balitang lathalain

9
Internet sa ilalim ng dagat (AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated October 20, 2013 - 12:00am KAHIT sa kalawakan ay meron nang internet tulad ng ginagawa sa International Space Station at nagagamit ng mga astronaut para makapagpadala ng e-mail o kaya makipag-chat (text o video). Hindi rin malayong magkaroon ng internet sa Mars kung sakaling tuluyang makapagpatayo ng kolonya ng tao roon. Pero, kung naging posible ang internet sa kalawakan, bakit hindi puwede sa ilalim ng karagatan dito mismo sa Daigdig? Isang grupo ng mga researcher ng University of Buffalo sa New York ang nag-eksperimento sa pagkakabit ng wi-fi network sa ilalim ng Lake Erie malapit sa Buffalo. Layunin nila rito na makabuo ng wi-fi network sa ilalim ng tubig para magkaroon ng internet sa pusod ng karagatan. Malaking tulong daw ito sa pagtunton sa mga kalamidad na tulad ng tsunami (pati na rin marahil lindol) lalo na sa pamamagitan lang ng mobile phone at computer. Layunin ng kanilang eksperimento na malikha ang isang mapapagkasunduang pamantayan sa komunikasyon sa ilalim ng tubig para maging mas madali ang interaction at data-sharing. Sinasabi pa na, hindi tulad sa normal na wi-fi na gumagamit ng radio waves, ang wi-fi o internet sa ilalim ng dagat ay gumagamit ng sound waves. Nakakapasok naman ang radio waves sa tubig pero limitado lang ang naaabot at ang katatagan. Hindi tulad ng sa sound waves na maraming option na tulad ng ipinapakita ng maraming lamang-dagat tulad ng mga balyena at dolphin. Ayon pa sa mga researcher, maraming buhay ang

description

uri ng balita

Transcript of balitang lathalain

Page 1: balitang lathalain

Internet sa ilalim ng dagat(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated October 20, 2013 - 12:00am

KAHIT sa kalawakan ay meron nang internet tulad ng ginagawa sa International Space Station at nagagamit ng mga astronaut para makapagpadala ng e-mail o kaya makipag-chat (text o video). Hindi rin malayong magkaroon ng internet sa Mars kung sakaling tuluyang makapagpatayo ng kolonya ng tao roon.

Pero, kung naging posible ang internet sa kalawakan, bakit hindi puwede sa ilalim ng karagatan dito mismo sa Daigdig?

Isang grupo ng mga researcher ng University of Buffalo sa New York ang nag-eksperimento sa pagkakabit ng wi-fi network sa ilalim ng Lake Erie malapit sa Buffalo. Layunin nila rito na makabuo ng wi-fi network sa ilalim ng tubig para magkaroon ng internet sa pusod ng karagatan. Malaking tulong daw ito sa pagtunton sa mga kalamidad na tulad ng tsunami (pati na rin marahil lindol) lalo na sa pamamagitan lang ng mobile phone at computer. Layunin ng kanilang eksperimento na malikha ang isang mapapagkasunduang pamantayan sa komunikasyon sa ilalim ng tubig para maging mas madali ang interaction at data-sharing.

Sinasabi pa na, hindi tulad sa normal na wi-fi na gumagamit  ng radio waves, ang wi-fi o internet sa ilalim ng dagat ay gumagamit ng sound waves.  Nakakapasok naman ang radio waves sa tubig pero limitado lang ang naaabot at ang katatagan. Hindi tulad ng sa sound waves na maraming option na tulad ng ipinapakita ng maraming lamang-dagat tulad ng mga balyena at dolphin.

Ayon pa sa mga researcher, maraming buhay ang maliligtas kung ang impormasyon sa mga kalamidad tulad ng tsunami ay agad na malalaman ng sinumang may cell phone  o computer.  Hind malayong mangyari ito dahil, sa kasalukuyan, meron nang nalilikhang mga smart phone na puwedeng ilubog sa tubig nang hindi masisira.

Siguro, kung mapapaunlad pa ito, puwede na ring mag-Facebook o makipag-chat at manood ng video sa YouTube o mag-‘‘surf’’ sa internet habang sumisisid ka sa ilalim ng dagat. Dagdag na libangan na rin sa mga gustong mag-outing sa tabing-dagat. Nagsa-‘‘surf’’ ka na sa malalaking alon sa dagat, nagsa-“surf” ka pa sa internet.

Page 2: balitang lathalain

Maluhong brown rice(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated October 13, 2013 - 12:00am

KAGALAKAN ang naramdaman ko nang mamataan kahapon sa isang tindahan sa palengke sa aming lugar ang isang sako ng brown rice. Sino mang mulat sa kahalagahan ng masustansiyang brown rice sa kalusugan ng katawan ng tao ay tiyak na hindi mag-aatubiling bumili.

Sa hanay ng mga nagtitinda ng bigas, tanging ang tindahang iyon ang napansin kong nagtitinda ng brown rice. Nakadispley ang isang bukas na sako na nakabilad ang brown rice na ipinamamalita ng mga scientist at iba pang mga health expert na mas masustansiyang alternatibo sa white rice. Dahil bihira ang nagtitinda nito, masasabik kang bumili.

Pero napawi ang kagalakang iyon nang mamataan ko ang tag price ng brown rice --- P45 bawat kilo. Sabagay, halos hindi na siya lumalayo sa kasalukuyang presyo ng puting bigas na naglalaro sa P38 hanggang P42 bawat kilo. Kawawa naman ang mga mahihirap.  Kung kulang ang kanilang badyet, magtitiis sila sa bigas na presyong P30 o P32 na nangingitim, masyadong mabato at may mga palay pa.

Isa pa namang pangunahing pagkain sa hapag-kainan natin ang kanin. Marami nga sa mahihirap na, basta may kanin lang, puwede nang ulam ang toyo o bagoong o asin. May mailagay lang sa kanilang sikmura. Kaso nga, napakamahal ng mga bigas ngayon. Paano pa ang brown rice na sinasabing  panlaban sa sakit sa puso, diabetes, alta presyon o cholesterol at iba pang karamdaman? Parang lumalabas na, kung ganyan kamahal ang brown rice, isa na lang luho o pangmayaman.  O, kung meron man sa isang mahirap na pamilya na may sakit na diabetes halimbawa, siya na lang ang hahainan ng brown rice dahil sa kamahalan nito. Iyon ay kung kakayanin nilang bumili ng brown rice araw-araw.

Maaaring sabihing nagkataong napasabay ang brown rice sa problema sa bigas sa bansa dahil sa sinasabing kakulangan sa suplay o patuloy sa pagtataas ng presyo.  Maaaring, dahil bihira pa sa mga Pilipino ang kumakain ng brown rice at bihira lang ang nagtitinda nito, nagiging napakamahal nito.  Pero, kung ganyan ang kanin ay bahagi na ng araw-araw nating sistema sa pagkain sa almusal, tanghalian at hapunan, paano maaakit ang  mamamayan na tangkilikin ang brown rice gayung ito ay mahal. Kahit pa sabihing mas masustansiya ang brown rice.

Page 3: balitang lathalain

Natatabunan ang kahalagahan nito sa katotohanang hindi ganoon kadali para siya matikman ng mamamayan.  

Walang Methane sa Mars?(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated September 22, 2013 - 12:00am    googleplus  Walang natagpuang Methane sa Mars ang robotic spacecract ng National Aeronautics Space Administration na Curiosity na nagsasaliksik sa naturang planeta mula pa noong Agosto 2012, ayon sa kumalat na ulat nitong linggong ito.

Sinasabing nalusaw rito ang isang pag-asa na merong nabubuhay na organism sa Mars dahil na rin sa mga hibla ng Methane na nasilip ng mga telescope mula sa Daigdig at ng mga Orbiter ng Nasa sa atmospera ng pulang planeta.

Ang Methane na lubhang sagana sa Daigdig ay sinasabing isang palatandaan ng buhay sa isang planeta kaya inaasahan sana ng mga scientist na maraming matatagpuang methane kapag nakarating sa Mars ang Curiosity pero hindi ito ang nangyari.

Isa ito sa kahirapan o problema na umaasa lang sa mga computer, robot, telescope, litrato at iba pang makabagong aparato ang mga dalubhasa sa astronomiya sa pananaliksik at pag-aaral sa kalawakan o sa ibang mga planeta. Iba pa rin talaga na merong tao na aktuwal na makapunta sa Mars para matiyak na puwedeng mabuhay dito ang sino man o kung merong nabubuhay na nilalang dito. Pero hindi nga madaling gawin ito kaya nga kadalasang mga robotic spacecraft na lang muna ang ipinapadala roon.

Ano ngayon ang magiging sitwasyon ng mga tao na kinakalap at sinasanay ng ilang pribadong organisasyon o kumpanya sa ibang mauunlad na bansa? Sila ang ipapadala at magtatayo ng unang kolonya ng tao sa Mars.  Wala na nga itong balikan. Permanente na sila roon at iyon ay kung makakatagal sila sa mahabang biyahe at matiwasay silang makakarating sa Mars. Kung totoo ang report na walang methane sa Mars, nadagdagan ang implikasyon sa kakaharapin ng sino man na makakapunta roon. Pero, ayon naman sa lead researcher na si Christopher Webster ng Jet Propulsion Laboratory ng NASA sa Pasadena, California (USA), baka naman wala lang methane sa isang bahagi ng Mars na unang nilapagan ng Curiosity. Magpapatuloy pa rin anya ang pananaliksik nito.

Page 4: balitang lathalain

Unang astronaut na Pinoy malapit na?(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated September 8, 2013 - 12:00am

NAPAULAT na nakapili na ng dalawang Pilipino na mapapasama sa iba pang mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo na ipapadala sa international Axe Apollo Space Camp sa Florida, U.S. Sasanayin sila sa mga bagay na may kinalaman sa pagbibiyahe sa kalawakan. Kinilala sa ulat ang dalawa na sina Air Force pilot Lt. Mario Mendoza Jr., 31, at Evan Ray Datuin, 24. Hindi nabanggit kung ano ang propesyon ni Datuin pero, bukod sa kanilang dalawa, may isa pa silang  makakasabay na Pilipino na pipiliin sa pamamagitan ng isang raffle promo ng Axe sa internet.

Sinasabing, sa gagawing pagsasanay sa U.S. Space Camp, isa lang sa tatlong Pilipinong ito ang pipiliin para mapabilang sa may 20 katao na ipapadala sa kalawakan. Ang mapipiling ito ang maituturing umanong unang astronaut na Pilipino.

Isa itong inisyatiba ng pribadong sektor sa pagkakaalam ko bagaman merong partisipasyon dito ang ilang mga astronomer at iba pang kinauukulang dalubhasa. Mukhang isa pa rin itong bahagi ng space tourism na itinataguyod ng iba’t ibang pribadong kompanya na sumasangkot sa space exploration.

Tila meron lang kalituhan lang dito dahil sa dami at iba’t ibang pribadong institusyon at kumpanya sa mauunlad na bansa tulad sa U.S. ang nagsasagawa ng sari-sari ring proyekto sa pagpapadala ng tao sa kalawakan o sa ibang planeta. Ang mga makakapasa sa pagsubok sa U.S. space camp, sila ba ang ipapadala sa Mars o papasyal lang sila sa orbit ng mundo? Iyong sa mga pupunta sa Mars, habambuhay na sila roon at walang katiyakan kung makakabalik pa sila sa daigdig. Gayunman, tiyak na may makakasama ritong Pilipino at nakakataba rin ng puso na hindi rin naiiwan ang Pilipinas sa space exploration.

Page 5: balitang lathalain

Pawis ginawang tubig na maiinom(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated July 21, 2013 - 12:00am    googleplus  

Go to Facebook.comANG ihi ay nagagawa nang maging malinis na tubig para mainom na tulad ng naunang ginagawa ng mga scientist para mainom ng mga astronaut habang sila ay nasa kalawakan.  Pero, ngayon, may nag-eksperimento na rin kung paano puwedeng inumin ang pawis ng tao.

Sa Sweden, nilikha ng inhinyerong si Andreas Hammar ang isang makina na kumukolekta sa mga damit na basa ng pawis para gawing tubig na puwedeng mainom ang moisture nito. Ang kritikal na bahagi ng makina ay binuo ng isang kompanyang   HVR at ng Royal Institute of Technology ng Sweden. Gumagamit umano ito ng teknik na tinatawag na membrane destillation.

Sa loob ng makina, iniikot at pinapainit ang damit o materyales para matanggal ang mga pawis. Kasunod nito, ipinapasa ang vapor o singaw sa pamamagitan ng isang special membrane na binuo para tanging water molecules lang ang makapasok.

Mula raw nang ilunsad ang makina, mahigit 1,000 tao na sa Gothenburg ang uminom ng tubig na mula sa pawis ng ibang tao. Sinasabing mas malinis ang likido nito kaysa sa tubig na galing sa gripo.

Sinasabi sa ulat na binuo ang naturang makina para sa ahensiyang Unicef ng United Nations para sa kampanya na nagpapamulat na mahigit 780 milyong katao sa buong mundo ang hindi nakakainom ng malinis na tubig.

Ayon sa lumikha ng makina, ang dami ng tubig na malilikha ng makina ay depende sa dami ng pawis na nagmumula sa isang tao.  Kaya meron pa rin itong limitasyon dahil sa dami ng pawis na kailangan para makalikha ng tubig.

Page 6: balitang lathalain

Storm surge o daluyong?(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN Ni Ramon M. Bernardo (Pang-Masa) | Updated November 24, 2013 - 12:00am 0  1 googleplus0  0

Like3

NANG manalasa ang bagyong Yolanda na kumitil sa maraming buhay at sumira ng mga ari-arian sa Central Visayas, pinagtalunan sa mga balita at social networking site ang salitang storm surge.

Ang storm surges ang salitang dayuhang ginamit ng mga weathermen sa Pilipinas at ng ibang mgaeksperto sa mundo sa paglalarawan sa isa sa mangyayari nang unang magbigay sila ng babala bago pa noon dumating si Yolanda sa bansa. Pagkaalis ni Yolanda ay gumulantang sa mundo ang naging epekto niya, naging paksa rin kung ano ba ang salin sa Filipino ng storm surge. Hindi ito masabi ng PAGASA sa sarili nating wika kaya marami ang nalilito kung ano ang storm surge. Ito na nga ba ang sinasabi ni President Aquino na dapat ipaliwanag ng PAGASA sa wikang Filipino ang lahat ng mga pagtataya nito sa lagay ng panahon sa bansa.

Pero, tulad ng ibang terminolohiya sa siyensiya, walang direktang salin sa Filipino ng storm surges na siyempre pa ay salitang nagmula sa ibang bansa. Kahit mismo ang puno ng Komisyon ng Wikang Pilipino at national artist na si Virgilio Almario ay sinasabi na lang na ang pinakamalapit lamang na katumbas ng storm surge sa Filipino ay “daluyong.” Sabi sa bagong diksiyunaryong Pilipino-Pilipino ni Julio Silverio, ang ibig sabihin ng daluyong ay “malalaking alon.”

Dahil nga walang direktang katumbas sa Filipino, maaari lang ilarawan sa sariling lengguwahe natin ang storm surge.  Kung pagbabatayan ang pakahulugan ng mga eksperto, sa storm surge, ang tubig sa karagatan ay tumataas at ang mga alon ay binabayo ng malalakas na hanging dulot ng bagyo papunta sa mga baybayin papasok sa kalupaan. Ang bagyo ang nagdala nang  malalaking alon papunta sa lupa. Halos walang pinagkaiba sa tsunami bagaman ang tsunami ay bunsod ng malakas na lindol o pagputok ng bulkan o ng anumang malakas na pagsabog sa ilalim ng karagatan. Para namang magiging artipisyal

Page 7: balitang lathalain

kung mag-iimbento ang PAGASA ng salitang Filipino ng storm surge. Pero hindi rin naman masama kung tawagin na lang itong daluyong.