ASYA intro.pptx

Click here to load reader

download ASYA intro.pptx

of 24

Transcript of ASYA intro.pptx

ASYA

ASYA

Location

MAP OF ASIA

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lu-pain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokas-yon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) at longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito.

Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Nasasakop ng Asya ang mula 10 Timog hanggang 90 Hilagang latitude at mula 11 hanggang 175 Silangang longitude. Equator AT Prime Meridian

Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa daigdig. Sa kabuuang su-kat nitong mahigit 17 milyong milya kwadrado (humigit kumulang na 44,936,000 kilometro parisukat), katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia, at halos sankapat () lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong () bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto.

Hilagang Asya / Central AsiaAng Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia.

Kanlurang Asya / Middle EastDito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.Timog AsyaBahagi naman ng Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Paki-stan at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangka-puluan ng Sri Lanka at Maldives.Timog Silangang AsyaAng Timog-Silangang Asya ay nakilala bilang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura ng nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia,East Timor,Singapore,Malaysia,Brunei.

Pamprosesong Tanong:Ano ang kontinente?Ilan ang kontinente ng daigdig?Ano ang mapapansin mo sa hugis ng bawat kontinente? May paliwanag ka ba o hinuha tungkol dito?Ano ang masasabi mo sa Asya bilang isang kontinente?May epekto kaya ang lawak, hugis o anyo, at kinaroroonan nito sa mga taong naninirahan dito? Bakit?Isa-isahin ang mga rehiyon ng Asya.Paano isinagawa ang paghahating rehiyonal nito? Kung ang mga kontinente sa buong mundo ay hindi nahahati at itoy nananatiling isang malaking buong lupalop, may pagbabago kaya sa katangiang pisikal nito at anong uri kaya ng pamumu-hay, kultura, kasaysayan, sibilisasyon, at kabihasnan mayroon ang mga tao sa buong daigdig? Maglahad ng paghihinuha.