Aralin 22 patakaran ng pananalapi
-
Upload
rivera-arnel -
Category
Education
-
view
2.019 -
download
29
Transcript of Aralin 22 patakaran ng pananalapi
Aralin 22
Patakaran ng PananalapiInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Mga Dapat Tandaan:
• Patakaran ng Pananalapi
• Institusyon ng Pananalapi
• Bangko
• Institusyong Di-Bangko
Patakarang Pananalapi(Monetary Policy)
• Ito ay may kinalaman sa pamamahala o
pagkontrol sa suplay ng salapi upang
patatagin ang halaga ng salapi sa loob at
labas ng bansa at tiyakin na magiging
matatag ang buong ekonomiya.
• Mga institusiyon ng pananalapi ang may
malaking pananagutan sa pagpapatupad ng
patakaran sa pananalapi sa pangunguna ng
Bangko Sentral ng Pilipinas.
Institusyon ng Pananalapi
• Ito ang pangunahing institusyon na
inaasahan ng pamahalaan na
mamamahala sa paglikha, pagsu-
supply, pagsasalin-salin ng salapi sa
ating ekonomiya.
• Nahahati ito sa dalawang uri; ang
bangko at di-bangko.
Bangko
• Isang uri ng institusyong pampananalapi na
tumatanggap at lumilikom na labis na salapi
na iniimpok ng tao at pamahalaan.
• Ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga
taong may labis na salapi at mga
negosyanteng namumuhunan sa bansa.
Mga Uri ng Bangko
1. Bangko ng pagtitipid (Thrift Bank) – ito ay
tinatawag din sa savings bank na humihikayat sa
mga tao na magtipid at mag-impok ng ilang bahagi
ng kanilang kita.
• Savings and Loan Association – nagpapahiram ng salapi
at tumatanggap ng impok na pare ng mga kasapi nito
• Private Development Bank – tumatanggap ng deposito ng
mga mamamayan na nagagamit sa pagpaphiram ng mga
puhunan sa mga small ang medium scale industries.
• Savings and Mortage Bank – humihikayat din sa tao na
mag-impok at tumanggap ng sanla ng publiko bilang prenda
sa pangungutang ng puhunan.
2. Bangkong Komersyal (Commercial Bank) – Ito
ang bangko na nikikipag-ugnay sa mga nag-iimpok
at mga negosyante at kapitalista.
3. Bangkong Rural (Rural Bank) – mga bangko na
ngalalayong tulungan ang mga magsasaka upang
magkaroon ng puhunan.
4. Trust Companies – bangko na nangangalaga sa
mga ari-arian at kayamanan ng mga tao na walang
kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian
lalo na ng mga bata. Inaasikaso din ng bangkong
ang mag pondo at ari-arian ng simbahan at mga
charitable institutions.
5. Mga Espesyal na Bangko
Land Bank of the Philippines – itaguyod ang
pagpaptupad ng reporma sa lupa. May kinalaman
ito sa pagsasaayos ng pondo ng pamahalaan ukol
sa reporma sa lupa.
Development Bank of the Philippines (DBP) – ito
ang nagbibigay tulong pinansyal sa pagpapatupad
ng mga programa at proyekto na magpapaunlad ng
pangunahing sektor ng ekonomya, ang agrikultura
at industriya.
Mga Institusyong Di-Bangko
1. Pag-IBIG Fund – Pagtutulungan sa kinabukasan –
Ikaw, Bangko Industriya at Gobyerno ay itinatag
upang matulungan ang mga kasapi nito na
magkaroon ng sariling bahay.
2. Government Service Insurance System (GSIS) –
Namamahala sa pagkakaloob ng tulong sa mga
manggagawa ng pamahalaan.
3. Social Security System (SSS) – Ito ang
nagkakaloob ng seguro sa mga manggagawa sa
mga pribadong industriya at kompanya.
• Ano ang kahalagahan ng pag-iimpok sa
bangko sa buhay ng tao? Paano ito
nakakatulong sa kanyang pag-unlad.
PAGPAPAHALAGA
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI
inililimos!
Tandaan:
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI