ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 2 Ang Pilipinas bilang ...
Transcript of ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 2 Ang Pilipinas bilang ...
Copyright © 2018 Quipper Limited
1
ARALING PANLIPUNAN
BAITANG 4, YUNIT 2
Ang Pilipinas bilang Isang Bansa TALAAN NG NILALAMAN
Introduksyon 2
Aralin 1: Ang Pilipinas 3
Layunin Natin 3
Subukan Natin 4
Alamin Natin 5
Pag-aralan Natin 5
Suriin Natin 11
Sagutin Natin 12
Pag-isipin Natin 12
Gawin Natin 12
Aralin 2: Mga Katangian ng Pilipinas 15
Layunin Natin 15
Subukan Natin 16
Alamin Natin 17
Pag-aralan Natin 17
Suriin Natin 23
Sagutin Natin 24
Pag-isipin Natin 24
Gawin Natin 24
Karagdagang Kaalaman 26
Pagyamanin Natin 27
Paglalagom 28
Dapat Tandaan 29
Dagdag Sanggunian 30
Gabay sa Pagwawasto 30
Sanggunian 32
Copyright © 2018 Quipper Limited
2
BAITANG 4 | ARALING PANLIPUNAN
YUNIT 2
Ang Pilipinas bilang Isang Bansa
Ang Pilipinas ay isang bansang may napakayamang kultura at kasaysayan.
Ito ay binubuo ng mahigit sa 7,000 pulo o isla na hitik sa iba’t ibang likas na
yaman at magagandang tanawin. Bilang isang bansa o estado, taglay nito ang
iba’t ibang elemento ng pagkabansa.
Bakit itinuturing na isang bansa ang Pilipinas? Ano ang mga katangian nito
bilang isang bansa?
Sa yunit na ito, tatalakayin natin ang pagiging bansa o pagkabansa ng
Pilipinas at ang mga katangian nito.
Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman
Copyright © 2018 Quipper Limited
3
Aralin 1
Ang Pilipinas
Ang pagiging bansa ng Pilipinas ay produkto ng malawak na kasaysayan ng
pakikibaka at pagsisikap ng mga katutubong Pilipino. Sa pagbangon mula sa
pananakop ay nakamit ng Pilipinas ang kalagayan nito bilang isang bansa.
Kalakip nito ang pagpapatibay ng kultura, tradisyon, pamahalaan, at
ekonomiya upang maging isang ganap na estado.
Paano mapatutunayan na ang Pilipinas ay isang bansa?
Sa araling ito, ating susuriin ang pagkabansa ng Pilipinas sa pamamagitan ng
pagtalakay ng pamahalaan, batas, kasaysayan, wika, at kultura nito.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang
naipaliliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
Copyright © 2018 Quipper Limited
4
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Alin ang katutubong pagkaing Pilipino?
a.
b.
c.
2. Alin ang sumakop sa Pilipinas nang mahigit 300 daang taon?
a.
Estados Unidos
b.
Hapon
c.
Espanya
3. Alin ang opisyal na tirahan at opisina ng Pangulo ng Pilipinas?
a.
b.
c.
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
5
Ang Pilipinas ay isang bansa na
matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.
Tingnan ang mapa sa ibaba. Nakikita mo
ba kung nasaan ang Pilipinas?
Pilipino ang tawag sa mamamayan ng
Pilipinas. Ang pambansang watawat ng
Pilipinas ang opisyal na simbolo ng ating
bansa. Ang kasaysayan at katangian ng
mga Pilipino ay naipahahayag sa
pamamagitan ng paggamit at pagtangkilik sa pambansang watawat.
Ang pagbuo ng pambansang pagkakakilanlan o identidad ay nakasalig sa
mga katangian bilang isang bansa.
Pag-aralan Natin Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
mga salita:
• opisyal – pantungkulin,
kinatawang pambansa
• pagtangkilik - pagpapakita
ng suporta
• nakasalig – nakabatay,
naka-ugat
• ahensiya – sangay
• sagisag – simbolo
• balangkas – estruktura,
pagkakabuo
• niratipika – pinagtibay
• inalipusta – inapi,
pinagmalupitan, hinamak
• nasyonalismo – diwang
makabayan, pagmamahal
sa bansa
• probisyon – tadhana,
panukala, plano
Mapa ng Timog-Silangang Asya
Copyright © 2018 Quipper Limited
6
Napag-aralan natin na ang isang bansa ay binubuo ng mga pangkat ng taong
may iisang pamahalaan, batas, kasaysayan, wika, at kultura. Dahil ang
Pilipinas ay isang bansa, mayroon din ito ng mga nabanggit. Isa-isahin natin
ang mga salik na ito.
Pamahalaan Ang lahat ng bansa ay mayroong
sariling batas at pamahalaan.
Dahil ang Pilipinas ay isang
bansa, mayroon din itong batas
at pamahalaan na namamahala
sa kaayusan ng estado,
nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang
pandaigdigang ahensiya at mga
bansa, at nangangalaga sa
karapatan ng mga Pilipino.
Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Ibig sabihin, ang mga
mamamayang Pilipino ay may karapatan at kakayahang magdesisyon para sa
bansa. Isang halimbawa nito ay ang pagboto tuwing eleksiyon. Dahil sa
demokrasya, nagagawa ng mga Pilipino na pumili ng mga lider na nais nilang
mamuno sa bansa. Ang pangulo ang nagsisilbing lider ng ating bansa.
Siya ang namamahala sa pagpapatupad ng mga bagay-bagay sa bansa at
nagsisilbing pinuno ng sangay militar. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay
binubuo ng tatlong sangay—ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura. Ang tatlong
sangay na ito ang nagtutulong-tulong upang mapatakbo nang maayos ang
ating bansa.
Ang sangay ehekutibo ang namamahala sa pagpapatakbo ng bansa at
pagpapatupad ng mga batas. Ang sangay lehislatibo naman ang gumagawa o
Palasyo ng Malacañang
Copyright © 2018 Quipper Limited
7
nagsasaayos ng mga batas. Samantala, ang sangay hudikatura naman
ang nagbibigay interpretasyon sa mga batas at nagbibigay hatol sa mga
lumalabag sa batas.
Batas Ang mga layunin ng pamahalaan at ang
mga desisyong ginagawa nito para sa
bansa ay pangunahing nakabatay sa
konstitusyon o saligang batas.
Ang Konstitusyon ng 1987 ang
pangunahing gabay ng Pilipinas sa mga
batas na ipinatutupad sa bansa.
Binubuo ito ng 18 artikulo na tumatalakay sa mga karapatan at tungkulin ng
isang mamamayang Pilipino. Dito rin nakasaad ang mga tungkulin ng
pamahalaan, ang mga pambansang sagisag ng bansa, ang balangkas ng
pamamahala, at mga layunin ng bansa. Samantala, ang kani-kaniyang lokal na
batas at alituntunin na ipinatutupad sa mga lalawigan, lungsod, bayan, at
barangay ay nakasalig din sa konstitusyon.
Ang Konstitusyon ng 1987 ay dumaan sa mahabang kasaysayan at maraming
rebisyon o pagbabago. Ang kasaysayan nito ay nagsimula noong 1899 sa
Malolos, Bulacan, nang aprubahan ng Kongreso ng Malolos ang ipinasang
balangkas ni Emilio Aguinaldo tungo sa panimulang kasarinlan ng Pilipinas.
Sa pagdaan ng kasaysayan at iba’t ibang pamumuno ay nagkaroon ng mga
pagbabago sa konstitusyon. Noong Oktubre 1986, inapbrubahan ng
Komisyong Konstitusyunal ang Konstitusyon ng 1987. Ito ay niratipika sa
ilalim ng pamunuan ni Corazon Aquino noong Pebrero 2, 2987 at idineklara
bilang bagong Konstitusyon ng bansa noong Pebrero 11 ng parehong taon.
Copyright © 2018 Quipper Limited
8
Kasaysayan Ang Pilipinas ay may makulay na kasaysayan. Bago ang panahon ng
pananakop, ang mga pamayanan o barangay sa Pilipinas ay pinamumunuan
ng iba’t ibang sultan o datu. Aktibo silang nakikipagkalakalan sa mga dayuhan
mula sa mga karatig bansa. Mayroon din silang sariling kultura, wika, at mga
paniniwala.
Panahon ng mga Espanyol
Dumating ang mga Espanyol sa bansa noong ika-16 na siglo nang hindi
sinasadyang marating nina Ferdinand Magellan ang Pilipinas. Dito nagsimula
ang mahigit 300 taong pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Nakaranas ng
matinding paghihirap ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan. Trinato
ang mga katutubo bilang pinakamababang uri ng tao sa lipunan. Bukod pa
rito, lubusang inalipusta ang mga Pilipino sa larangan ng trabaho at
pamumuhay. Sa pagdaan ng mga panahon, natuto ang mga Pilipino na
labanan ang puwersa ng mga Espanyol. Sa pagtatapos ng ika-19 na siglo,
ganap na nagising ang nasyonalismo ng mga Pilipino na kanilang ipinamalas
sa pamamagitan ng himagsikan. Ipinahayag ng Pilipinas ang kanilang
kalayaan mula sa Espanya noong 1898.
Panahon ng mga Amerikano
Matapos ang matagal na pananakop ng mga Espanyol ay pumasok naman sa
bansa ang mga Amerikano. Sila ang nagpalaganap ng tinatawag na
patakarang benevolent assimilation. Ito ay ang pamamahala ng mga
Amerikano sa Pilipinas upang tulungan itong makapagsarili. Ang pagdating ng
mga Amerikano sa bansa ay nagbukas ng magagandang pagkakataon sa
larangan ng edukasyon at transportasyon sa bansa. Gayunpaman, ang mga
patakarang inihayag ng mga Amerikano ay nakatulong din upang palaguin
ang kanilang personal na interes para sa Estados Unidos.
Copyright © 2018 Quipper Limited
9
Panahon ng mga Hapones
Ang mga Hapones ang huling nanakop sa Pilipinas. Sa kabila ng maikling
panahon ng pananakop, naging malupit ang mga Hapones sa mga Pilipino.
Ang mga sundalong Hapones ay nakilala sa pagpatay at panghahalay ng
kababaihan. Isang tanyag na pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang
Death March na naganap noong panahon ng pananakop ng Hapon.
Natalo ng Estados Unidos at mga kakampi nito ang puwersa ng Hapon noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Muling napasakamay ng mga Amerikano
ang Pilipinas at noong 1946, pinalaya at tuluyan nang naging isang malayang
bansa ang Pilipinas.
Wika Ang pambansang wika ng Pilipinas ay
Filipino. Ito ay binubuo ng mga salita
mula sa iba’t ibang katutubong wika
at diyalekto sa Pilipinas. Mayroong
mahigit-kumulang 175 wika sa buong
bansa. Ang walong pangunahing
wika ay Ilokano, Pangasinense,
Kapampangan, Tagalog, Cebuano,
Hiligaynon, Bikol, at Waray.
Ang pagpapaunlad ng pambansang
wika ay isang isyu na laganap noon
pa mang panahon ng pananakop.
Nagsimula ito sa Saligang Batas ng
Biak-na-Bato (1896) na nagsabing
Tagalog ang pambansang wika.
Mapa ng mga Wika
Copyright © 2018 Quipper Limited
10
Noong 1935 ay tinalakay sa Kongreso ang pagpili ng pambansang wika
ng bansa. Naging isang mahalagang usapin ito sapagkat nang mga panahong
iyon ay nananatili pa rin ang Espanyol at Ingles bilang mga opisyal na wika sa
buong kapuluan. Sa pamumuno ni Manuel Quezon ay nagkaroon ng
probisyon sa Saligang Batas ng 1935 na pagyayamanin ang wikang Filipino.
Bukod pa rito, itinatag sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Bilang 184 ang
Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na siyang mag-aaral ng mga diyalekto sa
Pilipinas upang mapaunlad at mapatibay ang pambansang wika.
Sa pagkaluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo ay pinalitan ang SWP bilang
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP). Sa pagkaka-apruba ng Konstitusyon
ng 1987, itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino.
Kultura Mayaman at makulay ang kultura ng mga Pilipino. Ito ay bunga ng mga
sinunang paniniwala at tradisyon na naimpluwensiyahan na rin ng kultura ng
mga mananakop. Ang mga pista at pagdiriwang, wika, paniniwala, at kuwento
ay mahahalagang patunay sa yaman at ganda ng kulturang Pilipino.
Taon-taon ay dinarayo ng mga turista at lokal na mamamayan ang iba’t ibang
bahagi ng Pilipinas upang maranasan o matunghayan ang mga pista at
selebrasyon na kadalasang nakabatay sa mga relihiyosong paniniwala.
Tanyag na halimbawa nito ang Sinulog ng Cebu, Dinagyang ng Ilo-Ilo, at
Ati-atihan ng Aklan.
Bakas rin ang kultura ng Pilipinas sa larangan ng sining. Kilala ang Pilipinas sa
mga natatanging sayaw katulad ng tinikling at pandanggo sa ilaw. Nariyan din
ang katutubong awitin, dula, at mga epiko na nagpapakita ng ating
kasaysayan at paniniwala bago pa man dumating ang mga mananakop.
Ang mga di-materyal na kulturang ito, lalo na ang ating mga pamahiin at
tradisyon, ay sinusunod o pinahahalagahan pa rin sa kasalukuyan.
Copyright © 2018 Quipper Limited
11
Ang ating kaugalian, tulad ng pagiging masipag, magalang, at matiisin ay mga
tanda ng pagka-Pilipino na hinahangan ng iba’t ibang lahi. Sa lahat ng ito,
marahil ay pinakatanyag tayo sa konsepto ng bayanihan o pagtutulungan sa
oras ng pangangailangan. Ang mga katangiang ito ay bumubuo sa ating
natatanging pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.
1. Ang kasalukuyang konstitusyon ng Pilipinas ay ang
Saligang Batas ng 1986.
2. Ang Espanya, Estados Unidos, at Hapon ang tatlong
bansang sumakop sa Pilipinas.
3. Ang walong pangunahing wika ay Ilokano,
Pangasinense, Kapampangan, Tagalog, Cebuano,
Hiligaynon, Bikol, at Waray.
4. Ang tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas ay
ang ehekutibo, lehislatibo, at konstitusyon.
5. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7,000 isla.
6. Nasa ilalim ng sangay hudikatura ang Korte Suprema
ng Pilipinas.
7. Ang Dinagyang, Ati-Atihan, at Sinulog ay mga
halimbawa ng pistang Pilipino.
8. Ang Konstitusyon ng 1987 ay pinagtibay noong
panahon ng pamumuno ni Corazon Aquino.
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
12
9. Benevolent Assimilation ang tawag sa uri ng
patakaran ng mga Hapones sa Pilipinas.
10. Ang Pilipinas ay isang bansa dahil ito ay mayroong
pamahalaan, kultura, kasaysayan, at wika.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang batayan sa pagiging bansa ng Pilipinas?
2. Anong uri ng pamahalaan ang umiiral sa Pilipinas?
3. Ano ang pambansang wika sa Pilipinas? Anong mga wika at diyalekto
ang bumubuo rito?
Sa iyong palagay, bakit mahalaga na iyong paunlarin at ipagmalaki ang
pagiging isang Pilipino?
Magsaliksik pa upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa pamahalaan,
batas, kasaysayan, wika, at kultura ng Pilipinas. Layunin nitong higit pang
mapagtibay ang pagkaunawa sa pagkabansa ng Pilipinas. Gumamit ng tsart.
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
13
Ang Pilipinas bilang Isang Bansa
Mga Salik ng
Pagkabansa Karagdagang Kaalaman
Pamahalaan
Batas
Kasaysayan
Wika
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Nilalaman Wala o
nakakalap ng
impormasyon
tungkol sa
isang salik
lamang,
marami pa
ring kulang;
hindi
nadagdagan
ang kaalaman
sa
pagkabansa
ng Pilipinas
Nakakalap ng
impormasyon
tungkol sa
dalawang
salik ng
pagkabansa
subalit may
kulang pa rin;
nadagdagan
nang kaunti
ang kaalaman
sa
pagkabansa
ng Pilipinas
Kumpleto ang
impormasyong
nakalap
tungkol sa
tatlong salik ng
pagkabansa;
tiyak na
nadagdagan
ang kaalaman
sa pagkabansa
ng Pilipinas
Kumpleto at
detalyado ang
impormasyong
nakalap
tungkol sa
apat na salik
ng
pagkabansa;
tiyak na tiyak
na
nadagdagan
ang kaalaman
at napagtibay
ang
Copyright © 2018 Quipper Limited
14
pagkaunawa
sa pagkabansa
ng Pilipinas
Kaayusan
at Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng tsart;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Medyo hindi
maayos at
malinis ang
tsart;
maraming
nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
tsart; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
tsart; walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
dahil
ipinaalala ng
guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output bago
pa ang
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
15
Aralin 2
Mga Katangian ng Pilipinas
Ang Pilipinas bilang isang malayang
bansa ay may iba’t ibang katangian.
Ito ay isang kapuluang napaliligiran
ng mga bahaging tubig sa rehiyon
ng Timog-Silangang Asya.
Ang magandang lokasyon ng
Pilipinas ay isa sa mga katangian
nito na ikinaiiba sa maraming
bansa na nasa kalakhang
kontinente kagaya ng Thailand at
Cambodia. Maliban pa sa kalagayang pangheograpiya, natatangi rin sa
rehiyon ang pagiging bansang demokratiko ng Pilipinas.
Nasa kapangyarihan ng mga Pilipino ang pagpapatakbo ng pamahalaan.
Sinisikap ng pamahalaan na paunlarin ang kabuhayan ng bansa gayundin ang
kultura nito.
Bakit at paano naiiba ang Pilipinas sa ibang bansa?
Sa araling ito, ating tatalakayin ang heograpikal, pulitikal, ekonomikal, at
kultural na katangian ng Pilipinas. Sa pamamagitan nito ay susubukan nating
tingnan ang kagalingan ng bansa at kakayahan ng mga Pilipino sa iba’t ibang
aspekto.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa
ang mga katangian ng Pilipinas bilang isang bansa.
Copyright © 2018 Quipper Limited
16
Pagtambalin ang bawat konsepto tungkol sa katangian ng Pilipinas
bilang isang bansa sa Hanay A at ang larawan sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Timog-Silangang Asya A.
2. Pangulo ng Pilipinas B.
3. Natatanging Pilipinong sayaw C.
4. Likas na yaman ng Pilipinas
D.
5. Mga manggagawang Pilipino E.
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
17
May iba’t ibang katangian ang Pilipinas
batay sa heograpiya, pulitika,
ekonomiya, at kultura nito. Ang mga ito
ang siyang nagbibigay ng katauhan sa
Pilipinas bilang isang bansa. Atin pang
kilalanin ang Pilipinas batay rito.
Heograpikal na Katangian Ang Pilipinas ay isang arkipelago.
Ibig sabihin, ang bansa ay binubuo
ng napakaraming isla na may
magkakaibang hugis at laki. Binubuo
ang ating bansa ng mahigit sa 7,000 isla
na nahahati sa tatlong pangkat ng mga
pulo—Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa kasalukuyan, may natuklasan pang
mahigit sa 500 bagong pulo sa bansa.
Tinatayang nasa 2,700 lamang sa mga
pulong ng bansa ang mayroong
pangalan.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa
rehiyon ng Timog-Silangang Asya.
Kasama sa rehiyong ito ang mga
bansang Brunei, Myanmar, Thailand, Singapore, Malaysia, Cambodia, at
Vietnam. Bawat isa sa mga ito, bagaman magkakalapit, ay magkakaiba ang
heograpikal na katangian.
Pag-aralan Natin Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
mga salita:
• tinataya – ipinalalagay,
tinatantiya
• plate – malaking piraso ng
hiwa-hiwalay na ibabaw na
bahagi ng Mundo
• pruweba – katunayan
• ekwador – likhang isip na
guhit sa ibabaw ng Mundo
na naghahati sa hilaga at
timog hating globo o
hemispero
• typhoon belt - lugar sa
Karagatang Pasipiko na
palaging dinadaanan ng
bagyo
• oportunidad – pagkakataon
• balanse – pantay
• benipesyo - pakinabang
• pagtangkilik - pagsuporta
Copyright © 2018 Quipper Limited
18
Ang Pilipinas ay napaliligiran din ng malalaking anyong tubig—ang
Karagatang Pasipiko sa silangan, Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran, Kipot
ng Bashi sa hilaga, at Dagat Celebes sa timog. Ang pinakadulong bahagi ng
bansa sa hilaga ay ang Y’ami sa Batanes, at ang sa timog naman ay ang Saluag
sa Tawi-Tawi.
Mapa ng Timog-Silangang Asya
Copyright © 2018 Quipper Limited
19
Kasama rin ang Pilipinas sa tinatawag na Ring of Fire. Ito ay isang lugar
sa Pasipiko kung saan maraming paggalaw ng mga plate na nagdudulot ng
pagkakabuo ng mga bulkan at pagkakaroon ng mga paglindol. Pruweba nito
ang maraming bulkang matatagpuan sa Pilipinas, tulad na lamang ng Mayon,
Taal, at Pinatubo.
Malapit sa ekwador ang Pilipinas kaya naman tropikal ang klima rito. Dalawa
lamang ang klimang nararanasan sa bansa—ang tag-ulan at tag-araw.
Daanan din ng bagyo ang Pilipinas, lalo na sa Luzon at Visayas, dahil sakop ito
ng typhoon belt sa Karagatang Pasipiko.
Pulitikal na Katangian Ang Pilipinas ay kinikilala bilang isang malayang bansa at estado. Mayroon
itong sariling pamahalaan na pinamumunuan ng pangulo ng bansa. Dahil ang
Pilipinas ay isang demokratikong bansa, ang mga opisyal ng pamahalaan ay
inihalal ng mga tao. Nanunungkulan sila sa loob ng tatlo hanggang
anim na taon.
Mapa ng Pacific Ring of Fire
Copyright © 2018 Quipper Limited
20
Ang kabuuan ng Pilipinas ay pinamumunuan ng isang pambansang
pamahalaan. Upang mapadali ang pagpapatakbo ng bansa, mayroong iba’t
ibang lokal na pamahalaan na namumuno sa bawat probinsiya, lungsod,
bayan, at barangay. Ang maliliit na pamahalaang ito ay inaasahang
magpapatupad, magsasaayos, at magpapanatili ng mga layunin at patakaran
ng pambansang pamahalaan. Ang lahat ng pamahalaang lokal sa Pilipinas ay
napasasailalim sa Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal.
Mayroon ding umiiral na mga batas sa bansa. Ang Konstitusyon, mga batas,
alituntunin, at ordinansa ay ipinatutupad sa bansa. Ito ang sinusunod ng mga
tao sa kanilang araw-araw na gawain at pamumuhay.
Dahil ang Pilipinas ay isang bansa, nakikipag-ugnayan din ito sa iba’t ibang
bansa. Sa katunayan, ang Pilipinas ay bahagi ng mga pandaigidigang
organisasyon na tumutulong sa bansa sa pagpapanatili ng karapatang pantao
at pagsagip sa mga nasalanta ng natural na kalamidad. Ang mga samahang
United Nations, Association of Southeast Asian Nations, at Asia-Pacific Economic
Cooperation ay ilan lamang sa mga pandaigdigang samahang kinabibilangan
ng ating bansa.
Ekonomikal na Katangian Ang pisikal o heograpikal na katangian ng
bansa ay may epekto sa mga gawaing
pang-ekonomiya nito. Dahil sa ating lokasyon
at pagiging arkipelago, ang ating bansa ay
sagana sa iba’t ibang likas na yaman. Ang
pagkakaroon ng maraming likas na yaman ay
makatutulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas
dahil ipinahihiwatig nito na marami tayong
produkto na maaaring ipagbili sa
pandaigdigang pamilihan. Ipinahihiwatig din Chocolate Hills sa Bohol
Copyright © 2018 Quipper Limited
21
ng mayamang kalikasan ng ating bansa ang pagkakaroon ng maraming
oportunidad upang bigyan ng trabaho ang mga Pilipino o kaya naman ay
tustusan ang ating pang-araw-araw na mga pangangailangan.
Ayon sa mga pag-aaral, ang ekonomiya ng Pilipinas ay patuloy na lumalago.
Noong 2017, kinilala ang ating bansa bilang ika-10 sa mga bansa na may
pinakamabilis na paglago ng ekonomiya. Dahil dito, inaasahan na mas mabilis
pang lalago ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na taon.
Tandaan na mahalaga ang paglago ng ekonomiya ng bansa sapagkat ang
mabuti at balanseng takbo ng ekonomiya ay nangangahulugan ng mas
maginhawang buhay para sa mga mamamayan. Kung balanse at maganda
ang ekonomiya ng isang bansa, nagkakaroon ng oportunidad ang
pamahalaan na bumuo ng mas maraming proyekto at makapagbibigay ng
mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan.
Mga Modernong Gusali sa Metro Manila
Copyright © 2018 Quipper Limited
22
Kultural na Katangian Ang kultura ng mga Pilipino ay natatangi. Ito ay nahubog mula sa mga
sinaunang kaalaman at paniniwala bago pa man dumating ang mga
mananakop. Sa pagdaan ng panahon ay naimpluwensiyahan ito ng mga
dayuhang sumakop sa ating bansa.
Halimbawa, sagana sa iba’t ibang pamahiin, mito, alamat, at paniniwala ang
mga Pilipino. Natatangi rin ang mga pagdiriwang at pagkain sa Pilipinas tulad
ng letson, sinigang, at adobo. Ang mga ito ay nagmula pa sa mga naunang
henerasyon at naipasa sa kasalukuyan sa pamamagitan ng patuloy na
paggamit at pagtangkilik sa mga paniniwalang ito.
Larawan ng mga Nagsasayaw ng Tinikling
Copyright © 2018 Quipper Limited
23
Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.
1. Ayon sa mga ulat, bumaba ang antas ng ekonomiya
ng Pilipinas noong 2017.
2. Ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan
ang pangunahing ahensiya na nagbabantay sa mga
gawain ng pambansang pamahalaan.
3. Karatig-bansa ng Pilipinas ang mga bansang Vietnam
at Malaysia.
4. Bilang isang arkipelago, ang Pilipinas ay binubuo ng
maraming isla na may iba’t ibang laki at sukat.
5. Ang Mayon, Pinatubo, at Taal ay mga bulkan sa
Pilipinas.
6. Ang Pilipinas ay kasapi ng United Nations at
Association of Southeast Asian Nations.
7. Dahil sa Ring of Fire, nagkakaroon ng maraming
bulkan sa Pilipinas.
8. Ang pagiging malapit ng Pilipinas sa ekwador ay
walang epekto sa klima ng bansa.
9. Sa mahigit 7,000 isla sa Pilipinas, nasa 5,000 lamang
ang mayroong pangalan.
10. Ang pisikal na kaanyuan at likas na yaman ng
Pilipinas ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa.
Suriin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
24
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang heograpikal na katangian ng Pilipinas?
2. Ano ang karaniwang hanapbuhay ng mga mamamayan sa bansa?
3. Ano ang katangian ng kultura ng mga Pilipino?
Alin sa mga katangian ng Pilipinas ang iyong maipagmamalaki? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
Kasama ang nakatatanda, pumunta sa pinakamalapit na museo sa inyong
lugar. Alamin ang kasaysayan at kuwento sa likod ng mga bagay o gamit na
makikita roon. Ang mga bagay na makikita sa museo ang siyang bumubuo sa
materyal na kultura ng bansa. Sa tulong ng mga nakitang kagamitan o artifact
ay gumawa ng isang paglalarawan ng mga tradisyon at paniniwalang
maaaring ginawa ng mga katutubong gumamit ng mga bagay na nakita. Isulat
ito sa notebook o sa isang bond paper.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Nilalaman Wala o
bahagyang
nailarawan
ang mga
Nailarawan ang
mga nakitang
kagamitan,
subalit may
Kumpleto ang
ang
paglalarawan
sa mga
Kumpleto at
detalyado ang
paglalarawan
sa mga
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
25
nakitang
kagamitan;
hindi o
bahagyang
nailarawan
ang tradisyon
at
paniniwalang
maaaring
ginawa ng mga
katutubo
kulang pa rin;
bagaman hindi
kumpleto,
nailarawan ang
tradisyon at
paniniwalang
maaaring
ginawa ng mga
katutubo
nakitang
kagamitan;
mahusay na
nailarawan
ang tradisyon
at
paniniwalang
maaaring
ginawa ng mga
katutubo
nakitang
kagamitan;
napakahusay
na nailarawan
ang tradisyon
at
paniniwalang
maaaring
ginawa ng mga
katutubo
Kaayusan at
Kalinisan
Walang
kaayusan at
napakadumi
ng output;
napakaraming
nakitang bura,
dumi o
pagkakamali
Medyo hindi
maayos at
malinis ang
output;
maraming
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Maayos at
malinis ang
output; may
ilang nakitang
bura, dumi, o
pagkakamali
Napakaayos at
napakalinis ng
output; walang
nakitang bura,
dumi, o
pagkakamali
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng output sa
loob ilang
minuto/
oras/araw/
linggo
matapos ang
itinakdang
panahon ng
pagpapasa
dahil ipinaalala
ng guro
Nakapagpasa
ng output sa
loob ng ilang
minuto/
oras/araw/
linggo matapos
ang itinakdang
panahon ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output sa
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng output bago
pa ang
itinakdang
minuto/
oras/petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
26
Ang pista ng Sinulog sa Cebu ay isang relihiyoso at kultural na pista na
ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ang pistang ito ay idinaraos
upang bigyampugay si Santo Niño dahil sa mga biyayang kaniyang
ipinagkakaloob sa mga mamamayan ng probinsiya.
Ang Sinulog ay maituturing na isa sa mga pinakatanyag na kapistahan sa
Pilipinas. Taon-taon, libo-libong turista, lokal at dayuhan, ang pumupunta sa
Cebu upang dumalo sa iba’t ibang gawain ng kasiyahan at pagdarasal.
Ang debosyon ng mga Cebuano kay Santo Niño ay nagsimula pa noong ika-16
siglo nang ipalaganap ito ng mga Espanyol sa lalawigan.
Karagdagang Kaalaman
Pagdiriwang ng Pista ng Sinulog
Copyright © 2018 Quipper Limited
27
Bumuo ng apat na pangkat. Bawat pangkat ay maghahanda ng isang maikling
iskit o pagtatanghal na ipakikita sa klase sa susunod na linggo. Pumili ng isang
katangian ng Pilipinas na maaaring ipamalas sa klase.
1. Heograpikal – paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa habang at
pagkatapos ng paglindol
2. Ekonomikal – pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa
tungkol sa usapin ng likas na yaman
3. Pulitikal – paghahalal ng mga bagong lider ng bansa
4. Kultural – pagdaraos ng isang pista sa bansa
Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Bakit mahalagan gmalaman at maintindihan ang mga katangian ng
Pilipinas bilang isang bansa?
2. Paano nakatutulong ang kaalaman tungkol sa mga katangian ng
Pilipinas sa pagpapaunlad ng bansa?
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan [25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay
Marka
Pag-unawa sa
Paksa/
Gawain
Karamihan sa
impormasyong
inilahad ay hindi
tama
Ang pagtatanghal
ay hindi
Karamihan sa
impormasyong
inilahad ay tama
Nagpapakita ng
pag unawa sa
paksa o gawain
Halos lahat ng
imporma yong
inilahad ay
tama
Nagpapakita ng
tamang pag-
Tama ang
impormasyong
inilahad
Nagpapakita ng
ganap na pag-
Pagyamanin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
28
tumutugma sa
paksa o gawain
unawa sa paksa
o gawain
unawa sa paksa o
gawain
Kooperasyon
ng mga
Kasapi ng
Pangkat
Hindi
nagtutulungan
ang mga kasapi
para sa kanilang
gagawing
pagtatanghal
Isang tao lamang
ang gumagawa
para sa
pagtatanghal
Ang mga kasapi
ay may kani-
kaniyang ideya at
hindi
magkasundo sa
dapat nilang
gawin
Ilang kasapi
lamang ang nag-
aambag para sa
pagtatanghal
Ang mga kasapi
ay tumatanggap
ng ideya nang
hindi nagbibigay
ng negatibong
komento at
sinusubukang
magkasundo sa
dapat gawin
Karamihan sa
mga kasapi ay
nagbibigay ng
ambag sa
pagbuo ng
presentasyon
Ang mga kasapi
ay tumatanggap
ng ideya ng isa’t
isa at
nagkakasundo as
dapat gawin
Lahat ng kasapi
ay may ambag sa
pagbuo ng
presentasyon
Pagtatanghal Nagpuputol-putol
ang pagtatanghal
Hindi halos
nakikinig o
nanonood ang
mga manonood
Maraming
pagkakataon na
bumubulong at
hindi naririnig
Hindi gumagamit
ng angkop na
galaw o kilos; o
hindi masyadong
gumagalaw
Nagpapakita ng
pagkahiya o
hindi tiyak ang
gagawin
Sinusubukang
makuha ang
interes ng mga
manonood
Hindi
masyadong
marinig sa ilang
pagkakataon
Gumagamit ng
angkop na galaw
at kilos sa ilang
pagkakataon
Nagpapakita ng
kumpiyansa
Nakukuha ang
interes ng mga
manonood
Nagsasalita sa
paraang
naririnig ng mga
manonood
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos sa
maraming
pagkakataon
Nagpapakita ng
kumpiyansa
Nakakaaliw at
nakukuha ang
interes ng mga
manonood
Nagsasalita nang
malakas at
malinaw
Gumagamit ng
angkop na galaw
at kilos
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
29
Pilipinas
Elemento
Pamahalaan: Demokratiko
Batas: 1987 Konstitusyon
Kasaysayan: Sinaunang Panahon, Panahon ng Pananakop, at Panahon ng Pagsasarili
Wika: Filipino
Kultura: May sariling mga paniniwala at tradisyon
Katangian
Heograpikal: Arkipelago
Pulitikal: Pangulo ang Pinuno
Ekonomikal: May iba't ibang kabuhayan
Kultural: Natatangi at may impluwensiya ng dayuhan
Paglalagom
Copyright © 2018 Quipper Limited
30
Ang sumusunod na mga video link ay maaaring tingnan para sa karagdagang
impormasyon o mas malalim na pagtalakay:
• Ang Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas ni Michael “Xiao” Chua
(https://www.youtube.com/watch?v=7CzIdD4FDng)
• Ang Pagbabago ng Pilipinas Bunga ng Digmaan ni Michael “Xiao” Chua
(https://www.youtube.com/watch?v=KBfXp9_YF2I)
• Ang Kabihasnang Pandagat ng Pilipinas ni Michael “Xiao” Chua
(https://www.youtube.com/watch?v=QXDTN8Ht1pQ&list=PL4npoH__cg
W3Ur7w2NIqAth0bT_pB5_jl&index=11)
DAPAT TANDAAN
• Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago na matatagpuan sa
Timog-Silangang Asya.
• Bilang isang bansa, ang Pilipinas ay may heograpikal, pulitikal,
ekonomikal, at kultural na katangian.
• Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa na
pinamumunuan ng pangulo.
• Binubuo ng tatlong sangay ng pamahalaan ng Pilipinas, ang
sangay ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.
• Maraming Pilipinong kultura at tradisyon ang
pinahahalagahan pa rin sa bansa hanggang sa kasalukuyan.
Dagdag Sanggunian
Copyright © 2018 Quipper Limited
31
Aralin 1: Ang Pilipinas
Subukan Natin
1. a
2. c
3. a
Suriin Natin
1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Tama
9. Mali
10. Tama
Aralin 2: Mga Katangian ng Pilipinas
Subukan Natin
1. d
2. e
3. a
4. b
5. c
Gabay sa Pagwawasto
Copyright © 2018 Quipper Limited
32
Suriin Natin
1. Mali
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Mali
10. Tama
“Biag ni Lam-Ang.” Tagalog Lang. Nakuha mula sa
https://www.tagaloglang.com/biag-ni-lam-ang-buod/
Calbay, R. “Wika o diyalekto?” The Varsitarian. Nakuha mula sa
http://varsitarian.net/features/20060818/wika_o_diyalekto
Hernandez, C. & Borlaza, C. “Philippines.” Encyclopaedia Britannica. Nakuha
mula sa https://www.britannica.com/place/Philippines
Lambert, T. “A Brief History of the Philippines.” Local Histories. Nakuha mula
sa http://www.localhistories.org/philippines.html
“Major Agricultural Products.” Philippine Consulate General: Toronto, Canada.
Nakuha mula sa http://www.philcongentoronto.com/general/
general_products.php
Panos Mourdoukoutas. “Duterte's Philippines Is The 10th Fastest Growing
Economy in The World.” Forbes. Nakuha mula sa https://www.forbes.
com/sites/panosmourdoukoutas/2017/06/20/dutertes-philippines-is-
the-10th-fastest-growing-economy-in-the-world/#6e6034705887
Sanggunian
Copyright © 2018 Quipper Limited
33
“Philippine Constitution.” Official Gazette of the Republic of the Philippines.
Nakuha mula sa http://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/
"Philippine Government." Official Gazette of the Republic of the
Philippines. Nakuha mula sa http://www.gov.ph/about/gov/
Roberto T. Añonuevo. “Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino.”
Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha mula sa http://kwf.gov.ph/
kasaysayan-at-mandato/
“Synopsis of Philippine History.” Philippine History. Nakuha mula sa
http://www.philippine-history.org/
“The Geographical Characteristics of the Philippines.” Famous Filipino. Nakuha
mula sa http://www.famousfilipino.com/content/view/266/144/
“Three Branches of Government.” Philippine Information Agency. Nakuha mula
sa http://pia.gov.ph/branches-of-govt.