Aralin 15 AP 10

39
ARALIN 15 Iba’t Ibang Estraktura ng Pamilihan

Transcript of Aralin 15 AP 10

Page 1: Aralin 15 AP 10

ARALIN 15

Iba’t Ibang Estrakturang Pamilihan

Page 2: Aralin 15 AP 10

“PAMILIHAN”

Ano ba ang

PAMILIHAN???

Page 3: Aralin 15 AP 10

Ang pamilihan ay isang

kaayusan kung saan

nagkakaroon ng interaksyon

ang mga mamimili at

nagtitinda upang

magpalitan ng iba’t ibang

bagay.

Page 4: Aralin 15 AP 10

Bakit nga ba may

PAMILIHAN???

Page 5: Aralin 15 AP 10

May pamilihan dahil walang sinuman ang

may kayang tugunan ang lahat ng kanyang

pangangailangan.

Dahil sa pamilihan, nakakamit ng tao ang

mga bagay na nais niya.

Sa halip na maging self-sufficient,

nagkakaroon ng espesyalisasyon sa

paggawa ng ilang produkto at dahil ditto

kinakailangan ng mga tao ng Pamilihan

upang ipagbili ang mga produktong

naprodyus.

Page 6: Aralin 15 AP 10

Ngunit bago ang lahat....

….ano nga ba ang

“ESPESYALISASYON

SA PAGGAWA”

Page 7: Aralin 15 AP 10

Ang espesyalisasyon sa

paggawa ay ang

konsentrasyon ng

produktibong pagsisikap ng

tao sa limitadong bilang bng

gawain.

Page 8: Aralin 15 AP 10

“PAMILIHAN”

Ano pang tungkol sa

PAMILIHAN???

Page 9: Aralin 15 AP 10

Ang PAMILIHAN ay

mapapangkat sa dalawang(2)

ESTRUKTURA...

Page 10: Aralin 15 AP 10

Una....

“PAMILIHANG MAY

GANAP NA

KOMPETISYON”

Page 11: Aralin 15 AP 10

SA GANITONG URI NG

PAMILIHAN… …wala sa mamimili o sa bahay-kalakal ang maaaring

makakontrol sa presyo ng mga produkto

…walang pagkakaiba ang mga produktong ipinagbibili

…ang pwersa ng demand at suplay ang nagtatakda ng

presyo sa pamilihan

…madaling pumasok o magbukas ng negosyo dahil

walang balakid ang mga magbubukas ng negosyo

upang tumubo samantala, ganun din kadaling lumabas

o magsara ng negosyo rito

…inaasahang may ganap na kaalaman ang mga

mamimili at nagtitinda sa mga nangyayari sa pamilihan

Page 12: Aralin 15 AP 10

Halimbawa, kung ang presyo ng kalamansi ay

limampung piso bawat kilo, lahat ng

nagtitinda ay susunod sa takdang presyo.

Ang pagtataas ng presyo ng kalamansi ng

isang bahay-kalakal ay magtutulak sa mga

mamimili na bumili sa ibang bahay-kalakal

na hindi nagtataas ng presyo. Samatala, ang

hindi pagbili ng isang mamimili ay hindi

makakaapekto upang ibaba ng nagtitinda

ang kanyang presyo dahil lubhang

napakaraminjg taong maaaring bumili ng

kalamansi.

Page 13: Aralin 15 AP 10

Pangalawa....

“PAMILIHANG MAY

HINDI GANAP NA

KOMPETISYON”

Page 14: Aralin 15 AP 10

SA GANITONG URI NG

PAMILIHAN…

…lahat ng bahay-kalakal ay

may kapangyarihang

kontrolin ang presyo sa

pamilihan

Page 15: Aralin 15 AP 10

Ang PAMILIHANG MAY

GANAP NA

KOMPETISYON ay maaaring

uriin sa apat(4)…

Page 16: Aralin 15 AP 10

Una….

“MONOPOLY”

Page 17: Aralin 15 AP 10

Isang uri ng pamilihan kung

saan may iisa lamang na bahay-

kalakal na gumagawa ng

produkto na walang malapit na

kahalili.

Nasa monopolist ang kontrol sa

presyo at dami ng suplay na nais

nitong ilabas.

Page 18: Aralin 15 AP 10

Upang mapanatili angmonopoly....

….kailanagangmahadlangan ang pagpasok ngbagong bahay-kalakal sapamilihan;

Page 19: Aralin 15 AP 10

NARITO ANG ILANG PARAAN: Intellectual property rights

…paggawad ng eksklusibong karapatan sa

pagbebenta ng mga produkto ng tuklas-kaalaman(mga

orihinal na komposisyonng pang-musika, panliteratura at

mga pelikula).

Copyright

…isang legal na proteksyon na ipinagkakaloob sa

gumagawa at naglalathala ng mga aklat, computer

software, at video laban sa pangongopya ng iba.

Patent

…eksklusibong karapatan ng imbentor na

magprodyus at magbenta ng bagong produkto o

makinarya sa isang takdang panahon.

Page 20: Aralin 15 AP 10

“MONOPOLY”

Ano pang tungkol sa

MONOPOLY???

Page 21: Aralin 15 AP 10

Ang industriya ay isang natural

monopoly kung ang isang bahay-

kalakal ay may kakayahang gumawa

ng kalakal o paglilingkod sa mas

mababang gastos kumpara sa dalawa o

higit pang bahay-kalakal.

Halimbawa, karamihan sa mga public

utility tulad ng koryente, tubig, at

telepono.

Page 22: Aralin 15 AP 10

Pangalawa….

“MONOPSONY”

Page 23: Aralin 15 AP 10

Isang uri ng pamilihan na isang

mamimili lamang ang may lubos

na kapangyarihan upang

kontrolin ang presyo ng isang

pamilihan.

Karaniwang PAMAHALAAN

ang itinuturing na

monoposonist sa ganitong uri ng

pamilihan.

Page 24: Aralin 15 AP 10

Halimbawa, ang pamahalaanay itinuturing na isangmonopsonist dahil itolamang ang kumukuha ngserbisyo ng mga sundalo, pulis, bumbero, at mgatraffic enforcer ng MMDA.

Page 25: Aralin 15 AP 10

Pangatlo….

“OLIGOPOLYO”

Page 26: Aralin 15 AP 10

Isang estruktura ng pamilihan na

may maliit na bilang ng bahay-

kalakal na nagbebenta ng

magkakatulad o magkakaugnay na

produkto.

Ang pinakaimportanteng katangian

nito ay ang kakayahan ng bawat

bahay-kalakal na

maimpluwensyahan ang presyo sa

pamilihan.

Page 27: Aralin 15 AP 10

Halimbawa, ang industriya

ng langis sa bansa.

Page 28: Aralin 15 AP 10

“OLIGOPOLYO”

Ano pang tungkol sa

OLIGOPOLYO???

Page 29: Aralin 15 AP 10

Ang hindi pag-ayon at walang

pakialam na galaw ng bawat

bahay-kalakal ay magdudulot

ng price war.

Kung may kooperasyon naman

ang bawat bahay-kalakal sa

pamilihang ito, nagkakaroon ng

tinatawag na collusion.

Page 30: Aralin 15 AP 10

Ngunit.... ….ano nga ba ang

“PRICE WAR” at “COLLUSION”

Page 31: Aralin 15 AP 10

“PRICE WAR”

Nagaganap ito kapag

nagpapaligsahan ang

bahay-kalakal sa

pagpapababa ng presyo

ng kalakal at serbisyo.

Page 32: Aralin 15 AP 10

“COLLUSION”

Ang salitang ito ang nagpapakita

ng sitwasyon kung saan ang

dalawa o higit pang bahay-kalakal

ang nagkasundo sa pagtatakda ng

presyo o paghahati ng pamilihan

para sa kanilang kapakinabangan

at pagsasagawa ng samasamang

desisyon.

Page 33: Aralin 15 AP 10

“CARTEL”Isang organisasyon ng

malalayang bahay-kalakal na

gumagawa ng magkakatulad na

produkto na samasamang

kumikilos upang itaas ang

presyo at takdaan ang dami ng

gagawing produkto.

Page 34: Aralin 15 AP 10

Pang-apat….

“MONOPOLISTIC COMPETITION”

Page 35: Aralin 15 AP 10

Dito maraming kalahok

na bahay-kalakal.

Marami rin ang namimili.

Subalit mas mataas ang

kapangyarihan sa

pamilihan ng bahay-

kalakal kaysa mamimili.

Page 36: Aralin 15 AP 10

Maraming bahay-kalakal ang

lumilikha ng kaparehong

produkto. Ang uri ng produkto

ay magkakapareho ngunit hindi

magkakahawig (similar but not

exactly identical). Ito ang

PRODUCT

DIFFERENTIATION.

Page 37: Aralin 15 AP 10

“MONOPOLISTIC COMPETITION”

Ano pang tungkol sa

MONOPOLISTIC

COMPETITION???

Page 38: Aralin 15 AP 10

Dito, nais mapalawak ng

bahay-kalakal ang

produksyon.

Nagsasagawa ng product

differentiation upang maabot

ang lahat ng uri ng mamimili.

Kumpara sa manopolyo, mas

efficient ang produksyon dito.

Page 39: Aralin 15 AP 10

LAYUNIN NG

“MONOPOLISTIC COMPETITION”

Ang makakuha ng

ekonomikong tubo mula sa

product differentiation.