Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

11

Transcript of Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Page 1: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap
Page 2: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Dalawang Ayos ng Pangungusap

Karaniwang ayos ng pangungusap

Baligtad na ayos ng pangungusap

Page 3: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Karaniwang ayos ng pangungusap

nauuna ang panaguri at sinusundan ng paksa o simuno. Hindi ito ginagamitan ng ay.

Halimbawa:Masayang nagkukuwentuhan

ang mga mag-aaral sa klase ni Bb. Reyes.

Page 4: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Balangkas ng karaniwang ayos ng pangngusap

masayang ang mga mag-aaral

nagkukuwentuhan sa klase ni Bb. Reyes

Pangungusap

PanaguriPaksa o simuno

Page 5: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Baligtad na ayos ng pangungusap

-nauuna ang paksa o simuno at sinusundan ng panaguri at nakalantad ang ay.

Halimbawa:Ang mga Pilipino ay kilala sa

kabutihang ugali.

Page 6: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Balangkas ng baligtad na ayos ng pangungusap

(ay)

Ang mgaPilipino (ay) kilala sa kabutihang ugali

Pangungusap

Paksa o simuno Panaguri

Page 7: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Tatlong kayarian ng pangungusap

Payak

Tambalan

Hugnayan

Page 8: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Payak - Ang pangungusap ay payak kung

binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa. Ito ay nagpapahayag ng isang buong diwa. Ang payak na pangungusap ay maaaring may payak na panguri tulad ng mga sumusunod.

Halimbawa.1. Nag-eehersiyo ang mga mag-aaral.2. Siya ang pinakamatuling tumakbo na

mag-aaral.

Page 9: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Maaari rin naman itong may payak na simuno at tambalang panaguri tulad ng sumusunod.

Halimbawa1. Ang tumana ay binungkal at tinamnan nila.2. Nilinis at diniligan nila ang gulayan.

Payak din ang pangungusap kung tambalan ang simuno at payak ang panaguri tulad ng ss.

Halimbawa1. Ang alak at sigarilyo ay masama sa kalusugan.

Page 10: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Tambalan- ang pangungusap ay tambalan kung

binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-iisa.

HalimbawaAng iba sa kanila ay nagbabasa

samantalang ang karamihan ay nagsusulat.

Page 11: Ayos at Kayarian Ng Pangungusap

Hugnayan- Kapag binubuo ng isang sugnay na

nakapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na di makapag-iisa ang pangungusap ay tintawag na hugnayan.

Halimbawa Ang mag-aaral na pinarangalan dahil sa

kanyang halaman sa bakuran ay si Apolinario.