Banghay Aralin SaAraling Panlipunan 10 Ekonomiks

download Banghay Aralin SaAraling Panlipunan 10 Ekonomiks

of 2

description

EkonomiksSemi-Detailed Lesson PlanBanghay Aralin

Transcript of Banghay Aralin SaAraling Panlipunan 10 Ekonomiks

Banghay Aralin sa Ekonomiks IVPolo National High School I. LAYUNIN1. Natutukoy ang mga bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa larangan ng paghahalamanan, pangingisda, paggugubat, at paghahayupan sa ekonomiya at sa bansa2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura3. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang ekonomiya na nakakatulong sa sektor ng agrikultura

II. NILALAMANA. Paksa: Mga Sektor ng Pang Ekonomiya at Mga Patakarang Pang-Ekonomiya NitoB. Konsepto: Sektor ng AgrikulturaC. Balangkas ng Aralin1. Uri ng Sektor ng Agrikultura2. Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura3. Suliranin sa Sektor ng AgrikulturaD. Babasahin: Ekonomiks IV pp. 360-383E. Kagamitan: Modyul sa Ekonomiks, LCD Projector at Laptop

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain1. Pang Araw-araw na Gawaina. Pagdadasalb. Pagbatic. Attendance Checkingd. Checking of Assignments

2. Balik-AralSa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang bola ng mga mag-aaral sa klase, ang mag-aaral na may hawak ng bola sa pagtigil ng tugtog ay sasagot sa katanungan ng guro.Mga tanong:a. Ano ang pag-unlad?b. Anu-ano ang mga antas ng pambansang kaunlaran?c. Ano ang pagkakaiba ng pag-unlad at pag-sulong?

B. Panlinang na Gawain1. PagganyakAng guro magtatanong sa mga mag-aaral ng mga sumusunod na katanungan;a. Ano ang tatlong bagay na pumapasok sa isip mo habang inaawit ang ang Magtanim ay Di Biro?2. TalakayanGamit ang Power Point Presentation, tatalakayin ng guro ang isa sa mga sektor ng ekonomiya, ang agrikultura. 1. Ano ang Agrikultura?2. Ano ang mga uri ng agrikultura?3. Bakit mahalaga ang Agrikultura?4. Ano-anu ang mga suliranin na kinahaharap ng Agrikultura?

C. Pangwakas na Gawain1. Pagpapahalagaa. Paano ka makakatulong sa paglago sa sektor ng agrikultura?

2. Paglalahata. Bakit ang Pilipinas ay tinatawag na bansang agricultural?

3. Paglalapata. Bilang isang mag-aaral, paano ako makatutulong sa pagpapatupad ng mga patakarang pang-ekonomiya tungo sa pambansang pagsulong at pagunlad?

IV. PAGTATAYAPanuto. Isulat kung TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag..1. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng mahigit 3,000 isla sa buong parte ng bansa. MALI2. Napabilang ang bansang Pilipinas sa mga bansang agricultural dahil sa malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang=agrikultura. TAMA3. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahayupan, paghahalamanan, pagaartista at pangingisda. MALI 4. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. TAMA5. Para makabuo ng produkto, kinakailangan ang sektor ng agrikultura para sa mga gagamitin na mga hilaw na materyales. TAMA6. Hindi kabilang ang sektor ng agrikultura sa kitang panlabas. MALI7. Ang agrikultura ay pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. TAMA8. Ang pag-unlad ng bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. TAMA9. Itinuturing na ang Pilipinas sa may pinakamababang tagatustos ng isda sa buong mundo. MALI10. Hindi suliranin ang paggamit ng teknolohiya sa pagsasaka. MALI

V. TAKDANG ARALIN1. Ano ang sektor ng industriya?2. Anu-ano ang mga kinapapalooban sa Sektor ng Industriya?3. Ano ang dalawang pangunahin kahinaan ng sektor ng industriya?

Inihanda ni:_________________________ Ipinasa kay: _____________________________ Mary Joy B. Eduria Mrs. Gloria A. Bonifacio Teacher I AP Head Teacher III