Bola

6
Bola Unti – unti nang nawawala ang kanyang mga kasama. Noong isang araw ay binili na sa Bolang Puti. Kahapon naman ay si Bolang Berde. Tapos, kaninang umaga nama’y sina Bolang Asul at Bolang Pula. Ngayon, tanging siya na lamang ang natitirang bola sa tindahang iyon ni Mang Teban. “Buti pa kayo makapaglalaro na,” ang naiinggit na sabi ni Bolang Negro kina Bolang Asul at Bolang Pula matapos marinig ang usapan nina Mang Teban at ang mamang bibili sa dalawa. “Ikaw naman Bolang Negro,” ang sabay na sabi nina Bolang Asul at Bolang Pula matapos magsalita si Bolang Negro. “Alam naming darating din ang araw na makapaglalaro ka,” dagdag pa ng dalawa. Hanggang sa tuluyan ng kunin ang mga natitira niyang kasamahan. Lungkot na lungkot si Bolang Negro. Nag-iisa na lamang siya. At ngayon, malapit na namang magsara si Mang Teban ay wala pa ring bumibili sa kanya. “Kung bakit kasi ang pangit-pangit ng kulay ko, ang itim- itim ko. Kaya tuloy walang bumibili sa akin,” paghihinakit ni Bolang Negro. “Hindi na talaga ako makapaglalaro kailanman,” ang sabi ni Bolang Negro sa kanyang sarili matapos makita si Mang Teban na naghahanda na para umalis. Mayamaya pa, nang paalis na si Mang Teban, isang mama ang biglang dumating. Naghahanap ito ng bagay na maipanreregalo sa

Transcript of Bola

Page 1: Bola

Bola

Unti – unti nang nawawala ang kanyang mga kasama. Noong isang

araw ay binili na sa Bolang Puti. Kahapon naman ay si Bolang Berde. Tapos,

kaninang umaga nama’y sina Bolang Asul at Bolang Pula. Ngayon, tanging

siya na lamang ang natitirang bola sa tindahang iyon ni Mang Teban.

“Buti pa kayo makapaglalaro na,” ang naiinggit na sabi ni Bolang

Negro kina Bolang Asul at Bolang Pula matapos marinig ang usapan nina

Mang Teban at ang mamang bibili sa dalawa.

“Ikaw naman Bolang Negro,” ang sabay na sabi nina Bolang Asul at

Bolang Pula matapos magsalita si Bolang Negro. “Alam naming darating din

ang araw na makapaglalaro ka,” dagdag pa ng dalawa.

Hanggang sa tuluyan ng kunin ang mga natitira niyang kasamahan.

Lungkot na lungkot si Bolang Negro. Nag-iisa na lamang siya. At ngayon,

malapit na namang magsara si Mang Teban ay wala pa ring bumibili sa

kanya.

“Kung bakit kasi ang pangit-pangit ng kulay ko, ang itim-itim ko. Kaya

tuloy walang bumibili sa akin,” paghihinakit ni Bolang Negro. “Hindi na

talaga ako makapaglalaro kailanman,” ang sabi ni Bolang Negro sa kanyang

sarili matapos makita si Mang Teban na naghahanda na para umalis.

Mayamaya pa, nang paalis na si Mang Teban, isang mama ang biglang

dumating. Naghahanap ito ng bagay na maipanreregalo sa kanyang inaanak

na may kaarawan kinabukasan. At nang makita ang bolang itim ay

nasisiyahang kinuha ito. Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Bolang Negro

nang tuluyan siyang bayaran kay Mang Teban.

Habang nasa daan ay hindi pa rin makapaniwala si Bolang Negro. “Sa

wakas makapaglalaro na rin ako,” ang sabi niya sa kanyang sarili.

Page 2: Bola

Subalit biglang nawala ang kanyang kagalakan nang maalala ang

kanyang hitsura. Nag-alinlangan siya kung magugustuhan kaya siya ng

kanyang magiging kalaro. Magugustuhan kaya ang isang negrong katulad

ko? Ito ang katanungang naglalaro sa kanyang isip.

Hanggang sa sapitin nila ang bahay ng mamang bumili sa kanya.

Agad siyang inilabas at agad ding binalot.

Kinabukasan, habang dala-dala siya ng mama, naririnig ni Bolang

Negro ang masasayang tawanan ng mga bata. At bagama’t nag-aalinlangan

siya kung magugustuhan kaya siya ay naroon pa rin sa kanya ang

kasabikang makalabas na at makaglaro.

“Yeheyyyy!!!,” ang natutuwang sigaw ni Junjun matapos mabuksan at

makita ang bolang regalo sa kanya ng kanyang ninong. Dali-dali niya itong

ipinakita at ipinagmalaki sa kanyang mga kalaro. Marami pa siyang

natanggap na regalo subalit pinakagusto niya sa lahat ang bolang itim na

regalo sa kanya ng kangayng ninong.

“Regalo sa akin ni ninong,” pagmamalaki niya habang idini-dribol ang

itim na bola. Kung gaano kaligaya si Junjun sa pagkakataong iyon ay mas

higit naman ang nararamdaman ni Bolang Negro.

Mula noon ay masaya silang naglalaro ni Junjun. Kung minsan ay sila

lamang dalawa, kung minsan nama’y kasama nila ang mga kaibigang bata

ni Junjun. Nawala na rin sa isip ni Bolang Negro ang panliliit dahilan sa

kanyang hitsura. Marami silang masasaya at magagandang karanasan ni

Junjun.

Subalit isang araw, gayon na lamang ang pagkainis ni Bolang Negro

nang maglaro sila kasama ang bagong kaibigan ni Junjun na si Moymoy. Si

Moymoy ay anak ng bagong lipat na kapitbahay nina Junjun at ito ay pilay.

Hindi ito nakapaglalakad kung walang saklay.

Page 3: Bola

Ayaw na ayaw ni Bolang Negro na kalaro si Moymoy dahil sa

kapansanan nito. Ayaw rin niyang hinahawakan siya ni Moymoy. Subalit

kung gaano niya kaayaw na kalaro si Moymoy ay ganon naman ito kagusto

ni Junjun. Tuwang-tuwa pa nga ang dalawa kung naglalaro sila, bagay na

kinaiinisan naman ni Bolang Negro.

Mula nang dumating si Moymoy ay nawala na ang sigla ni Bolang

Negro na maglaro. Hindi siya masaya kapag kasama nila si Moymoy.

“Yan kasing pilay na yan e,” ang naiinis na sabi ni Bolang Negro sa

kanyang sarili. “Tingnan ko lang kung ano ang gagawin ninyo kung wala

ako. Tingnan ko lang kung magiging masaya pa kayo,” ang naiinis na sabi

niya sa kanyang sarili.

Pagkaraan ng ilang sandali’y may biglang dumampot sa kanya. Ang

kuya pala ni Junjun. Idrinibol-dribol siya at nang magsawa ito’y ibinato sa

isang sulok ng bahay at agad na pumasok sa kanyang kwarto. Hindi na nito

nakita ang paggulong pababa ni Bolang Negro.

Gumulong-gulong si Bolang Negro. Mula sa bahay nina Junjun, sa

kalsada hanggang sa humantong siya sa isang putikan.

Ang buong katawan ni Bolang Negro ay nabalutan ng putik. Gusto

niyang umalis sa lugar na iyon subalit wala siyang kakayahan upang gawin

iyon. Nanlalagkit siya. May kung anu-anong insekto pa ang gumagapang-

gapang sa kanyang katawan. Mayamaya’y pa ay may nagtapon ng basura sa

kinaroroonan niya na lalung nagpalubog sa kanya.

Ngayon ay malayo na nga siya kay Junjun at lalung-lalo na sa

kinaiinisan niyang si Moymoy. Subalit lubos ang kanyang pagsisisi. Ngayon

lamang niya naisip kung gaano kalaki ang kanyang pagkakamali. Naalala

niya ang pagtanggap at pagmamahal na iniukol sa kanya ni Junjun. Ang

pagtanggap nito sa kanya sa kabila ng kanyang hitsura. Tapos, ang hindi

niya pagtanggap kay Moymoy? Sino siya upang hindi tanggapin si Moymoy

Page 4: Bola

na maging kaibigan kung siya mismo ay tinanggap ni Junjun ng buong-puso,

bilang siya?

Nagsisisi siya subalit alam niyang huli na ang lahat. Ilang araw na

siya roon at alam niyang doon na siya magpakailanman.

“Nakita niyo po ba ang aking bola, itim po ang kulay nito. Parang awa

niyo na, sabihin niyo naman kung nakita niyo ito.”

Nabigla si Bolang Negro. Kilalang kilala niya ang may-ari ng boses na

iyon.

“Kay Junjun ang boses na iyon at hinahanap ako,” ang natutuwang

sabi ni Bolang Negro sa kanyang sarili.

Gustong isigaw ni Bolang Negro na naroon lamang siya sa malapit

ngunit wala siyang boses. Mayamaya pa’y may naramdaman siyang

humahalungkat sa kinaroroonan niya. Humihingal ito at marungis ang

hitsura. Nang makita niya siya nito ay biglang naglulundag ito sa tuwa.

“Yeheyyyy!!!, nahanapan ko rin ang aking bola.”

Iniuwi ni Junjun si Bolang Negro sa kanila. Hinugasan at nilinis

kaagad ito hanggang sa bumalik ang dati nitong anyo.

Hindi alam ni Bolang Negro kung paanong nahanapan siya ni Junjun,

subalit alam niyang iyon ay dahil sa pagmamahal na iniukol nito sa kanya sa

kabila ng lahat.

Kinabukasan ay masayang naglaro sina Junjun, Moymoy at Bolang

Negro. Subalit sa kanilang tatlo, higit ang kasiyahang nararamdaman ni

Bolang Negro.

Page 5: Bola