Antas ng Wika
Transcript of Antas ng Wika
Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang.
Pormal Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
Pampanitikan Ito naman ang mga salitang
gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga
akdang pampanitikan.
Impormal Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at
pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.
Lalawiganin Gamitin ang mga ito sa mga
partikular na pook o lalawigan lamang, maliban
kung ang mga taal na gumagamit nito ay
magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong
naibubulalas.
Lalawiganin
Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng
kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
Kolokyal Ito’y mga pang-araw-araw na mga salita ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagamat
may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasalita.
Balbal Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na
slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga
magulang at may pinag-aralan dahil masagwa raw
pakinggan.
Sa mga grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang umimbento,
sa gayon, para nga namang code, hindi
maiintindihan ng iba ang kanilang pinag-uusapan. Pabagu-bago ang mga
salitang balbal.
Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi
tumatagal, agad nawawala. Ito ay tinatawag ding
salitang kanto, salitang lansangan, salita ng mga
estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga bakla ay
swardspeak.