Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap...

12
Resources available at www.dscumc.org/initiative Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni Hesus Umaaksyon para sa hustisya Nagkakaisa para sa pag-asa. Tinawag tayo ng Diyos upang maging matapang. Ang Desert Southwest Conference ay koneksyon ng mga pinuno ng lay at klerigo na ipinapaabot ang presensya ng pagmamahal, hustisya, at pag-asa ni Kristo sa nakakatakot at sirang mundo. Mula sa pamana ng Wesleyan, ang mga tradisyon ng nakaraang karunungan ng simbahan, at ang mga mahahalagang bagay na gumagabay sa ating pamumuhay, tayo ay may kapangyarihang gumawa ng reyalidad ng paglago at kalakasan sa ating ministeryo at mga nakapaligid na komunidad. Sa magkasama nating pagbabahagi at pagtutulung-tulong, ating naiintindihan na ang bawat ministeryo ay natatangi at nangangailangan ng plano para sa pagbabago nito na totoo sa kanyang pagkakakilanlan at konteksto. Gayunman, naniniwala tayo na may mga unibersal na layunin na makakatulong sa bawat ministeryo upang makamit ang paglago at kasiglahan. Tayo ay magiting na tinawag ng Diyos upang: 1. Magmahal tulad ni Hesus. “Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, ibigin ninyo ang isa't-isa. Kung paanong inibig ko kayo, dapat ding ibigin ninyo ang sa isa't-isa. Sa ganitong paraan malalaman ng lahat na kayo ay aking mga disipulo, kapag minahal ninyo ang isa’t -isa.-Juan 13:34 (NRSV) Tayo ay tinawag upang maging disipulo ni Hesukristo at bumuo ng kapaligiran na mararanasan ng iba at mababago niya. Tayo ay tinawag upang maging halimbawa ng isang aktibong disipulo sa pagbuo ng kaugnayan sa lahat ng tao ng Diyos, lalo na sa mga komunidad na kulang sa pagpapakilala, upang tayo ay maging matibay na puwersa ng kabutihan, inspirasyon, at pag-asa. 2. Umaksyon para sa Hustisya. “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat ako'y binasbasan niya upang ipangaral ang mabuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang ipahayag ang pagpapalaya sa mga bihag at pagbalik ng paningin ng mga bulag, upang palayain ang mga inaapi.” -Lucas 4:18 (NRSV) Tayo ay tinawag upang magkaroon ng relasyon sa mga ito,” upang makilala ang lugar na may kawalang hustisya sa ating mga komunidad, upang pumasok sa mga lugar na ito kapag naimbitahan, at upang maging presensya ng hustisya, upang ang bawat parte ng nilalang ng Diyos ay makatanggap ng buong pagmamahal mula sa Lumikha. 3. Magkaisa para sa Pag-asa.

Transcript of Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap...

Page 1: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

Ating Bisyon – Ang Magiting na Simbahan:

Nagmamahal tulad ni Hesus

Umaaksyon para sa hustisya

Nagkakaisa para sa pag-asa.

Tinawag tayo ng Diyos upang maging matapang. Ang Desert Southwest Conference ay koneksyon ng mga pinuno ng lay at klerigo na ipinapaabot ang presensya ng pagmamahal, hustisya, at pag-asa ni Kristo sa nakakatakot at sirang mundo. Mula sa pamana ng Wesleyan, ang mga tradisyon ng nakaraang karunungan ng simbahan, at ang mga mahahalagang bagay na gumagabay sa ating pamumuhay, tayo ay may kapangyarihang gumawa ng reyalidad ng paglago at kalakasan sa ating ministeryo at mga nakapaligid na komunidad.

Sa magkasama nating pagbabahagi at pagtutulung-tulong, ating naiintindihan na ang bawat ministeryo ay natatangi at nangangailangan ng plano para sa pagbabago nito na totoo sa kanyang pagkakakilanlan at konteksto. Gayunman, naniniwala tayo na may mga unibersal na layunin na makakatulong sa bawat ministeryo upang makamit ang paglago at kasiglahan. Tayo ay magiting na tinawag ng Diyos upang: 1. Magmahal tulad ni Hesus.

“Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, ibigin ninyo ang isa't-isa. Kung paanong inibig ko kayo, dapat ding ibigin ninyo ang sa isa't-isa. Sa ganitong paraan malalaman ng lahat na kayo ay aking mga disipulo, kapag minahal ninyo ang isa’t-isa.” -Juan 13:34 (NRSV) Tayo ay tinawag upang maging disipulo ni Hesukristo at bumuo ng kapaligiran na mararanasan ng iba at mababago niya. Tayo ay tinawag upang maging halimbawa ng isang aktibong disipulo sa pagbuo ng kaugnayan sa lahat ng tao ng Diyos, lalo na sa mga komunidad na kulang sa pagpapakilala, upang tayo ay maging matibay na puwersa ng kabutihan, inspirasyon, at pag-asa.

2. Umaksyon para sa Hustisya. “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat ako'y binasbasan niya upang ipangaral ang mabuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang ipahayag ang pagpapalaya sa mga bihag at pagbalik ng paningin ng mga bulag, upang palayain ang mga inaapi.” -Lucas 4:18 (NRSV) Tayo ay tinawag upang magkaroon ng relasyon sa “mga ito,” upang makilala ang lugar na may kawalang hustisya sa ating mga komunidad, upang pumasok sa mga lugar na ito kapag naimbitahan, at upang maging presensya ng hustisya, upang ang bawat parte ng nilalang ng Diyos ay makatanggap ng buong pagmamahal mula sa Lumikha.

3. Magkaisa para sa Pag-asa.

Page 2: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

“May isang katawan at isang Espiritu, gaya ng pagtawag sa iyo sa isang pag-asa ng iyong pagtawag...” -Mga Taga-Efeso 4:4 (NRSV) Tayo ay tinawag upang magsilbi kasama at katulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pamumuhay ng ating pinagsama-samang pag-asa para sa kaharian ng Diyos sa lupa. Sa pagtawag na ito, tayo ay binigyan ng pag-asa ng Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo. Kahit tayo ay magkakaiba ng oras, tayo ay magkakasama sa pananampalataya at tiwala upang maging liwanag ng pag-asa para sa buong bundo.

Page 3: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

Ating Pamantayan – Tinatawag Tayo ng Diyos Patungo sa:

Pamumuhay na may pangarap sa matatag na simbahan, naniniwala kami na ang mga sumusunod na mithiin ay kinakailangan para sa paglago at katatagan.

Tiwala Tayo ay naniniwala sa pagmamahal at gawa ng Diyos para sa atin.

Pagkahabag Nakikita natin ang imahe ng Diyos sa kanyang mga nilikha, ipinapahayag ang lalim ng kanyang pagmamahal na ibinahagi ni Hesus sa sangkatauhan.

Relasyon Tayo ay bumubuo ng relasyon sa ating kapwa na puno ng pagpapala—lumalahok, naglilingkod at gumagawa ng bagong samahan ng ministeryo—kinikilala na tayo ay nabubuhay ng higit pa sa sarili natin.

Katotohanan Tayo ay nabubuhay sa sarili nating pagkakakilanlan bilang disipulo ni Hesus habang itinataguyod ang magkakaibang pahayag ng pagtawag ng Diyos sa bawat ministeryo.

Katapangan Tayo ay handang sumunod kung saan tayo dalhin ni Kristo kahit kailangang pagdaanan ang panganib.

Pakikipagtulungan Tayo ay nagbabahagi ng karunungan ng higit pa sa sarili natin, nagtitiwala sa lakas, abilidad, kaalaman, at tapang ng bawat isa.

Page 4: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

Pag-angkla ng Banal na Kasulatan: Ang magiting na simbahan ay nag-uugat sa mga salita at mensahe ng Banal na Kasulatan. Ang lahat ng Banal na Kasulatan ay tumutulong sa atin upang magpatuloy sa buhay ng buong-buo, patungo sa paglago at pagiging matibay kay Hesukristo. Tayo ay tinatawag ng Banal na Kasulatan upang mabuhay sa ating pananampalataya upang magbigay ng malinaw na mensahe ng pag-asa sa nahihirapang sangkatauhan. Tulad ng ating mga naaalalang istorya mula sa Banal na Kasulatan at sa mga nagturo sa atin ng pagmamahal at kapangyarihan ng Diyos, kaya din nating magmahal tulad ni Hesus, kumilos para sa hustisya, at magsama-sama para sa pag-asa. Ang mga piniling sipi ay iyong panimula para sa iyong pag-iisip tungkol sa mga saligan Inisyatiba ng ating Paglago at Pagtatag sa Banal na Kasulatan. Sa iyong simbahan o ministeryo, maaari kang:

• Mag-print ng sipi kada linggo sa iyong bulletin o pahayagan, kasama ang pahayag ng Pananaw na Isang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni Hesus, Umaaksyon para sa hustisya, Nagkakaisa para sa pag-asa.

• Gamitin ang mga siping ito upang gabayan ang serye ng pangaral sa paglago at pagtatag para sa ating sariling buhay o sa simbahan.

• Tumutok sa sariling dasal o dasal ng pastor sa pagsamba gamit ang mga siping ito, sa pagdarasal sa Diyos upang tulungan tayong lumago.

Juan 15: 1-17 (NKJV) “I am the true vine, and My Father is the vinedresser. Every branch in Me that does not bear fruit He takes away,” and every branch that bears fruit He prunes, that it may bear more fruit. You are already clean because of the word which I have spoken to you. Abide in Me, and I in you. As the branch cannot bear fruit of itself, unless it abides in the vine, neither can you, unless you abide in Me. I am the vine, you are the branches. He who abides in Me, and I in him, bears much fruit; for without Me you can do nothing. If anyone does not abide in Me, he is cast out as a branch and withered; and they gather them and throw them into the fire, and they are burned. If you abide in Me, and My words abide in you, you will ask what you desire, and it shall be done for you. By this My Father is glorified, that you bear much fruit; so you will be My disciples. As the Father loved Me, I also have loved you, abide in My love. If you keep My commandments, you will abide in My love, just as I have kept My Father’s commandments and abide in His love. These things I have spoken to you, that My joy may remain in you, and that your joy may be full. This is My commandment, that you love another as I have loved you. Greater love has no one than this, than to lay down one’s life for his friends. You are My friends if you do whatever I command you. No longer do I call you servants, for a servant does not know what his master is doing; but I have called you friends, for all things that I heard from My Father I have made known to you.”

Page 5: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

Mga Taga-Efeso 1:7-8a (NRSV) “In him we have redemption through his blood, the forgiveness of our trespasses, according to the riches of his grace that he lavished on us.”

Mga Taga-Efeso 2:11-12 (NRSV) “In Christ we have also obtained an inheritance, having been destined according to the purpose of him who accomplishes all things according to his counsel and will, so that we, who were the first to set our hope on Christ, might live for the praise of his glory.”

I Pedro 1:3 - 5 (NRSV) “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ! By his great mercy he has given us a new birth into a living hope through the resurrection of Jesus Christ from the dead, and into an inheritance that is imperishable, undefiled, and unfading, kept in heaven for you, who are being protected by the power of God through faith for a salvation ready to be revealed in the last time.”

Mga Taga-Roma 5: 1 - 2 (NRSV) “Therefore, since we are justified by faith, we have peace with God through our Lord Jesus Christ, through whom we have obtained access to this grace in which we stand; and we boast in our hope of sharing the glory of God.”

Juan 13:34 (NRSV) “I give you a new commandment, that you love one another. Just as I have loved you, you also should love one another. By this everyone will know that you are my disciples, if you have love for one another.”

Lucas 4:18 (NRSV) “The Spirit of the Lord is upon me, because the Lord has anointed me, bring good news to the poor. The Lord has sent me to proclaim release to the captives and recovery of sight to the blind, to let the oppressed go free.”

Mga Taga-Efeso 4:4 (NRSV) “There is one body and one Spirit, just as you were called to the one hope of your calling...”

Jeremiah 29:11 (NRSV) “For surely I know the plans I have for you, says the Lord, plans for your welfare and not for harm, to give you a future with hope.”

Gawa 2:43-47 (NRSV) “Awe came upon everyone, because many wonders and signs were being done by the apostles. All who believed were together and had all things in common; they would sell their possessions and goods and distribute the proceeds to all, as any had need. Day by day, as they spent much time together in the temple, they broke bread at home and ate their food with

Page 6: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

glad and generous hearts, praising God and having the goodwill of all the people. And day by day the Lord added to their number those who were being saved.”

Hebreo 11:1 (NRSV) “Now faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen.”

Mga Nabanggit ni John Wesley: Kapag naiisip natin si John Wesley ngayon, naaalala natin ang kanyang pagpapahalaga sa paglago ng kanyang pananampalataya at ang kanyang pagnanais na marinig ng mundo. Si Wesley ay naniniwala na ang ating ginagawa sa mundo ay isang paglago sa ating pangako kay Kristo at para sa lahat ng ginawa niya para sa atin. Tayo ay nabubuhay sa pananampalataya upang makapagpahayag ng mabuting balita ng pagmamahal ni Hesus, hustisya, at pag-asa sa iba. Ang ating United Methodist Church ay nagbabatay sa tapang ni Wesley upang kumilos ito mula sa kanya patungo sa mundo na nangangailangan ng pagmamahal ni Hesus. Ang mga salitang ito mula kay John Wesley ay naglalayong ikaw ay hikayatin na pag-aralan ang iba pa niyang gawa at salita, at gamitin ito sa pag-angat ng pananaw na tinatawag tayo ng Diyos upang maging Isang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni Hesus, Umaaksyon para sa hustisya, Nagkakaisa para sa pag-asa “Kahit na hindi tayo magkakatulad mag-isip, hindi ba tayo maaaring maging magkatulad sa pagmamahal? Maaaring hindi iisa ang ating puso, ngunit hindi ba iisa ang ating opinyon? Walang duda, kaya natin. Dito ang lahat ng anak ng Diyos ay magsasama-sama, sa kabila ng ating maliliit na pagkakaiba.”

“Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon at lumikha ng tunay na komunidad kung saan ang bawat tao ay pakakawalan gamit ang kapangyarihan ng Espiritu upang mapunan ang intensyon ng Diyos sa kanyang mga nilikha.”

“Sinindihan ko ang aking sarili at ang mga tao ay dumating upang panoorin akong masunog.”

“Nais kong maging Tagapagligtas ang buong Kristo, ang buong Biblia para sa aking libro, ang buong Simbahn para sa aking samahan at an buon mundo bilang lugar ng aking misyon.”

“Ang mundo ang aking parokya.”

“Ang isa sa pangunahing tuntunin ng relihiyon ay, ang hindi mawalan ng pagkakataon na pagsilbihan ang Diyos. At, sapagkat siya ay hindi nakikita ng ating mga mata, tayo ay

Page 7: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

nagsisilbi sa kanya sa pamamagitan ng ating kapwa; na kanyang natatanggap na parang ginawa ito mismo sa kanya, habang nakikitang nakatayo sa ating harapan.”

“Ang aking takot ay hindi tungkol sa ang ating kilusan, na kilala bilang Methodists, na mawawala o isang araw ay mamamatay sa lupa. Ang aking takot ay ang ating tao ay maging kampante sa pamumuhay ng walang alab, kapangyarihan, pagkasabik, ang di-karaniwang elemento na nagpapa-dakila sa atin.”

“Walang tinutukoy ang Biblia ukol sa nag-iisang relihiyon.”

“Panginoon, ako ay hindi na sa akin, ngunit sa Iyo. Ako’y Iyong ilagay kung saan mo nais, ako’y Iyong iranggo kung saan mo nais. Magtatrabaho para sa Iyo o tatabi para sa Iyo, maging mataas para sa Iyo o maging mababa para sa Iyo. Bigyan ako ng lahat, o bigyan ako ng wala, bukas puso kong gagawin ang mga bagay para sa Iyong ikasisiya at ipagkakaloob. At ngayon, O maluwalhati at banal na Diyos, Ama, Anak, at Espiritu Santo, Kayo ay sa akin at ako ay sa Inyo. Mangyari nawa ito. Amen.”

“Ipagkaloob mo Diyos na hindi ako mabuhay ng walang silbi!”

“Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon at lumikha ng tunay na komunidad kung saan ang bawat tao ay pakakawalan gamit ang kapangyarihan ng Espiritu upang mapunan ang intensyon ng Diyos sa kanyang mga nilikha.”

“Milyon-milyon ang hindi pa rin mabilang.”

“Isang magandang dahilan kung bakit ang karamihan sa mayaman ay may kaunting simpatya sa mahihirap ay sapagkat bihira lamang nila mabisita ang mga ito. Kaya naman ito ang isang parte ng mundo na hindi alam kung ano ang pagdurusa ng iba. Marami sa kanila ay hindi nakakaalam, sapagkat di nila gustong malaman: gumagawa sila ng paraan upang hindi na malaman ito – at ginagawang dahilan ang kanilang sinadyang kawalang-alam bilang dahilan ng kanilang matigas na puso.”

“Nagsimula kong makita na ang tunay na relihiyon ay nasa puso at ang tuntunin ng Diyos ay abot sa ating isipan gayundin ang mga salita at gawa.”

“Tayo ay laging bukas sa kautusan, handang maging mas matalino sa bawat araw, at upang mabago ang anumang kaya nating baguhin para sa ikabubuti.”

Page 8: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

Mga Katangian ng Masigla at Matibay na mga Simbahan: Ang aming survey sa pananaliksik para sa Desert Southwest Conference, na isinagawa noong Tagsibol ng 2016, ay nagsasabi na ang masiglang simbahan ay bumabagay sa pabagu-bagong misyon at bumubuo ng kaugnayan sa ibang tao at organisasyon ng komunidad na para bang ang kanilang komunidad ay mawawalan ng simbahan kung ito’y hindi nagawa. Ang mga sumusunod ay nagsasabi ng mga katangian ng isang masigla at matibay na simbahan:

• Nananalangin sa pagkilala ng misyon at pananaw na nagbibigay dahilan at direksyon para sa lahat ng desisyon ng mga ministeryo.

• Naiintindihan at tumutugon sa demograpiko at kultura ng komunidad.

• Nakikisali sa mga pinuno, eskuwelahan, at organisasyon sa komunidad.

• Aktibong may pakialam sa mga pangangailangan ng mundo na may ebidensya ng lokal at internasyonal na misyon.

• Natutut mula sa isa’t-isa sa pakikipagtulungan, pakikipagsamahan, at pamamahagi.

• Minsang nabibigo ngunit may lakas ng loob makisama sa mga bagong ministeryo upang gawin ang nais ng Diyos.

• May intensyong pagyabungin ang mga pinuno na may malinaw na sistema sa pagkakaroon ng disipulo at pagtuturo.

• Nakikilahok sa maliliit na grupo ng ministeryo para sa suporta at pananagutan.

• Tinitignan ang mga bisita bilang regalo mula sa Diyos at mayroong malinaw na sistema ng pakikitungo.

• Nagtuturo at nagpapakita ng kabutihang-loob.

• Pagnanais na paramihin ang kanilang simbahan at ang mga ministeryo nito.

Page 9: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

17 Kadalasang Katanungan

1. Paano mo inilalarawan ang “paglago” at “katatagan?” Ang paglago ay hindi eksklusibong sinusukat sa numero ngunit ang paglago at ang katatagan ay tungkol sa pagbatak at pagkakaroon ng lakas ng loob upang pag-isipang muli ang mga bagay. Ano nga ba ang mga halimbawa ng mga programa at misyon na nagpapakita ng makabagong paraan ng pag-iisip? Ang mga lumalagong kongregasyon ay nagbibigay inspirasyon, nakikilahok at nakakahikayat ng parami ng paraming mga miyembro at dumadalo. Ang paglago ay maaari ring mapakita sa maraming grupo ng pag-aaral, maraming gawaing misyon, maraming sumasamba, maraming naniniwala, maraming programa at mas malakas na diwa ng komunidad at mas malalim na paniniwala kay Kristo. 2. Kailangan ba ng bawat simbahan na makilahok? Ipipilit ba ang pagsunod? Bawat simbahan ay iniimbitahan na makilahok at kami ay umaasang sumali ang bawat simbahan. Isa itong kapana-panabik na pakikipagsapalaran kung kaya lahat ng kongregasyon ay hinihikayat na makisali at magsikap. Opo. Hinihimok namin na kayo ay sumali. Hinihimok ang mga kongregasyon na “pag-isipang muli ang simbahan.” Ang pamumuno ng mga simbahan ay isasaayos ng may pananabik sa kani-kanilang respetadong kongregasyon sapagkat ang bawat kongregasyon ay nagbibigay depinisyon sa kanilang ginagawang paglago at katatagan.

3. Kung ang daan patungo sa bawat simbahan ay naiiba sa bawat tagpo, ito ba ay isang klase na maaaring gawin kung ano ang iyong nais gawin? Walang nag-iisang hulmahang pamamaran na nagreresulta sa paglago at katatagan. Ang bawat tagpo ay naiiba, ang daan pasulong ang magbibigay ng pagkakaiba. Ang bawat simbahan ay gagawa para sa magkatulad na paglago. Para magkaroon ng mas matagumpay na pagsisikap, ang mga kongregasyon ay hinihikayat na magtulungan. Ito ay isa lamang mungkahi. Ang mga kongregasyon ay maaaring gumawa ng kanilang plano sa bawat indibidwal na pangyayari. Ang mga kongregasyon ay maaaring itaas ang kanilang mga programa at misyon upang ipakita ang presensya ng Diyos at ang kapangyarihan ng Diyos. 4. Ano ang mga pagbabago na gagawin ng Kumperensiya sa Pamumuno? Ang kumperensiya sa pamumuno ay gumagawa na ng pagbabago sa kung paano nakatutok ang oras at enerhiya sa paglago at pagpapatatag, at mga pamantayan ng Kumperensiya.

5. Sinubukan namin na palaguin ang mga simbahan gamit ang ibang pamamaraan, ngunit walang epektibo. Bakit mas mabuti ang pagsubok na ito? Mayroon bang katunayan na ito ay magiging epektibo?

Page 10: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

Ang inisyatibang ito ay sinimulan mula sa kontribusyon ng ating mga lay at pastor. Ang aming “pananaw” ay pinagsama ng mga tao sa Desert Southwest Conference, kaya ito ay nagpapakita kung nasaan tayo ngayon at kung saan natin gusto magtungo. Ang ating tagumpay at kung kaya ang ating katibayan ay nasa bawat isa sa atin at ang ating pagnanais na magtulungan, magkasamang humarap sa peligro, pagsuporta sa bawat isa sa kabiguan, sama-samang matuto, habang yumayabong ng magkasama. 6. Ano ang mangyayari kung kami ay nakipagsapalaran ngunit nabigo? May mga kahihinatnan ba? Ang ating kagustuhan na makipagsapalaran at mabigo ay isa mga paraan upang masukat ang ating pagpapahalaga at katapangan habang sumusunod tayo sa kung saan tayo dadalhin ni Kristo. Nais naming suportahan ang matatapang na pagsisikap na lumago, upang ang bawat kabiguan ay magbigay ng oportunidad upang matuto at makahanap ng bagong paraan kung paano gagawin ang pagtutulong-tulong.

7. Mayroon bang sukatan? Kung oo, paano iuulat ang mga resulta? Mayroon bang sukatan ng mga inaasahan para sa kabuuan ng Kumperensiya? Kung paano naming sinusukat ang paglago at katatagan ay maaaring sobrang naiiba sa pagsukat sa mga nakaraan. Ang mga pagsukat ay gagawin sa tulong ng mga simbahan at ng kanilang tagaplanp sa mga misyon (Superintendente ng Distrito) base sa kung ano ang ating natutunan sa ating magkakasamang pagtatrabaho sa unang taon at kung ano ang nararapat para sa bawat ministeryo. Opo, magkakaroon ng pagsukat ng inaasahang resulta para sa kabuuan ng Kumperensiya at ito ay gagawin ng may pagtutulungan ng bawat simbahan. 8. Saan maaaring magtungo ang aking simbahan para sa payo at suporta? Magkakaroon ba ng tulong sa pagtukoy ng kinakailangang estratehiya? Mga layunin? Mga plano? Para sa payo at suporta, maaari mong lapitan ang iyong DS, Direktor ng Connectional Ministries Office , Diretkor ng Bago at Matatag na Nananampalatayang Komunidad at/o opisina ng mga Obispo. Kung ikaw ay may katanungan, mungkahi, o mga halimbawa na nais ibahagi, ipadala ito sa amin sa [email protected].

9. Ang aking mga tauhan ay nabawasan at ang pamumuno ng simbahan ay lumawak. Paano kami makakahanap ng oras at sapat na pwersa upang makasali sa inisyatiba? Ang Inisyatiba ay hindi ginawa upang magdagdag ng trabaho sa simbahan, ngunit ito ay isang paraan na makakatulong matukoy ang mga pamamaraan ng simbahan at mga ministeryo. Halimbawa, kung titingnan ang ating ministeryo, magtanong, “Pinapakita ba nito na kami ay nagiging matapang na simbahan; mapagmahal tulad ni Hesus, gumagawa para sa hustisya at/o nagsasama-sama para sa pag-asa?” “Ano ba ang mga hindi namin ginagawa na dapat ginagawa ng isang matapang na simbahan?” Bilang

Page 11: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

pastor o miyembro ng simbahan, ano ang kailangang alisin? Paano ko gagawin ang pagbabago sa aking gawain? Anong bagong ministeryo ang aking dapat simulan? Maaaring kailangan naming ihinto ang ibang mga bagay upang makapagbigay puwang para sa bago.

10. Karamihan sa miyembro ng aking simbahan ay matagal na at umiiwas sa pagbabago. Maaari silang umalis kapag kami ay gumamit ng makabagong paraan. Ang Kumperensiya ba ay handa na mawalan ng miyembro ng simbahan? Karamihan sa mga tao ay umiiwas sa pagbabago dahil sa takot na maaaring mawala ang bagay na kanilang pinapahalagahan. Kaya naman, ang intensyonal na pagbabago ay dapat proseso sa halip na labanan. Pagdarasal, pakikinig, pagbabahagi, pag-aral at pagdadasal pang muli ang kinakailangang mangyari upang tumungo sa bagong direksyon. Hindi ibig sabihin nito na ang simbahan ay hindi maaaring magbago hangga’t ang lahat ay hindi sumasang-ayon. Hindi rin ibig sabihin nito na ang “may kapangyarihan” lamang ang nararapat na umaksyon habang naaapektuhan nito ang iba. Kailangan din nating tandaan na ang desisyon ay kailangang gawin para sa nais mangyari ni Kristo sa simbahan. Hindi para sa ating kagustuhan lamang. Kaya, opo, ang Kumperensiya ay handang mawalan ng mga miyembro kung ang pagbabago ay makakatulong sa atin upang maging mas malakas ang pananampalataya at maging matatag na simbahan.

11. Ano ang magiging itsura nito kung ang Pananaw ay ganap ng napagtanto? Paano namin malalaman? Mga bagong samahan ay mabubuo. Magkakaroon ng koneksyon sa mga simbahan at mga kapwa nito. Ang pag-asa at kasiyahan ay tataas sa ating mga simbahan at sa mga komunidad na ating pinagsisilbihan. Ang mensahe ng pagmamahal ng Diyos kay Hesus ay maipoproklama sa makabagong paraan sa mga bagong tao. 12. Paano dapat magsimula ang aking simbahan? Ano ang unang hakbang? Suriin ang pakete, magdasal at ibahagi ito sa iyong grupo ng namumuno upang sila ay makapag-isip kung paano nito maiimpluwensyahan ang ministeryo ng iyong simbahan. Kung ikaw ay kasalukuyang walang Misyon o Pananaw, ang Pananaw ay maaaring gumabay sa iyong simbahan sa nakakapanabik na makabagong paraan. Kung ikaw ay mayroon nang Misyon at/o Pananaw, aming iminumungkahi na ang iyong simbahan ay magabayan ng inyong Misyon/Pananaw at ng bagong Pananaw ng Kumperensiya. Paano mas makapagbibigay ng inspirasyon ang bagong Pananaw sa iyong simbahan at mga ministeryo? Maaari mong hamunin ang iyong grupo ng mga namumuno na magpangalan ng bagong ideya o inisyatibo para sa kanilang grupo ng ministeryo o impluwensya na magbibigay sa kanilang grupo ng mas matapang na pagmamahal tulad ng kay Hesus, umaksyon para sa hustisya, o magsama-sama para sa pag-asa. Maaari mo ring hilingin na pag-usapan ang “mga susunod na hakbang” kasama ang iyong Superintendente ng Distrito.

Page 12: Ating Bisyon Ang Magiting na Simbahan: Nagmamahal tulad ni ... · “Ako ay patuloy na nangangarap at nagdarasal para sa muling pagbalik ng kabanalan sa araw na magpatuloy ang misyon

Resources available at www.dscumc.org/initiative

13. Mayroon bang adyenda? Mayroon pa bang iba susunod dito? Ang adyenda ay para makaranas ng paglago at katatagan ang bawat simbahan. Ang pag-asa ay ang makaranas ang mga simbahan ng makabagong pag-asa sa pagsamba at ministeryo. Ang pakete ay patuloy na lalago na may karagdagang pamamaraan dahil ang bawat simbahan ay magbabahagi ng kanilang ideya para sa implementasyon ng kanilang pananaw para sa kanilang simbahan.

14. Magkakaroon ba kami ng oportunidad na matutunan ang ginawa ng ibang simbahan upang magbago tulad ng aming ginawa sa Ignite grants? Opo. Ang isa sa importanteng aspeto ng inisyatibo ay ang pagbabahagi ng ideya. Ang nagpapatupad na grupo ay magtatrabaho para sa mga bagong paraan kung saan ang mga simbahan ay magbabahagi ng mga ideya at matuto sa isa’t isa.

15. Kailangan ba namin mag-ulat kung ano ang aming ginawa sa Taunang Kumperensiya gaya ng nakaraan sa pagpasa ng mga litrato at marahil ay poster board? Hindi kailangan ang pag-uulat ngunit malugod namin itong tatanggapin bilang ideya para sa pakikipagtulungan. 16. Bilang ba kung ang aking simbahan ay hindi nagpasimula ng kahit ano ngunit nagbago ng samahan sa ibang simbahan o organisasyon? Aming pinapahalagahan ang pagkakaroon ng kaugnayan at kolaborasyon. Hindi namin pangunahing layunin ang pagsisimula.

17. Paano naging konektado ang Nakahihimok na Pananaw sa sa misyon ng The United Methodist Church at sa sariling pananaw ng aking simbahan? Aming inaasahan na ikaw ay makakahanap ng nakahihimok na pananaw habang iyong ginagawa ang ministeryo ng “Paggawa ng mga Disipulo ni Hesukristo para sa pagbabago ng mundo.” Sa parehong paraan, ang sariling pananaw ng iyong simbahan ay maaring labis na kahalintulad sa nakahihimok na pananaw na ito, kung kaya, ito’y maaaring maging magkasama upang mamuno para sa positibo, bagong pakikipagsapalaran para sa paglago, katatagan at kasaganaan.