Augustus ceasar

28
Yunit II: Ang Daigdig sa Klasikal at Transisyunal na Panahon. Aralin 1: Ang Pag- usbong at Pag-unlad ng Klasikal na Lipunan sa Europe.

Transcript of Augustus ceasar

Yunit II: Ang Daigdig sa Klasikal at

Transisyunal na Panahon.

Aralin 1: Ang Pag-usbong at Pag-unlad ng Klasikal na Lipunan sa

Europe.

Husgahan si Julius Caesar batay sa mga datos na ilalagay sa mga kahon.

• Repormista?

• Diktador?

Repleksyon # 8

DRIL

Focus Question• Paano nakaimpluwensya ang mga kontribusyon ng klasikal at transisyunal na panahon sa paghubog

ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa

daigdig?

Trium- alliance of three.

Vir- men

ROME

Paksa; Ikalawang Triumvirate

BALIKanATIN! “Ides of March”

Si Octavian sa Pag-atang ng Responsibilidad

Gawain # 15

Magbasa at Matuto!• Naging kahinaan na ng

mga pamahalaang diktatoryal ang kawalan

ng katiyakan sa kung sino ang susunod na hahawak sa pamahalaan at kung

paano siya pipiliin. Kadalasang nagkakaroon

ng paglalabanan sa kapangyarihan na

nagdulot ng pagbabago sa pamahalaan.

Octavian• Apo sa pamangkin ni Julius Caesar si Octavian.

• Labingwalong taon pa lamang siya noon ng paslangin si Caesar.

• Bago pa mamatay si Caesar, ginawa na niyang tagapagmana si Octavian.

• Wala siyang karanasan sa pulitika at nag-aaral pa sa isang paaralan sa Greece.

Mabilis na umuwi si Octavian sa Rome. Sa

tulong ni Mark Anthony at ni Lepidus.

Sa Rome, itinaboy nina Marcus Antonius (Mark

Anthony) at Marcus Lepidus ang mga

konspirador sa pagpatay kay Caesar at kinontrol nila ang pamahalaan.Rome

Second Triumvirate

Noong 43 BCE, binuo ni Octavian ang Second

Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Roma.

Mark Anthony- ang pinagkakatiwalaang tinyente ni Caesar.

Marcus Lepidus ang dating heneral

ni Caesar.

OCTAVIAN- isang ampon, bagamat siya ay apo sa pamangkin

ni Caesar.

Anong Konek?

Paghahati ng Imperyong Romano

POMPEY

CAESAR CRASSUSLepidus

Sa una napunta ang Gaul at Spain kay

Lepidus. Subalit hinikayat ni Octavian si Lepidus na

magretiro sa mga gawaing pulitikal.

OctavianHinati ni Octavian sa pagitan nila ni Anthony

ang mga sakop ng Rome. Kinuha niya ang Kanluran

samantalang ang Silangan naman ay kay

Anthony.

Napunta kay Anthony ang

silangan at nabawi niya ang Syria at

Asya Minor sa kamay nila Brutus at

Cassius.

Mark Anthony

Lepidus• Pinagkaitan si Lepidus ng kapangyarihan.

Nawala sa kanya ang pamamahala sa Gaul at Spain. Noong 36 BCE, hinikayat niya

ang rebelyon sa Sicily laban kay Octavian

subalit tinalikuran siya ng kanyang mga

sundalo. Ipinatapon siya ni Octavian sa

Circeii, Italy.

Bakit ganon, ginawa ko namang

lahat……………………??????

Hinuha kay Octavian

Napunta kay Anthony ang silangan at nabawi niya ang Syria at Asya Minor sa kamay nila Brutus at

Cassius. Kasama din sa kanyang naangkin ang Egypt.

Balik Kay Anthony………….

Nanatili si Mark

Anthony sa Egypt at doon nakilala niya si

Cleopatra.

Pag-iibigangMark Anthony at

Cleopatra• Habang nasa Egypt, napamahal kay Anthony si

Cleopatra, reyna ng Egypt. Nang dumating sa Rome ang balita na binigyan ni Anthony ng lupa si Cleopatra at balak nitong salakayin ang Rome. Hindi nasiyahan si Octavian, pagkalipas ng ilang taon, hinikayat niya ang senado na magdeklara ng digmaan laban kay Mark Anthony at Cleopatra. Naganap ang malaking labanan sa pagitan ng dalawang pwersa sa Actium noong 31 BCE.

Wagas na Pag-ibig

• Matapos matalo sa Actium, iniwan ni Mark Anthony ang kanyang hukbo at sinundan si Cleopatra sa Egypt. Nang sumunod na taon,

nagpakamatay si Anthony dahil sa maling pag-aakala nya na patay na si Cleopatra.

• Samantala dahil nagpakamatay na ang minamahal na si Anthony at sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay na din si Cleopatra sa pamamagitan

ng pagtuklaw sa ahas.

#walangforever

Mga Titulo kay Octavian

• Binalik muli ni Octavian ang Republika noong 27 BCE. Pinasalamatan siya ng

Senado at binigyan ng katungkulan at titulo sa pamahalaan. Hinayaan ng senado na mamuno si Octavian at iningatan niyang

mapanatili ang Republika kahit sa panlabas na anyo lamang.

• Princeps- na nangangahulugang unang mamamayan ng Rome.• Imperatur- o emperador, dahil sa paglawak ng imperyong

sakop ng Rome mula sa kanyang pamamahala.• Augustus- na ang kahulugan ay “ang kanyang kamahalan”. Ito

ay ang katagang karaniwang ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. Samakatuwid, ang titulong ito ay nagpapahiwatig ng pagiging banal o hindi pangkaraniwan.

Taktika ng pamamahala ni Augustus Caesar

• Kinontrol ni Augustus ang hukbong militar• Nakuha niya ang katapatan ng kanyang mga

sundalo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bonus at lupa sa Italy o sa mga lalawigan.

• Pinamahalaan din niya ang mga gawain ng mga gobernador at direktang pinamunuan ang mga lalawigang maaaring magdulot ng kaguluhan. Pinangasiwaan naman ng Senado ang mga mapayapang lalawigan.

Taktika ng pamamahala ni Augustus Caesar

• Binuksan ni Augustus ang pagkamamamayan sa maraming tao upang hikayatin ang katapatan ng mga mamamayan sa Rome at sa kanyang pamumuno.

• Nagpasa siya ng batas na nagpapatatag sa pamilyang Romano.

• Nagpagawa ng mga daan, irigasyon at mga proyektong magpapaunlad sa kalagayan ng mga tao at magbibigay ng hanapbuhay sa mga mahihirap na nasa lungsod.

• Napaunlad niya ang ang Rome dahil sa kahusayan at katalinuhan sa pamamahala.

Mga Pamprosesong Tanong• 1. Sinu-sino ang mga bumubuo sa Ikalawang

Triumvirate? Ano ang layunin nito?• 2. Bakit mahalaga ang labanan sa Actium noong 31

BCE? Ano ang pinatunayan nito para kay Augustus/Octavian?

• 3. Ano sa iyong palagay, ang mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno/lider ng bansa?

Ipaliwanag. • 4. Alin sa mga taktika ng pamamahala ni Augustus

ang higit mong hinangaan? Sa anong pagkakataon sa kasalukuyan maaaring iakma ang taktikang ito

hinggil sa pamamahala ng bansa?

• Kung magkakaharap kaya at magkikitang muli si Julius Caesar at si Octavian/Augustus Caesar matapos ang tagumpay ng huli, ano kaya sa inyong palagay ang

sasabihin nila sa isat-isa?

♥hypothetical Q’stion♥

Repleksyon# 9

;Gagawin o Hindi……??? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. DESISYON;

A. Marcus Lepidus- pagsasagawa ng rebelyon dahil sa pagkakait ng kapangyarihan.

B. Mark Anthony at Cleopatra- pagpapakatiwakal alang-alang sa pag-ibig.

C. Augustus Caesar- pagbibigay ng bonus at lupa sa mga sundalo para makuha ang kanilang katapatan.

PART II

Sa wakas pagkatapos ng halos isang siglo na puno ng digmaang sibil, ang Rome ay napagbuklod sa ilalim ng isang

pinuno. Inihatid ng pamamahala ni Augustus ang panahon ng katahimikan ng imperyong Roman.

Takda/Gawaing Bahay1. Talasalitaan;Ibigay ang kahulugan ng Pax Romana.• Mga Dapat Gawin;2. Gumawa ng talahanayan na nagpapakita ng mga

naging pinuno sa Roma at ang kanilang mga nagawa pagkatapos ng panunungkulan ni Augustus Caesar.

3. Anu-ano ang dahilan ng Pagbagsak ng Imperyong Romano? ph. 144 Araling Pandaigdig ni L. SantiagoSanggunian:Grade 8 Learners Module (LM) : 176-179 Iba pang Sanggunian: Grade 8 Teaching Guide (TG): 83 Kasaysayan ng Daigdig ni Mateo: 136-140 Grade 8 Curriculum Guide (CG) : AP8DKT-llc-3 Araling Pandaigdig ni Santiago: 142-144 AP III. EASE Modyul 4; ph. 8-11 A History of the World by Perry: 106-108

INIHANDA NI:MR: LAWRENCE B. DUQUE

DepEd- ManilaTONDO HIGH SCHOOLARALING PANLIPUNAN

GURO NG GRADE 8