Batas Militar, Reaction Paper

4
 1 Ocampo, Paolo Vincent G. (2012-62600) Reaksyong Papel Isang Panahon ng Kadiliman, Pinagmulan ng Lakas Sambayanan Mayroon mga mabubuting at hindi mabubuting pangyayari o panahon na bumuo sa kasaysayan ng ating bansang Pilipinas.. Isang dokumentaryo na ginawa ng  Foundation  for Worldwide People Power  ang nagpakita ng isang panahong, itinuturing ng karamihan, hindi talaga naging mabuti para sa ating bansa. Ang panahong ito, na naging pamagat at  pakay din ng dokumentaryo, ay ang Batas Militar. Ang Batas Militar na idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ay resulta ng kanyang nais na manatili ang kanyang bilang pinuno ng bansa. Noong 1969, inihalal si Marcos sa kanyang ikalawang termino bilang Pangulo. Ayon sa konstitusyon, hanggang dalawang termino o walong taon lamang pwedeng tumakbo ang isang pangulo. Nang malaman ito ni Marcos, naghanap siya ng paraan para hindi siya mawalan ng kapangayarihan at nakaisip siya ng dalawang paraan. Ang una ay ipalit ang sistema ng  pamahalaan sa parlyamentaryo. Sa tulong nito, kung dadating ang oras na hindi na magiging pangulo si Marcos, magiging pinuno pa rin siya pero bilang  prime minister.  Ang ikalawa naman ay pagdeklara ng  Martial Law o Batas Militar. Ang taong 1971 ay naging panahon para sa kampanya ng mga nais na maging senador. Dalawang partido ang naglaban para makuha ang posisyon sa senado. Ang una ay ang Partidong Nacionalista, ang partido ni Marcos at ang pangalawa ay ang Partidong Liberal, ang partido ni Benigno Aquino, ang kanyang karibal, na isa sa mga kandidato.  Noong Agosto 21, naganap ang kampanya ng Partidong Liberal sa Plaza Miranda. Pagkalipas ng ilang oras, nagkaroon ng pagsabog dito at nasugatan ang mga Liberal na kandidato maliban kay Aquino. Siya ay papunta lamang sa lugar nang nangyari ang  pagsabog. Dahil dito, marami ang nagsabi na nakipag-ugnayan si Aquino sa mga Komunista para maganap ang pagsabog. Marami rin ang nagsabi na ito ay utos at gawa ni Marcos. Ang mga pinapaniwalaang dahilan ay nais ni Marcos na itanim sa isip ng mga mamamayan ang takot at kaguluhan na magiging basehan niya sa pagdeklara ng batas militar. Nang naganap na ang halalan para sa senado lahat ng nasa ilalim ng Partidong Liberal ang nanalo.

description

Reaction paper tungkol sa isang documentary

Transcript of Batas Militar, Reaction Paper

Ocampo, Paolo Vincent G. (2012-62600)Reaksyong Papel

Isang Panahon ng Kadiliman, Pinagmulan ng Lakas Sambayanan

Mayroon mga mabubuting at hindi mabubuting pangyayari o panahon na bumuo sa kasaysayan ng ating bansang Pilipinas.. Isang dokumentaryo na ginawa ng Foundation for Worldwide People Power ang nagpakita ng isang panahong, itinuturing ng karamihan, hindi talaga naging mabuti para sa ating bansa. Ang panahong ito, na naging pamagat at pakay din ng dokumentaryo, ay ang Batas Militar. Ang Batas Militar na idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ay resulta ng kanyang nais na manatili ang kanyang bilang pinuno ng bansa. Noong 1969, inihalal si Marcos sa kanyang ikalawang termino bilang Pangulo. Ayon sa konstitusyon, hanggang dalawang termino o walong taon lamang pwedeng tumakbo ang isang pangulo. Nang malaman ito ni Marcos, naghanap siya ng paraan para hindi siya mawalan ng kapangayarihan at nakaisip siya ng dalawang paraan. Ang una ay ipalit ang sistema ng pamahalaan sa parlyamentaryo. Sa tulong nito, kung dadating ang oras na hindi na magiging pangulo si Marcos, magiging pinuno pa rin siya pero bilang prime minister. Ang ikalawa naman ay pagdeklara ng Martial Law o Batas Militar. Ang taong 1971 ay naging panahon para sa kampanya ng mga nais na maging senador. Dalawang partido ang naglaban para makuha ang posisyon sa senado. Ang una ay ang Partidong Nacionalista, ang partido ni Marcos at ang pangalawa ay ang Partidong Liberal, ang partido ni Benigno Aquino, ang kanyang karibal, na isa sa mga kandidato. Noong Agosto 21, naganap ang kampanya ng Partidong Liberal sa Plaza Miranda. Pagkalipas ng ilang oras, nagkaroon ng pagsabog dito at nasugatan ang mga Liberal na kandidato maliban kay Aquino. Siya ay papunta lamang sa lugar nang nangyari ang pagsabog. Dahil dito, marami ang nagsabi na nakipag-ugnayan si Aquino sa mga Komunista para maganap ang pagsabog. Marami rin ang nagsabi na ito ay utos at gawa ni Marcos. Ang mga pinapaniwalaang dahilan ay nais ni Marcos na itanim sa isip ng mga mamamayan ang takot at kaguluhan na magiging basehan niya sa pagdeklara ng batas militar. Nang naganap na ang halalan para sa senado lahat ng nasa ilalim ng Partidong Liberal ang nanalo.Naganap din sa taong 1971, ang Constitutional Convention para ipalit ang 1935 Konstitusyon. Dahil karamihan sa mga napiling delegado para dito ay nasa panig ni Marcos, binigyan lamang ng pansin ang pagpalit ng sistema ng pamahalaan mula presidensyal sa parlyamentaryo. Bago maipalit ang sistema sa parlyamentaryo, magkakaroon muna ng panahon na tinatawag na transitory period kung saan ang mga kapangyarihang ehekutibo at lehislatibo ay mapupunta sa pangulo ng dating pamahalaan na si Marcos. Karamihan sa mga delegado ay sumang-ayon sa pagbabago ng konstitusyon dahil sila rin ay matatangap ng mga benepisyo mula dito.Setyembre 21, 1972 ang opisyal na pagdeklara ng Batas Militar pero sa Setyembre 23, 1972 lamang idineklara ito ni Pangulong Marcos sa publiko sa tulong ng mga telebisyon at radyo. Ang kanyang dahilan sa Batas Militar ay para mapanatili ang Republika ng Pilipinas at para mabago ang sistema at kalagayan ng lipunan. Madaling araw pa lamang ng Setyembre 23 ay kumilos na ang mga militar at pulis sa paghanap at paghuli ng mga kaaway ni Marcos. Kasabay nito ang pagkasara ng Kongreso, mga institusyong gumagawa ng mga dyaryo, radyo at telebisyong istasyon. Isa sa mga ginawa ni Marcos sa panahong ito ay ang pagsulong ng New Society. Layunin niya dito ay ang pagkakaroon ng makabagong lipunan na makabubuti sa mga mamamayan. Ilan sa mga utos niya sa ilalim ng New Society ay ang paglansag ng mga pribadong hukbo, pagkumpiska ng mga ilegal na baril at pagkatanggal sa tungkulin ang opisyal sa pamahalaan na nahuli sa korupsyon. Ang pangunahing tampok ng Batas Militar ay ang paggiging makapangyarihan ng militar. Ang bahagi ng nasyonal badyet na para sa mga militar ay lalong tumaas. Ang mga pulis na dati ay nasa pamumuno ng mga mayor ay isinama na sa militar. Lalo silang nakibahagi sa mga buhay ng mga mamamayan dahil sila ay itinuring mas mataas kaysa sa kanila. Kilala sila para sa kanilang karahasan na ginagawa nila sa mga taong hinuhuli nila. Sa panig ng mga mamamayan, sila ay inaabuso na sa kanilang karapatang pantaoBumuo si Marcos ng isang pangkat na naglalaman ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Sila ay tinawag na mga cronies ni Marcos at isang sistema sa negosyo ang lumitaw mula dito na tinawag na crony capitalism. Dahil dito, ang mga nasa pangkat ay nakibahagi at nagmay-ari sa mga ibat-ibang kompanya ng bansa.Noong taong 1981, opisyal na inalis na ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa bansa at muling nagkaroon ng halalang presidensyal. Maraming naniwala na hindi magiging malinis ang halalan. Nagkatotoo ang paniwala nila dahil sa naganap na halalan, nanalo ulit sa Ferdinand Marcos bilang pangulo ng bansa. Walang pinagkaiba ang kanyang ikatlong termino sa kanyang pamumuno sa ilalim ng Batas Militar.Sa mga sumunod na taon, naabot na kay Marcos ang kanyang pagbagsak sa politika. Noong Agosto 21, 1983, pinatay si Benigno Aquino at lalong nagalit ang mga Pilipino dahil naniwala sila na si Marcos lamang ang pwedeng mag-utos nito. Patuloy ang pagtaas sa bilang ng mga protesta laban sa kanyang pamumuno. Noong 1986, nangyari na ang People Power Revolution kung saan nawalan na sa posisyon bilang pangulo si Ferdinand Marcos. Ang pumalit sa kanya ay si Corazon Aquino, ang asawa ni Benigno Ninoy Aquino.Napaka-impormatibo ang dokumentaryo. Nagpakita ito ng mga lumang video ng mga ibat-ibang lugar na nakatulong sa pagpa-unawa kung saan naganap ang mga mahalagang pangyayari. Pinatunayan ng ilang mga video kagaya ng pagdeklara ni Marcos ng Batas Militar, mga larawan at mga dyaryo na ang mga detalyeng sinasabi ng tagapagsalaysay ay tama. Nakatulong ang mga panayam ng ilang mga mahahalagang tao sa panahong ito. Ipinahayag nila ang kanilang mga opinyon tungkol sa isang pangyayari at ipinaliwanag din nila ang ilang mga konseptong magulo at kailangan pa ng mga detalye. Pagkatapos kong panoorin ang dokumentaryo, tinanog ko sa sarili ko ito: ano kaya ang mararamdaman ko kapag nabuhay ako sa panahon ng Batas Militar ni Pangulong Marcos? Takot at kahinaan ang mga sagot ko dito. Takot dahil hindi lang sa pangulo ang dapat mag-ingat kundi sa mga pulis at militar. Sila din ay may kapangyarihan na halos kapantay na ng pangulo. Wala rin silang takot na gawin nila ang sa tingin nila ang tama sa marahas na paraan. Kahinaan dahil mararamdaman ko na mawawala sa akin ang ilang mga karapatang pantao kagaya ng kalayaan sa pananalita. Magiging limitado ang aking mga gawain kung sakali ako ay mabubuhay sa panahong ito.Masasabi ko rin na hindi naging mabuti ang Batas Militar ni Marcos sa ating bansa. Nawala ,sa panahong ito, ang tunay na demokrasya at kalayaan. Walang malinis na halalan ang naganap lalo na sa pagboto ng bagong pinuno kaya nanatili pa din si Marcos sa kanyang posisyon. Malakas ang kontrol ng pangulo at ng militar sa buhay ng mga mamamayan. Inabuso ang ilang mga karapatang pantao nila. Ang mga ginawa ni Pangulong Marcos kagaya ng mga batas na ipinasa niya sa panahong ito ay hindi para sa ikabubuti ng lahat. Ilan lamang ang nakakuha ng benepisyo kagaya ng mga kaibigan at pamilya niya. Inabuso na ng pangulo ang kanyang mga kakayahan kaya hindi na siya pinuri ng mga mamamayan.Dalawang mahalagang aral ang nakuha ko mula sa dokumentaryo. Ang una ay huwag maging sakim sa kapangyarihan sa anumang uri ng pamumuno. Masasabi ako na ito ang nagdulot sa pagkabagsak ni Marcos. Itinuturing ng karamihan na naging maganda ang takbo ng bansa noong sa kanyang unang termino. Pero dahil sa kanyang kagustuhan na maging pinuno pa rin, unti-unting bumaba ang kanyang karangalan nang siya ay namuno pa ng matagal. Mahalaga para sa isang pinuno na malaman niya na may limitasyon din sila at dadating din ang oras, na ang mga sumasailalim sa kanya ay mangangailangan ng bagong pamumuno. Ang pangalawa ay mayroong taglay na lakas sa kaisahan ng mga tao lalo na ang sambayanan. Pinakita ito sa mga madaming protestang nangyari laban kay Marcos at lalo na sa People Power Revolution. Hindi naging hadlang sa mga mamamayan ang pamumuno ni Marcos para ipahayag nila ang anumang nasa isip nila at ipaglaban nila ang kanilang mga karapatan. Dahil din sa kaisahan, nasimulan ang pagkabalik ng kalayaan at demokrasya sa bansa.Naging mahalaga ang Batas Militar sa ating kasaysayan kahit hindi ito talaga naging mabuti para sa bansa. Dahil sa panahong ito, nagbigay ito ng daan tungo sa pagbabago na nagawa ng sambayanang Pilipino. Naipakita nila hindi lang kay Pangulong Marcos kundi sa buong mundo ang kakayahan nila para matupad ang kanilang mga nais para sa kabutihan ng bansa kapag sila ay nagkaisa.

1