CALSEDECO KOOPBALITA

2
CALSEDECO JULY – SEPTEMBER 2017 KOOP-BALITA VOLUME 6 ISSUE 3 July – September 2017 Volume 6, Issue 3 ANNOUNCEMENT Criteria for Members in Good Standing (MIGS): 1. PAGDALO SA GENERAL ASSEMBLY MEETINGS Kaukulang Puntos: 10% 2. PAGTANGKILIK SA MGA SERBISYO NG KOOPERATIBA Kaukulang Puntos: 10% 3. PAGTUPAD SA MGA TUNGKULIN AT OBLIGASYON BILANG KASAPI Kaukulang Puntos: 25% 4. PAGBABAYAD SA MGA PAGKAKAUTANG Kaukulang Puntos: 20% 5. PAGBOTO O PAGSALI SA ELECTORAL PROCESS Kaukulang Puntos: 5% 6. PAGPAPAKITA NG KOOPERASYON AT PAGSUNOD SA MGA ALITUNTUNIN NG KOOPERATIBA Kaukulang Puntos: 10% 7. PAKIKIISA SA PAGPAPALAWAK NG KASAPIAN NG CALSEDECO Kaukulang Puntos: 10% 8. TAGAL NG PANANATILI SA KOOPERATIBA Kaukulang Puntos: 10% Muli na namang ipinakita ng CALSEDECO ang tunay na pagmamalasakit para sa kalikasan sa pamamagitan ng pakikiisa sa programa ng Department of Environment & Natural Resources (DENR) sa isinagawa nitong pagdiriwang ng Internaonal Clean-Up Day noong September 15, 2017. Ang CALSEDECO ay inatasang maglinis ng baybaying dagat ng Aganhaw, Brgy. Suqui, Calapan City. Isa sa magagandang pracces ng nasabing pagdiriwang maliban sa paglilinis ng baybayin, ay ang paglilista ng mga uri ng basura na nalilikom at ang mga datos ay nipon ng DENR para sa kaukulang pag- aaral at pagbubuo ng Acon Plan kaugnay nito. Naging kasama ng CALSEDECO ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP at DENR-PENRO. paggabay, pagtuturo at pangangalaga sa kanila. Sa birthday bash na ginawa, nabigla ang birthday celebrant sa biglaang pagba sa kanya ng mga empleyado ng CALSEDECO na nakasuot ng isang commemorave t-shirt na nakatatak ang kanyang larawan at nakasulat ang kanyang sariling quotaon mula sa kanyang Personal Mission Statement: “I find joy in lighng-up the lives of others” Isang kakaibang konsepto ng OUTREACH PROGRAM ang isinagawa ng CALSEDECO noong August 28, 2017, ang “TIANGGE SA SHELTERVILLE.” Ayon sa kahilingan ng General Manager , Madam Sonia G. Satur, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan noong August 20, 2017, nais niyang maging makabuluhan at nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng mga maliliit at maralita ang anumang isasagawang programa. Noong mga nagdaang Outreach Program simula pa noong 2008, ang CALSEDECO ay patuloy na nagkakaloob ng mga tulong sa mga kapad nang mangyan lalo’t higit sa mga tribung Alangan mula sa Pamayanan ng Balite, Naujan Or. Mindoro. Taun-taon, ang pamayanang ito ay napagkakalooban ng mga groceries, clothings at bigas. Maliban dito, higit na binigyan ng tuon ng CALSEDECO ang pagtulong sa mga kabataan na nag-aaral sa Balite Mangyan School. Sila ay napagkakalooban ng school uniforms, educaonal audio visual sets, at maging computer sets. Noong isang taon, naranasan ng mga batang ito ang isang EDUCATIONAL TOUR kung saan sila ay ipinasyal sa mahahalagang lugar ng buong Calapan City. Sa ilang pagkakataon nang pag-uusap ni GM Son at ni Bp. Warlito I. Cajandig, DD., natanim sa kamalayan ni Madam Son ang payo ng kagalang-galang na Obispo na sa pagtulong sa mga dukha dapat ay maturuan din silang maging kapaki- pakinabang at hindi masanay sa “Dole- Out Mentality” Mula dito nabuo ang konsepto ng Outreach Program 2017 kung saan ang mga kapad nang Mangyan ay binigyan ng pagkakataon na dalhin ang kanilang mga produkto sa Shelterville upang ang mga empleyado at kaibigan ni GM Son ang siyang magiging tagapamili o “buyer”. Inimbitahan rin sa pagkakataong ito ang iba pang tribu tulad ng Tadyawan sa Pinamalayan at Iraya sa San Teodoro at Baco. Naging kaagapay ng CALSEDECO ang Mangyan Mission ng Apostolic Vicariate of Calapan sa pag-oorganisa ng nasabing Outreach Program. Matagumpay ang nasabing Tiangge sapagkat nabiling lahat ang mga produkto ng mga katutubong Mangyan. Naging masaya ang buong programa sapagkat mismong mga katutubo ang nagpakita ng gilas sa pamamagitan ng pagpapalabas ng iba’t ibang kultura mula sa iba’t ibang tribu. Nagkaroon din ng mga workshops at pagtatalakayan sa pamamagitan ng Guest Speaker na isa ring katutubo mula sa tribu ng Mangyan-Alangan, si John Patrick “Dandan” Guarde. Si Dandan ay kasalukuyang empleyado ng DENR na nagtapos ng BS Agriculture Major in Animal Science sa MINSCAT. Natapos ang programa sa pamamagitan ng paglagda sa isang “Pledge of Commitment” (Sundan ang sipi sa page 2) Maraming Salamat po sa lahat ng tumangkilik sa programang ito lalo’t higit sa mga dumalo at kaibigan ni GM Son, ganun din sa pakikipagtulungan ng MANGYAN MISSION sa gawaing ito. MABUHAY MGA BAYANI SA MAKABAGONG PANAHON! MABUHAY KA GM SON! MULTOS AÑOS! Editorial Staff Writer/Editor: Heribert B. Quialquial Advisers: Ms. Sonia G. Satur Mr. Denisardo T. Gasic News Contributor: Rosalie E. Buñag Abegail M. Naquita Jesmine Mikaella S. Cuasay Photo Editor: Ana Jane C. Rosales . Dahil sa maraming naging achievements ang CALSEDECO sa pamamahala ni GM Sonia G. Satur, hindi napigilan ang mga empleyado nito na mag-organisa ng isang pagdiriwang para sa kanyang kaarawan. Ang sadyang araw ng kanyang kaarawan ay August 20 subalit ang araw na ito ay inilalaan niya sa pagtungo sa iba’t ibang simbahan (Visita Iglesia) kasama ang kanyang pamilya. Kaya nga napagkasunduan na ipagdiwang ito sa Araw ng mga Bayani noong August 28, 2017. Sa dahilang ang hiling ni GM Son ay maipagdiwang ang special na araw na ito meaningfully and with sense of fulfilment kasama ang mga nangangailangan at mga maralita, napagkasunduan na muling imbitahan ang mga katutubong Mangyan. Dinaluhan ito ng iba’t ibang tribu tulad ng Alangan, Tadyawan, Iraya at maging tribu ng Bagon. Ang mga programang isinagawa ay mula sa iba’t ibang tradisyun at kultura ng mga katutubong mangyan, tulad ng pagliligawan, pag-aasawa at maging ang pagtatanim hanggang pag-aani. Maliban sa “Tiangge sa Shelterville” (sundan ang kwento sa page 1), nagkaroon din ng mga palaro para sa mga kabataang Mangyan. Namahagi din si Madam Son ng mga tsinelas sa lahat ng mga dumalong mangyan. Samantala ang mga empleyado ay nagbahagi rin ng mga used clothing. Samantala ang mga kaibigan at mga bisita ni Madam Son ay naging foster parents ng mga mangyan sa maghapong pagdiriwang sa pamamagitan ng Bahagi ng mga tungkulin ng mga kasapi ng isang kooperaba at isa sa mga benepisyong ipinagkakakaloob sa mga ito ay ang pagkakaroon ng mga pagsasanay at paghuhubog. Idinaos ng CALSEDECO ang isang Seminar na may pamagat na “Fundamentals of Cooperave” sa iba’t ibang satellite offices nito. Noong September 15, 2017 nagtungo ang buong Formaon Team ng CALSEDECO sa bayan ng Roxas para sa nasabing Seminar na ginanap sa Roxas Community College, sa Brgy. Dangay. Ang main speaker sa Seminar na ito ay si Ms. Faith P. Valenzuela na isang accredited Trainer ng Calapan City Federaon Cooperave (CCFC) na ngayon ay registered na sa bago nitong pangalan na Mindoro Island Federaon Cooperave (MIFedCo). Kasama din niya ang isa pang Trainer mula sa CALSEDECO, ang Manager for Special Projects & Services na si G. Heribert B. Quialquial. Naging kalugod-lugod ang pagtanggap ng mga parcipants sa isinagawang training sapagkat ayon sa kanila ay marami silang natutunan na da ay hindi nila ganap na nauunawaan lalo’t higit ang mga bagay tungkol sa kooperaba at maging tungkol sa CALSEDECO mismo. Samantala noong September 23, 2017 ay idinaos naman ang parehong Seminar sa bayan ng Socorro sa Mina De Oro Catholic School kung saan ito ay dinaluhan ng humigit kumulang Seminar on Fundamentals of Cooperative, Isinagawa sa isang daang (100) parcipants. Marami pong salamat sa Principal ng MDOCS, kay Madam Marivic Narciso sa paggamit ng kanilang silid- aralan. Ang ibang mga kasapi mula sa mga bayan ng Victoria, Naujan at Calapan City ay nauna nang nabigyan ng kaparehong training noong mga nagdaang buwan. DENR International Clean-Up Maituturing na MIGS ang isang kasapi kung ito ay nakakuha ng 65% mula sa kabuuang 100%.

Transcript of CALSEDECO KOOPBALITA

CALSEDECO

JULY – SEPTEMBER 2017 KOOP-BALITA VOLUME 6 ISSUE 3

July – September 2017 Volume 6, Issue 3

ANNOUNCEMENT

Criteria for Members in

Good Standing (MIGS):

1. PAGDALO SA GENERAL

ASSEMBLY MEETINGS

Kaukulang Puntos: 10%

2. PAGTANGKILIK SA MGA

SERBISYO NG KOOPERATIBA

Kaukulang Puntos: 10%

3. PAGTUPAD SA MGA

TUNGKULIN AT OBLIGASYON

BILANG KASAPI

Kaukulang Puntos: 25%

4. PAGBABAYAD SA MGA

PAGKAKAUTANG

Kaukulang Puntos: 20%

5. PAGBOTO O PAGSALI SA

ELECTORAL PROCESS

Kaukulang Puntos: 5%

6. PAGPAPAKITA NG

KOOPERASYON AT

PAGSUNOD SA MGA

ALITUNTUNIN NG

KOOPERATIBA

Kaukulang Puntos: 10%

7. PAKIKIISA SA

PAGPAPALAWAK NG

KASAPIAN NG CALSEDECO

Kaukulang Puntos: 10%

8. TAGAL NG PANANATILI SA

KOOPERATIBA

Kaukulang Puntos: 10%

Muli na namang ipinakita ng CALSEDECO ang tunay na pagmamalasakit para sa kalikasan sa pamamagitan ng pakikiisa sa programa ng Department of Environment & Natural Resources (DENR) sa isinagawa nitong pagdiriwang ng International Clean-Up Day noong September 15, 2017. Ang CALSEDECO ay inatasang maglinis ng baybaying dagat ng Aganhaw, Brgy. Suqui, Calapan City. Isa sa magagandang practices ng nasabing pagdiriwang maliban sa paglilinis ng baybayin, ay ang paglilista ng mga uri ng basura na nalilikom at ang mga datos ay tinitipon ng DENR para sa kaukulang pag-aaral at pagbubuo ng Action Plan kaugnay nito. Naging kasama ng CALSEDECO ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PNP at DENR-PENRO.

paggabay, pagtuturo at pangangalaga sa kanila. Sa birthday bash na ginawa, nabigla ang birthday celebrant sa biglaang pagbati sa kanya ng mga empleyado ng CALSEDECO na nakasuot ng isang commemorative t-shirt na nakatatak ang kanyang larawan at nakasulat ang kanyang sariling quotation mula sa kanyang Personal Mission Statement: “I find joy in lighting-up the lives of others”

Isang kakaibang konsepto ng OUTREACH PROGRAM ang isinagawa ng CALSEDECO noong August 28, 2017, ang “TIANGGE SA SHELTERVILLE.” Ayon sa kahilingan ng General Manager , Madam Sonia G. Satur, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan noong August 20, 2017, nais niyang maging makabuluhan at nakatutugon sa tunay na pangangailangan ng mga maliliit at maralita ang anumang isasagawang programa. Noong mga nagdaang Outreach Program simula pa noong 2008, ang CALSEDECO ay patuloy na nagkakaloob ng mga tulong sa mga kapatid nating mangyan lalo’t higit sa mga tribung Alangan mula sa Pamayanan ng Balite, Naujan Or. Mindoro. Taun-taon, ang pamayanang ito ay napagkakalooban ng mga groceries, clothings at bigas. Maliban dito, higit na binigyan ng tuon ng CALSEDECO ang pagtulong sa mga kabataan na nag-aaral sa Balite Mangyan School. Sila ay napagkakalooban ng school uniforms, educational audio visual sets, at maging computer sets. Noong isang taon, naranasan ng mga batang ito ang isang EDUCATIONAL TOUR kung saan sila ay ipinasyal sa mahahalagang lugar ng buong Calapan City. Sa ilang pagkakataon nang pag-uusap ni GM Son at ni Bp. Warlito I. Cajandig, DD., natanim sa kamalayan ni Madam Son ang payo ng kagalang-galang na Obispo na sa pagtulong sa mga dukha dapat ay maturuan din silang maging kapaki-pakinabang at hindi masanay sa “Dole-Out Mentality”

Mula dito nabuo ang konsepto ng Outreach Program 2017 kung saan ang mga kapatid nating Mangyan ay binigyan ng pagkakataon na dalhin ang kanilang mga produkto sa Shelterville upang ang mga empleyado at kaibigan ni GM Son ang siyang magiging tagapamili o “buyer”. Inimbitahan rin sa pagkakataong ito ang iba pang tribu tulad ng Tadyawan sa Pinamalayan at Iraya sa San Teodoro at Baco. Naging kaagapay ng CALSEDECO ang Mangyan Mission ng Apostolic Vicariate of Calapan sa pag-oorganisa ng nasabing Outreach Program. Matagumpay ang nasabing Tiangge sapagkat nabiling lahat ang mga produkto ng mga katutubong Mangyan. Naging masaya ang buong programa sapagkat mismong mga katutubo ang nagpakita ng gilas sa pamamagitan ng pagpapalabas ng iba’t ibang kultura mula sa iba’t ibang tribu. Nagkaroon din ng mga workshops at pagtatalakayan sa pamamagitan ng Guest Speaker na isa ring katutubo mula sa tribu ng Mangyan-Alangan, si John Patrick “Dandan” Guarde. Si Dandan ay kasalukuyang empleyado ng DENR na nagtapos ng BS Agriculture Major in Animal Science sa MINSCAT. Natapos ang programa sa pamamagitan ng paglagda sa isang “Pledge of Commitment” (Sundan ang sipi sa page 2) Maraming Salamat po sa lahat ng tumangkilik sa programang ito lalo’t higit sa mga dumalo at kaibigan ni GM Son, ganun din sa pakikipagtulungan ng MANGYAN MISSION sa gawaing ito. MABUHAY MGA BAYANI SA MAKABAGONG

PANAHON! MABUHAY KA GM SON! MULTOS AÑOS!

Editorial Staff

Writer/Editor: Heribert B. Quialquial

Advisers: Ms. Sonia G. Satur Mr. Denisardo T. Gasic

News Contributor: Rosalie E. Buñag Abegail M. Naquita Jesmine Mikaella S. Cuasay

Photo Editor:

Ana Jane C. Rosales .

Dahil sa maraming naging achievements ang CALSEDECO sa pamamahala ni GM Sonia G. Satur, hindi napigilan ang mga empleyado nito na mag-organisa ng isang pagdiriwang para sa kanyang kaarawan. Ang sadyang araw ng kanyang kaarawan ay August 20 subalit ang araw na ito ay inilalaan niya sa pagtungo sa iba’t ibang simbahan (Visita Iglesia) kasama ang kanyang pamilya. Kaya nga napagkasunduan na ipagdiwang ito sa Araw ng mga Bayani noong August 28, 2017. Sa dahilang ang hiling ni GM Son ay maipagdiwang ang special na araw na ito meaningfully and with sense of fulfilment kasama ang mga nangangailangan at mga maralita, napagkasunduan na muling imbitahan ang mga

katutubong Mangyan. Dinaluhan ito ng iba’t ibang tribu tulad ng Alangan, Tadyawan, Iraya at maging tribu ng Bagon. Ang mga programang isinagawa ay mula sa iba’t ibang tradisyun at kultura ng mga katutubong mangyan, tulad ng pagliligawan, pag-aasawa at maging ang pagtatanim hanggang pag-aani. Maliban sa “Tiangge sa Shelterville” (sundan ang

kwento sa page 1), nagkaroon din ng mga palaro para sa mga kabataang Mangyan. Namahagi din si Madam Son ng mga tsinelas sa lahat ng mga dumalong mangyan. Samantala ang mga empleyado ay nagbahagi rin ng mga used clothing. Samantala ang mga kaibigan at mga bisita ni Madam Son ay naging foster parents ng mga mangyan sa maghapong pagdiriwang sa pamamagitan ng

Bahagi ng mga tungkulin ng mga kasapi ng isang kooperatiba at isa sa mga benepisyong ipinagkakakaloob sa mga ito ay ang pagkakaroon ng mga pagsasanay at paghuhubog. Idinaos ng CALSEDECO ang isang Seminar na may pamagat na “Fundamentals of Cooperative” sa iba’t ibang satellite offices nito. Noong September 15, 2017 nagtungo ang buong Formation Team ng CALSEDECO sa bayan ng Roxas para sa nasabing Seminar na ginanap sa Roxas Community College, sa Brgy. Dangay. Ang main speaker sa Seminar na ito ay si Ms. Faith P. Valenzuela na isang accredited Trainer ng Calapan City Federation Cooperative (CCFC) na

ngayon ay registered na sa bago nitong pangalan na Mindoro Island Federation Cooperative (MIFedCo). Kasama din niya ang isa pang Trainer mula sa CALSEDECO, ang Manager for Special Projects & Services na si G. Heribert B. Quialquial. Naging kalugod-lugod ang pagtanggap ng mga participants sa isinagawang training sapagkat ayon sa kanila ay

marami silang natutunan na dati ay hindi nila ganap na nauunawaan lalo’t higit ang mga bagay tungkol sa kooperatiba at maging tungkol sa CALSEDECO mismo. Samantala noong September 23, 2017 ay idinaos naman ang parehong Seminar sa bayan ng Socorro sa Mina De Oro Catholic School kung saan ito ay dinaluhan ng humigit kumulang

Seminar on Fundamentals of Cooperative, Isinagawa

sa isang daang (100) participants. Marami pong salamat sa Principal ng MDOCS, kay Madam Marivic Narciso sa paggamit ng kanilang silid-aralan. Ang ibang mga kasapi mula sa mga bayan ng Victoria, Naujan at Calapan City ay nauna nang nabigyan ng kaparehong training noong mga nagdaang buwan.

DENR International Clean-Up

Maituturing na MIGS ang isang kasapi kung ito ay nakakuha ng

65% mula sa kabuuang 100%.

KAMI, bilang mga kasapi, kaibigan at benipisyaryo ng CALAPAN LABOR SERVICE DEVELOPMENT COOPERATIVE (CALSEDECO) ay nangangako na itatalaga ang aming mga sarili sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga katutubong MANGYAN sa Lalawigan ng Oriental Mindoro;

Sapagkat, bahagi ng Misyon ng CALSEDECO ang tumugon sa pangangailangan ng aming kapwa lalo’t higit ng mga maralita bilang pagtalima sa Ebanghelyo at maging sa mga prinsipyo ng Kooperatiba; Sapagkat,naniniwala kami na ang pagtulong sa mga maralita ay ganap na epektibo kung natutulungan namin sila na lumago at umunlad sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at pagbibigay-lakas sa kanilang sariling kakayahan. Sapagkat,naninindigan kami sa angking lakas at kakayanan ng bawat isa sa amin at ng mga katutubo na nakaugat sa pananampalataya sa kapangyarihan at pagmamahal ng Panginoong Diyos Ama na siyang nagkakaloob sa amin ng Buhay, kalikasan at hanap-buhay. Sapagkat,naniniwala kami na makakamtan namin ang anumang magandang adhikain o hangarin sa buhay kung sama-sama kaming kikilos at magtutulungan bilang magkakapatid at isang bayan ng Diyos; Sapagkat,nais naming mabigyan ng pahalaga at pagpupugay ang magagandang halimbawa at pagsisikap ng aming Punong Tagapamahala, Gng. SONIA G. SATUR, na may malaking ambag sa mga natamong tagumpay ng CALSEDECO, KAYA SAMA-SAMA NAMING IPINAPANGAKO ANG AMING PAGTATALAGA NG SARILI UPANG ISAKATUPARAN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Ipapakita at ipapadama namin ang respeto, paggalang at pagpapahalaga sa mga katutubo sa anumang oras at sa lahat ng pagkakataon;

2. Nagkakaisa naming isusulong ang mga karapatan at mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga katutubong Mangyan para sa kanilang kapakinabangan at pagtataguyod ng kinagisnang kultura at tradisyon;

3. Susuportahan namin ang pagsisikap ng mga katutubo na mapaunlad ang kanilang mga sarili at kabuhayan sa pamamagitan ng pagtangkilik ng kanilang mga produkto at pagbibigay ng mga paghuhubog at anumang kaugnay na pag-aaral.

AT KAMI BILANG MGA KATUTUBONG MANGYAN AY ITINATALAGA NAMIN ANG AMING SARILI NA ISASAKATUPARAN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Magsisikap na paunlarin ang aming mga sarili at pamilya sa pamamagitan ng pagyayaman ng aming angking kalakasan at kakayanan.

2. Pangangalagaan at mangunguna kami sa pag-iingat sa kalikasan na siyang sandigan ng aming buhay at kabuhayan.

3. Patuloy kaming gaganap sa mga tungkuling iaatang sa amin at makikiisa sa mga paghuhubog para sa ikauunlad ng aming pagkatao at kabuhayan.

Ang KASUNDUANG ito ay sama-sama naming pinagtitibay sa pamamagitan ng aming mga lagda ngayong ika-28 ng Agosto, 2017, sa pagdiriwang ng ika-61 kaarawan ng Punong Tagapamahala ng CALSEDECO, Gng. SONIA G.

SATUR, sa CALSEDECO Shelterville, Brgy. Parang, Calapan City, Oriental Mindoro. .

Puerto Galera: 14. Levy A. Blanco (Husband) Date of Death: 7/30/17

Member: Blanco, Maria Belinda Benefits: 3,000.00

CALSEDECO, Kaisa sa PPA Celebrations

Ang CALSEDECO bilang legitimate service provider sa pantalan ng Calapan ay kaisa ng Philippine Ports Authority (PPA) sa lahat ng mga pagdiriwang nito. Noong September 25-28, 2017 ay ipinagdiwang nito ang National Maritime Week. Ito ay may temang: “Connecting Ships, Ports and People.”sa pangunguna ng MARINA. Bilang pasimula ng nasabing pagdiriwang, nagkaroon ng

Wreath Laying sa karagatan malapit sa pantalan ng Calapan. Ito ay naglalayon na maipanalangin ang lahat ng mga yumao lalo’t higit ang mga naging biktima ng mga trahedya sa karagatan. Ito ay pinangunahan ni Rev. Fr. Cenon Garcia kasama ang lahat ng mga ahensya na pangdagat at mga opisina sa ilalim ng PPA-PMO Mindoro sa pamamahala ni Port Manager Annie Lee F. Manese. Sinundan ito ng isang motorcade

na lumibot sa buong Calapan City upang maipabatid sa publiko ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito. Idinaos rin ang Banal na Misa sa bagong gusali ng PPA-PMO Mindoro sa pangunguna ni Rev. Fr. Dimsun Saa. At syempre pa, hindi mawawala ang masayang salu-salo ng lahat ng mga empleyado ng PPA at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pantalan ng Calapan kasama ang iba pang stakeholders at mga service providers na naglilingkod sa PMO Mindoro katulad ng CALSEDECO. Nagkaroon din ng Coastal Clean-Up sa pantalan ng Calapan bilang bahagi ng pagdiriwang. PANGAKO NG PAGTATALAGA

(Pledge of Commitment)

JULY – SEPTEMBER 2017 DECEASED MEMBERS: 1. Capillo, Samuel

Date of Death: 5/21/2017 Benefits: P 51,200.00

2. Cuasay, Geminiano

Date of Death: 5/10/2017 Benefits: P 20,900.00

3. Matining, Benedicto Date of Death: 7/3/2017 Benefits: P 31,000.00

4. Castillo, Felisa

Date of Death: 07/17/2017 Benefits: P 74,050.00

DECEASED RELATIVES OF MEMBERS:

Calapan: 1. Rene M. Barcelona (Husband)

Member: Barcelona, Lilia Date of Death: 6/28/2017 Benefits: P 6,000.00

2. Marianito D. Dimailig, Sr (Father) Member: Dimailig, Vener Date of Death: 6/23/2017

Benefits: P 5,000.00 3. Dennis Vidan (Brother)

Member: Vidan, Joel Date of Death: 8/17/2017 Benefits: P 11,000.00

4. Edwin Enano (Brother) Member: Enano, Eduardo

Date of Death: 9/7/2017 Benefits: P 18,500.00

5. Artemio L. Hernandez Members: Espiritu, Marie Claire Hernandez, Blanquita Date of Death: 8/29/2017 Benefits: P 9,500.00

6. Danilo M. Manalo (Father) Member: Bajado, Cristina Date of Death: 9/5/2017 Benefits: P 12,500.00

Victoria: 7. Mariano A. Celerio (Father)

Member: Casapao, Leonila

Date of Death: 5/17/2017 Benefits: P 10,000.00

8. Arsenio, V. Marave (Father) Member: Marave, Pilita Date of Death: 5/26/2017 Benefits: P 9,500.00

9. Lauriana Andal (Sister) Member: Paray, Emerenciana Date of Death: 5/17/2017 Benefits: P 4,900.00

10. Melda Roganda (Sister) Member: Zamora Florencia Date of Death: 5/07/2017

Benefits: P 17,000.00 11. Lorenzo G. Baysa (Father)

Member: Patulot, Charity Date of Death: 9/09/2017 Benefits: P 6,500.00

Pinamalayan: 12. Benedicto Matining (Husband)

Member: Matining, Maria Fe Date of Death: 7/03/2017 Benefits: P 11,600.00

13. Editha Maristela (Sister) Member: Piedad, Vivian Date of Death: 5/20/2017 Benefits: P 14,000.00

MEMBERSHIP

As of September 30, 2017

Total Membership: 10,107

Regular Members: 1,469

Associate Members: 6,749

CALABCO Members: 1,645

SMILE Members: 244

Matagumpay na isinigawa ng Youth For Christ (YFC) ang Steadfast Community Based Youth Camp na ginanap sa Parang, Calsedeco Shelterville, Calapan City, Or. Mindoro noong Agosto 26-27, 2017. Dinaluhan ito ng 34 na kabataan ng Calsedeco. Layunin ng nasabing gawain na mamulat at gabayan ang mga kabataan kung ano ang kahalagahan ng Panginoon sa ating buhay, at maging bahagi ng YFC ang mga kabataan sa Calsedeco Shelterville. Ang mga layuning ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng limang sesyon kung saan ang mga naging tagapagsalita ay ang mga

kabataan ng YFC. Sa kanilang panayam, binigyang diin nila kung gaano kahalaga ang 1) pagmamahal at plano ng Panginoon, 2) Kung sino nga ba talaga si Kristo para sa atin, 3)Kahalagahan ng Pananampalataya at Pagpapatawad, 4) Pagtanggap ng biyaya ng Diyos at 5) Buhay at Misyon ng YFC. Nang sumunod na araw, sinimulan

ng mga kabataan ang kanilang gawain sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Josef Situ SVD at sinundan ng Banal na Sakramento ng kumpisal. Nagkaroon din ng surprise visit ang mga magulang ng mga participants upang makapagbahaginan at mas

Youth Camp sa Shelterville

Ang Water Search, Safety and Rescue Training (WASSAR) ay isinagawa noong August 15-18, 2107 sa Oriental Mindoro National High School at sa Anahaw Island View Resort, Balite Calapan City. Ito ay pinamahalaan ng Bureau of Fire ng MIMAROPA Region (Oriental & Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Ang CALSEDECO ang pangunahing samahan na dumalo dito kung saan 15 kasapi ng CALSEDECO Emergency Response Team (ERT) ang aktibong nakilahok sa nasabing pagsasanay kasama ang 80 recruits mula sa iba pang mga bayan at probinsya.

Sa pagsasanay na ito ay natutunan ng mga kalahok ang iba’t ibang Swimming and Life Saving Techniques tulad halimbawa ng tinatawag na RRTG na ibig sabihin ay Reach, Row, Tie and Grab. Ang mga theories na natutunan nila dito ay actual nilang isinagawa sa isang Swimming Pool ng OMNHS at sa open sea sa may Anahaw Island Resort. Napakahalaga ng WASSAR Training na ito para sa CALSEDECO bilang service provider sa pantalan ng Calapan City kung saan may mga insidente na maaring kakailanganin ang kasanayang ito. Kaya nga masasabi nating ang CALSEDECO ay handa sa anumang trahedya na maaaring maganap malapit sa pinaglilingkuran nito sa pantalan ng Calapan City.

CALSEDECO

JULY – SEPTEMBER 2017 KOOP-BALITA VOLUME 6 ISSUE 3

CALSEDECO

JULY – SEPTEMBER 2017 KOOP-BALITA VOLUME 6 ISSUE 3

CALSEDECO ERT, SINANAY SA WASSAR

maramdaman ng mga kabataan ang kahalagahan ng pamilya at Panginoon. Natapos ang gawain sa isang YFC Worship kung saan nagpupuring umaawit ang mga kabataan sa Panginoon. Naging matagumpay ang gawain sa tulong at gabay ng Panginoon gayundin sa suporta ng mga taong aktibo sa ibat-ibang samahang pansimbahan.

Hinakot ng CALSEDECO ang awards sa lahat ng larangan sa idinaos na 4th Provincial Fire Olympics noong July 27, 2017 na ginanap sa Bayan ng Pola, Or. Mindoro. Ang CALSEDECO na napapabilang sa kategoriya bilang “Industrial Fire Brigade” ay umani ng anim (6) na tropeo at itinanghal na OVERALL CHAMPION. Ang Muse ng CALSEDECO na si Ms. Kristine Jessa M. Ulbina ay itinanghal ding Best Muse. Nakuha rin ng CALSEDECO Emergency Response Team (ERT) ang Best Uniform Award. CONGRATULATIONS, CALSEDECO ERT! TEAM!