Batang Asno - Storybooks Canada · batang ito at nanatiling maliit, marahil ay iba ang lahat. Pero...

22
Batang Asno Batang Asno Lindiwe Matshikiza Meghan Judge Karla Comanda Tagalog Level 3

Transcript of Batang Asno - Storybooks Canada · batang ito at nanatiling maliit, marahil ay iba ang lahat. Pero...

Batang AsnoBatang Asno

Lindiwe Matshikiza Meghan Judge Karla Comanda Tagalog Level 3

Isang batang babae ang unangnakakita ng kakaibang hugis mula samalayo.

2

Habang papalapit nang papalapit anghugis, nakita niyang isa itong babaengnagdadalang-tao.

3

Mahiyain pero matapang, lumapit angbatang babae sa babaengnagdadalang-tao. “Kailangan natinsiyang panatilihin dito,”napagdesisyunan ng mga kababayanng batang babae. “Aalagaan natin angina at anak.”

4

Sa madaling panahon ay lumabas dinang bata. “Tulak pa!” “Kumot!”“Tubig!” “Kaunti na laaaaannnnnggg!”

5

Ngunit nasindak ang lahat nanglumabas ang sanggol. “Isang asno?!”

6

Nagsimulang mag-away ang lahat,“Sinabi nating aalagaan natin ang angina at anak, at iyon ang gagawin natin,”sabi ng iba. “Pero magdadala ito ngkamalasan sa atin!” sabi ng iba.

7

At muli ay mag-isa na naman angbabae. Inisip niya kung ano anggagawin sa kanyang bardagol na anak.Inisip niya kung ano ang gagawin sasarili niya.

8

Pero sa huli ay tinanggap niya na anakniya ang asno at siya ang ina nito.

9

Ngayon, kung hindi nagbago angbatang ito at nanatiling maliit, marahilay iba ang lahat. Pero lumaki nanglumaki ang batang asno hanggang sahindi na ito makarga sa likod ngkanyang ina. At kahit anong gawin niya,hindi nito kayang magpakatao.Madalas ay nararamdaman ng kanyangina ang kapaguran at pagkabigo.Minsan ay pinagagawa niya rito angmga gawaing pang-hayop.

10

Unti-unting umiral ang pagkalito atgalit kay Asno. Hindi siya puwedenggumawa ng ganito at ganyan. Hindisiya puwedeng maging ganito atganyan. Isang araw, tinadyakan niyaang kanyang ina sa sobrang galit.

11

Nakaramdam ng pagkahiya si Asno.Tumakbo siya ng napakabilis paratumakas.

12

Gabi na nang tumigil siya sa pagktakbo,at nawala siya. “Hi haw?” bulong niyasa kadiliman. “Hi Haw?” ulyaw nito.Mag-isa siya. Niyakap niya ang sariliniya na parang bolang mahigpit, atnakatulog siya ng mahimbing atmaligalig.

13

Nagising si Asno at nakita ang isangkakaibang matandang lalake nanakatitig sa kanya. Tumingin siya samga mata nito at nakaramdam ng pag-asa.

14

Nakituloy si Asno sa matandang lalakena siyang nagturo sa kanya ng iba’tibang paraan para mamuhay. Nakinigat natuto si Asno, at gayundin namanang matandang lalake. Nagtulungansila, at nagtawanan sila.

15

Isang umaga, nakiusap ang matandanglalake na dalhin siya ni Asno sa tuktokng isang bundok.

16

Nakatulog sila sa itaas ng bundok,kapantay ang mga ulap.Napanaginipan ni Asno na may sakitang kanyang ina at nananawagan ito.At nang magising siya…

17

…nawala na ang mga ulap kasama ngkanyang kaibigan, ang matandanglalake.

18

Alam na ni Asno kung ano ang dapatgawin.

19

Nakita ni Asno ang kanyang ina, nag-iisa at nagluluksa para kanyangnawawalang anak. Matagal silangtumitig sa isa’t isa. At pagkatapos aynagyakapan sila nang nakapahigpit.

20

Ang batang asno at ang kanyang ina aytumanda nang magkasama atnakahanap ng maraming paraan paramamuhay nang magkaagapay. Unti-unting pumalagay ang mga pamilya sapaligid nila.

21

Storybooks CanadaStorybooks Canadastorybookscanada.ca

Batang AsnoBatang AsnoWritten by: Lindiwe MatshikizaIllustrated by: Meghan Judge

Translated by: Karla Comanda

This story originates from the African Storybook (africanstorybook.org) andis brought to you by Storybooks Canada in an effort to provide children’sstories in Canada’s many languages.

This work is licensed under a Creative Commons Attribution 4.0 International License.