Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

33
1 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito? FINAL DRAFT DATE: April 1, 2012 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito? Name: Esmane, Monica E. Course: B.A. Political Science Second Semester, Academic Year: 2011-2012

Transcript of Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

Page 1: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

1 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

FINAL DRAFT DATE: April 1, 2012

Benepisyong Sick

Leave: Bakit

Nagaganap ang

Pang-Aabuso Nito?

Name: Esmane, Monica E. Course: B.A. Political Science

Second Semester, Academic Year: 2011-2012

Page 2: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

2 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pahina ng Pamagat …………………………………………………………… p.1

Talaan ng mga Nilalaman …………………………………………………..... p.2

Pagkilala ……………………………………………………………………….. p.3

Panimula …………………………………………………………………… p.4

Paksa at mga Ispesipikong Katanungan ………………..…………………. p.4

Metodolohiya ………………………………………………………………….. p.4-12

I. Koleksyon ng Datos ………………………………………….. p.4-9

1. Pamamaraan ……………………………………………… p. 4-5

2. Disensyo …………………………………………………… p.5

3. Sampling …………………………………………………… p.5-6

A. Mga Set ng Datos ……………………………………… p.5-6

B. Pagmumulan ng Datos ………………………………. p.6

C. Teknik sa Pagkolekta ng Datos ……………………… p.6-7

D. Kaso ……………………………………………………… p.7

E. Batayan ng Kaso ………………………………………. p.7-8

F. Kalahok ………………………………………………….. p.8

G. instrumento ……………………………………………… p.8-9

II. Pag-aanalisa ng Datos ………………………………………… p.9-11

1. Pagpili ng Mahalagang Datos ……………………………. p.9

2. Case Analysis……………………………………………… p.9-11

3. Pagtrayanggula …………………………………………….. p.11

A. Ayon sa Pamamaraan ……………………………. P.11

B. Ayon sa Pinagmulan ……………………………… p.11

III. Etika …………………………………………………………….. p.11-12

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura …………………………………….. p.12-16

Study Framework ……….……………………………………………………… p.16-19

Resulta …………………………………………………………………………. p.20-22

Analisis………………………………………………………………………… p.22-25

Konklusyon at Rekomendasyon …………………………………………….. p.25-28

Talasanggunian ……………………………………………………………….. p.29-30

Apendiks ……………………………………………………………………….. p.31-33

Page 3: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

3 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

PAGKILALA

Una sa lahat, nais kong bigyan pasasalamat ang Poong Maykapal sa pagtulong

niya sa akin upang mabuo ang papel na ito. Gayundin naman, nais kong bigyan ng

pagkilala ang aking ama, na maski siya ay sumakabilang buhay na, nalalaman ko na

kung hindi dahil sa kanya ay baka ni hindi ako umabot sa unibersidad na ito. Walang

hanggang pasasalamat para sa kanya sa inspirasyon at lakas ng loob na ibinigay nya

sa akin. Nais ko din bigyan ng pagkilala ang aking ina na tumulong sa akin upang

makapanayam ko ang mga taong magiging susi upang makakalap ako ng datos. Kung

wala siya ay siguradong mahihirapan akong humanap ng isang opisina na

magpapaunlak sa akin sa isang panayam para sa isang sensitibong isyu gaya nito.

Salamat din sa pag-aaruga at pagmamahal na ibinigay ninyong dalawa sa akin.

Hanggang sa aking pagtanda ay babaunin ko lahat ang mga naituro nyo.

Maliban sa aking mga magulang, nais ko rin magpasalamat sa iba pang tao na

naging katuwang ko sa pagsulat ng papel na ito. Nais ko magpasalamat kay Propesor

Fatima Alvarez-Castillo sa matiyagang pagtuturo sa amin at pagbibigay ng komento

upang mabuo ang pinakamahusay na bersyon ng sulatin kahit pa hindi lang naman sa

amin umiikot ang buhay niya. Kahit pa nagkaroon ng panahon na nasakit na ang utak

at kalooban ko dahil sa mga komento niya, maraming salamat dahil mahusay siyang

magturo, madaling unawain at hindi niya kami hahayaang makaalis ng walang baong

bagong kaalaman ukol sa pananaliksik. Salamat dahil kahit pang-internationalna siya

at napakahalaga ng oras nya, nagtuturo pa rin siya sa amin kahit mga pasaway

kaming mga estudyante. Nais ko rin magpasalamat sa ilan kong mga kaklase (na hindi

ko na papangalanan dahil baka magkaroon pa ng inggitan) na sa tuwing nalilito na ako

at di malaman kung papaano ito susulatin ay tinutulungan ako sa pamamagitan ng

pageeksplika sa akin ng buong pasensya nila . Hindi ko rin malilimutan ang mga

taong aking nakapanayam na nagtiwala sa akin na pipilitin kong maging pribado ang

anumang datos na ibibigay nila sa akin. At huli man pero bida pa din, sa parati kong

katuwang, kabiruan, kabati at kaaway, na maski napilitan ka lang ata tumulong sa akin

ay ginawa mo din naman. Haha. Para sa kanilang lahat, maraming salamat. Dahil sa

tulong nyo ay nagawa ko ito. Alabyu ol!

Page 4: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

4 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Panimula

Bilang mga mamamayan na nasa linya ng serbisyo publiko, ang mga empleyado

ng gobyerno ay nararapat lamang bigyan ng mga kaukulang benepisyo bilang

pagtanaw na rin ng pasasalamat sa kanila sa dedikasyon nila sa kanilang trabaho sa

kabila ng maliit na pasahod na ibinibigay sa kanila. Gayunpaman, mayroong mga

pagkakataon na inaabuso ng iilan ang pribilehiyong ibinibigay sa kanila sa kabila ng

magandang hangarin kung bakit ito ibinigay. Nagdudulot ito ng mga hindi magandang

epekto sa bayan at gayundin naman sa tingin ng taong bayan sa kanilang pamahalaan.

Sa papel na ito, umaasa na magkakaroon ng linaw ang ganitong mga kaso at sana ay

mabigyan ito ng konkretong solusyon. Isa ang benepisyong sick leavesa mga

nakakitaan ng ganitong insidente at ito ang layuning pag-usapan at talakayin sa mga

susunod na talata. Sa pamamagitan ng pagpokus dito, lalo na sa mga dahilan kung

bakit ito inaabuso, ay makatulong nawa ang buong pag-aaral na ito sa ikasasaayos ng

kakulangan sa bahaging ito ng gobyerno.

Paksang katanungan:

Bakit inaabuso ng empleyado sa publikong sektor ang benepisyong sick leave?

Mga ispesipikong katanungan:

1. Ano ang kahalagahan ng pagpopokus sa mga kadahilanan ng pang-aabuso ng

benepisyong sick leave?

2. Ano ang kasalukuyang sitwasyon ng pang-aabuso ng benepisyong ito?

3. Ano ang maaaring gawin upang hindina ito abusuhin?

Metodolohiya

I. Koleksyon ng Datos

1. Pamamaraan (Approach)

Page 5: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

5 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Sa pag-aaral na ito, gumamit ng interpretatibong pamamaraan

(interpretative approach) ang mananaliksik sa pagkolekta ng datos. Ito ay

nangangahulugang inunawa niya ang pananaw ng kinakapanayam ukol sa isang

partikular na usapin. Ito ay dahil ang mga saloobin ng tao ay tinatayang

importanteng bahagi ng pagkakabuo ng mga istrakturang panglipunan.Sa

pamamagitan ng pag-unawa dito, inaasahang makapagbibigay ng kaalaman ukol

sa mga dahilan kung bakit nangyayari ang isang ispesipikong penomena, gaya

nang pang-aabuso ng benepisyong sick leave.

2. Disenyo

Sa pag-aaral na ginawa,nagsagawa ng isang malalim na pag-aaral sa

isang partikular na kaso o kilala sa katawagang case study. Ito ay ang napiling

disenyo ng pag-aaral dahil sa mayroon lamang maliit na pondo at panahon nang

ito ay isinagawa. Ito rin ang pinakaposibleng gawin na disenyo ng pag-aaral para

sa mga estudyante na baguhan pa lamang sa larangan ng pagsasaliksik.

Dagdag pa rito, ang case study ay mainam gamitin sa pag-aaral dahil

interpretatibong pamamaraan ang ginamit sa pagkolekta ng datos. Ito ay

nakatulong sa pamamagitan ng malalim na pagsisiyasat sa isang partikular na

kaso upang higit na maging malinaw ang pang-unawa ukol rito.

3. Sampling

A. Mga Set ng Datos

a. Primaryang datos

Sa bahagi naman na ito ay sinagot ang mga sumusunod:

anu-ano ang mga dahilan kung bakit mayroong pang-aabuso ng

benepisyong sick leave sa publikong sektor, ano ang kasalukuyang

sitwasyon ng pang-aabuso nito sa Pilipinas, anu-ano ang maaaring

gawin upang ito ay maiwasan at kung gaano kahalaga na

mabigyan ito ng pansin.

b.Sekondaryang datos

Page 6: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

6 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Naglalaman ito ng mga sumusunod: anu-ano ang mga uri ng

sick leave, sino-sino ang mga opisyal o departamento ng

ispesipikong opisina ang nakakaalam ng mga basikong patakaran

at proseso ukol rito, papaano ito nagagamit o ano ang aplikasyon

na dapat daanan at mga takdang patakarang ibinigay ng opisina

ukol sa paggamit nito. Ang mga sekondaryang datos na ito ay

nagsilbing basikong kaalaman na kinailangan sa pag-aaral.

B. Pagmumulan ng Datos

a. Primarya

Nagmula ang primaryang datos sa mga kinapanayam mula

sa isang ispesipikong sangay ng gobyerno atisa pang opisinang

tinuturing na nagsisiyasat sa mga kawani ng gobyerno. Isa sa

kanila ay ang kinatawan ng opisinang tagapagsiyasat na may

sapat na kaalaman sa isyu, administrative officer o ang

tagapamahala sa ispesipikong sangay ng opisina sa kagawaran

na pinagdausan ng panayam, isang tagapagsalita mula sa nasabi

ring opisina na pangunahing tumitingin sa paggamit ng leave na

primaryang may kinalaman sa aksyon para makagamit ng

benepisyo, atmga empleyado ng ispesipikong opisina na napiling

pagdausan ng panayam.

b. Sekondarya

Nagmula naman ang mga sekondaryang datos sa mga tala

o rekord, mga resolusyon, batas, dokumento, libro, internet at iba

pang uri ng literatura at mga kahalintulad nito.

C.Teknik sa Pagkolekta ng Datos

a. Primarya.

Page 7: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

7 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Sa pananaliksik na ito, gumamit ng key informant interview

(KII) upang makalikom ng sapat na kaalaman.

Dahil maiksi ang oras at maliit na pondo sapagsasagawa ng

pag-aaral, pumili lamang ang mananaliksik ng isang ispesipikong

opisina ng gobyerno para sa mga lumahok sa KII.Dito ay kumuha

ang mananaliksik ng datos sa ilang mga ispesipikong tao na

tinuturing na may sapat na kaalaman sa isyu. Sa pamamagitan ng

gabay, sila ay kinapanayam at ginawang open-ended lamang ang

usapan o hindi nalilimitahan sa anumang paraan. Dahil sa hiningi

rin ng pagkakataon, may mga kaganapangang mananaliksik ay

nagtanong ng mga follow-up questionsna siyangnagbigay linaw sa

ilang mga kasagutang may kalabuan na nakuha sa

kinakapanayam.

b. Sekondarya.

Gumamit rin ng mga istatistika at ilang dokumento, libro,

literatura at iba pang kahalintulad nito na nakatulong sa ginawang

pagsasaliksik. Kinuhasa mga ito ang ilang mga importanteng datos

na nakatulong sa pag-aaral.

D. Kaso

Dahil na rin sa maikling oras at limitadong pondo, pumili ang

mananaliksik ng isang ispesipikong sangay ng isang opisina ng gobyerno

bilang pangunahing lugar kung saan kumuha ng mga kalahok na

makikiisa sa KII.

E. Pagpili ng Kaso

Napili ang nasabing sangay ng gobyerno dahil na rin sa ito ang

pinaka pamilyar na pampublikong opisina para sa mananaliksik. Bata pa

lamang siya ay nabibisita na niya ito. Maraming mga tao doon ay kanyang

kakilala na nakatulong sa ginawang pag-aaral. Batay na rin sa mga

Page 8: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

8 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

nakalap na datos, pinatunayan lamang nito na ang mga empleyado,

manggagawa at propesyonal na nagtratrabaho doon ay mayroong sapat

na eksperiyensya nanaibigay nila bilang kaalaman ukol sa paggamit ng

benepisyong sick leave. Dagdag pa rito, malapit sa Unibersidad ng

Pilipinas Maynila ang nasabing opsina kung kaya’t higit na napadali ang

pagsasagawa ng pag-aaral at gayundinaman ay nakatipid ito sa

transportasyon ng mananaliksik.

F. Mga kalahok

Saginawang pagpili ng mga kalahok sa KII, iniangkop sila sa

mga sumusunod na batayan:

i. Kasalukuyang maituturing na emplayado at

representante ng opisinang bibisitahin.

ii. Mayroon nang dalawang taong nakalipas na

nagsilbing representante ang kalahok na siyang

sumisiguro sa pamilyaridad at eksperiyensya nya dito.

iii. Nakagamit na ng benepisyong sick leave.

iv. Mayroong oras upang makausap ng mananaliksik.

G. Instrumento

Ginamitsa KII ang KII guide o gabay. Ito ay nagtataglay ng mga

pangunahing katanungan naitinanong ng mananaliksik sa kanyang

kinapanayam. Ang gabay ay nagtataglay ng pangunahing mga katanungan na

(1) bakit inaabuso ang sick leave, (2) ano ang kasalukuyang sitwasyon ng pang-

aabuso nito sa Pilipinas, (3) anu-ano ang maaaring gawin upang ito ay

maiwasan at (4) kung gaano kahalaga na mabigyan ito ng pansin. Maliban dito,

naglalaman din ito ng mga dagdag na katanungan tulad ng ano ang

pinagdaraanang proseso sa pag-aplay upang makagamit ng benepisyo, ano ang

mga opisinang daraanan ng aplikasyon, sino ang mga tauhang daraanan ng

Page 9: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

9 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

aplikasyon at ano ang maaaring pagkukulang. (Tignan ang Apendiks 2 para sa

madaling pag-unawa)

II. Pag-aanalisa ng Datos

1. Pagpili ng mahalagang datos

Mula sa mga nabanggit na pinagmulan ng datos, pinili ang mga

mahahalagang datos na ginamit sa pag-aaral. Ito ay dahil hindi lahat ng datos na

naibigay sa panayam ay importante at nagamit sa saliksik.Mula sa KII,

itinanskriba (transcribe) ang nakarekord na panayam. Mula roon ay pumili na ng

mahahalagang datos sa pamamagitan ng masusing pagbasa sa transkriba. Mula

sa transkriba, gumawa ang mananaliksik ng open coding kung saan nilagyan nya

ng mga kumento ang transkriba upang maipahayag at makita ang mga

kahulugan ng ilang mga pahayag. Mula roon ay inasahang maipapakita ang iba

pang detalye na nasa pagitan ng mga pahayag at nang maisama ito sa mga

mahahalagang datos kung ito man ay kabilang. Matapos nito ay gumawa ng

coding scheme na siyang listahan ng mga paksa na naging daloy ng panayam.

Ito ay ang tinuturing na balangkas ng buong panayam. Lahat ng paksa ay dito

inilista. Matapos nito ay sa hiwalay na papel inilagay naman ang mga detalye ng

bawat paksa. Ang mga detalyeng sumasagot sa coding scheme ay ang

gagamitin naman sa sususnod na bahagi ng pag-oorganisa ng datos.

2. Case analysis

Matapos isulat ang datos sa hiwalay na papel bilang kasagutan sa

binuong coding scheme, sa isa pang hiwalay na papel ay gumawa naman ng

case analysis kung saan sinimulang unawain ang kahulugan ng mga datos na

nakuha sa panayam. Gamit ito ay lalong higit na naging malinaw ang daloy at

ang mga bahagi ng panayam. Nagkaroon din ng kahulugan ang mga

mahahalagang datos na nakalapsa pamamagitan ng case analysis. Ito ay

kinapapalooban ng pagpili ng mga datos na siyang itinabula upang sistematikong

maipahayag ang mga nakuhang mahahalagang datos. Kasama rin dito ang mga

quotes at kanilang pahina sa transkriba na sa tingin ng mananaliksik ay

Page 10: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

10 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

mahalaga upang higit na mapagtibay ang ilang mahahalagang datos. Nilagay din

dito ang mga ideya ng mananaliksik sa ilang mahahalagang datos na nakalap.

Narito ang halimbawa ng case analysis:

Tabula 1: Bahagi ng ginawang case analysis

Kategorya ng mga

Datos

Data Set Quote Pahina Nabuong

Kaalaman

Basikong kaalaman Ginagamit ng empleyado kung siya ay may sakit at hindi makakapasok sa trabaho.

Maaaring i-file ito matapos nang umabsent.

Para sa mga pagliban na lumagpas na ng limang araw, kinakailangang magbigay ng medical certificate bilang katibayan ng pagkakasakit.

Dadaan ang aplikasyon sa administrative officer para lagyan ng initial, sa assistant chief state prosecutor na in-charge sa leave ng mga empleyado, at pang huli sa leave section para sa approval.

Kadalasang inaabot ng isang linggo ang pagpo-proseso nito.

“O yung assistant chief state prosecutor pag maraming trabaho minsan nakapending lang dyan sa lamesa. Pag may hearing, di nila agad yan mai-initialan” “Dun sa leave section siguro mga

ahh two days din ganoon bago

nila ma-ano, sa dami rin kung

minsan ng mga leave di rin ka

agad agad nila mai-initialan.”

2 Hindi agaran ang ang pag- forward ng mga aplikasyon. Lumalabas na di ito prayoridad ng bawat departamento na maaaring dahilan ng pagiging mabagal ng pag-apruba sa mga aplikasyon ng leave.

Pagkakaiba sa vacation

leave Kinakailangan mai-file ito limang

araw bago lumiban. Mahalaga din na ma-follow up ang

aplikasyon kung naapruba na ba

bago lumiban.

Hindi gaanong

praktikal gamitin

para sa mga

biglaang lakad.

Sinundan ito ng cross-case analysis na kung saan naman ay pinag

kumpara ang mga datos na ginamit sa bawatcase analysis. Doon higit na

makikita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga kasagutan ng mga

nakapanayam. Ginawa ito sa pamamagitan ng pagtatabula ng mahahalagang

datos na nakuha kada nakapanayam. Narito naman ang halimbawa ng cross-

case analysis:

Tabula 2: Bahagi ng ginawang cross-case analysis (Ang mga pangalang nakalagay ay mga hindi tunay na pangalan ng mga nakapanayam)

Lea Santos Seria B. Sanchez Rhea De Vera-

Veluz Narcissa J. Santos Helen Billodres

Page 11: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

11 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Kwalipikasyon para makagamit ng sick leave

Kung ikaw ay

nagkasakit at hindi

makapapasok sa

trabaho maaari

mong gamitin ang

sick leave

Ginagamit ng empleyado kung siya ay may sakit at hindi makakapasok sa trabaho.

Kailan nagpapasa ng aplikasyon

Matapos na ang pagkakasakit

Pagkapasok na galing sa pagkakasakit

Pagkapasok na muli

Pagbalik sa trabaho

Maaaring i-file ito matapos nang lumiban.

3. Pag-trayangula

A. Ayon sa pamamaraan

Mula sa KII ay gumawa ng pagtratrayangula sa pamamaraang

humanap ng literaturang susuporta o kokontra sa isinasaad ng mga datos

na nakuha. Ito ay upang matiyak na ang pinaka makatotohanang mga

kasagutan lamang ang ginamit sa pag-aaral at natanggal na ang mga di

kailangan at di makatotohanang datos na napasama. Siniguro din nito ang

kalidad ng mga datos na ginamit at ang resulta na naprodyus.

B. Ayon sa pinagmulan

Pinagkumpara din ang nakatabulang sagot ng bawat nakapanayam

sa KII na siyang sumiguro sa kalidad nito. Walang naging masyadong

problema sa pagtrayangula dito dahil nagsagawa ng panayam sa mahigit

tatlong personalidad. Sa pagtrayanggula, nakita ang dami ng sumasang-

ayon at di sumasang-ayon sa isang partikular na usapin.

III. Etika

Sa pag-aaral na ito, hindi isinawalang-bahala ang kaligtasan at

karapatang pantao ng mga kalahok, ng mananaliksik at maging nang mga taong

tumulong sa kanya. Nalalaman na mayroong pagkasensitibo ang paksa ng pag-

aaral na maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na epekto. Kung kaya naman,

tinitiyak sa bahaging ito na sa lahat ng pagkakataon ay pinilitmaprotektahan ang

lahat ng taong nakiisa sa pagsasaliksik. Ito ay sa pamamagitan ng paghingi ng

Page 12: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

12 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Free Prior Informed Consent o FPIC sa isang indibidwal bago ito makiisa sa pag-

aaral (maaaring tignan sa Apendiks1 ang kopya ng FPIC). Nilalaman nito ang

mga kasagutan kung sino ang mananaliksik, tungkol saan ang buong pag-aaral,

bakit ito nais isagawa, bakit kinakailangan ang kanyang partisipasyon, mga

karapatan niya kung siya ay makikiisa at ang paghingi ng pag-sang-ayon o di

pagsang-ayon ng nasabing indibidwal. Sa ganitong paraan ay nakatitiyak na

lahat ng kalahok ay bukal sa kalooban ang pagsali at walang sinuman na bahagi

ng pag-aaral ang pinilit o napilitan lamang ang pakikiisa. Tinitiyak din ang

kaligtasan at kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng pagtago ng kanilang

identidad at pagtalaga ng mga alyas sa bawat isa upang hindi sila makilala.

Iniwasan din na maiugnay sa isang indibidwal ang datos na nakuha sa kanya

upang sa gayon ay walang paraan upang siya ay makilala dahil sa kanyang mga

pahayag. Sa mga hakbangin na ito ay naiwasan ang anumang pang politikal,

ekonomiko at sosyal na epekto na maaaring makasakit kaninuman.

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura

Korapsyon: Hindi Dapat Isawalang-Bahala

Matagal nang usapin ang korapsyon saan mang bahagi ng mundo ngunit

mahalagang ipunto na higit ang pokus na kinakailangan sa mga bansang nabibilang sa

ikatlong daigdig na higit na vulnerable dito. Ito ay dahil na rin sa ang mga ito ay

papaunlad pa lamang ang mga ekonomiya at kasalukuyang nasa proseso pa nang

transisyon (Vian, 2002, Nov.; Garcia-Prado at Chawla, 2006, Mar.; Mahmood, n.d.). Isa

sa mga bansang nabibilang sa ikatlong daigdig ay ang Pilipinas, kung saan lumabas sa

isang sarbey noong 2009, na ginawa ng Social Weather Station (SWS), na tinatayang

56% sa publiko, o mahigit sa kalahati ng populasyon ng bansa, ang nagsasabing

malala at laganap ang korapsyon sa gobyerno (tignan ang pigura 1). Lumabas din sa

sarbey na pumapatak sa pagitan ng 89%-97% ng pribadong sektor sa bansa ay

nagsasabing nagaganap ang korapsyon sa nasyonal na lebel (tignan ang pigura 2).

Page 13: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

13 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Pigura 1: Inilalahad ang tingin ng publiko ukol sa lala ng korapsyon sa gobyerno.

Pigura 2: Inilalahad ang tingin ng pribadong sektor kung saan nagaganap ang korapsyon.

Ngunit ano ba ang ibig ipakahulugan ng mga datos na ito? Nais lamang nitong

ipahiwatig na laganap na ang korapsyon sa bansa at ito ay nasa malalang sitwasyon

na kung saan ang buong bansa ay apektado na nito. Hindi na ito maaaring

ipagsawalang bahala pa dahil mayroon itong hatid sa mga mamamayan na hindi

kanais-nais na mga epekto.

Ang malalang kondisyon ng korapsyon sa isang bansa ay nagbubunga ng

malaking pinsala kung kaya naman mahalaga talaga itong bigyan ng pansin.

Halimbawa ng mga pinsalang ito ay ang pagbagal ng pag-unlad ng isang bansa (Vian,

2002, Nov.). Mayroon din itong direktang negatibong epekto sa serbisyo publiko kung

saan apektado pa rin lahat ng mamamayan (Savedoff, 2007, May). Katunayan nito sa

Pilipinas, isang pag-aaral na isinagawa ni Azfar (-.2011, July) na gumamit ng cross-

municipal data ay naglalahad na pinapabagal ng korapsyon ang pagbibigay ng

serbisyong pangkalusugan at edukasyon sa mga Pilipino. Mula sa halimbawang ito,

Page 14: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

14 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

makikita ang hindi magandang naibubunga ng korapsyon kung kaya naman ito talaga

ay hindi na maaaring isawalang bahala pa.

Maliban sa mga malakihang klase ng korapsyon, malaki rin ang dulot na

kakulangan ng mga maliliit na klase nito na maaaring mahalintulad bilang “small time

corruption”. Kadalasan, tanging mga kaalaman lamang sa mga malakihang klase ng

korapsyon ang nabibigyang pokus at naisasantabi na ang usapin sa mga maliliit na uri

nito. Ito ay kahit pa marami din itong dala na negatibong epekto sa lipunan. Ilan sa mga

maaaring epekto nito ay ang pagbaba ng tingin ng mga mamamayan sa kalidad at

moral ng kanilang gobyerno (Azfar, n.d.), kawalan ng gana ng ibang mga

nakasasaksing empleyado sa mga nang-aabuso nilang kasamahan, nagpapababa sa

kalidad ng kanilang serbisyo, at paghahanap ng oportunidad sa pribadong sektor (Vian,

2005).

Ang pag-aabuso sa benepisyong sick leave ay maaaring masabi na maliit na uri

lamang ng korapsyon sapagkat ito ay ang tipong maaaring gawin ng mga ordinaryong

tao na maaaring nabibilang sa lower at middle class na braket pang ekonomiko, di tulad

sa mga malakihang korapsyon na sikat na personalidad ang mga sangkot. Hindi rin ito

direktang nakaaapekto sa mga mamamayan di tulad ng pagnanakaw ng isang mataas

na opisyal sa kaban ng bayan. Dagdag pa rito, kadalasan ay naisasantabi at hindi na ito

gaanong napapansin dahil na rin sa kulturang nananaig. Kung kaya naman, mahalaga

ang pagbibigay pokus dito na siya namang layuning gawin sa pag-aaral.

Pagliban: Isang Porma ng Korapsyon

Maraming uri ang korapsyon, depende na rin sa kung saan bang bahagi ng

gobyerno ito nagaganap at kung anong lente ang gagamitin sa pag-aanalisa. Ilan sa

sikat na mga halimbawa nito ay panunuhol, pag-kickback, pagnanakaw ng mga gamit

ng gobyerno, pagbebenta ng mga kagamitan na dapat ay libre at maging ang pagliban

(Azfar, n.d.; Savedoff, 2007, May; Vian, 2002, Nov.; Vian, 2005).

Page 15: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

15 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Sa isang pag-aaral, nabanggit ni Savedoff (2007, May) na ang mga

pampublikong doktor at nars ay halos 1/3 o 30%-37% sa takdang oras ng kanilang

trabaho ay lumiban samantalang 13% ng oras ng mga residente ng pampublikong

ospital at 7% naman sa mga nars dito ang nawawala dahil sa pagliban (binanggit ng

may-akda na nagmula ito kina M.H.Jaen at D.Paravisni, 2001; at Vian, 2005). Mula sa

mga pagliban na ito, bumababa ang kalidad ng kanilang serbisyo (Vian, 2005).} Ayon

naman kay Munro (n.d.), at Emery (2010) ang pagliban ay nagtataglay ng madaming

negatibong epekto. Kahalintulad din ito sa mga sinabi sa pag-aaral nina Garcia-Prado

at Chawla (2006, Mar.) kung saan ayon sa kanila, bumababa ang produktibidad dahil sa

nabawasang oras ng trabaho, pagtaas ng pasweldo sa mga pumalit sa lumiban at nag-

overtime at sa iba pang mga administratibong pagbabagong ginagawa na

nakadaragdag sa pagbaba ng output. Nakokompromisa rin ang kalidad at bilis ng

serbisyong medikal na nakakaapekto naman sa kalagayan ng pasyente (Emery, 2010;

Garcia-Prado at Chawla, 2006, Mar.; at Munro, n.d.).

Kung susumahin, ang mga ito ay pokus lamang sa mga doktor at nars ngunit

sumasalamin din ito sa ibang bahagi ng lipunan at sa reyalidad. Nais lamang

ipakahulugan ng mga binanggit na pag-aaral na ang pagliban ay nagbubunga ng mga

negatibong epekto. Kung tutuusin, walang masama sa pagliban, lalong-lalo na kung

ang dahilan ay dahil sa may sakit ang empleyado. Ngunit mayroong mga pagkakataong

nagagamit ang benepisyong sick-leave, upang maging isang uri ng korapsyon ang

pagliban (Azfar, n.d.; Garcia-Prado, at Chawla, 2006, March; Savedoff, 2007; Vian,

2005).Sa mga pagkakataong ito, ang pang-aabuso ng isang benepisyong inilaan na

may positibong hangarin ay nagiging kasangkapan upang magamit sa korapsyon,

baliktad sa kung anong dapat ay silbi nito.

Benepisyong Sick Leave: Nagbibigay Daan sa Korapsyon

Sa isang pag-aaral na ginawa ni Gregersen (April, 1998), sinasabi niya dito na

laganap na ang pang-aabuso sa benepisyong sick leave. Ayon na rin sa kanya,

malaking bahagi ng pagliban ay dahil sa pang-aabuso nito. Ang pang-aabuso sasick-

leave ay malaking kawalan sa anumang industriya (Ricks, Ginn, Daughtrey, 1995)

lalong lalo na at ang mababang kaso ng pagliban ay nagsisilbing isang indikasyon ng

Page 16: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

16 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

pagiging epektibo ng mga empleyado. Nagdudulot din ito ng mabagal o kaunting

produktibidad, dagdag na pinansya at administratibong problema (Jordaan, n.a.).

Wala o kung mayroon man, ay kakaunti naman ang pag-aaral ukol sa pang-

aabuso sa benepisyong ito sa bansang Pilipinas. Sa kabila ng pagiging laganap ng

usaping ito, hindi pa gaanong nabibigyang halaga ang isyung ito sa nasabing bansa

batay na rin sa bilang ng literaturang kombinyenteng makakalap ukol dito. Tanging

mga batas ukol sa pagbibigay ng benepisyong sick leave sa mga empleyado ang

madaling makalap sa ngayon. Mayroon din namang mga kaukulang parusang kaakibat

sa pang-aabuso nito ang makikita at naipatutupad na ngunit masasabing halos wala

pang madaling makalap na dokumento o lathalain ukol sa isang pag-aaral ng

penomenon nang pang-aabuso dito kung kaya naman hindi pa ganoon kalawak ang

kaalaman ukol rito. Gayundinaman, hindi rin ganoon karami ang kaalaman sa mga

dahilan kung bakit ito inaabuso sa Pilipinas, kung mayroon man. Hindi ito hayag lalo na

at sensitibo ang isyu ng pang-aabuso sa benepisyo at pagkakakilanlan ng mga

gumagawa nito.

Kung kaya naman, mahalagang magbigay pokus ang pag aaral na ito sa pang-aabuso

sa benepisyong sick leave sa nasabing bansa upang maiwasan ang mga nabanggit na

problema. Makapagbibigay din ito ng inisyal na kaalaman ukol sa kasalukuyang

sitwasyon ng pang-aabuso sa benepisyo, ano ang mga dahilan ng mga kasangkot kung

bakit nila ito naisasagawa, kahalagahan nito at kung ano ang maaaring gawin upang ito

ay maiwasan.

Study Framework

Nabanggit na kanina na mahalaga ang pagbibigay pokus sa pang-aabuso ng

benepisyong sick leave. Gayundin naman, mahalaga ding matalakay ang mga

kadahilanan kung bakit ito isinasagawa sapagkat ito ang nagiging daan upang

maisakatuparaan ang mismong pang-aabuso. Ngunit bago tunguhin ang diskusyon ukol

rito, mahalagang bigyan muna ng linaw kung anong perspektiba ang gagamitin sa pag-

aanalisa ng mga datos na makakalap.

Page 17: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

17 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Sa pag-aaral na ito, layuning gumamit ng Interpretative Approach kung saan nais

ng mananaliksik na malaman ang mga pananaw, basehan at rasyonalidad ng mga

gumagawa ng pang-aabuso sa benepisyong sick leave upang higit na maunawaan ang

penomenon na ito. Sa pamamagitan ng interpretative approach, inaasahan na

maibibigay ang mga kasagutan sa mga tanong na inilapat para sa pag-aaral na ito.

Hindi lamang ito pagpapahayag ng saloobin at nararamdaman ng mga indibidwal kundi

higit din na mauunawaan ang kahulugan para sa kanila ng kanilang aksyon na siya

namang bumubuo ng panibagong mga istraktura ng lipunan.

Maliban dito, mahalaga din ang pagbibigay kahulugan saang ilang mga

konseptong itinuturing na susi upang higit na maging malinaw ang gagawaing

pagsasaliksik. Ang mga pangunahing konseptong tinutukoy ay (1)korapsyon na

magkakaroon ng partikular na pokus sa maliit na klase nito, (2)benepisyong sick leave,

(3) pang-aabuso, at (4)pagliban sa trabaho.

.Ayon kay Savedoff (2007, May), ang karaniwan at simpleng depinisyon ng

korapsyon ay ang pang-aabuso sa pagiging empleyado ng gobyerno para sa

pansariling kapakanan (binanggit na nagmula kay P. Bardhan 1997). Ito rin ang

depinisyon na layuning gamitin sa pag-aaral. Sa depinisyong ito, dapat ipunto na

mayroon itong mga taglay na kakulangan. Isa na rito ay hindi naisasama sa

depinisyong ito ang mga pribadong indibidwal na maaaring magdulot ng korapsyon sa

mga empleyado ng gobyerno, halimbawa na lamang ay ang mga taong nag-aalok ng

suhol. Mahalaga ding isaalang-alang na hindi rin malinaw kung ang mga

pagkakamaling nagawa na nagdulot ng sinasabing pang-aabuso ay sinasadya, dahil

lamang sa kakulangan ng eksperiyensya, hiningi lamang ng pagkakataon o talagang

nagkamali lang ang isang indibidwal. Dagdag pa dito, ang pagtingin sa korapsyon ay

maaaring magbago din depende sa kulturang nananaig sa isang lugar. Halimbawa na

lamang nito ay ang pagtanggap ng regalo mula sa kliyente. Sa ibang kultura, maaaring

ito ay tanda lamang ng pagpapasalamat ngunit maaaring sa iba ay ito ay isang uri ng

suhol sa opisyal upang iprayoritisa ang nagbigay ng regalo. Ang tatlong konsiderasyong

ito ay inilalahad hindi upang makapagbigay ng malabong ideya, sa halip ay upang

Page 18: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

18 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

maging malinaw na mayroong iba’t ibang interpretasyon sa bawat isyu depende na rin

sa totoong nangyari (Savedoff, 2007).

Ngunit inaasahang hindi sasapat ang naunang ibinigay na depinisyon, gaya na

rin sa insinaad na mga kakulangan nito. Kung kaya’t magiging partikular ang pokus ng

depinisyon ng korapsyon sa buong pag-aaral. Ito ay binibigyan ng mananaliksik ng

kahulugan na pang-aabuso sa pagiging empleyado ng gobyerno para sa pansariling

kapakanan sa pamamagitan ng pag-abuso sa benepisyong sick leave upang makaliban

sa trabaho habang nagtatamasa ng kabuuang sweldo para sa mga araw na ito ay

lumiban. Itong kahulugan na ito ay inaasahang kabilang sa petty corruption dahil na rin

sa mga ordinaryong mamamayan lang ang kasangkot dito.

Sa kabilang banda naman, ang benepisyong sick leave ay isang uri ng

benepisyo kung saan kahit hindi pumapasok ang empleyado, dahil sa idineklara nitong

may sakit ito, ay nakatatanggap pa rin ito ng kaukulang sweldo na pareho ang halaga

sa kasalukuyang tinatanggap nya para sa mga araw na siya ay lumiban. Kahalintulad

ito ng vacation leave na ginagamit naman para sa mga araw na nais magbakasyon ang

empleyado. Ang mga uri ng leave na ito ay nangangailangan ng application para

magamit at mayroong ganitong benepisyo ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno

maliban lamang sa mga kontraktwal at part-time lang (Jardiniano, 1994). Ayon kay

Jardiniano (1994), pinaiiral sa ating bansa ang paggamit ng accumulated leave, kung

saan magiging pera ang mga di nagamit na araw ng leave sa loob ng isang taon at

madaragdag sa susunod na taon kung hindi pa makukuha sa pamamagitan ng

pagreretiro.

Kaugnay ng benepisyong sick leave, mahalagang matukoy din kung papaano

binigyang pagpapakahulugan ang pang-aabuso. Sa pag-aaral na ito, gagamitin para sa

terminong pang-aabuso ang depinisyong paggamit sa hindi wastong paraan ng

benepisyong sick leave. Ito ay nang sa gayon, maging malinaw ang paggamit ng

nasabing salita para sa kabuuan ng pag-aaral.

Ang pagliban naman ay binibigyan ni Vian (2005) ng depenisyon na hindi

pagpapakita sa trabaho kahit na wala namang balidong dahilan o nagtratrabaho ng

Page 19: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

19 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

kulang sa takdang oras, habang sinuswelduhan ng buo gaya ng pagtratrabaho ng husto

sa oras. Ayon naman kina Ricks, Ginn, at Daughtrey (1995), maliban sa hindi pagpasok

sa trabaho, nabibilang sa depinisyon ng pagliban ang katamaran, pag-alis ng maaga,

pag-alis at pagbalik sa trabaho sa loob ng iisang shift at hindi pagpasok sa mga araw

na nagboluntaryo ang empleyadong pumasok. May mga pagkakataon rin namang

naiiskedyul ang pagliban, kabilang dito ang funeral leave, pagbabakasyon, military

leave at pagkakaroon ng dinaramdam sa katawan. (Ricks, Ginn, Daughtrey, 1995).

Sa pananaliksik na ito, nililinaw na pumapatungkol lamang ang pagliban sa hindi

pagsipot sa trabaho kabilang ang mga araw na nagboluntaryo sana itong pumasok at

hindi na ikokonsidera pa ang ibang nabanggit na uri ng depinisyon ng pagliban

sapagkat ito ay maituturing na ibang uri na nang pagliban, minsan ay tinatawag na

presenteyismo, at hindi na layuning pag-usapan pa dito.

Mula na din sa mga depinisyong nabanggit, sa pag-aaral na ito ay titignan bilang

isang porma ng korapsyon ang pang-aabuso sa ibinibigay na benepisyong sick leave

na kalaunay ginagamit na kasangkapan upang lumiban. Ngunit kaugnay nito, higit

naisinasaalang-alang na ang mga dahilan kung bakit ginagawa ang pang-aabuso ay

mahalaga sa paggawa ng aksyon ng mga kasangkot. Kung kaya naman, mahalagang

bigyan ito ng pansin.Sa pagtukoy ng mga ito, inaasahang maisasaayos ang

benepisyong sick leave upang maiwasan ang pang-aabuso na isa sa nagdudulot ng

korapsyon sa gobyerno.

Upang higit na maunawaan ang koneksyon ng bawat isa, maaaring tunghayan

ang dayagram na nasa ibaba.

Dayagram #01: Ipinapakita ang relasyon ngmga dahilan o saloobin, pang-aabuso,benepisyong sick leave,pagliban at korapsyon.

Mga dahilan o saloobin

Pang-aabuso

Benepisyong Sick Leave

Pagliban Korapsyon

Page 20: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

20 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Resulta

Mula sa pag-aaral na ito, napag-alaman na karamihan sa mga nakapanayam ay

naniniwala na hindi pang-aabuso ang paggamit ng benepisyong sick leave upang

makaliban kahit pa wala naman talaga silang sakit. Sa kanilang palagay, ibinigay ito

bilang benepisyo na magagamit nila para makaliban anuman ang kanilang dahilan.

Ang paggamit sa maling paraan ng sick leave ayhindi nila itinuturing na pang-

aabuso sapagkat hindi naman sila lumiliban ng higit sa tatlong araw ng dire-diretso o sa

madaling salita ay hindi naman sila sumusobra sa takdang bilang na ibinigay. Pinipili din

nila na mag switch, o gumamit ng sick leave imbis na vacation leave, na siyang sa

palagay nila ay katanggap-tanggap na gawi, dahil sa mga teknikal na suliranin gaya ng

pangangailangan na mag-file ng aplikasyon sa paggamit ng vacation leave tatlong araw

o higit pa bago lumiban. Dagdag pa dito, higit na mainam itong gawin para sa kanila

kaysa naman sa hindi mag-file ng leave sa kanilang pagliban na magiging dahilan

upang mabigyan sila ng parusa na siya namang kanilang iniiwasan. Maliban dito, isa rin

sa mga nakakadagdag na dahilan ang ginagawang hindi pagpuna ng administrasyon sa

mga malilit na kaso gaya nito.

Pananaw ng Kawani #1: Hindi sobra sa bilang kung kaya’t walang pang-aabuso

Ayon sa mga panayam, napag-alaman sa pag-aaral na ito na isa sa sukatan ng

mga empleyado upang masabing mayroong pang-aabuso ay ang bilang ng ginagamit

na sick leave. Nabanggit kanina na sa isang taon ay mayroong pribilehiyo sa 15 araw

na sick leave ang bawat isang empleyado. Mula sa bilang na ito, wala sa mga

nakapanayam ang mayroong sumobrang bilang na nagamit na sick leave. Kung kaya

naman nasabi nila na hindi nila inaabuso ang benepisyong ito. Dagdag pa rito, sa

katunayan ay sinasabi ng karamihan na iniipon pa nila ang sick leave hanggang maaari

dahil sa money value nito. Kung kaya naman, kung ginagamit man nila paminsan-

minsan ang sick leave, anuman ang dahilan, hindi matatawag na pang-aabuso ito. Sa

pagkakataong ginagamit naman ito, hindi naman higit sa tatlong araw na sunod-sunod

ang kanilang naging pagliban, ayon na rin sa patakaran ng opisina. Ang minimal

Page 21: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

21 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

napaggamit nito sa 1-3 araw ay itinuturing na hindi naman masama kahit wala silang

sakit dahil ito ay para naman sa mga hindi inaasahang lakad. Ang problemang ito ay

konektado sa ikalawang pananaw na nasa sunod na talata.

Pananaw ng Kawani #2: Dahil sa mga teknikal na suliranin kung kaya may

switching

Tulad ng nabanggit kanina, madalas daw nangyayaring magamit ang sick leave

dahil sa mga di inaasahang lakad kung saan kinakailangan nilang lumiban. Sa ganitong

pagkakataon, hindi maaaring magamit ang ibang uri ng leave gaya ng vacation leave

para sa mga paglibang ito dahil nangangailangan ito ng mas matagal na proseso ng

aplikasyon. Hindi gaya ng sick leave na maaaring mag-aplay matapos na ang pagliban,

hindi praktikal nang gamitin ang iba pang uri ng leave. Dahil sa kawalan ng pagpipilian,

nagaganap ang switching kung saan iniaaplay ng empleyado ang sick leave para sa

kanyang naging pagliban kahit hindi talaga ito ang dapat niyang gamitin. May

koneksyon din ito sa susunod na pananaw ng empelyado na susunod na tatalakayin.

Pananaw ng kawani #3: Iwas parusa ang ganitong gawain

Tulad ng naisalarawan kanina, napipilitan ang mga empleyado na mag-switch ng

kanilang mga leave sa kabila ng hindi tamang rason kung bakit ito ginagamit. Isa sa

pinaka prominenteng dahilan nito ay ang pag-iwas sa parusa. Higit na makabubuti para

sa mga empleyado na mag-file ng sick leave kahit pa wala silang sakit upang hindi na

rin mabigyan ng parusa gaya ng suspensyon o kaltas sa sweldo. Maliban dito, maaari

din itong magdulot sa kanila ng kahihiyan kung mapadalhan man sila ng memorandum

o ipatawag sa opisina ng hepe dahil sa pagliban ng walang karampatang dahilan o hindi

pag-file ng leave. Kung kaya naman, karamihan sa mga empleyado ay naniniwalang

mas mabuti itong gawin kaysa maparusahan pa sila.

Pananaw ng kawani #4: Hindi naman ito pinupuna ng adminstrasyon

Page 22: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

22 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Ayon na din sa mga nakalap na datos, napag-alaman na naniniwala ang

karamihan na hindi nalalaman ng administrasyon ang ganitong mga pangyayari o kung

umaabot man sa kanilang kaalaman ito ay kusa na lamang nila itong inuunawa dahil na

rin marahil sa problemang teknikal. Nakadaragdag din sa nangyayaring pagsasawalang

bahala ang pagiging maliliit ng mga kasong ito. Sa pananaw rin ng administrasyon, ang

switching ay hindi kasama sa mga maituturing na pang-aabuso ng benepisyong sick

leave dahil ang para sa kanila ay ito ay ang pandaraya sa pagpapasa ng mga

dokumento gaya ng medical certificate upang makagamit ng sick leave.

Maliban sa mga pananaw na nabanggit, mayroon pang mga pailan-ilang dahilan

ang mga empleyado kung bakit nagaganap ang maling paggamit sa benepisyo. Ang iba

pang dahilan na nabanggit ng karamihan ay ang pagkaubos ng vacation leave,

problema sa mga katrabaho at ang paggamit sa sick leave upang makaiwas sa iba’t

ibang bagay.

Gayunpaman, kahit sinasabi ng karamihan sa kanila na walang pang-aabuso,

mayroon din naman sa kanila ang alam na mayroong mali sa paraan ng paggamit ng

sick leave. Ang nangyayari nga lamang ay naisasantabi na ito dahil sa palagay nila ay

ayos lamang ito dahil na rin sa mga nabanggit na kadahilanan sa itaas. Sa kabila nito,

mahalagang malaman na ito ay di naman nila nais gawin kundi napipilitan lamang sila

dahil na rin sa kanilang sitwasyon sa lipunan.

Analisis

Mahalaga ang pagpopokus sa mga kadahilanan ng pang-aabuso ng

benepisyong ito dahil sa pamamagitan nito, maitatama ang mga hindi kanais-nais na

gawi ng mga empleyado sa kanilang trabaho maging ang mga relasyon nila sa kapwa

katrabaho, maitataas ang moral nila at inaasahang magiging daan ito upang magkaroon

ng magandang trabaho sa opisina. Maaari rin itong makapagbigay proteksyon sa

empleyado sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman ukol sa wastong paggamit nito

at nang hindi sila mawalan sa bandang huli, maaaring sa paraang suspension o hindi

Page 23: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

23 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

makatanggap ng suweldo dahil sa pang-aabuso nito. Dagdag pa dito, ang pag-aaral sa

mga dahilan ng pang-aabuso ay mahalaga sapagkat makapagbibigay linaw ito upang

huwag abusuhin ang nasabing benepisyo sapagkat maganda ang hangarin nito sa una

pa lamang. Ang pribilehiyong ito ay dapat gamitin sa tama at wastong paraan at hindi

sa kahit anong dahilan lamang na nais ng empleyado.

Kung maaalala, nakalap ang datos sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga

empleyado ng gobyerno sa isang piling ahensya. Ang ganitong disenyo ng pag-aaral ay

kilala sa tawag na case study at layuning kumalap ng datos sa interpretatibong

pamamaraan kung saan inunawa ang saloobin ng mga kausap upang higit na

mabigyang linaw ang kanilang mga dahilan sa kanilang mga aksyon. Pagkakuha sa

mga panayam ay pinili ang mga mahahalagang datos at inorganisa ito upang maging

madali ang pag-unawa sa mga ito. Mula dito ay nakabuo ng mga resulta kung saan

kinuha ang diskusyon sa bahaging ito.

Sa pamamagitan ng mga ginamit na pamamaraan sa pagkolekta at pag-analisa

ng datos, maraming mahalagang impormasyon ang napag-alaman mula sa mga

empleyado ng gobyerno. Mula sa mga nakalap na datos, nalaman sa pag-aaral na ito

ang mga kadalasang dahilan at pananaw ng mga empleyado ng gobyerno ukol sa

pang-aabuso ng benepisyong sick leave. Ang mga ito ay paniniwalang hindi pang-

aabusong maituturing ang maling paggamit sa benepisyong sick leave at ang sukatan

upang masabing mayroong pang-aabuso ay ang bilang ng mga ginamit na sick leave.

Dagdag pa dito, naniniwala ang karamihan na katanggap-tanggap ang nangyayaring

switching, o pagpapalit-palit ng gamit ng mga leave lalo na at hindi naman ito pinupuna

ng administrasyon. Samantala, ang switching naman ay sinasabi ng karamihan na hindi

maiiwasan dahil sa mga teknikal na problemang kanilang kinakaharap tulad ng tagal ng

proseso ng aplikasyon upang makagamit ng ibang uri ng leave. Dagdag pa rito,

nagiging daan din ito upang makaiwas sa parusa ang mga empleyado dahil sa kanilang

mga pagliban.

Page 24: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

24 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Ang mga nabanggit na dahilan at pananaw ng empleyado ay hindi maitatangging

konektado sa bawat isa. Lahat ng ito ay mga paniniwalang nakakaapekto kung bakit

nangyayaring maging katanggap-tanggap sa mga empleyado ang nangyayaring maling

paggamit ng benepisyong sick leave. Sa kabila naman ng pagiging katanggap-tanggap

ng ganitong pangyayari, hindi naman nawawala sa kanilang kamalayan na mayroong

mali sa paggamit ng nasabing benepisyo. Gayunpaman, dahil sa sitwasyon nila, tila ba

napipilitan na lang silang gawin na paniwalaan at tanggapin sa kanilang sarili na walang

problema sa bahagi ng paggamit ng sick leave.

Ang pagtingin ng empleyado na hindi pang-aabuso ang maling paggamit sa

benepisyong sick leave ay maaaring dahilan ng kasalukuyang sitwasyon kung saan

wala sila halos mapagpipilian kundi ang paniwalaang ayos lamang ito kaysa naman

usigin sila ng kanilang kunsensya. Isa pa, hindi rin naman tuwirang binabanggit at

pinupuna ng administrasyon ang ganitong kaso kung kaya naman ang nangyayari ay

hindi naitatama ang ganitong gawain. Sa halip, nagiging dahilan pa ito upang isipin ng

empleyado na hindi ito masama.

Samantala, ang pananaw naman ng empleyado na ang batayan sa pagsasabi

kung pang-aabuso na ba o hindi ang kanilang aksyon ay ang bilang ng mga ginamit na

sick leave ay maaaring dahil na rin sa maging ang administrasyon ay limitado ang

depinisyon at pang-unawa ukol sa pang-aabuso. Maaari rin namang malawak ang

kanilang pang-unawa ngunit sadyang naisasantabi ang usapin na ito dahil sa kung

ituring ito ay maliit na usapin lamang.

Dahil na rin sa mga teknikal na problema, na siya namang hindi na kontrolado ng

mga empleyado, ay nakitang napipilitan silang mag-switch ng kani-kanilang leave. Dahil

nga sa posisyon ng administrasyon na hindi ito gaaanong nabibigyan ng pansin, ang

mga teknikal na suliranin gaya ng tagal ng proseso at ang mismong proseso ang

nagiging dahilan pa kung bakit napipilitang gumawa ng maling mga hakbang ang mga

empleyado. Sa halip na ang mismong mga proseso ang tumiyak sa kawastuhan ng

Page 25: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

25 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

mga aplikasyon, lumalabas na ito pa ang nagiging sanhi upang magkaroon ng mga

panibagong mga suliranin na kailangang mabigyan din ng solusyon.

Gayundinaman, sa bahagi ng switching ay tila ba nagbubulug-bulagan din ang

bahagi ng administrasyon sa mga pangyayaring ganito. Hindi rin ito kasama sa

konsepto na limitadong depinisyon ng pang-aabuso ng sick leave. Dagdag pa, natural

na iniiwasan ng tao ang anumang parusa o kabawasan sa kanyang bahagi. Kung kaya

naman ay napipilitan silang gawin ang switching kaysa sa mabigyan sila ng parusa.

Kongklusyon at Rekomendasyon

Bilang paglalagom, napag-alaman sa pananaliksik na ito ang mga kadalasang

dahilan ng mga empleyado sa pampublikong sektor kung bakit nagkakaroon ng pang-

aabuso sa benepisyong sick leave. Ilan sa pinaka madalas na dahilan ay ang pananaw

na hindi pang-aabuso sa benepisyo ang maling paraan ng paggamit nito, ang pagiging

batayan ng mga empleyado na ang bilang ng mga ginamit na sick leave ang nagdidikta

kung mayroong pang-aabusong nagaganap kung saan ang 1-3 araw na pagliban at

paggamit ng sick leave kahit walang sakit ay nagiging katanggap-tanggap, ang pagiging

katangap-tanggap din ng switching o paggamit ng sick leave bilang kapalit ng iba pang

uri ng leave, mga teknikal na problema gaya ng tagal ng proseso ng aplikasyon upang

makagamit ng mga benepisyong leave at ang hindi pagpuna ng administrasyon sa

maliliit na kasong gaya nito. Maliban dito, ang ilan pang dahilan ay pagkaubos ng

vacation leave, pangangailangan na lumiban ng panandalian na nagreresulta naman sa

switching, mga problema sa trabaho at iba pang mga personal na dahilan.

Pinilit din na makapagbigay ng inisyal na kaalaman ukol sa kasalukuyang

sitwasyon at kung gaano na kalaganap ang penomenon na ito. Ayon sa nakalap na

datos, sinasabi ng karamihan na hindi malala ang sitwasyon ng pang-aabuso dahilsa

pangangailangan ng mga kaukulang dokumento, pagiging responsable ng ilang mga

opisyal sa pagpayag na makagamit ng benepisyo ang isang empleyado at dahil na rin

sa mga polisiyang ipinapatupad ng opisina. Katunayan nito, pinipilit pa nga ng mga

Page 26: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

26 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

empleyado na ipunin ang SL dahil sa money value nito o katumbas na pera nito kung

hindi ito magamit at maipon hanggang sa magretiro.

Gayunpaman, mayroon din naman na nagsasabing laganap na ito sa paraang

mali ang paggamit ng SL dahil na rin sa switching. Nagaganap ang switching sa

pamamagitan ng paggamit ng sick leave bilang kapalit sa ibang uri ng leave, kadalasan

dahil sa mas mabilis at mas madali ang proseso na kailangan pagdaanan upang

makagamit nito.Hindi makakaila ang switching na nagaganap lalo na para sa isa o

dalawang araw na pagliban na siya namang hindi nila itinuturing na pang-aabuso na.

Kung switching ang pagbabasehan, masasabi na may kalalaan na ang sitwasyon

sapagkat madalas talaga itong nagaganap at lahat sa mga nakapanayam ay ginagawa

ito. Isa rin sa mga nakapanayam ay aminado na nasa malalang sitwasyon ito. Mula rito,

masasabing nakakaalarma na rin ang kasalukuyang sitwasyon ng pang-aabuso ng sick

leave. Ito ay sapagkat nalalaman ng mga empleyado ang pangyayaring tulad nito ngunit

kadalasan ay ayaw nilang aminin sa kanilang sarili ang kanilang ginagawang mali at

pagkukulang. Sa halip, ang kanila pang ginagawa ay sinasabing hindi pa ito laganap sa

kasalukuyan.

Maliban dito, inalam din ang kahalagahan ng pag-aaral at pagbibigay pokus sa

mga dahilan ng pang-aabuso ng nasabing benepisyo ayon na rin sa mga nakalap na

datos sa buong pag-aaral. Sinasabing mahalaga ito sapagkat makatutulong ito na

pagbutihin pa ang kasalukuyang gawi ng mga empleyado sa trabaho at nang maitama

rin ang maling paraan ng paggamit nila sa benepisyoSa pamamagitan nito, maitatama

ang mga hindi kanais-nais na gawi ng mga empleyado gaya nang relasyon nila sa

kapwa katrabaho, maitataas ang moral nila at inaasahang magiging daan ito upang

magkaroon ng magandang trabaho sa opisina. Maaari rin itong makapagbigay

proteksyon sa empleyado sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman ukol sa

wastong paggamit nito at nang hindi sila mawalan sa bandang huli, maaaring sa

paraang suspensyon o hindi makatanggap ng suweldo dahil sa pang-aabuso nito.

Dagdag pa dito, ang pag-aaral sa mga dahilan ng pang-aabuso ay mahalaga sapagkat

makapagbibigay linaw ito upang huwag abusuhin ang nasabing benepisyo sapagkat

Page 27: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

27 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

maganda ang hangarin nito sa una pa lamang. Ang pribilehiyong ito ay dapat gamitin sa

tama at wastong paraan at hindi sa kahit anong dahilan lamang na nais ng empleyado.

Hindi rin isinantabi ang pangangailangan na makapagbigay ng mga suhestyon

ukol sa mga aksyong maaaring gawin upang maiwasan na ang pang-aabuso sa

hinaharap. Ilan dito ay ang pagpapaigting ng pagpapakalat ng tamang impormasyon sa

mga empleyado sa pamamagitan ngpagbibigay ng seminaro anumang paraan upang

higit na lumawak ang kaalaman ng mga empleyado ukol sa wastong paggamit ng

benepisyong sick leave. Makatutulong rin ang pagkakaroon ng mga aktibidad na

makakapag motivate sa kanila upang higit silang ganahan sa trabaho at maiwasan ang

hindi magandang mga gawi sa trabaho. .

Angpagsuri sa kasalukuyang mga polisiya ng pagpapatupad ng benepisyotulad

ng pagsuri sa kasalukuyang mga parusa, pagpapaigting dito at pagdagdag sa mga ito

kung kinakailangan ay maaari ring gawin upang hindi lumala ang pang-aabuso ng

benepisyo. Maliban dito, ang mismong aplikasyon o proseso upang makagamit ng

benepisyo ay mahalaga ring masuri dahil ang mga teknikalidad na ito ay kinakitaan ng

butas kung saan nagdudulot pa ito ng maling gawain para sa mga empleyado sa halip

na mapagbuti ang kanilang mga gawi sa trabaho.

Gayundinaman, mainam rin na suriin ang nagaganap na switching upang may

magawang aksyon upang ito ay maiwasan lalo na at madalas itong maganap sa mga

opisina ng gobyerno. Maliban sa mga ito, mayroon ding mahalagang dato na nakalap

ang mananaliksik at ito ay ang kaalaman ukol sa pananaw ng mga empleyado ng

gobyerno na karamihan sa kanila ay hindi pang-aabuso ang tingin sa ginagawang

switching. Karamihan sa kanila ay matatawag lamang itong pang-aabuso kung

lumagpas sila sa ibinigay na bilang ng SL at hindi kasama dito ang paggamit nito sa

maling paraan

Kung kaya naman, sa bahaging ito ay makabubuti na magkaroon ng isa pang

pokus na pananaliksik ukol sa bahaging ito ng benepisyong sick leave. Mahalaga na

Page 28: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

28 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

malaman kung bakit nagiging katanggap-tanggap sa karamihan ng empleyado sa

pampublikong sektor ang ganitong pagtingin sa paraan ng paggamit ng SL.

Makatutulong din ang pagtutok sa depinisyon ng pang-aabuso ayon na rin sa pananaw

ng mga empleyado dahil sa tingin ng mananaliksik ay nagkakaiba-iba ang lebel nito

depende na rin sa kinakapanayam. Para naman sa bahagi ng mga employer lalo na

ang gobyerno, marahil ay napapanahon na upang suriin ang polisiyang pinapatupad sa

pagbibigay ng benepisyong sick leave at maging ng iba pang benepisyo gaya ng

vacation leave na madalas maka-switch ng SL. Makatutulong ito upang maiwasan ang

pang-aabuso lalo na at marami ang gumagawa ng switching sa bahagi ng publikong

sektor.

Page 29: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

29 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Talasanggunian: Azfar, O. (n.d.). Corruption and the Delivery of Health and Education Services.

Retrieved July 18, 2011, from www.usaid.gov/our_work/democracy_and.../ac/.../IRIS.doc

Emery, M. (2010). The Innovation Journal: The Public Sector Innovation Journal,

Volume 15 (1), Article 6. When the Cure is the Cause: The Turnover and Absenteeism Problems. Retrieved July 12, 2011, from www.innovation.cc/scholarly-style/emery_absenteeism_6_rev6.pdf

Garcia-Prado, A & Chawla, M. (2006, March). Health Policy Plan.The Impact of

Hospital Management Reforms on Absenteeism in Costa Rica. Retrieved July 18, 2011, from http://heapol.oxfordjournals.org/content/21/2/91.full

Gregersen, W. F. (1998, April). Analysis of Sick Leave Usage in El Paso Fire

Department. Retrieved August 8, 2011, from www.usfa.dhs.gov/pdf/efop/efo28244.pdf

Jardiniano, P.F. (1994). Public Accountability of Local Officials and Employees. Manila:

Mary Jo Educational Supply. Jordaan, B. (n.d.). Managing Sick Leave Abuse. Retrieved August 8, 2011, from

www.saslaw.org.za/papers/ec/BarneyAbsenteeism.ppt Mahmood, S.A.I. (n.d.). Public Health Care System in Bangladesh: The Role of Public

Administration (Working Paper). Retrieved July 18, 2011, from http://iussp2009.princeton.edu/download.aspx?submissionId=91386

Mangahas, M. (2010). Transparent Accountable Governance: The 2009 SWS Surveys

on Corruption. Retrieved July 28, 2011, from www.sws.org.ph/2009%20SWS%20Surveys%20of%20Enterprises_18Feb10.pdf

Munro, L. (n.d.). Absenteeism and Presenteeism: Possible Causes and Solutions.

Retrieved July 7, 2011, from http://www.sar.org.za/index.php/sar/article/download/76/82

Neuman, W. L. (2007). Basics of Social Science Research: Qualitative and Quantitative

Approaches (2nd Ed.). USA: Pearson Education, Inc. Ricks, B. R., Ginn, M.L., & Daughtrey, A. S. (1995). Contemporary Supervision:

Managing People and Technology (2nd Ed.). USA: Mc Graw-Hill Inc. Savedoff, W. D. (2007, May). Transparency and Corruption in the Health Sector: A

Conceptual Framework and Ideas for Action in Latin America and the Caribbean

Page 30: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

30 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

(IDB Working Paper). Washington DC: IDB. Retrieved July 18, 2011, from http://idbdocs.iadb.org/wsdocs/getdocument.aspx?docnum=991508

Vian, T. (Ed.).(2005). Corruption in Hospitals.Corruption in Hospital Administration. Retrieved July 7, 2011, from www.bu.edu/actforhealth/actforhealth04/Part 1_3_corruption inhospitals.pdf

Vian, T. (2002, November).Sectoral Perspectives on Corruption.Corruption and the Health Sector. Retrieved July 18, 2011, from http://cadep.ufm.edu/Seminarios/SeminarioEconomia5/Lecturas/07%20Corruption%20and%20the%20Health%20Sector.pdf

Page 31: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

31 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Apendiks

Apendiks 1

Free Prior Informed Consent (FPIC)

________, 2011

Monica E. Esmane BA Agham Pampulitika Unibersidad ng Pilipinas Maynila

_______________________ _______________________ _______________________

Minamahal na Ginoo/ Ginang,

Magandang araw po sainyo!

Ako po si Monica Enebrad Esmane, isang estudyante ng Unibersidad ng

Pilipinas Maynila, kasalukuyang kinukuha ang kursong B.A. Agham Pampulitika at nasa

ika-apat na taon na ng pag-aaral. Lumalapit ako sainyo dahil sa isang

pangangailangan. Upang matapos ang nasabing kursong kinukuha, kinakailangan

makapagsumite ng isang saliksik o seminar paper sa asignaturang Agham Pampulitika

198. Kung kaya naman, nabuo ang isang mungkahi ng paksa ukol sa “Benepisyong

Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?”.Ang paksang ito ay

naapruba at ngayon ay ipinupursige bilang pangunahing isyu ng saliksik. Nagtataglay

din ito ng sekondaryang mga layunin na nais sagutin at ito ay ang kahalagahan ng

gagawaing pag-aaral, ano ang kasalukuyang sitwasyon ng pang-aabuso nito sa

Pilipinas at ano ang maaaring gawin upang ito ay maiwasan.

Sa pagsasagawa nito, kinakailangan ng mga datos upang mabigyang kasagutan

ang mga inilahad na katanungan. Sa pagkakataong ito ay kinakailangan ang inyong

taos-pusong kooperasyon. Ito ay dahil inaasahan na kayo ay may sapat na kaalaman

na siya namang gagamitin sa pag-aaral. Kaakibat ng sulat na ito ay isang kopya ng

gabay para sa mga Key Informant Interviewees. Kung mapipiling makiisa sa gagawaing

bahagi ng pag-aaral, pipilitin ng mananaliksik sa abot ng makakaya nito na protektahan

ang karapatang pantao at kaligtasan ng sinumang makikiisa sa pag-aaral. Ito ay

Page 32: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

32 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

sakadahilanang nalalaman na sensitibo ang paksang nais pag-usapan. Magagawa ito

sa pamamagitan ng pagtatago ng inyong identidad at pagpapanatiling pribado ng

anumang inyong ibigay na pahayag. Ibig nitong sabihin ay walang sinuman maliban sa

inyo at sa mananaliksik ang magkakaroon ng kaalaman sa inyong pagkatao at sa

inyong mga ibinigay na pahayag. Ito ay upang maiwasan ang anumang hindi kanais-

nais na epekto ng pagkalat ng impormasyon. Sa katapusan ng buong pag-aaral ay

pipilitin din kayong mabigyan ng kopya ng naging resulta nito upang makumpirma din

ninyo kung tama ba o mali ayon sa inyong pananaw ang kinalabasan. Mananatili na

ang nasabing kopya bilang pansarili ninyong pag-aari matapos ang pag-aaral bilang

pagtanaw na rin ng pagpapasalamat sa inyong pakikiisa.

Ang nasabing Key Informant Interview(KII) na nais gawin ng mananaliksik ay

gagamit ng video o voice recording, depende sa inyong pagsang-ayon, bilang

kasangkapan upang maidokumento ang kabuuan ng magiging panayam. Inaasahang

humigit kumulang 15 minuto magtatagal ang buong pag-uusap. Ito ay kakapalooban ng

mga open-ended questionskung saan maaaring magbigay ang mananaliksik ng mga

follow-up questions o kasunod na mga katanungan maliban sa mga nakatala sa gabay

upang higit na mas maging malinaw ang mga impormasyong nais malaman ng

mananaliksik.

Sa bahaging ito ay maaari po lamang na itiman ninyo ang bilog sa ibaba na

magpapahayag ng inyong saloobin ukol sa pagsang-ayon o di pagsang-ayon na

makiisa sa pag-aaral:

Sumasang-ayon ako sa mga nasabing patakaran ng gagawaing pag-aaral at

nais ko na maging bahagi nito. Ang pag itim ko sa bilog ay magsisilbi din na patunay na

walang sinuman ang pumilit sa akin upang sumali sa nasabing saliksik.

Hindi ako sumasang-ayon na makiisa sa saliksik. Ito ay sa kadahilanang

________________________________.

________________________________

Pangalan at lagda ninyo

Marami pong salamat sa oras ninyo na inilaan upang basahin ang sulat.

Patnubayan nawa kayo ng Lumikha at patuloy na pagyamanin Niya!

Lubos na Nagpapasalamat,

Fatima Alvarez Castillo Monica E. Esmane Tagapamatnubay Mananaliksik Agham Pampulitika Ika-apat na taon, B.A. Agham Pampulitika

Page 33: Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso …

33 Benepisyong Sick Leave: Bakit Nagaganap ang Pang-Aabuso Nito?

Apendiks 2

Gabay para sa Key Informant Interview Mga pangunahing katanungan na nais itanong sa makakapanyam: I. Para sa batayan ng kalahok (criteria)

1. Ano po ang inyong buong pangalan? (opsyonal) 2. Anong departamento kayo ngayon nakatalaga? 3. Ano ang inyong posisyon? 4. Mayroon na bang dalawang taon na kayo ay nasa posisyong nabanggit? 5. Nakagamit na ba kayo ng sick leave sa buong panahon na nanungkulan kayo bilang empleyado ng gobyerno?

II. Mga kaalaman ukol sa sick leave

1. Ano ang prosesong kailangan daanan upang makapag-aplay at makagamit ng benepisyo? 2. Saang mga departamento ito daraan? 3. Sino ang mga personalidad na daraanan ng aplikasyon at ano ang kanilang aytem? 4. Gaano katagal ang proseso ng aplikasyon kadalasan?

III. Pokus na mga katanungan

1. Tingin nyo ba ay mayroong nagaganap na pang-aabuso sa benepisyong sick leave sa mga opisina ng gobyerno? 2. Kung mayroon, bakit kaya inaabuso ang benepisyong ito? a. Sa inyong palagay, nakakaapekto ba ang pamilya?

b. O di kaya naman ay edad at kasarian? 3.Ano ang maaaring pagkukulang kung bakit ito nagaganap? 4. Ano ang kasalukuyang sitwasyon nito o gaano kalala ito? 5. Ano ang mga kasalukuyan aksyon na ginagawa ng inyong opisina upang ito ay maiwasan? 6. Maliban sa mga ginagawang aksyon ng inyong opisina, ano pa ang maaaring gawin upang maiwasan ang pang-aabuso? 7. Ano ang kahalagahan ng pagbibigay importansya sa isyu ng pang-aabuso ng benepisyong ito?