AP Strategies I-III

40
i i This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

description

araling panlipunan

Transcript of AP Strategies I-III

Page 1: AP Strategies I-III

ii

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 2: AP Strategies I-III

ii

MGA ESTRATEHIYA AT MGA BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN PARA SA SEKUNDARYA (I-III)

Unang Edisyon 2011

ISBN 978-971-07-2626-4

Karapatang-ari © 2011 ng Vibal Publishing House, Inc.

Reserbado ang lahat ng karapatan. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo, kasama na rito ang pelikula, nang walang nakasulat na pahintulot ang Tagapaglathala at ang mga may-akda. Hindi sakop ng karapatang-ari ang suring-aklat na ilalathala sa mga pahayagan at magasin.

Inilathala at inilimbag sa Pilipinas ng Vibal Publishing House, Inc.

Punong Tanggapan: 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines

Tanggapang Panrehiyon: Unit 202 Cebu Holdings Center, Cebu Business Park, Cardinal Rosales

Avenue, Cebu City Kalamansi St. cor. 1st Avenue, Juna Subdivision, Matina, Davao City Bldg. A, Unit 4, Pride Rock Business Park, Gusa, Cagayan de Oro City

Kasapi: Philippine Educational Publishers’ Association; Book Development Association; Association of South East Asian Publishers; Graphic Arts Technical Foundation

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 3: AP Strategies I-III

iii

Paunang Salita

Ang epektibong pagtuturo ay nagsisimula sa isang plano. Naghahanda at nagpapasya ang guro kung paano ilalahad ang nilalaman ng aralin ayon sa mga layunin nito upang maging epektibo ang pagtuturo at pagkatuto. Ang epektibong pagtuturo ay sumusunod sa isang organisadong pagtutularan o paraan tulad ng banghay-aralin. Mahalaga rito ang pagpapasya ng guro dahil sa bawat hakbang ng kanyang pagtuturo ay maraming pagpipiliang gawain na kailangan niyang pagpasyahan. Ito ang pangunahing layunin ng aklat na ito — ang Mga Estratehiya at Banghay-aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan para sa Sekundarya (I-III) — ang tulungan ang guro sa kanyang mahalagang gawain na epektibong makapagturo ng kanyang inihandang aralin sa pamamagitan ng paggamit ng isang organisadong banghay-aralin.

Ang aklat na ito ay binubuo ng dalawang bahagi. Sa unang bahagi ay napapaloob ang mga estratehiya sa pagtuturo ng Araling Panlipunan na angkop sa lahat ng antas sa mataas na paaralan. Ang mga estratehiya ay binubuo ng isahang pagkatuto, pangkatang pagkatuto, paggamit ng mga laro, at mapping at graphic organizer. Bawat estratehiya ay mayroong maikling paliwanag upang maunawaan kung paano ito gagamitin. Ang guro ay makapipili ng estratehiya na inaakala niyang siyang maaangkop sa mga paksang tatalakayin at sa mga mag-aaral na tinuturuan niya. May mga estratehiyang magiging kapaki-pakinabang sa mga klaseng binubuo ng matatalinong mag-aaral at may mga estratehiya namang nababagay sa mga klaseng nangangailangan ng masusing patnubay.

Bukod sa estratehiya sa pagtuturo, may impormasyon din na nauukol sa pagtataya ng pagkatuto. Pagkaraang matalakay

ang paksa, mahalagang masukat ng guro kung gaano kalawak ang natutunan ng mga mag-aaral.

Mababasa sa ikalawang bahagi ang mga inihandang banghay-aralin para sa Araling Panlipunan mula una hanggang ikatlong taon sa mataas na paaralan. Makatutulong sa isang bagong guro na magkaroon ng mga modelong banghay-aralin sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Ang mga banghay-aralin na nakapaloob sa aklat na ito ay gumagamit ng mga halimbawang estratehiyang ipinaliwanag sa unang bahagi ng aklat.

Ipinakikita sa Aralin 13 (Unang Taon), Aralin 24 (Ikalawang Taon), at Aralin 31 (Ikatlong Taon) ang isang higit na detalyadong banghay-aralin upang lalong mailarawan sa guro kung paano isinasakatuparan ang bawat estratehiya na ginamit sa bawat bahagi ng banghay-aralin.

Bawat banghay-aralin ay binubuo ng apat na pangunahing bahagi — ang mga layunin, paksa, pamamaraan, at takdang-aralin. Ang bawat isa nito ay may ilang kasangang bahagi.

• Layunin

Ang bawat yunit at aralin ay may panlahat at tiyak na mga layunin na dapat isakatuparan. Ang tiyak na mga layunin sa bawat aralin ay nakatuon sa tatlong uri: pangkaisipan, pandamdamin, at psychomotor.

• Paksa

Tumutukoy ito sa mga pangunahing kaisipan at mga kasangang kaisipan (sub-concepts) na tatalakayin sa bawat aralin.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 4: AP Strategies I-III

iv

• Pamamaraan

— Panimulang Gawain

Layunin ng pagsasanay na linangin ang kaalaman at mga kasanayang kaugnay sa nakaraang aralin. Maaaring gumamit ng laro, guessing game, puzzle, at iba pa na naaayon sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.

Iuugnay ang nakaraang aralin sa bagong paksang tatalakayin sa bahaging balik-aral.

— Paglinang ng Aralin

Sa bahaging pag-aalis ng sagabal, maaaring gumamit ang guro ng iba’t ibang paraan upang tulungan ang mag-aaral na maunawaan ang mga konseptong tatalakayin.

Layunin ng pagganyak na pukawin ang interes ng mag-aaral sa araling tatalakayin. Maaaring gumamit ang guro ng sipi, tula, awit, larawan, pantomime, monologue, at iba pang paraang maaaring angkop sa kakayahan ng mga mag-aaral.

May ilang estratehiyang iminumungkahing gamitin sa iba’t ibang aralin.

• Pangwakas na Gawain

Maaari ding gumamit ng mga ibang estratehiya sa iba’t ibang bahagi ng pangwakas na gawain.

Sa pagbubuod, maaaring magpagawa ng outline, graphic organizer, o magpabuo ng mga paglalahat.

• Takdang-Aralin

Ang takdang-aralin ay batay sa nakasaad sa DepEd learning competencies na nakalaan sa bawat taon. Ang mga tanong sa takdang-aralin ang siyang patnubay sa pagbasa ng araling tatalakayin sa susunod na araw.

Makatutulong sa paghikayat sa mga mag-aaral na basahin at pag-aralan ang takdang-aralin sa paggamit ng high level questions.

Inaasahan na makatutulong sa mga guro ang aklat na ito sa marangal na propesyong kanilang pinili.

May-akda

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 5: AP Strategies I-III

v

I . ISAHANG PAGKATUTO ....................................................... 2 1 Learning Contract ………………………………… 2 2 Activity Card ………………………………………… 2 3 Kard ng mga Pangunahing Ideya ………………… 2 4 Learning Center …………………………………… 2

5 Learning Activity Package (LAP) ………………… 2

II. PANGKATANG PAGKATUTO ................................................ 3 1 Teams Accelerated Instruction (TAI) …………… 3 2 Learning Together (LT) …………………………… 3 3 Students Teams-Achievement

Division (STAD) …………………………………… 3 4 Jigsaw ………………………………………………… 4 5 Mock Meeting ……………………………………… 4

6 Brainstorming ……………………………………… 4 7 Think-Pair-Share …………………………………… 4 8 Inside-Outside ……………………………………… 4 9 Role-playing ………………………………………… 4 10 Classroom debate …………………………………… 5 11 Talakayan …………………………………………… 5 12 Joint Storytelling …………………………………… 6 13 Unfi nished Story o Reaction Story ……………… 6 14 Paglalakbay-Isip o Imaginary Travelogue ……… 6 15 Pag-aaral ng Kaso ………………………………… 6 16 Storyline ……………………………………………… 7 17 Panayam ……………………………………………… 7 18 Pandulang Pagbabasa ng Tula …………………… 7 19 Mag-isip-Magsulat-Magpareha …………………… 7 20 Pagpapalitan ng Kuru-kuro ……………………… 7

21 In the News ………………………………………… 8 22 Storyboard …………………………………………… 8 23 Balitaan sa Kasaysayan …………………………… 8 24 Paglalarawang-diwa ……………………………… 8 25 Viewpoint …………………………………………… 9 26 Story Pyramid ……………………………………… 9 27 Story Map …………………………………………… 9 28 Di-inihandang Talumpati

o Impromptu Speaking …………………………… 9 29 Imaginary History ………………………………… 9 30 Inquiry Teaching …………………………………… 9 31 Fishbowl ……………………………………………… 9 32 Multi-perspective Approach ……………………… 10 33 K-W-L Technique …………………………………… 10 34 Numbered Heads Together ……………………… 10 35 Pandulang Pagtatanghal ………………………… 10 36 Simulation …………………………………………… 11 37 Mock Trial …………………………………………… 11 38 Simulation Game …………………………………… 12 39 Plus, Minus, Interesting (PMI) …………………… 12 40 First Important Priorities ………………………… 13

III. PAGGAMIT NG MGA LARO ............................................... 13 1 Team Charade ……………………………………… 13 2 Perfect Match Game ……………………………… 13 3 Crossword Puzzle …………………………………… 13

IV. MAPPING/GRAPHIC ORGANIZER ...................................... 13

V. PAGTATAYA (ASSESSMENT) ............................................. 19

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Greten
Highlight
Page 6: AP Strategies I-III

vi

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Aralin Panlipunan I ……… 21

Yunit I ANG SIMULA NG BANSA ........................................ 22Aralin 1 Heograpiya at Kasaysayan ……………………… 22Aralin 2 Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas ……… 23Aralin 3 Pambansang Teritoryo, Rehiyonalisasyon,

at mga Pangkat-etnolinggwistiko sa Pilipinas … 24Aralin 4 Heograpiya ng Pilipinas …………………………… 26Aralin 5 Likas na Yaman ng Pilipinas ……………………… 28Aralin 6 Yamang Tao ………………………………………… 29Aralin 7 Mga Sinaunang Tao sa Pilipinas ………………… 30Aralin 8 Kabihasnan ng Sinaunang Pamayanan ………… 31Aralin 9 Ugnayan ng mga Sinaunang Pilipino

sa Kapwa Asyano …………………………………… 33

Yunit II PAGLINANG SA KAMALAYANG PILIPINO .................. 34Aralin 10 Kolonisasyon at Kristiyanisasyon ……………… 34Aralin 11 Pamamahala ng Spain sa Pilipinas ……………… 36Aralin 12 Pagbabagong Pangkabuhayan …………………… 37Aralin 13 Pagbabagong Kultural …………………………… 38Aralin 14 Reaksyon ng mga Pilipino sa mga Dayuhan …… 43Aralin 15 Pilipino Laban sa Ibang Dayuhan ……………… 44

Yunit III PAGSIBOL AT PAG-UNLAD NG NASYONALISMONG PILIPINO ............................ 46

Aralin 16 Pagsilang ng Nasyonalismo ……………………… 46Aralin 17 Mga Kilusan Tungo sa Reporma ………………… 47Aralin 18 Ang Katipunan ……………………………………… 49Aralin 19 Himagsikang Pilipino ……………………………… 50

Aralin 20 Panahon ng Kolonisasyon ng mga Amerikano … 52Aralin 21 Ikalawang Yugto ng Himagsikan:

Ang Digmaang Pilipino-Amerikano ……………… 53Aralin 22 Paghadlang sa Nasyonalismong Pilipino ……… 55Aralin 23 Ang Panahon ng Pamamahala

ng mga Amerikano ………………………………… 56Aralin 24 Pagpupunyagi sa Kabila ng Pagsupil …………… 58Aralin 25 Mga Misyon at Batas Pangkasarinlan ………… 59Aralin 26 Ang Pamahalaang Komonwelt …………………… 60Aralin 27 Pagkabalam ng Kalayaan ………………………… 62Aralin 28 Pagtataguyod ng Kalayaan ……………………… 63Aralin 29 Ang Pilipinas sa Ilalim ng Batas Militar ……… 65Aralin 30 Panunumbalik ng Demokrasya ………………… 67Aralin 31 Kultura sa Pagtataguyod ng Demokrasya ……… 68

Yunit IV ANG PAMAHALAAN AT ANG MAMAMAYAN .............. 70Aralin 32 Ang Estado ………………………………………… 70Aralin 33 Saligang Batas ng Pilipinas ……………………… 71Aralin 34 Ang Pagkamamamayan …………………………… 73Aralin 35 Ang Pamahalaan …………………………………… 75Aralin 36 Mga Sangay ng Pamahalaang Nasyonal ……… 76Aralin 37 Sangay Tagapagbatas ……………………………… 78Aralin 38 Sangay Tagapaghukom …………………………… 80Aralin 39 Komisyong Konstitusyonal ……………………… 81Aralin 40 Ang Pamahalaang Lokal ………………………… 83Aralin 41 Ang Pambansang Badyet ………………………… 84Aralin 42 Pakikipag-ugnayang Panlabas …………………… 86 Panghuling Pagsusulit …………………………… 88

Talaan ng Nilalaman — Unang Taon

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Greten
Highlight
Page 7: AP Strategies I-III

vii

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Aralin Panlipunan II …… 89

Yunit I HEOGRAPIYA NG ASYA ........................................... 90Aralin 1 Katangiang Pisikal ng Asya ……………………… 90Aralin 2 Yamang Likas ng mga Rehiyon sa Asya ………… 91Aralin 3 Mga Suliraning Pangkapaligiran ………………… 93Aralin 4 Timbang na Kalagayang Ekolohikal ng Asya … 95Aralin 5 Yamang Tao sa Asya ……………………………… 96Aralin 6 Populasyon ng Asya ………………………………… 98

Yunit II SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA ....................... 100Aralin 7 Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano ……… 100Aralin 8 Kabihasnang Sumer ……………………………… 101Aralin 9 Kabihasnan sa Lambak ng Mesopotamia ……… 103Aralin 10 Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya …… 104Aralin 11 Sinaunang Kabihasnan sa India ………………… 106Aralin 12 Sinaunang Kabihasnan sa Japan ………………… 108Aralin 13 Sinaunang Kabihasnan sa Korea ………………… 110Aralin 14 Sinaunang China …………………………………… 111Aralin 15 Mga Relihiyon, Pilosopiya,

at Pananaw ng mga Asyano ……………………… 113Aralin 16 Kalagayan ng Kababaihang Asyano sa Lipunan … 115

Yunit III ANG ASYA SA IBA’T IBANG PANAHON: TRADISYUNAL AT MAKABAGONG ASYA ................... 118

Aralin 17 Ang Asya at Kanluranin ………………………… 118Aralin 18 Unang Yugto ng Imperyalismo

at Kolonyalismo sa Asya …………………………… 119Aralin 19 Ikalawang Yugto ng Imperyalismo

at Kolonyalismo …………………………………… 121Aralin 20 Nasyonalismo sa Asya ……………………………… 123

Aralin 21 Mga Digmaang Pandaigdig ……………………… 125Aralin 22 Mga Pagbabago sa Katayuan

ng Kababaihang Asyano …………………………… 128

Yunit IV ANG ASYA SA KASA LUKUYANG PANAHON ............... 130Aralin 23 Pamahalaan, Kultura, at Lipunang

Asyano sa Kasalukuyang Panahon ……………… 130Aralin 24 Ang Pamilyang Asyano …………………………… 131Aralin 25 Kababaihang Asyano sa Kasalukuyan ………… 135Aralin 26 Sistema ng Edukasyon sa Asya ………………… 137Aralin 27 Mga Relihiyon sa Asya sa Kasalukuyan ………… 139Aralin 28 Ang Kalagayan ng Ekonomiya

ng mga Bansang Asyano…………………………… 140Aralin 29 Kalakalan sa Pagbabagong

Pang-ekonomiya at Kultural sa Asya …………… 142Aralin 30 Neokolonyalismo sa Asya ………………………… 144Aralin 31 Mga Kontribusyong Asyano sa Daigdig ………… 146Aralin 32 Kultura, Gawi, at Asal ng mga Asyano ………… 147Aralin 33 Mga Napapanahong Isyu

at Suliranin sa Asya ……………………………… 149 Aralin 34 Ang Asya sa Pandaigdigang Kalakalan

at Industriyalisasyon ……………………………… 151Aralin 35 Urbanisasyon at Migrasyon ……………………… 153Aralin 36 Mga Transnational Crime ………………………… 155Aralin 37 Kalayaan, Pagkakapantay-pantay,

Katarungan, at Mabuting Pagkamamamayan … 156Aralin 38 Mga Sigalot Panrelihiyon at Etniko …………… 158Aralin 39 Mga Samahang Panrehiyon sa Asya …………… 159 Panghuling Pagsusulit …………………………… 162

Ikalawang Taon

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Greten
Highlight
Page 8: AP Strategies I-III

viii

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Aralin Panlipunan III …… 163

Yunit I ANG SIMULA NG KABIHASNAN ............................... 164

Aralin 1 Mga Teorya sa Pinagmulan ng Daigdig ………… 164

Aralin 2 Katangiang Pisikal ng Daigdig …………………… 165

Aralin 3 Pinagmulan ng Tao ………………………………… 167

Aralin 4 Yugto ng Pag-unlad ng Kultura ………………… 169

Aralin 5 Pag-usbong ng mga Sinaunang Kabihasnan …… 171

Aralin 6 Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia ……… 172

Aralin 7 Sinaunang Kabihasnan sa Kanlurang Asya …… 174

Aralin 8 Sinaunang Kabihasnan sa India ………………… 176

Aralin 9 Kabihasnang Klasikal ng India ………………… 178

Aralin 10 Sinaunang Kabihasnan sa China ………………… 180

Aralin 11 Kabihasnang Klasikal ng China ………………… 182

Aralin 12 Sinaunang Kabihasnan sa Egypt ………………… 184

Aralin 13 Sinaunang Kabihasnan sa South America at Mesoamerica ……………………………………… 186

Yunit II ANG DAIGDIG SA PANAHON NG TRANSISYON .......... 188

Aralin 14 Kabihasnang Klasikal sa Minoa at Mycenaea … 188

Aralin 15 Kabihasnang Griyego ……………………………… 189

Aralin 16 Kabihasnang Roman ……………………………… 192

Aralin 17 Imperyong Roman ………………………………… 193

Aralin 18 Paghina ng Imperyong Roman …………………… 196

Aralin 19 Kabihasnang Byzantine …………………………… 197

Aralin 20 Ang Holy Roman Empire ………………………… 199

Aralin 21 Kabihasnang Islamik ……………………………… 201

Aralin 22 Mga Klasikal na Kabihasnan sa Africa ………… 202

Aralin 23 Kabihasnan sa mga Pulo ng Pacifi c ……………… 204

Aralin 24 Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko ………… 206

Aralin 25 Ang mga Krusada ………………………………… 207

Aralin 26 Ang Sistemang Pyudalismo at Manoryalismo … 209

Aralin 27 Ang Pagsisimula at Paglaganap ng mga Bayan at Lungsod ………………………… 210

Ikatlong Taon

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Greten
Highlight
Page 9: AP Strategies I-III

ix1

Yunit III PAG-IGTING NG UGNAYANG PANDAIGDIG AT PAGTATATAG NG MGA NATION-STATE ................. 212

Aralin 28 Paglakas ng mga Bourgeoisie …………………… 212

Aralin 29 Ang Pagsilang ng Merkantilismo ………………… 213

Aralin 30 Ang Pagtatatag ng National Monarchy ………… 215

Aralin 31 Ang Renaissance …………………………………… 216

Aralin 32 Ang Simbahang Katoliko sa Paglakas ng Europe …………………………………………… 223

Aralin 33 Ang Repormasyon ………………………………… 224

Aralin 34 Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo …………………………………… 227

Aralin 35 Rebolusyong Siyentipiko ………………………… 229

Aralin 36 Ang Enlightenment ………………………………… 231

Aralin 37 Ang Glorious Revolution sa England …………… 233

Aralin 38 Rebolusyong Amerikano …………………………… 234

Aralin 39 Rebolusyong French ……………………………… 236

Aralin 40 Rebolusyong Industriyal …………………………… 238

Aralin 41 Ang Pananakop sa Makabagong Panahon ……… 240

Aralin 42 Nasyonalismo sa Europe ………………………… 242

Aralin 43 Nasyonalismo sa England ………………………… 245

Aralin 44 Ang Pagbubuklod ng Italy ………………………… 247

Aralin 45 Ang Pagsilang ng Germany ……………………… 248

Aralin 46 Ang Rebolusyon sa Russia ………………………… 250

Aralin 47 Rebolusyon sa Latin America …………………… 252

Aralin 48 Paglinang ng Nasyonalismo sa Africa …………… 254

Aralin 49 Unang Digmaang Pandaigdig …………………… 256

Aralin 50 Ikalawang Digmaang Pandaigdig ……………… 258

Yunit IV ANG DAIGDIG NGAYON AT SA HINAHARAP .............. 261

Aralin 51 Mga Ideolohiyang Laganap ……………………… 261

Aralin 52 Cold War at Neokolonyalismo …………………… 263

Aralin 53 Pagpaparami ng Armas …………………………… 265

Aralin 54 Pandaigdigang Terorismo ………………………… 267

Aralin 55 Populasyon, Kalusugan, at Kabuhayan ng Bansa ……………………………………………… 269

Aralin 56 Teknolohiya at Kalagayang Ekolohikal ………… 271

Aralin 57 Mga Karapatang Pantao ………………………… 273

Aralin 58 Globalisasyon ……………………………………… 275

Panghuling Pagsusulit …………………………… 277

Bibliograpiya ………………………………………… 279

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 10: AP Strategies I-III

2 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

Ang mga estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ay mga paraan na ginagamit sa paglilipat ng mga konsepto, ideya, katotohanan, kasanayan, at saloobin sa pag-iisip at mga gawain ng mga mag-aaral. Natatamo ang layuning ito sa mahusay at walang sawang paggabay ng guro.

I. ISAHANG PAGKATUTO (INDIVIDUALIZED INSTRUCTION)

Ang individualized instruction ay isang estratehiya na tumutugon sa mga pangangailangan, interes, at kakayahan ng bawat mag-aaral. Ito ay epektibong magagamit sa ilang aralin at sa mga mag-aaral. Kailangang tugunan ng guro ang mga pangangailangang ito ng bawat mag-aaral. Isang paraan ng pagsasagawa nito ay ang pagpili ng mga gawain at kagamitan na angkop sa kakayahan ng bawat mag-aaral. May ilang learning modality na dapat isaalang-alang — visual (nakikita), auditory (naririnig), tactile (nahihipo), at kinesthetic (nasasakilos o naisasagawa). Tungkulin ng guro na tuklasin ang mga salik na magpapataas sa kakayahan sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.

Ilang estratehiyang magagamit sa individualized instruction ang sumusunod:

1. Learning ContractAng learning contract ay isang kasunduan na nilagdaan

ng guro at isang mag-aaral. Nakatuon ang kasunduan sa isang partikular na mag-aaral batay sa kanyang interes at kakayahan. Nakasaad dito ang pagsang-ayon ng mag-aaral sa mga gawain na kailangan niyang matutuhan.

May dalawang uri ng learning contract — ang open learning contract at closed learning contract. Sa open learning contract, may kalayaang pumili ang mag-aaral ng paksang pag-aaralan, mga gawain, takdang aralin, at paraan ng pagtataya. Sa closed learning contract, ang guro ang gumagawa ng mga layunin, gawain, takdang-aralin, at paraan ng pagtataya sa mga gawain ng mag-aaral.

2. Activity Card

Ang activity card na inihanda ng guro ay nakatuon sa mga layunin. May mga mungkahing gawain ito kung paano matatamo ang mga layunin. Maaaring gamitin ang activity card sa iba’t ibang paraan. Maaaring bigyan ng isang activity card ang isang mag-aaral ayon sa kanyang interes o natatanging pangangailangan. Maaari ding hayaang pumili ang mag-aaral ng isang activity card tungkol sa isang paksang aralin.

3. Kard ng mga Pangunahing Ideya

Isusulat ng mag-aaral sa index card o ibang kard ang kanyang reaksyon sa isang paksa, pangyayari, o bagay na tinalakay sa klase. Malalaman sa estratehiyang ito ang kakayahan ng mag-aaral na ipabatid ang kanyang mga ideya, opinyon, at saloobin tungkol sa isang bagay sa pamamagitan ng pagsulat.

4. Learning Center

Madalas na ginagamit sa mababang paaralan ang learning center. Maaari din itong gamitin sa mataas na paaralan sa mga mag-aaral na hindi sapat ang kakayahan na makilahok o makaagapay sa mga gawain ng mga pangkat.

Ang learning center ay nasa isang lugar sa silid-aralan na may mga kagamitan sa pag-aaral at mga panuto sa mga gagawin ng mag-aaral. Mayroon din itong mga gabay sa pag-aaral na may mga tanong na kailangang sagutin ng mga mag-aaral at paglalarawan ng mga gawain na dapat nilang makumpleto.

5. Learning Activity Package (LAP)

Ang learning activity package (LAP) ay isang paraan ng pag-aayos ng pagtuturong pang-indibidwal. Binubuo ito ng pre-test, mga layunin, at post-test.

Mga Estratehiyasa Pagtuturo ng Araling Panlipunan

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 11: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 3

Ang LAP ay kagamitan sa pagtuturo na inihanda at isinaayos ng guro para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan. Malaking tulong ito sa paggabay sa mga mag-aaral sa mga proyekto na kailangan ng pagsasaliksik. May mga tuntunin ito kung ano ang gagawin ng mga mag-aaral. Maingat na pagsubaybay ng guro sa gawain ng mga mag-aaral upang matukoy at malutas ang suliraning maaaring makaharap ng mga mag-aaral.

II. PANGKATANG PAGKATUTO (GROUP INSTRUCTION)

Sa cooperative learning, pinapangkat ang mga mag-aaral sa maliliit na grupo na magkakaiba ang kakayahan, etnisidad, at kasarian. Magagamit ito sa iba’t ibang antas at aralin. Sa pamamagitan nito, natutuhan ng mag-aaral ang pagiging responsable sa sarili at sa mga kapangkat. Naghihikayat din ito ng interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral, aktibong interaksyon ng mga mag-aaral na makapaglilinang ng kanilang mga kasanayan, at pagtitiwala sa pakikipagtrabaho sa ibang tao.

Ang papel ng guro ay tagalunsad ng aralin, tagapagpasya, tagapagmasid ng gawain, at tagapagsuring-halaga ng mga gawain ng mga mag-aaral.

Sa pagtupad ng mag-aaral sa kanyang mga tungkulin, nalilinang ang ilang kasanayan at kakayahan bilang kasapi ng isang pangkat. Ilan sa mga papel na gagampanan ng mag-aaral bilang kasapi ng pangkat ay ang sumusunod:

• Tagabuod — tagalagom ng lahat ng ginagawa ng pangkat na kinabibilangan

• Tagatsek —tagatingin kung tama o may mali sa mga gawain ng pangkat

• Tagapagsaliksik — may karanasan sa pagmamasid, magsulat ng mga namasid na mga pangyayari, at kasanayan sa paggamit ng aklatan

• Tagapagtala — tagasulat ng lahat ng naganap sa pangkat

Mga halimbawa ng Cooperative Learning.

1. Teams Accelerated Instruction (TAI)

Ang TAI ay isang uri ng pangkatang pagkatuto. Hahatiin ang klase sa maliliit na pangkat na binubuo ng apat hanggang anim na mga kasapi. Magkakaiba ang kakayahan, etnisidad, at kasarian ng mga kasapi sa pangkat. Bibigyan sila ng kanya-kanyang mga kagamitan at mga tanong. Isusulat ng mga mag-aaral sa sagutang papel ang kanilang mga sagot na ibibigay ng guro. Magpapalitan ng papel ang mga magkapangkat at itetsek ang kanilang mga sagot. Ang score ng pangkat ay batay sa kabuuang bilang ng yunit na nabuo sa bawat linggo at ang kawastuhan ng mga sagot ay batay sa kabuuang resulta sa mga sagutang papel.

2. Learning Together (LT)

Isa itong pangkatang pagtutulungan kung saan pinapangkat ang mga mag-aaral na iba’t iba ang antas ng kakayahan. Ang bawat pangkat ay binibigyan ng gawain at ang bawat kasapi ay inilalagay sa isang bahagi ng proyekto na angkop sa kanyang interes at kakayahan. Tungkulin ng bawat pangkat na magtipon ng impormasyon at mga kagamitan na kailangan sa kanilang gawain.

3. Students Teams-Achievement Division (STAD)

Binubuo ito ng mga pangkat na may apat na kasapi at may iba’t ibang kakayahan, etnisidad, at kasarian. Sa simula, ilalahad ng guro ang aralin at pagkatapos, pag-aaralan ang aralin sa kanya-kanyang pangkat. Pagkatapos ay bibigyan ang bawat mag-aaral ng maikling pagsusulit. Ang score ng mga mag-aaral ay batay sa kanilang nagawa. Ang kabuuang score ng bawat mag-aaral ang magiging score ng pangkat. Tatanggap ng sertipiko o ibang gantimpala ang pangkat na makakatugon sa criteria na ibinigay ng guro.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 12: AP Strategies I-III

4 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

4. JigsawAng pangkat jigsaw ay binubuo ng anim na miyembro

na bibigyan ng academic material o paksa ng guro. Ang bawat academic material ay hahatiin sa anim na seksyon at ang bawat miyembro ng pangkat ay magtatrabaho sa isang seksyon. Ang mga miyembro ng iba’t ibang pangkat na itinalaga sa magkakatulad na seksyon ay magsasama-sama. Ito ay tinatawag na expert group. Tatalakaying mabuti ng bawat expert group ang kanilang seksyon. Pagkatapos, babalik ang miyembro ng expert group sa orihinal nilang pangkat at tatalakayin ang buong academic material na ibinigay sa pangkat. Sa ganitong paraan, mahihikayat ang mga miyembro ng pangkat na makinig at magpakita ng suporta sa gawaing ibinigay sa lahat ng miyembro nito. Mahaharap ang mag-aaral sa tunay na sitwasyon na makabubuti sa pagkatuto.

5. Mock MeetingMagkaroon ng kunwang pagpupulong tulad ng pagpu-

pulong ng konseho ng lungsod o pagpupulong ng mga organisasyong pambansa, panrehiyon, o pandaigdig.

6. BrainstormingLayunin nito na tulungan ang mga mag-aaral na makagawa

ng orihinal na solusyon sa mga suliranin. Hinihikayat nito ang mga mag-aaral na magbigay ng maraming sagot sa suliraning binibigyang-tuon. Ilan sa mga tuntunin na dapat sundin sa brainstorming ang sumusunod:

a. Pagbibigay ng isang suliranin ng mga mag-aaral na kanilang bibigyang-tuon.

b. Mabilis na pagbibigay ng mag-aaral ng mga ideya. Kailangang gawin ito nang mabilis tulad ng isang bagyo o a storm of the brain.

c. Huwag magbigay ng mga puna maging ito ay positibo o negatibo man sa mga binibigay na mga ideya. Lahat ng ideya ay tatanggapin.

d. Itala ang lahat ng mga ideya.e. Isulat ang lahat ng mga ideyang ibinigay.f. Itigil na ang pagbibigay ng mga ideya kapag humina

na ang pagbibigay nito.g. Magkaroon ng pangkalahatang talakayan ng mga

ideya.

7. Think-Pair-SharePinapangkat sa dalawahan ang mga mag-aaral sa klase.

Binibigyan sila ng isang tanong o suliranin. May ilang sandali silang mag-iisip tungkol sa tanong o suliranin. Sa hudyat ng guro, ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa kani-kanilang pangkat. Pagkaraan ng kanilang talakayan sa pangkat, ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang mga sagot sa buong klase.

Sa ganitong estratehiya, mauunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagsama-sama ng kanilang mga ideya at pagkakasundo.

8. Inside-OutsideMaaaring pangkatin ang klase sa dalawa o tatlo batay sa

bilang ng mga mag-aaral sa klase. Gumawa ng bilog sa gitna ng klase. May isang pangkat na nasa loob at isang pangkat sa labas ng binubuong bilog. Tungkulin ng bawat kasapi ng pangkat na nasa labas na pagmasdan ang mga kasapi na nasa loob. Ang pangkat na nasa loob ay ang magtatalakay ng paksa. Pagkatapos gampanan ng bawat pangkat ang kanilang tungkulin, magpapalitan ng tungkulin ang mga pangkat. Higit na nagiging produktibo ang mga mag-aaral na nabibigyan ng pagkakataon na lumahok sa ganitong gawain at napapalakas ang kanilang kasanayan sa pangkatang gawain.

9. Role-playingIto ay kusang pagsasanay ng papel na gagampanan sa

iba’t ibang sitwasyon. Isa itong pangkatang pamamaraan ng

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 13: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 5

paglutas ng suliranin na may bahaging talakayan, pagpapasya, at pagsusuri ng suliranin.

Sa role-playing, naipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang tunay na damdamin tungkol sa isang sitwasyon o suliranin. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na talakayin at suriin ang mga isyu o suliranin nang walang kinakatakutan at maging sensitibo sa damdamin ng ibang tao.

Mga mungkahing hakbang sa pagsasagawa ng role-playing:

a. Paghahanda sa role-playingPaggabay ng guro sa pangkat na isipin ang

mangyayari kaysa ano ang dapat mangyari. Ang aspektong dapat mangyari ay kailangang manggaling sa pagkaunawa ng pangkat habang ginagampanan nila ang kanilang papel sa sitwasyon.

b. Pagpili ng mga role-playerc. Paghahanda sa mga mag-aaral na manonood

i. Magmasid sa pagganap ng papel ng mga role-players at gaano ito makatotohanan.

ii. Magmasid sa damdamin ng mga gumaganap sa sitwasyong ipakikita.

iii. Pag-aralan ang solusyong ipinakikita na maaaring magbigay ng ibang solusyon.

d. Pagsasagawa ng role-playinge. Talakayan, ebalwasyon, at pagbubuod ng mga

mahalagang sinabi at ginawa ng mga nagsipagganap sa role-playing

10. Classroom debateBinubuo ang classroom debate ng dalawang pangkat

na kumakatawan sa magkabilang panig ng iisang isyu. Ang isang pangkat ay sa panig na sang-ayon (pro) at ang isa pang

pangkat ay sa panig na salungat (con). Isang mag-aaral ang magsisilbing kritiko.

Ang paksa ng debate ay isang isyung maaaring pagtalunan. Isa itong panukala na nangangailangan ng pagsasagot.

Mga hakbang sa pagsasagawa ng classroom debate.a. Ang bawat kasapi ng panig na sang-ayon at salungat

ay magsasalisi sa pagsasalita ng tig-tatlong minuto.b. Ang mga kasapi ng panig na sang-ayon ay magsusulit-

tanong (cross-examine) ng kabuuang anim na minuto. Gayundin ang susunod na gagawin ng pangsalungat.

c. Magbibigay ang mga kasapi ng bawat panig ng kanilang huling pangungusap sa loob ng tatlong minuto.

d. Ang kritiko ay magbibigay ng mga masusing pagtatanong sa mga kasapi ng pangkat sang-ayon at salungat sa loob ng walong minuto. Tungkulin ng kritiko na ipakita ang kahinaan ng pagtatalo.

e. Ang buong klase ay magbobotohan kung sino ang nanalo. Gagawin ito sa loob ng dalawang minuto.

11. TalakayanIto ay palitan ng mga ideya sa pagitan ng mga mag-aaral at

ng guro o ng pangkat ng mga mag-aaral. Layunin ng talakayan na suriin ang impormasyon upang malinang ang malalim at malawak na pag-unawa sa isang paksa. Isaalang-alang ang sumusunod sa paghahanda ng talakayan sa klase.

a. Malinaw na layunin ng talakayan na may kaugnay sa paksang-aralin

b. Magbigay ng mga ideya at hikayatin ang mga mag-aaral na magpalitan ng mga ideya at impormasyong kaugnay sa paksa. Ituon ang talakayan sa isang paksa lamang.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 14: AP Strategies I-III

6 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

c. Gumamit ng brainstorming subalit iwasan ang pagbibigay ng puna, opinyon, o karagdagang pagpapaliwanag pagkatapos ng bawat pangungusap ng mag-aaral.

d. Gumawa ng pagbubuod ng talakayan.

e. Ang guro ang moderator o facilitator ng interaksyon.

12. Joint Storytelling

Kailangan dito na nabasa na ng mag-aaral ang aralin. Gagamitan ito ng pagkukwento sa pag-aaral ng aralin. Magpangkatang dalawahan ang mga mag-aaral. Ang isa ay ang Partner A at ang isa ay Partner B. Magtutulungan ang dalawang pangkat sa pagkukwento ng aralin. Sundan ito ng tanungan, sagutan, at talakayan tungkol sa kanilang kwento.

13. Unfi nished Story o Reaction Story

Ginagamit ito bilang pampasigla sa pagganap sa isang sitwasyon. Ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin kung sakaling kasangkot sila sa isang pangyayari. Ikukwento ng isa o dalawang mag-aaral ang tungkol sa isang suliranin. Pagkatapos mapakinggan ang kwento tungkol sa isang suliranin, isasadula ng mga mag-aaral ang solusyon. Susundan ito ng pagkuha ng reaksyon/ebalwasyon ng mga mag-aaral sa isinadula.

14. Paglalakbay-Isip o Imaginary Travelogue

Isa itong likhang-isip o imahinasyon ng isang turista. Isasalaysay ng turista o ng tour guide ang mahahalaga at makasaysayang pook na kunwang nakikita o pinapasyalan. Susundan ito ng malayang talakayan at mga puna ng mga mag-aaral kung wasto o ayos ang pagsasalaysay o paglalarawan ng mga pook.

15. Pag-aaral ng Kaso

Pagsusuri ito sa suliranin, pasya, o aksyon. Ilan sa mga paraan at gamit sa mga kaso ang sumusunod:

a. Mga aklat na nagpapaliwanag ng kadahilanan

b. Dokumento na nagpapakita ng pinagmulan ng isang lugar, bagay, o institusyon

c. Mga kwento na maaaring totoo o hindi

d. Datos mula sa pananaliksik na ginagamit na patunay

e. Vignettes na nagpapakita ng isang bahagi ng karanasan

f. Interpretative essay na ginagamit upang makabuo ng konklusyon tungkol sa usapin.

Mga hakbang na maaaring isagawa sa pag-aaral ng kaso.

a. Ipabasa ang kaso at isulat sa pisara ang mga mungkahing solusyon sa suliraning tinatalakay sa kaso.

b. Magtalakayan sa pamamagitan ng pagbasa sa mga ginawang solusyon ng mga mag-aaral.

c. Tiyakin na nauunawaan ng lahat ang bawat isyu na maririnig at ang lahat ng paniniwala, isyu, at ang mga solusyong iniharap ay makatwiran.

d. Ipabuod ang bawat isyu. Magpasya ang klase kung aling solusyon ang pinakamabuti.

Ang papel ng guro sa estratehiyang ito ay bilang kasangguni o lider ng talakayan bagamat paminsan-minsan maaari niyang ipahayag ang kanyang sariling mga ideya.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 15: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 7

16. StorylineIsa itong pagdulog na ginagamit ang natutuhan at

karanasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng aktibo at makahulugang usapan o dayalogo. Mahalaga ang pakikilahok ng mga mag-aaral. Ilan sa mga hakbang na maaaring sundin sa paggawa ng storyline ang sumusunod:

a. Simulan ito sa pagsasabi sa klase na sama-sama silang bubuo ng isang kwento.

b. Ibigay ang pinangyarihan at panahon kung kailan naganap ang kwento na naaayon sa mga layunin ng aralin. Magkaroon ng talakayan ang mga mag-aaral tungkol dito at magpasya.

c. Bumuo ng mga tauhan sa kwento na pag-uusapan at pagpapasyahan ng mga mag-aaral.

d. Magbigay ng mga pangyayari na naaayon sa mga layunin ng aralin na siyang batayan ng mga mag-aaral sa pagbubuo ng kwento.

e. Magkaroon ng talakayan tungkol sa nabuong kwento.

17. PanayamAng pakikipanayam ay isang paraan ng pagtitipon ng mga

datos na kaugnay sa aralin mula sa mayamang kaalaman ng isang dalubhasa ukol sa isang paksa o kanyang karanasan sa isang pangyayari. Mabisang paraan ito sa pagpapayamang-aralin.

Mga mungkahing hakbang sa isasagawang panayam.a. Linawin ang paksang pag-uusapan.b. Gumawa ng talaan ng mga tanong at iayos ayon sa

pagkakasunud-sunod.c. Isulat ang mga sagot o gumamit ng tape recorder.d. Humingi ng pahintulot sa kinapanayam sa

pamamagitan ng imbestigasyong nakasulat o oral at linawin ang paksa, petsa, oras, at pook.

e. Maging magalang sa pagtatanong at iwasan ang personal na bagay.

Sa mock interview na gagawin sa klase, sundan ang pakikipanayam ng pagbibigay-puna sa mga tanong at sagot na naganap. Suriin ang mga ito na ayon sa layunin at paksa ng panayam.

18. Pandulang Pagbabasa ng TulaPumili ng isang tula na may kaugnayan sa paksang-

aralin. Ipabasa nang madamdamin sa isang mag-aaral na may karanasan dito. Pagkatapos basahin, talakayin ang mensahe ng tula at kaugnayan nito sa aralin. Itanong ang damdaming nadama habang binabasa ang tula at ang dahilan nito.

19. Mag-isip-Magsulat-MagparehaMagpabigay ng mga salita o ideya na nauugnay sa

paksang tatalakayin at natalakay na sa mga mag-aaral. Ipasulat ito sa papel. Ibahagi sa kapareha ang kanilang mga ginawa. Maaaring isulat ang mga ideya ng kanilang kapareha. Ulitin pa ng dalawang beses ang pagbabahagi ng mga ideya sa bagong kapareha. Sa ganitong paraan, maraming matututuhan sa mga kapareha ang mga mag-aaral. Mabisa rin itong paraan upang malaman ang natutuhan ng mag-aaral sa nakaraang aralin o kung pinag-aralan ang bagong aralin.

20. Pagpapalitan ng Kuru-kuroAng gawaing ito ay nakapagpapasigla sa pakikilahok

ng mga mag-aaral sa talakayan sa klase. Natututo ang mga mag-aaral na makinig sa iba’t ibang opinyon. Isang paraan ng pagsasagawa nito ang sumusunod:

a. Bigyan ang bawat mag-aaral ng name tag. Ipasulat ang kanilang pangalan at ipasuot ito.

b. Magbigay ng isang tanong o pangungusap na nangangailangan ng kanilang opinyon tungkol sa isang isyu na may kaugnayan sa paksang-aralin.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 16: AP Strategies I-III

8 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

c. Pangkatin ang mga mag-aaral nang dalawahan. Magpalitan ng opinyon tungkol sa ibinigay na tanong. Bigyan ng ilang minuto upang gawin ito at pagkatapos magpalitan ng name tag. Humanap ng bagong kapa reha at ibahagi sa kanya ang opinyon ng una niyang kapareha habang suot-suot ang name tag nito.

d. Magpalitan muli ng name tag at maghanap ng ibang kausap at ibahagi ang opinyon ng kamag-aral na may suot ng kanyang name tag.

e. Gawin ito nang ilang beses. Iproseso ang gawain.

21. In the NewsIsa itong peer teaching approach na magbibigay ng

karagdagang materyal at impormasyon na maibabahagi sa mga mag-aaral.

Magpadala sa mga mag-aaral ng mga artikulo, news items, editoryal, at mga cartoon na may kaugnayan sa aralin. Pangkatin ang klase at ibahagi ang dalang artikulo at aytem sa kanilang kamag-aral at pumili ng dalawa o tatlo rito na kanilang nagustuhan.

Magtipon muli ang buong klase at ipabahagi sa bawat pangkat ang kanilang napiling aytem. Makinig sa mahahalagang puntos na iniulat ng mga pangkat. Gamitin itong impormasyon upang pasimulan ang talakayan sa klase.

22. StoryboardLayunin nito na iugnay at pagsunud-sunurin ang mga

pangyayari at linangin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga bahagi ng kwento.

Mag-brainstorm ng mga ideya para sa mga storyboard tulad ng mga konsepto o pangyayari sa kasaysayan. Ipasulat ang mga ideya ng mga mag-aaral sa mga index card. Ipadikit ang mga index card sa mga poster board at pagsunud-sunurin ito.

Isabit ang mga poster board sa paligid ng silid-aralan at hayaang tingnan ito ng mga mag-aaral. Simulan ang talakayan tungkol sa ginawa ng mga mag-aaral. Maaari din na sa halip na magsulat ng mga konsepto o mga pangyayari sa mgaindex card, magpaguhit ng mga larawan kaugnay sa aralin. Ayusin ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

23. Balitaan sa KasaysayanBawat pangkat sa klase ay bigyan ng paksa o balita mula

sa pahayagan na may kaugnayan sa aralin. Ipasulat sa papel sa bawat pangkat ang paksa at ang limang salitang pananong tulad ng:

Paksa

Sino? ______________________________________

Ano? _____________________________________

Kailan? ___________________________________

Saan? ____________________________________

Bakit? ____________________________________

Ipapasa ng mga mag-aaral sa kanilang kapangkat ang papel at sa bawat ikot nito, magdagdag sila ng mahalagang impormasyon na sasagot sa mga salitang pananong. Kapag nasagot na ang mga ito, isusulat ng bawat pangkat ang kanilang artikulo batay sa impormasyong kanilang nabuo. Ipabasa ang artikulo ng bawat pangkat at iproseso.

24. Paglalarawang-diwa Pagkatapos pag-aralan ang isang pangyayari sa kasaysayan,

ipapikit ang mga mata ng mga mag-aaral at ipalarawan sa isip ang pangyayari. Bigyan ng sapat na panahon na gawin ito ng mga mag-aaral at pagkatapos, tatalakayin ang mga larawang nabuo sa isip. Ibahagi sa klase ang mga ito. Ipaguhit ang larawang nakita sa isip at pag-usapan ito ng mga pangkat.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 17: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 9

Ipasulat ang tanong sa isang sagutang papel at kasunod nito, itala ng mga pangyayari na sa palagay ng mag-aaral ay nabago bunga ng binagong pangyayari. Ibahagi ang tala ng mag-aaral sa mga kamag-aral upang malaman kung ang nilikhang imaginative history ay kapani-paniwala.

30. Inquiry TeachingSa inquiry teaching, itinuturo ang mga konsepto sa

pamamaraang inductive. Magbibigay ang guro ng ilang tiyak na mga halimbawa. Pag-aaralan ng mga mag-aaral ang mga halimbawa at pagkatapos bubuo ng konklusyon na batay sa mga katangian ng ibinigay na halimbawa.

Mga hakbang sa pagsasagawa ng inquiry teaching:a. Ilarawan ang mga pangunahing katangian ng

suliranin o sitwasyon.b. Magbigay ng mga solusyon o paliwanag.c. Magtipon ng mga katibayan na magagamit sa pagta-

taya ng kawastuhan ng mga solusyon o paliwanag.d. Tayahin ang mga solusyon o paliwanag batay sa mga

katibayan.e. Bumuo ng konklusyon na sinusuportahan ng mga

matibay na ebidensya.

31. FishbowlSa gawaing ito nalilinang ang kasanayan ng mag-aaral

sa pag-uusap liban sa kaalaman niya sa paksang tinatalakay. Bilang paghahanda, ayusin ang mga silya sa dalawang concentric circles na nakaharap sa loob. Bigyang-laya ang mga mag-aaral na pumili kung saan sila uupo — sa inner o outer circle.

Ang mga mag-aaral sa inner circle ay may kalayaang magsalita subalit ang mga nasa outer circle ay dapat manatiling tahimik. Kapag ang mag-aaral na nasa outer circle ay nais magbigay ng puna, palitan ang paksa, o kung nais niyang umupo sa inner circle, kailangan niyang tumayo

25. ViewpointMagpasulat ng thesis sentence sa isang opisyal o

personalidad sa kasaysayan ukol sa kanyang opinyon sa isang isyu at pasuportahan ito ng mga katibayan. Halimbawa: Si Mohandas Ghandi ay laban sa pamamahala ng mga ingles at nakita ito sa kanyang sinimulang kilusang passive resistance sa kanyang pananalita.

Gagamitin ang sipi ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay tungkol sa opinyon ng napiling personalidad.

26. Story PyramidIbuod ang isang kwento sa anyong piramide sa ayos na

ang bilang ng mga salita ay dumarami tulad ng pagdami ng bilang ng mga linya.

27. Story MapIsalaysay ang kwento sa lohikal na organisasyon ng mga

pangyayari at ang mga ideya na mahalaga sa kwento at ang ugnayan ng mga pangyayari at mga ideya sa pamamagitan ng mga pigurang geometric.

28. Di-inihandang Talumpati o Impromptu SpeakingAng impromptu speech ay isang talumpating hindi

inihanda ng mag-aaral. Binibigyan ng paksa ang mag-aaral sa klase at noon din ay magtatalumpati. Hindi siya binibigyan ng panahong magsulat ng talumpati o magbasa ng mga babasahin upang madagdagan ang kanyang kaalaman tungkol sa paksa.

Layunin ng gawaing ito na tayahin ang natutuhan sa paksang-aralin at linangin ang kasanayan ng mag-aaral sa komunikasyon at ipahayag ang kanilang saloobin tungkol sa isang paksa.

29. Imaginary HistoryPumili ng isang kaganapan sa kasaysayan at lumikha

ng sariling imaginary history na kaiba sa tunay na nangyari. Itanong: Ano ang mga maaaring nangyari kung sakali?

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 18: AP Strategies I-III

10 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

at tapikin ang balikat ng isang kasapi ng inner circle at magpalitan ng upuan. Ang kasapi naman ng inner circle ay hindi maaaring umalis hanggang hindi siya pinipili ng mga miyembro ng outer circle.

Walang ibibigay na gantimpala o parusa sa hindi lumalahok sa talakayan. Malaya nilang gawin ang kanilang nais subalit kailangang sumunod sa mga tuntunin.

32. Multi-perspective ApproachSa multi-perspective approach, binibigyang-tuon ang

isang isyu mula sa pananaw ng ilang pangkat. Sa paggamit nito, malalaman ng mga mag-aaral na may mga pangyayari na binibigyang-pakahulugan sa ilang paraan ng iba’t ibang tao. Madalas, ang pakahulugan ay may kaugnayan sa pagpapahalaga ng kinabibilangan ng pangkat.

33. K-W-L TechniqueIsa itong paraan na bago simulan ang bagong aralin,

inaalam na kung may alam na ang mag-aaral tungkol dito. Pagkatapos, inaalam naman ang nais matutuhan ng mga mag-aaral sa bagong aralin. Pagkatapos mapag-aralan ang bagong aralin, itinatanong kung ano ang natutuhan tungkol dito. Ipagawa sa bawat mag-aaral o pangkat ang sumusunod na talahayanan.

34. Numbered Heads Together Pangkatin ang klase sa maliliit na pangkat at bigyan

ang bawat mag-aaral ng numero. Magbigay ng isang tanong o suliranin sa buong klase. Tatalakayin ng bawat pangkat ang tanong o suliranin sa ilang minuto na ibibigay ng guro. Kailangang alam ng bawat kasapi ng pangkat ang sagot sa tanong o suliranin pagkatapos ng kanilang talakayan. Tatawag ang guro ng isang numero. Ang mag-aaral sa bawat pangkat na may natawag na numero ay magtataas ng kamay. Kung maiibigay nila ang tamang sagot, bibigyan ng puntos ang pangkat. Ito ay isang anyo ng tutorial group na makatutulong sa mga mag-aaral na muling talakayin o balik-aralan ang isang paksa sa maikling oras.

35. Pandulang PagtatanghalAng pandulang pagtatanghal ay isang simulated activity.

Nagbibigay ito ng pagkakataon sa maayos na pagtataya sa natutuhan ng mga mag-aaral. Sa pagmamasid ng guro sa mga pandulang gawain ng mga mag-aaral, matataya niya ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga konsepto, ang pagpapahayag ng kanilang saloobin, at pagpapakita ng kanilang pagkamalikhain. Tunghayan ang ilan sa mga anyo ng pandulang pagtatanghal.

a. Dramatization — pagtatanghal ng isang dula o dula-dulaan na may script, costume, at entabladong pagtatanghal

b. Dramatic play — malikhaing paglalarawan ng mga karanasan sa hindi pormal na pagtatanghal. Hindi sinasaulo ang papel na gagampanan at walang espesyal na kasuotan.

c. Dramatic rhythm — binibigyan ng sariling interpretasyon ng mag-aaral ang mga gawain sa pamamagitan ng ritmikong paggalaw ng katawan.

d. Dramatic skit — pinag-aaralan ng mga mag-aaral ang bahaging gagampanan at mga sasabihin sa piniling gawain na ipinakikita ang mahalagang pangyayari.

K-W-L Technique

K-now W-ant L-earn

Ano ang alam? Ano ang gustong mapag-aralan?

Ano ang natutuhan?

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 19: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 11

e. Pageant — ipinakikita nito ang pagkasunud-sunod ng mga pangyayari na may kaugnayan sa paksang tinatalakay sa klase.

f. Pantomime — isa itong maikli at payak na paglalarawan ng isang gawain. Lahat ng impormasyon, emosyon, at aksyon ay inilalahad sa matahimik na pagkilos at walang sinasabi. Dapat bigyang-pansin ng mag-aaral ang paggalaw ng katawan at ipinahihiwatig ng mukha.

g. Marionette o Puppet — ginagamit ito sa malikhaing drama at pormal na dramatization. Nililinang nito ang pagtitiwala sa sarili ng mga mahiyaing mag-aaral na ayaw o bantulot lumahok sa mga gawain sa klase.

h. Readers’ Theater — isang madaling paraan na pagtatanghal ng isang dula na hindi nangangailangan ng costume set, pagsasaulo ng papel na gagampanan, at props subalit gumagamit ng sound effects. Binabasa ng mga mag-aaral ang dayalago gamit ang boses at kilos ng katawan upang ipakita ang tagpo ng mga tauhan sa dula. Maaaring magsuot ng maskara, sumbrero, o maglagay ng name card sa dibdib upang malaman ang tauhan sa dula.

36. SimulationSa simulation, inilalagay ang mga kalahok sa mga

sitwasyon na halos katulad ng sa tunay na buhay. Sa payak na paraan, binibigyang-tuon sa simulation ang mga pangunahing ideya. Maaaring matamo ng mga kalahok ang lahat ng kanilang mga layunin. Layunin ng simulation na makagawa ng desisyon at maranasan ang kahihinatnan ng desisyon. May apat na bahagi ang simulation:

a. Overview — inilalarawan dito ang papel na gagampanan ng mga mag-aaral. Ibibigay ang mga tuntunin na susundin sa simulation.

b. Pagsasanay — pagpapaliwanag sa mga kalahok kung paano isasagawa ang simulation. Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na pag-aralan at pag-usapan ang papel na kanilang gagampanan.

c. Pagsasagawa ng simulation — sa bahaging ito gagabayan ng guro ang isasagawang simulation ng mga mag-aaral.

d. Debriefi ng — nakatuon ito sa ginawang mga pag-papasya, istilo ng simulation, at pagbibigay ng puna o mungkahi sa ginawang simulation. Sa bahaging ito, ang pagtalakay sa mga konsepto at mga pamamaraang isinagawa ay makabubuti sa pagkatuto.

37. Mock TrialAng mock trial ay simulation ng paglilitis sa hukuman.

Ito ay maaaring tungkol sa naganap na paglilitis o tungkol sa kontrobersyal na isyu na humantong sa pagsasakdal. Sa pamamagitan nito, malawak na mauunawaan ng mga mag-aaral ang sistemang legal.

Mga hakbang sa pagsasagawa ng mock trial:a. Ang unang hakbang ay ang pagbibigay sa mga mag-

aaral ng layunin ng mock trial. Kailangang malaman nila ang paksa ng paglilitis, ang gagawin nilang paghahanda, at ang tuntunin at mga pamamaraang susundin. Bigyan ang mga mag-aaral ng impormasyon tungkol sa kaso. Pagkatapos ay ipamahagi ang fact sheet na naglalaman ng mga katotohanan tungkol sa dalawang panig ng pinagtatalunan na kaso. Pagkatapos, ibigay ang papel na gagampanan ng mga mag-aaral at kanilang responsibilidad tulad ng hukom, abogado ng depensa at ng naghabla.

b. Maaaring isagawa ang sumusunod na mga hakbang sa pagsasagawa ng paglilitis:• Pagbubukas ng hukuman

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 20: AP Strategies I-III

12 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

• Panimulang pananalita ng abogado ng naghabla at abogado ng depensa

• Pagsusulit-tanong (cross examination) ng abogado ng depensa sa mga saksi ng naghabla

• Pagsusulit-tanong ng abogado ng naghabla sa mga saksi ng depensa

• Pagsusulit-tanong sa akusado ng panig ng abogado ng naghabla

• Pagtatapos ng pagtatalo ng panig ng depensa at panig ng nasasakdal

• Pagbibigay ng hatol• Magbibigay rin ang hukom ng mga pahayag sa

bawat prosesoc. Debriefi ng

Bigyang-tuon sa talakayan ang isyu o kaso, pangangatwiran, at prosesong ginamit. Bigyang-pansin din ang naramdaman at natutuhan ng mga lumahok.

38. Simulation GameAng simulation game ay magkahalong simulation at laro.

Ito ay modelo ng totoong sitwasyon sa buhay. Sa simulation game ay may role-playing competition at interaksyon ng mga kalahok sa laro na may sinusunod na mga tuntunin. May kinalaman ang laro sa mga isyu at mga proseso kung saan kailangang gampanan ng mga mag-aaral ang papel ng mga taong may kinalaman sa isyu. Nagpapaligsahan ang mga mag-aaral sa layuning malutas ang suliranin. Sa pamamagitan ngsimulation games, nakikita ng mga mag-aaral ang kaugnayan ng kanilang kaasalan at ng naging bunga ng pangyayari. Ilang halimbawa ang sumusunod:

a. Napakaraming tao sa isang lugar (simulation game)Gumuhit ng malaking bilog sa sahig na sapat na

magkasya ang 12 mag-aaral. Patayuin ang mga mag-

aaral sa labas ng bilog. Sa bawat dalawang segundo, papasukin ang isang bata sa bilog. Pagpasok ng bawat mag-aaral, hayaan itong gumalaw o umikot sa loob ng bilog hanggang sa makapasok ang 12 mag-aaral. Pabilisan ng galaw ang mga mag-aaral sa loob ng tatlong minuto. Maaaring may magtulakan sa loob ng tatlong minuto. Pagkatapos nito, pabalikin sa kanilang mga silya ang mga mag-aaral at talakayin ang paglaki ng populasyon at mga suliraning kaugnay ng kanilang mga karanasan.

b. Sea BattleLabanan ito sa dagat ng dalawang pangkat. Sa

larong ito, mahalaga ang estratehiyang gagamitin sa labanan. Ang layunin ng laro ay ang pagpaplano ng isang manlalaro ng estratehiya sa pakikipaglaban ayon sa ginawa ng isang tanyag na heneral sa kasaysayan.

Pumili ng isang paksa sa aralin tungkol sa isang naganap na labanan sa dagat ng dalawang pangkat/ bansa. Idikit sa isang malaking page board ang mapa ng pinangyarihan ng labanan. Sa magaganap na labanan, gagalawin ng mga manlalaro sa mapa ang kani-kanilang mga peg o anumang pananda ng kanilang pag-ikot sa pook ng labanan at ang kanilang paglusob sa kalaban. Ang mananalo ay batay sa dami ng lugar na kanyang nalusob at bilang ng mga kalaban na sumuko.

Magkaroon ng talakayan ang mag-aaral tungkol sa kung paano nanalo ang isang pangkat sa mahalagang labanan.

39. Plus, Minus, Interesting (PMI)Isang estratehiya na sinusuri ang isang paksa sa

pamamagitan ng pagbibigay ng mga plus point, mga minus point, at mga interesting point sa paksang tinatalakay.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 21: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 13

40. First Important PrioritiesPagsusuri sa isang sitwasyon kung saan ay pinag-uusapan

kung aling bagay, aspekto o bahagi ng sitwasyon ang dapat bigyan ng pangunahing atensyon.

III. PAGGAMIT NG MGA LARO

1. Team CharadeMagpapakita ng pantomime ang una sa tatlong pangkat

sa klase na nauukol sa mga pangyayaring naganap sa paksang natalakay na. Huhulaan ng pangalawa at pangatlong pangkat ang ipinakitang pantomime. Sinuman sa dalawang pangkat ang may pinakamaraming nahulaang pantomime ang panalo sa laro.

2. Perfect Match GamePangkatin ang klase sa dalawa at magpabuo ng dalawang

bilog. Mamahagi sa dalawang pangkat ng mga mahaba at makitid na pilas ng kartolina kung saan nakasulat sa isang pilas ang isang terminolohiya at sa isang pilas ang katuturan nito. Bigyan ng dalawang minuto ang mga mag-aaral na hanapin sa kabilang pangkat ang tamang sagot sa hawak nilang pilas na kartolina. Kaagad itong ipadikit sa piraso. Ang unang dalawang mag-aaral na makatapos ng tama ang panalo.

3. Crossword PuzzleMaaaring gawin ito ng isang mag-aaral o ng pangkat. Isagawa

ang sumusunod.a. Mag-brainstorm ng ilang mga terminolohiya at mga

pangalang kaugnay sa aralin.b. Gumawa ng crossword puzzle. Itiman ang mga puwang

na hindi kailangan.c. Gumawa ng mga clue para sa mga crossword item.

Maaaring gamitin ang sumusunod:• Maikling katuturan• Isang kategorya na magkakasya ang aytem

• Isang halimbawa• Isang kasalungat

d. Ipamahagi ang puzzle sa bawat mag-aaral o sa mga pangkat.

e. Magbigay ng ilang minuto sa paggawa nito. Bigyan ng gantimpala ang mag-aaral o pangkat na may pinakamaraming tamang aytem.

IV. MAPPING/GRAPHIC ORGANIZERAng mapping ay isang paraan ng pagbibigay ng visual image

upang makapag-isip at makapagbuo ng ugnayan ng mga ideya ang mga mag-aaral. Isa din itong paraan ng pagproseso ng isang kwento o pangyayari sa kasaysayan.

Nalilinang ang ugnayan ng mga kaisipan at impormasyon sa pama -ma gitan ng pagtatanong at talakayan habang ginagawa ang mapping.

Ang mga chart, graph, diagram ay ilan lamang sa mga epektibong kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto. Ang mga ito at ibang graphic material ay itinuturing na isang estratehiya sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Inihahanda ito upang gisingin ang damdamin, ipakita ang katotohanan at ugnayan ng mga bagay sa obhektibong pamamaraan, at linangin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paglutas ng suliranin.

Layunin ng graph at chart na ipakita ang payak na ugnayan ng mga variable. Ginagamit ito ng mga mag-aaral sa paglalahad ng paksang kanilang tatalakayin. May tatlong hakbang na maaaring gamitin sa pagtalakay sa isang paksa gamit ang graph:

1. Basahin ang labas ng graph: pamagat, petsa, at pinagkunan. Layunin nito na tayahin ang graph batay sa pamagat bilang palatandaan ng layunin nito; ang petsa, upang malaman ang kawastuhan ng mga datos batay sa petsa ng paglikom nito.

2. Basahin ang nasa loob ng graph: ang impormasyong literal at interpretasyon sa impormasyon. Ang pagbasa sa literal na datos ay batayan ng mga mag-aaral sa pagtukoy sa mga hinuhang katotohanan, konsepto, at paglalahat na siyang layunin ng gumawa ng graph.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 22: AP Strategies I-III

14 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

3. Iugnay ang paksa/katotohanan sa graph sa karanasan ng mga mag-aaral.

Ang poster ay nagbibigay ng isang mensahe na madaling maunawaan sa isang pagtingin lamang. Ginagamit ito upang maganyak ang mga bumabasa na gumawa agad ng isang aksyon tungkol sa isang isyu tulad ng pangangalaga sa kalikasan, kampanya sa enerhiya, at iba pa.

Ang cartoon ay ginagamit upang maipaabot sa mga mambabasa ang isang mensahe sa pamamagitan ng caricature, biro, o panunudyo.

Ang collage ay binubuo mula sa mga nilikom na mga larawan na may kaugnayan sa paksang tinalakay sa klase. Gupitin ang mga ito sa iba’t ibang hugis at pagdikit-dikitin sa isang kartolina sa anyong kaakit-akit. Lagyan ng kapsyon ang nabuong collage. Ipabigay ang kaisipang nabuo sacollage.

Ang isang graphic organizer ay kahawig ng concept map. Ito ay kumakatawan sa pagkakaugnay ng maraming paksa. Ito ay maaaring gamitin sa panimula ng isang bagong yunit o aralin bilang pangganyak o sa pagwawakas ng isang leksyon bilang pagbubuod ng isang tinalakay na paksa.

Mga Halimbawa ng Graphic Organizer

A. Pagbuo ng Konsepto

Gamit: Pagtukoy ng mga katangian; paglalagay at paglalarawan ng mga bahagi; pagpili ng mga katotohanan; pag-uugnay ng magkakatulad na katotohanan; pag-uugnay ng mga katotohanan sa mga ideya; pagsasalaysay ng kuwento at pagsasa-ayos ng pagkakasunud-sunod ng mga katotohanan.

1. CLUSTERS

PaksaDetalye

2. COLLOCATION

Pangyayari Resulta

3. BUBBLE MAP

Paksa

katangian

katangian katangian

Pangunahing Paksa

kasangang paksa

kasangang paksa

kasangang paksa

kasangang paksa

4. FACT STORMING WEB

5. CONCENTRIC CIRCLES

Paksa

yugto

yugto

yugto

yugto

katangian

katangian

detalye

detalyedetalye

detalye

detalye

detalye

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 23: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 15

Taon Taon Taon Taon Taon Taon

6. TIMELINES

simula

7. STORY FRAMES

katapusan

Detalye Detalye Detalye Detalye Detalye

12. TREE MAP

Detalye

Kasangang Paksa Kasangang Paksa Kasangang Paksa

Pangunahing Paksakatotohanankaugnayan

kaugnayan

8. TREES

9. FLOW MAP

pangyayaripangyayaripangyayaripangyayari

detalye

pangyayari Pangunahing Pangyayari

5. FISH BONE

Pagkatapos Pagkatapos Pagkatapos Simula Katapusan

Mga Katotohanan

11. DESCRIPTIVE SEMANTIC MAP

10. FISH BONE

detalye detalye detalye detalye detalye detalye detalye detalye detalye

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 24: AP Strategies I-III

16 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

B. Pagsisiyasat ng mga UgnayanGamit: Pagtatala ng pagkakatulad at pagkakaiba, pagtitimbang ng mga katibayan para

sa mga ideya, paglalagay ng kahulugan at pagbubuo ng mga hinuha batay sa mga katotohanan.

1. VENN DIAGRAM

Pagkakaiba

Paksa Paksa

Pagkakatulad Pagkakaiba

PaksaPaksa

tangingkatangian

tangingkatangian

tangingkatangian tanging

katangian

tangingkatangian

tangingkatangian

Katangiang karaniwan

sa dalawang paksa

2. DOUBLE BUBBLE

Katangiang karaniwan

sa dalawang paksa

3. CIRCLE MAPS

batayan

Kahulugan

Termino lohiya

Katibayan

4. EVIDENCE SCALESKatibayan

6. BRIDGE MAP

PaksaKatulad

Paksa

5. PRO/CON TEES

Pro Con

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 25: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 17

1. TAN FACT ANALYZER

3

Suliranin

Sanhi Bunga

2

1

4

5

6

Epekto

Dahilan

Dahilan

Dahilan

Dahilan

Epekto

Epekto

Epekto

2. BRANCHING CHART

C. Pag-uugnay ng mga DahilanGamit: Pagpapaliwanag ng kalakaran, pagpili ng gagawin, pagplano ng estratehiya,

pagpapaliwanag ng proseso, pag-iisip ng mga palagay, at pagbibigay ng mga sagot.

7. BRACE MAPPangunahing

Bahagi

Pangunahing Bahagi

Maliit na Bahagi

Maliit na Bahagi

Paksa/Bagay

Mga Dahilan

4. BACKMAPS

5. FORCES COUNTER FORCES

3. MULTI-FLOW MAP

Dahilan

Dahilan

Dahilan Bunga o Epekto

Bunga o Epekto

Bunga o Epekto

Pangyayari

Mga Bunga

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 26: AP Strategies I-III

18 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

7. DECISION TREES

Kung Kung

Kung

Pagkatapos

Pagkatapos

Pagkatapos

Dahilan Dahilan Dahilan Dahilan

6. CAUSAL CHAINS

8. QUESTION WEB

Paksa

Tanong

Sagot

Tanong

Tano

ng

Sagot

Sagot

9. HOUR GLASS

Paksa

Ano kung?

Nalalaman/Paggunita

1. ILLUSTRATION

mga teorya

interpretasyon

2. OUTLINES

Mga katotohanan

Mga katotohanan

Mga katotohanan

TanongPaglalahat

Teorya

D. Pagbubuo ng Teorya

Gamit: Pagsunod sa mga palatandaan, pagbubuo ng paglalahat, pagtutuklas ng mga pagpapahalaga, pagpapaliwanag, pagmumungkahi ng mga teorya, paglalarawan ng mga implikasyon, at pagbubuo ng konklusyon.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 27: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 19

V. PAGTATAYA (ASSESSMENT)

Mahalaga ang papel ng pagtataya (assessment) ng pagkatuto sa proseso ng pagtuturo. Nababatay ito sa kakayahan at sa ginawa ng mag-aaral, pagpili ng mga pagsusulit na magbibigay ng totoong resulta ng pagsukat ng pagkatuto. Layunin ng pagtataya na sukatin ang natutuhan ng mag-aaral, mapabuti ang pagtuturo, at kalagayan sa pagkatuto ng mag-aaral. Upang lubos na maunawaan ang paksang ito, bibigyan muna ng linaw ang kahulugan ng ebalwasyon at pagtataya.

Ang ebalwasyon ay proseso sa paggawa ng desisyon tungkol sa pagkatuto ng mag-aaral. Kailangan ditong gumawa ng pasya tungkol sa natutuhan, nagawa, kaasalan at saloobin ng mag-aaral.

Ang pagtataya ay estratehiya sa pagsukat ng nalalaman, nagawa, kaasalan at saloobin ng mag-aaral. Lumilikom dito ng mga datos na makatutulong sa gagawing pagpapasya sa ebalwasyon.

Ang guro ay gumagamit ng tatlong uri ng pagtataya — diagnostic, formative, at summative. Ibig sabihin, ang guro ay gumagawa ng pasya bago, habang, at pagkatapos ng kanyang pagtuturo.

Ang diagnostic assessment ay pagtataya na ibinibigay bago magturo ang guro upang malaman kung ano ang alam na at kung ano ang gustong matutuhan ng mag-aaral. Maaaring gamitin ang informal diagnosticassessment (unstructured) o ang formal diagnostic assessment (nakatakda o structured). Ang karaniwang ginagamit na formal diagnostic test ay ang pre-test na isang uri ng pagsukat ng nalalaman ng mag-aaral tungkol sa ituturo bago ito ituro.

Ang formative assessment ay ginagawa habang nagtuturo ang guro. Ito ay maaaring formal at informal formative assessment. Ang huli ay ginagawa sa pamamagitan ng pakikinig sa mga ibinibigay na puna at usapan ng mga mag-aaral habang sila ay gumagawa. Ang portfolio ng mag-aaral ay ginagamit sa formal formative assessment. Ito ay mga tinipon na mga gawain ng mga mag-aaral.

Ang summative assessment ang huling pagsukat ng natutuhan ng mag-aaral. Ibinibigay ito sa katapusan ng aralin o yunit. Liban sa pagbibigay ng pagsusulit sa summative assessment, ginagamit din ang sumusunod na anyo:

a. Alternative summative assessment — halimbawa nito ay mga proyekto at performance tasks

b. Inquiry assessment — proseso sa pagtatanong sa mag-aaral kung ano ang kanilang nararamdaman, ang kanilang iniisip, ano ang gusto at hindi gusto at pagsusuri ng kanilang pag-unawa. Halimbawa ng inquiry assessment ay ang panayam atquestionnaire.

PAGTATAYA NG MGA LAYUNING INSTRUKSYUNAL AT ANG MGA KATEGORYA NG PAGKATUTO

Napapangkat sa tatlo ang mga layuning sinisikap ng gurong maisagawa sa kanyang pagtuturo. Ang mga layuning ito na binubuo ng mga kategorya ng pagkatuto ay layuning pangkognitibo o pangkaalaman, layuning pangsaykomotor, at layuning pandamdamin.

Sa layuning pangkaalaman o cognitive domain, pinagtutuunang pansin na madagdagan ang kaalaman ng mag-aaral sa mga konsepto, kaisipan, mga katotohanan, at kasanayang pang-intelektwal.

Sa layuning pangsaykomotor o psychomotor domain, binibigyang-diin ang pagsasanay ng mga mag-aaral sa muscular coordination, pagiging maliksi sa pagkilos at paggalaw, at maging mahusay sa pakikipaglaro at palakasan.

Sa layuning pandamdamin o affective domain, mga pagpapahalaga, saloobin, kaugalian, at kaasalan ang binibigyang-pansin.

Upang masukat ng guro ang mga natutunan ng mag-aaral sa paksang tinalakay sa klase, kailangan ang tatlong uri ng pagtataya para sa tatlong kategorya ng pagkatuto: pagtataya ng cognitive domain, pagtataya ng affective domain, at pagtataya ng psychomotor domain.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 28: AP Strategies I-III

20 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III

I. Pagtataya ng Cognitive Domain

Madalas ang pagtataya sa cognitive domain ay sa pamamagitan ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay sistematikong anyo ng pagsukat na maaaring oral o nakasulat. Maaaring gumamit ng essay test, pakikinig, at pagmamasid na ginagawa ng mga mag-aaral sa kanilang natutunan, tulad ng performance task, mga proyekto, pagmamasid ng simulation, role-play, paglutas ng suliranin, panayam at talakayan.

II. Pagtataya ng Affective Domain

Mahirap ang pagtaya sa affective domain subalit ang madalas gamitin ay ang inquiry assessment. Maaari ding gamitin ang panayam, pagmamasid sa talakayan ng mga mag-aaral, at questionnaire.

III. Pagtataya ng Psychomotor Domain

Maaaring gamitin sa pagtataya ng psychomotor domain ang pagmamasid ng kaasalan o nagawa ng mag-aaral. Ang mga datos na namasid ay maaaring ilagay sa anecdotal record, checklist o rating scale.

IV. Scoring Rubric

Isang assessment tool ang scoring rubric na nagtataglay ng criteria sa iba’t ibang antas na ginawa ng mag-aaral. Binibigyan nito ng marka ang bawat gawa (performance) o sagot ng mag-aaral. Isang halimbawa ng scoring rubric:

a. Marka Kalidad ng Pagpapaliwanag

6 — Napakahusay ng pagpapaliwanag

(buo, maliwanag)

5 — Mabuting pagpapaliwanag

(katamtamang pagpapaliwanag)

4 — Matatanggap ang pagpapaliwanag

(may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)

3 — Kailangang isaayos

(malaki ang kakulangan, nagpapakita ng kaunting kaalaman)

2 — Mali at kulang ang pagpapaliwanag

1 — Mali at walang pagtatangkang pagpapaliwanag

b. Marka Sagot sa mga Tanong

4 — Tama

3 — Halos tama o bahagi ay tama

2 — Mali subalit may pagtatangkang itama

1 — Mali at walang kaugnayan sa paksa

0 — Walang sagot

c. Marka Pagpapaliwanag

4 — Kumpleto, maliwanag, at lohikal

3 — Tama subalit kulang

2 — Malabo

1 — Mali at malayo sa paksa

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 29: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I-III 21

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan I

(KASAYSAYAN NG PILIPINAS)

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 30: AP Strategies I-III

22 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Kasaysayan ng Pilipinas

B. Paglinang ng Aralin

1. Pag-aalis ng Sagabal

Ipapaliwanag ang kahulugan ng sumusunod na mga konsepto:

a. arkeologo

b. antropologo

c. mananalaysay

2. Pagganyak

Bumuo ng mga scrambled letter mula sa salitang KASAYSAYAN. Ipaayos ang mga titik upang mabuo ang terminolohiya at ipabigay ng kahulugan nito.

3. Mga Mungkahing Estratehiya

a. Magpakita ng mga larawan ng relikyo, kopya ng dokumento, pagbasa ng alamat, at kwento na may kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas. Talakayin ang mga batayan sa pag-aaral ng kasaysayan.

b. Magpagamit ng cluster map sa pagpapaliwanag ng kaug nayan ng kasaysayan sa ibang disiplinang panlipunan.

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagbubuod

Magpabuo ng mga paglalahat batay sa paksang tinalakay.

2. Paglalapat/Pagpapahalaga

a. Itanong: Ano ang maaaring gawin ng isang mag-aaral upang ipakita ang pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa?

b. Magsalaysay ng isang kwento o alamat na may kaugnayan sa kasaysayan ng inyong pamayanan o lalawigan.

YUNIT I Ang Simula ng Bansa

LAYUNING PANLAHATNapahahalagahan ang pag-aaral ng kasaysayan sa pagbuo at pag-

unlad ng bansa

Aralin 1 Heograpiya at Kasaysayan

I. LAYUNING TIYAK• Naibibigay ang kahulugan ng kasaysayan• Naipaliliwanag ang mga batayan ng kasaysayan• Naiuugnay ang kasaysayan sa ibang disiplinang panlipunan• Naipamamalas ang pagpapahalaga sa mga gawain ng mga

mananalaysay• Nakalilikom ng iba’t ibang bagay na batayan ng kasaysayan

II. PAKSAHeograpiya at kasaysayan• Kahalagahan ng kasaysayan • Kahulugan ng kasaysayan• Batayan ng kasaysayan• Kasaysayan at ibang disiplinang panlipunan

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

1. PagsasanayIsulat sa pisara ang KAPULUAN. Magbigay ng mga

salitang maiuugnay rito gaya ng kasaysayan, vulcanism, gradation. Ipapaliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang mga konseptong nabanggit.

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 31: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I 23

3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan

Magpagawa ng pantomime tungkol sa isang alamat sa isang lugar sa Pilipinas.

4. Pagpapayaman ng Aralin

a. Magpagawa ng tala ng mga bagay na matatagpuan sa tahanan ng mga mag-aaral. Itanong kung paano ito nakapagbibigay ng impormasyon tungkol sa pamilya, uri ng pamumuhay at kapaligirang kanilang ginagalawan.

b. Talakayin ang natural na kalamidad na naganap sa Leyte o sa ibang lalawigan. Sabihin ang mga pagbabagong dulot nito sa lalawigan.

5. Gawaing Remedyal

Sa isang inihandang talahanayan, ipauri ang mga tinalakay na pinagkukunan ng kasaysayan.

6. Ebalwasyon

Isulat sa isang sagutang papel ang bahaging ginagampanan ng sumusunod sa kasaysayan:

1. arkeologo

2. antropologo

3. historyador

IV. TAKDANG-ARALIN

Ipasagot ang sumusunod bilang paghahanda sa susunod na aralin:

1. Ipaliwanag ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas.

2. Suriin ang kalakasan at kahinaan ng mga teorya.

Aralin 2 Mga Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas

I. LAYUNING TIYAK• Napaliliwanag ang mga teorya ng pinagmulan ng kapuluan ng

Pilipinas• Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng iba‘t ibang teorya

tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas• Naipamamalas ang pagpapahalaga sa pinagmulan ng kapuluan

ng Pilipinas

II. PAKSAMga teorya ng pinagmulan ng Pilipinas• Kalakasan at kahinaan ng mga teorya

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

1. PagsasanayMagpalitan ang mga mag-aaral ng pagbibigay

ng terminolohiya at kahulugan nito batay sa nakaraang aralin.

2. Balik-aralItanong: Bakit kailangang pag-aralan ang kasaysayan

ng isang bansa?

B. Paglinang ng Aralin1. Pag-aalis ng Sagabal

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga konsepto:

a. teorya b. mitolohiya

2. PagganyakItanong: Mayroon ba kayong nalalamang mga kwento

tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas?

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 32: AP Strategies I-III

24 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan I

3. Mga Mungkahing Estratehiya

a. Ipagawa ang isang joint storytelling tungkol sa mga alamat ng pinagmulan ng Pilipinas.

b. Ipagawa ang isang mock interview sa mga kasapi ng Simbahan at mga siyentista. Talakayin sa panayam ang tungkol sa teoryang biblikal at siyentipikong paliwanag tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas.

c. Magsagawa ng palitan ng kuru-kuro sa paksang tinalakay.

C. Pangwakas na Gawain

1. Pagbubuod

Ipabuod ang paliwanag ng relihiyon at agham tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas.

2. Paglalapat/Pagpapahalaga

Itanong: Ano ang iyong paniniwala tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas?

3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan

Magpaguhit ng larawan tungkol sa sariling interpretasyon sa teorya ng pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas.

4. Pagpapayaman ng Aralin

Magpasalaysay ng mga alamat tungkol sa pinagmulan ng isang lalawigan o lugar na nalalaman ng mga mag-aaral.

5. Gawaing Remedyal

Ipapaliwanag ang alinman sa mga larawang iginuhit ng mga mag-aaral.

6. Ebalwasyon

Papiliin ang mga mag-aaral ng isang teorya tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas. Ipapaliwanag ang teoryang napili.

IV. TAKDANG-ARALINIpasagot ang sumusunod na mga tanong bilang paghahanda

sa susunod na aralin:1. Ano ang pambansang teritoryo? Ipaliwanag ang konseptong

napapaloob sa Artikulo I ng Saligang Batas ng 1987.2. Ano ang isinasaad ng Doktrinang Pangkapuluan at

Exclusive Economic Zone?3. Bakit hinati ang Pilipinas sa mga rehiyon?

Aralin 3 Pambansang Teritor yo, Rehiyonalisasyon, at mga Pangkat-etnolinggwistiko sa Pilipinas

I. LAYUNING TIYAK

• Nailalarawan ang Pilipinas batay sa sakop nitong teritoryo

• N a i p a l i l i w a n a g a n g p r o b i s y o n n g S a l i g a n g B a t a s n g 1 9 8 7

tungkol sa teritoryo ng bansa

• Naipaliliwanag ang Doktrinang Pangkapuluan at ang Exclusive

Economic Zone

• N a s u s u r i a n g e p e k t o n g p a g k a k a r o o n n g D o k t r i n a n g

Pangkapuluan sa mga pulu-pulong bansa tulad ng Pilipinas

• Naipaliliwanag ang paghahati ng Pilipinas sa mga rehiyon

• N a b i b i g y a n g - h a l a g a a n g r e h i y o n a l i s a s y o n n g P i l i p i n a s a t

Doktrinang Pangkapuluan

• Nalalagyan ng tanda ang mga lalawigan na sakop ng iba’t ibang

rehiyon sa mapa ng Pilipinas

• N a s u s u r i a n g p a g k a k a h a t i - h a t i n g P i l i p i n a s s a i b a ’t i b a n g

pangkat-etnolinggwistiko

II. PAKSA

Pambansang teritoryo at rehiyonalisasyon ng Pilipinas

• Doktrinang Pangkapuluan

• Exclusive Economic Zone

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Greten
Typewritten Text
Atasan ang mga mag-aaral na puntahan ang i-learn.vibalpublishing.com at i-search ang 'konsepto' at 'kasaysayan' upang gawin ang Click & Match: Mga Konsepto ng Pag-aaral ng Kasaysayan. Bilang guro, ito ay maaari ring ma-access sa i-teach.vibalpublishing.com. Sa pamamagitan ng gawaing Click & Match, matutulungan ang mga mag-aaral na maiugnay at matandaan ang mga konseptong kakailanganin sa pag-aaral ng Kasaysayan.
Page 33: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II 89

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan II

(KASAYSAYAN NG ASYA)

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 34: AP Strategies I-III

90 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II

YUNIT I Heograpiya ng Asya

LAYUNING PANLAHATNaipamamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kaugnayan

ng heograpiya sa kultura at kasaysayan ng mga tao sa mga bansang Asyano.

Aralin 1 Katangiang Pisikal ng Asya

I. LAYUNING TIYAK

• Natutunton sa mapa o globo ang mga hangganan ng Asya

• Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko ng Asya — Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilaga o Gitnang Asya

• Natutukoy ang mga bansang kabilang sa bawat rehiyon at ang lokasyon nito sa globo

• Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa bawat rehiyon ng Asya

• Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga katangiang pisikal ng Asya

II. PAKSA

Katangiang pisikal ng Asya

• Mga rehiyon sa Asya

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Magpaskil sa pisara ng mga larawan tungkol sa Yunit I. Magtanong sa mga ipinapahayag ng mga larawan at magbigay ng paunang salita tungkol sa nilalaman ng yunit.

B. Paglinang ng Aralin

1. Pag-aalis ng Sagabal

Ipabigay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:

a. kapaligirang pisikal e. heograpiya

b. topograpiya f. rehiyon

c. kontinente g. klima

d. panahon

2. Pagganyak

Magpabanggit ng mga bansa sa Asya. Itanong kung ano ang nalalaman ng mag-aaral sa mga bansang binanggit.

3. Mga Mungkahing Estratehiya

a. Ipaskil ang mapa ng daigdig at mapa ng Asya. Ipatunton sa mapa ng daigdig ang mga kontinente. Habang ginagawa ito ng ilang mag-aaral, ipabasa sa iba ang talahanayan tungkol sa mga kontinente at kabuuang sukat ng bawat isa. Batay sa ipinakikita sa mapa at sa talahanayan, ipalarawan sa mga mag-aaral ang Asya.

b. Ipabanggit sa mga mag-aaral ang anim na rehiyon ng Asya. Hayaan na mailarawan nila ang hangganan ng bawat rehiyon. Ipatukoy rin sa mapa ang mga bansang bumu buo sa bawat rehiyon. Pagkatapos nito, magpabuo ng konsepto ng Asya batay sa paghahating heograpiko nito.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Kasaysayan ng Asya

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 35: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II 91

c. Ipagawa ang pangkatang talakayan tungkol sa mga katangiang pisikal ng anim na rehiyon ng Asya. Gumamit ng mga larawan, graphic organizer, talahanayan ng klima, topograpiya, at iba pang katangiang pisikal.

C. Pangwakas na Gawain1. Pagbubuod

Magpabuo ng paglalahat batay sa paksang tinalakay. Maaaring gumamit ng alinman sa mga graphic organizer para sa pagsasagawa nito.

Halimbawa, maaaring gumamit ng bubble map o fact storming web ng mga rehiyon sa Asya at palagyan ng mga salita ang mga guhit o bilog na nakapalibot sa bawat rehiyon na maglalarawan sa mga katangiang pisikal ng bawat rehiyon sa Asya.

2. Paglalapat/PagpapahalagaIpasagot ang sumusunod na mga tanong:a. Paano makatutulong ang paghahating heograpiko

ng Asya sa pagkakaisa at pag-unlad ng rehiyon?b. Paano iuugnay ang sumusunod na sipi sa Asya?

“Pagkakaisa sa gitna ng Pagkakaiba”.3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan

Magpaguhit sa bawat anim na pangkat ng mapa ng rehiyong tinalakay. Pakulayan ang bawat bansa sa rehiyon.

4. Pagpapayaman ng AralinMagpasaliksik tungkol sa pag-aangkop ng ilang bansang

Asyano sa naiiba nilang uri ng klima.5. Gawaing Remedyal

Gumawa ang guro ng balangkas ng paksang tinalakay ng bawat pangkat. Ipabuo ang detalye ng balangkas sa mga pangkat.

6. EbalwasyonPunan ang patlang upang mabuo ang pangu ngusap.1. Ang Asya ay binubuo ng ______ rehiyon. (limang)2. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyon ng ______

Asya. (Timog-Silangan)3. Ang bansa na itinuturing na pinakamalaking

arkipelago sa mundo ay ang ______ . (Indonesia)4. Ang uri ng klima ng Pilipinas ay ____________.

(equatorial/tropical)5. Ang Saudi Arabia, Iraq, at Iran ay nabibilang sa

rehiyon ng ______ Asya. (Timog-Kanluran)

IV. TAKDANG-ARALINIpasagot ang sumusunod na mga tanong bilang paghahanda

sa susunod na aralin:1. Ano ang mga katangian ng yamang likas ng mga rehiyon

sa Asya?2. Paano naaapektuhan ng mga suliraning pangkapaligiran

tulad ng pagkasira ng lupa, suliranin sa solid waste, pagkawala ng biodiversity, polusyon sa tubig at pagkawasak ng kagubatan ang paghahanapbuhay at uri ng pamumuhay ng mga Asyano?

Aralin 2 Yamang Likas ng mga Rehiyon sa Asya

I. LAYUNING TIYAK • Nasusuri ang mga katangian ng yamang likas ng mga bansang

Asyano• Natataya ang mga yamang likas ng mga rehiyon sa Asya• Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at

yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng agrikultura, ekonomiya, panahanan, at kultura

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 36: AP Strategies I-III

92 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II

• Naipamamalas ang pagpapahalaga sa mga yamang likas ng mga bansang Asyano

• Nakikilahok sa pangangalaga ng mga yamang likas

II. PAKSAYamang likas ng mga rehiyon sa Asya • Mga katangian ng yamang likas ng mga bansa• Implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga

rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano• Mga paraan ng pangangalaga ng yamang likas • Mga suliranin ng mga bansa sa paglinang ng yamang likas

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

1. PagsasanayGawin ang map drill ng mga rehiyon at bansa sa

Asya.2. Balik-Aral

Itanong: Ano ang kaugnayan ng katangiang pisikal sa uri ng pamumuhay ng mga Asyano?

B. Paglinang ng Aralin1. Pag-aalis ng Sagabal

Gamitin ang sumusunod na mga salita sa pangungusap. Pagkatapos ay ipabigay sa mga mag-aaral ang kahulugan nito batay sa konteksto nito sa pangungusap.

a. yamang likas c. industriyab. agrikultura d. produkto

2. Pagganyak

Magpakita ng mga larawan o video ng yamang likas ng Asya tulad ng mga halaman, hayop, at mineral. Magpabigay ng reaksyon sa mga nakita.

3. Mga Mungkahing Estratehiyaa. Ipagawa ang pangkatang pagsusuri ng mga katangian

ng yamang likas ng mga bansa sa mga rehiyon sa Asya. Gumamit ng mga larawan at graphic organizer tulad ng cluster at bubble map. Ipaulat sa buong klase ang ginawang pagsusuri ng bawat pangkat.

b. Batay sa ginawang pagsusuri, talakayin ang mga yamang likas ng mga rehiyon sa Asya.

c. Magtanghal ng dula-dulaan ang apat na pangkat tungkol sa implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng:• agrikultura • panahanan• ekonomiya • kultura

d. Magpagawa sa bawat pangkat ng talahanayan tulad ng nasa ibaba tungkol sa mga bansa sa rehiyong tinalakay. Papunan ang talahanayan at magtalakayan sa sinasaad nito. Magpabuo ng konklusyon batay sa nakalahad sa talahanayan. Iulat sa buong klase ang ginawa ng bawat pangkat. Magpabigay ng reaksyon sa inulat.

BansaUri ng Kapaligirang

Pisikal Yamang Likas Antas ng Kaunlaran

e. Magpadala ng mga news clipping, artikulo, at editorial na may kaugnayan sa paksang aralin. Talakayin ito sa klase.

f. Magtanghal ng debate tungkol sa paksang, “Ang Yamang Likas ang Susi sa Pag-unlad ng Bansa.”

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 37: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan II 93

C. Pangwakas na Gawain1. Pagbubuod

Magpabuo sa bawat pangkat ng isang konklusyon at tatlong katotohonan (facts) na susuporta sa binuong konklusyon.

2. Paglalapat/PagpapahalagaIpakwento sa isa o dalawang mag-aaral ang isang

pangyayari na kinasangkutan nila tungkol sa suliranin sa yamang likas. Ipasadula naman sa ibang mag-aaral ang solusyon sa suliranin. Magpabigay ng reaksyon sa solusyong isinadula.

3. Paglinang ng Natatanging KakayahanMagpagawa ng slogan tungkol sa kahalagahan

ng yamang likas ng mga bansa.4. Pagpapayaman ng Aralin

Magpasaliksik tungkol sa natatanging yamang likas ng ilang mga bansa. Ipabahagi sa klase ang mga nakalap na impormasyon.

5. Gawaing RemedyalIsagawa ang joint storytelling tungkol sa paksang aralin.

6. EbalwasyonTayahin ang ipinakitang gawain ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng rubric. Basahin ang halimbawa na nasa pahina.

IV. TAKDANG-ARALINIpasagot ang sumusunod na mga tanong bilang paghahanda

sa susunod na aralin:1. Bakit nagkakaroon ng suliraning pangkapaligiran ang mga

Asyano?2. Paano nakaaapekto ang mga suliraning pangkapaligiran

sa pamumuhay ng mga Asyano?3. Paano nilulutas ng mga Asyano ang mga suliraning

pangkapaligiran?

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 38: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan III 163

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III

(KASAYSAYAN NG DAIGDIG)

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 39: AP Strategies I-III

164 Banghay-aralin sa Araling Panlipunan III

YUNIT I Ang Simula ng Kabihasnan

LAYUNING PANLAHATNaipamamalas ang pag-unawa sa kinalaman ng heograpiya

sa pamumuhay ng sinaunang tao sa daigdig

Aralin 1 Mga Teorya sa Pinagmulan ng Daigdig

I. LAYUNING TIYAK• Nasusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag mula

sa Bibliya tungkol sa pinagmulan ng daigdig• Nabibigyang-puna ang mga teorya tungkol sa pinagmulan

ng daigdig• Naipahahayag ang sariling paniniwala tungkol sa pinagmulan

ng daigdig• Naipamamalas ang paggalang sa mga paniniwala ng ibang tao

tungkol sa pinagmulan ng daigdig• Nakalilikom ng mga artikulo tungkol sa pinakahuling tuklas sa

pag-aaral at pagsasaliksik tungkol sa pinagmulan ng daigdig

II. PAKSAMga teorya sa pinagmulan ng daigdig• Teoryang siyentipiko• Teoryang makarelihiyon

III. PAMAMARAANA. Panimulang Gawain

Magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa nilalaman ng Yunit I. Maaaring gumamit ng mga larawan at balangkas ng yunit. Maaari din lumahok ang mga mag-aaral sa pagtalakay tungkol sa kanilang nalalaman sa paksa.

B. Paglinang ng Aralin 1. Pag-aalis ng Sagabal

Ipabigay ang kahulugan ng sumusunod na mga konsepto:

a. teorya

b. Creationist

c. kondensasyon

2. Pagganyak

Magpakita ng larawan ng daigdig. Itanong kung ano ang paniniwala ng mga mag-aaral tungkol sa pinagmulan ng daigdig. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol dito.

3. Mga Mungkahing Estratehiya

a. Ipagawa ang padulang pagbabasa ng Bibliya. Tingnan ang nilalaman nito sa Genesis 1:1-3. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang naramdaman habang ito ay binabasa at ang epekto nito sa kanilang paniniwala sa pinagmulan ng daigdig.

Ipangkat sa dalawahan ang mag-aaral. Ipabahagi sa kapareha ang kanilang naramdaman tungkol sa binasa at gayundin ang epekto nito sa sarili. Pagkatapos ay tumawag ng ilang mag-aaral na makapagbibigay ng ulat sa klase tungkol sa naganap na pagbabahagi.

b. Ipagawa ang kunwaring pagpupulong ng mga siyentista na mag-uulat tungkol sa nabuo nilang teorya sa pagkabuo ng daigdig. Magpalitan ng kuru-kuro ang pangkat tungkol sa kanilang mga teorya.

C. Pangwakas na Gawain1. Pagbubuod

Ipabuod ang paksang tinalakay sa pamamagitan ng pagpapagawa ng rebus. Mga larawan at simbolo ang ipagamit sa paggawa nito sa halip na mga salita.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Kasaysayan ng Daigdig

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.

Page 40: AP Strategies I-III

Banghay-aralin sa Araling Panlipunan III 165

2. Paglalapat/Pagpapahalaga

Itanong: Naniniwala ba kayo sa teoryang makarelihiyon tungkol sa pinagmulan ng daigdig? Kung gayon, dapat pa bang gumawa ng pananaliksik ang mga siyentista tungkol sa pinagmulan ng daigdig?

3. Paglinang ng Natatanging Kakayahan

Magpaguhit ng mga larawan tungkol sa mga teorya na pinagmulan ng daigdig.

4. Pagpapayaman ng Aralin

Magpasaliksik ng mga artikulo tungkol sa pinakahuling tuklas ng mga siyentista sa pinagmulan ng daigdig.

5. Gawaing Remedyal

Maghanda ng question web at ipasagot ito sa mga mag-aaral.

6. Ebalwasyon

Sa isang sagutang papel, ipaliwanag ang mga teoryang makarelihiyon at makaagham tungkol sa pinagmulan ng daigdig.

IV. TAKDANG-ARALIN

Ipasagot ang sumusunod na mga tanong bilang paghahanda sa susunod na aralin:

1. Ano ang mga katangiang pisikal ng daigdig na angkop bilang tirahan ng tao?

2. Ano ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga kontinente?

3. Paano mapangangalagaan ang daigdig bilang tirahan ng tao?

4. Bakit mahalaga ang heograpiya sa kasaysayan?

Aralin 2 Katangiang Pisikal ng Daigdig

I. LAYUNING TIYAK

• Nailalarawan ang mga katangiang pisikal ng daigdig

• Nasusur i ang katangiang p is ika l ng da igdig b i lang t i rahan

ng tao

• Naipaliliwanag ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng mga

kontinente

• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan

• Naimumungkahi ang mga paraan ng pangangalaga sa daigdig

bilang tirahan ng tao

• Nakalilikom ng mga larawan ng katangiang pisikal ng daigdig

na angkop na tirahan ng tao

• Nakaguguhit ng larawan tungkol sa daigdig

II. PAKSA

Katangiang pisikal ng daigdig

• Mga teorya ng pinagmulan ng mga kontinente

• Kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan

• Mga paraan ng pangangalaga sa daigdig

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay

Picture Drill. Magpabigay sa mga mag-aaral ng isang

maikling pangungusap sa bawat larawang ipakikita.

2. Balik-aral

Itanong: Alin sa mga teorya tungkol sa pinagmulan

ng daigdig ang dapat paniwalaan? Bakit?

This sample teaching strategy and lesson plan is only intended for evaluation purposes.