Baka Ikaw Ang Baliw 2 (1)

2
Baka Ikaw Ang Baliw Isang panibagong yugto ang tatahakin ko. Itinakwil na ako ng lahat! Sabi nila baliw daw ako, ako baliw? Baka ikaw! Ako si Badiday. 10, 5 at 3 pagsamasamahin mo yan ang edad ko. Mahilig akong gumala sa mala-Enchanted Kingdom na kalye kung saan natatanaw ko ang mga sasakyang nagbubuga ng maiitim na usok na nagsisilbing mabangong aroma sa aking katawan, maiitim na grasa na halos pinapanligo ko sa bawat araw-araw, mga langaw na nagiging panauhin ko sa bawat araw, pagkain kong libre na galing sa mala-gintong basurahan na hindi nauubusan ng laman, mga damit kong ako mismo ang naggupit na mas nagpapaganda sa aking porma kay sarap mamuhay sa mundong aking ginagalawan na tanging ako at ako lang ang nakakaintindi sa aking sarili. Sa kasagsagan ng paglilibang ko dala ang mga latang nagmimistulang magagandang musika sa aking tainga sa tuwing aking pinaguumpog, may mga taong pilit akong kinukutyang baliw! Hindi ba’t sila ang baliw? Halos pare-parehas sila ng kasuotan at tanging ako at ako lang ang nag- iisang kakaiba. “Baliw!!” “Hoy Baliw ka!” paulit-ulit nalang na ganyan ang trato nila saakin pagminsan pa nga’y binabato nila ako ng bato. “WHAAAAA, WHAAAAA!!!!!!!” tanging yan ang mga katagang paulit- ulit na sinasagot ko sa kanila na animo’y isang mabangis na hayop ako kung titignan sa tuwing sinasabihan nila ako ng baliw at sinasaktan. Oo, nasanay akong mabuhay ng nagiisa na walang kaagapay na pamilya, nasanay akong tumayo sa sarili kong mga paa. Nasanay akong mabuhay sa mundong pinagkakait sa akin, tao lang din naman ako tao na kailangan ng pagmamahal at kalinga. “HOOOYYY MALAS KANG BALIW KAA!!!!!!” “BAAAAANNGGGG!!!” Kasabay ng pagragasa ng malalakas na ingay ay ang paghinto ng mga pangarap ko sa buhay, buhay na pilit ay ipinagkakait sa isang katulad ko. Bago pa mahuli ang lahat at tuluyan nang hindi ko masilayan ang mga nasa paligid ko gusto ko lang sabihin sa

description

Dialog

Transcript of Baka Ikaw Ang Baliw 2 (1)

Page 1: Baka Ikaw Ang Baliw 2 (1)

Baka Ikaw Ang Baliw

Isang panibagong yugto ang tatahakin ko. Itinakwil na ako ng lahat! Sabi nila baliw daw ako, ako baliw? Baka ikaw! Ako si Badiday. 10, 5 at 3 pagsamasamahin mo yan ang edad ko. Mahilig akong gumala sa mala-Enchanted Kingdom na kalye kung saan natatanaw ko ang mga sasakyang nagbubuga ng maiitim na usok na nagsisilbing mabangong aroma sa aking katawan, maiitim na grasa na halos pinapanligo ko sa bawat araw-araw, mga langaw na nagiging panauhin ko sa bawat araw, pagkain kong libre na galing sa mala-gintong basurahan na hindi nauubusan ng laman, mga damit kong ako mismo ang naggupit na mas nagpapaganda sa aking porma kay sarap mamuhay sa mundong aking ginagalawan na tanging ako at ako lang ang nakakaintindi sa aking sarili. Sa kasagsagan ng paglilibang ko dala ang mga latang nagmimistulang magagandang musika sa aking tainga sa tuwing aking pinaguumpog, may mga taong pilit akong kinukutyang baliw! Hindi ba’t sila ang baliw? Halos pare-parehas sila ng kasuotan at tanging ako at ako lang ang nag-iisang kakaiba.

“Baliw!!” “Hoy Baliw ka!” paulit-ulit nalang na ganyan ang trato nila saakin pagminsan pa nga’y binabato nila ako ng bato.

“WHAAAAA, WHAAAAA!!!!!!!” tanging yan ang mga katagang paulit-ulit na sinasagot ko sa kanila na animo’y isang mabangis na hayop ako kung titignan sa tuwing sinasabihan nila ako ng baliw at sinasaktan. Oo, nasanay akong mabuhay ng nagiisa na walang kaagapay na pamilya, nasanay akong tumayo sa sarili kong mga paa. Nasanay akong mabuhay sa mundong pinagkakait sa akin, tao lang din naman ako tao na kailangan ng pagmamahal at kalinga.

“HOOOYYY MALAS KANG BALIW KAA!!!!!!”

“BAAAAANNGGGG!!!”

Kasabay ng pagragasa ng malalakas na ingay ay ang paghinto ng mga pangarap ko sa buhay, buhay na pilit ay ipinagkakait sa isang katulad ko. Bago pa mahuli ang lahat at tuluyan nang hindi ko masilayan ang mga nasa paligid ko gusto ko lang sabihin sa nagbabasa nito kung gaano kaganda an gating mundo na maswerte ka dahil naging normal ka di katulad ko.

At ngayon papunta na ako sa mundo kung saan ang mga tao ay nakakaintindi sa akin, mga

taong tanggap kung sino at ano ako mga taong mahal ang isang katulad ko. #