Bakit matamis ang tsokolate

10
Bakit Matamis Ang Tsokolate? Isinulat ni: Karen Pearl M. Mercado

Transcript of Bakit matamis ang tsokolate

Page 1: Bakit matamis ang tsokolate

Bakit Matamis Ang Tsokolate?

Isinulat ni:Karen Pearl M. Mercado

Page 2: Bakit matamis ang tsokolate

Ang tsokolate ay isa sa mga popular na

pagkain sa mundo. Mapa bata man o

matanda ay nahihilig dito. Ang

pangunahing sangkap sa pag gawa nito

ay ang Kakaw. Ang tsokolate ay isa sa

mga sikat na flavor ng sorbetes, keyk,

galyetas at inumin. Marami na rin

kilalang produkto na mula sa tsokolate

nariyan ang Toblerone, Hersheys, M&M,

Kit-Kat, Cadburry, Ferrero Rocher,

Cloud 9, Goya, Choco Mallows, Curly

Tops, Flat Tops, Chocnut, Milo at

Ovaltine. Masasabi din na ito ay may

magandang epekto sa katawan gayundin

ito ay nagbibigay saya sa tao. Bakit

nga ba matamis ang tsokolate? halina’t

tuklasin natin.

Page 3: Bakit matamis ang tsokolate

Isang araw, habang

nagpapahinga sa may

bakuran si Jaiko

napatingin siya sa puno

ng Kakaw na itinanim ng

kanyang Ama. Napansin

niya ang bunga ng puno

at siya’y humanga sa

ganda nito. Agad niya

itong ipinaalam sa

kanyang ama, animo’y

nagagalak na sa

nalalapit na pagpitas ng

mga bunga nito.

Page 4: Bakit matamis ang tsokolate

Sila lamang sa lugar na iyon ang may ganoong klase ng puno. At ang

mga tao doon kailanma’y hindi pa nakatikim ng tsokolate.

Page 5: Bakit matamis ang tsokolate

Kinabukasan habang nagbabasa si Jaiko sa

kanilang bakuran, siya’y nakatulog di

naglaon ay may nakita siyang isang diwata sa

kanyang panaginip. “Alagaan ninyong mabuti

ang puno ng Kakaw hanggang ang mga bunga

nito ay maaari ng pitasin. Kapag ito ay

inyong nagawa gagantimpalaan ko kayo ng

masaganang buhay at gamitin ninyo ang

maaaning kakaw sa pag gawa ng tsokolate

dahil ang bunga nito ang magbibigay tamis

dito” sabi ng diwata. Ang huling bilin pa

nito sa kanila ay tumulong sa mga taong

nangangailangan bilang pasasalamat na din sa

kasaganahang matatamasa nila.

Page 6: Bakit matamis ang tsokolate

Pagkagising ni Jaiko, agad niyang

hinanap ang kanyang Ama at Ina

upang ipaalam ito sa kanila. Nung

una ay hindi naniniwala ang mag-

asawa sa sinabi ni Jaiko.

Hanggang sa dumating na ang

takdang araw upang pitasin na ang

mga bunga ng puno ng Kakaw. Di

naglaon naging masagana ang

kanilang buhay at ang mga tao sa

kanilang lugar ay tuwang-tuwa

sapagkat natupad na ang kanilang

kahilingan na matikman ang tamis

at sarap ng tsokolate.

Page 7: Bakit matamis ang tsokolate

Dahil sa kasaganahan na natamasa sa buhay ay tila

napabayaan na ng pamilya ang ibinilin sa kanila ng diwata

na huwag mag atubiling tumulong sa kapwa sa oras na

kailanganin nito ang tulong. “Maaari ba akong makahingi ng

bunga ng punong Kakaw? Ani ni Gardo. Ang kapitbahay nila

Jaiko. “Hindi ka maaaring makakuha ng bunga sa puno ng

Kakaw, amin lamang ito.” Sambit ng mga magulang ni Jaiko.

Hindi pinagbigyan si Gardo sa kanyang kahilingan at nakita

ng diwata ang kapabayaang ito, di nagdalawang isip ang

diwata ng bigyan ng kaparusahan ang ang pamilya ni Jaiko.

Page 8: Bakit matamis ang tsokolate

Kinabukasan, napansin ng mga tao na tila may kakaiba sa

lasa ng tsokolate na itinitinda ng pamilya ni Jaiko.

Nawalan ng sarap at tamis ang mga ito, dahil dito unti-

unti humina ang kanilang negosyo at ang puno ng Kakaw ay

hindi na nagbubunga.

Page 9: Bakit matamis ang tsokolate

“ Ano ang nangyayari sa puno ng Kakaw, at bakit

hindi na ito nagbubunga?” ang sabi ng nanay ni

Jaiko. “At ang mga paninda nating tsokolate ay

walang sarap at tamis”wika naman ng kanyang Ama.

“Marahil ito ang parusang ipinataw sa atin ng

diwata sapagkat sumuway tayo sa kasunduan.”

Sambit naman ni Jaiko sa kanyang magulang. Dahil

dito nakiusap ang pamilya ni Jaiko sa diwata na

muling ibalik ang nawala sa kanila

Page 10: Bakit matamis ang tsokolate

“Nakikiusap ako na huwag niyo nang ulitin ang kapabayaang ginawa

ninyo sa kasunduan at mangako kayong magiging mabuti kayo sa

inyong kapwa.”Wika ng diwata. Tinupad iyon ng pamilya ni Jaiko at

di naglaon ay bumalik ang tamis ng tsokolate na kanilang

ipinagbibili. At sa paglipas ng panahon napagtanto ng mga tao sa

kanilang lugar na ang Punong Kakaw ang dahilan kung bakit matamis

ang tsokolate.

-Wakas