Blasphemy and Sacrilege

12

Transcript of Blasphemy and Sacrilege

Page 1: Blasphemy and Sacrilege
Page 2: Blasphemy and Sacrilege
Page 3: Blasphemy and Sacrilege

Ang pagsasalita o paggawa ng masama/pagsumpasa Diyos at mga banal na bagay ay tinatawag naBlasphemy.

Ito rin ay maaring pag-insulto sa Diyos at mgabanal gamit ang salita, aksyon o kahit sa pag-iisip.

Page 4: Blasphemy and Sacrilege

Ang isang gawain, salita o naiisip ay paglapastangan saDiyos lalo na kung alam nilang masama ito at kinusang gawin, o kahit na hindi lubos na pang-iinsulto ang nais.

Ang pagsasambit na “Napakalupit at walang awa ngDiyos” ay isa ng aksyong kalapastanganan dahil angkapangyarihan ng Diyos ay hindi masusukat ng tao.

Ganoon din ang pagsambit ng masama o pagsumpa samga nasa serbisyo ng Diyos, lalo na kung patungkol itosa kanilang pagseserbisyo sa Panginoon.

Page 5: Blasphemy and Sacrilege

May pagkakataon sa buhay ng tao, lalo na ng mgakabataan na hindi boluntaryong makapagsalita nghindi maganda sa Diyos dahil sa gulat, galit o takot. Ang ganitong gawain ay hindi dapatginagawang habit dahil nagpapakita ito ngkalapastanganan sa Diyos.

Page 6: Blasphemy and Sacrilege

Iwasan nating makapagsalita ng kahit anongmasama sa mga Santo at mga banal. Bukod sakawalan ng respeto at kahinhinan sa sarili, angpagsasalita ng Blasphemy (kalapastanganan saDiyos) ay nag uudyok ng kawalan ng pasensya at kakulangan ng pag-ibig sa kapwa. Maaari rin itonghumantong sa Eskandalo (scandal).

Page 7: Blasphemy and Sacrilege
Page 8: Blasphemy and Sacrilege

Ito ay tumutukoy naman sa walang kabuluhan o maling paggamit/pagtrato sa mga tao, bagay o lugar nagamit sa paglingkod sa Panginoon.

Sa maling paggamit ng mga banal na ito ay nangangahulugan ng kawalan ng respeto sa Diyos.

Page 9: Blasphemy and Sacrilege

Katulad ng sa isang bansa,ang pang-iinsulto sakanilang watawat ay para na ring pang-iinsulto sabuong bansang kanilang kinakatawan. Anghalimbawa ng Sacrilege ay lubos na maipapakitang pagsira ng isang tao sa Santo sa panahong akalaniya ay “hindi” nito tinupad ang kanyang hiling namanalo sa lotto.

Page 10: Blasphemy and Sacrilege

Ang Simony ay ang kusang pagbili o pagbebenta ngmga banal na bagay kapalit ang pera. Ito ay maari ring sa pananampalataya ng tao.

Ang halibawa nito ay ang mga taong bumibili ngpanalangin para sa kanilang namatay na kamag-anak. Ito ay halimbawa ng mga taong nabayaran upangmagdalamhati at managhoy sa isang lamay.

Page 11: Blasphemy and Sacrilege

Ang pagsasalita ng masama sa Panginoon ay walangpinag-iba sa literal na pananakit sa Kanya. Ganoon din sa mga gawa at banal na nagseserbisyo sa kanya, angpambabastos sa kanila o pagtawanan sila ay isanggawain na ating ginagawa mismo sa Diyos. Ang Diyosay may walang hanggangkapangyarihan, nangangahulugang walangnakakaalam ng hangganan nito hindi katulad natingmga tao na lubos na nakadepende sa Kanya. Manaligtayo sa Kanya ng lubos at igalang Siya bilang DakilangTagapagligtas ng lahat ng tao.

Page 12: Blasphemy and Sacrilege