ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating...

15
ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA

Transcript of ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating...

Page 1: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

ANG PANGLALAKBAY NI

DAVE SA

Page 2: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Sa isang maliit na bayan sa bulubunduking probinsya ng Compostela

Valley ay nakatira ang isang batang nagngangalang Dave. Siya ay ikaapat sa

anim na magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay magsasaka.

Itinataguyod silang magkakapatid mula sa mga kinikita ng kanilang magulang

sa pagbebenta ng ani at pag-aalaga ng ibat-ibang hayop katulad ng baboy,

tupa at kalabaw. Sa murang edad pa lamang ay namulat na si Dave sa hirap

ng kanilang buhay bagamat malawak ang kanilang lupain sapat lang ang

kinikita ng kanyang mga magulang para sa kanilang pangaraw-araw na

pangangailangan at pagpapa-aral sa kanilang magkakapatid. Kaya naman

pinagsusumikapan niya palagi ang kanyang pag-aaral upang masuklian niya

ang pagsusumikap ng kanyang mga magulang.

1

Page 3: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Maagang gumising si Dave upang makapag-almusal at gawin ang

kanyang mga gawain sa buhay bago umalis papuntang paaralan. Pagpasok ni

Dave sa kanilang silid-aralan ay agad niyang nadatnan ang kanyang

paboritong guro na naghahanda para sa tatalakayin nilang paksa. Hangang-

hanga si Dave kay sir Harvey sapagkat napakagaling nitong magturo ng

asignaturang Araling Panlipunan. Bawat araw ay inaabangan niya ang mga

kwento ng kanyang guro tungkol sa mga lugar sa ibayong dagat na

napuntahan nito tulad ng Singapore, Malaysia , Japan at Thailand. Nang dahil

kay sir Harvey ay nagkaroon siya ng interes na tuklasin ang mga lugar na parating

binabanggit nito. Kaya naman nagsusumikap siya nang husto sa pag-aaral

upang baling araw ay mapuntahan niya ang mga lugar na iyon.

2

Page 4: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Malapit ng magtakip-silim nang makauwi si Dave. Sabik na sabik siyang

magkwento sa kanyang mga magulang tungkol sa mga natutunan nito sa klase

pati ang mga kwento ng kanyang paboritong guro. Habang silay

nagsisihapunan walang sawa niyang naibanggit ang mga nakamamanghang

lugar na napuntahan ng kanyang guro at paulit –ulit niyang sinasabi na balang

araw ay mapupuntahan niya iyon. Pagkatapos , ay agad silang nagligpit ng

pinagkainan. Makalipas ang ilang minuto ay kanya-kanya silang pumasok sa

kanilang silid.

3

Page 5: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Nagmumuni-muni sa Dave sa kanyang silid habang siya ay nakahiga at

inaaliw ang sarili sa kaiisip tungkol sa mga naikwento ng kanyang guro.

Makaraan ang ilang sandal ay hindi niya namalayan na siya’y nakatulog nang

mahimbing. Pagkalipas ng ilang oras ay bigla siyang nagising nang may

maaninag siyang liwanag sa labas ng bintana. Malalim na ang gabi ngunit hindi

mapakali si Dave sa ilaw na nagmumula sa labas. Nilapitan niya ito at laking gulat

niya nang makakita siya ng isang matandang babae na nakasuot ng isang

makinang na damit. Takot at hindi makapagsalita si Dave dahil nang Makita niya

ang babae ay nakalutang lamang ito sa ere. Sa isip niya baka ang matandang

babae ay isang maligno. Ngunit bigla namang napawi ang kanyang takot nang

magpakilala ang matandang babae at sinabi ang pakay nito sa kanya.

4

Page 6: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Ayon sa matandang babae na nagpakilala bilang Diyosa ng Panaginip,

siya ay matagal nang nagmamasid kay Dave simula noong musmus pa lamang

ito. Tuwang-tuwa si Diyosa ng Panagginip kay Dave dahil siya ay mabuting anak.

Alam rin niya ang mga pangarap ni Dave. Katulad ng makapaglakbay sa mga

lugar sa Asya na parating binabanggit ng kanyang guro. Kaya naman sinabi ni

Diyosa ng Panaginip na tutungan niya si Dave na matupad ang kahilingan nito

basta’t wala siyang pagsasabihan tungkol sa kanilang pagtatagbo. Hindi

naman natakot si Dave at madaling nakuha ng Diyosa ang kanyang loob at sa

isang iglap lang ay agad na naglaho si Dave sa kanyang kinatatayuan at siya’y

napadpad sa ibang lugar .

5

Page 7: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Napunta si Dave sa isang napakadilim na silid. Wala siyang maaninag na

liwanag. Siya’y nanginig sa takot nang biglang lumiwanag at nagpakita sa

kanya ang Diyosa ng Panag-inip. Lumapit ito sa kanya at sinabihan siyang

machining muna sa kanya . Sinabi ng Diyosa na may kailangan muna siyang

aalamin bago simulan ang engrandeng paglalakbay. Nalaman niya mula sa

Diyosa na pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga

kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong mahigit 17 milyong milya

kwadrado (humigit kumulang na 44,936,000 kilometro parisukat), katumbas nito

ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia,

at halos sankapat (¼) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓)

bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.

6

Page 8: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Maliban doon ay nalaman din niyang nahahati sa limang rehiyon ang Asya:

Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at

kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa

paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto. Ang Hilagang Asya

ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan,

Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at

Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia. Sa

Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa,

Asya at Europa. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia,

Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab

Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Bahagi naman ng

Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at

Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang

pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives. Ang Timog-Silangang Asya ay nakilala

bilang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing

kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-

regions: ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos,

Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei,

Singapore, East Timor). Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North

Korea, South Korea, at Taiwan.

7

Page 9: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Maraming nalaman si Dave mula sa mga sinabi sa kanya ng Diyosa.

Masasabi niyang kasingtalino nito ang kanyang paboritong guro na si Sir Harvey.

Busog na busog siya sa kaalaman ng sandaling iyon. Maya-maya ay tinapik siya

ng Diyosa at sinabing siya’y maghanda at magsisimula na ang kanilang

paglalakbay at sa isang iglap ay narating nila ang rehiyon ng Timog- Silangang

Asya.

Unang tinungo nila sa rehiyong ito ang ibat-ibang anyong lupa at tubig na

matatagpuan rito katulad ng mga isla, kapatagan, kagubatan at kabundukan.

Ilan sa mga tanyag na anyong lupa ay ang hagdan-hagdang palayan ng

Ifugao sa Pilipinas, Mt. Kota Kinabalu sa Malaysia, mga magagandang isla sa el

nido Palawan at Sangkhlaburi Thailand. Kabilang naman sa mga tanyag na

anyong tubig ang Mekong river ng China, Manila Bay ng Pilipinas, Straits of

Melacca sa Malaysia at Underground river ng Palawan.

8

Page 10: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Sa kanyang pagtuklas ng ibat-ibang mga lugar sa Timog-

Silangang Asya ay may nakilala rin siyang mga tao. Katulad ng pangkat

ng Balinese ay matatagpuan sa kapuluan ng Bali , Lombok at kanlurang

bahagi ng Sumbawa sa Indonesia. Hinduismo ang pangunahing

relihiyon nila. Ang kultura ng Balinese ay nag-uugat sa ispiritwalidad ,

relihiyon , tradisyon at sining. Para sa mga Balinese ang relihiyon ay

sining. Karamihan sa mga Balinese ay mga magaling sa sining.

Nahinuna rin ni Davve na pangunahing hanap buhay ng mga taga

Balinese ang pagsasaka. Sinasalamin ng kabuhayan ng mga Balinese

ang karaniwang hanap buhay ng mga tao sa Timog-Silangang Asya

dahil sa nakakaranas ito ng katamtamang klima. Kaya maraming

makakapal na kagubatan sa rehiyong ito at napakayaman rin sa

biodiversity.

9

Page 11: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Matapos niyang puntahan ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay

tumungo siya sa rehiyon ng Silangang Asya at ditto ay nakilala niya ang

mga Ngalops na nagdala ng kulturang Tibetan at Buddhismo sa Bhutan

na hanggang sa kasalukuyang panahon ay umiiral sa bansa.Ang

kanilang wikang Dzongkha ang pambansang wika sa Bhutan. Iniangkop

ng mga Ngalops ang kanilang kabuhayan sa kanilang kapaligiran sa

kapatagan at lambak karaniwang pag-aalaga ng baka at pagsasaka

ang hanapbuhay. Pangunahing pananim ay palay , patatas , trigo at

barley. Pagaalaga at pagpapastol naman ng yak ang pinagkakakitaan

sa mga kabundukan. Dahil sa uri ng pamumuhay ng mga Ngalops ay

nahinuha ni Dave kung anong uri ng klima mayroon ang rehiyong ito.

Napag-alaman niyang Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.

Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung

buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang

Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo

ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon. Samantala, kabilang sa

anyong tubig at lupa na kanyang natuklasan ay ang Indian Ocean at

ang bulubundukin ng Himalayas na kung saan matatagpuan ang Mount

Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

10

Page 12: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Naging masaya ang paglalakbay ni Dave sa dalawang rehiyon.

Ang ikatlo niyang pupuntahan ay ang rehiyon ng Kanlurang Asya. Ang

rehiyong ito ay mayaman sa deposito ng langis kaya naman halos lahat

ng mga bansa dito ay kabilang sa mga pinakamayayamang bansa sa

daigdig. Yun nga lang ay salat sa tubig ang mga bansa dito dahil sa

malawak nitong disyerto. Karamihan sa mga naninirahan dito ay mga

Arabo na kabilang sa mga kapatid nating mga Muslim. Ang mga lugar

ditto ay nakararanas ng pinakamainit na panahon at napakalamig na

panahon tuwing taglamig. Karaniwang nabubuhay na hayop ang mga

kamelyo kaya naman napakahalaga nito para sa mga Arabo.

Samantala may tumtutbo naming mga halaman sa mga OASIS sa gitna

ng disyerto na kung saan ay mayroong tubig at pinamumugaran ng mga

pananim tulad ng cactus. Ang mga tanyag na lugar sa rehiyong ito ay

ang Dubai ng United Arab Emirates , Kuwait at Saudi Arabi na maraming

kababayan nating mga pinoy ang nagtatrabaho.

11

Page 13: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Mula sa napakainit na lugar ay nagtungo naman si Dave sa rehiyon

ng Hilagang Asya. Mararanasan dito ang mahabang taglamig na

karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit

may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman,

malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa

sobrang lamig. Matatagpuan dito ang Laike Baikal , ang pinakamalalim

na lawa sa buong mundo. Bagamat namangha siya sa kanyang mga

Nakita ay hindi na siya gaanong nagtagal dahil sa sobrang lamig ng

klima at napadesisyunan niyang tumungo sa Silangang Asya bago

umuwi sa kanyang tahanan.

Pgadating niya sa Silangang Asya ay agad bumungad sa kanya

ang malamig na simoy ng hangin at mga magagandang tanawin na

matatagpuan ditto. Kabilang sa mga anyong lupa na kanyang

napuntahan ay ang tanyag na Mount Fuji sa Japan at Gobi desert ng

China. Sa anyong tubig naman ay nakita rin niya ang napalaking

Guangzho River at Victoria Harbor na daanan ng mga barkong palabras

at papasok ng Hong Kong , China. Sa paglalakbay niya sa rehiyong ito

ay nakilala niya ang mga Hapones, Tsino, Taiwanese at mga Koryano.

Namasdan niyang pare-pareho ang pagmumukha ng mga taga

silangang rehiyon ng Asya, mapuputi at singkit.

12

Page 14: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng

rehiyong ito, ang mga bansa rito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon:

mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude,

malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon .

Dahil sa klima dito , taglay ng rehiyog ito ang mga halaman katulad ng

tundra at steppe na tumutubo lamang sa mga lugar na may kagayang

klima ng rehiyong ito. Hindi rin niya pinalampas na makapamasyal sa

mga matataong lugar katulad ng Beijing at Shanghai sa China at Tokyo

, Japan. Namangha siya sa napakamodernong pamumuhay mayroon

ang mga tao rito na malayong-malayo sa kinagisnan niyang lugar.

Matapos siyang makapaglibot ay napagdesissyunan niyang umuwi na

sapagkat siya ay napapagod na rin sa kapapamasyal.

13

Page 15: ANG PANGLALAKBAY NI DAVE SA · 2018. 9. 10. · Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,

Pagdating ni Dave sa kanilang tahanan ay hindi parin siya

makapaniwala natupad ang lahat ng mg pangarap niya. Ngunit

ikinagulat niya ang pangyayari nang makarinig siya ng ingay. Iyon pala

ay hindi totoo ang mga panaginip niya. Halos kathang isip lang. Nagising

siya nang maaga at agad niyang nahinuha na ang lahat ng nangyari ay

sadyang panaginip lang . Ngunit maganda naman ang kinalabasan

sapagkat nakadagdag ito sa kanyang kaalaman at mas nagsumikap pa

siyang mag-aral.

Hangang dito lamang.

14