at ika-siyam sa news writing(Filipino); Chary Grace Baniqued, news editor, ika-siyam sa opinion writing (Filipino) at ika-sampu sa feature writing (English), Paul John Vil-lamor, sports editor, ika-sampu sa sports writing (English), El-laine Aquino, opinion editor, ika-sampu sa poetry writing (Fili-pino), at Aldrin de Leon, head cartoonist, ika-anim sa literary graphics (English), ika-walo sa editorial cartooning (English) at ika-walo sa comic-strip drawing (English).

Ipinakilala naman ng Young Journalist Association of Region III (YJAR3) ang mga bagong halal na opisyal at kasapi nito sa organisasyon sa huling gabi ng patimpalak.

Inorganisa ng Association of Tertiary School Paper Advis-ers of Region III (ATSPAR) ang kompetisyong ito na may temang “Responsible Campus Journal-ism in the New Media Technol-ogy”.

Ang makakakuha ng un-ang limang pwestong sa bawat kategorya ay kakatawan sa 12th

Kule eds nag-uwi ng parangal sa 12th RHEPC

Nilayon ng palaro na isu-long ang kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagbabasa, tumulong mag-karoon ng isang malusog na-pamumuhay, at mapalago ang koleksyon ng mga libro sa pamamagitan ng mga makaka-lap sa registration fee na P150.

“Una, that is a campaign on reading awareness which push-es our minds to read, read, and read. So second, to encourage

Univ. Library nagsagawa ng fun run

us to have a healthy lifestyle.Pangatlo, yung event na ‘yon ay fund raising namin for the en-hancement of the library col-lection by acquiring new books for the benefit of our students and other clientele,” pahayag ni Ms. Camia A. Lasig, sa isang panayam.

Hinati sa tatlong kategorya ang palaro kung saan ang kid-die run, edad anim hanggang

sundan sa pahina 9

Bilang selebrasyon sa National Book Week ngayong taon, idinaos ng University Library ang ikatlong “READyna-takBOOKa” fun run sa loob ng campus nitong Nobyembre 30.

PANALO. Ang mga manunulat ng CLSU Collegian na nagsipagwagi sa katatapos na 12th Regional Higher Education Press Conference III na ginanap sa Crown Royale Hotel sa Balanga City, Bataan.

ni Edwin Respicio

ni Prince Jerson Senorin

Umabot sa 11 na parangal ang natanggap ng mga manunulat ng CLSU Collegian sa 12th

Regional Higher Education Press Conference (RHEPC) na ginanap sa Crown Royale Hotel, Balanga City, Bataan nitong Enero 9-11.

Luzonwide Higher Education Press Conference (LHEPC) sa Oriental Hotel, Legazpi City, Albay kaya tanging si Antolin lamang ang lalahok dito sa darat-ing na Pebrero 10-12.

“Masaya ako na may halong pagkalungkot kasi mag-isa akong lalaban sa Luzonwide at hopefully manalo din dito” saad ni Antolin

sarili mula sa kung anumang na-kasisira sa reputasyon nito.

Pinangunahan ni Atty. Julius Babista ng Adamson University ang symposium na nagsimula bandang ika-9:00 ng umaga at natapos naman ng 12:30 ng hapon.

Isa sa mga naging kon-trobersyal na pag-uusap ay ang katanungan ni Ms. Lorelie Vee Domingo ng Social Sciences Department ukol sa umano’y pambabastos ng ilan sa mga miyembro ng University Security Force (USF) sa kanyang mga es-tudyante sa paraan ng biruan.

Ipinaliwanag naman ni Mr. Rogelio Duldulao ng USF na nabigyan na ng kaukulang pa-rusa ang mga natukoy na miy-embro at idinagdag pa na kung sakaling may mangyari muling insidente ay huwag mag atubil-ing magsumbong sa kanilang tanggapan.

Samantala, bilang pag-diriwang pa rin sa students’ week, nagsilbing mga pananda-liang opisyal-pang ehekutibong unibersidad ang mga miyembro ng USSC at ng iba pang mga nakabababang konseho sa bawat kolehiyo.

Si Cardenio ay nagsilbing University President; Devin Carl P. Sagun (USSC Vice Chair-person) bilang university Vice president for Administration; Gian Carlo S. Gaetos (USSC Secretary) bilang University Vice President for Academic Affairs; Perry Ayn Mayson A. Maza (USSC Treasurer) bilang Univer-sity Vice President for Research, Extension, and Training; Ivy V. Villanueva (USSC Auditor) bi-lang University Vice President for Business Affairs.

Nagsilbi namang mga dekano at director ang pangulo at mga opisyal ng mga nakaba-babang konseho at iba pang lider na estudyante sa unibersidad.

Cardenio ..mula sa pahina 6

www.clsu-collegian.net

CLSUCOLLEGIAN

CLSUCOLLEGIAN BALITA

Nobyembre 2012 - Enero 2013 9Computer Gamers nagtipon sa Global Game Jam 2013

Inorganisa ang maituturing na international game develop-ment event na ito ni Arturo Polo Gabriel, webmaster ng CLSU.

Ipinamahagi nila Hon. Christina Wycoco Paulino, direc-tor ng Nueva Ecija ICT Council at Kahvee Augustus Botange, chairperson of IT Department ang kanilang mga mensahe bago magsimula ang game jam.

Tinuruan ni Gabriel ang mga dumalo mula sa STI Tarlac, STI San Jose, ilang estudyante ng CLSU at mga bisitang interesado sa paggawa ng 3D game.

Binigyan rin ng libreng soft-

ni Edwin Respicio

Kulang sa isang daan na computer gamers ang nagti-pon-tipon para ganapin ang Global Game Jam 2013@CLSU nitong enero 25-27 sa Public Affairs Office, CLSU.

Cardenio ..mula sa pahina 6

12, ay tumakbong 3km habang ang open elite, edad 13 hang-gang 39, at young once, edad 40 pataas, ay tumakbong 5km.

Nanguna sa kiddie run si Jeremy Maroña; sa open elite (Men) si Jesreal Guillermo; sa open elite (Women) si Jenny-vie Adriano; sa young once (Men)si Rogelio Barnatia; at sa

young once(Women)si Susan Damaso.

Nagsagawa rin ang uni-versity library ng on-the-spot essay writing contest noong Nobyembre 26; quiz bee noong Nobyembre 27; test your refer-ence skills noong Nobyembre 28; at free film showing noong Nobyembre 29.

Univ. Library ..mula sa pahina 8

ware na tinatawag na blender publisher ang mga dumalo ni Gabriel para gamitin sa mis-mong seminar-workshop.

“Ayos naman ‘yong pagtutu-ro niya (Gabriel) sa amin, masaya gumawa ng laro kahit medyo ma-bagal pa kami at nagsisimula pa lamang naman kami kasi,” saad ni Samuel James Grospe, BSIT3-2.

Nakabuo naman ng laro ang mga dumalo matapos ang tatlong araw na pagtuturo at isusumite ang output na ito sa Global Game Jam – Denmark, London.

Ika-5 naman ng Enero nang nagpatingin si Arvin Maon, stu-dent assistant ng Men’s Dorm 6&7 sa ospital at niresetahan ng mga gamot ngunit hindi naibigay ng pharmacist ang vitamin na ascorbic acid sa kanya dahil wala umano itong suplay.

“Bumili pa ako sa old mar-ket noon ng poten cee tablet ngunit lima lamang ang nabili ko kasi mahal ang bawat tablet nito,” lahad ni Maon.

Sagot ng OspitalNagpaliwanag naman ang

ilang matataas na opisyales ng ospital kabilang si Dr. Nora Magno makaraang isangguni ng CLSU Collegian ang isyung ito sa kanila.

“Ire-request muna kasi ang mga inilistang gamot na na-check ng doktor na kinakailangan sa ospital tapos magkakaroon ng bidding sa Administration. Kung sino ang mananalo sa bidding na

iyon, ‘yun palang ang oorderan ng gamot, sila (Admin) na rin ang magpra-process. Sa Admin na lahat ‘yung procurement, may mga buyer, at mga canvass, ” saad ni Magno, Director Chief Nurse.

“Tapos kapag nabili na ini-inform kami. Dadalhin dito sa at ichecheck namin, sa Financ-ing (FMS) ito nagtatagal” dag-dag ni Magno.

Ang Financial Manage-ment Services (FMS) ay isang sangay ng administrasyon na siyang may kontrol sa paglabas at pagpasok ng kaperahan ng CLSU.

Madali lang naman kasi ang pagrerequest ng mga gamot, quarterly namin ito ginagawa, at ngayong January to March ay nakapagsumbit na kami ng re-quest, on-time kami magbigay ng mga request ng gamot,” pa-hayag pa ng doktor.

Ospital ng CLSU ..mula sa pahina 1

WAGI. Ang mga nag-uwi ng titulo sa ginanap na Lantern King (Mr. Col-lege of Education) and Queen (Ms. College of Business Administration and Accountancy) Festival noong Disyembre 21, 2012.

TAKBO. Handang handa na sa pagtakbo ang mga kalahok na ito sa Kiddie run division para sa selebrasyon ng National Book Week na inor-ganisa ng University library. (File photo)

ng ating mga manlalaro ang kanilang ginagawa, pasasaan pa’t mahuhubog kayo at magig-ing susi upang maibalik sa ating unibersidad ang ilang dekada kampeonato na inangkin ng iba. “We’re just closing the gaps muna” saad ni Jay Santos.

Sa lahat ng mga atleta natin na lumahok sa nakaraang pan-rehiyon na paligsahan, bina-

bati ko kayo sa pananagumpay sa inyong kani-kanyang mga larangan. Taas-noo kami sa walang kapantay ninyong dedi-kasyon at tiyaga upang mapana-tili ang magandang kartadang ibinabandera ng unibersidad. Mabuhay ang bawat manlala-ro ng CLSU at sa mga tao sa likod nang pagkamit ninyo ng tagumpay.

Oplan: Hinay-hinay ..mula sa pahina 18

10bagay naMaingate

Isa sa mga pamosong lugar at simbolo ng pagka-kakilanlan ng unibersidad na ito. Kahit daanan ng mga bagyong malalakas at wasiwasin ng mga sanga ng punon-gkahoy ay nanatili pa rin itong nakatayo nang matatag kasama sina Nene, Pepe at si Sta. Claus na tuwing mag-papasko lang titindig kasama ang mga kumukuti-kutitap na ilaw sa paligid nito na siya namang dinadayo sa CLSU tuwing sasapit ang Disyembre.

Old Market Dito naglipana ang mga internet shop at karinderya na nag-aagawan sa mga estudyante at guro para alokan ng serbisyong kaya nilang ibigay sa kanila. Sino bang CLSUan na hindi kilala ang isa sa mga reyna ng Old Market na si Aling Ipay kasama ang kanyang mga lutong ulam at mga alipores na sumasabay sa pagalingan ng salestalk sa mga estudy-ante.

Bleachers Ang niluma ng panahon ngunit nakatayong mat-indig pa rin. Dati itong gawa sa kahoy at ngayo’y pi-natibay na semento na. Isa sa mga lugar na paboritong pasyalan at tambayan ng mga magkakarelasyon sa lahat ng oras. Kasama ang lilim at preskong hangin mula sa punongkahoy na nakapalibot dito at ang ingay ng mga sasakyan at estudyanteng nagmamasid nagdaraan sa likod na mga magkakaperahang nakaupo, nakahiga at magkakandong sa istrukurang ito.

Lagoon Mga isdang kulay dalandan ang sasama sa iyo rito tuwing tatambay ka sa gilid ng sementadong lagoon na siyang tirahan ng mga isdang ito. Kasama pa ang mga ang mga estudyante at mga sasakyang dumaraan sa magkabilang linya ng daan. Ingat ingat lang sa pwesto sa pag-upo dito at baka mahagip ka ng mga kaskaserong drayber at lumangoy kasama ng tatlong malalaking isda na bumubuga ng tubig paitaas.

NATO Ang sikat na sikat tuwing rush hour at laging hanap ng estudyante tuwing mag-aalas-siyete ng umaga at ala-una ng tanghali. Sila lagi ang takbuhan ng mga ta-ong tinatamad maglakad, ayaw mainitan at higit sa lahat, ayaw mahuli sa klase. May terminal sa main gate, sec-ond gate at old market. Pinakasikat na driver ay si #19, frontman dancer kasi siya ng isang cultural group dito sa CLSU kaya daming chicks na sumasakay sa kanya.

mamimiss mo

Ni Edwin C. Respicio

www.clsu-collegian.net

mamimiss mo sa

Lantern Festival Ang dinarayo tuwing Disyembre sa CLSU at ha-los pinupuntahan ng mga taong nakatira sa karatig-bayan ng Munoz dahil sa patok nitong paligsahan ng mga parol at floats. Dinedisenyo ito ng mga estudyante sa bawat kolehiyo ng CLSU. Isa itong magdamagang selebrasyon at tuloy-tuloy na programa mula sa parada ng floats, bisita-syon ng mga parol, Mr. and Ms. Lantern at iba pang mga programang magpapasaya sa mga estudyante at pamily-ang nanunuod sa loob ng CLSU.

Lingap kalikasan Bukod sa paboritong shooting place ng mga estudyante sa kanilang mga ginagawang pelikula, isa rin ito sa mga lugar na dinadayo da-hil sa tanawing makakalikasan at masarap pasya-lan. Idagdag pa ang preskong hanging iihip sa mga dahon na nahulog sa daan at ang mga bun-ga ng mahogany na animo’y mga palamuti lugar.

Buhay First Year Tinaguriang “bunso” ng unibersidad na siyang pupuno sa mga kalsada ng University Avenue at makikipagsiksikan sa mga karinderya at mga sasakyan. Ito ang buhay na kung saan binusog tayo ng mga kaliwa’t-kanang seminars at workshops. Dito rin tayo mapipilitang bumili ng mga kontrobersyal na manwal at librong ipinagbibili ng ating mga guro at subukan ang buhay artista dahil sa mga naka-iskedyul na shooting ng pelikula para sa isang asigna-tura. Dito tayo maliligaw sa mga gusaling papasukan natin tuwing unang araw ng pasok at matututo ng isang taon at magkakaroon ng mga gradong makakapagpatuntong sa atin sa ikalawang taon sa kolehiyo.

Enrollment System Sino ba ang hindi makakalimot dito? Sino ba ang mga estudyanteng hindi nakikipag-amazing race tuwing enroll-ment at pasukin ang mga iba’t ibang gusali sa loob ng CLSU? Wala ‘di ba? Maswerte ka na kung nakaenroll ka sa loob ng limang oras, pero ang karamihan ay inaabot ng isang araw o higit pa, dahil ito sa sistemang mabagal at pilit na isinasaayos at pinapabilis tuwing panahon ng enrollment pero mukhang walang progreso.

Ni Edwin C. Respicio

Food Carts Ang mga iba’t ibang carts na nakabalandra sa loob ng CLSU ay isa rin sa mga hindi makalilimutang bilihan ng burger, fries, , lacto-choco, waffle, kikiam, fishball, mani, popcorn at pati na rin ang mga samalamig at iba pang inumin na patok sa mga estudyante. Sikat sa mga carts ay sina Mang Nards na nagbebenta ng mainit na mani at si kuya Nine na pamoso sa kanyang chant sa pagtitinda.

10-11 LATHALAINNobyembre 2012 - Enero 2013

Mga parangal sa CLSU

Hinirang ng pahayagang The Philippine Star ang CLSU bilang isa sa siyam na pinakamagagaling na unibersidad ng Pilipinas. Pumanga-anim ito sa lis-tahan dahil sa pagkakaroon ng limang Centers of Excellence (COE) at dalawang Centers of Develop-ment (COD).

Kinilala ring Philippine Agri-Tourism Program ng Department of Tourism (DOT) ang CLSU bi-lang Model Agri-Tourism Site for Luzon at binasa-gan bilang National University for Agriculture and fisheries and Center of Research Excellence in Small ruminants.

Tinanggap rin ng CLSU ang parangal ng Com-mision on Higher Education (CHED) sa departa-mento ng Biological Sciences bilang ang pang-anim na COE sa CLSU

Talino ng CLSUan

Sa Veterinay Licensure Examination (VLE), pumangalawa si Dr. Justin Christian Gonzales, 84.04 at pangsampu naman si Dr. Edith Cruz, 82.04. Kasama nila ang talumpo’t-tatlo pang CLSU graduates na pumasa sa VLE.

Apat naman mula sa College of Fisheries ang pumasok sa Top 10 ng Fisheries Technologist Licensure Examination (FTLE). Ito ay sina Erick Aldwin Suarez, 5th; Jordan Villeza, 7th; Reneliza Kit-Ing, 9th; at Joel Sumeldan, 10th. Dalawa pa sa mga CLSU takers ang pumasa sa nasabing pagsusulit.

Pumangwalo naman si Carlos Paul Pedracio ng CAg sa Licensure Examnation for Agriculturist (LEA) at nagtamo ng 84.43%. Labing-apat pang CLSU graduate ang nakakuha ng kanilang lisensya sa LEA.

Nakapagtala naman ng nakabibilib na 88.89% ang mga unang gru-po ng BSAc students ng CLSU na kumuha ng pagsusulit sa Licensure Examination for Certified Public Accountants (LECPA).

Hindi rin papahuli ang College of Engineering dahil ika-pito ang departamento ng Agricultural Engineering ng CLSU sa Top 50 per-forming schools sa naganap na Agricultural Engineering Licensure Ex-amination (AELE) noong Agosto. Nakapagpasa rin ang kolehiyo ng 44 civil engineers sa taong 2012, 11 noong Mayo at 33 noong Nobyembre.

Mayroong 202 ganap na lisensyadong guro naman ang pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Setyembre. Ito rin ang buwan na kung saan anim na chemist rin ang nakakuha ng kanilang lisensya matapos ang Chemist Licensure Examination noong Setyem-bre.

Napanatili naman ng CLSU ang 1st runner up sa naganap na SCU-AA III matapos makalikom ang mga atleta ng 46 na ginto nito lamang Disyembre.

Ibinoto naman ng mga estudyante si Paul Cardenio bilang bagong pangulo ng University Supreme Student Council (USSC) at natanggap sa isa sa mga dumalo sa prestihiyosong Ayala Young Leadership Congress (AYLC) 2013 nitong Pebrero 2013.

Isang taon na naman ang nakalipas sa CLSU, isang taon na kung saan sinubok ng mga kontrobersiya at biniyayaan ng mga maga-gandang balita ang unibersidad na ito. Ilan lamang ang mga ito sa mga tumatak at umagaw-eksena sa ika-105 na taon ng CLSU noong 2012:

Ni Edwin C. Respicio

CLSU where the difference is created

Isang taon na naman ang nakalipas sa CLSU, isang taon na kung saan sinubok ng mga kontrobersiya at biniyayaan ng mga maga-gandang balita ang unibersidad na ito. Ilan lamang ang mga ito sa mga tumatak at umagaw-eksena sa ika-105 na taon ng CLSU noong 2012:

Ni Edwin C. Respicio

www.clsu-collegian.netNobyembre 2012 - Enero 2013

Bagong kursoSa pamamagitan ng departamento ng Engineering Sci-

ences sa CEn, naisakatuparan ng CLSU ang pagbubukas ng BS Metorology sa mga estudyante. Isa ang CLSU sa mga pangunahing unibersidad na nagbukas ng bagong kurikulum na ito sa buong bansa at maging sa Timog-Silangang Asya.

Ito ay para maging lubos na kilalanin pa ang CLSU sa pagbibigay ng mga dekalidad na kurso at programa sa bansa at maging sa buong mundo.

Pagkilala sa mga kawani

Pormal ng ipinagpatuloy ni Dr. Soledad M. Roguel ang kanyang termino bilang bagong VPAA ng CLSU sa pagpa-sok ng unang semestre ng 2012.

Nahirang naman ang fakulti ng DevCom Department na si Prof. Ben G. Domingo Jr. bilang chairperson ng CHED Technical Committee for Journalism (TCJ). Ginawaran rin siya ng CHED bilang isa sa mga Technical Panel for Social Sciences and Communication (TPSSC).

Noong Setyembre 19, pormal ng sumumpa si Dr. Firma C. Viray bilang pagong pangulo ng Faculty Association Inc. (FAI) sa CHED, Diliman, Quezon City.

Bagong gusaliInaprubahan naman ang pagpapataas ng kalidad ng ser-

bisyo ng Environmental Management Institute ng Board of Regents kasabay ang pagbabagong anyo na kanilang gu-sali at tinawag na Institute for Cimate Change and Envi-ronmental Management (ICCEM).

Isang bagong istruktura naman ang naipatayo sa harap ng College of Education (CEd). Ito ay ang walong milyong halagang gusali na ibinigay ni 2nd District Rep. Joseph Gil-bert Violago. Isa itong dalawang-palapag na gusali na may tatlong kwarto bawat palapag.

Limang milyon piso naman ang ipinondo sa pagtatayo ng gusaling Science and Technology Centrum sa loob ng CLSU. Pinondohan ang istrukturang ito ng Department of Agriculture – Bureau of Agricultural Reserch (DA-BAR). Ito ay gagamitin para sa malawakang pagbibigay ng infor-masyon at kaalaman sa agham at teknolohiya sa buong CLSU.

12-13 LATHALAIN

CLSU where the difference is created

14 KOMIKSwww.clsu-collegian.netNobyembre 2012 - Enero 2013

CLSUCOLLEGIAN

Pinoy Henyo ni Aldrin De Leon

Tsagaan ni Christopher Narne

Pahirapan ni Christopher Narne

Paraiso ni Aldrin De Leon

Graduate na ni Christopher Narne

Memo plus ni Aldrin De Leon

Cheese it ni Aldrin De Leon

Bullyaso ni Aldrin De Leon

/CLSUCollegian.Official

/groups/kule.estudyante

www.clsu-collegian.net

CLSUCOLLEGIAN PANITIKAN

Nobyembre 2012 - Enero 201315CLSUCOLLEGIAN

Memo plus ni Aldrin De Leon

Cheese it ni Aldrin De Leon

Bullyaso ni Aldrin De Leon

Tila nasilabang lamparaItong puso’y sa iyo’y tugma Buong katawa’y nagbabaga

Sa tuwing ika’y nakikita

Nang sinabi mong mahal mo ko,Pakiramdam ay naging bahaghari itong mundo

Kayang ibigay kahit anoKahit na ang pinaka hinihiling mo

Nangyari ang iyong gustoTila nagsusumiklab ang puso

Di mo ko iiwan, ito ang alam ko…Mahal mo ko, ito ang pinanghahawakan ko.

Linggo ang dumaan,

Lumipas narin ang buwanIkaw kaya’y nasaan?

Ako’y nagsisimula ng kabahan!

Napalitan ang dating ligayaNang makitang may kahawak ka ng iba!

Mata’y di mapigilan sa pagluhaPuso’y durog na durog na!

Taksil ang tulad mong tao!Ahas kang dapat putulan ng ulo!Nawala itong pinaka iingatan ko!

Na sa isang gabi’y nakuha mo!

Sa mga sinabi’y naniwala ako…Mahal kita,anong magagawa ng puso?!

Tila pag iisip nakatali parin sa iyo!Paano na kaya itong dinadala ko…

Masdan mo ang henerasyon ng kabataan ngayon,Sa kilos, salita, at gawa’y batik ng modernisasyon.Sariling kultura’y unti-unting tinatalikuran—biktima ng kamandag ng kaugaliang maka-kanluran .

Masdan mo ang binibining namumugto ang mga mata,Pangakong walang hangga’y binitiwan ng kanyang sinta.Sa kanyang pighati tila mundo’y nasalanta—biktima ng kamandag ng matatamis na salita.

Masdan mo ang pulitikong nangangarap makaupo,Sa pagkampanya ang damdamin mo’y hinihipo.Pagkaupo nama’y kaban ng bayan kanyang ibubulsa—biktima ng kamandag ng makamundong pagnanasa

Masdan mo ang mga marka sa balat ng inapi,Kaibuturan ng kanyang puso’y puno ng dalamhati.Kanyang dinanas sa kamay ng masama ay sukdulan—biktima ng kamandag ng mapait na nakaraan

Biktima-PJMS-

Paano na-Lorelyn Casitas-

Hagupit-Lorelyn Casitas-

Tila unos na humahagupit…Pag-asa’y unti-unting lumiliitMay araw pa bang sasapit?

Sa tulad kong sa sakit ay namamalipit!

Araw ay lumilipas…Patak ng segundo’y kumukupas

Sa buhay gusto ng kumalasHapdi at kirot sa katawa’y pumupugas

Hagupit ng biglaan!Tila ahas na nakakapit ng sukdulan!

Kung maaari lamang itong apakanNang kinabukasa’y isa ka na lamang na-

karaan!

Paalam naba ang huling salita?Ipipikit naba itong mga munting mata

Dumadalangin lagi sa ama….Baka kasi si kamatayan ako’y sunduin na…..

Hinagpis sa Gubatkinatha ni Lorelyn Casitas

Mahirap ng iba-lik ang nakaraan, mahirap pigilan ang pag inog ng sangkalupaan,mahirap mang isipin…Di mo na kaya pang balikan ang dati...ang dating nasa iyo ngayo’y bahagi na-lamang nang mapait na na-karaan na sanay sa isang idlip iyong makalimutan.

Maingay,magulo, t i la isang pook na walang katahimikan,mga taong mapang husga,mga taong walang alam kundi titigan at pagtawanan ka sa iyong ka-lagayan ng hindi man lang alam ang iyong pinag daanan. Ito ang mundo ni Kuleng na madalas tawaging “Kuleng may keleleng”. Isang babaeng madungis, palaboy-laboy, na-kayapak lamang habang nag lalakad, walang awa kung kutyain at batuhin ng mga tao sa paligid. Ngunit madalas si-yang natatagpuan sa gitna ng

isang gubat...Doon nag lalagi, tila may hinihintay, Maririnig ang mga sigaw niyang “Sino kayo?!! Tumigil na kayo! Pa-rang awa nyo na…” mga sali-tang nag papahiwatig ng kahi-rapan! Kasamaan na kaniyang pinagdaanan! mga paghingi ng tulong sa kawalan.

Masaya sana ang buhay niya, kasama ng kapatid niya, at ng mapagmahal niyang mga ma-gulang.Oo,isa lamang silang ha-mak na dukha..Ngunit sa kabila ng kahirapang iyon, di napipigil ng pera ang pag mamahalan ng buong pamilya.Tanda niya ang mga panahong naiiwan sila ng kaniyang kapatid sa kanilang munting tirahan non malapit sa gubat..,mag lalaro lamang sila hanggang sumapit ang Inay at Itay nila galing bayan mula sa pag lalako ng mga panindang mga gulay.Ang mga panahong iyon na kaysarap sanang balik-balikan.Ngunit sa isang iglap

ay tila naglaho na ng tuluyan.

Hindi inaasah-ang araw ang dumaan.Gabi na ngunit wala parin ang kaniyang Inay at Itay…Inaapoy pa ng lagnat si Jun-Jun,Malamig pa naman ang panahon,malakas ang ulan, ganun din ang mga nakatatakot na kidlat at kulog na kasing lakas ng kabog ng kaniyang dibdib.May narinig siyang katok mula sa pinto.Agad niyang binuksan iyon sa pag aakalang mga magulang niya iyon.Ngunit nabigla siya…Tatlong malalaking lalaki ang binuga ng pinto,Ang isa’y may hawak na itak na animoy na-liligo sa dugo,nakangisi ang mga ito,nahintakutan siya..Unti unti siyang napaatras pa-tungo kay Jun-Jun.Niyakap niya ito,napapikit siya ng mariin, habang walang kamalay malay

ang kapatid niyang inaapoy ng lagnat.Rinig na rinig niya ang mga yabag ng tatlong lalaki.Naramdaman niya ang pag hila ng malalakas na braso ng mga ito.Di nag laon nasilayan niya ang kaniyang sarili sa labas ng kanilang tirahan.Hawak hawak parin siya ng dalawang lalaki ha-bang basang basa na sa ulan ang buo niyang katawan.Nag pumiglas siya! Halos mag salo ang tulo ng luha niya sa patak ng ulan! Rinig niya ang pag sigaw ni Jun-Jun!

sundan sa pahina 16

16 BALITAwww.clsu-collegian.netNobyembre 2012 - Enero 2013

CLSUCOLLEGIAN

Isa itong programa ng CBAA Honors’ Circle (CHC) na naglalayong masukat ang kaala-man ng mga estudyante ng Nue-va Ecija sa pamamagitan ng pag-susulit at iba pang aktibidades.

Ayon kay Ma. Cielo Arong, activity coordinator ng Junior Honors’ Circle (JHC), ang mga group activities at ibang events sa programang ito ay sadyang isinagawa upang makakitaan ng kompetitibong katangian ang mga estudyante sa pasulat man o pasalita.

Maliban sa kompetisyon sa spelling and grammar, general science, history at mathematics, nagtagisan din ang mga mag-aaral sa Essay writing (Filipino at English category), Slogan Writing, Poster-Making, Choral Reading, Vocal Solo, Declama-tion, Group Dance at Interpre-tative Dance.

“Sa mga events na ito,

Mga natatanging estudyante ng Nueva Ecija pinarangalan ng CHC

ni Karina Yvonne Pascua

Pinarangalan ang mga natatanging estudyante at ang kanilang respetadong paaralan sa ginanap na Junior and Kids Honors’ Circle Provincial Convention noong ika-8 Disyembre sa College of Business Administration and Accountancy.

maaaring ma-obserbahan ang kapabilidad ng bagong hen-erasyon na makipagsabayan globally,”saad ni Ana Marie Au-brey Dinio, activity coordinator ng Kids Honors’ Circle (KHC).

Nagtagumpay na maiuwi ng Cabanatuan East Central School ang over-all champion sa KHC na sinundan ng Wesleyan Univer-sity-Philippines at ng College of Immaculate Conception. Hindi naman napigilan ang Honorato C. Perez, Sr. Memorial Science High School sa pagkamit nito ng pinakamaraming puntos dahilan upang mag-over-all champion sa Juniors’ Category. Sumunod dito ang Juan R. Liwag Memo-rial High School at ng College of Immaculate Conception.

Sa ikalimang taon ng pro-gramang ito, labing-apat na paaralan ang lumahok sa KHC samantalang labing-walong rep-resentante ang dumalo sa JHC.

“Ate!!! T—t—tulungan …. Mo ako!”

“A-ate! Nasa-ssan ka na? wag mo kong iwan..” Mga sali-tang halos ikalambot ng tuhod ni Kuleng.

“A-ate.. tumakbo ka na! M-mahal na mahal kita!”Ito ang huling salita na kaniyang narinig mula sa kapatid ka-sunod ng mga tunog ng mga paghagupit ng itak na animoy walang awang dumadapo sa katawan ni Jun-Jun.

Takot,sakit na nararamda-man, mga pinag halo-halong emosyon, ngunit sa kabila non nagawa niyang makatakas sa

dalawang lalaki!Tumakbo siya ng tumakbo…Sa gubat! Kabisado niya ang lugar na iyon sapagkat sila madalas mag taguan ni Jun-Jun ngunit bakit parang naliligaw siya?! Bakit parang di niya alam kung nasaan siya..Ang gubat! Bakit di niya matandaan! Napaka dulas ng daan dahil sa putik na gawa ng ulan.Nadapa siya, nag kasugat.Pinilit niyang tumayo! Ngunit di niya magawa,lalong nanlambot ang kaniyang tuhod ng muli siyang hawakan sa braso ng dalawang lalaki.

“Sino kayo? Tumigil na kayo! Parang awa nyo na..”

Saklolong salita na walang na-karirinig. Itinulak siya ng isang lalaki dahilan kung bakit muli siyang napahiga sa putik. Ram-dam niya ang pag dagan nito sa kanyang mga palad!Ang pag punit sa kaniyang suot na damit! Wala siyang magawa…Kundi ang umiyak! Magmakaawa! Ngunit animoy walang kalulu-wa ang taong nasa paligid niya. Dinig niya ang pag halakhak ng dalawang lalaki. Pumikit nala-mang siya….at sinalo ang mga mapang-api at kababuyang nar-aranasan niya. Hanggang sa ‘di na niya namalayan pa ang mga sumunod na nangyari.

Nagising siyang tila dina kilala ang paligid, alam ni-yang nasa gubat siya. Ang gu-bat ng dati’y kasiyahan. Ang gubat na representasyon ng isang magandang kalikasan ngunit ang gubat kung saan isang araw pagdilat niya’y isang napakadumi ng palig-id! Ngunit kahit na sa kabila ng kadumihang taglay nito sa kaniyang ala-ala…di niya ito maiwan iwan. Nababaka sakaling minsan isang araw, bumalik na ang kaniyang Inay at Itay at muli silang makapagtaguan ni Jun-Jun.

P-8M gusali ng CEd ...mula sa pahina 4 “Malaking tulong sa amin

ang gusaling ipinatayo lalo na sa mga first year na nagtitiis sa mga nagliliparang paniki Reimers Hall, nakakadestruct ang ambi-ance ng pag-aaral kapag ganun,” saad ni Fredan Timoteo, BSEd3-3.

“Bakas na ngiti sa mukha ang iyong makikita sa mga estudyan-teng magdaraan at masisilayan ang bagong gusaling ito. Sana naman isa ang aming section na makara-nas gumamit ng gusaling ito para sa amin pag-aaral dahil nagkuku-

lang talaga kami ng classroom,” sabi ni Teodorico Pelayo, BSEd3-4.

Kasama sa nasabing ser-emonya sina CLSU president Ru-ben C. Sevilleja, VPAA Soledad M. Roguel, VPAd Raul D. Divina, Te-odora A. Battad, dekano ng CEd Rhodora I. Dela Rosa, University Chaplain Rev. Fr. Narciso V. Abel-lana, MSC at mga department chairpersons ng CEd, Jennifer V. Velasquez, Ms. Jhundell H. Parun-gao at Mr. Verjun J. Dilla.

Hinagpis sa Gubat ...mula sa pahina 15

TAKE THREE. Iniuwi ng College of Engineering ang ikatatlong sunod na titulo sa Best in Float sa ginanap na Lantern Festival noong Disyembre 21, 2012.

www.clsu-collegian.net

CLSUCOLLEGIAN ISPORTS

Nobyembre 2012 - Enero 201317PUP vs. CLSU tune-up games umani ng magkaibang resulta

Nilimitahan ng kampo ng CLSU softbelles sa isang pun-tos ang naitala ng PUP sa loob ng pitong maaksyon na innings at pagwagian ang sagupaan bu-hat sa isang run na bentahe, 2-1.

Bigo naman ang pwersa ng kasalukuyang kampeon ng SCUAA-III , CLSU Women’s volleyball sa hukbo ng PUP na mahigpit nilang kagirian sa National SCUAA, matapos ang patuloy na pagdapa ng kanilang

Umani ng magkaibang resulta sa tune-up games kontra Polytechnic University ang CLSU Women’s softball at volley-belles na ginanap sa CLSU diamond field at gymnatorium ayon sa pagkakasunod noong Nobyembre 30,2012.

ni Paul John Villamor

depensa sa huling parte ng bawat sets, 25-22(1), 26-24(2), 25-21(3), 25-16(4). 26-24(5), 3-2 pabor sa PUP spikers.

Matatandaang pinuwestu-han naman ng soft belle team ng CLSU ang pilak sa National SCUAA nang bumalikwas sila sa beteranong mga batters ng Rizal Technological University na ka-makailan ay pumangalawa sa Adamson University sa National Women’s Softball competition na nilahukan din sa unang pag-

ISPEAR paiigtingin ...mula sa pahina 20

Ito ay para mas lalong maidikit ang agwat ng CLSU o masikwat ang kampeonato sa Bulacan State University (Bul-SU) na halos dalawang dekada nang nasa trono.

Ibinulalas ni ISPEAR director Jay Santos ang isina-sagawa nilang paghahanap ng mga atleta na isasabak sa med-al rich events tulad ng swim-

Sa pamamagitan ng tikas at husay, sumipa ng ginto sina Cath-erine Sulayao at Reeilyn Resulta sa +60 kg. at -60 kg category ha-bang inangkin naman ni Ralf Anthony Servando ang tuktok ng +70 kg men’s weight class.

Nangibabaw din ang pwersa nina Veronica Baldoz at Cynthia Lapitan na parehong kalahok sa intermediate category at si Cam-mile Buenoventura na lumaro sa

CLSU karatedo team sumipa ng ginto

Humakot ng anim na gintong medalya ang CLSU Karatedo team sa NCR Open Karatedo Championship Tournament sa Sucat, Brgy. Isidro, Paranaque noong Nobyembre 4,2012

ni Ellaine Aquino

kakataon ng Central Luzon State University.

Nakatakdang depensahan ng softball at volleyball women ng CLSU ang kanilang titulo sa darating na 2012 SCUAA-III na

gaganapin sa RMTU, Iba, Zam-bales sa Disyembre 16-21.

Kalakip din ng naturang tune-up games, nagkaroon ng friendly basketball match sa pagitan ng mga faculty ng CLSU at PUP.

advance division matapos nilang dakipin ang tatlong ginto sa kata event bunsod ng solidong de-pensa.

Samantala, dalawang sa ka-rateka ng CLSU ang napili upang makapagsanay sa Traiing Pool na gaganapin sa Ilo-ilo.

Matatandaan na napiling ka-lahok para sa CLSU si Mary Jane Gapuz sa naturang Training Pool noong nakaraang taon.

“Gumugol ng mahabang panahon ang isinasagawang train-ing pool at naisasabay din ito sa pag-aaral ng mga estudyanteng manlalaro,wika ni G. Gregorio Lacorte. “Mapapabayaan nila ang kanilang pag-aaral kaya bilin ko sa kanila wag muna maging parte ng Philippine team at case to case basis, kung gusto nilang magtraining kasi continuous ito,” dagdag ni Lacorte na isang Non

Faculty Karatedo Team Coach.Kauna-unahan itong pagka-

kataon na nagsagawa ng training at nabuo bilang isang grupo ang CLSU Team sa tulong ni Lacorte.

“Hindi na ako nahirapan makakuha ng iti-train dahil mula pa noong elementary ay sinanay ko na sila hanggang ngayon ay dini-develop na lang nila ang kanilang talent”, sabi pa ni La-corte.

ming, soccer, at baseball.“Kailangang mag-contrib-

ute ang team events“, saad ni Santos. “Maaari din na isingle-out ang swimming dahil ang alam ko mayroong 60 (gold med-als) ang pinaglalabanan doon,” dagdag niya.

Tinatarget din sa darating na summer ng ISPEAR ang pagha-hanap ng mga atletang sumali sa

Palarong Pambansa na sasanayin pa para ihanay sa koponan ng CLSU.

“Kailangan makahanap tayo ng swimmers na malalakas at ready to contribute”, saad pa ni Santos. “Kasi usually, magbibig-ay ka ng one- year development, kasi kahit gaano kalakas yan gal-ing Palaro ay hindi mo pwedeng asahan na magko-contribute

kaagad”, dagdag niya.Samantala, todo-todo din

ang determinasyon ng ISPEAR na hubugin ang mga atleta nito lalong lao na sa soccer, at base-ball.

“Kailangan ding mag-contribute ng mga nasa team events, kasi nakita naman natin

sundan sa pahina 4

P-8M gusali ng CEd ...mula sa pahina 4

NUMBER ONE. Nakingiti sina Vice President for Academic Affairs Soledad Roguel (ikaapat mula kanan ng 2nd row) at Student Orga-nization Unit head Magdalena Galang (una mula kaliwa ng 2nd row) kasama ng athletics team na humakot ng mga medalya dahilan upang itianghal na over-all champion para sa male atlhletic events. (Litrato mula sa CERDS)

18 ISPORTSwww.clsu-collegian.netNobyembre 2012 - Enero 2013

CLSUCOLLEGIAN

Paul John P. [email protected]

TAKEDOWN

Sa nakalipas na mga taon, matagumpay na naipatupad ng ating unibersidad ang pagpili ng mga atleta na ikakasa sa mga kompetisyon sa pamamagitan ng masusing proseso. Hango sa itinalagang paman-tayan ng National State Colleges and Universities Athletic Associa-tion (NSCUAA) ang sinusunod ng CLSU. Paano nga ba makaaapekto ang ganitong proseso sa pampalakasang estado ng ating unibersidad kakabit ang dulot na maipararating sa mga mag-aaral na aktibo sa isports?

Ang pagkakaroon ng mainam na kartada sa akademiks ang pinakamahigpit na puntong itinatalaga ng Institute of Sports, Physi-cal Education and Recreation sa mga nagnanais na mapabilang sa koponan ng unibersidad. Bunsod nito, mapananatili ang mataas na lebel sa akademikong larangan gayundin sa pampalakasan.

Patungkol sa usapin na ito, mareresolba din ang diskriminasyon na ginagawa ng mangilan-ngilang hindi manlalarong estudyante sa pang-akademikong kapasidad ng mga atleta. Para naman sa mga manlalaro, kahit pa sa tingin nila ay sila ang susi ng ating paaralan sa pagdakip ng mga medalya sa pangrehiyu- nal at pamban-sang mga laro ay maaalis sila sa lupon ng mga kalahok ng ating paaralan kapag naging steady lamang sila sa pampalakasang aspeto.

Talaga namang kinakitaan ang mga manlalaro ng pagpupursige at matinding determinasyon matapos ariin muli ng ating unibersidad ang ikalawang puwesto at iangat sa 46 na gintong medalya mula sa 31 na naitala noon kahit pa may mga key players na di pinahintulutan na mapasama sa varsity team ay nagawa pa ding mapanatili at mapa-taas pa ng ating unibersidad ang ipinakita nitong talas at lakas noong nakaraang taon bunsod nga ng pagpupursige at matinding determi-nasyon.

Sa inilabas na resulta ng partikular na mga licensure examina-tions, makikitang ang mga manlalaro ng CLSU ay naging matagumpay sa kanilang mga napiling interes. Patunay lamang na kayang bigyan ng isang manlalaro ng ekwalidad ang pag-aaral at pampalakasang interes.

Sa pagdaan pa ng maraming panahon ng masugid na pagpapatu-pad ng ating unibersidad ng sakto at may ekwalidad na mga paman-tayan, hindi malabong ang pangalan ng CLSU ay tatatak at maaabot ang magandang pagkakakilanlan, di lamang sa kasalukuyang pana-hon, maging sa mga susunod pang henerasyon.

Tamang pamantayan

Editoryal

Oplan: Hinay-hinay

Halos magdadalawang dekada nang pinaghaharian ng Bulacan State University ang pampalakasang kompeti-syon sa Gitnang Luzon. Taong 1994-1995 pa ang pinakahuling paglasap ng CLSU sa kampe-onato. Ramdam na ramdam ng ating unibersidad maging ibang mga kalahok sa SCUAA-III ang matinding gigil na maibu-wal ang dinastiyang binuo ng naturang paaralan, hindi ba?

Sa nakaraang pagsabak ng CLSU sa regional meet, nili-kurang muli nito ang trono ng BulSU. Talaga namang nag-bunga ang pag-eensayo ng mga manlalaro at kapansin-pansin ang development o gilas ng ani-no ng mga atleta natin. Kung tutuusin, mula sa 46 ginto na nilimas ng Green Cobras kon-tra sa mahigit 100 na nakolekta ng nagdedepensang kampeon, malaki ang diskrepansya ngunit sa maraming aspeto, nararapat na muna tayong makuntento.

Ayon sa panayam ng kasa-lukuyang director ng Institute of Sports, Physical Educa-tion and Recreation na si Mr. Jay Santos, binanggit niya na marami talagang hasang mga manlalaro at magagaling yung mga nahuhugot nilang pros-pects na kumukumpleto sa

kanilang koponan. Dagdag pa niya, mga dalawa o tatlong taon pa ay bibigyan na ng CLSU ng mas mahigpit pang laban ang BulSU, sa ngayon daw ay nag-papahinog muna sila ng mga bagitong atleta na ginagawa at pinagdadaanan din naman ng CLSU.

Hinay-hinay nga lang na-man, magandang istratehiya ito dahil ang lahat ng mga pag-subok ay nakukuha sa paunti-unting proseso at hindi pabi-gla-bigla, baka magresulta pa kasi ito sa pagkabuwag ng mga binuong taktika.

Kumbaga sa uri ng isang boksingero, ang ating uniber-sidad ay gamit ang tindig ng isang scientific boxer. Di na-man kasi basta-basta ang pagtapat sa lebel ng isang ka-tunggali na maraming taon ng pinaghaharian ang Region 3, nakukuha ito sa pag-aaral ng galaw o prosesong akma para ugain ang pundasyon nito sa loob ng sapat na panahon.

Sabi nga ng ilan, “walang malaking nakakapuwing”, at “balang araw makakahanap ka din ng katapat”. Patuloy lang na magsumikap, maging de-terminado at gamitan ng puso

Sabi nga ng ilan, “walang malaking na-kakapuwing”,

at “balang araw makaka-hanap ka din ng katapat”.

sundan sa pahina 9

CLSUCOLLEGIAN

www.clsu-collegian.net

CLSUCOLLEGIAN ISPORTS LENTE

Nobyembre 2012 - Enero 201319Si

pat

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sipa

t

Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap Sulyap

SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP SILIP

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

PITIK

CLSUISP RTS

CollegianHATS OFF. Ipinakikilala ang Green Cobras habang nagmamartsa at iwinawagayway ang kanilang sombrero bilang pagkaway sa mga manunuod ng SCUAA III sa RMTU- Iba, Zambales. (Litrato mula sa CERDS)

Pinatatag ang kampanya ng CLSU ng mga gintong medaly-ang naibulsa sa athletics events na mayroong 16 ginto, 14 pilak, at siyam na tanso, kabilang ang apat na gintong nakamit ng women’s team, sapat upang pagharian ang over-all champion dito.

Kabilang din ang Archery, Karatedo, Sofball Women, at Men’s Beach Volleyball sa mga larong nilikuman ng mga gintong medalya na ikinarga sa kampanya ng CLSU.

Sampung ginto ang nadali ng Archery team kabilang ang tat-long ginto na nakopo ni Rommil Onarse, dalawang ginto ni Jenna

CLSU muling pumangalawa sa ‘12 SCUAA III

sundan sa pahina 17

Napanatili ng CLSU ang ikalawang pwesto makaraang lumikom ng 46 ginto, 67 pilak, at 26 tansong medalya sa katatapos State Colleges and Universities Athletics Association (SCUAA) ng Rehiyon III na ginanap sa Iba Zambales nitong Disyembre 16-21.

ni Kenneth Antolin

de Jesus, at isang ginto ni Chel-sea Mae Reyes habang dinomina nila ang women’s team event.

Nakasipa naman ang Team Karatedo ng walong ginto mata-pos ipanalo nina Mariz Ganayo, Judith Jud Fabros at Rezellyn Re-sulta ang 50 kg, 61 kg, at 68 kg sa women’s division samantala nakamit nina Ralph Servando at Mighty Jewell Sotto ang titulo sa Men’s Team Kata, Camille Buen-tura, na itinangay din ang Wom-en’s Individual Kata, at Cynthia Lapitan para sa Women’s Team Kata.

Samantala, napanatili ng Women’s softball ang titulo mata-

pos pahiyain ang Bulacan State University sa kanilang mainitang paghaharap sa kampeonato da-hilan upang makapag-uwi sila ng siyam na gintong medalya.

Nakadagdag din ang dala-wang gintong medalya na nako-po ng Men’s Beach Volleyball, at isang ginto ni Henezy Francisco sa Finweight division ng Tae-kwondo.

“I am contented at satis-fied,” saad ni Jay Santos. “Ang goal kasi natin ay dalawa lang, (1) to maintain second place at (2) to improve. Nakuha natin ‘yun, and we improved by 15 medals. So, across the [medal]

board, ‘yung number nun ay me-dyo mataas dahil compare sa last year na 12.8% ngayon ay 18.4% na ang share natin,” dagdag ni Santos, direktor ng Institute of Sports, Physical Education,and Recreation.

Samantala, matatag pa din ang pagkakaposte ng Bulacan State University matapos huma-kot ng 121 ginto, 72 pilak, at 47 tanso sapat upang maibulsa ang ika-labing pito nilang sunod-su-nod na pagkakahawak sa titulo.

Magsisilbing host school ang Nueva Ecija University of Science and Technology para sa susunod na SCUAA III.

Paiigtingin ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) ang pwersa ng koponan ng CLSU sa pamamagitan ng paghahanap at pagsasanay ng mga bagong atleta para sa susunod na State Colleges Universities Athletics Association of Region III ( SCUAA III) na gaganapin sa Nueva Ecija University of Science and Technology.

ni Kenneth Antolin

ISPEAR paiigtingin ang pwersa ng CLSU sa susunod na SCUAA III