BUKAD ASHI - ashi.org.ph VOL 001... · 1996– nagsimula ang operasyon sa San Jose at Hamtic sa...
-
Upload
nguyenlien -
Category
Documents
-
view
240 -
download
8
Transcript of BUKAD ASHI - ashi.org.ph VOL 001... · 1996– nagsimula ang operasyon sa San Jose at Hamtic sa...
-
ASHI sa nakalipas na 25 Taon: 1989 nagsimula bilang The Rural Credit to Reduce Hard Core Poverty Action Research Project sa UP, Los Banos, Laguna sa pangunguna ni Prof. Generoso Octavio, PhD 1991 narehistro sa Security and Exchange Commission (SEC), bilang ganap na NGO 1992 1994 nakaranas ng krisis sa pagbabayad at kawalan ng pondo 1994 nahirang na Pangulo si Gng. Mila Mercado Bunker 1995 nagbalangkas ng mga pamamaraan sa pag unlad at Operational Viability 1996 nagsimula ang operasyon sa San Jose at Hamtic sa probinsiya ng Antique 1997 2000- pinalawak ang operasyon sa mga Bayan sa Lalawigan ng Rizal, Laguna, Cavite at Antique 2003 nagsimulang gamitin ang computerized MIS 2004 -2009 isinagawa ang malawakang Restoration Process sa mga krisis na mga sangay 2008 nakakuha ng A- Social Rating galling sa MicroFinanza 2010 nagsimulang gamitin ang Progress out of Poverty Index at balangkasin ang 4 Key Result Area (KRA) para sa 2010-15 Plan 2011 sinimulang sundin ang Client Protection Principles (CPP) ng Smart Campaign at pinatupad ang No to Lengthy Center Meeting sa lahat ng sentro. 2012 tumaas ang Portfolio at Risk (PAR) hanggang 9.10% 2013 2014 isinagawa ang Restoration Process at Consolidation of Centers sa mga krisis na sentro at sangay. 2015 nahirang na bagong Pangulo si Gng. Mercedes R. Abad - binalangkas ang 2016 2020 Strategic Plan ng ASHI - isinaayos ang mga benepisyo at suweldo ng mga tauhan - nagsimula ng malawakang operasyon sa lalawigan ng, Aklan, Capiz at Quezon - isinagawa ang Social Performance Assessment ng SPI4 ng Cerise 2016 ibinalangkas at ipinatupad ang mga pagbabago sa mga patakaran at polisiya ayon sa mungkahi ng SP Assessment. - nagawaran ng Truelift ASPIRANT Practitioner Milestone - siniyasat ang Strategic Plan 2017-2020 at binalangkas ang 4 Strategic Goals - isinakatuparan ang paggamit ng Online Data Base System - gumanda ang performance ng mga sangay kaya mas marami ang natulungan - idinaos ang Ika 25 Taon ng Ahon sa Hirap, Inc. sa UP Los Banos, Laguna
Pagdiriwang ng ika- 25 TAON NG ASHI, napuno ng inspirasyon.
Ang makasaysayang pagdiriwang ng ika 25 Taon ng ASHI na ginanap sa
University of the Philippines, Los Banos, Laguna noong ika 16 ng Hulyo, 2016
ay naging mas makulay ng personal na dumating ang pangunahing panauhing
pandangal na si Kgg. Leonora G. Robredo Pangalawang Pangulo ng
bansa. Namangha ang lahat sa angking kababaang loob ng Ikalawang
Pangulo. Siya naman ay nagulat at namangha sa ipinakitang pagkakaisa,
tatag at pag unlad ng ASHI. Lalo siyang napamangha ng kaniyang napaking-
gan ang talambuhay ng isang kaanib ng ASHI na si Nanay Nancy Tuazon ng
Cogeo, Antipolo.
Ang kuwento ni Nanay Nancy Tuazon ay nagsimula noong 2011 ng siya ay sumali sa ASHI. Siya ay
nagsimula lang sa pananahi ng punda ng unan at sa tulong ng kaniyang asawa ay napalago ang
kanilang negosyo gamit ang maliit na puhunang nahiram nila sa ASHI. At dahil dito sila ay nakapag-
pundar ng sariling lupat bahay, sariling patahian ng ibat ibang damit pambata, kurtina at sapin ng
mga kasangkapan. Dahil sa kaniyang angking galing at sipag siya ay hinirang na Group Chairperson
ng kanilang grupo, at naging Center Chief ng kaniyang sentro.. Sa kalaunan ay nakakuha siya ng
puwesto sa Cogeo Antipolo Market kung saan niya ibinebenta ang mga produkto. Ibinahagi niya ang
pag unlad ng kaniyang negosyo sa kaniyang mga kagrupo, kasentro at pamayanan sa pagbibigay
kontrata sa pagtatahi ng kaniyang kalakal.
Eto ang patunay na malaki ang pag- asa ng mga nasa laylayan, hanggat nariyan ang
disiplina, pagkakaisa, sipag, tiyaga at lakas ng loob at higit sa lahat ang kumapit lagi sa Dyos.
At kung ang mga NGO katulad ng ASHI ay patuloy at masusing inaalalayan ang mga kasapi,
ang maliit na puhunan ay lalago tungo sa kaginhawahan ng kanilang buhay, ang sariling
pangangailangan ay matutugunan at makakatulong pa sa iba tungo sa pag- unlad ng pamaya-
nan at bayan. Ang gobyerno ay mas magiging epektibo sa pagsugpo ng kahirapan kung may
mga katulad ng ASHI na tutulong at aalalay sa kanila.- VP Robredo
Mapalad tayo sa ASHI dahil personal na binisita at dinaluhan ng Pangalawang Pangulo ng Bansa
ang ating pagdaraos ng Ika- 25 taon. Isang karangalan din natin na gawin niyang halimbawa ang
ASHI at buhay ni Nanay Nancy Tuazon sa kaniyang talumpati sa Micro- Finance Council of the
Philippines (MCPI) Conference, sa Century Park Hotel, Manila noong Hulyo 28-29, 2016.
www.ashi.org.ph ISSUE # 01 2017
JANUARY 2017
Laguna South Branch Rizal South Branch
Rizal East Branch
Best Center Chief
ELSA GERAL- MSWB
Best Deputy Center Chief
VERONICA CUALING-ANWB
MALANDOG 43-ASWB
Best Center
ARAS-ASAN 10 ASWB
Best Center Hall
JEAN FLAVIANO ANB
OUTSTANDING Member Best Business in Agriculture
Best Life Transformation Story Best Business in
Best in Growth & Innovations Best in Community Service
YOLLEN ARGUELLES ACB
MARILYN SICOY MSWB BENEDICTA ALEDO MSB
LUCIA LUMACAD ANWB MILAGROS MANOLES LSB
MAKUKULAY NA BILANG NG MGA KAANIB AT TAUHAN
LERMA GARACHICO ASB EMILYN STA. MARIA RCB ANGELINA SIBAYAN LEB
GROUP 6 CENTER SAPANG 1
Rizal South Branch
GROUP 3 MAYONDON 36
Laguna South Branch
PARANGAL SA MGA KAUNAUNAHANG GRUPO NG ASHI
PARANGAL SA MGA KAUNAUNAHANG KAANIB NG ASHI
SONIA ZAMORA ANB
MARILYN FAJARDO RWB CECILIA HABULAN MSB ADORA FAJICULAY ASB
LAARNI DITABLAN RSB
Providing Services
PARANGAL SA PINAKAMAHUHUSAY NA KAANIB NG ASHI
PARANGAL SA MGA NATATANGING INA
Mensahe ng Presidente: MERCEDES R. ABAD
Mga Minamahal kong mga Nanay ng ASHI,
Makahulugan at matagumpay nating naipagdiwang ang ika-25 taong anibersaryo ng ASHI at mananatili
sa ating puso at kalooban ang mga maraming biyaya na natanggap natin:
-Mahigit 2000 mga nanay ang dumalo at nagkaroon ng pagkakataon na makadaupang- palad ang
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, Leni Robredo
-Mabungang 2016 na kalakaran
-Espesyal na regalo para sa pangkalusugan ng mga miyembro na pinangangalagaan. Ang kalusugan ay
dapat pinangangalagaan at binibigyan ng prioredad dahil ito ang magsisilbing puhunan sa buhay natin
Maraming salamat sa inyong masusi na pagtratrabaho at tapat na pagtugon sa inyong pananagutan. Ito ay dagliang
napansin ng namumuhunan (Funders) natin. Napansin na nila na ang mga miyembro ng ASHI ay responsable at maagap sa
paggamit ng puhunan kaya makakuha na ang ASHI ng pundo sa mas mababang interes at mapagkatiwalaan na sa mas
malaking pundo. Dahil dito mas marami pa tayong matutulungan. Ang inyong maayos at masinop na pagtatrabaho ay
sumasalamin sa ASHI.
Inaasahan namin na lahat kayo ay tumanggap ng regalong pang- 25 anibersaryo ng ASHI tulad ng libreng Xray, CBC,
urinalysis, blood type at blood count. Ito ang magsusuri sa inyong kondisyong pangkalusugan at kung may kinakailangang
bigyang atensyon, ay dagliang maagapan bago pa ito lumala.
Mayroon na rin tayong espesyal na linya upang tumanggap ng inyong mga reklamo. Tumawag lamang sa 09175534162.
Magagalak kaming mapagsilbihan kayo sa lahat ng pagkakataon at pamamaraan.
Sama-sama tayong magpakumbabang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang ipagkaloob sa atin ng Panginoon. Sama-
sama rin tayong magdadasal sa 3 Oclock Prayer para
patuloy tayong pagpalain at proteksyonan sa ano mang
kapahamakan.
Nagmamahal,
Mercy
PARANGAL SA MGA KAUNAUNAHANG TAUHAN
BUKAD ASHI
FELICIDAD CALALO LNEB
PAGKILALA SA MGA NAGBIGAY PARANGAL SA ASHI
Abangan ang REGIONAL
CONSULTATION sa
Marso. Pumili ng karapat
dapat na Representante sa
Board.
Loan Outstanding Membership
EXHIBIT NG MGA LIKHA, GAWA AT PRODUKTO NG MGA KAANIB