Chamber's Theater - Final Script

download Chamber's Theater - Final Script

of 26

Transcript of Chamber's Theater - Final Script

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    1/26

    Princess Sarah

    An adaptation from the novel A Little Princess by Frances Hodgson Burnett

    Characters:

    Sarah Crewe (Pat) Ms. Minchin (Ange) Peter (Jayson)

    Lavinia (Monica) Ms. Amelia (Alyza) Monkey (Jad)

    Becky (Nessy) Gertrude (Bea V.) Mr. Charmicael (Mike)

    Ermengarde (Agatha) Jessie (Aira) Seora Francisca (Sherald)

    Lotty (Mariel) Capt. Crewe (Jimm) Ram Dass/Indian (Austin)

    *NOTE* Reader: Characterization. Narration.(Emotion and Things to Do/Remember)

    VO: Halaw mula sa sikat na nobela ni Frances Hodgson Burnett at dekalibreng pelikula mula sa

    Star Cinema, ipinagmamalaking inihahandog sa inyo ng Speech11-MHE ang isang kwentong

    pampamilya at punong-puno ng drama, isang produksyon na tiyak na kapupulutan ng aral,

    Rated A ng MTRCB. Ito ay walang iba kung hindi ang.Princess Sarah.

    (Open Curtain)

    Sarah and Capt. Crewe (mining site/river)

    Capt. Crewe: Ram Dass, bilis-bilisan mo ang pagtatrabaho. Sa palagay koy matutumbok nanatin ang brilyantet ginto. Malalim-lalim na rin ang nahuhukay natin.

    Ram Dass: Opo master, namaste.

    Capt. Crewe:Hinahanap ni Capt. Crewe ang kaniyang anak sapagkat naalala niyangkailangan na nilang mag-usap. Nakita niyang pinalilibutan ito ng mga trabahador niya atsiyaykaniyang tinawag. Sarah, anak, halika muna sandali!

    Ram Dass: Uy, kayo! Balik na dito. Trabaho! Dali!

    Sarah: Nang marinig ni Sarah ang tawag ni Capt. Crewe, siyay lumapit patungo sakinaroroonan ng kanyang ama. Alam ko na po ang sasabihin niyo, Papa. Ayaw ko pongumalis, dito na lang po ako.

    Capt. Crewe: Mas maraming magagaling na guro sa Inglatera. Marami kang matutunan sakanila. Yon ang gusto ko para sayo.

    Sarah: Pero Papa, ang gusto ko ay parati tayong magkasama.

    Capt. Crewe: Ayaw ko rin naman maghiwalay tayo, pero kailangan nating gawin para sakabutihan mo. Alam mo bang mula noong maliit ka, puro matatanda ang nakakausap mo atnakakasama? Kaya marami ang nagsasabi na masyadong magulang an pag-iisip mo atpananalita.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    2/26

    Sarah:Nagtaka si Sarah sa sinabi ng kanyang ama kaya nagtanong siya. Masama po bayon, Papa?

    Capt. Crewe:(tatawa) Naku, anak, hindi naman. Hindi ko sinasabing masama, natutuwa ngaakot binigyan ako ng Diyos ng anak na likas na matalino.

    Sarah: Pero Papa, kapag wala na ako, sinong mag-aalaga sa inyo?

    Capt. Crewe: Uhm.. si.. si Neru! Si Neru ang mag-aalaga sa kin.

    Sarah: Ikaw naman papa, nagpapatawa ka pa eh!

    (Magtatawanan and maghuhug ang mag-ama)

    Sarahs School Admission in England (Office ni Miss Minchin)

    Narrator: Napagkasunduan na ng mag-ama na sa Inglatera mag-aaral si Sarah. Makalipas angilang araw, dinala na ni Capt. Crewe ang kanyang anak sa isang paaralan sa Inglatera.

    Miss Amelia: Tuloy po kayo!

    Capt. Crewe: Tayo na, Sarah.

    Sarah: Opo, Papa.

    Ms. Minchin:Matapos pumasok sa isang silid sina Capt. Crewe at Sarah, agad silangbinati ni Miss Minchin.(nakangiti) Maligayang pagdating, Capt. Crewe!

    Capt. Crewe: Maraming salamat, Miss Minchin. Nais kong ipakilala sa inyo si Sarah, ang akinganak.

    Ms. Amelia:Humanga ang kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia sa angking ganda niSarah. Napakaganda naman ng inyong anak! Masuwerte kayo, Capt. Crewe.

    Capt. Crewe: Salamat, Ms. Amelia, at nasisiguro kong di kayo mahihirapan sa pag-aalaga sakaniya dahil mabait at matalino siya. (tingin kay Sarah)

    Ms. Minchin: Tinitiyak kong hindi kayo nagkamali sa pagtitiwala sa aming kakayahan, Capt.Crewe. Karamihan sa mga mag-aaral na naririto ay mula sa prominenteng pamilya. Mga anakng hari, prinsipe, emperador, raja, at ministro ng ibat ibang bansa sa buong daigdig.

    Capt. Crewe:(nakangiti habang nakatingin kay Sarah) Narinig mo iyon, Sarah?

    Ms. Amelia: Sarah, kung ano man ang mga pangangailangan mo, huwag kang mahiya na

    magsabi. Mayroon na kaming nakalaang taong mag-aalaga sayo.

    Ms. Minchin: Amelia, ang mabuti pa samahan mo na sila sa magiging kuwarto ni Sarah.

    Ms. Amelia: Tayo na! Lumabas si Miss Amelia upang samahan sina Capt. Crewe at Sarahpapunta sa isang silid. Ito po ang kuwarto ni Sarah. Maiwan ko po kayo, isusunod ko nalangang mga gamit niya. (ngiti)

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    3/26

    Capt. Crewe:(tatango) Salamat. Matapos umalis ni Miss Amelia, kinausap muli ni Capt.Crewe ang kanyang anak. (matutuwa)Nakita mo na, Sarah? Pinili ko ang pinakamalakingkuwarto para sa iyo!

    Sarah: Papa, hindi naman po importante sa akin iyon. Ang iniisip ko lang po aymagkakahiwalay na tayo.

    Capt. Crewe: Heto na naman tayo, akala mo ba madali para sa akin ang lahat ng ito? Mahirap.Pero kinakailangan kong gawin ang lahat ng ito para sa kinabukasan mo. Ang gusto ko, balangaraw, ikaw ang mamahala sa ating negosyo. Kaya kailangan na makatapos ka ng iyong pag-aaral.

    Sarah: Eh puwede naman po akong mag-aral sa India, eh.

    Capt. Crewe: Oo, naisip ko rin yon. Pero alam mo naman, anak, sa panahong ito, magulo saIndia. Kaya mas mabuti pa na dito ka sa Iglatera mag-aral. Konting tiis lang, anak. Bastasusulatan mo ako parati ha?

    Narrator: Hindi na sumagot pa si Sarah, bagkus, niyakap na lamang niya ang kanyang ama.

    Capt. Crewe: Sarah, mayroon akong sorpresa para sayo. (ngingiti at ibibigay ang locket kaySarah)

    Sarah:Hindi alam ni Sarah kung ano ang nasa kahonkayat siya nagtanong. Ano po ito,papa?

    Capt. Crewe: Tignan mo para malaman mo.

    Narrator: Isang locket ang iniregalo ni Capt. Crewe sa anak.

    Sarah: Ang ganda ganda po!

    Capt. Crewe: Akin na, isusuot ko sa iyo. (kukuhanin ang locket at isusuot kay Sarah)

    Sarah: Maraming salamat po, papa!

    Capt. Crewe: Hindi lang yan basta locket, Sarah. May mas mahalaga pang bagay diyan.Buksan mo.

    Sarah: (Binuksan ang locket) Larawan po natin!

    Capt. Crewe: Pag nalulungkot ka, parati mong iisipin na lagi akong nandiyan sa puso mo, atikaw naman sa akin, at kahit anong mangyari, anak, hindi tayo magkakahiwalay.

    Sarah: Iingatan ko po ito, papa.

    Capt. Crewe: Matapos ibigay ni Capt. Crewe ang locket kay Sarah, napagpasiyahan naniyang umalis. O, anak, aalis na ko. Hindi mo ba ako ihahatid sa labas?

    Sarah: Hindi na po. Ayaw ko makitang umalis ka, papa. Baka maiyak lang ako.

    (maghuhug silang dalawa)

    Capt. Crewe: Magpakabait ka, anak. Parati kang magdarasal ah? Isama mo na rin ako sadasal mo.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    4/26

    Sarah: Siyempre naman papa!

    Narrator: Hinawakan ni Capt. Crewe ang buhok ni Sarah at hinalikan siya sa noo. Mataposmagpaalam, siyay lumabas na sa silid ni Sarah. Matagal niyang tinitigan ang pintuan ng silid niSarah. Makalipas ang ilang sandail, nagdesisyon na siyang lisanin ang paaralan na may lungkotsa kanyang mukha.

    Sarah:Mahigpit na hinawakan ni Sarah ang kanyang manika na si Emily. Pagkaraan ngilang minuto, mabilis siyang lumabas sa kanyang silid upang habulin ang kanyang amasubalit itoy nakalayo na. Papa! Papa! Papa! (umiiyak) Papa, ayokong magkahiwalay tayo.(sobs)

    Sarahs Introduction (Classroom)

    Narrator: Kinabukasan, nagpasiya sina Miss Minchin at Miss Amelia na ipakilala si Sarahkanyang mga bagong kaklase.

    Ms. Minchin: Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago niyong kaeskwela. Siya si Sarah Crewe.

    Narrator: Binati at hinangaan si Sarah ng kanyang mga kaeskwela maliban lamang sa ilangbata na naiingit sa kanya.

    Class: Maligayang pagdating, Sarah!

    Ermengarde: Lotty, ang ganda niya no?

    Lotty: Oo, at mukhang mabait!

    Gertrude: Baka anak mayaman? Mukhang mamahalin ang kaniyang damit eh. Ano sa palagaymo, Lavinia?

    Narrator: Tinitigan ni Lavinia si Sarah mula ulo hanggang paa. Hindi niya nagustuhan ang

    kaniyang nakita. Kung ang ibay nasasabik para makilala at maging kaibigan ang bagong datingna kaeskwela, siya namay napupuno ng galit.

    Lavinia:(Iirapan ang kaibigan.) Diyos ko! Kala mo kung sinong maganda. Pasalamat siyatmayaman ang magulang niya, kung hindi, mukha siyang basura.

    Narrator: Matapos ipakilala si Sarah sa kanyang mga bagong kamag-aral, siyay pinaupo naupang making sa kanilang leksyon.

    Ms. Amelia: Simulan na natin ang leksyon. Sinong makakapagsabi sa akin kung sino si Joan ofArc?

    Class:Maam!Ako po! Maam, ako! (Raises their hands to answer)

    Ms. Amelia:Napansin ni Miss Amelia na nakataas ng kamay si Sarah kaya naman itoykanyang tinawag. Sarah? Sabihin mo sa akin kung sino si Joan of Arc.

    Sarah:(Tatayo at sasagot) Si Joan of Arc ay nakilala bilang isang Maid of Orleans, kasi ibinalikniya sa mamamayan ng Orleans ang kanilang katahimikan at kalayaan. Bagamat si Joan of Arcay isang babae, nakilala si Joan of Arc bilang isang mahusay at magaling na mandirigma.

    Ms. Amelia: Magaling, Sarah! Napakahusay ng iyong sagot!

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    5/26

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    6/26

    Miss Minchin:Nabatid niyang hindi kumokopya si Sarah ng kanyang mga isinulat kaya

    nilapitan niya ito at sinita.(Mataray) Sarah! Bakit hindi mo kinokopya ang mga sinusulat ko?

    Sarah:Maraming salamat na lang po, Miss Michin. Hindi ko po kailangan yan.

    Miss Minchin:(galit) Ano? At bakit?

    Sarah:Hindi malaman ni Sarah kung ano ang kanyang isasagot. Eh.. Kasi po..

    Miss Minchin: Sa eskwelahang ito, Sarah, ako lang ang puwedeng magsabi kung ano ang

    kailangan at hindi mo kailangan.

    Sarah:Magpapaliwanag sana si Sarah ngunit agad na nagsalita si Miss Minchin. Pero,

    Miss Michin, hindi po ninyo ako naiin...

    Miss Minchin:Huwag kang atribida! At hindi pa ko tapos! Huwag mong ipipilitsakin ang gusto

    mo, Sarah Crewe. At huwag mo ding ipagmalaki sakin kung ano ka at sino ka. Wala akong

    pakialam kung anak ka ng kung sinong Pontio Pilato. Ako pa rin ang masusunod ( dahan-

    dahang sasabihin ang bawat salita) dahil ako ang batas sa eskwelahang ito, naiintidihan mo ba

    ko? (Manlalaki ang dalawang mata)

    Senora Francisca:Panandaliang maaabala ang klase sa pagpasok ni Senor Francisco sa

    silid-aralan.Babatiin niya ang mga estudyante at sasagot naman ang mga ito. Buenos

    dias, Senorita Minchin.

    Class: Buenos dias, Senora Francisca.

    Senora Francisca: Buenos dias, senoritas. Senorita Minchin, ang aga-aga pa, mainit na ang

    ulo mo. Cul es el problema?

    Miss Minchin: Matigas ang ulo ng bago nating estudyante, Senora Francisca.

    Senora Francisca: Napagpasyahan ni Senora Francisca na si Sarah mismo ang kausapin

    tungkol ditoEs esto cierto, la seorita Crewe?

    Sarah: No es as en absoluto, seora. No estoy tomando notas, porque ya he aprendido todo lo

    que Miss Minchinescribi en la pizarra. Lo siento mucho si me pareca obstinado, seor.

    Senora Francisca: Eres muy buena en este idioma, seorita. Puedo preguntarle quin

    loaprendido?

    Sarah:Mi madre es espaola, mi padre es el Ingls.

    Senora Francisca:Cuntos aos tienes?

    Sarah: Tengo trese aos, seor.

    Senora Francisca:Bueno, fue muy agradable para conocerla, seorita Crewe.

    Sarah:El placer fue todo mo, seor.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    7/26

    Senora Francisca:Matapos kausapin si Sarah, si Miss Minchin naman ang muling

    kinausap ni Senora Francisca. Ganun naman pala, Senorita Minchin. Magaling mag-Kastila

    ang bata kaya bigyan mo na lang siya ng ibang leksyon sa oras na ito.

    Miss Minchin: Opo, Senora Francisca.

    Jessie:Paano na yan, Lavinia? May papalit na sa trono mo. Hindi na ikaw ang bida ngayon.

    Lavinia: Heh! Tumahimik ka! Kung hindi sasabunutan kita!

    Sarahs Storytelling (outdoors)

    Sarah:Isang araw, nagkukuwento si Sarah sa kanyang mga kaklase. Napakalalim at

    napakadilim daw doon sa loob ng kweba! Marami daw mga ahas at paniki na nakatira roon!

    Lotty:Nyee! Nakakatakot naman

    Narrator:Nagbulungan ang mga magkakaklase at silay nagpahayag ng takot.

    Classmates:(nagbulungan)

    Sarah:Lalo kayong matatakot sa sasabihin ko

    Classmates:Ano yun?

    Sarah: Sabi ng tribo na taga-roon, mayroon daw espirito na nakatira at nagbabantay doon.

    Alam niyo ba kung bakit siya nagbabantay?

    Narrator: Ang mga kaklase ni Sarah ay sabay-sabay na nagtanong ng

    Classmates:(sabay-sabay) Bakit?

    Sarah: Kasi doon sa pinakadulo ng kweba, doon daw makikita ang malalaking ginto at

    malalaking diyamante!

    Narrator: Dahil sa kanilang narinig, Namangha at natuwa ang mga kaklase ni Sarah.

    Ermengarde: Sarah! Sarah! Pag nagkataon, puwede ka pang maging prinsesa ng diyamante!

    Lotty: Oo nga, Sarah! At titira ka pa sa isang malaking palasyo! Saka lalo pang dadami ang

    iyong damit at kagamitan!

    Ermengarde: Tama! At ang pinaka-importante ay makakatikim ka ng ibat ibang pagkain buhat

    sa ibat ibang bansa!

    Narrator: Muling nagbulungan ang magkakaklase.

    Classmates: (nagbubulungan)

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    8/26

    Lavinia:Biglang dumating si Lavinia kasama ang kanyang mga kaibigan. Mga uto-uto!

    Naniwala naman kayo! Hindi totoo ang sinasabi niya!

    Sarah: Totoo ang lahat nang sinabi ng Papa ko, Lavinia!

    Lavinia: Sinungaling! Hindi ako naniniwala na may mga ginto at malalaking diyamante sa loob

    ng kwebang iyon! At mas lalong hindi ako naniniwala na may mga espirito! Kapag nakita na ng

    dalawang mata ko, tsaka lang ako maniniwala.

    Sarah:(tutungo) Sa bagay, tama ka. Kasi mayroong ibang bagay na mahirap paniwalaan. Lalo

    na kapag hindi pa nakikita ng mga mata natin!

    Jessie:Kagaya ng kaluluwa di ba, Sarah?(taas-kilay)

    Sarah: Oo! Pero alam nating nandiyan lang sila, kasi nararamdaman natin sila.

    Narrator: Sa mga panahong iyon, biglang humangin ng malakas at naramdaman nila ang

    ginaw na wala naman kani-kanina lamang. Nagsimulang magtilian ang magkakaklase at

    nagsitakbuhan papasok ng dormitoryo.

    Introcuding Becky (Sarahs room/attic)

    Narrator: Habang nagbabasa si Sarah sa kanyang silid, mayroon siyang narinig na ingay sa

    labas ng kanyang pintuan. Kinuha niya ang kanyang lampara at sinundan ang

    pinanggagalingan ng ingay upang tuklasin kung ano o sino ito. Sa kanyang pagsunod,

    napadpad si Sarah sa isang silid sa may attic na ngayon lang niya narating.

    Sarah: Tao po? Tao po? Sa pagtatanong ni Sarah ay wala namang sumagot kahit isa.Dahil dito, napagpasyahan na lamang niya na bumalik sa kanyang sariling silid upang

    matulog na.Papaalis na sana si Sarah nang biglang may nagsalita na naging dahilan ng

    kanyang pagkatakot. (magsasalita si becky dito ng saglit)May tao ba rito? Kung sino ka

    man, huwag mo naman akong takutin! Pasensya ka na kung nagambala kita. Lalabas na ako

    Becky: Huwag ka matakot. Walang multo rito. (Dahan-dahang magpapakita kay Sarah. Medyo

    nakatungo)

    Sarah: Itinago ni Sarah ang pagkagulat, bagkus ay nagtanong. Sino ka?

    Becky: Ako si Becky. (ngingiti ng kaonti)

    Sarah:Ah Ako naman si Sarah.

    Becky:Umupo si Becky sa sahig at nagsimulang kainin ang isang piraso ng malamig at

    matigas na tinapay. Inalok ni Becky si Sarah. Halika, kain tayo. (ngingiti)

    Sarah: Salamat na lang. Sa iyo na lamang iyan, baka kasi kulang pa sa iyo. Hmmm.

    (magtataka) Iyan lang ba talaga ang hapunan mo?

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    9/26

    Becky: Oo eh.

    Sarah:Umupo si Sarah sa harapan ni Becky at nagsimulang makipagkwentuhan. Dito ka

    nakatira?

    Becky: Oo, dito nga.

    Sarah: (nagtataka)Eh bat ngayon lang kita nakita?

    Becky:Ikaw, parati kitang nakikita

    Sarah:Inisip ni Sarah kung saan nakatira si Becky at bago niya matapos ang kanyang

    hinuha, biglang bumulyaw si Becky.Siguro ikaw yung nasa may..

    Becky: Hagdan!

    Sarah:Oo! At tsaka yung nasa may bintana noong isang araw. Bakit ka nga pala nagtatago?

    Becky: (Malungkot) Hindi ako puwedeng makihalubilo sa inyo. Bawal. Magagalit yung mgasalbahe.

    Sarah:Nagtaka si Sarah sa sinabi ni Becky kaya itoy nagtanong. Sinong salbahe?

    Becky:Ayaw sagutin ni Becky ang tanong si Sarah dahil sa takot na siyay isumbong.

    Hindi ko puwedeng sabihin. Baka isumbong mo ako eh.

    Sarah: Eh bakit naman kita isusumbong, Becky?

    Becky:Kasi hindi mo ko kaibigan.

    Sarah: Siguro noon dahil hindi pa tayo magkakilala. Pero ngayong magkakilala na tayo,magkaibigan na tayo. Iyon ang natutuwang sagot ni Sarah na nagsimula ng pagkakaibigan

    nila ni Becky.

    Supper (dining hall)

    Narrator: Nagdidilim na ang kapaligiran kaya naman nagtungo ang mga bata sa hapag-

    kaininan upang kumain ng hapunan.

    Ermengard:Napansin ni Ermengard na patakas na kumukuha si Sarah ng mga pagkain

    sa hapag-kainan at itinatago sa kanyangpalda. Tinanong ni Ermengard ni Sarah. Sarah,ano ba yang ginagawa mo?

    Sarah:Hindi sinagot ni Sarah ang tanong ni Ermengard. Basta, kumain ka na lang.

    Ermengard:Para kanino ba yan?

    Sarah: Para sa bago kong kaibigan.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    10/26

    Ermengard: Sino?

    Sarah: Si Becky.

    Ermengard: Si Becky?! Sa sobrang gulat ni Ermengard ay nabulunan ito na siyang

    nakatawag-pansin kay Miss Minchin na nasa kabilang lamesa lamang.

    Miss Minchin:Tumayo si Miss Minchin at lumapit kina Sarah at Ermingard. Sarah, ano

    bang nangyayari diyan?

    Sarah: Wala po, Miss Minchin. Nabulunan lang po si Ermingard. Iyon ang sagot ni Sarah

    habang pilit na inililihim ang kanyang ngiti.

    Lotty Cries (Room)

    Note: The entire time, Lotty never stops crying and screaming in the background.

    Lotty:(Iyak nang iyak at tumatalon sa kama.) Gusto ko makita ang mama ko! Gusto kong

    makita ang mama ko!

    Narrator: Dahil sa sobrang lakas ng hagulgol at sigaw ni Lotty, pati sila Miss Minchin at Miss

    Amelia ay nagising at pinuntahan siya sa kanyang silid upang subukang patahimikin.

    Miss Minchin: Galit na galit si Miss Minchin at pasigaw na sinabi Ano ba, Lotty?

    Tumahimik ka nga! Ano ba naman ang gusto mong gawin ko?

    Miss Amelia:Kung ano ang ikinagalit ni Miss Minchin, siya namang ikinahinahon ni Miss

    Amelia. Huwag ka na umiyak, Lotty. Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?

    Lotty: Ayaw ko ng gatas! Gusto kong makita ang mama ko!

    Miss Minchin:Naubos na ang pasensya ni Miss Minchin kaya naman itoy kanyang

    pinalo.(Pinapalo si Lotty at pasigaw na sinasabi) Ano ba! Sinabi nang tumahimik ka na eh!

    Pagpahingahin mo naman kami!

    Miss Amelia: Minchin, huwag mo nang saktan ang bata. (Medyo palakas ang boses) Minchin,

    tama na! Ano ka ba!

    Miss Minchin:Patahimikin mo yang batang yan kung hindi ikukulong ko yan sa bodega!

    Miss Amelia: Matapos paluin ni Miss Minchin si Lotty, agad siyang nilapitan ni Miss

    Amelia upang ito ay patigilin sa pag-iyak. Lotty, tahan na Lotty

    Lotty:Mama ko Mama ko

    Miss Minchin: Ubos na ang pasensya ni Miss Minchin. Tinawag na niya si Miss Amelia

    upang umalis na at iniwan na lamang ang naglulupasay na dalagita. Tara na, Amelia! Iwan

    na natin yan! Mapapagod din yan!

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    11/26

    Miss Amelia:Pero Minchin. Ayaw pa sanang umalis ni Miss Amelia ngunit napilitan

    siyang sumama kay Miss Minchin.

    Miss Minchin: Ano ba, Amelia! Sinabi nang tara na!

    Narrator: Lumabas sila ng silid ni Lotty at nagpatuloy na sa kanilang pagtulog. Saka naman

    dumating si Ermengard at Sarah upang subukang patahanin si Lotty. Bago tuluyang pumasok

    ay huminto muna ang dalawa sa may pintuan upang mag-usap.

    Sarah: Kawawa naman si Lotty. Bakit kaya ayaw siya pauwiin ni Miss Minchin sa mama niya?

    Ermengard: Wala ng mama si Lotty. Patay na. Hindi lang sinabi sa kanya ng papa niya na

    ganoon ang nangyari.

    Sarah: Ha? Paano mo nalaman?

    Ermingard: Narinig kong nag-uusap sina Miss Minchin at Miss Amelia. Siguro kaya siya laging

    nagkakaganyan ay dahil napapanaginipan niya ang mama niya.

    Sarah: Lumapit si Sarah kay Lotty upang ito ay patahanin.(Hahawakan sa balikat) Lotty,

    huwag ka nang umiyak.

    Lotty: (nahikbi/sob)Eh kasi ang mama ko di na ako dinadalaw eh.

    Sarah: Ganito na lang ang gawin natin. Lotty, maupo ka muna dito. Habang wala pa siya, ako

    muna ang magiging mama mo. Kung papayag ka.

    Lotty:(Titingin kay Sarah)Eh kasi yung mama ko kinakantahan ako bago ako matulog eh.

    Sarah: Edi kakantahan din kita.

    Lotty: Natuwa si Lotty sa sinabi ni Sarah at nakangiting sinabi Sige.

    Sarah: (kakantahin ni Sarah) Tulog na, tulog na

    Ipikit mo ang yong mga mata

    Wag kang mababahala

    Mayroong nagbabantay sayo

    Naritot hindi malalayo

    Kasama mo ako sa buhay

    Sa panaginip na makulay

    Tulog na

    Huwag mag-alala

    Di kita hahayaang mag-isa

    Kung sakalit may kailangan ka

    Narito akot nagmamahal sayo

    Tuwina

    Art Class with Amelia (classroom)

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    12/26

    Narrator: Isang umaga, ang lahat ng mag-aaral ay nasa silid-aralan at nakikinig kay Miss

    Amelia.

    Miss Amelia: Sa kalagitnaan ng talakayan, biglang naalala ni Miss Amelia ang nalalapit

    na kaarawan ni Sarah at itoy kanyang ibinalita sa buong klase. Sinabi rin niya ang

    kanilang gagawain sa araw na iyon. Siya nga pala, kaarawan na ni Sarah Crewe sa susunod

    na Martes, nagbilin ang kanyang ama na magkaroon ng isang napakalaki at magarbong party!

    Narrator:Di naitago ng magkakaklase ang tuwa at nagpalakpakan ang mga ito, maliban kay

    Lavinia at sa kanyang mga kaibigan.

    Class: Yehey!

    Lotty: Mama Sarah, imbitado po ba kaming lahat sa party mo?

    Sarah: Syempre naman!

    Lotty: Natuwa si Lotty sa sinabi ni Sarah. Yehey! (Yayakapin si Sarah)

    Miss Amelia: Teka lang mga bata, sa isang kondisyon! Kailangan na magsuot kayo ng mga

    magagandang kasuotan.

    Sarahs Birthday featuring United Nations (outdoors)

    Kanta: Tayo na mga kasama

    Isa, dalawa, tatlo

    Saan ka man nanggaling dito sa mundo

    Ikaw ay natatangi, katulad ko

    Bastat nagmamahal ang puso mo

    Hali na mga kasamaLima, anim, pito

    Tayoy magkakaibigan

    Ikaw at ako

    Laging alalahanin ang aking sasabihin

    Pagmamahal ay kayamang totoo

    Hindi bat minsan sabi ni lolo

    Mayroong hangganan ang buhay dito

    Kung magtatalo

    Anim, pito, walo

    Ay tiyak na magkakagulo

    Ang pagmamahalay daig ang ginto

    Habang sinisiwalat, higit ang lago

    Kayat alalahanin

    Ang aking tagubilin

    Sayong mga kaibigang buksan ang puso

    Alalahanin

    Sa mundo natin

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    13/26

    Ikaw ay dapat mapagmahalin

    Kung mag-aaway

    Lubus-lubusan ang ating pagdaramdam

    La la

    La la la

    Walo, siyam, sampuHindi marahil na tayo ay magkatagpo

    Ang pagmamahalay daig ang ginto

    Hindi kumikilatis

    Kulay o anyo

    Matapat at tunay ang puso mo

    Maaasahang lagi

    Pagmamahalang tunay

    Igaganti ng mundo sayo

    Teachers Talk (outdoors)

    Narrator: Sa kabilang banda, habang nagkakasayahan ang mga kaklase ni Sarah ang kanyang

    guro ay nag-uusap sa isang lugar.

    Miss Minchin:Tanging kay Sarah lamang nakatingin si Miss Minchin. Habang itoy

    kanyang pinanonood, mababakas sa kanyang mukha ang pagkainis sa dalagita. Hay

    naku. Talaga nga naman. Kung minsan hindi ko maintindihan ang mga magulang. Ibibigay ang

    mga luho ng kanilang mga anak tapos pag lumaking sutil ang mga yan, kung kani-kanino

    isisisi.

    Senor Francisco: Kasi kaligayahan na ng mga magulang na makita ang kanilang anak namasaya sa kanyang kaarawan.

    Miss Amelia: Pero iba naman si Sarah, Minchin. Wala kang mairereklamo dun sa bata.

    Miss Minchin: Hindi ko hinihingi ang opinyon mo.

    Senor Francisco: Huwag na natin hadlangan ang kaligayahan nila. Dapat makisaya na lang

    tayo sa kanila.

    Sarahs Gifts (Sarahs room)

    Narrator: Matapos ang selebrasyon, nagtungo sina Sarah, Lotty, at Ermengard sa silid.

    Binuksan nila ang mga regalo ni Sarah damit, sapatos, pati keyk! Tila isang mataas na

    bundok ang mga regalong natanggap niya.

    Lotty:Napansin ni Lotty na malungkot siSarah kaya naman itoy kanyang sinubukan na

    patawanin.Mama Sarah, di ba mukha din akong manika? (matitigilan) Mama Sarah,

    pinapatawa lang kita eh. Bakit hindi ka tumawa?

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    14/26

    Ermengard:Hindi na nakatiis si Ermingard kaya siyay nagtanong na. Sarah, bakit ka nga

    ba malungkot?

    Lotty:Alam mo, Mama Sarah, kung sa akin lang tong magagandang regalo, siguro ang saya-

    saya ko!

    Sarah: Eh kasi kahit anong dami ng mga regalo ko, kung wala naman ang Papa ko, hindi rin

    ako lubos na maligaya.

    Narrator: Biglang may tumawag kay Sarah at ibinalita na may padala na namang regalo ang

    kanyang ama. Agad-agad na lumabas si Sarah upang makita ang regalong ito.

    Introducing Peter (outdoors)

    Narrator: Isang aso! Isang napaka-cute na aso ang ipinadalang regalo ni Captain Crewe! At

    may kasama pa itong sariling tagapag-alaga!

    Peter: Ikaw ba si Sarah Crewe?

    Sarah: Oo, ako nga. (ngingiti)

    Peter: Ang cute mo pala.

    Sarah: Ha? Anong sabi mo?

    Peter: Ah, wala. Ang sabi ko ang cute ng padala ng papa mo. Ito oh!

    Sarah: Natuwa si Sarah sa regalo ng kanyang ama. Wow! Aso! Ang ganda!

    Peter:Iniabot ni Peter ang kanyang kamay kay Sarah upang pormal na magpakilala. Siya

    nga pala, ako si Peter.

    Sarah: Kinagagalak kong makilala ka. Siya nga pala, alam mo ba kung anong breed ng asong

    ito, Peter? Uy, Peter! Tinatanong kita, Peter. Sumagot ka naman.

    Peter: Hindi kumikibo si Peter sa kahit anong sabihin ni Sarah.

    Sarah:Tsk tsk tsk Kawawa naman! Pipi na nga, baka bingi pa!

    Peter:Tila nainis si Peter sa sinabi ni Sarah. Uy! Hindi ako pipi ah?! Hindi rin ako bingi.

    Sarah: Ay mali! Ayaw mo kasing kumibo eh. Suplado ka ba talaga o masungit?

    Peter: Hindi ako suplado at hindi rin ako masungit.

    Sarah: Eh ano bang problema mo?

    Peter:Nais nang sabihin ni Peter ang problema niyakay Sarah ngunit siyay nahihiya.

    Ah ano Wala! Wala!

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    15/26

    Sarah:Hindi nakuntento si Sarah sa sagot ni Peter kaya itoy kanyang kinulit. Ano na?

    Sabihin mo na!

    Peter: Ano ba! Bakit ba ang kulit mo?

    Sarah: Sabihin mo na. Malay mo matulungan pa kita!

    Peter: Tsk. Ang kulit talaga oh.

    Sarah: Ano na? Sige na! Ano nga?

    Peter:(mag-iisip tapos biglang mapapabuntong-hininga)Alam mo, gutom na ko. Yun ang

    problema ko. Gutom na gutom na ako. Oh ano? Masaya ka na? (titingin kay Sarah)

    Sarah:(Matatawa ng kaonti)Yun lang naman pala eh! Edi kumain na tayo.

    Captain Crewe Dies (outdoors/mining site)

    Narrator: Sa kabilang dako, nagkaroon ng problema ang ama ni Sarah sa kanyang minahan.

    Bali-balitang nagkaroon ng pagguho sa loob ng kweba at naiwan ang maraming trabahador.

    Captain Crewe:Isang umaga, nang papunta si Capt. Crewe sa minahan, napag-alaman

    niya na nagkaroon muli ng pagguho at isa sa mga nadaganan ay ang kanyang kaibigan

    na si Mr. Charmicael. Hindi siya nag-atubiling pumasok kahit na binalaan siyang napaka-

    delikado sa loob ng kweba. Anthony! Asan ka? Anthony! Anthony, ayos ka lang ba? Tumingin

    ka sa akin! Anthony!

    Anthony: Umalis ka na rito, Ralph.

    Captain Crewe: Hindi! Hindi kita maaaring iwan. Sandali at tatawag ako ng tulong.

    Anthony: Huwag na! Umalis ka na.

    Captain Crewe:Kaya ko to. Bubuhatin ko lang ang mga bato at tsaka mo ilabas mo ang mga

    paa mo. Sabayan mo ang bilang ko Isa.. Dalawa.. Tatlo!

    Narrator: Matagumpay na nailabas ni Captain Crewe ang mga paa ng kaibigan mula sa

    pagkakatabon ng mga bato. Ngunit sa kasamaang palad, bumigay naman isang bulto ng bato

    at sa kanya bumagsak ito.

    Anthony:Sinubukang iligatas ni Anthony si Ralph katulad ng pagkakaligtas nito sa

    kanya, ngunit huli na ang lahat. Raaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaalph!

    Narrator: Ibinuwis ni Captain Crewe ang kanyang buhay para sa kanyang kaibigan na si

    Anthony.

    Capt. Crewes Death (room)

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    16/26

    Narrator: Isang umaga, nakatanggap ng tawag si Miss Amelia. Isang kahindik-hindik na balitaang nakarating sa kaniya patay na si Capt. Crewe na kanyang ikinagulat. Makalipas angilang sandali, napagpasyahan niya na puntahan si Sarah.

    Miss Amelia: Magandang umaga, Sarah.

    Sarah: Magandang umaga rin po, Miss Amelia. Bakit po kayo naparito?

    Miss Amelia: Hindi alam ni Miss Amelia kung papaano niya sisimulang sabihin kay Sarahang balitang natanggap niya.Ahh Sarah May gusto sana akong sabihin sa iyo eh.

    Sarah: Ano po yun?

    Miss Amelia:Ahhh. Ano kasi ganito nakatanggap ako ng tawag kanina mula sa India.Tungkol ito sa tatay mo.

    Sarah: (Masaya) Talaga po? Sa papa ko?

    Miss Amelia: Oo, sa papa mo. Pero ano kasi eh hindi siya isang magandang balita.

    Sarah: Nang marinig ni Sarah na ang hatid ni Miss Amelia ay hindi magandang balita.Nanginig ang kanyang tuhod at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi po maganda?Bakit po? May nangyari po ba sa papa ko?

    Miss Amelia: Oo, patay na ang papa mo. Natabunan kasi siya ng mga gumuhong bato saminahan.

    Sarah: (umiiyak) Papa ko (dahan-dahang bubuksan ang locket) Bakit mo ko iniwan? Sabimo, kahit na kailan ay hindi tayo maghihiwalay. Papa, hindi ko alam ang gagawin ko. Papapapa papa ko

    Narrator: Hindi malaman ni Miss Amelia kung ano ang gagawin, kaya siyay nagpasiya nayakapin na lamang si Sarah. Ang hindi alam ni Miss Amelia, nasa may pintuan si Miss Minchinna hindi sinasadyang marinig ang lahat ng kanyang sinabi.

    Miss Minchin: Nagulat si Miss Minchin sa kanyang narinig. Makalipas ang ilang minute,napagpasiyahan na niyang pumasok sa silid ni Sarah. Totoo ba ang narinig ko, Amelia?

    Miss Amelia: Nagulat si Miss Amelia dahil bigla na lamang niya narinig ang boses ngkapatid.Ate? Ahhh ano.. oo, totoo nga.

    Miss Minchin: Ganoon ba? Hmmmm Pwes! Magsimula ka nang mag-impake, Sarah dahil

    lalayas ka na sa paaralang ito. Patay na ang iyong ama at wala na ang taong tutustos sa iyongmga pag-aaral.

    Miss Amelia: Pero, ate, Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon ni Sarah? Kamamatay langng ama niya.

    Miss Minchin: Wala akong pakialam, Amelia! Wala na siyang ipangbabayad sa atin kaya masmakabubuti kung aalis na siya rito dahil magiging pabigat lamang siya sa atin.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    17/26

    Sarah: Tila dumoble ang sakit na nararamdaman ni Sarah dahil sa mga masasakit nasalita ni Miss Minchin. Ngunit hindi niya alam kung saan siya pupunta kaya siyaynakiusap na lamang. Miss Minchin, wala na po akong matutuluyan. Pakiusap, huwag po ninyoakong paalisin. Kahit hindi na lang po ako mag-aral, pagsisilbihan ko po kayo basta po huwagpo ninyo akong paalisin.

    Miss Minchin: (mag-iisip)O sige. Simula sa araw na ito ay hindi ka na mag-aaral at hindi ka nasa kwartong ito matutulog. Ilipat mo ang lahat ng iyong gamit sa tulugan ng mga katulong.Magsimula ka na ring magwalis at maglampaso.Ay Siya nga pala, palitan mo yang damit modahil hindi iyan ang nababagay na kasuotan ng mga katulong. At Ito ang tatandaan mo, SarahCrewe, hindi ka na prinsesa sa paaralang ito at kahit anong ipagawa ko sa iyo ay gagawin mo.Sige na! Kilos na! Amelia! Halika na!

    Miss Amelia: Ate, hindi ka na naawa kay Sarah.

    Miss Minchin: Ano ba, Amelia! Baka gusto mong ikaw ang maging katulong?

    Miss Amelia: Walang magawa si Miss Amelia kaya siyay sumunod na lamang kay Miss

    Minchin. Sarah, huwag ka nang umiyak. Pasensya ka na kung wala akong nagawa. Babalikanna lamang kita mamaya.

    Sarah: Okay lang po yun, Miss Amelia. Maraming salamat po.

    Sarah Cleans the Classroom (classroom)

    Narrator: Matapos na mailipat ni Sarah ang kanyang mga gamit sa silid ng mga katulong.Nagsimula na siyang maglinis ng silid-aralan. Mayamaya pay nagdatingan na ang kanyangmga kaklase.

    Lotty: Mama Sarah! Anong ginagawa mo? Bakit ka naglilinis?

    Narrator: Biglang lumapit sina Lavinia, Gertrude, at Jessie kay Sarah.

    Lavinia: Eh kasi simula sa araw na ito, isa na siyang katulong.

    Ermengard: Ha? Ano? Bakit? Hindi ko maintindihan.

    Jessie: Hay nako. Hindi niyo pa rin alam? Patay na ang tatay niya. Haaaaay, kawawang Sarah.Buti nga sa yo.

    Ermengard: Hindi totoo yan!

    Jessie: Totoo ang sinasabi ko no! Tanungin niyo pa sina Miss Minchin at Miss Amelia,panigurado mapahiya ka diyan!

    Gertrude: Anong feeling, Sarah? Matutulog ka na sa mainit at maliit na kwarto at may mgadaga pang kasama! Ewwwww! Gross!

    Lavinia: Tsk. Tsk. Tsk. Youre so pathetic. Ang dating Sarah, ang prinsesa, ngayon ay Sarah,ang basura. (tatawa)

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    18/26

    Ermengard: Hoy! Tumahimik na nga kayo!

    Jessie: Ikaw ang tumahimik, pig!

    Gertrude: Magsama-sama kayong tatlo! Pathetic!

    Lavinia: Wag na nga tayo mag-aksaya ng panahon sa kanila. Lets go, girls!

    Lotty: Ang sasama ninyo! Kayo ang basura!

    Sarah: Tama na, Lotty. Pabayaan na lang natin sila.

    Lotty: Huwag ka mag-alala, Mama Sarah. Tutulungan ka namin ni Ermengarde sa gawaingbahay pag kaming ginagawa.

    Sarah: Naku, huwag na! Magagalit si Miss Minchin.

    Ermengard: Naku, wag ka mag-alala. Patago ka naming tutulungan.

    Sarah: Salamat!

    Narrator: Mula ng mamatay ang ama ni Sarah, iyon na ang palagi niyang nakagawian,magwalis, maglampaso, maghugas ng plato, at kung ano-ano pang gawain. Subalit kahit anongipagawa sa kanya, ay parang hindi siya nauubusan ng lakas dahil na rin sa tulog ng kanyangmga kaibigan.

    *Background music plays: Ang scene dito ay yung parang mga scene sa movies na walangmga dialogue. Puro background music, tapos may mga ginagawa yun mga actors, tapos sakabilang part ng stage biglang magsasalita sina Lavinia and friends*

    Lavinia:Abaaaaaa Matibay ka ah? Tingnan natin kung hanggang kailan ka tatagal.

    Gertrude: I know what youre thinking, Lavinia. (tatawa)

    Jessie: Kailangan ng maturuan ng leksyon ang, Sarah na yan.

    Small Party (Attic)

    Narrator: Hating-gabi na subalit hindi pa rin tapos si Sarah na magligpit sa kusina samantalangsi Becky, kakatapos lamang na maglaba.

    Becky: Sarah, hindi ka pa rin ba tapos diyan?

    Sarah: Hindi pa eh. Mas maraming pinagawa sa akin si Miss Minchin. Hindi pa nga ako nakaineh.

    Becky: Naku, wala ng natirang pagkain eh.

    Narrator: Narinig nina Lotty at Ermengarde ang usapan nina Sarah at Becky.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    19/26

    Lotty: Mama Sarah! Wag ka mag-alala may sorpresa kami ni Ermengarde para sa inyo niBecky!

    Sarah: Talaga?

    Ermengard: Oo naman! Tulungan ka na naming diyan at pumunta na tayo sa attic!

    Becky: Sige!

    Narrator: Makaraan ang ilang sandal, marahang pumunta sina Sarah, Becky, Lotty, atErmengarde upang hindi magising si Miss Minchin. Ang hindi nila alam nakita sila nina Lavinia,Gertrude, at Jessie.

    Lavinia: Nakita niyo ba ang nakita ko?

    Gertrude and Jessie: Oo naman!

    Lavinia: Sundan natin ang mga kutong-lupa na yan at mukha may gagawin sila na hindi alam

    nina Miss Minchin.

    Ermengarde: Sarah, Becky, handa na ba kayo sa sorpresa naming ni Lotty?

    Lotty: Ipikit na muna ninyo ang mga mata ninyo at pagkatapos ko bumilang ng tatlo ay sakaninyo buksan ang inyong mga mata. Isa dalawa tatlo

    Sarah and Becky: Wow! Ang daming pagkain!

    Jessie: Pagkakataon na natin to, Lavinia.

    Gertrude: Sumbong na natin sila kay Miss Minchin

    Lavinia: Humanda ka ngayon, Sarah Crewe. Lets go, Girls! Habang kahimbingan ng tulog,kinatok ni Lavinia ang pintuan ng kwarto ni Miss Minchin. Miss Minchin! Miss Minchin!

    Miss Minchin: Sino ba yan? Dis-oras na ng gabi!

    Lavinia: Si Lavinia po ito. Kasama ko po sina Jessie at Gertrude.

    Miss Minchin: Napahpasiyahan na ni Miss Minchin na tumayo sa kanyang kama atbuksan ang pintuan. Bakit, Lavinia? Ano ang problema?

    Lavinia: Mayroon po kayong dapat malaman.

    Miss Minchin: Ano yun?

    Gertrude: Sina Sarah, Lotty, Becky, at Ermengarde po.

    Jessie: Nasa attic po sila ngayon. Puntahan na lamang po ninyo upang malaman ninyo kungano ang ginagawa nila roon.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    20/26

    Miss Minchin: Napagpasiyahan ni Miss Minchin na puntahan sina Sarah sa attic upangmalaman kung ano ang isinusumbong nina Lavinia. O sige. Ako na ang bahala. Pumuntana kayo sa mga kwarto ninyo at makakatikim sa kin yang , Sarah Crewe na yan!

    Lavinia, Jessie, and Gertrude: Opo, Miss Minchin. (tapos bigla silang tatawa)

    Narrator: Maya-mayay biglang may narinig sina Sarah, Becky, Lotty, at Ermengarde na ingaypaparating sa may attic.

    Sarah: Teka, may naririnig ba kayo? (mag-iisip)

    Lotty, Ermengarde, and Becky: Si Miss Minchin!

    Miss Minchin: Anong ginagawa niyo ha? Ano yan? Sinong may pakana nito? Sarah? Ikaw nanaman siguro ang may pakana nito no! Hindi ka na talaga marunong magtanda!

    Sarah: Nais sanang magpaliwanag ni Sarah ngunit siyay hindi makapagpaliwanag dahilkay Miss Minchin. Hindi po, Miss Minchin. Ano po

    Miss Minchin: Tumahimik ka, Sarah! Bukas ay hindi ka kakain! Magdusa ka!

    Sarah: Pero, Miss Minchin, hindi pa ho ako kumakain.

    Miss Minchin: Wala akong pakialam! Hanggat hindi ka natututo, hindi ka kakain! Akin na yungmga pagkain na yan! Lotty at Ermengarde, umalis na kayo jan! Baka pati kayoy parusahan ko!Ikaw pati, Becky! Hindi ka kakain maghapon bukas!

    Narrator: Iniabot nina Lotty at Ermengarde ang mga pagkain kay Miss Minchin at sa takot,silay nagtatatakbo patungo sa kanilang kwarto. Umalis si Miss Minchin na umiiyak sina Sarahat Becky.

    Sarah: Pasensya ka na, Becky. Pati ikaw ay hindi makakain bukas.

    Becky: Okay lang yun.

    Sarah: Magdasal na lang tayo.

    Becky: Sige.

    Sarah: In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit. Amen. Lord, sana pomakayanan po namin ni Becky ang mga paghihirap na aming nararanasan. Bigyan niyo pa pokami ng lakas at sana po huwag po parusahan ni Miss Minchin sina Lotty at Ermengarde. Lord,

    alam ko po na kasama niyo na diyan si Papa. Kayo na po bahala sa kanya ah? Papa, alamkong naririnig mo ako, gabayan mo po ako at ang mga kaibigan ko. Sila na lang kasi yungnagmamalasakit sa akin eh. Namimiss na kita, Papa at mahal na mahal po kita. In the name ofthe father, and of the son, and of the holy spirit. Amen

    The locket is stolen (room)

    Narrator: Maganda ang sikat ng araw. Binabasa ni Sarah ang kanyang bagong libro kay Becky,may narinig silang ingay, ingay na waring may nagpupumilit pumasok sa kanilang bintana

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    21/26

    Sarah: Becky, Ano yun?

    Becky: Pusa siguro yun, Sarah. Pero ang ingay eh!

    Sarah: Tingnan natin Becky! Papalapit si Sarah ng makakita siya ng isang maliit na pigura

    nang biglang Ahhhhhhhhhhhhhhhh!

    Narrator: Kumaripas nang takbo ang unggoy papasok sa kwarto ni sarah at biglang hinablotang kaniyang kwintas.

    Sarah: Hoy! Huminto ka, akin yan. Ibalik mo yan! Hinabol ni Sarah ang unggoy hanggang salabas, ngunit bigla itong pumasok sa loob ng bahay ng kanilang kapitbahay. Ano ba yan!Paano na to? (mag-iisip tapos ngingiti) Ah, alam ko na. Pumasok si Sarah sa pintuan atdahan-dahang umakyat sa hagdan. Uy, asan ka na ba? Ibalik mo na yung kwintas ko. Saanka ba nagpunta?

    The search is over (room/Mr. Charmicael House)

    Narrator: Nakita ni Sarah ang unggoy at ang kanyang amo, nahiya bigla si Sarah kaya namannagtago muna ito.

    Indian: Saan mo nakuha ang kwintas na ito? Ibig ba nitong sabihin, nandito siya? (Mag-iisip)Naandito nga siya!

    Sarah:Matapos ang ilang sandal, nagpasiya si Sarah na pumasok sa loob ng pintuan.Paumanhin po at pumasok na ako, kinuha po kasi ngay, sa inyo po pala yang Lascar na yan,

    Ahm kinuha po kasi niya ang kwintas ko.

    Indian Gentleman: Iyo ba ang kwintas na ito? Heto Iniaabot ng niya ang kwintas sa

    dalagita. Sandali lang, alam mong Lascar ang alagang unggoy namin?

    Sarah: Opo,iIpinanganak po ako sa India.

    Indian Gentleman: San sa India? Pero nakatira ka ngayon dito sa Inglatera, sa may kasunodna pintuan? Halatang-halata ang interes ng lalaki kay Sarah.

    Sarah: Opo, diyan po ako nakatira kina Miss Minchin, sa paaralan niya. Noong una, estudyantepo ako pero ngayon.

    Indian Getleman:Nagtaka ang lalaki sa sinabi ni Sarah kaya siyay nagtanong. Pero, bakithindi ka nakabihis pang-estudyante?

    Sarah: Sa totoo lang po, hindi ko na kilala ang sarili ko, kung ano ako. Natutulog po ako sa mayattic, sa tabi ng mga katulong. Sa umaga, ginagawa ko lahat ng iutos sa akin ng tagapagluto atng mayordoma, naglilinis, nagsisilbi at tinuturuan ko ang mga maliit na bata.

    Indian Gentleman:Naawa ang lalaki sa kwento ni Sarah. Mababakas din ang pagtataka sakanyang mukha kaya siyay muling nagtanong. Sinabi mo kanina na estudyante ka dati?Ngunit anong nangyari?

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    22/26

    Sarah: Noon po kasi, dinala ako dito ng papa ko para mag-aral. Pero po, namatay na siya.Naubos lahat ng pera at wala nang natira upang alagaan ako at bayaran si Miss Minchin.

    Indian: Bakit naman?

    Sarah: May kasama po kasi dati yung papa ko sa negosyo, kinuha niya ang lahat ng pera ng

    papa ko. May lungkot at hinanakit na sagot ng dalagita.

    Indian Gentleman: Baka naman aksidente lang ang pangyayari. Teka, ano nga pangalan ngtatay mo?

    Sarah: Ralph Crewe po.

    Narrator: Katahimikan ang nangibabaw sa buong kwarto sa loob ng ilang segundo. Ilangsandali pa

    Indian Gentleman:Biglang tumakbo ang lalaki papunta sa kwarto ng amo, si Mr. AnthonyCharmicael. Sa sobrang tuwa ay muntik na siyang madulas at madapa, at sa paglabas

    nito ay kasama na ang isang lalaki. Senior, nandito po ang batang ating hinahanap,natagpuan ko na po siya! Sarah, ito si Mr. Charmicael , siya ang kaibigan ng papa mo.

    Sarah:Hindi mapaliwanag ni Sarah ang kanyang naramdaman ng mga panahong iyon,hindi niya alam kung ano ang madarama. Nagsasalita siya na waring nasa panaginiplamang siya nag-iisip kung ang lalaki bang ito ay mabuti o ang masamang kaibigan ngpapa niya.

    Mr. Charmicael: Wag ka matakot, hindi kami dapat katakutan. Masayang masaya kami atnakita ka na naming. Dalawang taon ang aming ginugol paghanap sa yo. Hindi maitago angtuwang nadarama ni Mr. Charmicael dahil sa pagkakakita sa matagal nang hinahanap,ang nadaramang sakit ay mistulang napawi at napalitan ng galak.

    Sarah: Kayo po pala ang kaibigan ng papa ko. Ikinagagalak ko po kayong makilala. Masaya poako dahil hindi ko na kailangang bumalik pa sa kabilang bahay, magagalit po siya sakin.

    Mr. Charmicael: Sino?

    Narrator: Habang kausap ni Sarah ang kaibigan ng papa niya na si Mr. Charmicael, hinahanapna siya nina Miss Minchin at Miss Amelia.

    Miss Minchin: Asan na ang inggratang Sarah na yun? Ang dami pang lilinisin! Baka tumatakasna naman siya sa trabaho niya. Humanda siya sa akin kapag nakita ko siya! Nanlilisik ang

    mga mata ng guro, inis na inis sa pagkawala ni Sarah.

    Ms. Amelia: Sabi raw ng mga katulong, lumabas daw si Sarah, tumatakbo, parang mayhinahabol. Sa parting yun daw (tuturo), malapit sa bahay na yan. Habang tinuturo ni MissAmelia ang bahay ay sobra na lamang na kaba ang nadarama nito para kay Sarah.

    Miss Minchin: Sarah?! Sarah?! Asan ka ka? Bumalik ka dito. (kakatok)

    Indian: Sino po ang hinahanap nila?

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    23/26

    Miss Minchin: Nandiyan ba si Sarah, babae na 13 taong gulang, mayroon kaliitan at gusgusin?Sarah? Sarah, lumabas ka! Nasaan kaya si Sarah ang tanging tanong sa isip ni MissMinchin, sa sobrang galit ay wala na itong inisip kundi ang makuha ang bata.

    Indian Gentleman:Narinig ng lalaki ang boses ni MissMinchin at itoy kaniyang nilapitan.

    Kayo ho ba si Miss Minchin?

    Miss Minchin: Oo, at nandito ako para sunduin ang isang malikot at hindi napagsasabihangdalagita, si Sarah. Nandito ba siya?

    Indian Gentleman: Tamang tama ang dating ninyo. Nandito po siya at kailangan kayongmakausap ng aking amo.

    Miss Minchin: Ako? Amo? (binibulong) Humanda ka Sarah sa bahay, makakatikim ka .Biglang nakita ni Miss Minchin si Sarah at nanlaki ang kanyang mga mata.Sarah, bumalikka! Balik ka na sa kusina! Aba!

    Indian Gentleman: Ipagpaumanhin po ninyo pero hindi siya sasama sa inyo.

    Miss Minchin: At sino ka para sabihin iyan, aber?! Bakit hindi ah?

    Sarah: Alam niyo naman siguro kung bakit Miss Minchin, alam na alam ninyo. Kahit ayawsumagot ni Sarah, bigla na lamang lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang yon.Ayaw na ni Sarah sa kalupitan ni Miss Minchin.

    Miss Minchin: Hindi mo na makikita ang mga kaibigan mo! Sisiguruhin kong hindi mo na silamakikita , si Lotty? Si Ermengard? Ilalayo ko sila sayo.

    Mr. Charmicael: Pwedeng puntahan ni Sarah ang sino mang gusto niyang makita

    Miss Minchin: Natigilan si Miss Minchin sa magalang na pagsalungat ng ginoo. Hindimadaling bagay ang ginagawa ninyo, binabalaan ko kayo, ang dalagitang iyan (tinuro at ngayonay nakaharap na kay Sarah) ay isang ingrata at sinungaling di ba Sarah? (taas-kilay)

    Sarah: Malumanay at mahinang sumagot si Sarah. Ginawa ko naman po ang lahat,sinubukan ko maging mabuti sa lahat ng pagkakataon, gutom at nahihirapan man ako.

    Miss Minchin: Talaga lang?

    Miss Amelia:Biglang nakihalubo sa usapan si Miss Amelia at tila ipinagtanggol pa angdalagita. Siguro nga mas bobo ako kaysa sayo ate at hindi ko nasasabi ang mga katotohanang

    dapat mong marinig, pero ngayon ate... Wala kang puso! Malaki na ang paghihirap nanaranasan ni Sarah sa mga kamay mo!

    Miss Minchin:(galit at malakas) Walanghiya ka! Sino ka ba sa tingin mo? Wala kangkarapatang sabihan ako ng ganyan!

    Miss Amelia: Wala ba? Ang sabihin mo, naiinggit ka lang dahil sa talino, galing at yaman niSarah. Hindi mo matanggap na nauunawaan niya ang mga bagay na mismong ikaw ay hindi

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    24/26

    naiintindihan! Sa mga pagkakataong iyon, wala nang pakialam si Amelia kung anongmangyayari sa kanya pagkatapos ng usapang ito.

    Sarahs letter, etc (Classroom)

    Narrator: Matapos ang naganap na kaguluhan, ang mga mag-aaral ay naglalakad patungo sakanilang silid-aralan. Napansin nila si Ermengard malapit sa pintuan.Ermengard: (Medyo naiyak.)

    Classmates: Anong nangyari?

    Lavinia: Ano na naman yan, Ermengard? Agaw-atensyon ka na naman eh no? Tungkol ba saaway nina Miss Minchin at Miss Amelia kanina?

    Narrator: Walang kibo ang lahat, hinihintay ang sagot ni Ermengard.

    Ermengard: Sulat ito ni Sarah.

    Classmates: Ni Sarah? (lahat ay parang magbubulungan ng kung ano ano)

    Jessie: Asan ba si Sarah? Alam ba ni Miss Minchin ang tungkol dito? Ito ba ang dahilan ngaway kanina?

    Ermengard: Nasa kabila siyang bahay, kasama ang mga Indian. Biglan umiyak ng ngpagkalakas-lakas at tila walang tigil si Lotty. Mayroong mga diamante! Meron! Totoong maymga diamante si Sarah.

    Becky:Kahit na tago, matapos marinig ni Becky ang balita, maraming naglalaro sa isipniya, ibat ibang emosyon ang nagsisiksikan sa kanyang puso. Buti naman nakalaya na si

    Sarah mula sa kalupitan ni Miss Minchin. Pumunta siya sa tulugan nila ni Ssarah, unti-unting nabalot ang kanyang puso ng paghihinayang at lungkot.Subalit, mami-miss ko siya.Hindi ko na siya palaging kasama . (iiyak)

    Narrator: Habang nakatingin si Becky sa labas ng bintana, nakatingin naman sa langit si Sarah,pareho silang nangangarap, parehong naguguluhan.

    Sarah: Ano na kayang mangyayari pagkatapos nito?

    Becky: Mabuti pa si Miss Sarah, nasa mabuti nang kalagayan.

    Confrontation (Office ni Miss Minchin)

    Miss Amelia:Hindi na mapakali si Miss Amelia, lakad ng lakad, pabalik balik habangtumitingin sa labas ng bintana paminsan-minsan. Biglang Ate, may naghahanap sa iyo.

    Miss Minchin: Sino daw sila? Ano kailangan nila? Kahit pinipilit ni Miss Minchin namagmukhang matapang, bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    25/26

    Mr. Charmicael:Biglang pumasok si Mr. Charmicael. Magandang umaga, Miss Minchin.Nais ko po sana kayong makausap, tungkol kay Sarah.

    Miss Minchin:Si Sarah? Ahhh mabait na bata iyon. Masipag. Matulungin. Matalino. Mabutiba ang kalagayan niya sa inyo?

    Mr. Charmicael: Mangyari kasi ay napag-alaman ko na minamaltrato ninyo ang bata.Pinagtatrabaho at hindi pinapakain. Totoo ho ba ito?

    Miss Minchin: Naku! Hindi totoo yan. Ito talagang si Sarah, masyadong mapagbiro. Pilit napinagtatakpan ni miss Minchin ang kanyang sarili at ang kanyang ginawa. Sa katunayan,siya ang pinakamatalino sa klase, binibigay ko sa kanya ang lahat na kailanganin niya kahitwalang bayad. Ah eh, kumusta naman ang mga mamanahin ni Sarah?

    Miss Amelia: Biglang sumabat sa usapan si Miss Amelia. Hindi po ganyan ang nangyari,alam ko po ang lahat. Nagkukumahog si Miss Amelia sa paglapit sa ginoo nang maymagkahalong simpatya at tapang.

    Miss Minchin: Doon ka nga lang Amelia, hindi ikaw ang kailangan dito!

    Miss Amelia: Hindi ate, kailangan ko itong gawin. Mahal na mahal kita. Patawad.

    Mr. Charmichael: Anong nangyayari? Anong alam mo ang totoo?

    Miss Amelia: Tama po kayo, pinagmamalupitan niya po si Sarah. Hindi po niya ito pinapakain,pinaglilinis, at pinatigil niya sa pag-aaral. Wala po kaming magawa, dahil siya po ang batas.

    Miss Minchin: Wag kayong maniwala dyan. Nababaliw na ang kapatid ko. Siguro naiinggitlamang siya sa kin, alam niyo na, oportunista. Sabay sipa sa paa niya kay Miss Amelia nawari ba ay nagpapahiwatig na umalis na ito.

    Miss Amelia: Tama na to ate. Pagod na kong gawin ang gusto mo. Pagod na kongmagkunwaring ok lang ang mga kalupitang ginagawa mo. Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabimo? Ikaw ang opurtunista!

    Miss Minchin:Wala nang masabi si Miss Minchin, ang tanging nagawa na lamang nito aytumalikod at nagtangkang lumabas ng pinto nang biglang

    Sarah: Magandang araw po Miss Minchin!

    Miss Minchin: AAAAARRGGGGHHHHH. Anong ginagawa ng batang yan dito! Nagtatakbo siMiss Amelia paalis sa paaralan dahil ayaw niyang Makita ang mukha ni Sarah.

    New Beginning - Office ni Amelia

    Narrator: Makalipas ang ilang buwan. Marami na ang nagbago.

    Sarah: Magandang umaga! Pwede ba kayong maistorbo? Pumasok si Sarah sa silid ng mgadating kaklase, nakangiti, at tuwang tuwa sa pagbabalik.

  • 8/3/2019 Chamber's Theater - Final Script

    26/26

    Lahat: Sarah!!!!

    Miss Amelia: Halika, Sarah. Pasok ka. (nakangiti)

    Lavinia: Hay nako. Hmp!

    Jessie: Nandito na naman siya.

    Gertrude: Tara na! Umalis na lang tayo.

    Miss Minchin:(hawak hawak si Emily, nabaliw and nadisplace yung trauma sa doll ni sarah) Sarah, kumain ka na ba? Papakainin kita sarah ah. Eto. Ayan, subo mo na. hahahaha. Bakit moko pinagtabuyan Amelia, kapatid kita ah (biglang naibato yung doll sa audience, pero malapitlang sa stage at kinakausap hangin). Huhuhuhuhuh. Sarah, sarah? Asan ka anak ko? (kinuhayung manika sa baba ng stage ng nakahandusay at biglang tutungo sa gitna ng aisle).HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

    THE END