Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa...

57
Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!) Ang dahilan kung bakit ako sumulat ng artikulo patungkol sa ganitong tanung ay upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Dahil naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating economiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso. Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag- sisisi pagdating ng panahon. Ang mga nakasulat sa artikulo kung ito ay base sa aking pan-sariling karanasan at obserbasyon sa mga taong aking kakilala at malapit sa aking puso. Maaring ang mga ito ay taliwas sa karanasan na inyong narinig mula sa inyong mga kakilala at ito naman ay aking inaasahang mangyari dahil naniniwala ako sa kasabihang Everybody is unique Bukas ang aking pandinig upang pakingan o basahin ang inyong mga karanasan at maari ninyo itong ipadala sa akin, sino ang nakakaalam baka may mapulot akong bagong kaalaman mula sa inyong karanasan at maging kapaki-pakinabang ito para sa aking anak at mga magiging apo. Ngayon dumako na tayo sa tanung na “Paano ba pumili ng Kurso sa Kolehiyo na hindi ko pagsisisihan?” 18

Transcript of Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa...

Page 1: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!)

Ang dahilan kung bakit ako sumulat ng artikulo patungkol sa ganitong tanung ay upang

makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking

kurso sa kolehiyo. Dahil naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon

ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable

ang sistema ng ating economiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon ng

pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad

sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo

nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di

kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam

naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala

ito ang nais mong kurso.

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan

din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng

isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil

lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-

sisisi pagdating ng panahon. Ang mga nakasulat sa artikulo kung ito ay base sa aking pan-sariling

karanasan at obserbasyon sa mga taong aking kakilala at malapit sa aking puso. Maaring ang mga

ito ay taliwas sa karanasan na inyong narinig mula sa inyong mga kakilala at ito naman ay aking

inaasahang mangyari dahil naniniwala ako sa kasabihang

Everybody is unique

Bukas ang aking pandinig upang pakingan o basahin ang inyong mga karanasan at maari ninyo

itong ipadala sa akin, sino ang nakakaalam baka may mapulot akong bagong kaalaman mula sa

inyong karanasan at maging kapaki-pakinabang ito para sa aking anak at mga magiging apo.

Ngayon dumako na tayo sa tanung na “Paano ba pumili ng Kurso sa Kolehiyo na hindi ko

pagsisisihan?”

18

Page 2: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Una sa lahat mayroon akong gustong linawin tungkol sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo, mayroon

akong natuklasan na sa palagay ko ay mahalagang malaman ng mga estudyanteng nasa ilalim ng

pagdedesisyon. Madalas na nasa isipan ng isang tao o estudyante na ang…

“Pagtatapos ng kolehiyo ay Pagkakaroon ng pera”

Totoo na pwede kang magkapera pagka nakatapos ka ng pagaaral dahil may kapasidad kang

magkaroon ng trabahong pang “white collar job” ito ang minimithi ng karamihang kabataang

pilipino kapag nakatapos sila ng pag-aaral, ang magkaroon ng magandang hanap buhay. Kapag

sinabi nating “magandang hanap buhay” ibig sabihin malaking sweldo at magagandang benipisyo

at kung pupwede rin ay madaling trabaho, lumalabas kaya tayo nag-aaral ay para magkaroon ng

“pera!” na sa ibang aspeto ay tama naman pero dapat natin itanung na, ito ba ang totoong layunin

ng pagtatapos sa kolehiyo, ang magka-pera?

Mayroon akong duda sa ganitong paniniwala, dahil parang hindi magandang pakingan na

nagiging Negosyo ang Edukasyon. Kung pera lang din ang layunin natin sa pag-aaral mas

mainam siguro na mag-aral muna tayo kung papaano humawak ng salapi at magpatakbo ng isang

maliit na negsosyo tulad ng pagtitinda ng inihaw na bituka ng manok o di kaya eh pork-chop,

pwede rin ang pagpapatakbo ng isang computer rental at matapos nito ay pumasok tayo sa mga

seminar ni ginoong Colayco na magtuturo kung papaano pangalagaan ang financial income, dito

malinaw na magkakapera tayo at lalawak ang ating kaalaman sa negosyo at paghawak ng salapi,

hindi tayo basta-basta maloloko ng kapwa natin pagdating sa mga tubo o suklian at diskarte ng

paninda.

Pumapasok ang mga tao sa kolehiyo para mapadami ang kaalaman patungkol sa kanilang interes.

Hindi interes sa bangko kundi personal na hilig, nais gawin sa buhay, maaring sa dako ng

medisina, enhinyero o kompyuter, ang kanilang pangunahing layunin sa pagaaral ay upang

makakuha ng maraming kaalaman at susunod nalang siguro dito ang magkapera, kung titignan

mo sa panahon ngayon ay naging baligtad na, gusto mag-aral ng mga tao dahil intensyong

magkapera agad, iniisip kung saan pwedeng magpuntang bansa o kung anung malalaking

kumpanya ang pwedeng pasukan, magkano ang sweldo?

Na kung saan kung titignan mo noon parang hindi naman ganito ang isipan ng mga estudyante,

ang layunin nila sa pagpasok ng kolehiyo ay para maabot nila ang kanilang pangarap. Kung

nakapanood ka nga ng mga Little Miss Philippines sa Eat Bulaga noon ang lagging tanung sa

mga bata ay

“Ano ang gusto mong maging?”

19

Page 3: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Ang sagot nila

“Gusto ko pong maging Doctor”

Bakit? (Follow-up question)

“Gusto ko po kasi maging katulad ng Tatay ko na gumagamot sa mga taong may sakit at

tumulong sa mga taong mahihirap.”

Kung mapapansin ninyo ang mga kaisipan noon ay naka-sentro sa “Life Purpose” para

magkaroon ng sense of certainty ang buhay o para mabuhay ng makabuluhan sa mundo. Pero

ngayon parang iba na yata, tanungin mo ang mga estudyanteng mag-eenrol ng ganito…

Ano course na kukunin mo? (tanung)

Nurse!(sagot)

Bakit?(Follow-up question)

Kasi po gusto ko pumunta ng Amerika!

Bakit gusto mo pumunta ng Amerika?

Para kumita ng Dolyar! Dahil kapag Dolyar kumpara sa Peso ay mas-malaki

Sa makatuwid kaya gusto mag-nurse ay hindi dahil sa gustong gampanan ang gawaing Nurse

kundi nais lang talagang kumita ng malaking salapi.

Gusto kung liwanagin muna na walang masama sa mag-ambisyon o sa pagkita ng malaking pera

lalung-lalo na sa pagiging Nurse pero kung ang gagawin mong batayan sa pagkuha ng kurso ay

kung alin ang mas malaki magpasweldo ngayon ay hindi matibay na batayan o paraan para pumili

ng kurso.

So balik tayo sa naudlot na tanung…

20

Page 4: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Paano nga ba pumili ng kurso sa kolehiyo o ano ang matibay na basehan sa pagpili ng kurso?

Ito ngayon ang sagot…

Piliin mo ang kursong kunektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig. Maaring narinig

nyo na ang payong ito pero sa totoo lang ito ang matibay na basehan at tamang paraan sa pagpili

ng kurso at upang maiwasan mong magsisi sa huli ayon sa aking karanasan at obserbasyon.

Matanung ninyo kung bakit?

Dahil kapag sinabing Course tinutukoy dito ang direksyon sa buhay, kapag tinanung na ano ba

gusto mong direksyon o kung saan mo gustong mapapunta dapat mo itong sagutin ayon sa gusto

mo…

Hindi dahil gusto ng magulang mo

Hindi dahil gusto ng kaibigan mo

At higit sa lahat hindi dahil libo-libong tao ang kumukuha ng kursong ito.

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay pwede itong

ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung ang mapapangasawa mo eh pinakasalan

mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan mo pero ang

buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay ko alin

lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay.

Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang

sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kung

dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng

nagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang

maliligayang araw mo?

Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na

“Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot”

Kaya sana ang artikulo kung ito ay makatulong sa inyo.

21

Page 5: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ng mapapangasawa

tulad ng nasabi ko nung una, sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang

sekswal na interaksyon ay hihina na, ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit

sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay

ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa

kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal.

Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para

magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay

kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na

hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.

PS

Iminumungkahi kung iyong panoorin ang pelikulang banyaga na may

pinamagatangACCEPTED, na pinagbibidahan nila Justin Long, Blake Lively, Mark

Derwin,Columbus Short at sa direksyon ni Steve Pink.

Maari mo ring basahin ang iba pang mga artikulong akin ring isinulat na pinamagatang

BABALA SA MGA GRA-GRADUATE NG KOLEHIYO

HINDI SAPAT ANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO PARA MAGTAGUMPAY SA TRABAHO

Paano mo masasasbing PANALO ka sa Kurso mong kinuha sa Kolehiyo?

KARANASAN O PINAG-ARALAN?

ANO ANG MATIBAY NA BASEHAN SA PAGPILI NG ESKELAHAN?

February 22, 2010 (Averaging 90-100 viewers per day)

MARAMING-MARAMING SALAMAT! Sa lahat ng mga bumabasa o bumibisita sa artikulong

ito. Nawa sana ay makatulong ako sa pagdedesisyon ninyo sa pagpasok sa kolehiyo.

Hinihiling ko na sanay maging matagumpay kayo at maligaya sa landas na inyong napiling

tahakin.

22

Page 6: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

My March 2004 Graduation Pix

Ang aking maipapayo sa mga Freshmen ay enjoyin ninyo ang buhay kolehiyo

ano man ang estado ninyo sa buhay.

Para naman sa mga Seniours Kaunti nalang at magtatapos na ang pagtitiis,

HUWAG SUSUKO!

At para naman sa mga kaka-graduate lang ay magsikap tayo na may halong

pananampalataya sa itaas, dahil mayroon siyang inilaan para sa atin na

magandang kapalaran…

At ang magandang kapalaran na ito ay makakamit natin kung tayo’y

tumitiwala…

Tandaan lang yung sinabi ni Cristo kay Tomas

”Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakikita”

Juan 20:29

23

Page 7: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Bless you all

Rocky Rivera

LikeBe the first to like this post.

Ipinaskil ang lahok na ito noong Miyerkules, Nobyembre 26th, 2008,

bandang 10:59 umaga, at nakasalansan sa ilalim ngKATANUNGAN NG

KABATAAN. Masusundan mo ang anumang tugon sa lahok na ito sa

pamamagitan ng RSS 2.0 ulat. Makapag-iiwan ka ng tugon, o bakas-

pabalik mula sa iyong pook.

Post navigation

« Previous Post Next Post »

10 Responses to Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!)

1. aLps ay nagsabing:

Disyembre 7, 2008 bandang 5:32 hapon

Choose what you really want to study about and you really want to do

after graduation. The perceived income would just be a bonus.

2. BABALA SA MGA GRA-GRADUATE NG KOLEHIYO « RockyRivera ay nagsabing:

Disyembre 2, 2009 bandang 11:08 umaga

[...] Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa

Kolehiyo?(MUST READ!) [...]

3. neil dalanon ay nagsabing:

Disyembre 7, 2009 bandang 2:31 umaga

24

Page 8: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

nice post. naka-relate ako.

4. rockwitralph ay nagsabing:

Disyembre 7, 2009 bandang 1:23 hapon

Thanks Neil for reading my article, Yap! I was motivated na isulat ang

artikulong ito dahil nararamdaman ko kadalasang isyu ito ng mga

kabataan.

5. HINDI SAPAT ANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO PARAMAGTAGUMPAY SA TRABAHO « Rocky Rivera ay nagsabing:

Enero 7, 2010 bandang 1:02 hapon

[...] Ano ang Matibay na Basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo [...]

6. lhayne ay nagsabing:

Enero 12, 2010 bandang 12:11 hapon

tnx po sa pag-popost pwede po bang magamit yong ilan sa mga idea

nyo na nakalagay dito? kelangan po kc nmn pra sa research namn.

salamat po^^

7. rockwitralph ay nagsabing:

Enero 12, 2010 bandang 12:49 hapon

@Ihayne,

Walang problema, pwede ninyong gamitin ang lahat ng nasa blogsite

na ito at ang lahat ng ito ay libre.

Salamat sa inyong pagdalaw at pagbabasa

Rocky Rivera

8. Paano mo masasabing Panalo ka sa kursong kinuha mo saKolehiyo? « Rocky Rivera ay nagsabing:

25

Page 9: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Pebrero 2, 2010 bandang 6:50 umaga

[...] lahat ay nagpapasalamat ako ng marami sa mga patuloy na

bumabasa ng aking artikulo na pinamagatang “Ano ang Matibay na

gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo” na totoo namang

patok na patok sa araw-araw na ginawa ng [...]

9. KARANASAN O PINAG-ARALAN? « Rocky Rivera aynagsabing:

Pebrero 10, 2010 bandang 8:08 umaga

[...] Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa

Kolehiyo?(MUST READ!) [...]

10. ANO ANG MATIBAY NA BASEHAN SA PAG-PILI NGESKWELAHAN SA PAGKOKOLEHIYO? « Rocky Rivera aynagsabing:

Abril 24, 2011 bandang 6:24 umaga

[...] na Artikulo Ngayon (Most Popular Article today) ANO ANG

PROBLEMA NG TAONG PAPANSIN?Ano ang matibay na gawing

basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!)Tamang

Solusyon sa Hindi inaasahang Pagbubuntis (MUST READ!)NIKON OR

CANONPaano mo masasabing [...]

http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawing-basehan-sa-pagpili-ng-

kurso-sa-kolehiyo/

PAGPILI NG KURSO SA KOLEHIYO?March 29, 2009

script na sinulat ni Alih Anso para sa program na “Udto na Adi” Lunes-Biyernes - 11:00-`12:00 tanghali)Ang dahilan kung bakit natin pag-uusapan ang ganitong tanong ay upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo, lalong-lalo na yaong kagraduate lamang.

Dahil naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng

26

Page 10: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging pagbagsak ng ating economiya para sa ating mga mamamayan sa Pilipinas.

Kayat ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay maibabalik pa. Papaanokong sa kalagitnaan ng semestre ay saka nalaman na hindi pala angkop sa iyo ang kursong kinukuha? Hiondi mo na pwedeng bawwin ang nainrol mo, ang oras mo di na rin maibabaliok…

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayatkung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaringsagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.

Magbibigay tayo ng ilang kuro-kuro base sa atibng pan-sariling karanasan at obserbasyon sa mga taong ating nakilala at malapit sa ating puso. Maaring ang mga ito ay taliwas sa karanasan na inyong narinig mula sa inyong mga kakilala at ito namanay aking inaasahang mangyari dahil naniniwala ako sa kasabihang….”Everybody is unique”

Bukas ang ating mobile phone at key word natin ay Adi at mobiel phone # natin ay 09061945616 at 09185476707, upang pakingan o basahin ang inyong mga tanong o mungkahi at anong malay ninyo baka may mapulot tayong bagong kaalaman mula sa inyong karanasan at maging kapaki-pakinabang ito para sa ating mga tagapakinig at pwedeng pakinabangan ng ating mga anak at mga magiging apo.

Ngayon dumako na tayo sa tanung na “Paano ba pumili ng Kurso sa Kolehiyo na hindi mo pagsisisihan?”

Una sa lahat mayroon tayong gustong linawin tungkol sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo, mayroon tayong natuklasan na sa palagay ko ay mahalagang malaman ng mga estudyanteng nasa ilalim ng pagdedesisyon. Madalas na nasa isipan ng isang tao oestudyante na ang…

“Pagtatapos ng kolehiyo ay Pagkakaroon ng pera” tama po ba?

Yes… Totoo na pwede kang magkapera pagka nakatapos ka ng pagaaral dahil may kapasidad kang magkaroon ng trabahong pang “white collar job” ito ang minimithi ng

27

Page 11: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

karamihang kabataang Pilipino kapag nakatapos sila ng pag-aaral: ang magkaroon ng magandang hanap buhay.

Kapag sinabi nating “magandang hanap buhay” ibig sabihin malaking sweldo at magagandang benipisyo at kung pupwede rin ay madaling trabaho, lumalabas kaya tayo nag-aaral ay para magkaroon ng “pera!” na sa ibang aspeto ay tama naman pero dapat natin itanung na, ito ba ang totoong layunin ng pagtatapos sa kolehiyo, ang magka-pera? Kayo ano ang sagot mo?

Mayroon akong duda sa ganitong paniniwala, dahil parang hindi magandang pakingan na nagiging Negosyo ang Edukasyon. Kung pera lang din ang layunin natin sa pag-aaral mas mainam siguro na mag-aral muna tayo kung papaano humawak ng salapi at magpatakbo ng isang maliit na negsosyo tulad ng pagtitinda ng banana cueng saging odi kaya pagpapabili ng balut,

Dapat sigoro mag-aral tayo papaano pangalagaan ang financial income, dito malinaw na magkakapera tayo at lalawak ang ating kaalaman sa negosyo at paghawak ng salapi,hindi tayo basta-basta maloloko ng kapwa natin pagdating sa mga tubo o suklian at diskarte ng paninda. Ayos ba ang ganoon?

Pumapasok ang mga tao sa kolehiyo para mapadami ang kaalaman patungkol sa kanilang interes. Hindi interes sa bangko kundi personal na hilig, nais gawin sa buhay,maaring sa dako ng medisina, enhinyero o kompyuter, ang kanilang pangunahing layunin sa pagaaral ay upang makakuha ng maraming kaalaman at susunod nalang siguro dito ang magkapera, kung titignan mo sa panahon ngayon ay naging baligtad na,gusto mag-aral ng mga tao dahil intensyong magkapera agad, iniisip kung saan pwedeng magpuntang bansa o kung anung malalaking kumpanya ang pwedeng pasukan, magkano ang sweldo?

Na kung saan kung titignan mo noon parang hindi naman ganito ang isipan ng mga estudyante, ang layunin nila sa pagpasok ng kolehiyo ay para maabot nila ang kanilangpangarap. Kung nakapanood ka nga ng mga Little Miss Philippines sa Eat Bulaga noon ang laging tanung sa mga bata ay……“Ano ang gusto mong maging?”

Ang sagot nila …….“Gusto ko pong maging Doctor”…………….Bakit? Ang tanong uit sa kanila. Agad namang sasagot ng: “Gusto ko po kasi maging katulad ng Tatay ko na gumagamot sa mga taong may sakit at tumulong sa mga taong mahihirap.”

Kung mapapansin ninyo ang mga kaisipan noon ay naka-sentro sa “Life Purpose” para magkaroon ng sense of certainty ang buhay o para mabuhay ng makabuluhan sa mundo. Pero ngayon parang iba na yata, tanungin mo ang mga estudyanteng mag-eenrol ng ganito…”Ano course na kukunin mo?” agad kang sasagutin…”Nurse!”.. Bakit?

28

Page 12: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

“Kasi po gusto ko pumunta ng Amerika!”

Follow-up na tanong:… “Bakit gusto mo pumunta ng Amerika?”……….”Para kumita ng Dolyar!” pera tama Dahil kapag Dolyar kumpara sa Peso malaking halga ang dolyar.. pero tama ba siya sa kanyang rason?

Sa makatuwid kaya gusto mag-nurse ay hindi dahil sa gustong gampanan ang gawaing Nurse kundi nais lang talagang kumita ng malaking salapi. Hindi Ba?

Ok mga kapatid na nakikinig…gusto kong liwanagin na walang masama sa mag-ambisyon o sa pagkita ng malaking pera lalung-lalo na sa pagiging Nurse pero kung ang gagawin mong batayan sa pagkuha ng kurso ay kung alin ang mas malaki magpasweldo ngayon ay hindi matibay na batayan o paraan para pumili ng kurso.

Balikan natin ang tanong: “Paano ba pumili ng Kurso sa Kolehiyo na hindi mo pagsisisihan?”

Paano nga ba pumili ng kurso sa kolehiyo o ano ang matibay na basehan sa pagpili ng kurso?……………Ito ngayon ang sagot…

1. Piliin mo ang kursong kunektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig. Maaring narinig nyo na ang payong ito pero sa totoo lang ito ang matibay na basehan at tamang paraan sa pagpili ng kurso at upang maiwasan mong magsisi sa huli ayon sa aking karanasan at obserbasyon.

Gusto mong itanong kung bakit?

Dahil kapag sinabing Course tinutukoy dito ang direksyon sa buhay, kapag tinanung na ano ba gusto mong direksyon o kung saan mo gustong mapapunta dapat mo itong sagutin ayon sa gusto mo…

Hindi dahil gusto ng magulang mo…………………Hindi dahil gusto ng kaibigan mo

At higit sa lahat hindi dahil libo-libong tao ang kumukuha ng kursong ito.

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay pwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung ang mapapangasawa mo eh pinakasalan mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan mo pero ang buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay ko alin lang sa dalawa ang gagawin mo,

29

Page 13: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay.

Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibigba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo?

Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na………………“Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot”……………Kaya sana ang artikulo kung ito ay makatulong sa inyo………..Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ngmapapangasawa tulad ng nasabi ko nung una, sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang sekswal na interaksyon ay hihina na, ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal.

Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.Tags: Islam religion scriptPosted by dxupfm at 12:10 am | permalinkPrevious Commentsyeahh nice article..Posted by jean at December 20, 2009, 8:05 pmask ako… pano kung binigyan ka ng isang sign lamang pero hiningi mo ito ky god ang kurso.. ano po ba ang dapat gawin?Posted by jean at December 20, 2009, 8:07 pmbakit lahat ba nang nakakatapos ay nakakahanap kagad ng trabaho?Posted by dhona at March 8, 2010, 8:38 pmang pangit naman yan…….KAWET!!!!!!!Posted by monica at September 19, 2010, 11:02 amhelp aman po nhi2rpan kc aq pmili ng kurso qng qqnindti gux2 q kcng mg flight attendant ngayon prang auq n kc mdio hndi aq qualified,,,Posted by mahalq at December 19, 2010, 1:19 pmSir, i’ll use your article in my research paper, don’t worry i’ll cite your blog. Thanks! You saved my life Posted by Cyril at January 3, 2011, 9:13 pmNice blog!!.. sana mgingAral ito s mga masusuwerteng kabataan n nkakapag”ARAL” ng kolehiyo…Posted by ghell at February 15, 2011, 5:27 pm

30

Page 14: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Thank you very much for the information I really appreciate it!!Posted by coach outlet store at February 21, 2011, 10:25 amnaiintindihan ko na!!!Posted by eya at June 25, 2011, 7:06 amsir malaking tulong po itong article na ginawa mo .. lalo po sakin na graduating na, nalilito po ako kung ano ang gusto kong kuning kurso.. Posted by richelle nebril at September 7, 2011, 10:42 amnice .. pero ano kayang coursr ko 4th year hs palang ako ???Posted by jel at September 8, 2011, 6:57 pmelow po……ahmm… na intindihan ko na po ngayon kc nalili2 talaga ako kong anong course ang kukunin ko pag kagraduate ko ahmm…..mahilig po ako sa computer ..ano kaya ang bagay sa akin?Posted by jillyjean at September 14, 2011, 8:20 amano po kyang ku2nin kong kurso??4th year n poe ako peo d pa ako sure kung ano ang kursong bagay pra skin…Posted by justingalvez at October 8, 2011, 7:10 pmmhilig po pla akong magkalikot ng mga bagay at madiskarte p favorite subject ko nga pla ay MATH..Posted by justingalvez at October 8, 2011, 7:12 pmvery detailed.. thanks.Posted by dhotelier at October 13, 2011, 1:25 pmHigh quality and inexpensive you deservePosted by Coach Outlet Online at November 3, 2011, 9:19 amA value of good quality good choicePosted by Discount North Face at November 10, 2011, 1:40 pmnow i know how to choose a rigth coures for me…..thanks for info. i make this article for my guide…i learn a lot of things..Posted by rusendo at November 11, 2011, 1:50 pmThank you for your comment. Our affiliate site link is site-development.com we are very happy with themPosted by Burberry Sale at December 9, 2011, 3:38 pm

http://dxupfm.i.ph/blogs/dxupfm/2009/03/29/pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/

(September 2, 2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhaysa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio) Host: “Sigorado ka na ba sa kursong kukunin mo pagkagraduate mo? , ikaw na Pare/Marenakapili nab a si Adi o si Awi ng Kurso pagka-college?” (PLAY INTRO) Kaka Alih: “Makinig my friend, pare at mare, alam mo ba na ang pagkakataong makapag-aral sakolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit nasusuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit nanabili ay puwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na maibabalik pa.

31

Page 15: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Papaano kong sa kalagitnaan ng semestre ay saka nalaman na hindi pala angkop sa iyo angkursong kinukuha? Hindi mo na pwedeng bawiin ang naenrol mo, marefund mo man dahilmalakas ka sa administration, dahil lahi kayo ng mga VIP, papaano ang oras mo na naguguolmo di na maibabalik. Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulandin ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ngisang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahillamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon. Alalahaninm, ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay.Alam mo my Friend, pwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung angmapapangasawa mo eh pinakasalan mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ngmagulang o kaibigan mo pero ang buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangadmong maging asawa, sa palagay ko alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay. Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito angsikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kungdumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ngnagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na angmaliligayang araw mo? Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na… “Ting, Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesasa lungkot”…………… Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ng mapapangasawatulad ng nasabi ko nung una,(pwedeng kumuha ng isa pang kurso pagkagraduate, tulad ng pag-aasawa pwedeng mag-asawa muli, ngunit huwag hiwalayan ang una, ehe ang ibig kong sabihintapusin mo na ang kurso bago kumuha ng iba… ay ano bay an nagkalitolito na tayo.. (PLAY LAUGHING WOMAN) Tandaan sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang sekswal na interaksyonay hihina na,( yes ganoon hihiona si manoy.. ehe.. heindi si Tatang) (PLAY LAUGHINGWOMAN)… ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at angpinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay ang mabuting relasyon atpagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating angpanahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal. Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo paramagtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin aykumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas nahindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi. Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, InshaAllah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas…sama-sama tayo sa segment na nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito anginyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

32

Page 16: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

http://dxupfm.i.ph/blogs/dxupfm/?p=360

T H U R S D A Y, O C T O B E R 2 , 2 0 0 8Mga Gabay sa Pagpili ng Kurso

Marami sa atin ang nahihirapan sa pipiliin nating kurso sa kolehiyo. Maraming bagay ang ating isinasaalang-alang o binibigyang katuturan at kahulugan kaya tayo hindi makapamili nang maayos. Mayroon din namang ilang mga gabay na lubusang makakatulong sa atin sa pagpili ng kurso.

Una na sa mga dahilan ang pera. Ang pera kadalasan ang pinakaimportanteng bagay naating isinasaalang-alang sa pagpili ng kurso. Hindi natin makuha ang ating gustong kurso dahil hindi ito kayang bayaran ng ating mga magulang dahil na rin sa kagipitan ngbuhay ngayon. Mas uunahin na muna ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, bayad sa bahay at kuryente bago ang pag-aaral. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit maraming kabataan ngayon ang hindi nakakapag-aral.

Pangalawang dahilan ay ang ating mga magulang. Hindi nagkakapareho ang ating gustong kurso sa gusto ng ating mga magulang. Nalilito tuloy tayo kung susundin ba natin ang ating gusto o susundin natin ang ating mga magulang.

Hindi pa naman huli ang lahat. Mayroon pa namang mga paraan upang makapamili tayonang maayos. Heto ang ilang mga gabay sa pagpili ng kurso. Una, kung di natin talaga kaya ang mahal na kurso, meron pa namang magagandang kurso na mura lang ang kailangang bayaran tulad ng Information Technology. Mura na, in-demand pa. Pangalawa, subukang pumasok sa scholarship na meron ang paaralan. Kung susuwertihin, baka makalibre ka pa kung makapasa ka sa pagsusulit. Pangatlo, mag-usap kayo ng iyong magulang kung ano ba talaga ang makakabuti sa iyong kurso. At huli, pumili ng kursong kaya mong intindihin ng mabuti o hindi ka mahihirapan.

Ilan lang yan sa mga gabay sa pagpili ng mabuting kurso. Ang kolehiyo na ang huling yugto ng ating pag-aaral. Pagkatapos nito ay magtatrabaho na tayo. Lagi lang nating tandaan na kailangan nating mag-aral nang mabuti para sa ating magandang kinabukasan. Sabi nga ni Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng aitng bayan".

http://gabaysapagpilingcourse.blogspot.com/

Panimula A. Panukalang Pahayag

Ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering atInformation Technology ay ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinongestudyanteng nasa ikaapat na baitang sa matataas na paaralan sa Maynila sa panahong ito.

B. Introduksyon o Paglalahad ng mga Suliranin

33

Page 17: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Ang paksang ito ay tumatalakay sa limang pangunahing kursong pinipili ng mgaPilipinong estudyante sa Maynila para sa kolehiyo sa panahong ito. Bakit nga ba ito angkadalasang mga kurso na pinipili ng mga Pilipinong estudyante sa Maynila? Ano ba angmga iniaalok ng mga kursong ito? Paano nga ba pumipili ang mga estudyanteng ito ngkursong kanilang kukunin sa kolehiyo? Ano ang kanilang mga basehan sa pagpili?Maaaring isa sa mga dahilan dito ang malaking sweldong nakukuha sa mga propesiyongito. Ang pagiging “in demand” ng mga ganitong propesiyon ay maaaring isa sa mgabatayan ng mga estudyante sa pagpili ng kurso. Paramasmatukoy ang mga sagot sa mgakatanungang ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng masusing pag-aaral ukol dito.Ang pagdami ng mga estudyante sa kolehiyo sa mga kursong Nursing, Tourism, Hoteland Restaurant Management, Information Technology at Enigneering ang nag-udyok samga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. Nais din nilang madagdagan atma-update ang mga naunang pag-aaral tungkol dito.

C. Rebyu o Pag-aaral Source:

http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawing-basehan-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/

Ayon sa manunulat, hindi matibay na batayan sa pagpili ng kursong kukunin sakolehiyo ang malaking sweldo sa propesyon na tatahakin. Wika niya, “Piliin mo angkursong kunektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig. Maaaring narinig niyona ang payong ito, pero sa totoo lang ay ito ang matibay na basehan at tamang paraan sapagpili ng kurso at upang maiwasan mong magsisi sa huli ayon sa aking karanasan atobserbasyon.”

D. LayuninAng pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga pangunahing kurso sa

panahong ito ang pinipili ng mga estudyante sa Maynila. Ang mga mananaliksik aynagnanais na maging maganda ang pundasyon ng mga susunod na pananaliksik nanaglalayong palawakin ang pag-aaral tungkol sa mga kursong pinipili ng mga estudyantesa Maynila. Layunin din ng pananaliksik na ito na makatulong sa madaling pagpili ngmga susunod pang henerasyon ng mga estudyante ng kursong nararapat para sa kanila.

E. HalagaMaaaring makatulong ang pananaliksik na ito bilang batayan ng mga

unibersidad, eskuwelahan, akademiya sa kursong pwede nilang ialok sa kolehiyo at kungsaan nila dapat ginagawang dekalidad ang kanilang mga programa. Makatutulong ito samga career talks sa paraan ng pagbibigay-impormasyon sa mga estudyante tungkol sakursong malamang ay kukunin ng karamihan at kung maganda nga ba o hindi angkursong ito. Ito ay maaaring maging magandang basehan sa pagpili ng kurso ng mgaestudyante. Makakatulong ito sa ibang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng iskolarshipsa mga estudyante sa paraang malalaman nila kung anong kurso ang magandang ialok samga susustentuhan nilang mga estudyante. Batayan din ito ng mga pangunahing guro atmga guro sa mga matataas na paaralan kung saan nila ipaghahanda, pagsasanayin atpagyayamanin ang mga estudyante. F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas

34

Page 18: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

G. Metodolohiya

Mahirap man makahanap ng iba pang naunang pag-aaral ukol dito, ang mgamananaliksik ay pumunta sa mga matataas na paaralan sa Maynila tulad ng saUnibersidad ng Santo Tomas, St. Jude College, Angelicum, University of the East HighSchool, Immaculate Heart of Mary College, Sta. Isabel College at Ramon MagsaysayHigh School. Isasagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga survey kung saansasagutin ng mga piling sampung estudyante bawat eskuwelahan ang mga tanongsa survey sheet, kasama na rito ang tanong ukol sa kung ano ang kanilang dalawangpangunahing kursong pinili para sa kolehiyo. Base dito, ibibigay ng mga mananaliksikang datos na nakalap na magsasabi ng bilang ng mga estudyante na pumili sa iba’t bangkurso sa isang paaralan at pagkatapos ay gagawa ng isa pang talaan para naman sa kursona may pinakamataas na bilang ng estudyante. Batay din dito, maaaring malaman kungang kursong Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering atInformation Technology ang limang pangunahing kurso na pinipili ng mga Pilipinongestudyante sa mga matataas na paaralan sa Maynila.

H. Saklaw o Delimitasyon Ang pananaliksik ay sumasaklaw sa mga estudyanteng nasa ikaapat na baitang samga matataas na paaralan sa Maynila. Mula sa kabuuang populasyon nila, pipili lamangng sampung estudyante na magiging kinatawan sa iba’t-ibang paaralan para magsagotng survey. I. Daloy ng Pag-aaral

Ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering atInformation Technology ay ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinongestudyanteng nasa ikaapat na baitang sa matataas na paaralan sa Maynila sa panahong ito.Ang pagdami ng mga estudyante sa kolehiyo sa mga kursong ito ang nag-udyok sa mgamananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. Makatutulong ang pananaliksik naito hindi lamang sa mga estudyante kung hindi pati na rin sa mga unibersidad oeskuwelahan. Bukod sa pagkakalap ng mga impormasyon sa silid-aklatan at internet, angpag-aaral na ito ay base rin sa mga sagot ng mga estudyante sa isinagawang survey. Sapamamagitan nito, nalaman ng mga mananaliksik ang iba’t-ibang salik na maaring naka-impluwensiya sa mga estudyante sa pagpili ng mga kursong kukunin nila sa kolehiyo.Ang survey ay isinagawa sa Unibersidad ng Santo Tomas High School, St. Jude College,Angelicum, University of the East High School, Immaculate Heart of Mary College, Sta.

35

Page 19: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Isabel College at Ramon Magsaysay High School. Upang mapadali ang pag-aaral, angmga mananaliksik ay gumawa ng talaan ng mga resulta ng survey. Ang pananaliksik aysumasaklaw sa mga sampung piling estudyanteng nasa ikaapat na baitang ng bawatpaaralang nasabi. Ang unang bahagi ng pananaliksik ay tungkol sa limang pangunahingkursong nais kunin ng mga estudyante. Sunod ang kanilang dahilan sa pagpili nito at angmga salik na nakaimpluwensiya sa kanila sa pagpili nito. Batay sa survey na ginawa ngmga mananaliksik, ang limang pangunahing kurso na nais kunin ng mga estudyantengnasa ikaapat na taon sa mga matataas na paaralan ng Maynila ay Nursing (14.5%), Hoteland Restaurant Management (12.95%), Tourism (11.87%), Engineering (11.5%) atInformation Technology (10.07%). Ang karamihang dahilan ng mga estudyante sa pagpiling mga kursong ito ay ang pagiging “in demand” ng propesyon na ito sa abroad. Ang ibanaman ay nagsasabing ito ay ang kanilang sa sariling kagustuhan. Isa pang dahilan ngkanilang pagpili ng mga kursong nasabi ay ang pagsunod sa gusto ng kanilang magulang.Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik sa mga estudyanteng ito na maging seryosoat praktikal sa pagpili ng kanilang kurso.

II. Big Panimula

A. Small Panimula Ang pananaliksik na ito ay ukol sa mga pangunahing kursong pinipili ng mgaPilipinong estudyante para sa kolehiyo. Ang mga mananaliksik ay nagsagawang survey sa sampung estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa iba’t-ibang matataas napaaralan sa Maynila. Sa pamamagitan ng survey na ito, nalaman ng mga mananaliksikkung anu-ano ang mga basehan ng mga estudyante sa pagpili ng kursong kanilangkukunin para sa kolehiyo. Dito rin napatunayan na ang Nursing, Hotel and RestaurantManagement, Tourism, Engineering at Information Technology ang limang pangunahingkursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na baitang. B. Small KatawanHalimbawa ng pinasagutang survey sheet: SURVEY SHEETPangalan:Paaralan:Edad: [ ] Babae [ ] Lalake 1. Anu-ano ang dalawang pangunahing kursong nais mong kunin sa kolehiyo? a. b.2. Bakit ito ang iyong napili? 3. Anu-ano ang mga salik na naka-impluwensiyo sa iyo? 4. Ano ang iyong paboritong asignatura?

36

Page 20: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Ito ang mga talaan ng mga resulta ng isinagawang survey:

Ang mga sumusunod ay ang mga kursong napili ng 140 na estudyanteng nasaikaapat na taon sa mataas na paaralan ng University of Santo Tomas, Ramon Magsaysay,University of the East, Immaculate Heart of Mary College, Sta. Isabel College at St. JudeCollege:

Nursing 41 Hotel and Restaurant Management 36 Tourism 33 Engineering 32 Information Technology 28 Accountancy 23 Psychology 12 Advertising 10 Business Administration 10 Architecture 9 Education 8 Pharmacy 8 Journalism 5 BS Biology 3 Mass Communication 3 Medical Technology 3 Political Science 2 Fine Arts 1 Electronics 1 Asian Studies 1 Theatre Arts 1 Culinary Arts 1 BS in Mathematics 1 Public Administration 1 Chemical Engineering 1 Nutrition 1 Physical Therapy 1 Food Technology 1 Occupational Therapy 1

Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga estudyanteng nagsabing ito ang mga

salik na nakaimpluwensiya sa kanila sa pagpili ng kukuning kurso sa kolehiyo: Pamilya 39 Interesado sa kurso 24 Kaibigan 20 Balita sa TV, internet at radio 17 Hilig 15 Dito magaling 13 Kagustuhang gumaling sa aspetong napili 10 Madaling pagkakitaan ng pera 8

37

Page 21: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Sariling kagustuhan 8 Positibo/magandang paningin ng mga tao sa kursong ito 6 Pangarap simula pagkabata 3 Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga estudyanteng nagsabing ang English,

Math, Science, Araling Panlipunan, Computer, Filipino, Values Education at HomeEconomics ang paborito nilang asignatura:

English 40 Math 33 Science 31 Araling Panlipunan 19 Computer 10 Filipino 4 Values Education 1 Home Economics 1

III. Big Pangwakas

A. Small Pangwakas

Batay sa survey na ginawa ng mga mananaliksik, ang limang pangunahing kursona balak kunin ng mga estudyante na nasa ikaapat na taon sa mga matataas na paaralandito sa Maynila ay Nursing (14.5%), Hotel and Restaurant Management (12.95%),Tourism (11.87%), Engineering (11.5%) at Information Technology (10.07%).

Sa mga kursong nabanggit, lahat ng ito ay ang mga trabahong “in demand” saabroad. Sa 140 na estudyante, 36(25.9%) ang nagsabing ito ang kanilang dahilan kungbakit nila napili ang mga kursong nasabi. Ayon din sa resulta, 20(14.4%) na estudyanteang nagsabing binase nila ang kanilang pagpili mula sa sariling interes sa kurso.Napansin din ng mga mananaliksik na halos parehas lamang ang bilang ng mgaestudyanteng nagsabing binase nila ang pagpili sa desisyon ng kanilang magulang at angnagsabing ito ay sarili nilang kagustuhan. Ito ang pangatlo sa pinakamataas na dahilan ngmga estudyante sa pagpili ng kanilang kurso na kukunin sa kolehiyo. Base sa resulta,may mga nagsasabi ring impuwensiya ito ng kanilang mga kaibigan o impuwensiyang media. B. Konklusyon

Batay sa mga impormasyong nakalap, napatunayan na ang Nursing, Hotel andRestaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ang limangpangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na taon samga matataas na paaralan sa lungsod ng Maynila. Napagtanto din ng mga mananaliksikna ang dahilan ng karamihan sa mga estudyante sa pagkuha ng isang kurso ay angpagiging “in demand” nito sa ibang bansa at hindi sa sariling kahustuhan.Nakakapanghinayang malaman na ang karamihan sa mga Pilipinong estudyante aynagnanais nang lisanin ang inang bayan upang kumita ng malaking perang pantustos saaraw-araw na pamumuhay. Ito ang nagpapatunay na bumababa na ang . Masasabi rin nabagama’t nasa ikaapat na baitang ng mataas na paaralan na ang mga estudyanteng

38

Page 22: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

kinunan ng survey, umaasa pa rin sila sa mga sinasabi o desisyon ng kanilang mgamagulang. C. Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makatulong sa mga estudyante, lalona sa mga nasa ikaapat na baitang ng matataas na paaralan, na makapagdesisyon ukol sapagpili ng nararapat na kurso sa kolehiyo. Ito ay maaaring maging magandang basehanng pagpili ng kanilang kurso. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga estudyantengito na maging seryoso at praktikal sa pagpili ng kanilang kurso. Sa pamamagitan ngpananaliksik na ito, maaaring mabawasan ang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo napalipat-lipat ng mga kurso sa kadahilanang hindi pala nila nais ang naunang kursongpinili. Iminumungkahi din sa mga propesor ng iba’t-ibang mga unibersidad at samismong mga unibersidad at matataas na paaralan na magsagawa rin ng ilang pag-aaralukol sa mga kursong napili ng kanilang mga estudyante upang malaman kung sila nga aynararapat sa kursong iyon. Makakatulong din ito sa kanila upang mapaghandaan ang mganais matutunan ng mga estudyante sa kanilang mga napiling kurso. Sana nawa’y makatulong ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga estudyante,kung hindi pati na rin sa mga guro o propesor at mga paaralan dito sa Pilipinas.

http://juscy15.multiply.com/journal/item/17/Ang_Nursing_Hotel_and_Restaurant_Management_

Tourism_Engineering_at_Information_Technology_Bilang_Limang_Pangunahing_Kurso_sa_Pan

ahong_Ito_?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

Kevin HizonPAMANTAYAN NG ESTUDYANTE SA PAG-PILI NG TAMANG KURSOKABANATA IKALIGIRAN NG PANANALIKSIK PanimulaMadaming kurso sa ating bansa ang pwedeng kunin ng mga estudyante subalit bawat isa sa mga estudyante ay nahihirapan pumili ng kanilang kursong kukunin dahil sila ayapektado sa anumang kurso na kanilang kukukunin. Maaring magkaroon ang estudyante ngmabuting buhay pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo at maaring magkaroon ng trabaho ayonsa pinag-aralan subalit maari ding kabaligtaraan ang maging epekto nito sa estudyantemaaring pagkatapos ng kanilang kolehiyo ay hindi sila makahanap ng trabaho o iba angtrabaho nila sa natapos na kursong kanilang kinuha.Maiilalahad na ang mga estudyante na tumingil sa kolehiyo ay dahil mali ang pag- pili nila ng kursong kanilang kukunin at dahil mali ang kanilang napiling kurso nawawalansila ng interest at nababaliwala at nasasayang ang kanilang kasanayan, angking talino, at pera.Sinasabi din na ang pag-iisip, kasanayan at pagkakaroon ng interes ng isangstudyante sa kanyang kursong kukunin ay makakatulong upang makapili ng isang mabutingkurso.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mailalahad ang mga mahahalagangimpormasyon ukol sa pamantayan ng pagpili ng mga estudyante sa tamang kurso para sakanila nang sa gayon ay mabatid ng lahat ng patapos na estudyante sa sekundaryo ang mgamaaaring maidulot nito sa atingpag-aaral sa kursong kukunin, at upang maibigay angnararapat na lunas para dito.Paglalahad ng suliraninSa pag-aaral na ito, sisikaping sagutin ang mga sumusunod na katanungan:1. Ano-ano nga ba ang pamantayan sa pag-pili ng tamang kurso?

39

Page 23: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

2. Sino-sino nga ba ang pipili ng mga kurso sa kolehiyo ayon sa mga sumusunod?a. Kasarianb. Edadc. Antas ng pagaaral3. Sa anung paraan pipili ng kurso?4. Bakit kailangan pumili ng nasa pamantayan? Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaralIsa sa mga mahalagang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magkaroon ngkamalayan ang mga patapos na estudyante sa sekundaryo sa pagpili ng kursong kanilangkukunin pagdating nila sa kolehiyo. Sa pamamagitan din ng pag-aaral na ito,makakagawa ng mga solusyon sa pagpili ng tamang kurso. Ito rin ay maaaring magingsimula upang mapa-unlad ng patapos na mga estudyante sa sekundaryo ang kanilangintelektwal na abilidad, partikular sa kanilang kursong kukunin.Saklaw at limitasyon ng PagaaralAng pag-aaral na ito ay nakapokus sa pamantayan ng pagpili ng tamang kurso ng mgapatapos na estudyante sa sekondaryo. Nangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik samga patapos na mag-aaral sa Osias College . Ang mga mag-aaral na kasama sa pag-aaral na itoay nabibilang lamang sa isang seksyon na binubuo ng apatnapung (40) estudyante. Bagamatnagbigay ng ilang impormasyon ukol sa epekto ng maling kursong napili ng estudyante ang mgamananaliksik, hindi ito gaanong pinalawak, bagkus ay ginamit lamang bilang pantulong naimpormasyon tungkol sa pamantayan ng tamang pagpili ng kurso.Tinalakay din sa pag-aaral na ito ang ilang mga kailagan na mga kurso sa Pilipinas ngunithindi ito kalawakan bangkus ginamit lang itong basehan sa pagpili ng kurso.

Kahulugan ng mga KatawaganK urso -mga klase sa isang partikular na larangan ng pag-aaral.Kolehiyo - isang institusyon ng mas mataas na; madalas ay bahagi ng isang unibersidaDemand mga mas kailangan .BSIT Bachelor of Science in Information Technology BSCS - Bachelor of Science in Computer study HRM Hotel

and Restaurant Management BSBA ± Bachelor of Science in Business Administration

40

Page 24: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

ABANATA IIMGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARALAng bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na maykinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mgaliteratura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ngmga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahagingK ahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon dingmga bahagi na makapagbibigay-ambag sa napapanahong mga isyu partikular sa pagpili ngtamang kurso.MGA KAUGNAY NA LITERATURAAyon kay Rocky Rivera. Ang pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ngkursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para saisang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay puwedemong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi itomaari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na maibabalik pa. Nabanggit din ni Taylor (1997) na maraming mga mag-aaral ang mayroong magandang pagkakaunawa sa mga natura ngkanilang napiling propesyon alinsunod sa pagpasok sa isang propesyunal na edukasyon. Sila rinay may kakayahang makagawa ng higit pa sa kanilang inaakala sa natura ng pagsasagawa sadarating na panahon. Samakatuwid, ang pagkaunawa sa kanilang napiling kurso at ang kanilangmakaugnayang karanasan ay maaaring mailakip sa basehan ng pagpili o criteria.Dahil sa matibay ang prinsipyo ni Rocky Rivera nadagdag pa niya sa kanyang artikulo naAng pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundipinagugulan din ito ng lakas at oras.Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga itodahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.Ang mga nakasulat sa artikulo kung ito ay base sa aking pan-sariling karanasan at obserbasyon sa mga taong aking kakilala at malapit sa aking puso.KRONOLOHIKALAng pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga estudyanteng patapos na sa sekundaryo saOsias Collges at ito ay nakapokus sa mga basehan ng mga estudyante.

KABANATA IIIMETODOLOHIYASa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat disenyo ng pananaliksik, Lokasyon at mga tagatugon, sampling na pamamaraan, at instrumentong ginamitay nailahad din sa bahaging ito.LOKASYONA

41

Page 25: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

ng pagaaral na ito ay nagawa sa Osias Colleges tarlac city isang iskwelaan ng mgaelementarya at sekundaryo na kung saan duon ginampanan ang pangangalap ng mga datos samga estudyante na nasa ikaapat na taon at patapos na sa sekundaryo.TAGATUGONAng mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa ika-apat na taon sasekyon na 4-Aat binubuo ng (40) apat na pung patapos na sekundaryo sa Osias Colleges TarlacCity.PAMAMARAANAng pamamaraan na ginamit pananaliksik o pag-aaral na ito upang kumuha ng mga datosna kikailangan, ang mga maniliksik ay gumamit ng mga talatanungan na ipinamahagi sa mgaestudyanteng patapos na sa skundaryo sa aktwal na obserbasyon sa mga tagatugon

INSTRUMENTONG GAGAMITINAng mga ginamit na instrument para sa mga datos na nagamit ng maniliksik ay ang mgasumusunod, libro, internet, diyaryo o magazine na naging mahalagang datos para sa mgatagapagbasa ng pag-aaral na ito.Ang ginamit sa mga pangangalap ng mga datos sa mga tagatugon ay ang surbey, mgatalatanungan na nagsasaad ng basehan ng kanya kanyang pananaw na patapos na estudyante saOsias Colleges.

http://www.scribd.com/doc/36244955/Pamantayan-Ng-Estudyante-Sa-Pagpili-Ng-

Tamang-Kurso

Heto ang ilang tanong na maaaring sagutin at suriin ng mga batang nag-iisip ng kanilang kurso sa kolehiyo:

1. Ano ang bagay na nagpapasaya sa akin?2. Ano ang pangarap ko noong bata pa lamang ako?3. Anu-ano ang mga bagay na kaya kong gawin?4. Anu-ano ang mga bagay na hindi ko kaya or gustong gawin?5. Ano ang nais kong maging, gawin, o puntahan pagkatapos ko makapagtapos ng

kolehiyo?6. Anong klase ng tao ang nais ko makahalobilo?7. Sinu-sino ang mga taong iniidolo ko?

Table 7 Impluwensya ng Interests/Kakayahan ng mga Estudyante sa pag pili ng Kurso

42

Page 26: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Posted by pinoy1b1 at 8:15 AM - No Comments Add a Comment

table 6 Konsiderasyon nga mga payo ng kanilang magulang sa kanilang pag pili ng Kurso

Posted by pinoy1b1 at 8:13 AM - No Comments Add a Comment

Table 5 Pag Konsider ng Pinansyal na kalagayan bilang isang basihan sa pag pili ng Kurso

Posted by pinoy1b1 at 8:08 AM - No Comments Add a Comment

Table 4 Impluwensya ng Popularidad sa pagpili ng Kurso ng mga Estudyante

Posted by pinoy1b1 at 8:07 AM - No Comments Add a Comment

Table 3 Mga taong nag iimpluwensya ng mga Estudyante sa pagpili ng Kurso

Table 2 Ang mga gustong Kurso ng mga Estudyante sa Kolehiyo

Posted by pinoy1b1 at 7:36 AM - No Comments Add a Comment

Table 1 Desisyon ng mga Hayskul na estudyante sa isang Kurso sa Kolehiyo

Posted by pinoy1b1 at 7:32 AM - No Comments Add a Comment

43

Page 27: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Wednesday February 28, 2007

III. Konklusyon D

Posted by pinoy1b1 at 8:30 AM - No Comments Add a Comment

III. Konklusyon C

Posted by pinoy1b1 at 8:29 AM - No Comments Add a Comment

III. Konklusyon B

III. Konklusyon

Posted by pinoy1b1 at 8:24 AM - No Comments Add a Comment

II. Katawan ng Pagaaral/Pagsusuri C

Posted by pinoy1b1 at 8:23 AM - 1 Comment Add a Comment

II. Katawan ng Pagaaral/Pagsusuri B (tuloy...)

Posted by pinoy1b1 at 8:17 AM - No Comments Add a Comment

II. Katawan ng Pagaaral/Pagsusuri B

44

Page 28: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Posted by pinoy1b1 at 8:16 AM - No Comments Add a Comment

II. Katawan ng Pagaaral/Pagsusuri A

I. Introduksyon

Posted by pinoy1b1 at 7:48 AM - No Comments Add a Comment

Mga Pangalan

Posted by pinoy1b1 at 7:46 AM - No Comments Add a Comment

Ang Outlayn

http://pinoy1b1.blogstream.com/v1/p4.html

KABANATA I

INTRODUKSYON

Ang pagpili ng kurso sa kolehiyo ay hindi parating madali para sa mga

estudyanteng magtatapos pa lamang ng pag-aaral sa sekondarya. Maraming maaaring

pagpilian at kadalasan ito ang nagiging sanhi ng kalituhan para sa mga mag-aaral na

tatahak ng higit na mataas na antas ng karunungan. Dahil dito, nagkakaroon ng maraming

45

Page 29: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

kabiguan sa pag-aaral na dala rin marahil ng agarang pagdedesisyon sa isang bagay. Sa

kabilang dako, ang pagpapatuloy ng kursong edukasyon ay makapagpapalago sa mga

darating pang mga pag-aaral para sa propesyonal at personal na mga rason. Ang mga

kadahilanan din ng isang tao ang makapagsasabi kung ipagpapatuloy niya pa ang kursong

Edukasyon (www.christianet.com/education). Kung kaya ang pag-iisa ng mga interes at

kagalingan ng bawat estudyante ay may malaking puwang sa pagpili ng kursong kukunin

sa kolehiyo.

Ang kursong edukasyon ay isa sa mga bihirang kunin ng mga magsisipagtapos na

mag-aaral sa sekondarya. May kani-kanyang dahilan, pangunahing kaalaman, at

pagproseso sa isipan ang bawat isa, sa katayuan bilang isang guro kung sila ay tatahak ng

kursong ito. May mga positibo at negatibong pananaw ang bawat isa. Ayon kay Laurente

(2008), isang edukador, mataas ang posibilidad na hindi umasenso sa pinansiyal na

aspeto ang isang guro dahil sa mababa ang sahod sa larang na ito. Maaaring ganito ang

karaniwang sitwasyon sa bansang Pilipinas subalit mayroon pa ring naniniwala sa

kagandahang dulot ng kursong ito lalo na sa naiaambag ng isang guro sa kabuuang

pagkatao ng isang indibidwal. Naibahagi ni Transona (2002) na ang isang guro ay isa sa

mga pinakamahalagang tauhan sa isang institusyon sa pag-aral higit sa ano pa mang mga

kurso. Nakasalalay din sa mga guro ang pag-usad ng mga malilikhaing gawain na

posibleng matamo ng mga mag-aaral.

Sa artikulo ni Abeliade et. al (1995), kanyang ibinahagi na ang pinansyal

na kasiguraduhan ay isang mahalagang salik sa pagpili ng kurso. Hindi rin alintana ang

malaking ginagampanan sa pagdedesisyon ng mga taong nakapaligid sa mga

magsisipagtapos ng sekundarya maging ang hatak ng mga kursong sa palagay ng

46

Page 30: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

nakararami ay makapagbibigay ng green pasture. Sa panahon ng kabataan higit na

naipapamalas ng mga kamagulangan ang kanilang pag-aalala sa kahihinatnan ng kanilang

mga anak. Kung sakali man na may kabiguang mangyari sa anak, mabigat na dalahin ito

para sa kanila ayon kay Santrock (2005). Dahil dito, malaking bahagdan ng mga

magulang ang nagnanais na pakuhain ang kanilang mga anak ng mga kursong in-

demand. Sa kabila nito, inilagay ni Duriez et. al (2007) na kailangan pa rin ng mga

magulang na maging maingat sa pagbibigay ng kanilang mga ekspektasyon sa kanilang

mga anak. Higit na kaaya-aya kung paiigtingin nila ang kapabilidad na magbigay suporta

at positibong pananaw sa kanilang mga anak.

May ilan pa rin na kumukuha ng mga kurso at aralin sa antas kolehiyo sa

kadahilanang hilig nila ito. Sa lahat ng ito, malaking puwang pa ring maituturing ang

personal na persepsyon at pagdedesisyon ng isang magtatapos sa pagtahak ng kanilang

kakaharaping karera sa buhay. Sa aklat ni Santrock (2005), kanya ritong inilahad na ang

mga kabataan ay talagang nasa panahon ng paghanap ng kanilang tunay na sarili o

pagkatao.

Sa kasalukuyang panahon na may pagbabago-bago ang bilang ng mga may nais

kumuha ng kursong Edukasyon, minarapat lamang tuunan ng pansin ang karaniwang mga

paniniwala na nagmumula sa mga kabataan. Dahil sa karamihan ng mga papasok sa

kolehiyo ay mga kabataan, ninais ng mga mananaliksik na alamin ang persepsyon sa

kursong Edukasyon ng mga estudyanteng magtatapos sa paaralan ng Naga City Science

High School, akademikong taon 2008 -2009.

Paglalahad ng Suliranin

47

Page 31: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman at masuri ang mga

pananaw sa kursong edukasyon ng mga mag-aaral na magsisipagtapos sa Naga City

Science High School, akademikong taon 2008 – 2009.

Hangarin ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na tiyak na

katanungan:

1. Anu-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa kursong edukasyon?

2. Anu-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa

kursong edukasyon?

3. Ilang porsyento ng mga mag-aaral ang nagbabalak kumuha ng kursong

Edukasyon pagtungtong sa kolehiyo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makatulong sa mas malawak na pag-

unawa sa kursong edukasyon ng mga sumusunod:

Mga Mag-aaral sa hayskul. Karaniwang nagiging suliranin ng mga mag-aaral sa

sekondarya ang pagpili ng kursong kanilang kukunin pagdating sa kolehiyo. Sa pag-aaral

na ito maaaring magkaroon ng paunang kaalaman ang mga magsisipagtapos sa kung ano

ang mga karaniwang paniniwala sa kursong edukasyon. Magiging malaking tulong din

ang pag-aaral sa mga nagbabalak kumuha ng kursong ito.

Mga magulang. Maaaring magkaroon ng katiyakan ang mga magulang na

nagnanais pakuhanin ng kursong edukasyon ang kanilang mga anak. Magsisilbi ring

basehan ang pag-aaral na ito sa sa mga kamagulangang nag-iisip din kung ano ang

nababagay na kurso para sa kanilang mga anak. Hindi nais ng mga mananaliksik na

48

Page 32: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

kumbinsihin ang mga magulang na paboran o ayawan ang kursong edukasyon, kundi, sa

pamamagitan ng ganitong pananaliksik ay higit na malinawan ang sinumang tutuntong sa

mas kumplikadong pag-aaral sa kolehiyo.

Mga guro. Makakaambag ito sa malawak na kaalaman ng mga guro sa

propesyong kasalukuyan nilang ginagampanan. Makatutulong sa kanila ang pananaliksik

na ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga pangunahing kaalaman patungkol sa

nasabing kurso. Maari nilang mamulat ang mga kaisipan ng kanilang mga mag-aaral na

kasalukuyang nagsusuri sa papasukan nilang kurso sa kolehiyo.

Mga administrador ng paaralan. Makatutulong ang pananaliksik sa pagbuo ng

mga konsepto at mga programa na maghihikayat sa mga mag-aaral na kunin ang kursong

edukasyon. Maaari rin itong makatulong upang makagawa ang mga administrador ng

mga paraan upang makakita ng mga estratehiyang makakapagpabago sa maling

paniniwala ng mga kabataan ukol sa kursong edukasyon.

Saklaw at Katakdaan ng Pag-aaral

Nakapokus ang pananaliksik sa paglalarawan at pagsuri ng mga persepsyon ng

mga mag-aaral sa kursong Edukasyon. Ninanais din na ipaliwanag ng pag-aaral ang mga

dahilan kung bakit bihirang piliin ng mga mag-aaral ang naturang kurso. Kasama na rin

dito ang pag-alam sa iba’t ibang mga salik na nakaaapekto sa kanilang persepsyon at

pagdedesisyon.

Ang mga respondyante o tagatugon ng pananaliksik ay mga mag-aaral ng Naga

City Science High School na nasa ika-apat na taon. Isang seksyon lamang sa ikaapat na

taon ang pagtutuunan ng sarbey. Ang IV-Ohms ang napili ng mga mananaliksik sa

49

Page 33: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

istatistikal na pamamaraan. May bilang na apatnapung mag-aaral (40) ang total na

populasyon ng seksyong Ohms. Ginawa ang pananaliksik sa Naga City Science High

School sa taong akademiko 2008 – 2009 kaya’t hindi na sakop ng pananaliksik ang

pagbabago sa persepsyon ng mga mag-aaral patungkol sa kursong Edukasyon.

Hindi rito tinatalakay ang mga karaniwang persepsyon ng mga guro at magulang.

Ninanais lamang ng pag-aaral na ito na alamin ang mga pananaw ng mga ordinaryong

mag-aaral na papasok sa kolehiyo kung saan ang mga nalikom na datos ay maaaring

magbigay linaw o dagdag na kaalaman patungkol sa kanilang pananaw sa kursong

edukasyon.

Katuturan ng mga Talakay

Sa higit na ikauunawa sa paksang tinalakay ay binigyang kahulugan ang ilang

mga terminolohiya ayon sa pagkakagamit nito sa naturang pag-aaral:

1. persepsyon - pag-unawa sa kursong edukasyon at kinasasakupan nito sa pamamagitan

ng mga pandama o pag-iisip.

2. media – ito ay tumutukoy sa mga kagamitang panteknolohiya at mga produkto nito na

nakapagbibigay impluwensiya sa persepsyon ng tao ukol sa kursong edukasyon.

3. positibong pananaw – ang pagkakaroon ng mabuting posisyon ng kaisipan ukol sa

kursong edukasyon.

4. negatibong pananaw – ang pagkakaroon ng di-mabuting posisyon ng kaisipan ukol sa

kursong edukasyon.

5. estratehiya – isang plano o pamamaraan para makamit ang isang partikular na

adhikain o mithiin.

50

Page 34: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

6. larang - ito ay gawain o interes na sakop ng isang particular na propesyon

7. pangkalahatang kaisipan – ito ay tumutukoy sa ideyang pangkabuuan ng mga tao o

isang grupo ukol sa kursong edukasyon

Teoryang Saligan ng Pag-aaral

FUNSIYONALISTA

Sa konseptong funsiyonalista na ipinaliwanag ni Wilson at Hayes (2000) ,

tinitingnan ang mga organisasyon ng mga kongkretong realidad na umiiral hiwalay sa

personal o sosyal na pagkakabuo ng mga ito, ito ay ipinaaalm sa pamamagitan ng larang

ng sosyolohiya na nagtitiyak ng stabilidad, sosyal na kaayusan, integrasyon at

solidaridad. Ang konseptong funsiyonalista rin ay naglalayong makapagbigay ng rasyonal

na mga pagpapaliwanag ng mga sosyal na gawain at may pag-aalala sa paghahatid ng

mga praktikal na solusyon sa mga praktikal na problema. Sa pangkalahatan, ninanais nito

na magkaroon ng isahang pananaw tungo sa kakayahan, pag-iirinagn at mga interes

upang makaabot sa mataas na antas ng pagiging epektibo at produktibo na maaaring

makamit ng isang indibidwal.

Ang konseptong funsiyonalista ay may kalakip na dalawang teorya na maaaring

tumukoy sa kakayahan ng guro na magturo sa pamamagiatn ng pagiging isang

epektibong namumuno sa loob ng klase, at ang pagpili ng karera o propesyon na

umaagpang sa hininging mga batayan ng pangangailangan ng taong magdedesisyon.

An una ay ang teoryang transaksyonal. Ito ay umiikot sa pagkaunawa na ang

pamumuno ay isang porma ng sosyal na pagpapalitan sa pagitan ng mga namumuno at

pinamumunuan. Ang namumuno ay masasabing epektibo kung nagagawa niyang

hikayatin ang kanyang nasasakupan na gawin ang anumang kanyang ipinagagawa upang

51

Page 35: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

makamit ang organisadong mga layunin. Hindi lamang motibasyon ang kinakailangang

may mataas na antas sapagkat ang moralidad ay isa pang karagdagan sa pagiging

epektibo ng mga namumuno.

Nakapaloob sa teoryang contingency ang prinsipyo na ang pagiging isang

epektibong namumuno o lider ay kailangang may pag-aagpang sa mga gawi-gawi at

estilo sa bawat sitwasyon. Sa ikalawang teoryang ito, ang mga sitwasyonal na salik na

nangangailangan ng pagbabatay ay ang mga sumusunod: ang natura nga gawin, kalidad

ng relasyon sa pagitn ng lider at mga miyembro ng grupo, at ang kabuuang awtoridad na

mayroon ang lider sa ibabaw ng domeyn ng gawain.

Nais ng mga mananaliksik na pagbatayan ang mga teoryang ito sa pagbibigay ng

mas malawak na pagpapaliwanag at pagsuporta sa mga impormasyong makakalap sa

sarbey. Partikular na mabibigayan tuon ng mga ito ang pananaw ng mga mag-aaral

patungkol sa mga guro sa pagiging epektibo sa pagtuturo, at maging din ang pag-aangkop

ng desisyon sa kursong kukunin sa kolehiyo ng mga magsisipagtapos na mga mag-aaral

ng Naga City Science High School, taong panuruan 2008-2009.

http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=dahilan%20ng%20pagpili%20ng%20kurso

%20sa%20kolehiyo&source=web&cd=12&ved=0CCIQFjABOAo&url=http%3A%2F

%2Fxa.yimg.com%2Fkq%2Fgroups%2F25358484%2F341891449%2Fname

%2FKABANATA&ei=ZQ_nTtSiK8jyrQeNssWYBw&usg=AFQjCNES_Oi0x_budq1wb

w6wkcJWG6UlYw

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

52

Page 36: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin

na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na

kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay

madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging

Kahalagahan ng Pag-aaral. Mayroon ding mga bahagi na makapagbibigay-ambag sa

napapanahong mga isyu partikular na sa larang ng Edukasyon.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang edukasyon ay ang paghubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad ng

ating isipan na nagsisilbi ring proseso ng pagbibigay o pagkukuha ng pangkalahatang

kaisipan, paghuhubog ng kakayahan sa pagrarason at paghahanda ng sarili sa intelekwal

na aspekto para sa pagtahak sa buhay. Ito rin ay ay ang siyensiya o sining ng pagtuturo

ayon sa diksyonaryo ng Random House.

Nakatala rin sa Collier’s Encyclopedia ( ) na ang edukasyon ay nananatili bilang

isang prosesyong pangkalahatan na nagiging instrumento upang ang isang komunidad,

lipunan o bansa ay makaagpang sa mga pagbabagong nagaganap. Ito ay sa pamamagitan

ng paglalahad at pagpapalaganap ng mga kaalaman na tumutulong sa tao upang lagpasan

ang ano mang banta laban sa pansariling kaayusan. Ang Edukasyon ay maituturing na

pangkalahatang proseso kaya’t nararapat lamang na ito ay hindi makapag-iisa, sapagkat

nandito ang pag-aambag ng iba’t ibang saloobin, persepsiyon, ideolohiya at mga

pagnanais mula sa iba’t ibang uri ng indibidwal sa loob ng isang grupo. Masasabi rin na

ang isa sa pangunahing layunin ng edukasyon ay ang bigyan ng nararapat na pagsasanay

53

Page 37: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

ang isang tao upang magamit niya ang kanyang sariling mga kaisipan para sa pansarili at

pambansang kaunlaran at kaayusan.

Sa isang artikulo sa internet, ang mga karera sa edukasyon ay nagpapahintulot sa

bawat indibidwal na magamit ang kanilang talento at kaalaman sa pagtuturo sa mga bata,

mga kabataan, at sa mga nakatatanda (www.christianet.com/education). Nabanggit din ni

Taylor (1997) na maraming mga mag-aaral ang mayroong magandang pagkakaunawa sa

mga natura ng kanilang napiling propesyon alinsunod sa pagpasok sa isang propesyunal

na edukasyon. Sila rin ay may kakayahang makagawa ng higit pa sa kanilang inaakala sa

natura ng pagsasagawa sa darating na panahon. Samakatuwid, ang pagkaunawa sa

kanilang napiling kurso at ang kanilang makaugnayang karanasan ay maaaring mailakip

sa basehan ng pagpili o criteria.

Sa kasalukuyang siglo, ang edukasyon ay karaniwang dinadala ng mga paaralan at

iba pang organisasyon. Hindi rin kaila na ang makabuluhang mga bagay na nasa

komunidad ay naaapektuhan ng malaki sa pamamagitan ng media (Dushkin/ McGraw-

Hill, 2000).

Batay kay Fiske (2000), karamihan sa mga mag-aaral sa papaunlad na mga bansa

ay may mababang antas ng pagganap o performance sa pandaigdigan o nasyonal man na

batayan. Ito ay batay na rin sa mga ebidensiyang nailahad mula sa isang pananaliksik.

Nabibilang ang kwalipikasyon ng mga guro sa mga pampaaralang salik na nakaaapekto

sa antas ng paggawa o achievement ng mga mag-aaral. Ang lahat ng katangian ng mga

guro—kwalipikasyon, karanasan at kakayahan—ay may kritikal na pagganap sa

paghubog ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto sapagkat ang interaksyong sa pagitan ng

54

Page 38: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

mag-aaral at guro ay ang pangunahing paraan ng pagpasa o paghatid ng kaalaman at

kasanayan.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Maraming pakahulugan ang maaring kaakibat ng salitang Edukasyon lalo pa at

kinikilala ito bilang isang larang na may malawak na sakop. Bahagi rin nito ang proseso

ng pagkilala sa sarili at pakikipagkapwa na nauugat sa pagtuturo ng isang guro sa

kanyang mag-aaral o grupo ng mga mag-aaral. Nabanngit ni Nate (1995) na ang

Edukasyon ay isang patuloy na kontroladong proseso kung saan nagkakaroon ng

pagbabago sa pag-uugali ng tao. Binanggit niya rin na ang pangunahing ginagampanan

ng Edukasyon ay ang paghubog sa indibidwal para sa kapakanang panlahat at personal na

tagumpay. Bawat isa ay nararapat na makapag-aral upang umunlad at magkaroon ng pag-

uugali at pananaw na nakadirekta sa pag-unlad ng lipunan.

Sa anumang antas ng pag-aaral, higi sa bahagi ng pagtuturo ay hindi maitatanggi

ang katotohanang ang isang guro ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa isang paaralan.

Sa palad ng mga guro nakasalalay ang mga malilikhaing mga gawaing magagawa ng mga

mag-aaral (Transona Jr. (2002). Maraming mga positibong bagay ang maaaring maihatid

ng kursong Edukasyon, subalit, mayroon pa ring mga dahilan kung bakit hindi kinukuha

ang kursong ito. Sa pananaliksik na ginawa ni Abeliade et. al (1995) na Teachers Attitude

Towards Teaching Profession, nakuha niya ang impormasyong nagbabahagi na ang

pagtuturo ay isa sa mga propesyon na mayroong kaaya-aya at di-kaaya-aya na mga

kondisyon. Noon, ito ay nabibilang sa yaong mga kaakit-akit na kurso dahil na rin sa

popularidad nito sa ano mang uri ng tao kung estado sa buhay ang pag-uusapan. Ngunit

sa mga nakalipas na taon, nakitaan ng malaking pagbaba ang bahagdan ng mga taong

55

Page 39: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

nagnanais na suungin ang karera ng pagtuturo. Binanngit rin ni Abeliade et al. (1995) na

ang kasikatan ng iba pang mga larang , ang sosyo-ekonomikong antas o kondisyon, ang

pagtaas-baba ng populasyon, ang diin sa mga pangunahing kasanayan sa pagtuturo at

suliranin sa disiplina ay ilan lamang sa mga salik na responsible sa pagbabago ng pag-

uugali at atraksyon ng ibang tao sa pagtuturo.

Batay sa ilang mananaliksik na nabanggit ni Abeliade et al. (1995), kahit gaano pa

kalakas ang motibasyon ng mga edukador sa pagtuturo, marami pa rin ang nadidismaya

sa mga kadahilanang mas lalong nagiging mahirap ang kondisyon sa pagtuturo at patuloy

ang pagkawala ng simpatya mula sa publiko patungkol sa kondisyon na ito. Isa pang

pangunahing rason ay ang lubhang maliit na kabayaran sa serbisyo ng mga guro na kung

sana ay magi ring paraan upang higit na mahikayat at magkalakas-loob ang ibang mga

tao na pasukin ang propesyong ito.

Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, maraming bagay ang binibigyang konsiderasyon.

Isa na rito ang impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal. Ang

kabataan ang kadalsang nakararanas nito. Ayon kay Buenaflor et al. (2007), ang mga tao

ay may iba’t ibang pangangailangan at posibleng ang mga ito ay mauwi sa isang

suliranin. Ang kabataan at ang kanilang mga magulang ay mayroong iba’t ibang

karanasan, persepsyon, at mga paniniwala na humuhubog sa kanilang

pangangailangan.ang kapaligiran at sitwasyon ay nagsisilbi ring salik na nagtatakda ng

kanilang pangngailangan. Sa bahaging ito mahihinuha na ang karamihan sa mga kabataan

ay nahaharap sa paghanap ng mga kasagutan at kalinawan, habang sng kanilang mga

magulang ay naguguluhan kung paano nila magagabayan ang kanilang mga anak tungo

sa tamang landas. Pamilya man ang may malaking ambag sa kabuuan ng isang tao, hindi

56

Page 40: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

pa rin maikakaila ang epekto sa mga desisyon ang mga prinsipyong maaaring makuha sa

iba pang institusyon tulad ng lipunan, simbahan, paaralan at media.

http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=kabanata%20ii%20kurso%20sa

%20kolehiyo&source=web&cd=4&sqi=2&ved=0CCUQFjAD&url=http%3A%2F

%2Fxa.yimg.com%2Fkq%2Fgroups%2F25358484%2F1840904229%2Fname

%2FKABANATA&ei=bxvnTsGRNonXrQfLmuCtBw&usg=AFQjCNGsMjn2rl1dAsHM

JwYUyBQhXMjBhA

xa.yimg.com/

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa

pagkakabuo at pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat

disenyo ng pananaliksik, populasyon o sampling na pamamaraan, instrumento at

istatisyiko ay nailahad din sa bahaging ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyong palarawan o descriptive ang ginamit sa ganitong pag-aaral. Sa

pamamagitan ng disenyong ito ay nabigyang linaw ang mga kongkretong pananaw sa

edukasyon na naaangkop sa kaisipan ng mga mag-aaral na magsisipagtapos sa

sekundarya. Nakatuon ang pag-aaral sa pagbigay ng interpretasyon sa mga nakalap na

impormasyon mula sa mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng Naga City Science High

School sa taong panuruan 2008-2009.

57

Page 41: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Populasyon/ Sampling na Pamamaraan

Ang napiling mga respondyante sa pananaliksik ay ang mga mag-aaral sa ikaapat

na taon ng Naga City Science High School. Sila ang napiling populasyon dahil ninais ng

mga mananaliksik na makuha ang pananaw sa kursong Edukasyon ng mga

magsisipagtapos batay na rin sa konteksto ng kanilang pag-iisip.

Random sampling ang ginamit na pamamaraan sa pagkuha ng mga respondyante.

Nangangahulugan ito na lahat ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay mayroong pantay-

pantay na pagkakataon upang mapili na maging respondyante sg sarbey. Ang mga mag-

aaral sa ikaapat na taon ay nahahati sa tatlong seksyon. Ito ang IV-Ohms, IV-Hertz at IV-

Watts.

Ang tatlong seksyon sa ika-apat na taon ay ang Ohms, Hertz at Watts. Ang bawat

seksyon ay may kabuuan na 40 mag-aaral. Ang total na populasyon ng mga mag-aaral sa

ikaapat na taon ay 120. Ngunit, 40 lamang ang random na napili upang maging

respondyante sa sarbey na katumbas na rin ng isang seksyon. Dalawampo rito ay babae at

dalawampu rin ang lalake.

Instrumento

Dahil ninais ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondyante tanging ang

questionnaire ang ginamit na instrumento upang maisakataparan ang pananaliksik.

Questionnaire. Ang pangunahing instrumento na ginamit sa sarbey ay ang

questionnaire. Ito ay binubuo ng dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay patungkol sa

persepsyon ng mga mag-aaral sa kursong Edukasyon. Samantala, ang pangalawang

58

Page 42: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

bahagi ay patungkol sa mg kursong nais kunin ng mga respondyante pagtuntung sa antas

kolehiyo.

Istatistiko

Upang maging malinaw ang presentasyon ng mga datos na nakalap, ibinagay ang

istatistikal na pamamaraan na naaayon dito.

Istatistiks sa Unang Problema. Sa pag-analisa sa uang problema ay giamanit

ang pagtally at percentage. Sa mga katanungan, hinihingi ng sarbey na makuha ang

kasagutan ng bawat responyante sa pormang OO o HINDI. Pinagtally ang lahat ng

kasagutan ng mga mag-aaral at nakuha ng mga mananaliksik ang kabuuang mga bilang

ng sumagut ng OO at HINDI. Pagkatapos nito ay kinuha rin ang porsyento ng mga

sumagot sa bawat opsyon upang mas mapadali ang pagtalakay ng resulta.

Istatistiks sa Ikalawang Problema. Sa ikalawang problema ay naging dominante

ang paggamit ng median o ang madalas na lumabas na aytem sa sarbey na isinagawa.

Istatistiks sa Ikatlong Problema. Ang pagtally at percentage din ang ginamit ng

mga mananaliksik upang alamin ang tiyak na bahagdan ng mga magsisipagtapos na mga

mag-aaral na kukuha ng kursong Eukasyon. Isinama na rin ang paglahad ng

impormasyon na nauukol sa mga kursong nais kunin ng bawat mag-aaral pagtuntong sa

kolehiyo.

http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=kabanata%20iii%20kurso%20sa

%20kolehiyo%20mag-aaral&source=web&cd=5&ved=0CCsQFjAE&url=http%3A%2F

%2Fxa.yimg.com%2Fkq%2Fgroups%2F25358484%2F1045668470%2Fname

59

Page 43: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

%2FKABANATA&ei=kxznTvWUEcPqrQfKw7n9Bg&usg=AFQjCNEQwUtXys98C77I

elFEcSStnMkuoQ

KABANATA IV

PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Dito nakapaloob ang talakay patungkol sa mga resultang nakalap sa sarbey. Sa

pamamagitan ng mga talahanayan at grapikong pantulong, higit na napadali ang

organisasyon ng mga impormasyon patungkol sa pananaw ng mga mag-aaral sa kursong

Edukasyon.

Pananaw sa Kursong Edukasyon

Sa bahaging ito inilahad ang interpretasyon sa mgadatos na nakuha sa mga

magsisipagtapos na mag-aaral sa Naga City Science High School. Sa pamamagitan ng

isang survey-questionnaire, nahingan ng sagot o pananaw ng mga mananaliksik ang mga

respondyante sa pamamagitan ng pagsagot sa OO o HINDI.

Talahanayan 1. Mga Pananaw sa Kursong Edukasyon

Kategorya ng mga KatanunganMean (x) saporsyento

OO HINDIPananaw patungkol sa pagiging sapat ng kita ngmga guro (tanong bilang o TB 1, 2 at 7)

25.83% 74.17%

Positibng pananaw sa katayuan ng isang guro(TB 3, 8, at 13)

92.5% 9.5%

Pananaw sa pagdedesisyon sa kurso na mayimpluwensya ng magulang, guro, at kaibigan okabarkada (TB 4, 5 at 9)

76.67% 23.33%

Pananaw sa pagganap sa kursong Edukasyonkasama ang pagiging in-demand (TB 10, 11,at12)

30.83% 69.17%

Pananaw sa pagpili ng kursong Edukasyon (TB14 at 15)

18.75% 81.25%

60

Page 44: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Pananaw sa kaisipang nararapat na ilagay sakonsiderasyon ang sweldong kikitain. (TB 6)

85% 15%

Sa resultang nasa itaas, nagtamo ng 74.17% ang nagsabing hindi sapat ang kita ng

mga guro. Sa pag-aaral ni Abeliade et al., isang pangunahing rason mg hindi pagkuha sa

kursong ito ay ang lubhang maliit na kabayaran sa serbisyo ng mga guro na kung sana ay

magi ring paraan upang higit na mahikayat at magkalakas-loob ang ibang mga tao na

pasukin ang propesyong ito. Ang resultang nakuha ng mga mananaliksik ay akma sa nais

ipawhiwatig ni Abeliade et al. May 85% din ang nagsasabi na nararapat na ilagay sa

konsiderasyon ang sweldong kikitain.

May 92.5% ng sumagot na ang pagiging isang guro ay isang magandang

propesyon dahil mahalaga ang ginagampanan ng mga guro sa buhay-akademiko ng isang

mag-aaral. Lumabas din na ang mga responyante ay naniniwalang kailangang nagtataglay

ng magandang karakter ang isang guro. Sinuportahan ito ng pag-aaral ni Nate (1995) na

kung saan, binigyan niya ng kahulugan ang Edukasyon bilang isang patuloy na

kontroladong proseso na nagkakaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng tao. Binanggit niya

rin na ang pangunahing ginagampanan ng Edukasyon ay ang paghubog sa indibidwal

para sa kapakanang panlahat at personal na tagumpay. Bawat isa ay nararapat na

makapag-aral upang umunlad at magkaroon ng pag-uugali at pananaw na nakadirekta sa

pag-unlad ng lipunan. Hindi man nabanggit, masasabi na ang mga guro ang siyang may

matatag na gampanin patungkol dito.

Sa pananaw ng mga magsisipagtapos, ang impluwensiya ng magulang, guro, at

mga kaibigan o kabarkada, ay masasbing may malaking ambag sa kanilang kursong

kukunin sa kolehiyo. Base sa resulta, 76.67% ang sumasang-ayon sa kaisipang ito. Sa

61

Page 45: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

pagbibigay suporta rito, nabahagi ni Buenaflor et al. (2007) sa pagpili ng kurso sa

kolehiyo na maraming bagay ang binibigyang konsiderasyon. Isa na rito ang

impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal. Ang kabataan ang

kadalsang nakararanas nito., ang mga tao ay may iba’t ibang pangangailangan at

posibleng ang mga ito ay mauwi sa isang suliranin. Ang kabataan at ang kanilang mga

magulang ay mayroong iba’t ibang karanasan, persepsyon, at mga paniniwala na

humuhubog sa kanilang pangangailangan.ang kapaligiran at sitwasyon ay nagsisilbi ring

salik na nagtatakda ng kanilang pangngailangan. Pamilya man ang may malaking ambag

sa kabuuan ng isang tao, hindi pa rin maikakaila ang epekto sa mga desisyon ang mga

prinsipyong maaaring makuha sa iba pang institusyon tulad ng lipunan, simbahan,

paaralan at media.

Ang pananaw sa pagganap sa kursong Edukasyon kasama ang pagiging in-

demand ay mayroong 69.17% sa resulatng HINDI. Sinusuportahan pa rin ito ni Abeliade

et al. (1995). Kahit gaano pa kalakas ang motibasyon ng mga edukador sa pagtuturo,

marami pa rin ang nadidismaya sa mga kadahilanang mas lalong nagiging mahirap ang

kondisyon sa pagtuturo at patuloy ang pagkawala ng simpatya mula sa publiko patungkol

sa kondisyon na ito.

May 81.25% ang hindi pumipili ng kursong Eduksyon. Sa resultang ito, masasabi

na karamihan sa mga magsisipagtapos ay ayaw kumuha ng kursong ito na maaaring dala

ng mga salik na babanggitan sa susunod na bahagi o sagot sa ikalawang katanungan.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananaw sa Kursong Edukasyon

62

Page 46: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Batay sa resulta ng ikalawang suliranin, napag-alaman ng mag mananaliksik ang

mga sumusunod na salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa kursong

edukasyon:

KITA o sweldo na natatanggap ng isang guro. Batay sa kinalabasan ng mga

sagot sa katanungan bilang isa, higit na marami kumpara sa hindi ang naniniwalang hindi

sapat ang kita ng mga guro sa mga pampublikong mga paaralan.mayroon itong 97.5%

Subalit, 62.5% ang nagsasabi na sa pribado ay nakakakuha naman ng sapat na sweldo ang

mga guro. Sa ika-pitong katanungan, 87.5% hindi makapagbibigay garantiyang

pinansyal ang kursong ito.

IMPLUWENSYA ng magulang, guro, kaibigan o kabarkada. Sa mga

katanungang bilang apat, lima at siyam, mas mataas ang porsyento ng mga sumagot na

Oo, 92.5% sa ika-apat, 82.5% sa ika-lima at 55% sa ika-siyam. Sa ika-anim na

katanungan, 85% ang may pagsang-ayon sa kaisipang ang mga magulang, guro at mga

kaibigan o kabarkada ay may malaking epekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo.

Sa pananaliksik na ginawa ni Abeliade et. al (1995) na Teachers Attitude Towards

Teaching Profession, nakuha niya ang impormasyong nagbabahagi na ang pagtuturo ay

isa sa mga propesyon na mayroong kaaya-aya at di-kaaya-aya na mga kondisyon. Noon,

ito ay nabibilang sa yaong mga kaakit-akit na kurso dahil na rin sa POPULARIDAD nito

sa ano mang uri ng tao kung estado sa buhay ang pag-uusapan. Ngunit sa mga nakalipas

na taon, nakitaan ng malaking pagbaba ang bahagdan ng mga taong nagnanais na suungin

ang karera ng pagtuturo. Binanngit rin ni Abeliade et al. (1995) na ang kasikatan ng iba

pang mga larang, ang SOSYO-EKONOMIKONG ANTAS O KONDISYON, ang

PAGTAAS-BABA NG POPULASYON, ang DIIN SA MGA PANGUNAHING

63

Page 47: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

KASANAYAN SA PAGTUTURO at suliranin sa disiplina ay ilan lamang sa mga salik na

responsible sa pagbabago ng pag-uugali at atraksyon ng ibang tao sa pagtuturo. Sa

bahaging ito, nadagdagan ng dalawa ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng pag-aaral

ang mga mga salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mamamayan sa kursong

Edukasyon, partikular na sa pananaw ng mga kabataan.

Porsyento ng mga Kukuha ng Kursong Edukasyon

Ang impormasyong inilahad ay ditto ay batay sa mga kasagutan ng mga mag-

aaral sa ikalawang bahagi ng survey-questionnaire kung saan hiningi ang kanilang

kursong kukunin pagtuntong sa kolehiyo.

ZZ

64

LEGEND (direksyong clockwise):

Psychology

Biology

Nursing

Information Technology

DIA

Education ( 7.5%)

Engineering

Accountancy

Atbp: Speech Comm., Com. Sci.,Nutrition, Pharmacy, Pol.Sci.,Food Tech., etc.

5%

7.5%

17.5%

17.5%

37.5%

5%

5%

2.5%2.5%

Page 48: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Pabilog na Graf 1. Paglalarawan ng mg Kursong Napili

Ang sagot sa ikatlong pangunahing suliranin ay nakuha sa pamamagitan ng

pagsuri sa ikalawang bahagi ng survey-questionnaire, na humingi ng sagot sa mga

respondyante patungkol sa kursong kanilang kukunin sa kolehiyo. Nailarawan ito sa

pamamagitan ng pabilog na graf.

Sa pabilog na graf ng mga kursong kukunin ng mga magsisipagtapos ng

sekundarya, makikita na 7.5% bahagdan ng kabuuang sample ang may nais kumuha ng

kursong Edukasyon. Ang may pinakamatataas ay napabilang sa kategoryang Engineering

(17.5%), Accountancy (17.5%) at iba pang mga kurso (37.5%).

Konseptong Funsiyonalista ni Wilson at Hayes (2000)

Ito ay natalakay na sa unang bahagi ng papel. Sa bahaging ito, binibigayn ng mga

mananaliksik ng koneksyon o paglalapat naging pag-aaral sa mga teoryang nakapaloob sa

paradaym ng funsiyonalista.

Teoryang Contingency

Sa talakay ng mga mananaliksik, ito ay ang pagpili ng karera o propesyon na

umaagpang sa hinihinging mga batayan ng pangangailangan ng taong magdedesisyon. Sa

nakuhang impormasyon sa sarbey ng pananaliksik, kakakitaan na ang mga mag-aaral ay

may batayan din sa pagpili ng kanilang mga kursong kukunin. Dito pumapasok ang mga

salik tulad ng impluwensiya ng magulan, guro, at mga kaibigan o kabarkada.

Teoryang Transaksyonal

65

Page 49: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Sa talakay ng mga mananaliksik, dito binibigyang diin ang kakayahan ng guro na

magturo sa pamamagiatn ng pagiging isang epektibong namumuno sa loob ng klase.

Nakuha sa sarbey ang pananaw na ang isang guro ay mahalagang magkaroon ng

kwalipikasyon bilang may magandang karakter. Hindi madali ang kursong edukasyon

subalit may malaki naman silang puwang sa buhay-akademiko ng isang mag-aaral.

http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=dahilan%20ng%20pagpili%20ng%20kurso

%20sa%20kolehiyo&source=web&cd=13&ved=0CCkQFjACOAo&url=http%3A%2F

%2Fxa.yimg.com%2Fkq%2Fgroups%2F25358484%2F1474283343%2Fname

%2FKABANATA&ei=ZQ_nTtSiK8jyrQeNssWYBw&usg=AFQjCNEIgTcaNF-

vlQ_yQb06e8GlUQhVXQ

KABANATA V

KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito nakalakip ang mga kasagutan sa mga katanungang nais bigyan linaw ng

mga mananaliksik. Kasama rin sa pagtalakay ang mga rekomendasyong nais ipaabot ng mga

mananaliksik sa iba pang mga mananaliksik, sa mga mag-aaral, sa mga magulang, at mga tauhan

sa mga paaralan.

Tanong 1: Ano-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa kursong edukasyon?

Kinalabasan:

1. Batay sa kinalabasan ng mga sagot sa katanungan bilang isa, higit na marami kumpara sa

hindi ang naniniwalang hindi sapat ang kita ng mga guro sa mga pampublikong mga

paaralan.mayroon itong 97.5% Subalit, 62.5% ang nagsasabi na sa pribado ay

nakakakuha naman ng sapat na sweldo ang mga guro. Sa ika-pitong katanungan, 87.5%

hindi makapagbibigay garantiyang pinansyal ang kursong ito.

66

Page 50: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

2. Kung pagbabasehan naman ang kahalagahan ng ginagampanan ng mga guro sa buhay-

akademiko ng isang mag-aaral, 100% ay naniniwala na talagang may malaking puwang

ang mga guro sa bawat indibidwal. Sa ikawalong bilang, 100% ang nagsabing ang

magandang karakter ay isang malaking kwalipikasyon sa pagiging guro.

3. Marami sa mga respondyante ang kumbinsido na ang kursong Edukasyon ay hindi in-

demand (62.5%), kakaunti lamang ang kumukuha nito (85%) at ang kurso ay mahirap

gampanan (60%).

4. Ayon sa kasagutan sa bilang 13, may 77.5% ang sumasang-ayon na maganda maging

isang guro. Sa tanong bilang 14, 82.5% ang nagsasabing hindi kabilang ang kursong

edukasyon sa mga pinagpipiliang kurso sa kolehiyo.

Kongklusyon: Itinuturing ng karamihan sa mga mag-aaral sa ika-apat na taon ang kursong

Edukasyon bilang isang magandang kurso sapagkat ang trabaho ng mga guro ay may direktang

pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral. Subalit, naniniwala sila na mahirap ang kursong ito.

Magkagayumpaman, itinuturing nila na ang mga guro ay may mahalagang ginagampanan sa

buhay-akademiko ng bawat indibidwal. Sumasang-ayon din ang lahat sa kanila na ang pagiging

guro ay nangangailangan ng magandang karakter bilang isang importanteng kasangkapan sa

pagtuturo.

Naniniwala rin ang karamihan sa mga magsisipagtapos na ang mga guro sa mga

pampublikong paaralan ay hindi nakakatanggap ng sweldong angkop sa kanilang trabaho.

Tanong 2: Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa kursong

edukasyon?

Kinalabasan:

1. Sa mga katanungang bilang apat, lima at siyam, mas mataas ang porsyento ng mga

sumagot na Oo, 92.5% sa ika-apat, 82.5% sa ika-lima at 55% sa ika-siyam. Sa ika-anim

67

Page 51: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

na katanungan, 85% ang may pagsang-ayon sa kaisipang ang mga magulang, guro at mga

kaibigan o kabarkada ay may malaking epekto sa pagpili ng kurso sa kolehiyo.

2. May 97.5% ang naniniwalang hindi sapat ang kita ng mga guro sa mga pampublikong

mga paaralan. Habang, 62.5% ang nagsasabi na sa pribado ay nakakakuha naman ng

sapat na sweldo ang mga guro. Sa ika-pitong katanungan, 87.5% hindi makapagbibigay

garantiyang pinansyal ang kursong ito.

Kongklusyon: Ang mga magulang, guro at mga kaibigan o kabarkada ay mayroon ding

kontribusyon sa persepsyon ng mga magsisipagtapos sa larang ng kursong kanilang kukunin.

Ang kanilang mga impluwensya ay may kaakibat na epekto sa kalalabasan ng pagdedesisyon ng

isang kabataang aapak ng kolehiyo.

Isang malaking salik ang sweldo ng mga guro sa hindi pagkuha ng kursong Edukasyon.

Marami ang nagsasabing maganda ito subalit sa praktikal na pananaw, mas pipiliin pa nila ang

mga kursong nakapagbibigay ng mataas na sahod. Magkaganoon man, hindi pa rin nawawala ang

bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong hilig nila.

Tanong 3: Ilang porsyento ng mga mag-aaral ang nagbabalak kumuha ng kursong Edukasyon

pagtungtong sa kolehiyo?

Kinalabasan: Sa mga magsisipagtapos ng sekundarya sa Naga City Science High School, 7.5%

bahagdan ng kabuuang sample ang may nais kumuha ng kursong Edukasyon.

Kongklusyon: Kakaunti sa mga magsisipagtapos ang nagnanais na kunin sa kolehiyo ang

kursong Edukasyon.

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ang mga sumusunod:

Sa mga mananaliksik

1. Dagdagan ang bilang ng mga respondayante

2. Damihan ang mga tanong patungkol sa mga salik na nakaka-apekto sa persepsyon

68

Page 52: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

3. Mas bigyan tuon ang mga tanong patungkol sa persepsyon

Sa mga mag-aaral

4. Mas maging bukas ang isipan sa pagdiskubre ng ibang kurso

5. Alamin muna kung ano ang gusto bago magdesisyon sa kursong kukunin

Sa mga magulang

6. Bigyang pansin ang paggabay sa anak sa pagpili ng kurso

7. Suportahan ang mga anak sa kursong ninanais kunin

Sa mga administrador ng paaralan

8. Gumawa ng programa na maghihikayat sa mga mag-aaral upang kunin ang kursong

Edukasyon.

http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=dahilan%20ng%20pagpili%20ng%20kurso%20sa

%20kolehiyo&source=web&cd=10&ved=0CFIQFjAJ&url=http%3A%2F%2Fxa.yimg.com

%2Fkq%2Fgroups%2F25358484%2F1645564659%2Fname

%2FKABANATA&ei=PA_nTtaRDcq4rAeDl6SyBw&usg=AFQjCNE8uXfIPhkCx3h82ldUlTV8

FM3OOA

Yunit IVAralin 31. Propesyon Ko, Pipiliin Ko Nang Matalino

Panimula:Naisip mo na ba ang kursong kukunin mo sa kolehiyo?

Alam mo na ba kung ano ang iyong magiging propesyon sa hinaharap?

Ano naman kaya ang dahilan ng pagpili mo ng iyong magiging kurso o

propesyon?

Gawain AAno nga ba ang batayan mo sa pagpili ng kursong nais mo?

Gumawa ng isang maliit na sarbey sa loob ng klase tungkol sa sagot ninyo

dito.

69

Page 53: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Pagsusuri [cf. Discussion]

Paghahalaw [Konsepto ng Pagpapahalaga]Ang pagpili ng kurso at hanapbuhay ay isang malaking desisyon na

nangangailangan ngmatalinong pag-iisip. Upang matiyak na tama ang magiging

pagpili, kailangang isaalang-alang ang mga bagay na makakaapekto sa

magiging kalagayan at kasiyahan ng isang tao sa kanyang magiging

propesyon. Ang pagkilala sa sarili at sa pinpangarap na propesyon ay makatutulong

upang maging maayos ang desisyong gagawin.

Pagpapayaman ng KonseptoAng isang propesyon ay hindi mabubuo kung walang pangangailangan para

dito ang lipunan. Ang anumang uri ng propesyon ay may kontribusyon sa

ikabubuti ng isang lipunan.

Ang kurso na mapipili ng isang tao sa panahon ng kanyang pag-aaral ay

isang mahalagang hakbang sa pagkakaroon ng propesyon o hanapbuhay

sapagkat ito ang panahon ng kanyang preparasyon para sa pipiliing uri ng

gawain. Kaya naman ang pagplano ng propesyon ay ginagawa bago pa man

tumuntong ang isang tao sa kolehyo. Mahirap ang palipat-lipat at

papalit-palit ng kurso sapagkat nasasayang ang panahon at salapi sa

ganitong sistema.

Kinakailangan ang malinaw na batayan sa pagpili ng tamang hanapbuhay.

Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagplano ng karapat-dapat

na propesyon:

1.InteresIto ay importanteng bahagi sa pagdedesisyon ng tao. Ang mga bagay na

gusto niyang gawin ay may direktang kaugnayan sa propesyon na makabubuti

at makasisiya sa kanya.

2. KakayahanAng propesyon na pipiliin ng isang tao ay dapat na tugma sa taglay

niyang kakayahan. Ang kanyang kakayahan ay nagbibigay sa kanya ng

abilidad na magampanan ang mga gawaing hinihingi at kailangan sa isang

hanapbuhay.

Kung wala ang kailangang kakayahan, hindi magagampanan nang mahusay ang

gawain.

Maaaring malinang ang kakayahan sa pamamagitan ng pagsasanaay at pag-

aaral. Subali't kailangan nito ang taos-pusong pagnanais sa paglinang

nito.

Kapag hindi tugma ang propesyon sa kakayahan ng isang tao, masasayang

ang panahon, lakas at salapi.

3. Pagpapahalaga

70

Page 54: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Isa sa pangunahing konsiderasyon sa pagpili ng propesyon ay ang personal

na pagpapahalaga sa paggawa ng isang tao.

Ang isang tao na naniniwala na hindi dapat ilagay sa sariling kamay ang

kamatayan ng kapwa ay mahihirapan sa propesyong pagusundalo at

pagpupulis.

Kailangang magkatugma ang pagpapahalaga ng isang tao sa mga kondisyon at

benipisyong naibibigay ng kanyang mapipiling propesyon.

Mawawala ang kasiyahan ng paggawa kahit pa mataas ang kita mula dito

kung mararamdaman naman ng manggagawa na kailangan niyang isakripisyo

ang isang paniniwala at pagpapahalaga.

4. PersonalidadAng uri ng personalidad ng isang tao ay isaalang-alang din. May mga

partikular na katangian na kailangan sa isang hanapbuhay kaya ang

kaangkupan ng personalidad sa hanapbuhay na nais ay mahalagang alamin.

5. Pangangailangan para sa KursoAng pangangailangan o demand para sa isang kurso ay kailangan ding

tingnan. Hindi rin magiging matalino ang pagpili kung ang napupusuang

kurso ay hindi makapagbibigay ng tiyak na trabaho.

May mga kurso na sobrang dami ang kumukuha kaya mayroong tinatawag

na over supply ng mga nagtapos sa kursong iyon. Isaisip din ang

pangangailangan ng industriya para sa isang propesyon bago isiping

pasukin ito.

PaglalapatSagutin itong **Jungian Personality Test** Alamin ang inyong profile batay sa resulta ng

eksamen. Isulat ito sa inyong dyornal upang maging gabay sa pagkakataon na kailangan ang

mga impormasyong ito sa pamimili ng kurso sa kolehyo.

Pagbabalik- aral1. Kailangan ang matalinong pag-iisip upang makapagdesisyon nang tama ukol sa kurso

o propesyon na pipiliin sa hinaharap.

2. Ang pagkilala sa sarili at pagkuha ng mga impormasyon ukol sa kurso o

hanapbuhay na pipiliin ay susi sa pagkakaroon ng kasiyahan at kaayusan sa paggawa.

3. Ang kursong o propesyong pipiliin ay dapat na angkop o tugma sa interes, kakayahan,

pagpapahalaga, personalidad ng indibidwal at gayundin sa pangangailangan ng industriya para

sa kursong pipiliin.

http://evzamagallanes.wikispaces.com/Aralin+31

71

Page 55: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Saan Ba Ako Lulugar?

ni Geomar P. Zandueta

Sa pagtatapos ng ating paglalakbay sa Mataas ng Paaralan, hindi natin maiiwasan ang

mapaisip kung anong klaseng buhay ang nakalaan ng Diyos para sa atin sa hinaharap. Kahit ako

man ay nagagalak at nasasabik sa pagkakataong ito. Parang hindi na ako makapag-antay.

Simula pa noon ay lagi nang naging katanungan sa atin sa paaralan kung ano ang mga

ninanais nating ambisyon sa buhay. Ang paborito at pinaka-pangkaraniwan naman nating isinasagot

ay, “Gusto kong maging doktor. Tatanungin mo ba kung bakit? Eh kasi kwan...” Gusto nating

makatulong sa mga maysakit, iyon naman ang palagi nating dahilan, kung kaya hindi na ito dapat

itinatanong. Ako naman, mapasa-hanggang ngayon, ay hindi pa nakatutok sa aking magiging buhay

sa kolehiyo. Kumbaga, hindi ko pa ang aking magiging buhay sa mga panahong iyon. Gayunpaman,

kahit hindi ko muna lubos maisip ang wala pa roon, hindi ko mapigilan ang saying aking nadarama.

Sa wakas ay matutupad ko na rin ang akin mga pangarap. Ngunit sa kabila ng kasiyahang aking

nadarama ay may kalakip na kalungkutan at pag-aalala.

Hindi ko pa kasi lubos malaman kung anung tungkulin ba ang aking gaganapan sa lipunang

ito. Ako ba ay ung tipong manggagamot ng maysakit, manghuhuli ng masasamang loob, pumatay

ng sunog, manghuli ng mga isda, magtanim ng mga pananim, magtuturo sa mga iliterato,

magbenta ng Korean Surplus, magpapasabog ng kung anu-anong kemikal na sangkap sa

laboratoryo, magtrabaho sa Unilever, maglalakbay patungo sa buwan, umakyat sa Mount Everest,

magpatayo ng sariling mall, mag-artista, maging co-host ng Willing Willie, at kung anu-ano pang

mga malalaking pangarap. Alin, alin ba talaga sa mga nabanggit ko ang nakatakda para sa akin?

Sakit sa ulo ang isipin ang lahat ng iyon. Hindi pa man ako natatapos sa hayskul, hindi pa

rin ako papasok sa kolehiyo. Mapaisip man ako sa mga bagay na ito ay hindi ko pa rin mabigyang

linaw ang aking magiging buhay sa hinaharap. Talaga ngang napakahirap pag-usapan ang “what is

still not there”.

Ang kolehiyo ay ang susi sa ating tagumpay sa buhay. Ito ay nagbubukas ng pinto upang

mas makilala natin ang ating mga sarili. Dahil dito, mas nalalaman natin ang ating mga kakayahan

at kahinaan. Mas nasusuri natin kung saang aspeto ng buhay ba tayo nangingibabaw. Sa kolehiyo

rin natin mas napapalawak pa ang ating kaalaman at kabihasnan sa mga bagay-bagay. Dito natin

nakikita ang ating mga potensyal at hilig sa paggawa. Ito ay nagmimistulang tuntong bato natin sa

pag-abot ng ating mga pangarap. Malaking pribilehiyo sa kaninuman ang makatuntong ng kolehiyo.

Dapat tayong magpasalamat sa Diyos at sa ating mga magulang dahil sa kanilang pagsisikap upang

tayo ay makapagtapos.

72

Page 56: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

Kasabay nito, hindi pa siguro natin malaman kung anong paaralan ang dapat nating

pasukin. Hindi na nga natin alam kung anong kurso ang dapat kunin, hindi pa talaga natin alam

kung saan tayo mag-aaral. Tila tayong mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng hayskul ay alanganin

pa sa ating mga desisyon sa buhay. Tayo’y mga pawang hilaw pa sa mga pasikot-sikot sa mundo, at

kailangan natin ng paggabay ng ating mga magulang. Sa mga entrance test na ating napasa sa

ating lugar o mapa-sa iba mang lugar, mas napapalawak ang ating pagpipilian. Kung higit sa isang

paaralan ang ating naipasa, mas mainam dahil mas nabubuksan ang ating pag-iisip kung saan ba

tayo nararapat. Kung sakaling mas pipiliin nating mag-aral ng kolehiyo sa ibang lugar, may mga

magaganda at mga hindi masyadong magandang mga salig na dapat nating malaman upang tayo

ay magabayan sa ating pagpili tungo sa tamang paaralan.

Una, kung saka-sakaling nanaisin man nating mag-aral sa ibang lugar, mas maisisiwalat sa

atin ang tunay na kahulugan ng realidad. Matututo tayong umasa sa ating mga sarili, at sa ating

mga sarili lamang. Magiging independent tayo at mas magkakaroon tayo ng kumpiyansa sa ating

mga sarili. Mapapatunayan na natin sa wakas kung ano ba talaga ang mamuhay nang mag-isa, at

mararanasan natin kung gaano ba ito kahirap. Matututo tayong harapin ang mga pagsubok ng

walang ibang inaasahan kung hindi ang ating mga sarili.

Dahil bago sa ating paningin ang lugar, paaralan, mga pamilihan, siyudad at mga pook,

mas malalantad tayo o mas ma-e-expose sa bago. Ito ay mabuti na rin upang magkaroon tayo ng

karanasan kung papaano ba mamuhay sa ibang lugar, at hindi maisara ang ating pagpapayaman ng

kaalaman sa nakagawiang lugar lamang. Matututo tayong mag-familiarize ng lugar na iba pa sa

ating sariling tinitirhan. Mas malaki rin ang oportunidad lalo pa kung sa Maynila ka mag-aaral. Anila,

mas medaling makahanap ng trabahong mapapasukan kung ikaw ay magiging graduate ng mga

kilalang paaralan nila roon.

Sunod, ang bagong lugar ay mangangahulugan din ng bagong mga kaibigan. Mapapalawak

ang iyong circle of friends at mas makakakilala ka ng iba’t-ibang taong may iba’t ibang

personalidad. Matututunan mong mag-adjust sa kanilang mga ugali dahil sila ang iyong mga

makasasalamuha sa iyong pananatili sa lugar na iyon. Ang mga bagong kaibigan ay

nangangahulugan din ng mas masaya at enjoy na samahan. Mas maraming kaibigan, mas masaya.

Ngunit sa kabila nang masasayang dulot ng pag-aaral sa malayo ay may mga di kanais-nais

ding mga bagay na mangyayari kung saka-sakaling maisipan nating mag-aral sa malayo. Maaari

tayong magkaroon ng homesickness o pangungulila sa ating pamilya at tahanan. Mangungulila tayo

sa ating mga nakagawiang lugar, bagay at gawain. Sa simula ay maaari tayong mahirapang

mamuhay nang hindi na umaasa masyado sa ating mga magulang. Hindi sa lahat ng pagkakataon

ay naroon sila upang bisitahin ka, pakainin ka o alagaan ka. Maaari ring maging problema ang

malaking gastusin. Ang iyong titirhan sa ibang lugar ay papatak buwan-buwan o lingo-linggo. Ang

iyong kakainin din at mga gastusin sa mga gamit iba pa. At higit sa lahat, ang tuition fee o

pambayad sa paaralan. Naku po, tiyak na mas mahal ang natatayang tuition fee kung napakaganda

ng paaralang iyong nais pasukan.

Nasa sa atin pa rin ang huling desisyon. Kung nanaisin ba nating mag-aral sa malayo, dapat

nating panindigan na atin itong pagbubutihin at hindi sasayangin ang pribilehiyo. Hindi lahat ng

mag-aaral ay nabibigyan ng ganitong oportunidad. Hindi rin dapat natin maging basehan ang

paaralang papasukan ng ating mga matatalik na kaibigan. Kung hindi mo naman gusto ang paaralan

na iyon, bakit mo pa ipagpipilitan ang iyong sarili roon? At tsaka, magkikita-kita pa rin naman kayo

ng iyong mga kaibigan. Kung talagang tunay nga kayong magkakaibigan, hindi ninyo malilimutan

ang inyong pinagsamahan. Hindi rin dapat tayo maimpluwensyahan ng course na gustong kunin ng

73

Page 57: Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa ...docshare01.docshare.tips/files/28901/289015951.pdf · Ang dahilan kung bakit ako sumulat ... iniisip kung saan pwedeng

iba. Dapat ay nanggagaling ito sa ating mga sarili upang hindi na tayo magsayang ng panahon at

pera kung sakaling maisipan nating magpalit ng kurso. Higit sa lahat, kinakailangang aprubado ang

lahat ang lahat ng ating desisyon ng ating mga magulang. Humingi tayo ng payo mula sa kanila at

huwag silang pilitin ipagaral tayo sa napakamahal na paaralan na hindi naman abot ng kanilang

makakaya. Huwag din nating kalimutang pasalamatan ang Diyos.

Kahit ano pa mang course, at saan pa mang paaralan ang atin papasukan sa kolehiyo,

nakasalalay pa rin ang ating pagtagumpay sa buhay sa ating pagsisikap sa pag-aaral. Kahit anong

paaralan pa yan, kahit gaano pa ka-baba ang tuition, ang importante ay masipag ka, mataas ang

iyong marka, mabait kang mag-aaral, at may respeto ka sa kapwa. Ang busilak na loob ang siyang

magdadala sa iyo tungo sa kaunlaran. Good Luck!

http://colombierebears.jimdo.com/2011/02/01/saan-ba-ako-lulugar/

74