AP III - Ang Imperyong Byzantine
-
Upload
danz-magdaraog -
Category
Education
-
view
30.882 -
download
12
description
Transcript of AP III - Ang Imperyong Byzantine
Imperyong Byzantine
Si Justinian at ang Silangang Imperyong RomanMula 527-565 C. E., si
Justinian ang namuno bilang emperador ng Silangang Imperyong Roman. Layunin niya na maging makapangyarihang muli ang Imperyong Roman sa buong Mediterranean.
Ang Corpus Juris CivilisCorpus Juris Civilis (Lupon ng Batas Sibil) – Ito
ay katipunan ng lahat ng batas ng Rome sa loob ng isang milenyo. Ang Corpus ay nahahati sa tatlong bahagi.Codex – buod ng lahat ng batas mula sa unang
panahon at nakaayon sa paksa.Digest – buod ng mga opinyon ng mga hukom at
abogado tungkol sa batas.Institutes – nilalaman nito ang prinsipyo kung saan
nakabatay ang mga opinyon.
Si TheodoraAsawa at nagsilbing
taga-payo ni Justinian. Naging patunay siya na may mga kababaihang naghing tanyag makapangyarihan sa panahong ito.
Ang Hagia SophiaIpinatayo ni Justinian ang
simbahan ng Hagia Sophia na ang ibig sabihin ay Church of Holy wisdom o Banal na Karunungan,
Ang Pagkakaiba ng Simbahang Roman at Simbahang ByzantineAng wikang ginagamit ng Rome sa mga
pagdiriwang sa simbahan tulad ng misa, mga sakramento at iba pa ay Latin samantalang Greek naman ang sa Imperyong Byzantine.
Anmg mga pari ng Rome ay walang balbas at di maaaring mag-asawa, kabaliktaran naman ito sa Imperyong Byzantine.
Ang Papa sa Rome ay hindi sakop ng kapangyarihang pulitikal ng estado samantalang ang Patriarch ng Constantinople ay hinihirang ng emperador at ititnuturing na opisyales ng pamahalaan.
Ang Iconoclastic ControversyEmperador Leo III –
Noong 726, iniutos ni Emperador Leo III ang pagsira ng lahat ng mga icon sa mga simbahan at monesteryo.
Iconoclastic Controversy - isang mainit na sigalot sa pagitan ng Simbahan at ng estado.
Ang Paghihiwalay ng Simbahang Roman at Simbahang ByzantineNaganap ang paghihiwalay ng Simbahang
Byzantine at Simbahang Roman noong 1054.
Ang Pamahalaang ByzantineSa pamahalaang Byzantine, ang emperador
ang lubos na pinuno ng pamahalaan.Noong una, siya ay hinahalal ng Senado, ng
mga tao ng hukbo o lahat silang tatlo.Nang lumaon, naging kaugalian na payagan
ang anak ng emperador na humalili at pagkatapos ay alisin siya kung mahina o wlang kakayahan.
Mga Kontribusyon ng Byzantium sa KabihasnanMahalaga ang kontribusyon ng Imperyong
Byzantine sa daigdig. Samantalang nababalot sa kaguluhan ang Europa at bumababa ang interes sa pag-aaral, namayagpag ang mga iskolar sa Byzantine.
Pagpapanatili ng KaalamanPinag-aralan ng Byzantine ang panitikan,
pilosopiya, agham, matematika, batas at sining ng Greece at Rome. Pinanatili nila ang mga kaalamang ito. Nang lumaon, tumulong sila upang magbalik-sigla ang pag-aaral sa Kanlurang Europa.
Ang akda ng mga iskolar ng Byzantine ay nakatulong na mag-bigay ng inspirasyon sa mga iskolar na Muslim.
Kung susuriin, kakaunti ang orihinal na kaalamang Byzantine na kanilang iniambag sa daigdig. Makikita ito sa larangan ng sining.
ArkitekturaNatatangi ang istilo ng arkitekturang
Byzantine. Makikita ito sa Hagia Sophia. Parihaba ang istruktura ng simbahang ito subalit may bilog na dome ang loob. Maganda ang pillar at pader nito na gawa sa marmol. Marangya rin ang ginintuang mosaic at ang iba pang dekorasyon sa loob ng simbahan.
SiningPagkatapos ng Iconoclastic Controversy, itinatag
ang isang paaralan sa sining kung saan binigyang-diin ang paglalarawan kay Kristo at mga santo gamit ang matingkad na kulay at magarbong pamamaraan.
Mosaic – pagdidikit-dikit ng maliliit na pira-pirasong bato o bubog upang bumuo ng disenyo.
Enameling – paglalagay ng isang glass-like substance sa ibabaw o labas ng metal o luwad.
Ang mga kurbada ng mga arch at dome ng mga gusaling Byzantine ang lalo pang nagpatingkad sa rangya at ganda ng mga mosaic.