Ang Matsing at Ang Pagong

31
Ang Matsing at ang Pagong (Ang Pagpapatawad)

TAGS:

Transcript of Ang Matsing at Ang Pagong

Page 1: Ang Matsing at Ang Pagong

Ang Matsing at ang Pagong

(Ang Pagpapatawad)

Page 2: Ang Matsing at Ang Pagong

Nagtatawanan sina Matsing at Pagong kapag naaalala nila ang kanilang pag-

aaway. Matindi ang naramdaman nilang poot para sa isa’t isa noon.

Page 3: Ang Matsing at Ang Pagong

“Ang takaw mo kasi. Hindi mo na ako binigyan ng hinog na saging nang matikman mo ito!” ang kunyaring pagalit na paalala ni Pagong kay

Matsing.

Page 4: Ang Matsing at Ang Pagong

“Oo, inamin ko naman ang kasalanan ko. Biglang nawala akjo sa sarili nang

matikman ko ang napakatamis na saging mula sa iyong tanim,” kumpisal

ni Matsing.

Page 5: Ang Matsing at Ang Pagong

“Pero hindi ko malilimutan ang sakit na naramdaman ko mang matusok ako ng

tinik na inilagay mo sa katawan ng saging pagbaba ko rito.

Page 6: Ang Matsing at Ang Pagong

Hindi ka pa nasiyahan doon nagtago ka pa sa bao para kagatin ang buntot ko

nang maupo ako rito upang magpahinga. Ang tindi mong gumamit,

kaibigan!” natatawang kwento ni Matsing.

Page 7: Ang Matsing at Ang Pagong

“Ikaw ba naman ang magutom nang matindi sa kahihintay sa ihahagis mong saging e, gagawin mo talaga ang mga

iyon. Idagdag pa nating ako ang nagpakahirapna alagaan iyon hangang

mamunga ng prutas, ano?

Page 8: Ang Matsing at Ang Pagong

Tapos sa isang saging hindi mo ako binigyan! Pero naisahan pa ulit kita, di ba? Nang mahuli mo ako ay gaganda

ang kulay ko kung iihaw moako; na dadami ako kung tatadtarin mo ako;

Page 9: Ang Matsing at Ang Pagong

at magmakaawa ako sa iyo nahuwag mo akong ihagis sa ilog kasi malulunod

ako roon. Hindi mo pala alam na sa tubig ako nabubuhay?” ang sunod-

sunod na paggunita ni Pagong.

Page 10: Ang Matsing at Ang Pagong

“Ha-ha-ha!” muling nagtawanan ang dalawa.

Page 11: Ang Matsing at Ang Pagong

Dahil matalik ngang magkaibigan sina Pagong at matsing ay hindi nila natiis

na hindi pansinin ang isa’t isa. Masiyado silang nagulila sa isa’t isa

kaya’t nagkabati rin sila. Ganito rawang nangyari sa kanilang muling

pagkakasundo.

Page 12: Ang Matsing at Ang Pagong

Sa tuwing nagpapalipat-lipat si Matsing sa puno at naglalaro sa mga baging

nito ay palagi siyang palihim na sinisilip ni Pagong.

Page 13: Ang Matsing at Ang Pagong

“Hay, mahirap ang mawalan ng kaibigan. Sabik na akong makalaro

siyang muli,” ang pabulong na usal ni Pagong sa sarili.

Page 14: Ang Matsing at Ang Pagong

Lingid sa kaalaman ni pagong ay halos pareho lamang silang damdamin mi

Matsing. Tulad niya si Matsing ay nalungkot din. Sising-sisi ito sa kanyang

ginawang panlalamang sa kaibigan.

Page 15: Ang Matsing at Ang Pagong

Palihim din niyang tinatanaw si pagong kapag lumalangoy ito sa ilog na mag-

isa habang nakatago siya sa mga dahon ng punong kaniyang nilalambitinan.

“Hay, bakit ko ba kasi nagawa ang lamangan ang aking kaibigan.

Page 16: Ang Matsing at Ang Pagong

Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi sana ako mag-iisangayon.

Napakahirap nang walang kaibigan.”

Page 17: Ang Matsing at Ang Pagong

Isang araw na papasikat ang araw ay naisipan ni Matsing na muling balikan ang dating punong saging na itinanim

nila ni Pagong noon. Marami nang mga puno ang diton ay namumunga.

Tanaw na tanaw ito sa kanyang kinaroroonan.

Page 18: Ang Matsing at Ang Pagong

Ngunit ang hindi niya alam ay naroon din din si pagong sa lugar na

iyon. Ipinagpatuloypala nito ang pagpaparami ng saging kaya biglang

dami ang puno ng saging nanamunga sa tabi ng kanilang

naunang itinanim.

Page 19: Ang Matsing at Ang Pagong

Paalis n asana si Pagong nang bigla niyang nakit si Matsing. Nabanaag niya

ang kalungkutan sa mata nito. Damang-dama niyang nagsisisi na ang

dating kaibigan.

Page 20: Ang Matsing at Ang Pagong

Habang tinitignan ni pagong si Matsing ay di sinasadyang

mapabaling ito sa kinalalagyan niya. Nagtama ang kanilang mga

paningin.

Page 21: Ang Matsing at Ang Pagong

Sa sobrang pangungulila marahil sa isa’t isa ay mga nahihiytangngiti

ang sumilay sa kanilang mga labi. Ginamit niMatsingang pagkakatong ito at lakas-loob siyang lumapit sa

kaibigang si pagong.

Page 22: Ang Matsing at Ang Pagong

“Kaibigang Pagong, patawarin mo ako! Hindi kokayang mawalan ng

isang mabuting kaibigang tulad mo. Gusto kong maging magkaibigan ulit

tayo. Sigurado akong wala nang makasisira sa ating samahan!” ang madamdaming pakiusap ni Matsing

kay pagong.

Page 23: Ang Matsing at Ang Pagong

Hindi pa naman tapos magsalita si matsing ay buong pagmamahal na

tinalunan niya ang kaibigan na parati nilang ginagawa noong

kapag sila ay naglalaro.

Page 24: Ang Matsing at Ang Pagong

“Kalimutan na natin iyo, kaibigang Matsing. Magsimula tayong muli bilang magkaibigan.Kung anuman

ang nangyari sa nakaraan ay maging aral na lang sa atin at huwag na

anting ulitin.

Page 25: Ang Matsing at Ang Pagong

Hindi tayo nagiong magandang halimbawa sa ating mga kaibigang

hayop. Halos nalaman pala ng buong kagubatan ang nangyaring pag-aaway

natin. Palagi tuloy tayong napagkukwentuhan,” sabay tawang

malakas ni Pagong.

Page 26: Ang Matsing at Ang Pagong

“Nabalitaan mo rin pala yun. Hindi bale nagyon kapag nakita taong iba

pang hayop na magkasama ay siguradong mabbago na ang

kanilang kwentuhan hinggil sa atin.

Page 27: Ang Matsing at Ang Pagong

Masasabi nilang ang tunay na magkaibigan ay hindi

mapaghihiwalay ng anumang uri ng alitan. Maraming salamat sa iyo ha, kaibigang pagong,” Nagagalak

na paliwanag ni Matsing.

Page 28: Ang Matsing at Ang Pagong

Simulanganoon ay hindina muling nagkagalit ang dalawang matalik na magkaibigan. Pinarami nila ng pinarami angmga puno ng saging na kanilang inalagaan sa tabi ng

ilog.

Page 29: Ang Matsing at Ang Pagong

Kapag hinog na ang mga ito ay si Matsing ang nangunguha.Kapag

hinog na ang mga ito ay si Matsing ang nangunguha. Lahat ng saging

na kanyang inaani ay pinaghahatian nila ni Pagong.

Page 30: Ang Matsing at Ang Pagong

Sabay nilang kakaininang mga ito. Dahil sobra-sobra pa ang kanilang

nakukuhang prutasay nakapamimigay pasila sa ibang mga

hayop sa tabing-ilog at sa kagubatan.

Page 31: Ang Matsing at Ang Pagong

Wakas