Aralin 81 mga tungkulin, pananagutan at karapatan ng bawat kasapi ng kooperatiba epp 6 4th quarter
-
Upload
arnel-bautista -
Category
Education
-
view
603 -
download
61
Transcript of Aralin 81 mga tungkulin, pananagutan at karapatan ng bawat kasapi ng kooperatiba epp 6 4th quarter
ARALIN 80:MGA TUNGKULIN, PANANAGUTAN, at
KARAPATAN ng BAWAT KASAPI ng
KOOPERATIBA
Ang tagumpay ng alinmang samahan ay nakasalalay sa pagtupad ng tungkulin ng bawat kasapi. Ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng bawat isa ay mahalaga. Dapat malaman ng isang kasapi ng kooperatiba ang kanyang mga tungkulin at karapatan.
TUNGKULIN NG MGA KASAPI:1. Pangalagaan ang mga
panindang kailangan ng mga mamimili.
2. Maisaayos ang mga paninda sa kanya-kanyang lalagyan o lugar.
3. Panatilihing malinis ang tindahan at kapaligiran.
TUNGKULIN NG MGA KASAPI:4. Tumulong sa pagpepresyo, pagtatatak, pagtatanghal at pag-iimbak ng mga paninda.5. Magtinda, mamili, at mag-
imbentaryo ng mga paninda.6. Pagbiyan ang lahat ng mamimili.7. Maging tapat sa mamimili.8. Tangkilikin ang mga kalakal at
paglilingkod ng kooperatiba.
KARAPATAN NG MGA KASAPI:1.Pumili at iboto ang
pinakamagaling na kasapi na bubuo ng lupon ng mga direktor.
2.Dumalo sa mga pagpupulong ng kooperatiba upang malaman ang katayuan ng samahan, makapagbigay ng puna o mungkahi para sa ikauunlad ng samahan.
KARAPATAN NG MGA KASAPI:3. Alamin ang mga posibilidad at
mga limitasyon ng samahan.4. Sumangguni sa lupon ng mga
direktor kung may alinlangan o suliranin.
5. Makilahok sa pamamalakad ng kooperatiba.
6. Tumanggap ng dibidendo.
MGA TUNGKULIN NG LUPON NG MGA DIREKTOR:1. Pangalagaan ang
kapakanan at interes ng mga kasapi nito.
2. Magiging tapat sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.
3. Magpapatupad ng mga batas ng kooperatiba.
Ang kooperatiba ay binubuo ng apat na Komite o Lupon:1.Lupon sa pagsapi2.Lupon sa pag-aaral3.Lupon sa pamimili4.Lupon sa pagtutuos
Ang namumuno sa bawat lupon ay pinipili sa pamamagitan ng butohan o halalan. Ang bawat namumuno ng lupon ay: - mangangasiwa ng kanilang sariling mga gawain. - magsiyasat at lumutas ng suliranin kung mayroon man.
KATANGIAN NG ISANG MABUTING DIREKTOR:1. Aktibong kasapi at masugid na
tagatangkilik ng mga produkto at paglilingkod ng kooperatiba.
2. Handang maglingkod at tumanggap ng tungkulin at pananagutan.
3. Nagtataglay ng mataas na uri ng pagkatao at integridad.
KATANGIAN NG ISANG MABUTING DIREKTOR:4. Magaling at mabilis
magpasya para sa kagalingan ng kooperatiba.
5. Matulungin at marunong gumalang sa karapatan ng mga kasapi.
Karapatan ng Direktor:1. Ipatupad at pairalin ang
batas atalituntunin ng kooperatiba.
2. Pamahalaan ang lahat ng Gawain ng kooperatiba.
3. Pumili ng mga tao o pangkat na magpapatakbo ng kooperatiba.
Bukod sa mga direktor ng bawat lupon, may isang Pangkalahatang Tagapamahala ( Chairman of the Board) ang kooperatiba.
Pangkalahatang Tagapamahala ( Chairman of the Board):1. Nagsisilbing sanggunian
ng iba pang namumuno ng lupon sa paggawa ng mga pagpapasya o desisyon.
2. Namumuno sa pagpupulong ng kooperatiba.
Pangkalahatang Tagapamahala ( Chairman of the Board):3. Tumitingin kung ang
mga batas at alituntunin ng kooperatiba ay maayos na ipinatutupad.
Katangian ng Mabuting Tagapamahala ( Chairman of the Board):1. May mataas na antas ng
moralidad at integridad.2. May kaalaman at kasanayan
sa pamamahala at pamamalakad.
3. May matibay na paniniwala at karanasan sa kooperatiba.
PAGTATAYA:1. Anu-ano ang lupon ng
kooperatiba?2. Ibigay ang tungkulin at
karapatan ng: a. kasapi b. direktor c. tagapamahala d. punong tagapamahala