Canal Dela Reina (christinesusana)

35
CANAL DE LA REINA ni: Liwayway Arceo

description

Isang pagsusuri sa tanyag na akda ni Liwayway Arceo, ang Canal dela Reina. Para ito sa mga nasa ikatlong taon ng sekundarya o mga nasa ika-siyam na grado. Hope it'll be of help :)

Transcript of Canal Dela Reina (christinesusana)

Page 1: Canal Dela Reina (christinesusana)

CANAL DE LA REINA

ni: Liwayway Arceo

Page 2: Canal Dela Reina (christinesusana)

I. Introduksyon

A. Kakakayahan ng may-akda

Page 3: Canal Dela Reina (christinesusana)

Buhay ng May-Akda

• Si Liwayway A. Arceo ay ipinanganak sa Manila noong ika 30 ng Enero 1924 mula sa kilalang pamilya ng mga manunulat.

• Si Liwayway Arceo ay kilala rin bilang isa sa pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa radyo. Ang kanyang dramang "Ilaw ng Tahanan" ay inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 1949 hanggang Hulyo 1958.

Page 4: Canal Dela Reina (christinesusana)

• Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay ang Dely Magpayo, Ang Tangi kong Pag-Ibig at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely. Siya rin ang bumuo ng Lovingly Yours, Helen na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din siya ng ilang script sa telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinagkilik ng publiko.

• Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng kahalagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino.

Page 5: Canal Dela Reina (christinesusana)

• Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.

• Namatay siya noong 1999 sa edad na 75

Page 6: Canal Dela Reina (christinesusana)

Mga Karangalan• Carlos Palanca Memorial Award para sa

isang maikling kuwento sa Filipino (1962)• Gawad CCO for Literature Award(1993) • Honoris Causa Doctorate in Humane

Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas (1999)

• Catholic Authors Award (1990)• Gawad Balagtas Life Achievement for

Fiction (1998) • National Centennial Commission Award

para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng Panitikang Pilipino.

Page 7: Canal Dela Reina (christinesusana)

B. Iba pang Aklat na

naisulat ng may Akda

Page 8: Canal Dela Reina (christinesusana)

• Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998);

• Mga Bathalang Putik (1998) • Titser (1995) • Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998) • Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997) • Mga Maria, Mga Eva (1995) • Ang Mag-anak na Cruz (1990) • Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo

(1992) • Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang

Katha (1968).

Page 9: Canal Dela Reina (christinesusana)

C. Batayan sa Pagsulat ng Akda

Page 10: Canal Dela Reina (christinesusana)

• Ang pinagbatayan ni Arceo sa pagsulat ng nobelang "Canal dela Reina" ay ang kahindik-hindik na sitwasyon ng ating lipunan na dala ng mapaglaro at mandarayang isip ng mga tao. Nakasentro ang kanyang sensibilidad sa palala nang palalang sitwasyon nito kung saan hindi maitatanggi ang katotohanang ang mga mayayaman na ay nagpapayaman pa samantalang ang mga mahihirap ay pinahihirapan pa.

• Pinagsanib rin niya ang Romantisismo at Markismo, na sa kabila ng matinding tunggalian ay may damdaming dadalisay sa kalooban ng bawat tao.

Page 11: Canal Dela Reina (christinesusana)

• Isa pang natitiyak kong pinagmumulan ng kanyang inspirasyon sa pagsulat nito ay ang alaala ng kanyang kamusmusan -- isang alalang larawan ng kalinisan at kaayusan ng lipunan sa mga nauna nang panahon, ang Canal dela Reina bilang isang esterong mabughaw-bughaw, walang amoy, malinis at malinaw noon subalit sa kasalukuyan ay gaya na ng natural na tubig-Maynila -- marumi, mabaho at larawan ng kawalan ng disiplina ng mga tao.

Page 12: Canal Dela Reina (christinesusana)

II. Buod

Page 13: Canal Dela Reina (christinesusana)

A. Paksa ng Aklat• Ang Canal dela Reina ay pumapaksa sa

sosyo-ekonomikong larangan ng buhay kung saan tinukoy nito ang pagkakaiba sa kakayahan ng mga tao na nagbubunsod sa estado ng buhay ng mga mamamayan gayundin sa kabulukan ng sistema at pagpapalakad ng pamahalaan.Ginagalugad din nito ang iba’t ibang paraan ng mga karaniwang tao sa Maynila upang mabuhay at makatawid mula sa kahirapan.

Page 14: Canal Dela Reina (christinesusana)

B. Layunin ng Aklat• Ihambing ang ating kasaysayan sa

nagdarahop na mamamayan na nakatira sa gilid ng ilog ng Canal de la Reina.

• Imulat ang mga mamamayan sa tunay na kalagayan ng mga maralita dulot ng kahirapan.

• Ipahatid sa mga mamamayan ang posibilidad ng pagbabago sa kabila ng pagkakasala

Page 15: Canal Dela Reina (christinesusana)

III. Pagtataya

Page 16: Canal Dela Reina (christinesusana)

• Ang nobelang ito ay sadyang mapang-udyok, malinaw na gumigising sa damdamin ng sinumang makababasa nito. Nagsasaad ito ng mga katotohanan: Ang mundo ay umiikot sa salapi kung saan ang siyang nakakariwasa ang may kakayahang kumontrol sa mga pangyayari.

• Gayundin, ang mga taong nagigipit ay kumakapit sa patalim na malinaw na naipahayag sa bahaging ang mga mahihirap sa Canal dela Reina ay nangungutang nang may interes kay Nyora Tentay.

Page 17: Canal Dela Reina (christinesusana)

• Isang makaantig damdaming nobela ito na sumasalamin sa kabulukan at kasamaan na namamayani sa mundo, hindi maitatangging isang kahindi-hindik na sitwasyon sa ating lipunan ngayon.

• Sa kabila ng mga di kaaya-ayang pangyayari sa nobela na naganap sa pagitan ng mga tauhan gayundin sa natural na daloy ng kwento, naipakita pa rin nito na lahat ng tao ay may pagkakataong magbago. Masama man tayo kung gugustuhin naman nating magbago ay maaari sapagkat ang tao ang pumipili ng kaniyang tadhana.

• Ang likhaing ito ay nakamit ni Arceo sa pamamagitan ng realismo.

Page 18: Canal Dela Reina (christinesusana)

IV. Konklusyon

Page 19: Canal Dela Reina (christinesusana)

A. Nagustuhan mo ba ang Aklat?

• Mula sa simula hanggang wakas ay walang dudang nagustuhan ko ang aklat. Ang mga pangyayaring naganap dito maging ang pagdating ng unos ay naging kapana-panabik sa kwento. Ang higit pang nagustuhan ko rito ay ang kahusayan ng mga salitang ginamit ni Arceo upang maging puro at mahusay ang paghahatid ng bawat detalye ng akda.

Page 20: Canal Dela Reina (christinesusana)

B. Karapat-dapat bang irekomenda ang Aklat?

Bakit?• Oo sapagkat ang Canal dela Reina ay

mayaman sa mga aral na sumasalamin sa mukha ng ating buhay. Mahusay ito at kawili-kawili, may angking pang-akit na hatid sa mga mambabasa dahil ang mga tauhan ay pinapagalaw sa isang totoong tagpuan at ang ilang pangyayari ay buhat sa tunay na buhay.

Page 21: Canal Dela Reina (christinesusana)

C. May natutuhan ka ba sa Aklat?

• May mga pagkakataong kakailanganin nating gumawa ng desisyon ngunit sa pagkakataong iyon ay dapat na isinasaalang-alang natin ang ating mga kapwa-tao.

• Binibistahan din ni Arceo na bagamat ang mundo ay pinapaikot na salapi, dapat tayong hindi magpatangay rito at matuto dapat tayong rumespeto at huwag maging mapagsamantala sa kalagayan ng mga tao sa ating paligid.

Page 22: Canal Dela Reina (christinesusana)

D. Paano mo mapapaunlad ang Aklat?

• Mapapaunlad ko ang aklat sa pamamagitan ng panghihikayat sa aking mga kakilala at kaibigan na tangkilikin ang mga naturang nobela gayundin ang talikdan ang mga aral at moral na nais iparating ni Arceo sa mga mambabasa.

Page 23: Canal Dela Reina (christinesusana)

V. Pagsusuri

Page 24: Canal Dela Reina (christinesusana)

Ano ang Canal dela Reina?• Ito ay isang nobelang masining sapagkat

nakasalalay sa pagkakabalangkas ng banghay ang ikawiwili ng mga mambabasa. Ito ay nasa ikatlong panauhan. Ang Canal dela Reina ay isang nobelang likha ng sining ni Liwayway Arceo na tumatalakay sa mga isyung panlipunan na nagaganap pa rin hanggang sa kasalukuyan kung saan ang mga tauhan ay pinagagalaw sa isang tunay na tagpuan, ang Canal dela Reina mismo.

Page 25: Canal Dela Reina (christinesusana)

Mga TauhanPamilyang de los Angeles• Salvador-ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.

(lapad,stock)• Caridad- isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya.

(lapad,stock)• Leni- panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad.

(lapad,stock)• Junior- bunso ng pamilya de los Angeles. (lapad,stock)     

Pamilyang Marcial.  • Nyora Tentay- ina ni Victor. (bilog,stereo)• Victor- ama ni Gerry at asawa ni Gracia. (bilog,stock)• Gracia-asawang hiniwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ng inang si

Nyora Tentay (lapad,stock)• Gerry- anak ni Victor at Gracia (lapad, stock)

Page 26: Canal Dela Reina (christinesusana)

Banghay• Panimula• Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora

Tentay ang tanging nakaririwasa sa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon upang mautangan dahil sa kakapusan ng pera.

• Ngunit dahil na rin sa pagiging gahaman ay ginagamit niya ang kagipitan ng mga mararalita sa pook upang pagkakitaan ng higit pa sa inaasahan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapatong nya ng dalwampung porsyentong interes sa mga utang nito kada buwan.

Page 27: Canal Dela Reina (christinesusana)

• Papataas na aksyon• Sa pagbabalik ni Caridad Reynante De los

Angeles sa kinalakhang lugar ay tumambad sa kanya ang di inaasahang tanawin: isang Canal dela Reina na mabaho at puno ng iskwater.

• Ang mas hindi nya pa inaasahan, ang pag-aaring lupa ng kanyang pamilya na ipinagkatiwala nila noon kay Osyong ay kinatitirikan na ng tanging maayos na bahay roon -- ang bahay na pagmamay-ari ni Nyora Tentay, isang usurera at matapobreng matanda.

Page 28: Canal Dela Reina (christinesusana)

•Kasukdulan• Naging matindi ang paglalabanang naganap sa

pagitan ng pamilya Marcial sa pangunguna ni Nyora Tentay at pamilya De los Angeles sa pangunguna naman ni Caridad hinggil sa pagmamay-ari ng lupa at umabot pa ito sa husgado.

• Sa pagdating ng isang malakas na bagyo, nagkaroon naman ng di inaasahang malawakang pagbabaha sa gitnang Luzon na siyang sumira sa Canal dela Reina at lumimas sa ari-arian ng mga tao rito kabilang na si Nyora Tentay na naging dahilan ng pagkabaliw nito.

Page 29: Canal Dela Reina (christinesusana)

•Pababang Aksyon• Unti-unti dumalisay ang kalooban ng

bawat tauhan sa kwento. Ang bayong ng alahas ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga sa matanda noong kasagsagan ng pagbaha ay ibinalik nila sa matanda.

• Si Victor naman ay nahinuhang nais nang maging isang responsableng ama kay Gery, malayo sa impluwensya ng ina.

• Samantala, matapos ang gamutan ay bumalik naman sa katinuan si Nyora Tentay.

Page 30: Canal Dela Reina (christinesusana)

•Wakas• Sa huli ay napatunayan na si Caridad ang

tunay na nagmamay-ari ng lupa. Gayunpaman, naging maagap naman ang pagkakasundo ng magkatunggaling pamilya mula nang ikasal sina Leni, anak nina Caridad at Salvador at Gery, anak ni Gracia at Victor, apo ni Nyora Tentay.

• Ang lupang nabawi ng pamilya De los Angeles ay pinatayuan naman nila ng klinika para sa mga taong kapus-palad.

Page 31: Canal Dela Reina (christinesusana)

Tagpuan• Umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan

ng Canal de la Reina - isang tunay na pook sa Tundo, Maynila kung saan isinilang ang manunulat na si Liwayway A. Arceo. Ito’y kaayon ng daang Juan Luna, karugtong ng maikling lansangang Fajardo. Sa nobela ay inilalarawan ito bilang isang maburak, mabaho, at pinamumugaran ng mga iskwater.

Page 32: Canal Dela Reina (christinesusana)

Simbolismo• Mayaman sa simbolismo ang akda, ginamit

nito ang tubig at pagbaha bilang tagadalisay ng kaluluwa at ng natutuyong pamayanan.

• Ang lupa bilang perpektong halimbawa ng bayang nasakop ng mga banyagang manunupil at ng mga mapanghangad gaya ni Nyora Tentay.

• At higit sa lahat, ang Canal dela Reina bilang simbolo ng bagong simula at pag-asa para sa mga tauhan lalo't higit sa mga nagnanais ng pagbabago.

Page 33: Canal Dela Reina (christinesusana)

Pananalita

• Pinagsanib ng naturang nobela ang pwersa ng mga salitang kolokyal at balbal. Ang kolokyal na makikita sa pananalita ng pamilya delos Angeles na magkahalong ingles at tagalog samantalang balbal naman sa salitang namumutawi kay Nyora Tentay.

Page 34: Canal Dela Reina (christinesusana)

Damdamin• Ang damdamin ng akda ay maituturing na

mapanghimagsik, isang damdaming di maikakailang kaugnay pa rin ng ating bansa.

• Nagpapahayag rin ito ng damdaming mapang-udyok sa mga mambabasa -- ang talikdan ang mga aral na inilahad ni Arceo sa akda.

• Gayundin ang namamayaning damdamin ng pag-ibig na sa kahuli-huliha'y naging solusyon sa suliranin sa pagitan ng dalawang nagbabanggaang pamilya.

Page 35: Canal Dela Reina (christinesusana)

Inihanda ni:

Christine Joy Susana <3